《Love Me, My Prince》 Chapter 1 - Prin Matsui Nanunuot ang hamog sa buong kapaligiran, sa lugar na iyon sa UK. Nasa loob siya ng isang kulungan na gawa sa bakal na hinihila ng isang sasakyan papunta sa gawing norte. Dinukot siya ng Pamilya ng Peters kaya alam ni Cally na nagsimula na ang laban sa pagitan ng mga ito laban sa pamilya niya - ang Pamilya Kent. Pinipilit niya na hindi makatulog sa nagaganap. Hindi pwede na mawalan siya ng malay dahil sa sobrang ginaw. Naisip niya ang Mama niya, ang Daddy niya at ang tatlo pa niyang mga kapatid. Isa pa, hindi maaari na mamatay siya doon. Sigurado siya na iiyak ang Mama niya. Magdedeklara ng digmaan ang Dad niya. At hindi matatapos ang laban sa pagitan ng lahat. Sa loob ng ilang taon, nagsikap si Cally na angatan ang kung anuman ang narating ng magulang niya. Kaya nga ilang taon din siyang nag-train. Dahil alam niya na noon pa man, siya ang Prince of ''Dark Lords'' na magiging Master sa buong samahan pagdating ng takdang panahon. Nagising sa kaisipan si Cally dahil bigla na lang may lumipad ng babae mula sa kung saan sa ibabaw ng kulungan. "Gilid!" sabi nito. Sinunod naman niya ang nais nito. May kinabit ito na kung ano sa rehas na bakal na nakapagpatunaw sa bagay na ''yun. Habang unti-unting umiinit at natutunaw ang rehas, napansin sila ng isang bantay mula sa loob ng sasakyan. "Hoy!" sigaw nito at nagmadaling lumapit sa kanila. Pero ilang dipa pa lang ang layo nito sa kanila ay may inilabas nang animo''y karayom ang babae dahilan upang maparalisa ng kaunti ang lalaking iyon. Hindi nito naigalaw ang katawan na tinusukan ng karayom. Ngumisi lang ang babae. Ilang minuto pa, natunaw na nang tuluyan ang bakal at agad na lumabas si Cally. Noon lang nasuri ng mabuti ang babae sa malapitan. Mahaba ang buhok nito na naka-pusod ng mahigpit. Wala ni isa man na hibla ng buhok ang nalipat sa ibang pwesto. Mata na maihahalintulad sa diyamante, maganda at kumikinang. Sa height ni Cally na naglalaro sa anim na talampakan at higit pang pulgada, sa tingin niya nasa limang talampakan at limang pulgada ang tangkad nito. Makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang labi. Napaisip si Cally na may mali sa sitwasyon. Iniligtas ba siya ng isang prinsesa? "Bago pa nila tayo mahuli, kailangan na natin umalis!" sabi nito sa kanya. Doon lang nakabalik si Cally sa reyalisasyon. "Who are you?" tanong niya dito. "Cally, are you joking? Prin Matsui. Remember?" nagtaas ang kilay nito at parang hindi makapaniwala sa kanya. Agad din namang naglaho ang imahe at ang pangyayaring iyon nang bumalikwas ng bangon si Cally. Mabilis ang tibok ng puso niya. Nitong mga huling araw, madalas niyang mapanaginipan ang babae. Nasasaktan siyang isipin na namatay ito dahil sa kapabayaan niya. "Prin¡­" usal niya sa pangalan ng babae. Chapter 2 - Obligations Bumalikwas ng bangon si Cally dahil napanaginipan niya si Prin. Tumayo siya mula sa kama at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig. Matapos diretsong inumin ang tubig mula sa fridge, isinandal muna niya ang magkabilang kamay sa magkabilang gilid ng ref. Sinilip niya ang relo na nasa pader. Alas tres ng madaling araw. Wala na siya sa mood na matulog kaya nagpalit siya ng running clothes saka lumabas ng bahay. Nag-iisa siya sa bahay na nabili niya nang nakaraang taon nang mapagdesisyunan niyang manatili sa Maynila para tumulong sa Daddy niya sa business. Naisip niyang tumakbo na lang sa buong village. Habang tumatakbo ay naisip niya si Prin, ang namatay niyang asawa. Bumilis ang takbo ni Cally nang maalala ang babae. ***** "Hindi ko na kaya Cally" umiiyak na sabi nito habang nakahawak ang kamay sa makapal na tali. Nasa bangin ito dahil tinulak ng isang White Guard mabuti na lang at naihagis niya kaagad ang tali para mahawakan nito matapos niyang baliin ang leeg ng White guard na iyon. May pilay sa kamay si Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ng babae kaagad. "Honey, please.. Please.. Hold on." sabi niya habang ginagamit ang buong lakas para maiangat ito papunta doon sa itaas. "Ahh!!!" hiyaw ni Cally. Dahil biglang may sumaksak sa braso niya. Lalong lumakas ang iyak ni Prin dahil nakita nito ang nagaganap sa itaas. Naramdaman nalang ni Cally na gumaan ang hawak niya dahil bumitaw na ang babae. "Noooooo!!!!" ***** *huff* *huff* Hinihingal si Cally sa pagtakbo nang makabalik sa bahay. Nakayuko niyang hinawakan ang tuhod. Hanggang sa mga oras na iyon, naaalala niya ang babae. Tumuloy siya sa bahay. Uminom muna muli ng tubig at dumeretso sa mini Gym niya. Meron siyang boxing punching bag, bike at kakaunting weights. Sinimulan niyang suntukin ang punching bag para mailabas ang galit niya sa dibdib. Naaalala niya ang nakangiting mukha ng babae habang sumusuntok sa punching bag. Ilang suntok pa, umalingawngaw ang tunog ng telepono sa buong bahay kaya nalipat ang atensyon niya. "Yes?" sagot niya. Hindi siya sanay na sumagot ng "Hello" sa telepono dahil iilan lang ang nakakalam sa numero ng landline na iyon. Isa pa, tanging tauhan at mga kapatid niya ang nakakaalam ng numero na iyon. "Master, pinatatawag ka ni Madam Lira. Kailangan niyong bumalik sa UK." sagot ng nasa kabilang linya. Binaba niya agad ang tawag. Kung ano ang responsibilidad ni Cally sa kompanya ng MGM ay mas mabigat ang responsibilidad na meron siya sa samahan ng Dark Lords. At hindi siya basta-basta papupuntahin doon ng Lola niya na si Madam Lira nang walang dahilan. Agad niyang inayos ang gamit. Tinawagan ang piloto ng personal niyang eroplano para abisuhan ito. Habang nasa sasakyan papunta sa airport, tinawagan niya ang Daddy niya na si Cloud Han para ipaalam dito na mawawala siya ng ilang araw. "Dad, I''m going to UK." Matagal na tahimik ang Daddy niya sa kabilang linya. "I have never said I''m sorry in the past, I''m sorry if you became my son that you were able to do this hard things." sabi nito sa kabilang linya. Nalungkot siya sa sinabi nito. He will never questioned himself or his family being a Kent or Han because he love all of them. Pero naiintindihan niya na lihim na nalulungkot ang pamilya niya dahil kung hindi rin dahil sa responsibilidad na meron siya ay buhay pa sana si Prin. "Dad, I like what I am doing. you don''t have to say sorry." Tahimik muli ito. "are you now ready to be the Headmaster of the Dark Lords?" tanong nito sa kanya. "Yes" Chapter 3 - His Shogun Sinalubong siya ni Lorenz, isang shogun (head ng Dark Guards) pagdating sa airport. Si Lorenz ang kasa-kasama niya at naging matalik na kaibigan simula pa noong nagt-training siya sa UK. Kung palaging seryoso ang mukha ni Cally, mas seryoso ang unang impresyon kay Lorenz. Kasama niya ang lalaki simula pa ng magkakilala sila nito sa daan. Isang out of school youth ang kaibigan niya na madalas magnakaw noon para makakain. Sa una ay madalas niya lang makita ang lalaki mula sa sinasakyan tuwing uuwi siya mula sa eskwelahan. Grade six siya noon. Palaging tumatakbo ito sa gilid ng eskenita na may bitbit na kung anu-ano kada araw. Hanggang sa makita niya na sinasaktan ito ng isang mama na napag-alaman niyang tatay nito. Binubugbog si Lorenz at inuutusan na magnakaw ng mas kapaki-pakinabang. Isang lasenggero at sugarol. Inutusan niya ang chauffeur na tulungan si Lorenz. Pinagmasdan ng lalaki ang chauffeur. "Hmp! Tutal naman ay gusto mo siyang tulungan, kung gusto mo kunin mo na itong anak ko kapalit ng singkwenta mil!" Napataas lang ng kilay ang chauffeur. Lumabas si Cally ng sasakyan. Naglabas siya ng dalawang Cash Card na naglalaman ng tig-singkwenta mil. "Here are the cards, pin is 1234. Isang daang libo ang kabuoan na laman niyan. I don''t want to see you ever again." matapang na sabi niya sa lalaki. Halatang nagising ito sa katinuan at napangisi. Umalos ang lalaki na bitbit ang cash card "Get him in!" utos niya sa chauffeur. Doon nga nagsimula ang pagkakilala nila ng lalaki. Malalim ang respeto nito sa kanya dahil hindi ito magiging head ng dark guards o shogun kung hindi sila nagkakilala. Malamang ay tumulad ito sa tatay nito na lasenggero. Ang ''Dark Guards'' ay binuo ng uncle niya na si Rob na siya ring biyenan niya. Nagsimula ang samahan sa henerasyon nila para mas mapagtibay ang samahan ng Dark Lords. Hindi tulad ng Dark Lords na sinasang-ayunan lang ng mga nakatatanda at head of the families kung karapat-dapat ang Headmaster na magmumula sa Kent Family, sa Dark Guards, lakas ang labanan. Kada ika-dalawang taon maglalaban-laban ang mga guards sa mansion ng Matsui. Kung sino ang mananalo sa buong match, ito ang magiging Shogun o ang pinuno. Kasabay niya na nag-train si Lorenz. At dahil sa determinasyon nito na tulungan siya. Sa loob ng sampung taon, ito ang nananatili na Shogun. Sa susunod na buwan magsisimula muli ang match kaya kailangan nito na magsanay. Sa mata lang sila nag-usap ng kaibigan. Hindi na kailangan pang magtanong ni Cally na naabisuhan na ito ni Madam Lira kaya ito nandoon. Binigay lang niya lang ang bitbit na gamit sa isang attendant. Umupo sila sa komportableng lazy boy na nasa magkabilang side. "Sa susunod na buwan ang simula muli ng match." sabi nito. "Kung ganoon, kailangan mo nang magsanay muli." "sisiw." mayabang lang na sabi nito. Pinikit lang ni Cally ang mata niya dahil mahaba-haba ang byahe at binalikan ang nakaraan sa kanila ni Prin. ===== Hindi isang simpleng babae si Prin. Nabuhay siya sa mundo ng martial arts. Bata pa lang mahilig na siyang manood ng mga nagp-praktis sa bahay nila. Naiinis siya kapag binibihisan siya ng bulaklakin na kimono o yukata, isang japanese traditional clothing. Katorse anyos si Prin na alam na ang gusto na gawin sa buhay nang unang magkita sila ni Cally. Lihim siyang nagsasanay sa training room dahil dis-oras na ng gabi. ayaw ng Dad niya na matulad siya dito. Pumili siya ng katana sa gilid. Saka nagsimula na kumilos. Ilang minuto na siya sa pag-aral ng maramdaman niya na may nanonood sa paligid. Nabitawan niya bigla ang Katana. "Hindi ganyan ang tamang paghawak at pagbagsak ng isang delikadong armas. Tsk tsk!" Chapter 4 - Not a lady Kaunting-kaunti na lang mapuputol na ang paa niya ng katana nang mahulog iyon. Napalingon siya sa binata na sa palagay niya ay iilang taon lang ang tanda sa kanya. Mestiso ang lalaki, baby face at matikas ang katawan. nakasando lang kasi ito kaya kita niya ang hubog at mga laman sa katawan ng lalaki. Idagdag pa doon na makinis ang pisngi at balat nito, kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya. Never in her entire life na ma-conscious sa itsura niya. Nagkataon lang siguro na para itong anak ng diyos na hinulog mula sa langit. "S-sino ka?" tanong niya dito. Kilala niya kasi ang mga bantay sa buong mansyon at alam niyang hindi ito basta guards lang. Hindi siya nito sinagot. Lumapit ang lalaki at dinampot ang katana at sinuring mabuti. "I''m a trainee. I was here almost every year. Pero hindi kita nakikita. I think, ikaw ang anak ni Uncle Rob." Sabi nito sa kanya. "This Katana was nice. But as a lady, you should be using a bokken (wooden sword) instead." Humalukipkip si Prin "I''m not a lady anyway!" ayos ''tong lalaking ito para manduhan siya. Seryoso lang ang mukha ng binatilyo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at ibinalik muli nito ang tingin sa inosente niyang mukha. "Yeah, you are right. Why and what are you doing here?" tanong nito. "Where am I supposed to be?" Balik na tanong niya. Nainis siya dito lalo na nang kumpirmahin nito na hindi nga siya mukhang babae. "In your room." simple lang na sabi nito habang sinusuri pa rin ang katana. "Well, this entire mansion is my home. Kahit saan pa ko magpunta is none of your business. Ikaw nga diyan ang pakalat-kalat dito sa bahay namin." "If this is your home, let''s call a guard and let''s see kung sino sa atin ang pababalikin sa kwarto." sabi nito ng seryoso. Iba naman ang dating nito sa kanya. Nayayabangan siya sa awra at sinabi nito. "I''ll count in to three. They will be here for sure once I called them." Naiinis si Prin. Sigurado kasi na pagagalitan siya ng Daddy niya kapag nalaman nito na kinuha niya sa nakasalansan na mga matatalim na armas ang isang mabigat at nakakasugat na katana. Hindi lang iyon, lihim siya na nag-eensayo. At sa palagay niya, alam ng lalaki na pinagbabawalan siya doon. Madalas kasi na nandoon siya sa kabilang wing kung saan lang siya pwede. Hindi siya pwede sa training area. "Makakaganti rin ako sa iyo!" sabi niya saka naiinis na umalis. Naiwan si Cally na tinitingnan pa rin ang katana. May simbolo kasi ang hawak niya at sa palagay niya ay hindi lang iyon basta-basta katana. Nagsimula pa iyon sa Heian Period. Hindi niya akalain na may ganoon doon sa panahon nila. Ilang daan taon na ang katana na iyon at pinaglalaruan lang ng babae. Tsk! Kaga-graduate lang niya ng high school at hiniling niya agad sa magulang niya na magpunta doon at sumabak sa unang batch na binubuo ni Rob na Dark Guards. Kailangan niyang mag-training muna sa Dark Guards sa loob ng isang taon. Isang sikreto rin na anak siya ni Cloud Han para ma-protektahan ang sarili dahil maraming nagmamasid sa kanya. Nasabi na sa kanya ng Pamilya niya na nagsisimula na ang politikahan sa Samahan ng Dark Lords. Nangyari ang lahat nang may ipapatay ang daddy niya at naging hudyat ang pagkamatay ng mabagsik na si Master Kent. Chapter 5 - I want be part of it Nahahati sa pitong Lider ang Dark Lords. Ang Kent ang pinakamataas kung saan nabibilang si Cally. Pamilya ng Jackson, Smith, Peters, Byrne, Park at ang huli ang Matsui. Bawat pamilya ay may kanya-kanyang responsibilidad na kailangang gampanan at namumuno sa magkakaibang syudad. ===== Naiinis si Prin nang makabalik sa kwarto niya. Gusto niyang sipain sa mukha ang lalaki na nakita niya sa training area sa kabilang wing ng mansyon. Sigurado si Prin na hindi isang simple lang ang taong iyon. Naalala niya kung paano kumilos ang lalaki. Kung paano nito suriin ang katana. Para bang aral ang kilos at galaw nito. ''Hmp, feeling pogi'' Pinilit niyang pumikit at matulog. Dahil sa pagod sa pag-ensayo, nakatulog naman kaagad si Prin. Kinabukasan napag-alaman niya na may mag-eensayo sa mansion. Isang daan katao na nagmula pa sa iba''t-ibang bansa. Pili ang lahat ng trainees, ang iba ay nag-iisa na lang sa buhay. Ang iba ay kusang nag-rehistro para sa binubuo ni Rob na Dark Guards. Literal na guards ang mga magt-training pero susweldo ng isang daan libo kada buwan matapos ang isang taon at madadagdagan iyon muli ng singkwenta mil makaraan muli ng kada-isang taon kaya naman marami ang nagrehistro. Gayunpaman, hindi biro ang training dahil si Rob ang mamumuno. Hindi niya pipigilan ang sino man sa trainee na sumuko dahil ibig sabihin lang din noon ay hindi karapat-dapat na maging dark guard ang aalis. Sa loob ng tatlong taon magkakaroon ng assessment, pero sisiguraduhin ni Rob na makakapasa ang lahat sa training na gagawin nya. ===== Hinanap ni Prin ang Daddy niya dahil gusto niyang magtrain. Natagpuan niya ito sa opisina. "Dad, gusto ko magtrain sa Dark Guards." sabi niya dito. May mga babae rin kasi na nagrehistro kaya alam niya na pwede siyang sumali dito. Ibinaba ni Rob ang dyaryong binabasa. "Hindi pwede." "Bakit?" malungkot na tanong niya. "Prin, delikado ang training na ibibigay ko sa trainees bilang Dark Guards. Isa pa, siguradong magagalit sa akin ang Mommy mo at ang lola mo kapag nalaman nila na sasali ka sa Training." paliwanag nito. Napayuko si Prin. "Gusto ko sumali at mag-training. Dad, payagan mo na ako." parang nawawalan na siya ng pag-asa. Nalungkot si Rob. Sa palagay niya, namana ni Prin ang pagkahilig nito sa mundo niya ay dahil din sa kanya. Pero katorse pa lang si Prin at sigurado na hindi pa talaga nito alam ang gusto nitong gawin. "Come here." tawag ni Rob sa anak niya. Lumapit si Prin, kumadong at niyakap niya ang Daddy niya. "Dad¡­ gusto ko talaga na sumali sa training. Hindi ako mahilig sa manika, sa mga bag na maraming burloloy at kung anu-ano pa. Noon pa man, gusto ko na ang ginagawa mo." Humugot ng malalim na hininga si Rob, mukhang malaki ang impluwensya na naibigay niya sa anak. "kung ganoon pababantayan kita. Hindi pwedeng magreklamo." Nasa ganoong posisyon sila nang magbukas ang sliding door na gawa sa kahoy at bumungad si Cally. "Uncle, Tapos na ko sa online course." kumukuha kasi si Cally ng online course sa International University. Kailangan mataas ang marka bago payagan na ''no-show'' sa aktwal na klase. Kahit tuwing exam lang siya pwedeng pumunta. Tulad ng Mommy niya na si Ginny Lopez, lahat silang magkakapatid ay pare parehas na matatalino kaya siya ang nakakuha ng pinakamataas na grado at score sa exam. Nakakita naman ng liwanag si Rob. "Cally, may misyon ako na ipagagawa sa iyo sa loob ng ilang buwan." Hindi sumagot si Cally at hinintay lang ang sasabihin ni Rob. "Tutulungan mo si Prin at kailangan na masiguro na ligtas siya sa training." Chapter 6 - First Day of Training Nilipat lang ni Cally ang paningin niya sa babaeng mukhang uhugin na nakakandong pa sa kanyang Uncle Rob. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hindi mahahalata sa mukha niya. Nanatiling seryoso ang tingin niya sa mga ito. Ganoon din naman ang mga ito sa kanya. Hindi rin siya sumagot para ibigay ang opinyon. Hindi rin naman kasi talaga isang trainee si Cally bilang Dark Guards, naroon lang siya para magsanay kasama ng mga iyon. At malaking pasalamat niya kay Rob. Nagliwanag naman ang mukha ni Prin. Kahit pa pabantayan siya sa lalaki ay okay lang. Ang mahalaga ay napayagan siya sa wakas. Isa pa, may plano si Prin na makaganti rito sa lalaki. "You can go ahead. Training will start at ten. Pwede ka nang magpalit ng damit." sabi ni Rob sa anak. "Yes! Thank you Dad, I love you so much!" Lalong hindi nagustuhan ni Cally ang ginawa nito. Isang uhugin na bata talaga ang tingin niya dito parang ang kapatid niyang kambal. "He is Cally. Ito naman ang anak ko na si Prin." pakilala ni Rob sa kanila. Lumabas si Cally nang walang reaksyon at sumunod naman sa kanya si Prin. Isa lang naman ang mahihiling niya, huwag sanang gumawa ng hindi niya magugustuhan ang babae. "Hey, you!" sabi nito sa likod. Kinalabit siya nito. Lalo namang nakadagdag sa pagkairita ni Cally ang sinabi at ginawa ng babae. Nilingon ni Cally ang babae. "Marami pa akong plano na gagawin. Pero dahil pinabantayan ka sa akin ni Uncle Rob, wala rin akong magagawa kundi ang sundin siya. kaya naman isa lang ang mahihiling ko, ''wag ka sana maging pabigat." Hindi makahanap si Prin ng isasagot dito. Mukha ba siyang pabigat? Sumimangot siya. Hahanap talaga siya ng paraan para makaganti dito sa lalaki. Nagpunta sila sa training area. Unang beses ni Prin na makita ang mga trainees. Karamihan sa kanila ay nag-eensayo na. Ang iba ay nagk-kwentuhan. "Hello, Cally! Who is this little girl?" tanong ng isang babae na may kasama na matangkad din na lalake. "Prin." simpleng sagot ni Cally. Tumuloy lang sila sa paglakad hanggang sa makarating sa shower area. Kumuha si Cally ng damit sa mga nakasalansan sa isang kabinet. "Choose your size here. Then, magbihis ka na. Malapit na magsimula ang training." utos ni Cally. Pare-parehas kasi ang suot ng lahat ng trainees. Isang activewear na pinasadya para makakilos sila pare-parehas ng maayos. "I know what to do! Hmp!" ismid ni Prin. Pumili ng damit saka tumuloy sa ladies area para magpalit. Doon lang napansin ni Cally na nakasunod pala ang dalawang kaibigan. Si Donna at si Lorenz. Si Donna ay kaklase niya. Si Lorenz ay masasabi na ampon nila sa bahay sa loob ng ilang taon. "Who is that girl?" Tanong ni Donna. "Prin Matsui. But don''t tell anyone. Huwag mo rin sabihin sa kanya ang apelyido ko." Naniniwala kasi si Cally, na baka ang anak ni Rob pa ang maging dahilan ng ikapa-pahamak niya doon sa training. Bukod kasi sa uhugin, clumsy ang tingin niya dito. Tahimik naman si Lorenz. Lumabas si Prin mula sa loob ng ladies room ng bagong bihis. Hindi ito sinilip ni Cally, basta sa isip niya ay nakabihis na ang babae at sapat na iyon. Humalo sila sa ibang trainees na nasa isang hall. Nag-indian sit lang si Cally sa isang gilid saka pumikit. Nagsimula naman na mag-ensayo si Donna at Lorenz. Nanatili si Prin na nagmamasid at hindi alam ang gagawin. Sa hindi niya malaman na dahilan. Bigla siyang nagmukhang tanga sa lugar. "Hey! Anong gagawin ko?" kalabit niya kay Cally pero hindi siya nito pinansin. Chapter 7 - I want to be a Leader Nilapit ni Prin ang mukha niya sa tenga ni Cally at saka nagsalita. "Hey! Anong gagawin ko?!" Dumaloy ang mainit na hininga ni Prin sa pagkatao ni Cally. Para siyang nakuryente sa ginawa nito. Halata ang pagkainis niya. Lumayo siya agad sa babae. "I am starting to meditate. Pero sinira mo agad ang mood ko!" inis na sabi niya dito. "Why do you have to do that?!" hindi maintindihan na tanong nito sa kung bakit siya naka-indian sit. Hindi sumagot si Cally "Just sit here!" pinagpag ni Cally ang katabing pwesto. "I don''t like it! We have to practice before the training!" galit rin na sabi ni Prin. Lalong nainis si Cally sa aksyon nito. Pumikit muli siya at hinayaan ang babae sa gusto nito. Hindi naman talaga siya nagme-meditate na tulad ng sabi niya dito. He is just trying to sleep and to clear his mind. Ganoon ang gawain niya tuwing magpapalit ng gawain. Katulad na lang sa araw na iyon. Isang madugong aralin ang kailangan niyang review-hin tapos ay sasabak siya sa training na pisikal. Kailangan niyang iwaksi sa isip ang ginawa ng umaga para makapag-ensayo ng mabuti. Lumapit si Prin kay Cally at humarap sa lalaki. Nakapangalumbaba pa siya habang sinusuri mabuti ang mukha ng lalaki. "Go away." mahinang sabi ni Cally kahit nakapikit. "Hmp! Can you please at least be kind to me? I am still a girl." Reklamo niya. Nagdilat ng mata si Cally. "Am I not kind? Binitin ba kita patiwarik? Pina-squat? Did I asked you to eat a c.o.c.kroach?" Napaatras naman siya sa mga sinabi nito sa kanya. Napalunok siya. Gusto niyang itanong kung napagawa na ba nito ang ganon. Pero hindi pa man siya nagsasalita, sinagot na nito ang tanong niya. "Don''t ever question kung nagawa ko na, dahil yes. I did all of them to teach someone a lesson. So behave yourself!" inis na sabi nito sa kanya. Sa buong buhay ni Cally, ngayon lang may nangungulit sa kanya bukod kay Christen. Ang pagkakaiba nga lang bukod sa wala siyang choice dahil kapatid niya si Christen, bata pa ito ng ginawa nito ang ganoon sa kanya. Hindi tulad ng babaeng kaharap niya ngayon. Humalukipkip lang si Prin. Makakahanap din siya ng ibang paraan para makaganti dito sa lalaki. Ilang minuto pa, pumasok si Rob na may bitbit na box at may kasamang tatlo pang guro na pare-parehas expert sa magkakaibang field. Umayos naman ang mga trainees. "Sa box na ito, nilalaman ang magiging code ninyo. Everyone of you ay magkakaroon ng code. MB for boys GW for girls. Bukod pa doon, mahahati rin kayo sa apat na grupo." "Lahat ng bilang ng trainees ay isang daan at dalawa. Dalawang grupo ay mabubuo ng twenty five trainees at ang dalawang grupo pa ay mabubuo ng twenty six trainees." "You have to stick with your group kahit anong mangyari dahil kailangan niyong magtulungan. Naiintindihan ba?" mahabang paliwanag ni Rob. "Yes!" sabi ng sabay-sabay. "Group names are.. Arcadia, Blade, Cobra and Dragoon. We have chosen your group according to your assessment..." "Remember, you have to stay in your group and help your team." "You will stay in your group until your next assessment. Bawal ang magreklamo! Naiintindihan ba?" paliwanag muli ni Rob. "Yes!" sagot ng trainees. Tinawag isa-isa ang mga pangalan ng trainees. Sa Blade Group napunta si Cally, MB8 ang code niya at siyempre bilang ''tagapag-alaga'' ni Prin, napunta rin ang babae sa Blade Group at may code siya na GW8. Si Donna at Lorenz ay parehas na napunta sa Cobra group. "Next, is Choose your Group leader! We will meet again after two hours to start the actual training" Sabi ni Rob saka lumabas ng malawak na hall. Nagmamasid lang si Cally. Lihim niyang pinupuna ang bawat kasama base sa ekspresyon at personalidad ng mga ito para maging lider ng Blade. "Who wants to be a group leader?" tanong ng isang kasama nila. "Me! Me! I want to be a group leader!" boluntaryo ni Prin sa sarili. Ibinaba ni Cally ang kamay niya. Para naman siyang nakuryente sa paghawak ni Cally sa braso niya. "You are not qualified to be a group leader." sabi ni Cally. Sa pagka-clumsy lang ng babae, hindi na ito papasa na group leader. Chapter 8 - Choosing the Best Leader "You are not qualified to be a group leader." Komento ni Cally. Bahagya siyang napatigil sa sinabi at ginawa nito dahil bahagyang nakuryente ang braso niya sa pagdikit ng balat nila ng binata. Ilang saglit lang, nakabawi rin naman siya "everyone is qualified!" inis na sabi niya dito. "Do you think we will vote for you?" seryoso na tanong nito. Lahat ng parte ng mukha ng lalaki ay seryoso at hindi nagbibiro na para bang kinukutya siya nito. Pero iba ang totoong saloobin ni Cally. Dapat may patunayan muna si Prin bago ang lahat. Pinagmasdan ni Prin ang mga kasama niya sa grupo na lahat ay nakatingin sa kanilang dalawa. Malakas kasi ang pagboluntaryo niya sa sarili. Napahinto na naman siya dahil halos lahat ng kasama nila ay tulad ni Cally, mukhang ayaw ng mga ito sa kanya. Binulungan siya ni Cally. "Remember na saling pusa ka lang dito. You have to show your ability in order to gain our trust." paliwanag ni Cally. Natahimik si Prin kahit pa naiinis siya. Pero may punto si Cally. "You are so cute to be our leader." nakangisi at komento ng isa. "Yeah." sang-ayon ng isa pa. Agad naman na kinalimutan siya ng mga ito at bumalik ang grupo sa usapan sa kung sino ang mamumuno sa kanila. "I would like to nominate MB5, Kai." komento agad ni Cally. Normal sa tao na kapag ganoong seryoso ang usapan, mababaling sa taong iyon ang atensyon ng makakarinig at iyon ang gusto ni Cally. Simula nang makilala niya ang mga trainees doon ng nagdaang gabi, nagawa niya nang pag-aralan ang mga kasama niya. Kakaiba ang awra na binibigay sa kanya ni Kai. Alam niya na mapagkakatiwalaan ang lalaki. At iyon ang hanap ni Cally. Hindi basta magaling lang, kung hindi marunong sa estratehiya at mapagkakatiwalaan ng buong team. Halatang nabigla ito sa pagboto niya. Sinang-ayunan naman ng ibang kasama niya ang nais ni Cally. Pero tulad ng normal na botohan, hindi lahat ay sang-ayon. "I also wanted to be a leader." sabi ni Levan Hung na may code na MB16. Matikas ang katawan nito at masasabi na hasa rin sa pisikal na aktibidad. Pero may problema dito si Cally, sa palagay niya kasi gagamitin ng lalaki ang posisyon nito para makapam-bully ng miyembro. Hindi mahahalata sa mukha ni Cally na hindi niya magugustuhan kung ito ang mamumuno sa Blade Team pero nanatili lang siyang tahimik. "Let''s vote." sabi ng isang kasama nila. Sinimulan nila ang pagboto base sa pagkakasunud-sunod ng code name nila. Hindi na nagsalita pa si Cally bilang siya ang nag-nominate kay Kai. Si Prin ang sunod na pipili dahil parehas silang 8. "I really wanted to nominate myself." nagtawanan ang mga kasama niya. Sumimangot si Prin. "But then, it''s obvious that you don''t like me, so I choose Kai." sabi niya sa mga kasama. Medyo naiinis pa rin si Prin lalo na kay Cally na feeling pogi. Pinili niya si Kai na maging lider dahil ayaw niya kay Levan. Isa pa, kahit naiinis siya kay Cally naimpluwensyahan siya nito sa pagdedesisyon. Matapos makaboto ng lahat, nagwagi rin naman si Kai na mamuno sa team nila. Lumingon sa kanya si Cally. "Bakit si Kai ang binoto mo?" tanong nito sa kanya. "I like him better than you. He is good-looking, hindi tulad ng iba diyan" sagot niya. "Pinariringgan mo ako?" tanong ni Cally. Hindi sarkastiko ang pagtatanong ni Cally. Normal na tanong lang sa kanya na walang bahid ng pagkainis o pagyayabang. ''Like seriously this guy. Are you a human?'' Noon lang napansin ni Prin na simula nang magkakilala sila nito, walang ibang emosyon na ibinigay sa kanya ang lalaki na para bang kinulam ito ng bata pa ito o kaya napaglaruan ng duwende kaya lahat ng muscle sa mukha ay nakatigil sa kung nasaan ang mga iyon. ''Hmp baka nanuno dahil sa sobrang sungit'' "You are choosing a leader because he is good-looking?" hindi pa rin makapaniwala na reaksyon ni Cally. Napakamot na lang sa ulo si Prin. Napapa-iling na lang si Cally. Tama ang hula niya dito sa babaeng ito. Clumsy talaga at walang decision making. ===== Makalipas nga ang dalawang oras, binalikan sila ni Rob sa kasama ang iba pang guro. Ipinaliwanag nito ang training na gagawin nila. Ang una ay kailangan na ''Fit'' sila bilang Dark Guards. Kailangan nilang i-maintain ang sariling sukat at timbang, kokontrolin din sila sa lahat ng pagkain at tubig na kakainin. Umpisa pa lang ang sinabi ni Rob pero alam ng mga trainees na hindi birong diet ang ipagagawa nito sa kanila. Chapter 9 - Punishment Malaki rin ang responsibilidad ng leader, dahil kailangan na parusahan nito ang gagawa ng kasalanan at hindi pwedeng magreklamo ang trainee. Ang pinaka-mahalaga sa training nila ay hindi ang pisikal na lakas, kung hindi ang matibay na pag-sunod sa master. At magsisimula ang pagsunod nila sa napili nilang leader. Sa loob ng anim na buwan sasamahan ni Cally ang lahat ng trainees doon bago siya magpunta sa UK para magpatuloy muli ng pag-aaral. Walang nakakaalam sa mga trainee doon na siya ang magiging master ng mga ito pagdating ng araw. Tanging si Lorenz lang ang nakakaalam bilang ampon nila ito sa bahay. Hindi na rin siya nabigla nang makuha nito ang posisyon bilang leader ng Cobra group. ===== Maagang nag-ensayo ang grupo ni Cally. Alas kwatro ng madaling araw ang ibinigay ni Kai na oras para magsimula at paruruhasan ang late. Si Prin bilang katorse anyos at pasaway na bata, nahuli siya ng gising kaya na-late siya ng limang minuto. May kasama pa siya na tatlong trainee sa hilera ng mga late. Hindi naman makapaniwala si Cally na mahuhuli ito ng dating. Lalo pa siguro na maisip na anak ito ng Uncle Rob niya. "Do the planking hanggang sa matapos ang mga tumatakbo. Hindi pwedeng ibaba ang katawan at siguraduhin maayos ang pagkakapantay ng braso." utos ni Kai. Napalunok si Prin. Gusto niyang manghingi ng tulong kay Cally bilang pinabantayan naman siya dito ng Dad niya pero siya rin naman ang may gusto na magtraining siya kaya wala siyang choice kundi sundin si Kai. "Leader MB5, Ilang ikot po ba ang gagawin niyo?" tanong niya dito. Kung isang ikot ay pipilitin niya na mag-plank kahit mahirapan na ang braso niya. "Limang ikot." sagot ni Kai. Nanlaki ang mata ni Prin. "S-sino po ang bantay?" Tanong niya muli. Hindi agad sumagot si Kai. "Ako" Prin "...." Pinasimulan na ni Kai na patakbuhin ang lahat bukod sa late. Tulad ng magp-plank, walang tigil din ang mga member na tatakbo at bawal din na may mahuli sa pila. Simpleng panimula pero alam nilang lahat na sinasanay lang sila ni Kai sa responsibilidad. Parang maiiyak naman si Prin habang naka-plank. Ramdam niya na ang sakit ilang minuto pa lang. May anim na minuto kada ikot ang mga kasama niya sa field kaya alam niya na trenta minutos sila doon. Pinilit niyang kalimutan ang sakit ng braso niya. ''Kasi naman Prin! Bakit kasi kinalimutan mong gumising ng maaga?!'' sabi niya sarili. At least nagising pa siya, tama? Hindi niya pa rin kinalimutan na magising. Pero, kailangan niya bang ipagpasalamat iyon? Pinilit niyang isipin na nakadapa siya sa malambot na kama sa kwarto. Naka-tatlong ikot na si Cally at ang mga kasama niya nang mapansin niya na halatang nahihirapan na si Prin. Hula rin niya na namumula na ang braso nito. Sa simento lang kasi naka-plank si Prin at ang tatlo pang late. Parang kumirot ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos. Ang ginawa ni Cally ay pinabilisan sa namumuno ang pagtakbo nila. Pagtapos naman ng ehersisyo na iyon ay pwede na silang magsimula sa personal nilang oras at training bago sila ipatawag ni Rob para sa klase ng alas sais. Nang makabalik ay nilapitan niya agad si Prin at sinilip ang braso nito. Nagkagalos nga ang braso nito dahil sa s.e.m.e.nto at halata iyon dahil maputi ang babae. Hinila siya ni Cally at tumuloy sa pinakabahay ng mga Matsui. "Get your medicine." utos nito sa maid. Sumunod naman ito kay Cally. Ilang sandali lang inabot nito ang medicine kit sa kanila. "Don''t move." pinahiran ni Cally ang braso niya na may galos ng ointment mula sa medicine kit. Napalunok naman si Prin dahil sobrang lapit ng lalaki sa kanya. Mas kita niya sa malapitan ang butil-butil na pawis nito sa noo gawa ng pagtakbo nito, ang pilik-mata ng lalaki, ang makapal na kilay nito at ang labi. Naaamoy niya pa ang lalaki na parang hindi man lang ito bumaho sa mahabang pagtakbo. Ipinilig niya ang ulo dahil hindi tama na pantasyahan niya ang isang kaalaban. Tama, kalaban ang tingin niya kay Cally. "Can you at least sit properly?" sabi nito sa kanya. Ibinaba naman ni Prin ang tingin niya. Nakaangat kasi ang isang binti niya sa kung saan siya nakaupo. "Bakit kailangan ko pang isipin na maupo ng maayos? E, bahay ko naman ito. Uupo ako sa paraan na gusto ko." Napailing na lang si Cally. "Let''s go. As your guardian, tuturuan kita kung paano gumising ng maaga sa susunod. Hindi lang basta gumising, tuturuan kita na tumupad sa usapan." Chapter 10 - Struggles of being a trainee Hindi nila namamalayan na natapos na ang isang buwan ng training. Nagagawa ni Cally na makapag-aral sa umaga o kaya sa gabi kapag natapos na ang physical training nila. Hindi rin maiwasan na magtanong ng mga kasama niya kung saan siya pupunta o galing dahil kailangan niyang gumamit ng personal computer sa loob ng tirahan ng mga Matsui. Kilala siya ng lahat ng nakatira doon kaya malaya siyang nakakalabas-masok. Bawal din ang trainees sa loob pero pinapayagan ang mga leader nila. Pinipilit lang niya na hindi makita ang kahit na sino sa mga kasama. Sa camp ng bawat group ay walang telepono o computer. Binibigyan lamang sila ng oras para makatawag sa pamilya o kaibigan. Isang gabi, inabot ng dis-oras ang pag-aaral niya dahil kumuha siya ng ekstrang aralin. Noon lang niya napansin si Prin na nasa kabilang computer. "Kanina ka pa?" Nilingon siya nito. "Oo. Kinakamusta ko lang ang Mommy ko." Isang business woman kasi ang Mommy ni Prin na nakabase sa Pilipinas. Madalas na ang Daddy niya ang umuuwi o kaya naman ito ang nagpupunta doon sa Japan para sa personal time ng mga ito. Naisip ni Prin ang Mommy niya na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi alam na nagt-train siya kasama ng Dark Guards. "Are you done? Let''s go back" Nasilip ni Cally nang hindi sinasadya ang monitor nito at nakita niya na nasa social media ang babae at may ka-chat na kung sino. "Who is that guy?" "My classmate." simpleng sagot. "I can tell he is not just a classmate. Tara na. Huwag na matigas ang ulo. Bawal tayo na makipag-usap sa labas, di ba?" "Hmp! Mr Sungit!" inismiran siya ni Prin at nagmamaktol pero sumunod ito sa kanya na patayin ang computer. Hindi sila nag-uusap at sabay na naglakad pabalik sa camp ng Blade Group. Nabigla na lang si Prin ng hilahin siya ni Cally sa isang gilid paliko. Tinakpan nito ang bibig niya at sumenyas na wag magsalita bago nito tinanggal muli iyon. Napagigitnaan siya ng lalaki at ng pader dahil kailangan nilang gumilid. Nalipat ang atensyon niya dito. Sa sobrang lapit ng dibdib nito sa kanya, naaamoy niya ang cologne ng lalaki na nakaka-adik. Para kasing nawala siya sa sarili. Tila ba nakalalasing ang amoy nito na kayang magpa-mental block sa kahit na sino. Inangat niya ang paningin para makita ito. Nakalingon ito sa kanan at parang may hinihintay. Ilang segundo lang, mabilis itong kumilos. Isang lalaki ang galing sa loob ng camp nila ang mabilis na sinunggaban ni Cally, hinawakan ang kamay at inipit sa pader. "Ah, ah, please. This is MB53" hiyaw nito. Niluwagan naman ni Cally ang pagkakahawak sa lalaki. Nakabawi naman si Prin mula sa nakaka-adik na amoy mula sa binata at agad na kinuwestyon ang lalaki. "Where are you going in the middle of the night? Akala tuloy namin napasok na ang Camp." Napansin ni Cally ang bagpack nito. "Are you escaping?" tanong niya. Nakayuko lang ito at hindi makatingin sa kanila. "Tell me, what''s wrong? Nahihirapan ka na ba sa training?" tanong ni Cally dito. Bilang nakasama niya na ang binata sa loob ng isang buwan, ramdam ni Cally na hirap ito sa environment nila. At masasabi niya na ito ang pinaka-mahina sa Blade Group. "Nahihirapan na nga ako but my girlfriend was pregnant. Manganganak na kasi siya sa susunod na linggo at kailangan kong makausap siya o mamamatay ako sa kakaisip. I need to be with her." "Idiot! Kung aalis ka dito at pupuntahan mo ang girlfriend mo, sinayang mo ang pinaghirapan mo ng isang buwan. Saka hindi mo man lang ba naisip ang s-swelduhin mo dito? You are jobless kapag umalis ka sa training. Samantalang after a year you can earn millions after every year." Natahimik naman ito dahil alam nito na may punto si Cally. "I will give you last chance. Kung nahihirapan ka sa training, we can help you improve your skills" Tinitigan ni Cally si Joen Sun or MB53 sa mata. "Always remember why you started." payo ni Cally. Kung manganganak na ang girlfriend nito, ang ibig sabihin lang ay ang babae at ang anak nito ang dahilan kung bakit ito naroon sa training para maging Dark Guard. Naglakad na si Cally papasok sa Camp nila. Agad naman na sumunod si Prin. May awtoridad at pang-unawa ang paraan kung paano nito pagalitan si Joen. Natahimik siya at napa-isip kung ano ang pagkatao ng lalaki. "Please help me!" narinig nila na sabi ni Joen. Sabay nilang nilingon ni Cally ang pabalik na si Joen. "I can assure your girlfriend will be safe. I can asked someone to check on her hanggang sa manganak siya. Regarding your skills¡­ you should focus on your weakest points. Try to learn how to dodge." sabi dito ni Cally. kung ang simpleng bagay lang na iyon ay hindi pa nito kaya, paano pa ang mas mahirap pa doon. Chapter 11 - Who are you, really? Nakapangalumbaba lang si Prin habang nakatingin kay Cally. Para siyang nagd-daydream. Nagsasanay kasi ito ng brazilian-jiu jitsu kalaban si Kai. Pinagmamasdan niya ang galaw nito. ''Cally, who are you, really?'' Nawalan si Cally ng balanse at nagwagi si Kai pero agad din itong nakabawi para patirin ang binti ng isa. "Haaay¡­" napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin dito. Naramdaman na lang niya na may tumabi sa kanya. "Para saan ang buntong-hininga mo at sino ang tinitingnan mo?" Si Ana ang isa pang Blade member. Hinanap nito kung saan ang tingin niya base sa pwesto niya. Siniko siya nito. "Wow! You liked Cally?" Napaatras siya. "Of-Of course not!" mariing tanggi niya. Nakangisi ito. Nilapit nito ang mukha sa kanya para mas malapit na makita nito ang namumula niyang pisngi. "Hmmm.. I can''t blame you if you like him." "Karamihan sa trainees ay gusto si Cally." sabi nito. Napalunok si Prin at ibinalik ang tingin kay Cally na sabay din na napatingin sa pwesto niya. Nakaramdam siya ng kaba kaya agad siyang tumalikod. "Of course not! Baka ikaw diyan ang may gusto sa panget na iyon!" nagagalit na sabi niya dito saka tumakbo papunta sa Tirahan ng Matsui. Nagpunta siya sa kwarto niya na sobra ang kaba, tulad na lang ng nararamdaman niya kapag nahuhuli siya na may ginawa siyang kalokohan. Hinagis niya ang sariling katawan papahiga sa kama at tinitigan ang kisame. Parang nakikita niya pa sa imahinasyon si Cally. The way he looked at her kapag magkatabi sila. Kapag gumagamit ito sa computer room at seryoso na nakatingin sa monitor. Tumatama pa sa pisngi nito ang liwanag na nagmumula roon. Kapag seryoso ito na nag-eensayo, tulad na lang kanina. Napabalikwas ng bangon si Prin at hawak ang dibdib. ''Sh*t!'' Nagugustuhan niya na nga ba ang binata? Tanong niya sa sarili. Bumalik muli siya sa higaan saka dumapa. Para siyang baliw na inuutog ang noo sa malambot na kama "Joo, are you there?" katok ng isang maid sa labas ng pintuan ng kwarto niya. (Joo ang tawag sa kanya ng mga maid, bantay o ang mga nagtatrabaho doon na ibig sabihin ay babaeng anak ng Master of the house) "Yes." "Kotaigo is here." sagot nito sa labas. Nagising sa katotohanan si Prin. Nandiyan ang Mommy niya! ''Shet! Mura niya sa isip. Hindi niya alam kung may ideya na ang Mommy niya sa training na ginagawa niya. Pero alam ni Prin na malalaman nito ang bagay na iyon sa araw ding iyon. Pinuntahan niya ito sa opisina ng Daddy niya na si Rob. Diretso lang siya na pumasok at naabutan pa ang mga ito na magkayakap at naghahalikan. Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa nang marinig na bumukas ang pintuan. Pero hindi nagustuhan ng Mommy niya ang ayos niya. "Rob! Why is she wearing a trainee outfit?!" Lumayo agad ito sa Daddy niya na akala mo ay may kayakap na kaaway, lumapit sa kanya at saka siya niyakap. "Darling, minamaltrato ka ba ng daddy mo?" Rob "...." "Mom, ''wag ka magalit kay Daddy. Ako talaga ang may gusto na mag-train ako." paliwanag niya dito. Tiningnan siya nito, sinuri ang katawan kung may galos ba o kung ayos lang siya. "Honey, huwag ka nang magalit... Si Prin talaga ang may nais na sumabak sa training at napatunayan naman niya na kaya niya ang training. Isa pa, si Cally ang nagbabantay sa kanya." paliwanag ni Rob "Cally? Cally Han?" nanlalaki ang mata na tanong nito. Ganoon din naman si Prin. Nagulat siya, lalo na ang marinig ang apelyido ng binata. Nagkatinginan sila ng Mommy niya. Para namang nakakain ng kung ano ang nanay niya at agad na bumaliktad ang mood nito. "I-is he uncle Cloud''s son?" tanong niya sa magulang. Normal na kilala niya ito lalo at bestfriend ito ng Daddy niya. "Oh Yes! I knew him since he was a baby." sagot ng Mommy niya. "You are in safe hands darling! Galingan mo ang pag-akit sa kanya dahil ang gwapo ng batang iyon." tinapik-tapik pa siya ng ginang sa balikat. Prin "..." seriously, am I your daughter? Rob "..." are you even the mother of your fourteen years old daughter? Pero lihim na nag-isip si Prin. Kung si Cally ay anak ni Cloud, ibig sabihin ay ito ang susunod na itatakda na maging Headmaster ng Dark Lords. Bilang Matsui, hindi lihim sa kanya ang mundo ng pamilya niya. Isa ang pamilya niya sa namumuno sa Dark Lords kaya marami siyang alam tungkol dito. ''Cally Han¡­'' Naiintindihan na ni Prin ang rason kung bakit parang prinsipe ang lalaki kung umasta at kumilos. ===== Inimbitahan ng Mommy niya si Cally na sumabay sa hapunan nilang mag-anak. Tahimik si Prin habang nasa tapat si Cally. Sa hindi niya malaman na dahilan, na-iilang siya dito. Nagpasalamat ang Mommy niya kay Cally. "Tatapusin ko lang po ang quarter o ang group battle, at didiretso na po ako sa UK. Pero huwag po kayong mag-alala dahil ibibilin ko si Prin sa iba naming kasama." sabi nito sa Mommy niya. Nakaramdam naman ng lungkot si Prin sa narinig. Bigla niyang inangat ang paningin dito. Hindi pa umaalis ang lalaki, nalungkot na siya at wala siyang magagawa dahil alam niyang mas mabigat ang haharapin nito sa mga darating na panahon. Chapter 12 - Be great and skillful Mahirap ang training na ibinigay sa kanilang lahat. Pantay-pantay at walang paborito. Ilan sa kanila ang sumuko na at hindi na nagpatuloy. Gayunpaman, mas marami pa rin ang nanatili. Mas nananaig naman ang kagustuhan ni Prin na maging magaling sa lahat ng trainees doon. Bukod sa may dugo talaga siyang mandirigma dahil anak siya ni Rob Matsui, gusto niyang pantayan si Cally balang araw. Nang araw na iyon, plano ni Prin na lumabas ng mansion para magsanay ng Kendo gamit ang isang wooden sword. Kailangan niya ang magsanay dahil nalalapit na ang group battle. Mahahati sa tatlong sukatan ang laban ng apat na grupo. At mauuna nga, ang Kendo. Nakakapag-sanay naman si Prin gamit pa nga ang tunay na katana, kaya malakas ang loob niya at alam niyang mananalo siya. Napansin naman siya ni Cally na palabas ng main gate habang nagsasanay ito at si Joen. Kumunot ang noo ng binata at nag-excuse sa huli. Tahimik na sumunod si Cally na halos hindi marinig ang mga kaluskos na gawa niya. Nasa isip ni Cally na dahil pinababantayan sa kanya ang babae, alam niya na may pananagutan siya kung sakali man na may mangyaring masama rito. Nakita ni Cally ang lahat ng kilos ni Prin. Kahit ang pagtigil nito sa ilalim ng puno ng sakura hindi kalayuan sa mansyon. Tumigil din siya ilang metro mula rito, sapat lang para makita ang mga kilos at galaw nito. Kita niya kung paano humugot ng malalim na hininga ang babae para magsimula. Ilang segundo lang ay parang naging kaisa nito ang hangin at para itong nagsasayaw sa sarili nitong musika. Tumatama pa sa makinis at mala-porselanang balat nito ang papalubog na araw na nakadagdag napakagandang tanawin para sa kanya. Magaan at hasa ang pagkilos. Natulala si Cally at halos hindi siya kumurap habang pinagmamasdan ang dalaga. Hindi niya lubos akalain na humusay ang babae sa iilang linggo nila ng pagsasanay. Hindi niya napapansin na ilang minuto na pala niyang pinagmasdan ang babae. Nagulat na lang siya nang may pumalakpak sa tabi niya. Hindi niya akalain na sumunod sa kanya si Joen. Kanina pa ba ang lalaki sa kanyang tabi at hindi niya lang namalayan? O masyado siyang nabighani sa pagkilos ni Prin? Nabigla si Prin na makita doon ang dalawa. Bigla siyang nakaramdam ng hiya. "Wow! GW8 ang galing mo! Turuan mo ako!" sabi nito habang papalapit kay Prin. Nakabawi naman agad si Prin dahil kay Joen. Pero hindi niya mai-alis ang paningin kay Cally na papalapit din sa kanya. "Sige na GW8, turuan mo ako!" pilit dito ni Joen hinawakan pa nito ang sleeve ng damit ng babae. "Ayoko! Tigil-tigilan mo nga ako!" singhal dito ni Prin. Nakatitig naman si Cally sa paghawak ni Joen sa manggas nito. Kumunot ang noo niya. Hindi naman siya nakaramdam ng inis pero gusto niyang ilayo si Joen dito. "Huwag mo na siyang kulitin. Ako na ang magtuturo sa iyo." sabi dito ni Cally. Natuwa naman si Joen sa nadinig. "Wow! Thank you Cally! Ikaw talaga ang master ko!!!" parang wala sa sarili na sabi nito. Simula ng pigilan kasi ito ni Cally, tinatak nito sa isip ang mga payo ng binata na huwag kalimutan kung bakit ito nagsimula at mas pinaghisayan niya rin ang training. Hindi na ito pinansin pa ni Cally. "You''ve been good." puri ni Cally kay Prin na ikinatuwa niya ng lihim. "Salamat." tumatagos sa kaloob-looban ng puso niya ang papuri nito. Tatandaan niya ang araw na iyon dahil iyon ang unang araw na pinuri siya ng lalaki. "Uhmm¡­ Magdidilim na kaya bumalik na tayo sa Camp." naiilang na sabi niya sa dalawa. Habang pabalik, pinakikiramdaman niya ang lalaki. "Iilang linggo ka na lang pala mananatili dito. Good luck sa pag-alis mo." hindi niya ipinahalata na nalulungkot talaga siya. "hmm¡­" simpleng sagot ni Cally. Makakasama niya naman muli ang lahat ng matitirang trainees kapag lumipat ang mga ito ng training Camp sa UK. Sakto naman ang pagbalik nila sa camp dahil pinatawag ang lahat ng trainees at pinapunta sa general hall. Nawawala kasi ang katana na ilang daan taon na at nagmula pa ng Heian period. Ang katana na nakita ni Cally sa loob ng training room para sa personal guards sa loob mismo ng tirahan ng mga Matsui. Pumila sila ng maayos base sa normal na ginagawa kapag may pagsasanay mula sa mga guro. "Kung sino man ang kumuha ng Katana ay umamin na. Lilitaw din naman ang pangalan mo bago sumikat ang araw kinabukasan, kaya payo ko sa kumuha na kung sino ka man, mas mabuti pa na ilantad mo na ang sarili mo." sabi ni Rob sa lahat. Tahimik ang lahat at walang nagsasalita sa loob ng minuto. "Sisiguraduhin ko na hindi basta parusa ang igagawad ko kaya mas mabuti pa na ilantad mo na ang sarili mo." "Master, iilan lang naman ang nakakapasok sa loob ng tahanan niyo. Sigurado na isa lang din sa kanila." si Levan Hung or MB16 ang nagsimulang sumagot kay Rob. "Kung hindi ang mga Leader, siguradong si Cally dahil madalas namin siya na makita na pumapasok ng lihim sa loob." sarkastikong sabi nito. Seryoso lang si Cally na tiningnan ang kasama niya na si MB16. Sigurado siya na maingat siya sa pagpasok at paglabas ng bahay ni Rob. Kaya paano siya nito nakita? Chapter 13 - Missing Katana Kumunot ang noo ni Rob. "MB16, kailangan mong panindigan ang akusasyon mo" Si Cally ang magnanakaw ng katana sa loob ng Matsui mansion? Nahihibang ba ang batang ito? Para na rin nitong sinabi na nagnakaw si Cally ng sarili nitong pag-aari. Hindi alam ni Rob kung ano ang nangyayari pero base sa tono ng pananalita nito ay inaakusahan nito si Cally, dahil tanging ito lang ang ordinary member na malayang nakakapasok sa loob ng tahanan nila bukod kay Prin. Tahimik naman at seryoso si Cally. "Uulitin ko, bibigyan ko ng pagkakataon na lumabas na ang taong kumuha ng katana. Hindi mo magugustuhan ang parusa na ibibigay ko." parinig ni Rob sa kumuha ng armas. Halatang kinabahan ang lahat sa paraan ng pananalita ni Rob. Isa pa, hindi pa man nagt-train ang karamihan sa kanila, naririnig na nila ang pangalan ng lalaki bilang isang malupit na tao, magaling sa pakikipaglaban sa underworld at kahit na wala itong armas ay kaya nitong pumatay ng tao. May ideya rin sila na hindi ito simpleng tao base lang ng pagtrain nito sa kanila sa loob ng ilang buwan. Tulad ng inaasahan, walang umamin sa lahat ng trainees. Sumenyas si Rob sa mga guards para halughugin ng mga ito ang bawat camp ng apat na grupo. Ilang minuto lang, isang guard ang may bitbit na katana at inabot kay Rob. "Shukon (my lord), nakita namin ang katana sa Blade camp. Nasa ilalim ng kutson ni Shi Cally" pagbibigay-alam nito. Tumingin ang halos lahat ng trainees kay Cally nang marinig ng mga ito ang pangalan niya. Hindi naman nila alam o naiintindihan ang ibig sabihin ng ''Shi''. Humugot ng malalim na hininga si Rob. "Uulitin ko sino ang kumuha ng katana at inilagay sa ilalim ng higaan ni Cally?" matigas niyang tanong "Master, hindi ba normal lamang na si Cally ang paghinalaan niyo, bakit kailangan niyo pang itanong sa amin?" reklamo ni MB1 na Leader ng Dragoon team. "Madalas ko nga na makita si Cally sa loob ng residente kaya may posibilidad na siya talaga ang pumuslit ng Katana." dagdag pa nito. "Imposibleng si Cally... kaya nga kung sino ang kumuha ay umamin na." matigas na sabi ni Rob sa mga ito. Si Cally naman na nakahalo sa trainees ay tahimik lamang at walang reaksyon. Gayundin si Prin. Halata naman ang pagtataka sa mga mukha ng trainees kung bakit ganoon na lamang kung paboran ni Rob si Cally. "Master, Si Cally ang kumuha dahil sa kanya nakuha ang Katana na nagmula pa sa Heian period." pilit ni Levan. Nagpipigil si Kai na Leader nila. Hindi niya makontrol ang sariling miyembro na si Levan pero may punto rin naman ang lalaki. Mas ninais pa rin niya na manahimik dahil naniniwala rin siya kay Cally na hindi nito kaya ang magnakaw. "Cally¡­" sambit ni Joen na nasa tabi ni Cally. Halata sa binata na kinakabahan ito sa resulta kung sakali man na maparusahan siya at umalis ng Camp. Naalala ni Joen ang gabi na nakita siya nito at ni Prin. Halata na galing nga ito sa loob ng mismong bahay ng mga Matsui kung saan sila pinagbabawal. Pero nagpasalamat siya na nakita niya ang dalawa nang gabing iyon dahil nananatili siya sa training. Natulungan din siya ni Cally na masiguro ang kaligtasan ng anak at ng nobya niya. "Imposibleng si Cally!" matigas na sabi ni Rob. "P-pero.." Bumaling si Rob kay Cally na tahimik pa rin sa mga oras na iyon. "Cally, ano ang masasabi mo sa bagay na ito?" Tumayo si Cally at nagpunta sa harapan. "I can say that someone is envy and wanted me out in this training but I had never done stealing in my whole life." "Furthermore, I can use this Katana whenever I want. Why would I need to steal it?" Tumingin si Cally kay Levan. "I know MB16 is the one who did it." sigurado na sabi ni Cally. Agad na gumawa ng reaksyon ang huli. "Ha! You are crazy! Why would I need to do that? Sa iyo nakuha ang katana pero sa akin mo sinisisi? Master, parusahan niyo na ang magnanakaw na iyan!" pilit ni Levan. "I am sure you are the one." seryosong sabi niya. Napalunok si Levan pero hindi niya pinahalata. Pinilit niya pa rin ang pagmamatigas sa harapan ni Rob. Hindi naman makapagsalita ang ibang trainees. Naniniwala sila na si Cally ang kumuha dahil sa kutson ng binata nakita ang katana. "You are trying to frame me. Alam mo ba kung bakit ko alam?" tanong ni Cally kay Levan. Hindi sumagot si Levan. "Because you saw me inside the house. Leaders are not allowed to tell anyone kung ano ang mga nakikita nila sa loob ng bahay. Siguradong ni isa sa kanila ay hindi sasabihin na nakita nila ako sa loob." "Aside from that, you knew that this Katana was made since Heian period." Tinakasan ng kulay si Levan. "Yeah, paano mo nga nalaman na mula pa sa Heian period ang pinapahanap ko?" baling ni Rob kay Levan. Chapter 14 - He is Secretly Smiling Mula kay Cally, lumipat ang tingin ng lahat ng trainees kay Levan. "I¡­ I.." "... You can''t just accused me¡­ Ikaw, Ikaw ang pumapasok sa tirahan ng Matsui kaya ikaw ang kumuha! Huwag mong ibaling sa akin ang bintang!" nagalit ito. Hinila ni Cally ng kaunti ang mahabang armas mula sa scabbard or sleeve nito. "You knew because of this symbol, right?" tinuro ni Cally ang bilog na simbolo sa blade ng katana. Tuluyan nang hindi nakabawi si Levan. "Guard!" Senyas ni Rob. Lumapit ang Matsui Guards na nakaitim kay Rob. "Palabasin si MB16. Ito na ang huling araw ng pagsasanay niya!" galit na galit si Rob kay Levan. Kung umamin lang sana ang lalaki ay baka parusahan niya lang ito. Pero nagmatigas si Levan at gumawa pa ng ikapapahamak ng kasamahan. Isang maling pag-uugali na dapat na wala nito ang Dark Guards. He made sure at the very first day that everyone must protect their group. To protect their brothers and sisters. Kasabay ng pisikal na training ang disiplina sa sarili at sa kapwa. "Master, bakit ako ang paalisin niyo at hindi si Cally?!" nagagalit si Levan. Napupuno ng galit ang dibdib niya. Naiinis siya kay Cally dahil ibinoto nito sa simula pa lang si Kai. Naiinis siya dito dahil natatalo siya nito sa match. At naiinis siya dito dahil masyado itong magaling. Akala ni Levan ay mapapatalsik niya na si Cally sa training kapag nilagay niya ang napakahalagang katana sa ilalim ng kutson ng kama nito. Napupuno ng inggit at galit ang dibdib niya. "Kailangan niyong ipaliwanag sa akin bakit ako ang kailangan na umalis!" Tumayo si Rob ng galit na galit. "Alam mo kung bakit? Because Cally will be your Master and he doesn''t need to steal his own Katana!" dumgundong ang boses niya sa buong hall. Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagkatinginan pa ang mga ito. "Huh, si Cally, Master?" "Oo, tama. ganoon nga ang sabi ni Master Rob" Nagkaroon ng kaunting ingay sa paligid dahil sa usapan ng mga trainees. Tanging si Lorenz at Prin lang ang hindi nagkomento dahil alam nila ang tungkol sa bagay na iyon. "Tahimik!" sigaw ni Rob. Agad naman na nagbalik ang atensyon ng lahat sa pinuno nila. "Sobrang laki ng awang ng posisyon ni Cally kahit sa akin. Ngayon, sabihin mo kung bakit hindi ikaw ang dapat kong paalisin?!" galit na sabi ni Rob kay Levan. Hindi nakasagot si Levan. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon para siyang nawala sa sarili. Agad siyang hinila ng guard na nakaitim. Hindi ito mangingiming patayin siya kung sakaling mangungulit pa siya kay Cally. "Ayoko nang mauulit pa ang ganito! Ayoko sa lahat ang maging tuso at mapanlinlang na Dark Guard!" matigas na sabi ni Rob sa lahat matapos mawala sa paningin niya si Levan. "Pupugutan ko ng kamay ang sino man na gumawa ng katulad nito. Nagkakaintindihan ba tayo?!" "Yes, Master!" sabay-sabay na sabi. "Balik sa kampo! Magsanay na kayo dahil magsisimula ang opening ceremony sa susunod na linggo" pagkasabi ng nais ni Rob ay umalis na siya ng general hall. Bigla naman nailang kay Cally ang lahat at ramdam niya iyon. "Huwag kayong mahiya o mailang sa akin. I''m still a trainee." sabi niya sa lahat. ===== Opening Ceremony... Matapos ang isang linggo nang maganap ang pagpapaalis kay Levan, magaganap ang seremonyas eksakto alas sais ng hapon. Pagtapos ng pag-aalay para pasalamat sa panginoon ay isang masayang salu-salo para sa lahat ang magaganap. Hindi sila pipigilan sa kung ano ang gusto nilang kainin at inumin. Literal na fiesta. Ang apat na Leader ang magsisindi ng torch na matatagpuan sa bungad ng bawat kampo at manggagaling ang apoy mula sa malaking bonfire na matatagpuan sa gitnang bahagi o sa general hall. Nago mag-alas-sais, magkasama si Prin at Cally sa computer room dahil nagpadala ng mensahe si Cally sa Mommy niya para ipaalam dito na tutuloy siya sa UK. He is just 18 and still needing his Mom''s love after all. He is missing his family pero bawal dumalaw ang pamilya kahit pa pwede naman siyang dalawin doon ng mga ito bilang malapit na kaibigan ng mga Matsui. Tinuring ni Cally ang sarili na kabilang sa mga kasamang trainees at hindi pwede na paboran siya doon kaya mariin niyang sinabihan ang pamilya na huwag na huwag siyang dadalawin. Alam niya rin na busy ang Mommy niya sa opisina nila sa MGM at pagtuturo sa klase. [CallyHan: Mommy, I miss you so much. Can I see you before going to the UK?] [GinnyLopez: Baby boy, I miss you too so much! pagagalitan ko talaga ang daddy mo kapag hindi ka umuwi dito sa bahay kahit tatlong araw lang. Please come home, okay?] Napangiti si Cally. "Wow! you are smiling!" hindi makapaniwala na bulalas ni Prin. Agad naman na nakabawi si Cally at sumeryoso muli. Nahiya siya ng kaunti. Hindi kasi siya pala-ngiti. Literal na seryoso ang tingin sa kanya ng lahat. Sinilip ni Prin ang monitor niya. Naisip niyang tudyuin ang lalaki dahil tinawag itong ''Baby boy'' ng Tita Ginny niya. "Wag kang mag-alala baby boy, your secret is safe with me." sabi niya habang tinapik-tapik ito sa balikat. Sumimangot lalo si Cally. Chapter 15 - Drunk Eksakto alas-sais nakahanda na ang lahat para sa hudyat. Magkakasama ang lahat sa labas ng general hall. Sa tapat ng bukana nito naroon ang bonfire. Bilang hudyat, isang mini-gun na nakatutok sa kalangitan ang pinaputok ni Rob bilang pinuno ng committee. Gumuhit ang asul na liwanag mula sa mini-gun ang makikita hanggang sa marinig ang putok sa ere. Matapos iyon ay kanya-kanyang sindi ng sulo ang lahat ng lider. Tumakbo ang mga ito patungo sa kani-kanilang camp area at saka sinindihan ang dalawa pang sulo na nasa bukana ng camp. Isang fireworks ang sinindihan ng apat na lider bilang pagtatapos. Nagpalakpakan at hiyawan ang lahat dahil oras na ng kasiyahan. Inaabangan ni Prin kung ngingiti muli ang crush niya dahil masaya ang lahat. pero nanatiling seryoso ang lalaki. ''Hmp! Seryoso talaga ang mokong'' "Baby boy, hindi ka ba masaya?" tinawag niya itong baby boy dahil baka iyon ang dahilan kung bakit ngimiti ito nang magkasama sila sa computer room. Kabaligtaran sa inaasahan, hindi nagustuhan ni Cally ang pagtawag niya dito ng baby boy lalo at kasama nila ang halos lahat ng trainee. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tinawag mo ulit akong ganyan." pagsusungit ni Cally. "Sungit¡­" bulong niya. Nakanguso lang si Prin habang sumusunod dito. Dumeretso sila sa loob ng hall kung saan nakahanda ang napakaraming pagkain at alak. Hindi lumayo si Prin kay Cally. Matapos kasi ang group battle alam niyang tutuloy ang lalaki papunta ng Maynila para kitain ang pamilya nito. At posible na ilang buwan pa bago niya makita muli ang lalaki. "Cally, come here!" Tawag sa kanila ni Joen pagpasok nila ng hall. Nakapwesto ito malapit sa mga pagkain kasama ng iba pang grupo. Nakita niya si Lorenz na nakahalubilo rin sa iba pang mga kasama nito. Tumabi rin si Prin dito. "Seriously, are you guys secretly dating?" tanong ni Ana na nakasalampak sa tapat niyang mesa. Tinitigan niya ito ng masama. "Hell no! I''m just fourteen." "Ehhh¡­ you look good together. Anyway, okay lang naman dahil marami ang matutuwa." komento nito. Inikutan niya na lang ito ng mata. May lumapit kay Cally mula sa ibang grupo. Inabutan nito ng maliit na shot ng alak si Cally. "Shi, for you¡­ tanda ng respeto¡­" sabi ni MB31 Alam na ng lahat ng trainees na ang ibig sabihin ng ''Shi'' ay Master. Tinanggap naman iyon ni Cally dahil wala naman itong masamang intensyon at agad na nilagok ang alak. Napalingon si Joen. "Shi¡­ Ako din!" Nagsalin din ito sa maliit na shot glass at inabot kay Cally. Kinuha din iyon ni Cally at ininom. Hindi niya napapansin na marami ang lumapit sa kanya para magbigay ng respeto. Pansin ni Prin na namumula na ang pisngi ni Cally dahil sa alak hindi pa man lumilipas ang oras simula ng umupo sila roon. Sunud-sunod ang lagok nito ng alak mula sa kung kani-kanino. Wala kasi itong tinanggihan sa lahat ng trainees. "Hey, kumain ka muna!" saway niya dito. Gusto niya nang pigilan ang binata sa pag-inom nito. Humarap sa kanya si Cally at bigla nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. "My baby panda, why are you so cute?" ''Baby panda?'' Namula rin ang pisngi ni Prin. ''Sheet, ''wag kang ganyan Big panda baka makalimutan ko na maraming tao dito.'' "Baby panda, kuha mo ako ng desert." utos nito. Namumungay na ang mga mata nito na halatang nakainom ng alak. "Hey, MB53 kuha ka ng desert para sa iyong Shi!" pinasa niya ang utos kay Joen. "Right away, princess!" Hindi siya nito tatanggihan lalo at tinuruan niya ito ng tamang galaw at kung paano makakapuntos sa kendo battle. "Hey, mind your image." bulong niya kay Cally. Ngumiti ito sa kanya sa unang pagkakataon. Ngiting nakakaloko. "Woah!!! You¡­ You smiled at me!" masayang sabi niya. Mukbang nagkabunga ang effort niya na samahan ito at sa wakas ay nginitian siya ng lalaki. Hindi maipaliwanag ni Prin ang saya niya. Dumating ang desert na dala ni Joen. "Here¡­ Kainin mo itong fruit salad para bumaba yung tama ng alak sa iyo." sabi niya kay Cally habang inaabot dito ang pagkain. Tiningnan lang nito ng bahagya ang ma-kremang pagkain at ibinalik sa kanya ang paningin. "Feed me¡­" utos nito. Nabigla si Prin. "Sige na, baby panda¡­ Feed me¡­" para itong bata na hindi pinakain ng magulang kaya naglalambing sa kanya. ''Seriously, this guy! Tingnan natin bukas kung ano ang masasabi mo'' Hindi alam ni Prin ang gagawin. Tumayo si Cally inikot ang paningin sa buong hall tapos umupo muli. "Walang magpapakain sa akin¡­" parang nagtatampo na sabi nito. "Mind your image!" parang masisiraan ng bait si Prin bigla siyang nagkaroon ng alaga na baby damulag. "Ihhhh¡­" Prin "...." Nasaan na ang masungit na Cally? Kung may cellphone lang siya sa mga oras na iyon ay kinuhanan niya na ito ng video para ipakita dito at ipanakot kapag binu-bully siya nito. Walang nagawa si Prin kundi ang pakainin ang kanyang big panda. "Hmmm¡­ Masarap¡­" komento pa nito. "Shi Cally, shot ka pa." sabi ng isang trainee mula sa Dragoon. Ininom muli iyon ni Cally. Marami pa itong nainom kasabay ng pagpapakain niya dito ng salad. Hindi naman napapansin ng iba pa nilang kasama ang nangyayari sa binata dahil pare-parehas silang nagkakasiyahan. Bigla itong nag-pacute sa kanya. Hawak nito ang sariling mga pisngi. "I will definitely miss you¡­" Lalong namula ang pisngi ni Prin. Nagulat na lang siya ng biglang mag-pass out ang binata sa tapat nitong table. Chapter 16 - My Baby Panda Nabigla na lang si Prin nang biglang mawalan ng malay si Cally. Hinayaan niya na muna ang lalaki na magpahinga saglit. Napansin naman ito ng ibang kasama nila kahit ang lider nilang si Kai. "What happened to MB8?" tanong nito. "Ang dami niyo kasing nag-alay ng alak sa kanya, kaya iyan nawalan ng malay." reklamo niya dito. "Oh.. If that''s the case we can send him now sa blade camp. Tomorrow is the beginning of the group battle." sabi nito. "Hayaan na muna natin siya¡­" matapos niya iyong sabihin, nabigla siya nang i-angat ni Cally ang ulo nito. Inikot nito ang paningin sa lahat, tapos ay tahimik na tumayo at dumiretso palabas ng hall. "Leader MB5, susundan ko na si Cally" nagpapasensya na sabi niya dito. "Hmm¡­" Nagmadali si Prin sa pagkilos para mahabol niya ang palabas na si Cally. Nagulat na lang siya nang tinutungo nito ang tahanan nila. Nagtataka siya kung ano ang gagawin nito doon. Maya-maya tumakbo ang binata. Hinabol ito ni Prin. Napapagod na siya kahahabol kay Cally nang mapansin niya na iniikot lang nila ang buong compound. "Hey!!! Please stop¡­" napapagod na ang mga binti niya lalo at nakaboots sila. Sumalampak si Prin sa s.e.m.e.nto. "Ayoko na¡­ hindi ko na kaya." hinihingal na sabi niya. Kailangan niya pang magpahinga dahil baka siya ang mapili sa kendo match kinabukasan ng umaga. Paano niya magagawa iyon kung ngayon pa lang ay napapagod na siya? Napansin niya na huminto ang binata at bumalik sa direksyon niya. "I am looking for my baby panda." parang batang iniwan ito ng magulang sa paraan ng pagkasabi nito n''on. "uhmm¡­ Your baby panda is here¡­" hinihingal pa rin na sabi niya. Itinaas niya pa ang kamay. Wala na siyang magawa kundi umamin para huminto na ito sa pagtakbo. Umupo ito sa harapan niya. Madilim ang paligid kaya inilapit nito ang mukha nito sa kanya para mas malapitan siyang makita. Napaatras naman si Prin dahil sa ginawang paglapit ng mukha nito. Pinisil-pisil nito ang pisngi niya. "Woah! You really are my baby panda!" Prin "..." "Y-Yes I am." hindi pa siya nakakabawi sa pagod. Kailangan niyang magpanggap para makabalik na ito sa higaan nito. "I''m tired.." sabi niya habang pinupukpok ang binti. "Why?" "It''s your fault! I have to run because of you." Hindi ito nagsalita at basta binuhat na lang siya. "Let me carry you." Malalaki ang hakbang ni Cally at parang napakarami ng enerhiya nito para mabitbit pa siya. Kumakabog naman ang dibdib ni Prin dahil naaamoy niya ang pabango ng lalaki. She is guessing kung ano ang cologne na gamit nito habang malapit siya sa dibdib ng binata. Para itong droga. Siguradong hahanap-hanapin niya kapag wala na ang binata sa training. Dahil sa sobrang pagkalango ni Prin sa amoy ni Cally, hindi niya napansin na naipasok na pala siya nito sa training hall kung saan sila unang nagkita. Inupo lang siya nito tapos ay humiga si Cally sa lapag. Napansin niya na lang na nakapikit ito. Hindi alam ni Prin ang sasabihin. She was speechless. Matagal niyang pinagmasdan ang nakahigang anyo nito. Nang hindi siya makontento ay tinabihan niya ito ng higa. Tumagilid siya at humarap dito. ''Cally¡­ Gagalingan ko dito sa training para mapantayan ka.'' pangako niya sa sarili. Ilang sandali lang, tumagilid din ito paharap sa kanya. Mas malapitan niyang napagmasdan ang guwapong mukha nito. Pinagsawa niya ang mata dahil hindi niya iyon magagawa sa normal na araw. Wala man lang siyang makitang flaws sa lalaki bukod sa makulit ito kapag nalalasing at masungit. Dahan-dahan itong nagdilat ng mata at tumingin sa kanya kaya para silang nagtititigan. Pero alam ni Prin na parang wala itong nakikita. Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon lalo na ng haplusin nito ang pisngi niya. Nanlaki na lang ang mata ni Prin nang ilapit nito ang mukha at hinalikan siya sa labi. Ilang segundo lang iyon pero parang gustong magtatalon lahat ng red blood cells niya sa katawan. Nagulat na lang siya nang matapos siya nitong halikan ay bumalik ito sa pagtulog. Napaatras si Prin nang hawak ang labi. Saglit lang ang halik na iyon pero nabulabog ang buong pagkatao niya. Alam niya na siguradong hindi na nito alam ang mga pangyayari na iyon pagdating ng kinabukasan pero naglulundag pa rin ang puso niya sa saya dahil nakapuntos pa rin siya ng halik mula kay Cally. Kinabukasan, alas-otso ng umaga ang match kaya lahat ng grupo ay maayos na nakapila. Binigay ni Rob ang rules. "Itong apat na box ang naglalaman ng lahat ng codes niyo. Bubunutin ang pangalan ng tatlong representative mula sa apat na grupo." "Ang leader ang magdedecide kung sino ang ilalaban sa kada match sa ibang grupo." "Unang laban, Arcadia group versus Blade, Cobra versus Dragoon. Kung sino ang makakadalawang puntos o ang magwawagi sa dalawang laban, iyon ang papasok sa susunod na round." Chapter 17 - Awesome Prin Binunot and ang mga code ng mga pangalan at swerte si Prin na nabunot siya. Lihim siyang nagdiwang. Nabunot din si Joen at ang isa pa nilang kasama na hindi masyadong nag-aral sa pagkamit ng wooden sword. Malakas ang loob ni Prin na mananalo siya. Agad silang pinulong ni Kai. "You can do this okay?" "Leader MB5, medyo kinakabahan ako dahil hindi ako ganoon kagaling." malungkot na sabi ng isa nilang kasama. Lumapit sa kanila si Cally. "Are you guys, okay?" Nasa likod ito ni Prin at agad siyang nakuryente sa paglapit ng binata. Ayaw niyang lumingon dahil baka magambala siya sa laban lalo at kapag naisip niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi. "Shi Cally, medyo worried ako¡­" malungkot na sabi ng isa. "Kaya mo iyan¡­ Just do your best. Huwag mo masyadong isipin kung matalo ka. Nandiyan si GW8 at MB53 para bumawi." sabi nito. Mukhang guminhawa naman kahit papaano ang pressure na naramdaman nito. Tumuloy sila sa wardrobe para magbihis ng pang kendo. Isang makapal na jacket at trousers ang suot nila. At babalutan ng armor para protektahan ang mahahalagang bahagi ng katawan. At ang pinakamahalaga ay ang shield sa ulo para proteksyon. Hindi tulad sa normal na kendo match, ang rule nila ay sa ulo lang patatamain ang shinai(1). Kailangan makalimang puntos kada match. At dalawang referees lang ang bantay at iaangat nito ang kulay ng flag kung sino ang nakapuntos. Mga samurai masters ang inimbitahan ni Rob para magpuntos para patas ang laban. Sa unang laban, isinabak ni Kai ang kasama nila Prin na si MB20. Magaling ang kalaban nito at napag-aralan agad ni Prin ang kilos nito na mula sa Arcadia team. Talo sila. "MB53, kailangan mong manalo, okay? Kung hindi ka mananalo sasabihin ko sa girlfriend mo na namba-babae ka dito" pananakot niya kay Joen. "Don''t worry, mananalo ako dahil ikaw ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo." "Good." Pumwesto na si Joen sa markang guhit para sa team nila. Inisip niya ang anak at ang girlfriend niya kaya lalo siyang ginanahan na manalo. Nang ibigay ang hudyat, agad siyang kumilos at pinatamaan sa ulo ang kalaban. Inangat ng dalawang referee ang flag ng Blade. ''Apat na puntos na lang'' sabi niya sa sarili Pumwesto muli siya sa marka. Mas nahirapan siya kumpara sa una. Nang patatamaan na nito ang kawayan. Agad siyang nakailag at binilisan ang pagkilos para makatama ang shinai niya sa head armour nito. Dahil sa sobrang seryoso niya sa match hindi niya namalayan na nanalo na pala siya. "That''s nice MB53, hindi man lang nakapuntos ang kalaban." puri ni Prin. Malapad ang pagkakangisi nito at proud sa sarili. "That''s because you helped me. Thank you Prin!" Nakagaan sa pakiramdam niya ang sinabi nito. Siya ang sunod. Nag-iba kaagad ang awra niya. Pumwesto rin siya sa guhit na marka, nagbow sa kalaban na trainee at hinintay ang senyas. Nang ibigay ang senyas, kumilos agad ang kalaban niya, tumira ito pero agad na nakaiwas si Prin. Masasabi na magaling ang kalaban niya mula sa Arcadia. Nang tumira muli ito para patamaan siya ay agad na hinarang ni Prin ang shinai at napukpok niya sa ulo ang kalaban. Itinaas kaagad ang flag ng blade. Nakapuntos siya. Balik siya sa markang guhit. "Hmp I will not let you win!" mayabang na sabi ng kalaban niya. Kahit papaano kasi ay nakakababa ng pagkalalaki kung sakaling matalo ito ni Prin kaya ginanahan ang kalaban niya. Umabante muli ito para patamaan siya nang ibigay ang hudyat. Mabilis na kumilos si Prin at natamaan niya muli ang helmet nito. Puntos muli para sa team nila. Hindi na pinatagal ni Prin ang laban at agad siyang nakakapuntos. Matapos lang ang limang minuto. Panalo ang Blade team sa match. She felt proud. At sisiguraduhin niya na matatalo nila ang kung sino man na mananalo laban sa match ng Cobra at Dragoon. Matapos nga ang ilang minuto nagwagi ang grupo ng Cobra. Pinulong sila ni Kai. "MB2''s team was really good. Galingan niyo okay." Sabay-sabay silang tumango. Napalingon pa si Prin sa direksyon ni Cally na sabay na nakatingin sa kanya. Namula kaagad ang pisngi ni Prin. Naalala niya ang halik na iginawad sa kanya nito nang nagdaang gabi. Pinilig niya ang ulo. kailangan niyang magconcentrate. Nagsimula ang laban sa pagitan nila ng Cobra team. Tulad ng pagkakasunud-sunod ng laban sa unang laban nila, ganon muli ang pinagawa sa kanila ni Kai. Natalo ang unang kasama at nanalo muli si Joen. Kaya si Prin na lang ang pag-asa ng Blade team. Huminga siya ng malalim matapos ang pag-bow. Nagsimula ang laban sa pagitan nila ni MB19. Mabilis ang kilos ng lalaki, gusto siya nitong linlangin sa galaw ng shinai nito. Kanan, kaliwa at paulit ulit ang kilos. Nang makakita ng tyansa ang lalaki para pukpukin siya sa ulo, para iyon nagslow-mo sa paningin ng lahat nang mag-dock si Prin at nagpadulas sa ilalim ng braso nito na may hawak na shinai. Saka niya pinukpok ang ulo nito mula sa likuran. Puntos para kay Prin. "Wow!!!!" "Ang galing!!!!" "that was an awesome move!" Mga papuri sa kanya. Chapter 18 - Flag Fight (1) Sa huli, si Prin din ang nanalo kaya nagwagi ang Blade Team sa Kendo Match. Agad siyang nilapitan ng mga team members niya at masaya silang naghiyawan. Lahat ay halos gusto siyang bigyan ng papuri. Nagpasalamat at pinuri siya ng mga kasama niya sa team. Malapad naman ang pagkaka-ngiti niya dahil sa una pa lang ay tiwala na siya na manalo siya sa Kendo match. Ikalawang araw¡­ Isang Mixed Martial Arts ang magaganap na laban. Tulad ng ginawa sa Kendo, bubunot ng tatlong member sa bawat team para isalang sa match bukod pa sa Leader. Dahil kailangan patunayan ng leader ang galing niya sa pakikipaglaban. Hindi kasama si Cally sa nabunot pero ayos lang sa kanya dahil sa mga oras na iyon ay mas magaling siya sa planning and strategy. Bubunutin kung sino ang maglalaban mula sa box. Nabunot ang Blade team at Dragoon. Sinalang nila si Ana na kasama sa nabunot. "GW10, galingan mo ha!" sabi dito ni Prin. Ginanahan naman ito sa sinabi ni Prin. Nagbigay lang ito ng ok-sign. Babae rin ang isinalang ng Dragoon team. Matapos ang ilang minuto ng laban ng mga ito, nakakuha ng tiyempo si Ana para maipit ang mga hita at braso ng kalaban niya. "Ah! Ah! Suko na! Suko na!" sumenyas ng pagsuko ang representative mula sa Dragoon. Panalo kaagad sila. Nadismaya naman ang Dragoon team. Hanggang sa umabot nga ang laban kay Kai at Lorenz. Blade at Cobra muli ang maglalaban sa match na iyon. Interesado ang lahat lalo at alam nilang parehas na magaling ang dalawa. Ibinigay ang hudyat. Agad na pumorma ang dalawa para makatira. Umabante si Kai para bigyan ng suntok si Lorenz pero agad itong nakaiwas. Sa halip isang sipa ang naibigay nito sa una. Mas nanaig naman ang kagustuhan ni Kai na maibalik kay Lorenz ang binigay nitong sipa. Nagawa naman niya dahil hindi nito naiwasan ang mabilis na pagkilos niya. Halos pantay ang laban hanggang sa tila ba sinapian ng kung ano si Lorenz at nagawa niya na magpatama ng maraming suntok sa mukha ni Kai. Pulang-pula ang mukha ng leader nila pero hindi pa rin ito susuko. Sa huli, tinuhod ni Lorenz ang mukha ni Kai dahilan para ma-K.O. ito. Panalo ang Cobra team. Hiyawan din mula sa Cobra ang nanaig. "Wow! MB5 is really awesome!" sabi ni Ana. Biglang nagkaroon ng paghanga ang mga kababaihan kay Lorenz. Normal na reaksyon lalo sa mga kabataan kapag magaling ang isang binata sa pakikipaglaban. Lumapit si Cally kay Lorenz. "Tsk tsk! Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon." sabi niya dito. Ngumisi lang ito sa kanya. Kumuha ito ng tubig saka umupo at ininom iyon. Tinabihan ito ni Cally. "Gusto mong sumabay muna sa akin umuwi kahit tatlong araw lang? Uuwi ako sa amin sa Maynila sa susunod na araw tatapusin ko lang ang flag fight." pagbibigay-alam niya dito. "Wala naman akong uuwian." Matigas at may halong kalungkutan na sabi nito. Hanggang sa mga oras na iyon ay masama ang loob ni Lorenz sa pamilya niya. Huminga ng malalim si Cally. "If that''s the case I will go alone. See you in UK." "hmmm." ===== Flag Fight¡­ Kinabukasan ng gabi ginawa ang Flag Fight. Kailangan makuha ang dalawa o tatlong flag ng kalaban na grupo. Arcadia, yellow flag. Blade, green flag. Cobra, orange flag at Dragoon, white flag na matatagpuan sa bawat Camp. Kailangan protektahan ang flag na nasa bungad ng Camp. Si Ana at tatlo pa ang nakatoka na magbantay ng flag nila. Ang iba ay mahahati sa dalawang grupo para kumuha ng flag ng ibang Team. Si Cally at Prin ang nakatoka na kumuha ng flag sa Dragoon team kasama ng anim pa nilang nakasama. Siya ang inatasan ni Kai na mamuno. At ang grupo ng mga ito ang tutuloy sa Arcadia Team. "Kapag nakuha na natin ang flag ng dalawang team saka tayo tumuloy sa Cobra Camp." paliwanag ni Kai. "We don''t know who is the flag guard but surely Lorenz will do his best to protect his Camp and to get the flags." "Do your best Ana." sabi ni Prin dito. Pumorma na sila sa harapan ng Blade camp at hinitay ang asul na ilaw na hudyat na papuputukin sa langit. Ilang sandali lang, nakita na nila ang liwanag. "Go!" sigaw ni Kai. Kanya-kanya nang takbuhan ang lahat. May bitbit silang baril-barilan na gawa sa kawayan at may bala na sumpit na pwedeng magparalisa sa parte ng katawan kung saan ito tumama. Bawat baril ay tig-singkwenta ng bala kaya kailangan nilang gamitin iyon ng maayos. Mapaparalisa ang parte na iyon sa loob lamang ng dalawang oras. Ilang metro na lang sila sa Dragoon camp nang makasalubong nila ang grupo nito dahil may plano rin na pumunta ang mga iyon sa Camp nila. Agad na nagpalitan ng bala ang grupo nila Cally at ng Dragoon Team. Hinila ni Cally si Prin para umabante at hinayaan ang iba nilang kasama na humarap sa mga ito. Gumilid sila sa magkakatabi at makapal na wooden box. Nakita silang dalawa ng Leader ng Dragoon na si MB12 at agad silang tinira ng sumpit nito pero nailagan ni Cally. Tinulak niya si Prin sa sumunod na box. Go!" senyas ni Cally kay Prin para siya ang humarap kay MB12. Umabante naman si Prin kasama ng tatlo pang natira sa team nila patungo sa Dragoon Camp. Nagpalitan sila ng bala ni MB12 habang nagtatago sa magkabilang wooden box. Natamaan ni Cally ang braso nito kaya nahirapan ito na tirahin siya pabalik dahil hindi nito naigalaw ng maayos ang braso. "Thanks!" sabi lang ni Cally saka kinuha ang baril nito na gawa sa kawayan matapos tirahin ng isa pa ang binti nito para hindi na ito makalakad. Saka siya sumunod kay Prin. Chapter 19 - Flag Fight (2) Dahan-dahan na lumapit si Prin at ang tatlo pa nilang kasama papunta sa white flag ng Dragoon. Ilang metro na lang ang layo nila at natatanaw na nila ang puting Flag na nagliliwanag. Pinag-aralan ni Prin ang apat na nagbabantay doon at nagmamasid. Lumingon siya sa mga kasama niya na nasa likuran at sumenyas na umabante. Maya-maya, nakarinig sila ng mga tira ng sumpit mula sa Cobra na parehas ang layunin na tulad nila -- ang makuha ang white flag. Nalipat dito ang atensyon ng mga nagbabantay sa white flag. "Go. go. go!" sabi ni Prin sa mga kasama habang nasa iba ang atensyon ng Dragoon team. Binaril din nila ng sumpit ang dalawang team habang umaabante patungo sa white flag. Natamaan din ang isang kasama ni Prin dahil napansin sila ng mga ito. She was determined to get the flag. Hindi niya napansin na may nakatutok sa kanyang sumpit. Mabuti na lamang at nahila siya ni Cally na lihim na nakasunod din sa kanila, sabay silang na out-of-balance kaya tumilapon siya sa ibabaw ng lalaki. Parang tumigil naman ang mundo ni Prin dahil sa pagdikit niya sa katawan nito. Hindi niya alam kung ilang segundo iyon na parang nilipad ng hangin ang diwa niya. "Hey, get up and get the flag! Ako ang pro-protekta sa iyo." gising nito sa nililipad niyang diwa. Nakabawi naman siya agad. ''Mamaya na ang landi, trabaho muna'' sabi niya sa sarili. Tumayo siya na sakto lang na nakatago ang ulo niya sa crate saka diretso na tinakbo ang direksyon ng white flag. Wala ng atrasan. Kapag nakuha na nila iyon ay hindi na pwedeng bawiin ng Dragoon pero maaaring makuha sa kanila ng Arcadia at Cobra team. Habang tumatakbo siya, matalim ang paningin ni Cally na nagmamasid at pinatamaan nito ng sumpit ang member ng Cobra na nagtatago hanggang sa makuha ni Prin ang white flag. "Yes!" Kinurot nito ang pisngi niya. "Mamaya ka na magsaya. Itago mong mabuti iyan. Let''s go to Cobra camp!" sabi nito sa kanya at sa isa pang kasama nila na si MB1 na wala pang tira ng sumpit. Tatlo silang natitira sa grupo at tumakbo papunta sa camp ng Cobra. Hindi natutuwa si Cally na nabawasan sila ng mahigit sa kalahati pero ayos na rin at nakuha nila ang white flag. Iyon nga lang, alam nilang tatlo na mas mahigpit na kalaban nila and Cobra. Hindi pa man din nila alam kung nagwagi ang grupo ni Kai sa Arcadia Camp at kung ilan ang natitira sa grupo nito. Maingat silang tatlo sa pagsulong at hindi gumagawa ng ingay. Pinilit nilang magtago sa mga crate na hanggang bewang ang taas. "You should keep the white flag whatever happened, okay?" sabi nito sa kanya. "MB1 go!" senyas ni Cally. Sinunod naman siya nito. Pinauna ito ni Cally habang si Prin ang nasa gitna at siya ang nasa huli. Tatlo silang umabante ng tahimik. Hindi inaasahan ni Cally na magbabantay si Lorenz at Donna sa flag ng mga ito. May mga nakita siyang naparalisa na mga member ng Arcadia at Dragoon na malapit sa pwesto ng dalawa niyang kaibigan. ''Tsk!'' tama ang hinala niya na babantayan ng mabuti ni Lorenz ang flag nito kahit na anong mangyari. Mas gugustuhin pa nito na manatili doon sa Cobra camp. "Go!" senyas niya sa dalawang kasama. Sakto naman na naroon din ang grupo ni Kai na nagpatira ng sumpit. Dahil sa magkaibang direksyon sila nanggaling, nakalapit sila ng kaunti sa Orange flag ng Cobra. Tinira sila ni Lorenz ng sumpit nito pero agad silang nagtago kaya walang natamaan sa kanila. Si Donna naman sa grupo ni Kai. Panay lang ang tira ni Donna hanggang sa maubos ang bala ng sumpit nito. "Sh*t!" hinagis nito ang baril na gawa sa kawayan sa sobrang inis. Dahil doon, nakalapit pa ng kaunti ang grupo ni Kai. Hinagis ni Lorenz ang nakuha niyang sumpit sa ibang team kay Donna. Dahil din doon kaya mas nakalapit ang grupo ni Cally. Umabante siya at pinatamaan si Lorenz. Ganoon din naman ang kaibigan niya at natamaan nito si MB1. Dahil nawala ang atensyon nito sa flag, nagkaroon ng tyansa na makalapit ang grupo ni Kai kay Donna. Hindi rin basta papayag si Donna na makuha ang flag kaya inubos nito ang laman ng panibagong baril na gawa sa kawayan, natamaan nito si Kai at ang isa pang kasama. Tanging si Cally na lang din ang natitira at si Prin laban kay Lorenz at Donna. Pinilit ni Cally na patamaan sa binti si Donna na nagawa niya habang nasa kanya ang atensyon ni Lorenz. "Go Prin, get the flag!" sigaw niya. Napalingon dito si Lorenz at patatamaan sana ang dalaga pero nagkaroon ng tyansa si Cally na patamaan din ang kaibigan sa braso dahil nawala ang pokus nito sa kanya. "Sh*t" mura nito. Nakuha muli ni Prin ang Orange flag. "Yes! Whoooo!!!" Tuwang tuwa naman si Kai kahit pa naparalisa ang braso at binti niya. "Go Prin! Get the yellow flag here." masayang sabi nito kahit hindi maigalaw ng maayos ang katawan. "Tsk! Halimaw ka talaga Cally!" sigaw ng kaibigan niya. Gusto siyang murahin ni Lorenz. Tinapik niya lang ang kaibigan sa braso. "Com''on, I know you will do the same. Kulang ka pa sa strategy." Sabi niya dito. Alam ni Cally na pagdating sa pisikal ay hindi siya mananalo kay Lorenz pero nakalimutan yata nito na sa patalinuhan, hindi ito mananalo sa kanya. Chapter 20 - Indescribable Feelings KASALUKUYAN "Shi, we are here" gising sa kanya ni Lorenz. Doon lang nakabalik si Cally sa reyalidad. Napanaginipan niya na naman si Prin. Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga unang buwan nila na magkasama ng babae. Nami-miss niya ang panahon ng kabataan nila nito. Nakakuyom ang palad at bakas pa rin sa mukha niya ang pagdurusa nang mawala ito. Umupo muna ng maayos si Cally at hinintay na mag-land ang eroplano. "May ideya ka ba kung bakit tayo pinatawag?" naisip na itanong ni Cally sa kaibigan. Hindi sumagot si Lorenz. Dahil kilala na niya ang binata, alam niya na may ideya ito. Tumahimik na lang si Cally at hinintay na makarating sila sa mansyon ng Kent Family. Malamig ang klima sa lugar at gabi na rin nang makalapag ang eroplano. Isang limousine ang nag-aabang sa kanila pagbaba ng private plane. Inabutan siya ng chauffeur ng isang makapal na jacket dahil nanunuot talaga sa kalamnan ang lamig lalo at malapit na maghating gabi. Sabay silang sumakay ni Lorenz sa itim na sasakyan. Kinakabahan si Cally habang papalapit sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung oras na ba ng pagboto ng mga pinuno para husgahan siya kung siya ba ay karapat-dapat na pamunuan ang pitong pamilya. Kumakabog ang dibdib niya sa hindi malaman na dahilan. Para maiwaksi ang iniisip niya. Kinuha niya ang laptop upang tawagan sana ang Mommy niya para makausap ito, makita at humingi ng payo. Pero para saan? Agad niya rin namang iwinaksi dahil ayaw niya rin naman na mag-alala ito sa kanya. "May balita ka ba sa Byrne Family?" tanong ni Cally sa kaibigan. "Ang balita ni MB1, kinausap sila ng Peters para makipagkaisa sa kanila at sigurado daw na magkakaroon ng posisyon ang Byrne kapag tinalikuran ang pamilya niyo at si Gon Peter ang magiging pinuno. Katulad ng hinala mo." "They really have the guts kapag tinalikuran nila ang Kent at sumapi sa Peters. I have all the evidence to prove that they are corrupt and do tax evasion. Isang pitik ko lang, Irish Government will come after them. Idagdag pa na Gray Guards will backing me up." Hotel kasi ang business ng mga Byrne. Malalaking hotel sa halos buong mundo pero nakabase sa Ireland. Naninimbang si Cally kung hindi siya tatalikuran ng Byrne Family dahil kapamilya ng mga ito si Apolo na nagmahal sa Mommy niya noon. Pero isa rin iyon sa mga posibleng dahilan kung bakit maaari sila nitong talikuran. Huminga siya ng malalim. Noon niya lang napansin na papasok na ang sasakyan sa bukana ng Kent Property. Ilang ektarya ng lupain ang pag aari ng pamilya niya. Isang tagong lupain at tanging gobyerno lang ang nakakaalam dahil sila ay sikretong sumusuporta sa mga ito. Ang malaking mansyon ay matatagpuan sa ibabaw o tuktok ng burol. Isang simpleng mansyon kung titingnan pero mahigpit ang seguridad sa lugar. Mas kabado si Cally habang papalapit ang sasakyan sa Mansyon nila. Nang huminto ang limousine, bumukas kaagad ang malaking main door at iniluwa si Madam Lira. Bahid sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Halata ni Cally na inabangan talaga siya nito. Bumaba si Cally upang yakapin ang ginang. "Mama Lira¡­" usal niya sa pangalan ng ginang. Isang matikas at matapang na babae ang lola niya at nagawa nito na pamunuan ang samahan nila sa loob ng ilang taon simula ng mamatay si Master Kent na tatay nito. Niyakap lang siya nito ng mahigpit at hindi nagsalita. "Sabihin niyo po sa akin kung ano ang rason at pinatawag niyo po ako." Hindi nagsalita ang ginang at basta inakay na lang siya nito patungo sa isang kwarto. Mas dumoble ang kaba niya. May lumabas na doktor mula sa kwartong iyon. "She was safe Madam but still unconscious." sabi nito saka umalis. Kumakabog ang puso ni Cally. Hindi na kaba kung hindi excitement ang nararamdaman niya. ''Anong ibig sabihin nito?'' Nilingon niya si Lorenz na tahimik pa rin na nakasunod saka siya nagpatuloy papasok sa kwarto. Hindi makapaniwala si Cally sa nakita -- Prin Matsui is lying on a wine colored bed na parang walang buhay. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba. "S-she was captured by a pirate and was in the sea for a couple of years Cally." Nagluluha na paliwanag ni Madam Lira. "They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld dealings." "He used his money and all resources to buy her. And he sent her here." mahabang paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally. Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas ang ilang taon na nawala ito. Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman nito. "Not yet." Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a familiar and strange feelings. He really can''t describe. He doesn''t know what to say. He wanted to hold her and at the same time he is scared. Chapter 21 - Im here to Marry you A TWENTY THREE-YEAR-OLD CALLY He was captured again by Peters. Nangyari na ito noong apat na taon ang nakaraan habang nag-t-training siya kasama ang Gray Guards. Ang Dark guard ay nahahati ngayon sa Black at Gray. Ang Black Guards ay mas bihasa sa espada, patalim, lason at halamang-gamot, literally like Samurai. Samantalang ang Gray Guards ay sa baril, pagpapatakbo ng eroplano at kung ano pa tulad naman ng sa Militar. Isang taon makalipas ang training niya sa Japan kasama ang mga nakatakdang maging Dark Guards, isang hindi kilalang lalaki noon ang dumukot sa kanya. He was nineteen during that time. Isang Gon Peter ang humarap sa kanya. Halos kasing edad lang din niya ang lalaki. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa. Maihahalintulad sa demonyo ang awra ni Gon. Hindi rin naman ito nagtagumpay noon na dukutin siya dahil hindi nito akalain na nakapagsanay siya ng pisikal. Makalipas ang limang taon, heto na naman siya at dinukot na naman ng pamilya nito. He was just hoping that either the Black guard or Gray guard help him or else hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Dark Lords. Ang Peters Family ay maihahalintulad sa isang blacksheep sa isang pamilya. They are hiding in the dark and do evil things. Hindi nga alam ni Cally kung ilan na lang sa pamilya nito ang nabubuhay. Wala silang ideya kung sinu-sino ang sumusuporta sa Pamilyang ito at kung ano talaga ang role ng pamilyang ito sa Dark Lords bukod sa adviser noong nabubuhay pa si Master Kent. Adviser noon ang matandang Peters nang panahon ni Master Kent na naging makasarili at nagnais ng mas mataas na kapangyarihan. Nang hulihin siya nito noong de sinuwebe anyos siya ay hindi handa ang mga ito, hindi akalain ng mga ito na hasa si Cally sa pakikipaglaban. Pero iba sa mga oras na iyon, pinaghandaan siya ng mga ito para mahuli. Isang Charity event ang pinuntahan ni Cally kasama ang mga ordinaryong tao sa organisasyon at doon nga siya nito dinukot dahil wala siyang kasamang guard. Cally is praying na sana ay kahit na sino sa guards ang dumating. Pero nagulat siya ng iniligtas siya ni Prin. Natulala pa siya nang makita muli ang babae dahil hindi niya ito namukhaan. She was turned into a beautiful young lady. Just like a butterfly. She was alone at nagawa nito na iligtas siya just like a warrior princess. Tumakbo sila nito sa kagubatan matapos niyang makaalis sa kulungan. Ilang araw na walang kain si Cally kaya nanghihina siya at hindi masyadong naibigay ang inaasahan na bilis at lakas. Napaupo na lang siya sa lapag. Saka siya sumuka. "Oh! I''m sorry. Here!" inabutan siya nito ng isang likidong nakalagay sa maliit na bote. "What is this?" tanong niya sa babae. Inikutan siya nito ng mata. "It''s a calorie and energy drink." Ininom ni Cally ang likido. Halos masuka siya sa lasa. "F*ck!" "Com''on, siguradong mamaya ay magpapasalamat ka sa ''kin. Kikitain tayo ni MB5 sa bungad." Nabigla si Cally. Kung kasama nito si Lorenz bakit wala sa paligid ang kaibigan niya. Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila para bumalik sa pagtakbo. Ilang minuto pa, nakikita niya na ang kalsada sa wakas. Halos nakalimutan na nga niya na may pinainom ang babae na gamot sa kanya. Ilang sandali pa, nakikita niya na si Lorenz na nakasandal sa pickup truck. "Grabe, nauna pa ako sa iyo." nakangisi na sabi nito sa kanya. Nakakunot ang noo niya. "Naroon ka kanina?" "Yes." Hindi niya napansin ang lalaki. "I never saw you." "Tulala ka kanina kay Prin. Paano mo ako makikita?" tudyo nito. Nilipat niya ang paningin sa babae. Walang bahid ng reaksyon. Matagal tagal din sila na hindi nagkita nito kaya siguro nakatitigan niya ito ng matagal. "Let''s go bago pa ako maging third wheel dito." biglang aya nito sa kanila. Nagmaneho si Lorenz at katabi nito si Prin habang nasa likod ng sasakyan si Cally. "Anyway, why are you here?" baling niya kay Prin na nakaupo sa unahan ng sasakyan. Hindi niya kasi inaasahan na nasa UK ang babae. Pagkakaalam niya ay nasa Japan ito at nagsasanay kasama ng Black Guard. "To marry you." simpleng sagot nito. Napaatras si Cally. Halatang nabigla siya sa sinabi nito. Nilipat niya ang paningin kay Lorenz. Tiningnan naman siya nito sa rearview mirror dahil nasa likuran siya ng pickup truck. "Your Uncle Rob, your Mom and your Dad are here nang malaman na kinidnap ka ng Peters." "And?" "And they decided na kapag nailigtas ka namin ni Prin ay magpapakasal kayong dalawa." Cally "..." Can you tell me what is the connection? Nais niyang itanong pero pinili niyang manahimik. Inilipat niya ang tingin sa babae na nagligtas sa kanya. "Hey! Huwag mo akong tingnan na para bang may nakakahawa akong sakit. Magpasalamat ka nga at may magpapakasal pa sa busangot mong mukha." "What?" parang gustong mag-init ng ulo niya sa sinabi nito. "Busangot mong mukha." ulit pa nito. "Say that again or else paalisin kita sa dito sa sasakyan." Nasanay si Cally na sinusunod ng kahit na sino. Prin is nothing. Kahit pa anak ito ng tinuturing niyang ikalawang tatay na si Rob Matsui. "Mr. Grumpy old man, is that how you thanked your saviour?'' Lumingon ito sa kanya at nakahalukipkip. "This truck is owned by my family, not yours. What right does you have para paalisin ako sa sarili kong sasakyan?" mataray na sabi nito sa kanya. Sa unang pagkakataon, hindi nakasagot si Cally. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang babae. Isinandal na lang niya ang ulo sa upuan dahil ayaw niya ng kausapin pa ito. Napangiti naman si Lorenz nang makita na sinandal ni Cally ang ulo nito at nakipag-apir kay Prin. Unang beses niya na makita si Cally na natameme. Napailing na lang siya. Chapter 22 - Live a normal life Pagpasok sa malaking pintuan sa bungad ng mansyon, nakita agad ni Cally ang Mommy niya at ang Daddy niya na halatang naghihintay. Niyakap niya agad ang Mommy niya na matagal niyang hindi nakita. "Mom¡­" Halata ang lungkot sa mukha nito. Ilang saglit pa, nagulat na lang siya nang bigla siya nitong pinalo sa braso. "You¡­ Cloud Han! Bring Cally back to Manila!" galit na sabi nito sa Daddy niya. Hindi naman sumagot ang Daddy na normal na reaksyon nito. "Mom, I''m sorry." malungkot na sabi niya dito halos isang buong linggo kasi siyang nawala. "I agree with your Mom. You should be back to Manila for the meantime" sang-ayon ni Madam Lira. Bigla niyang naisip si Prin na matindi ang pagkakangisi sa gilid katabi si Lorenz. "By the way, bakit kailangan kong pakasalan si Prin?" tanong niya sa magulang. "This¡­" Napakamot ang Mommy niya. "All of the elders wanted you to get married and Prin is the best choice." si Madam Lira ang sumagot. "Pero kung ayaw mo o hindi ka sang-ayon ay hindi ka namin pipilitin. As your Mom, nag-aalala lang din ako sa lovelife mo at baka tumanda ka na katulad ni Rob bago nag-asawa" tudyo nito sa kaibigan. "Hey! Bakit ako nasali?" clueless na reaksyon nito. "You are almost 32 nang una kang mainlove sa Mama ni Prin. May mali ba kong sinabi?" Nakasimangot lang si Rob at hindi na ito sumagot pa. Hindi rin naman ito mananalo sa debatehan laban sa Mommy niya. Si Prin sa gilid ay tamang nakikinig lang. ''Subukan mong tumanggi.'' isip-isip nito. "But Prin is still in her college, is she?" tanong ni Cally. "So?" nakataas ang kilay na tanong ni Prin. "So, I''m just worried. Marriage may affect your schooling." "Wow! You are looking forward to get her pregnant. That''s good!" singit ng Mommy niya. Cally "..." ''Mom please¡­ Masyadong advance ang iniisip mo. I am just talking about marriage'' Huminga ng malalim ang Daddy niya at sa unang pagkakataon ay nagsalita. "What is your decision? Prin agreed. Hindi ka naman siguro mamba-basted ng dalaga di ba?" sabad nito. "You will return to MGM. Prin will continue her college. Both of you will live and have a normal life. Mas makabubuti na tanggapin mo ito dahil kapag tumuntong ka sa edad na trenta, babalik ka sa Dark Lords para husgahan. You should at least enjoy. I want you to help me in MGM for a couple of years and enjoy your life with Prin." dagdag pa nito. Nag-isip si Cally. Magandang ideya na babalik siya sa piling ng pamilya niya at mamumuhay bilang normal na tao. Nilingon niya si Prin na nakaupo sa gilid at parang barako kung kumilos. Naka-boots na may bahid pa ng putik gawa ng pagtakbo nila sa kagubatan. Walang arte sa katawan. Nakasuit ito ng slim pants at fit na blusa na parehas na kulay itim. Normal na suot ng Black guard. Nakade-kwatro na tulad ng sa tatay nito. Gusto niyang mapa-iling. She was like a beautiful girl acting like a kanto boy. "Alright!" nasabi niya rin sa wakas. ===== Hindi pa lumilipas ang tatlong araw ay pabalik na sila ng Maynila kasama ng magulang niya at si Rob. Si Lorenz ay naiwan sa lugar para magsanay kasama ng Gray guards. Inaaral na nito ngayon kung paano mag-piloto sa isang plane bilang kauna-unahang Shogun. Sa loob ng tatlong araw naikasal na nga rin siya kay Prin sa UK. Wala masyadong seremonyas at tanging kontrata lang ang binigay sa kanila na pinirmahan nila. Wala namang plano si Cally na ariin ang babae dahil kung sakali man na ma-inlove ito sa iba, mananatili pa rin na malinis ito. Kaiba sa plano ni Cally ang plano ni Prin. She is happy. Ilang taon niyang hindi nakita ang binata at talagang masaya siya na muli sila nitong nagkita. Kung may nagbago man sa binata, ''yun ay ang lalo nitong pagiging masungit. Saka mas naging maskulado ang katawan nito dahil hasa sa physical activities. Mas nagmatured ang mukha. Ang tanging nanatili siguro ay ang pagkagusto ni Prin sa lalaki. She was determined to get him kahit gamitin niya ang katana niya dito. Pinilit niyang matulog habang nakaupo at katabi ang lalaki. Nagising lang siya ng gisingin siya ni Cally. "Hey!" Noon niya lang napansin na nakasandal ang ulo niya sa dibdib ng lalaki. "Basa na ng laway mo yung polo ko." iritableng sabi nito sa kanya habang nakatingin sa mala-mapa na namuong laway niya sa itim na polo na suot nito. Pupungas-pungas pa siya na tiningnan ang polo nito. "Laway lang iyan. Kung makapagreklamo ka naman akala mo wala kang laway." katwiran niya. "Tss¡­" Tumayo si Cally at hinubad ang polo na suot. "H-hey! B-bakit ka naghuhubad?" nanlalaki ang mata na tanong niya dito. Lumingon siya sa paligid at natutulog din ang mga kasama nila. Gumagana ang utak niya na baka pagsamantalahan siya doon sa eroplano. "Gusto mo ba na manatili sa akin itong damit ko na may laway mo? Tsk!" tumalikod ito saka tumuloy sa drawer na nasa gilid. Sinundan niya lang ito ng tingin. Pakiramdam ni Prin lalong tumutulo ang laway niya kahit hindi na siya natutulog. Nakatitig lang siya sa hubad na katawan ni Cally. Hindi pa man niya nahahawakan ang mga kalamnan ng lalaki, alam niyang matigas ang mga muscle nito kahit sa likuran. Wala siyang makitang naliligaw ni isang pirasong taghiyawat at pantay ang kulay kahit ang likuran nito. Likod pa lang ulam na. ''Gosh lord! I need kanin please!'' Chapter 23 - Nosebleeding Dinala ni Cally si Prin sa isang malaking bahay na nasa Maynila. Nakakunot ang noo niya habang iniikot ang lugar. May tatlong kasambahay si Cally at limang guard sa bahay nito. Hindi niya masisisi si Madam Lira kung pabantayan mabuti ang apo nito dahil isang mahalagang tao ang asawa niya sa pamilya at sa Dark Lords. May tatlong palapag ang bahay nito at literal na elegante. Gold at emerald green ang tema ng kulay ng halos buong kagamitan. Halata na pinag-isipan at pinaghandaan ang pagtira nito sa bahay na iyon. Palibhasa ay iba ang mundo niya sa Japan, hindi maiwasan na mamangha siya sa bahay. Maihahalintulad sa bahay ng prinsipe ang bahay ni Cally na nababagay sa pagkatao ng lalaki. Ang bahay nila Prin ay tipikal na Japanese mansion, samantalang Tudor Architecture ang style ng bahay nito. Ayon dito, nabili nito ang bahay na iyon mula sa mga kinikita nito sa MGM na ikinagulat niya. At nabili nito ang bahay na iyon tatlong taon ang nakaraan. Nabigla siya dahil ang pagkakaalam niya ay inilaan ng lalaki ang buong oras nito sa pagsasanay at paghahanda kaya laking gulat niya na nakapag-ipon ito sa edad nito na bente anyos. "I have 10 percent shares in MGM Corporation hindi pa man ako tumutuntong ng isang taon gulang. Lahat ng kinita ko for twenty years ay dito ko ibinuhos." paliwanag nito. "Wow! I never thought na mayaman ka pala." namamangha na sabi niya dito. Nakakunot ang noo nito. "Hindi naman. Nagkataon lang iyon na nagkaroon ako ng mayaman na magulang. Even your parents are wealthy. Sila ang mayaman not us." Bumuntong hininga ito matapos nitong sabihin iyon. "Kaya nga we have to return the favor. You should focus on your studies and I have to work in the company." Napangiwi si Prin nang sabihin ni Cally na kailangan niyang pagbutihan ang pag-aaral at napansin nito iyon. "Why?" Nakayuko si Prin. "Well.. I am not really good in studies¡­" nahihiya na sabi niya. "No wonder, hindi na rin naman ako nabigla." Umalma kaagad si Prin. "Hey! Are you saying na mukha akong bobo?" "hmp! sabagay, tingin ko nga... kasi naging asawa kita e." sabi niya dito saka tumakbo palayo kay Cally. Naiwan si Cally na umasim ang mukha dahil naisahan na naman siya ni Prin. ===== Kinagabihan, kinakabahan si Prin dahil matutulog siya sa kwarto kasama ang asawa niya. Makatabi niya lang matulog si Cally ay sobra-sobra na ang saya niya. Hindi naman siya umaasa na may magaganap sa kanila ng lalaki dahil sinabihan na siya nito na kailangan niya na mag-pokus sa pag-aaral. All she can do is wait for that night. Kinuha niya ang iPad sa bag at saka nagtingin kung may mensahe siya mula sa mga kaibigan. Nakita naman niya na may mensahe siya mula kay Ana. Hindi na trainees ang mga ito kaya nakakagamit na ang Dark Guard ng telepono at kung ano pa. [AnaGW10 : Hey Princess! Congrats! Nabalitaan namin dito na asawa ka na ngayon ni Shi Cally.] Nag-reply naman siya dito. [PrinGW8 : Salamat!] [AnaGW10 : Dahil asawa mo na si Shi Cally. May ipapadala kami na regalo sa iyo.] [PrinGW8 : kung ganoon, hihintayin ko na lang] Isang ''like'' emoji ang reply nito. Nagkakamustahan pa sila ni Ana nang pumasok si Cally at naghubad ng suot na pang-itaas. "H-Hey! A-anong pinaplano mo? B-bakit ka nag-hubad?" namumula ang pisngi at halos hindi siya makatingin dito. Malapit na rin kasi siyang mag-collapse dahil mas kita niya ang dibdib at abs ng lalaki. Hindi na gaya ng sa eroplano na hanggang likuran lang ang nakita niya dito. "This room is also mine. May problema?" nagtataka na tanong nito. "Kung hindi ka komportable, aalis na lang ako at lilipat sa ibang kwarto." "N-no! Nakakahiya sa mga kasama natin sa bahay at saka baka pagtsismisan pa tayo." katwiran niya. Hindi na sumagot si Cally at diretso sa closet para kumuha ng shirt, short at towel. Napapalunok si Prin at sinusundan ang bawat kilos ng asawa niya. Nakalimutan na nga niya na ka-chat niya si Ana. Nagulat na lang si Prin nang humarap ito at mabilis na naglakad patungo sa direksyon niya. Akala niya ay susunggaban na siya nito at kung ano ang gagawin sa kanya. "Sh*t! Your nose is bleeding!" Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang tumutulo na dugo sa katamtaman na tangos niyang ilong. Hiyang-hiya si Prin at hindi makatingin kay Cally. Sa pagtingin lang sa lalaki ay nag-no-nosebleed na siya. Paano pa kung may maganap na sa kanila ng asawa niya? "Tingin ko hindi pa nakakapag-adjust ang katawan mo sa klima dito. Malamig ngayon sa Japan at malamig din sa UK." Pinahiga siya ni Cally at pinunasan ang ibabaw ng labi niya. Sa kakapunas ni Cally sa philtrum ni Prin ay hindi maiiwasan na mapatingin din siya sa labi nito. Why does he feel like he kissed those lips before? Iniwas niya ang tingin at binigay ang box ng tissue kay Prin. "Ikaw na ang magpunas. Maligo ka kasi para hindi ka naiinitan" sabi niya dito. Dinampot niya ang mga gamit na kinuha niya sa closet saka tumuloy sa shower room na nasa loob ng kwarto. Naiwan naman si Prin na naiinis dahil kulang na lang ay sabihin nito na hindi siya naliligo kaya siya nag-nosebleed. Chapter 24 - Make-over 101 Sa loob ng ilang araw, maayos naman ang pakikitungo ni Cally kay Prin at wala naman siyang problema sa lalaki bukod sa pagiging masungit nito. Pumapasok ito sa opisina matapos siyang ihatid sa eskwelahan. Masasabi na maayos ang samahan nila sa bahay ng lalaki kahit madalas siyang pagalitan ni Cally. Kating-kati na ang mga kamay at paa ni Prin na magmaneho ng kotse pero ayaw nito na isa sa mga gusto niyang iprotesta sa lalaki. Madalas siyang sumali sa Race at nagpapanggap siyang lalaki bilang ''Aiden'' noong nasa Japan pa siya kaya hindi niya maintindihan si Cally kung bakit ayaw nito na magmaneho siya ng sasakyan. "How''s your studies?" tanong ni Cally habang daan. May isang linggo na rin kasi si Prin na pumapasok sa school. "Okay naman, Filipino friends are cool and friendly. But I also have one classmate na parang inis sa ''kin at lagi akong tinataasan ng kilay tuwing makakasalubong ko siya sa hallway." "Not everyone is good. But, how is your studies?" balik ni Cally sa tanong nito. Napalunok si Prin at hindi alam ang isasagot. This guy never missed the chance kapag may nais at gustong malaman. "Huwag mo nang sagutin... I can read the answer all over your face." sabi nito sa kanya. Sumimangot si Prin. "yeah.. Because you are so intelligent." bubulong-bulong na sabi niya. Ilang saglit pa, huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng gate ng school nya. "I have to go." sabi niya sa lalaki. "Come to my office later after your class." sabi nito bago pa man siya makababa. Natuwa naman si Prin dahil unang beses siya na maimbitahan nito sa opisina. "I will teach you in your lessons, kaya be ready." Prin "...." ''Sabi na nga ba''. Bakit nga ba siya umasa-asa na inimbitahan siya nito para dalawin ito kung kamusta ito sa opisina? Sigurado na ang dahilan ni Cally ay hindi simple. Sumimangot siya saka binitbit ang bagpack, lumabas ng sasakyan at tumuloy na sa pagpasok ng gate. Nakita niya si Bella hindi pa man nakakaalis ang sasakyan ni Cally. Nakakunot ang noo nito. Ito ang kauna-unahang kaibigan niya sa school. Babaeng-babae ang dating nito. Madalas na naka-dress ang kaklase niya, naka-heels at simpleng make-up kaya hindi makapaniwala si Prin na makakasundo niya si Bella. "Wow! Who is that?" tanong nito habang nakatingin at nakaturo sa sasakyan ni Cally. Nilingon niya pa ang sasakyan ng lalaki. "Oh! That is my boyfriend." nakangiti na sabi niya. Ayaw niya kasi na iba ang isipin ng bagong kaibigan sa kanya kung sasabihin niya na asawa niya ang may-ari ng sasakyan. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Boyfriend?" Madalas kasi na naka-baggy clothes si Prin, naka-bagpack, snickers at naka-ponytail ang mahaba niyang buhok. "Are you sure it''s a boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Why?" "It''s just that... I can''t believe you have a boyfriend." Tiningnan niya ito ng masama. "At bakit naman?" Tumuloy na sila papasok sa loob ng school habang nagk-kwentuhan "Wala naman dear. No offense but¡­ you are acting more of a teenager boy. So, I''m curious. Tuwing lalabas kayo para mag-date, anong suot mo? Don''t tell me that you are wearing this jeans" sabi nito habang kinurot ang isang parte ng pantalon niya. Napa-isip si Prin dahil hindi pa talaga sila nag-d-date ni Cally. Napakamot siya sa ulo. "You need a make-over, girl! Mabuti na lang at ako ang naging kaibigan mo." Biglang naisip ni Prin na pupunta siya sa opisina ni Cally sa araw na iyon ''pag natapos ang klase niya. Ayaw naman niya na mapahiya ang asawa niya kung sakali na mukha siyang sanggano na dadalawin ito sa opisina nito. "If that''s the case, please help me after class." Kinindatan lang siya nito bilang pagsang-ayon. ===== Tumuloy sila sa isang department store. Para mamili matapos ang klase. "How much is your budget?" tanong ng kaibigan niya. "Hmm¡­ kahit magkano ay okay lang." Sabi niya kay Bella. May debit card siya at credit card na galing parehas sa magulang niya, iba pa ang ibinigay ni Cally. Napangiti naman si Bella. May mga pinagkukuha ito na kung anu-ano. Tatlong dress, sapatos at bag. Saka pinasukat sa kanya. Isang mint green na dress na abot hanggang tuhod ang pinasuot nito sa kanya. Sapatos na hindi kataasan dahil hindi pa siya sanay sa matataas na tinernuhan nito ng kakulay na bag. Tinirintas nito ang buhok niya at nilagyan pa iyon ng maliliit na bulaklak bilang disenyo. "Wow!" nabighani sa kanya kahit si Bella. "You know what my friend. Malapit na ko mainis kay Lord. Bakit mapa-tomboy-look ka o pa-girl, bagay sa iyo?" hindi makapaniwalang sabi nito. Medyo asiwa si Prin dahil iyon ang kauna-unahang beses na nagsuot siya ng bestida. "Maganda.. ba?" "Sobrang ganda my friend! Malapit ko na ngang isipin na hindi ako tunay na babae." Napangiti si Prin. Nagtitiwala siya sa kaibigan na si Bella kaya sa tingin niya ay magugustuhan din ni Cally ang suot niya. "I will confiscate your old things, okay?" dagdag pa nito. Medyo nag-aatubili si Prin pero tumango rin siya makalipas ang ilang minuto. "Am I really pretty?" ulit pa niya. "Yes. Bukas gusto ko suotin mo itong dress na nasa paper bag, okay?" Tumango na lang si Prin. Sa totoo lang, kahit naman siya ay natutuwa sa kinalabasan ng ayos niya at sana ay ganoon din si Cally. Chapter 25 - Your Boyfriend is Cally Han? Hindi mapalagay si Prin sa suot niya kaya hindi maganda ang paraan niya ng paglakad. Napapangiwi si Bella tuwing naglalakad si Prin sa normal niyang paraan. "Alam mo my friend, okay na sana ang lahat kaya lang yung lakad mo day, para kang may bitbit na isang sako ng bigas." reklamo nito. "Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na nagtatampo ako kay Lord. Not everyone is perfect and you are one of the living proof" dugtong pa nito habang napapa-iling. Nakayuko si Prin at hindi makatingin sa kaibigan. Bakit ba kasi hindi niya sinunod ang Mommy niya dati na magbihis ng babae at kumilos bilang babae, ngayon tuloy ay nagsisisi siya. Kinuha nito ang cellphone at may hinanap na mga video ng runway. "Try to learn this habang nasa byahe ka." Pinakita ni Bella sa kanya ang mga video nito ng runway ng Victoria''s Secret fashion show. "Habang nasaan daan ka, aralin mong mabuti iyan. I''ll share it in your phone". Pinasa nito ang files sa Cellphone niya. Nag-abang sila ng taxi habang pinanonood ang runway. Sa tingin ni Prin ay madali lang ang paglakad, iisipin na lang niya na naglalakad siya sa isang makitid na ibabaw ng pader. Nasabi niya na kay Bella na dadalawin niya si Cally sa opisina. "Saan ba nagtatrabaho ang boyfriend mo?" tanong nito. "MGM Corp" Nanlaki ang mata nito. "Wow! Talaga?! Is he an actor? Or in a support team?" Nag-isip si Prin kung ano nga ba ang tawag sa posisyon ni Cally. "I don''t know¡­ but he manage the company." "Oh! so, he is a Manager." nakangiti na sabi nito. Nag-isip muli si Prin. "Not really. I think he is the President" simple at kaswal na sabi niya. Nanlaki na naman ang mata ng kaibigan. "You mean your boyfriend is Cally Han?" Nagtaka rin si Prin. "You know my boyfriend?" takang tanong niya dito. "He doesn''t know me, but I know him." pinalo siya nito sa braso. "I saw him on one of the magazines before. He is one of the youngest and richest bachelor in the world. How come he became your boyfriend?" usisa nito. "Naku Prin, I should really teach you on how to be a prim and proper girlfriend. or else, baka maagaw siya sa iyo ng iba." nag-aalalang sabi nito. Naisip ni Prin na imposible iyon dahil sa akto pa lang ni Cally na masyadong masungit, imposible na maakit ito ng kung sino. Isa pa, paano pa itong maaagaw sa kanya? E, samantalang asawa niya na ang pinag-uusapan nila. Gayunpaman, hinayaan niya na lang din ang kaibigan niya sa iniisip nito. May napadaan na taxi kaya sumakay na siya doon at nagpahatid sa opisina ni Cally. Pinanonood niya pa rin ang video habang daan. ''Kendeng dito, kendeng doon . masyadong malandi.'' Tumingin na lang siya sa gilid ng daan at pinanood ang mga babaeng naka-miniskirt at pang-opisina. S apalagay niya ay mas okay silang gayahin sa unang stage ng pagsasanay niya. Nang huminto ang taxi sa tapat ng MGM building, dumoble ang kaba niya. Sinilip niya ang relo sa cellphone at eksakto na alas singko ng hapon. Kaya marami na ang magsisipag-labasan para umiwi. Sinabi niya na pakay niya si Cally sa receptionist at tinawagan nito ang Assistant ni Cally na si Xander. Sinundo siya ni Assistant Xander doon sa lobby ilang minuto lang. Tapos ay dinala siya nito sa opisina ng asawa niya. "Miss Prin, may inasikaso lang si Master Cally pero pwede niyo po siyang hintayin dito. May kailangan po ba kayo na inumin o kainin na meryenda?" Dahil hindi sila kumain ni Bella, nanghingi siya ng meryenda na kahit ano kay Assistant Xander. Binigyan naman siya nito ng isang piraso ng cookies, croissant at saka wafer na nakalagay sa basket at saka pineapple juice. Tinikman niya ang mga iyon. "Wow! I think Xander is the best." puri niya sa lalaki. Namula naman ang pisngi nito. "Hindi naman po Miss." "I''m serious. They are so delicious!" Natuwa naman ang Assistant ni Cally. "Kung ganoon, enjoy your meal po. Tawagan niyo lang ako sa labas kung may kailangan po kayo." sabi nito. Nagbigay lang siya dito ng ''Okay-sign'' dahil may laman ulit ang bibig niya. Matapos kumain ni Prin ng meryenda, naengganyo siya na silipin ang labas dahil papalubog na ang araw. Pumunta siya sa gilid at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Nakagagaan sa pakiramdam niya ang tanawin ng mga maliliit na sasakyan at ang papalubog na araw. Nasa ganoong akto siya nang buksan ni Cally ang pintuan ng kwarto nito. Dahil hindi niya narinig na bumukas iyon, nakatalikod lang siya sa lalaki at hindi siya nito agad nakilala. "Who are you?" narinig niyang tanong nito, saka siya lumingon. Nabigla pa ito nang makilala siya. She looked differently. Mula sa maluwag na jeans at blusa, isang mint green na bestida ang ipinalit niya kaya hindi niya masisisi si Cally kung hindi siya nito agad nakilala. Lumapit siya sa binata. "Hi!" nakangiti niyang sabi. Matagal bago ito nakakilos. "Where did you get your dress?'' ito ang unang nasabi ni Cally. "Oh! Nag-shopping." simpleng sagot ni Prin. Nakatitig lang ito sa kanya. "Is there... something wrong? You don''t like my look?" tanong niya. Parang nahimasmasan naman ito "Oh no!" namula ang pisngi nito. "Gusto ko lang sabihin na kung nakapag-shopping ka, I''m expecting na ready ka na rin sa aralin natin." Prin "...." Chapter 26 - She called him Husbie Ramdam ni Prin na nakatitig sa kanya si Cally habang may pinapasagutan ang lalaki sa kanya sa notebook (laptop) nito. "I''m done!" sabi niya saka inabot ang notebook dito. Kinuha nito iyon saka sinuri isa-isa. "Come here" sabi sa kanya. Tumabi naman si Prin sa tabi nito. Na-aamoy ni Cally ang pabango ni Prin pero pinili niyang iwaksi sa isip ang tila amoy ng cherry blossom na nagmumula sa katawan nito. Kaunti na lang at mamumula na ang pisngi niya. Tinuro ni Cally isa-isa ang mga ''errors'' ni Prin sa notebook. "I think one day is not enough. You should come here after your every class." komento ni Cally. Napakamot sa ulo si Prin. "Am I that bad?" "Yes¡­ Hindi na nga ako magtataka kung babagsak ka sa liit ng talino na meron ka." Prin "..." Tiningnan niya ito ng masama. Hindi man lang inisip kung masasaktan siya, basta sinabi nito kaagad na mahina ang ulo niya. "Hmp! Hindi ko kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng Professors namin kung mahirap ang mga tinuturo niya saka kung mahirap itong mga questions mo." katwiran ni Prin. "*sigh* There is no problem with my questions. You will soon learn don''t worry, dahil tuturuan kita hanggang sa matuto ka. Though I will put a lot of effort." nang-iinis na sabi nito. Gusto sanang matuwa ni Prin dahil tuturuan siya nito, araw-araw niya pa itong makakausap at makakasama. In a way, bonding time niya na rin iyon with Cally. Matindi nga lang ang lalaki kung laiitin siya. "Hmp! Bakit ba naman kasi kailangan ko pa mag-aral ng kung anu-ano? There is nothing in my lessons that could help me with my position in Dark Guards." "You are my wife. Is that a simple reason?" tanong nito sa kanya. Napaisip si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang bagay na iyon. Dahil tinanggap niya na maging asawa ang lalaki, she must do something about it. "Let''s go home." inayos na nito ang mga gamit para sa pag-uwi nila. "Come back tomorrow" "What do you want to eat?" tanong nito habang naglalakad sila patungong elevator. "Sige, dahil tinuruan mo ko. Ako ang mag-t-treat sa iyo." nakangiti niyang sabi. "Oh! If that''s the case, I want you to cook for me." Napalunok si Prin. Napansin naman ni Cally na parang na pressure siya. "Why?" "H-hindi kasi ako marunong magluto." Sabi ni Prin. sa Japan ay meron silang maids na sumusuporta sa buong mansion. "Yeah. with your intelligence, I really can tell." Masama ang tingin na ibinigay niya dito. "How dare you kahit naman hindi ako marunong magluto, magaling ako sa ibang bagay." Tiningnan siya nito. "Tulad ng?" "M-magaling ako sa pakikipaglaban... Is it counted?" Nakangusong sabi niya. "It doesn''t. Anong kinalaman ng pakikipaglaban sa buhay may-asawa mo. If ever na magka-anak tayong dalawa. Is it helpful?" Namula naman ang pisngi ni Prin nang mabanggit nito na magkakaanak sila. "Yeah, bakit ko nga ba nakalimutan? tuturuan mo sila kung paano maging pasaway saka basagulero." dagdag pa nito. Pinalo niya sa braso si Cally. Nangingiti naman ng lihim si Cally. He never expect na napaka-gaan ng usapan nila ni Prin. It was as if there is no barrier between them. "On weekend cook for me okay. Try to learn things because you need it someday." "Okay.." ang tangi niyang nasabi. Nang makasakay sa sasakyan para makauwi, Naisip ni Prin na ihirit kay Cally na magkaroon ng sariling kotse. "I really wanted to drive my own car. Hope you can buy one for me." sabi niya dito. Nilingon siya ni Cally. "Ayaw mo na ba na magpahatid sa akin?" "Hindi naman. Nami-miss ko lang sobra ang magmaneho." sabi niya. "Pero wala kang parking lot sa school." sagot nito. Hinawakan niya sa braso si Cally. "Husbie¡­ sige na please¡­ Your baby panda wanted to have her own car¡­" ungot niya muli. Napalunok naman si Cally because she acted cute at that moment and she called him ''Husbie''. May kung ano pa siyang nararamdaman habang hawak nito ang braso niya. Nilayo ni Cally ang tingin kay Prin. "I should focus on driving. Huwag kang makulit." "Hmp! Sungit na naman." sabi ni Prin sa tumingin sa labas ng bintana na nakanguso. Nagpapakiramdaman lang sila sa loob ng sasakyan habang pauwi. "I''ll buy you a car. Don''t worry." nasabi rin sa wakas ni Cally. Sumigla naman ang mood ni Prin sa nadinig. "Pero¡­ kailangan mong iwan ang sasakyan sa bahay." Walang nagawa si Prin kung hindi ang sumimangot. Inisip na lang niya na concern lang ang asawa niya kaya ito ganon. May advantage din naman ang payo nito dahil madalas niyang makakasabay si Cally tuwing umaga at makakasabay din pauwi. Chapter 27 - Best husband Naalimpungatan si Prin ng madaling araw na sinasakop na ang higaan ni Cally. Hindi lang basta sinasakop, kung hindi sakop na sakop. Madalas ay may nilalagay silang malaking bolster sa gitnang parte ng kama para hati sila sa higaan. Iyon nga lang, parang wala rin iyong silbi dahil lagi siyang nakadantay kay Cally tuwing magigising siya. "Sa wakas nagising ka din. Kung nakukulangan ka sa higaan just let me know. Kulang na lang ay sipain mo na ako palabas ng kama e." reklamo ni Cally. "I''m sorry¡­" Napansin niya na halos naka-gilid na si Cally sa pinaka dulong bahagi. Kaunti na lang lalabas na talaga ito ng kama. "kasalanan to ng bolsters masyado kasing malikot¡­" nahihiya na sabi niya dito. Napapailing na lang si Cally sa katwiran niya. Umayos si Prin ng higa at nakatulog muli. Si Cally sa kabilang gilid ay hindi mapalagay sa higaan. Hindi kasi siya sanay na may unan na malaki na katabi at ilang araw na siyang nagtitiis. Tinanggal niya na lang iyon at hinagis sa kung saan dahil naiirita talaga siya. Gumaan naman ang pakiramdam niya at nakatulog. Parang nananaginip naman si Prin habang natutulog. Yakap-yakap daw siya ni Cally at parang ayaw bitawan. She was happy even if it was just a dream. Ang mga haplos nito sa balat niya ay para bang dinadala hanggang sa kaloob-looban ng pagkatao niya at nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ng kanyang puso. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Cally. Dumadampi pa sa pisngi niya ang malakas na paghinga nito habang natutulog. ''Nasa dreamland pa ba ako?'' Tiningnan niya ang sarili at yakap-yakap siya nito sa pagtulog. Kinurot niya ang sarili at nanlaki ang mata niya dahil totoong nangyayari ang nagaganap. Parang gusto niyang maglulundag pero mawawala sa mood ang napakasayang eksena na iyon kapag ginawa niya iyon. Tinitigan niya na lang ang mukha nito saka niya dinampian ng halik sa labi ng ilang segundo. Kumilos ng bahagya si Cally. Nanlaki ang mata niya at saka pumikit muli at nagpanggap na natutulog. Si Cally sa kabilang parte ay nagising sa nakaw na halik na iyon. He knew it was real. Dahil kaunting kilos lang sa paligid ay magigising na siya. It was one of his trainings. Tiningnan niya si Prin na ilang sentimetro lang ang layo sa mukha niya na nakapikit. Dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa labas ng bintana, kita niya ang mukha nito at nais niyang matawa dahil gumagalaw ang eyeballs nito na halatang gising ito at nagpapanggap na natutulog. He curled his lips for the first time at mas hinigpitan pa ang yakap kay Prin na amoy cherry blossoms. ===== "Hey!" tapik ni Cally sa pisngi ni Prin kinabukasan. "uhmmmm¡­" ungol ni Prin. "Get up. You will be late." sabi ni Cally habang nakatingin sa relo. Iniwasan niya ang tapik nito at rumolyo sa kabilang parte ng kama. Sinundan siya ni Cally sa kabilang side. "Bangon na! Ang mabuting estudyante kailangan bumabangon ng maaga." "I''m not a good student, so I''m not one of them." katwiran niya. Nakapamewang lang si Cally sa gilid ng kama. Parang anim na taong gulang kasi ang asawa niya na ang hirap gisingin kapag papasok sa school. "Oh yeah! I think my mom will start in your school to teach" Nagising si Prin sa sinabi ni Cally at agad na bumangon at umupo. "What??? Mommy Ginny will teach in my school?" "Yes. Kaya nga... please give me some face. Ayoko na masabihan na hindi kita tinuturuan at kinukunsinti na ma-late sa klase." Namroblema bigla si Prin. Agad siyang bumangon at naghanap ng maayos na damit sa closet. Alisin na niya sa eksena si Cally, siya mismo ay mahihiya kung sakaling hindi maganda ang tingin sa kanya ng biyenan niya. "Is it today?" tanong niya habang iniisa-isa ang mga damit. Halata ang pagkataranta niya. "Not sure" sagot ni Cally habang naaaliw ng lihim kay Prin. "augghh! I don''t have a dress anymore." sabi ni Prin. Tatlo lang ang binili nila ni Bella nung nakaraan at lahat iyon at nagamit niya na. "Bili tayo mamaya. Sasamahan kita." sabi nito. "Is it okay? Hindi ka ba busy sa trabaho?" "I can finish them early if I want to. You don''t have to worry." "what should I wear now?" namomroblema na tanong ni Prin. "Maligo ka na. I''ll ask someone to bring something over." mungkahi naman nito. Natuwa naman si Prin at nawala rin ang pagkataranta niya. "Husbie is the best!" kinindatan niya pa si Cally at nagbigay ng flying kiss saka tumuloy sa shower room. Naiwan si Cally na namumula ang pisngi dahil sa inakto ni Prin. Chapter 28 - He teased her instead Kung mayroon mang mabilis kay Cally iyon siguro ang pagpitik ng daliri nito at agad na nandyan na ang kailangan o ang kahilingan nito. Katulad na lang ng damit niya. Mga kinse hanggang bente minutos lang yata siya naligo at ayan na nga ang request nitong damit na para bang pinadaan sa expressway. Isang ternong blusa at palda ang laman ng paperbag na inabot nito sa kanya. "Cool¡­ this is pretty" sabi ni Prin. Hindi naman nagsasalita si Cally. Nang tingnan niya ang lalaki ay nahuli niya itong nakatingin sa dibdib niya. Naka-roba lang kasi si Prin pero naka-suot naman siya ng underwear. "Hey!" Tinakpan niya agad ang dibdib niya. "Y-You¡­ manyak you" hindi na niya maisip ang sasabihin dito. Kumunot naman ang noo ni Cally. "Bakit naman ako naging manyak?" "Ba-Bakit ka nakatingin sa dibdib ko?" kinakabahan niyang tanong. "I was looking at the cotton like how it ended up as a robe?" hinawakan pa ni Cally ang manggas ng roba niya. Sa tingin ni Cally ay iyon na yata ang pinaka-tanga na naging dahilan niya sa buong buhay niya. Pero ang nakakaaliw, hindi man lang nakahalata si Prin. "Oh! Syempre tinahi." sagot naman nito. Malapit na niyang isipin kung hanggang saan ang common sense ng babae. "Okay!" Sabi ni Cally at tumakas na papunta sa shower room. Hindi pa siya nasabihan ng manyak o bastos ng kahit na sino at tanging si Prin pa lang ang kauna-unahan na nagsabi sa kanya noon kaya nakaramdam siya ng hiya. Dahil pumasok na sa loob si Cally ng shower room, hinubad na ni Prin ang roba at aktong isusuot na ang damit. Nasa ganoong ayos siya nang lumabas kaagad si Cally sa shower room dahil nakalimutan niyang kumuha ng towel sa closet. Narinig ni Prin ang pagbukas ng pintuan kaya humarap siya paikot dito. Nakaangat pa ang dalawang kamay niya para suotin ang blusa. Nanlaki lang ang mata niya at hindi nakapagsalita at hindi rin siya nakakilos. Napalunok lang si Cally saka dumeretso patungo sa direksyon ni Prin. "H-Hey! H-hindi ko pa nasusuot ang damit ko." kinakabahan na sabi niya. "Suotin mo. Do you want my help?" relax na tanong ni Cally. "M-male-late tayo. We can do it later." katwiran ni Prin. Nasa isip niya kasi na baka may gagawin sa kanya si Cally. Nabigla na lang siya nang lumagpas ito sa pwesto niya at tumuloy sa closet. Nang makuha ang towel, humarap muli sa kanya si Cally. "Why? Hindi mo ba masuot ang tank top mo?" Nahimasmasan naman si Prin. Sinuot niya ang lahat ng parte ng katawan niya sa mga butas ng blusa sa loob ng isang segundo. ''Sheet Nakakahiya!'' Parang gusto niyang maglaho sa harapan ni Cally. "B-bakit ka kasi lumabas agad? You saw me almost n.a.k.e.d." bigla niyang naalala ang palda na nasa ibabaw ng kama at agad na sinuot iyon. "There is nothing to hide anyway. Bakit parang natatakot ka pa diyan? Akala mo naman ay pinagsamantalahan na kita." Sumimangot si Prin. Para na rin nitong sinabi na patpat siya kaya kahit iladlad niya ang katawan ay okay lang. "Saka, nakalimutan mo ba na asawa kita. I can do anything to you. Pero may ginawa na ba ako sa iyo sa loob ng ilang araw?" "I-It doesn''t matter! Nagbibihis pa rin ako. Even married couples have their own privacy." sabi ni Prin. Kulang na lang ay sabihin ni Cally na hindi siya kaakit-akit. Sa isang parte ay nakatingin lang si Cally sa kanya. He felt something, pero hindi niya maamin kay Prin. Nanuot ang init sa buong katawan niya nang makita niya si Prin na naka-underwear sa unang pagkakataon pero mas pinili niyang tudyuin ito. Naghubad si Cally ng pang-itaas. Napalunok naman si Prin. "Wh-what are you doing?" "So, we are even. Nakita kita na naka-underwear. Hindi ba okay na makita mo rin ako na naka-underwear lang din? Para patas na at walang sisihan." hinagis na ni Cally ang T-shirt na suot nito. Lumitaw ang katawan nito sa paningin niya at natatakot si Prin na baka mag-nosebleed na naman siya muli. "Y-you¡­" Hindi na nakahanap pa ng sasabihin si Prin. "Who wants to see you on underwear?" alma niya kay Cally. "You." "You are so Pervert! Palibhasa you are still a v.i.r.g.i.n and you don''t know how to release your load!" Nagdilim ang paningin ni Cally dahil sa sinabi ni Prin. "Oh! Is that so? So, do you want to release my load?" Nakangising tanong nito. Nanlaki na lang ang mata ni Prin. Yumuko siya para makalusot dito, kinuha ang bag at saka lumabas ng kwarto para tumakas. Bakit nga ba niya naisip na makipagtalo kay Cally? alam naman niya na hindi siya mananalo sa lalaki. Chapter 29 - Sweeter and Deeper "See you later!" sabi lang ni Cally saka inutusan na si Xander na paandarin ang sasakyan nito. Hindi siya nito pinansin buong byahe. Umikot na lang ang mata ni Prin nang makaalis ang sasakyan. Alam niyang gusto siyang tirisin ni Cally pero nagtitimpi lang ang lalaki matapos niya itong biruin tungkol sa pagkalalaki nito. This guy''s ego! Mas mataas pa sa Mount Fuji! Pagpasok ng gate nakita niya si Evan na classmate niya. "Hello Prin" Matamis ang pagkakangiti na bati nito. Wala siya sa mood na kausapin ito dahil nilapit-lapitan lang naman siya nito nang magsimula siyang magsuot ng bestida. Kaya hindi maganda ang impresyon niya sa lalaki. Isa pa, nobyo ito dati ng isa pang kaklase niya na inis sa kanya -- si Luna. Nakwento niya si Luna noon kay Cally na hindi maganda ang relasyon niya sa babae at lagi siyang tinataasan ng kilay. Nabigla na lang siya nang may umakbay sa kanya -- si Bella. Galing din sa gate ang babae at hindi niya lang napansin. "Uy! Ikaw pala iyan" nakangiti niyang sabi. "Yes my friend! I like your outfit today! Good job!" Sabi nito. "Thanks!" napangiti siya dahil kay Cally galing ang damit niya. Pero hindi niya alam kung sino ang inutusan nito na magdala ng damit. "You are learning and I''m happy sa kinalabasan." Excited na sabi nito. Napadaan sila sa bulletin board papunta sa klass at napansin ni Prin ang anunsyo mula sa Volleyball team. May paanyaya na kukuha ang team ng school nila ng tatlong members pa, kapalit ng naka-graduate nang nakaraang school year. Bigla niyang naisip na magtry pero baka masira ang oras niya sa klase at oras nila ni Cally. "Gusto mo magtry?" napansin ni Bella na interesado siya dahil bigla silang huminto sa tapat ng board. "Siguradong hindi siya magaling kaya bakit siya magta-try?" Singit ni Luna na nasa likuran lang pala nila. Hindi nila napansin ang babae. Hindi sumagot si Prin. "Hindi ka ba magaling friend?" usisa ni Bella. "I just know how to play. Wala pa naman akong nasalihan na team ng Volleyball." sabi ni Prin. Pero sa Dark Guards ay isa sa mga libangan nila ang maglaro ng Volleyball at Basketball. Those are just an example of their physical activities and hobbies at the same time. Gayunpaman, hindi naman sila matatawag na professional. "I bet hindi ka naman talaga marunong." sabi ni Luna. "Hey! That was rude!" sabi dito ni Evan. Lalong sumama ang mood ni Luna kaya inirapan na lang siya nito at umalis na. Tahimik lang si Prin. Kaysa pag-aksayan ang mga taong inis sa kanya na kahit wala naman siyang ginagawa, mas makabubuti pa na ilaan niya na lng iyon sa pag-aaral para hindi siya sungitan ni Cally. ===== Matapos ang klase dumeretso siya sa opisina ni Cally dahil may usapan sila nito. Tinuruan siya ni Cally sa math problems na nagpapasakit ng ulo niya. "Auggghh! Pakitingin yung ulo ko, baka may lamat na. It really hurts!" hiyaw niya. Pinitik nito ang noo niya. "it''s very simple." "Why do I have to learn those things? It can''t help me. These numbers are giving me a headache instead of helping me. So tell me, why should I need to learn them?" naiiyak na tanong niya dito. Napabuntong hininga si Cally. "Fine! I guess hanggang dito na lang muna tayo. May pupuntahan din naman tayo kaya papayagan kita na mag-enjoy kahit ngayon lang." Papayagan daw siya nag mag-enjoy, pero isang session lang nila. Gusto niyang magreklamo at huwag nang umulit ng mga isang linggo pero hindi niya magagawa. "Pupunta tayo sa isang couturier." Nakakunot ang noo ni Prin. "My Mom''s birthday would be next month. Aside from that, it''s their renewal of vows. After a couple of years, ngayon lang ako ulit pupunta sa kasal ng parents ko. Kaya kailangan natin mag-prepare." Naalala ni Prin na tuwing ganitong panahon nga nag-aayos ang magulang niya para dumalo sa kasal ng magulang ni Cally. "Okay! By the way, niloko mo lang ba ako kanina na magtuturo ang Mommy mo sa school namin?" nakapamewang na tanong niya dito. Matagal na tumitig sa kanya si Cally. "No! Bakit naman kita lolokohin?" "Para inisin ako." "I''m not going to do those childish acts. Come!" sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa table nito. May kinuha ito sa drawer at inabot sa kanya. Isang susi na may tatak na "Mazda" ang inabot nito. Natuwa si Prin. "Wow! Ahhh!!!" dahil sa sobrang saya ay nayakap niya si Cally. "Oh my gosh Husbie! I''m so happy about this!" Doon lang niya napagtanto na nakalingkis siya sa katawan ng lalaki. Agad siyang bumitaw dito. "I''m just excited." nakayukong paliwanag niya. "If you are thankful and excited¡­" sabi ni Cally. Nilapit nito ang mukha sa kanya. "Here is your payment¡­" saka nito inilapat ang labi kay Prin. It was just a simple kiss. Nasa bulsa ang parehas na kamay ni Cally. Si Prin naman ay nakakapit ang isang kamay sa mesa. Habang mahigpit na nakahawak sa susi ang isa. Maihahalintulad sa halik na lihim niyang ginawad sa lalaki ang halik din nila na iyon. Ilang saglit lang iyon nagtagal pero kakaiba ang naging epekto sa kanilang dalawa. Nakayuko si Prin matapos ang ilang saglit. Namumula na ang pisngi niya at hindi siya makatingin kay Cally. "Let''s go¡­" aya niya sa binata. Pero hindi kumikilos si Cally. Napilitan siyang salubungin ang mata nito. Nabigla na lang siya nang kumilos ang dalawang kamay ni Cally mula sa magkabilang bulsa nito. Ang isa ay para yakapin siya sa bewang at ang isa ay para hawakan ang panga niya. Then, he gave her the real meaning of kiss -- sweeter and deeper. Chapter 30 - The twins got kidnapped (1) Nang yakapin ni Prin si Cally dahil sa sobrang pagkatuwa nito sa susi ng sasakyan, may kung ano siyang naramdaman sa ginawa nito. Napatitig na lang siya sa labi ni Prin nang mahimasmasan ito. Kaya hindi siya nag-aksaya ng oras na gawaran ito ng halik. But, he wanted more. Hindi siya kuntento sa simpleng halik na iyon. Tinitigan niya ng mabuti ang mukha ni Prin at tila ba tumigil ang mundo nang salubungin nito ang mata niya. Idagdag pa na nanunuot sa ilong niya ang amoy ni Prin dahil sa ilang sentimentro lang na layo nito sa kanya. Hindi na siya nag-aksaya ng oras at panahon. Nilapit niya ang katawan sa babae, hinaplos ang pisngi nito at ginawaran ng halik. Walang sino man ang babae na lumapit sa kanya sa mga nakalipas. At kahit naiinis siya kay Prin dahil sa mga pagsagot-sagot nito sa kanya, alam ni Cally na may kakaiba siyang nararamdaman tuwing nasa paligid ang asawa. Parang may nagpuputukang fireworks at stars sa paligid habang binibigyan ni Cally si Prin ng halik. He wanted more, so he entered his tongue inside her mouth. Napakislot si Prin sa ginawa ni Cally. Kakaiba ang halik na binibigay na iyon sa kanya. Mas mainit, mas nakakatakam at mas nakakabaliw. Nag-iiwan ang halik nito ng mensahe at kinukuha ang buong lakas niya sa parehas na oras. Hanggang sa parang mauubusan na siya ng hininga. Isinandal lang nito ang noo sa noo niya ng ilang saglit at ginawaran pa muli si Prin ng isa pang maingat ng halik. Parang huling tikim sa ibabang labi ni Prin. Agad lang silang naghiwalay nang tumunog ang telepono ni Cally. Hinihingal pa si Cally na sinagot ang tawag. "Yes?" Napansin naman ng tumatawag sa kabilang linya na parang hindi maganda ang timing niya. Pero importante ang rason ng tawag niya. "Master Cally, na-kidnap po si Master Crayon at Miss Crayola. Dinukot sila mula sa school. Your Dad and Mom want to see you." si Drake na assistant ng Daddy niya. Kalmado lang si Cally. "Pupunta kami diyan." Si Prin sa gilid ay pulang pula pa rin ang buong mukha sa kahihiyan. Hindi pa siya nakaka-move on sa halik na pinagsaluhan nila ni Cally. "The twins got kidnapped. They need our help." pagbibigay alam ni Cally. Kapatid nito ang tinutukoy kaya parang nakabalik sa reyalidad si Prin. "What? Let''s go kung ganoon." nag-a-alalang sabi niya. Magkahawak-kamay sila na nagpunta sa elevator hanggang sa makapunta sa tapat ng sasakyan ni Cally. Hindi nila iyon intensyon. Pero parang human instinct na basta na lang ginawa. Hindi maganda ang oras na iyon para mag-daydream si Prin, lalo at dinukot ang kapatid ni Cally. Si Cally naman ay nakaramdam ng tensyon. Normal na reaksyon na ma-tense siya because his brother and sister were just ten years old. At alam niya na takot ang mga ito sa oras na iyon. Parehas na mahina ang dalawa dahil tanging school at bahay lang ang alam ng mga ito. Iniwasan ng Mommy niya na mamuhay ang dalawa sa paraan kung paano siya namuhay. Sisiguruhin niya na kung sino man ang makapal ang mukha na dumukot sa dalawa ay mananagot sa kanya. Tumuloy sila sa bahay ng magulang niya. Naroon ang halos lahat bilang suporta. Naroon si Anthony na pinsan niya at ang iba pa na kamag-anak. Hindi sila nag-usap o nakipagkamustahan. Lumapit siya sa Mommy niya na hindi mapalagay at umiiyak. Kayakap nito ang Daddy niya. "What happened?" tanong ni Cally sa magulang. Naiwan si Prin sa isang gilid at hinayaan si Cally na lumapit at magtanong sa mga ito. "Hindi namin alam na nadukot ang dalawa kung hindi lang tumawag ang driver nila para sunduin sila sa hapon. At sinabi na nagsipaglabasan na ang lahat ng estudyante pero hindi pa lumalabas ng school si Crayon at Crayola." "Tinawagan ko ang security ng school at sinabi na isang guard nila ang nagpatuloy sa dalawang kidnappers na makapasok sa loob. Lunch time nang dukutin ng mga ito ang dalawa kaya hindi napansin ng teachers." "Did they call para manghingi ng kung ano?" tanong ni Cally sa Daddy niya. "Yes. That''s why I asked Drake to call you." "They are asking 100 million. They will call again kung saan ang meeting place." matalim ang tingin at nakakuyom ang palad ng Daddy niya na halata na gusto nitong manuntok. Tumingin ito sa kanya. "They will call again soon para magbigay ng detalye. Your Mom needs me that''s why I need you to go there and do ''something'' about it." makahulugan na sabi nito. Sa loob-loob ni Cally, hindi pa man sinasabi ng Daddy niya ang bagay na iyon ay may plano talaga siya na turuan ang kung sino man na nagkalakas ng loob na gumawa ng masama sa pamilya niya. Nag-ring muli ang telepono at si Cally na ang sumagot. Mga iyak ng dalawang kapatid niya ang naririnig sa kabilang linya. "Mr Han, siguro naman ay handa na ang pera na hinihingi namin." pinakikiramdaman ni Cally ang boses. Sa palagay niya ay nasa edad kwarenta pataas ang edad nito. Chapter 31 - The twins got kidnapped (2) Ginuguhit na ni Cally sa isip ang pagmumukha ng lalaking nasa kabila ng linya. This guy surely have the guts na galawin ang dalawang kapatid niya. "Alam ko na walang tumatawag sa kapulisan kaya gusto ko na matuwa sa pamilya mo. Ang anak mong babae ang gusto ko na maghatid ng pera sa address na ito." binigay nito ang lugar. "Mamayang hating-gabi sa lugar na iyan. Dalhin mo ang pera. kung hindi, alam mo na ang mangyayari." pananakot nito. Kalmado lang si Cally. "Gusto kong masiguro na ligtas sila. Please let me talk to a boy." sabi niya na tinutukoy ay si Crayon. Humihikbi ito sa kabilang linya. "Daddy, sinabunutan at sinampal nila si Crayola. Huhuhu" Nagtangis ang bagang lalo ni Cally sa nadinig. "This is your kuya. Huwag kang mag-alala dahil kukunin ko kayong dalawa. Sabihin mo sa akin mamaya kung ano ang mga ginawa nila sa inyo. Please stop crying and be a man Crayon. You will soon get your revenge" sabi niya sa bunsong kapatid. Lumapit sa kanya ang Mommy niya "I want to talk to him, Cally¡­" Pero naibaba na ang telepono sa kabilang linya. "You stay here, Mom." sabi niya. "What is happening Cloud Han?! Nung huli si Cally ang dinukot, ngayon naman ang kambal?" natataranta na tanong nito. "Gin, don''t worry. Nung nakaraan si Prin at Lorenz lang ang humarap sa mga iyon. This one is nothing. They are just a bunch of idiots." Tumingin sa mga mata niya ang Daddy niya. "Please make sure to bring those ''innocent men'' in your home." sabi nito sa kanya. Kumunot ang noo niya sa nadinig. ''Why in my home?'' gustong magprotesta ni Cally sa Daddy niya. Bahay nila iyon ni Prin. "We will bring them in my Dad''s home." suhestyon naman ni Prin. Matalim din ang tingin niya. Nangangati na muli ang kamay niya na manuntok. Nakahinga ng maluwag si Cally. Mas mahalaga na doon nga sa bahay ni Rob dalhin ang mga kidnappers na iyon. "Please investigate the guard. I am positive that he is one of them." "Got it!" sagot ng pinsan niyang si Anthony na hawak ang computer tablet nito. "Prin will bring the money using her car." si Cally. "What?!" nagtaka si Prin. "Why? You don''t like it?" "No, it''s just that¡­ we are using my brand new car?" bulong niya dito. Hindi pa lumilipas ang kalahating araw sa mga kamay niya ang susi at iaalay na nito ang sasakyan niya. Sino ang matutuwa? Malalim ang tingin ni Cally sa kanya. "Oh! Ngayon natin susubukin ang talento mo sa pagmamaneho." nakangisi na sabi nito. "And, don''t worry¡­ kung sakali na masira mo yung sasakyan, we''ll buy another one. We have 100 million, remember?" Lumipat ang tingin ni Prin sa ibang taong naroon na nakatingin din sa kanila. Kailan pa naging mandurugas itong si Cally? Ang 100 million ay manggagaling sa bulsa ng magulang nito, pero may plano ang asawa niya na kunin iyon at ibili ng sasakyan? "The money is nothing, Prin." malungkot na sabi ng Mommy ni Cally. "We will save them, Mom." sabi ni Cally dito. Isang parte ng isip niya ang naiinis sa mga kidnappers dahil sinira ng mga ito ang mood nila ng asawa niya sa opisina. "Master, nandito na po ang sasakyan ni Miss Prin" sabi ng bagong dating na si Xander. "Dalhin mo si ''Bantay'' sa bahay ng Matsui." utos niya kay Xander. "Let''s go!" ===== Sa lumang warehouse na matatagpuan sa isang Parte ng kamaynilaan... "Boss, sigurado ka ba na hindi tumawag ng pulis ang mag-asawa." sabi ng kalbo at malaki ang tiyan sa Leader nila. "Sabi ng kumpare ko, hindi pa nai-rereport sa opisina nila ang pagkawala ng dalawang ito. Ibig sabihin ay masunurin ang mag-asawang iyon" tumingin ang Boss ng gang sa dalawang batang nasa gilid. Matalim ang mga mata na ibinigay niya sa magkapatid. "Crayon, I''m scared¡­" nagluluha ang mata na sabi ni Crayola habang nakakapit sa braso nito. Naalala ni Crayon ang sinabi sa kanya ng kuya niya. Kailangan niya na maging matapang sa oras na iyon. Dahil naroon ang kuya nila para iligtas silang dalawa, all he could do is wait for his turn na ibalik sa lalaking nakapolo ang ginawa nito sa kambal niya. Kinagat ni Crayola ang kamay ng Boss na iyon dahilan para sampalin nito ang kambal niya at sinabunutan pa ng lalaking iisa ang ngipin sa harapan si Crayola dahil ayaw nitong sumama papunta doon sa warehouse. Nang una ay naiiyak pa siya, pero kailangan niya na maging matapang, katulad ng sabi ng kuya nila. Masama din ang tingin na ibinigay niya sa lalaki. "Wow, bakit?" sabi nito kay Crayon. "Natatangahan kaso ako sa iyo¡­ iyon lang ang sasabihin ko" Ngumisi ang lalaki. "Kung tanga ako, bakit ikaw ang nasa mga kamay ko ngayon? Pagbibigyan kita sa sinabi mo dahil may isang daang milyon ako na makukuha. Pagkatapos, papatayin ko kayong dalawa pati na ang ate mo pagkatapos ko siyang reypin" "I don''t think that will happen." sagot ni Crayon. Umismid lang ang boss bilang sagot. Sa mga oras na iyon, anim na lalaki ang naroon bukod pa sa Boss ng mga ito. Maya-maya, nakarinig na sila ng tunog ng isang sports car. "Wow! Ang ganda ng sasakyan! Akin na ang sasakyan na iyon Boss ha." sabi ng isa. "Gag*! Syempre kay Boss mapupunta iyon!" kontra ng isa. Isang babae na naka black pants ang iniluwa ng sasakyan. Chapter 32 - The twins got kidnapped (3) Dala ni Prin ang pulang Mazda MX-5 na binigay ni Cally. Dahil iyon ang unang regalo ng asawa niya, wala siyang plano kahit magasgasan lang ang kotse na iyon. Plano sana niya na huwag na magpalit ng pantalon, pero pinilit siya ni Cally na palitan ang suot niyang palda. Alam din kasi nito na kailangan niyang kumilos. Pinag-aralan niya ang paligid. Naabandonang warehouse iyon na gawaan ng pipes, kaya maraming kahoy at pipe ang nakakalat sa paligid. May mga crate pa na gawa sa plastik, ang iba ay sa kahoy sa mga gilid-gilid ng gusali. "Boss, ang ganda ng chicks! Jackpot ka kay baby girl." sabi ng nanlilimahid na tauhan nito. Naghintay lang si Prin sa unahan ng Kotse. Sa tapat niya ay may pipe na gawa sa bakal. Maliit lamang iyon, sakto lamang sa labasan ng tubig at ga-braso ang haba. Sakto lang din iyon para suportahan ang sarili niya. Lumapit ang boss ng mga ito sa kanya. Mas nagandahan ito sa kanya sa malapitan. "Hindi ikaw ang anak ni Mr. Han." puna ng Boss kay Prin. "I''m the daughter-in-law. Sinabi mo lang na anak na babae. I am considered as a daughter." Ngumisi ito. "Nasaan ang pera?" Umikot si Prin at kinuha muna ang isang sports bag na may lamang pera. Inihagis sa harapan ng lalaki. "50 milyon iyan, narito sa likod ng kotse ang isa pang bag na may laman na 50 milyon din. I want to see the twins." sabi ni Prin. Ngumisi lang ang lalaki. "Papatayin ko rin naman kayong tatlo, bakit kailangan mo pa silang makita? Pero sige¡­" pumalakpak ang boss ng tatlong beses at iniharap sa kanya ang kambal. Hawak ng dalawang tao nito ang tig-isa sa magkapatid. "Ouch!!! Get your filthy hands off me!" sigaw ni Crayola. Kinagat muli ito ni Crayola sa kamay. Nakakita ng tyansa si Prin kaya sinipa niya ang pipe na gawa sa bakal, agad na hinawakan iyon, pinalo ang ulo ng Boss ng mga ito at saka sinipa ang lalaki. Tumilapon ang Boss sa pinagsama-samang crate sa gilid. "Auggghhh!!!" ungol nito habang hawak ang sumakit na panga. Masakit din ang likuran ng lalaki kaya hindi ito makatayo. Tinutukan si Prin ng baril ng may hawak kay Crayon. "Huwag kang lalapit!" sigaw nito saka ginalaw ng daliri ang gatilyo ng hawak na baril. Pumutok ang baril nito pero sinalag lang ni Prin ang bala ng hawak niyang pipe. Dumeretso ang bala nito sa braso ng kasama -- ang may hawak kay Crayola. "Ahhhh!!" sigaw nito. Agad na dumaloy ang dugo sa braso nito. Nabitawan nito si Crayola. Agad na tinungo ni Prin ang lalaking may hawak kay Crayon at ubod ng lakas na pinalo ang braso nito. "Crayon! Get in the car!" sigaw ni Prin. Kinuha nito ang kamay ni Crayola saka tumakbo sa kotseng pula. Agad silang nagtago sa passengers seat. "Close your eyes!" sigaw niya sa dalawa. "Mga gag* kayo, babae lang iyan! Double time!" sigaw ng Boss habang hindi pa rin makatayo sa sakit ng likuran at panga. Pakiramdam nito ay natanggal ang dalawang ngipin nito sa gilid. Lumabas ang apat pang lalaki mula sa loob ng gusali. Pero nagulat sila ng tumalon mula sa ikalawang palapag si Cally sa likuran ng mga ito at agad na sinipa ang isa sa pwesto ni Prin. Isang pipe na bakal ang sumalubong dito, saka sinipa ni Prin sa pwesto ng Boss. Nagsipaglingunan ang tatlo pang lalaki kay Cally. Pinaputukan ng isa si Cally na nailagan ng lalaki. "Tsk tsk! Missed!" kinuha ni Cally ang kamay nito na may baril saka inipit iyon habang sinipa ang isa pang lalaki patungo muli kay Prin. Binali ni Cally ang mga daliri ng lalaking huling nagpaputok "Aughhhh!!" saka niya ito sinuntok sa mukha. Sinipa patungo rin sa direksyon ng Boss. Sa bilis ng kilos nilang dalawa, nanlaki na lang ang mga mata ng Boss. Ang isang lalaki na natitira ay nabitawan na lang ang hawak nitong patalim. "Ha-halimaw!" sabi nito na nanginginig sa takot. Halos hindi kasi niya nakita ang mga pangyayari sa loob ng bente segundos at siya na lamang ang hindi nasaktan sa mga kasama. "Salamat sa papuri!" sabi ni Cally saka ito sinipa na parang bola patungo sa boss nito. Nagsama-sama ang pitong lalaki sa iisang lugar. "Boss! Gumawa ka ng paraan!" sabi ng kalbo. Kinuha nito ang baril saka ang bomba sa likuran ng bulsa. "Siguradong mamatay na kayo dito!" galit na sabi nito saka tinangal ang pin ng bomba. "Sa trenta segundos sasabog ito at bago mangyari iyon, ihahagis ko ito sa inyo!" Pinaputukan sila nito. Tinalon lang ni Prin ang lalaki mula sa pwesto niya, nataranta ang boss at agad siyang sinunggaban ng suntok pero tinuhod ito ni Prin at pinigilan ang leeg nito gamit lang ang paa niya para maipit ito sa pader. "*cough* *cough*" halos masuka ang leader dahil hindi ito makahinga sa pagpigil ng paa ni Prin sa leeg ng Boss. Nabitawan nito ang baril. Kukunin sana ng isa sa anim na lalaki ang nahulog na baril dahil malapit lang ang mga ito sa pwesto pero tinuhod na ito ni Cally. Her eyes are burning with hatred dahil nakita niya ang pasa sa pisngi ni Crayola. Kinuha niya ang bomba na tinutukoy nito na na nanatili na hawak ng Boss. Mas malaki lang ng kaunti sa bolitas at may ilaw na pula tanda ng pagbilang nito sa trenta segundo. "This one?" tanong ni Prin. Niluwagan niya ang paa na pumipigil sa leeg nito. Dahil inuubo ang lalaki gawa ng paghugot sa hangin, mabilis na pinasok ni Prin ang maliit na bomba na iyon sa bibig ng Boss na nalunok naman nito. "oops! Sorry! Bakit mo nilunok?" saka niya tinanggal ang paa niya sa pagkaka-sakal dito. Nanlaki ang mata ng Boss lalo na ang mga kasama nito. Pinilit ng anim na lalaki na makalayo sa Boss nila dahil anumang oras ay sasabog ang katawan nito. Pinilit naman ng Boss na isuka ang bomba. Sakto ang dating ng malaking van na minamaneho ni Anthony. Nilagyan lang ni Cally ng posas ang anim na lalaki. "Dadalhin ko na ang mga bata." sabi ni Prin, hinagis niya ang bag na may lamang pera pabalik sa loob ng sasakyan. Nakita niya ang dalawa na magkayakap at nakapikit. Tinalon ni Prin ang driver seat at pinaandar iyon para makalayo na sa lugar. Kailangan niyang ilayo ang dalawang bata para mabawasan ang takot ng mga ito. Chapter 33 - They thought Hans were simple Habang nagmamaneho, narinig na lang nila ang pagsabog. Takot na takot si Crayola sa likuran ng sasakyan. Hininto niya saglit ang sasakyan nang makalayo sa warehouse. Nilingon niya ang dalawa sa likuran at hinawakan ang parehas na kamay ng mga ito. "You are safe¡­ huwag na kayong matakot. Si Kuya Cally ang bahala sa mga nanakit sa inyo, okay?" Nagluluha pa din ang mata ni Crayola pero tumango ito. Mas kumalma na ito kumpara ng nasa paligid pa sila ng warehouse. Inuwi ni Prin ang kambal sa bahay kung saan naghihintay ang Mommy ni Cally. "Mommy!!!" umiiyak na tawag ni Crayola sa Mommy niya na matyagang naghihintay sa pintuan. Sinalubong ang mga ito ng yakap ng Mommy Ginny niya. "Thanks Prin!" nagpapasalamat ito sa kanya. Hindi niya nakikita ang Daddy ni Cally kaya naisip niya na naghihintay na ito sa Matsui Villa. Parehas na nasa Japan ang magulang niya kaya malaya si Master Cloud Han, ang Daddy ni Cally na gawin sa kidnappers ang gusto nito. Lumuhod siya para tanungin si Crayon kung ano ang ginawa ng kidnappers sa mga ito. "Ate Prin, sinampal ng tinatawag nilang Boss si Crayola tapos yung isa, sinabunutan siya. Yung isa, tinutukan ako ng patalim tapos re-reypin daw nila si Ate Christen." isa-isa nitong inalala ang mga naganap at kinuwento sa kanya. "You can calm down now. You did a great job kanina." sabi niya habang hinihimas ang kulutan na buhok nito. Halata ni Prin na ginabayan nito ang kambal na babae. "Mom, Tutuloy na ako." paalam niya sa Mommy ni Cally. Tumango lang ito habang yakap pa din ang bunsong anak na babae. Halata na hindi talaga ito napalagay at sinusuri ang pasa sa mukha ni Crayola. Dumeretso si Prin sa Matsui Villa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng magtatay sa anim na kidnappers, pero alam ni Prin na hindi maganda ang gagawin dito ni Cloud Han. Everyone in Dark Guards and Dark Lords knew how ruthless is Cloud Han. Ilan sa miyembro ng Dark Lords ang nakatikim ng bagsik nito. Ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang may masaktan sa pamilya. Galawin at saktan mo na ang lahat, huwag lang ang pamilya nito lalo na ang Mommy ni Cally. A normal person like those kidnappers could see him as an ordinary businessman but Dark Lords knew that he rules the world. Even her Grandmother, who is one of the Yakusa leader ay malaki ang respeto dito. Pinatawag pa ng mag-ama si ''Bantay'', the leopard. Napapailing na lang si Prin sa kahihinatnan ng kidnappers. ===== Tinulak ni Cally isa-isa ang anim na kidnappers sa harapan ng Daddy niya. "C-CEO Han¡­" nangangatog na tawag ng isa sa pangalan ni Cloud. Naka-ismid lang si Cloud. "Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niyo sa mga anak ko." sabi nito saka sumipol. Nagkatinginan lang ang anim. Ilang oras lang ang nakalipas, hawak nila ang anak nito. They thought they rule the world. Hindi pa lumilipas ang magdamag, sila na ngayon ang parang mga mababait na tuta na nasa harapan nito. Napakabilis ng ikot ng mundo sa kanila. Naalala pa nila si Prin na walang kahirap-hirap na sinalag ang bala gamit lamang ang isang piraso ng tubo. "M-Master, CEO Han¡­" Hindi nito alam kung ano ang itatawag sa Daddy ni Cally. Nanlaki ang mga mata nila nang lumabas mula sa kung saan ang isang leopard na matalim ang tingin. Nagyakapan ang anim na kidnappers. Lumapit ang mabangis na hayop sa tabi ni Master Cloud at hinimas nito ang ulo ng leopard. "Ma..ma..Master¡­ Nagkamali po kami, napag-utusan la..la..lang kami ni Labo (ang lider) na du..du..dukutin ang kambal" nangangatog na sabi ng kalbo dahil diretso sa paningin niya ang tingin ng leopard na nasa tabi ni Master Cloud. Katulad ng amo nito ang tingin sa kanila. Kaya nakadagdag sa kaba nilang anim ang kung ano man ang kasalanan nila. Gusto nilang murahin ang lider at isumpa kahit na namatay na ito sa pagsabog. Hindi nila akalain na hindi simpleng tao ang nagawan nila ng hindi maganda. Naalala nila ang sinabi ng batang lalaki kay Labo ng sinabi nitong papatayin silang magkapatid. ''it will never happen'' ang sagot nito. "Dumating sa akin ang balita na isa sa inyo ang sumampal kay Crayola." matalim ang tingin na ibinigay nito at pinag-aaralan mabuti ang reaksyon nilang anim. "Si.. Si.. Si Labo po iyon master!" "Kung ganuon, sino naman ang sumabunot kay Crayola?" Tumalim ang tingin ng leopard at agad na tumalon at humarang sa daraanan ng isa na may planong tumakas -- ang sumabunot kay Crayola. Umangil ito. "Ahhhhh!!! Master!!!! Patawarin niyo na po ako." "Bantay!" tawag ni Master Cloud sa leopard. Agad itong lumapit pabalik sa pwesto ni Cloud. Inabutan ito ng isang hilaw na karne. "Ma¡­ Master.. Master, susuko na po kami. Magpapakulong na kami kahit manatili pa kami sa kulungan habang buhay¡­ Paki-usap lang po¡­ patawarin niyo na kami!!!!" hiling ng kalbo kay Master Cloud. Halos maihi na siya sa pantalon sa sobrang takot. Huminga ng malalim si Cloud. "Mabuti at sa inyo na nanggaling iyan. Palalabasin ko na kayo at hahayaan ko kayong sumuko sa kapulisan. Kapag hindi kayo tumupad, alam niyo na ang mangyayari¡­" matalim ang tingin ng leopard sa kanilang anim habang sinasabi nito ang mga salita. "Walang sino man ang maaaring maglabas ng kung ano man ang nangyari dito, maliwanag?!" "Yes Master!" Sabay-sabay na sagot ng mga ito. Umangil pa ang leopard sa huling pagkakataon at saka nagsipagtakbuhan ang anim na kidnappers palabas ng Matsui Villa. Chapter 34 - Reward a Kiss Nakasalubong ni Prin ang anim na kidnappers na nagmamadaling tumakbo palabas ng bahay nila. Kasunod ng mga ito si Bantay na ilang dipa ang layo sa kanya. Sinalubong nito ang tingin niya. Tulad ng dati ay matalim ang tingin ng berdeng mga mata nito na tila ba ano mang oras ay lalapain nito ang kasalukuyang biktima. Ilang sandali lang, tumakbo patungo sa kanya ang leopard saka siya sinunggaban. Napaupo si Prin dahil sa bigat ng mabangis na hayop. Inamoy amoy siya nito. "Ah.. hahaha!!! Stop it!!!" nakikiliti si Prin sa paraan kung paano siya nito inaamoy. Tinitigan ni Prin ang leopard. "you are so clingy!" hinawakan niya ito sa pisngi at hinimas ang leeg nito. Dinilaan nito ang ilong niya. Kapapanganak pa lang ng leopard na iyon nang una silang magkita ni Prin. May anim na taon na rin itong nasa pangangalaga ni Master Cloud. Regalo iyon sa biyenan niya ng isang Presidente mula sa Africa. Mas matalino ang leopard na iyon kumpara sa ibang hayop. Hindi pa ito kumain o kahit kumagat ng tao pero ganoon pa man nakakatakot ang tingin nito kaya hindi niya masisisi ang mga kidnappers na nakasalubong niya na matakot habang tumatakbo palayo. Hindi niya napapansin na nasa gilid lang si Cally at nakamasid sa kanya. "You are so careless. Madumi na ang pantalon mo" Napangiti lang si Prin sa pagsusungit na naman nito sa kanya. "Let''s go home. Bye bye Bantay." Umungol lang ito at parang ayaw na umalis siya. Tinawag ito sa loob ni Master Cloud kaya nawala ang atensyon nito sa kanya. Sumakay siya sa pulang kotse. "Sakay ka na, Husbie" Tinapik tapik niya pa ang upuan sa tabi. "Ikaw ang magd-drive?" tanong ni Cally. "Malamang. Ano pa at binigyan mo ako ng sasakyan?" Nakatitig lang sa kanya si Cally saka umupo sa tabi ni Prin. "I will give you rules, bawal gamitin ang sasakyan sa kung saan-saan." "Bawal magsakay ng lalaki." "Bawal ang hindi sumunod sa batas-trapiko" "Bawal gamitin sa oras ng klase." "At bawal¡­ makipag-race" Sumimangot si Prin. "what is the use of having a sports car, then?" tanong niya. "To satisfy your needs. Didn''t you ask for it?" She was speechless. Inikutan na lang niya ito ng mata. Sa palagay ni Prin, si Cally ay isang boring na kwarenta anyos na nasa anyo ng isang bente tres anyos na katawan ng lalaki. "Syanga pala, gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin na mailigtas ang kapatid ko kanina." sabi nito habang daan. Nilingon niya si Cally. "There is no need to say thank you, We are family" "Hindi na kita nasamahan na mamili ng gamit." medyo nanghinayang si Cally dahil hindi niya nasamahan si Prin. "we can do that tomorrow" He can''t explain why his heart is full of excitement whenever he was with her. Whenever she was alone with him in his office. She is simply too beautiful in his eyes whenever she gave him an annoyed look while answering his exam sheet. Or whenever she called him ''Husbie''. Or whenever she is spouting nonsense. Her scent is also different from other girls and he likes it so much. She looked good in her pants, gorgeous in a dress and s.e.xy in her lacey underwear. Dahil hasa si Prin sa aktibidad, nasa tamang lugar ang mga dapat kalagyan ng mga laman nito. Walang sinabi ang angels ng Victoria''s Secret sa mata ni Cally. Ipinilig niya ang ulo at baka sa iba pa mapunta ang iniisip niya. Nilingon niya si Prin sa tabi. He looked at her lips while she is driving carefully. He wants to kiss her more. Gusto niyang maulit ang napagsaluhan nila na halik ni Prin. Para iyong droga na hinahanap-hanap niya. Nagising lang siya sa katotohanan nang huminto ang sinasakyan sa tapat ng bahay nila. Hinarap siya ni Prin. "So, how''s my driving?" Nakangiti at excited na tanong nito. Nilapit lang niya ang mukha niya dito because he really misses her kisses. He gave her a smack on her lips na ikinagulat ni Prin. "Not bad. That is your reward." Namula ang pisngi ni Prin dahil sa pagkabigla. "Sigurado ka ba na ganito din ang pagmamaneho na ginawa mo sa kambal kanina? Baka naman iningatan mo lang ngayon kasi alam mong minamarkahan ko ang pagmamaneho mo." Tudyo ni Cally. "Of course not! Why would I care about you?" Alma ni Prin "Para pasakayin ako ulit. Siguro, gusto mo na ipagmaneho mo ako araw-araw kaya iningatan mo talaga ngayon para pumayag ako. Don''t worry I can give you extra kiss kapag naihatid mo ko sa opisina ng maayos." "Who wants to do that? Alam mo Cally, kumakapal na ang balat mo" namumula ang pisngi niya sa pagkahiya. Kahit pa sabihin na ganoon nga ang hiling niya, hindi niya iyon aaminin. she was still a girl. "Bakit naman? May mali ba akong nasabi? Hindi ba at ikaw ang humiling na magkaroon ng kotse dahil sabi mo ay gusto mo na magmaneho? Ibinigay ko naman sa iyo. Malay ko ba kung isang parte sa hiling mo ang ihatid talaga ako sa opisina tapos ay may kiss na reward." "Shut it!" nahihiya na sabi niya saka lumabas na ng sasakyan. Chapter 35 - Practice makes perfect Mula sa kakaunting liwanag na nagmumula sa labas ng bintana, tinitigan mabuti ni Prin ang mukha ng asawa niyang si Cally. Tuwing gabi ay lihim niyang pinagmamasdan ang hubog ng mukha ni Cally. Sa kanya ang lalaking ito, pero sa kabilang banda alam ni Prin na pinakasalan lang siya ni Cally dahil sa obligasyon na meron ito sa Dark Lords. Nakakatabi niya si Cally sa pagtulog, nahahawakan, nakakasama araw-araw but she wanted more. Hindi pa niya naranasan ang maging makasarili sa buong buhay niya pero gusto niyang ariin si Cally ng buong-buo. Para itong isang pangarap na mahirap matupad. Bakit nga ba may mga lalaking perpekto? Matalino ang asawa niya, mayaman, gwapo at magaling sa lahat ng bagay. Kaya masisisi ba siya ng iba kung sakali na mahulog ang damdamin niya sa lalaking ito ng sobra? Hindi niya napigilan na isayad ang hintuturo sa bawat parte ng mukha ni Cally. Mula kilay, pilik-mata, ilong, baba at sa labi. Para bang ginuguhit niya sa isip ang bawat parte ng mukha nito. Natigil ang daliri niya sa labi ni Cally. Pinaranas nito sa kanya ang kakaibang halik sa opisina nito. Parang regalo ng diyos ang napakasarap na halik na iyon. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon, mabait sa kanya ang langit at ibinigay nito ang gusto niya. Iyon nga lang¡­ Hindi sapat. Isang parte ng pagkatao niya ang naghihintay ng kasunod. Binigyan niya muli ng nakaw na halik si Cally. Isang simple na katulad lang din ng ginagawa niya tuwing sa kalagitnaan ng gabi. Nang aalisin na niya ang labi niya dito, isang malapad na palad ang pumigil sa batok niya. Nanlaki ang mata ni Prin. Kumilos ang labi ni Cally at nilaliman ang sinimulan niyang halik. Napapikit muli si Prin para mas madama and halik nito. The taste of his lips was far more than she bargained for. He is kissing her deeply. Sobrang lalim na halos makalimutan niya na kung ano ang pangalan niya. Wala rin naman siyang pakialam sa ibang bagay dahil nakatuon sa halik ni Cally ang buong pagkatao niya. Natigil lang silang dalawa nang pakiramdam nila ay mauubusan na silang parehas ng hangin. "You don''t know how to kiss." tudyo ni Cally kay Prin sa pagitan ng paghinga. Pinalo niya sa dibdib ang lalaki. Nakakahiya na nga na nahuli siya nito, ang lakas pa ng loob nito na sabihan siya na hindi marunong. "Of course I don''t! Kung makapagsalita ka akala mo ay marunong ka sa ganitong bagay. At least, I found something that you aren''t skilled enough. You are a lousy kisser kaya kailangan kong tapatan ang paraan mo ng paghalik." sagot niya dito. "Oh! Is that so? So are you telling me na kaya hindi ka marunong ay dahil hindi rin ako marunong mag-guide? Don''t worry, we will practice because practice makes perfect. You should be ready because we will be having an assessment everyday." Prin "...." "Let''s sleep.. Or do you want to continue the practice?" pangungulit ni Cally. Namumula na ang mukha niya "Who wants to practice with you? I''m going to sleep." sabi niya saka pumikit dahil hiyang-hiya pa siya sa pagkahuli nito sa kanya. Hinihiling na lang niya na sana ay hindi ito mag-isip ng masama sa kanya. Cally pulled her closer to his embrace. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya ulit nito na makapal ang balat niya. Ang alam lang ni Cally, hindi niya inaasahan na mas masarap matulog ng katabi si Prin. Pinakakalma ang buong pagkatao niya ng amoy nito na maihahalintulad sa bulaklak ng cherry blossom. ===== Both of them have a good mood pagdating ng kinabukasan. Siguro dahil parehas silang nakatulog ng masaya at masarap. "Be good." sabi ni Cally bago siya bumaba ng sasakyan nito. "See you later." sagot ni Prin saka kumaway dito. Nakangiti pa siya na pumasok sa loob ng school at parang nag-d-daydream habang patungo sa unang klase niya. Parang pakiramdam ni Prin kahit ma-late siya ay okay lang. Napadaan si Prin sa open field kung saan may nagp-practice ng football. Napansin siya ni Luna na isa sa mga nanood ng practice. "Sean!" tawag nito sa Star player ng football team. "Yes my dear?" nakangiti na sagot nito saka lumapit. Binulungan ito ni Luna... Sa lugar ni Prin, paliko na siya para papasok sa klase nang masilayan niya ang bola ng football na mabilis na tinutungo ang pwesto niya. Agad na gumana ang utak ni Prin sa tamang gagawin. Dalawang estudyante at isang may-edad na guro ang malapit sa kinaroroonan niya kaya kaysa iwasan iyon, agad na kumilos si Prin para umikot pailalim na parang cart-wheel at sipain pabalik ang bola sa kung saan man iyon nanggaling. Sigurado siya na sa bilis ng bola na iyon, sinadya iyon na tirahin patungo sa pwesto niya. Hindi lang siya sigurado kung sino sa kanilang apat ang intensyon ng bola na iyon. "Muntik na kami ng bola na iyon. Thank you Miss!" pasalamat ng isa sa dalawang estudyante. "Sean!!!!" galit na sabi ng may-edad na guro. Si Sean na tinawag ay hindi makapaniwala sa nakita. Parang bihasang football player ang kilos ng babae. Agad siyang lumapit sa mga ito para kunwari ay manghingi ng pasensya. "Sorry po, Mrs Benett." kakamot-kamot ang ulo na sabi nito. Masama ang tingin ni Prin sa lalaki na may pangalang Sean. Ganoon pa man tumuloy na lang siya patungo sa kwarto. Nangako siya kay Cally na hindi siya gagawa ng kalokohan o gulo sa school na iyon kaya iiwasan niya ang lalaking ito ng mas maaga. Chapter 36 - My Prince "Miss¡­" tawag ni Sean kay Prin pero hindi niya ito pinansin. Tuluy-tuloy lang siya para makapasok sa loob ng klase niya. "Hey! Hey!" hinarang nito ang sarili sa pintuan nang akmang papasok na siya. Tinaasan niya ito ng kilay. Ngumisi naman sa kanya si Sean. "You are new. Ngayon lang kita nakita." "Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong bully-hin?" sagot ni Prin. "Hello Sean" sabi ng mga kaklase niya sa loob. Pansin niya na natutuwa ang mga kaklase niya at halatang gusto ng mga ito ang lalaki. Lumipat ang atensyon nito sa mga kaklase niyang babae. "Hello, Girls¡­" kumaway pa ang binata sa mga kaklase niya na akala mo ay artista. Nakakita ng tyansa si Prin kaya nalusutan niya ito nang hindi nito naramdaman at nakapasok sa loob ng kwarto. Tumuloy lang at umupo siya sa pwesto niya na parang walang nangyari. Nabigla naman si Sean sa inakto niya. Para kasing magic na nawala siya sa harapan nito kahit nakaharang ang binata sa pintuan. "Hey! I''m talking to you." sabi nito at sinundan siya hanggang sa mesa niya. Hindi ito pinansin ni Prin at nilabas ang cellphone para i-text si Cally at sabihin sa asawa niya na maayos siyang nakarating sa klase. ''My Prince'' ang pangalan ni Cally sa contact list niya at napangiti siya na makita na may mensahe siya mula sa lalaki. [Arrived at the office] iyon ang mensahe nito. Hindi nakalusot kay Sean ang mga inakto ni Prin, katulad ng pang-iisnab niya dito. Dahil nakaupo si Prin at matangkad ang lalaki. Nakita nito ang pangalan ng nagpadala ng bagong mensahe na nagpangiti sa kanya. My Prince. Napangisi na lang si Sean. Hindi siya naniniwala na isang prinsipe ang kung sino man na nag-text na iyon. Sa tingin niya ay endearment lang iyon ng babaeng nasa harapan sa nobyo nito. Pero mas na-intriga siya kay Prin. Popular siya sa eskwelahan na iyon at wala pa ni isang babae ang kumuha sa interes niya bukod kay Luna. Pansin ni Prin na nasa gilid niya si Sean at mukhang walang plano na umalis. "May klase kami dito, ano ba ang kailangan mo?" "Gusto kong malaman, kung paano mo ginawa yung pagtira mo sa bola kanina?" Tiningnan ni Prin mula paa hanggang ulo si Sean. "Hindi ko kailangan na magpaliwanag. Hindi ka naman siguro tanga para hindi alam kung ano ang ginawa ko kanina. Football player ka ''di ba? Alam mo dapat iyon. Ako nga ang dapat na magtanong sa iyo e." Naging seryoso ang lalaki. Bukod din kay Luna, wala pang ibang babae ang sumopla sa kanya. "Hindi naman ako Bully. Nagkataon lang na patungo sa iyo ang bola ko" Pagdadahilan nito. Hindi na ito pinansin ni Prin. Sakto naman ang dating ng Professor nila at napuna nito si Sean. "Mr. Sean!!! Anong ginagawa mo dito sa klase ko? Labas!" galit na sabi nito. Binigyan pa siya nito ng huling sulyap bago lumabas na nakangisi sa kwarto. ===== Gigil na gigil naman si Luna at pinagagalitan si Sean. "Bakit hindi mo ginalingan sa pagtira ng bola kanina?" Nakaramdam ng inis si Sean sa unang pagkakataon kay Luna. Sa hindi niya malaman na dahilan, bigla siyang napangitan kay Luna. "You know what, gusto kong sabihin na hindi mo ako utusan." sabi niya dito. "Akala ko ba magaling ka sa football, hmp! Isang babae lang pala ang kayang magpatumba sa iyo!" Dumilim ang paningin ni Sean. Sa oras din na iyon, pakiramdam ni Sean ay napaka-pangit ng ugali ng babaeng ito sa harap niya. "Alam mo Luna, Ngayon ko lang napagtanto na hindi ka talaga maganda." pang-iinis ni Sean. "Bawiin mo ang sinabi mo!" "Why? Now I know kung bakit inis ka kay Prin. Because she is definitely a beauty, there is so much insecurity in your body. I just can''t believe na nagpabola ako sa isang tulad mo." Lalong lumala ang pagka-gigil ni Luna sa binata. "She is not pretty! Alam mo ba? I assumed she is a Mistress. I always saw a luxury car na naghahatid sa kanya sa school tuwing umaga but that guy never showed himself in public. Siguro isang mataba, matanda at uugud-ugod ang boyfriend niya kaya ganoon." sabi nito. Naalala ni Sean ang pangalan ng boyfriend ni Prin sa cellphone nito. ''My Prince'' "I saw the car. You could be the President of MGM bago mo makuha ang ganoong klase ng kotse. Kahit ang kotse mo ay walang wala sa magarang kotse ng naghahatid sa kanya. So tell me? Sino sa amin ang mas maganda?" "She is just merely a mistress! Samantalang, anak ako ng Mayor!" galit na sabi nito. Napangisi si Sean. "Then, act like a mayor''s princess dahil malapit ko nang isipin na isa kang huwad na prinsesa." ang sabi saka nito iniwasan si Luna at iniwan na ang babae. "Let''s see Prin, kung makaligtas ka sa susunod." sabi nito. Chapter 37 - He is choosing a dress for her Naging maayos naman ang maghapon ni Prin kahit pa muntik nang hindi maging maganda ang umaga niya dahil kay Sean. Hindi nakapasok si Bella kaya wala siyang makausap dahil mas pinili ng kaibigan niya na mag-out-of-town kasama ng nobyo nito. Naghihintay si Prin ng sundo, nasabihan na siya ni Cally na susunduin siya doon ni Xander sa school. Napansin siya ni Sean na papalabas ng school gamit ang sasakyan nito. lumabas ito ng sasakyan at nilapitan siya. "Hello!" bati nito. Hindi niya ito pinansin. Para itong hangin sa gilid na hindi niya nakikita. Wala siyang plano na makipagkaibigan sa lalaki. Uubusin niya na lang ang oras sa pag-aaral na ayaw niya kaysa sa lalaking ito na alam niyang mataas ang tingin sa sarili. Para mahalata nito na hindi siya interesado sa lalaki, kinuha niya ang cellphone para mag-browse muna sa internet habang naghihintay. "Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita" nakangiti pa na sabi nito. Sa gilid ng mata niya ay napansin niya ang tinuro nito na sasakyan na Nissan na sports car. Gayunpaman, wala siyang plano na sumakay doon. Sa parte ni Sean, naniniwala siya na kapag nakita ni Prin ang sasakyan niya, hindi na ito mag-aatubiling sumama katulad na lang ng iba pang mga babae sa school kaya nga malaki ang mga inggit ng mga ito kay Luna. Nasa ganoong ayos sila nang dumating ang Maybach ni Cally na minamaneho ni Xander. Lumapit sa kanya si Xander at masama ang tingin nito kay Sean. Malayo pa kasi ay napansin na ni Xander na kinukulit nito ang Boss niya. "Miss Prin" magalang na bati nito. "Hi Xander!" masiglang bati ni Prin. Hindi niya pinansin si Sean. Binuksan ng assistant ang pintuan sa likod at pinapasok siya. Naiwan si Sean na nakakunot ang noo habang nakatingin sa assistant hanggang sa makalayo ang sasakyan nito. Hindi biro ang halaga ng sasakyan na iyon. Naalala niya ang sinabi ni Luna. ''She is definitely a mistress'' sabi nito sa kanya nang umagang iyon. At katulad nga din ng sabi nito, kailangan na may sinasabi ka sa buhay bago magkaroon ng ganoong uri ng sasakyan. Hindi naman siguro anak ng politician si Prin o isang business tycoon. Pumasok sa isip ni Sean na baka mistress nga si Prin ng may-ari ng sasakyan na iyon. Kailangan niyang alamin ang pagkatao ni Prin bago siya masiraan ng ulo. Kita naman ni Bella ang lahat na nasa kabilang kanto. She is gritting her teeth. Una pa lang, alam niyang hindi maganda ang dating ng Prin na iyon sa eskwelahan nila. ===== Dinala si Prin ni Xander sa isang sikat na designer ng gown. "Hindi tayo pupunta sa opisina?" tanong niya dito. "Hindi po, Miss Prin." naghihintay na po dyan si Master Cally. "Oh! Okay." Tumuloy siya sa loob at natagpuan si Cally na naka-de-kwatro ng maayos habang humihigop ng kape. Isang business Magazine ang binabasa nito sa harapan. Hindi pa siya nito napansin dahil seryoso ang pagbabasa nito sa Magazine. Nagliliwanag pa ang balat nito at ang buhok nito na kulay brown mula sa liwanag sa labas ng french window. Nababagay lang sa lalaki ang tawag niya dito na Prinsipe kaya bagay sila. Siya si Prin at ito ang kanyang Prinsipe. ''Haaay!'' "Welcome po!" bati ng Staff kaya napalingon sa kanya si Cally. "Hello" balik na bati niya sa staff. Lumapit naman sa kanya si Cally. "Nag-promise ako sa iyo na sasamahan kita. Tingin ko natutuwa ka dahil wala tayong session ngayon para sa review." pang-aasar nito. Inikutan niya na lang ito ng mata. "Wala ka na bang trabaho na naiwan?" tanong niya dito. "Meron." Medyo na-guilty si Prin pero nabigla na lang siya ng binigyan siya nito ng halik sa labi. "Hayan, wala na kong naiwan na trabaho." sabi nito saka bumalik sa couch kung saan ito nakaupo. Namumula ang mukha ni Prin sa hiya lalo at nabigla rin ang staff na nasa tabi niya. Lalong tumatagal ay kumakapal ang balat ni Cally na nakawan siya ng halik. "Tara na po." sabi ng staff nang makabawi. Sumunod si Prin sa babae. Kinuha lang nito ang sukat ng katawan niya. "Ma''am ang s.e.xy niyo po, saka maganda pa! Bagay po sa inyo ang disenyo namin." puri nito. Alam naman ni Prin na binobola lang siya ng Staff pero hindi pa rin maiwasan na matuwa siya. "Anong disenyo naman ang gagawin niyo para sa akin?" "Sikreto po e." bulong nito habang nakatingin kay Cally. Naisip ni Prin na mukhang personal na pinili ni Cally ang susuotin niya. May tiwala naman siya sa lalaki na marunong ito sa halos lahat ng bagay. Kaya lang¡­sigurado ba siya na maganda ang ipasusuot nito sa kanya? Maybe he is good at choosing his own suit. He looked good in anything he wears. But they are talking about her dress. Bumuntong-hininga na lang si Prin at wala na siyang magagawa kung hindi ang magtiwala sa lalaki. Ilang saglit pa, dumating ang designer. "Naku! Master Cally. Pasensya na at na-traffic ako sa daan." Hinihingal pa na sabi nito na halatang nagmadali sa pagpunta doon. "No Problem! Ihatid mo na lang sa opisina ko ang gown" sabi ni Cally. Hinarap siya ni Cally. "May naiisip ka pang gawin?" "Hmmm. Husbie, gusto kong kumain ng kwek kwek saka ice cream tapos maglaro ng badminton." ungot niya dito. Kulang na sa ehersisyo si Prin dahil mas madalas siyang nakaupo lang sa eskwelahan at nag-aaral. Namimiss niya nang ikilos ang katawan. Tiningnan ni Cally ang oras. Alas kwatro pa lang naman ng hapon. "Okay. kung sino ang matalo, may parusa." Nakangisi na pagpayag ni Cally. Chapter 38 - Postponed Date Patungo na sila sa uupahan na Badminton court nang makatanggap si Cally ng tawag mula sa Daddy niya. "Hindi sumuko ang mga kidnappers, you know what to do." sabi nito saka siya binabaan ng telepono. Napapailing na lang si Cally. Wala talagang makakagagawa sa kanya ng ganoon kundi ang Daddy niya lang. Kahit ang Mommy niya ay hindi ginawa ang ganoon sa kanilang magkakapatid. "Tsk!" gusto sana niyang mainis dahil date-time nila ni Prin pero hindi niya magawa. Importante rin naman kasi ang reputasyon ng pamilya at ang ginawa ng mga ito sa kambal. Dinala si Crayola at Crayon sa ospital dahil na-trauma ang dalawang kapatid niya. Nagkapasa pa si Crayola kaya hindi niya masisisi kung bakit galit ang Daddy niya. "What is it?" "Hindi sumuko ang mga kidnappers." seryoso na sabi ni Cally. Tumaas ang kilay ni Prin. "Mukhang hindi sila naniniwala sa Daddy mo. Sa weekend na lang tayo tumuloy maglaro." "Are you sure?" paninigurado ni Cally. "Bakit naman hindi ako magiging sure?" "Baka lang kasi you are expecting something in return.. Like a kiss?" tudyo ni Cally. "Kiss my ass!" sagot niya dito saka inilayo ang paningin. Namumula ang pisngi ni Prin sa hiya. Natutuwa naman ng lihim si Cally sa tabi. Naaaliw kasi siya kay Prin kapag tinutudyo niya ito. Dahil hindi tumupad sa usapan ang anim na kidnappers at ipinagpaliban pa ang date ni Cally, tuturuan niya talaga ng leksyon ang anim na iyon. ===== "Boss, sigurado ka ba na hindi tayo mahuhuli ni Master Cloud Han?" natatakot na sabi ng kalbo sa bagong amo nila. "May tigre silang kasama..." sabi ng isa pa dahil hindi nito alam ang pagkakaiba ng tigre sa leopard. "Sino ba ang mas nakakatakot? ako o si Master Han?" sabi nito. Matagal na silang hinahanap ng bago nilang Boss dahil mailap sila sa kapulisan. Dalawang taon nang pagki-kidnap ang trabaho nila at hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa sila nakikilala sa publiko. Magaling kasi at masamang-damo ang dati nilang Boss na si Labo. "Heto ang pera. Gusto ko na dukutin niyo ang babaeng ito." Nanlaki ang mata ng anim sa larawan. "''y-yan! Iyan yung gumulpi sa atin!" bulalas ng kasama na iisa ang ngipin sa unahan. "Paanong ginulpi? Tingin ko nabugbog kayo nung isang araw ng mga bodyguard ni Master Cloud Han kaya kung anu-ano ang naiisip niyo!" sabi ng boss. Ang mga kwento kasi nilang anim: Tumalon mula sa ikalawang palapag ang lalaki, naiwasan ng babae ang bala gamit lamang ang tubo. May tigre si Master Cloud. Kung pagsasama-samahin ang kwento, parang kwentong-bayan ang sinabi ng mga ito. Pwera na lang kung Ninja ang dalawang tao na nagligtas sa kambal at naniniwala ang bagong Boss na imposibleng mangyari. Ang kwento naman ng mga ito ngayon, ang mahinhin na babaeng pinadadakip niya ay ang babae sa kwento ng mga ito? Napapailing ang bagong boss. "Mga inutil! Iharap niyo ang babaeng iyan maliwanag. Kung may tigre nang araw na iyon sa palagay niyo ba buhay pa kayo ngayon? Malamang ay nalapa na kayo at wala na kayo dito sa harapan ko!" singhal nito. "Nakainom kayo ng alak ng isang araw kaya imposible ang mga kwento niyo." Nagkatinginan ang anim. May punto ang bago nilang boss. "Dukutin niyo ang babae at dalhin niyo sa address na ito." inabot nito ang papel. "Magsilayas na kayo sa harapan ko!" Kakamot-kamot ang anim. "Taba, tingin ko may katwiran si Boss. Kung may tigre, malamang kahit isa sa atin ay nilapa ng hayop na iyon." Nag-usap-usap silang anim at naniwala sa bagong boss na hindi totoo ang nangyari noong isang gabi. ===== Pinahanap na ni Cally ang anim na kidnappers sa tauhan ni Rob na Daddy ni Prin, si Zuki. Naghintay muna silang dalawa sa isang coffee shop habang nagrereview si Prin ng aralin sa notebook ni Cally. Mabilis kumilos si Zuki at wala pang isang oras, may lead na sila kung nasaan ang anim na kidnappers. "Master, gusto niyo ba na kami na ang humuli sa anim na ugok na ito?" tanong ni Zuki sa kabilang linya. "No need." sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag. "Honey, let''s go. Kukunin ko ang sasakyan, hintayin mo na lang ako sa tapat." sabi ni Cally saka tumayo na at lumabas ng shop. Natulala naman si Prin sa pagtawag sa kanya ng ''Honey'' ni Cally. Nang makalabas ang lalaki¡­ "Ahhh!!!" halos hindi makalabas sa bibig niya ang tili dahil may ibang mga umiinom ng kape sa shop. Tinawag siyang "Honey" ni Cally sa unang pagkakataon at pigil na pigil ang kilig niya sa katawan. Niligpit niya lang ang gamit saka lumabas ng shop para abangan si Cally nang hindi nawawala ang kakaibang ngiti. Parang may mga bulaklak sa paligid ni Prin kaya balewala sa kanya ang mga dumadaan sa paligid. Kaya hindi niya rin napansin ang itim na van na huminto sa tapat niya at agad siyang hinila papasok doon. Chapter 39 - Fearless and Courageous [Feibulous: this chapter includes some inappropriate content ; Karahasan] Nakita ni Cally ang pagkuha ng mga lalaki kay Prin. Humigpit ang hawak niya sa manibela at tumalim ang tingin niya sa itim na van. Sinundan niya ng lihim ang sasakyan. Si Prin sa loob ng van ay kumunot ang noo nang makita ang mga kidnappers. Naisip niya na hindi ba''t ang mga ito rin ang dumukot din sa kambal? Apat ang lang ang nasa van. Wala doon yung mataba at ang lalaking iisa ang ngipin. Hawak siya ng dalawang lalaki sa braso. "Bakit lumakas yata ang loob niyo at dinukot niyo ako?" "Napag-utusan lang kami at doon ka namin dadalhin ngayon." sagot sa kanya ng lalaking nasa likuran. Tumalim ang tingin ni Prin. Sino naman ang magpapadakip sa kanya? "Ikaw na nasa likod na naka asul, mamaya basag ang lahat ng ngipin mo. Kayong dalawa na may hawak sa akin, siguradong hindi na kayo uulit. At ikaw na driver, basag ang bungo mo mamaya." sabi niya sa mga ito. Nagtawanan ang apat na lalaki. Tinutukan siya ng baril ng nasa kaliwa niya. "Ano ba iyan? Bakit parang inulit niyo lang ito? Saka sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ni Prin. Hindi siya sinagot ng mga ito. Huminto ang van sa isang ''di kalakihang bahay at medyo masukal na lugar. Hindi pa man pinabababa si Prin ng sasakyan, siniko niya ang lalaking nasa kanan at diretsong sinuntok sa mukha ang nasa kaliwa. Hinablot ang nasa likuran na naka-asul at pwersahang hinila at inuntog ang ulo ng lalaking iyon sa ulo ng driver. Parehas nakaramdam ng hilo ang dalawa at halos walang makita dahil parehas na nanlalabo ang paningin. Nakabawi ang lalaking nasa kaliwa ni Prin at ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa kanya. "Huwag kang kikilos!" angil nito. Hinawakan niya ang kamay nito. Sa galit ng lalaki ay pinaputukan siya nito ng hawak na baril. Pwersahang itinapat ni Prin ang kamay nito sa lalaking nasa kanan at dumeretso ang bala sa noo ng taong iyon na kasalukuyang naglalabas ng patalim. Dumaloy ang pulang dugo mula sa noo ng lalaking iyon. Tumalsik pa ang iilan ng dugo nito sa pisngi niya. Narinig ng lalaking mataba at ang kasama nito na iisa ang ngipin ang putok kaya nagmadali ang dalawa na makalabas ng bahay. Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng baril. "Ang tanga-tanga mo tumira, lagi na lang mali ang tira mo." Nag-aapoy ang mata ni Prin sa galit na kinuha ang patalim ng lalaking nasa kanan at diretsong isinaksak sa leeg ng lalaking nasa kaliwa. Idiniin niya pa iyon hanggang sa handle na lamang ng patalim ang nakikita niya. "Hayan! Hindi na talaga kayo uulit!" singhal niya sa dalawa na nawalan na ng buhay. Nakabawi namang ang driver at ang naka-asul. Nang akmang hahawakan nito ang braso ni Prin, bumukas ang pinto nito sa gilid at bumungad sa mata niya si Cally. Hinawakan ni Cally ang braso ng driver at hinila ito palabas ng van at diretsong sinipa sa mukha ang lalaking naka-asul. Sa lakas ng pagkakasipa ni Cally, bumukas ang pintuan sa gilid nito at tumilapon ang naka-asul sa s.e.m.e.nto. Tulad ng sinabi ni Prin basag ang ngipin ng lalaking naka-asul sa lakas ng pagkakasipa ni Cally. "Ahhhhh!!!" hiyaw nito. "Are you okay?" tanong sa kanya ni Cally. Lumabas si Prin ng van at sinuri ni Cally ang katawan niya. Nagdilim ang tingin nito nang makita ang galos niya sa braso at sa kamay, gawa ng pagkakasuntok niya sa dalawang katabi. Ilang saglit lang, may nagpaputok sa kanila mula sa loob ng bahay. Agad silang gumilid sa van. ''Ginagalit talaga ako ng mga ito'' isip-isip ni Cally. Nagkatinginan lang sila ni Prin. Walang tigil silang pinapuputukan ng bala ng dalawa na kalalabas lang. Kinuha ni Cally ang baril ng lalaking sinaksak ni Prin sa leeg at pinaputukan sa binti ang dalawa mula sa ilalim ng van. "Ahhhh!!!" hiyaw ng mga ito. Tinakbo naman ni Prin ang dalawa at parehas na sinuntok ang mga ito sa mukha. Sabay din na nakatulog ang dalawa ===== Nagising ang apat na kidnappers sa Matsui Villa. Ang driver, ang naka-asul, ang iisa ang ngipin at ang mataba na gumaganap na pinuno nila sa mga oras na iyon. At mukha ni Bantay ang bumungad sa kagigising lang nilang diwa. Agad na dumaloy ang kilabot sa apat na kidnappers. Lalo at may tama ng bala ang dalawa sa kanila. Mas matalim ang tingin ni Cally kay Bantay. "Sino ang nag-utos sa inyo na ipadukot ako?" tanong ni Prin na nasa tabi nito. . Hindi alam ni Cally ang tungkol sa bagay na iyon kaya lalong tumalim ang tingin niya sa apat. "Inutusan lang kami ng bago naming boss na si Marvin?" sagot ng mataba habang pinipigil ang sakit sa binti na binaril ni Cally. Nakakunot ang noo ni Prin "Ano ang motibo niya? Wala akong kilalang Marvin" "Hindi namin alam." sagot nito. Seryoso si Prin na iniisip kung sino ang Marvin na iyon. Halos mahigit isang buwan pa lang kasi siya sa Maynila at may mga nagagalit na sa kanya. Wala naman siya halos pinupuntahan kundi ang opisina ni Cally, ang bahay at ang school. Sino ang Marvin na iyon? Chapter 40 - He is angry [Feibulous: this chapter includes some inappropriate content ; Karahasan] Inisip ni Prin kung may kilala ba siyang Marvin. Napansin ng isa sa apat na kidnappers na lumalim ang iniisip ni Prin. Malapit ito sa pwesto niya kaya naglabas ito ng maliit na patalim mula sa tagong bulsa at sinugod siya nito --ang lalaking naka-asul. Bago pa ito makalapit kay Prin, tinalon at sinakmal na ito ni Bantay sa balikat. Nabigla pati ang tatlong kasama nito. "Ahhhh!!!" takot na hiyaw ng tatlo pa nitong kasama. Lalo na nang kusang malaglag ang katawan ng naka-asul sa harapan nila. Napalunok sila sa nasaksihan. Kita nila ang natapyas na laman, kaunting tela mula sa asul na T-shirt at ang kakaunting buto ng lalaking naka-asul. Kumalat sa pulang carpet ang dugo nito. Nanghihina ang taong iyon at anumang oras ay mawawalan na rin ng buhay. Niluwa ni Bantay ang laman nito na naiwan sa bibig. Halatang hindi rin nito nagustuhan ang laman mula sa lalaki. Umangil ito at mas matalim ang tingin na ibinigay sa tatlo pa. Kasabay ni Bantay ang paghila ni Cally kay Prin. Dumeretso ito sa mga bisig niya. May mga kakaunting talsik ng dugo mula sa lalaking naka-asul sa braso, binti at blusa ni Prin. Nagsimula ang leopard na ikutan ang tatlong kidnappers na natira at anumang oras ay mananakmal ito kung kikilos sila ng hindi kaaya-aya sa paningin ng mabangis na hayop. "M-ma-master, nakikiusap po kami na patayin niyo na lang po kami." naiiyak na sabi ng matabang lalaki. Mas gugustuhin na nilang mamatay sa mga oras na iyon kaysa manatili na buhay at mabaliw sa mga nagaganap. Kasalanan ito ni Marvin. Masyado silang naniwala sa lalaki. Ngayon na kaharap nila muli ang dalawa na nakita nila pati ang mabangis na hayop, gusto nilang magsisi. Halata na bumabalot ang takot sa kanila. "Akala ko pa naman, matatapang kayo. Dahil hindi kayo tumupad sa usapan na susuko kayo sa kapulisan at ginawa niyo pang muli ang pagdukot naman sa asawa ko. Pagbibigyan ko ang gusto niyo." May kasabihan nga na ''once is enough, two is two much. The third is unacceptable.'' Sinenyasan lang ni Cally si Zuki na nasa gilid. Kinuha nito ang katana na nakadisplay sa pader. Galit si Cally. Kung hindi naunahan ni Bantay ang lalaking iyon, hindi niya alam kung ano ang nangyari kay Prin. Binuhat naman ni Cally si Prin at lumabas na sa kwartong iyon. Narinig na lang nila ang hiyaw ng tatlo pa habang papalayo hanggang sa tila tumahimik sa kwarto na pinanggalingan. Bumalot ang malansang amoy ng dugo sa paligid ng villa. Nakatitig lang si Prin sa galit na mukha ni Cally. Wala itong pakialam kahit humalo dito ang damit niyang namantsahan ng dugo. Sa lapit ng pisngi ni Cally, gusto niya itong halikan para mawala na ang kung anuman na galit ang nararamdaman nito. Tumitibok ng sobra ang puso ni Prin at parang slow motion ang paglakad nito habang bitbit siya. Dinala ni Cally si Prin sa kwarto niya noong dalaga pa siya at sinuri siya nito. Halata ni Prin na galit pa rin ang asawa niya. "Do you have a towel?" tanong ni Cally sa kanya. Tinuro ni Prin ang drawers ng mga towel at bimpo. Lumapit si Cally sa cabinet, drawers ng underwear ang bumungad dito. "is this a towel?" tanong ni Cally habang hawak ang nakatupi na pink na panty niya. "Hey!" Tumayo si Prin at hinablot iyon. Namumula ang pisngi niya sa hiya. Kumuha siya ng bimpo sa sunod na drawer at inabot dito. Binasa ni Cally ang bimpo sa restroom na nasa loob din ng kwarto. Umupo naman si Prin sa gilid ng kama ng seryoso. Hindi niya mabasa ang mood ni Cally. Lumuhod ito sa harap niya at pinunasan ng tahimik ang pisngi niya na may talsik ng dugo pati braso. Maingat ang pagpunas nito pero salubong ang kilay na halatang hindi nito nagugustuhan ang nangyari sa kanya. "Bakit galit ka? Galit ka ba sa akin?" nakayukong tanong ni Prin. Parang nahimasmasan naman si Cally sa tanong niya. "*sigh* I''m sorry¡­ I just hate it! May galos ka na sa kamay at sa braso. Hindi ako galit sa iyo. Nagagalit ako sa sarili ko dahil iniwan kita sa coffee shop. If I was there hindi ka nagalusan." paliwanag ni Cally. Ang dahilan kung bakit ito galit ay dahil sa kakaunting galos niya? Hindi alam ni Prin kung ano ang magiging reaksyon niya. "Husbie, I''m a Dark guard. Kaunting galos lang ito. This is nothing compared to our trainings, remember?" Natulala si Cally sa sagot ni Prin. He almost forgot that Prin is a Dark Guard. She knows how to fight. He doesn''t know why he acted that way either. Pero hindi niya talaga naiwasan na magalit kahit ang makita ang pamumula ng kamao nito. Sunod na pinunasan ni Cally ang binti niya na may mga bahid ng dugo. Napalunok si Prin habang hawak ni Cally ang binti niya. "Ma-magsh-shower na lang ako¡­" Mahinang sabi niya. "Oh! Do you want me to help you?" Alam ni Prin na tinutudyo na naman siya nito na ibig sabihin ay nakabalik na ito sa normal nitong mood. "Help my ass!" Chapter 41 - This guy have the guts Tatlong araw na ang nakalipas, hindi binalikan ng anim na kidnappers si Marvin kaya inalam niya ang mga kasalukuyang ginagawa ng mga kidnappers na iyon. "Boss, hindi namin alam kung saan nagsi-puntahan ang anim na gag*. Ang van na gamit nila ng isang araw ay nasa tapat ng bahay na nirentahan natin at may mga nakita kaming mantsa ng dugo sa lugar¡­ pero wala ang anim doon. Wala rin kaming makita na kahit anong ebidensya. Bigla na lang silang nawala na parang bula. Walang CCTV kaya wala tayong makuha na hint" Naisip ni Marvin na baka marami ang nakalaban ng mga ito kaya pinatay ng kung sino. Ilang taon na rin kasi na nagtatrabaho ang mga iyon ng masama. Tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng table, kumunot ang noo niya at sinagot ang tawag. "Yes po?" "Marvin, ano na ang balita sa pinauutos ko? Ilang araw na at wala pa akong balita? Gusto kong lumuhod sa akin ang Prin na iyon o sirain ang mukha niya. I am desperately wanted to ruin her face! Binayaran na kita ng kalahati at wala pa akong naririnig mula sa iyo?!" reklamo nito sa kabilang linya. Gustong mag-init ng ulo niya sa pagmamando nito pero wala siyang magawa. Kayang kaya siya nitong ipapatay kung gugustuhin nito. "Nawala ang anim na inutusan ko. Kilabot na mga kidnappers ang mga iyon na isa sa mga problema ko ngayon, hahanap na naman ako ng kidnappers para dukutin ang babaeng sinasabi mo" "Kailangan mong bilisan!" singhal nito saka pinutol ang tawag. Naiinis si Marvin. Daig pa kasi nito ang totoong amo niya. "Sa tingin ko ako na ang kailangan na gumawa para dukutin itong babaeng ito¡­ Sorry na lang Miss¡­ You dared to offended the b*tch..." bulong ni Marvin habang nakatingin sa larawan ni Prin. ===== Nakita ni Sean na bumaba ng magarang sasakyan si Prin. Napag-alaman niya na sa CEO ng MGM nakarehistro ang sasakyan na iyon at hindi maiwasan na ma-awa siya kay Prin. Bakit ito pumayag na maging kabit ni Mr Cloud Han? Normal na mag-isip si Sean na kabit si Prin dahil ayon sa napag-alaman niya ay nasa 50s na daw ang tao na iyon. Ayon sa pinsan niya at kaibigan na parehas na aktor sa MGM, madalas daw na kasama nito ang asawa nito sa opisina. Marami daw nagkakagusto kay Master Han kaya hindi rin imposible na pumatol ang Big Boss nila. May anak daw na babae si Mr Han at siguradong hindi si Prin iyon dahil nagdodoktor daw ang anak nito at wala sa Pilipinas. Nilapitan niya si Prin. "Hello!" bati ni Sean. Hindi ito pinansin ni Prin. Nakita niya si Bella na kabababa lang din ng sasakyan at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya na kasama si Sean. "Hello dear!" nakangiti niyang bati dito. Medyo napahiya si Sean dahil nauna pa nitong pansinin ang kabababa lang ng sasakyan na si Bella kesa sa kanya na popular sa eskwelahan. "Let''s go! Male-late na tayo" nakangiti na sabi ni Prin kay Bella. "uhmm , okay" sabi ni Bella kahit ang wirdo ng tingin nito kay Sean. "Hey, Hey! Pansinin mo naman ako." si Sean. Patuloy lang si Prin na hindi pinansin ang lalaki. Nakaramdam ng inis si Sean. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" Walang plano si Prin na patulan ang lalaki. "Prin¡­ Hindi maganda kapag hindi mo siya pinansin. Kukulit-kulitin ka niya." bulong ni Bella. Napilitan si Prin na harapin si Sean. "Ano bang problema mo?" "Gusto ko lang makipagkaibigan." sagot nito. Tiningnan ni Prin ang binata mula paa hanggang ulo. Naglalaro sa anim na talampakan ang lalaki at tatlong pulgada. Sa tingin niya kasing tangkad ito ni Cally. Gwapo rin ang lalaki dahilan para maging popular ito sa school. Pero walang pakialam si Prin dahil para sa kanya, walang makakatalo sa pagkatao ni Cally. Kahit kay Lorenz yata ay hindi ito aabot sa pamantayan niya ng ibig sabihin ng tunay na lalaki. Sa palagay ni Prin, masyado lang malaki ang ulo nitong si Sean. Umaasa lang sa magulang. Samantalang si Cally, si Lorenz at ang mga kasama niya sa Dark Guard ay may sariling kakayahan. Mayaman na ang mga ito sa kasalukuyan dahil sa mga kinita ng ilang taon at hindi kailangan na umasa sa kung kanino. "Puno na ang listahan ko ng kaibigan. Wala akong time na makipagkaibigan sa iyo." mataray na sabi niya sa binata saka nagpatuloy sa paglakad kasabay ni Bella.. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" ismid na sabi nito. Napapahiya na kasi si Sean dahil may mga estudyante na ang nakapukaw ng atensyon nila. Wala pa kasi siyang sinundan-sundan sa school kaya kakaiba ang tingin ng mga ito lalo at patuloy siyang ini-isnab ni Prin. "Isang uugud-ugud lang naman ang boyfriend mo at walang kwenta. Sigurado na hindi ka niya kayang pasayahin. Nahahawa ka na ba sa pagka-boring niya?" sabi nito para makabawi sa kahihiyan. Napatigil si Prin sa paglakad. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na walang kwenta si Cally. At kahit pa sabihin na nag-aaral lang sila ni Cally madalas sa opisina nito, walang karapatan itong si Sean na sabihin na ''boring'' ang asawa niya. "Alam mo Mr. Sean. mayabang ka din. Gusto ko na tigil-tigilan mo na ako! Ganito na lang, kapag natalo kita sa sports, titigilan mo na ako." nakangisi na sabi ni Prin. Ayaw niya nang makita pa ang pagmumukha ng lalaki dahil nasisira nito ang maghapon niya. Chapter 42 - Ball Game Hindi nagustuhan ni Prin ang mga sinabi ni Sean tungkol kay Cally kaya hinamon niya ito na maglaban sila sa laro. Nagbulungan ang ibang estudyante na nasa paligid nang marinig ang hamon niya. "Nababaliw na ba siya? Sikat na player si Sean, ang lakas naman ng loob niya na hamunin si Sean?" "Sinabi mo pa." Pero meron din naman na na-aaliw sa hamon ni Prin. "Hmm.. mukhang exciting ito." "Panonoorin ko ito sigurado." "Let''s see kung matalo nga niya si Sean." Napatingin si Sean sa paligid at napansin na naghihintay ang mga estudyante sa isasagot niya. Wala pang humamon sa kanya na tulad ng ginagawa ni Prin sa oras na iyon. "Anong sports ang gusto mo?" "Name it" sagot ni Prin. "Are you sure baka naman jack en stone lang ang alam mo?" nang-iinis pa na tanong nito. "Prin, are you sure?" nag-aalala na tanong ni Bella sa tabi. "1,000 percent sure. Kapag natalo kita, ayoko na kulit-kulitin mo pa ako dahil sinisira mo ang umaga ko." naiinis na sabi niya dito. "Sige. Pero kapag natalo kita¡­You will be my girlfriend." Nagtaas ang kilay ni Prin. "Deal!" Naisip ni Sean na Football ang laruin nila ni Prin pero nakita niya kung paano tumira ang dalaga ng sipain nito pabalik ang bola nu''ng nakaraan. "What about basketball? Pero i-shoo-shoot lang ang bola. Tig-sampung tira. Kung sino ang makashoot ng madami, siya ang panalo" tanong nito. "Shoot!" "Meet me in basketball court at 4 PM. Pero gusto kong sabihin na unang laro pa lang ang mamaya. Tatlong laro ang paglabanan natin para mas exciting!" sabi nito saka umalis. Hindi na pinansin pa ni Prin ang lalaki at tumuloy na sa klase. "Prin, are you sure?" tanong ni Bella sa kanya. "Of course!" "Magaling siya sa Basketball. Kapag natalo ka niya, paano na si Cally?" Hinarap ni Prin si Bella. "Huwag kang mag-alala, dahil hindi niya ako matatalo." determinadong sabi niya. Gusto niyang turuan ng leksyon si Sean sa pagsabi nito na walang kwenta si Cally. Gusto niyang gulpihin ang lalaki dahil sa sinabi nito pero nasa eskwelahan sila at hindi siya pwedeng magpadalos-dalos. Pagsapit ng alas kwatro ng hapon, maraming tao ang naghihintay na manood ng laban ni Prin at Sean. Ang ibang manonood ay mga tagahanga ng lalaki, ang iba ay nakikiusyoso lang, ang iba naman ay gustong malaman kung sino ang humamon kay Sean. Nakasuot si Prin ng bestida at ni hindi man lang nag-aksaya ng panahon na magpalit ng damit. Naniniwala siya na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon si Sean para bumili pa siya ng damit at mag-ayos ng sarili. Sapat nang pumayag siya na labanan ito. Eksakto alas kwatro, nasa bungad na siya ng basketball court. Nagsabi siya kay Cally na mahuhuli lang siya ng kaunti para puntahan ito sa opisina. Nakita niya si Sean na naka jersey, shorts at rubber shoes. Kumunot ang noo nito na makitang naka-bestida pa rin siya. Pero ngumisi nang makalapit siya dito. "Mukhang hindi ka na nagsuot ng active wear. Suko ka na ba at gusto mo na akong maging boyfriend?" sabi nito. "Sorry but my answer is still ''No''. I am okay having this dress, no need to change because shooting lang naman ang usapan." pang-babara naman niya dito. Naintriga ang mga nanonood. Halos isipin na rin kasi nila na suko na si Prin at pumapayag na ito sa gusto ni Sean. "Bilisan na natin dahil naghihintay sa akin ang boyfriend ko." "Sinong mauuna?" tanong ni Sean. "Mauna ka na. Ako ang susunod." mungkahi ni Prin. Ngumisi lang si Sean. "Sure! Pero ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo na magaling ako sa basketball at hindi kita pagbibigyan kaya i-ready mo na ang sarili mo na maging girlfriend ko." Umupo lang si Prin sa bungad kasama ng audience. Tumayo na si Sean sa free throw line. Nagbigay pa ito ng flying kiss sa mga tagahangang babae. Parang wala sa mood si Prin nakaupo at naghihintay ng turn niya. Nagsimula si Sean na tumira ng bola. Una, Shoot. ikalawa, shoot. Ikatlo, shoot muli. Nagtitilian ang mga babae sa loob ng court. Dumating si Bella mula sa klase nito. "Naku Prin, wala pang ''missed'' si Sean." nag-aalala na sabi nito. Ikawalong shoot ni Sean, missed. "May missed na siya." nakangiti na sabi ni Prin kay Bella. "May missed, pero pang-walo na iyon dear¡­" "It doesn''t matter." sabi ni Prin. Nawiwirduhan sa kanya si Bella pero hinayaan na lang siya nito. Ang ika siyam at ika sampu na tira ni Sean ng bola ay parehas na shoot. Over-all, he got nine points. Lumapit ito sa kanya . "Paano ba iyan. Aasahan ko na ba na maging girlfriend kita?" "Sorry na lang. Ayoko na maging boyfriend ka. Saka, akala ko ba unang laro pa lang ito?" tanong ni Prin sa lalaki. "You''d better think about our next game because I will win this round." mayabang na sabi niya dito saka tumuloy sa free throw line. Ginamit ni Prin ang kakayahan niya na gamitin ang paningin at pwersa para ma-shoot ang bola. Sa totoo lang, napakadali ng laro na iyon sa kanya. Shooting for Dark Guards? Kayang kaya nga nilang tumira ng bala sa noo sa malayuan. Shooting a ball is nothing. Unang tira, shoot. Pangalawang tira, shoot. Naghihiyawan na ang mga estudyante. Naging interesado tuloy sa kanya ang karamihan. Kinabahan si Sean nang makashoot si Prin hanggang sa lima hanggang sa umabot ang lahat ng tira niya ng sampu. Tinira niya pa ang huli habang nakatingin sa lalaki. She got perfect ten score! Nilapitan niya si Bella na natulala at saka inaya na itong lumabas ng court na parang walang nangyari. Chapter 43 - She knew a lot of sports Hinila ni Prin si Bella palabas ng basketball court. "My friend, that was super awesome!" puri ni Bella. Muntik na niyang maisip na magiging nobya ni Sean ang kaibigan niya. "Really? Wala pa nga ang bagay na iyon¡­ Sisiw lang iyon sa akin. Madami pa kong kayang gawin" Nanlaki ang mata nito "Woah! You mean may iba ka pang sports bukod sa pagshoot ng bola?" "I know how to play basketball, volleyball, tennis, swimming, fencing and firing. Hmmm.. What else..?" inisa-isa niya ang mga iyon at inisip pa kung ano pa ang sports na alam niya. "Woah!! Mayroon pa?" hindi makapaniwala na tanong nito. "ah! Yes. I also knew karate" naalalang sabi niya. "Wow! Grabe, kaya pala ang lakas ng loob mo na lumaban kay Sean." "Prin!" tawag sa pangalan niya ng napahiyang si Sean kaya naputol ang usapan nila. Nakakahiya na ang isang star player ng school nila ay natalo ng babaeng naka-bestida kaya sino ang matutuwa sa naganap?! Nilingon ni Prin ang binata. Inikot niya lang ang mata at hindi interesado na kausapin pa ito. "Bakit ba ayaw mo sa akin?" tanong nito. Hindi makapaniwala si Sean na darating ang isang araw na maba-basted siya sa eskwelahan na ''yon. Napakamot sa ulo si Bella, gusto niyang magsalita pero mas minabuti niya na manahimik. Kailangan pa bang itanong na ayaw niya sa iyo? Samantalang, isang Cally Han ang kasalukuyang ka-relasyon ni Prin? "Because my boyfriend is a heartthrob! He is super handsome in my eye! Rich, down to earth at lalong-lalo na, hindi siya mayabang!" inirapan na lang ito ni Prin. "Kung ganoon! Ang boyfriend mo ang gusto kong makalaban sa susunod." "No need. Hindi ka pa ba nahihiya? sa akin nga eh talo ka. Sa boyfriend ko pa?" natatawa na lang si Prin sa tangang si Sean. Sumama lalo ang itsura ni Sean. "Baka kaya ayaw mo lang iharap kasi natatakot ka¡­ na uugod-ugod na talaga ang boyfriend mo¡­" sarkastikong sabi Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya hayaan na makita si Cally ng kaharap. "Alam mo, mas mabuti pang isipin mo na lang kung ano ang susunod na laban natin." sabi niya saka ito tinalikuran. Mabilis na nag-isip si Sean. "Billiard!" Nilingon niya itong muli. "Meet me tomorrow at 4 afternoon!" at ibinigay nito ang address. Madaming nakadinig na estudyante na maglalaban muli si Prin at Sean kaya aabangan nila ang laban ng dalawa. ===== Hindi nakaligtas kay Cally ang laro ni Prin laban kay Sean. Sa dami kasi ng nanonood na estudyante, madami ang kumuha ng video ng laban nila ni Sean. Bumilib kay Prin ang karamihan sa manonood. Inilagay ng ilan ang video niya sa internet habang kalaban ang lalaki. Sumikat si Prin hindi pa man siya nakakarating sa opisina ni Cally. Pinaimbestigahan ni Cally ang nangyari kay Xander. Matapos lang ang sampung minuto may sagot na ang assistant niya. "Master, the guy is Sean Lucas. A popular student in Miss Prin''s school. Naglaban sila ni Miss Prin dahil kinulit-kulit po niya ang Miss. Hanggang sa mauwi po sa hamon." Kumunot ang noo ni Cally. Kinukulit ng lalaki ang asawa niya? "S-sinabi po nitong Sean na kapag natalo si Miss¡­ Prin, magiging nobya niya po ang Miss." halos hindi masabi ni Xander lalo at nakakunot ang noo ni Cally. Sinilip ni Cally ang larawan ng lalaki sa monitor. He is a heartthrob in the school and Prin is just nineteen. Kung titingnan ang dalawa, bagay ang mga ito. Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon dahil isang parte ng dibdib niya ang nasaktan. Hindi niya kayang isipin kahit ang makatabi lang ni Prin si Sean. Tumalim ang tingin ni Cally sa lalaking nasa larawan. Paano kung natalo si Prin? She will end up being this guy''s girlfriend! Mukhang kailangan niyang turuan ng leksyon ang lalaking nasa picture. "Husbie¡­" narinig niyang tawag ni Prin sa kanya mula sa pintuan. Ibinaba niya ang screen ng laptop at inangat ang paningin kay Prin. Uunahin niya munang turuan ng leksyon ang babaeng ito dahil pumayag ito na makipaglaro sa Sean na iyon. "Are you ready?" tanong ni Cally. "Ready for?" takang tanong ni Prin. "For your exam." Nanlaki ang mata ni Prin. "Exam?! Bakit bigla tayong mag-eexam?" Tinungo ni Prin ang pwesto ni Cally na nakaupo sa komportableng upuan nito. Napansin niya na nakakunot ang noo nito at hindi maganda ang mood. "Husbie¡­ I don''t like exams¡­ please¡­" Lumapit siya kay Cally dahil mukhang mainit ang ulo ng asawa niya at minasahe ang sentido nito. Napansin niya si Xander na nasa gilid at hindi rin makagawa ng aksyon. "Xander, bakit mainit ang ulo ng master mo? May ginawa ka sigurong hindi maganda." pambibintang niya dito. Xander "..." Halos mabilaukan si Xander sa gilid. Muntik niya ng sabihin na masama ang tingin ng Master Cally niya sa larawan ni Sean Lucas kaya masama rin ang mood nito. "Master Cally, lalabas na po ako." paalam ni Xander. Mas mabuti ng tumakas. Patuloy lang si Prin sa pag masahe ng ulo ni Cally. "Let''s start!" Tumayo na si Cally at sinalubong ang sumimangot niyang mukha. Sa lapit nilang dalawa sa isa''t isa, naaamoy na naman ni Cally ang amoy ng asawa niya na amoy-cherry blossom. "Okay, Babawasan ko ang exam." sabi ni Cally kaya nagliwanag ang mukha ni Prin. "But you have to compensate¡­" kinupkop nito ang malapit niyang mukha saka hinalikan ng mariin sa labi. Chapter 44 - She is looking at his lips secretly Hindi rin makapag-pokus si Prin sa tinuturo ni Cally dahil lutang pa siya sa binigay na halik nito sa kanya. Ilang saglit kasi bago siya nito binigyan ng link kung saan siya magsasagot ng bigay din nito na mga tanong, he kissed her like crazy. His tongue slipped in her mouth, gentle and demanding. Na para bang nakadepende doon ang lakas nilang dalawa. Halos magpalit na silang dalawa ng laway. Kakaiba sa mga halik ni Cally noong mga nakaraan. Napalunok si Prin habang binigyan ng nakaw na tingin si Cally. Diretso ang tingin niya sa labi ni Cally. Tinakpan niya ng computer tablet ang mukha bago pa siya nito mahuli. Makalipas ang isang oras¡­ "Are you done?" Tanong ni Cally. Nabigla si Prin sa tanong nito. Sinuri ang tablet niya kung saan nito binigay ang link. Apat na tanong pa lang ang nasagutan niya. "Hi-hindi pa¡­" Hinablot ni Cally yung tablet na hawak niya at sinuri iyon. Masama ang tingin ni Cally sa mga sinagutan niya. Mukhang nasobrahan sa laro si Prin kaya hindi rin nito masagutan ng maayos ang questionnaires. "Tell me¡­ bakit wala ka yata sa mood magsagot?" Nakayuko lang si Prin. Hindi niya syempre aaminin na sa loob ng isang oras ay halos panay ang sulyap niya sa lalaki habang may ginagawa ito sa laptop nito. "Na-nagugutom na kasi ako¡­" palusot niya. Sinilip ni Cally ang relo at nakita na mag-a-alas siyete na ng gabi. "Hindi ka kumain sa school?" Tanong ni Cally. Gusto niyang kutusan itong si Prin o kaya naman ay pagalitan dahil mas inuna pa nito ang makipaglaro kay Sean kesa kumain ng meryenda. "Fine! Let''s go!" Matapos sabihin iyon ni Cally ay tumayo na ito at niligpit ang gamit. "Saan tayo pupunta?" Nagtataka si Prin. "Groceries." Simpleng sagot nito. Nagliwanag ang pisngi ni Prin. Sa unang pagkakataon, makakasama niya na mag-grocery si Cally. Isang grocery store na malapit sa bahay ni Cally ang napili nilang puntahan. Kumuha lang ng big cart si Cally at nagsimula silang mag-ikot. "Marami ba tayong bibilhin?" Tanong ni Prin. "Depende. May naisip ka bang lutuin?" Halos maubo si Prin sa tanong na iyon. Hindi pa kasi siya nakaranas na magluto ng pagkain. Sa Matsui Mansion kung saan siya lumaki sa Japan, may mga maid na nagsisilbi sa kanya. Kapag nandito naman siya sa Pilipinas, ang Mommy niya ang nagsisilbi sa kanya. Kaya lumaki rin siya na walang alam sa kusina kung hindi ang kumain. "Husbie, pwede ba akong sumakay dito?" tanong ni Prin na ang tinutukoy ay ang cart. "Pagod ka na maglakad? sakay ka dito sa likod ko. Bubuhatin kita." Napalingon si Prin sa paligid. Madaming tao sa lugar. Kaya lang naman siya sasakay sa cart ay dahil parang ang cute n''on. "Com''on, sakay ka na" yumukyok pa si Cally. Sumakay si Prin sa likod ni Cally na para bang sa park sila maglalakad at hindi sa Grocery. "Mabigat ba ako?" tanong niya matapos siya nitong buhatin. Hindi sumagot si Cally. Inikot nila ang grocery store nang nasa likod si Prin. "I want hot dogs." sabi niya kay Cally. "It''s not good for your health." "Eeh... Minsan lang, e." "May hot dog naman ako, I will let you eat it if you want. It''s a jumbo hot dog" tudyo nito. "It is not!" Pinalo niya si Cally sa balikat at halos itago ang pisngi sa likuran nito. Namula ng sobra ang pisngi niya maisip lang na makita ang bagay na iyon. "Then, let me show it to you so you''ll know if it''s big or not" "ihh" Nangingiti ng lihim si Cally sa inakto ni Prin. Marami pa silang naikot at hindi man lang napagod si Cally kahit na bitbit siya. She love being with him. Kahit ang maliit na bagay na iyon habang buhat siya ni Cally sa likuran. Kahit pa nga kakaiba ang tingin sa kanila ng ibang customer at promo girls. Unang beses siya na i-piggy back ni Cally at isa iyon sa mga hindi niya kalilimutan. Binaba lang siya ni Cally nang magbabayad na sila sa kahera. "Prin?" narinig niyang tawag sa pangalan niya. Nilingon niya ang tumawag at nakita si Bella pati ang boyfriend nito. "My friend, you''re here!" niyakap niya ang kaibigan. Pero napansin niya na tulala ito na nakatitig kay Cally. "Oops sorry, this is Cally. Cally, she is my best buddy in my school, Bella" pakilala niya. Hinila siya nito sa gilid. "My friend¡­ Nakakakilig yung boyfriend mo¡­" kinikilig na bulong nito sa kanya. Pinalo niya ito sa braso. "Ang landi nito. may boyfriend ka na uy. Bawal pantasyahan si Cally, okay. Ang sa''yo ay sa iyo, ang akin ay akin." bulong niya rin din dito. "Ano ba yan?" reklamo nito. Bumalik na siya sa tabi ni Cally. Bago pa tumulo ang laway ng kaibigan niya, mas mabuti pang humiwalay na sila dito. "Paano? We have to go¡­ See you in school Bella." kaway niya sa kaibigan at hinila na si Cally patungong parking. "Your friend seems nice and adorable." komento nito pagkaupo nila ng sasakyan sa parking. "Yes. She''s jolly." Naalala ni Prin na may match siya ng billiard kay Sean. Nilapit niya ang sarili kay Cally at hinawakan ito sa braso. "Husbie¡­ tomorrow, mag-eextend ako sa school with Bella." paalam niya. Nilingon ni Cally ang nangungulit niyang hitsura. "No problem. But you have to compensate again." hinila siya ni Cally ng mas malapit pa saka siya muli binigyan ng matamis na halik. Chapter 45 - You know how to? Nagb-browse si Prin sa Cellphone nang mapansin ang video niya ng pag-shoot ng bola. Nanlaki ang mata niya. Agad niyang naisip si Cally na kasaluluyang naliligo sa loob ng shower room. Naisip niya kung nakita nito ang video na iyon. ''Lagoooot!'' Sinabihan kasi siya nito na huwag gagawa ng kalokohan sa school. Lumabas si Cally ng naka-towel lang. Napalunok si Prin. Iniwas niya ang tingin dito at nagpatuloy sa pag-browse. Ilang minuto pa napansin niya na walang planong magpalit ng suot ang lalaki. "H-hey! B-bakit naka-towel ka lang?" kinakabahan niyang tanong. "Why?" maang-maangan na tanong nito. Hindi niya masabi na baka mag-nosebleed na naman siya. "Y-you!" "Eh, maganda sa katawan ang maghubad paminsan minsan. Presko at masarap sa pakiramdam. You should try as well." Prin "..." "try my ass!" Cally wants to tease her a little bit. Hindi niya akalain na mag-eenjoy siyang asarin si Prin. Umupo pa si Cally sa gilid ng kama para makalapit sa kanya. "You told me awhile ago that you wanted to eat a hot dog." "Y-you!" nanlalaki ang mata ni Prin. Hindi siya ready na makita iyon. No! Baka kasi lalo siyang malango sa katawan ni Cally. Lumapit pa si Cally sa pwesto niya at napaurong si Prin sa headrest ng kama. Pigil na pigil ang sarili sa paghinga dahil hindi niya alam ang pinaplano nito. "A-anong pinaplano mong gawin?" Kunwari ay clueless si Cally. "Eh, kukunin ko lang ang cellphone ko¡­" ang sabi sabay abot ng cellphone na nasa gilid ni Prin. Iyon nga lang ay may problema. Dahil sa likot ni Prin na makaiwas sa kanya, gumalaw ang suot nito na pantulog at nakita niya ng bahagya ang cleavage ni Prin. Sa malapitan, naaamoy pa ni Cally ang amoy na naman ng asawa na amoy-cherry blossoms. Napalunok si Cally. He wants to pin her down right there and then, but he couldn''t. They have to accept that they love each other before doing it. Ayaw niya na magpadalos dalos kahit pa sabihin na mag-asawa na sila. He doesn''t know yet what his feelings for her. What is the real meaning of love for Cally? Everyone knows he is smart. He can explain almost everything. He can identify anything except¡­ Love. Bilang walang karanasan sa pakikipag-relasyon at sa babae si Cally, hindi niya alam kung ano ang meron siya para kay Prin. All he knew was, he wants to give her all. Did he already fall in love with Prin? Hindi niya pa alam at hindi siya sigurado doon dahil hindi nga niya alam ang ibig sabihin ng ''pag-ibig''. Did she love him? Hindi niya rin alam. But her scent makes him like crazy. Lahat ng parte ng katawan niya ay nagsusumigaw. Hinarap ni Prin ang titig ni Cally na ilang segundo na yatang napatigil sa harap niya. Para itong si Bantay na anumang oras ay lalapain siya. Nilakasan ni Prin ang loob niya, she reached his head and pulled him down to her. Her lips met his. She will never get enough of Cally''s kisses. Maybe kissing is really one of the best gifts coming from the lord. Her fingers grip his hair pulling him closer. The scent of his shaving cream, shower gel, shampoo and that extraordinary scent coming from him filled her nostrils. Cally kissed her harder. Halos nakalimutan na nga nito ang sinumpaan, ilang segundo lang. Nabigla na lang si Prin nang maramdaman na nasa dibdib na niya ang labi ng asawa. "Ca-cally¡­" napasinghap na lang siya. Halos hindi siya makahinga sa ginawa nito. Hinarap ni Cally ang paningin ni Prin. He gave her one more gentle kiss. Kailangan niyang pigilan ang sarili bago pa niya mabali ang sinumpaan. But how? Humiga siya sa tabi ni Prin dahil biglang sumakit ang ulo niya at sumakit ang puson niya. He count numbers in german baka sakaling bumaba ang init ng katawan niya. Dahil naka-towel lang si Cally, nanlalaki ang mata ni Prin sa alaga nito. "Ca-cally?!" tawag at unang reaksyon niya. "Y-your thing¡­" sabi habang turo pa ni Prin iyon. Ibinaba ni Cally ang tingin. ''d*mn it!'' Huminga ng malalim si Cally. "You have to compensate for what you did. You should help me" Nanlaki lalo ang mata ni Prin. Bakit kailangan siya ang tumulong? Ano ang kasalanan niya doon. "You are just pervert! Why do I have to compensate you?!" angil niya dito. "Reality speaking, you are my wife. Did you forgot? And you initiated the kiss. Com''on, help me¡­ that is the least you can do" She never touched any man''s thing before and now this guy have the audacity to ask her? "You know how to wipe katana''s handle, right? You also know how to clean a 9mm pistol with extra care. The only difference is, this will surely misfired while you are polishing it. That''s how it goes." Prin "...." He pulled her soft hand and placed it on his body. Nakaramdam ng hiya si Prin. She stroked her hands just like what he said. Her hand is burning holding his big thing. "hmmm¡­ just like that¡­" "Good girl¡­" mga bulong ni Cally. She is blushing while doing it. Soon, he managed to release for the first time. But Cally wanted more. "Just continue doing it¡­" hiling nito. She followed her prince. But it was almost god knows how long, nothing came out yet. He asked her to kiss him until he released another batch. "I want more¡­" sabi muli nito. Binitiwan na ito ni Prin. "Do it yourself! I feel like my hands are no longer mine!" galit na sabi niya dito. Naisip pa man din ni Prin na Billiard ang laban niya kinabukasan. Paano na siya lalaban kung inubos na ni Cally yung lakas niya? Chapter 46 - Marvin came Matapos ang klase, magkasama si Prin at Bella patungong ''Awesome Billiard Bar'' kung saan gaganapin ang match niya kay Sean. "Friend, malapit lang iyon. gusto mo bang maglakad na lang tayo?" Tanong ni Bella. Randam pa ni Prin ang ngalay ng braso niya at gusto niyang isumpa si Cally. Namula ang pisngi niya matapos niyang maalala ang pinagawa nito sa kanya. "Kung malapit lang, maglakad na nga lang tayo." Suhestyon ni Prin. Nagkukwentuhan pa sila na patungo sa bar kung saan ang usapan nila ni Sean nang may humintong sasakyan sa gilid at agad na lumabas ang apat na lalaki. Hinawakan si Bella sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Boy A at Boy B "Ahhhh---" Sigaw nito. Tinakpan ni Boy A ang bibig ni Bella. Nang hahawakan si Prin ng dalawang lalaki pa, si Boy C at D, sinipa niya si Boy C. Ang isa naman ay binigyan niya ng Judo''s single-handed back throw at saka tinapakan ng mariin ang lalaking iyon sa mukha. "Ahhh!" Hiyaw nito sa sumakit na likod at mukha. Lumabas si Marvin sa sasakyan at nakita ang kilos ni Prin. Susuntukin sana siya ni Boy C sa sikmura, pero agad na hinawakan ni Prin ang braso nito at leeg at binigyan naman niya ang lalaki ng Judo''s body drop. Napahiga ito. Saka niya ito sinuntok ng malakas sa mukha. Nawalan ng malay ang lalaki. Walang nagawa si Marvin kung hindi itutok ang baril kay Bella. "Huwag kang kumilos kung hindi, mamamatay ang kaibigan mo." Ang sabi. Isang matalim na tingin ang ibinalik ni Prin kay Marvin. Agad namang dumaloy ang luha sa mata ni Bella dahil sa takot. May nakatakip pa din sa bibig nito. "Huwag kang matakot, Bella." Sabi niya sa kaibigan saka hinarap ang lalaki. "Ano ang kailangan niyo sa amin?" Tanong niya dito. Ngumisi si Marvin. "ikaw lang talaga ang kailangan namin." Naalala bigla ni Prin ang anim na kidnappers. Ngumisi siya. "Your lackeys were dead and now you are here again. Let me guess¡­ ikaw si Marvin." Tumawa ito ng malakas. Susunggaban sana siya ni Boy D dahil nakabawi na ito pero agad siyang umiwas. Yumuko siya at pinatid ang lalaking iyon at tinuhod ang maselan na parte ng pagkalalaki nito. "Wraaaah!!!" Agad na namilipit sa sakit ang lalaki. Napansin ni Prin ang maliit na patalim sa likod ng bulsa nito dahil napadapa ang lalaki. "Alam mo Marvin, nagsasayang ka lang ng oras sa akin. I will know who you are, what are your backgrounds and other things. I just want one answer... Ano ang nagawa ko para ipadukot mo ako ng paulit-ulit?" Hindi naman naniniwala sa kanya ang lalaki na kaya niyang alamin ang mga bagay tungkol sa pagkatao nito. Isang malaking tao ang sumusuporta sa kanya at naniniwala siya na hindi isang Prin ang tatalo sa kanya. Pero sumagot siya sa huling tanong ni Prin. "Someone you offended, asked for my help." Tumalim ang tingin ni Prin. "Who?" Hindi siya nito sinagot. Nakangisi lang si Marvin. Alas kwatro na ng hapon at late na si Prin sa match. "Let my friend go." Normal na tao si Bella kaya umiiyak ito habang hawak ng dalawang lalaki. Hindi nito pwedeng makita ang mga kaya niyang gawin sa tatlo pang lalaki. Posible na iwasan siya nito sa susunod dahil natakot sa kanya o kaya naman ay ma-trauma ang kaibigan niya. Pero hindi siya pinansin ni Marvin. "I said let my friend go!!!" Sigaw niya dito. Kinagat ni Bella ang kamay ni Boy A na tumatakip sa bibig nito at planong tumakbo pero nahablot nito ang buhok ni Bella at inuntog ang kaibigan niya sa pader. Nawalan ito ng malay. Nagalit si Prin sa nakita kaya kinuha niya ang patalim sa likod ng bulsa ni Boy D at hinagis iyon kay Boy A. Diretso ang patalim sa mata nito. " Ahhhh!!!! " hiyaw nito habang hawak ang humapding mga mata. Tinakbo ni Prin ang pwesto ni Marvin na nataranta. Nagpaputok ito ng bala sa pwesto niya na agad niyang naiwasan dahil hinarang niya ang katawan ni Boy D. Hawak niya ang lalaki habang papalapit dito bilang panangga. Nang makalapit sinuntok niya ng ubod ng lakas sa mukha si Marvin at sinipa si Boy B mula sa baba nito. Tumilapon si Boy B. Hawak-hawak ni Prin si Marvin sa kwelyo at tuloy-tuloy na binigyan ng suntok ang lalaki hanggang sa puro dugo na ang mukha nito. "I told you to let my friend go!" Sabi niya dito ng nagagalit saka ito binitiwan. Nilapitan niya ang walang malay na si Bella. Kita ni Prin ang pasa sa noo nito. Walang nagawa si Prin kung hindi ang tawagan si Zuki. "Zuki, Marvin came today habang papunta kami ng kaibigan ko sa isang bar. Please come here and get this guy. I need to bring my friend in a hospital." Binigay ni Prin ang lugar kay Zuki. Kalmado pero mariin ang mga salita ni Prin. Galit na galit siya dahil nadamay si Bella. Wala na siyang pakialam sa match dahil may isa pa naman silang usapan ni Sean. Doon siya babawi. Ilang saglit lang dumating si Zuki at ang iba pang tauhan ng Daddy niya na si Rob. "Turuan niyo ng leksyon ang Marvin na iyan pati itong isa." Tukoy niya sa nanakit kay Bella. "I also wanted to know who is his leader." Saka sumakay sa isang kotse na kasama si Bella para magpahatid sa ospital. Chapter 47 - She lose the second game Sa billiard hall, nagkakagulo ang mga estudyante na manonood dahil hindi dumating si Prin sa usapan. Lumakas ang loob ni Sean dahil nagkaroon siya ng tyansa. Siguro natakot si Prin sa laban nila. O kaya naman ay payag na ito na maging girlfriend niya. Sa isang parte naman ng bar na iyon, natutuwa si Luna na hindi nakarating si Prin. It only means one thing, nadukot na ito ni Marvin. Tauhan ng Daddy niya si Marvin kaya alam niya na magaling ang lalaki sa paggawa ng illegal. Napag-alaman niya nang hindi sinasadya na malaking bahagi ng funds sa opisina ng mayor ang binubulsa ng lalaki. Kapag nalaman iyon ng daddy niya ay siguradong mapapatay si Marvin. Iyon ang naipanakot niya para dukutin nito si Prin. Sa opisina naman ni Cally¡­ Mainit ang ulo ni Cally dahil sobrang late na at hindi pa dumarating si Prin sa opisina. Sinubukan niyang tawagan si Prin sa cellphone nito pero hindi ito sumasagot. Pinahanap niya kay Xander kung nasaan ang asawa niya sa mga oras na iyon. Ilang minuto lang, bumalik na si Xander sa harapan niya. "Ma-master, nasa ospital po si Miss Prin." Nabitawan niya ang ballpen. "What happened?" seryosong tanong niya habang binabasa ang body language ni Xander. "Papunta po ng Awesome Billiard Bar na malapit sa school si Miss Prin at ang kaibigan na si Bella nang may humarang sa kanila¡­ Nasaktan po ang kaibigan niya kaya kinailangan ni Miss Prin na dalhin sa ospital¡­ Pi-pinatawag po ni Miss Prin si Zuki para kunin ang mga taong humarang sa kanila." Lalong nagdilim ang paningin ni Cally sa nalaman. Tumayo siya at niligpit ang gamit. Nagpahatid siya sa ospital kung nasaan si Prin. ===== Sa ospital¡­ Nagkaroon din naman kaagad ng malay si Bella pero masakit ang noo niya. Hawak ni Prin ang icepack para hindi lumala ang bukol ng kaibigan. "P-Prin? Nasaan tayo?" "Nasa ospital tayo." Bigla nitong naalala ang mga lalaking humarang sa kanila. Nakita ni Bella na ginulpi niya ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata nito. "Don''t tell me binugbog mo silang lahat?!" nanlalaki ang mga mata nito at hindi makapaniwala. "Ano ka ba? Babae ako noh. Saka may baril ''yung isa ''di ba. May dumaan na pulis kaya tayo nakaligtas. Kaunting Judo lang alam ko saka nagkataon na mahina ang mga iyon." pagdadahilan niya kay Bella. "ahh¡­" tumango-tango ito. Napansin nito ang panyo na nakaikot sa kamay niya. May kakaunting bahid ng dugo iyon kaya kapansin-pansin. "Anong nangyari dito sa kamay mo?" tanong ni Bella Napakamot sa pisngi si Prin. Hindi niya alam ang isasagot. Nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Cally. Kinabahan si Prin. ''Lagggoooot¡­'' isip-isip niya. Nakalimutan niya ang cellphone niya at sabihan ito na nasa ospital siya. Masyado kasi siyang nag-alala sa kaibigan. Tulad ng inaasahan, hindi maganda ang mood ni Cally. Tumingin ito kay Bella saka kay Prin. "I''ll get Prin, I will ask my assistant to send you home." mas pautos kesa nakikiusap na sabi ni Cally kay Bella. Naramdaman kaagad ni Bella ang tensyon sa sinabi ni Cally. Para bang kinukuha ng malamig na pagkatao nito ang enerhiya niya. "No.. No problem, President Han." nakangiti ng pilit si Bella. Si Prin sa tabi ay hindi alam ang gagawin. Magtatago ba siya sa ilalim ng hospital bed o pumasok sa loob ng medicine kit. Kahit ano, basta makaiwas lang kay Cally. Nabigla na lang siya ng binuhat siya nito at inilabas sa ward ni Bella. Salubong ang kilay na bitbit siya hanggang sa kotse. Hindi siya nito kinausap at hindi rin niya alam ang sasabihin. Para kasi siyang lalapain ni Cally anumang oras kapag gumawa siya kahit kaunting kaluskos. Inuwi siya ni Cally sa bahay nila. Nanghingi ito ng medicine kit sa kasambahay. Masama ang tingin nito na tinanggal ang panyo niya sa kamay at sinuri iyon. Tulad ng inaasahan pulang-pula ang kamao niya. Halos matapyas na ang ibang parte sa balat niya. Inabot kay Cally ang medicine kit nang lumapit ang kasambahay at nagsimula na linisin ang kamay niya. Ramdam ni Prin ang galit nito pero maingat nito na nililinis at ginagamot ang sugat niya. "Ca-Cally¡­" tawag niya sa pangalan nito. Hindi siya nito pinansin. "Husbie¡­" Galit na sinalubong nito ang tingin niya. "I have medicine for wound¡­ Hu-huwag ka ng magalit." mahinang sabi niya dito. May mga maliliit na bote pa siyang dala mula sa Japan para sa mga galos na katulad ng sugat niya sa kamay. "You know why I am angry? Because of that stupid Sean Lucas! Kung hindi ka niya na-provoke, walang laban na magaganap sa pagitan niyo. Walang masasaktan ni isa sa inyo ni Bella. What more¡­ ah Yeah! You called Zuki instead of me!" Napayuko si Prin dahil guilty siya. Hindi niya tinawagan si Cally dahil natatakot siyang malaman nito na may Billiard game siya sa araw na iyon. Kaya mas pinili rin niya na tawagan si Zuki. Mas nanaig ang kashungahan niya at takot kaysa sa tamang gagawin. Wala na siyang choice kung hindi ang magpa-cute kay Cally. Hinawakan niya ito sa braso at tinitigan sa mata. "Husbie, sorry na please¡­ my hand is hurt and you are angry¡­" sabi niya na parang maiiyak. Napansin niyang kumalma naman ito ilang saglit. "Huwag ka na magalit." sabi niya saka ito binigyan ng smack sa labi. Effective naman ang ginawa ni Prin dahil tuluyang kumalma si Cally. "Get your medicine! Pupuntahan natin ang Sean Lucas na iyon." Nanlaki ang mata ni Prin. Hindi siya papayag na harapin ni Cally ang lalaki. "Pero husbie¡­" "What?" parang nanghahamon ang tanong at titig nito. "No..thing¡­ he he" ang tangi niyang nasabi. Chapter 48 - Intruducing: Boyfriend Alas otso ng gabi nang makarating si Cally at Prin sa Billiard Bar kung saan nanatili si Sean na uminom. Ginamit ni Prin ang kotse niya na bigay ni Cally patungong Awesome Billiard Bar. Ang pulang Mazda MX-5. Pansinin ang sasakyan ni Prin dahil sa sobrang kintab at tingkad ng kulay pula ng sasakyan niya. Cally wanted to bring his Ford Mustang, pinigilan lang ito ni Prin. Sapat nang nagdadala ito ng Maybach para ihatid siya sa school. Bumaba si Prin. Nakasuot siya ng leggings na makapal at long sleeve pero off-shoulder na blusa. All black. Mas kita ang maputi niyang leeg at balikat sa suot niyang iyon. Naroon pa sa lugar ang ibang mga schoolmate niya na nagplanong mag-inuman dahil walang pasok kinabukasan. Napansin siya ng mga ito na nasa labas at nagyoyosi. "Uy si Prin, dumating!" "Exciting nito." "Anong ginagawa niya dito. Tapos na kaya ang match." mga bulungan sa paligid. Nanatili si Cally sa loob ng sasakyan. Nakasarado ang hood ng kotse kaya hindi ito kita ng mga estudyante. Hindi naman alam ni Prin kung ano ang ginagawa nila doon. Ayaw pang bumaba ni Cally ng sasakyan. Sinilip niya ito. "Husbie, what are we doing here? Baba ka na ng sasakyan." Pero nakapikit si Cally sa loob habang nakaupo. Pakiramdam ni Prin ay iniinis lang siya nito. Ang hindi alam ni Prin sa parte ni Cally, mas gusto niya na lumabas ng lungga nito si Sean. Aabangan niya ang lalaki na kusa itong lumabas ng Billiard Bar. Hindi naman sila binigo dahil nabulungan kaagad si Sean ng kasama sa football team na naroon si Prin. Lumabas si Sean ng Billiard Bar habang pinipilit ni Prin na lumabas ng sasakyan si Cally. "Hello, Honeybabe" nakangisi na sabi nito. Inikot ni Prin ang katawan at hinarap niya ang lalaki. Gusto niyang bigyan ng headshot sa noo ang lalaki sa pagtawag sa kanya ng honeybabe. Bukod sa nilalagay siya nito sa alanganin, naghahanap din ito ng sakit ng katawan. Inikutan niya ito ng mata. "Cut the crap! I''m not your honey!" "So, bakit late ka ng dating?" nakangisi na tanong nito. "Hulaan ko payag ka na maging boyfriend ako noh?" dagdag pa nito. Naghiyawan ang mga ibang nakikiusyoso. "No! As far as I know, we have one point each out of three match." inis na sabi niya dito. Hindi niya na kailangan pang sabihin na may nangyari sa kanila ni Bella na hindi maganda kaya na-late siya ng dating. Baka iba lang ang isipin ng mga tao doon at isipin lang ng mga ito na nagdadahilan siya. "Aside from that, I already have a boyfriend!" matigas na sabi niya. Tumawa ito. "Alam mo honeybabe, lagi mo na lang sinasabi sa amin at kinukwento ang tungkol sa boyfriend mo na uugud-ugod. I am her,e mas bata at mas pogi" mayabang na sabi pa nito at parang hindi interesado. Gusto niyang suntukin sa mukha ang lalaki sa pagsabi na uugud-ugod si Cally. Bago pa magpatuloy sa pagsalita si Prin, bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si Cally. Nagbigay ng kakaibang awra na hindi basta-basta at hindi maipaliwanag. Hindi napigilan ng ibang mga kapwa niya babaeng estudyante na kiligin at magtilian. "Gosh! Ampogi besh! Pasilip ng panty ko kung nakakabit pa." "oh my gulay, san galeng si koyah?" "Sa kotse na dala ni Prin" sagot ng isa. "order ka ng kanin, tingin pa lang ulam na." Lumapit si Cally kay Prin at inakbayan siya habang matalim ang tingin na pinukol nito kay Sean. Napalunok si Prin. ''ito na nga ba ang sinasabi ko e,'' "Honey, I never thought na uugud-ugod na pala ako." sarkastikong sabi ni Cally. Nabigla si Sean at napatanong ''ito ang sinasabi ni Luna na boyfriend ni Prin?'' Napakuyom si Sean ng kamao lalo at napapansin niyang kinikilig dito ang karamihan ng schoolmates at fans niya sa school. "Si-sinabihan na kita noon! My boyfriend is a heartthrob! Kahit sa kuko, walang-wala ka!" sabi niya kay Sean. Kailangan niyang bumawi dahil kinakabahan siya kay Cally. Bago pa sila magpunta doon ay mainit na ang ulo nito. At hindi niya alam kung ano ang mood nito sa ngayon. Hindi niya rin alam kung natuwa ba ito sa pagpapakilala niya dito bilang boyfriend at hindi asawa. "Honey, bakit boyfriend lang ang pakilala mo sa akin?" mahinang bulong nito sa tenga niya. "Mamaya na ako magpapaliwanag." sagot niya. "Siguraduhin mong maganda ang paliwanag mo, okay?" sabi nito habang mabigat ang pagkakapisil sa balikat niya. Nainis lalo si Prin kay Sean. Kung hindi siya nito nilagay sa alanganin, hindi niya kailangan magpaliwanag. Siguradong parurusahan siya ni Cally kapag hindi ito natuwa sa dahilan niya. Si Sean sa kabilang banda ay nanonood lang sa dalawa na para bang walang pakialam sa paligid at tila ba pag-aari ng mga ito ang lugar. Nakaramdam siya ng inis. "How about this, Prin and I have one point each. Let''s do the final match! Kapag natalo kita.. Hihiwalayan mo si Prin." Prin "..." Dude you are looking for a beating. Gustong magtaas ng kilay ni Cally, wala pa kasing humamon sa kanya. Ayaw niya rin sanang patulan ang dugyutin na si Sean. "What game?" ang naitanong niya sa lalaki. Chapter 49 - Racing Game (1) Gustong-gusto ni Prin na baliin ang leeg ni Sean sa mga pinagsasabi nito. Hindi ba nito alam na siya itong nalalagay sa alanganin? "What game?" Tanong ni Cally kay Sean. Ngumisi muna ang lalaki. "May dala kayong sports car, why not let''s do a car racing." hamon nito. Tumaas ang kilay ni Prin. "Sure. But I will let my girl do the racing." nakangising sabi ni Cally habang nakaakbay kay Prin. Ngumisi ito. "Natatakot ka lang yata e. Hindi ka ba nahihiya na nagtatago ka sa saya ni Prin?" pang-iinis pa nito. Nabwisit si Prin sa sinabi nito. Akmang aabante na siya para turuan ng leksyon si Sean nang pigilan ni Cally ang balikat niya. "Honey, calm down¡­ maraming nanonood dito." matapos nitong ibulong iyon ay pinisil-pisil ni Cally ang pisngi niya. "Ako ba talaga ang natatakot? O natatakot ka na matalo ng isang babae?" ganti ni Cally. Halata na hindi nagustuhan ni Sean ang sinabi ni Cally. "Gusto ko lang ng patas na laban." "Kung ganoon¡­ Bakit hindi tayong tatlo ang maglaban?" hamon ni Cally. Naghiyawan ang mga nasa lugar. "Whooo!!!" "Exciting ''to" "Bet ko si Kuya na pogi, mukhang magaling!" "Bet ko si Sean. Nakita ko na siya maglaro ng race. Nanalo na rin siya ng ilang beses sa race. " "Yes. Sa school marami talaga siyang alam." Nagkakagulo ang mga ka-eskwela ni Prin. Nagpatuloy si Cally. "Your bet is hiwalayan ko si Prin. Ang bet ni Prin ay tigilan mo na ang pangungulit sa kanya. Now, my bet is.. You will post on your social media account ''I am the biggest As*hole and idiot in my school''. Deal? I will also give you an Audi car as an additional reward" Lalong naghiyawan ang paligid. Ngumisi si Sean. "Sure! Pero iisa lang ang sasakyan niyo." mayabang na sabi nito. Inikot ni Cally ang mata niya sa paligid at may nakita siyang sports car na isa pa. "Who is the owner of that car?" tanong niya. Isang lalaki ang lumabas mula sa loob ng Billiard bar, Ang may-ari ng bar. "Master Cally, sa akin po iyan." magalang na sabi nito. "Oh Jacob! You are here!" nagulat pa si Prin na makita ang lalaki. Kaibigan ito ng Daddy niya kaya kilala niya ang lalaki. "Ikaw ang may-ari nitong bar?" nanlalaki ang mata ni Prin. Kumamot sa ulo si Jacob. "Ahh yes.." medyo nahihiya na amin nito. Inabot nito ang susi kay Cally. "You can use it kahit ilang araw pa." sabi nito. Pinakita ni Cally ang susi kay Sean at winagayway pa ito. "Oh look, we have another car now." nang-iinis na sabi ni Cally. Tumiim ang bagang ni Sean lalo na at handang magpahiram ng kotse ang may-ari ng bar. Mahina ang usapan ng tatlo at hindi nila nadinig dahil sa ingay ng paligid. Hindi niya alam kung ano ang meron ito at parang nakukuha nito ang lahat. "Now. choose any racing circuit." sabi ni Cally. Mabilis na nag-isip si Sean. "Hopper Racing circuit" nakangisi na sagot niya. Ilang beses na siyang nakapag-race sa lugar kaya kabisado niya iyon. Malapit lang ang racing circuit sa Billiard Bar kung saan sila naroon. "Sure." Tinawagan ni Cally sa cellphone si Xander na nagbibihis na ng pajama nito sa oras na iyon para matulog na. Si Prin sa tabi ay tahimik at pinagmamasdan ang angilan ng dalawang lalaki. "Please reserve Hopper Racing Circuit." "Ke-Kelan po, Master?" tanong nito sa kabilang linya. "Now." saka niya binaba ang tawag. Assistant Xander "...." Akala ni Xander ay ligtas na siya sa gabi na iyon dahil wala siyang naririnig kay Cally simula ng ihatid niya si Bella sa bahay nito. Kaya nga nag-plano na rin siya na matulog. "We can all go now to Hopper Racing Circuit" deklara ni Cally. Lalong nagkagulo ang mga estudyante. ===== Sa una, walang plano si Cally na harapin si Sean. Nagkataon lang na hindi na niya nagugustuhan ang pangugulo nito sa asawa niya. At tawagin pa nitong ''Honeybabe'' si Prin. Ang plano ni Cally sa una ay puntahan ito sa bahay. Pero nalaman niya kay Xander na nanatili ito sa bar, kaya sa Billiard bar sila tumungo. Gusto rin niya na makita kung paano ito talunin ni Prin ng personal kaya pumayag siya na makipag race dito. Pagdating sa lugar, sinalubong kaagad si Cally ni Assistant Xander. "Master, handa na po. You can use the race track overnight." pagbibigay-alam nito. Halos buong laman ng Billiard bar ang tumungo sa lugar, hindi lang estudyante kundi pati ang iba pang manginginom dahil curious sila. Isa pa makakanood sila ng race ng libre. Nagulat pa si Prin dahil sunud-sunod na kotse ang dumating sa lugar para makipag-pustahan. ''Parang dumami yata?'' Ang hindi nila alam, kahit ang mga estudyante na nakauwi na ay pinilit na magpunta sa lugar na iyon nang malaman na may laban sa pagitan ni Prin, Cally at Sean. Halos magtriple ang manonood. Doble pa noong araw nang maglaban si Prin at Sean sa shooting game. Ang mga kotse na gamit nila; Gamit ni Prin ang Mazda MX-5. Kay Cally ang hiniram niyang Toyota Supra GT4s mula kay Jacob at and Nissan 370z ni Sean. "Here''s the rule. Tatlong ikot ang gagawin sa track. Masyadong boring kung isang ikot lang." sabi ni Sean. "ang dami mong request pero Sige. Kahit tig-limang ikot pa ay okay lang." sagot ni Cally. Bago magsimula, lumapit si Prin kay Cally. Hindi niya alam kung marunong si Cally sa racing. Wala siyang balita kung marunong ito doon. Di maiwasan na mag-alala siya dito. "Husbie, Are you sure about the race?" Tinitigan ni Cally sa mata si Prin "Ehh... I think natatakot ka lang na hiwalayan kita." Prin "...." "Kiss me. Malay mo baka gumaling ako bigla." sabi nito na tinuturo ang labi. Chapter 50 - Racing Game (2) Ang Hopper Racing Circuit ay hindi basta basta at kailangan ng Membership card bago makapaglaro ang kahit na sinong racer. Paano pa kung rerentahan mo ang buong lugar? Kailangan may sinasabi ka sa buhay bago mo iyon magawa. Iniisip ngayon ni Sean kung paanong mabilis na nakapag-desisyon ang kasama ni Prin at narentahan nito ang buong lugar? Mali ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol dito kaya naiinis siya simula pa lang nang makita niya ang boyfriend ni Prin. Ang race track ay may kabuuan na 3,200 meters. May lapad na 12 meters. Ang kabuuang ikot ay may 14 turns, runs in a clockwise direction. "Both of us have a bet against Sean. Pa''no yung sa ating dalawa?" tanong ni Cally kay Prin. "Hmmm. If I win against you, Let''s skip the tutor session for one month." nakangising sabi ni Prin. "What if I win?" tanong ni Cally sa kanya. Napaisip bigla si Prin. Sa mga oras na iyon, walang kailangan si Cally, sa materyal man, pinansyal o kung ano pa. "Ano ba ang gusto mo?" curious na tanong niya. "Kiss" tudyo nito. Pinalo niya ito dibdib. "I''m serious!" Hinawakan nito ang kamay niya at inikot ang isang braso sa bewang niya. "Oh Yeah, bakit nga ba kailangan ko pang ipusta iyon ''di ba? Samantalang, nakukuha ko naman¡­" matapos iyon ay hinalikan siya nito sa pisngi. "My wish is¡­ you cook something for me." Nakatingin lang sa kanilang dalawa ang mga tao sa paligid. Hindi maiwasan na mainggit kay Prin ng mga kababaihan lalo na''t ang sweet nila tingnan malapit sa ''Start'' lane. Napapaisip si Prin kung bakit malaki ang pinagbago ni Cally. Dati rati ay tahimik lang ang asawa niya, Seryoso at hindi maloko. Ngayon ay nagagawa na ni Cally ang magbiro na katulad ng ginagawa nito sa kanya sa oras na iyon. Si Sean sa isang gilid ay kasama ang mga ka-team niya sa football. Naiinis siya sa boyfriend ni Prin. Sisiguraduhin niya na babawi siya sa race na iyon para maghiwalay ang dalawa at makapasok siya sa eksena. Sirang-sira na ang reputasyon niya sa mga ka-eskwela niya lalo na kapag natalo ulit siya sa gabi na iyon. Natalo siya ng isang babae sa shooting ng bola at kapag natalo muli siya ni Prin, wala na siyang mukha na maihaharap sa school lalo at kailangan niyang mag-post sa social media. "Pare, upakan na lang kaya natin." sabi ng isa. "Mga ugok, pansin niyo ba na hindi siya isang simpleng tao?" pinagalitan ito ni Sean. kahit pa sabihin na basagulero ang mga kasama niya sa football team at pare-parehas na may sinasabi sa buhay, hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos. Ramdam ni Sean na hindi isang simple lang ang boyfriend ni Prin. Pumayag lang siya na makipag-race dahil sigurado siya na hindi niya nakikita doon ang lalaki at sigurado na mananalo siya. "Makinig kayo sa akin, hindi niyo siya pwedeng galawin kung gusto niyo pa na maglaro ng football." sabi niya sa mga ito. Ang ipinagtataka lang niya, kung hindi si CEO Han ang boyfriend ni Prin, sino ang lalaking kasama nito ngayon? Hinihintay lang nila ang coordinator ng mismong Racing circuit para patas ang laban. Hindi naman nagtagal ay dumating ang coordinator na magbibigay ng signal para pwede na silang maglaban-laban. Sa kabuuan, halos sampung kilometro ang tatakbuhin nila sa race na iyon at maaaring mapudpud o pumutok ang gulong kung hindi iyon matibay. Mabuti na lang at may mga ''sinasabi'' ang sasakyan nilang tatlo. Pinapunta na silang tatlo sa mga gagamitin nilang kotse. "Honey, hindi mo pa ako na-kikiss, aalis ka na agad? Paano na ko mananalo?" reklamo ni Cally sa kanya. Nakaramdam ng hiya si Prin dahil halos puno ng audience sa lugar. Hindi na siya naka-protesta dahil hinila na siya ni Cally at binigyan ng halik sa labi. Saglit siyang natuliro sa ginawa nito. This guy! Mas kumakapal ang muks sa paghalik-halik sa kanya kahit sa publikong lugar. "Good luck Honey!" sabi nito na para bang para sa kanya ang good luck kiss at hindi para dito. Saka nito tinungo ang kotse na gagamitin. Pulang-pula ang mukha ni Prin at halos gusto niyang magtago sa loob ng sasakyan at huwag nang lumabas. Nagready na silang tatlo sa kani-kanilang mga sasakyan. Nag-focus si Prin at i-eenjoy niya ang laban na iyon habang kasama si Cally. Gusto niyang manalo ng first place para kung sakali man na matalo si Cally, maipamumukha niya pa rin ang pusta niya kay Sean. Nakaready na rin ang coordinator na may hawak ng bandera bilang signal. "Ready.. Get set.. Go!" Chapter 51 - Racing Game (3) "Ready... Get Set... Go!" Pagkasenyas ng ''Go'' ay sabay-sabay silang nagsipag-andaran. Habang nagmamaneho, ina-aral na ni Prin ang kalsada na dinadaanan. Halos magkakalapit lang ang sasakyan nila sa simula. Matapos ang dalawang kilometro mula ''Start line'', Si Sean ang nangunguna ng sampung metro kay Prin at nangunguna naman si Prin ng limang metro kay Cally. Napangisi si Sean habang nagmamaneho. Matapos nilang maikot ang buong track, nangunguna si Sean ng fifty meters kay Prin at fifteen meters ang layo ni Cally mula kay Prin. Normal lang iyon dahil kabisado ni Sean ang track. Naghihiyawan ang mga tao sa paligid lalo na at may kanya-kanyang pusta ang mga ito. Napangisi si Cally. Sa unang pag-ikot niya, nakabisado niya kaagad ang mga pagliko. Alam niya kaagad kung ilang metro ang mga pagitan bago ang susunod na liko nila. Ilang segundo lang matapos niyang maikot ang isang buong track, halos kasabay niya na si Prin sa track. Pareho nilang binilisan pa. Matapos ang ikalawang ikot, fifteen meters na lang ang layo ni Sean sa dalawa na nangunguna pa din. Maya-maya, nakaungos kaagad si Cally kay Prin ng sampung metro. Mas binilisan ni Prin magmaneho dahil siya ang nasa huli. ''This guy!'' Akala kasi ni Prin ay hindi marunong si Cally sa car racing. Nag-aapoy ang mata niya at mas determinado na makaabante pa. Okay lang na matalo siya kay Cally, pero hindi niya hahayaan na matalo siya ni Sean. Mas binilisan ni Cally at nakalapit siya sa kotse ni Sean dalawang kilometro na lang ang layo sa ''finish line''. Halatang ayaw siyang paunahin ni Sean kaya ang likot nito sa bungad. Isang kilometro bago ang finish line, nakasunod na ang sasakyan ni Prin. Patuloy ang likot ng sasakyan ni Sean. Kada kakanan siya ay kakanan din ito, kapag kakaliwa ay kakaliwa rin ito at ayaw siyang palusutin. Naniniwala si Cally na marunong talaga ang lalaki sa tricks. 300 meters¡­ 200 meters¡­ 100 meters¡­ Dahil alam na ni Cally ang galaw ni Sean, nagawa niyang lusutan ang sasakyan nito sa 70 meters bago mag-finish line. Nangunguna si Cally sa track kaya mas binilisan niya pa. Mas matindi ang kaguluhan nang makita ng manonood ang ginawang paglusot ng sasakyan ni Cally sa sasakyan ni Sean. Sampung metro naman ang layo ni Prin kay Sean na nataranta dahil nalusutan ito ni Cally. Nangigigil si Prin na pinilit din na ginilid ang sasakyan makalusot lang kay Sean. Inangat niya ang parehas na kaliwa ng gulong sa pader sa huling liko. Ang parehas na kaliwa ng gulong ng Mazda ay nasa pader. At ang parehas na kanan ay nasa loob ng track. Nakatagilid ang kotse niya sa pader malusutan lang ang kotse ni Sean. Nanlaki ang mata ng mga manonood sa ginawa ni Prin na napaandar niya ang kotse sa pagitan ng pader at sa track. "F*ck what a move?!" hindi napigilan na magmura ng ilan. Kahit ang coordinator ng Racing circuit ay napabilib ni Prin. "Sh*t! I can''t believe she can do that! Kailangan ng limang taon na praktis bago ko ''yun magawa." Matapos niyang makalusot sa lalaki, mas lalong naghiyawan ang mga nasa paligid. Matapos ang laban, nanalo si Cally na nangunguna ng 10 meters kay Prin, naungusan naman nito ng 5 meters si Sean. Overall, panalo si Cally at second place si Prin. Walang nagawa si Sean, kung hindi ang suntukin ang manibela ng kotse niya nang makahinto. Hindi niya akalain na matatalo siya ng dalawa. Natuwa naman si Prin na nanalo laban kay Sean. Lumapit siya kay Cally na kalalabas lang ng sasakyan. "Husbie, Hindi mo sinabi na marunong ka pala sa racing" "I never said na hindi ako marunong. Though, this is my second time to join a race" sabi ni Cally. Nanlaki ang mata ni Prin. "Second time mo pa lang ito? E, bakit nanalo ka na agad?" hindi siya makapaniwala. "''Wag mo nang alamin, hindi mage-gets ng mga may mahinang IQ na tulad mo." sabi ni Cally. Tinandaan niya ang labing apat na mga pagliko at kung ilang metro bago ang susunod na lilikuan. Sa utak na meron si Prin, duda siya kung matatandaan nito ang mga metro kahit ang ika-apat pa lang. Napapa-iling si Cally. Hindi naman niya minamata ang katalinuhan ng asawa, ayaw niya lang masabihan ng -- ''Ano ba iyan? nagdudugo na utak ko sa mga sinabi mo'' at parehas lang silang maghihirap. Siya mahihirapan sa pag-explain at ito naman sa pag-intindi. Naguluhan si Prin sa trick na ginawa ni Cally. "Tell me, so I can use the same trick next time." pilit niya dito. Tinitigan siya ni Cally sa mata. "Next time? There is no next time. Lalo at nakita ko na delikado ang huling ginawa mo." Nakanguso si Prin at humalukipkip. Umandar na naman kasi ang pagka-bossy ni Cally. "Kaysa alamin mo kung paano ako nanalo, mas mabuti pa na isipin mo na kung ano ang lulutuin mo para sa akin." Napalunok siya. ''Hmp! Mas okay na magluto kesa makipaghiwalay kay Cally.'' "At saka, kailangan mo akong bigyan ng magandang dahilan kung bakit boyfriend lang ang pakilala mo sa akin." dagdag ni Cally. Nag-aapoy ang tingin ni Sean sa kabilang kotse nito, nakasilip ito sa mag-asawa sa side-view mirror. Ayaw niyang lumabas ng sasakyan dahil wala na siyang maiharap na mukha sa buong school na halos karamihan ng estudyante ay naroon sa lugar. Ramdam ni Cally na walang maiharap na mukha si Sean kaya lumapit siya sa kotse nito. "Pa''no Mr. Sean Lucas? Aasahan ko na ba na titigil-tigilan mo na ang nobya ko? Isa pa, hihintayin ko ang ipo-post mo sa social media account mo." pagkasabi ni Cally ng bagay na iyon, tumalikod na siya at sumakay sa pulang kotse ni Prin. Naiwan si Sean na binalewala ang sinabi ni Cally. Umismid lang ito. ''Hmp! Sino ka para sabihan ako ng gagawin?'' Chapter 52 - Callys good show Ang unang ginawa ni Prin at Cally pagdating ng kinabukasan ay pinuntahan si Marvin na kasalukuyang nasa Matsui Villa. Alas syete pa lang ng umaga ng mga oras na iyon. Sa parte ni Marvin, hindi niya akalain na may koneksyon ang babae na pinadudukot sa kanya sa mga Matsui. Nang magising siya, mukha ni Zuki ang bumungad sa kanya nang nagdaang araw. Kilala ang grupo ni Zuki dahil kay Rob Matsui. Alam niya na hindi kakayanin ng isang tulad niya ang isang Zuki, lalo na ang isang Rob Matsui. Kahit ang pinaka-talamak na gang noon ay napatumba ni Rob kaya nga hindi pwedeng hindi nila kilala ang lalaki. Anak ito ng isa sa mga lider ng Yakuza group at hindi pwedeng magpadalos-dalos sa lalaki. Sa isang pitik kayang pumatay ng lalaki, Ano ang magagawa ng isang katulad niya na utusan lamang ng Mayor? Pumasok si Cally sa Main hall ng Matsui Villa kung saan ginagawa ang paghuhukom. Doon din hinusgahan ang anim na kidnappers. Nagtagpo ang mata nila ni Marvin. Nakatali ang mga kamay ni Marvin sa likuran at puro pasa ang mukha. Hindi niya sinasabi sa mga ito kung sino ang nag-utos sa kanya na ipadukot ang babae dahil siguradong papatayin din siya ng Mayor kapag tinuro niya si Luna. Hindi pa man nakakaupo si Cally, lumitaw sa paningin niya ang babae na kakapasok lang. Nanlaki ang mata ni Marvin. Matalim ang tingin ni Cally na nakatingin kay Marvin. "Sabihin mo sa amin, sino ang nagpapadukot sa asawa ko?" Tanong niya dito. Nagtaka si Marvin sa termino ng binatang lalaki na asawa nito ang babaeng katabi pero hindi pa rin sumagot si Marvin. Ngumisi si Cally. "Ang totoo, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino at dadalhin kita sa kanya ngayon din mismo." Nagsimulang magsalita si Zuki. "Magpasalamat ka at si Master Cally lang ang kaharap mo, kung nandito sa Pilipinas ang tatay ni Miss Prin, malamang kagabi pa lang ay nagsimula ka nang magsalita, wala na ang kamay na itatali sa iyo at wala ka na sa harap namin ngayon." Inangat ni Marvin ang paningin sa babae. Ang babaeng ito ang gumulpi sa kanya nang nagdaang araw. Naalala niya ang sinabi ng anim na kidnappers noon. Na nagawa ng babae na ilagan ang mga bala gamit lamang ang isang tubo. Totoo nga kaya ang sinasabi ng mga ito? Posible na ito rin ang dahilan kung bakit biglang nawala ang anim. Napapikit siya at pinipigilan ang magsalita. "Dalhin sila." utos ni Cally kay Zuki saka ito tumayo. Dinala si Marvin at ang dalawa pang kasama nito sa isang puting Van. "Kung ako sa inyo ay magdasal na kayo dahil hindi nagbibiro si Master Cally." banta ni Zuki. ===== Huminto ang sinasakyan nila Prin sa tapat ng isang malaking bahay. Nilingon niya ang asawa sa tabi. "Ahm.. anong ginagawa natin dito?" tanong niya. "For a good show." ang sagot ni Cally. Nag-doorbell si Zuki. Binuksan ng isang guard ang maliit na gate sa gilid. Kumunot ang noo nito. "Sir Zuki?" nagliwanag ang mukha ng lalaki. Tumaas ang gilid ng labi ni Zuki. "Mabuti naman at hindi na ako magpapakilala. Pakisabi kay Mayor Villanueva na narito si Master Cally Han at may hinanda kaming regalo para sa kanya." sabi ni Zuki sa guard. Ilang sandali lang silang naghintay bago binuksan ng todo ang gate para makapasok ang sasakyan nila sa bakuran. Nilingon siya ni Cally. "Are you ready for a good show? You must prepare my kiss." ang sabi nito. Prin "...." "Kiss your *ss!" Nangingiti si Cally ng lihim. Pumasok ang Mayback niya sa bakuran ng malaking bahay ng Mayor. Inakay siya ni Cally na bumaba. Sinalubong kaagad sila ng may-edad na lalaki na halatang bagong gising. Naka-roba lang ito. Alas otso lang kasi ng mga oras na iyon. "Master Cally, hindi ko inaasahan ang pagdating mo sa bahay ko. Pagpasensyahan mo na kung hindi maganda ang kasuotan ko. Nagmadali kasi ako na harapin ka." halatang nahihiya ito na harapin siya. "Tuloy¡­ tuloy¡­" Aya nito para pumasok sila sa loob. May business kasi si Mayor Villanueva kay Master Cloud. Kakailanganin niya ng dagdag na funds na magmumula sa MGM kaya kailangan nito na magpakabait. Naririnig niya lang ang pangalan ni Cally na bata pa nga daw ito at marami na ang naipasa na bid at alam ng Mayor na malaki ang tulong na ibibigay ng batang anak ni Master Cloud sa kanya. Nabigla siya na naghihilik pa nga siya ay ginising siya na asawa at sinabi na may bisita sila at si Cally Han ang dumating. Halos mahulog pa siya sa hagdan dahil sa pagmamadali. "Hindi na kita aabalahin Mayor, saglit lang ako." sumenyas si Cally kay Zuki. Binuksan ni Zuki ang puting Van at hinila palabas si Marvin at ang dalawa pang kasama. Naguluhan man ang Mayor, tumiim ang bagang nito. "M-mayor¡­" usal ni Marvin. Natakot siya Malakas ang loob ng batang si Cally para ihatid sa kanya ang mga tao niya na halos hindi na niya makilala dahil sa mga bahid ng dugo at pasa sa mukha. Diretso siyang tumingin kay Cally. "Ano pong ibig sabihin nito?" "Kayo dapat Mayor ang dapat kong tanungin at dapat na magpaliwanag. Ano ang dahilan para dukutin ng mga tao niyo ang asawa ko?" pailalim ang tingin ni Cally. Chapter 53 - Your Princess is nothing Lumapit ang ibang kasama ng Mayor nang mapansin na nilabas si Marvin sa puting sasakyan at may hindi magandang nangyayari. Nagulat si Mayor Villanueva sa nalaman na gustong dukutin ni Marvin ang asawa ni Cally. Tiningnan nito si Marvin. Sinubukan nito na ilusot ang nangyari. "Ahm... Master Cally, baka po meron lang hindi pagkakaintindihan sa nangyari." sabi ni Mayor. Ismid ang naging sagot ni Cally. "Mayor, hindi ito isang pagkakaintindihan. Sinubukan niya noong nakaraang araw pa na ipadukot ang asawa ko sa talamak na kidnappers, ang ''Wolf Wise Idiots Gang''. Too bad they are now dead" "Kahapon, sinubukan muli na dakpin ni Marvin ang asawa ko. So tell me Mayor, mayroon ba akong hindi naintindihan?" Kumuyom ang kamao ng Mayor. "Ano ang ibig sabihin nito Marvin?" "M-mayor..." bumalot ang takot kay Marvin. Kinuha ng Mayor ang baril ng kasama at itinutok kay Marvin. "Magsalita ka!" Singhal nito. "Mayor! Si Miss Luna siya po! Siya po ang nag-utos sa akin!" sagot ni Marvin. Wala siyang ibang kinatatakutan kundi si Mayor Villanueva. Naging seryoso ang mukha ni Prin nang madinig ang pangalan ni Luna. Lalong kumuyom ang kamao ng Mayor. Wala si Luna sa bahay sa kasalukuyan kaya hindi niya alam ang gagawin. Nagpaalam ito nang nagdaang gabi na pupunta sa kung saan. Ngumiti ng pilit si Mayor kay Cally. "Master Cally, baka naman po pwede na pag-usapan ang tungkol dito. Ako na po ang humihingi ng paumanhin. Pakunswelo na lang po sa akin. Isang Prinsesa ang turing namin sa anak ko at---" "Too bad Mayor, because I am not joking." Kinuha ni Cally ang kamay ni Prin na may galos. "See this..? Maayos pa sana ang magandang kamay ng asawa ko. She was hurt." Prin "..." yes dear, nasaktan ang kamay ko sa pag-gulpi kay Marvin. "Marvin tried to shoot her and my wife''s friend has been hospitalized. So tell me¡­ on what part should I acknowledge your sorry?" Walang nasagot si Mayor kung hindi ang barilin sa ulo si Marvin. Bumagsak na lang ang katawan nito at dumaloy ang dugo mula sa noo. Matapos iyon ay tinutok ni Mayor ang baril kay Cally. Hinarang kaagad ni Zuki ang katawan nito at tinutok din ang baril nito kay Mayor. Tinutok ng mga kasama ni Mayor ang mga baril ng mga ito sa kanila. Si Prin ay tahimik lang, sinabihan siya ni Cally na manood kaya wala siyang ginagawa kung hindi ang manood. Sigurado naman siya na walang gagawin sa kanila ang Mayor at kung mayroon man¡­ ayaw niyang isipin na mayroon dahil siguradong hindi sila ang dehado. "Master Cally, mukhang nakalimutan mo yata na nasa loob ka ng teritoryo ko." banta ni Mayor Villanueva. "Oh, really? Mayor, do you know Rob Matsui?" tanong ni Cally. Napalingon ang lahat ng kasama ni Mayor kay Cally nang madinig ang pangalan ni Rob. "Unfortunately, he is my father-in-law. Sa palagay niyo, ano ang mangyayari kapag nakarating sa kanya ang balita na ang prinsesa niya ay binalak na gawan ng masama ng prinsesa ng Mayor?" ''Damn!'' isip-isip ng mayor. Tumingin ito kay Prin at ibinaba ang baril na nakatutok kay Cally. Sumunod ang lahat na ibinaba rin ang mga armas. "Ano ang gagawin ko para makalimutan mo ang nangyari na ito?" halos hindi masabi ni Mayor. Sumenyas si Cally kay Zuki. Pumasok si Zuki sa puting van at may kinuha itong isang leather whip, isang bagay ng pagpaparusa at ibinigay iyon kay Mayor. Tumaas ang kilay ni Prin nang makita ang bagay na iyon. Napapikit ang Mayor at nagpipigil ng galit. "Pa''no Mayor, uuna na kami dahil iyan lang ang sinadya ko dito. Aasahan ko ang magandang balita mula sa iyo." sabi ni Cally at inakay na siya na bumalik ng sasakyan. Nakatingin lang sa mga papaalis na sasakyan ang Mayor at agad na pinatawag si Luna. ===== Pinaimbestigahan ni Cally ang pagkatao ni Marvin at lumitaw ang pangalan ni Mayor Villanueva. Nang una ay may ideya na si Cally na ang anak nito ang may pasimuno ng lahat dahil nasa parehas na eskwelahan si Prin at ang anak nito. At hindi maglalakas ang loob ng Mayor na galawin ni isa sa mga Hans. Aabangan lang ni Cally ang mga may utang sa kanila ni Prin. Si Sean at Luna dawit si Mayor na tatay nito. Ilang minuto na sila nagb-byahe nang napansin ni Prin na patungo silang probinsya ni Cally. Hindi na nakasunod ang van ni Zuki. "where are we going?" tanong niya kay Cally. "Magbabakasyon." "Wala kang trabaho ngayon?" hindi makapaniwala si Prin. Madalas kasi na nasa opisina si Cally. "Meron. Being a husband is my Job during weekends" Nilayo ni Prin ang mukha niya at tumingin sa labas ng bintana dahil alam niyang namumula ang pisngi niya sa sinabi nito. Napansin niya na hininto ni Cally ang sasakyan sa gilid. "Bakit tayo huminto?" "To get my reward" inangat ni Cally ang kaliwang kamay to caress her cheeks. "See? You are too excited to give my reward" Bago pa maka-alma si Prin, he leaned closer to meet her lips. Chapter 54 - Vacation? Habang papalayo si Prin at Cally ay papalakas ng papalakas din ang ulan sa lugar na dinadaanan nila. May limang oras nang nagba-byahe si Prin at Cally, tila walang plano ang kalangitan sa pagtigil sa masamang panahon. Mas lalong tumindi ang pagbuhos ng malakas na ulan. Ma-traffic na din ang daan kung saan sila patungo. "San ba tayo pupunta?" nilingon ni Prin si Cally sa tabi. "Sa isang resort na nasa tuktok na bahagi nitong bundok. Nasa gitnang bahagi na nga tayo kung tutuusin." "Wala kang ideya na uulan?" hindi makapaniwala si Prin. "meron" sagot ni Cally. Tiningnan ni Prin ang asawa niya. "Why are we here then?" "ulan lang naman ito." katwiran nito. Inikutan ni Prin ng mata si Cally, sa taas ng ego na meron ang lalaki alam niyang hindi ito aamin na nagkamali ito ng tantya sa panahon. "mukhang hindi ito isang simpleng ulan." sa tingin ni Prin ay may bagyo at nasa lugar ang pinakasentro nito. Dahil nasa gitnang bahagi sila ng bundok. Kulay brown ang tubig na dumadaloy pababa. Mabilis ang pagragasa ng tubig na halatang mas malakas ang ulan sa bandang itaas na bahagi ng bundok. Walang ideya si Prin na biglang uulan lalo na ang dalhin siya ni Cally sa malayo kaya walang siyang dalang extra na pamalit o kahit na jacket na pwede niyang gamitin. Isang simpleng bestida lang ang naisip niyang suotin kaya ramdam niya na ang lamig sa braso at binti. Napansin iyon ni Cally. Pinatay nito ng tuluyan ang aircon sa sasakyan. Yakap ni Prin ang sarili. "Idiot, we have blanket at the back." sabi nito sa kanya. Nilingon niya ang backseat at may nakita siyang nakatuping kumot na maliit. Kinuha iyon ni Prin at pinantakip sa sarili. Napansin niya na isang polo lang ang suot ni Cally. "Hindi ka ba nilalamig?" "I''m good. Unless... gusto mo lang makayakap sa akin. Walang problema, dagdagan mo na rin ng kiss" tudyo nito. Tiningnan niya ito ng masama. Sumosobra na itong lalaki na ''to sa pang-aasar sa kanya. Maya-maya pa ay may kumatok na enforcer sa sasakyan kaya binaba ni Cally ang bintana niya sa gilid. "Sir, atras na lang po kayo pabalik. Nasira po kasi ng tuluyan yung tulay na nire-renovate sa bungad" sabi nito kay Cally. Hindi maiwasan na mapamura si Cally. Wala silang magawa kung hindi ang bumalik. Pero bago pa sila makababa ng bundok pinigil silang muli ng rescue team sa lugar. "Sir, pasensya na. Mataas po ang baha sa paanan nitong bundok at duda po ako kung makakadaan ang sasakyan niyo." Gustong mag-init ng ulo ni Cally. Nagkamali kasi siya ng tantya sa araw na iyon at hindi pa sila nagtatanghalian ni Prin. "May matutuluyan ba kami na malapit kung sakali?" Napakamot ng ulo ang lalaki na pumigil sa kanila. "Saglit lang Sir, magtatanong lang ako." Umalis ito saglit. Nagsimula naman na magtingin si Cally sa cellphone para i check kung may inn na malapit o kahit na ano na pwedeng tuluyan. Nahirapan siya na magtingin dahil napuputol pati ang signal niya. Kinatok sila muli ng lalaki. "Sir, dalawang kilometro mula daw dito¡­ Akyat lang daw kayo saglit tapos kanan sa maliit na eskenita." sabi nito sa kanila. "Okay. salamat" Tapos ay tinungo nila ang tinuro ng enforcer. Tahimik sa Prin na nasa gilid. "Are you bored? I''m sorry, hindi ko kasi alam na matindi ang ulan. Iba ang binigay sakin ng App kaninang umaga nang magtingin ako." pagpapasensya nito sa kanya. Napabuntong-hininga na lang si Prin. Wala rin naman siyang magagawa. Ang mahalaga kasama niya si Cally. ===== Sa bahay ng Mayor¡­ Dumating si Luna ilang oras lang nang makaalis ang sasakyan ni Cally. Isang sampal ang sumalubong sa kanya mula kay Mayor. "Honey!" lumapit kaagad ang Mommy niya sa kanya. Dumaloy ang luha sa pisngi ni Luna at namula ang isang parte ng pisngi. "Why did you hit me?" Yumakap siya sa Mommy niya. "Magpasalamat ka nga at isang sampal lang ang inabot mo sa akin! Why did I hit you? Marvin is now dead because of you! Hindi ko maintindihan kung bakit may tanga akong anak na katulad mo!" Umiyak si Luna hababg nasa bisig ng Mommy niya. "Why? Because you dared to touch Matsui''s child!" Akmang lalapit ito muli nang pigilan ng Ginang. Wala naiintindihan ang asawa ng Mayor sa ginawa ng anak at hindi rin niya alam kung sino ang Matsui na sinasabi ng Mayor dahil isang simpleng babae lang ang Mommy ni Luna. "Don''t you dare touch my child!" galit na sabi nito. Si Luna sa isang banda ay natigilan nang madinig ang apelyido ni Prin. Dinuro siya ng Mayor. "Dahil sa ginawa mo, pati ako ay nalagay sa alanganin! Wala akong nagawa kun''di patayin si Marvin na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko!" "Ano bang nangyayari?!" singhal ng ginang, patuloy lang sa pag-iyak si Luna sa tabi. "Inutusan lang naman ng magaling mong anak na dukutin ang anak ng isang Rob Matsui! A grand-daughter of Yakuza leader! What else? She is Master Cally Han''s wife!" "Dahil sa iyo, ilang milyon ang mawawala sa pamilya natin!" Halatang nanggagalaiti sa galit ang Mayor at gustong tapusin na ang anak. Napatigil ang mag-ina. Si Luna sa mga nalaman tungkol sa pagkatao ni Prin, ang ginang naman ay hindi makapaniwala na makakagawa ng ganoon ang anak. Chapter 55 - Love Room Nakasalampak sa sahig si Luna habang hawak ang pisngi na sinampal ng Mayor at umiiyak. "Dad.. What do you mean Cally Han''s wife?" tanong ni Luna. "Cally Han, President of MGM! Idiot!" Lalong tumiim ang bagang ni Luna. Mayabang pa naman siya kay Sean at sa mga kaibigan na isang cheap si Prin at sinabi na kabit ito. Sinong matutuwa na malaman na asawa ito ng isang Presidente ng MGM? "He even asked me to punish you!" galit na galit si Mayor. Hindi niya kasi akalain na sa isang bente tres anyos lang siya susunod. "Hon¡­ W-what are we going to do?" tanong ng Unang Ginang. Nakaramdam ito ng takot para kay Luna. Natahimik sila ng ilang saglit. "May naiisip ako." sabi ng Mayor. "Isang paraan lang... Luna, kailangan mong akitin si Master Cally!" ===== Isang hindi kalakihan na resort ang tinuro kay Cally at Prin. Paglabas nila ng sasakyan halos hindi na makilala ang kotse ni Cally dahil putikan ang gilid ng pintuan nito. Halata ni Prin na nagpipigil ng inis ang asawa niya. "Kasalanan mo iyan. Tara na sa loob at nagugutom na talaga ako." Reklamo ni Prin. Pumasok na siya at iniwan si Cally na sinusuri ng mabuti ang kotse nito. Mukhang tama ang kasabihan nila na ''Mas mahal ng mga kalalakihan ang kotse ng mga ito kaysa sa babae.'' Si Prin na ang kusang nagtanong sa babaeng nasa bungad na sa hula niya ay ang tauhan ng resort na iyon. Tingin ni Prin disisais lang ang babae o kaya disisyete ang edad. "Hello, magb-book sana kami ng asawa ko." Sabi ni Prin. Hinanap nito ang sinasabi niyang asawa. Sakto naman na pumasok si Cally. Natigilan ito at titig na titig kay Cally na akala mo ay nakakita ng artista. "Ahm Miss?" Binalik nito ang paningin sa kanya. "Sori po Mam!" Kumamot ito sa ulo. Ngumiti lang si Prin. "E, ilang araw po kayo dito, Mam?" Tanong nito. "Magpapatila lang kami saglit." Nakangiting sagot ni Prin. Halatang nalungkot ang babae. "Anong klase pong hotel room Mam?" Nag-isip si Prin kung mayroong suite doon sa lugar, tinanggal niya din sa isip dahil duda siya doon. "Yung may maayos na kama, yung malambot at masarap." Nag-isip kaagad ang babae ng hindi maganda sa kanila. "Mayroon pa po?" "Yung malawak, yung makakaikot kami kahit saan." Si Ate "...." Kumamot ito sa ulo. Sa tingin ni Ate ay hindi talaga sila mag-asawa ni Cally at naghahanap lang ng init ng katawan dahil umuulan. Meron silang kwarto para sa mga katulad nitong dalawa. Saktong-sakto sa deskripsyon ni Prin. Sakto na kalilinis lang nito nang umaga ng araw na iyon. Kinuha nito ang mga susi. Pumili ito ng isa. "Ito po Mam, 3,500 lang po ang bayad kada araw." "D-do you accept credit card?" Kinuha ni Prin ang wallet niya. "Naku Mam wala po e." Nakita niya na kaunti na lang ang cash na laman ng pitaka niya. 500 lang. Madalas kasi na puro credit card ang gamit niya. Nakita iyon ni Cally. Kinuha ni Cally ang sariling pitaka. Kinuha ang lahat ng lilibuhin at mabilis na sinuksok sa pitaka ni Prin habang nakabuka pa iyon ng todo. Nagulat si Prin sa ginawa ni Cally. Binilang niya iyon 25 piraso lahat. Ibig sabihin binigyan siya nito ng 25 thousand. Bigla siyang nahiya pero ayaw niyang pag-usapan ang pera sa tapat ni ate. Hindi rin naman nakaligtas kay ate ang inakto ni Cally kaya lalo itong nakaramdam ng inggit kay Prin. ''Hindi lang mukhang prinsipe si Koya. kung umakto, parang si Prince Harry sa yaman. Haays'' isip-isip nito. Kinuha ni Prin ang apat na libo. "Ito ate, keep the change. kapag, maganda ang service mo dadagdagan ko pa iyan." Sabi ni Prin. Natuwa ang babae. Sa unang pagkakataon, nagsalita si Cally. "May restaurant ba kayo dito? Sigurado na nagugutom na ang Honey ko" Isang malamig na boses ang narinig ni Ate parang boses ni James Reid. Para itong maiihi na ewan. "May cook po kami Ser. Pwede niyo po sana kainin sa mga kubo sa labas, kaya lang umuulan. Pwede rin po namin ipahatid sa kwarto Ser." Sabi nito. "Sa kusina kami kakain. Pwede ba doon?" Tanong ni Prin. Alam niya kasi na ayaw ni Cally ng kumakain sa kwarto. Ayaw nito ng makalat. "Mainit po doon e." "Dalhin mo na lang sa kwarto kahit anong pagkain na masarap sa inyo." Si Cally "Sige po!" Natuwa ito dahil makikita muli nito si Cally kapag hinatid ang pagkain. Nakita nito na inakbayan ni Cally si Prin at tinungo ang kwarto. ''Haay excited agad sila'' napapailing si ate. Hinanap ni Prin at Cally ang kwarto. Pagbukas ng pintuan, nanlaki ang mata ni Prin dahil sa gulat kung anong klase ng kwarto ang binigay sa kanila ng babae. Pulang-pula ang kwarto na maihahalintulad sa red room ng 50 shades of gray. May disenyo pa na mga rosas ng wallpaper sa isang parte. Nasa gitnang bahagi ang kama na mukhang malambot nga at masarap tulugan. May lacey curtain sa paligid ng kama na kulay red orange. May bathtub na nasa loob ng kwarto na tanging liguan dahil isang maliit na ihian lang talaga ang meron sa loob. Isang coffee table sa pinakagilid na may dalawang silya. Maluwag ang buong kwarto. Nakaramdam ng hiya si Prin habang tinititigan ang kulay fuschia pink na bathtub. She has an idea that this is what they called ''love room'' para sa nagha-honeymoon. Chapter 56 - 6th Senses Wala pa man nangyayari sa pagitan ni Prin at Cally, kinakabahan na siya ng sobra. "Ahm¡­ Husbie, I think this is not the room for us. Mukhang nagkamali si Ate." "Hmm..? I think this is perfect." pang-iinis ni Cally. Lumapit sa kanya si Cally para biruin siya. Napaatras naman si Prin hanggang sa nadulas siya sa sinelas na nasa tapat ng kama at bumagsak siya sa ibabaw nito. Nahila niya ang braso ni Cally para sana kumuha ng suporta pero kapwa silang bumagsak doon. Parang napunta sa kawalan ang training niya bilang Dark Guard. Nakakilos sana siya ng maayos kung gumagana lang sana ang lahat ng sistema niya. Puma-ibabaw si Cally sa kanya. Tumaas ang isang parte ng gilid ng labi ni Cally. "See how excited you are?" dagdag nito sa pang-iinis sa kanya dahil nahila niya ito. "Who is excited? You are the one who''s excited!" angil ni Prin. Ginilid ni Prin ang mukha niya at nilayo ang paningin dahil sa hiya. She doesn''t know that she look seductive at that moment. Nakadagdag pa ang lamig ng paligid sa labas pati ang ambiance sa loob ng kwarto. "G-get up!" utos niya kay Cally. "I won''t. Why should I? E, alam ko na manghihinayang ka" Hinaplos ni Cally ng hintuturo ang pisngi niya. It was just a light touch but still sent shivers through her nerves. Napalunok si Prin. "g-get up¡­" halos hindi niya alam kung naibigkas niya ba ang mga salita. "Hmm? Are you saying something?" Cally teased her. Sobrang lapit na ng mukha nito kay Prin at halos ramdam na niya ang init ng hininga ni Cally sa pisngi niya. "If you want me to stop, tell me now" pang-iinis pa ni Cally but deep inside, his heart beats faster and faster. He is waiting for Prin''s reaction. He started to twirled her black hair around his finger. Parang dinala sa kawalan ang pag-iisip ni Prin sa mga kinikilos si Cally. Soon, she felt something hard on her belly. Mas namula ang pisngi ni Prin. Wala siyang nagawa kun''di iharap ang mukha na nakaiwas sa lalaki. Her lips brushed slightly on his. She looked straight on his eyes. Both of them are waiting. Tila naghihintayan kung sino ang unang susuko at kikilos. Cally knew if he started to kiss this girl, he will never have enough it was as if Prin dominated his whole senses. How many senses are there in the books? Five? Kung ganoon, saan napapabilang si Prin sa lima? Bakit pakiramdam niya anim lahat kung si Prin ang pag-uusapan? Number one on the list is Sight, she was always beautiful right before his eyes. Pinasadahan niya ang bawat parte ng mukha ni Prin. Her Japanese eyes, her nose, her brows, her cheeks turned red at that moment, her lips that is always ready to give him a wide smile and is ready to give him a kiss. Second, Hearing. He felt happy whenever she calls him husbie, para bang dinadala siya sa langit tuwing maririnig niya ang boses ni Prin, kahit pa sabihan siya nito ng ''Kiss my a*s!'' Third, Smell. Prin is always smells like cherry blossoms na para bang dinadala siya sa Japan. Even her breath scent is always good and ready for kissing. Smells like green apple. Fourth, Taste. The taste of her mouth is unexplainable and delicious. Fifth, Touch. Her soft skin was really nice. Kapag kaakbay niya si Prin, kapag magka-hawak-kamay sila nito. Kapag kayakap niya si Prin sa pagtulog, parang hinehele siya nito tuwing gabi dahilan para makatulog siya agad. Sixth is¡­ Indefinable. He couldn''t explained the exact explanation. No book in the world can explain. Sobrang saya kapag nasa paligid si Prin. Para bang may manipis na tali na nag-uugnay sa kanilang dalawa. Sa tingin niya kahit ang pinakamatalinong tao ay hindi rin alam. Does any polymath in the world who can explain what it is? She is like a Yamashita''s treasure and he is her hunter. Hindi maihahalintulad si Prin sa lahat ng yaman na meron siya. Hindi rin maihahalintulad ang asawa niya kahit kanino. Ang nararamdaman niya tuwing makikita si Prin ay maihahalintulad noong panahon na unang beses na nakita niya ang Mommy niya sa Korea noon. His heart is beating very fast looking at her, feeling her. Hindi man lang naramdaman ni Prin na umikot na ang braso ni Cally sa bewang niya kaya nabigla na lang siya nang umikot silang dalawa sa ibabaw ng kama. Siya naman ang nasa ibabaw ni Cally. His one hand is gently brushed her face. While the other one embracing her whole body. Parang nililipad ang diwa ni Prin habang nakatingin lang ng diretso kay Cally. She is wishing that he can soon open his heart and ready to love her back. Parang inaakit si Cally ng mainit na hininga ni Prin kaya unti-unti niyang inilapit ang labi niya sa asawa. Soon, his lips met hers, mashed against hers as if trying to destroy her mouth. Their tongues battling back and forth like two fencers. Cally wanted her so much. He is starting to lift her white dress nang biglang may kumatok sa pintuan. Parang binuhusan ng malamig si Prin na agad na humiwalay kay Cally at tinungo ang pinto dahil bigla siyang nahiya. Bumungad sa kanya si Ate na receptionist na may bitbit ng tray ng pagkain. Chapter 57 - Blindfold Nang binuksan ni Prin ang pintuan, bumungad si Ate na receptionist. "Y-yung pagkain niyo po Mam. S-sorry po kung naistorbo ko kayo ni Sir." Hiyang hiya si Ate dahil kakaiba ang hitsura ni Prin. Lukot-lukot kasi ang bestida niya. Gulo-gulo ang buhok. Hindi maiwasan na mag-isip ito ng masama sa kanila ni Cally pero walang ideya si Prin. ''Hindi na sila nakapaghintay'' isip-isip nito. Kinuha lang ni Prin ang tray at nagpasalamat. Namumula ang mukha niya at hindi makatingin kay Cally. "L-let''s eat!" Nilapag niya ang tray ng pagkain sa mesita. Nakatingin lang sa kanya si Cally at pinagmamasdan siya. Prin looks cute habang hindi mapakali sa pagkilos, sa mata ni Cally. Tumayo na siya at umupo sa coffee table. Gutom na si Prin kaya kain siya ng kain. Parang nilipad din agad ng hangin ang hiya niya kay Cally. Pinanonood lang siya nito ng tahimik habang kumakain siya. Masasarap din naman kasi ang hinanda sa kanila ng hotel. Mainit na sabaw at saka chicken barbeque ang hinanda nito bagay sa malamig na panahon. Napansin niya na parang hindi kumakain si Cally. "Is there¡­ something wrong? Bakit hindi ka kumakain?" Tanong ni Prin. Nilagpasan nito ang mesita at inilapit ang mukha sa kanya. Dinilaan nito ang gilid ng labi niya na may naiwan na butil ng kanin. Namula na naman ang pisngi ni Prin. "May mumu ka, masarap pala kapag galing sa iyo... Saka, parang kulang pa kasi sa iyo ang pagkain natin." Puna ni Cally dahil halos mauubos na niya ang lahat. "Nagutom kasi ako." Katwiran niya. "Tingin ko din. Pero sana pakainin mo din ako. Lapit ka dito pakakainin mo ako bilang bayad sa pagiging makasarili mo..." Tiningnan niya ito ng masama. Sumunod din naman siya kay Cally. Nilapit niya ang silya, tinabihan ito at sinimulan na subuan ang kanyang prinsipe. Cally is enjoying na sinusubuan ni Prin. He is enjoying his life with her, hindi lang sa oras na iyon at sana ay habang-buhay sila na ganoon. Kumidlat sa labas kaya napatili si Prin at nabitawan ang kutsara na may pagkain, kumalat iyon sa bestida niya. Napakapit siya kay Cally. "Husbie¡­" natatakot na usal ni Prin. Maya-maya pa ay nawalan ng kuryente ang buong hotel. Cally is cursing. "Isoli natin ang pinagkainan at tanungin na rin sila kung bakit walang kuryente." Mungkahi ni Cally. Napansin niya na nakapikit pa rin si Prin at mahigpit ang kapit sa braso niya. "Prin? Are you okay?" "Ta-takot ako sa kidlat" sabi nito. Patuloy nga ang pagkidlat sa labas. Naaliw naman si Cally dahil hindi niya akalain na may kinatatakutan din pala ang asawa niya. Hindi ito takot sa masasamang loob na kriminal kun''di sa kidlat? "Doon ka lang muna sa kama. Ako na muna ang lalabas para magtanong sa kanila okay? Saka kukuha ako ng pamalit sa likod ng sasakyan." Sabi sa kanya ni Cally pero hindi bumibitaw si Prin sa braso nito. "Saglit lang ako, promise" binuhat siya ni Cally hanggang kama at maingat siyang nilapag doon. "3 minutes lang." Sabi nito saka lumabas ng kwarto. Nakapikit pa rin si Prin. Patuloy ang pagkidlat sa labas. Ilang saglit lang, nakabalik na si Cally nang may bitbit na bag. "Mukhang natamaan daw ang kable ng kuryente. Malabo rin na makakauwi tayo agad dahil sa mga daan." Sabi sa kanya ni Cally. "Take a shower" sabi ni Cally. Biglang nagdilat ang mata ni Prin. "Shower?" Tanong niya at nakatingin sa malaking bathtub doon na nasa loob ng kwarto. Mukhang nabasa naman ni Cally ang iniisip niya. Kahit papaano ay nakaramdam din ng hiya sa kanya si Cally lalo at hindi pa ito nakakakita ng babaeng naliligo. "Ahm¡­ pipikit na lang ako. Isa pa madilim naman" Suhestyon nito. Hindi satisfied si Prin sa sagot nito. "Magtatakip ako ng mata." Nilabas nila ang mga laman ng bag. Kinuha ni Prin ang isang panyo nito at nga mga susuotin niya. Maswerte na rin at naghanda sa kanya ng gamit si Cally. What a perfect husband?! Siya ang naglagay ng panyo dito. "Bawal makulit ha." sabi niya kay Cally. Nagsimulang maghubad si Prin habang nakasilip kay Cally. Kahit pala nakapiring ito, iba pa rin ang pakiramdam kapag naghuhubad habang nakatingin kay Cally. Namumula ang pisngi ni Prin. Rinig ng tubig at mga pagkilos ng asawa ang nadidinig naman ni Cally habang naka-piring. Hindi niya akalain na mas doble pala ang parusa kapag ganoon. Sana pala ay nagmungakahi na lang siya na lumabas. O kaya nagmungkahi siya na siya na ang magpaligo kay Prin. ''D*mn it!'' Maya-maya pa, kumidlat muli. "Ahhhh---!" Takot na tili ni Prin. Unang gumana ang utak ni Cally na baka may nangyari na masama sa asawa kaya tinanggal niya ang piring. Kapwa sila nanlaki ang mata. "Y-y-you! Hooligan!!" Nanlalaki ang mata ni Prin habang takip ng magkabilang braso ang magkabilang dibdib niya. Chapter 58 - Perfect for him **Rated PG** Natulala si Cally. Napatigil siya sa pagkilos. Parang isang diwata si Prin sa paningin niya na nasa loob ng fuchsia pink na tub, gustuhin man niya na manghingi ng paumanhin ay hindi niya magawa. She is mesmerizing. She is covering her chest, just enough to show off her pale and beautiful shoulders. Her legs are showing. Her private part is hiding under the water. He couldn''t see for sure from his angle, but he knew that her ass is round and curvy. Based on her exposed body, her stomach was quite flat, kahit pa si Prin ang halos kumain ng pagkain nila. As he studied her, he suddenly realized how intently he had been staring. Wala siyang plano na umatras. Nakatitig lang din si Prin habang kagat ang ibabang labi. Inaabangan niya ang gagawin ni Cally. They are husband and wife anyway. Kumidlat muli sa labas at napapikit lang siya saglit dahil sa takot. Lumapit si Cally at napalunok. Soon, he closed the remaining distance between their faces. Placing his hand gently on her cheek, his lips met hers. Parang tinatakam lang sa una. He increased slowly his kissing to be more passionate hanggang sa parang gusto na siya nitong kainin ng buhay. Parang leopard na nagugutom ang akto ni Cally kung paano siya nito halikan. Kumikidlat pa sa labas ngunit hindi na iniintindi ni Prin. Keeping their lips together, nilipad na ang diwa niya sa sistema ni Cally. He ran his hands down from her cheek to neck to her chest All of his touch sent shivers to Prin''s nerve. Hiniwalay ni Cally ang labi kay Prin, sighing in complete contentment. Their eyes locked kasabay ng mga paghinga, tila kapwa sila naubusan ng hangin. Pinag-aaralan ni Cally si Prin. Will she agree? Kinuha ni Cally ang isang kamay niya at pinatong sa ibabaw ng dibdib nito habang nakatitig pa rin sila sa isa''t isa. His heart is beating fast looking at her. Ilang saglit lang, binuhat ni Cally si Prin mula sa tub at maingat na pinunasan ang basang katawan. She is n.a.k.e.d right before his eyes. He is so thankful having Prin as his wife. Not just her face is beautiful, all of her part is mesmerizing. Pulang-pula ang pisngi ni Prin. She doesn''t know what are the things on Cally''s mind. Did he find her s.e.xy? Dinala muli ni Cally si Prin para ipatong sa ibabaw ng kama at pinagsawa ang mata niya dito. Madilim na ang paligid sa labas dahil hapon na ng mga oras na iyon at madilim pa ang kalangitan. Gayunpaman, hindi nakahadlang ang kakaunting liwanag para masilayan niya ng mabuti ang asawa. He felt excited. He wants to own her, the whole part of her. He was an idiot in terms of love. It took time for him to understand the real meaning of it. Indeed, he will never find it in any dictionary because the real meaning is the person behind his eyes. "C-cover me¡­ nahihiya ako" utos ni Prin. she covered her face using her hands. Nakakahiya dahil iba ang paraan ng titig ni Cally sa kanya. "Walang dapat ika-hiya" tinanggal ni Cally ang palad ni Prin na tumatakip sa mukha nito. He bend down. Bumaba ang labi ni Cally at tinagpo ang labi ni Prin. Hot breath mixed together. His hands soon gently roam over her, squeezing and admiring how soft and smooth her body is. Halos mamaga na ang labi ni Prin dahil simula ng pumasok sila sa kwarto na iyon ay hindi nito tinigilan ang labi niya. He bend down and take her hard n.i.p.p.l.e into his mouth running his tongue around it. He gently suck it as his hand caresses her other b.r.e.a.s.t. Wala nagawa si Prin kundi ang isabunot ang kamay sa buhok ni Cally. Soft m.o.a.ns escaped from her mouth. Kung gaano kalamig ang paligid sa labas, mainit ang tagpo nila ni Cally sa loob ng kwarto na iyon. "You''re a Dark Guard, right?" he asked while he unbuttoned his gray polo. Hindi naintindihan ni Prin ang ibig sabihin ni Cally. "Just making sure¡­ I know you can handle the pain." sabi nito na ikinapula ng pisngi niya. She saw his toned body. She wanted to touch it. Ilang saglit lang, wala nang sagabal sa mga katawan nila. Hinihiling ni Cally na huwag kumatok si Ate Girl dahil baka ihagis niya na ang babae sa bangin. His hand rans down again while kissing her, slipped between her thighs. Encircling his fingers na para bang may sinusukat ito doon. A small sound escaped her mouth. Wala siyang nagawa kundi kumapit sa likod ni Cally. Halos bumaon na ang kuko niya sa likuran nito. Hunger was all over his senses. All Cally think was -- Prin is so perfect against him. He soon pulled her gently against his hardness. Chapter 59 - Romantic place Nagising si Prin na sobrang dilim ng paligid. Pero hindi siya natatakot dahil nasa tabi niya si Cally. Malakas pa rin ang ulan at hangin sa labas na humahampas sa bintana. Inalala niya ang mga naganap sa kanila ni Cally ilang oras ang nakalipas. She was happy. Inalalayan siya nito ng mabuti para hindi siya masyadong masaktan sa kanyang unang ''pagsubok''. Kinapa niya ang pisngi ni Cally sa tabi. Iniisa isa niya ang bawat parte ng mukha nito dahil sobra ang dilim. "Huwag mong lamukusin ang mukha ko" bigla itong nagsalita. Hindi alam ni Prin na nauna pa itong magising sa kanya at tila dinadama ang mainit niyang katawan. "Sorry¡­ Anong oras na?" Tanong niya. "Sa tingin ko may alas nuwebe na ng gabi" sagot nito. Alas nuwebe? Ilang oras siya na nakatulog kung ganoon? "Hindi ka nagugutom?" Tanong ni Prin kay Cally. Kahit pa mas gusto niya na magpahinga dahil sobrang sakit ng katawan niya. "Okay lang ako. Pinakain mo na ako di ba?" Pinalo niya sa braso si Cally. "Puro ka biro¡­ ang manyak mo" sabi niya na namumula ang pisngi. "Bakit? Hindi mo ba ako pinakain kanina? Sinubuan mo pa nga ako diba?" Nangingiti ng lihim si Cally. Tinalikuran niya na ito dahil nahihiya talaga siya kahit pa sobrang dilim. Hinila siya muli ni Cally. "Malamig sobra sa labas kaya kailangan nating magyakapan" Prin "...." ===== Kinabukasan. Maliwanag na sa labas nang magising silang dalawa. Wala pa ring kuryente sa kwarto nila. Sinilip ni Prin ang cellphone niya. Sa wakas ay may signal na, kaya marami siyang mensahe na nakita sa ''Unread inbox''. Hinahanap sila ni Cally ni Assistant Xander, ang Mommy niya pati ang iba pa. Mukhang nag-alala sa kanila ang lahat sa Maynila dahil halos 24 hours silang nawala ng asawa niya. Nakalimutan ni Prin na may bitbit nga pala siyang mahalagang tao sa pamilya. Mawala lang ito ng tatlong oras nang hindi alam sa kanila, sigurado na nag-aalala na kahit si Madam Lira na nasa UK. "Husbie, hinahanap na nila tayo sa Maynila." Pagbibigay-alam niya sa asawa. Nakatingin lang sa kanya si Cally. Sa loob ng bente kwatro oras, naganapan nila ang pagiging mag-asawa ng walang ibang iniisip. Nasa mundo lang sila ng isa''t isa. Walang iniisip na problema sa Maynila. Hindi man lang pumasok sa isip ni Cally ang mga problema sa opisina. Nakalimutan din nila ang role nila sa pamilya. Nasa loob sila ng hindi kilala at kalakihang resort pero masyado siyang nasiyahan sa pagtigil nila ni Prin doon. As much as he wanted to have their very first in a very nice place, mukhang tinulungan na sila ng pagkakataon. Walang kuryente ang lugar, hindi ganoon ka-lambot ang kama, masikip ang C.R., ang shower ay naliligaw na napunta sa iisang bathtub at hindi pa maganda ang panahon sa labas. Gan''on pa man, he enjoyed his time with Prin. Yesterday was one of the best days of his life. Nilapitan niya si Prin at sinakop ang labi nito. Nabigla si Prin sa biglaang pagkilos ni Cally. Natutuwa naman siya kahit papaano dahil kampante na sila sa isa''t isa. "I''ll bring you to a nice place next time" "To... what place?" "To Paris? I don''t know¡­" napakamot sa ulo si Cally. Walang alam si Cally pagdating sa mga romantic na lugar. Tutulungan ba siya ng mga romantic places sa stocks ng MGM? What about being a Dark Lord member? The answer is ''no''. Iyon ang dahilan kaya hindi siya interesado noon. He doesn''t care about those things before. Ngayon niya lang narealize na hindi lahat ng bagay sa mundo ay alam niya. Para siyang babalik sa Grade 1 ''pag usaping pag-ibig. "May naiisip ka ba na puntahan? Though we can do it kahit saan, sa kama, sa kotse, sa kusina, sa opisina kahit sa school pwede rin" Nanlaki ang mata ni Prin at ini-imagine ang mga binanggit na lugar ni Cally. "What the heck are you thinking?!" Galit at namumula ang mukha niya sa hiya. "Bakit, may masama ba sa sinabi ko? Ano ang iniisip mo na masama? What I am saying is all about kissing." Prin "...." Chapter 60 - Courting... Death Tulad ng dati, hinatid ni Cally si Prin sa school. "See you later" sabi nito na haplos ang pisngi niya at binigyan siya ng mabilis ng halik sa labi. Nahihiya si Prin kay Xander na nagmaneho para sa kanila dahil kita niya ang pamumula ng pisngi nito. Pero patuloy na nagpapanggap na walang nakikita sa backseat. Hasa si Xander bilang chauffeur kaya kunwari ay wala itong nakikita. "Thank you sa paghatid, husbie¡­" tanging nasabi ni Prin. Kinuha niya ang mga gamit at lumabas na ng sasakyan. Nang makabalik sila nang nagdaang araw, nakahinga ng maluwag ang pamilya nila. Hindi kasi alam ng mga ito kung saan sila tumungo at wala pang signal ng telepono sa probinsya na pinuntahan nila. Ang luko-lukong Cally naman, kinatwiran na kailangan din nila na mag-solo na dalawa paminsan-minsan na walang istorbo. Walang nagawa ang pamilya nila dahil may sarili rin naman silang mundo na dalawa at dapat gampanan bilang mag-asawa. Napailing na lang si Prin. Wala talagang makakabali sa kung ano talaga ang gustuhin ni Cally. Napansin agad siya ng mga kaeskwela pagbaba pa lang niya ng sasakyan. "Hello, Prin!" Binabati siya ng mga ito kahit na hindi niya kaklase o kakilala. Iba ang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga estudyante sa school. Ang iba ay inggit. Ang iba naman ay paghanga. Pansin ni Prin na mas mabait sa kanya ang mga ito kumpara ng mga nakaraang araw. Kada maglalakad siya patungong kwarto kung nasaan ang klase niya, may bumabati sa kanya o kaya naman ay bigla siyang pag-uusapan. Instant popular si Prin sa school dahil sa match na ginawa niya kay Sean. Lalo na''t tumatak sa kaisipan ng mga ito ang ginawa niya sa Race. Nang maalala si Sean, hindi niya alam kung tinuloy nito ang pagpost sa social media account nito na tulad ng pusta ni Cally. Wala siyang nadidinig kay Bella. Nagkibit-balikat din siya agad dahil wala na rin naman siyang pakialam doon. Ang mahalaga ay hindi na siya istorbuhin ng lalaki. Pagpasok niya ng pintuan, napansin agad niya ang balloons na nakakabit sa upuan niya at may bouquet pa ng rosas sa ibabaw ng table. Naisip agad niya kung nagkamali ba siya ng kwarto na napasukan. Pero pamilyar ng mukha ng mga kaklase niya. Kinikilig ang mga kaklase niyang babae. Tumuloy si Prin sa paglakad patungo sa pwesto niya sa klase at nakita ang card. ''I''m sorry - Sean'' Tumaas agad ang kilay niya. Mukhang naghahanap talaga ng sakit ng katawan ang lalaki. "Mga classmate sino ang may gusto ng bulaklak?" tanong niya sa mga ito. "Ayyy! Ako! Ako! Ako!" isa-isang nagsipagtaasan ng kamay ang mga kababaihan. Inabot niya sa katabi niya ang bulaklak. "okay, get one and pass!" sabi niya sa mga ito. Kinuha niya ang nakakabit na limang piraso ng pink na lobo, lumabas at pinalipad iyon sa kawalan. Hindi lang ito tumupad sa bet ni Cally, kahit sa nais niya ay hindi rin sumunod ang binata. Pumasok muli si Prin sa loob ng klase. At nagsimula na magtingin sa internet kung paano gumawa ng cake. Iyon naman kasi ang pusta nito, kailangan niyang ipagluto si Cally dahil natalo siya dito sa race. Habang busy siya sa pag-browse dahil wala pa naman ang instructor nila para sa oras na iyon, may mga nagsipasukan na grupo ng limang kalalakihan. Ang iba ay may bitbit na gitara at ang iba ay kumakanta. Hindi sana niya papansinin pero huminto sa harapan niya ang mga ito. Clueless siya sa nangyayari nang biglang nagsitilian ang mga kaklase niyang babae. Pumasok si Sean sa loob ng kwarto. "Miss Prin, sana ay nagustuhan mo ang harana ko" Prin "..." Gusto niyang bigyan ng upper cut ang lalaki nang mga oras na iyon. Huminga ng malalim si Prin at pinipigil ang inis na nararamdaman niya. "Ano ang ibig sabihin nito?" taas-kilay na tanong niya. "Nanliligaw ako" "May usapan na tayo na hindi mo ako guguluhin" sita niya sa lalaki. "Sabi nga ng matatanda, kapag tumibok ang puso, hahamakin ang lahat. Pasensya na, makulit ako kaya itutuloy ko ang nais ko." sagot nito. Hindi alam ni Prin kung nasaan ang utak ng lalaki. Hindi lang mayabang si Sean, wala din isang-salita ang lalaki. "Alam mo Sean, kung mahal mo pa ang buhay mo, mabuti pa na itigil mo na ito. Have you seen my boyfriend? Sorry, pero hindi ka papasa kahit sa daliri niya sa paa." prangka na sabi niya at halatang naaalibadbaran kay Sean. Dumating ang Instructor nila na pinagpasalamat niya. "Ma''am ginugulo po nila ako" sumbong niya dito. "Mr. Sean, labas!" singhal nito. Nagpasensya ang mga lalaki na nangharana sa kanya sa instructor. Inangat lang ni Sean ang gilid ng labi nito. "Hindi pa ito ang huli, Prin" Inikutan niya ito ng mata. Kapag nalaman ni Cally na nililigawan siya doon, hindi lang ang lalaki ang mananagot. Siguradong pati siya ay parurusahan nito. Chapter 61 - Mayors first attempt Kapag nangulit pa ang lalaki kay Prin, sigurado na bibigyan niya na talaga ng leksyon ang lalaki na parang hindi naman nag-aaral sa school nila. Sa parte naman ni Sean, kinapalan talaga nito ang mukha na pumasok sa araw na iyon dahil kumalat na ang video nito sa social media. Hindi lang ang laban nila ni Prin sa shooting, kung hindi pati na rin ang racing. Tila kinalimutan naman ng mga kaeskwela niya ang naganap. Iyon nga lang, mas sumikat si Prin sa school. Kaya mas lalong nagkainteres si Sean sa babae. Kung magiging girlfriend niya ito, sa tingin niya ay babalik ang reputasyon na meron siya sa school. Sa klase naman, nagtataka si Prin kung bakit wala pa si Bella. Absent ito sa unang klase. Natapos na ang unang klase at hindi niya nakita ang kaibigan. Lumabas siya para pumunta sa susunod na class. Nakita niya doon si Bella. Nakangiti niya itong nilapitan pero seryoso lang ang kaibigan niya. Halatang malalim ang iniisip. "Okay ka na, Dear?" Pangangamusta niya dito. Mukhang wala na ang bahid ng pasa at bukol nito sa noo. Pero napansin niya na may pasa ito sa braso. "Gawa ba yan ng masamang loob nung nakaraang araw?" Tanong niya. Bigla nitong tinakpan ang braso. "Uhmm.. wala ito" Halata ni Prin na may hindi tama sa kaibigan niya. Nagduda si Prin sa sagot ni Bella. "Anong nangyari d''yan? Sabi mo sa''kin, I''m your best buddy here." Pagtatampo niya habang turo ang pasa nito. Nakita na lang ni Prin na lumuluha ang kaibigan niya. "Yung boyfriend ko kasi nahuli ko kagabi na may babae kaya nakipaghiwalay ako sa kanya. Ang gag*, ayaw akong tigilan. Huhuhu" sabi nito habang umiyak. Nilapitan niya ito at niyakap. Naisip ni Prin na maswerte siya kay Cally. Hindi babaero ang asawa niya. Bigla niyang naisip kung hindi nga ba talaga babaero si Cally. Biglang sumulpot sa isip niya ang matalim na tingin ni Cally. ''Sorry na master'' ''Hmmm. So far, wala naman siyang naging girlfriend'' iyon ang pagkakaalam ni Prin. "Mabuti naman at nakipaghiwalay ka na. Huwag ka nang umiyak. Marami akong kaibigan na lalaki, lahat sila macho at pogi pa. Irereto kita sa kanila." "Kaya lang my friend, kagabi nung nakipag-hiwalay ako, sinaktan niya ako." Nakayuko na sabi nito. ''Aba''t---'' nanggigigil si Prin sa nobyo nito. Natapik niya ng biglaan ang mesa ni Bella. Nakita niya ang lalaki nung magpunta sila ni Cally sa supermarket. Gwapo ito pero hindi guwapong-guwapo na tulad ng mga kasama niya sa Dark Guards. "Kapag sinaktan ka ulit ng mokong na iyon, isumbong mo sa akin" sabi ni Prin sa kaibigan. Kumalma naman si Bella. "Tama ka my friend, isusumbong ko talaga siya sa iyo. Feeling pogi, Panget naman!" Biglang sabi nito. ===== Sa opisina ni Cally¡­ "Master, iniimbitahan kayo ni Mayor Villanueva na kumain sa isang restaurant." Pagbibigay-alam ni Xander. Kumunot ang noo ni Cally. Umismid siya mukhang hindi sinunod ng Mayor ang usapan nila. Ang lakas ng loob ng anak nito na saktan si Prin pero walang lakas ang Mayor na saktan ang anak. Dahil maganda ang mood ni Cally resulta sa mga naganap sa kanila ni Prin ng nagdaang araw, hahayaan niya na lang ang Mayor na iyon. Basta siguraduhin lang nito na hindi na ito pwedeng umulit pa. Hinarap niya si Xander. "Hindi ba dapat alam mo ang sagot?" Kinabahan kaagad ang binata. Kumamot ito sa ulo. "Ahmm¡­ Master, makulit po kasi. Gusto pong humingi ng paumanhin sa inyo." "Xander, I don''t want to see him. I don''t care kung hindi na siya tumupad sa usapan. I don''t want to see his face." He gave an annoyed look. "Yes Master... May afternoon meeting nga po pala kayo master sa project ng bagong Movie ng opisina. Sa chinese restaurant po magaganap." Naisip niya si Prin. "Gan''on ba? Pasunurin mo na lang doon si Prin." Napansin naman ni Xander na gumaan muli ang pakiramdam ng master niya. Mukhang si Prin lang ang sagot kapag umiinit ang ulo nito sa kanya. Ibang iba ang mood ng master niya nang pinag-usapan nila si Mayor Villanueva, sa mood nito nang si Miss Prin na ang paksa nila. Sa tingin niya ay in-love talaga ang master niya sa asawa nito. "May itatanong pa nga pala ako muli Master." Hinilot ni Cally ang sentido niya. Hindi pa kasi nilahat ni Xander ang sasabihin nito. "Nagtatanong ang kambal kung pwede daw nila makasama si Miss Prin sa weekend sa bahay niyo po--?" "Hindi pwede. " matalim ang tingin na pinukol ni Cally kay Xander. Kinabahan naman si Xander at tuluyan nang lumabas na opisina niya. Nagsisimula pa lang sila ni Prin, may gusto nang umagaw ng oras nito. No way! Chapter 62 - Close your Eyes! Nakatingin lang si Luna kay Prin at pinag-aaralan niya ito. Hindi siya makapaniwala na magiging asawa ito ng Presidente ng MGM na si Cally Han. Sa tingin niya, isang bluff lang iyon sa Daddy niya. Ang pakilala ni Prin ay nobyo lang nito si Cally na nakita sa Billard Bar nang mga nakalipas na gabi ng mga ka-eskwela niya. She is gritting her teeth. Sa isang iglap, masyado nang sumikat si Prin sa school. Wala pa ngang dalawang buwan doon ang kinaiinisan niya na si Prin, pumalo agad ang pangalan nito bilang nangunguna na popular sa eskwelahan nila. Samantalang siya, inabot ng anim na buwan bago niya nakuha ang posisyon na iyon. Meron kasi silang online poll sa school site na gawa-gawa lang ng kung sino. Ganoon pa man, hindi maiwasan na makaramdam siya ng inis sa babae. Ang bwisit na si Sean, lalo lang pinaiinit ang ulo niya. Nagawa pa nitong mangharana sa babae na hindi nito nagawa sa kanya. Wala siyang ibang naiisip kun''di sundin ang utos ng Daddy niya. Wala pa ni isang lalaki ang umayaw sa ganda niya kaya tiwala siya na mapapa-amo niya si Cally Han. Hindi lang ang Daddy niya ang sasaya, kundi pati na rin ang pangalan niya. Naiimagine niya na ang sarili na hinahatid araw-araw ng Maybach ni Cally. Tahimik lang siya sa school at walang sinasabi sa mga nalaman niya tungkol sa pagkatao ni Prin dahil parang tinulungan na rin niya ang babae sa popularity nito. ''Hmp! Kapag nakuha ko ang loob ni Master Cally, paaalisin kita sa bahay niya.'' Sabi niya sa sarili. May plano na sila ng Daddy niya. Malaki ang sinuhol ng pamilya niya sa bagong production na gagawing movie ng MGM Corp. Isa siya sa na-pilit na ipasok bilang kasama sa 2nd lead kahit wala pa siyang karanasan sa pag-arte. Sabi nga, kapag may pera at ganda, madali na makuha ang lahat. ===== Sinundo si Prin sa eskwelahan ng sasakyan ni Cally. Akala niya ay naroon ang asawa niya sa loob ng sasakyan nito, ngunit nabigo lang siya na hindi ito nakita. "Where is your Master?" Tanong niya sa chauffeur. "Nasa isang restaurant, Miss. Doon po kayo pinatutuloy ni Master." Sagot nito. Ngisi lang ang naisagot ni Prin. She is excited to see her husband. Nagpatuloy lang siya sa pag-review hanggang sa huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang Chinese restaurant. Mag-isa si Prin na lumabas ng kotse at tanging cellphone lang ang bitbit papasok sa loob ng chinese restaurant. "To reservation room B." Sabi niya sa receptionist. "This way po." Nagsimulang maglakad ang babae. Sumunod dito si Prin. Nakita niya si Assistant Xander na hindi mapakali sa hallway. Base sa akto nito, sigurado na may hindi magandang nangyayari sa reservation room B. "Anong nangyayari?" Nanlaki ang mata nito nang makita siya. Hindi nito sigurado kung maganda ba ang timing niya o hindi. "M-miss Prin!" Kagat-kagat nito ang hinlalaki sa kamay. "Ma-mabuti pa Miss Prin uminom muna kayo ng tubig sa main hall¡­ tingin ko po nauuhaw kayo" Payo nito. Naghinala agad si Prin na may hindi magandang nagaganap. Pwede kasi siya nitong painumin ng tubig sa reserved room. Bakit kailangan niyang bumalik sa main hall? "Anong meron sa loob?" "Wala Miss Prin, hindi lang tapos ang meeting" katwiran nito. "Ahhh okay" tinalikuran niya si Xander at nagsimulang ipakita dito na pabalik na siya. Nang mapansin niya na nakampante si Xander, umikot si Prin muli at mabilis na nabuksan ang pintuan ng Room B. Kumunot ang noo niya sa nakita. Si Cally at si Luna lang sa loob, wala na ang iba pang kasama ng mga ito. Sakto ang pagbukas niya ng pintuan sa pagbuhos ni Cally ng tubig sa mukha ni Luna. Lumingon sa kanya si Luna na halatang natatakot. Kita niya na nakabukas ang ilang butones sa blusa nito, sakto lang na nakalitaw ang cleavage at Bra nito. Ang unang reaksyon ni Prin ay takbuhin si Cally at ipiring ang mata gamit ang dalawang palad niya. "Husbie, close your eyes! Come on! close your eyes!" Utos niya kay Cally kahit pa tinakpan na niya ang mata nito. "Mabuti pa na lumabas ka na dahil dumating na ang asawa ko. Pakisabi nga pala kay Mayor na hindi makakalusot sa akin itong ginawa niyo." Banta ni Cally kay Luna habang nakapiring ang mata. Takot na takot ang hitsura ni Luna. Si Xander sa labas ay hindi alam ang gagawin. Nagpasalamat na lang siya at mukhang hindi naman galit si Prin sa nakita nito. Iyon nga lang, kakaiba magbanta ang master niya sa oras na iyon dahil nasa likod nito ang asawa at pinipiringan ang mata. Kakaiba sa mga paraan ng banta ni Cally sa mga nakalipas. Tinawag ni Xander si Luna. "Miss Luna, mabuti pa na ayusin mo na ang sarili mo at umuwi ka na" Chapter 63 - Failed attempt Nagpunta si Cally sa chinese restaurant dahil kailangan niyang umattend doon bilang suporta sa Pelikula. Iyon ang sinimulan ng lolo niya na si Master Han kaya isa ito sa magaling na businessman dahil pinahahalagahan nito ang mga empleyado at tao sa opisina. Mula sa mga Board of Directors hanggang sa pinaka-maliit na trabaho ay mahalaga sa Pamilya nila. Binati siya ng Drektor, Managers at kung sinu-sino pa nang pumasok siya sa kwarto na pinareserba ng opisina para sa meeting na iyon.. Maayos naman ang lahat at wala siyang napapansin na kakaiba bukod kay Luna. Hindi kasi akalain ni Cally na makikita niya sa lugar ang babae. Panay puri ng Direktor sa babae na siyang pinaghinalaan niya. Akala siguro ng Direktor ay pumapatol siya sa kung kani-kanino lang. Dalawang buwan pa lang siya nang magbalik sa opisina at hindi naman bago sa kanya ang akto ng Direktor. Ang pagkakaiba nga lang sa akto nito sa iba ay masyado kung pabanguhin ng direktor ang pangalan ni Luna sa kanya. Mukhang hindi nito naiintindihan na hindi lang siya basta isang businessman, alam niya kung kailan masama ang intensyon ng isang tao at basura para kay Cally ang mga sinasabi nito. Sikreto siyang nagpadala ng mensahe kay Zuki para mabilisan nito na madiskubre ang lahat. [I need answers as soon as possible] ito ang ipinadala niyang mensahe kay Zuki. Sakto na natapos ang afternoon tea sa mga staff nang makatanggap si Cally ng mensahe mula kay Zuki. Ayon dito, isang kahina-hinalang transaksyon na nagkakahalaga ng kalahating milyon ang natanggap ng Direktor at nanggaling ang pera mula sa opisina ng Mayor. Nakaramdam ng suklam si Cally nang mabasa niya iyon. [Gather all the evidence] pinadala niya kay Zuki. When he said ''all'', he meant all. Pinahahanap niya ang lahat ng transaksyon ng Mayor na ikababagsak nito. Sinusubukan talaga siya ng Mayor. Binigyan niya ito ng pagkakataon nang nakaraang linggo pero mukhang ipapain pa nito ang anak sa kanya. Hindi lang iyon, ginagamit pa nito ang pera na hindi naman nito pag-aari. Isang kasuklam-suklam na gawain para kay Cally. Si Luna naman ay hindi makapaniwala na parang hangin lang siya sa mata ni Cally. Nagsuot siya ng s.e.xy pero sakto lang na magmumukha pa rin siyang mahinhin sa mata nito. Nang makita niya si Cally, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipusta ang lahat sa hapon na iyon. Hindi lang dahil sa kagustuhan ng Daddy niya, kun''di gusto niya mismo. Sa palagay ni Luna, ang presidente ang pinaka-angat sa lahat ng lalaking nakita niya. Kahit sinong babae ay mabibighani kay Cally. Aral at may sinasabi ang bawat pagkilos nito. Ni isang kurap ay hindi niya magawa sa harapan ni Cally. Nainis lalo siya kay Prin. Kung sana ay mas nauna niyang nakilala si Cally, malamang na siya ang nasa tabi ng lalaki. Nagpaalam na ang ibang crew sa meeting. Naiwan ang Direktor at si Luna. Pinilit ni Cally na magpaka-cool sa harapan ng dalawa. "Direktor, you wait outside." utos niya dito. Abot hanggang tainga naman ang pagkakangiti ng Direktor hanggang sa makalabas siya. Iniisip niya na mukhang kinagat ni Cally ang pain niya. Usapan nila ng Mayor na kapag nagtagumpay ang plano nito, ibibigay nito ang kalahating milyon pa. Sino ang hindi tatanggi sa pera? Bumungad sa Direktor si Assistant Xander sa hallway at inabot sa kanya ang isang tseke. "Ito na ang huling araw mo sa opisina, Tanggapin mo rin ito bilang huling sweldo mo. Salamat" pagbibigay-alam ni Xander. Nanlaki ang mata ng Direktor. "A-assistant Xander, ano pong ibig sabihin --?" Umismid lang si Xander. "Alam mo ang ginawa mo kaya hindi na ako magpapaliwanag." Matapos nitong sabihin ang bagay na iyon ay hindi na siya pinansin. Parang maiiyak naman ang Direktor nang makita ang laman ng Tseke. Limang daan? Ang kotse na gamit niya ay pag-aari ng MGM. Kaya parang binayaran lang ni Cally ang pang-taxi niya, sabihin na umuwi na siya sa bahay at huwag nang bumalik sa opisina. Sa loob ng kwarto, nakangiti si Luna na lalapit sana kay Cally pero pinukulan siya ng lalaki ng matalim na tingin. Kinilabutan siya sa tingin pa lang nito. Napalunok si Luna pero hindi siya tumigil. Sinimulan niyang tanggalin isa-isa ang butones ng blusa niya. "M-master, maybe we can.. You know" tinangka ni Luna na lapitan ang lalaki. "Huwag kang lumapit sa akin, kung hindi ay baka itapon kita sa bangin" banta ni Cally. Napahiya si Luna. pero sinubukan niya pa rin na tumayo para lapitan ito. Kinuha ni Cally ang kopita nito ng tubig at itinapon sa mukha ng babae. Iyon ang nabungaran ni Prin. Nakaramdam ng lunod at lamig si Luna. Kasabay ng takot sa lalaki. Agad naman lumapit si Prin sa asawa niya at tinakpan ang mata nito. Naaliw si Cally sa kinilos ni Prin pero pinilit pa rin niya ang sarili na takutin ang babae. "Miss Luna, wala ka bang nadinig sa sinabi ko? halika na!" sabi dito ni Xander. Nang tuluyan na makalabas si Luna, doon lang tinanggal ni Prin ang piring sa mata ni Cally. "Anong nangyari? My golly! Ganoon na ba ang fashion sa Pilipinas ngayon? Kailangan nakalitaw na ang bra?" Cally "..." Xander "..." Chapter 64 - Polluted eyesight Natatakot si Luna matapos lumabas ng restaurant. Hindi niya matanggap ang nangyari. Anak siya ng Mayor na isa sa mga malalaking syudad sa bansa kaya hindi niya matanggap na hiniya siya ni Cally Han. Kasalanan ito ng Prin na iyon! Malamang kung anu-ano ang sinabi nito kay Cally. Hindi siya papayag na alipustahin ng kung sino. Hiyang hiya siya na ginawa niya pa ang halos maghubad sa harapan ng lalaki, pero hindi man lang siya nito binigyan ng halaga o kahit ang mukha niya bilang anak ng Mayor. Sinira niya ang ibang parte ng damit niya at saka tumuloy sa loob ng bahay nila. Umiiyak si Luna na pumasok ng bahay. Agad niyang niyakap si Mayor na kasalukuyang nag-hihintay ng magandang balita. "Huhuhu¡­ Daddy¡­" "What happened?" tanong ng Mayor. "Pinagsamantalahan ako ni Cally." patuloy lang sa pag-iyak si Luna. Natuwa naman ang Mayor. Si Luna ay isang mabait na anak sa paningin niya. Kaya kahit pa gumawa ito ng kalokohan na ipadukot ang anak ni Rob Matsui ay naniniwala ito na hindi magsisinungaling si Luna. Sa tingin ni Mayor ay may hindi talaga maayos na pagkakaunawaan sa nangyari na iyon. "Okay lang iyan anak! Kakausapin ko si Master Cloud at hihingi ako sa kanya ng tulong para panagutan ka ni Cally." "Pero Dad, paano kung hindi nila pagbigyan ang hiling mo." "Luna, nakalimutan mo ba na Mayor ako. Kung hindi nila tayo pananagutan, humanda sa ''kin ang Cally na iyan dahil sisiguraduhin ko na ilalabas ko sa media ang ginawa niya sa iyo." Nakuntento naman si Luna sa sagot ng Daddy niya. Tumuloy siya sa kwarto at naniniwala na sooner or later mapupunta rin sa kamay niya si Cally Han. ===== Kinabahan si Xander dahil inisip niya na baka nag-isip na ng masama si Prin sa naganap. Lumabas muna siya ng kwarto at iniwan si Prin at Cally sa reserved room. Biglang hindi napakali si Prin. "What am I going to do?" bulong ni Prin sa sarili pero sakto lang para marinig ni Cally. Hinila ni Cally ang kamay niya at pinaupo siya sa binti nito. "Why?" tanong ni Cally. Tinitimbang ni Prin kung dapat ba niyang sabihin kay Cally ang nasa isip. Napakamot siya sa ulo. "Nothing¡­ Sa tingin ko na-pollute iyong mata mo dahil nakakita ka ng b.o.o.b.s." nakayuko na sabi niya dito. Naaliw si Cally sa katwiran ni Prin. "hmm..? I didn''t see anything." "Are you sure?" tanong niya. Nakita niya ang dibdib ni Luna pati ang pulang bra ng babae. Imposible na hindi iyon nakita ni Cally. Nagdududa ang tingin na pinukol ni Prin kay Cally. "If that really concerns you, show me your b.o.o.b.s to purify my eyes." Prin "..." "Com''on, show me." "I- I''m not gonna show you anything!" Nahihiya si Prin na nagtakip ng mukha. Natutuwa naman si Cally sa reaksyon niya. Naabutan na siya nito na inaakit ng ibang babae pero nagawa pa rin nito na mag-isip ng simple. Ang tanging ginawa lang ni Prin ay piringan ang mata niya at nag-aalala pa ito na baka nadumihan ng masama ang paningin niya. Her actions are unique. Kahit papaano ay nakakaaliw ang common sense ng asawa niya. "Gusto mong kumain?" tanong ni Cally. "Sa bahay nalang." "Okay, Let''s go home." aya ni Cally. "Wala ka nang gagawin?" "Wala na dito sa restaurant. Unless, you want to show your b.o.o.b.s" "Shut up¡­ Masyado kang bully¡­ l-last time, you only wanted a kiss. Bakit nag-u-upgrade ang mga gusto mo?" "Bakit? Ano ba ang gusto ko?" kunot-noo na tanong nito. Pulang-pula ang mukha ni Prin. "I don''t want to talk to you!" tinangka niya nang tumayo para iwasan ito pero hinila muli siya pabalik sa kandungan at siniil ng halik sa labi. Nilipad ng hangin ang diwa ni Prin. Hindi na nga nila namalayan na nagbukas ang pinto. They are kissing nang papasok sana sa loob si Xander para ipaalam na pinahatid nila sa crew si Luna. "ah Master ahm--" nanlaki ang mata nito at nagmadaling lumabas muli nang makita kung ano ang ginagawa ng mag-asawa sa loob. Ang hirap maging Assistant may ''psychological damage'' sa pagkatao niya. Kanina lang ay natatakot siya na baka hindi magkasundo ang mag-asawa. Hindi pa man nagtatagal ang sampung minuto, gumagawa na ng kamilagruhan ang dalawa. Ito ang mga nasa isip ni Xander. Chapter 65 - Dream guy Pauwi na si Bella nang makasalubong niya ang dating nobyo sa daan. Hinawakan siya nito bigla sa braso. "Hey!" angil niya. "Babe, sorry na. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako pumatol sa iba e. Kung pumapayag ka lang sana na may mangyari sa atin. E''di sana walang iba." Nakaramdam ng pagkasuklam si Bella. Bakit ba ngayon niya lang nakita ang ugali ng lalaking nasa harapan niya? Tama ba na sa kanya pa isisi ang dahilan. "shut up! Bitiwan mo ko! May boyfriend na ako!" Ngumisi lang ang lalaki at humigpit ang hawak sa braso niya. "Ipakita mo muna sa akin ang kung sino man ang boyfriend mo na iyan! Ang bilis mo naman yata akong palitan. Hindi ako naniniwala na may iba ka agad." ''Aba''t!'' Tiningnan niya ito ng pailalim. She really felt disgusted. "Ipapakita ko talaga sa iyo! Mas gwapo ng ''di hamak kaya na-inlove ako sa kanya. Lamang sa iyo ng sampung paligo!" Tumiim ang bagang nito. Hinigpitan pa lalo ang hawak sa braso niya. Akmang sasaktan muli siya nito pero tinuhod niya ang bayag nito. Iyon ang turo sa kanya ni Prin. Namilipit sa sakit ang dati niyang nobyo. Binelatan niya lang ito saka tumakbo pauwi. Dahil hinahanapan siya nito ng boyfriend, sinimulan niyang maghanap sa internet. ''Handsome guy'' ang nilagay niya sa search bar. Madami ang lumitaw na larawan ng kung sinu-sino. Karamihan ay celebrities. Ang hinahanap ni Bella ay yung tipo na hindi sikat, ma-appeal, matapang ang mukha para matakot ang walang hiya niya ng ex-boyfriend. Yung tunay na lalaki. Nakahiga na siya sa kama at inabot na siya ng gabi, wala pang pumapasa sa pamantayan niya ng tunay na lalaki. Matapos ang ilang oras, nakita rin niya sa wakas ang hinahanap. Pinagmasdan niya ang mukha ni kuyang pogi kahit naka-sideview ito ng bahagya. Makapal ang kilay, may pamatay na tingin, had an imposing - romanesque nose, at labi na para bang napakasarap i-kiss at kayumanggi ang kulay. overall mukhang papasa sa kategorya niya ng tunay na lalaki. Hanggang dibdib lang ang larawan kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Sa tingin ni Bella, matangkad ang lalaki. Isang halimbawa ng tall, dark and handsome. Hindi na siya nagdalawang isip pa na ilagay ang larawan ng lalaki sa kanyang timeline. ''My new boyfriend. Goodnight my loves!'' ang nilagay niya sa caption. How she wished na makita sa personal ang lalaking nasa larawan. ===== Patuloy na nagtatrabaho si Cally kahit nasa bahay. Nakayukyok lang si Prin sa braso niya na nasa ibabaw ng office table nito sa bahay at pinanonood ang seryosong mukha ni Cally na nasa kabilang bahagi ng mesa. "Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Cally sa kanya kahit pa nasa monitor ng laptop nito ang mga paningin at nagtitipa sa keyboard. "Gusto mo na bang lumabas ako?" paninigurado ni Prin. Inangat ni Cally ang paningin sa kanya. "Hmm¡­ Sit here para ma-inspire ako at bumilis ang trabaho ko para masamahan na rin kita matulog" pinagpag ni Cally ang binti. Nag-aatubili si Prin kung susunod kay Cally. "Gusto mo ba ako na ang magbuhat sa iyo?" Napatayo bigla si Prin at sumunod kay Cally. Umupo siya sa binti nito. Nagpatuloy si Cally sa pagtrabaho. Hindi maiwasan na mapagmasdan niya ang ginagawa nito na nasa screen. Puro graphs at kung anu-ano na hindi niya naiintindihan. Isa lang ang sigurado siya sa ginagawa nito. Boring! "What are those lines?" nasa isip ni Prin kung puro linya-linya lang pala ang ginagawa ni Cally pwedeng pwede siya na mag-apply sa MGM. "Those blue lines represent MGM''s revenues. Those red lines are expenditures. Huwag mo na ring alamin, I am sure you wouldn''t understand" sagot ni Cally na napapailing. Pinukulan niya ito ng masamang tingin. Sinuri niya pa ng mabuti ang chart para patunayan dito na naiintindihan niya rin ang ibig nitong sabihin. "3 thousand? Three thousand lang ang kita niyo?" Nagtaas ang kilay ni Cally. "What do you mean by three thousand lang?" Tinuro ni Prin ang mga numero. "This one" Pinitik ni Cally ang noo niya na agad niyang hinipo. "That is not three thousand, the chart is talking about billion. Do you see the word here? It says, in millions. Meaning lahat ng numero dito ay million. 3 thousand in a million, how much is it?" "Why would I care about that? Nandyan ka naman para intindihin" ang naging sagot ni Prin para makaiwas. Tulad ng inaasahan ni Cally, siguradong hindi nito naiintindihan. "Ang sabihin mo, hindi mo talaga nage-gets." napapailing si Cally sa kanya. Umirap lang si Prin. "By the way, kamusta ang school?" biglang tanong ni Cally. Naisip bigla ni Prin si Sean na sinimulan na naman siyang guluhin. Napakamot sa ulo si Prin at hindi makatingin kay Cally. "Akala ko ba bibilisan mo magtrabaho?" iwas niya dito. Too bad she is talking to Master Cally. Humalukipkip si Cally at pinag-aaralan ang mukha niya. Kinuha nito ang Cellphone na nasa tabi ng laptop. Pinindot lang ang isang numero sa keypad. "Xander, please investigate what happened to your miss today." iyon lang ang sabi at binaba na nito ang tawag. Prin "...." Sa sobrang bilis ni Cally, hindi man lang siya naka-alma. Sinara ni Cally ang laptop nito at hinarap siya. "Hihintayin ko ba ang balita ni Xander." "Well, wala namang iba bukod kay Sean. h-he gave me flowers and balloons." sabi niya. Naging seryoso bigla si Cally. Mukhang kailangan niyang i-level up ang ''proteksyon'' ni Prin. Chapter 66 - Secret Girlfriend Pawis na pawis ang lahat matapos mag-eensayo ang Dark Guards ng jiu jitsu. Nasa Senior Black Team na ang mga kasama ni Prin noon na si Kai ang pinuno at kada taon may mga nare-recruit na bagong trainees. Hinihingal si Kai na umupo sa harap ng maliit nilang kubol. Dalawang tao ang lumapit sa kanya. Si Ana at si Tom na bagong miyembro na ang code ay MB002. "Leader MB5!" sabay na sabi. "Sige, ladies first." mungkahi ni Tom. "Nah! You first." sabi ni Ana dito. Hindi naman ganoon ka-importante ang sasabihin niya kay Kai kaya nagpaubaya siya. "Leader, May email kayo mula kay Shi Cally." pagbibigay-alam nito. Trabaho kasi ni Tom ang magmonitor sa emails nila. Kumunot ang noo ni Kai. Bibihira na padalhan siya ng mensahe ng Master nila. Pwera na lang kung importante. "Sige titingnan ko mamaya." sagot ni Kai. Hinarap naman nito si Ana. "Ikaw naman, ano ang kailangan mo? Tsk! may bitbit ka na namang cellphone." kita sa mukha nito ang disgusto. Ayaw na ayaw kasi ni Kai na ipakita sa mga trainees ang mga cellphone ng mga Dark Guards lalo na sa training area bilang respeto na rin sa mga ito. "Sorry Leader, na-excite lang ako. Itatanong ko lang kung bakit hindi mo sinasabi na may girlfriend ka na pala." Tumaas ang kilay ni Kai. "Girlfriend?" Tinapat ni Ana ang cellphone sa harap ng mukha niya. "Hindi ba ikaw ''to?" tinuro pa ang larawan. [My new boyfriend. Goodnight my loves!] ang nakalagay sa caption. Picture niya iyon sa Profile nila sa Dark Guards. Paanong napunta iyon sa internet? Naalala niya na parusa nga pala niya iyon kay Lorenz ng nakaraang buwan sa pustahan nilang dalawa. Ginamit ni Lorenz ang larawan niya at pinadala sa social group sa internet na ''Mr. Pogi'' Puro larawan ng kung sinu-sino ang nasa group na iyon. Gumanti lang talaga ito sa kanya dahil pinarusahan din ito ni Cally at ganuon din ang ginawa dito ng master nila. Nagtaas ang kilay ni Kai. Sinuri niya ang profile pic ng babae. Naka-bun at may headband pa na bulaklakin ang nakapatong sa buhok nito na kulay light brown, bilugan ang mata na kumikinang na parang bituin, wala man lang eyebags, maganda, makinis ang mukha at ang kinaaayawan niya sa lahat --mukhang pabebe! "Hindi ko siya kilala." simpleng sagot niya at binalik kay Ana ang cellphone. "Ahem¡­ Sigurado ka na hindi mo girlfriend ''to? Maganda ''yung babae." nakangisi na sabi ni Ana. "Nah! Not interested." ===== Patungo si Prin sa susunod na klase nang makasalubong niya ang Mommy Ginny niya. Napatunayan niya na mukhang hindi nagbibiro si Cally na magtuturo ito doon sa school nila. Mapagkakamalan ng kahit na sino na nasa trenta mahigit lang ang Mommy Ginny niya pero malapit na talaga itong mag-fifty. "Mommy Ginny." masayang bati niya dito at nakipag-beso sa pisngi. "Prin, how are you? Kamusta ang pag-aaral mo?" pangangamusta nito. Napakamot sa ulo si Prin. Matatalino kasi ang mga anak nito kaya nakaramdam siya ng kaunting hiya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya ''belong'' sa pamilya nito. "Mommy Gin, Hindi po ako ganoon katalino pero pasado naman po ako. Everyday nagkikita kami ni Cally para mag-aral sa opisina niya." nakayukong kwento niya. Ngumiti ito sa kanya. "Huwag ka nang mahiya." bigla itong tumawa. "Look at your Dad and your Daddy Cloud, they were the most pasaway during our college days but look at them now. Your Dad owns hundreds of ''White Devil Bars'' in the world. Your Daddy Cloud is the MGM chairman." tinapik siya nito sa balikat. "Kaya wala kang dapat alalahanin, you are doing your best. Kung tutuusin hanga ako sa iyo, at the age of fourteen alam mo na agad ang pangarap mo sa buhay. And you are one of the best Dark Guards" kumindat pa ito sa kanya. "You are doing great¡­ Punta ka na sa klase mo at baka ma-late ka pa. Samahan mo ako na mag-shopping sa weekend ha." Natuwa naman siya sa imbitasyon nito. "Sure. Sige po" "O siya, umuna ka na at may klase ka pa." sabi nito. Nakangiti si Prin na nagpaalam. Bigla niyang namiss ang Mommy niya na nasa HongKong sa kasalukuyan dahil sa business. Tumuloy siya sa klase, ang totoo ayaw niya sa klase niya na iyon dahil hindi niya gusto ang professor na mukhang manyak. Iyon nga lang, ayaw niya na sabihin ni Cally na sumusuko siya sa mga klase kaya patuloy lang siyang pumapasok. Professor niya ang lalaki sa Literature subject na isa pa sa mga ayaw niya, si Mr. Torres. Nababalitaan niya sa ibang estudyante na madalas manghipo ang lalaki na nasa edad kwarenta pataas ang edad. Wala pa naman ginagawa sa kanya ang lalaki kaya kalmado lang siya. Saka subukan lang nito, hindi siya magdadalawang isip na pakainin ito ng whiteboard eraser. Ito pa lang ang nasa isip ni Prin na hindi niya akalain na susubukin agad siya sa araw na iyon ni Mr. Torres. Chapter 67 - Sicko Perv! Matapos ang klase, pinatawag siya ni Mr Torres sa table sa bungad habang isa-isang nagsisilabasan ang mga kaklase niya. "Kunin mo yung silya at umupo ka dito sa harap." sinunod naman niya ito. "Gusto kong ipaalam sa iyo na mababa ang grado mo." panimula nito. Nadismaya si Prin. Madalas kasi na puro subjects nito ang pinapaaral sa kanya ni Cally. "Naku Sir, ginagawa ko na po ang magreview." Tinanggal nito ang salamin sa mata at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit sa kanya at hinawakan siya sa balikat. "Alam mo Miss Matsui, pwede naman kitang ipasa..." sabi nito na pinilit na lambingan ang boses. Ang mga palad nito ay humagod mula balikat niya hanggang sa braso. Nakaramdam ng pandidiri si Prin sa ginawa nito. "Kailangan mo nga lang galingan. Magkita tayo sa tapat ng isang motel mamayang gabi." nakangisi na sabi nito. Pinisil pa nito ng bahagya ang braso niya. Nag-init agad ang ulo ni Prin dahil sa ginawa ng Professor niya pero pinilit niya ang magpaka-cool. "Ano pong ibig niyong sabihin, Sir Torres" "Ano pa nga ba, alam mo na iyon..." makahulugan na sabi. "Alam niyo Sir, may nadidinig na kasi ako tungkol sa inyo. Pasensya na po pero, hindi po ako payag." tanggi niya. "Miss Matsui, maganda ka. Tsk! Sigurado na sakto ang ganda mo sa manoy ko" diretsahang sabi nito. Doon na tuluyan na hindi napigilan ni Prin ang sarili kaya inikot niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at pinilipit iyon. "Ahhh!" hiyaw nito. May mga nakarinig na estudyante sa labas ng kwarto kaya sinilip sila ng mga ito. "Tulong! Tulungan niyo ako! Sinasaktan niya ako!" sabi nito sa mga estudyanteng nasa labas. Nagsipasukan naman ang mga ito para tulungan ang professor nila. "Huwag kayong lalapit!" banta niya sa mga ito. "Prin, huwag mong saktan si Sir." hiling ng mga ito na gumilid at takot na lapitan siya. Hindi niya pinansin ang mga ito. "Alam niyo Sir, kulang pa yan!" singhal niya dito. Binali niya ang hinliliit ng daliri nito. Rinig ng lahat ang lagutok ng daliri ng Professor nila. Nanlaki ang mata ng mga estudyante. Naisip ni Prin kung ilang babae na ang namolestya ng lalaki sa school kaya sa pananaw niya kulang pa ang hinliliit ng lalaki. Dapat niyang pantayan ang mga basag na buto ng daliri nito sa mga namolestyang babae. Nabigla naman ang iba niyang kaeskwela kahit hindi alam ng mga ito ang nangyari. Tumawag ng guard ang mga ito. "Ahh saklolo! Saklolo!!!" hiyaw nito dahil nasa ikalawang daliri na nito ang binali ni Prin. Tila demonyita ang hisura ni Prin ng mga oras na iyon. Hanggang sa dumating ang guard at ang Dean. Doon lang siya nahimasmasan kaya binitawan niya ang lalaki. "Miss Matsui, anong nangyari? Bakit ka nananakit ng Professor mo?" tanong ng Dean. "Sinaktan niya ako, Dean! Tingnan niyo masakit ang mga daliri ko. Nakita niyo? nakita niyo ang ginawa niya, di ba? Paalisin na sa school ang babaeng iyan!" Kilala siya ng Dean bilang asawa ni Cally kaya kalmado lang ito sa harapan niya. Lalo at naroon sa eskwelahan si Ginny na Mommy nito. "Miss Matsui, binibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag." kalmadong sabi nito. "Dean, huwag niyo nang alamin pa! Aw! aw !" sabi pa nito na tila nasasaktan sa nabaling mga daliri at hinihingi ang simpatya ng lahat ng tao sa paligid. Nakaismid lang si Prin. "Tama lang iyan sa kanya, Dean" Napasinghap ang mga ka-eskwela niya. "Grabe, ang laki agad ng ulo niya!" "Siya na nga itong nakasakit, siya pa ang matapang" "Mukhang masakit ang ginawa niya kay Sir" ilan lang ito sa mga bulungan sa paligid. Napansin naman ni Mr. Torres ang reaksyon ng mga estudyante. Dinuro siya nito "tingnan mo Dean, kung gaano ka-walanghiya ang babaeng iyan." "Magtigil ka, Mr Torres! Kung ako sa iyo ay gugustuhin ko na magtigil!" singhal ng Dean. "Kung ganoon dadalhin ko sa hukuman itong ginawa mo!" pananakot ni Mr. Torres Isang bulto ang lumitaw mula sa pintuan at agad na lumapit sa kanya. "Anong nangyari, Prin?" Tanong ni Ginny. Narinig nito ang pangalan ni Prin na may sinasaktan na professor sa loob ng kwarto kaya bigla itong tumakbo papunta sa kalapit na classroom. Naluha naman si Prin nang makita ang Mommy Ginny niya. Nahiya kasi siya dito. Nag-aalala siya na baka isipin nito na pasaway siyang estudyante at daughter-in-law. Nagkita lang sila nito ilang oras ang nakalipas pero masama na agad ang pinakita niya. "Sinaktan niya ako, Miss Ginny!" galit na sabi ni Mr. Torres. Kilala si Ginny ng mga professor doon at hanga sa kanya ang mga ito. Isa pa, asawa ito ni Master Cloud. "Anong dahilan kung bakit ka niya sinaktan?" usisa ni Ginny. Napatigil ito saglit. "Hindi ko alam sa kanya, pinag-uusapan lang namin ang grades niya tapos bigla niya akong sinaktan." pagsisinungaling ni Mr. Torres. Galit na galit ito. "Tatawag ako ng pulis, irereklamo kita dahil malinaw na pananakit ang ginawa mo!" dagdag pa nito. Tahimik lang si Prin na lumuluha. "Sige, mabuti pa nga na tumawag ka ng pulis!" hamon ni Ginny. Kilala nito si Prin mula pa bata. Isa pa, may prinsipyo ang lahat ng Dark Guards at naniniwala si Ginny na hindi basta-basta mananakit ang daughter-in-law niya. Chapter 68 - She harmed our school teacher Nabigla si Mr Torres sa hamon dito ni Miss Ginny pero hindi nito pinahalata. Halata kay Mr. Torres na desidido ito na idemanda si Prin. Ilang saglit lang, hinimatay ito dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Prin sa dalawang daliri nito. "Ahhh--!" hindi mapigilan na mapatili ang ilan sa mga kaeskwela niya dahil sa bigla. Nagkagulo ang mga nasa loob at labas ng kwarto. "Dalhin niyo siya sa ospital." utos ng Dean sa mga estudyante at sa guard. Hinarap siya nito pagkatapos. "Miss Matsui, sumama ka sa akin sa opisina ko." Hinahagod naman ni Ginny ang likuran niya. "Come¡­ Let''s go sa office ng Dean. Sasamahan kita okay." Tumango lang si Prin. Tama ang ginawa niya kay Mr. Torres pero nakaramdam pa rin siya ng hiya sa harapan ng biyenan niya. Habang naglalakad patungong opisina ng Dean, kakaiba ang tingin sa kanya ng mga estudyante sa paligid. Ang iba ay nagtataas ng kilay. Ang iba ay nagtataka kung bakit kasama siya ng Dean. Sa classroom kung nasaan si Bella, nagtataka siya kung bakit wala pa si Prin sa klase. "Classmates, please check at the school forum online. Prin was there again!" sigaw ng isa na kapapasok lang ng kwarto. Narinig ni Bella ang sinabi nito. Kinuha niya ang cellphone dahil na-intriga siya sa sinabi ng kaklase niya. She checked the School''s online forum. [PRIN MATSUI HARMED MR TORRES!!!] at may nakaakibat pa na larawan sa ibaba ng posted forum. Hawak ni Prin ang isang braso at daliri ni Mr. Torres sa larawan. Ito ang post ng isang ka-eskwela nila na agad na kumalat hindi pa man lumilipas ang isang oras. "Oh my god! Anong nangyari? Bakit niya sinaktan si Mr. Torres?" "Narinig ko na dinala siya sa opisina ng Dean!" "At saka dinala daw sa ospital si Mr. Torres. Bago pa lang si Prin pero andami niya ng kalokohan na ginawa dito sa school." "Masyado kasing nagmamaganda" Hindi napigilan ni Bella na magalit sa mga nadidinig. "Magsitigil nga kayo! Malamang may ginawa yang si Mr. Torres sa kanya!" nagagalit na sita niya sa mga ito. Lumabas siya para sundan si Prin sa opisina ng Dean. Si Bella ang nagkwento sa kaibigan ng mga nakalipas na araw na may mga minamanyak ang lalaki at isa siya sa mga muntikan ng maging biktima nito. Tinawagan niya lang ang Daddy niya noon at nagpasundo siya sa sa school. Matapos iyon, iniwasan niya na ang Mr. Torres na iyon. Sa opisina ni Dean, Kinausap nito at ni Ginny si Prin kung ano ang talagang nangyari. "Kasi po Dean, sinubukan niya po ako na pagsamantalahan. Sinabihan niya po ako na mababa ang Grades ko na pwede naman pong tumaas kung papayag ako na makipagtalik sa kanya" nakayukong kwento ni Prin. Nabigla naman si Ginny sa sinabi niya. Tahimik lang ang Dean. Naririnig niya lang mula sa iba na may ginagawa ngang kabastusan si Mr Torres sa mga estudyante nito pero kapag tinatanong naman niya ang mga estudyante na kasangkot, pilit na tumatanggi ang mga ito na magsalita. "Kung ganoon kulang pa ang ginawa mo sa kanya! Dapat binali mo pati daliri sa paa" galit na sabi ni Ginny. "Kaya ka ba naiyak ay dahil natatakot ka na idedemanda ni Mr. Torres? Huwag kang matakot" sabi ng Dean. "Hindi po ako natatakot Dean. Hindi po iyon ang dahilan kung bakit ako naiyak." Tumingin siya kay Ginny. "Nahihiya po ako kay Mommy Ginny, kaya ako naiyak" Natouch naman ito sa sagot niya. Niyakap siya nito. "Wala kang dapat ika-hiya sa akin¡­ Dean, iuuwi ko na po si Prin." paalam ni Ginny. "Mabuti pa nga Miss Ginny" huminga ito ng malalim. "Prin, nakahanda ka ba kung sakaling idedemanda ka niya?" tanong nito. "Nakahanda po ako Dean." sabi ni Prin. Sa pananaw niya, wala siyang maling ginawa. Lumaban lang siya bilang babae. Lumabas na sila ng opisina nito. Nabigla si Prin na napakadaming estudyante sa labas ng opisina ng Dean. Mukhang nakikiusyoso ang mga ito sa kanya. Nakita niya si Bella na nasa bungad pati si Sean na nasa isang gilid. "Why are all of you here? Hala! Balik sa Klase!" Sita ng Dean. Agad na nagsipag-alisan ang mga ito dahil sa takot. Lumapit agad sa kanya si Bella at hindi pinansin and Dean kahit pa natatakot din ito. "Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. "Okay lang ako. May klase tayo ah. Bakit nandito ka? Tumuloy ka na sa klase. I am okay" "Basahin mo ang school forum. Chat with you later" sabi lang nito saka nagpaalam na babalik na din sa klase, lalo at masama ang tingin ng Dean kay Bella. Si Ginny naman at si Prin ay nagpatuloy na sa paglakad hanggang Parking. Pero hindi akalain ni Prin na makikita doon si Cally na naghihintay sa tapat ng sasakyan nito. Chapter 69 - Returning Favor Nagmadali agad si Cally patungong school ni Prin nang mabalitaan niya mula kay Xander ang nangyari dito. Nitong mga huling araw ay napag-alaman niya na laging laman si Prin ng online forum sa school website nito kaya pinababantayan niya ang forum na iyon. Nagsimula ang lahat nang makita niya ang posted forum ng tahasang panliligaw ni Sean sa asawa niya na siyang pina-block niya sa pinsan na si Mat-mat na nasa Amerika sa kasalukuyan. Hindi mapalagay si Cally lalo na nang mabasa niya ang mga komento sa forum na iyon. They are cursing his wife. Gusto niyang ipasara bigla ang online site ng school. Ngayon, wala siyang ideya sa nangyari na lalong nakadagdag sa tensyon niya. Hindi siya mapakali habang daan kaya kahit si Assistant Xander na nagmamaneho ay tahimik at halos bilisan na ang pagmamaneho mapuntahan lang nila si Prin. Kapag ganoon si Cally, mas nakakatakot ito kumpara sa mga awra nito na nagpapakita ng disgusto. Tinatawagan ni Cally si Prin pero hindi ito sumasagot sa kabilang linya. He called his Mom too, pero hindi rin ito sumasagot. Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng school ni Prin, mas dumoble ang tensyon ni Cally at hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa loob, kaya si Xander ang pinapasok niya sa loob ng gusali para alamin sa Dean kung ano ang nangyari. Naghintay siya sa tapat ng sasakyan. Ilang saglit lang, nakita niyang lumabas si Prin at ang Mommy niya. Tila lumundag ang puso ni Prin nang makita si Cally na nakasandal sa sasakyan nito. Siguradong pinuntahan siya doon ng asawa niya dahil nabalitaan nito ang nangyari sa kanya. That small gesture really matters to her. Tinakbo niya agad ang asawa kahit pa ilang metro ang layo niya dito. Agad siyang yumakap sa leeg ni Cally, tumingkayad at hinalikan ito sa labi. She doesn''t care about the world nang mga oras na iyon. Wala siyang pakialam kahit pa nasa paligid ang Mommy Ginny niya o kahit may mga estudyante na nakatingin pa sa kanila sa mga oras na iyon. What she needed that moment is Cally''s embrace. Kahit na nabigla si Cally sa inakto ni Prin, nagustuhan niya ang ginawa nito. Sinuklian naman niya ng yakap ang inakto ni Prin. Tila nakalimutan niya ang dahilan kung bakit siya sumugod sa eskwelahan nito nang biglaan. Para bang kinokontrol ni Prin ang lahat ng diwa na meron siya. Ang mainit na halik nito, ang yakap nito sa leeg niya na sinuklian niya rin ng mainit na yakap at ayaw niya na itong pakawalan pa. Wala ni isa sa kanila ang gustong magtapos sa sandali na iyon. Gustong masigurado ni Prin na hindi isang panaginip si Cally. Hindi akalain ni Prin na ang inakto niya na iyon ay matutuloy sa loob ng kwarto. Sinindihan niya ang apoy na namamagitan sa kanilang dalawa. Pagbukas pa lang ng pinto, agad na siyang tinulak ni Cally sa pader at agad na pinagpatuloy nito ang naputol na halik sa parking lot ng eskwelahan. Hindi na nakapag-isip ng maayos si Prin, gusto niyang banlawan ng yakap at halik ni Cally ang paghaplos na ginawa sa kanya ni Mr. Reyes sa braso niya. He lifted her up at dinala siya nito sa king-sized bed. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at hindi na namalayan ni Prin kung ano ng mga sumunod na naganap. Pinuno ng mga pag-ungol ang kwarto na iyon hanggang sa kapwa sila napagod. Cally is so sweet in her heart. His movement was sweet. All she did was kissing him back while lying on the bed. He is kissing while thrusting her slowly as if he wanted to enjoy every moment and every inch of her. Sino ba ang hindi mai-inlove sa kanyang Prinsipe? Habang nagtatagal mas napapalagay ang loob ni Prin at mas lumalalim ang pagmamahal niya kay Cally. He ended their physical activities with a kiss on her forehead. ===== Nagising si Prin dahil hinahaplos ni Cally ang pisngi niya. "hmmm¡­" ungol niya at pinilit na sumiksik sa dibdib nito. "ehh, mukhang hindi mo ako titigilan hanggang sa wala na akong mailabas." tudyo ni Cally sa kanya. Inangat ni Prin ang mukha niya dahil sa nadinig. "Excuse me, all I want is to sleep. Ikaw diyan ang manyak tapos sa akin mo isinisisi." "Honey, did you forget what happened earlier? You are the one who initiated the fire. You hugged me and kissed me. You kissed me like a jellyfish in the sea. You see this?" tinuro ni Cally ang namumula nitong marka sa dibdib. "As a gentleman, I just wanted to return the favor." "Favor your *ss!" nahihiya na singhal niya saka siya tumalikod. Niyakap siya nito muli. "That Mr Torres sure have the guts" narinig niyang sabi ni Cally habang yakap siya nito mula sa likuran. "Sisiguraduhin natin na makukulong ang manyak na iyon." Chapter 70 - Remember this Girl Kinuha ni Prin ang Cellphone niya at binasa ang forum sa school. Karamihan ay kung anu-anong mga panget ang sinasabi tungkol sa kanya. Hindi naman niya pinansin ang mga ito dahil naniniwala siya na lalabas din ang totoo. Sa halip nagsimula siyang magtipa sa keyboard. [PrinMatsui: Binali ko ang mga buto ng daliri niya sa kamay. So what?!] then, she posted it in her own profile. May mga nag-react kaagad at kung anu-ano muli ang reply sa kanya hindi pa man lumilipas ang dalawang minuto. Puro masasama ang mga sinasabi sa kanya at karamihan sa mga ito ay puro fans ni Sean. [Gosh! you are so bold! Get out in our school!] [Hindi na kami magtataka kung sa susunod ay estudyante na ang saktan mo] [He is one of the best teachers, samantalang ikaw? Hmp! Good luck!] Noon niya lang nakikilala ang tunay na mga ugali ng mga estudyante sa school, pati ang mga kaklase niya mismo ay nagagalit sa kanya nang hindi man lang inalam ang sinimulan ng pangyayari at katotohanan. ''idiots!'' Balewala naman kay Prin ang opinyon ng mga ito. "Mamaya ka na mangulit diyan sa cellphone mo. Kumain ka muna" sabi ni Cally na nasa tapat na mesa. Binaba niya ang cellphone sa gilid at sinimulan niyang kausapin si Cally dahil wala siyang gana. "Anong plano mong gawin kay Mr. Torres?" usisa niya kay Cally. "Nasabi na sa akin ni Xander na 15 students ang mga namolesya at napilit ng manyak na ''yon na makipagtalik sa kanya. Most of them are minors. Iba pa yung mga umayaw sa kanya. Sa ngayon, masarap siyang natutulog sa bahay." Tumalim na naman ang tingin nito ng mapag-usapan si Mr Torres. "I am gathering evidence kaya may mga kasama kang iba pa na magrereklamo sa kanya. Hindi pa man nagsisimula ang Mr Torres na iyon na balikan ka, mauunahan mo na siya." sabi nito. Tumango si Prin. "Salamat kahit na naiinis ako. Dinamihan ko dapat yung binali ko sa mga daliri niya!" matigas na sabi niya. "Don''t worry! Just sit and relax tonight. All you have to do is to be sure making me happy" Inirapan niya ito. "Tomorrow morning, sigurado na nakaganti ka na sa kanya." makahulugan na sabi nito. May pagtataka sa mukha ni Prin na tumingin kay Cally. "What did you do?" "We are using his wife. Binigyan ni Xander ng ebidensya si Mrs Torres." Kumunot ang noo ni Prin. "I don''t understand" Huminga ng malalim si Cally at napailing "Hindi na bago na hindi mo naiintindihan, mas magugulat ako kung bigla mong na-gets" Mabilis na binato ni Prin ng mansanas ang asawa niya. Sinalo naman ni Cally agad. "See? even my reflex is faster than yours." Inikutan niya na lang ito ng mata. Ilang saglit lang, lumapit sa kanya si Cally. "W-what is it?" tanong niya. "Just wanted to know kung saan ka hinawakan ng Mr Torres na iyon." Napayuko si Prin. Tama ba na tanungin ang bagay na iyon sa asawa na na-molestya? "S-sa Braso" Halata na hindi nito nagustuhan kahit pa sa braso lang siya nahawakan ng Prof na iyon. "where else?" "Wala na¡­" "Halika. Baka nag-iwan ng bacteria ang kamay noon at magka-galis ka pa" inakay siya nito at dinala sa sofa sa sala. Kumuha si Cally ng alcohol. Just what the heck is happening? Sa isip ni Prin. Wala siyang nagawa kun''di panoorin ito na pinaliliguan ang braso niya ng alcohol. ===== Kinabukasan, naging laman ng balita si Mr. Torres. Nakatali ito sa puno, nakabusal ang brief nito sa bibig, nakahubad at tanging placard lang ang nagtatakip sa maselan na pagkalalaki nito ''Huwag niyo po akong tularan. Manyak po ako'' Tanging ungol lang ang maririnig sa Professor. May bahid ng dugo ang binti nito na nagmumula sa pinaka-maselan na parte ng katawan. Nireport ng mga mamamayan sa lugar si Mr Torres sa mga pulis. Dinala ito sa ospital at nakita na pinutol nga ang ''pag-aari'' nito. Naging katatawanan siya kahit sa loob ng ospital. Sa sobrang kahihiyan ni Mr. Torres wala na itong maipakitang mukha sa kahit na kanino. Makalipas ang isang araw, isang bisita ang hindi niya inaasahan. Si Cally, kasama si Xander na nasa likuran. Hindi nito kilala si Cally o kahit namumukhaan. Matalim ang tingin ni Cally sa lalaki. Unang binagsak ni Cally ang larawan ni Prin sa harapan nito. May pagtataka sa mukha ni Mr. Torres. "Gusto kong tandaan mo ang mukha ng babaeng iyan. Dahil sigurado na masasabi mo sa sarili mo na nagkamali ka ng huling nabiktima." Dumaloy ang kilabot sa ugat ni Mr Torres sa paraan ng pagsasalita ni Cally. Lalo at dinurog ng babaeng ito ang dalawang daliri niya. "S-sino ka?" halata na kinakabahan ito. Sa awra ni Cally, may ideya si Mr Torres na hindi isang simple ang lalaki. "You don''t deserve to know. You have plans to sue her right." umismid lang si Cally at sumenyas kay Xander. Inilapag ni Xander isa-isa ang mga larawan sa harapan ni Mr. Torres at habang tumatagal ay mas dumodoble ang takot nito. Student A, 16 yrs old Student B, 17 yrs old Student C, 16 yrs old Hangang sa mapakita sa lalaki ang lahat ng larawan. May mga takip ang mata ng mga kababaihan. Gayunpaman, kilala ni Mr Torres ang lahat ng mga larawan doon na mga na-molestya niya. Chapter 71 - The Man in the Photo [Feibulous :May pagkamaselan po ang isang parte sa chapter na ito, kaya kung kayo po ay nasaktan o hindi komportable, humihingi na po ako ng pasensya] Matalim at pailalim ang tingin na binibigay ni Cally kay Mr. Torres. "Too bad you messed with my girl. What exactly did you say to Miss Matsui?" tanong ni Cally. Nakausap ni Xander ang ilan sa mga biktima ni Mr Torres at halos pare-parehas ang sinabi nito sa lahat ng mga estudyante nito. Kaya kahit hindi pa alamin ni Cally kung ano ang sinabi nito kay Prin, may ideya na ang Master niya. Hindi sumagot si Mr. Torres dahil sa takot. Just what kind of person is the man in front of him? What kind of person is Miss Matsui? "Sorry¡­ I thought she was simple. Hindi ko na... uulitin" "Talagang hindi ka na uulit." makahulugan na sabi ni Cally. Nakuha naman nito agad ang ibig sabihin ni Cally. Hindi na makita sa awra niya ang mukhang matalino at matapang na Professor. Takot at pagkailang ang awra nito sa harap ni Cally. Pinainom ito ng pampatulog ni Mrs Torres saka ito pinutulan ng ari dahil sa sobrang galit. Hindi lang kasi mga estudyante ang lumitaw sa imbestigasyon ni Xander. Pati ang pamangkin ni Mrs Torres ay hindi pinalagpas ng lalaki. Ang grupo ni Zuki ang tumulong naman para itali ang lalaki sa isang puno habang walang itong malay. "See you in court then." huling banta ni Cally. ===== Nang mabalitaan ng buong eskwelahan ang nangyari kay Mr. Torres bigla silang nakaramdam ng hiya kay Prin. Kumalat kasi sa mga dyaryo at online news ang ginawa na katarantaduhan ng Professor nila. Sobrang detalyado ang mga nasa balita, hindi nilabas sa publiko ang mga pangalan ng mga biktima dahil mga bata pa ang mga ito. Nalaman na din sa wakas ang dahilan kung bakit ito sinaktan ni Prin. Kanya-kanyang pasensya ang lahat ng estudyante sa kanya. Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nilapitan si Prin ng mga kaklase niya. Binigyan siya ng kung anu-ano. Tulad ng lipstick, wallet, gift card, burger at juice. "Humihingi kami ng sorry, Prin... Masyado kaming nagpaniwala sa mga nakita at nabasa namin. Sorry¡­" sabi ng isa sa mga nagbigay sa kanya ng regalo. Isang tipid na ngiti lang ang naisagot niya. Natutuwa si Prin dahil bukod sa nasagot ang isyu, may mga nakukuha pa siya na libreng regalo. Nang dumating ang hapon... "Prin, someone is looking for you outside" pagbibigay-alam ng kaklase niya. Nagtaka si Prin. Wala kasi siyang ibang kaibigan sa school bukod kay Bella na nasa tabi niya. Kung si Sean muli ang bisita, bibigyan niya na ng isang malakas na upper cut ang lalaki dahil masyado nitong ginagalingan ang pang-i-stalk nito. Nangingiti naman si Bella at iniisip na baka si Cally ang naghahanap kaya sumunod ito sa kanya sa pintuan. Nabigla si Prin na makita si Kai na nakasandal sa gilid ng pinto. "MB5?! woi!Ahhh!!!" Agad siyang yumakap dito. Natuwa siya na makakita ng Dark Guard kahit pa nagtataka siya kung bakit ito nasa loob ng eskwelahan nila. "Hey! ''wag masyado malapit sa akin!" Sita nito. Kapag nalaman ni Cally kung paano ito dumikit sa kanya, ewan na lang niya. Nagulat siya kung anong klaseng email ang sinabi sa kanya ni Tom, iyon pala pababantayan sa kanya ni Cally ang asawa nito. Gusto niyang magprotesta pero wala siyang magawa. Kailan pa nangyari na magbantay ang isang Dark Guard sa kapwa Dark Guard? Ang pinaka-ayaw niya pa sa lahat ay kailangan na mag-enrol din siya doon sa school ni Prin para magawa ng maayos ang mission niya. Habang nag-iisip, doon niya lang napansin ang babaeng nakasunod kay Prin. "Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Prin. Hindi sumagot si Kai dahil sinusuri nito ang babae na nakanganga sa likod ni Prin. Sa personal ay mas maliit ang babae. Nasa limang talampakan lang ito at dalawang pulgada kung tatanggalin ang heels na suot nito. Katulad ng nasa larawan, makinis ang mukha at kumikinang ang mata. Nakaayos ang bangs nito at naka headband na puro puso ang disenyo. Nakasuot ng pulang blusa at jeans na palda na sakto lang ang haba sa pamantayan ni Kai, hindi malandi, at hindi pa-manang. Natulala si Bella na makita sa harapan ang aktwal na lalaki na ginamit niya bilang boyfriend. Hindi napigilan na mapanganga siya. Mas gwapo kasi ang lalaki sa personal kumpara sa larawan. Napalunok si Bella dahil sobrang gwapo ni kuyang pogi sa personal. Ngumisi ito sa kanya na ikinapula ng pisngi niya. "Tingnan mo nga naman o at napakaliit ng mundo." sabi ni Kai. "No! No! That''s not me! I am not the one who used your photo as my boyfriend" pilit na tanggi ni Bella. Huli na ng maisip niya na nahuli siya sa sarili niyang dila. Bigla niyang pinukpok ang sariling ulo. Chapter 72 - Conceited Sean Nakagat ni Bella ang labi niya dahil sa sobrang kadaldalan. "Huh? ginamit mo ang picture ni Leader MB5 bilang boyfriend mo?" hindi makapaniwala na tanong ni Prin. "MB5?" ulit at tanong ni Bella. Tinuro ni Prin si Kai. "This guy? Oh! Sorry, he is Kai Jeon Jang" pakilala ni Prin. Biglang natutop ni Bella ang bibig nito at halatang nagpipigil ng tawa nang madinig ang buong pangalan ni Kai "Pfft!" Ilang segundo lang, hindi nito kinaya at bigla na lang bumunghalit ng tawa. Nakaramdam ng inis si Kai. Ginamit na nga nito ang larawan niya, malakas pa ang loob na pagtawanan siya. Akmang lalapitan niya ito upang turuan ng leksyon ngunit pinigilan ni Prin. "Hep! hep!" hinarang niya ang katawan kay Kai. Parang balewala naman kay Bella. Patuloy lang ito sa pagtawa. "Are you done?" inis na tanong ni Kai. "Ha Ha Ha! Sorry¡­" maluha-luhang paghingi ng tawad ni Bella. Pinunasan pa niya ang namuong luha. Seryoso lang si Kai at binalingan siya. "Kaibigan mo ba ito? Sinungaling na nga, ako pa pinagtawanan. No wonder na pabantayan ka ni Cally! Tingin ko, isa ang babaeng ito sa mga dahilan. Kaya payong kaibigan, layuan mo ''to" sabi habang turo si Bela. Nag-init ang ulo ni Bella. "Hoy Mr. Kai Jeon Jang! Hindi ako masamang kaibigan--!" "Bella, ''yan yung bago mong boyfriend'' di ba?" sabi ng kaklase niya na papasok sa parehas na classroom. Doon lang napansin ni Bella na madaming estudyante sa paligid nila dahil kinikilig ang mga ito kay Kai. Dumilim na naman ang tingin ni Kai nang tanungin kung siya ba ang boyfriend ng maliit na babae. "Hindi--" naputol ang sasabihin dapat nito dahil mabilis na lumapit si Bella para takpan ang bibig ni Kai. Nabigla si Kai sa pagkilos. "Yes, schoolmate, classmate and everyone. H-He is my boyfriend!" nakangiwing sabi ni Bella. Tumaas naman ang kilay ni Prin. Dumating ang guro nila sa oras na iyon kaya nagsipasukan na sa loob ang mga kaklase nila na nakikiusyoso. "Talk to you later!" paalam ni Prin kay Kai saka hinila na si Bella sa loob ng kwarto. Ang ibang estudyante ay nanatili sa harapan ni Kai. Wala namang pakialam ang lalaki at nakahalukipkip lang na maghihintay kay Prin na nakasandal sa pader. Binigyan ni Prin ng papel si Bella sa tabi niya dahil wala siyang naintindihan sa usapan nito at ni Kai. [please explain.] Sa gilid ng mata ay nakikita niya na nagsusulat ito. [Ikaw ang dapat mag-explain kung bakit hindi mo alam. Are you not following me on my social media account?] sagot nito sa papel na pasimple niyang inabot habang nagka-klase. Napakamot siya sa ulo dahil guilty siya. Bihira kasi siyang magbrowse sa social media. Hindi na muna siya sumagot sa kaibigan at nakinig sa presentation ng Professor nila. Si Kai na nag-aabang ay hindi makapaniwala sa misyon niya. Nakapikit lang siya habang naka-sandal sa pader at pinakikiramdaman ang paligid. Ilang oras ang lumipas na ganoon lang ang ginawa niya. Alam ni Kai na may mga babae na nakaupo na sa harapan niya kahit nakapikit pa siya. Napapaisip tuloy siya kung anong klaseng eskwelahan itong pinapasukan ni Prin. Parang walang disiplina. May sinungaling, may bulakbol sa klase. Lihim siyang naiinis dahil kailangan niya pang mag-aral sa eskwelahan na iyon. Tila nasa dreamland ang limang babae na pinagmamasdan si Kai na nakapikit. Nakita siya ng grupo ni Sean habang naglalaro ng Football. Lima rin sila na nagpa-praktis ng mga oras na iyon. "Pre, mukhang may bagong Mr Pogi dito sa school natin a''." Tudyo nito kay Sean. Umismid lang ang lalaki. Kinuha ni Sean ang bola at sinipa ng malakas sa direksyon ng nakapikit na si Kai. "Hindi ka na pogi ngayon!!!" sigaw pa nito habang sinipa ang bola. Naramdaman ni Kai ang pressure ng papalapit na bola. Nagulat na lang ang lahat ng nakatitig sa kanya nang biglang inipit niya ang bola ng dalawang kamay. Hindi man lang sumayad sa mukha ni Kai ang bagay na iyon. Inikot niya ang tingin kung saan galing ang bola at nakita ang grupo ni Sean. Napangisi si Kai ng nakakaloko. Hinagis niya sa ere ang bola, kasabay ng pagtalon ng pagkataas-taas at saka sinipa pabalik sa mga ito ang bola. Sa sobrang bilis ng tira niya ay hindi nakakilos ang limang lalaki. Tinamaan ang isa sa tiyan. Napaatras ito at nadamay ang dalawa pa. ''Fuuu*k!'' mura ni Sean at agad na nagtama ang mata nila ni Kai na kasalukuyang nakangisi. Hindi naman napigilan ng mga babaeng nangangarap sa harapan niya ang mapalakpak, mapatili at makiusap kung pwedeng magpa-picture. "Kuya, celebrity ka noh! Kamukha mo si Sehun ng Exo. Hindi ba ikaw iyon?" sabi ng isang babae. "Gaga! Macho si Kuya. Hindi iyon ang kamukha niya kun''di si Wallace Huo" Nagsilapitan pa sa kanya lalo ang mga ito. Ayaw na ayaw ni Kai ng mga ganoong babae. Sa gigil niya, sinuntok niya ang pader. Kita agad ng mga ito na nag-crack ang pader. Nakaramdam ng takot ang mga ito at mabilis na nagsipag-alisan. Chapter 73 - Popular Guy on day one Matapos ang klase dumeretso si Prin, Kai at Bella sa isang Bubble Tea House na nasa tapat ng school. "Naguguluhan ako. Bakit bigla mong naging boyfriend si MB5? I mean, si Kai?" Panimula ni Prin kay Bella habang inutusan niya si Kai na umorder ng Milk Tea. Nakayuko si Bella at hindi maiangat ang ulo. "Yung ex-boyfriend ko kasi Prin. Ginugulo pa rin ako. sinabi ko na pinagpalit ko na siya sa iba. Naghanap ako ng picture sa internet at nagustuhan ko yung picture niya." Bulong nito sa kanya habang nakatingin kay Kai na naiinip sa pila. Halatang iritable ang lalaki dahil ang babagal ng crew. Makahulugan naman ang tingin ni Prin kay Bella. Nginisian niya si Bella. "Oh! So, nagustuhan mo?" "Y-yung picture." Mariin na sabi nito. "Yes. I am talking about the picture." Nakangisi si Prin. Lumingon si Kai sa gawi nila na matalim ang tingin at agad na nagtakip si Bella ng mukha at halos magtago sa mesa. Naaaliw si Prin. "Huwag kang matakot kay Kai. Ako na ang nagsasabi sa ''yo na bukod sa walang girlfriend iyan, lamang iyan ng sampung paligo sa ex mo" "Kaya lang mukhang masungit!" Sagot ni Bella. Naniniwala siya na lamang na lamang ang lalaki sa ex niya. Kaya nga ito ang napili niya na maging ''boyfriend'' Napaisip si Prin. Noon niya lang napansin na masusungit ang mga kasama niya sa Dark Guards. Si Cally na nangunguna sa listahan ng masungit, si Lorenz ay masungit din. Si Kai ang pumapangatlo sa kasungitan. "Alam mo Dear, naniniwala ka ba na si Master Cally ang pinaka -masungit? pero napa-amo ko siya..." Tinapik-tapik niya ito sa balikat. "...Kaya kapit lang, maiinlove din iyan sa iyo" "S-sinong mai-inlove?" Biglang namula ang pisngi nito. Nakabalik na si Kai na may bitbit na tray. May laman itong tatlong baso ng milktea. "Mga order niyo mga prinsesa." Tila hindi interesadong sabi nito. "You?!" Hinarap ni Kai si Bella. "Anong palabas ''yung kanina?" Matigas na tanong ni Kai. Napalunok si Bella. Hindi niya pwedeng i-delete ang picture dahil siguradong hahanapin iyon ng ex-boyfriend niya. Mas maganda pa nga na aktwal na nasa harap niya ang lalaki sa larawan para hindi isipin ng iba na gumagawa siya ng kwento. Bukod pa doon, napakilala niya na ang lalaki bilang boyfriend. Wala siyang choice kun''di pakiusapan ito na ipagpatuloy kung ano ang nasimulan niya. Nagsinungaling man siya, okay na iyon kaysa naman bwisitin siya ng ex-boyfriend niya. "M-magpasalamat ka nga na natipuhan kita bilang boyfriend ko." Nagtaas ang kilay ni Kai. "Ah! at kailangan magpasalamat ako?" Naputol sila sa usapan dahil may lumapit na dalawang babae dito na halatang sa parehas na school nila nag-aaral. "Kyah! Pahingi naman ng number mo, o" sabi ng isang babae na halatang kinikilig. Hindi ito pinansin ni Kai. "Kyah na pogi, sige na" sabi ng isa. Pinukulan ni Kai ng nakakatakot na tingin ang dalawa kaya bigla itong napaatras at umalis na. "Sungit pala" bubulong bulong na sabi habang palabas ng tea house. Humarap sa kanya si Kai. "Alam mo Prin, what kind of school is this place? ''Yung mga babae, parang ngayon lang nakakita ng lalaki. Yung mga lalaki naman, bully." Tumingin ito kay Bella. "And don''t forget that we have a liar here." Halata sa mukha nito ang disgusto. Iniisip ni Kai kung paano niya ma-eenjoy ang pagtigil niya sa Maynila kung unang araw pa lang ay gusto na niyang bumalik sa Camp. Natawa si Prin sa aksyon ni Kai. Hindi pa rin nagbabago ang leader nila. Nasanay kasi ito sa Camp nila at walang ginawa ang lalaki kun''di mag-training ng mag-training. Hindi uso dito ang salitang girlfriend o babae lalo na pahinga. Hindi ito nakaranas ng panliligaw. kahit pa maraming Dark Guards, lalo na mga baguhan ang may gusto kay Kai. Halong Taiwanese-Korean ang lahi nito at hindi rin basta-basta ang background ng lalaki. Hardwares ng computers at Cellphones ang business ng pamilya ni Kai na nakabase sa Hsinchu City sa Taiwan. Ang Lolo nito ang nagpumilit na ipasok si Kai sa trainees ng Dark Guards noon. May lumapit na namang babae kay Kai. "F*ck off!!!!" Angil nito agad. Natatawa si Prin. Bibihira kasi na makalabas ng Camp nila ang lalaki. Akala siguro nito ay puro trainees nito ang nasa paligid kaya ganoon na lang kung mag-sungit. May lumapit muli na bagong pasok. "Kuya, artista ka ba? Pa-picture po." sabi ng bagong pasok na babae na kanina ay napapansin niya lang sa tapat ng tindahan. ''Iba na gwapo!'' Napapailing si Prin. Wala na silang maayos na kwentuhan dahil sa mga lumalapit kay Kai. "Kung gusto mo magpa-picture, magpaalam ka sa girlfriend ko!" Singhal nito habang turo si Bella. Chapter 74 - Cloud Han summoned him Pinatawag si Cally ng Daddy niya sa opisina nito kaya naroon siya sa Building B ng MGM kung saan niya ito matatagpuan. He met his Mom sa elevator habang paakyat sa palapag kung nasaan ang opisina ng Chairman. "Ma, hindi ka ba pinapagod ni Daddy? Busy ka na sa bahay, nagtuturo ka pa sa school tapos kailangan mo pang magpunta dito." nag-aalala na sabi niya. Halata naman na hindi pagod ang Mommy niya at mukha pa ngang energetic kumpara sa iba na nagtatrabaho doon. Hindi niya lang talaga maiwasan na mag-alala. Makahulugan ang ngiti ng Mommy niya. "Nag-aalala ka sa akin pero kay Prin, hindi? Imagine your wife¡­ Busy rin sa bahay sa pag-asikaso sa ''yo, nag-aaral sa school tapos kailangan din na puntahan ka dito sa opisina to continue your ''love session''." sabi na hindi nawawala ang matamis na ngiti. "Tsk tsk! What''s strange is that you also have this clueless expression around your face. Yes my dear! Namana mo sa Daddy mo ang pagiging possessive niya with his wife." napapailing si Ginny. "By the way babyboy, your Dad and I will be going to Africa this weekend. Pababantayan ko sa inyo yung kambal. Sa bahay mo muna sila." Tatangihan sana ni Cally pero inunahan na siya nito agad. "Oh look! We are here!" sabi nito saka lumabas ng elevator. ''Damn!'' hindi na siya nakatanggi dahil umiwas agad ang Mommy niya. Ibig sabihin ay wala siyang choice kung hindi ang patuluyin ang dalawang kapatid sa bahay. Nakasunod lang siya sa Mommy niya na lumabas ng elevator. "Hello Drake, tapos na ang meeting ng Master mo?" tanong ni Ginny pagkalapit sa table ng Assistant ng Daddy niya. "Yes, Miss Gin. Tuloy na lang po kayo sa loob" Sa hindi malaman na dahilan, ramdam ni Cally na mukhang hindi maganda ang balita ni Master Cloud. Tumuloy sila ni Ginny na pumasok sa loob. Inangat agad ng Daddy niya ang mukha nito mula sa binabasang mga dokumento nang marinig nito ang pagbukas pintuan. Lumapit ang Mommy niya dito at hinalikan ito sa pisngi. "Cloud Han, bakit nakasimangot ''yang mukha mo? I''ll get you some water mukhang pagod ka na sa trabaho" Kinuha ni Ginny ang tasa na nasa gilid ng malapad na office table, lumayo muna ito at sinalinan ng tubig mula sa water dispenser na nasa loob ng kwarto. Seryoso ang Daddy niya na nakatingin lang sa kanya. "Why are you calling me Dad?" tanong ni Cally. Sigurado na importante ang kailangan nito base lang sa ekspresyon na binibigay nito sa kanya. "I asked you to come here because of Mayor Villanueva." panimula ni Cloud Han. Halata agad na hindi siya interesado na marinig kahit ang pangalan ng Mayor. "Ilang beses na siyang pabalik-balik dito sa opisina at humihingi ng oras na makausap ako. He said you did something to her daughter." "Pft!" naibuga ng mommy niya ang tubig na iniinom nito sa kasalukuyan. Nabigla si Cally sa impormasyon ng Daddy niya. Akala niya ay wala na sa eksena ang Mayor na iyon, hindi niya akalain na hindi pa pala tapos ang panggugulo nito sa kanya. "Ano ang kwento niya?" halatang iritable at kaunting pagkabalewala kay Cally ang narinig. "Wait there Cloud Han! and you actually believed it?" tanong ni Ginny na kababalik lang sa table. Ibinagsag nito ang tasa na may tubig. "Just to clarify, hindi ako naniniwala doon. I just called your son so he can do something about it and to know what exactly happened during that afternoon." Alam ng Dad niya na pinatanggal niya sa trabaho ang direktor ng binubuo nilang pelikula dahil nakipag-sabwatan ito sa Mayor. "Her daughter said you molested her." Tumiim ang bagang ni Cally. Mukhang hindi siya titigilan ng babaeng iyon. "Mabuti pa Dad, huwag mo nang pansinin pa ang mag-ama na iyon. Prin was there because I invited her. I can also provide a video for whatever happened in that room. That girl sucks, ni dulo ng daliri niya ay hindi nakalapit sa akin even if she tried to seduce me." "Good. Posible kasi na madamay ang kumpanya kaya kita pinapunta dito. Alam mo naman kung gaano ka-tuso ang Mayor na iyon. It''s not surprising kung ilabas niya sa publiko that you r.a.p.ed her daughter or something¡­" paliwanag ni Cloud. "You already knew that she did something to Prin. I am gathering evidence for all of his criminal activities. Hihintayin ko na lang ang kung ano ang gagawin ng Mayor na iyon at sisiguraduhin ko na babalikan ko siya ng sampung beses." "ngayon pa lang ay sasabihin ko na Dad na madadamay talaga ang stocks ng kumpanya but I''ll make sure to doubled the income afterwards" makahulugan na sabi ni Cally. Chapter 75 - Anas Gift "By the way Kai, can you tell me kung bakit ka nandito sa Pilipinas?" interesadong tanong ni Prin. Nag-excuse si Bella na magpupunta muna ng restroom. "To simply monitor you. Your husband asked me to enrol in that stupid school." tinuro nito ang school sa tapat. "Sabi niya sa ''kin bantayan kitang mabuti dahil may makulit kang manliligaw at saka may manyak na Professor." Natahimik si Prin. Hindi niya akalain na pababantayan siya ni Cally. Naawa siya bigla sa lalaki. Sa isang banda, may ideya siya kung ano ang dahilan at kung bakit ito ang magbabantay sa kanya. Bukod kasi sa malakas at magaling si Kai, mayaman at gwapo din ang lalaki. Tingin niya gusto lang ipamukha ni Cally kay Sean na wala talaga itong sinasabi. "Hindi mo naman kailangan na bantayan ako. Wala na ang manyak na Professor na sinasabi mo." Naisip niya na mahirap para kay Kai na umalis ng Camp at iwan ang trainees doon. "Huwag kang mag-alala, gagawin kong makulay ang buhay mo dito sa Maynila. We can play basketball, bolleyball, tennis and so on." sabi niya. Napansin niya na mukhang nakuntento naman si Kai nang mabanggit ang mga laro na gustong-gusto nito. Sakto na nakabalik si Bella sa pwesto nila. Halatang nag-retouch ng pulbo at lipstick ang kaibigan niya kaya ito natagalan. Nilipat ni Kai ang tingin kay Bella at huminto ang tingin nito dito. "Bakit? Nagagandahan ka sa akin noh?!" niliyad nito ang dibdib at tila nanghahamon ng away. Hindi naman makapaniwala ang hitsura ni Kai. Napapailing at tinuro nito ang gilid ng labi ni Bella. Namula agad ang pisngi nito. Akala kasi ni Bella ay nanghihingi ng kiss ang lalaki. "Tsk!" inis ni Kai. Lumapit siya kay Bella para punasan ang lumagpas na lipstick sa labi nito. "I just don''t get it. Bakit kailangan mo pang mag-lipstick kung lagpas-lagpas naman?" Natigil si Bella sa pagkilos nang sumayad ang hinlalaki ng lalaki sa gilid ng labi niya. Ang lapit pa ng mukha nito habang tinatanggal ang pink na lipstick doon. "Ehem! Sa susunod, magpasintabi muna kayo ha. Pakiramdam ko ay third wheel ako dito." nakangising sabi ni Prin. Hindi nawawala ang pagkapula ng pisngi ni Bella. Doon lang naisip ni Kai kung ano ang ginawa niya. Inilayo niya agad ang kanang kamay kay Bella. Binalik niya ang tingin kay Prin at tila balewala ang kung ano ang ginawa niya. "May regalo ka pala mula kay GW10, hinatid ko sa bahay niyo kanina" pag-iiba nito sa usapan. Biglang na-excite si Prin. "Talaga?" naalala niya na may pangako nga palang regalo ang kaibigan na si Ana. "Yes. Hindi ako sigurado kung ano ang laman ng box. Isang kahon iyon." Naputol sila sa usapan nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Tumatawag si Cally. Nagliwanag agad ang mata ni Prin. "Yes, Husbie?" "Where are you? Nandito ako sa tapat ng school. Sa bahay na tayo mag-aral." sabi nito sa kabilang linya. "Okay¡­ Kasama ko si Kai at si Bella. Nandito ako sa tapat na Bubble tea House. Lalabas na ako." Tiningnan ni Prin ang dalawa. "Pakihatid si Bella. May stalker siya na ex-boyfriend. Nandito na si Cally para sunduin ako, kaya pinapasa ko kay Bella ang pagbabantay mo. Bye!" sabi lang ni Prin at mabilis na lumabas. Excited na kasi siya na makita si Cally. Nakaramdam ng inis si Kai. Akala niya kasi ay tapos na ang pagbabantay niya sa araw na iyon. May naiwan pa pala na ''sabit''. "Let''s go!" tila iritableng sabi nito saka tumayo at tinalikuran si Bella. Umakto ng pang-aamba si Bella sa masungit na si Kai. Biglang lumingon muli ang lalaki at nahuli siya nito na nasa ere ang kamao. Umakto agad si Bella na nag-iinat inat at kulang na lang ay umaktong mag-exercise. Napapailing na tumuloy na si Kai sa paglabas ng Tea House. ===== Nang makarating ng bahay, excited si Prin na hinanap sa mga kasama sa bahay ang box na iniwan ni Ana. Nagtataka si Cally kung bakit tila parang bata si Prin na hindi mapakali at unang hinanap ang regalo ni Ana. Gaano ba ka-importante ang regalo na iyon para pag-aksayahan nito ng panahon? Tiningnan niya si Prin na abot tenga ang ngiti. ''This is not right!'' Nakaramdam ng inis si Cally. ''Why is she happy over Ana''s gift?'' "Ito na po, Miss Prin." nilapag ng kasambahay ang isang box sa harapan niya. May isang talampakan ang taas ng box. Inalug-alog muna bago binuksan ni Prin ang box. Nakiusyoso naman si Cally kung ano ang mga binigay ni Ana. Nanlaki agad ang mata ni Prin nang makita ang laman at agad na sinara iyon. "what are those?" usisa ni Cally. "No-nothing¡­" Inagaw agad ni Cally ang box at binuksan. Sinuri nito isa-isa ang makukulay na laman. Inangat pa ni Cally ang isang piraso ng lace na underwear. "are these... s.e.x toys?" tanong ni Cally. Napakagat-labi si Prin, pinipigil ang sarili na mag-react at minumura niya sa isip si Ana. Ngumisi si Cally. "Oh! then, let''s go and use them all." "U-use your ass! I''m not gonna use them!" angil niya at pulang-pula ang pisngi dahil sa kahihiyan. "Ehh, earlier, I saw how excited you are. I''m sure it''s because you want to try them all." nilabas pa ni Cally ang isang piraso ng green na dildo at winagayway iyon sa harap ni Prin. Hiyang-hiya naman si Prin. ''Anaaaaaa!!!!'' Chapter 76 - The ex-c.u.mbag "Dito ka muna, kukunin ko ang sasakyan ko." paalam ni Kai kay Bella. Ramdam niya na inis pa rin ang lalaki. Inirapan lang ito ni Bella. ''Parang pinaglihi sa init ng ulo. Mabuti at marunong pa magpaalam. Hmp!'' Pinagmasdan niya ang nakatalikod na bulto ng katawan ni Kai habang naglalakad ito papalayo. Napapansin niya pa na pinagtitinginan ito ng ibang estudyante lalo na ang kababaihan. Mga kinikilig. Napansin niya rin na may lumapit na naman sa lalaki at hindi nito pinansin. ''Tsk! Hirap maging girlfriend neto'' dahil sigurado na magseselos ang kung sino man na girlfriend nito. Isip-isip ni Bella. Matyaga siyang naghihintay kay Kai nang biglang may humawak sa braso niya, si Josh ang ex-boyfriend niya. "Hey! Let go of me!" singhal niya dito. Umismid lang ang lalaki. "Ang swerte ko na natagpuan kita agad. Siguro talagang inaabangan mo na ako agad dito." Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ni Bella kaya napapangiwi siya. "Hinihintay ko ang boyfriend ko kaya ako nandito." Dahilan niya. "sino? yung nasa picture? gagawa ka na nga lang ng kalokohan. Yung hindi pa makatotohanan." Nagagalit na sabi nito sa kanya. Ayaw gumawa ng eksena ni Bella kaya binubulungan niya ang lalaki. "Bitiwan mo ako!" Mahina pero matigas na sabi ni Bella. Nabigla na lang si Bella nang may magtanggal ng kamay nito sa braso niya at hinila siya sa likuran, si Kai. "Back off!" Matalim ang tingin na binigay ni Kai kay Josh. Pinag-aaralan ni Kai ang lalaki. Mukhang pipitsugin ang lalaki at hindi maiwasan na mapa-isip siya kung bakit at paanong naging boyfriend ito ni Bella. Nabigla naman si Josh na makita sa akwal ang ''boyfriend'' ni Bella. "Ikaw ang bagong boyfriend ni Bella?" Tumingin ng pailalim si Kai. "Ako nga" Akmang tatalikod na ito pero agad ding humarap para suntukin si Kai sa mukha. Nailagan naman agad ni Kai ang lalaki nang yumuko siya. Nasa magkabilang bulsa pa ang kamay nito at parang nabo-boring-an kay Josh. "Walang kwenta" sabi pa ni Kai. Nag-init ang ulo ni Josh, sinubukan ulit nito na sumuntok pero nakailag muli si Kai at gusto na niyang pagtawanan ang lalaki. "Missed again!" Si Bella sa tabi ay napabilib kay Kai. Gusto niya nang bigyan ng award ang lalaki. ''Most-impossible-Boyfriend Award.'' Dahil sa pagka-inis ni Josh, sunud-sunod ang suntok na ginawa nito kay Kai, nailagan naman nito ang lahat ng iyon. Dumeretso ang huling suntok nito sa mukha ng kalalabas lang na kainan, katabi ng tea house --si Sean. Dumilim ang tingin ni Sean at ginantihan din ng suntok si Josh sa mukha bilang ganti. Nag-init din ang ulo nito, hanggang sa ang dalawa na ang nagpalitan ng suntok sa isa''t-isa. Tila hindi na interesado pa si Kai kaya hinila niya si Bella at pinapasok sa nag-aabang na sasakyan. Namangha si Bella sa sasakyan ni Kai, lalo na sa loob nito. Isang Lotus Elise cup 250 iyon. Bigla niyang nilingon si Kai. Akala niya kasi ay ordinaryo lang ang lalaki. "You owned this car?" Hindi makapaniwala na tanong ni Bella. "Why?" Tanong ni Kai saka sinimulan na paandarin ang kotse. "No-nothing¡­" pinigilan niya na magsalita. alam ni Bella na mahal ang kotse na iyon. Naintriga tuloy siya sa pagkatao ng lalaking katabi. "Saan kita ihahatid?" Tanong ni Kai. "Blue City Condo Tower. I owned a unit there." Simpleng sagot ni Bella. Naging seryoso ang mukha ni Kai, paano kasi ay doon din siya nakatira sa kasalukuyan. Hindi siya pwedeng tumira sa bahay ni Prin at Cally, pero pinapili siya ng huli kung saan niya gustong tumira at napili nga niya ang Blue City Condo Tower. Pagdating sa lugar, nagtaka pa si Bella kung bakit paakyat sila sa parking ni Kai pero hindi siya nagtanong. "Siguro naman ay safe ka na dito." Sabi nito sa kanya. Ayaw pa sanang lumabas ni Bella ng sasakyan nito na sobrang bango. Kung pwede nga lang na doon na siya tumira sa loob ng sports car nito. Napilitan siyang lumabas at nagpasalamat dito. Nararamdaman niya na sumusunod sa kanya si Kai. ''Gosh baka gusto niyang malaman kung saan ako nakatira.'' Sabi niya sa sarili. Kung anu-ano ang naiisip ni Bella Hanggang sa makatapat na sa elevator at pati sa palapag kung saan siya nakatira. Binubuksan niya na ang susi ng pinto, pinakikiramdaman pa rin niya ang lalaki sa likuran. Naisipan niyang lingunin ito para sabihin sana na maayos na siyang nakarating sa tinutuluyan niya at maaari na itong umuwi. "Kai Jeon Jang, you don''t have to do¡­ this." Agad na umatras ang dila niya dahil nabuksan na nito ang pintuan sa tapat na unit. "D-d''yan ka nakatira?" Tanong ni Bella na halatang hindi makapaniwala. "I don''t accept visitors. Thanks!" Masungit na sabi lang nito sa kanya at saka siya sinaraduhan ng pintuan. Naiwan si Bella na nakanganga. Chapter 77 - Pay the Bill (1) Alas syete ng gabi¡­ Nasa White Devil Bar si Luna kasama ang kaibigan niyang babae na bagong dating mula sa Amerika. Inaya siya nito na mag-unwind dahil bukod sa namimiss na nito ang Pilipinas, nabalitaan din nito ang nangyari kay Luna. "I heard from Uncle Mayor na kailangan mo nga daw ng kasama." Sabi nito bago sinipsip ng kaunti ang margarita nito sa harapan. "Yes, I am so happy that you are here, Janice¡­" "...There is a new girl in my school na masyadong pabibo. I really hate her dahil halos inagaw niya sa akin ang lahat. I am a Mayor''s daughter, the one and only Princess in this City and she was just a commoner." Halata pa rin kay Luna ang galit kapag naaalala ang maamong mukha ni Prin. Nang mga nakaraan ay inaabangan niya na paalisin si Prin sa school dahil sinaktan nito ang Professor ng school. The students are cursing Prin and they want her to leave the school. Kaya matiyaga siyang naghihintay na mabura ang pangalan nito sa school registry nila. Pero sa hindi niya malaman na dahilan, dumoble pa ang mga estudyante na bumait sa dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga regalo na binibigay ng mga ito kay Prin. Samantalang siya, si Luna na anak ng Mayor ay ni hindi man lang nakaranas ng ganoon sa mga ito. Kaya lalo siyang nagagalit kay Prin. Ano pa, ni hindi man lang pinansin ni Master Cloud ang hiling niya na makausap ang pamilya nito. Pakiramdam niya ay natapakan masyado ang ego niya. Katulad ng sabi ng Daddy niya, aabangan nito ang sagot ni Master Cloud. Kapag wala pa rin silang makuhang sagot, ilalabas nila sa media ang nangyari. Naghanap na siya ng tao para burahin ang CCTV sa restaurant nang araw na iyon at sinabi nga nito na deleted na ang file ng CCTV at maari na siyang makahinga ng maayos. Kaya alam niya na walang magagawa ang pamilya ni Cally kung hindi ang panagutan siya. Dalawa lang silang tao sa kwarto na iyon kaya walang witness. Isa pa, laging nasa babae ang pabor kapag usaping pangmo-molestiya. Nakikini-kinita niya na ang sarili na makasama si Cally sa bahay nito. Ayos lang sa kanya kahit hindi muna siya mahalin ng lalaki, pasasaan ba at magugustuhan din siya nito. Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng interes sa lalaki. Isang pangarap kasi si Cally sa pananaw niya. Ang awra nito na parang Prinsipe. Sa paglakad, sa pagsasalita, kahit sa pag-upo at pagsubo ng pagkain. Lahat-lahat ng kilos ay aral. Sa gilid ng mata niya ay natanaw niya si Prin na bagong pasok sa White Devil. Ngumiti ito sa Waiter at kinausap iyon. Sa tingin ni Luna ay iinom din doon si Prin. "Look who''s here? That is the girl we are talking about." Nakangiti si Luna na parang maldita habang turo sa kaibigan na si Janice ang kapapasok lang na babae. Napangiti rin si Janice at nakaisip ng hindi maganda. Kinuha nito ang kopita ng margarita na limang libo ang halaga at sinalubong si Prin na papuntang opisina ng Daddy niya. May pinapakuha kasi na files si Rob, ang Monthly report sa Bar na iyon. Nagpahatid siya kay Cally na kasalukuyang naghihintay sa kanya sa sasakyan nito. Nagulat si Prin dahil binangga siya ng babae, agad siyang nakaiwas dito. Pero tumapon pa rin sa mamahalin na damit nito ang inumin na bitbit. Nagtataka si Prin sa reaksyon nito. Inisip niya na baka lasing na ang babae kahit alas syete pa lang ng gabi. "Miss, Are you okay?" Tanong niya dito. Nagulat siya nang bigla siya nitong sininghalan. "You are so idiot!!! Alam mo ba kung gaano kamahal itong suot ko? Hindi mo ito basta-basta mababayaran!" Galit na sabi ni Janice. Manghihingi sana ng paumanhin si Prin pero nakalapit na si Luna dito. "Janice are you okay?" Hinarap agad siya ni Luna at halata ang disgusto sa mukha nito. "You are so clumsy!" Tahimik lang si Prin at clueless sa nangyayari. Gusto niyang manghingi ng sorry pero galit na galit sa kanya ang dalawa. Tiningnan siya ni Janice mula ulo hanggang paa. Isang simpleng babae at naniwala ito kay Luna na isang ordinaryong mamamayan lang si Prin. Nakashort lang kasi si Prin, snickers, simpleng puting Tshirt at naka Cap pa ng Mickey mouse. "Bayaran mo ang damit ko pati ang alak na ininom ko. Hmp! Siguradong wala kang pambayad." Lumapit si Zico sa kanila, ang manager ng White Devil branch na iyon at kakambal ni Zuki. "Miss, ano pong nangyayari?" Tanong nito kay Janice. Mabuti at hindi pa ganoon karami ang customers dahil medyo maaga pa. "Paalisin mo ang babaeng iyan, sigurado na wala siyang pambayad dito. Look at her, kailangan na pabayaran mo sa kanya ang bill namin! Tinapon niya ang mamahalin na alak na iniinom ko tapos nasira pa ang damit ko! Maglabas ka na ng pera at bayaran mo ang Bill ko!" Napatanga si Zico sa pahayag ng babae. "Yes, Get out of this place kung wala ka namang pambayad!!!" dagdag pa ni Luna. Napangiti si Prin. May ideya na siya na mukhang binu-bully siya ng dalawang babae kaya wala siyang nagawa kung hindi ang makisakay sa mga ito. Chapter 78 - Pay the Bill (2) Nagulat si Zico sa mga pahayag ng dalawang babae na gusto ng mga ito na paalisin si Prin. "Miss, she doesn''t need to pay" sagot ni Zico. "No! she has to pay my dress and our bill!!! Kung hindi siya magbabayad, tumawag kayo ng pulis dahil wala siyang perang pambayad dito sa Bar niyo!" Galit na sabi ni Janice. Magsasalita pa sana si Zico, pero pinigilan ni Prin. "Paano na iyan? Wala talaga akong pera. I don''t have any cash or credit cards in me. I remember na nagpupunta lang ako dito. Then, wala pa akong nabayaran ni piso sa mga nainom ko na wine or champagne." Napapaisip si Prin. "See? Siya na mismo ang umamin na tinatakbuhan niya ang bill niya dito, Mr. Manager." Isang simpleng babae lang kasi talaga ang tingin ni Janice kay Prin. Karamihan ng nagpupunta sa lugar na iyon ay may sinasabi sa buhay. Napatulala si Zico at hindi alam ang sasabihin. Kailangan ba na magbayad si Prin sa mga iniinom nito kung anak ito ng Boss nila na may-ari? Nakagawa na sila ng atensyon sa ibang mga parokyano. "Pay the Bill ang get out of here!!! Siguro, you are trying to seduce someone, yung mayaman at mapera kaya ka nandito. You are s.l.u.t!" punong-puno ng pangmamaliit ang tono ni Janice. Nag-iinit na ang ulo ni Zico dahil sa pahayag ng babae. "Miss, I think you should go." mahinahon na sabi ni Zico. Iritable na siya sa dalawang babae. Bukod sa umaagaw na sila ng atensyon sa ibang parokyano, sinisigawan pa ng mga ito si Prin. Kapag nalaman ni Rob ang ginawa ng mga ito, siguradong pati siya ay mapaparusahan. Akala naman ni Luna at Janice ay si Prin ang tinutukoy nito kaya natuwa ang dalawang dalaga. Wala namang makita na emosyon sa mukha ni Prin at tamang naghihintay lang na umalis ang dalawa. "Narinig mo iyon? Get out of this place at huwag ka nang babalik pa!" sabi muli ni Janice. "I''m not talking about her. I am talking about you two!" inis na sabi ni Zico. Nagulat ang dalawang babae. Never pa silang nakaranas na paalisin ng kahit sa anong Bar. "Gumagawa kayo ng eksena dito at nadadamay ang business namin kaya mabuti pa ay umalis na kayo." dagdag ni Zico. Tumawag na siya ng bouncer para paalisin ang dalawa. "Bakit kami ang aalis? May pambayad kami! Siya itong walang pambayad!!!" galit ni Janice. Paanong nangyari na ang mukhang naliligaw lang sa lugar na iyon ang pinapaburan ng Manager. "It doesn''t matter if she doesn''t have any pennies. Tulad nga ng sabi ng Miss, wala pa siyang nabayaran kahit piso." "See? See? Wala siyang pambayad! Kami ang meron!!! Bakit kami ang aalis?" si Luna. Nakakahiya sa mga customer lalo at may mga nagvi-video pa. Kapag pinaalis sila doon, wala na siyang mukha na maihaharap dahil bilang anak ng Mayor, sigurado na laman siya ng balita kapag pinaalis siya doon sa White Devil ng Manager nito. "it''s because she owns the place, you idiots!" naiinis na si Zico. Nanlaki ang mata ng dalawang babae lalo na si Janice. Ang simpleng babae sa harapan niya ang may ari ng White Devil? Ilan ang White Devil na meron sa buong mundo at pag-aari nito ang lahat ng iyon? Napag-alaman niya noon pa man na hindi nagbebenta ang White Devil Bars kahit na shares lang nito, kaya lahat ng White Devil na meron sa buong mundo ay iisa lang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo -- si Rob Matsui. Masama ang tingin na pinukol niya kay Luna na halatang nagulat din. Hindi napakali si Luna lalo at mas masama ang tingin na ipinupukol sa kanilang dalawa ni Janice mula sa ibang mga umiinom sa lugar. "Gosh¡­ I can''t believe these two girls" "True, para na rin nilang pinapaalis sa loob ng bahay ang may-ari talaga ng bahay." "si Ateng girl, akala mo naman mahal talaga yung damit, mukhang imitation naman." "Looks like she is Mayor Villanueva''s daughter." "Really? Masama pala ang ugali ng anak ni Mayor" Nagtatawanan pa ang iba habang nakatingin kay Luna at Janice. "J-Janice¡­" nakaramdam ng panliliit si Luna mula sa ibang tao doon, lalo''t puro socialites at celebrities ang umiinom sa lugar na iyon. Inis na lumakad papalabas si Janice. Mukhang banned na siya sa kahit saang White Devil Bar. "Hey! You two!" tawag ni Prin. Napatigil ang dalawang babae at muli siyang nilingon. "Ehh.. Zico, nagbayad na ba iyang dalawa?" "Hindi pa Miss" Hinarap ni Prin ang magkaibigan. "O, hindi pa daw kayo nagbabayad. Wala rin ba kayong pera kaya aalis na lang kayo ng walang bayad? Zico, Exclusive member ba ang dalawang iyan para umalis na lang basta?" pang-iinis ni Prin. "No, Miss Prin" sagot ni Zico. Kapag exclusive member kasi sa White Devil . Monthly billing ang bayad sa Bar. Unlimited drinks and snacks kapalit ng sampung milyon na bayad kada buwan at kada member. Matalim ang tingin na ibinalik sa kanya ng dalawang babae. Kinuha ng mga ito ang mga wallet at naglabas ng lilibuhin. "Keep the change!" galit na sabi ni Janice at taas noo na lumabas ng lugar. Natatawa si Prin ng lihim. Hinarap niya ang ibang customers. "Sa ibang customers, pasensya na kayo sa istorbo. We will give two bottles of beer every customer ng libre bilang pasensya." Natuwa at nag-palakpakan naman ang mga parokyano. Nakanood na sila ng magandang palabas, may libre pang alak. Chapter 79 - Be responsible as a girlfriend Pahiya na lumabas si Janice at Luna ng Bar. Luna is gritting her teeth. Hindi niya alam kung ano ang talagang background ni Prin, para na rin siyang lumaban sa giyera nang hindi inaalam kung sino ang kalaban. Nang makalabas, nakita niya si Cally na nakasandal sa pintuan ng sasakyan nito. Sandali niyang nakalimutan ang nangyari sa loob. Maging si Janice ay saglit na natulala kay Cally. Nang makita ni Cally si Luna, nakaramdam agad siya ng pagka-alibadbad. Nag-alala siya na baka may ginawa ang babae sa asawa niya. Naglakad siya at nilagpasan ang dalawang babae para makapasok sa loob ng Bar at sundan si Prin sa loob. Hindi pa alam ni Prin ang tungkol sa pambibintang ni Luna sa kanya na minolestya niya ito. Parang hangin lang ang dalawang babae na tulala sa paningin niya nang lagpasan niya ang mga ito. "He is Cally. The one I was told you about." sabi ni Luna sa kaibigan. "What?! That is the one who molested you?" takang tanong ni Janice. "Y-yes" Nagdududa ang tingin ni Janice kay Luna. Dinaanan nga lang sila ng lalaki na parang hindi sila nito nakita. Halata rin dito na hindi interesado kay Luna. Tiningnan nito ng kaduda-duda ang kaibigan. Samantala, sa loob ng bar, nakita ni Zico si Cally na bagong pasok. "Shi!" bati nito kay Cally. "Did something happened here?" "Yung dalawang babae, gumawa ng eksena at pinapaalis sa amin si Prin." Sabi ng iiling-iling. Umismid agad si Cally. Tama ang hula niya na may ginawa si Luna kay Prin. Ano kaya ang pakiramdam nito kapag naubos ang kayamanan ng mga Villanueva? Tutal naman ay madalas nitong ipagyabang na anak ito ng Mayor at mayaman sa siyudad. Hihintayin niya lang ang aksyon ng mag-ama bago nila ilabas ang kanyang Ace card. Naputol siya sa naiisip nang lapitan siya ni Prin. "Husbie, I''m done." Cally looked at her with adoration in his eyes. Natutuwa si Zico na makita na maayos ang samahan ng dalawa. "Shi, baka gusto niyo na uminom muna." Paanyaya ni Zico. Nagliwanag ang mata ni Prin sa nadinig. "Yeah! Let''s drink! Sige na please." Pakiusap ni Prin habang hawak ang isang braso ni Cally at hinahatak ''yun upang makiusap. Naisip ni Cally na ihahatid sa kanila ang kambal kinabukasan kaya gugulo ang tahimik na mundo nila ni Prin sa bahay. Tutal naman ay kapwa sila walang pasok kinabukasan kaya siya pumayag. "Okay¡­" "Papupuntahin ko si Leader Kai, saka si Bella." masayang sabi ni Prin saka mabilis na nagtipa sa cellphone. Kumunot ang noo ni Cally. Akala pa naman niya ay silang dalawa lang. Kapag dumating ang kaibigan nito, sigurado na sa kaibigan na nito ang buong atensyon nito. Agad siyang nagprotesta. "Huwag mo na silang papuntahin dahil uuwi na lang pala tayo." Nagbago agad ang mood ni Prin. "Huh? Bakit naman? Nakapagtext na ko sa kanila e. Saka pumayag ka na di ba" nalungkot ang mukha ni Prin. Napabuntong-hininga na lang si Cally. Gusto niya na dalawa lang sila na magkasama pero ayaw naman niya na malungkot ang asawa niya. "Fine! Dito na lang tayo sa baba uminom. Hindi pwede sa iyo ang matapang na alak ha." Inokupa nila ang isang table habang hinihintay si Kai at Bella. Natuwa si Prin kaya ninakawan niya ng halik sa pisngi si Cally. ===== Nagkasabay sa paglabas si Bella at Kai ng kani-kanilang unit. Naka-jacket ng itim si Kai na nakapatong sa puti nitong T-shirt. Naka-loose pants. Halata ang badboy image ng lalaki. Napatigil si Bella sa pagsara ng pintuan at nakatitig sa lalaki. Napansin din siya nito. "Baka may pumasok na langaw sa bibig mo sa sobrang nga-nga." puna ni Kai. Naisara bigla ni Bella ang bibig niya. Sinarado niya ng mabuti ang pintuan ng unit niya at nagsimulang maglakad papuntang elevator. Pinansin siya ni Kai na nakasunod sa likuran. Sa ayos ng babae mukhang makikipag-date pa yata ito. Naka-bestida kasi si Bella. May bitbit na sling bag. Gabing-gabi na at makikipag-date pa? Magkatabi silang naghihintay sa elevator. Kumakabog ang dibdib ni Bella. Aminin man niya o hindi, sobrang naapektuhan siya ng lalaki. Bumukas ang elevator. Isang binata ang laman nito. "Bella!" masaya at nakangiti na bati nito kay Bella. "Ken!" yumakap agad si Bella sa lalaki. Lihim na nagmamasid si Kai sa dalawa. Iniisip niya na baka ito ang ka-date ni Bella. Kababata ni Bella si Ken na nagpunta ng abroad para doon mag-aral. Hindi niya alam na nakabalik ito. Sa sobrang surpresa niya nayakap niya ang kaibigan. "Gosh! I miss you!" sabi ni Bella dito. "Aw! I miss you too! I miss you so much!" niyakap pa ng mahigpit ni Ken si Bella. Nakaramdam ng inis si Kai. Hindi niya alam kung saan mauuwi ang dalawa sa gabi na iyon sa sobrang pagkamiss sa isa''t isa. Pakiramdam ni Bella, lumamig ang elevator. Doon niya lang naalala ang isa pa sa loob ng elevator na halatang iritable. Nang bumukas ang elevator sa floor ng parking, hinila ni Kai palabas si Bella. "Hey mister! Saan mo dadalhin si Bella?" nagulat si Ken. "She''s my girlfriend! Wala ka na doon kung saan kami pupunta!" sagot ni Kai habang hila ang maliit na babae. "Hey! S-saan mo ako dadalhin?" tanong ng nabiglang si Bella. Malapit na sila sa sasakyan nito. "To Prin, kaysa makipag-date ka kung kani-kanino. Nakalimutan mo na ba na boyfriend mo ''ko? Kailangan mong panagutan ang ginawa mo at umayos ka na panindigan iyon." naniningkit ang mata ni Kai sa sobrang pagkadismaya. Maisip lang niya kung paano magyakapan ang dalawa sa loob ng elevator, parang sumasapi sa kanya ang Bulkang Mayon na puputok ang init anumang oras. Chapter 80 - Bourbon effect Hinihintay nila ng mga oras na iyon si Kai at Bella. Nasabi na sa kanya ni Bella na kasama na nga daw nito si Kai dahil sa parehas na building nakatira ang dalawa. "Husbie, bakit mo nga pala naisip na pabantayan ako kay leader Kai?" Tanong ni Prin habang kumakain ng chicken wings. Nilingon siya ni Cally sa tabi. "Ayaw mo ba na bantayan ka ni Kai?" "Hindi naman kasi ako kailangan na bantayan. Naaawa pa nga ako sa kanya kasi gustong-gusto niya ang Camp." Naalala ni Prin bigla yung araw na bagong dating si Kai sa school nila. Grabe kung magsungit ang lalaki sa kahit kanino. Kulang na lang sakalin nito ang mga babae na lumalapit dito. Kung ibebenta nga lang niya ang picture ng lalaki, sigurado na kikita si Prin mula sa mga ka-eskwela niya sa ''pa-picture''. "Honestly, it''s not my choice alone. Kinausap ako ng Lolo niya. We knew that Kai also did an online courses. But some of his subjects need his actual presence. There is also a possibility that he will manage their family business. Kaya kailangan niyang pumasok at mag-aral na tulad mo." Napatango si Prin. "Hmmm¡­ bakit naman kailangan niya pang pumasok sa business nila? e, malaki naman ang sweldo niya sa Dark Guards" bilang Leader ng Senior Black Team, sigurado si Prin na kumikita ng milyon si Kai kada taon. Kumuha ng tissue si Cally at pinunasan ang malangis niyang labi dahil sa chicken wings. "Hindi sa lahat ng bagay ay mahalaga ang sweldo o ang pera. Madalas obligasyon din." makahulugan na sabi ni Cally. "Sabagay¡­ Siguro kung hindi dahil sa obligasyon mo, hindi mo ako naging asawa. Sigurado na isang Irish o kaya British ang mapapangasawa mo kung hindi mo sinunod sila Madam Lira." Alam ni Cally na nagsasalita lang ng walang katuturan si Prin, pero di pa rin naiwasan na masaktan siya kapag naisip na sakaling iba ang mapapangasawa niya. Tinanggal na sa isip ni Prin ang ideya niya tungkol sa kasal nila ni Cally. Wala man lang maayos na seremonyas iyon at basta lang sila nagpirmahan dahil sa obligasyon ng asawa niya. Nakaramdam siya ng kirot. "Do you really like the ideya na magpakasal ako sa iba?" Halata na hindi mapakali si Prin sa tanong ni Cally. "No¡­" "Mabuti naman, at least gumagana paminsan-minsan ang utak mo" Tiningnan niya ng masama si Cally. "Balik tayo kay Kai. Hindi ka ba natatakot na baka ma-inlove ako kay Kai kapag magkasama kami palagi?" Interesado niyang tanong Tumitig sa kanya si Cally, ibinaba nito ang mukha sa kanya at kinagat ng bahagya ang labi niya. "Ouch!" Reklamo ni Prin. "Subukan mo pang magsalita ng bad words, may kagat ka ulit sa akin." Banta ni Cally. "I''m just stating a possibility." Binaba muli ni Cally ang labi nito sa kanya at kinagat muli ang labi niya. "Ouch!" Nasapo niya ang labi niya na sa palagay niya ay bahagyang namaga dahil sa ginawa nito. "Anyway, I don''t believe na mai-inlove ka sa iba" mayabang na sabi nito na ikinapula ng pisngi ni Prin. Iyon ang nabungaran ni Bella at Kai. "What are you talking about?" Kunot-noo na tanong ni Kai. "N-nothing" kaila ni Prin. "Oh! Then, why are you kissing?" Nakangisi si Bella. Lalong namula ang pisngi ni Prin. Hinila niya na lang si Bella sa tabi para maka-iwas at nagsimula silang mag-kwentuhan. Ganoon din naman si Kai at Cally. Nagsimulang mag-report dito si Kai kung ano ang mga nangyayari sa Camp bago ito umalis. Agaw-atensyon sila sa ibang customers dahil nasa iisang table ang dalawang matikas at gwapong lalaki na may kasamang mga binibini. Para silang nasa double date kaya walang nagtatangka na lumapit sa kanila. Nang wala nang mapag-kwentuhan ang dalawang lalaki, tuloy pa rin sa bungisngisan si Prin at Bella. Tinunga ni Cally ang iniinom niyang bourbon. Tulad ng inaasahan ni Cally, nakalimutan na siya ni Prin nang dumating ang kaibigan nito. Hindi napapansin ni Cally na madami-dami na siyang naiinom. "Baby Panda, uwi na tayo¡­" naglalambing na aya nito maya-maya. Nilingon ni Prin ang namumulang mukha ni Cally. Tiningnan ni Prin ang tapat nito at halata na madaming shots ng bourbon na ang naiinom ng asawa niya. "Bakit madami kang ininom?" "Hmm¡­ Ayaw mo kasi akong pansinin e." tila nagtatampo na sabi. "Haay, mabuti pa umuwi na kayo ni Shi Cally. At ikaw¡­" tawag ni Kai kay Bella. "...Halika na''t umuwi na din." wala nang nagawa si Bella ng hilahin na siya ni Kai mula sa pagkakaupo. Naiwan si Prin at Cally. "Baby Panda, nagugutom ako. Lutuan mo ako sa bahay." sabi na para bang iniwan ng magulang. Natigil si Prin. Ano naman ang lulutuin niya? Napakamot siya sa ulo. "W-wala akong alam na lutuin e." Tumayo si Cally at inikot ang paningin sa paligid. "Walang magluluto para sa akin¡­" malungkot at tila batang paslit na sabi ni Cally. Prin "...." Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na senaryo nang mga panahon na kapwa sila trainees ni Cally. Tulad din noon, parang sinapian ng isang grade six na estudyante si Cally. Nagulat na lang si Prin nang bigla itong tumayo at mabilis na naglakad papalabas. "Sh*t! Sh*t! Sh*t!" "Zico, huwag mong palalabasin si Master Cally!" sigaw niya pero huli na, dahil nakatakbo na palabas si Cally ng White Devil Chapter 81 - Chasing Shi Cally Lumabas agad si Prin para hanapin si Cally. Hindi tulad sa mansion nila sa Japan, mas malawak at mas ma-tao ang Maynila. Bukod pa sa maraming kalye at eskenita. Kapag nawala ito sa paningin niya, siguradong lagot na! Nang makalabas si Prin, natanaw niya si Cally na paliko na sa kabilang kanto. Nilingon niya ang guards sa tabi. "Guys, this is red alert! Tawagan niyo si Zico or Zuki, we need to find your Shi Cally. You and you, doon kayo sa kabila umikot. Dito ako." Sabi niya sa dalawang tauhan ng White Devil. Tumakbo si Prin sa tinungo ni Cally. Tinawagan niya ulit si Kai dahil siguradong hindi pa nakakalayo ang dalawa. "MB5, I need your help! Tumakbo si Shi Cally palayo sa White Devil. Please go to Antonio Flores St. Papuntang Bocobo. Dito ako sa Del Pilar." Plano ni Prin na ma-corner si Cally. Sa kasamaang palad, hindi niya makita si Cally. ''Sh*t!'' Napamura si Prin. Dineretso lang niya ang kalye. Inikot niya na pati ang ibang kalye, hindi niya pa rin makita ang anino ni Cally. Nakaramdam na ng pagod si Prin. Matapos ang tatlumpung minuto kahahanap sa asawa niya, tumawag si Kai. "Nakita namin siya Prin, paliko ng Arquiza St. Hindi nga lang ako makaikot dahil one way ang kalye dito." Sabi ni Kai sa kabilang linya. Binilisan ni Prin ang pagtakbo para makapunta sa likuan ng Arquiza St. tulad ng sabi ni Kai. Pagliko niya, nakita niya si Cally sa di-kalayuan. Na-corner na ito ng dalawang guard ng White Devil sa kabilang dulo ng kalye. Makaka-hinga na sana siya ng maayos nang mapansin na ginugulpi na ni Cally ang dalawang guard. Sigurado si Prin na hindi lalaban dito ang dalawa. Kaya mas binilisan niya na mapuntahan ito. No! Kapag na-ospital ang dalawang guard, lagot na! Binilisan niya ang pagtakbo kahit nakaramdan na siya ng pagod. "You two, I''m not done with you yet" sabi nito at akmang susuntukin na naman sa sikmura ang dalawa. "Husbie! Stop! Stop!" sigaw niya. Nilingon siya ni Cally. Parang mahihilo na si Prin. Nakaramdam siya ng pagsusuka kaya gumilid siya sa eskenita kung saan sila naroon. Saka niya inilabas ang sama ng pakiramdam. Naalala niya na madami nga pala siyang nakain na chicken wings tapos diretso agad ang walang sawang pagtakbo. Idagdag pa na ilang linggo na siyang walang exercise. Natigil naman si Cally at nilapitan siya nito, kapwa sila pinagpapawisan dahil sa haba ng tinakbo nila parehas. Halata na nag-aalala ito sa kanya. "Baby Panda, are you okay?" Tanong nito. "I''m not okay¡­ my stomach hurts. It''s all your fault!" sagot ni Prin. "Why is it my fault? Ikaw ang kanina pa nawawala, hinahanap kita sa kung saan-saan." Prin "...." Ayaw nang makipagtalo pa ni Prin kay Cally. Sigurado na wala sa tamang huwisyo ang asawa niya. "Husbie, Let''s go home" sabi niya dito. Nag-aalala naman ang tingin niya sa dalawang guards na kapwa maiiyak ang mga hitsura. Ibinaba ni Cally ang sariling katawan at pinasakay siya sa likod. Para talagang panda si Prin na bitbit ng magulang sa likod ni Cally. Dahan-dahan lang na naglakad si Cally habang karga siya nito pabalik sa White Devil at pinakikiramdaman nila ang isa''t isa. ===== Nagulat si Zico sa hitsura ng dalawang guard na kapwa may pasa sa mukha. "Sorry Zico, binugbog ni Cally yung dalawang tao mo" paghingi niya ng paumanhin. Si Cally na suspek ay tila walang pakialam na nakapamulsa sa pantalon habang hawak niya ang isang braso nito. Wala namang magagawa si Zico. Pinaupo niya ito sa passenger seat at siya na ang kusang nagmaneho. "Look what you''ve done!" nagagalit na sabi niya kay Cally saka nagsimulang paandarin ang sasakyan. Habang nagmamaneho si Prin, nabigla siya nang halikan ni Cally ang leeg niya. Inayos pa nito ang buhok niya na nakaharang sa leeg niya para magawa nito ng maayos ang trabaho. Nawawala siya sa focus ng pagmamaneho. "Hey, I-I am driving." Pigil niya dito. "Then, continue to drive." Tila balewalang sabi nito. Nang huminto sa stop light ang kotse. Sinakop naman nito ang labi niya. Nakalimutan ni Prin na nagmamaneho nga pala siya, narinig na lang niya ang potpot ng kotse sa likuran dahil green light na muli. Tinulak niya si Cally at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kaunti na lang at nasa harapan na sila ng bahay. Nagulat siya na parang lumuwag ang bra niya, doon lang niya napansin na tinanggal na ni Cally ang hook ng bra niya sa likuran. "H-hey! Nasa sasakyan tayo. Huwag kang makulit." Sabi niya dito. "Parusa mo iyan, dahil kinalimutan mo ako kanina." Nilingon ni Prin si Cally dahil pinasok na ng kamay nito ang blusa niya. "H-husbie¡­" halos hindi lumabas sa bibig niya. Binilisan niya ang pagmaneho dahil tino-torture siya ni Cally. Nang ma-park niya ang sasakyan sa bahay nila, hinarap niya si Cally. "You are so bad! Paano kung napahamak tayo kanina?" "It only means, you are not a good driver." Katwiran nito. Prin "...." tama bang sa kanya pa isisi? Chapter 82 - Whats inside your heart? Tahimik silang dalawa at parang walang gustong lumabas ng sasakyan. Hinawakan ni Cally ang magkabilang pisngi ni Prin at tinitigan siya ng diretso. Tila ayaw nitong ilayo kahit isang segundo lang ang paningin mula sa pagtitig sa kanya at ilipat sa ibang bagay. Nakahawak lang ng mahigpit si Prin sa suot na pang-itaas ni Cally na para bang kumukuha doon ng suporta. Hindi alam ni Prin kung ano ang mga nasa isip ni Cally ng mga oras na iyon. Parang nakikipagsagupaan ang mata nila parehas at walang gustong mag-baba ng tingin. Nakatitig si Cally kay Prin at gusto niyang sabihin dito ang lahat ng nasa puso niya but he doesn''t know where to start. He never confessed to anyone before. He wanted to create the sweetest confession. He then followed what''s inside his heart and mind. but then, no word can expressed his real intentions. ''Prin, I think I can''t live without you.'' ''Even in my dreams, can''t live without you in it. I dreamt of you, clothed in a lacy white dress.'' ''You were like a warrior ready to fight for me,'' ''A Star who filled my heart with Joy,'' ''A true Queen in my Kingdom'' ''Who will try to find me whenever I am lost in the city?'' ''Who will smile for me every morning?'' ''Who will give me a warm embrace every night?'' ''Who will drive me home whenever I am drunk?'' ''Is there anyone who I accept can calls me ''Husbie'' aside from you?'' ''Is there anyone who can be worthy of my heart aside from you?'' ''What about you¡­ What''s inside your heart?'' He knew Prin is the only one for him. He wants the best for her. He wants to spend his life with his Prin. His warrior Princess. He pecked her lips. "Prin Matsui¡­" bulong ni Cally sa pangalan niya. Nabigla si Prin sa biglang pagtawag ni Cally. He touched her lips. "...I think I love my wife so much!" sabi nito habang nakatitig sa kanya na akala mo ay hindi siya nito nakikita. Nagluha agad ang mata ni Prin sa mga binigkas ni Cally. How long she had waited for him to tell her those words? Parang nilipad ng hangin yung pagod na naramdaman niya sa buong gabi kakatakbo. Siya na ang kusang lumapit sa labi ni Cally para sagutin ang pagmamahal nito sa kanya. Matapos ang ilang sandali, napansin ni Prin na hindi na kumikilos si Cally. Hindi na rin ito gumaganti sa halik niya. Nagulat na lang siya nang biglang bumagsak ang ulo ni Cally sa dibdib niya. Cally passed out! Bigla niyang naisip kung lasing lang ba ang lalaki kaya biglang nag-confess sa kanya? Kung iisipin niya ng mabuti, kung anu-ano ang ginawa nito. Nang-manyak at nang-gulpi pa. "Oi Husbie! You should wake up! Next time you confessed make sure na hindi ka lasing!!! Gising! kung hindi pababayaan kita dito." inalog-alog niya ang balikat ni Cally. "Sabihin mo ulit yung sinabi mo kapag nasa maayos na huwisyo ka! Oi Gising!!!" Hinila siya nito at niyakap. "So noisy" in-adjust nito ang upuan ng sasakyan para makasandal sila ng maayos. "Let me rest for awhile." sabi nito habang yakap siya saka pinagpatuloy ang pag-idlip. Hindi tuloy alam ni Prin kung magpapasalamat siya sa Bourbon o hindi. Nakatulog si Prin na may ngiti sa labi. Nagising siya na nasa ibabaw na siya ng kama. Napangiti siya nang maalala ang naganap sa kanila ng nagdaang gabi. Cally confessed!!! Para siyang mababaliw habang pangiti-ngiti na mag-isa at nakatingin sa kisame. Napalingon si Prin sa direksyon ng pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Cally. "Bangon na, susunduin natin ang kambal" "Hindi ako babangon, hangga''t hindi mo inaayos ang sinabi mo kagabi." sabi niya dito. Nakakunot-noo si Cally. "Ano yung sinabi ko?" Sumimangot si Prin, saka niya ito tinalikuran. ''Hmp! Sabi na nga ba at wala siya sa tamang pag-iisip. Malamang ginaya niya lang sa pelikula yung sinabi niya kagabi.'' Hindi maiwasan na masaktan siya. Naramdaman niyang lumundo ang katabing pwesto sa kama. Pahulog na yung luha niya sa mata nang lumitaw sa harapan niya ang tatlong pulang namumukadkad na rosas. Kinuha ni Prin iyon. "Did I say¡­ Prin Matsui, bayaran mo ang utang ko?" Biglang nilingon ni Prin sa Cally. "Hindi iyon!" "Did I say¡­ Prin Matsui, hindi ka pa naliligo?" pang-iinis nito. Matalim ang tingin na pinukol niya dito. Ang aga-aga mukhang may planong inisin siya. "Hindi rin iyon" sabay irap dito. "Did I say, Prin Matsui, mababa ang grades mo at galingan mo mag-aral?" Namumula na ang mukha ni Prin sa pagka-inis. "I don''t want to talk to you!" singhal niya dito Plano na niyang itapon ang bulaklak na hawak sa basurahan. Tumayo na siya at tinungo ang trash bin. "Prin Matsui!" tawag nito sa kanya. "I think, I love my wife so much!" napatigil siya sa paglakad nang marinig muli iyon. Pinihit niyang muli ang sarili paharap kay Cally at may hindi maipaliwanag na ngiti. "Looks like you are satisfied but I am just joking right now." pang-aasar nito. Binato niya dito ang mga bulaklak. Tawa ng tawa si Cally. Unang beses na makita ni Prin na tumawa ang lalaki. Hinila siya nito para makaupo siya sa gilid ng kama. "I love you so much, Baby Panda." Seryoso na sabi bago sinakop ang labi niya. Chapter 83 - Brainless Sean (1) Masaya si Prin na makita muli si Crayon at Crayola. Nagpunta sa Africa ang magulang ni Cally kaya sa kanila muna ang kambal. "Ate Prin, I have to buy a book. Let''s go out" hiling ni Crayon. "Yes, ate Prin. I am going to buy colored pens too." sabi naman ni Crayola. Napakamot sa ulo si Prin. Umalis kasi si Cally dahil may biglaang inasikaso sa opisina. Bilang wala ang Daddy nila kailangan ang presensya ng asawa niya sa MGM. Hindi siya makapagdesisyon kung isasama niya ang dalawa. "Ate Prin, wala ka pang regalo sa amin" pangungulit ni Crayon. "Yes. I want a gift too." Sumakit bigla ang ulo ni Prin. Bigla niyang naisip na kahit kay Cally ay wala pa rin naman talaga siyang regalo. Tiningnan niya ang dalawang bata. "Sige, isasama ko kayo. Mag-sh-shopping tayo. Alam niyo ba kung ano ang gusto ng kuya niyo?" "Bakit kay kuya lang?" may pagtatampo sa boses ni Crayola. "Yes, we want something from you too." "And.. I want to eat ice cream." "I love banana split." Hindi akalain ni Prin na ganito mangulit ang kambal. Halos parehas ang nasa isip ng mga ito. Wala siyang nagawa kung hindi ang pasakayin sa sasakyan si Crayola at Crayon, at magpunta sa pinakamalapit na Mall. Sinabihan niya ang dalawa na huwag masyadong maglilikot at huwag lalayo sa kanya. Pagdating sa bookstore, napansin nila na may Quiz Bee na magsisimula sa sa loob ng kinse minutos. Nakatitig si Crayon sa maliit na stage na naroon sa gitnang bahagi ng malaking Book Store. Pwedeng manalo ng limang libro kung sakali na mananalo sa Quiz Bee. "Ate Prin, sali ka." biglang sabi nito sa kanya. "Yeah, sali ka sa Quiz Bee. para may libre kaming book." Prin "...." ''Please spare my life. Kung nasa digmaan tayo ay okay lang. My dearest babies¡­ iba na lang hilingin niyo please.'' nagmamaka-awa si Prin sa isip niya. Bigla niyang napansin si Sean sa loob ng bookstore "Oh! Look it''s Prin!" masayang bati nito. Lalong sumimangot si Prin. "Who are these kids?" tanong nito at hindi siya interesadong sagutin. Masama naman ang tingin ni Crayon sa lalaki, sa tingin niya ay hindi maganda ang intensyon nito sa ate nila. "Who are you?" tanong nito kay Sean. "Manliligaw niya." makapal ang mukha na sagot nito. Pinukulan ni Prin ng matalim na tingin si Sean. Tama ba na sabihin na manliligaw niya ito sa harapan ng in-laws niya? "Hey! May I remind you, you are not even an acquaintance?" Nakangisi lang si Sean at hindi pinansin ang pagsusuplada niya. "Hey Mister! Papayagan kita na manligaw sa ate namin kung matatalo mo ako sa Quiz Bee" sabi ni Crayon habang turo ang stage. Tinimbang ni Sean ang batang lalaki na nakasalamin. He''s a college student at hindi rin naman siya bagsak sa klase. Napangisi siya sa batang lalaki na mukhang nasa elementary. "Sure! Kapag natalo kita may kiss sa''kin ang ate Prin mo" mayabang na sabi nito. Naka-isip ng nakakaloko si Prin pero nagpanggap siya na kunwari ay natatakot siya para kay Crayon. Matatalino ang magkakapatid na Han at alam lahat ng malalapit na pamilya iyon. Simpleng bata lang si Crayon at Crayola at matindi mangulit pero advanced ng dalawang taon sa klase ang mga ito. "Are you sure Crayon? He is a big guy. For sure he knew a lot. Paano na si kuya Cally mo?" kunwari ay malungkot na sabi niya. "Ako ang magpapaliwanag kay Kuya Cally kapag natalo ako." Hinarap nito si Sean. "Kapag nanalo ako, you have to buy us 20 books." hamon ni Crayon. Nakangisi si Sean. naisip niya na mukhang kapatid ni Cally ang dalawang bata. Oras na para makaganti siya sa mga ito. "Sigurado ka na lalabanan mo ako?" Mayabang na tanong ni Sean. "Ganito na lang, how about isama mo yung kapatid mo, para dalawa kayo ang magtulungan. Nakakahiya naman kasi baka sabihin bully ako ng bata."sabi pa ni Sean. Natatawa ng lihim si Prin, kahit kailan talaga ay alam ni Sean kung paano ilalagay sa alanganin ang sarili at may pagka-mayabang din. "What about you, My darling? Pumayag silang dalawa na maka-score ako ng halik sa iyo kapag nanalo ako sa Quiz Bee. Siguro naman ay papayag ka at hindi mo ipapahiya ang mga kapatid ni Cally." "Naku.. pa''no na iyan Crayon, sigurado magagalit sa akin ang kuya mo kapag natalo ka." "''Wag kang mag-alala Ate Prin. I will definitely win against this Big guy!" Chapter 84 - Brainless Sean (2) Sabay na nagrehistro si Crayon, Crayola at Sean sa Quiz Bee. At hiniling nila na kung maaari ay silang dalawa lang ang maglaban. Si Sean laban sa kambal. Pumayag ang coordinator, pero nag-aalala ito kay Crayon at masama ang tingin kay Sean. Sinabi ni Sean na hindi siya interesado sa premyo ng Bookstore pero gusto niyang talunin ang batang si Crayon. "Kasali naman po yung kambal niya." sabi ni Sean. "He will give me 20 books as a reward. I want you to prepare your most limited edition books." utos ni Crayon. Nabigla ang coordinator sa utos ng batang lalaki. Isang may-edad na nakasalamin ang pumukaw sa atensyon ni Crayon. Dahil sa paraan ng pag-utos nito. Sisiguraduhin ni Crayon na tatalunin niya ang lalaking makapal ang mukha na balak manligaw sa ate Prin niya. Kalmado lang si Crayola sa tabi ni Crayon at tila inosente ang tingin ni Sean dito. Naka tirintas ng maayos ang buhok nito na si Prin ang gumawa. Kaiba sa hitsura ni Crayon ang hitsura ni Crayola. May awra si Crayon ng tunay na Kent kapag seryoso. Samantalang tila inosente at walang alam si Crayola, mukhang madaling utuin. Tulad sa normal na Quiz Bee, mayroon ding buzzer na pipindutin. At sasagot ang makakapindot. "Okay, we have 20 questions. First ten question is one point each. Then, two points on the last ten questions. Posible na hindi na matapos ang lahat ng questions kung sa palagay natin na wala nang pag-asa ang kalaban. Okay?" sabi nito. Nilingon pa ni Crayon ang ate Prin niya bago sa nakangising si Sean. "Crayon and Crayola, tuturuan ko kayo ng Karate kapag nanalo kayo. Kaya galingan niyo, okay!" Nagsimula ang laban. "Okay, first question. What is the smallest Province in the Philippines?" tanong ng gumaganap na host. Unang pumindot si Sean. "Camiguin." sagot nito. "Correct!" Binelatan ni Sean si Crayon. Inismiran lang ito ni Crayon dahil mukhang natutuwa na ang lalaki sa one point. Nasa easy questions pa lang sila, niyayabangan na siya nito? "Second question. A handheld tool used to strike another object and most common tool in carpentry." Naunang pumindot muli si Sean. "Hammer." tulad ng nauna binelatan muli nito si Crayon. Naiinis na si Prin sa lalaki, pero kalma lang ang kambal. "The group of Filipino fighters that opposed the Japanese occupation during 1940." Pumindot muli si Sean. "Hukbalahap." "Who is the first Marvel Avenger?" "Captain America." Nakaramdam na ng inis si Prin. inabot na kasi ng sampu at nasagot ni Sean ang lahat. Pati ang ibang manonood ay naiinis na kay Sean sa pagiging mapagpatol nito sa dalawang bata. Nagkakataon lang na mas mabilis si Sean sa pagpindot. Nagsimula ang second round na ''di hamak na mas mahirap kumpara sa naunang sampung tanong. "Who is the main antagonist in the animated film M.o.a.na?" Pumindot muli si Sean. "Te Feti" sagot nito. "Wrong!" "Te K¨¡" sagot ni Crayon. Sa unang sagot nakadalawang puntos agad si Crayon. "What metal constitutes most of a penny?" ikalawang tanong sa second round. "Tin!" sagot ni Sean. "Wrong!" "Zinc" si Crayon. "Correct!" "Who is the person who often called England''s national poet and the ''Bard of Avon?" Ramdam ni Prin na pinagpapawisan si Sean. Dahil hindi alam ng lalaki ang sagot, si Crayon ang pumindot. "William Shakespeare" Hanggang sa sunud-sunod na nasagot ni Crayon ang tanong. "Which one of Snow White''s seven dwarfs most likely suffers from aphasia?" "Dopey" "An orthopedic doctor treats what part of the human body?" "Bone" sagot ni Sean. May 12 points si Sean at eight ang kambal. "Who is the three-year-old bengal tiger in the movie ''Life of Pi''?" "Richard Parker" sagot ni Crayon. "Hey! Madaya! Hindi pa sumasagot yung babae." sabi ni Sean. Hindi niya kasi akalain na matalino ang batang lalaki. Sa tingin niya mas mahina si Crayola. "Dahil dalawa kayo, dapat lang na yung isa naman ang sumagot" reklamo ni Sean. "Are you sure Mister?" tanong ni Crayola. "Of course!" sigurado si Sean. "Doon ka na sa baba." pambu-bully pa nito kay Crayon. Kusa namang sumunod si Crayon para tumabi kay Prin. Nakangisi lang si Prin. Akala siguro ni Sean ay makakalusot na ito kay Crayola. May 10 points na ang kambal at 12 points si Sean. "what is the first book printed in the philippines?" Sean "...." "Doctrina Christiana, printed in 1593" sagot ni Crayola. "Correct!" Parehas na silang naka12 points. Tinaas ni Crayola ang kamay "I have a suggestion" "How about we ask each other one last question? Whoever got the correct answer will win. Deal?" mungkahi ni Crayola. "Deal! Pero gusto ko na ako muna ang magtatanong" mayabang na sabi ni Sean. Nasa isip ni Sean na mas maganda kung sa kanya manggagaling ang tanong. "Deal" "How much does the earth weigh?" tanong ni Sean. "Are you sure that is your question?" parang hindi makapaniwala si Crayola. Nasa isip ni Sean na walang bigat ang earth kaya sigurado na hindi iyon masasagot ng batang babae na mukhang inosente. "I''m sure!" Binigyan siya ni Crayola ng are-you-an-idiot kind of look, kaya nakaramdam siya ng inis. "The earth weighs 5.972 x 10^24 kg, or around 6,000,000,000,000,000,000,000,000 kg." mahabang bigkas ni Crayola. "Correct!" Nagulat si Sean at hindi siya makapaniwala. "Now it''s my turn. tell us the digits of Pi. You should continue until where it stops." hamon nito. Sean "...." Chapter 85 - You are the best Walang nagawa si Sean kung hindi ang gumastos ng singkwenta mil sa 20 books na hiling ni Crayon. Bukod pa doon, binigyan din siya ng unlimited pass sa Library ng Book store na matatagpuan sa penthouse ng main building kaya masayang masaya siya. Nakita kasi siya ng may-ari na kasalukuyang nanunuod ng laban nila ni Sean. Natuwa ito kung gaano ka-cool si Crayon at Crayola at kung gaano sila kahilig magbasa ng libro. Walang nagawa si Sean kung hindi ang umalis ng mainit ang ulo dahil gumastos siya ng malaking pera. Who wants to spend on books na halos kasing mahal na ng air ticket niya papuntang Amerika? ''Serves you right!'' gustuhin man ni Prin na patulan ng lalaki. Sayang lang ang effort niya dito. Pasasaan ba''t mananawa rin ito sa kalokohan nito. Tutal mukhang hobby na nito na ipahiya ang sarili. Dinala niya si Crayon at Crayola sa isang Ice Cream House. Natutuwa si Prin sa dalawang kapatid ni Cally. Mabuti at hindi siya ang kalaban ni Sean dahil aamin na siya na posibleng talo siya sa lalaki. "Sabihin niyo sa akin kung ano ang gusto niyong regalo, ibibili ko sa inyo." ganado si Prin na magshopping sa araw na iyon. Nag-isip ang dalawang bata. "hmm.. I want the katana in your house" sagot ni Crayon. "Ah! Yes yes! I want that too!" ang katana na nasa General Hall sa Matsui Villa ang tinutukoy nito. Napakamot si Prin sa pisngi. Sigurado na hindi niya iyon pwedeng ibigay sa dalawa dahil bukod sa pag-aari iyon ng Daddy niya, matalim at nakakasakit ang bagay na iyon para sa sampung taong gulang na bata. "Saka ko na kayo bibigyan kapag naka-graduate na kayo okay? Sa ngayon, enjoy your time as a kid. Naiisip ko na ibigay sa inyo ay Treehouse. Gusto niyo ba ng Treehouse sa bahay niyo? You can play there, read books, rest and accept friends or visitors." Napalitan ng excitement ang mukha ng dalawang bata. "Oh! Yes I like it!" "I like it too! You are the best, Ate Prin!" Matapos nilang kumain ng meryenda, nagpunta sila sa bilihan ng relo. Wala pa siyang nabiling regalo kay Cally. Dalawang relo ang binili niya. Isa kay Assistant Xander at Isa para kay Cally. Kailangan niyang magpasalamat kay Xander bilang maaasahan nila ito. Dahil hindi niya alam ang pipiliin, parehas na lang ang relo na binili niya para sa dalawa. binilhan niya rin ng hairpin si Bella. Magandang ballpen at hand wrap naman para kay Kai. Masaya silang tatlo hanggang sa makauwi ng bahay ni Cally. Sakto naman na kararating lang din nito mula sa opisina. Masaya na nagtatakbo ang dalawang bata papasok sa loob. Nakakunot-noo na nilapitan siya ni Cally. Inabot niya dito ang mga paper bags ng mga pinamili, hinalikan ito sa pisngi at saka sumunod sa dalawang bata papasok sa bahay. "Honey, what are these?" "Gifts. Halika. I bought something for you" hinila niya si Cally papasok sa loob ng bahay. Nagliwanag ang mukha ni Cally nang sabihin niya na may regalo siyang dala para dito. Nakasunod lang si Cally habang pinanunuod si Prin na parang bata na nakasunod din sa mga kapatid niya. Inutusan niya ang kambal na maghilamos bago sila maghapunan. Sumalampak si Prin sa sahig at nilabas ang mga laman ng mga paper bags. Inabot dito ang dalawang box ng relo. "This one''s for you, this one is for Xander." inabot ni Prin ang parehas na relo kay Cally. Gusto sanang matuwa ni Cally dahil may natanggap siyang regalo mula kay Prin. Iyon nga lang, bakit parehas sila ni Xander? Parang sinabi na rin ni Prin na parehas lang ang tingin nito sa kanila ng assistant niya. Nakikita niya sa mukha ni Prin na masaya ito sa nabili kaya gumaan kahit papaano ang kalooban niya. Inisip niya na baka mayroon pa para sa kanya. "give me your hand." utos ni Prin. Inabot naman ni Cally ang kaliwang braso. Noon lang napansin ni Prin na may nakakabit na relo na sa kamay ni Cally. Galing iyon kay Master Kent at sigurado na hindi iyon basta-basta tapos ay papalitan niya lang ng pitpitsugin na relo. "Uhm¡­ husbie, mukhang kailangan kong bawiin ang relo" Cally "...." Parang maiiyak si Cally sa sinabi ni Prin. Mas okay nang parehas sila ng assistant niya kaysa wala talaga siyang makuha na kahit na ano mula dito. Para na rin nitong sinabi na mas mataas ang tingin nito kay Xander kaysa sa kanya. "Mayroon pa bang¡­ iba for me?" tanong ni Cally. Napakamot sa ulo si Prin. "Wala na e" "Then, bakit dalawa yung kay Kai?" reklamo ni Cally. Hindi naisip ni Prin ang rason. Basta nakita niya lang ang mga bagay na iyon at natuwa siya kaya binili niya. Hindi niya akalain na magiging issue iyon kay Cally. "Is there anything you want?" "You. I want you¡­" Chapter 86 - The New Bully Male-late na si Bella sa school. Nag-aabang siya ng taxi para sa pagpasok nang mapansin niya ang sasakyan ni Kai. Nilagpasan lang siya nito na akala mo ay hindi siya nito nakita. ''Hmp! Tubuan ka sana ng butlig sa kili-kili, yung madami!'' Nakaramdam siya ng inis dahil alam niya na sa school din naman ang punta nito. Inabot pa siya ng ilang minuto sa paghihintay, wala pa rin siyang maarkilang taxi. Inis na inis siya lalo na kay Kai. Ilang saglit pa, huminto sa harapan niya ang isang dilaw na sasakyan. Bumaba ang bintana nito at nakita niya si Ken na driver. "Bella, sakay na!" sabi nito. Nagliwanag ang mukha ni Bella. "Ken!" masayang bati niya dito saka niya binuksan ang pinto at pumasok. Sa kabilang sasakyan, Nagdadalawang-isip si Kai kung babalikan si Bella na mukhang naghihintay ng sasakyan sa tapat ng building ng condo nila. Ayaw niya sana ng pasakayin ang babae dahil parang namimihasa na ito sa pagsakay-sakay sa sasakyan niya. Gayunpaman, sinunod niya ang kung saan siya mapapalagay. Umikot ang sasakyan niya para balikan ang babae. Pero hindi pa siya nakakalapit dito isang dilaw na sasakyan na ang pinasukan nito. Nakakunot-no si Kai kung sino ang may-ari ng dilaw na sasakyan. Nakaramdam siya ng inis. Nag-alala pa man din siya na baka walang masakyan ang babae kaya niya ito binalikan. Iyon pala, nag-aabang ng sundo. Nilagpasan niya ang dilaw na sasakyan at dahil hindi naman tinted ang sasakyan nito, nakita niya na tumatawa si Bella pati na ang lalaki sa elevator ng nakaraang gabi. Mas dumoble ang inis ni Kai. Nasabihan niya na kasi si Bella na mag-ingat ito sa mga pagkilos nito bilang girlfriend niya. Pinaharurot na lang niya ang kotse hanggang sa eskwelahan. Napansin ni Bella ang sasakyan ni Kai na nag-overtake sa sasakyan ni Ken. inambaan niya ang sasakyan ni Kai mula sa likuran. Napansin siya ni Ken. "Is that your boyfriend''s car? LQ kayo ngayon?" nakangisi na tanong nito. "Hindi kami LQ dahil hindi naman talaga kami." sabi niya dito. Naikwento niya na sa kaibigan kung ano talaga ang status nila ni Kai. "But I can really tell na gusto ka niya." Napalingon si Bella bigla sa kaibigan. Si Kai may gusto sa kanya? No Way! Baka gustong sakalin pwede pa. "Hay naku friend, I don''t believe you. kasing-tigas ng bato ang puso ng taong iyon. Halos kulang na nga lang sabihin sa akin na burahin ko yung picture niya sa timeline ko. Hmp!" Ayaw niyang umasa. Mahirap nang mainlab tapos masasaktan sa huli. Pansin niya na mabenta si Kai sa kababaihan at sigurado na magkakaroon lang siya ng sakit ng ulo. "Hindi ko siya nakikita right now but I can feel that he is jealous." "Haay, kanina ang ganda ng usapan bakit biglang napunta sa kanya?" reklamo niya. Tumawa si Ken. "Let''s bet? Sigurado ako na may gusto sa iyo ang boyfriend mo, tulad nga ng sabi mo kasing tigas siya ng bato kaya hindi pa siya umaamin." Inikutan niya ito ng mata. Kilala niya bilang babaero ang kaibigan pero tanging kapatid lang ang turingan nila sa isa''t isa. Noon pa man alam niya na may gusto ang lalaki kay Maya, ang kapatid niya sa ama pero hindi naman ito sinusuklian. Isang kilalang aktor ang Daddy ni Bella pero hindi alam sa publiko na anak siya nito. Tanging ang Pamilya lang ng Daddy niya ang nakakaalam tungkol sa pagkatao niya bukod sa Mommy niya na may asawa na rin na iba at kasalukuyang nasa ibang bansa. Ang unit na tinitirhan niya ay pag-aari ng Daddy niya na binigay nito sa kanya ng lihim sa pamilya nito. She learned about Cally because MGM manages her Dad. Naputol sa isipin si Bella nang huminto ang sinasakyan niya sa tapat ng school. "Pa''no, uuna na ako. See you later." sabi niya kay Ken. Isang saludo ang sinagot nito sa kanya bago umalis. Tumuloy lang siya hanggang sa klase. Late na siya. "Sorry Ms. I''m late." Nakasimangot ang instructor niya pero pinatuloy pa rin siya nito. Pagpasok niya sa klase hindi akalain ni Bella na may bago siyang problema. Kampante kasing nakaupo si Kai sa tabi ng upuan niya. Nilingon niya si Oscar na talagang katabi niya na napunta sa likuran malapit sa basurahan. Kumunot ang noo niya at nilipat ang paningin kay Kai. Pinaalis kaya nito si Oscar sa upuan? Umupo siya sa pwesto niya sa tabi ni Kai. Sabay ng pag-upo niya ang paglapag nito ng notes nito. "Simulan mo nang mag-take ng notes for me." "Why?" bulong niya dito. "Because you are my girlfriend. Nakalimutan mo na?" "Hmp! Kabago-bago, Bully" bubulong-bulong sa sarili si Bella. Chapter 87 - Boyfriend Material Matapos ang klase binalik ni Bella ang notebook ni Kai. "Eto na ang notes mo. Wala ka namang ginawa kung hindi ang matulog sa klase, tapos ako taga-sulat?" "Hindi ako basta nakapikit lang. Ninanamnam ko ang sinasabi ng instructor natin. That''s how I learned things. I feel the lessons through his voice." Bella "...." Maghapon niyang pinakiramdaman ang binata at alam niyang natutulog lang ito, tapos sasabihin sa kanya ninanamnam yung lesson? Edi sana lahat ng estudyante tulad ni Kai di ba? Sana all! Inikutan niya ito ng mata saka nagbrowse sa cellphone. Bigla niyang nakita na showing na yung palabas na ''The Story of Me and You'' "Ahhhh!!!!" tili niya. Paborito niya kasi ang aktres na si Megan Da at aktor na si James Red. "Hey anong nangyari sa ''yo" nabigla si Prin sa pagtili niya. "Samahan mo ako manood ng sine! My friend! Showing na! Showing na yung palabas ni James Red na The Story of Me and You!" halatang fan ito ng kung sino man na artista na iyon. Gusto sanang sumama ni Prin kaya lang nasa bahay pa ang kambal at nangako siya sa mga ito na tuturuan niya ang dalawa ng karate. Bigla niyang nakita si Kai na seryosong nakatitig sa excited na si Bella. "My friend, hindi ako pwede eh may plano na kasi ako ngayong hapon. Si Leader MB5 na lang ang sasama." mungkahi ni Prin. Biglang natigil si Bella sa sayang nararamdaman at napalingon kay Kai na walang makitang emosyon. "Tutal boyfriend mo naman iyan di ba? Sakto at mag-date kayong dalawa." nakangising sabi ni Prin. "Alam mong hindi totoo iyon, ''di ba?" bulong ni Bella kay Prin dahil may mga estudyante pa sa loob ng kwarto. "Okay lang iyan. MB5! Pinapasa ko ang obligasyon mo ngayong hapon kay Bella." tinapik pa niya ng dalawang beses sa balikat si Kai na biglang sumimangot. "Ayokong mag-alaga ng fan girl!" reklamo nito. Pinukulan ito ni Bella ng matalim na tingin. "Okay lang! Huwag na Prin. Itetext ko na lang yung kaibigan kong si Ken" sabi niya saka nagsimulang magtype sa cellphone. Inagaw agad iyon ni Kai. "Matagal na akong hindi nanonood ng sine. Simula ng magpunta ako ng Japan, hindi na ako nakakanood ng sine. Kaya huwag mong isipin na gusto kong sumama sa iyo. Isa pa ikaw ang sasagot ng ticket dahil gusto mong manood ng pelikula ni James Bond at saka gusto mo akong isama na manood." mahabang litanya nito. Prin "...." Bella "...." "James Red!" pagtatama niya. Saka Teka! Kailan niya sinabi na gustong-gusto niyang isama ang lalaki na manood ng sine? Sa haba ng litanya ni Kai, wala siyang maisip na isagot dahil naipamukha na nito sa kanya na gusto niya itong isama na manood ng sine kaya siya ang sasagot sa ticket. No more buts! "O siya bye guys!" paalam ni Prin. "Tara na, baka gabihin pa tayo" sabi ni Kai sa kanya na wala ng ''pero-pero'' o ''bakit, ngunit at datapwa''t''. Saka nito sinauli ang cellphone niya. Sumunod na lang siya dito hanggang sa makarating sila ng sinehan dahil mukhang wala na siyang magagawa. Parang nasa alapaap ang pakiramdam ni Bella dahil mapapanood niya na ang inaabangan niyang pelikula ni James Red at Megan Da. Nagniningning ang mata niya. Si Kai sa tabi niya ay iritable na naman dahil nakapila na naman sila. ''Hmp!'' Hindi niya na lang ito pinansin. Nakareserve naman na sila ng ticket. Iyon nga lang, kailangan pa rin nilang pumila dahil sa dami ng customers. Pinagmamasdan ni Kai ang mga manonood na sweet, may bitbit pang popcorn at soda. Naglalampungan kahit maliwanag. Unang beses niyang manonood ng sine kung tutuusin at ''romance'' pa ang tema kaya mas lalong wala siyang ideya. Sa Taiwan ay sa mini theater ng bahay lang nila siya nanonood, wala siyang ideya sa big screen. Medyo naiinis siya ngayon dahil ayaw niya ng mga pabebe na katulad ng mga nakikita niya sa mga magnobyo na nagyayapusan. "Bumili ka ng popcorn!" utos niya kay Bella. "Ano? Ililibre na naman kita?!" angil ni Bella dito. Namimihasa na ang lalaki sa palibre sa kanya. "Natural! Dahil gusto mo ng kasama. Kaya lubus-lubusin mo na dahil hindi ko kilala si James Bond" "James Red!" "Whatever..." balewala na sagot nito. "Eto yung cellphone ko para sa QR. Kapag naglock 1234 lang ang password." "1234? Nag-password ka pa!" "Wala kampake!" angil ni Bela. Saka inabot dito ang cellphone niya. Naiinis na siya kay Kai. Talagang sa social media niya lang ito boyfriend kasi hindi siya BOYFRIEND MATERIAL sa totoong buhay! Chapter 88 - Fall in love Nang umalis si Bella sa tabi ni Kai, may nagpa-cute agad sa binata. "Kuya, may kasama ka?" tanong ni ate girl. Hindi niya ito pinansin dahil obvious naman na hindi siya manunuod ng sine ng mag-isa. Tingin niya dito ay nagtatanga-tangahan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya ito umalis sa harapan niya. Nabigla si Kai nang tumunog ang cellphone ni Bella. May tumatawag sa babae. Kumunot ang noo niya na makita ang pangalan ng caller --si Ken. ''Hindi ba ito yung Ken na kaibigan ng maliit na babae?'' Naalala niya pa ang ngitian ng dalawa sa loob ng sasakyan nang umaga ng araw na iyon. Sinagot niya ang tawag. "Yes?" Halatang nagulat ang kausap niya sa kabilang linya. "Sino ito? Nasaan si Bella?" "Boyfriend niya. Bumibili siya ng popcorn dahil manunuod kami ng sine" halata ang pang-iingit sa boses niya. "Oh? Kung gan''on enjoy kayong dalawa. Malamig sa loob ng sinehan kaya dapat naka-ready ang braso mo para yakapin siya. Naka-ready na rin ang panyo mo dahil sigurado na iiyak iyon sa loob. saka--." "Alam ko ang gagawin ko kasi ako nga ng boyfriend di ba? Bye!" sabi niya saka binaba ang tawag. Nakaramdam siya ng inis dahil kailangan pa siyang turuan ng kung sino man na kihote na ito. Matapos makuha ang ticket, sinilip niya si Bella na naka-pila sa bilihan ng snacks. Binuksan niya ang cellphone nito gamit ang password na 1234. Bumungad sa kanya ang magandang selfie ng babae sa wallpaper. Aminado naman siya na maganda talaga ang babae. Ang ginawa ni Kai, nag-selfie din gamit ang cellphone ni Bella. "Anong ginagawa mo?" nilingon niya ang nagtatanong na si Bella, tapos na palang bumili ng pagkain nila ang babae. "Obviously, I am doing a selfie" tila wala siyang paki-alam kahit pa si Bella ang may-ari ng cellphone. "Why? Sa huling pagkakatanda ko ako ang may-ari ng cellphone na iyan" mataray na sabi pero hindi man lang naapektuhan si Kai. "Because you are going to post it on your social media na nanonood tayo ng sine." Natahimik si Bella dahil natural na maganda ang ideya ng binata. Kung magkasama pa silang dalawa sa picture mas kapani-paniwala. Mukhang narinig din nito ang iniisip niya. "Come here. Mas kapani-paniwala kung dalawa tayo." sabi nito. wala na siyang nagawa dahil inakbayan na siya nito at idinikit ang mukha sa kanya. "Say cheese!" Sa bigla ni Bella, napalingon siya sa mukha ng lalaki saka niya nadinig ang shutter ng cellphone. Ayaw man niya pero dumaloy ang kilig sa buong pagkatao niya. Ang bango kasi ni Kai. Sa lapit ng leeg nito sa ilong niya, hindi nakaligtas ang mabangong amoy ng cologne nito. Napatigil siya bigla. "Ayan... Perfect! you really look like a girl in love with her boyfriend in this photo." tila nasisiyahan na sabi nito saka binalik ang cellphone sa kanya. Namumula ang pisngi ni Bella lalo na ng makita niya ang ''obra'' ni Kai. tulad nga ng sabi nito mukha siyang in love doon sa lalaki. "P-pasok na tayo¡­" sabi niya saka nagsimulang maglakad para makaiwas dahil hindi-hindi niya iyon ilalabas sa public. Agad siyag nakabawi sa day dream. "Hindi mo pa pino-post yung picture natin." puna pa rin nito. "Bakit kaya hindi ikaw ang mag-post sa social media mo?! Bakit sakin?" angil niya dito. "Dahil wala akong account. Share it with me, then" hinablot nito ang cellphone niya at ito ang kusang nagpasa ng picture sa sarili nitong phone. Nakatitig lang si Bella sa lalaki hanggang sa isauli ulit sa kanya ang cellphone. Hindi siya pwedeng ma-in love sa lalaki. Ito ang nasa isip niya habang nakatitig dito. "Perfect!"natutuwa na sabi nito. ===== Bukas pero dim ang ilaw sa loob ng sinehan dahil hindi pa nagsisimula ang palabas. Hinanap nilang dalawa ang upuan na nireserba ni Bella. Yakap-yakap ni Bella ang malaking lagyanan ng popcorn pati na ang dalawang soda. Ang walang hiyang Kai hindi man lang siya tulungan sa pagbitbit. Napapa-isip tuloy siya kung saan banda ang nakakakilig sa pagkatao ng lalaki at bakit marami sa ka-eskwela niya ang may gusto dito. ''Hmp! Kung alam niyo lang!'' Nagmamatyag lang si Kai sa loob ng sinehan dahil unang beses niya na makanood ng sine. Hanggang sa matapos ang palabas. Unang napuna niya ang kilig ng kasama niya sa bidang lalaki at hindi nag-iisa si Bella. Napansin niya na madami ang kinikilig sa lalaki.. Napapansin niya rin na naghahalikan na ang ibang couple sa paligid. Madilim doon pero hindi iyon nakaligtas sa kanya dahil isa siyang Dark Guard. Ang totoo hindi naman kailangan na makita niya iyon, sa pakiramdaman lang alam niya kung ano ang ginagawa ng mga tao sa paligid. Napapailing na lang siya. Nang malapit na matapos ang pelikula, napansin niya na umiiyak na si Bella sa tabi tulad ng sabi ni Ken sa kanya. Sumisinghot-singhot ang kasama niya na halatang umiiyak na ito. ''Geez!'' hinubad niya ang suot na Jacket, kinuha ang panyo doon at pinaharap niya ang babae. Pinunasan niya ang luha nito. Natigilan naman si Bella sa inakto ni Kai. Sa kakaunting liwanag mula sa screen, kita niya ang seryosong mata nito habang seryoso rin na pinupunasan ang luha niya. Maya-maya, pinatong sa balikat niya ang jacket na suot nito kaya pakiramdam niya ay niyakap siya ng lalaki dahil nakaramdam siya ng init. ''Punyemas talaga!'' Paano niya susundin ang sarili na huwag ma-inlove sa lalaki kung ngayon pa lang nahuhulog na siya dito? Chapter 89 - A thousand followers Nakatitig si Kai sa mamasa-masang mata ni Bella. He is confused. "Sa susunod huwag ka nang manonood ng Romance Drama kung iiyak ka lang din naman pala." Reklamo ni Kai habang pinupunasan ang luha niya. "Sayang ang pera mo, lalo na kay James Bond. Ikaw na nga ang nagbayad, may luha pa na binigay sa iyo." "Dahil nilibre mo ako ng sine ngayon, ako ang sasagot sa susunod. Pero hindi Romance, okay? Action ang panonoorin natin para walang iyakan." dagdag pa nito. Wala naman nagawa si Bella kun''di ang tahimik na makinig kay Kai. Halos hindi nga niya naintindihan ang sinabi nito dahil nakatitig lang siya sa lalaki. Nakikiramdam lang si Bella hanggang sa makabalik sila ng condo. Nang makauwi sa kani-kanilang bahay ang dalawa, ilang minuto lang may ''new follower'' agad si Bella at si Kai ang tao na iyon. Nakalagay sa activity nito na kagagawa lang ng account nito ilang minuto lang. Nabigla pa siya na makita na siya lang ang kaisa-isang nakalagay sa ''Following'' ng binata. At ang picture nila sa sinehan ang kauna-unahang post nito. Alam ni Bella na mali pero nakaramdam siya ng saya. Binawi niya rin naman agad nang maisip na kagagawa lang ng account ni Kai. Malamang, hindi pa ganoon kalawak ang circle of friends nito sa social media dahil bagong account lang iyon. Humiga siya sa kama na sinasakop ni Kai ang buong diwa niya hanggang sa makatulugan niya iyon. Kinabukasan, habang nagkakape, unang napansin ni Bella na daan-daan na ang followers ng lalaki at karamihan ay schoolmates niya. ''iba na wafu!'' Pero siya lang ang katangi-tanging nasa ''following'' nito. Medyo proud si Bella sa sarili niya. Madaming nakasunod sa lalaki pero siya lang ang nag-iisa na sinusundan nito. Ayaw man niya, pero kinilig siya doon. ''Haay Bella, wala na! Talo ka na sa taguan ng feelings'' Nagpatuloy pa siyang mag-browse nang mapansin ang isang hashtag na may kinalaman kay Cally. Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang mabasa na pinagsamantalahan nito si Luna. Hindi siya makapaniwala sa nabasa dahil sa lamig ng awra ng taong iyon. Kaya isa lang ang masasabi niya - Imposible! ===== Hindi nakaligtas kay Prin ang kumalat na balita dahil kung sinu-sino ang nagta-tagged sa kanya. Pinagsamantalahan daw ni Cally si Luna. Hindi niya alam ang tamang reaksyon pero nasaktan siya para kay Cally. Kung anu-ano kasi ang sinasabi ng mga tao sa asawa niya tulad ng: "Gwapo pero manyak sa totoong buhay" "Minolestya mo ang anak ng Mayor namin, dapat mong panagutan ang ginawa mo!" "I heard she''s crying at hindi makatulog dahil ayaw siyang panagutan ni Cally Han" May mga positive comments din naman tulad ng: "Kilala ko si Luna dahil schoolmate kami, Primadona at masama ang ugali. I don''t buy this post." "Tingin ko nangangarap lang ang anak ni Mayor hahaha." Nasa ganoong ayos siya nang lapitan siya ni Cally. "What is it?" tanong ni Cally kay Prin. Seryosong tingin ang isinagot ni Prin sa asawa niya. Walang makitang emosyon kay Prin bukod sa lungkot. Tumayo si Prin ay yumakap kay Cally. Sunud-sunod ang tao na pumasok sa bahay nila. Si Zuki, si Xander at ang iba pang tauhan ng Daddy ni Prin. "Shi!" bungad ni Zuki. Nakuha agad ni Cally ang dahilan ng pagpunta ng mga ito doon. "Hintayin niyo ako sa labas." Sumunod sa master nila ang lahat. Sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin gamit ang mga daliri. At inipit pa ang ilang hibla ng buhok sa tenga niya. "Huwag kang mag-alala, Inabangan ko talaga ang araw na una silang kumilos laban sa akin. Kahit dulo ng hibla ng buhok niya ay hindi ko pinangarap na hawakan." sabi nito. "I believe in you. Ayoko lang na kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa iyo." malungkot na pahayag ni Prin. Cally felt proud to have a wife like Prin. "Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Mas importante sa akin ang sasabihin at mararamdaman mo." "Alam mo naman na hindi ako basta-basta maniniwala." nakanguso na sabi niya dito. "Ehh, malay ko ba. Sa intelektwal na mayroon ka, hindi natin masasabi. Malaki ang tyansa na maniwala ka sa fake news" Pinalo niya ito sa dibdib. Ibinalik siya nito sa sariling bisig nang natatawa. "I''m happy that you knew me well" ''Of course! Di pa ko tinutubuan ng b.o.o.b.s, pinag-aralan na kita. Hindi isang malditang Luna ang titibag sa akin.'' isip-isip niya. Hinalikan siya ni Cally sa labi. Magaan at parang may mensaheng nakalakip sa bawat paghalik nito. "By the way, may account na sa social media si Kai" balita ni Cally. "Ow! Did he followed you? Wala pa akong narereceive na notif." nagtataka si Prin. "Well, looks like he created the account only for his girlfriend." sabi nito saka pinakita kay Prin ang tinutukoy sa cellphone. "Woah!" nanlaki ang mata ni Prin. Kai has two thousand plus followers pero isang numero lang ang nakalagay sa following nito na sa tingin niya ay si Bella. Chapter 90 - The account for his beloved (only) Mabilis na bumaba ang stock market ng MGM dahil sa issue ni Cally. Pansin ni Prin na parang hindi man lang apektado ang asawa niya. Maganda pa nga ang mood nito kung tutuusin. Tulad pa rin ng dati, hinatid ni Cally si Prin sa eskwelahan na para bang walang nangyari. Habang naglalakad papasok, iba-iba ang klase ang tingin na pinupukol ng mga ka-eskwela kay Prin at alam niyang ang dahilan ay si Cally. Mabuti na nga lang at pinanganak siyang ''deadma'' sa bagay-bagay. Nabigla siya nang lumitaw si Sean sa harapan niya pero tuloy lang siya sa paglakad na para bang hindi niya ito nakikita. "Sige lang, ituloy mo lang na huwag akong pansinin. Kaya ka niloloko ng boyfriend mo e." Hindi pa rin ito pinansin ni Prin. "Haaay, babaero ang boyfriend mo Prin at mukhang hindi kuntento sa iyo. Luku-luko at tanga dahil pumatol siya kay Luna." Sa bigla ni Sean sinuntok siya ni Prin sa mukha. Tinulak niya ito sa pader at pinigil ng braso ang dibdib. "Woah! Easy dear¡­" nakangisi ang lalaki ng nakakaloko at tinaas ang kamay. Ngumisi din si Prin kahit pa naa-alibadbad-an siya sa pagmumukha nito. Nakakailan na ang lalaking ito sa kanya at hindi pa rin siya tinitigilan. "Too bad, you said something bad about my Cally." Susuntukin ulit dapat ito ni Prin pero isang kamay ang pumigil sa braso niya, si Kai. "It''s not worth it¡­" sabi ni Kai saka siya hinila. Kapag nagsugat ang kamay ni Prin, parurusahan siya ng kanyang Shi bilang siya ang baby-sitter ni Prin sa kasalukuyan. That Master of him is a pervert. He doesn''t want any bruises on every part of his wife''s body. "Haaay, ito pa ang isa. Gumawa ng social media account para lang magpa-cute sa kababaihan. Babalikan din ni Bella ang ex niya kaya huwag ka nang mag-eff--" bago pa nito matapos ang sasabihin, isang malakas na suntok mula kay Kai ang tinanggap ni Sean. Pakiramdam ni Sean, nadurog ang wisdom tooth niya na papatubo pa lang. Nagdugo ang labi at bibig niya. Matalim ang tingin na pinukol ni Kai sa binata. At gaganti rin sana ito pero isang sigaw ang tumigil sa kanila. "Prin, Kai and Mr Sean! To my office!" sigaw ng Dean. Doon lang napansin ni Prin na maraming estudyante sa paligid kaya mabilis na nakarating sa Dean ang gulo nila. Nangigigil si Prin dahil sigurado na makakarating kay Cally na binalik na naman siya sa Dean''s office. ''This idiot guy!'' kung nakakamatay lang ang mga titig, baka iniembalsamo na ang lalaki. ===== Sa opisina ng Dean, kausap nito si Sean sa loob ng maliit na opisina nito. Si Prin at Kai ay magkatabi sa couch sa labas ng opisina na matiyagang naghihintay kung kailan sila nito kakausapin. Ngingiti-ngiti si Prin kay Kai na nagpa-conscious sa huli. "What?!" hindi na ito naka-tiis. Tumawa ng malakas si Prin na para bang wala siyang pake kahit nasa opisina sila ng Dean. "Tell me, in love na ba yung leader namin?" naka-ngisi na tanong niya dito. Hindi siya nito sinagot na normal sa leader nila. Naisip niyang subukan ito. "Follow me on your Twit Twit account. Where is your phone?" "Shut it! okay? I created the account para bantayan si Bella. Ikaw ang nag-utos sa akin d''yan na pinapasa mo ang pagbabantay ko sa kanya." sagot nito. Napangiti ng nakakaloko si Prin. Tulad ng inaasahan niya, hindi siya nito i-f-follow sa social media account nito because he created that account only for his beloved. Tsk! "So, you don''t have a plan to follow anyone in Dark Guards?" "No! Bakit ko kayo kailangang i-follow? You guys knew how to protect yourselves. And, may I remind you that no cellphones are allowed in Training camp?" "Ahhh¡­ So, you only wants to protect Bella?" "what? Is that a crime? She''s my girlfriend anyway" Natahimik si Prin pero binigyan niya ito ng makahulugan na ngiti. Mukhang seryoso ang leader nila sa kaibigan niya. Ang nakakatawa, puro reklamo ang natatanggap niyang mensahe kay Bella tungkol kay Kai. Kesyo, inuutus-utusan ito ni Kai. Nanood sila ng sine, pero hindi man lang magawang alalayan ang kaibigan niya at ito pa ang nagbayad sa lahat ng gastos. Masungit ang lalaki at kung anu-ano pa. "MB5, kung ako sa iyo, manligaw ka ng maayos. nandito lang ako para i-guide ka" sabi pa niya habang tinapik ang sariling dibdib ng dalawang beses na lalong kinainis nito. Sasagot pa sana ito pero bumukas na ang opisina ng Dean at sabay silang pinapasok. Lumabas si Sean na nakasimangot. Tinabig pa nito ang balikat ni Kai na hindi man lang natinag. Akala ba ni Sean ay matitinag si Kai sa pagdanggil lang sa balikat? Pati si Prin ay napipikon na rin kay Sean. Gusto niyang pakuluan ng buhay ang lalaki para magtigil na ito sa mga naiisip na kalokohan. Sabihan ba naman na babaero si Cally, luku-luko at tanga. Kung hindi nga lang dumating si Kai para pigilan siya, malamang na tinuloy sa ospital ang bwisit na lalaki. Chapter 91 - Winner Hindi mapakali si Bella sa silya niya. Wala sa klase ang buong kaisipan niya dahil na kay Prin at Kai ang lahat ng brain cells niya. Wala siyang maintindihan sa klase. Nasa online forum na naman kasi ang dalawa at nasabihan na rin siya na pinatawag nga daw si Prin, Kai kasama si Sean ng Dean. Napaaway kasi ang dalawa sa huli. Pasunod na sana siya sa mga ito nang dumating ang instructor nila sa klase, kaya wala siyang choice kung hindi ang tapusin at manatili sa klase. Ilang oras ang lumipas, humugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay matapos ang klase, inayos niya agad ang mga gamit saka lumabas. Hinihiling niya na sana ay magkita-kita silang tatlo sa susunod na klase niya. "Guys, have you heard? Si Prin at Kai. Kailangan na sumali sa Volleyball league bilang parusa mula kay Dean." narinig niyang sabi ng isang estudyante. "Woah! Talaga? Exciting ito" "Basketball at Volleyball to be exact at magsisimula sa weekend. Kung saan kalaban ang kabilang school. And guys I am talking about beach Volleyball. Ngayon pa lang ay naglalaway na ko kay Papa Kai" Nakahinga ng maluwag si Bella. Mabuti at maliit na parusa lang ang natanggap ng dalawa. "Pst!" tawag ng isa pa sa dalawang tsismosa. "Andiyan ang girlfriend, huwag kayong makulit." sita nito. "Nakita niyo na ba? 12 thousand na yata yung ''Follower'' ni Kai pero iisa lang ang ''Following'' niya at ''yun ay walang iba kun''di si Bella na girlfriend." bulong nito. Nakaramdam naman ng panghihinayang at selos ang dalawa pa. Curious si Bella kung totoo ang narinig niya kaya binuksan niya ang app ng Twit Twit. Nabigla siya sa nakita na siya nga lang talaga ang sinusundan ng lalaki. It was as if he created the account for her. Namumula ang mukha ni Bella dahil sa kilig. Tumuloy lang siya sa paglakad hanggang sa makarating ng second floor. Natagpuan niya si Kai na nakasandal sa pader sa labas ng kwarto ng sunod nilang klase at halatang naghihintay. May mga babae pa sa paligid na kilig na kilig habang nakatingin lang sa lalaki. Nilapitan niya ito. "Ahmm¡­ bakit nandito ka sa labas? Baka mag-init na naman ang ulo mo. Nasa''n si Prin?" "She has to go to MGM Office. May nangyari kasi kay Shi Cally." sabi ni Kai habang nakatitig sa mga mata ni Bella. It made her conscious. Lalo na at may mga tao sa paligid nila. "I was waiting for you para magpaalam. Susunod ako kay Prin to check the situation and I will be busy for a couple of days" sabi nito. Hindi naman maintindihan ni Bella kung bakit kailangan pa siya nitong hintayin at magpa-alam, e hindi naman siya nito girlfriend sa totoong buhay. Parang hinaplos tuloy nito ang kaloob-looban ng damdamin niya. It was like a small gesture with a big impact in her whole being. "Ano ba guys, masyado kayong pa-sweet sa hallway. Magkiss na kaya kayo kaysa iniinggit niyo kami." sabi ng estudyante na mukhang kanina pa nanonood sa kanila. Namula ang pisngi nila parehas. "Hindi kita mahahatid papauwi but I will try my best to fetch you. Message me whenever you need help okay" tila nagdadalawang-isip si Kai kung aalis na ba sa harapan niya o hindi. "Have to go!" ang huling sabi saka nagmadaling lumakad papalayo. "Haaay Kai, kapag ganyan ka ng ganyan mahuhulog ako lalo sa iyo" bulong niya sa sarili. Ngumiti siya ng mapait. Alam ni Bella na wala lang ang lahat ng iyon kay Kai. Sinabihan lang din siguro siya nito tungkol sa paghatid at pagsundo dahil may mga nanonood sa paligid. O kaya naman inutusan lang ito ni Prin na magpaalam sa kanya. Nalungkot si Bella. Tumunog bigla ang cellphone niya habang nasa malalim na kaisipan. May notification siyang natanggap. Ang nakaka-aliw, hindi lang ang cellphone niya ang tumunog, kun''di halos karamihan ng nasa paligid niya. Para bang galing ang mensahe sa NDRRMC at may mangyayaring sakuna sa sunud-sunod na beep mula kung kani-kaninong cellphone. Sinilip niya ang cellphone. [Your friend KaiJeonJang recently posted a status] Kinakabahan na pinindot niya iyon at tila dinala siya sa kalangitan sa nabasa. [KaiJeonJang :Wait for me, My Angel¡­] Kung gaano siya kasaya, ganoon naman kalungkot ang mga tao sa paligid habang nakatingin sa kanya at binabasa ang post ni Kai. Halata ang inggit sa mga ito at parang pinagsakluban ng langit kung saan dinala si Bella. "Wala na, may nanalo na!" usal ng isa habang iiling-iling Chapter 92 - Provoked Nabigla si Prin na makita si Xander sa labas ng opisina ng Dean. "Miss Prin." bati nito. Kinabahan si Prin hindi pa man nagsisimulang magsalita si Xander. Hindi kasi pupunta doon ang assistant ni Cally ng biglaan kung walang nangyari sa asawa niya. "Anong¡­ nangyari?" "May mga nangulo kasi sa opisina na sa palagay namin ay supporters o binayaran ng Mayor para guluhin si Shi Cally." seryosong sabi ni Xander. "May mga nambato ng itlog sa sasakyan namin at kung anu-ano pa--" "Bring me to your Master" Nag-aalala na sabi ni Prin, lumakad na siya papalayo kahit hindi pa alam ang sitwasyon. "Sasama ako." Pati si Kai ay hindi maiwasan na mag-alala. Kailangan nilang masigurado ang kaligtasan ni Cally sa oras na iyon. Hinarap ni Prin si Kai. "Sumunod ka na lang, alam ko na hindi mo matitiis na mawalay sa iyong Bella. Magpaalam ka man lang sa girlfriend mo." tinapik niya ito sa balikat. "Huh? Ah ahm e--" Sinubukan pa nitong magkaila sa kanya. "Manligaw ka ng maayos. Hindi yung sa online lang kayo official. Bye leader!" Huling sabi niya sa natulalang si Kai. Iiling-iling si Prin at inaya na si Xander na umalis para tumungo sa opisina ni Cally. Habang daan, tinanong niya si Xander sa kung ano ba talaga ang nangyari sa opisina. Ayon dito, wala naman talagang nangyari kay Cally. Hindi kumilos ang asawa niya dahil simpleng mga mamamayan ang nanggulo sa kanila. Pinatawag siya ni Cally para masiguro ang kaligtasan niya. Seryoso si Prin na nakikinig. Nakaramdam siya ng pagkainis sa Mayor at sa anak nito na si Luna. Hindi niya alam kung ano ang naging hudyat para magalit sa kanya ang babae. Dahil sinusubukan siya nito, ilalabas niya sa lahat ang totoong ugali nito. Wala pa naman talagang nasabi si Luna at mula sa kung kani-kanino lang ang balita. May interview si Mayor pero gusto niyang manggaling ang lahat kay Luna. Gusto niyang magsalita ang babae sa publiko kung ano ang ginawa ni Cally para kainin nito ang mga sinabi nito. Malayo pa ang sasakyan, pansin na ni Prin na madaming tao sa tapat ng entrada ng MGM Office. May mga plakard ang karamihan at kung anu-ano ang nakasulat tulad ng: ''Panagutan mo si Miss Luna Villanueva'' ''Rapist'' ''Bastard'' ''Luna is a sweet child'' Napapailing na lang si Prin. Ganito ba talaga ang mga tao? Kahit hindi alam ang totoong nangyari, basta susugod na lang doon dahil lang sa mukhang mahina at sweet si Luna? "Stop the car!" Pinahinto niya ang sasakyan sa harapan ng mga nangugulo. "Miss Prin delikado po" pigil ni Xander. kapag may nangyari kay Prin, malalagot siya kay Cally. "I''m okay." Sabi niya saka binuksan ang pintuan. Noon niya lang napansin na may reporters din sa paligid. Nagsipaglapitan sa kanya ang lahat ng mga ito at may dala-dalang mic para hingin ang saloobin niya. "Miss Prin, anong masasabi mo sa ginawa ng boyfriend mo?" Tanong ng isa. Tinitigan niya ito ng masama dahil sa tanong nito na para bang sigurado ito may ginawa si Cally. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at sinabi ang saloobin. "Gusto kong magsalita si Luna kung ano ba ang ginawa ni Cally. After that, saka ko sasagutin ang mga tanong niyo. Wala pa naman talaga siyang sinasabi kung may ginawa ba si Cally or wala. Karamihan ng lumabas ay sabi-sabi ng kung sino." hinarap niya ang Camera at tumitig doon na para bang iyon ang bilugang mata ni Luna. "Hinahamon ko si Luna. Babae sa babae. Sabihin mo sa''min kung ano ang ginawa sa iyo ni Cally." iyon lang ang mga huling binitawan niyang salita saka tumuloy sa loob ng opisina. Hindi na siya nagawa pang harangin ng mga tao dahil may punto ang sinabi ni Prin. Hindi pa nagsasalita si Luna sa kung anuman ang reklamo nito. ===== Nang mapanood ni Luna ang interview ni Prin. Nanggagalaiti siya sa galit. Wala siyang plano na magsalita sana dahil wala naman talagang ginawa si Cally sa kanya. Hindi sila makapagdemanda dahil gusto ng Dad niya na sagutin muna ni Cally ang akusasyon niya. Kinatok siya sa pintuan ng isang kasambahay nila. "Senyorita, Pinapatawag ka ni Mayor" Halata sa mukha ni Luna ang pagka-inis dahil sa interview ni Prin at hindi nawala ang pagka-iritable niya hanggang sa harapin niya ang magulang sa sala ng bahay. Napansin niya na may kasama ang magulang niya sa sala at pansin niya na taga-media ang mga ito. "Personal ka namin na iinterview-hin." sabi ng mga ito. "Fine!" sabi niya. "Tell us what happened" ang sabi ng isang babae na nakasalamin. Nagsimulang magkwento si Luna. "Kinuha nila ako bilang supporting actress sa bagong movie ng MGM." simula ni Luna. Kinuwento niya dito ang lahat ng naganap tulad ng kung paano siya purihin ng direktor kay Cally at kung anu-ano pa. "Tingin ko naging trigger yun sa kanya para pagsamantalahan niya ako." Sabi niya ng lumuluha. "Tapos, pinaalis niya ang direktor para maiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto. Tapos, tapos, ayun na¡­ hu hu hu" Chapter 93 - Third-wheel Kai Tumuloy si Prin nang walang bahid ni kalmot hanggang sa maka-akyat sa opisina ni Cally. Natagpuan niya si Cally na nakapamulsa at nakatingin sa maingay at makulay na siyudad sa labas. Nilingon siya nito nang madinig ang pagbukas ng pintuan. Nilapitan niya si Cally. "Are you okay?" Kinuha nito ang kamay niya, hinila siya saka niyakap mula sa likuran. Pinatong ni Cally ang ulo sa bumbunan ni Prin. "Are you sad?" pangungulit niya kay Cally. "Why would I? Samantalang, You are the person I was thinking before you came in" "Just checking" napangiti siya sa sagot nito. "You did a great job kanina. You provoked Mayor''s daughter. Now, we have to wait kung ano ang sasabihin niya. Saka¡­" bago pa nito ituloy ang sasabihin, kinagat siya nito sa tenga. "Ow ow ow!" hinawakan niya ang tenga at halatang may iniwan itong maliit na marka ng ngipin doon. Hindi naman talaga masakit ang kagat ni Cally. "Para saan iyon?" reklamo niya. "Sa pagiging makulit mo, Akala mo ba hindi ko alam na nanuntok ka kanina sa school" Napakagat ng labi si Prin. "Sorry¡­" alam niya na makakarating ang balita na iyon kay Cally. Binuhat siya ni Cally at dinala sa upuan sa likod ng malapad na mesa ng Presidente. Nakakandong lang siya dito at mukhang wala itong plano na pakawalan siya. Nagsimula itong magtrabaho nang nasa ganoong ayos sila. Nakikitingin lang siya sa ginagawa nito na wala siyang maintindihan ni isa. Maya-maya, bumukas ang pintuan at lumitaw si Kai. Nakakunot ang noo nito na makita sila sa ganoong ayos. "Kamusta Shi?" "I''m okay. Walang dapat alalahanin." sagot ni Cally. Halatang kalmado ito at hindi man lang makitaan na apektado sa nangyari. "Inutusan ako ni Master Rob na bantayan kayong dalawa." sabi nito saka umupo sa nag-iisa at malapad na couch. Halata ang dis-gusto sa hitsura nito habang nakatingin sa kanilang dalawa. "Seriously, nasisikipan ba kayo dito sa couch kaya nagkakasya kayo sa iisang silya?" reklamo nito. Tumawa si Prin. "Ha ha ha. A single like you wouldn''t understand." "Well, he has his Angel now." makahulugan na sabi ni Cally kahit hindi pa nito tinatanggal ang paningin sa trabaho. Namula ang mukha ni Kai. "Go to your Angel, then." nakangisi si Prin kahit pa alam niya na hindi ito aalis. Uunahin ni Kai ang obligasyon nito bilang Dark Guard bago ang lovelife nito. Hindi na lang sila pinansin ni Kai. Nilabas nito ang laptop saka nagsimulang magbrowse. Nagsimula rin itong mag-report kay Rob kung ano ang mga nangyayari sa Maynila. Inabot ng ilang oras bago nito napansin ang isang video ni Luna. "Guys, come here! May video na si Lu--" inangat nito ang paningin kay Prin at Cally na kasalukuyang nag-ngingitian at nagpapalitan ng halik sa isa''t isa. "What the f*ck! Are you guys for real? Hello?! I''m still here. Are you guys trying to make me your third-wheel?" Tumawa si Prin. Naisip niyang inisin at inggitin si Kai para subukin ang self-control nito. At tulad ng inaasahan maiinis ito sa kanila ni Cally. Inikutan siya nito ng mata. Tumayo ito at binitbit ang laptop sa harapan nila. Pinindot ang play button sa harap nilang dalawa. Walang makitang emosyon kay Cally at Prin hanggang sa matapos ang video. Si Kai naman ay napangisi. Kinuha ni Cally ang cellphone at tinawagan si Zuki. "Naglabas na ng interview ang anak ni Mayor, huwag mong hahayaan na mawala ang video na iyon sa internet. Ilabas mo mamayang alas dose ng hatinggabi ang CCTV para totoong naganap sa restaurant." sabi nito saka binaba ang tawag. "You can now go to your Angel" utos ni Cally. Namumula ang pisngi ni Kai na kinuha ang laptop. Saka bumalik sa couch. Halata na hindi pa rin ito matitinag. Naisip ni Prin na dagdagan ang pang-aasar dito. "Oh right, I remember na mukhang may usapan sila ni Ken. Mukhang dadalawin siya ni Ken sa unit niya ngayon, husbie." Nakisakay naman si Cally. "Oh! Ken, her childhood lover? Really?" Napansin niya na niligpit ni Kai ang gamit. "F*ck you guys!" ang sabi saka lumabas ng opisina ni Cally. Tawa ng tawa si Prin. Hindi pa kasi umamin at manligaw ang mokong sa kaibigan niya. Chapter 94 - Feed me... Alas otso na ng gabi nang makalabas si Kai ng opisina ng MGM. Ang bwisit na si Prin at Cally parang pinaglaruan siya ng mga ito sa opisina. Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Prin na pupunta si Ken sa bahay ni Bella kaya lalo siyang nagmadali na makauwi ng condo. Matapos mag-park ng sasakyan, nag-iisip siya ng dahilan para kumatok sa pintuan ng unit ni Bella. Mag-aalas nueve na kasi ng mga oras na iyon. Seryoso lang siya na nag-iisip kahit na nang huminto ang elevator at makasakay siya sa maliit na box na iyon. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang unit nila ni Bella. **ding! Lumabas si Kai at naglakad patungo sa tinitirhan. Sinilip niya pa ang pintuan ng unit ni Bella. Tahimik ang kwarto nito kaya inisip niya na baka tulog na ang babae kahit mag-a-alas nuwebe pa lang. Tumigil muna siya sa pagkilos at saka nakikiramdam at nag-iisip ng idadahilan para katukin ang babae. ''Ayain ko kaya siyang kumain'' humakbang siya para kumatok. Kikilos na sana ang kamao niya para katukin ito nang bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan. ''F*ck!'' humugot siya ng malalim na hininga. Saka bumalik sa pintuan ng unit niya. Nanatili siya doon at hindi alam ang gagawin. Maya-maya, nakarinig siya ng nagtatawanan sa pasilyo. Rinig niya ang papalapit na tawa ni Bella at tulad ng sabi ni Prin mukhang si Ken ang kasama nito. Sinusian niya na ang pinto. Malamig ang mata ni Kai na binuksan ang pintuan saka malakas na sinara iyon matapos niyang makapasok sa loob. Sa kabilang banda, alam ni Bella na nagsara ang pintuan ng unit ni Kai. Mukhang nakauwi na ang binata. Sakto sa pagsara ng pintuan nito ang pagliko nila ni Ken sa pasilyo. Natigil siya sa pagtawa. "Do you think he''s back?" tanong niya sa kaibigan habang bitbit ang take-out ng pagkain. Huminto sila sa tapat ng unit niya. "I think so¡­ o siya aalis na ko. siguro naman ay safe ka na dito." "Bye! Sabihan mo na lang ako kung kailan ang alis mo, okay." pabalik na kasi ng abroad si Ken. "Yep! Bye bye sugar!" hinalikan siya nito sa pisngi saka tuluyang umalis. Biglang naging tahimik ang maingay na mundo ni Bella kanina. Binuksan niya na ang pintuan pero nakatingin lang siya sa hawak na take-out na pagkain at hindi tumutuloy sa pagpasok. Nagpasama siya kay Ken na bumili ng pagkain sa labas dahil alam niyang nasa paligid pa rin ang ex niya. Huminga si Bella ng malalim. Saka tumapat sa pintuan ng unit ni Kai. Kinatok niya ang pintuan nito. Rinig niya ang papalapit na yabag bago nagbukas iyon. Nagtama ang mata nilang dalawa ng binata kahit pa malamig ang mata nito habang nakatingin sa kanya. "Ahmm¡­ may dala akong pagkain. Gusto mong sumabay na kumain?" sabi niya at inangat pa ang supot ng take-out. Doon niya lang napansin ang mga tulo ng dugo mula sa kanang kamay nito. "Oh my god! What happened?" bigla niyang ibinaba ang supot at kinuha ang kamay nito. Sinuri iyon. May mga naiwan na kakaunting bubog sa kamay ni Kai. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. "Do you have a first aid kit?" tanong niya. "Yes" "ahmm, halika na gamutin natin yan." sabi niya na kusang pumasok sa unit ng tinitirhan nito. Nahimasmasan din naman siya agad nang makahakbang papasok sa loob ng unit ni Kai. "Ahhm.. Sorry I forgot to ask you kung¡­ okay lang na pumasok ako." "no Problem" sabi nito. Kinuha ni Bella ang pagkain at nilagay sa table na naroon. Hindi tulad ng ibang kalalakihan, maayos ang unit ng tirahan ni Kai. Walang kalat o bahid ng alikabok. Very musculine ang awra ng paligid. May purifier pa sa gilid at lavander ang amoy. Hindi maiwasan na mainggit siya sa unit nito. Pinaupo siya ni Kai sa sofa na nandoon saka umalis saglit para kunin ang medicine kit. Nakita ni Bella ang nabasag na baso sa gilid pati na ang wine bottle na nasa mesa. Sa palagay niya umiinom si Kai bago siya kumatok. Ano naman kaya ang dahilan kung bakit umiinom ang binata? Natigil lang siya sa naiisip nang iabot sa kanya ni Kai ang medicine Kit. Kinuha niya ang braso nito na nasugatan at saka niya sinimulan na linisin. May maliliit na bubog pa sa kamay nito. "Ano bang nangyari dito? Why are you so clumsy? Iinom ka na ng lang hindi ka pa nag-iingat." Nakatitig lang si Kai sa nakayuko niyang mukha. Kita pa nito ang mahahaba niyang pilik-mata habang seryosong inaalis at nililinis ang mga sugat sa kamay. Pinakikiramdaman lang siya ni Kai. Normal naman kay Bella na tahimik ang lalaki o kaya masungit. "Do you want to eat? " tanong ni Bella para makaiwas. Tumango lang si Kai. Nagugutom na rin naman talaga siya. Nakaramdam lang siya ng sakit sa dibdib nang marinig na nakikipagtawanan si Bella sa ibang lalaki kaya napainom tuloy siya. Inabot ni Bella ang binili niyang pagkain kay Kai. Tig-isa sila saka siya nagsimulang sumubo. Nakakalahati na siya nang mapansin na hindi pa kumikilos si Kai at nakatingin lang sa bibig niya na puno ng pagkain. "Y-you don''t like my food?" "I don''t know how to use my left hand. Subuan mo ko." hiling nito. Chapter 95 - Your recent boyfriend Hindi alam ni Bella kung ano ang tamang reaksyon sa sinabi ni Kai. She has this confused look around her face. "Nagugutom na ko¡­ hindi man lang ako pinakain ng mga walang awang si Prin at Cally" parang bata na reklamo nito sa kanya. Walang nagawa si Bella kung hindi ang subuan si Kai. Kumakabog ang dibdib niya habang ginagawa iyon. Iyon ang unang beses niya na magpakain at hindi maiwasan na mapatitig siya sa manipis na labi ng lalaki. Halos lahat sa parte ng mukha nito ay perpekto na aakalain mo talaga na finished product ni Belo. His Korean black eyes is distracting, parang mata ni Sehun ng Exo. Madaling mabasa sa mga mata na iyon ang totoong saloobin nito. His Jaw, his nose at kahit hugis ng mukha ni Kai ay nakakagambala sa pagkatao niya. Napapalunok siya tuwing susubuan ito ng pagkain. Ang walang hiya, parang ninanamnam pa ang bawat pagkagat sa dala-dala niyang yangchow. "Pwede bang bilisan mo para makauwi na ko!" "D''yan ka lang naman sa tapat nakatira. As if naman na gagabihin ka at mayroon kang curfew" katwiran nito sa kanya. "Kahit na, gabi na, saka hindi pa ko inabot ng dis-oras ng gabi sa bahay ng kahit na sinong boyfriend ko. O mas tamang sabihin na hindi pa ko nakarating sa bahay ng kahit sino sa kanila" namumula ang pisngi at halos bulong na sabi niya. "bakit? Ilan ba lahat ng ex mo?" interesadong tanong nito. Nahihiya na inangat ni Bella ang lahat ng daliri niya. Nanlaki ang mata ni Kai. "Ten? You have 10 exes?!" nalukot ang mukha ni Kai. Samantalang siya ay wala pa ni isa. Ganito na ba ang mundo ngayon? Bakit huli yata siya sa ikot ng mundo? Tumango naman si Bella bilang sagot. Napakamot siya sa pisngi at pinilit na magdahilan. "Well, you see? Halos lahat sila ay tipong sinagot ko lang because I thought it was love. I started dating since I was¡­ ten" "The first person is Ken¡­ it was not actually dating, it''s more of puppy love. Nagstart ang talagang pakikipag-relasyon ko when I was 17 because he is my first ever crush but I learned that he was not really into our relationship. Ang mga sumunod ay pa-isa-isang linggo. Until recent na maging boyfriend ko si Josh na umabot ng three months¡­" halos hindi niya tingnan sa mata ang lalaki. Masama ang tingin na pinukol ni Kai kay Bella kaya nakaramdam siya ng panlalamig sa katawan. Humugot ng malalim na hangin ang binata. Madami pa pala siyang kakainin na bigas ''pag dating sa pakikipag-relasyon. He is twenty two and has never experienced dating. Saan siya magsisimula at paano? "Gabi na, kaya uuwi na ako." paalam ni Bella. Tumayo na siya at tinungo ang pintuan. Kinakabahan kasi siya sa lamig ng pagkatao ni Kai. Binuksan niya na ang pintuan ng unit niya. Hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Kai sa likuran. "Kapag natapos ang issue ni Cally, gusto mo bang sumama sa akin sa Taiwan?" narinig niyang sabi nito sa likuran. Nilingon niya ang lalaki kasabay ng pagbukas ng pintuan. "Why?" "Because, it was beautiful out there. And¡­ I want you to meet your future in-laws because I will make sure that your recent boyfriend would be your last." "Ahm¡­ Wait lang!" pumasok si Bella sa loob ng unit niya at tila tumili ng walang tunog. Pinapagaspas pa sa hangin ang dalawang braso niya at parang kiti-kiti na hindi mapakali sa sobrang kilig. Kinalma niya rin agad ang sarili. Binuksan niya muli ang pintuan at natagpuan si Kai na seryosong naghihintay doon sa pintuan nito. "*cough* I was just checking my passport kung hindi pa expired." dahilan niya. "Okay. See you tomorrow, I think pwede na akong pumasok bukas." may plano na kasi si Cally sa buong gabi na iyon kaya alam niyang ilang araw na lang tapos na ang problema nito sa mag-amang Mayor at Luna, pati sa opisina. "Okay! Goodnight!" sabi ni Bella saka dahan-dahan na sinara ang pintuan. Para siyang nasa langit at wala sa sarili na inihulog lang basta ang katawan sa kulay pink niyang kama. Gusto niyang tumili ng totohanan para mailabas ang kilig. Maya-maya, nagbeep muli ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya iyon at nakita ang notification na may bagong post ulit si Kai. Isang larawan ang post nito. Larawan niya habang nililinis niya ang kamay nito na may sugat at bubog. Hindi niya akalain na ninakawan siya nito ng picture. Nakayuko siya doon at umagaw sa atensyon niya ang mensahe ng lalaki. [KaiJeonJang :Good night, My Angel] Chapter 96 - Rebellious Child Habang nag-aagahan ang Mayor, ang unang Ginang at si Luna. Isang grupo ang kumatok sa tahanan nila. Hinarap ito ng tumatayo bilang kanang-kamay ng Mayor na pumalit kay Marvin. Matapos malaman ang pakay ng grupo, dali-dali itong nagpunta sa dining area. "Mayor, may problema!" tumingin ito sa mag-anak na tila may ngiti pa sa mga labi. Nakakunot ang noo ni Mayor Villanueva na hinarap ang Assistant niya. "Siguraduhin mong importante ang kailangan mo sa akin." "Mayor, walong attorney ang nasa labas at kinakasuhan si Miss Luna." Sabi ng kanang kamay ng Mayor. Nagkatinginan ang tatlo sa pamilya. Napalunok si Luna. "Anong ibig mong sabihin?!" Agad na tumaas ang boses ni Mayor. "Walong mga kilalang abogado po ang mga nasa labas Mayor at nais lang na sabihin sa inyo ng personal na dinedemanda ni Master Cally Han si Miss Luna." Nanlaki ang mata ng tatlo. "Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan. Si Luna na nga ang agrabyado, siya pa itong magdedemanda?! Hala, sige papasukin mo iyan?!" galit na sabi ni Mayor. Napalunok si Luna. Bumalot ang takot sa katawan niya at inalala ng mabuti ang mga ginawa. Ginawa niya lang ang sa palagay niya ay tama kahit hindi pa siya nag-iisip. "Dad anong gagawin ko?" nanginginig ang labi na tanong niya. "Anong gagawin mo? Walang iba kung hindi ang idemanda din ang Cally Han na iyan! Mukhang kulang ang mga tao na binayaran ko para guluhin siya! Ha! Pwes, magkakasubukan na kami." Agad na hinarap ni Mayor ang walong Attorney. Kilala niya ang pinuno sa walo, isang babae iyon na ilang kaso na ang naipanalo, si Attorney Becky. Dito lang sa abogado na ito ay siguradong kakabahan ka na, bukod pa sa pito pa na nakasunod dito. Napalunok si Mayor sa grupo ng Abogado na meron si Cally. "Hindi na kami magpapaliguy-ligoy Mayor. Kinakasuhan ni Master Cally si Miss Luna ng Grave Slander dahil sa mga kasinungalingang pinahayag niya ng nakaraang araw. At dahil din doon, nalugi pati ang stocks ng MGM sa nangyari. Kalahating bilyon ang hinihingi ng MGM bilang danyos." may awra ang babae na walang kinakatakutan at diretso ang pakay sa kanila. Nanlaki ang mata ng Mayor. "Anong ibig mong sabihin. Ang anak ko na nga ang namolestiya, kami pa ang magbabayad?!" galit na sabi. Ngumisi ang Abogado at nagtaas ng kilay. "Mukhang hindi nanonood ng balita si Mayor? O kaya naman walang wifi dito sa bahay niyo?" nang-iinis at makahulugan na sabi nito. Tumingin ito kay Luna na nakayakap ng mahigpit sa Mommy niya. Tinanggal nito ang salamin sa mata at pinunasan pa iyon. "Kung ako sa iyo Miss Luna, magsimula ka nang magbilang ng pera dahil hindi lang pangalan ni Master Cally ang sinira mo, pati ang pangalan ni Mayor. Find your best Lawyer on the planet or else you have to pay 500 million because the truth is always behind your back." Iyon ang huling mensahe nito saka isa-isang nagsipaglabasan. "Anong ibig sabihin nito? Anong truth?!" habol ng Mayor sa mga Abogado. "Bye Mayor!" ang huling mensahe ni Attorney Becky. Inabot ng kanang-kamay niya ang bagong nagtrending na balita sa internet. "M-mayor, i-ito po ang sinasabi ni Attorney.." Pinindot nito ang play button sa cellphone para mapanood ni Mayor ang video. Video ng CCTV sa restaurant. Matapos mapanood ang lahat, natulala si Mayor. Galit na tumingin siya kay Luna. Hinila niya si Luna na nakayakap sa asawa. "Mapapatay kitang bata ka!" saka sinampal ang nag-iisa niyang anak. "Nagtiwala ako sa iyo! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally! Kung hindi ka niya nagustuhan sana sinabi mo na lang ng maaga kaysa nagsinungaling ka!" tila sinapian ng demonyo ang Mayor. Nagkikiskis ang ngipin nito sa galit na halos madurog na iyon. Nasapo ni Luna ang pisngi niya at agad na dumaloy ang luha sa mata. "Dad¡­" Sasampalin pa muli ni Mayor si Luna ngunit napigil na ito ng unang ginang. "Please, please Honey!!! stop it!" pigil ng asawa niya. Dumadaloy na rin ang luha sa mata nito. "Hindi ko maintindihan kung saan ka nagmana ng katangahan?! Alam mo ba ang ibig sabihin kung hindi mo mababayaran ang danyos na hinihingi ni Cally? Ha!" isang sampal muli ang pinakawalan nito sa pisngi ni Luna. "Honey.." "...Makukulong ka! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally kahit ang asawa niya ay hindi simple!!!" halos mawarak na ang gilid ng labi nito sa sobrang galit at singhal. "Dahil sa ginawa mo! Nasira ang reputasyon ko bilang sinungaling na Mayor sa mamamayan dahil nagtiwala ako na hindi magsisinungaling ang anak ko sa''kin!" Iyak lang ng iyak ang mag-ina. "Hala! Sige! Ako mismo ang maghahatid sa iyo sa kulungan!" Napapailing si Luna. "No¡­ Dad¡­ Ayoko.. Ayokong makulong." "Kung ayaw mong makulong, magpakasal ka kay Mr. Sy dahil siya lang ang may kakayahan na magbayad ng danyos na ginawa mo!" Natigilan si Luna. Kilala niya ang sinasabi ng Dad niya. Matanda na ang lalaking iyon. Hindi pa siya naikakasal, kinikilabutan na ang buong pagkatao niya. "Dad, ayoko!" "Gaga ka! Kalasanan mo kung ano man ang kahihinatnan ng buhay mo! Kung naging matalino ka lang sana!" "I-I paid someone para madelete ang CCTV sa kwarto na iyon, I never thought na nakuha pa rin ni Cally." pagdadahilan ni Luna. Umismid ang Mayor. "Pinatunayan mo lang na bobo ka talaga! Kahit bayaran mo pa ang lahat ng hacker na meron sa bansa para mabura ang files na iyon, makukuha at makukuha ni Cally iyon dahil pinsan niya lang naman si Matthew Lopez!" napapailing si Mayor. "Mahina ka mag-isip pero malaki at mataas ang kinalaban mo! Boba!" singhal ng Mayor. Sa mga panahon na iyon, isang genius si Mat-mat sa larangan ng computers. Isang kilalang hacker na nakabase sa Amerika. Walang mukha si Mat-mat sa publiko dahil sa sobrang mailap ito sa mga tao at tanging pamilya lang ang talagang may larawan ng tunay na anyo at itsura ng binata. Chapter 97 - Disobedience Simula pa lang ang laban ni Cally kay Luna dahil alam niya na ang kalaban niya talaga sa huli ay si Mayor Villanueva. Matapos mailabas ng grupo ni Cally ang video, bumalik na muli ang stocks ng MGM sa normal at nakatanggap pa ng regalo si Cally at Prin mula sa kung kani-kanino. Madami ang nagtaas ng kilay kay Cally lalo na mula sa mga shareholders nang lumabas ang isyu ni Luna. Sino ba naman ang may gusto na bumaba ang stocks ng kumpanya di ba? Ang alam lang ng mga ito ay kung paano kikita. Ngayon, pilit na naman na dumidikit sa kanya ang mga ito dahil hinihingan niya ng malaking danyos si Mayor at ang anak nito. Habang kumakain sila ni Cally ng agahan, naalala ni Prin ang tungkol sa parusa ng Dean. Ang totoo, hindi masasabi na parusa dahil gusto nila ni Kai ang gagawin. "Husbie, ''nga pala, I forgot to tell you that I need to compete in Beach Volleyball" Biglang angat ng tingin sa kanya si Cally mula sa kinakain "Beach Volleyball?" "Yes. Dalawa kami ni leader MB5" sabi niya saka sinubuan ito ng isang hiwa ng mansanas. Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Choose other sports. Not the beach Volleyball" simpleng sabi nito. Kumurap-kurap ang mata ni Prin. Dahil wala siyang naintindihan sa sinabi ni Cally kung bakit hindi siya pinapayagan. "Aha! I got it! You don''t even understand.." Parang pinagsakluban siya ng langit sa nadinig. "Volleyball is my favorite!" alma niya "Yes, Volleyball wearing a bikini. Choose tennis, sipa or jack en stone, or whatever. Not the beach volleyball." "Should I have to wear a bikini in beach volleyball?" nagtaka si Prin. Nanlaki pa nga ang mata niya. Napapailing si Cally. "Haaay, don''t tell me you wore abaya tuwing may laban kayo sa Japan." Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Not Abaya! But I always wear comfortable clothes. Why do I have to wear a bikini? Does my b.o.o.b.s size matter? Does it help me get a score? Do I have to flaunt my b.o.o.b.s to get a score? It''s not as if I''m a beauty queen holding a ball" Cally "...." Napapailing si Cally. That how his Prin''s way of thinking. "Basta ''No'' and that''s final. Kapag sinuway mo ako, ipadadala kita sa arctic ocean. so you could wear your bikini." Prin "...." ''No, I don''t have the guts'' Hindi na siya sumagot. Nakasimangot na nginuya na lang niya ang pagkain na naiinis. Sa kanilang dalawa ni Cally, mas ''batas'' ang sasabihin nito kaysa sa kanya. "On your semestral break, let''s go to Dubai for SkyDiving" suhestyon nito. Nagliwanag ang mukha ni Prin sa nadinig. Pagkatapos kasi ng league, semestral break na nila sa eskwelahan. "Oh! I love my husband so much! He''s so handsome and loves his wife so much!" sabi niya na nayakap si Cally. "Basta, No to beach Volleyball!" huling banta nito. Nakangiti si Prin pero sa loob-loob ay nagdadalawang-isip na sumuway kay Cally. ===== Unang napansin ni Prin nang makapasok sa loob ng school ay ang tingin na pinupukol sa kanya ng mga tao. Pinabayaan na lang niya ang mga ito dahil siguradong tungkol sa isyu nila ni Luna ang nasa isip ng mga ka-eskwela niya. Tumuloy siya sa klase at natagpuan si Bella na nagb-browse sa cellphone nito. Iba ang klase ni Kai sa mga oras na iyon. "How are you, my angel?" tudyo niya at binigyan ang kaibigan ng nakakalokong ngiti. Inangat nito ang paningin sa kanya nang namumula ang pisngi. "Kamusta kayo ni Cally?" pag-iwas nito. "Kayo ni Leader Kai, kamusta?" akala ba nito ay mananalo ito sa asaran laban sa kanya. "Ihhh!!!" nagtakip ito ng pisngi na halatang nahihiya. "May kiss na bang naganap?" dagdag niya pa. "K-kiss my Ass! Hindi pa nga nanliligaw ''yung tao sa akin. Kiss ka diyan!" Bulong nito pero may pagbabanta. Tumawa si Prin. "Ikaw na ang mag-first move! Never been kissed pa si Leader Kai." dagdag na tudyo niya dito. "ehh, I won''t! I will never do that!" halata na ang pagkapula ng mukha ni Bella na maihahalintulad sa kamatis. Nilabas ni Prin ang cellphone. "So, what''s with this photo..? My... Angel" sabi niya ng may pang-iinis. Binigyang diin niya pa ang salitang ''My Angel'' Namumula ang mukha ni Bella dahil karamihan sa school, ang tawag na sa kanya ay ''My Angel''. Tulad na lang ng bumili siya ng ensaymada sa canteen ng nagdaang-araw. Tinawag siyang Angel ni ateng tindera. Yung guard sa gate at mga ka-eskwela na nakakasalubong niya sa daan. Pati ang bilihan ng Milk Tea ay ''Angel'' ang tawag sa kanya. Naaaliw si Prin na tudyuin si Bella. Halatang kinikilig ang kaibigan niya. Ang kailangan na lang niyang gawin ay bigyan ng kaunting ''push'' si Kai para maging official na ang dalawa. "So, Bella my dear, dinala mo ba yung request ko?" tanong ni Prin matapos ang klase. "Yeah! Here!" at inabot sa kanya ang paper bag na may laman na sports bra, bikini at puting short. "Thank you!" Chapter 98 - Beach Volleyball (1) Alas-kwatro ng hapon ang laro ni Prin at Kai sa Sand by the Bay kung saan gaganapin ang competition ng school nila laban sa Green Lanterns. Sakto naman na may isa''t kalahating oras pa sila para mag-byahe. Kinita niya si Kai sa sasakyan nito na nakahalukipkip at naghihintay. Nakasimangot ito na makita siya pero nagliwanag ang pisngi nito nang masino ang nasa likuran niya. Napapa-iling si Prin. Kahit hindi pa ito umamin ramdam niya na seryoso na talaga ang binata sa buhay-pag-ibig. "Salamat sa paghihintay, MB5." Inikutan siya nito ng mata "kapag nalaman ni Shi Cally itong gagawin mo, labas ako dito ha. O siya, Pasok!" pinindot nito ang button ng susi ng kotse. Isang ngisi ang sinagot ni Prin. Alam niyang love na love siya ni Cally, nakuha niya na ang bertud ni Master kaya hindi siya nito dadalhin sa malamig na Arctic ocean para mag-bikini kasama ng mga penguin. "P-pwede akong sumabay?" tanong ni Bella sa binata. "Wushuuu, nagtanong ka pa? Of course! He needs inspiration" tudyo ni Prin. Sabay na namula ang mukha ng dalawa. "D''yan ka na sa tabi ni MB5 para hindi mawala ang closeness niyo sa isa''t isa." sabi niya bago pinilit na isakay ang sarili sa likuran ng kotse. Habang daan, Pansin ni Prin na hindi nag-uusap ang dalawa na para bang may anghel na nakapagitan sa mga ito. Naisip niyang tudyuin ang dalawa habang nasa likod siya ng sasakyan. "MB5, where do you plan to get your first kiss? Girls loves a beautiful scenery. We like to have our first kiss to happen in a place that will give us an impression of L.O.V.E. Example, under a thousand of cherry blossoms trees or beside--" pangungulit niya. Hinarap siya ni Kai dahil nag-pula ang kulay ng stoplight. "Tell us, does your first kiss happened under your cherry blossoms tree?" balik nito. "Ahh¡­" Napakamot siya sa ulo. "See?" Iiling-iling si Kai. Kahit siya na lalaki ay walang makitang ka-sweet-an sa pagkatao ni Cally. kaya maiisip ba niya na nagkaroon ng first kiss ang dalawa sa lugar na tulad ng payo ni Prin. Utot niyo Blue! Gayunpaman, tumatak pa rin naman sa kanya ang sinabi ni Prin. He believes that his first kiss must happen in a beautiful scenery. There are a lot of places to consider. Sinopla niya lang si Prin para magtigil na ito sa naiisip nitong panunudyo. Napansin niya kasi si Bella na nasa tabi na pulang-pula na ang mukha dahil sa torture ng kaibigan nito. At may palagay siyang nagsimula pa ang panunudyo nito simula pa nang magkita ang dalawa sa klase. Matapos ang ilang minuto, huminto ang sinasakyan sa parking ng ''Sand by the Bay'' . Sinalubong sila ng Team Captain ng school nila, si Ronald kasama ang isang dalagang assistant ng Dean. "Hey guys! Nakapagdala ba kayo ng uniform?" tanong nito. "I just brought midnight blue plain sports bra, a bikini and a white short." sagot niya. Nasabihan na kasi siya na walang stock sa school ng uniform. Biglaan kasi ang pagsali niya sa league. Hindi tulad ni Kai na may available na beach short. "Sorry ha." hingi ng paumanhin ng Assistant. "Okay, napakiusapan ko naman na ang Committee at pumayag sila dahil naka green naman ang kalaban niyo." Sagot ni Ronald. Doubles ang laban nila. Silang dalawa ni Kai laban sa isang babae at lalaki rin mula sa Green Lantern. Tumuloy na sila sa shower room. Sinuot ni Prin ang bikini pati na ang sports bra. susuotin na sana niya ang puting shorts nang makita na may bahid ng mga itlog ng ipis ang puwitan ng shorts. Nang tanggalin niya iyon, kumalat ang kulay brown sa puting tela na para bang nagpupu siya kung susuotin niya iyon. ''Shocks!'' "Bella¡­" "Yes my friend?" Binuksan niya ang pintuan ng cubicle. "May mantsa yung shorts" reklamo niya. "Oh! Shoot! Sorry hindi ko kasi tsinek" nakangisi na sabi. Tiningnan nito ang awra niya. Wala namang nakikita na cleavage sa katawan ni Prin pero kitang kita ang kahubugan ng buong katawan. Noon niya lang nakita na may maliliit na abs si Prin. Bilugang hita at matambok na puwitan na sasambahin ng kahit na sinong kalalakihan. Makapal naman ang bikini ni Prin at siguradong hindi lalabas o lilitaw ang ''palitaw'' . "My friend, you are soooo s.e.xy, no need the shorts! Maganda nga iyan ng makadistract ka ng kalaban" sabi nito. Kagat ni Prin ang labi. ''Bahala na!'' Tinawag na sila ng kasama sa team kaya hinila na siya ni Bella patungong court kung saan naroon ang laban. Habang daan hindi maiwasan na may mapalingon at ma-pasipol sa kanya. May mga ka-eskwela na rin sila na napasugod sa lugar dahil kay Kai. Gustong makita ng mga ito ang katawan ng lalaki. Naghihintay na si Kai sa kanila doon at kausap si Ronald. Halata ang kilig ng mga kababaihan sa binata pero hindi nito pinapansin ang kahit na sino sa mga ito. Kita ang pagka-maskulado ng katawan nito dahil sa suot nitong beach shorts. Pumuputok pa ang abs ng lalaki kaya halos tumulo na ang laway ng mga ''fans'' nito. "Kai, hubarin mo na ang shorts mo for us please!!!" sigaw ng isa. "Hoy! Palalabasin ko kayo dito kapag nangulit pa kayo!" sigaw ng isang committee. Lumapit si Bella kay Kai para bigyan ito ''Goodluck'' habang si Prin naman ang kausap ni Ronald. "Magaling na ba ang sugat mo sa kamay?" nag-aalalang tanong ni Bella. "Hindi pa. Pero okay lang¡­ My hands are still ready to hold you kahit magkadurug-durog pa¡­ saka My Angel is watching, kaya I''ll do my best to win." Nakaiwas ang tingin na sabi nito. Nakagat ni Bella ang labi para pigilin ang kilig. Pinaupo siya nito sa isang silya saka sumunod kay Prin. Nakasunod lang sa kanila ang mata ng mga naiinggit niyang kaeskwela. Bago magsimula ang laban, tumunog muli ang cellphone niya. At tulad ng mga nakaraan, sunud-sunod ang beep mula kung kani-kaninong cellphone sa paligid. Nakita niya na may bagong post na naman si Kai. Nang silipin niya ang lalaki, kasalukuyan nitong ipinasok sa bag nito ang cellphone nito. Pigil ang hininga na pinindot niya ang notification. [KaiJeonJang :I will definitely win today, my Angel] Nagsipaglaglagan na naman ang mga balikat ng mga kababaihan na ka-eskwela niya. "Wala na, uwian na may nanalo na!" Chapter 99 - Beach Volleyball (2) "M-m-master, si Miss Prin¡­ Naglalaro ng volleyball sa Sand by the Bay." Pigil ang hininga ni Xander habang binabalita kay Cally ang sitwasyon ni Prin. Natigilan saglit si Cally at para bang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto. May mga pinindot si Cally sa laptop nito at lumitaw ang kasalukuyang larawan ni Prin. Nakasports bra ang asawa niya ng kulay midnight blue. Kakulay ng tatsulok na bikini nito na hindi niya nagustuhan sa lahat. Kita niya pa ang paglitaw ng bilugan na pwitan ni Prin sa ibang mga larawan. Halata pa ang kasiyahan sa mukha ng asawa niya sa mga kuha nito. "P-pangalawang set na nila ngayon, Master" dagdag pa ni Xander. Biglang binagsak ni Cally ang screen ng laptop. Mukhang hindi nakuha sa banta niya ng umaga na iyon si Prin. Tinawagan niya ang Piloto niya at pinahanda ang private plane. Tinawagan niya rin si Mat-mat para burahin ang lahat ng larawan ni Prin sa kasalukuyan na makikita nito sa kahit na kaninong computer. "Geez, it''s not as if she was n.a.k.e.d in this photo" nag-uusap pa lang sila, may kopya na agad ito ng picture. Ganoon kabilis pumindot ang pinsan niya. Hindi sumagot si Cally at nakuha naman nito ang signal. Mainit talaga ang ulo niya. "Fine! Fine! I''ll send all these pictures inside your safe file. For your eyes only!" saka nito binaba ang tawag. ===== "Ate Angel!" Kalabit kay Bella ng nasa likod kaya nilingon niya ito. Namumukhaan niya ito bilang freshman sa school nila. "Yung buhok mo ''te, inaapakan na namin sa sobrang haba" Tudyo nito. Pinukulan niya ito ng nakamamatay na tingin saka inirapan. Tulad ng dati, naka-bun ang buhok niya at may headband pa na tela sa ulo kaya alam niya ang ibig nitong ipahiwatig. Tinutudyo siya nito kay Kai. Binalik ni Bella ang tingin sa laro at nanlaki ang mata niya sa kalaban na lalaki ni Prin at Kai. Nagsimula na ang laban. ''Doubles'' ang tema ng laban. Isang babae at isang lalaki. Nagkamayan muna sila Prin pati ang kalaban. Nagtaas ang kilay ni Kai nang humigpit ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi naman siya madadaan sa mga ganoong pagkilos. For him, it was a childish act. Unang nag-serve ang kalaban ni Prin at Kai. Tinira nito ang bola at braso ni Kai ang sumalubong doon. Sinalo agad ni Prin para i-set ang bola at saka nagpakawala ng isang malakas na spike si Kai. Diretso sa libreng space at bumagsak ang bola sa sahig. Puntos para sa kanila. "ahhhhhh!!!" tilian ng mga kababaihan na halatang fans ni Kai. Nag-apir si Kai at Prin. "yes!" pati si Bella na nakaupo ay na-excite. Si Prin ang sumunod na mags-serve. Nang marinig niya ang signal ng referee, tinira niya ang bola sa space na sa palagay niya ay libre pero nahabol ito ng kabilang team. Matapos ma-set at magbigay ng spike na tira, isang ''block'' mula kay Prin at Kai ang sumalubong sa bola. Nasalo rin naman ng pulsuhan ng kalaban ang bola, iyon nga lang hindi maganda ang pagkakatira nito kaya tumalsik ang bola papagilid at hindi na nahabol pa ng kakampi nitong babae. Puntos muli para kay Prin at Kai. Nagsitilian na naman ang mga estudyante. Matapos nga ang isang set nanalo ang school nila. "Good Job guys! Mukhang tama ang desisyon ko na makinig kay Dean." masayang sabi ni Ronald. Inabutan sila ng tig-isang bote ng tubig ni Bella. Naiiling na lang si Prin dahil kakaiba ang tinginan ng dalawa. Para bang may sariling mundo ang mga ito at hindi sila nakikita. Tinabihan ni Kai si Bella." I told you, I will definitely win" "Hmm. Hindi pa nga tapos eh." Nilingon ni Kai si Bella. "yeah.. You are right!" Naputol sila sa usapan nang may mag-abot kay Bella ng maliit na note mula sa kabilang team. Nakakunot noo si Kai. "Pinapaabot ni Carter" sabi nito saka tumakbo na muli papalayo. [Hello My Loves, long time no see! - Carter] Inikot ni Bella ang paningin para hanapin ang lalaki. Nagtagpo ang mata nila nito saka pinakita dito ang pag-punit niya sa maliit na note nito. Natawa pa ito saka siya binigyan ng flying kiss, ang lalaking kalaban ni Prin at Kai. Kita naman ni Kai ang ginawa nito kay Bella. "Who is that guy?" usisa niya. "Naalala mo yung sinabi ko na my first ever crush, that''s Carter. Ang kalaban niyo ni Prin." sabi ni Bella na naiinis. "Your first ever official boyfriend?" tanong nito bago nilingon ang nakangisi na si Carter sa kabilang parte ng court. "Yes¡­" nahihiya si Bella. Sino ba naman ang may gusto na makita ang ex na makulit at mukhang may plano na mangulo rin? Inayos ni Kai ang bangs niya dahilan para mapakislot si Bella. "Don''t worry. Your current boyfriend will still definitely win against your ex" Lalong nagsipagbagsakan ang mga balikat ng mga kababaihan sa paligid sa nakikita na sweetness ng dalawa. Pigil naman ni Bella ang kilig. "Hoi! Leader Kai, Ano na? Ano? Inspirasyon muna bago trabaho?" reklamo ni Prin dahil naroon na siya muli sa gitna ng court. Umalis si Kai sa tabi ni Bella na matalim ang tingin sa kalaban nila na lalaki. "Ate Angel!" Tawag muli ng freshman sa likod niya. "yung buhok mo hanggang EDSA na!" Chapter 100 - Beach Volleyball (3) Nagsimula na ang ikalawang-set ng laban. Naiinis si Kai sa pagmumukha ng lalaking Carter ang pangalan. Hindi niya agad naintindihan ang mensahe nito nang higpitan nito ang kamay niya. Iyon pala, may nais ipamukha ang lalaki sa kanya. Akala siguro nito ay madadaan siya sa mga galawan nito na simple. Si Kai ang nag-serve ng bola. Pinalo niya ito ng malakas diretso sa pagmumukha ni Carter. Hindi naman nagpatalo ang lalaki. Natuwa pa nga ito sa reaksyon ni Kai. Iyon din naman talaga ang plano nito ang inisin talaga siya para mawala siya sa focus ng laro. Sinalubong ng braso nito ang bola at alerto ang kasama nito na pinasa ang bola saka umatake ng spike. "Block, Kai, Block!" sigaw ni Prin. Ginawa naman ng lalaki. Bumalik ang bola at nasalo muli ng kalaban. Isang spike muli ang pinatira nito at nasalo ng braso ni Prin. Pinasa, nag-serve at umatake ng spike si Kai. Sumobra naman ang tira niya at lumagpas sa court. Puntos sa kalaban. "Ahhhh!!!" hiyawan sa paligid. Prin "...." Mukhang manalo o matalo madami pa ring fans ang leader niya. Ang mahalaga sa mga ito ay ang pagkilos ni Kai. Maganda ang ngisi ni Carter kay Kai. Katulad ng laban nila sa Green Lanterns kaya seryoso ang lahat ng nanonood. Masasabi ni Prin, na nabigyan sila ng patas na laban. At iyon ang gustong-gusto niya. Mas ginanahan siya sa paglalaro. Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa halos hubad na katawan niya habang kumikilos sa gitna ng court. Sumisilip na kasi ang puwitan niya sa bikini na suot. Nagpatuloy ang laban. Nagpalitan ng serve, pass, set, spiking at blocking ang dalawang team. Pati tilian ng mga nanonood ay umiikot sa buong court. Pare-parehas na magaling ang mga players at halata na gusto talaga na manalo. Nag-aapoy na ang mata ni Kai at halata na gusto nang tapusin ang laban. Pigil ang hininga ng lahat dahil isang puntos na lang ang parehas na team, malalaman na ang magwawagi sa ikalawang set. Tinira ni Carter ang bola mula sa kabilang net. "Go go go Leader! Tapusin na natin ito" sigaw ni Prin para wala ng ikatlo pang set. Sinalubong ni Kai ang bola. Napasa kay Prin. Nagserve si Kai at saka siya nagpakawala ng isang atake. Na-block ng kalaban pero nahabol muli ni Kai. Nagserve na naman ang binata para makatira muli siya ng masarap ng Spike. "heto''ng sa inyo!" hiyaw niya kasabay ng muling pag-atake. Ang maganda sa tandem ni Prin at Kai, mayroon silang pagkakaunawan at koneksyon sa gagawin kahit hindi sila nag-uusap. Na-block ng kalaban pero tumalsik sa kamay nito. Napalayo ang bola mula sa kamay ni Carter pero nahabol ng isa sa halos kaduluhan na ng court. Nasalo ng braso nito ang bola pero alanganin na kay Carter. Mukhang nawala rin sa sarili si ate at tinira muli ang bola. Foul! At dahilan para manalo si Prin at Kai. "Ahhhhh!!!!" tilian ng mga ka-eskwela nila. Masaya si Prin at ganoon din si Kai. Nagtatalon siya sa tuwa. Tinakbo sila ng mga kasama sa Volleyball at nag-group hug kasama ng assistant ng Dean. Tinawag niya si Bella na naiwan na nakaupo. Tumakbo ito sa gawi nila at sumali sa group hug. "I told you My angel, I will definitely win" sabi ni Kai. Masaya ang ngiti ni Bella. Hindi na nga napapansin ng dalawa na tanging silang dalawa na lang ang magkayakap. Galit naman ang grupo ni Carter. Lalo at nakatingin ito sa gawi ni Bella at Kai na nagyayakapan. Si Prin naman ay kinikilig sa tabi. Panay ang talon niya dahil sa saya. Nagawa niya pang damputin ang bola na nasa lapag at nagtata-talon na parang bata. Nag-iikot siya at nagtata-talon ng mahagip ng mata niya ang naka-polong lalaki sa kabilang dulo ng court. Nakahalukip-kip ito at nag-aapoy ang mata sa galit. Nanlaki ang mata ni Prin at nabitawan niya ang bola na makita si Cally. "Shiiit! I''m dead!" Narinig siya ni Kai at napalingon ito sa gawi ng tinitingnan niya. Napalunok pati ang binata. "Sh*t! I told you! Labas ako dito!" paghuhugas-kamay nito. ===== Walang nagawa si Prin nang abutan siya ni Cally ng isang trench coat. Mabilis ang mga hakbang nito na halos iwan siya pabalik ng sasakyan. "Got to go guys!" paalam niya sa mga kasama at mabilis na sumunod kay Cally. "Husbie¡­" habol niya. Naabutan niya na ito sa sasakyan. Umupo ito sa likod. Binati niya si Xander na nakaupo sa driver seat na nakangiwi. Saka siya maayos na umupo sa likuran. "Husbie¡­" Sinubukan niyang suyuin ito pero parang may maitim na usok ang nakapaligid sa asawa niya. "H-honey, sweetheart, my loves so sweet¡­" nakangiwi na sabi niya. Pero wa-epek sa lalaki. Natahimik na siya. Sinesenyasan siya ni Xander sa unahan na ''wag Miss Prin''. Panay ang iling nito ng lihim, nagsesenyasan silang dalawa dahilan para manahimik na lang siya. Kinuha na lang niya ang cellphone. Nakita niya ang selfie ni Bella at Kai. Namumula pa ang mukha ng kaibigan niya sa larawan. Narinig niya na may tinawagan si Cally sa tabi. "Suspended si MB5, please send him to his family ng isang buwan." utos nito sa kabilang linya na sa tingin ni Prin ay si Lorenz, bilang ito ang pinuno ng Dark Guards. Nabigla na lang si Prin nang huminto ang sinasakyan sa Airport at nagtataka na sumunod kay Cally. Chapter 101 - Biggest Fan Tahimik at sabay na naglalakad si Bella at Kai papuntang sasakyan ng binata. Katatapos lang ng match. Inaasahan na nila na susunduin talaga ni Cally si Prin kaya dalawa sila ni Bella ang naiwan. Nakatingin si Kai sa kamay ni Bella at halos aabutin niya na lang iyon nang mag-ring ang cellphone niya. Bigla niya tuloy binawi ang kamay at kinuha sa bulsa ang cellphone. ''Shogun'' ang nakalagay sa screen. Napasimangot siya na makita ang pangalan na iyon, siguradong tungkol kay Prin ang dahilan nito. Napatigil din si Bella sa paglalakad at nilingon siya. "Shogun..." sagot ni Kai sa cellphone nito. "MB5, you are suspended for one month! Kailangan mong umuwi sa Hsinchu at hindi ka pwedeng lumabas ng Taiwan ng isang buwan. Ako ang tatawag sa iyo kapag tapos na ang parusa mo o kapag napa-aga." Napapikit si Kai sa parusa niya. "Isang buwan?" "Yes, dahil hindi mo nagawa ang trabaho mo na mabantayan ang kalokohan ni Prin. Seriously, anong nangyari at pinayagan mo ang isang iyon sa kalokohan niya?" "It''s as if I have a choice. Alam mo naman ang isang iyon, kapag ginusto niya ay walang makakapigil. Si Shi Cally nga ay nagawa niyang suwayin ano pa ang isang tulad ko na hamak na taga-bantay?" Reklamo niya. Malakas ang tawa ni Lorenz sa kabilang linya. Naiintindihan kasi nito si Kai. "Huwag kang tumawa diyan. Mag-abang abang ka lang dahil sa susunod na match kukunin ko sa iyo ang Shogun position." Pagbibiro niya. "Well, come and get it!" Napangisi ito sa kabilang linya. "By the way, I saw your ''Angel''. Good luck na lang dahil mawawalay ka ng tuluyan sa kanya." Pang-aalaska nito sa kabilang linya. "Pakyu kayo ni Shi!" Singhal niya dito. Tawa ito ng tawa "Check your e-ticket in your email box, napadala ko na. Tonight is the night" saka binaba ang tawag. Nanlaki ang mata ni Kai. Ganoon kabilis?! Tinitigan niya ang cellphone at nag-iisip ng gagawin. "M-may problema ba?" Nagtataka si Bella na lumapit kay Kai. Inangat ni Kai ang paningin sa magandang mukha ni Bella. Gumaan ang pakiramdam niya na makita ang kumikinang nitong mga mata na mas maganda pa sa mga bituin. "Let''s go home..." Tumango ito. "Yep. Di ba pauwi naman na talaga tayo?" "Nope, not that home. I mean, my home in Hsinchu" Agad na namula ang pisngi ni Bella. "I''ll ask permission to your Mommy or your Daddy na isasama kita." Seryosong sabi ni Kai. Tila dinala sa alapaap ang pagkatao ni Bella. "My Dad is super busy and my Mom is in Venice." Napakamot si Kai na para bang bigla itong nagkaproblema. "I need to go home tonight" paalam nito. Umangat ng kaunti ang labi ni Bella at gusto niyang magtanong pero nagdadalawang-isip siya at nahihiya na rin. Inakay na siya nito patungong sasakyan. Tahimik lang siya sa byahe. Hindi maiwasan na mag-isip si Bella kung bakit ang sweet ng binata sa kanya. Ayaw niyang masabihan pagdating ng araw na namis-interpret niya lang ang mga pinakita nito. Baka sa huli, sabihin ni Kai na pinatulan lang nito ang sinimulan niyang pagpapanggap. Nakaramdam ng lumbay si Bella habang nakaupo sa passenger seat. Mukhang naramdaman ni Kai na nalungkot siya hanggang sa tumigil ang mga paa nila sa tapat ng unit niya. "Bella, sama ka na sa ''kin tonight" narinig niyang sabi nito. "Kai Jeon Jang." Tawag niya sa pangalan nito habang nakatalikod sa binata at nakaharap sa pintuan ng unit niya. "Why are you like this? Why are you so¡­ sweet?" Mahinang tanong mula kay Bella. Kumunot ang noo ni Kai. "It''s because you are my girlfriend. Is that a crime?" Na-tense siya sa mga sinabi ni Bella. Bigla siyang nag-panic. Hinarap niya ang dalaga at tinitigan ito sa mata. "Please go with me¡­ I''ll give you more answers in the future. Ahh... wait!" Nilabas ni Kai ang cellphone nito at mabilis na nagtipa. Inabot din ng ilang minuto. Nakatitig lang si Bella sa lalaki sa buong oras na iyon. "There you go! See? you have now an airline ticket kaya ''di ka na pwedeng umatras. Hindi ako mapapalagay kapag iniwan kita dito." Paliwanag ni Kai. Pinakita ni Kai sa kanya ang lahat ng detalye at napasinghap siya na alam nito ang mga ilalagay na bagay tungkol sa kanya. Full name, birthday, address at kahit passport number. Nagbago bigla ang mood niya. "Alam mo ang lahat... kahit ang birthday ko? Saka, passport?" Hindi makapaniwalang tanong ni Bella. Daig pa kasi ng binata ang stalker. "Are you my stalker?" "Nooo" tanggi nito. "I am your biggest FAN." "Ahmm.. wait lang!" Sabi niya sa binata. Binuksan ni Bella ang pintuan ng unit niya, pumasok sa loob at sinara iyon ng mahina. Nagkakakawag na naman ng parang kiti-kiti si Bella sa loob sa sobrang kilig. Para siyang maiihi na hindi maintindihan. Isang salita lang nito ang nakapagpabago sa mood niya at iyon ay ang sabihin nito na fan niya ang lalaki. Parang hinaplos nito ang puso niya lalo at nang maalala na ilang libo ang sumusubaybay sa binata pero nag-iisa lang siya sa sinusundan nito kaya naniwala siya na ''biggest fan'' talaga niya ang binata. Kinalma niya muli ang sarili bago muling binuksan ang pintuan. "*cough* okay, dahil mayroon na akong ticket. Mukhang wala na akong choice kung hindi ang sumama." Kalmado at iniiwasan niyang maglabas ng kahit kapiranggot na ngipin sa pag-ngiti. Nakahinga naman ng maluwag si Kai. "That''s good! See you in an hour." Chapter 102 - Punishment Sumunod lang si Prin kay Cally hanggang sa makasakay ng private plane nito. Ikalawang beses niyang makakasakay sa eroplano ng asawa niya. Ang unang beses ay noong bagong kasal silang dalawa na pabalik ng Pilipinas mula UK. "Husbie¡­" Tawag niyang muli kay Cally. "Sit!" utos nito. Halatang mainit pa ang ulo nito. Nakanguso siya na sumunod. Nanlilimahid pa ang pakiramdam niya dahil hindi na niya nagawang magshower matapos maglaro. Basta na lang siya sumunod kay Cally nang makita niya ito na parang anak ng apoy dahil sa galit. Sumunod siya kahit pa puro buhangin ang katawan niya. "Honey¡­" tawag niya. "Honey, I need to take a shower" parang maiiyak na pakiusap niya. Hinarap siya nito sa unang pagkakataon. "You don''t have a right to make any kind of request." Pagtatapat nito. Natameme si Prin. Halata kahit sa boses ni Cally na galit talaga ito. Hindi niya alam kung paano susuyuin ang asawa niya dahil mukhang hindi ito madadaan sa pagpapa-cute niya. Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Nagpasalamat pa rin naman siya at nagawa siyang bigyan ng pagkain. Tahimik lang si Cally habang sumusubo ng pagkain. Siya naman ang nakaramdam ng inis kaya nangigigil ang paraan ng paghiwa niya sa steak na kakainin. Kinuha ni Cally ang plato niya at ito ang naghiwa ng steak sa maliliit na cut bago binalik sa kanya ang plato. Kahit pa natuwa siya sa simpleng gesture na iyon, naiinis pa rin siya. Matapos niyang maubos ang kinain, tumingin lang siya sa labas ng bintana na halos puro ulap ang nakikita. Nang mapagod ang mata o mas tamang sabihin na na-boring siya ay nahiga siya sa nag-iisang kama at nakatulog. Nagising lang siya na nakayakap sa kanya si Cally. Hmp! Nagagawa pa siyang yakapin samantalang pinarurusahan pa siya nito. ''Hindi tayo bati!'' isip-isip niya habang nakatingin sa nakapikit na si Cally. Gusto niyang ahitin ang kilay nito sa mga oras na iyon dahil binibigyan siya ng cold shoulder. Matapos matitigan ang mukha nito, wala siyang nagawa kung hindi ang gantihan ang yakap ni Cally. Ganoon yata talaga ang buhay, nakakalimutan niya ang lahat makita lang ang mukha ng asawa. Nagtataka lang siya dahil parang napakahaba yata ng biyahe nila. Saan sila papunta ni Cally? Siniksik na lang niya ang sarili kay Cally saka natulog muli. Nagising muli si Prin na nakatigil ang eroplano sa isang ma-snow na lugar. Inikot niya ang paningin para hanapin si Cally at natagpuan niya ang asawa na nagtatrabaho na sa lazyboi at nasa ibabaw ang laptop nito. Sinimulan niya muli itong kausapin. "Husbie¡­ I''m sorry na kung ano man ang kasalanan ko." parang maamong-tupa na sabi niya dito. "So, hindi mo alam ang kasalanan mo?" sabi nito habang patuloy na nasa screen ang mga paningin. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin. Napakagat-labi siya. Nilapitan sila ng co-pilot. "Master, may gusto ba kayong kainin o request bago tayo lumipad patungong Ilulissat?" tanong nito. "Honey, do you have a request?" malambing na sabi nito. "ah--" "She doesn''t have a request. Thanks!" Prin "...." Nalukot ang ilong ni Prin sa inaakto ni Cally. "May request ako. Gusto kong bumaba at maligo!" pilit niya. Napilitan si Cally na iangat ang paningin sa kanya. "Dadalhin kita sa Ilulissat at doon ka pwedeng maligo." sabi nito. "Ilulissat?" ulit niya. Where the hell is it? "Okay lang na hindi ako maligo basta hindi mo ''ko pwedeng yakapin!" mataray na sabi niya sa lalaki saka ito inirapan. Nakanguso na humiga muli siya. Papayag ba siya na maamoy nito ngayon na mabaho siya? Ang suot ni Prin ay tanging trench coat at ang suot niya ng match. Nangangarap siya na maligo samantalang hindi nga siya sigurado kung may pamalit siyang damit. Ilang oras pa silang nagbyahe sa ere at sa totoo lang ay sumasakit na ang puwit niya kauupo at kahihiga sa kama nang sa wakas ay magdeclare ang Piloto na naroon na sila sa destinayon. Puro yelo ang nasa paligid at alam niya na nasa malamig na parte sila ng planet earth. Kinumpiska ni Cally ang mga gamit niya kaya wala tuloy siyang paraan para macheck ang lugar kung nasaan sila. "Are you ready?" seryosong tanong ni Cally. "Where are we?" "Ilulissat" Nakakunot-noo siya at hindi alam kung saan ang lugar na iyon. "...Greenland." dugtong nito. Nanlaki ang mata ni Prin. Bigla siyang natuwa. Unang beses niya kasi na makapunta ng Greenland kahit hindi niya alam kung saan parte ng mundo iyon. It sounds good to her ears at alam niyang maganda ang lugar. Nilapit niya pa ang sarili sa braso ni Cally sa sobrang katuwaan. Inangat lang nito ang gilid ng labi ng lihim. Pagbaba nila ng eroplano, nanuot agad ang lamig sa buong katawan ni Prin. Inalalayan siya nito na makasakay sa naghihintay na itim na kotse. She was excited kahit pa hindi niya alam kung saan sila patungo. Alam niya na maraming trabaho si Cally sa Maynila kaya paano nito naisip na magbakasyon. Maisip lang na makakasama niya ng ilang araw si Cally ay sobra-sobra na ang tuwa niya. Nakadagdag pa sa tuwa niya ang maisip na hindi talaga siya matitiis ng lalaki at nagawa pa siya nito na dalhin sa Greenland. Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni Prin hanggang sa huminto muli ang itim na kotse malapit sa karagatan. She was excited dahil mukhang mags-sail sila sa dagat. Chapter 103 - Master of Icerbergs "Brrr¡­ Brrr.. H-h-hus.. bie.. I.. I''m cold.." nangangatog ang katawan ni Prin na yakap-yakap ang sarili at nakikiusap ang paningin niya kay Cally. Nagbago na ang isip niya na hindi siya kayang tiisin ni Cally. Maling-mali ang nasa isip niya dahil kayang kaya siya nitong parusahan. May apat na minuto pa lang ang nakalipas nang magulat siya nang tanggalin nito ang suot niyang trench coat. Ginamit nito ang pogi looks para maihubad sa kanya ang suot ng hindi siya makakapalag. Hindi niya akalain na tototohanin nito na parusahan siya na mag-bikini sa Arctic ocean. Kitang-kita niya pa ang mga iceberg sa paligid. Nagh-hello ang mga ito sa Master Cally nila na pinuno ng mga Yelo. Ganoon kabilis siya nitong pinarusahan. Hindi man lang siya nakapagpalit ng suot suot na bikini. Nakangiti lang si Cally habang hawak ang manibela ng bangkang gamit-gamit nila. Silang dalawa lang ang laman ng bangka na mukhang inarkila ng lalaki o kaya naman ay binili nito. Ayaw nang isipin pa ni Prin kung alin sa dalawa dahil mas gusto niyang hanapin ang trench coat na hindi niya alam kung saan tinago ni Cally. Zero degrees ang lamig sa lugar o kaya naman ay mas mababa pa at idagdag pa ang hangin na yumayakap kay Prin kaya pakiramdam niya ay ipinasok siya sa freezer. Hindi na niya maramdaman kahit ang sariling kamay at paa. Pakiramdam niya ay isa siyang karne na maninigas ano mang oras. Alam ni Cally na kayang-kaya ni Prin ang parusa niya dahil nagawa nito noon na maligo sa ilalim ng falls ng madaling araw na may lamig na 5 degrees noong panahon ng training nito. Isang oras na nanatili ang lahat ng Dark Guard sa ilalim ng falls na halos maging yelo na ang buong pagkatao nila. Iniiwasan niyang tumingin sa katawan ng asawa na parang nag-aaya na kainin niya ito ng buhay. She was so s.e.xy in that small pieces of clothing. Nakadagdag din iyon sa init ng ulo niya dahil ilang oras na tiningnan ng mga kalalakihan ang katawan nito sa ganoong kasuotan. The picture he saw is understated. Mas nakakauhaw ang katawan nito sa personal kaya mas lalo siyang nag-aapoy sa inis. Naiiyak na si Prin. "H-h-husbie, m...mamatay na ako sa lamig¡­ brrrr¡­ brr.." "Honey, konting kapit na lang at nasa destinasyon na tayo." malambing pa rin na sabi. Wala namang plano si Cally na patagalin ang asawa niya sa lamig. Gusto niya lang talaga na turuan ito ng leksyon. Kailangan niyang putulin ang namumuong sungay ni Prin. "H-hindi na ako uulit, p-promise!!!" nagkakakawag na si Prin para makakilos kahit papaano ang mga laman niya sa lamig. Punong-puno ng pakiusap ang mata ni Prin pero tila walang epekto kay Cally ang lahat. Wala siyang magawa kung hindi ang pumikit at isipin na nasa Pilipinas siya na mataas ang araw. ''Mind over matter...'' ''Mind over matter¡­'' sabi niya sa sarili. Kailangan niyang mag-meditate at paganahin ang utak na kaya niya ang lamig kahit nakabikini lang. Matapos lang ang sampung minuto, naramdaman niya na lang na sinuot sa kanya ni Cally ang suot-suot nitong makapal na jacket. Daig pa niya ang dinala sa kalangitan nang balutin siya nito ng suot na jacket. Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya pero kulang pa din. Nagyeyelo na ang binti niya. Nangangatog siya ng sobra. Binuhat siya nito at bumaba sila ng bangka. Noon niya lang napansin na nasa land area na pala sila. Buhat-buhat lang siya nito hanggang sa pumasok sila sa nag-iisang log house na may maroon na pintura. Agaw pansin ang bahay dahil nasa gitna ito ng mayelong lugar. Inupo siya nito sa malapad at malambot na sofa saka nito binuksan ang chimney. ''hallelujah!'' Maya-maya, nagagawa niya nang sumimangot sa lalaki na tila walang pakialam kung magrereklamo siya. May kinuha itong isang makapal na fleece sa isang cabinet at ibinalot sa katawan niya. Sa wakas ay naka-bawi ang katawan ni Prin mula sa sobrang lamig. Matalim ang tingin na pinukol niya dito na sinalubong naman nito. "Yes Honey? What is it?" tila nang-aasar pa na tanong nito. "I want a divorce!" Nagtaas ang kilay ni Cally. "Oh really? Kanina lang ay nakikiusap ka at sabi mo na hindi ka na uulit. Why the sudden change of heart?" Inirapan niya ito. Nilapit niya ang sarili niya sa chimney para mas mainitan pa ang katawan. "I hate you! You don''t love me anymore." sabi niya. Hindi siya nito pinansin. "Binantaan na kita na dadalhin kita sa Arctic Ocean kapag nangulit ka na maglaro ng Beach Volleyball. Magpasalamat ka at hindi kita dinala sa norte kung saan makakasama mong naka bikini ang mga penguin." At talaga naman na kailangan pa siyang magpasalamat? Maya-maya, lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya nito mula sa likuran. "Lumayo ka sa akin dahil mabaho ako." Inamoy-amoy nito ang leeg niya. "Wala akong naamoy na mabaho. Saka kahit mabaho ka pa ay a-amoyin pa rin kita. I have to accept my wife kahit amoy-penguin pa siya" Aminado naman siya na nakatulong si Cally para mas lalo siyang mainitan kaya hinayaan niya na lang ito na yakapin siya ng mahigpit. Chapter 104 - Cant wait, My Angel Bitbit ni Kai ang lahat ng gamit ni Bella. Hindi niya alam kung dinala ba nito ang lahat ng gamit sa buong unit nito. Isang malaking luggage at dalawang bag ang dala nito papuntang Taiwan. "Bella, bakit parang madami yata itong dala mo?" "Madami ba iyan? Kulang pa nga yan for my 5 days trip" halatang excited na sabi nito. Nabigla si Kai. Sa dami at bigat ng tatlong bag, kulang pa? Hindi niya naintindihan ang rules ng kababaihan. Napabuntong hininga na lang siya at nagtiyaga na bitbitin ang lahat ng iyon. Alas dos na ng madaling araw sa lugar. Isang itim at makintab na kotse ang sumundo kay Kai at Bella sa airport. Walang tatak ang sasakyan o kung ano man. Inisip ni Bella na ordinaryo lang iyon. Walang ideya si Bella sa background ni Kai. Ang alam lang niya ay simpleng kasama ni Prin ang binata sa isang samahan na naka-base sa Japan. Bukod pa sa isa itong Korean-Taiwanese. At ang pamilya ng binata ay nakabase doon sa Taiwan. "Second Young Master!" bati ng chauffeur sa salitang chinese. Palagay ni Bella ay ilang taon lang ang tanda ng edad nito kay Kai. Hindi naman naiintindihan ni Bella ang sinabi nito. Nakangiti lang siya dahil baka ma-offend ang binata sa kanya. Wala siyang ideya kung kamag-anak o kung kaanu-ano ni Kai ang lalaking sumalubong sa kanila. Para hindi siya mapahiya, ngumiti siya ng pagkatamis-tamis. Nagpalitan ng salita si Kai at ang chauffeur nito sa salitang chinese. "Pahatid kami sa Royal Hotel" utos ng binata habang nilalagay sa likod ng sasakyan nito ang mga bagahe na dala. Tumulong ang lalaki "Second Young Master, hinihintay po kayo ni Master Chen." "Masyado pang malalim ang gabi. Ayokong putulin ang pahinga ng matanda. Bukas ng umaga kami pupunta ng girlfriend ko sa Villa." Lumingon ito kay Bella na pinipilit ang ngumiti. Hindi niya kasi alam kung sino ang kaharap at kausap ni Kai. Wala siyang naintindihan sa palitan ng usapan ng mga ito. Matapos siya nitong mapag-aralan, basta na lang sumakay ang lalaki sa Driver''s seat. "Hey, w-what did you guys talked about?" usisa niya. Parang ang suplado kasi ni Kuya na Driver. "Nothing, he just said that you are pretty" nakangiting sagot ni Kai. Agad na namula ang pisngi niya pero hindi maiwasan na magduda. "Are you sure?" "Trust me. Are you not pretty? Com''on." hinila na siya nito at pinasakay sa likuran na pwesto ng kotse. "Hey, does your family knew how to speak english?" bulong niya kay Kai habang nakatingin sa driver ng kotse. Nilingon siya na Kai at bahagyang namula ang pisngi ng binata dahil sobrang lapit niya dito. Inangat ni Bella ang paningin at doon niya lang napansin na malapit ang mukha nito sa kanya. Agad siyang lumayo. "*cough* m-maganda ang lugar." iwas niya. "It''s dark outside. How did you know?" Hindi siya makahanap ng isasagot. ''Shet! Oo nga, it''s dark outside'' "I just feel that¡­ it''s beautiful outside, bakit ba?" "Okay¡­ I will bring you to a lot of beautiful places. Your five days would be very exciting." Alam ni Bella na nakikiramdam lang at nakikinig ang binatang nagd-drive sa unahan. Hindi naman siya makapagtanong kung sino ang taong iyon sa buhay ni Kai. ===== Kinabukasan, nagkita sila ng binata sa lobby na ng hotel. Papunta na sila sa restaurant para mag-agahan nang lapitan sila ng lalaking nakita ni Bella ng nagdaang araw. "Second Young Master" bati nito. Bumuntong-hininga lang muli si Kai. "Ang aga mo namang manggulo." reklamo niya. Halata ang disgusto niya na makita muli ang chauffeur. "Second Young Master, Malalagot ako kay Master Chen kapag hindi ko kayo nasama pabalik, kaya nakiki-usap po ako na sumama na kayo." sabi ng binata na halata na ang pagkahabag at tensyon sa mukha nito. Si Bella sa tabi ay pilit pa rin na nakangiti kahit pa wala siyang naintindihan sa palitan ng usapan ng mga ito kung hindi¡­ ''Sheng wo shudinge, shing wo bu hu, shu shu mu ai shak tu lang.. Ai Ewan!'' Pakiramdam niya ay mas nakaka-nose bleed ang salita ng mga ito kaysa sa english. Tingin niya ay malapit niya nang hingin ang tulong ng red cross para masalinan siya ng dugo. Simula kasi ng dumating sila ay puro salitang intsik ang nadidig niya. "Second Young Master, nasa Villa rin po ang Madam para makita kayo." Bumagsak ang balikat ni Kai. At kinakabahan na napatingin sa nakangiti ng pilit na si Bella. "Fine! Tutal ay hindi pa kami nag-aagahan." sa wakas ay nasabi ni Kai. Saka sumunod sa chauffeur sa sasakyan. Sa totoo lang, kinakabahan siya na malaman na nasa Villa nila ang Mommy niya dahil siguradong tututol ito kay Bella at baka may masabi ito sa dalaga. Kahit pa, hindi pa siya nagsisimula na gawing opisyal ang relasyon nilang dalawa. Plano niyang gawin ang bagay na iyon sa araw na iyon kaya pinilit niya itong isinama sa bansa. ''I can''t wait, My angel¡­'' Chapter 105 - His Mom Nakatingin lang si Bella sa labas ng bintana sa loob ng itim na kotse. Inaaliw niya ang sarili habang byahe . Hindi maiwasan na kabahan siya dahil papunta daw sila ni Kai sa bahay ng pamilya nito. "Kai, w-wala akong dala for your family." bulong niya sa binata. Nakakahiya na bibisita siya na wala man lang bitbit na kahit na cake o prutas. "No worries." Madaming pumapasok sa isip ni Bella tulad na lang ng magugustuhan kaya siya ng pamilya ni Kai? Ok ba ang suot niya bilang bisita ng lalaki? Maliit lang ba ang pamilya ni Kai? at kung ano pa. Napansin na lang niya na binuksan ang isang napakalaking gate matapos magpot-pot ng binatang driver. Mas dumoble ang kaba ni Bella. Tapos ay dumaan ang sasakyan sa paikot na kalye paakyat ng burol. May malalaking puno na nakahilera sa magkabilang gilid hanggang sa huminto iyon sa pinakatuktok. Kinakabahan si Bella lalo na nang huminto ang sinasakyan sa napakalaking bahay. Tila isa iyong mansyon. Napa-nganga siya ng bahagya ng lumabas sa sinasakyan. ''I-ito ang bahay nila Kai?'' Inakay siya ni Kai sa pagpasok sa malaking bahay. Hindi pa nga siya nakaka-move on sa labas, may pasabog na agad na surpresa sa loob. Mas maganda kasi ang mga kagamitan sa loob ng malaking villa at alam ni Bella na hindi basta-basta ang mga presyo ng mga iyon. "Second Young Master!" bati ng dalawang maid na may hawak na maliit na bowl. Nagtataka si Bella kung para saan ang tubig na laman na tila inaabot sa kanya ng chinese na naka-maid''s uniform. Inisip niya na baka welcome drinks iyon. Iinumin na sana niya ang laman nang kunin iyon ni Kai at binalik sa maid. Kinuha ng binata ang kamay niya at ikinawkaw doon sa tubig. Pulang pula ang mukha ni Bella sa kahihiyan. "Is this your home?" "Sa lolo at lola ko." simpleng sagot nito. Hindi akalain ni Bella na ganito kayaman ang pamilya ng lalaki. Naalala niya pa na nagpalibre ng sine sa kanya ang binata kaya hindi niya naisip na may kaya sa buhay ang pamilya nito. No, hindi lang basta may kaya. Mayaman talaga ang pamilya ni Kai. Isang may-edad na babae na naka suot pa ng cheongsam ang bumungad sa kanila. Mala-kutis porselana ang balat nito, maganda at halata ang aral sa mga pagkilos. Wala man lang ni katiting na ngiti sa mga labi na parang aristokrata. "Mom!" bati ni Kai. Lumapit ang binata sa ginang at binigyan ito ng halik at yakap. Hindi nito tinatanggal ang paningin kay Bella kaya lalo siyang na-conscious sa mga titig nito. "Bella, she''s my Mom" sabi ni Kai sa kanya. "H-hello po" Sabi niya kasabay ng pagkaway. Napangiwi siya dahil inirapan siya nito at hinarap si Kai. Nag-usap na naman ang mga kaharap niya sa chinese kaya wala siyang naintindihan. "Honey, How are you? Lingling is here at hinihintay ka sa dining area. Sinabi niya na hindi siya kakain kung hindi ka kasabay." "Lingling? Who is that?" Pinilit ng ginang na ngumiti. "Lingling, your future wife." diretsahang sabi nito. Katulad ng inaasahan ni Kai ang bubungad sa kanya mula sa Mommy niya, kaya tinapat niya na agad ito. "Sorry Mom but I will never accept the girl you chose for me" sabi ni Kai. "As you can see I have a girlfriend now." dagdag pa ng binata. Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa. "I investigated her and I don''t like her" mukhang ayaw din nito na magpatalo. "Well, you liking her is your problem. And me, loving her is another story. Kung ganito lang ang magiging usapan natin maghapon might as well na umalis na lang kami." Nakangiwi na si Bella dahil wala siyang naiintindihan sa palitan ng salita ng mga ito. Pero ramdam niya ang tensyon at halata ang pagtatalo ng mag-ina. Chapter 106 - A mistress child Nagpumilit pa rin ang Mommy ni Kai sa gusto nitong sabihin "Kai, you will stay at hindi ka na aalis pa. Bumalik ka na dito sa bahay. Mas maganda na pumasok ka na sa opisina at magsimulang mag-trabaho. Walang mangyayari sa iyo kung mananatili ka lang na Dark Guard at--" "Su-Wei!" putol dito ng isang matanda na sinusuportahan ng isang goldstick na tungkod. Nilingon ito ng mag-ina pati si Bella. Natahimik ang Mommy ni Kai. "Ngayon lang nakauwi ang anak mo at sinimulan mo na naman na ipilit ang gusto mo." matigas na sabi nito. Lumingon ito kay Bella. Napatuwid ng tayo si Bella dahil sa mga mapanuring tingin na ipinupukol sa kanya ng matanda. ''Gosh! Ganito ba talaga ang mga pamilya ni Kai?'' Wala kasing ngumingiti sa kanya ni isa. "H-hello¡­" sinubukan niya rin na kumaway. "you must be Kai''s friend" sabi nito. Nakahinga ng maluwag si Bella na nagsalita ang matanda sa ingles. Nakahinga siya ng maluwag. "Yes, I''m a friend." "Come in! let''s have a breakfast" lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa braso para ayain na magtungo sa dining area. Lalong sumimangot ang Mommy ni Kai. Nilingon naman ni Bella si Kai para manghingi ng saklolo sa binata. Hindi man siya nakakaintindi ng salitang intsik ramdam ni Bella na ayaw sa kanya ng Mommy ng binata. Ang lolo naman nito ay mukhang mabait at pansin niya na ito ang may huling salita sa lahat. Pagdating sa Dining area napansin ni Bella ang isang magandang babae na nagts-tsaa sa mesa. Itim at diretso ang buhok na parang model ng shampoo sa ganda. Sa paraan lang ng paghigop nito ng tsaa, masasabi na aral din ang kilos nito. Halata na nagliwanag ang mukha nito nang makita si Kai na nakasunod sa kanila. "Second Brother!" napatayo pa ang babae at nataranta pero hindi ito pinansin ni Kai. Parang tulad lang din ng ibang mga babae sa school nila. Inalalayan siya ni Kai na makaupo sa dining chair na nasa tapat na silya ng magandang dalaga. "Mag-aalmusal lang kami at aalis papuntang Taichung. Since nakita niyo na ang kagwapuhan ko, magsisimula muna akong magbakasyon. Tutal naman ay isang buwan niyo akong makikita dito." sabi ni Kai habang nilalagyan ng butter ang isang tinapay at nilagay sa plato ni Bella. "Honey, dalawang taon tayong hindi nagkita tapos aalis ka na?" nalungkot ang Mommy niya. "Mom, as you can see, mayroon akong bisita." paliwanag ni Kai. Sumimangot ang ginang nang mabanggit siya. Ramdam ni Bella ang tensyon sa hapag. Masama ang tingin ng babae sa kanya sa tapat at halos hindi niya malunok ang pagkain. Nilapit niya ang mukha kay Kai at bumulong. "Hey, mukhang hindi ako gusto ng pamilya mo" nag-aalalang sabi ni Bella dito. Nilingon siya ng binata. "Huh? Of course not! Masama lang ang loob ng Mommy ko dahil wala ka kasing dalang regalo." "Ganun? Sabi ko na nga ba dapat talaga dumaan tayo sa bakeshop para magdala kahit na cake." Napangiti si Kai. ''What a sweet little child?!'' samantalang, ang Mommy niya halos ayaw patuluyin si Bella sa bahay na iyon. Isang palo sa mesa ang gumising sa kanilang dalawa. Galit na galit ang Mommy niya dahil sa sweetness nilang dalawa kahit naroon sila sa hapag at nag-aalala ito kay Lingling na nasa tapat at parang maiiyak. Diretso itong tumingin kay Bella. "I will never accept a mistress'' child." mabigat na sabi. "I''m. full!" mabigat ang mga katagang sabi nito saka tumayo at umalis sa hapag. Natigilan si Bella at nakagat ang ibabang labi. Alam sa bahay ng binata ang background niya. Para siyang maiiyak at gusto na niyang bumalik na sa Pilipinas. Sapol na sapol ng Mommy ni Kai ang emosyon niya. Sino nga ba ang magkakagusto sa isang tulad niya na anak sa labas? Anak ng bastardo. Napakuyom ang kamao ni Kai dahil napansin nito na parang napahiya si Bella. "Yeye, aalis na kami." paalam nito sa matanda. "Bumalik kayong dalawa." sagot ng lolo ni Kai. "Iha, don''t mind her. Enjoy your vacation." sa unang pagkakataon ay ngumiti ang matanda kay Bella. But that damage has been done. Masama na ang loob niya. Chapter 107 - The sweetest Dala ni Bella ang sama ng loob hanggang sa sasakyan ni Kai. Tahimik lang siya na nakaupo habang nagmamaneho ang binata. Nagpapakiramdaman lang sila nito sa loob ng sasakyan. May isang oras yata silang nag-byahe hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang maaliwalas na lugar. Humarap si Kai sa kanya. "I''m sorry¡­ huwag mong alalahanin ang Mommy ko. She will accept you sooner." Natigilan si Bella. Paanong nagagawa ni Kai na isipin na ayos lang ang lahat? Ramdam niya sa mga binitawan na salita ng may-edad na babae na hindi siya nito magugustuhan kahit kailan. Inakay siya nito palabas ng sasakyan. Napansin niya na madami ang turista na nagrereklamo kung bakit ''closed'' ang lugar. Nagtataka lang siya na sumunod kay Kai. "Nasaan tayo? Ahmm¡­ Closed pa yata ''to." sabi ni Bella. Pero tuluy-tuloy lang ang binata papasok sa loob at kung sinu-sino ang bumati dito. Halata ang pag-galang ng mga nakakasalubong nila kay Kai. Agaw-pansin silang dalawa, lalo na ng mga turista dahil tanging silang dalawa lang ang pinapasok sa loob. "Are you ready?" tanong ng binata. "What¡­ do you mean?" Hindi ito sumagot. Hinawakan lang ni Kai ng mahigpit ang kamay niya at tumuloy sila sa loob. Napasinghap siya sa magandang tanawin. May ilang libong klase ng bulaklak ang nasa paligid. Parang tinanggal ng tanawin ang lumbay na namuo sa puso niya ilang oras lang ang nakalipas. They walked slowly habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa isa''t isa. Talagang ninanamnam nila ang ganda ng tanawin sa lugar. Huminto sila sa gitna ng mga tanim na sunflower. Hinarap siya ni Kai. Nang-aakit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya dahilan para ma-conscious siya. Walang salita na lumalabas sa bibig niya pero nag-uusap ang mga mata nila ng binata. Nasa ganoon silang posisyon nang may mga nagsipagliparan na daan daan na paru-paro na nagmula sa kung saan. Napasinghap si Bella at lumitaw ang saya sa mukha niya. Sa palagay niya ang tanawin na iyon ang pinakamaganda sa lahat ng nakita niya sa buong buhay niya. "Are you happy?" tanong ni Kai. Pinahanda niya ang lahat ng iyon sa lugar kahit ang daan-daan na paru-paro. He wants to give the best for Bella. Hindi niya akalain na may kapalit din na saya sa parte niya na makita na masaya ang dalaga. Tumango si Bella. Ganoon kabilis na nabago nito ang mood niya. Mula sa sobrang lungkot napalitan ng saya ang kalooban niya. Biglang sumeryoso ang binata. "Bella, hindi ko pa naranasan na manligaw. Hindi ko rin naranasan pa ang maging mabuting boyfriend sa kahit na kanino. I mean, hindi pa ko naging boyfriend ng kahit na sino." Pansin ni Bella na namula ang mukha nito. "If you are willing¡­ I want you to be my first ever girlfriend. ''yung totoong girlfriend." sabi nito na hindi makatingin sa kanya. Namula ang pisngi ni Bella at pigil na pigil ang kilig. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilin ang sarili. "I almost thought na tatanda ako na mananatiling bato sa lahat. Hindi ko alam kung paano maging sweet dahil nabubuhay ako sa seryosong pamilya at halos pulos pagsasanay lang ang alam ko. Akala ko, masaya na ako sa buhay na ganoon. But, I never thought that I would feel something special for you." Mas dumoble ang pagkapula ng pisngi nila parehas. Lumapit pa lalo si Kai sa kanya at mas nilapit ang mukha nito. "I like you so much, my Angel." halos hindi masabi ng binata. Natulala lang si Bella. Dahil doon binigyan siya ng lalaki ng smack sa labi. Nanlaki ang mata ni Bella. Inikot niya ang paningin sa paligid dahil nakakahiya na mag-PDA sa lugar. Pero wala siyang makita ni isang anino at tanging libo-libong bulaklak lang ang nakikita niya sa paligid. "Ahmm.. Wait lang!" tumalikod si Bella. "eeeehhhh!!!!" pigil na pigil na parang gusto niyang maglupasay sa kilig. Unang beses na may magpropose sa kanya sa napakagandang lugar. Sinong hindi kikiligin doon? Natatawa naman si Kai sa inakto niya. Dahil naririnig siya nito. "*cough*" si Kai na ang umubo, hindi tulad ng mga nakaraan. Humarap si Bella sa binata na nananatiling seryoso ang mukha. Hinila siya nito dahilan para mayakap siya ni Kai sa unang pagkakataon. "Kailangan nating sundin si Prin, we must shared a kiss in a beautiful scenery." hindi pa siya sumasagot nang ibaba nito ang mukha sa kanya at ilapat ang labi nito. Parang nagkaroon ng invisible na fireworks sa paligid. kumakabog ng sobra ang dibdib ni Bella at ganoon din ang binata. Parang dinala sa kawalan ang pagkatao niya. They are literally kissing in a field of flowers. parang tinalo ni Kai ang mga halik na naranasan niya sa mga ex boyfriend niya. His kiss is the most sweetest kiss on earth. "I like you too, Kai Jeon Jang" bulong niya sa binata. Chapter 108 - She was hospitalized Dinala ni Cally sa ospital si Prin. Bakit? Dahil napunit masyado ang kanyang ''kemper''. Nag-alala siya dahil nasa ibang bansa sila at kailangan na mag-bangka muli at sumakay ng kotse para makarating sa ospital. Hindi napigilan ni Cally ang sarili at masyado siyang nagpadalos-dalos sa nararamdaman. Marami pa naman siyang plano para sa bakasyon na iyon. He can''t help it! He thought they owned the world. He admitted that he''s been so rough, dahilan para dalhin niya si Prin sa ospital. Plano nila na manood ng whales sa arctic ocean. Mag-ski at sumakay ng sled habang hila-hila ng puti at malalaking aso o kaya ay mag hiking pero nasira ang lahat ng plano. Pulang-pula ang mukha ni Prin habang maingat siyang hiniga ni Cally sa hospital bed. "what happened?" tanong ng doktor na babae. "please check her¡­ v.a.g.i.n.a.l area" utos ni Cally. Nagtaas ang kilay ng doktor. "Oh! Let me see then." pinabuka nito ang mga binti ni Prin na tanging natatakpan lang ng isang makapal na fleece. Halos itago na niya ang mukha niya sa sobrang kahihiyan. Unang beses niya na maospital at iyon pa ang naging dahilan. Pwede naman siyang ma-ospital dahil sa sobrang lamig na dinanas niya ng nakaraang araw. Pero sa kamalas-malasan, na-ospital siya dahil sa sobrang kapusukan. "I''ll get some medicine. You kids are doing too much s.e.x. Be gentle next time." sabi nito saka lumabas. Prin "...." "I-i-it''s your fault! Y-y-you are so rough!" sobra-sobra ang kaba niya at halos ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon. Mabuti na rin na nasa ibang bansa sila at wala sa Pilipinas. Siguradong pagchi-tsismisan siya ng mga nurse at kung sinu-sino pa sa buong ospital. Habang gumagawa ng kapusukan, basta na lang siya napahiyaw at nagulat si Cally na nagdugo ang parte na iyon. Nang silipin ng lalaki ang bagay na iyon, alam niya na may mali. Tila sabay silang binuhusan ng malamig na yelo ng iceberg at sabay na nataranta. Mas matindi pa na nagsugat ang bagay na iyon kumpara ng first time nila o ng mga nakaraan. "it''s not my fault, you are just too tight" katwiran ni Cally. "Y-you! how did you know I''m tight? It''s as if you have a lot of experience!" Napakamot sa ulo si Cally. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan. It''s either he was too big for her or she was too tight for him. "Masakit pa ba?" Nag-aalalang tanong nito. Minasahe ni Cally ang puson niya. "I''m sorry¡­ I just can''t help it. It''s been a long time since the last time we did it and I was overly excited." Nagbalik ang doktor at inabutan sila nito ng isang ointment. "Here''s the medicine. Rest for a few days. And¡­ NO S.E.X in a month" ang sabi saka umalis ng iiling-iling. diniinan pa nito ang pagkakasabi na bawal silang magtalik. Hiyang-hiya si Prin, at masama ang tingin niya kay Cally. "Honey, don''t look at me like that. I know, you really want to do it. Hindi mo ba narinig ang doktor? No s.e.x for a month. You can endure this!" sabi pa na tinapik tapik siya sa braso. Prin "...." How come na nabaliktad ng asawa niya ang sitwasyon? "Y-y-you! Who wants to do it with you?!" "Definitely you" sagot ni Cally. "I hate you! Nakita ko ang post ni Kai sa account niya. He and Bella are kissing in a middle of thousands of sunflowers! How come I ended up in a hospital?!" nagagalit si Prin lalo na kapag iniisip na naganap ang first kiss niya na parang ninakawan lang siya ng halik ni Cally. At lasing pa ang asawa niya n''on. "Kahit ang first night natin ay brown out, walang ilaw! You better think of something sweeter than Kai or else I will definitely divorce you!" nagagalit na rant niya. Cally "...." Chapter 109 - Miserable wife Biglang nakaramdam ng awa si Cally kay Prin matapos niyang marinig ang mga reklamo nito. Malay ba niya na imbes na parusa ang ibigay kay Kai ay nagawa pa nito na makapag-bakasyon kasama ang ''Angel'' nito. "I''m sorry Honey. I promised that I will take care of you lalo na ngayon na bawal kang maglikot. Huwag ka ng magalit. Makakaganti ka rin kay Kai dahil maghihiwalay din sila ng ''angel'' niya." Sinuntok niya sa dibdib si Cally. "See how bad are you?! Y-y-you and your little monster! I don''t want them to separate! Do you think it''s just because I am having a nightmare vacation, I want to curse his relationship with Bella?" "My little monster?" ulit ni Cally. Tinitigan niya sa mata si Prin. "Now he is a monster? Porque ba suspended ka rin ng isang buwan at bawal makipag-meet sa kanya, tinatawag mo na siyang monster? May I remind you what happened earlier? Gumanti lang ako sa ginawa mong kapusukan at--" Tinakpan ni Prin ang bibig ng asawa niya dahil sigurado na hindi siya mananalo sa debatehan laban kay Cally. Hahanap at hahanap ng lusot ang lalaki at siya ang lalabas na kawawa. Isang nakamamatay na irap ang sinagot dito ni Prin. "I don''t want to talk to you. I have to accept that I am the most miserable wife in the world!Hmp!" Bumuntong hininga si Cally. Magaan at malambing na niyakap niya si Prin. Kahit naman panay ang tudyo niya sa asawa, ayaw niyang masabihan na naging miserable ang buhay nito sa piling niya. "I am sorry from the bottom of your husband''s heart. Honestly, marami akong plano for this vacation. I really wanted to give you the best and sweetest honeymoon. Mangisda ng salmon para masarap ang dinner natin. Whale watching. Kayaking. to watch a midnight sun while cuddling or anything na dapat gawin ng bagong mag-asawa. I wanted to give you a simple yet a sweetest vacation¡­ not a miserable one." Natahimik si Prin. Maybe Cally is the most annoying person pero alam niya na binibigay nito ang lahat para sa kanya. Alam niya na hindi magp-plano si Cally na bigyan siya ng matamis na halik sa gitna ng libo-libong bulaklak na tulad ng ginawa ni Kai at Bella dahil hindi naman talaga iyon ang gusto niya. What she wanted was to share a kiss on the sky while doing a skydiving or in the middle of a wall climbing. "Honey, let''s stay for a couple of days and let''s enjoy this vacation, okay? You need to rest and I will be taking care of you." Napangiti si Prin habang nakasandal ang ulo sa dibdib ni Cally. ===== Naiinis si Luna habang nakaupo siya at kumakain sa isang hotel restaurant. Hinarap kasi siya ng Daddy niya sa matandang si Mr. Sy, isang chinese tycoon na napapabalitang Drug Lord sa lugar. Hindi niya alam kung gaano katotoo na isang masamang damo ang matanda at hindi matanggap ng kalooban niya na iaalay siya ng magulang sa taong ito. Pinagsuot pa siya ng isang s.e.xy na pulang bestida para lang makipag-date dito. Ilang linggo na ang nakalipas nang halos wala na siyang mukha na maiharap sa publiko dahil sa eskandalo nila ni Cally. At ngayon, tinitikis siya ng MGM Corporation na magbigay ng danyos na nagkakahalaga ng kalahating bilyon para sa ilang araw na nasira niya ang reputasyon ni Cally at pagbagsak ng stocks ng opisina nito. Maganda ang pagkakangisi ng matandang intsik habang nakatingin kay Luna. Para bang isa siyang litson manok na inihanda sa hapag at halata ang pagkatakam sa mga mata ng matanda sa kanya. Nakakuyom ang isang kamao niya habang mahigpit na nakakapit sa armrest ang isang kamay niya na para bang pinagkukuhanan niya iyon ng lakas. "Luna, I''ll give you everything. Money, house or anything you''d wish to have." sabi nito. Pinag-isipan mabuti ni Luna ang hihingin. Gusto niyang gumanti kay Prin at kay Cally. Dahil gustong protektahan ni Cally ang asawa nito, pwes, itotodo na niya ang paghiganti kay Prin. Wala nang atrasan! Tutal naman, kahit ang magulang niya ay parang gusto na rin siyang ipakain sa buwaya na nakanganga at naghihintay na lang na pumasok siya sa bibig nito para kusang loob na magpakain. Mangyayari lang ang lahat ng paghihiganti niya kapag pumayag siya sa gusto ng matandang intsik. "Well, I want power Mr. Sy. Can you give me that?" nakataas ang kilay na sabi niya. Napangiti ng matamis ang matanda. "My people is also yours. You can tell them anything you want." "Anything?" paninigurado niya. "Yes. As long as you accepted me as your man." at saka siya binigyan ng isang malapad na ngiti. "if that''s the case I want eight of your people to follow me." sabi niya dito. Inikot-ikot nito ang wine na nasa kopita "Darling, as I''ve said... as long as you accepted me as your man." Halata na tuso ang matanda at hindi basta-basta papayag ng walang kapalit. Inabutan siya nito ng isang key card sa hotel na iyon. Dahilan para mapalunok si Luna. "Come to me and I''ll give you anything you want right after you gave me what I want." Chapter 110 - Rich Boyfriend Matapos lang ang isang linggo, nagbalik si Prin at Cally sa Maynila. Naging masaya siya sa loob ng mga araw niya sa Ilulissat dahil inalagaan talaga siya ni Cally habang nandoon sila sa lugar. Katulad ng plano, namangka sila at sinubukan nilang mamingwit ng salmon. Halos magreklamo na lang si Prin na puro isda ang kinakain nila sa loob ng ilang araw. Nanood din sila ng mga balyena na naglalanguyan at nag-kayak. Pinaglingkuran siya ng kanyang prinsipe sa loob ng ilang araw. Ang asawa niya ang halos kumilos sa lahat habang nagbuhay-prinsesa lang siya sa maliit na bahay na tinuluyan nila. Dahil malayo ang bahay na iyon sa ibang tahanan, halos isipin na lang nila na nasa dulong bahagi sila ng mundo, walang iniisip na problema. Sa loob din ng ilang araw, hinayaan siya na mag-aral ni Cally at tapusin ang exam niya online. Habang busy rin ang lalaki sa laptop nito at alam niya na nagtatrabaho pa rin ito sa opisina. Nalaman niya na nakabalik na rin si Bella sa Maynila habang nanatili si Kai sa Taiwan dahil suspended ito ng isang buwan. Hindi rin naman nakaligtas sa kanya na masaya ang kaibigan niya dahil opisyal ng magka-relasyon na ito at si Kai. Sa ngayon, kailangan nilang bumalik ni Cally sa Maynila dahil masyadong nag-aalala ang opisyal ng Dark Lords sa kanilang dalawa. Sapat na ang sampung araw na hindi sila nasisilayan para mag-alala ang mga ito lalo at hindi pa nakakalayo ang araw kung kailan dinukot si Cally. Nang araw na iyon, magkasama sila ni Cally na nagpunta sa MGM office. Nagpumilit na sumama si Prin sa asawa niya. "Hindi mo talaga matitiis na hindi makita ang pogi mong asawa." Tudyo nito. "Hmp! Sigurado na mas hindi mo matiis na hindi ako makita." Sabi niya dito. Magkahawak-kamay sila na naglakad patungong elevator. Hindi maiwasan na mapalingon sa kanila ang mga empleyado na nasa lobby. Agaw-pansin din naman kasi ang dalawang naggagandahang nilalang na naglalakad at magkahawak-kamay. Normal naman sa opisina ng MGM na may mga gwapo at magagandang celebrity sa paligid. Pero hindi pa rin maiwasan na mapalingon ang lahat sa awra na binibigay ni Cally. "Bagay silang dalawa ni President." Sabi ng isang receptionist sa kasama nito. "Haaay¡­" nakapangalumbaba at tila nangangarap pa ang kasama nito na nakatingin sa papalayong si Prin at Cally. Napapailing ang kasama nito at hindi niya masisisi na mangarap ng gising ang babae dahil kahit celebrities ng MGM ay pinapangarap si Cally. Sa loob ng President''s office, hindi akalain ni Prin na mabo-bore din siya dahil halos nasa meeting ang asawa niya. Bilib na bilib siya kay Cally dahil nagagawa nito na i-manage ng maayos ang oras sa trabaho pati sa kanya sa bahay. Pagsapit ng hapon, nagpaalam siya kay Cally na makikipagkita kay Bella dahil sa sobrang kabagutan. Naisipan nila na magtsismisan sa isang coffee shop malapit sa condo unit nito. Nagyakapan ang dalawa nang magtagpo na para bang ilang taon na hindi nagkita. Ganoon ka-gaan ang loob ni Prin kay Bella kahit pa ilang buwan pa lang sila na magkakilala. "So, how are you my sweet little angel?" Sinimulan niya agad na tudyuin ito matapos na makuha ang order nilang frappe. "Ayos naman kami ng aking O-ppa." Nakangiti na sagot nito. Halata na nag-blooming lalo ang kaibigan niya. Halata ni Prin na masaya ang naging bakasyon nito sa bansa ni Kai. "I really can tell. Sobra ang pang-iinggit ng isang iyon sa akin lalo na ng ipakita sa lahat ng followers niya ang picture niyo sa sunflower field. Dinaig niyo pa ang love team na Tangning at Mo Ting. Mala-prenup ang mga larawan niyo doon" parang nagagalit na sabi niya dito. Namula naman ang pisngi ni Bella. Hindi na binalita ni Prin na na-ospital siya dahil sa kapusukan dahil siguradong nakakahiya sa v.i.r.g.i.n niyang kaibigan. Sigurado na hindi nito maiintindihan ang nangyari at baka matakot din ito kay Kai. Normal sa ugali ng isang babae na gumana ang maimahinasyon na pag-iisip kung sakali na madinig nito ang nangyari sa kanya na kapwa-babae sa Greenland. Namula ang mukha ni Prin nang maalala ang nangyari sa kanya lalo at banned siya na makita ang little monster ni Cally. "*sigh* wala akong problema kay Kai, ang tanging problema ay si mudra." Sabi nito habang iniikot ng straw ang inumin. "Mommy mo?" Tanong ni Prin. "No. His mom" bigla itong nalungkot. "Oh!" Natutop niya ang bibig sa nadinig. Bigla niyang naalala na chinese nga pala ang Mommy ni Kai. "Because she wants someone na ka-level ng pamilya nila. I saw the girl and she''s really pretty. She looked like a chinese princess." Bigla itong nalungkot lalo at ilang araw na nitong hindi nakikita ang nobyo. Hindi maiwasan na ma-praning ni Bella lalo at naiwan ang nobyo niya na kasama ang magandang chinese. "Don''t mind his parents dahil ang may ''last say'' sa pamilya nila ay ang kanyang Yeye o si Master Chen..." "... I knew Leader Kai for a couple of years and I can tell that he''s really in love with you. Do you think he is just a simple Second Young master of his family?" "Second Young Master?!" Napatayo bigla si Bella dahil sa gulat. Napakamot sa pisngi si Prin. "Ahmm, You went there. Hindi mo ba napansin na kulang na lang igawad sa kanya ang titulo na ''Prinsipe ng Taiwan''?" Iling ng iling si Bella. "Then, Let me tell you a secret my friend. That guy, your boyfriend, is one of the super rich in his country. As in, super rich!" Chapter 111 - Flower Delivery Nanlaki ang mata ni Bella sa sinabi ni Prin. Alam niya na mayaman si Kai dahil sa laki ng bahay nito pero hindi niya naisip na mayaman na mayaman ang nobyo. Bukod sa mamahalin nitong kotse ay wala na siyang napansin. His condo unit is owned by Cally. Ang mga damit na sinusuot ni Kai ay simple. Bukod sa mamahalin na relo na suot-suot nito ay wala na siyang makita pa na magsasabi na super yaman ni Kai. Biglang pumasok sa isip niya ang mga ganap sa kanila ni Kai sa Taiwan. Kaya pala ganoon na lang katindi ang respeto na binibigay ng mga tao sa lalaki kahit saan sila magpunta. "My friend, don''t tell me you didn''t notice?" Napakamot sa ulo si Bella. "hindi masyado e, most of his conversations are chinese." Napatango-tango si Prin. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil hindi marunong ang mga tao doon sa salitang Ingles. "You guys are alone in Zhong She garden, don''t tell me na hindi mo napansin na pinasara niya ang lugar? Even in other places na pinuntahan niyo ay napansin ko na parang dadalawa lang kayo at malakas ang kutob ko na pinasara ng lolo mo ang lahat ng iyon masolo niyo lang." Syempre napansin ni Bella, pero ang sagot ni Kai sa kanya ay baka nasa ibang lugar nagsimpuntahan ang ibang mga turista. Si Prin naman ay naiinis, ayaw niya nang pag-usapan pa si Kai dahil nakakadagdag lang sa sama ng loob niya kung paano ito nagkaraoon ng masarap ng bakasyon. Tapos siya ay dinala sa ospital. It''s unfair! Marami pa silang napagkwentuhan nang may humintong nakamotor sa tapat ng coffee shop. Pumasok ang driver sa loob at tila may hinahanap. Naging alerto si Prin kung ano ang gagawin nito. Lumapit ang lalaki sa gwardiya at kinausap ito. Hanggang sa mapansin niya ang isang makapal na bouquet ng pink na rosas ang nasa likuran nito. "Si Miss Bella po?" sigaw nito mula sa pintuan matapos pumayag ng guard. Nagtaas ang kilay ni Prin. Lumipat ang tingin niya sa kaibigan. Lumingon naman si Bella sa lalaking may bitbit na bulaklak. "Here!" ang sabi ni Bella. Lumapit sa table nila ang lalaki. "pa-receive po ako Mam." ang sabi. Binasa muna ni Bella ang maliit na note saka lumitaw ang abot tenga na ngiti sa mukha nito. Inabot at pinirmahan ang dala na papel ng lalaki. Kung masaya si Bella, nakasimangot si Prin dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw na galing ang bulaklak na iyon kay Kai! "Seriously, how did he found out that you are here in a coffee shop? Is he a stalker?" "No. he''s a fan!" at saka inamoy-amoy ang bulaklak. Prin "...." "I told him na kasama kita dito sa coffee shop". Nangigigil na hinalo ni Prin ang iniinom niyang Frappuccino. Kahit wala si Kai ay pinakita pa rin nito ang sweetness sa kanya ng harap-harapan. Paano siyang matutuwa? Samantalang, ni isang tangkay na dahon ay wala pa siyang natanggap mula kay Cally. Halatang kilig na kilig si Bella at parang maiihi na hindi maintindihan habang kinukunan ng larawan ang pink ng rosas. Nang masiyahan sa mga picture, pumili ito ng isa at nilagay sa social media account nito. [BeautyBella :Do you know how much happiness I feel when I suddenly get these flowers. Thank you so much love!] Tumunog agad ang cellphone ni Prin at nakita niya ang post ni Bella. Mas dumagdag pa sa inis niya na makita na may sagot agad si Kai. He re-posted her picture at ang tanging laman ay kissing, heart at angel emoji. May sagot agad mula sa mga followers ni Bella. [wala na may nanalo na!] [Ate Angel, yung buhok mo nasa Taiwan na] ang sabi, na sa tingin ni Bella ay ang freshman na nangulit sa kanya. Napalo ni Prin ang mesa "You guys! Seriously, I''m angry! Kahit ang mga langgam ay maiinis na lumapit sa inyong dalawa ni Kai dahil hindi kaya ang level ng tamis ninyo" nagagalit na sabi niya kay Bella. Humalukipkip siya at inirapan ang kaibigan. Ilang milyang dagat at isla ang layo ng mga ito sa isa''t isa pero nagpakain pa rin ng sampung lata ng sweetness sa mga single. Hindi lang sa single, kun''di pati na rin sa tulad niya na may kasamang bato ng iceberg sa bahay. Tawa lang ng tawa si Bella habang pulang pula sa galit si Prin. Ilang saglit lang, nag-ring ang cellphone niya at nakalagay sa screen na si Cally ang tumatawag. Nangigigil na pinindot niya iyon at sinagot. "Hello Honey --" "You''d better think of something sweeter than Kai or else you''ll be a single dog sooner. Hmp!" saka niya ibinaba ang tawag niya dito. Si Cally sa kabilang linya "...." Grabe ang halakhak ni Bella sa tapat na marinig kung paano niya pinagalitan si Cally. "Oh my god, I will be dead soon. kawawa naman ang loves ko kapag namatay ako agad." "Mabuti pa umuwi na tayo, dahil bago ka pa mamatay, uunahin ko si Leader Kai." Tawa lang ng tawa si Bella hindi nila napapansin na dalawang lalaki ang nagmamasid sa kanila sa loob ng coffee shop at nag-aabang lang ng tamang tiyempo para sunggaban sila. Chapter 112 - Kidnapped (1) Humugot ng malalim si Prin at naiinis na hinarap muli si Bella. "I-unfollow ko na kayo ni Kai dahil naiinis ako sa inyo" nakapameywang na sabi niya dito saka ito inirapan. Tawa ng tawa si Bella. Naiinis lang si Prin dahil harap-harapan kung ipakita ni Kai na sinuko na talaga nito ang Blade Tower ng Dark Guards sa kaibigan niya. Paglabas ng coffee shop, Kumalma rin naman siya nang maisip na nakakita ng masayang lovelife ang dalawa sa katauhan ng isa''t isa. At masaya siya para sa mga ito. Ilang saglit lang, lumabas ang dalawang lalaki at tig-isa silang nilapitan. Unang nahatak ng isang lalaki si Bella dahil mas malapit ito sa pintuan na gawa sa salamin at tinutukan ng patalim sa leeg ang dalaga. "Huwag kayong kikilos, kung ayaw niyong may masaktan!" banta nito. Lumapit ang kasama nitong lalaki sa kanya. Agad niyang tinapakan ang paa nito at siniko ang mataghiyawat na ilong nito. "Ahhh!" Nasapo nito ang ilong sa sobrang sakit. Hinila niya ang kwelyuhan nito saka malakas na sinuntok ang lalaki. Tumilapon ito sa sahig. Biglang sumigaw si Bella na hawak ng isa pang lalaki. "Ahhh!!" takot na tili nito. "Punyeta ka! Huwag kang maingay! Bubutasan ko ang leeg mo!" pananakot nito habang nakatutok pa rin ang isang matulis na balisong sa leeg ni Bella. Nangangatog at matinding kumapit si Bella sa bitbit na bulaklak. Lumabas na ang gwardya ng coffee shop dahil naka-agaw sila ng atensyon. "Bitiwan mo siya!" sabi nito sa mayhawak kay Bella. Hindi ito pinansin ng lalaki. "Ikaw! Ikaw ang kailangan namin!" sabi nito kay Prin. Napalunok si Prin. ''Sino na naman ang may pakana nito?'' Nagkikiskis na ang ngipin ni Prin sa sobrang pagkagalit. Kailangan niyang masigurado ang kaligtasan ni Bella. Kapag nasa kamay na siya ng mga ito ay saka na lang siya lalaban. Ang mahalaga, maligtas ang kaibigan niya na halatang natatakot na at matinde ang kapit sa bouquet ng pink na bulaklak. "Bitawan mo siya! sasama ako sa iyo pero bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw niya dito. Napangisi ito. Sinenyasan nito ang isa pang lalaki na ginulpi niya na lumapit sa kanya. "Kusang loob akong sasama, basta ibigay mo sa gwardiya ang kaibigan ko!" matigas na sabi ni Prin. Sabay na binitawan nito si Bela sa paglapit sa kanya ng isang lalaki. Kasabay din ng paghinto ng maroon na Toyota innova (Van) sa tapat. Kinuha agad ng guard si Bella at pinrotektahan. Hindi na nakakilos pa si Prin dahil tinakpan ng lalaki ang ilong at bibig niya ng mahigpit. Naamoy agad niya ang gamot at mabilis na bumalot sa pagkatao niya ang pagkahilo hanggang sa unti-unting lumiliit at lumalabo ang paningin niya. Parang lantang gulay na ipinasok si Prin ng lalaki sa loob ng Van. "Prin!" nag-aalala si Bella na naiwan. nagsimula na siyang umiyak. Hinabol niya pa ang van pero pinigilan siya ng guard. "Ma''am, irereport na natin ito sa pulis." sabi ng guard at agad na nag-radyo. Nangangatog naman ang mga daliri ni Bella na kinuha ang cellphone sa loob ng sling bag, nagpipindot ang dalaga sa screen at tinawagan si Kai. Hindi man lang lumipas ang ilang ring at sinagot agad iyon ng binata. "Hello, My Angel!" masayang bati nito. "Kai¡­ Si Prin¡­" halos hindi niya mabigkas dahil sa sobrang takot, kaba at pag-iyak. Nakaramdam agad si Kai na may hindi magandang nangyari kay Prin. "Anong nangyari?!" tanong nito. Pinilit ni Bella na i-kwento sa nobyo ang nangyari. "Hu hu hu¡­ she asked the guy to let me go. Then, tinakpan ang bibig at ilong niya. Maya-maya nawalan na siya ng malay." "F*ck!" mura nito sa kabilang linya. "I''ll call Shi Cally. Diyan ka lang sa coffee shop. Ipasusundo kita, okay." "O-okay¡­" ===== Matapos lang ang tawag kay Bella, tumawag agad si Kai kay Cally. "Mukhang nag-eenjoy ka sa bakasyon mo" bungad ni Cally. Tiningnan niya ang account nito ilang minuto lang dahil nagsimula na naman na magreklamo si Prin sa kanya. At sigurado siyang si Kai ang dahilan at ang Angel nito. Pero nabigla siya sa sinagot ni Kai. "Shi, may dumukot kay Prin" ang naging sagot nito. Kumunot ang noo ni Cally, binitiwan niya ang hawak na dokumento at agad na tumalim ang tingin. "Kasama niya si Bella sa coffee shop at para bitiwan daw ng lalaki si Bella, nakipagpalit si Prin sa grupo. May pinaamoy na droga sa asawa mo kaya nabitbit siya ng walang nagawa." mahabang paliwanag nito. Chapter 113 - Kidnapped (2) Halata ang galit sa mata ni Cally. Masyadong malakas ang loob ng kung sinong mastermind ang may gawa sa pagdukot ng asawa niya. "Come here as soon as possible!" utos niya kay Kai sa kabilang linya. Kailangan na makauwi ni Kai, hindi para bantayan si Prin kundi para bantayan ng mabuti ang angel nito. "Shi, hindi pa tapos ang parusa ko." seryoso na sabi ni Kai sa kabilang linya. Sampung araw pa lang ang natatapos niya sa isang buwan na suspensyon niya. "Ako ang haharap sa matatanda para sabihin ang dahilan at magpaliwanag kung bakit ko binabawi ang parusa." Bumagsak ang balikat ni Kai at nag-aalala ito sa kabilang linya. "Pero Shi¡­" isang kasalanan sa Dark Lords ang gagawin ni Cally na bawiin ang parusa sa kanya. Isang kasalanan iyon at alam niya na tanging sa kanya pa lang nito iyon gagawin. Posible na ibalik kay Cally ang suspension na ginawad nito sa kanya ng ilang buwan kung sakaling babawiin nito ang parusa ng biglaan. Mawawalan ito ng panandaliang kapangyarihan sa Dark Guard o posibleng sa buong samahan ng Dark Lords at hindi iyon kakayanin ng konsensiya ni Kai. Lalo at si Bella ang isa sa mga rason kung bakit nakuha ng kung sino si Prin. "Shi, please, don''t" humugot ng malalim na paghinga si Kai bago nagpatuloy. "Ako, ako ang bibitaw bilang Dark Guard" sabi nito sa kabilang linya. Kung gaano ka-tigas ang ulo ni Cally, ganoon din si Kai. Matapos mabigkas ni Kai ang bagay na ''yon ay pinutol na nito agad ang tawag. Kumilos agad si Cally matapos makausap si Kai. Pinindot niya ang emergency button para papasukin si Xander. Ilang saglit lang, nasa harapan na niya ang binata. "Call everyone to find Prin! May dumukot sa asawa ko. Magsimula kayo na mag-imbestiga sa coffee shop malapit sa Blue City Condo Tower!" ===== Unti-unting minulat ni Prin ang mga mata. May hilo pa siyang nararamdaman pero pinagana niya ang iba pa niyang senses sa paligid. "Boss, malapit na ba kayo?" Narinig niyang sabi. Huminto ito saglit na halatang nakikipag-usap ito sa telepono. "Huh? May biglaan kayong lakad ng kaibigan niyo? Nandito na ang babae na inutos niyong kunin namin." "Huh talaga?! Wow! Thank you Boss!" Masayang ibinalita nito sa pito pang kasama ang sinabi ng kausap o ang mastermind. Apat sa lalaki ay nakaupo sa apat na sulok ng mesa at naglalaro ng tong-its. Ang dalawa dito ay ang nagmanman sa kanila ni Bella sa coffee shop. "Sabi ni Boss, pwede daw nating tikman si baby girl!" Masayang sabi. Naghiyawan ang lahat. Ang dalawa na matyagang naghihintay ay nilawayan pa ng dila ang sariling mga labi at tila sabik na sabik na matikman si Prin. Umismid si Prin ng palihim at unti-unti rin na bumabalik sa normal ang diwa niya. Nakatali ang magkabilang kamay niya na sinimulan niyang paluwagin ng lihim. Pero hindi naman dahilan iyon para hindi niya malabanan ang walong lalaki. Hinawakan siya ng isang lalaki sa braso at hinila mula sa papag papuntang gitna para mas makakilos ang lahat. Doon lang niya napansin na nasa loob sila ng isang abandonadong factory. Halos puro agiw at alikabok ang kisame, s.e.m.e.nto ang sahig, may hagdan sa isang gilid na gawa sa bato, maluwag ang paligid at isang papag na gawa sa kahoy na may nakapatong na na-flat na karton sa ibabaw, kung saan siya inakay ng lalaki. Bukod pa sa kwadradong mesa at mga monoblock na upuan na ginamit ng apat na kidnappers. Humilera sa harapan niya ang apat na lalaki. "Hoy! Ikaw! Walo kami na titikim sa iyo kaya ihanda mo na ang katawan mo para sa amin!" Ang sabi ng lalaki na may kausap sa kabilang linya. Ngumiti si Prin na parang anghel. "Walang thrill kung walo lang kayo. Wala na bang iba?" Sabi niya ng may paglalambing sa boses. "Mukhang sanay na sanay ka na ha" ngumisi ang isa na takam na takam sa kanya. "Wait ha! Iinat lang ako. Walo kayo at nag-iisa akong babae. Siguradong exciting ang gagawin natin at masasarapan kayo sa akin." Matapos niyang sabihin iyon ay nag-inat-inat si Prin. Pinagalaw niya ang lahat ng kalamnan niya sa katawan. Leeg, binti, braso, balakang at kung anu anong parte na magagamit niya para maturuan ng leksyon ang walong lalaki. Habang ginagawa iyon ay tuluyan na ring nagbalik sa normal ang diwa at paningin ni Prin. "Ayan¡­ perfect!" Nakangiti siya ng sweet. "Ikaw kuya na nasuntok ko kanina... gusto kong mag-sorry." Sabi niya na naglakad patungo dito. Pinag-aaralan niya ang mga lalaki. Ang napansin niya ay dalawa dito ay may bitbit na kalibre kwarenta''y-singko na nakasuksok sa pantalon, nasa mesa ang gamit na baril ng dalawa pa na mukhang iniwan nang naglaro ang mga ito ng tong-it. Habang patalim ang armas ng tatlo pa na nasa bulsa rin ng mga ito. Unti-unti na niyang natatanggal ang tali sa magkabilang kamay. Ngumiti si Prin. "Shall we start?" Sabi niya sa lalaki na mataghiyawat ang ilong. Chapter 114 - We will Play "Ehh, I think I''ll start with the two of you" turo niya sa dalawang lalaki na may nakasukbit na baril sa pantalon. Nagreklamo agad ang lalaking mataghiyawat ang ilong. "huh? Ayaw mo na sa akin? Akala ko ba nanghihingi ka ng sorry." "Yap. I''m sorry, kasi ang gusto ko ay malapad ang katawan na katulad nila kuya." sabi niya na parang batang inosente. Kumurap-kurap pa siya para lalong maakit sa kanya ang mga lalaki. Nagliwanag naman ang mukha ng dalawang tinuro niya. "Hindi mo ba nadinig iyon? Kami ang mauuna sa pila!" Kapwa malapad ang katawan ng mga ito, nagpuputukan pa nga ang muscles ng dalawang lalaki. Lumapit sa kanya ang dalawa na maganda ang pagkakangisi. Nag-iisip na ng masayang gagawin nilang tatlo. "Kuya, ako ang pipikit o kayo ang pipikit?" halong mapang-aakit at may pagka-inosente ang awra ni Prin na gustong-gusto ng walong lalaki. "Ay! Mas maganda kung kayo ang pipikit. Para mas ma-enjoy niyo ang sensasyon." sabi niya bago pa sumagot ang mga ito. "Eto na... nakapikit na¡­" sabi ng isa na nasasabik sa gagawin. Mula sa pagkakangisi ay napalitan ng matamis na ngiti ang labi nito. Umaandar na ang imahinasyon nito sa gagawin niya habang nakapikit. Sino ba naman ang ayaw na mauna sa isang bata at magandang babae? Kinupkop niya ang ma-dry na pisngi nito at hinaplos-haplos iyon, ganoon din ang ginawa niya isa pa para hindi mapansin na lumuwag na ang tali niya sa kamay. Sa loob-loob ni Prin ay nandidiri na siya at minumura sa isip ang mga lalaki. "Ready na ba kayong dalawa?" matamis na tanong niya. Panay ang tango ng dalawang lalaki habang nakapikit pa ang mga ito. "Okay¡­ one. Two. Three!" pagkasabi n''on ay sabay na binunot niya ang baril ng dalawang lalaki na nakasuksok sa pantalon nito. Pinukpok niya gamit ang baril sa sentido ang lalaking nasa kanan at sinipa ang nasa kaliwa papunta sa ibang kasama nito. "Nalintikan na!" reaksyon ng isa. Kumilos agad ang anim. Tumakbo papunta sa kanya ang isa na hawak-hawak ang balisong nito -- Ang lalaking nang-hostage kay Bella. Bago pa ito makalapit, hinagis niya sa ere ang isang baril, hinila niya mula sa likuran ang braso ng isa na susunggab sana sa kanya sa likuran at sinipa patungo dito. Sakto na nag-land sa kamay niya ang baril na hinagis niya sa ere. Nagkatinginan ang mga lalaki. "Wahhhh!!" galit na nagkasundo sa tinginan ang walong lalaki na sabay-sabay na susunggab sa kanya. Lalapitan sana nila si Prin nang paputukin niya sa kisame ng sabay ang hawak na baril. "Walang kikilos!" singhal niya. Dumagundong sa buong gusali ang boses ni Prin. Dahilan para sabay-sabay na napatigil ang walong lalaki. Napalitan ng tila nag-aapoy ang mga mata ni Prin mula sa inosenteng nilalang na kausap nilang ilang saglit lang ang nakalipas. Sinong mag-aakala na ang nag-iisang babaeng payat at nakabestida ng kulay pink ay kayang-kaya magpatigil sa kanilang walo? Lihim na umatras ang isa para lapitan ang baril na naiwan nito sa mesa. Nagulat na lang ito ng barilin ni Prin ang binti nito ng walang sabi-sabi o kahit paalala man lang. "Ahhhhh!!!" hiyaw nito saka napaluhod. "Nagpaalala na ko na walang kikilos!" para patunayan ni Prin na hindi siya nagbibiro, binaril niya ang nag-iisang lata ng sardinas na nasa ibabaw ng mesa. Tumilapon ang lata at tumama ito sa pader. Nagsipagtalsikan ang sauce sa pader at sa sahig kung saan ito napunta. Nanghilakbot ang walong lalaki nang makita ang ginawa niya. Kailangan kasi ng matinding sanay para magawa ang tulad ng ginawa ni Prin. Nasaan na ang maamong babae kanina? Ang tanong ng bawat isa sa sarili. Napalunok na lang ang mga ito at hindi makahanap kahit isang kataga. "Sinong nag-utos nito?" tanong niya. Matalim ang tingin na pinupukol niya sa walo. Walang sumasagot kahit isa sa kanila at tila napipi ang mga ito. Ang lalaking malaki ang katawan ay hindi matanggap na bukod sa nakuha ni Prin ang baril mula dito ay nagawa pa siyang masipa patungo sa mga kasama. Sa liit ng braso at binti ng babaeng nasa harapan at tila mukhang inosente ay hindi niya akalain na kayang-kaya ng babae ang bigat ng katawan niya. Nang una pa nga ay inisip niya na hindi lalagpas kahit sa limang porsyento ng lakas ang kailangan niya kay Prin. "Sagot!" Sigaw niya. Parang sinapian ng anak ng demonyo ang tingin ng walong lalaki kay Prin. "Nag-iinit na ang ulo ko sa inyo!" dagdag niya pa. "A-ang nag-utos s-samin ay si L-Luna V-villanueva." uutal-utal na sagot ng isa. Sumeryoso ang mukha ni Prin nang marinig ang pangalan ng babae. Napupuno na siya sa babaeng iyon. Mukhang hindi talaga ito titigil hangga''t walang nangyayaring masama sa kanya. Hindi ligtas ang mga tao sa paligid at mga nakakasama niya hanggang hindi tumitigil ang babae. Ang pinagtataka lang ni Prin, akala niya ay nadala na ang babae sa danyos na hiningi ni Cally dito. Nakapagbayad na ang pamilya ni Mayor sa MGM limang araw ang nakalipas kahit nasa ibang bansa pa sila ni Cally. "Maglalaro tayong siyam dito. Ikaw!" tinuro niya ang lalaki na may kausap sa telepono na sa palagay niya ay si Luna. "Tumawag ka ng Pizza Delivery dahil nagugutom ako!". "Y-yes po." "Huwag na huwag kang magkakamali na kumilos ng masama kung hindi... Alam mo na ang gagawin ko sa iyo!" pananakot niya dito. "Y-yes! Hindi ako magkakamali" takot na takot na sagot nito. Chapter 115 - Joke time Naisip ni Prin na paglaruan ang walong kidnappers niya. Akala ba ng mga ito ay simple lang na imbitahan siya sa ganoong klase ng lugar. Hmp! Sisiguraduhin niya na matuturuan niya ang mga ito ng leksyon. Tumawag ng pizza delivery ang lalaki tulad ng nais ni Prin. Umupo siya sa tapat ng kwadradong mesa saka dumekwatro. "Magsiupo kayo d''yan sa harap at magbigay kayo ng jokes sa akin. Simula ngayong oras ay tatawagin niyo akong ''Master''" utos niya. Parang mga batang estudyante na biglang bumait ang walong lalaki. Humilera ng upo ang mga ito sahig. Ang isa na binaril niya sa binti ay hindi na kinakaya ang sakit dahilan para mangasul na ang labi nito. Halos wala na ring dugo na lumabas sa binti nito "M-master, hindi na kaya ng katawan ko. P-pwede na ba akong lumabas para matanggal lang ang bala?" nakikiusap na sabi nito kay Prin. Nagtaas ang kilay niya "Hindi Pwede! Maghanap ka dito ng gagamot ng sugat mo. Pero bago ang lahat mag-joke ka muna!" utos niya habang iniikot-ikot sa mga daliri ang baril na hawak. "S-sige mag-j-joke na po ako¡­" sabi nito na halos takasan na ng kulay. Gustuhin man ni Prin na maawa dito ay hindi niya magawa dahil sigurado siya na sanay ang mga ito na gumawa ng masama. At hindi naman siya anak ni Saint Mary para maawa sa mga may atraso sa kanya. "H-heto na ang Joke ko¡­ M-may tatlong lalake ang tumalon sa tubig, I-ilan ang nabasa ang buhok?" halatang nahihirapan na ito. "Kayo ang sumagot" utos niya sa mga kasama nito. "Ilan?!" sabay-sabay na tanong. "W-wala! Kalbo kasi silang lahat e." "Ha ha ha!" Nagsipagtawanan ang mga kasama nito. Nanatiling seryoso ang mukha ni Prin. Ang totoo, naaliw siya sa Joke pero hindi niya pinahalata dahil gusto niyang makipaglaro sa mga kidnappers niya. Lalaruin niya ang walong lalaki hanggang sa ito na lang ang susuko at hindi na papangarapin pa na makita ang kahit katiting na anino niya. Natahimik naman ang mga ''hostage'' niya nang mapansin na wala siyang reaksyon. Isang malakas na lagabog na lang ang narinig nila dahil hinimatay na ang lalaking binaril niya sa binti. "Sino ang gustong gumamot sa kanya?" tanong ni Prin. Nagkatinginan ang pitong lalaki at nagturuan. "Mayroon kayong patalim di ba? Kapag ako ang gumawa niyan, sigurado na hindi niyo magugustuhan. Dahil gagamitin ko ang balisong para ilabas ang lahat ng laman ng binti niya bago ko kunin ang bala. Tapos isasalpak ko na lang pabalik. Gagamitin ko ang stapeler pantahi. Ano?" Napalunok ang mga lalaki dahil sa narinig. Na-iimagine na kasi nila ang sinabi ni Prin. "A-ako na lang po ang gagawa." sabi ng lalaking mataghiyawat ang ilong. "Papayagan lang kita kung magbibigay ka ng joke" nakataas ang kilay na sabi ni Prin dito. "Ah.. ahm¡­ B-bakit gising magdamag ang mga bampira?" tanong nito. "Bakit?" tanong ng iba. "Dahil nag-aaral sila para sa kanilang Blood Test. Ha ha ha" Pinukulan lang ni Prin ang lalaki ng masama dahil sa korni na Joke nito. "Sige na! Doon kayo sa papag na dalawa." Sinimangutan niya ang anim pang lalaki. "Next Joke!" Naglakas loob na ang isa sa anim. "Ano ang mangyayari kapag nahulog ang pulang sumbrero sa asul na dagat?" "anoooo?" tanong ng mga kasama. "E''di mababasa ang sumbrero." sagot. "Ha ha ha!!!" nagtawanan ang mga kasama nito na parang mga bata sa Goin'' Bulilit. Seryoso lang si Prin at kunwari ay kumunot ang noo. Nahalata ng isa kaya binatukan nito ang kasama. "Gago ka! Ang korni ng Joke mo!" "A-ako na lang, Master ang sunod na magbibigay" "ah¡­ ano ang tawag sa anak ng taong grasa?" "Anooo?" "Eh di, Baby Oil!" Humagalpak ng tawa ang lahat. Naaaliw si Prin pero hindi niya nagugustuhan na nag-eenjoy ang mga ito. Nagpaputok siya ng bala muli sa kisame dahilan para matapos ang tawanan. Napalitan ng seryoso ang mukha ng mga ito at tumuwid ng pagkakaupo at halos takasan na ng kulay. "Gag* ka talaga, hindi natutuwa si Master!" "M-Master, Parang awa niyo na¡­ W-Wala na po kaming maisip." sabi ng isa. Chapter 116 - Pizza Delivery Inikutan ni Prin ng mata ang lalaking nagsabi na wala ng maisip na joke ang mga ito. Maya-maya, dumating ang nagdeliver ng pizza. Halata ang pagtataka sa mukha nito lalo at sa abandonadong lugar ito nagdeliver ng pizza. Hindi maiwasan na mag-isip ito ng masama sa mga lalaking nakaupo at mga mukhang hindi gagawa ng mabuti. Hanggang sa dumapo ang mga mata nito kay Prin. Tila dinala ito sa alapaap nang ngitian niya ng pagkatamis-tamis, saka inabutan ng isang libo at limang daan. "Keep the change. Bye bye!" "B-boy, please, huwag mo kaming iwan!" sigaw ng isa. "Tulungan mo ka.. mi." biglang umatras ang dila nito sa mga huling kataga. Tinitigan ito ni Prin ng masama saka ibinalik ang tingin sa delivery boy. Nginitian muli ni Prin ang binata "Wala na akong kailangan. Bye bye!" kumaway pa siya dito. Sumunod naman sa kanya ang delivery boy na umalis ng lugar at parang nangangarap na inaalala ang mukha ni Prin. Pakiramdam kasi nito ay nakakita ito ng anghel sa katauhan niya. Sinarado niyang muli ang malaking yero na umaaktong pintuan o gate ng gusali. "Hihingi ka pa ng tulong ha?!" nakapameywang na sabi niya sa lalaking halos magmakaawa sa delivery boy. "Ha! Iniisip mo yata na nagbibiro ako e!" Napaatras ito "M-master, p-patawarin mo ako! Hindi na po ako uulit!" sabi nito sa kanya na halata ang pagsisisi. "Dapat lang! dahil pasasabugin ko ang ulo mo sa susunod kapag umulit ka pa!" singhal niya. Parang napipi naman ito dahil sa sinabi niya. Umupo siya sa silya, pinatong ang box ng pizza sa mesa at saka binuksan iyon. Nilanghap pa ni Prin ang amoy nito at parang natatakam na kinagat. Naglaway naman ang mga lalaki dahil sa ginawa niyang pang-iinggit. Pinanonood lang siya ng mga ito habang ninanamnam niya ang pagkagat. Halos tumulo na ang laway ng iba sa kanila habang pinapanood si Prin na masarap na kumakain. "Nabo-boring ako!" parinig niya. "Ahhh¡­ Master, parang awa niyo na¡­ Naubusan na kami ng Joke. K-kanta na lang po ako." "Siguraduhin mong maganda ang boses mo. Kung hindi, lalagyan ko ng bala ang lalamunan mo." sabi niya sabay kagat ng pizza. Matalim pa rin ang tingin na binibigay niya dito. Napalunok ito at saka nagsimulang kumanta ng "Ipagpatawad mo" By VST and Company. Pinilit ng lalaki na lamigan at gandahan ang boses dahil natatakot ito sa banta ni Prin. Nakasimangot siya habang pinakikinggan ito. Maganda naman talaga ang boses ng lalaki na sadyang hindi niya lang gusto. "Oooohh, minahal kita agad¡­" "Whoooo!!! More more!!!" nagsipalakpakan ang mga kasama nito matapos na kumanta ang lalaki. "Tahimik! Hindi ako nag-enjoy!" singhal at reklamo niya. Nagkatinginan ang mga lalaki. Hindi na alam ng mga ito kung paano siya susuyuin. Gusto nang sumuko ng apat na lalaki at magsisi. "Ikaw! Tawagan mo si Luna at papuntahin mo dito. Gusto kong makita kung paano niya ako pasasayahin" matalim na sabi niya sa lalaking kausap ng babae sa cellphone. ===== Hindi naman mapakali si Cally na nakaupo lang sa back seat ng sasakyan at naghihintay ng magandang balita mula sa mga taong nasa paligid niya. Inabot na kasi ng mag-lilimang oras at wala pang nagbibigay ng magandang balita sa kanya kung ano na ang nangyari sa asawa niyang si Prin. Nasa tapat sila ng coffee shop kung saan huling dinukot si Prin. Hindi siya mapa-kalma at halata na hindi siya maistorbo ni Zuki o ni Xander. Nakatingin lang siya sa bintana at parang may nakikita sa kawalan. Napanood niya sa video ang naganap doon sa tapat ng Coffee shop na parang lantang gulay na binitbit si Prin ng dalawang lalaki papasok sa maroon na van. Kaya hindi maiwasan na mag-isip siya ng masama. Walang mabasa sa mukha ni Cally na alam ng mga kakilala niya na mas nakakatakot sa pagkatao niya. Walang kuma-kausap sa kanya dahil wala siyang gusto na marinig na sagot o salita sa kahit na kanino kung hindi magandang balita. Ilang saglit lang, kinatok ni Zuki ang bintana at saka niya pinindot ang buton para bumaba ang salamin. "Master, may lead na tayo. Nakita na ang van sa kalapit na probinsiya. Ang isa pang clue, lumabas sa imbestigasyon na mga tao ni Mr Sy na isang drug lord dito sa lugar ang dumukot kay Prin." Paliwanag nito. "Zuki!" isang malaki at malamig na boses ang narinig nilang tumawag dito mula sa likuran. Lumingon si Zuki, at nakita naman ni Cally mula sa rearview mirror kung sino ang tumawag dito. Si Rob Matsui, Ang Daddy ni Prin. Chapter 117 - Story-Telling Binuksan ni Cally ang pintuan at lumabas ng sasakyan upang salubungin ang Daddy ni Prin. "Umuwi ako sa villa. Nang ipahanap kita ay sinabihan ako na nandito nga raw kayo ni Cally at hinahanap niyo ang anak ko na si Prin." Bungad ni Rob ng makalapit sa kanila ni Zuki. "Boss pasensya na, masyado kasing low profile ang anak mo kaya marami tuloy ang nagtatangka sa buhay niya nang hindi alam ang totoong background niya." Paliwanag ni Zuki. Tahimik lang si Cally. Nilingon siya nito at tinapik sa braso "Huwag kang mag-alala, may tiwala ako kay Prin na hindi basta-basta masasaktan ng kung sino lang ang anak ko." Sabi nito. Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Cally. "Uncle Rob, I''m just worried about her. Did you see the video? Binitbit lang siya na parang lantang gulay." Halata sa boses niya na tense talaga siya sa pagdukot kay Prin. "Go to her. Nasabi na sa''kin na nasa abandonadong warehouse siya sa kalapit na probinsiya." Sabi nito bago tila nag-apoy ang mata dahil sa sobrang galit. "Zuki, go with Cally. Ako ang haharap kay Mr. Sy dahil mukhang kailangan ko siyang paalalahanan." Halata sa boses ang pagbabanta ni Rob. "Who''s going with you boss?" Usisa ni Zuki. "His Dad." Simpleng sagot nito na tinuro si Cally saka sila tinalikuran. Hindi alam ni Cally kung ano ang plano ng mga magulang nila at ayaw na muna niyang intindihin ang bagay na iyon dahil mas nananaig ang nais niya na makita si Prin. Bumalik naman sa sasakyan si Cally. "You heard him. Let''s go and get my wife!" Sabi niya kay Xander at sa Chauffeur na parehas na tahimik sa unahan ng sasakyan. Dalawang van naman ang sumunod sa kanila patungong abandonadong warehouse. ===== Halatang gutom na ang walong kidnappers ni Prin. "M-master, kung gusto mong umuwi, ihahatid ka pa namin." Hindi na napigilan ng isa na sabihin kay Prin. Uhaw na uhaw at gutom na gutom na kasi sila. Talaga namang suko na sila dahil anim na oras na silang hawak-hawak ng nag-iisang babae na naka-bestida na kulay pink na walang kain at inom. Ito ang umubos ng isang box ng pizza na pina-order nito. Hindi man lang sila tinirhan kahit iisang slice ng pizza. Nagpa-order pa sa ''Grab Delivery'' ng milk tea mula sa paborito nitong bubble tea house at isang supot ng marshmallow mula sa 7-eleven. Kaya sa huli, ang nag-iisang babae ang busog sa kanila at lahat sila ay gutom na. Kung anu-ano pa ang pinagawa nito sa kanila. Nag-dance contest sila at nagbugtungan. Sa ngayon ay inuutusan sila nito na mag-story telling ng pag-ibig ni Christopher de Leon at Vilma Santos. "Tang-ina!" Hindi na napigilan na magmura ng isa. "Sino ang nagmura?!" Singhal ni Prin. "...Narinig niyo ang sinabi ko, makakaalis ang kung sinong may pinakamagandang kwento sa inyo. Kaya hala, Sige na! tuloy mo ang kwento! Walang aalis hangga''t hindi dumadating ang boss niyo dito!" Naiinis na ang lalaki at nanggigigil na tinungo siya. Plano na nitong saktan si Prin at hindi na talaga ito natutuwa. Tila sinapian na rin ng masamang espiritu ang lalaki. "ahhh!!!" Tumakbo ito ng nakaamba ang kamay na may hawak na patalim. "Wrahh!!!" Nagulat na lang ang lahat ng barilin ni Prin ang hawak nitong patalim. Napatigil ang lalaki at napasinghap naman ang iba pa. Nagsugat lang ng kaunti ang kamay nito na pinatamaan ni Prin ng bala. Tuluyang binitawan ang balisong na tumilapon sa kung saan dahil sa bigla nito. Kung gaano kabilis na sinapian ang lalaki, ganoon din kabilis itong tinakasan ng kulay. Napalunok ang lalaki samantalang ngumisi si Prin. "Sinabi ko na, hindi uso sakin ang pagbibiro." Napaatras ang lalaki at humalo sa iba pang mga kasama nito. "gago ka kasi!" Bulong dito ng kasama pero may diin. "Ako ang magk-kwento sa inyo ng buhay ni Vilma at Christopher De Leon dahil mga walang kwenta ang kwento niyo!" "May magkasintahan na ang pangalan ay Vilma at Benny. Hindi sinasadya na mabuntis si Vilma ng nobyo na si Benny. Kaya lang, namatay sa aksidente ng motor si Benny. Dito na pumasok ang role ni Christopher. Dahil he is secretly in love with Vilma, inako niya na pakasalan si Vilma. Kaya lang sa buhay-mag-asawa laging may kontrabida, katulad na lang ni Luna!" Kwento niya na sumegway ng hugot. "Anyway, balik tayo sa kwento... Sa buhay mag-asawa laging may kontrabida, at iyon ang kinakapatid ni Christopher na si Maya. Maya seduces him hanggang sa magkaproblema ang relasyon nilang mag-asawa¡­" "...Ang walang hiya! Sumama sa Maya niya papuntang Europe! Ayon nagkandaleche-leche na ang buhay ni Vilma at naghiwalay sila. The end!" Nagulat na lang si Prin na mukhang nadala sa kwento ang mga kidnappers niya at literal na nagsisipag-iyakan. "Hindi man lang ba sila nagkita after eight years?" Hindi napigilan na itanong ng isa. "Ano to? Kwento ng ''My First Love is a Problem Boy?'' Nagkita after eight years? Tigil-tigilan niyo ako!" Sabi niya hanggang sa mag-ring ang cellphone ng lalaki na kausap ni Luna at hindi nga siya nagkamali na ang babae ang tumatawag. Chapter 118 - Tortured Sinagot ng lalaki na kausap ni Luna sa grupo ang tawag nito. "H-hello!" "On the way na ako. Madami pa kasi akong ginawa kaya ako natagalan. Ilang kilometro na lang ang layo ko. Gusto ko na pagdating ko ay good news ang balita mo sakin! Bye!" Nakatingin lang kay Prin ang kausap ni Luna. "M-malapit na daw po siya¡­" Nagtaas lang ang kilay ni Prin. "M-master¡­ wala ka ba talagang paaalisin sa''min dito?" Tanong nito. "Wala." Simple ang sagot ni Prin. Parang binagsakan naman ng langit at lupa ang pakiramdam ng mga kidnappers nang madinig ng mga ito ang sagot niya. Suko na sila! Ayaw na talaga nila na manatili pa doon ng kasama si Prin. Ang totoo, napapagod na rin si Prin kahit pa natulog siya sa opisina ni Cally nang tanghali habang nasa meeting ang asawa niya, pero nais niya nang tapusin ang kung ano man ang pangit na ugnayan nila ni Luna. Huminga ng malalim si Prin. "Sige, pumili kayo kung sino ang gusto niyong palabasin dito o kaya mag-jack en poy kayo kung sino ang gusto niyong pauwiin na." Nagliwanag ng sabay-sabay ang mukha ng kidnappers. Natuwa sila ng labis sa sinabi ni Prin at nagsimula nang pag-usapan kung sino ang lalabas sa kanila sa lugar na iyon. Sa labas, isang sasakyan ang huminto sa mismong tapat ng gusali. Isang nabubulok at luma ang itsura ng warehouse sa labas. Kinakalawang na ang mga yero nito at halos gawin ng basurahan ang paligid ng gusali. Dating hideout ng grupo ni Mr Sy ang gusali na iyon at doon ginagawa ang mga droga na pinapakalat ng grupo nito sa iba''t-ibang lugar sa bansa. Naunang huminto ang sasakyan ni Luna sa tapat ng abandonadong lugar. Nakatigil ang mga sasakyan sa di-kalayuan ang grupo ni Cally nang mapansin nila ang babae. "Master, may humintong kotse, isang babae ang napansin namin na sakay" pagbibigay-alam ni Zuki. "Get her!" Utos ni Cally. Malakas ang kutob niya na si Luna na naman ang tinutukoy nito. Nag-lipstick muna ng pula si Luna bago niya naisipan na tuluyang bumaba ng sasakyan. Pakanta-kanta pa siya na papasok na sana nang biglang harangin ng isang lalaki. Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit. "Sino ka?" Nabigla na tanong ni Luna. Hindi naman siya sinagot ng lalaki na tao ni Zuki. "Boss Zuki, hawak ko na siya." sabi nito habang hawak ang isang earpiece na nakakabit sa tenga nito. Hinila siya nito papalayo ng kaunti. "Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Luna dito at nagsimula siyang mataranta. Hindi naman nagtagal at nagsipaglapitan sa kanila ang grupo ni Cally. Halata na hindi mapalagay ang anyo ni Luna nang bumaba ng sasakyan si Cally para harapin ang babae. Tulad ng dati lumakad ito papalapit sa kanila nang hindi nagmamadali dahil gusto nitong magbigay ng kakaibang impresyon. Napalunok si Luna nang basta siya ihagis sa harap ni Cally. Una niyang nakita ang makintab na sapatos nito hanggang sa iangat niya ng paunti-unti ang paningin. Halos tingalain niya na ang mukha ng lalaki na walang makita na kahit anong emosyon. Nagsimulang kabahan si Luna. Kumakabog ang dibdib niya habang nasa harap si Cally. Umupo si Cally para pantayan ang mukha niya at hinawakan sa baba ng mahigpit ang babaeng gustong-gusto niyang saktan simula pa noon. "Hindi ko akalain na buhay ka pa. Good news! Dahil sigurado na iisipin mo na hindi mo ako nakilala sa buong buhay mo." Mahina pero matigas at may pagbabanta ang pagkakabigkas ni Cally sa nais niyang sabihin. Pailalim kung tingnan siya ni Cally. Halata na nag-aapoy sa galit ang mata nito habang hawak ang baba niya ng mahigpit. Halos hindi na niya maramdaman ang baba niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito. "C-Cally.." usal ni Luna na nakangiwi. Hindi siya makakilos ng maayos. "You don''t deserve to call my name on a first name basis!" Singhal nito sa kanya bago ibinalik kay Zuki ang atensyon. "Call Mayor Villanueva!" Utos ni Cally. "Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa asawa ko. Well¡­ Congratulations! Dahil sinagad mo ng sobra ang pisi ko sisiguraduhin ko na wala ng Mayor Villanueva." Titig na titig ito sa kanya. "P-please¡­" ang tanging lumabas sa bibig ni Luna. Ilang saglit lang napansin nila na bumukas ang yero na pintuan ng warehouse. "Kids, on your post!" Alerto na utos ni Zuki sa sampung kasama habang papabukas ang yero. Agad na umalerto ang mga tao ni Zuki at inabangan ang paglabas ng kung sino. Ilang saglit lang, lumabas ang isang kidnapper ni Prin at sinunggaban agad ito ng grupo ni Zuki. Hinawakan sa likod ang magkabilang kamay. "Nasaan si Miss Prin?!" Tanong dito ng tao ni Zuki. "N-nasa loob¡­ kanina pa namin siya gustong paalisin pero tinotorture niya kami ng ilang oras." Naiiyak na kwento nito. "Ginutom niya kami, Pinakanta, pinagawa ng kwento at kung ano pa" Zuki and his kids "...." "D-dalhin niyo na lang po ako! kahit saan pa po basta malayo lang sa kanya!" Parang baliw na hiling nito hanggang sa dumapo ang paningin nito kay Luna. "Boss, kanina ka pa niya hinihintay kaya ayaw niyang paalisin ang mga kasama ko" tila nanghihingi ito ng saklolo kay Luna. Hindi maintindihan ni Luna ang mga sinabi ng kidnappers niya. Nakahinga naman ng maluwag si Cally matapos marinig ang kwento ng lalaki. Parang nagkaroon bigla ng liwanag ang buhay niya matapos marinig sa lalaki ang nangyari. "Buksan ng tuluyan ang pinto!" Utos ni Cally sa mga kasama at hinila niya si Luna papasok. Chapter 119 - Cut off his hands Nakatayo pa sa ibabaw ng mesa si Prin habang nakahilera ng upo ang pito sa harapan niya. Spelling Bee ang trip ni Prin sa mga oras na iyon. Iyon ang bago niyang pakulo matapos niyang palabasin ang isang kidnapper. Hindi pa sila nagsisimula nang bumukas ang malaking pintuan na yero at nagsipasukan ang grupo ni Zuki. Napalingon silang lahat nang marinig ang pagbukas nito. Tila nakakita ng liwanag ang pitong kidnapper nang makita na may susundo na sa babaeng naka-pink na bestida. Bigla silang nagpasalamat. Huling pumasok si Cally na hila-hila sa braso si Luna. Napalunok si Prin. Sa sobrang enjoy, nakalimutan niya na may asawa siyang naghihintay. Bigla niyang nabitiwan ang baril na hawak. "H-husbie, kinidnap nila ako! I''m so scared¡­" sabi niya saka tumalon mula sa mesa. Kidnappers "...." Zuki and friends "...." Halata naman na nakahinga ng maluwag si Cally. Hinagis niya si Luna sa kamay ni Zuki saka nagmadaling lumapit kay Prin. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit. "You, naughty child! Hindi mo ba alam na masyado akong nag-alala dahil ilang oras kang nawala?" Humigpit ang yakap ni Prin sa bewang ni Cally. Biglang nilingon ni Cally ang mga kidnappers ni Prin at pinukulan ito ng nakakatakot na tingin. Pinalapit niya ang lalaking bumitbit kay Prin para ipasok ang asawa sa van. Ang lalaking mataghiyawat ang ilong. "M-master, napag-utusan lang po ako¡­" "Hinawakan mo sa kung saan ang asawa ko. Putulin ang kamay ng taong ''to!" utos ni Cally. Prin "..." Lumapit ang tao ni Zuki na bitbit ang katana matapos marinig ang utos ni Cally. Nanlaki ang mga mata ni Prin, ang lalaking mataghiyawat ang ilong at lahat ng kidnappers. Kahit si Luna sa isang gilid ay tinamaan ng takot. "No! No! No! Husbie, no need! Hindi na kailangan na putulin pa ang kamay niya" Hindi naman dahil sa binitbit lang siya ng lalaki ay tama ng putulin ang kamay nito, ''di ba? Napatigil ang tao ni Zuki sa paglapit. Sa sobrang takot ng lalaking mataghiyawat ang ilong, lumuhod ito malapit kay Cally. "M-master! Patawarin niyo na po ako! H-hinding hindi na po ako uulit! Magtatanda na ako basta huwag niyo lang pong tanggalin ang mga kamay ko! Magro-rosaryo ako magdadasal o magpepenetensya ako ng bakal sa likod. H-huwag niyo pong putulin ang mga kamay ko parang awa niyo na po¡­" halos sambahin na nito si Cally sa paghingi ng tawad. "Honey, Okay na ako. No need to do this, okay?" hinaplos niya ang pisngi ni Cally na parang nagpapaamo ng mabagsik na leopard. Napansin naman niya na nagbago ng kaunti ang emosyon ni Cally mula sa mga mata nito. Binaba nito ang mukha at hindi napigilan na sakupin ang labi niya. Wala nang pakialam si Prin kung maraming tao sa paligid. She missed his kisses kahit pa ilang oras lang silang hindi nagkita. She felt safe and secure in his warm embrace. Kahit pa alam niyang makipaglaban at protektahan ang sarili, iba ang pakiramdam kapag nasa paligid si Cally. Parang nililipad ng hangin ang tapang niya at bumabalik siya sa disi nuwebe anyos na babae. Tuluyan na bumagsak ang invisible na pader sa paligid ni Cally matapos siya nitong mahalikan. "Ehem! Master!" Tumikhim at hindi na napigilan ni Zuki. Sumenyas si Cally para ilapit nito si Luna. Tinulak lang nito si Luna paharap sa kanya. Nagbago bigla ang awra ni Prin. Matalim ang titig niya sa babae at hindi niya napigilan na sampalin ito ng malakas sa kanang pisngi. "Y-you?! You hit me!" gaganti rin sana ito pero sinapak ni Prin ang babae sa kaliwa. Parang natanggal ang kaluluwa ni Luna matapos siyang saktan ni Prin. Nawala ang balanse nito at napaupo sa sahig. Sinapo nito ang pisngi. Nilapitan ni Prin ang babae at pailalim na tiningnan. "Kulang pa ang pananakit na iyan!" Sabi niya dito. "Alam mo Luna, hindi ko maintindihan kung ano ang naging atrasado ko sa iyo. Wala akong natatandaan na may ginawa akong mali sa iyo. I only came to your school as a simple student." "Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nasadlak sa kinaroroonan ko ngayon! I really hate you! Wala na akong maiharap na mukha sa eskwelahan dahil isang sinungaling na ang tingin sa akin ng lahat ng estudyante! And now, I even use my body just to pay five hundred million?!" Sinampal muli ito ni Prin. Parang nabingi na ito sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal niya. "You know what? You are so pathetic! Sinisisi mo sa akin ang lahat, gayong ikaw naman ang may kasalanan?" Chapter 120 - Not a simple girl Masama ang loob niya sa babae. Nagkataon lang na marunong siyang makipaglaban kaya walang masamang nangyari sa kanya. Pero paano kung isa lang siyang simpleng babae? Malamang na sa ibang direksyon nagpunta ang tadhana niya. Sigurado na naganap ang panggagahasa sa kanya ng walong lalaki. O kaya naman, noon pa ay may ginawa na sa kanyang hindi maganda si Marvin, baka sinira na nito ang mukha niya, na-bully siya ng masyado sa school dahil sa mga utos ni Luna at kung ano pa kung hindi niya kayang labanan ang sarili. Paano kung ibang klaseng Prin ang kaharap nito? Isang mahina at simpleng babae. "Let me tell you this one last time dahil sinagad mo ng sobra ang pasensya ko. I, Prin Matsui is not just a simple student who came to your school!" "I am a friend, a daughter, a Dark Guard who can protect my husband, a person who''ll be the Head Mistress of my Dad''s People in the future¡­" "Hindi ibig sabihin na porque hindi kita pinapansin ay ganoon na lang ako kadali kung kayanin mo. Hindi ibig sabihin na dahil isang simpleng babae lang ang nakita mo na pumasok sa school, isang langgam lang siya na madaling tirisin." "What''s your point Luna?" tanong niya dito. "I''m a Mayor''s daughter!" "So what? Your father became a Mayor because of the people. Meaning, mas mataas pa sa ''yo ang nagbebenta ng isda sa palengke" Nanlaki ang mata ni Luna. "No! I will not accept that!" "Ninais mo pang pangarapin ang Husbie ko. Too bad! He will never find you pretty..." nahihibang ba ito si Luna? Siya nga ay inabot ng ilang taon bago nagbunga ang paghihirap niya. Gusto niyang pagtawanan ang babae. "...You even used your body para nga kami mabayaran, maihahalintulad ka na sa pokpok sa kanto. Hindi ka ba nandidiri?" Nanlaki ang mata ni Luna at hindi matanggap ang sinabi ni Prin. Nagsimula nang mangilid ang luha niya. Umismid lang si Prin. Nasa ganoong posisyon sila nang lumapit ang isang tao ni Zuki mula sa labas. "Master, natapos nang imbestigahan ng Commision on Audit ang mga pinadala nating ebidensya. Naglabas na sila ng panukala na dakpin si Mayor ngayong gabi" pagbibigay-alam nito. Narinig ni Luna ang sinabi nito at kinabahan siya. Bigla siyang hindi napakali. Tinaasan ni Prin ng kilay si Luna. "See? Without people''s money and status, you are nothing, Luna." "I don''t want to see your face ever again, dahil hindi na suntok lang ang aabutin mo sa akin kapag nagkita tayong muli!" huling banta niya dito. Matapos iyon, lumapit na siya kay Cally at hinila na ito palabas ng abandonadong warehouse. "Husbie, a-alis na tayo¡­" bulong niya dito. Napansin ni Cally na biglang pinagpapawisan ng malamig si Prin. Kinabahan siya. "What¡­ happened?" Kagat-kagat ni Prin ang labi at parang kinikilig na hindi maintindihan. "Na-naiihi na ko¡­ kanina ko pa pinipigil ang ihi ko¡­ Malapit na lumabas." nakangiwi na bulong ni Prin. Cally "...." Matapos nito na magbigay ng mahabang litanya at sabihin ang nais kay Luna na parang reyna, bigla nitong sasabihin na naiihi na ito. Nais man niya na matawa, mas nanaig sa kanya na tulungan ang asawa. Ilang oras na nagpigil si Prin na maghanap ng palikuran. Uminom pa siya ng milk tea at kumain ng pizza at binantayan niyang mabuti ang walong lalaki kaya nag-set siya sa utak na hindi siya hahanap ng palikuran. Pero tao pa rin siya at may sariling isip ang kidney niya kaya hindi niya na napigilan matapos ang ilang oras. Nataranta pati si Cally. "Walang susunod! Bawal tumingin ang lahat!" utos niya sa lahat ng naroon. Kinuha niya lang ang malaking kumot na nasa likod ng Maybach niya, wet wipes at isang hand sanitizer. Sinamahan niya ang asawa niya sa isang madamong bahagi sa lugar. Tinulungan niya na takpan si Prin gamit ang kumot. Hindi naman nagtagal at narinig niya ang pag-wiwi nito. Unti-unting nakahinga ng maluwag si Prin habang naglalabas ng sama ng loob. "Oh my gosh! That was heaven!" sabi ni Prin nang matapos. "Don''t say those words in front of your husband" makahulugan na sabi nito. Tinapon ni Cally ang kumot at pinunasan ng wet wipes ang kamay niya. Napangiti si Prin habang ginagawa nito ang bagay na iyon sa kamay niya. Tapos, nilagyan pa nito ng sanitizer ang kamay niya. "Madumi ang kamay ko." "It''s okay" ''What a perfect husband?'' Matapos ang lahat ay kinutusan siya nito. "Aw!" nasapo niya agad ang bumbunan. ''Hindi pala siya perfect husband.'' agad niyang bawi. "Parusa ko iyan sa iyo, dahil masyado kang pasaway. Hindi mo man lang ako naisip na tawagan para maisip ko man lang na okay ka" "Sorry Husbie, I lost my bag." lumingkis siya sa batok nito at inangat ang mga paa paikot sa bewang ng asawa niya. "Buhatin mo na ang iyong baby panda, let''s go home!" Chapter 121 - Get out of this country Bumaba si Cloud Han, ang daddy ni Cally sa isang itim na Maserati Ghibli M157 kasabay ni Rob Matsui na pasahero niya sa tapat ng isang Casino Hotel kung saan nag-o-operate ang Black Dragon. Isang ginintuang gusali iyon na may apat na palapag at sinasakop ang walong ektarya ng lugar. May walong daan ang kabuuan ng guest rooms at suites. Ang casino naman ay matatagpuan sa B Wing ng eleganteng gusali. Nabalitaan nila na nasa loob ng Casino na iyon si Mr Sy. Matikas ang tindig nilang parehas na pumasok sa loob ng hotel. Binati sila ng guwardiya sa bungad dahil nakikilala sila nito. "Master Cloud¡­ Boss Rob¡­" "Bring us to Mr. Sy" ang utos ni Rob. Tinawag nito ang hotel manager at ito ang nagpa-anyayang maghatid sa kanila. Apat na lalaking naka-itim at ang manager ang nag-escort sa kanila para ihatid sila sa matandang intsik. Agaw-pansin silang dalawa lalo at hindi maiwasan na magtanong ng iba kung bakit kusang loob pa silang sinamahan ng manager. Parehas na seryoso na halos walang bahid ng emosyon ang mga mukha nila at halata na wala silang pakialam sa mararamdaman ng kung sino man habang naglalakad. Umakyat sila gamit ang elevator at lumapag iyon sa pinakamataas na bahagi. Naglakad sa pulang carpet ng may pagmamadali patungong B wing. Sa VIP Suite¡­ Nangangamoy usok mula sa yosi at tabako ang buong paligid ng kwarto. Isang Business Tycoon at dalawang Mayor ng probinsiya na pare-parehong malalaki ang tiyan ang kalaban ni Mr. Sy. Nakapalibot ang apat sa bilog na mesa na naglalaro ng cards. Maganda pa ang pagkakangisi ng intsik nang bumukas ang pintuan ng VIP room kung saan sila naglalaro. Sabay-sabay na napalingon ang apat sa pintuan dahil mahigpit ang bilin nila na bawal ang istorbo. Unang bumungad ang manager sa kanila. "I apologize for this intrusion, gentlemen, but Mr. Rob Matsui wants to talk to Mr. Sy" sabi nito. Matapos na sabihin ang pakay ay magkasunod na pumasok si Rob at Cloud. Nagliwanag ang mukha ng mga manlalaro lalo nang makita si Cloud Han na kasama si Rob. Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga lalaking malalaki ang tiyan na sunggaban ang oras na makita ang dalawa. "Master Cloud, what a beautiful night! Gustong-gusto talaga kitang makita noon pa man para pag-usapan ang business.. Ahh.. Ito po ang card ko, baka gusto niyo pong mag-invest" "Master Cloud, ''eto, heto po ang akin, maaari ka rin na magpunta sa probinsiya ko kung gusto mo na magpalipas ng oras." "Master Cloud--" Pinutol na ito ng Manager ang tatlong lalaki. "I''m sorry gentlemen. But they are not here for business. May you please excuse us?" binuksan nito ng malaki ang pintuan at sumenyas na maaari na silang magsipaglabasan. Walang nagawa ang tatlo pang kalaban ni Mr Sy kun''di ang sumunod. Naiwan sa kwarto ang intsik pati na ang tatlo pang bodyguard na kasama nito Malapad naman ang pagkakangiti ni Mr. Sy na makita si Rob nang harapan. Bonus pa na kasama nito ang matalik na kaibigan na si Master Cloud. "Boss Rob, mukhang pinagpapala ako ngayon na makita ka. Sit.. Sit.." "Hindi kami magtatagal." matigas na sagot mula kay Rob pero umupo sila ni Cloud sa magkatabing silya. "Gusto ko lang balaan si Mr. Sy dahil mukhang masyado siyang nag-eenjoy sa labas ng kulungan." makahulugan na sabi. Kumunot ang noo ng matandang intsik. "A-ano ang ibig mong sabihin?" "My daughter¡­ Your men dared to touch my daughter! Inutusan lang naman ng kabit mo ang mga tao mo na dukutin ang anak ko. At alam ko na hindi iyon lingid kay Mr Sy. I think... that is your biggest problem right now." matigas na sabi ni Rob. Napangiwi ang intsik. May hinala na ito na si Luna ang tinutukoy ni Rob. Sinalubong nito ang mga mata niyang nag-aapoy. Malaki-laki na ang nagastos nito sa babae na si Luna. Isa pa, hindi lingid sa kanya ang plano nito na dukutin ang babae kaya halos ayaw nitong magpatalo sa banta ni Rob. "Binabantaan mo ba ako Rob Matsui? Hindi ka ba natatakot na dadalawa lang kayo ni Master Cloud ang basta na lang sumugod dito? I have my men here. Mayroon silang mga armas at maaari na hindi na kayo makalabas ng buhay dito sa kwarto." Tumawa ng malakas si Rob. "Mr Sy, akala ko ay drug lord ang trabaho mo, I never thought na Joker ka na rin pala ngayon. How many men do you have? Fifty? A hundred? At sa palagay mo ba ay matitinag ako ng tatlong pipitsugin na ''to kahit may armas pa silang dala?" tiningnan pa ni Rob isa isa ang tatlong lalaki na parang nanghahamak. Sa talim lang ng titig ni Rob sa tatlo ay halata ng kinabahan ang mga ito. Hindi lingid sa kaalaman nila na isang legend ang nasa harapan nila ng mga oras na iyon. "Did you forget who I am?" tanong ni Rob kay Mr Sy. Walang nagawa ang tatlo nang senyasan ni Mr Sy. Itinutok nito ang mga armas kay Cloud at Rob. Napapailing si Rob. "Oh! mukhang seryoso si My Sy?" sabi ni Rob na iiling-iling. "Too bad¡­ because you didn''t see what I see." makahulugan na sabi. Noon lang napansin ng apat na may mga pulang ilaw na nakatutok sa noo ng mga ito. Isang laser na nagmumula sa mga armas sa itaas na bahagi ng pader. Naririnig lang nila na may armas ang casino VIP rooms sa hotel na iyon at hindi nila akalain na totoo. Aakalain ng kung sino man na makakakita na isa lang iyong CCTV sa loob ng kwarto kaya binalewala nila. "Mr Sy, did you forget who is the Master of Black Dragon who operates this hotel? My mom''s friend and one of the Yakuza leaders. I don''t give a f*ck to anyone who underestimated me. You dared to touch my daughter and that''s it." Sumenyas lang si Rob at isa isang tinamaan ang noo ang tatlong lalaki. Isang maliit na butas lang ang kumitil sa mga buhay ng mga ito. Nanghilakbot sa takot si Mr Sy. Tumayo si Rob at tinitigan ng diretso sa mata ang intsik. "I want you to get out of this country! Bring your business outside the Philippines because we don''t need you here. Hindi naman siguro sisirain ni Mr Sy ang nais ko, tama?" Halata na pinagpawisan ang intsik. "Y-yes. Tonight! Tonight! Babalik ako sa China tonight!" "Good! Have a good night''s sleep!" saka sila lumabas ni Cloud ng kwarto. Chapter 122 - Long-Distance Relationship Nagdadalawang-isip si Kai kung babalik sa Pilipinas nang hindi pa tapos ang isang buwan na parusa na ginawad sa kanya ni Cally. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya magdedesisyon ng sobrang lalim at hindi niya alam ang gagawin. Nag-aalala siya sa kaligtasan ni Bella pero hindi kaya ng konsensya niya na parusahan si Cally dahil babawiin nito ang parusa niya. Hindi rin naman maaari na magpadalos-dalos na mag-quit siya bilang Dark Guard. He spent half of his life as a Dark Guard. Para siyang mababaliw na nagkulong sa kwarto. Kinuha niya ang cellphone at bumungad sa kanya ang wallpaper na picture ni Bella. She''s very pretty in that photo. She asked him to took most of her pictures nang magbakasyon ito doon. During those times he believed that taking pictures was part of a boyfriend''s duty. Kaya naman kusang loob siya na kinuhanan ang babae kahit saan pa sila namasyal. Matiyaga siyang kinunan ito ng larawan kahit saan nito gustong magpakuha. Hindi pa nga niya alam ang gagawin ng una but he secretly googled how to take a professional pictures using a smart phone nang magpaalam ito na magpupunta sa palikuran. Ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang larawan nito sa rainbow village. Her smile was like a ray of sunshine or a colorful rainbow, kaya hindi siya nakatiis na nakawin ang larawan nito sa cellphone. He touched his phone screen na para bang pisngi ni Bella ang hawak niya. Para siyang nababaliw na napapangiti ng mag-isa. Nitong mga nakaraan, nag-aaral siya kung paano ilalagay ng maayos ang clip na gawa sa jade sa mahabang buhok ng isang babae. Because he bought something for her habang naboboring siya sa bahay na iyon. May gagawin pa ba siyang iba bukod sa maglibot-libot? Kaysa naman pilitin siyang makasama ang Lingling na iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pinipilit siya ng Mommy niya na samahan ang anak ng kaibigan nito na hindi niya sinunod kahit isang beses. Binuksan niya na lang ang application ng Twit Twit. Inisa-isa ang lahat ng moments nila ni Bella. Simula sa unang post niya na picture nang manood sila ng sine at nang panahon na ginawa niya ang account na iyon. Hanggang sa mga post niya nang mga panahon na nagsisimula na siyang tawagin itong ''My Angel''. At ang mga huling larawan na na-share niya nang imbitahan niya si Bella doon sa Taiwan. He looked at their pictures kissing in a middle of sunflowers field. She was so cute wearing a floral dress na pinatungan ng maong na jacket. Her blooming and small face is blended with those flowers. "Aughhhh!" He couldn''t take it anymore! Honestly, his main problem right now is his relationship with her. Hindi niya alam kung paano hahatiin ang sarili bilang Dark Guard, bilang nobyo nito at bilang taga-pagmana ni Master Chen. Alam ni Kai na may oras siya kay Bella sa ngayon dahil nagkataon na sabay ang duty niya na bantayan si Prin bilang Dark Guard. Pero paano kung ang susunod na misyon niya ay pumunta sa UK para magsanay at kung ano pa? They will soon be having in a long distance relationship. Tatanggapin ba ni Bella ang duties niya sa buhay? Kahit ang kasamahan niya na si Joen ay nasaktan ng labis dahil pinagtaksilan ito ng girlfriend nito. hindi kinaya ng babae na halos nasa Japan lang si Joen at nagt-training. Nasuntok ni Kai ang unan niya. Ayaw niyang mauwi sila ni Bella sa ganon. Punyetang pag-ibig iyan! Gusto niyang maghanap ng susuntukin sa mukha dahil parang dumadami yata ang problema niya na hindi niya naiisip kapag kasama ang kanyang Angel. Napakislot na lang siya nang mag-ring ang cellphone na hawak. His Angel is calling. Tumikhim muna si Kai. "Hello, My Angel! Kamusta? Nakausap ko na ang tao ni Cally sa Maynila. Natagpuan na nila si Prin at papunta na sila doon para iligtas siya." Halata na nakahinga ng maluwag si Bella. "Okay lang ba talaga si Prin?" "Kaya nga huwag ka ng mag-alala. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nakuha ng mga lalaking iyon, okay?" Tumingin siya sa relo. May ilang oras na rin nang dukutin si Prin. "gabi na ah, bakit hindi ka pa matulog? Saka mahal ang tawag sa ibang bansa di ba?" "Ehh¡­ na.. nami-miss na kasi kita e" sabi nito sa kabilang linya. Parang dinala sa langit ang buong pagkatao ni Kai nang madinig iyon sa dalaga. Nakalimutan niya tuloy na malalim nga pala ang iniisip niya. "Hmm¡­ I miss you too" ''kung alam mo lang Bella na hindi nga ako makapaghintay na makita ka.'' Pero hindi niya masabi sa babae na nagkakaproblema nga siya sa mga oras na iyon dahil kailangan niyang mag-focus at mag-isip ng mabubuti kung ano ang tamang desisyon. "Bella¡­ ngayon na malayo tayo, are you still willing to wait for me?" "Why not? W-wala ka na bang planong bumalik? Are you... breaking up with me?" Nahalata niya na nataranta ito sa kabilang linya. "Hindi iyon ang ibig kong sabihin. what I mean, are you still willing to wait for me? Paano kung inabot ako ng taon bago mo ako makita?" "At least makikita pa rin kita. Panghahawakan ko kung sasabihin mo sa''kin na babalik ka" Napangiti si Kai. "Huwag kang mag-alala because I will find ways na parang ''Bangko de Oro'' to see you kahit buwan buwan pa, dahil hindi ko kakayanin na hindi ka makita." "Ahmm¡­ wait lang!" Akala ni Bella ay na-mute niya ang tawag. Bigla na lang siyang tumili sa kabilang linya dahil sa sobrang kilig. Kumunot ang noo ni Kai at napatayo bigla. Muntik na siyang mag-alala pero nakabalik naman agad ang nobya niya sa linya "Ehem! Nice to hear kung ganoon." Sabi lang nito sa kabilang linya. They are both smiling na parang tanga sa magkabilang bahagi ng mundo. Chapter 123 - His Little Kitten Pinahatid ni Cally ang mga kidnappers ni Prin sa pulisya tutal naman ay mas nais ng mga ito na makulong kaysa i-torture ni Prin. Si Luna naman ay pinahatid nila sa bahay ng mga ito. Mas gugustuhin na ni Cally na nasa labas ang babae para mas maranasan nito ang hirap kaysa kung nasa loob lang ito ng kulungan. Para mas maliwanagan rin ang babaeng kinain ng masamang espiritu na wala itong maipagmamalaki sa kahit na kanino kung walang Mayor Villanueva. Nasa sasakyan na sila para makauwi nang makaramdam si Prin ng pagod. Pinikit niya ang mata saglit "By the way Honey, your Dad is here." pagbibigay-alam ni Cally. Nagising ang diwa ni Prin sa narinig. "My Dad?!" "Yes, kaya kailangan muna nating dumaan sa bahay niyo dahil siguradong nag-aalala sa ''yo ang Daddy mo." nagtataka rin si Cally kung bakit biglang nagpunta ng Maynila ang Daddy ni Prin. May hinala na siya na may bago itong misyon. "Sleep for the meantime, mamaya na kita parurusahan." "Bakit ako may parusa? Muntik na nga ako magahasa, may parusa pa ko?" "Muntik... magahasa?" "Ahhh.. ehh¡­" hindi alam ni Prin kung paano magpapaliwanag sa naganap ng hapon na iyon. Napa-kamot na lang siya sa pisngi. Nakakunot ang noo ni Cally at naghihintay ng sasabihin niya. "W-wala namang nangyari sa akin. Luna asked them to **** me. But you see, I am very much okay, walang masamang nangyari sa akin dahil I tortured them instead." tapos napakagat-labi siya habang nakatingin kay Cally. Baka mag-init na naman kasi ang ulo nito. Alam ni Prin na naturuan niya ng leksyon ang mga kidnappers at nag-iwan talaga siya ng kakaibang impresyon sa mga ito. Iyon nga lang, ayaw pa rin niya na mag-isip si Cally ng masama na may ginawa sa kanyang kabastusan ang walong lalaki. "Still, may parusa ka pa din, masyado mo akong pinag-alala at hindi ko akalain na nag-eenjoy ka pala na ma-kidnap. Why did you exchanged yourself to Bella? By the way, I asked Kai to go back para masiguro na ligtas ka." Kumunot ang noo ni Prin. "H-hindi ka ba mapapahamak? Paano kung ibalik nila sa ''yo ang parusa?" tanong ni Prin. "Okay lang, as long as you are safe. Two heads are better than one." pinaglaruan pa ni Cally ang buhok niya. Inikot-ikot ang mahaba niyang buhok sa daliri nito. Sa pananaw ni Cally, isang babae pa rin si Prin na kailangan ng seguridad. Parusahan man siya ng matatanda ay ayos lang basta masiguro na ligtas si Prin at ang kaibigan nito dahil alam niyang mahalaga ang babae sa asawa niya. Pinatong ni Cally ang isang maliit na unan sa ibabaw ng hita niya at tinapik-tapik iyon. "Come here. Alam ko na napagod ka ng sobra sa paglalaro mo kanina." Sumunod naman si Prin at baluktot na humiga siya sa likod ng sasakyan. Ipinatong niya ang ulo sa ibabaw ng binti ni Cally na may kwadradong unan. Nakaramdam talaga siya ng pagod, lalo nang makita ang asawa niya na biglang dumating para sunduin siya. Parang bula na bigla na lang naglaho ang lahat ng enerhiya niya. Nang masiguro na maayos ang pagkakahiga ni Prin, pinatong ni Cally ang jacket niya dito. Then, he combed her hair using his fingers kaya nakatulog ito agad. She looked like a little kitten sa ganoong ayos. Isang pusakal na masyadong nakipaglaro sa mga daga. Tsk! Hindi napigilan ni Cally na halikan sa noo si Prin habang tinititigan niya ang payapa nitong ayos. ===== Nakipagkasundo lang si Mr. Sy kay Rob na aalis siya nang gabing iyon pero wala sa plano niya ang talagang lumabas ng bansa. Malaki na ang nagastos niya at kailangan niya iyong bawiin sa pagbenta ng droga. Tumawag siya sa kung kani-kanino para manghingi ng tulong. Tulad nga ng sabi ni Rob, may daan-daan siyang tauhan para protektahan siya. kaya bakit siya susunod dito? Isa pa, marami pa rin siyang koneksyon sa bansa. Tinawagan niya ang Police Major sa kalapit na probinsya upang hingan ng tulong. Alam niya na hindi siya nito tatanggihan dahil malaki-laki na rin ang kinita nito sa kanya. "Hello Mr. Sy" "I need protection. Kailangan ko ng dagdag na tao para lumawak pa ang ''business''." diretsona sinabi niya agad ang pakay. "Walang problema, magkano naman ang ibibigay mo sa aking porsyento?" "Twenty percent" Napa-palatak ito sa kabilang linya. "Mr Sy, kasasabi mo lang na kailangan mo ng proteksyon, mukhang maliit yata ang twenty." Napapikit si Mr Sy at nanggagalaiti na tinaas sa trenta ang share nito. "Very good. Rest assured na ibabahagi ko ang tao ko sa iyo. Susunduin ka ng tao ko sa gasulinahan sa pinakabungad na baranggay dito sa probinsya." "Salamat kung ganon" halatang may inis pa rin na sagot ng intsik. Ngiting-tagumpay naman ang kausap sa kabilang linya. Milyon na ang kinikita niya dahil sa matandang intsik at ayos lang dahil wala namang maghihinala sa kanya sa mga kasama. Chapter 124 - Younger Looking Tulog pa rin si Prin nang makarating sila sa Matsui Villa at walang plano si Cally na gisingin ang asawa niya kaya wala siyang nagawa kun''di ang buhatin ito papasok sa Villa. Wala namang magkusang loob na tulungan siya dahil si Prin ang buhat niya at hindi kung ano o sino lang. Ayaw nilang maputulan ng kamay dahil kahit dantay lang mula sa iba ay hindi nagugustuhan ng master nila. Natagpuan niya ang daddy niya sa hood ng sasakyan nito na naninigarilyo bago siya tuluyang makapasok ''Hmmm something is wrong¡­'' hindi kasi maninigarilyo ang daddy niya kung hindi ito stress at kung walang matinding problema. "Dad¡­ may problema ba?" Seryoso lang na tumingin sa kanya ang daddy niya saka kay Prin "Ipasok mo muna si Prin, we will talk later" Kumunot ang noo ni Cally. Gayunpaman, sumunod pa din siya dito. Habang naglalakad papasok ng Villa, malalim ang iniisip niya kung ano ang problema nito. Inilapag niya muna si Prin sa sofa at tinakpan niya muli ito ng jacket. Ang Jacket niya na halos sumakop na sa katawan nito. Hindi siya mapalagay kaya lumabas siya agad para hanapin ang Daddy niya. "What''s the problem?" tanong niya nang makalapit dito. "Your mom¡­" malungkot na simula nito. Kinakabahan si Cally sa susunod na sasabihin nito lalo at tungkol sa mommy niya ang usapan. "...looks so much younger than me." Cally "..." Gusto niyang mabilaukan sa problema nito. So, that is his problem? Because his Mommy looks so much younger? "Iisipin ng iba that she is your elder sister. A-and she is now closed with Apolo because they are working with--" "Dad! Stop! Seriously, I thought it was the end of the world." He doesn''t know how to comfort his dad. Hindi niya kasi alam na may insecurities din pala na tinatago ang isang Cloud Han. Humugot ng malalim na hangin si Cally. "Dad, I am very positive that Mommy has never loved anyone aside from you kahit pa magmukhang teenager lang siya. And, bakit biglang nasali si Apolo sa picture?" nakakunot-noong tanong ni Cally. Si Apolo ang lalaki na nagmahal sa Mommy niya noon. He even kidnapped his mom for a couple of months. Hindi masasabi ni Cally kung mabuti o masama ang lalaki dahil nagawa pa rin siyang iligtas ni Apolo ng sanggol pa lamang siya. "They are working on a project. Apolo donated millions para magtayo ng isang small city wherein there is a school, hospital, businesses and other things na gagawin para sa mahihirap. A happy livelihood project. You know how much your Mommy loves these things and she will soon spend most of her time in this project." halatang hindi ito mapakali. "Dad, sa dami ng pagseselosan mo, hindi ko inaasahan na darating ang araw na magseselos ka kay Apolo. Ikaw na nga ang nagsabi na mahal ni Mommy ang mga ganitong klase ng gawain but that doesn''t mean she will soon be in love with Apolo..." "Listen, kahit naman mukhang trenta lang si Mommy, hindi ka rin naman magpapatalo dahil mukha kang mas bata ng sampung taon sa talagang edad mo. And even if you do, you have four kids, have a beautiful wife, you are working so hard for your family. Ano pa ba ng hahanapin ni Mommy sa iba?" "At saka, bakit ka nga pala nandito? Does your wife needs your embrace right now?" usisa niya dahil lagpas hating gabi na ang oras. "Your uncle Rob asked for me. We have a meeting." "So, nami-miss mo lang si Mommy kaya ka nag-eemote? You oldies needs a honeymoon" sabi ni Cally na iiling-iling at nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay. Naaliw naman si Cloud na pinagalitan siya ng anak niya. Hindi niya rin maintindihan kung saan nanggagaling ang insecurities niya. Maybe it''s a sign of aging. Sumunod na lang siya sa anak papasok sa Villa. Nang makapasok si Cally sa loob, nakita niya na magkatabi at magkayakap din si Prin at ang Daddy nito kung saan niya hiniga ang asawa. "Tara sa general hall." aya ni Rob nang makita sila ni Cloud na pumasok. Nakakunot ang noo ni Cally na nagkaroon sila ng biglaang meeting na bibihirang mangyari. Sa General Hall kasi ay sound proof, hindi sila maririnig ng mga taong hindi dapat kasali sa usapan. Naroon na si Zuki na hindi sumama para ihatid ang kidnappers ni Prin at ang isa pang tao ni Rob na si Cobra. Sinabi agad ni Rob ang pakay. "Senator Cruz asked me to investigate a gang in the south. A South Caracass Gang." Tumingin ito kay Cally at Cloud. "May Tip na nagbebenta sila ng droga sa opisina niyo. Sa MGM office building." Kahit si Prin ay nagulat sa balita ng Daddy niya. Chapter 125 - Her new mission Sa loob ng general hall sa loob ng Matsui Villa, nakahanda ang japanese table na pang animan para sa meeting na iyon. Sakto para sa kanilang anim. Magkatabi si Prin at Cally katapat nila si Zuki at Cobra. Nasa magkabilaang gilid si Cloud at Rob. Napakunot ang noo ni Cally nang marinig na may nagbebenta ng droga sa opisina nila. Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na gumawa ng kalokohan sa ilalim ng pamamalakad nilang mag-ama. "Kaya ko kayo pinatawag, their main target is the artists under MGM dahil sila ang mapera." Paliwanag ni Rob. "Habang hindi pa talamak ang umiikot sa opisina niyo, kailangan na nating alamin at hugutin ang kung sino man ang ''tulak''." Hindi na nagulat si Cally kung ang target ay artists ng MGM. "pero Dad, kahit na sabihin pa natin na mapera ang mga artist ng MGM, hindi ako makapaniwala na may maglalakas ng loob na magbenta ng droga sa opisina." Hindi na nakatiis na sabi ni Prin. "Ako din, ang masaklap pa, ginagawa nila ang transaksyon sa White Devil kaya tinanggap ko agad ang misyon nang malaman ko iyon" matalim ang mga tingin ni Rob dahil sa pagkairita. Nakadagdag sa gulat ni Cally ang bagay na iyon. Kilala ang White Devil bilang mamahalin na bar. Executives, celebrities ang mga umiinom sa lugar. May mga VIPs na gumagawa ng kalokohan lalo na sa pribadong kwarto pero bawal ang kahit anong klase ng drugs. "I can locate the culprit in MGM, pero hindi ako makakasiguro na malolocate ko ang taong iyon sa mas mabilis na paraan." Sabi ni Cally na halatang malalim ang pag-iisip. "Sa tingin ko, isang baguhan ang may sala at ang taong hinahanap natin. Isang trainee o new hired na manager, o kaya naman ay recruit mula sa ibang kumpanya." Malalim ang pag-uusap nila sa buong dalawang oras kung ano ang gagawin. At hindi matanggap ni Prin ang kinatapusan ng meeting na iyon. ===== Nakasimangot si Prin habang nagb-browse sa kanyang laptop. Nakadapa siya sa ibabaw ng kama at patuloy na nags-search kung paano gagampanan ang bago niyang misyon. "Honey, bukas na iyan. hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Cally. "Hmp! You don''t love anymore." Tuloy lang siya sa pag-browse. "Bakit mo naman nasabi? I am the most brilliant and doting husband all over the world." Nakadagdag sa pagka-inis ni Prin ang malapad na pagkakangiti ng asawa niya. "Doting my ass! May doting husband ba na ilalagay sa alanganin ang wife niya? Why did you suggested it?" Naiinis si Prin kapag naaalala niya ang suhestyon ni Cally para makilala kung sino ang ''tulak'' ng pinagbabawal na pills o drugs sa opisina. "Because I am brilliant! You are not alone anyway, Kai is together with you. Lusot pa kami parehas sa parusa dahil isang misyon ang gagawin niya. Don''t you like him to be here?" Inikutan niya ito ng mata "I dont! I don''t like it dahil kapag mas malapit siya, mas lumilinaw ang mata ko na nagkaroon ako na bato na asawa. Isang lata ng asukal kung magpalitan ng sweetness ang taong iyon at ang Angel niya. Kahit tubuhan ay hindi mananalo sa kasweetan nila. And you think na natutuwa ako na nanonood sa kanila lalo na kung may ganyan akong asawa. Hmp!" Tinuro niya pa si Cally. Inirapan niya ito. Natatawa si Cally ng lihim. Para parusahan si Prin sa pag-aalala na ginawa nito sa kanya. Naging suhestyon niya na magtrainee si Prin bilang dancer sa MGM. Kasama si Kai. He is looking forward to see her dance moves na ikinagagalit nito dahil hindi pa naranasan ni Prin ang sumayaw, ang kumanta o kahit na ano. Pumayag si Rob at ang Daddy niya kaya walang nagawa si Prin. Wala namang ibang pwede na magpanggap na ''spy'' kundi silang dalawa lang ni Kai bilang parehas silang may face value. Na-inform na niya si Kai pero napamura lang ito sa kabilang linya. Alam niyang tulad ni Prin ay kinasusuklaman siya nito sa ngayon. "Honey¡­ why don''t you practice right now and let''s see how good is your dancing skills." Pang-aasar pa nito. Tiningnan ni Prin ng masama si Cally. "Oh! That look!" napapalakpak pa ito ng isang beses. "...I know you really wants to do it, but sorry hindi pa tapos ang isang buwan kaya hindi pa pwede." Dagdag na pang-iinis ni Cally. Prin "...." "You know what? You better be ready na maaga kang mab-byudo dahil mamamatay ang misis mo ng maaga dahil sa high blood sa iyo!" Nanggigil sa inis si Prin kaya niligpit niya na ang laptop at tinalikuran niya na ito ng higa. Niyakap siya ni Cally sa likuran ng natatawa ng lihim. "I''m sorry na, Honey. I just wanted to tease you a little bit. I believe you can do it kaya iyon ang naisip ko." Natutuwa nga si Cally dahil alam niyang seryoso si Prin sa mga misyon nito tulad na lang ng bagay na iyon. Ayaw nito ang task na iyon pero nagsimula na itong magresearch. Chapter 126 - This home is mine! Kausap ni Bella ang Mommy niya sa telepono isang gabi nang makarinig siya ng katok sa pintuan. "Mom, have to go¡­ I miss you so much!" "Are you sure Honey, that you are doing good kahit mag-isa ka lang?" tanong nito. "Yes, Mommy. By the way, I-I have a boyfriend and he is a Taiwanese." Napangiti lang ang Mommy niya sa kabilang linya. "The guy named Kai?" "H-how did you know?" "You are my daughter, maaari ba naman na wala akong alam? I am stalking your account¡­ Inaabangan ko nga kung ilang linggo lang kayo e" halatang nanunudyo ang tono ng boses ng Mommy niya. "Mommy!" namumula ang pisngi niya sa tudyo nito. Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya. "Have to go Ma" paalam niya dito dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan. Umulit ang katok kaya pinutol niya na ng tuluyan ang tawag. Lumapit siya sa pintuan para silipin kung sino ang bisita niya. Wala siyang makita sa peep hole kaya medyo kinabahan si Bella. Binuksan niya lang ng maliit ang pintuan saka sumilip. Dalawang tao ang nasa harapan ng unit niya na hindi niya inaasahan na makita doon. Ang asawa ng Daddy niya at ang anak nito na si Maya. Matalim ang tingin ng ginang na nakatitig sa kanya. Dating modelo ang ginang kaya napanatili nito ang pagiging glamorosa, may balingkinitan na katawan at halatang alaga ang kutis. Nabigla si Bella na makita ang dalawa doon dahil alam niyang sikreto ang tirahan niya sa pamilya ng Daddy niya. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan at hindi pinahalata na nabigla siya sa mga ito. "He-hello po." magalang na bati niya. "Leave this place!" diretsong sabi at hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa kung ano ang kailangan nito sa kanya. Nanlaki ang mata ni Bella dahil sa sinabi nito. "Huh? D-dito po ako nakatira." Tinaasan siya nito ng kilay. "As far as I know, this place is owned by my husband." nanghahamak ang tingin nito sa kanya, si Maya ay tahimik lang sa tabi nito. "Get out!" akmang papasok na ito sa loob. "No! Please, I am begging you¡­ wala akong malilipatan." pigil niya dito. Nagsimula nang mataranta si Bella. Nasa abroad ang Mommy niya at iniwan siya nito doon sa pangangalaga ng Daddy niya kaya wala siyang ibang matutuluyan kundi ang condo unit lang na iyon. Tinulak siya ng ginang dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. "Get out! Tatawag ako ng guard para paalisin ka dito. This is owned by my husband and basically mine! Hindi ka welcome dito." Nagsimulang mangilid ang luha ni Bella. Natatakot naman si Maya na makialam sa gilid. She wanted to help Bella but she was afraid. Hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Nauna lang siya ng ilang buwan na ipanganak sa dalaga Pailalim siyang tiningnan ng ginang. "Lumuhod ka sa harap ko saka ako magde-decide kung papayagan kita na manatili dito o hindi." Nakakuyom ang kamao ni Bella, kagat-kagat ang labi at hilam sa luha. Pag dating sa babae ay alam niyang wala siyang laban. "Do it!" singhal nito. "No, she will not!" sigaw ng isang malaki at halatang galit na boses. Malalaki ang hakbang ni Kai na lumapit at pinilit siyang itayo. May dalang isang malaking bag ang binata na halatang kauuwi lang nito mula ibang bansa. Nagulat si Bella na makita ito doon. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha sa binata dahil nasaksihan siya nito sa pangit na sitwasyon. Mas lalong hindi nagpapigil ang luha niya. "Sino ka para makialam sa problema namin? Hindi mo ba ako nakikilala?" "Wala akong plano na kilalanin ka. Ha! No wonder na pinagtaksilan ka ng asawa mo. Look at you, mukhang alaga sa lypo, mas makapal pa ang foundation mo sa mga gumagamit ng chin chun su. Tumabingi na ang ilong mo na halatang niretoke." pang-iinis ni Kai. "Y-you!You two, Get out of my house!" galit na galit ito kay Kai. halos mamula na ang mukha nito sa sobrang galit dahil inisa-isa ni Kai ang mga katangian ng ginang. "Misis, huwag masyadong mainit ang ulo." pang-aasar ni Kai. Halatang hindi nito nagustuhan na tawagin itong ''Misis''. Si Maya ay parang na-starstruck kay Kai. "Get oooout!" sigaw nito sa kanila. "Sure, pero sisiguraduhin ko na babawiin namin ang unit na iyan." sabi ni Kai sa ginang. Umismid ito. "Ha!Isang boytoy na tulad mo pa ang magsasalita sa akin ng ganyan. Bella, hindi ko akalain na mga ganito ang tipo mo. mukhang taga-iskwater!" Napangisi si Kai "I''m not bluffing, sisiguraduhin ko na mapupunta kay Bella ang unit na iyan. And I will make sure na ikaw ang luluhod sa susunod" Nabigla na lang si Kai nang tumayo si Bella at tumakbo palayo. Tumiim ang bagang niya na sumunod dito. Pagliko ni Kai sa mga pasilyo patungong elevator, nakita niya na kapapasok lang ng elevator ni Bella. Nakahinga siya ng maluwag nang makita sa itaas na bahagi ng elevator kung nasaan ang numero, na paakyat ang nobya niya sa floor kung nasaan ang swimming pool. Chapter 127 - Work hard for you Sumunod si Kai sa floor kung nasaan ang Amenities. Natagpuan niya si Bella sa isang pool bed nakaupo. Naka ankle-crossed sit si Bella at nakapatong ang mga braso sa tuhod. Nakatingin lang ito sa galaw ng tubig sa swimming pool habang lumuluha. Parang tinatarak naman ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos. Nilapitan niya ito at tinabihan. "Hey¡­" Naririnig niya ang mga paghikbi nito. Hindi naman alam ni Kai kung ano ang sasabihin. Hinagod niya na lang ang likuran ng nobya niya. "Do you want me to call your Dad?" Matigas na umiling lang ito saka yumukyok. Patuloy lang sa paghagod si Kai sa likuran ni Bella. "Huwag ka nang umiyak." Gusto niyang manuntok ngayon na nakikita niya na hilam sa luha ang girlfriend niya. "Nakakahiya, nalaman mo pa tuloy na wala akong kwenta, wala na akong titirhan¡­ Saan na ko pupulutin?" patuloy lang sa pag-iyak si Bella. "Huwag na huwag mong sasabihin na wala kang kwenta. Kung wala kang matitirhan, pahihiramin kita ng kumot at sabay tayo na matutulog sa kalye. Kung walang pupulot sa iyo, e''di sasamahan kita para sabay tayong pupulutin. Pwede tayong magpaampon kay Cally" pagbibiro nito kay Bella. Lalo namang lumakas ang pag-iyak ng dalaga. "I''m sorry, I''m not good at joking." "I''m a mistress'' child and alone¡­" reklamo nito sa buhay. "My Angel, It''s not your fault if you became a mistress'' child. At least, you are a good child." "I don''t have a home now¡­ I don''t have a family." kagat-kagat nito ang labi at nasabi tuloy isa-isa ang problema. Pinaharap niya si Bella at pinunasan ang luha nito sa pisngi. "Don''t worry, I will work hard for you. So, you can buy a bigger home someday. You can buy 5 condo units, one Villa surrounded with pink and white roses. What else do you want?" Nakatitig lang si Bella kay Kai habang nakakupkop ang mukha niya sa malapad na kamay nito. Pinupunasan nito ng magkabilang hinlalaki ang luha niya sa magkabilang pisngi. Napakagat-labi siya dahil sa sinabi nito. Para kasing nagmumula sa puso ang mga kwento nito. It''s sounds like it was his dream and not hers. He was the sweetest boyfriend indeed. Alam ni Kai kung paano pagagaanin ang loob niya. "Don''t say that you don''t have a family because you have me." Nakatitig ito sa kanya, sinusuri ng mabuti ang mga mata na para bang nananalamin ito doon. Nang sa palagay ng binata ay sapat na siya na titigan si Bella na sandaling tumigil sa pagluha, binigyan niya ito ng magaan na halik sa labi. Maya-maya, may kinuha si Kai sa malaking bag na bitbit nito. May kinuhang isang supot ng dark chocolate. "Pasalubong ko to sa ''yo e hindi ko akalain na kailangan mo''ng kainin agad." binuksan ng binata ang supot ng dark chocolate kisses, kumuha ito ng isang piraso saka nito pinakain sa kanya. "I wanted to see kung gaano katotoo na sasaya ang tao kapag kumain ng Dark chocolate" dagdag pa nito. Tahimik lang si Bella na sinunod si Kai. Sa palagay niya ay nakatulong ang binata sa nararamdaman niya. Paano na lang kung wala si Kai? "Okay ka na?" tanong nito matapos ang mahabang katahimikan. Mga tatlong piraso ng dark chocolate kisses ang pinakain nito sa kanya. "Hmmm." "Good!" nasisiyahan na sabi nito. Nagulat na lang siya ng binitbit siya nito at akmang tatalon sila sa swimming pool. "No! No! No! Ahhh!" Tili ni Bella. Napakapit siya sa leeg nito ng mahigpit saka napapikit. Bumalot agad ang lamig sa katawan niya dahil sa malamig na tubig ng pool. Todo ang kapit niya sa leeg at bewang ni Kai dahil maliit lang siya para sa five feet na taas ng pool. Hindi abot ng paa niya ang sahig at hindi siya marunong lumangoy. Gayunpaman, she felt safe dahil buhat siya ng binata. "Remember my words, kung may mga bagay na hindi mo kayang gawin, tuturuan kita para gawin ang bagay na iyon. Kung may bagay na suko ka na, I will always be here para magpa-alala na kaya mo ang lahat." Nakangiting sabi ni Kai. Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging leader niya bilang Dark Guard sa relasyon nila ni Bella. All he could do right now is to motivate her. Basa silang parehas nang makabalik sa palapag kung nasaan ang mga unit nila. Nakita ni Bella na nasa labas na ang mga gamit niya. Nalungkot siya sa sitwasyon. Malungkot siyang lumapit sa mga gamit. Pwede siyang magrenta ng apartment at maghanap ng part-time job. Tulad nga ng sabi sa kanya ni Kai, naniniwala ito na kaya niya ang problema na iyon. Naging pakunswelo na lang niya sa sarili ang isipin na mas maraming tao ang may mas mabigat na problema kaysa sa kanya. "Don''t worry, my Angel. Promise ko sa iyo na babalik ka sa kwartong iyan, bukas" sabi ni Kai. Saka siya nito tinulungan na ipasok muna ang mga gamit sa unit nito. Chapter 128 - Audition (1) Pinatuloy muna ni Kai si Bella sa tirahan niya dahil alam niya na mababawi ni Bella ang condo unit nito at kusang loob na ibibigay ng madrasta nito sa kanila ang susi. May inutusan na siyang Dark Guard para imbestigahan ang may edad na babae kahit nasa Japan pa ang mga ito. Nakisuyo din siya kay Cally na hiramin ang tauhan ni Zuki na si Hawk, kaya nagsisimula na rin itong maghanap ng pwede niyang ipang-blackmail sa madrasta ni Bella. "You can stay in this room. I''ll sleep on the couch outside" sabi ni Kai. "Y-you can stay here, I will be the one to sleep outside. Your couch is shorter than you.. And.. And uncomfortable" sabi ni Bella. Nahihiya naman siya na siya na nga itong nang-abala, ipapagamit pa sa kanya ang kwarto nito. "It''s okay. Ngayong gabi lang naman." "T-tabi na lang tayong dalawa." sabi ni Bella na hindi-makatingin sa binata. Napalunok naman si Kai. Is she inviting him? Iwinaksi niya sa isip ang bagay na iyon dahil parehas pa silang bata at kapwa estudyante. "Wala ka namang gagawin sa ''kin¡­ di ba?" halos hindi makatingin ang dalaga at tila inosente ang tanong nito. Namula ang pisngi ni Kai. Hindi niya maipapangako, pero sinagot niya ito ng "Wala" "Then, let''s sleep together here." umusog si Bella sa gilid. Walang nagawa si Kai kung hindi ang tabihan ito. Pinatay niya ang ilaw na nakadagdag sa tensyon sa loob ng kwarto. "Bakit ka nga pala napauwi bigla?" usisa ni Bella para mawala ang tensyon nila ng binata. Sumimangot si Kai nang maalala na kailangan niyang maging trainee sa MGM. Pero mabuti na rin at tinanggap niya ang hamon ni Cally dahil naabutan niya si Bella na inaapi ito ng madrasta nito. "May trabaho kami ni Prin." sagot ni Kai "Pwede akong sumama?" Kai "..." Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Bella na hindi normal ang trabaho nila ng kaibigan nito. Pero naisip niya na kailangan rin ni Bella ng trabaho at magandang pagkakataon na isama nila ni Prin ang dalaga. "I''ll ask Cally." simpleng sagot ni Kai. ===== Kinabukasan nagkita-kita si Bella, Kai at Prin sa opisina ng MGM. Nagtaka si Prin kung bakit kasama ng binata si Bella. "Hello My Friend! I need a job kaya nagtanong ako kay Kai kung pwede rin akong mag-audition." nakangiting sabi ni Bella na mas maganda pa sa bukang liwayway. Nakangiti lang din ang binata sa tabi ni Bella. Alam ni Prin na masaya lang ang ''ugok'' dahil kasama nito ang Angel nito, pero alam niyang sa loob-loob ni Kai ay nagrereklamo talaga ito dahil kailangan nila na mag-audition ng pagsayaw o pagkanta. Dadaan sila sa normal na proseso ng pag-o-audition para hindi sila paghinalaan. Si Yolly Zamora na isang Trainer at Manager ng mga trainees ang kausap ni Cally. Alam ni Yolly na spy si Prin at Kai. At asawa ni Cally ang babae kaya kailangan niyang magdoble ingat at alagaan ito ng mabuti. Unang beses niya na makita si Cally ay hindi niya akalain na bata pa ito. Gayunpaman, hindi rin lingid sa kanila na masyadong alaga ng Presidente si Prin lalo at nabigyan siya ng warning ni Xander. Nabigla pa nga siya nang malaman na may nagbebenta ng droga sa MGM Management. Bente singko ang lahat na mag-o-audition na gaganapin sa isang theater na matatagpuan sa gitnang bahagi ng MGM Buildings. Panghuli silang tatlo sa magp-perform. Isang Japanese piece ang sasayawin at kakantahin ni Prin na may title na ''Black Angel''. Si Bella ay kakanta ng Titibo-tibo. Anak siya ng isang celebrity kaya marunong at sanay siya sa ganoon. Samantalang si Kai ay sasayaw ng Always ni Cher. Wala siyang maisip na performance kun''di ang sayawin iyon. Nasa isip ni Kai at Prin na hindi naman nila kailangan talaga na galingan dahil makakapasok pa rin naman sila bilang bagong trainees. Naghanda pa rin sila ng mga nakalipas na araw kahit nang nasa Taiwan pa si Kai dahil hindi rin naman kaya ng sikmura nila na basta na lang makapasok. Kinakabahan si Prin dahil iyon ang unang beses na magp-perform siya sa stage. Napansin nila na may mga lumabas ng theater na luhaan at halatang hindi nakapasa. May mga pasado rin naman. Agaw-pansin silang tatlo nila Kai at Bella dahil hindi sila nagp-practice at tamang nagmamasid lang. Hindi katulad ng mga kasama nila na todo pa rin ang practice kahit naghihintay sa hallway. Ang dalawang magjowa na kasama ni Prin ay tila ginawang dating place ang audition at nagmukha pa siyang third-wheel ng mga ito. Sa wakas ay dumating na ang oras nilang tatlo. Naunang tinawag si Kai sa loob para mag-perform. "By the way, my friend. What is exactly going on?" usisa ni Bella. Nasa isip ng dalaga na hindi basta mag-o-audition si Kai at Prin bilang bagong trainee sa MGM. Chapter 129 - Audition (2) Alam ni Prin na hindi magk-kwento si Kai sa dalaga kahit nobya pa nito si Bella tungkol sa misyon nila bilang trainee. Wala rin naman siyang plano na magkuwento sa kaibigan pero mas mabuti na siguro na magsabi siya dito kahit kaunti. Titig na titig si Bella sa kanya kaya hindi niya nagawang magsinungaling sa babae. Humugot muna ng malalim na hininga si Prin bago nagpatuloy. "Alam ko na kahit papaano ay may naiintindihan ka sa nangyayari. I know that you noticed that we knew martial arts. Honestly, we are more skilled than martial artists." Hindi na nagulat si Bella doon. Sa ilang beses kasi na kasama niya sa Prin, muntik na siyang mapahamak pero madalas na nililigtas siya nito. "We trained hard in the past. Para kaming sinulid na papasok sa butas ng karayom. And¡­ Cally is not just a boyfriend. He is my husband" pagbibigay-alam niya dito. Doon nanlaki ang mata ni Bella at napatayo pa ito. "Whaaat!?" Hinila niya ulit ang dalaga paupo at sinabihan na huwag maingay. "Shhh¡­ Hey, huwag kang maingay, it''s a secret." "H-how come I didn''t know?" ang akala ni Bella ay magka-live in lang si Prin at Cally kaya madalas na magkasama ang dalawa. Kaya lahat din ng meron ang lalaki ay naibabahagi nito sa kaibigan niya. Hindi niya akalain na mas malalim pa pala ang samahan ng dalawa at sa edad nitong disin nuwebe ay magpapakasal na si Prin si Cally. Saka wala talagang balita na na may asawa na si Cally kahit sa MGM office bilang naroon nagtatrabaho ang Daddy niya. "Sorry my friend, ayoko lang kasi na iba ang isipin mo sa akin noon kaya ang pakilala ko ay mag-nobyo lang kami ni Cally. Alam mo naman ang Philippine culture, kapag nalaman na nag-asawa ako ng bata pa, they will mock me. They would think I will get pregnant or soon be pregnant." mahabang paliwanag ni Prin. "But don''t you have any plans to get pregnant?" tanong ni Bella. Napakamot sa ilong si Prin at namula ang pisngi. "We talked about it and¡­yes, hindi muna kami mag-b-baby dahil nag-aaral pa ko." simpleng sagot ni Prin. Sa loob-loob niya ay hindi talaga simple ang dahilan. Napag-usapan nila ni Cally na hindi magandang ideya na magkaanak sila nito sa kasalukuyan. Malalagay sa alanganin ang anak nila kaya nagkasundo sila na saka na magkakaroon ng baby kapag nasiguro na nila ang kaligtasan nila. Hindi pa lumilipas ang taon nang dukutin ang asawa niya at alam nila na nagmamatyag lang ang taong iyon sa kanila. Sasagot pa sana si Prin nang tawagin ang pangalan ni Bella na susunod na magp-perform. "Good luck!" sabi niya dito. Sa loob ng theater, natuwa ang mga auditioner sa ginawa ni Kai. Ginamit niya ang martial arts skills niya para magawa ng maayos ang performance. "We can train you para mag-model" "Yes, tingin ko ay okay na i-train ka namin para maging modelo." ito ang mga komento sa kanya. Ayos na iyon, ang mahalaga makapasa siya bilang trainee. Sumunod si Bella sa stage. Nanghiram siya ng gitara para magawa ng maayos ang performance niya. Inisip niya na kailangan niya ng trabaho kaya kailangan niyang galingan. Sa personality pasado si Bella sa auditioner. Si Kai sa kabilang banda ay nanatili sa theatre. Nanatili siya para manood sa ibabang bahagi ng stage dahil natagpuan niya si Cally na nagsosolong nakaupo doon. Hindi siya nagawang palabasin dahil si Cally ang kasama niya. Seryoso siya na pinakikinggan ang bawat salita at tono ni Bella kahit ang kilos ng kamay ng dalaga habang tumutugtog ito ay hindi niya pinalampas. He fell in love deeper sa babaeng ito. Sa palagay niya, nadadagdagan ang pagkagusto niya sa dalaga araw-araw. Bella''s speaking voice is sweet and her singing voice is much sweeter. Para siyang highschool na kinikilig at namumula habang nanonood. Pagkatapos ni Bella, halatang kinakabahan siya na naghihintay ng sagot mula sa audioner kung pasado ba siya o hindi. Matapos ang ilang sandali at sabihin sa kanya ang mga dapat niyang gawin, gusto niyang tumalon sa saya nang sabihin na pasado siya. Kai is also happy na nakapasa ang nobya niya. "Tsk! Your Angel is surprising." puna ni Cally. "Of course because she is my Angel." mayabang na sabi niya kay Cally. Ilang saglit lang nakita na nila na naglalakad si Prin sa stage. Pansin ni Kai na kinakabahan din si Cally para sa asawa nito. Humugot ng malalim na hininga si Prin bago niya narinig ang tugtog saka siya nagsimulang magperform. Wala namang kaso kahit Japanese song pa ang gagawin niya dahil ang mahalaga makatapos siya ng audition. Lihim na natatawa si Cally habang pinapanood niya ang Honey niya na sumayaw at kumanta. Chapter 130 - Sweetest Reward Sumaglit si Cally sa MGM theatre dahil gusto niyang panoorin si Prin kung paano ito sumayaw. Sa mga nakalipas na araw, nagp-praktis ang asawa niya sa Matsui VIlla at todo tanggi ito na makita niya kung paano ito sumayaw. O kung paano ito magpraktis. Prin performed like a living anime on the stage. She''s so cute in everyone''s eyes. Natatawa naman ng lihim si Cally dahil na-enganyo niya ang asawa niya na magsuot ng Card Captor Sakura costume na nababagay sa kanta nito. Tulad ng inaasahan, pasado si Prin. Si Yolly ang mag-a-arrange ng schedule nila sa mga darating at kailangan nilang alamin ang identity ng taong hinahanap nila sa mas mabilis na paraan. Nakasimangot naman si Prin na humiwalay sa dalawang magkasintahan para puntahan si Cally sa opisina nito. Bukod sa ayaw niya ng kausapin pa ang dalawa dahil nagmumukha lang siyang ''extra'' sa harapan ng mga ito, gusto niyang pagalitan si Cally dahil sa pinagawa nito sa kanya. Pagdating niya sa floor, sinalubong siya ni Cally na nakasuot ng itim na loose pants at active shirt. Kumunot ang noo ni Prin nang makita ang ayos nito. "Where are you going?" tanong niya dito. Hindi sumagot si Cally. Sa halip, inakbayan lang siya nito kahit nakasuot pa siya ng costume na Card Captor Sakura patungo sa kung elevator. Magkaiba sila ng awra ni Cally habang nasa tapat ng elevator. Si Cally mukhang magliligtas ng Prinsesa samantalang siya, mukhang maghahanap ng spirit cards. Nakakunot ang noo na sumunod siya sa asawa hanggang sa makaakyat sila sa pinakataas na palapag kung saan naroon ang Helipad. Wala naman siyang makitang helicopter bukod sa mga gear na kung anu-ano na nasa lapag. Alas sais na ng hapon ang oras kaya nagsisimula nang lumamig lalo at nasa itaas na bahagi sila ng building. Nililipad pa ng hangin ang palda ni Prin dahil sa lakas ng hangin. Hindi nagsalita si Cally at basta na lang siya sinuotan ng gear at safety belt sa tiyan saka ni-lock iyon ng mahigpit. Ginalaw-galaw ni Cally ang belt na nakakabit sa katawan niya para masiguro kung safe iyon. Saka siya sinuotan ng gloves sa kamay at pinapalitan ang suot niyang sapatos. "Husbie, ano ang gagawin natin?" may ideya na si Prin sa gagawin nila pero hindi niya pa rin naiwasan na mag-tanong. "Lilipad." Kinabit ni Cally ng mabilis ang hook ng belt na nakakabit sa katawan nito sa hook na parte ng helipad tatlong metro ang layo sa pinaka dulo na bahagi ng gusali saka ito tumakbo at basta na lang tumalon. Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Cally. Ginaya niya ang ginawa nito, kinabit din niya ang safety belt sa hook saka sumunod. Hinintay siya ni Cally dalawang palapag mula sa pinakatutok kung saan sila nanggaling. "This is my reward dahil nagawa mo ng maayos ang trabaho mo." Literal silang nasa gilid ng MGM Building at natutuwa si Prin sa gagawin nila ni Cally. They watch the sunset habang nakasabit sa gilid ng building. Mahigpit ang pagkakahawak nila parehas sa tali at sa lock Hinintay nila na lumubog ang araw saka siya hinapit nito. "Honey, you are the cutest among my artist and the cutest who climbed a wall so far" biro nito dahil nakasuot pa siya ng costume, hindi normal na suot kung magw-wall climbing. "Syempre, I have to support my husband" Biglang sumeryoso ang asawa niya. "Saksi ang city of Manila, I want you to know that I, Cally Han will never loved any other girl aside from my wife." Saka nito sinakop ang labi niya. Ang pangarap ni Prin na mahalikan ni Cally habang nagw-wall climbing ay natupad habang nasa paligid nila ang magandang tanawin. Unti-unting lumulubog ang araw sa gilid. Para siyang nalasing sa halik ng asawa niya, dahilan para muntik nang mabitawan ni Prin ang tali na hawak para manatili sila sa pwesto. Mabuti na lang at nakahawak ito sa bewang niya. "Naniniwala na ko na ''Safety first bago kissing''" sabi nito sa kanya. "Gan''on, mabuti nga at kissing lang at hindi mags.e.x sa gilid ng building" "idiot! Who will do that?" Tumawa lang si Prin sa naisip niyang kalokohan. Tumitig siya kay Cally matapos ang ilang sandali. "I love you so much, Husbie" bulong niya kay Cally. Hinalikan pa siya nito sa huling pagkakataon. "Okay, let''s end this. paunahan!" sabi nito saka sila parang mga langgam na nagtagisan pababa ng building. Chapter 131 - Her Boytoy Kumakain si Kai at Bella ng hapunan sa isang seafood restaurant na malapit sa Blue City Condo Tower nang isang tao ang nakita niya na papalapit sa kanila. Ang madrasta ni Bella. Kinakabahan siya, samantalang kalmado naman si Kai. Lihim na inangat nito ang labi. Iniisip niya na baka ipahiya na naman siya ng ginang doon na alam niyang imposible rin na gawin nito dahil kilala ang babae bilang asawa ni Martin Hernandez, ang Daddy ni Bella. Hindi nito basta-basta sisirain ang imahe sa publiko. Huminto ang ginang sa harapan ng magkasintahan. Hindi ito nagsalita at basta nilapag ang susi ng condo sa mesa, sa tapat ni Bella. Halata ang pagtataka sa mukha niya kung bakit biglang sinauli nito ang susi sa kanya. Hindi ito nagsalita at basta na lang sila tinalikuran. "Excuse me? Wala ka bang sasabihin?" habol ng binata sa ginang. Si Bella naman ay walang maintindihan sa nagaganap. "Babe, huwag mo na siyang pansinin." Bulong niya. Saglit na natuwa si Kai dahil unang beses siyang tinawag ni Bella ng ''Babe'' and he is happy. Pero mas inuna niyang intindihin ang ginang. Lumingon ang ginang sa kanilang dalawa. Nakangisi ng todo si Kai, wala namang maintindihan si Bella. Sumandal si Kai sa silya kung saan siya nakaupo at naghihintay sa sunod na gagawin ng ginang. "Hindi ka pa nagso-sorry sa girlfriend ko" hindi na nakatiis na sabi ng binata. Nakakuyom ang magkabilang kamao ng ginang na lumapit kay Bella. Napausog naman ang dalaga dahil baka may gawin ito sa kanya. "S-sorry¡­" mahinang sabi nito at halatang labas sa ilong. Bella "...." "Okay na ba?! I have to go! Nabalik ko na ang susi, siguro naman ay okay na." Mataray na sabi nito kay Kai. Labis-labis ang pagtataka ni Bella kung ano ang ginawa ni Kai para mapaamo nito ang ginang. Ano ang nangyari at ibigay nito pabalik ang susi ng condo sa kanya? "Hindi pa ko tapos. I don''t want to see you kahit na sa ground floor lang ng Blue City... You can go now!" Saka ito inismiran ni Kai. Halata ni Bella na nagtitimpi ng galit ang madrasta niya. "I will not promise na huli na natin itong pagkikita. Hihintayin ko ang araw na maghihiwalay kayo, saka kita babalikan" banta pa nito kay Bella. "Well, goodluck na lang sa paghihintay mo, dahil kinakain na ng uod ang katawan mo, hindi pa kami naghihiwalay! Umalis ka na lang." Nabubwisit lang si Kai na makita ang babae sa harapan niya. Hindi naman ito ang magulang ni Bella kaya bakit niya igagalang ang babae? Ang lakas pa ng loob nito na isumpa ang relasyon nila ng Angel niya. Gamit ang mga koneksyon, napag-alaman niya na may nilalanding binata ang ginang. Nasa edad trenta pataas ang boyfriend nito sa ngayon. Sakto pa na nakakuha sila ng mga picture ng mga pagpasok ng ginang sa motel na kasama ang lalaki nito. Lahat ng ebidensya ay nakuha ni Kai sa loob lamang ng magdamag. Kaya tulad ng pangako ni Kai kay Bella, sa araw na iyon ay babalik ito sa tirahan nito. ***** (Pag-alala ni Kai sa naganap) Nang umaga na iyon, tinawagan niya ang ginang habang natutulog pa si Bella. "Ibalik mo ang susi sa girlfriend ko, ako ang lalaki na tinawag mong taga-iskwater." Pakilala ni Kai sa ginang. Nagulat ito dahil nalaman niya ang numero ng personal nitong telepono. "At bakit ko gagawin?" Tila nais nitong makipagmatigasan sa kanya. "Simple lang... because I know your secrets. You have a boyfriend recently at sigurado ako na hindi mo magugustuhan kapag lumabas ang balita na ito, tama?" "You are just bluffing! I don''t want to talk to you!" Hindi siya nito pinaniwalaan. Maingat ang ginang sa mga paglabas-labas nila ng boyfriend nito kaya bakit siya agad maniniwala. Isa pa, may magagawa ba ang isang taga-iskwater sa kanya? Balewala na binabaan nito ng telepono si Kai. Kaya ang ginawa ng binata, inutusan niya ang tao ni Zuki at nagpahatid siya ng hard copies ng mga kalokohan nito sa manager ng babae. Naka-atensyon pa rin naman ang brown envelope sa ginang na may lamang mga pictures at palitan nito ng mensahe sa lalaki nito. Mas may trill nga lang kung ang makakatanggap ng envelope ay ang manager nito. Para maisip nito na hindi siya nagbibiro at seryoso siya na bawiin ang bahay na dapat ay kay Bella. Nang hapon, matapos ang audition nila, hindi na nagulat si Kai nang makatanggap ng tawag sa babae at sinabi niya ang gusto niya dito. "I want you to give that condo unit to Bella as a gift. I will pay the donation tax pero gusto ko na mapunta na ng tuluyan ang condo unit na iyon sa girlfriend ko." "Nahihibang ka ba?!" Galit ito sa kabilang linya. Umismid si Kai. "Hindi ako nahihibang. Sa ating dalawa ikaw ang nahihibang. I can buy Bella a bigger condo unit kahit ngayon, but I want that place for her" sa pananaw ni Kai, karapatan ni Bella ang kung ano mang bagay ang ibinigay dito ng Daddy nito. Kaya binabawi niya lang kung ano ang pag-aari ng girlfriend niya. "You? Will buy her a bigger condo? Huwag mo nga akong patawanin" panghahamak nito. Naniniwala kasi ang ginang na walang lalaki na may sinasabi sa buhay ang magkakagusto kay Bella. Katulad lang si Bella ng Mommy niya. "Oh! So you really thought that I''m a boytoy?" "Bakit? Hindi ba?" "I respect your decision but try to search my name. The Google has it. Anyway, meet us at a seafood restaurant near Blue City Tower at ibalik mo ng personal ang susi sa girlfriend ko. Bye!" Bilang modelo at asawa ng aktor, may reputasyon na pinahahalagahan ang babae, kaya nanggigigil ito na pumayag sa gusto ni Kai. Chapter 132 - Secret Transaction Kapwa nagtatagisan si Prin at Cally sa pagbaba sa gilid ng MGM building nang mapansin niya ang asawa na biglang huminto sa tapat ng 15th floor. Hinila siya nito at pinigil. Sinenyasan siya na huwag maingay. Saka pinakinggan ang dalawa na nag-uusap sa ladies comfort room. "Sigurado ka ba na enjoy ito?" narinig nilang tanong ng isang babae. "Of course! Marami na ang bumili sa akin. Mas masarap kapag dalawa kayo ng boyfriend mo ang iinom nito. Sigurado na mas masarap ang s.e.x niyo mamayang gabi" Hindi nakaligtas sa mag-asawa ang pinag-uusapan ng dalawang babae, sigurado na tungkol ito sa droga. Nagkatinginan sila ni Cally. "Sige, I will send my payment to your bank account. Thanks! Siguraduhin mo lang na hindi ito lalabas sa publiko dahil isa akong public figure." sabi ng babae na sa tingin ni Prin ay celebrity doon. "Thanks!" Narinig nilang bumukas ang pintuan at may pumasok na mga babae. "Hey Pia! Kanina pa kita hinihintay dito lang pala kita makikita." "Coming!" matapos iyon ay puro tsismisan na ang narinig ni Prin at Cally. Maingat silang nagmadali pababa para walang makapansin sa kanila. Sa garden ng building sila nakababa ni Cally saka pinindot ang pin ng mga safety belt. Sabay na umangat paakyat ang mga tali na sumuporta sa kanila pabalik sa hook na nakakabit sa helipad. Swerte na may nakuha silang impormasyon sa ginawa nilang trip ng asawa niya. Kinuha ni Cally ang cellphone nito na nasa bulsa nang masiguro na walang tao sa paligid. "May bagong lead kaming nakuha ni Prin, Isang babae ang hinahanap natin. Isang baguhan na trainees o manager o empleyado natin sa legal department. Pakihanap na rin kung sino ang may pangalan na Pia sa MGM Corp." sabi nito sa kausap na sa tingin ni Prin ay si Xander. "Okay." huling narinig niya na sinabi nito. Hinawakan siya sa kamay ng asawa saka parang walang nangyari na naglakad sa garden. Iniwasan nilang pag-usapan ang nadinig dahil nasa publiko silang lugar. Alam ni Prin ang nasa isip ni Cally, ang floor kung saan nila nadinig ang pag-uusap ay Legal department. Doon ginaganap ang contract ng mga trainees na may natanggap na trabaho o artist. Posible na ang Pia na nadinig nila ang tulak, maaari rin naman na ito ang bagong customer. Hindi pa rin malinaw pero lumiit ang mga tao na maaari nilang paghinalaan. Sa sasakyan, May tinawagan si Cally. " Please look at the CCTV Womens room, 15th floor, Building A, 1815 today." sabi nito sa kausap saka binaba. Napapalakpak si Prin sa nadinig. "Oh my gosh Husbie! You are so brilliant!" puri niya dito. Nilingon siya ni Cally. "I''m always brilliant, why?" "Dahil naisip mo na makikita natin ang taong hinahanap natin thru CCTV." puri ni Prin. "Honey, seriously, I thought you knew what I was thinking earlier. Of course, we are in MGM office. Lahat ay may camera pwera na lang sa Comfort rooms kaya posible na doon ginagawa ang transaksyon¡­ The good news is, malapit na nating makilala ang taong hinahanap natin." sabi ni Cally. "Anyway, nag-enjoy ka ba?" nilapit nito ang katawan niya palapit dito. "Yes." nakangiti niyang sagot. "Good. Here''s your extra gift" kinuha ni Cally ang laptop at hinanap ang pinadala ni Xander na kopya ng audition ni Prin. Nanlaki ang mata ni Prin nang makita ang thumbnail na halatang kinuha nang magperform siya ilang oras ang nakalipas. "Oh¡­ please don''t watch it" nahihiya niyang sabi. "No honey, you are so cute in your performance" panunudyo ni Cally Inagaw niya ang laptop nito. "No!" "Honey, wala ka na rin namang itatagong mukha sa akin dahil napanood kita ng personal kanina." Lalong nanlaki ang japanese eyes ni Prin. "Y-you watched me?" "Of course! Palalagpasin ko ba naman ang ginawa ng honey ko. Si Kai nga ay ginamit ang posisyon ko para panoorin ang angel niya." Hiyang hiya si Prin. "Ohh.. " nahihiya na tinakpan niya ang mukha ng dalawang kamay. "Don''t worry Honey, I will make sure na mapapanood ito ng mga anak natin sa future para malaman nila na may cute silang Mommy na nagtangka na sumayaw at kumanta sa MGM theatre." dagdag pa nito. Pinalo niya sa dibdib ang asawa. Naiinis siyia lalo at mukhang saglit na lang silang mag-iimbestiga. Nagsimula nang magmaneho si Cally at lumalim ang pag-iisip niya. Alam niya na kahit ma-solve ang isyu ng droga sa MGM, kailangan nilang pagtuunan ng pansin kung sino ang leader ng South Caracass Gang tulad ng pangako si Rob sa senador. Bigla niyang naisip si Mr Sy. "Call your Dad." utos niya kay Prin. Nagtataka man ay sinunod siya nito. Nilagay niya sa speaker ang tawag. Matapos lang ang ilang ring, kumonekta ang tawag sa kabilang linya. "Uncle Rob." simula ni Cally. Mas sanay siya na tawagin itong Uncle Rob kaysa Daddy. Medyo ilang siya na tawagin na Daddy si Rob. "Do you think may kinalaman si Mr Sy sa South Caracass Gang?" "Hndi ako sigurado. Ang sigurado ako ay -- Hindi umalis ng bansa si Mr Sy" Chapter 133 - That Voice Nagtungo si Prin, Kai at Bella sa Training Hall kung saan gaganapin ang meeting. Ipapakilala sila sa mga naunang nakapasok na trainees. Sinusundan nila si Ms Yolly Zamora hanggang makarating sa training hall. Naroon na ang limang bagong trainees, dalawang manager at ang tatlo pa na nakapasa rin sa audition tulad nila. Sa bente singko na nag-audition, anim lang sila ang nakapasok. Hindi alam ng anim kung anu-ano ang mga ginawa nila noong audition bukod kay Kai dahil napanood nito ang performance ni Prin at Bella. Titig na titig kay Kai ang mga babae na trainees at hindi na nabigla si Prin. Sorry na lang dahil kasama ng binata ang ''Angel'' nito. Si Bella ay masaya na papasukin niya ang mundo ng Daddy niya. Sinimulan na ipakilala ang lahat. Pinakikinggan naman ng mabuti ni Prin ang lahat habang nagsasalita ang bawat isa para masino niya ang taong narinig sa ladies comfort room, lalo na sa naunang trainees sa kanila dahil isa sa mga ito ang suspek, pero hindi niya nakilala ang boses kahit isa sa limang naunang trainees. Posible na nakadagdag ang echo sa CR ng araw na iyon o kaya naman ay dahil halos pabulong lang na nagsalita ang taong hinahanap niya. Hanggang sa madinig niya ang boses ng isang manager, si Ms Cristy Evangelista at ang kasabay nila na nag-audition, si Andy Perez. Sigurado si Prin na narinig niya ang boses ng dalawang babae sa restroom. Ginamit niya ang daliri para senyasahn si Kai na nasa tabi, nakuha nito agad ang signal. Kalmado lang silang dalawa na pinuna ang parehas na babae. "So, I hope everyone will work hard" sabi pa ni Ms Cristy. Iniwan sila nito at ni Ms Yolly para daw magkakilanlan ang lahat. Matapos makaalis ng dalawang manager, lumabas agad ang sungay ng dalawa sa naunang trainees. "Kayong mga bago, huwag ninyong isipin na porque nakapasok kayo ay may chance nang mauna kayo na makakuha ng trabaho sa ''min. Ilang buwan na kami dito at iilan pa lang ang trabaho na nakukuha namin." Nakilala niya si Susan Yu na nagsalita. Nakataas lang ang kilay ng kasama nito. Hindi naman ito pinansin ni Prin at hinarap si Kai at Bella. Hindi siya nagpunta sa training hall para maghanap ng kaibigan kaya hindi niya pinansin ang reklamo ng babae. Sigurado si Prin na kung walang Bella silang kasama, iritable ang hitsura ni Kai sa mga oras na iyon. Kaya hindi na siya nagtaka na kalmado ang lalaki at very supportive boyfriend sa kaibigan niya. "Alam mo Leader MB5, nakakatakot ka na ngayon. Totoo nga na nagbabago ang lahat sa pag-ibig" pagbibiro niya dito. "Pwede kong i-suggest kay Ms Yolly na gawin kayong Love Team. Bagay e!" "Sorry na lang dahil pang pribado lang ang relasyon namin. Bakit kailangan pa namin maging love team sa MGM, e Love team kami in real life?" sagot sa kanya ni Kai. Namumula lang si Bella sa tabi nito. "Hay grabe¡­ makata ka na rin ngayon!" "Power of Love¡­" sagot ni Bella. Panay ang ngisi nila nang lapitan sila ng dalawang babae. "Hey, Kayo!" nakahalukipkip pa ito at nakataas ang kilay ni Susan. "Magpraktis na tayo, bawal ang tatamad-tamad." sabi nito. Tiningnan lang ni Prin ang babae dahil wala siyang plano na magpraktis. Ang role niya doon ay alamin kung sino ang ''tulak'' kaya bakit siya mag-eeffort na sumayaw at kumanta. Isa pa, she''s a boss kaya gagawin niya ang gusto niya. "Bawal magligawan dito" sabi pa ng kasama ni Susan. "Hindi na kami magpapraktis dahil mas gusto niyo naman na makakuha ng trabaho kaysa sa amin. Kaya nga mas maganda kung galingan niyo at huwag niyo na kaming intindihin pa." sabi ni Prin dito. Si Bella at Kai ay tamang nakikinig. "I''m not talking to you!" sagot kay Prin. Inikutan na lang ni Prin ng mata ang babae. Naiintindihan niya na kung bakit wala pang kontrata na nakukuha ang dalawang babae. Parehas kasing walang ginawa kun''di ang silipin ang ginagawa ng kapwa trainees. "Mabuti pa Leader Kai, ilibre mo kami ng Ramen ni Bella." sabi niya sa lalaki. Alam niyang maraming pera si Kai kaya kinapalan niya na ang mukha na magpalibre. "Ayoko." sagot nito. "What? Daming pera, ayaw manlibre." "Mas mabuti pa nga, Babe. Gusto kong kumain" aya dito ni Bella. "Okay!" Prin "..." Isang aya lang mula sa nobya nito ay payag na, samantalang siya madami pang diskusyon. Sumunod na lang siya sa dalawa para lumabas. "Hey! Where are you going?" puna ni Susan. "Kakain dahil nagutom kami sa ngawa mo" sagot ni Kai dahilan para mapahiya ang babae. "Alam mo Leader, mabuti at hindi natin kasama si Bella sa training ng Dark Guards. Kung hindi, baka nagbubuhay prinsesa siya habang kaming lahat ay pinarurusahan mo" puna niya habang papunta sa Ramen House na nasa ibaba lang ng MGM Building. "She doesn''t need to be a Dark Guard because I am here para iligtas siya." Gusto ng sumuka ng dugo ni Prin sa narinig. Nasaan na ang striktong Kai? na ayaw ng pabebe, pero naging pabebe na ngayon? Habang umoorder, sabay silang nakatanggap ng mensahe mula kay Cally. [Meeting at Matsui Villa, 4PM] Chapter 134 - Suspects Maaga silang nagpaalam kay Ms. Yolly para makauwi dahil kailangan pa nilang um-attend ng meeting sa Matsui Villa. Sinigurado muna ni Kai na naihatid nila si Bella bago sila tumuloy sa Matsui Villa. Hindi nila maaring iwan si Bella sa training hall lalo at hinahanap pa nila ang taong ''tulak''. ''Pag dating ni Prin at Kai sa general hall kung saan gaganapin ang meeting nila ay naroon na si Cally, Xander, Cobra at Zuki. Naroon din si Rob na pare-parehas na naka-indian sit sa bawat gilid ng Japanese table. Tinabihan ni Prin ang asawa na hawak ang laptop nito na nakakabit sa isang projector. Si Kai sa isang gilid. "Let''s start!" Simula ni Rob. Saka diniliman ng kaunti ang kwarto. "Okay, kaya ko kayo pinatawag nang biglaan para mas mabilis na ma-identify ng bawat isa ang taong hinahanap natin." Si Cally. "Nang nakaraang araw, narinig namin ni Prin ang isang transaksyon sa ladies comfort room. Pinahanap ko kay Xander ang CCTV sa hallway na malapit sa lugar para ma-identify ng mas malinaw ang mga taong nasa loob ng comfort room ng mga oras na iyon." Pinindot nito ang laptop at pinapanood sa kanila ang kuha sa parehas na oras kung kailan nila narinig ni Cally ang transaksyon. Una nilang napansin ang isang babae na halatang celebrity na pumasok ng CR. Sa tingin ni Prin, ito ang buyer. Maya-maya nakita nila na magkasunod na pumasok si Ms. Cristy, ang bagong manager at Andy Perez, ang bagong trainee sa loob at sabay din na lumabas kahit hindi pa lumilipas ang isang minuto. Naguluhan si Prin. Ilang minuto bago nila nakita na may tatlo pang babae na nagsipasukan sa loob na pare-parehas celebrity. Lumabas ang dalawa sa mga ito. Tapos pumasok muli si Ms. Cristy. Lumipas ang isang minuto bago nila nakita ang grupo ng mga babae na pumasok muli sa comfort room. Bago nila nakita ang naunang celebrity na lumabas kasabay ng dalawa sa mga babaeng bagong pasok. Lumalim ang nasa isip ni Prin dahil wala siyang makuhang lead. "The bad news is, walang nagngangalang Pia sa mga nakita natin na pumasok ng CR. Good news, is tatlo sa kanila ang iimbestigahan natin." Pagbibigay-alam ni Cally. "Husbie, may sasabihin pala ako..." Tininganan niya ang bawat isa. "...Sigurado ako na narinig ko ang boses ni Ms. Cristy at Andy sa comfort room nang araw na iyon. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanila¡­ at parehas ko silang nakita na pumasok sa loob ng comfort room" Tumango si Cally. "Ang suspek natin¡­" pinakita ni Cally ang larawan ng tatlong babae at kasama si Ms. Cristy. Ang unang larawan ay ang naunang celebrity (Celebrity A) na pumasok sa loob ng CR. Pangalawa si Ms Cristy at pangatlo ang isa pang Celebrity (Celebrity B) na kasabay na pumasok ng dalawa pang kapwa celebrity rin. "Tatlo sila ang tao sa CR nang marinig natin ang transaksyon" sabi ni Cally. Nanlaki ang mata ni Prin. "Tatlo sila?" Hindi maiwasan na magtaka si Prin lalo at iniisip niya na hindi makikipag-negosasyon ang kahit na sino nang mayroong witness. "Yes. And we can''t identify kung sino ang buyer o tulak." Paliwanag ni Cally. Sunod na pinanood nito sa kanila ang CCTV naman sa White Devil. Nang gabi rin na iyon ay kapwa nasa lugar ang tatlong babae at pare-parehas na may date ang mga ito. "Ngayon, I am certain na isa sa kanila ang hinahanap natin." Lumalim ang nasa isip ni Prin. "Husbie, I want to see that comfort room. because I think there is something wrong. Dalawang tao lang ang nadinig natin. How come na tatlo ang naiwan?" "Dahil nadinig natin ang nag-uusap malapit sa bintana at posible na nasa dulong bahagi ng cubicle naroon ang isa pa." "Pwedeng si Celebrity A ang talagang hinahanap natin dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR. Pwede rin naman na si Ms Cristy at Celebrity B." "I think the ''Pia'' we are looking is the celebrity A." Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Kai. "I think so too. Dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR at base narin sa narinig ninyo ni Prin, matagal na siyang hinahanap ng kung sino man na bagong pasok." Si Rob. "Kung nagkataon na nadinig niya lang ang usapan, sigurado na nasa alanganin ang lagay niya." Si Zuki. "Kai and Prin, manmanan niyong mabuti si Ms Cristy sa opisina. Zuki, ikaw ang bahala kay Celebrity A. Cobra, ikaw ang totoka kay Celebrity B" utos ni Rob. "By the way, may balita ba kay Mr. Sy?" Tanong ni Cally. "Ang balita ay nasa south siya ngayon at may posibilidad na siya ang leader ng South Caracass, may posibilidad din na partner siya ng talagang leader nito." Pagbibigay-alam ni Zuki. Chapter 135 - What is happening? Habang pauwi, hindi maiwasan ni Prin na isiping mabuti kung sino ang taong hinahanap nila. Seryoso siya na pinagtutugma ang narinig nila ni Cally sa napanood nila na lumabas-masok sa loob ng Ladies comfort room. Kinuha niya ang laptop at sinimulan na i-play muli at pinag-aralan ng paulit-ulit ang kuha sa CCTV . Nilingon naman siya ni Cally sa tabi dahil sa pananahimik niya. "Honey, okay ka lang ba? Ilang linggo na lang at tapos na ang bakasyon niyo sa school. We have to know the person''s identity as soon as possible." Nilingon niya si Cally. Halata na seryoso rin siyang makita ang taong hinahanap nila. "Husbie, I am sure na isa si Ms. Cathy sa narinig ko na boses sa comfort room." "Kaya nga galingan mo ang pagsayaw at pagkanta para makuha mo agad ang sagot." Tiningnan niya ito ng masama. "Hmp! Sigurado na pinagtripan mo lang kami ni Kai pero alam mo naman talaga na hindi na namin kailangan na mag-audition ''di ba? Gusto mo lang talaga na parusahan kami parehas" saka niya ito inirapan. "Wow Honey, I am happy for you!" sabi nito sa kanya. "Bakit?" takang tanong niya dito. "Dahil tumatalino ka na. You are getting brilliant day by day." Prin "..." Ang galing ng asawa niya ''di ba? Tama bang tudyuin siya kahit sa oras na iyon. Sakto naman na huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Tinitigan niya ito ng masama. Hanggang sa mga oras na iyon ay inaasar pa rin siya nito at tinutudyo siya sa kakayanan ng utak niya. "Honey, don''t give me that look. Iisipin ko na gusto-gusto mo nang makita ang little monster ko kaya palagi kang nakasimangot o galit." "Y-y-you?!" Nakangisi lang ang asawa niya at tila natutuwa pa ito lalo sa mga reaksyon niya. "Yes Honey? It''s not my fault. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng doktor na one month kang suspended at wala pang one month ang lumipas nang maospital ka." Parang siya pa ang sinisisi nito sa nangyari. Sasagot pa sana si Prin nang mag-ring ang telepono ni Cally. Si Zuki ang tumatawag sa asawa niya. "Yes?" sagot ni Cally na nakaspeaker "Shi, may problema. ''Yung pinababantayan mo sa aking celebrity... namatay" Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagkatinginan sila ni Cally. "What happened?" usisa ni Cally. "Overdosed sa drugs" sagot nito sa kabilang linya. "Please investigate kung ano ang nangyari." huling sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag. Sunod na tinawagan niya si Xander. "Master?" sagot nito sa kabilang linya. "Celebrity A died due to drug overdose. Please call her manager and confirm kung ano ang nangyari" utos ni Cally. Halatang nagulat din ang binata sa kabilang linya. Lumaki ang problema nila lalo at under ng MGM management si Celebrity A na pinasusundan nila kay Zuki. "It means, she was the buyer we are looking." nakapangalumbaba na usal ni Prin. "Hindi pa tayo sigurado. Posible na kusa siyang pinatay dahil naroon siya sa lugar." Ilang saglit pa tumawag din si Cobra. Kinakabahan silang parehas dahil mukhang hindi rin maganda ang balita na sasabihin nito. "Master, papunta ng airport si Celebrity B." sabi nito sa kabilang linya. Napakuyom ng kamao si Cally. Mukhang dumating ang problema nila hindi pa man lumalalim ang imbestigasyon.. "Pigilin mo siya, bring her sa opisina kung kinakailangan. I think we don''t have a choice now kung hindi ang usisain sila ni Ms. Cathy. Call Zuki and tell him to bring Ms. Cathy sa MGM office." "Master... iyan pa nga ang rason kung bakit ako napatawag." sabi nito. Kinakabahan si Prin at Cally sa sasabihin ni Cobra dahil mukhang hindi maganda ang balita nito. "...Namatay din sa overdose si Ms. Cathy" Lalong nanlaki ang mata ni Prin. ''Shit! What is happening?'' Bakit isa-isang namatay ang suspect nila, hindi man lang lumipas ang isang araw. Pinakalma ni Cally ang sarili. "Get Celebrity B. tell her na pinapatawag ko siya sa opisina ko." Walang nagawa si Prin at Cally kung hindi ang bumalik sa opisina. Chapter 136 - Mystery in Ladies Comfort Room (1) Kinakabahan si Celebrity B, o tawagin natin sa pangalang Jopay. Kadarating niya lang sa paliparan kahit dis-oras ng gabi. Nagsuot siya ng shades para hindi makilala. Bago siya lumabas ng sasakyan ay isang malakas na ring ang nagpakabog sa dibdib niya. Isang kilalang numero ang tumatawag. "T-they are dead." bungad niya dito. "W-what about me?" kinakabahan niyang sabi sa kausap. "Mangibang bansa ka na muna. Nasa Airport ka na ba?" sagot nito sa kabilang linya. "Yes¡­ pero --" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na nito ang tawag. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Siguradong sira ang career niya dahil sa nangyari. Kumuha muna siya ng yosi na nakapatong sa ibabaw, saka iyon sinindihan. Para siyang maiiyak na hindi maintindihan. Stressed ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa nangyari. Binuksan niya ang bag at nakita niya pa doon ang dalawang piraso ng drug pills. Halos maiyak siya na nagkaroon siya ng problema dahil dito. Nang dahil sa droga at pagmamahal ay sinira niya ang career niya na inalagaan sa loob ng maraming taon. Habang kumakabog ang dibdib, isang katok sa bintana ang bumulabog sa kanya na halos lumundag ang puso niya dahil sa bigla. Hindi niya kilala ang lalaki na kumakatok sa bintana. Nakasombrero ito kaya hindi niya namumukhaan. Seryoso ang mukha nito. Inulit nito ang katok kaya napilitan siyang buksan. Binuksan niya ang bintana pero nanlaki ang mata niya nang maglabas ito ng patalim at akmang ip-pwersa patungo sa kanya. "Ahhh!!!" tili ni Jopay. Noon niya lang napagtanto na hindi dumeretso sa kanya ang patalim dahil isang kamay ang pumigil dito. Isang lalaking mahaba ang buhok na hanggang balikat ang pumigil sa kamay ng naka-cap na lalaki. Kumakabog ang dibdib na lumipat si Jopay sa passenger seat para lumayo. Pinilipit ng lalaking long hair ang braso ng naka-cap dahilan para mabitawan nito ang patalim. "Ahh!" hiyaw nito. Matapos iyon ay gumanti ito ng suntok sa long hair. Gumilid ng kaunti ang mukha nito dahil sa pagkakasuntok at natigilan saglit. "hmm... mukhang matapang ka. I like it!" ngumisi ito. matapos nito iyong sabihin ay tila sinapian ng demonyo ang lalaking long hair. Gumanti ito ng suntok sa mukha sa una. Hindi rin naman nagpatalo ang lalaking naka-cap, tumira ito ng ilang sipa na sinangga ni Long hair. Kinakabahan si Jopay, gusto niyang lumabas ng sasakyan pero mas kinakabahan siya na masaktan ng dalawang lalaki. Kapwa hinihingal ang dalawang lalaki matapos ang palitan ng tira. Dumura pa ng kaunting dugo ang naka-cap sa isang gilid. Dalawang metro ang layo ng mga ito at kapwa kumukuha ng lakas. "Sino ka? Masyado kang pakialamero!" angil ng naka-cap. "Hmmm¡­ pasensya ka na, pero hindi mo siya pwedeng patayin dahil hindi pa siya nakakausap ng master ko." sagot ni Long hair o ni Cobra. Nag-aapoy ang mga mata ng dalawang lalaki para sa isa''t isa. "Wrahhh!" tila galit na sumugod ng sipa ang naka-cap. Sinangga naman ni Cobra ang bawat tira nito. Saka ginantihan din ng sipa sa mukha. Tumilapon ito sa lapag kung saan naroon ang patalim. Tumayo muli ang lalaki nang hawak-hawak na nito ang patalim at sumugod para saksakin si Long Hair o Cobra. Nadaplisan nito sa braso ang lalaki. Sa gigil ni Cobra, hindi na niya pinatagal pa ang pagkakataon, hinuli niya ang kamay nito at binali gamit ang tuhod. "Ahhhhh!!" hiyaw nito. Buong pwersa siyang humugot ng lakas para tirahin sa leeg ang naka-cap dahilan para makatulog ito. Matapos masigurado na hindi ito magigising sa loob ng ilang oras, binitbit at basta pinasok ni Cobra ang lalaking naka-cap sa likod ng sasakyan ni Jopay. "Mag-drive ka." utos niya sa babae. Nangangatog naman si Jopay na sumunod sa kanya saka niya tinawagan si Cally. "Shi Cally, may gustong pumatay kay Jopay sa airport, hawak ko ang suspek." Ilang saglit na natahimik ito sa kabilang linya. "Okay, let''s change the meeting place. Bring him to Matsui Villa." utos ni Cally bago nito binaba ang tawag. "S-shi Cally?" tanong ng babae habang nagd-drive. Hindi ito pinansin ni Cobra. Mas minabuti niya na bantayan ang lalaking nawalan ng malay. ===== Takot na takot si Jopay na dinala sa general hall kasama ng lalaking gustong pumatay sa kanya. Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya. Hindi siya makatakas dahil secured ang lugar na pinagdalhan sa kanya. "N-nasaan ako?" tanong niya kay Cobra. "Master Cally wants to talk to you." Nanlaki ang mata ng dalaga. Dumoble ang kaba niya lalo''t narinig niya ang pangalan ng Presidente. "K-kuya, ano ang gagawin sa akin ni Master Cally?" natatakot niyang tanong. "Hindi halimaw si Master Cally para katakutan mo ng ganyan. Unless¡­ may ginawa kang kalokohan sa opisina." Umangat ang labi ng babae at nangatog. Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan at pumasok si Cally, kasunod si Prin, Kai, Zuki at Rob. Chapter 137 - Mystery in Ladies Comfort Room (2) Unang beses na makita ni Jopay si Cally. Napakagat siya sa labi, wala siyang ideya sa kung ano ang talagang itsura ng Presidente pero ramdam niya na ang lalaking malakas ang dating na nauuna sa pagkilos ang Master Cally nila. Isa pa, may hawig ito sa chairman. Kinakabahan siya na yumuko. "M-m-master" uutal-utal na bati niya. Seryoso lang ang mukha ni Cally at wala siyang makitang emosyon sa lalaki. Binuhusan ni Zuki ng tubig ang lalaking naka-cap sa mukha dahilan para magising ito. Bumalikwas ito ng bangon. Pilit man na tumayo ang lalaki tinapakan na ito ni Rob sa dibdib saka tiningnan ng pailalim. "Who are you?" tanong ni Rob sa lalaki. Umangil agad ito. "I won''t tell you." saka ngumisi. Hindi na nagdalawang isip si Rob na tapakan sa mukha ang lalaki ng may pag-gigil. "Ahhhhh!!!" Sumigaw ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Rob. Umangil ito ng paungol. Abot-abot ang takot ni Jopay sa gilid dahil sa nasaksihan. Nagsimula na itong umiyak. Binaba ni Rob ang sariling katawan para pantayan ang mukha ng lalaking naka-sumbrero. Nag-aapoy ang mata nito na tila kayang patayin ang lalaki ano mang oras. "Inuulit ko, Sino ka?" Nagkikiskis ang mga ngipin ng lalaki dahil sa sobrang galit kay Rob. Umismid si Rob "The truth is, hindi ko naman kailangan na hingin ang sagot mula sa iyo. Kaya kong alamin kung sino ka sa mas mabilis na paraan pero mukhang mag-eenjoy ako na paglaruan ka muna." sabi nito sa nakakademonyong boses. Napalunok ang lalaki. Pero halata na hindi pa rin ito magsasalita. "Ikaw!" binalingan nito si Jopay. "Hu-huwag niyo po akong saktan" nakikiusap na sabi ng babae. "Dad, Calm down, kami na ang bahala ni Cally sa kanya." hinawakan ni Prin ang daddy niya at pinakalma. Nakahalukipkip lang ito na nag-indian sit sa pinakasulok. "You!" tawag ni Cally dahilan para mapatuwid ng tayo ang babae. "I want to know kung kailan ka pa nagsimulang magbenta ng droga sa opisina." seryoso na sabi ni Cally sa babae. Bilang lingon kay Cally ang lahat. Hindi nila inasahan iyon. Nanlalaki ang mata ni Prin sa narinig. Ang taong ito ang suspek nila? "M-m-master¡­" sabi nito at napakagat-labi. "Magsalita ka. Mapapatay ka na ng kasabwat mo ay hindi mo pa alam." mahinahon lang na sabi nito. Kita sa mukha ni Jopay ang labis na pagkabahala. "A-ano po ang ibig niyong sabihin?" sinubukan niyang magkaila dahil mas nananaig ang takot ni Jopay na mawala ang trabaho niya. Doon na umismid si Cally sa unang pagkakataon. Si Prin ay kunot ang noo dahil kahit anong galaw ng utak niya ay hindi niya akalain na ang babae ang hinahanap nila. Si Kai at Zuki ay kapwa seryoso at tamang nakikinig lang. "I will tell you what happened that night in 15th Floor, MGM Building A." simula ni Cally. Nanlaki naman ang mata ng dalaga, napalingon sa gawi nila ang lalaking naka-cap. "Celebrity A went to that comfort room to wait for you and Cristy. Nagtagal siya doon ng ilang minuto para magpanggap na nagm-makeup o kung ano pa man. When Cristy came in, she doesn''t expect na kasunod niya si Andy Perez¡­ Kaya hindi muna sila nakapagsimula ng transaction." "... Matapos ang ilang minuto naghanap ng tyansa si Cristy para makabalik ng comfort room. Tama?" "...Then you came in before Cristy. Your drug transaction started." Hilam na sa luha si Jopay matapos marinig kay Cally ang lahat. Si Prin ay nagulat sa mga sinabi ng asawa. ''How come he knew?'' binawi niya rin agad sa isip dahil muntik niya nang makalimutan na matalino nga pala ang asawa niya. "M-m-master¡­" usal ng dalaga. Ang inalagaan niyang reputasyon sa loob ng ilang taon ay siguradong matatapos sa oras na iyon. "Jopay, It''s better for you to speak dahil sigurado ako na ang taong pinagtatakpan mo ang siyang gustong pumatay sa iyo." dagdag ni Cally. Halos hindi makapaniwala si Jopay sa nadinig. "Hmp! Mas mabuti pa na unahin na natin ang lalaking ito para magtanda siya at sabihin sa atin ang lahat" singit ni Rob. Tumayo pa ito at pinatunog ang mga buto sa kamay. Natakot si Jopay pati ang lalaking naka-cap. "Uunahin natin ang mukha mo!" sabi nito. "Si Police Major Jaime Guzman! S-sya po." umiiyak na biglang sabi ni Jopay. Chapter 138 - Mystery in Ladies Comfort Room (3) Tila nakahinga ng maluwag si Jopay matapos masabi ang pangalan. "Gaga ka! Sa palagay mo ba ay kaya kang proteksyunan ng mga ito kay Police Major?!" sigaw ng lalaking naka-cap. Iyak ng iyak ang dalaga. "Pero bakit gusto niya akong ipapatay, siya ba ang nag-utos sa iyo?" hindi makapaniwala si Jopay. Hindi ito sumagot kaya napikit siya. "I love him so much, so why?" dagdag nito na umiiyak. "Gaga! Akala mo naman ay ikaw lang ang babae niya--" hindi na nakapagpigil si Rob na sinuntok sa mukha ang lalaki. Naiingayan na kasi siya dito. Umangil ang lalaki at nanggagalaiti pero sinuntok muli ito ni Rob ng isa pang beses. Agad namang nagtipa si Cally sa cellphone ng lihim at pinadala kay Mat-mat na pinsan niya. [Please send me everything about Police Major Jaime Guzman] "M-master, paano niyo pong nalaman na nagbebenta ako ng droga sa opisina?" Tiningnan muna ni Cally ang babae bago nagpatuloy. "Nang unang beses na magsalita ka kanina at sabihin mong huwag kang sasaktan." simpleng sagot ni Cally. Natahimik si Jopay. "Nang araw na iyon isang salita lang ang narinig ko mula sa iyo at iyon ang ''Thanks! Tatlo kayo ang talagang nasa comfort room, si Cristy ang kasama mo na nagbebenta. Halos lahat ng pang-aalok ay nanggaling sa kanya para kay Celebrity A. at tingin ko, ikaw lang ang naghahanap ng prospect buyer." "...At sigurado ako na ikaw si Pia." Iyak lang ng iyak si Jopay dahil tama ang lahat ng sinabi ni Cally. Si Prin ay talagang nagulat sa mga nadinig. Nang dahil sa ''thanks!'' nakilala na agad ito ni Cally? Isang salita lang iyon at nasino agad nito si Jopay? Gusto niyang magreklamo bigla kay Lord kung bakit kulang ang skills at talino na pinaambon sa kanya. "Ngayon, gusto kong malaman kung paanong nakapag-overdose ng drug si Celebrity A at saka si Cristy" ito ang tanong ni Cally na hindi niya maintindihan. "Dahil nakita ni Celebrity A na sinundo ako ni Police Major sa set kung saan kami nagkasama nang nagdaang araw. Nagsimula siyang i-blackmail ako" "And she knew or rather assumed na galing ang mga droga na binebenta namin kay Police Major. Binigyan ko siya ng tatlong gamot na libre at sinabihan na mas maganda kung sabay sabay niya iyon na iinumin." "Si Ms Cristy naman ay may nagawang mali ng araw na iyon, dahilan para ipapatay siya ni Jaime. Hindi po ako sigurado kung ano po iyon¡­" halos hindi makatingin ang dalaga sa kanila pero iniisa-isa nito sa isip ang lahat ng naganap. "...Si Ms Cristy ang talagang nakakakilala kay Jaime, matagal na siyang tauhan ng nobyo ko. Nang makilala ko si Ms Cristy sa isang event, sinimulan niya akong usisain. Pinakilala niya ako kay Police Major o mas tamang sabihin na binugaw niya ako, Master" patuloy na umaagos ang luha ni Jopay. Nang dahil sa pagmamahal sa lalaki, nasilaw siya at pumayag na maging kasangkapan nito. Si Cristy ang talagang nagbebenta, at siya ang naghahanap ng buyer. Nakagat niya ang labi para pigilin ang luha. Huli na para magsisi na nagkamali siya ng taong pinagkatiwalaan. Doon na nag-init ang ulo ni Prin. "binugaw ka?!" Tumango ang babae. "Does it happen always sa MGM artists?" tanong ni Prin. Bilang babae, nababahala siya. Natatakot si Jopay na tumingin kay Cally bilang presidente ito ng opisina nila saka tumango. "Especially sa trainees" "Fu*k that monster!!" hindi napigilan ni Kai ang magmura. Lalo na at may plano si Bella na magtraining sa MGM. Paano niya ngayon pipigilan ang dalaga na huwag na nitong ituloy ang plano na kumanta o magtrain sa MGM? Gusto niyang manuntok o manggulpi ng tao. "Nang ma-inlove po ako sa kanya, tingin ko, naging daan po iyon para utusan niya na rin ako na maghanap ng bibili ng droga." pinunasan ni Jopay ang mga luha niya. "wrahhhh!!!!" Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw ang lalaking naka-cap at mabilis na tutunguhin ang pwesto ni Jopay, para patayin ang babae. Mabilis ang mga naging pagkilos ng apat pang lalaki. Si Kai bilang malapit sa katana ay hinila iyon at mataas na tinalon ang lalaki. Diretso sa bumbunan ng ulo nito ang matalim at mahabang espada pababa sa katawan nito. Nanggigil si Kai na pinilit na ipasok ang lahat ng metal na iyon sa loob ng katawan ng lalaki. Unti-unting kumakalat ang dugo sa cap na suot nito. Para itong barbeque meat na tinutusok sa mahabang bamboo stick. Nanghilakbot si Jopay sa takot. Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa nasaksihan lalo na ng unti-unting malaglag ang katawan ng lalaki sa sahig. Nanlalaki ang mga mata nito na hinimatay. Nangigigil si Kai sa narinig na binubugaw ang mga artists ng MGM at napagbalingan niya ng galit ang lalaki. "It''s his fault!" angil pa ni Kai. Si Prin sa kabilang gilid ay napapailing, kapag kasama nito si Bella ay tila sinasapian talaga ito, dahil ang inakto ni Kai nang mga oras na iyon ang totoong ugali ng binata. Chapter 139 - We have the same Dream Hindi mapakali si Prin, she is cracking her brains sa kung paano at kung ano ang mga naganap ng gabi na iyon. Nakaupo lang siya sa ibabaw ng kama, nakapatong ang mga braso sa magkatabing tuhod. Habang si Cally ay nasa loob ng shower room. Nasa custody ng Daddy niya at Senator Cruz si Jopay, para sigurado sila na walang mangyaring masama dito. Lumabas si Cally ng shower room at una nitong napuna ang malalim na pag-iisip ni Prin. "Honey, what is it?" tanong ni Cally habang pinupunasan ng twalya ang buhok. "Come here" pinagpag ni Prin ang ibabaw ng dulong bahagi ng kama. Pinaupo niya si Cally doon. Kinuha niya ang hawak na twalya nito saka niya sinimulan na punasan ang basang buhok nito. "Honey, I just felt bad for MGM Artists." sabi ni Prin. "Why?" "Na binubugaw sila ng Manager and specially they are doing those things sa trainees. Dahil mas uhaw sa trabaho ang trainees mas malaki ang chance na pumayag kung sakali man na ipagamit ang mga katawan nila sa kung kanino man." sabi niya habang parang anak na batang lalaki si Cally na pinupunasan ang dark brown nitong buhok. "To be honest, hindi na namin nat-track ang bagay na iyan sa MGM. Though, my Family is very strict ''pag dating sa ganyan simula pa ng panahon ng lolo ko. And you know my Mom is very advocate in humanity, even her teaching sa schools are free." "My Dad and I are very much busy with MGM and honestly even if we worked hard 24 hours a day, it will not be able to satisfy all the problems we encounter day by day" Tumango lang si Prin. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin dahil ganoon din naman ang Mommy niya na isang business woman. "Hindi lingid sa kaalaman namin na may nagaganap na ganyan but it''s out of our control. Lalo na kung ang may gusto naman ay ang artist like Jopay, she fell in love with the man. So, labas ang MGM doon." "What about Bella? for sure she will decide to stay." Nag-aalala niyang tanong kay Cally. "Bella, is safe. Sa palagay mo ba, hahayaan ni Kai na mapahamak ang Angel niya? And, she will be safe under Ms. Yolly''s hands." Tumango-tango si Prin saka ibinalik na dito ang towel. Hinawakan ni Cally ang kamay niya. "Sit here" turo nito sa binti. Umupo si Prin paharap sa asawa niya saka ipinatong ang magkabilang braso sa balikat nito. Pinaglalaruan naman ni Cally ang buhok ni Prin habang haplos nito ang pisngi niya sa kabilang palad. Napansin na ni Prin na paboritong gawin ni Cally sa kanya ang iikot ang buhok niya sa mga daliri nito. Ilang saglit lang, hinila nito ang leeg niya para halikan siya sa labi. "Honey, do you have a dream?" Tanong ni Cally sa pabulong na paraan. Bigla siyang napaisip sa tanong nito. She look at his eyes. Noon, ang tanging pangarap niya lang ay makasama si Cally pagdating ng araw. She trained so hard for a couple of years, so she could marry this man someday. Naniniwala kasi siya noon na deserve ni Cally ang magaling na babae, ''yong babaeng pwede nitong isama sa kahit saang laban. Matapang at hindi mahinang babae. Nang maikasal na siya kay Cally, nag-upgrade ang mga kagustuhan niya. "Yes, to be with you everyday is one of my dreams." Sagot niya dito. "Very good! Because we have the same dreams." Hinalikan siya ni Cally sa labi. A kind of kiss that can melt someone''s world. Hawak pa nito ng mahigpit ang baba niya na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Mabibigat ang paghinga nila pagkatapos. He suddenly grabbed both of her b.r.e.a.s.t after. She saw hunger in his eyes. "Hus...bie¡­ we can''t..." halos hindi na lumabas sa bibig niya. Naisip niya na parehas na ang anyo ni Cally nang panahon na naospital siya sa mga segundo na iyon. At hindi na maaari na magbalik na naman siya sa ospital. "I promise to be gentle this time. Practice makes perfect." Sabi nito na ikinapula ng mukha ni Prin. Saka tinanggal ang humaharang na iyon sa dibdib niya. Hindi tinatanggal ni Cally ang pagkakatitig kay Prin kahit isang segundo. "I love you so much, my wife and I can''t bare to lose you even a second" Chapter 140 - Couldnt bare to lose her Hindi nilabas ng grupo ng opisina ni Cally na namatay si Celebrity A nang dahil sa overdose ng droga. At ganoon din kay Ms. Cathy Evangelista, na namatay ito dahil sa parehas na rason. Hindi makakaganda sa imahe ng opisina kung sasabihin nila ang totoo. Ganoon din sa lahat ng celebrity ng MGM at kailangan nilang proteksyunan ang lahat. Si Assistant Xander at Assistant Drake ang nagtulong para ilabas ang balita. Nagtrabaho din ang dalawa para ilabas sa loob mismo ng opisina na lahat ay required na kumuha ng drug test na gaganapin din sa opisina. Ang grupo naman ni Rob ang umasikaso ng hiding place ng grupo ni Police Major Jaime sa tulong ni Jopay. Habang abala ang lahat, nasa higaan pa si Prin at si Cally. Isang haplos sa pisngi ang gumising kay Prin. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at isang warm undertone skin ang bumungad sa kanya. "Hmmm" ungol ni Prin. "Honey, kailangan na nating gumising. Kailangan nila tayo sa opisina" "hmmm¡­ I can''t Husbie... Napagod na ko maghapon kahapon. Then you used all of strength last night, I''m not going" reklamo niya in a raspy morning voice. Hindi pa sapat ang ilang oras na tulog niya dahil naubos talaga ang lakas niya nang nagdaang araw sa pabalik-balik na byahe papuntang MGM, sa Matsui Villa, sa bahay at sa ensayong ginawa nila ni Cally nang nagdaang gabi. "okay, I''ll give you an extra hour to use my chest for resting" Hindi niya na inintindi pa na sumagot. Hinayaan naman ni Cally na magpahinga muna si Prin. Habang nakapikit pa ito na nakadapa sa dibdib niya, he look at his wife habang pinapagapang ang hibla ng buhok nito sa pagitan ng mga daliri niya. What he said to her last night is true. He couldn''t bare to lose even a single strand of her hair. Noon, ang alam lang niya ay ang misyon niya sa buhay. Sinunod niya ang gusto ng pamilya niya. Noon pa man, alam niya na ang purpose niya ay mamuno pagdating ng araw. Pamunuan ang pitong pamilya para maging mapayapa ang mundo. He knew from the start that they are not simple and he was doing all of these things because he loves his parents so much. He accepted the challenge in order to save his family. Tinanggap niya ang hamon na inayawan ng Daddy niya noon. Pero simula nang maging asawa niya si Prin, isang pangarap ang talagang sumibol sa pagkatao niya. And that was to be with this girl every single day. He is looking forward to have a peaceful life someday with Prin. Tumingin siya sa labas ng bintana. ''Gon Peter¡­'' naalala niya ang lalaki. Ligtas lang silang lahat kung sakali na mawawala sa larawan ang lalaki. Biglang nagbeep ang cellphone niya at mula kay Mat-mat ang mensahe. [The person you asked me to investigate is dangerous. He is the South Caracass Gang Leader. Not only he sells drugs thru Mr. Sy, he is also engaged with human trafficking and arms smuggling. I sent all the information in your email. Uncle Rob must stop this guy] ===== Nagising si Prin dahil sa ring ng cellphone niya sa gilid ng kama. Noon niya lang napansin na mag-isa na lang siya sa kwarto and it''s five in the afternoon. Posible na pinabayaan siya ni Cally na magbawi ng lakas. Nakita niya ang pangalan ni Bella na tumatawag. "Yes My friend" naghihikab na bungad niya dito. "Prin, where is Kai?" halata na hindi ito mapalagay. At halata rin na pabulong lang magsalita ito sa kabilang linya. Kumunot ang noo ni Prin. "I don''t know, maybe he was in the office together with Cally." "Prin, help me¡­ hindi ako makakonekta kay Kai. I was invited by Maya para mag-unwind, she brought me to her friend''s house but I saw them knocking out my sister. I-I hid in the restroom and ahhhhhhh!!!!" tumili ito ng pagkalakas lakas na halos masira na ang tenga niya. Nagising ng tuluyan si Prin. "Bella!!!!!" sigaw niya sa telepono. Nanlalaki ang mata ni Prin. Anong nangyayari? Maya-maya pa, narinig niya na may kumakaluskos sa kabilang linya at may kumuha ng telepono ng kaibigan niya. Mga paghinga mula sa isang lalaki ang nadidinig niya. Hindi na niya napigilan na murahin ito. "G*go ka kung sino ka man!!! I want to see your face right now! Kapag sinaktan mo ang kaibigan ko, I will definitely put an ex mark on your face. Dudukutin ko ang mata mo at ipapakain ko sa kasama mo" "hmm¡­ let''s see. Too bad, because I already have her. Ba bye!" Chapter 141 - Where is Bella? (1) Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Prin na ayusin ang sarili at tawagan si Cally matapos matanggap ang tawag ni Bella. "Husbie, are you with Kai?" Tanong sa asawa. "Yes, we are in general hall awhile ago. kalalabas lang namin" Sagot nito. Ang tinutukoy ni Cally ay ang general hall na nasa Matsui villa at alam ni Prin na naka-block ang kahit anong tawag o signal sa loob ng kwarto para sa security nang kung ano man ang mapag-usapan sa loob. Lumabas siya ng kwarto ng naka-black leather pants at isang itim na blusa, nakapusod ang mahaba niyang buhok habang kausap si Cally sa kabilang linya. Kailangan niyang magmadali kaya double time siya sa pagkilos. "Husbie, please put me on speaker." Utos niya dito. Hinanap niya ang susi ng motor ni Cally sa drawer kung saan nakalagay ang mga susian ng sasakyan at ng bahay. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa sasabihin. "Someone got Bella. She called me five minutes ago. Please ask someone to locate her phone." "What?!" Si Kai ang nadinig niya sa kabilang linya. "Kai, she called you pero hindi daw siya maka-konekta. She called me instead. She was with Maya at may dinalaw daw na kaibigan. Then, these friends knocking down her sister bago niya ako nakausap. Nagtago siya sa CR nang nakausap ko siya." "Shi*t! I''ll ask MB002 to track her phone''s location. Magkita tayo as soon as possible." Sagot nito sa kabilang linya. Sakto na nakita ni Prin ang susi ng motor ni Cally. Agad silang gumawa ng aksyon para ma-trace ang huling tawag ni Bella kay Prin. Hindi naglagay ng GPS si Kai sa cellphone ng dalaga para magkaroon ito ng privacy kaya gumamit sila ng ibang paraan. Matapos ang sampung minuto, sumagot sa kanila si Tom mula sa Japan at binigay ang eksaktong address kung saan nagmula ang lokasyon ni Bella gamit ang phone details ni Prin. Lihim silang kumonekta sa satellite para ma-hack ang tawag. Nagmadali si Prin na makapunta sa lugar gamit ang itim na BMW S1000 na motor ni Cally. Nagdala siya ng dalawang patalim, maliit na baril para makasiguro sa kaligtasan niya. Hindi nila alam kung sino ang kalaban. [Be careful Honey, we are still working with South Caracass issue] mensahe ni Cally sa kanya. Sa loob lang ng sampung minuto ay huminto siya sa tapat ng isang apartment. Magkasunod sila ni Kai na nakarating sa lugar na naka-motor din ng oras na iyon. Namukhaan niya na kay Cobra ang motor na ginamit nito. Kilala niya si Cobra na hindi basta-basta magpapahiram ng sasakyan, kaya hindi niya alam kung ano ang ginawa ni Kai para mahiram nito iyon. Posible na may pinalitan ang lalaki o kaya naman ay ninenok nito ang motor. Halatang nagmadali rin ang binata para makarating sa lugar para iligtas si Bella. Nasa anim na talampakan ang kulay krema na gate ng apartment, two-storey house iyon at may nadidinig silang malakas na tugtog ng rock sa ikalawang palapag. "Alamin niyo kung sino ang may-ari nitong bahay. Saka kung sino ang kasalukuyang nakatira" utos ni Kai sa telepono na sa tingin ni Prin ay si Tom. Sabay na sumampa si Prin at Kai sa pader saka tumalon papasok sa loob. Parehas silang maingat sa pagkilos lalo at hindi nila alam kung ilan ang tao sa loob ng bahay sa kasalukuyan. Hindi nila alam kung sino ang kalaban. Sinenyasan siya ni Kai na aakyatin nito ang pader papuntang second floor. Nagbigay lang si Prin ng ''okay-sign''. Si Prin naman ay nanatili sa main door. Sinilip muna niya ang bintana na katabi ng pintuan. Madilim sa loob ng bahay pero naaaninag pa rin ang loob. Nang mapansin na wala siyang makita kahit anino na kumikilos sa loob, dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Magulo ang mga gamit na halatang nagkaroon ng komosyon sa lugar. Naalala niya ang sinabi ni Bella na pinatulog ang kapatid nitong si Maya. Sa tingin ni Prin ay nanlaban ang babae kaya makalat doon. May nakita siyang apat na baso sa mesita. Hinala niya na dalawang tao ang kasama ni Bella at Maya. Tatlo sa baso ang may bahid ng lipstick. Naisip niya na babae ang isa pang kasama ng mga ito. Saka siya tumuloy sa CR kung saan niya nakausap ang dalaga at sinimulan na inspeksyunin ang lugar. Chapter 142 - Where is Bella? (2) Si Kai sa kabilang banda ay nakaakyat ng tahimik sa terrace ng ikalawang palapag. Sinilip niya ang bintana at may nakita siyang babae at lalaking nagse-s.e.x sa loob. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sinipa ang pintuan ng malakas habang nahihibang ang dalawa sa loob. Halatang nabigla ang mga ito nang makita siya. Dinampot ng lalaki ang baril nito na naka patong sa gilid na drawer. Pero bago pa siya nito paputukan ay hinagis ni Kai ang isang ''shuriken'' sa braso ng lalaki. Isang Japanese blade o ninja blade na hugis star na may limang matutulis at matalim na bagay ang nakaikot. Nabitawan agad nito ang baril na hawak. "Ahh!!" Hiyaw nito. Kinuha naman ng babae na kasama nito ang flower base na nasa ibabaw din ng maliit na cabinet at akmang ihahagis kay Kai. Halatang hindi ito bihasa at basta na lang dinampot kung ano ang natipuhan nito. "I dare you to throw that, I will throw you outside" banta niya sa babae na tinuro pa ang terrace. Kinuha na lang nito ang baril at nangangatog na tinutok sa kanya. "H-huwag kang lalapit" Noon napansin ni Kai na suot nito ang binigay niyang jade na hairpin kay Bella. Uminit agad ang ulo niya. How dare this girl na suotin ang bagay na binigay niya kay Bella? "Hmm¡­ too bad you messed with my girl." Nanlilisik ang mata ni Kai na nakatitig sa babae. "H-huwag ka sabing lalapit!" Banta nito at saka nakapikit siyang pinaputukan. "Oops! You missed!" Hinagis naman ng lalaki ang shuriken pabalik kay Kai na nakatayo sa gilid ng kama at natuwa ito nang makita na umikot iyon hanggang sa dumikit ang dulong patalim sa braso niya. Ngumisi si Kai saka naglabas ng apat pa na shuriken mula sa tagong bulsa at sabay-sabay na hinagis sa lalaki. Dumikit ang tatlo doon sa dibdib nito at sa hubad na ''alaga'' nito ang isa. "Ahhh!!!!" Hiyaw nito. Nanlalaki ang mata nito habang tinitingnan ang nagdudugo nitong alaga. Nangulay pula na ang kama mula sa kawawa nitong junior at sa iba''t-ibang parte ng nasugatan na dibdib. Dahil sa lakas ng hagis ni Kai, bumaon ng mas malalim ang shuriken at hindi agad ito nakabawi ng lakas. Saka nanggigigil na hinugot ni Kai ang shuriken sa braso niya at sinuksok pabalik sa bulsa. Walang pakialam si Kai sa nagsugat niyang braso. Mas nanaig sa kanya na hanapin at makita si Bella. "Young lady, where is Maya and Bella?" Tanong niya sa babaeng nakahubad ang katawan. Wala siyang pakialam kahit wala pa itong saplot sa katawan at sa totoo lang ay hindi siya nagagandahan dito. Kahit isang porsyento ay walang wala ito sa angel niya. Nakagat nito ang labi nang madinig ang dalawang tao na hinahanap niya. "I-I don''t know them! You are trespassing!" Sabi na halatang natatakot kay Kai saka siya pinaputukan ng limang beses. Nailagan ni Kai ang mga bala na tinira nito hanggang sa makalapit siya dito at masakal niya ang babae. Inipit niya ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang baril na hawak saka nagkakakawag. Inangat niya ang katawan nito habang mahigpit na hawak ang leeg. Umangat ang paa ng babae mula sa sahig at hinawakan ng dalawang kamay nito ang kamay ni Kai na nasa leeg ng babae. "Sa-sak..lolo¡­" halos namamaos na ang babae at malapit nang mangasul ang kulay. Hinila niya ang hairpin na gawa sa jade sa dry na buhok nito. Pinilit ng lalaki na makabangon para makaganti kay Kai. Napansin niya iyon kaya sinipa niya ito pabalik sa kama, saka walang awang hinagis ang katawan ng babae dito. Tumunog ang mga nabaling buto mula sa katawan ng dalawa. Inuubo ang babae at pinilit na lumanghap ng hangin dahil sa ginawa niya dito. "Nagagawa mo pang magsinungaling, matapos mo itong nakawin!" tukoy niya sa jade hairpin. Nag-aapoy ang mata ni Kai at anumang oras ay mapapatay niya talaga ang babaeng nasa harapan. "Don''t you know it was personally created for her? I was the one who designed this! Kahit ang buhay mo ay hindi kayang bayaran ang hairpin na ''to" sabi niya sa babae. Bakas ang takot sa mukha nito. Dinampot ni Kai ang baril na nasa lapag saka itinutok sa dalawa. "Where is Bella?!" Galit na angil niya. "Kai!" Tawag ng bagong pasok na si Prin saka tumalikod. Ayaw niyang makakita ng ibang monster bukod sa monster ni Cally at napansin niya na hubo''t-hubad ang dalawa sa ibabaw ng kama. "Where the hell is Bella?!" Galit na galit si Kai na parang sinapian ng masamang espirito at alam ni Prin na hindi makakabuti kung tuluyan nito ang dalawa. "Calm down Kai... ask them to cover at least" Ginawa naman ng dalawa. Nagtakip ang mga ito ng kumot. Matapos ang sandali, hinila ni Prin ang babae. "You! You are the friend who invited them, right?" "Hu-huwag niyo po akong sasaktan..." nakikiusap ito habang nakatingin sa nanlilisik na mata ni Kai. "Who is the other guy who get them?" tanong ni Prin dahil sigurado siya na wala dito ang lalaking nakausap niya sa telepono. Bago pa makasagot ang babae, pinaulanan ng bala ang kwarto kung saan sila naroon mula sa labas. "Shit!" Hinila siya ni Kai para dumapa saka mabilis na gumilid. Nakita nila na parang mina-massacre ang dalawa sa ibabaw ng kama mula sa mga bala galing sa labas. Nang makabawi si Kai, nilapitan at saka sinilip niya ang bintana. Napansin niya ang pagkinang ng isang bagay sa ibabaw ng bubong sa katapat na bahay. Sigurado siya na salamin iyon ng isang armas. Mula sa pinakagilid ng bintana, pinatamaan niya ng bala ang kung sino man na nasa bubong na iyon. Chapter 143 - The guy in white suit Pinatamaan ni Kai ang kung sino man na nasa bubong ang nagpapaputok gamit ang baril ng lalaking nasa ibabaw ng kama. Halatang natamaan niya sa braso ang kung sino man na iyon. Yumuko ito para magtago saglit. Nagpaputok siya ng maraming beses hanggang sa maubusan siya ng bala. "Sh*t!" Nangigigil na hinagis niya ang armas sa kung saan. Nakita niya na tumayo ang lalaking nakaputi na overall suit nang mapansin nito na wala na siyang magagamit na armas. Puting leather pants at shirt na puti rin. May maliit na marka o simbolo na pula sa kanang dibdib. Ngumisi lang ito na para bang nakikita siya nito sa loob. Wala itong pakialam kahit pa may daplis ito sa braso. Lumabas si Kai sa terrace at nagkatitigan silang dalawa ng lalaking nakaputi. Maya-maya pa, nagbigay ito ng ''salute'' sign habang nakaangat ang gilid ng labi. Sumunod si Prin sa terasa at buong-lakas na hinagis ang kanyang patalim sa lalaki. Dumaplis ang patalim sa pisngi nito ng bahagya pero nahawakan ng lalaki ang handle. Nanlaki ang mata ni Prin. ''Who the hell is this guy?!'' Tapos ay kumaway ito sa kanila ng pamamaalam ng nakakaloko. Saka tumalon bitbit ang armalite na ginamit sa kanila mula sa bubong pababa. Ilang saglit pa, nakita nila na sakay na ito ng motor kasama ang isa pang naka-puti rin palayo sa lugar. Nasuntok na lang ni Kai ang bato ng terrace. "Kai, who the hell are they?" Kunot ang noo na tanong ni Prin. "I don''t know but we have to find Bella as soon as possible." Nakakuyom ang kamao ni Kai na bumalik sa loob ng kwarto. Halatang nanggigigil pa rin ang binata at hindi mapalagay. Parang na-chop ang mga katawan ng dalawang nilalang sa ibabaw ng kama. Literal na taong nabutasan ang dalawa mula sa mga bala na pinaulanan ng lalaking nakaputi. Nakadilat pa ang mata ng babae na halos lumuwa na iyon at halatang takot talaga ito nang binawian ng buhay. Umiikot na rin sa buong kwarto ang malansang amoy ng dugo mula sa dalawa. Sanay na sila sa mga ganoong eksana kaya wala man lang kakaibang reaksyon sa kanila ni Kai. "Let''s bring kung ano ang mga kailangan na pwede nating magamit." Sabi ni Kai. "I saw this sa CR sa ibaba." Nilabas sa bulsa at inabot ni Prin ang basag na cellphone ni Bella sa binata. May Hello Kitty kasi iyon na bling kaya alam ni Prin na gamit iyon ng kaibigan niya. Lalong kumuyom ang palad ni Kai saka nilagay ang cellphone sa bulsa nito. Tinapik ni Prin ang balikat ni Kai. "We will find her soon don''t worry." Nalungkot si Prin at halata na galit din siya sa nangyari. Hindi nila alam kung sino ang kalaban pero sa galing ng lalaking nakaputi, may hinala siya na nagpaparamdam sa kanila si Gon Peter. Ang grupo nito lang ang tanging may kakayahan na pantayan ang skills ng Dark Guards. Kinuha nila ang laptop, cellphone, kopya ng cctv sa bahay at sa katapat na bahay. Kinuha nila ang lahat ng bagay na maaaring magamit saka sabay na bumalik sa Matsui Villa. Halos mag-aalas nuwebe ng gabi na silang nakarating sa tahanan ng Matsui. ===== Sa isang sasakyang pandagat na nakatigil ilang metro mula sa dalampasigan¡­ Isang helicopter ang lumapit dito at tumalon mula doon ang isang lalaking naka-white suit. Sa loob ng cabin, isang lalaking may ginintuang buhok at nakaroba ng pula ang umiinom ng raki, isang uri ng alak na kilala sa Albania ang nakalagay sa isang clear na baso. Nakaupo lang ito sa isang malambot na couch na pinapatungan ng tiger wool rug. Habang hinihimas-himas ng isang kamay ang alagang leopard sa tabi. Lumapit dito ang naka-puting suit na nanggaling mula sa helicopter. "Master, South Caracass got Kai''s girlfriend." pagbibigay-alam nito. "Hmm." "We saw Kai and Prin, sigurado na iisipin nila na tayo ang kumuha sa babae." Matagal na natahimik ang Master nito na halatang nag-iisip ng mabuti sa susunod na hakbang. "Yes, but please... get that girl for me. Mukhang importante ang babaeng ito kay Kai at Prin." Sabi bago lumagok ng alak. "...Do you have news about his shogun?" Tanong nito bago nagsalin muli ng alak sa gamit na baso. And tinutukoy nito ay si Lorenz. "Yes. He was still in UK for training dahil malapit na ang labanan ng Dark Guards para sa posisyon. Tingin ko, gusto ni Lorenz na manatili ang posisyon sa kanya." Umismid ang lalaking may ginintuang buhok. "Get that shogun for me! dahil siya ang kanang kamay at matalik na kaibigan ni Cally." Sabi bago lumagok ulit ng raki. Chapter 144 - Hitomi is back Dumeretso si Prin at Kai sa computer room ng Matsui Villa. Pinagamot agad ang nasugatan na braso ni Kai sa isang maid. Walang gustong kumausap sa binata dahil halata nila na hindi maganda ang mood nito. Habang si Cobra naman ay busy sa computer nito na may dalawang monitor. Kausap nito si Mat-Mat at Tom sa headset na pare-parehas computer codes ang pinag-uusapan. Ang tatlo ang nakatoka sa lahat ng gamit na nakuha ni Prin at Kai sa apartment kung saan dinukot si Bella. Pati na rin ang issue sa South Caracass Gang. Nasa meeting si Cally, ang Daddy nito na si Cloud Han at ang Daddy niya kay Senator Cruz. Nagpapunta ng sampung Dark Guard si Rob mula sa Japan dahil kailangan nila ng back-up. Malalim ang iniisip ni Prin, iniisip niya ang mga naganap sa apartment. Hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung sino ang dalawang nakaputi na nakita nila sa apartment ng gabi na iyon. Si Kai naman sa kabilang banda ay nanghingi ng papel saka pen para iguhit ang simbolo na nakita niya sa dibdib ng lalaking naka-white suit kahit pa ginagamot ang braso niya. "Base dito sa phone messages ni Bella, inimbitahan siya ni Maya na lumabas. How come na napunta sila sa bahay na ''yun?" takang tanong ni Cobra habang kausap nito si Mat-Mat. Napalingon si Prin dito. "Kung mag-a-unwind ang magkapatid, sigurado na pupunta sila sa mall para mamasyal, manood ng sine, kumain sa labas. Hindi para dumalaw sa taong hindi naman kilala ng isa." komento ni Prin. Lumapit siya sa computer ni Cobra para kausapin si Mat-Mat sa kabilang linya. Pinalitan niya ang gamit ni Cobra mula headset to speaker para marinig niya ang sasabihin ng binata sa kabilang linya. "Matty, can you get all Maya''s phone call and text history?" nasanay siya na tawagin itong Matty kahit Matthew ang totoo nitong pangalan. Ang totoo, walang ideya si Prin kung ano ang hitsura ng binata dahil hindi naman ito nagpapakita. Isang larawan lang nito ang hindi sinasadya na lumabas sa computer ay siguradong deleted agad. "I''m on it kanina pa!" alam ni Prin na hindi ganoon kadali na makuha ang impormasyon lalo at wala ang telepono nito sa kanila. Hindi nila natagpuan sa apartment ang cellphone nito o kahit anong gamit. Umaasa lang sila sa numero ng kapatid ni Bella at saka sisimulan na i-hack sa Mobile company na gamit ang sim card number ng dalaga. Ilang minuto pa, may nakuha agad itong impormasyon. "Got it!" "Okay, base sa phone history, sa social media account ni Maya, this girl is her classmate and they are working on a project." pagbibigay-alam nito. "How did you know she was her classmate?" takang tanong ni Tom sa kabilang ibayo. "I got her Phone data" "Wow! You got her data? As in, All of it? just using her phone number?" nanlalaki ang mata ni Cobra na sunud-sunod na tanong sa binata. "Is it surprising? I will never be a number one hacker in the world, kung simpleng phone data ay hindi ko makukuha" mayabang na sabi. "Base dito sa palitan nila ng mensahe, pinapunta niya saglit si Maya sa bahay dahil may ibibigay na paperwork. And I guess, her intention was to kidnap Maya. Isang malaking regalo na lang na nasama si Bella." paliwanag ni Mat-mat. "Yes, and her boyfriend was the mastermind. He will received a 100 thousand kada babae." pag-sang-ayon ni Cobra. "Nanggigigil na nga akong malaman kung sino ang may pasimuno e." si Mat-mat. Napaisip si Prin "Do you think it''s South Caracass?" tanong ni Prin habang nakatingin kay Cobra. Sa palagay niya ang lalaking namatay sa apartment ang tinutukoy nito na tumatanggap ng 100 thousand. "Guys! Guys! I found Bella!" biglang sigaw ni Tom sa speaker. Napalingon si Kai at tinungo ang pwesto nila nang marinig nito ang pangalan ng babae. Agad na nag-share si Tom sa computer nila kung ano ang nakikita nito sa sariling monitor. Isang kuha ng CCTV mula sa malayong lugar ang pinapanood nila. Medyo malabo ang kuha dahil malayo ang CCTV camera, pero base sa anyo, si Bella, Maya at iba pang mga babae ang bitbit ng mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan paakyat ng Yate. "Let me handle that!" sabi ni Mat-mat at agad nitong ninakaw ang files ni Tom para palakihan at palinawan ang kuha sa CCTV. Kita nila sa mas malinaw na kuha na sinasakay si Bella at Maya sa isang yate. Base sa hitsura ng lalaking may bitbit sa kaibigan niya, hinala ni Prin na ito ang lalaking nakausap niya sa telepono ni Bella. Si Kai sa tabi ay gustong gusto nang manapak. "Where the hell is that?" tanong ng binata. "Port B! Marina Bay" sagot ni Tom. "Okay, get that yacht''s name!" utos ng binata kay Tom. Doon nagsipasukan si Cally, Rob kasama si Zuki papasok sa computer room. Eksakto na napansin ni Cally ang monitor. "Pause the video" utos nito. Lumapit ito sa kanila. Nakakunot ang noo ni Prin. "Matty, pause the video." Sinunod naman nito. "rewind for 10 seconds" Sinunod muli nito saka nag-play muli. "Stop!" Mukha ng isang lalaki at babae ang na-capture ng screen. Nagkatinginan si Rob at Cally. "It''s her! Hitomi together with Police Major!" Chapter 145 - RSVP Names [Feibulous : pantanggal stress, kaya pampagood-vibes muna] Lumipas man ang panahon, hindi nagbabago ang tingin ni Rob sa nagka-edad na si Hitomi. Umismid siya, hindi niya akalain na buhay pa pala ang babae at nananatili rin na buhay ang business nito na pagbebenta ng babae. Sa panahon na ito, gusto niya nang markahan ang babae. Kahit pa nananatili ang ganda nito na hindi halata sa tunay nitong edad. Sa tingin niya, si Hitomi ang partner ni Police Major sa Human Trafficking habang si Mr. Sy sa droga. "We have to get that case" turo ni Rob sa bitbit ni Major Jaime na nakikita nila sa screen. "By the way, where are the others?" tanong ni Rob kay Tom. "Are you talking about us?" tanong ng isang matinis na boses mula sa pintuan. Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng nasa computer room sa pintuan. Nagliwanag ang mukha ni Prin nang makita ang grupo nila Ana at siyam pa na kasama nitong Dark Guards. ===== Nagtatago ang grupo ng Dark Guards sa mga hilera ng nakaparadang truck sa port. Binabantayan nila ang yate kung saan naroon si Bella. Naghihintay lang sila ng signal gamit ang earpiece at maliit na camera. Patuloy ang pagparada ng sasakyan sa port at kung sinu-sino ang lumalabas mula roon. Mga kilalang opisyal, businessman at kung sinu-sino pa. Hinihintay nila ang signal mula sa Heneral ng pulisya saka sa signal ni Kai. Matagal na rin palang minamanmanan ng Heneral si Major Jaime dahil kakaiba ang lifestyle nito. Kapwa Police Major ang nagre-report sa Heneral. At sa gabi na iyon ay tatapusin na nila ang laban ng droga at ilegal na gawain ni Major Jaime. Si Cobra ang naka-assign sa computer na nasa loob ng van na nakaparada sa di kalayuan. Kausap niya si Mat-mat sa kabilang linya. Ang dalawa ang naka-assign sa CCTV, locks at mapa ng malaking yate sa loob. Naghihintay si Prin, Cally at Kai sa sasakyan ng asawa niya dahil kailangan ipasok ni Mat-mat ang pangalan nila sa listahan ng RSVP para makapasok sila sa yate ng walang problema. "Okay, your name Prin is Mia Khalifa and is now in their RSVP list." sabi ni Mat-mat sa telepono na naka-speaker sa sasakyan ni Cally. Si Kai na umiinom ng tubig mula sa bote ay napabuga nang wala sa oras. Si Cally sa tabi ay lihim na natawa. Kunot-noo si Prin at walang naintindihan. "Hey, why are you laughing?" tanong niya kay Cally. "Nothing!" saka hindi napigilan na humalakhak ni Kai. Halos magluha na ito kakatawa. "Okay, Cally you are Johnny Sins!" sabi nito. Cally "...." ganoon ba kabilis ang karma? "and you Kai is¡­" "Ryan Driller" Kai "...." "You are ready to go. Your face and name is now in their RSVP list" dagdag pa ni Mat-mat. "Fu*k you! Pasalamat ka wala ka dito sa Pinas!" galit na singhal dito ni Kai. "Dami reklamo¡­ lapit na sa bouncer at sabihin niyo lang ang pangalan niyo. Hindi na importante ang pangalan na pinili ko, ang mahalaga ay maligtas mo ang iyong Angel" sagot nito sa speaker. Napapikit si Kai para kalmahin ang sarili. Gusto niyang bugbugin ang hacker na ito na walang mukha nang harap-harapan. Si Prin ay clueless kung ano ang mga pangalan na binigay ni Mat-mat. Ilang minuto pa, huminto ang sasakyan ni Cally sa tapat ng mga gwardia na nakaabang sa bisita paakyat sa malaking sasakyang pandagat. Lumabas si Cally, Prin at Kai mula doon. Kapwa naka-tuxedo si Kai at Cally habang nakapulang gown na may mahabang slit si Prin. Para silang mga anak ng diyos na nilabas mula sa sasakyan. Hindi mawala ang titig ng mga gwardiya kay Prin. "name niyo po mam?" Nakaliyad ang dibdib na sinabi niya ang pangalan sa lalaking nasa tapat ng scanner at may bitbit na ipad. "Mia Khalifa!" taas noo na sabi niya dito. Guard "...." Tumikhim muna ito bago hinanap ang pangalan niya sa listahan. "Kayo sir?" "J-jhonny Sins and Ryan Driller!" pabigla ang pagkakasabi ni Kai dahil malapit niya nang ibaon ang sarili sa lupa. Guard "...." Matapos silang ma-scan mula ulo hanggang paa, pinatuloy silang tatlo sa loob. Saka nila binuksan ang aparato na nakakabit sa tenga at iba pa. "We are inside!" sabi ni Prin sa maliit na bolitas na nakakabit sa tenga nila. Saka niya narinig ang malakas na halakhak ni Ana at ng iba pa. "Oh my god! I love this Matthew so much! I saw your domineering look, I am going to die sa pagtawa." paliwanag ni Ana. "Why?" tanong niya. "Don''t tell her." Utos agad ni Cally kaya natahimik ang lahat. May makaka-suway ba sa kanilang shi? Kumunot ang noo ni Prin. "Are they celebrities?" hindi niya napigilan na itanong. "Yes!" sabay-sabay na sagot ng mga ito. "Guys, I am warning you, we are here for a mission" banta ni Kai kaya natahimik na ang lahat. Saka tumuloy ang tatlo sa ballroom na nasa ikalawang palapag ng yate kung saan gaganapin ang ''laro'' nila sa gabing iyon. Chapter 146 - To rescue his Angel (1) Nang makapasok sila Prin sa loob ng ballroom ng yate kung saan gaganapin ang event, nagsimula silang pag-aralan ang lugar. May mga babaeng nasa loob ng bawat cage na animo ay mga hayop na nakakulong. Ang suot ng mga ito ay tanging underwear at halatang lutang ang mga ito na hinala nila ay naka-droga. Naniningkit ang mata ni Prin habang iniikot ang paningin sa paligid. Napaka-walang hiya ng taong gagawa nito. Sanay na siya na makakita ng namatay na tao. O kahit ang makapatay ng tao. Kahit ang nabubulok na laman ng tao ay sanay siya, pero hindi ang mga katawan ng mga inosenteng babae na nakakulong at tila walang magawa at walang alam sa nangyayari sa paligid. May mga babaeng nagsasayaw ng slo-motion at naka tiger print underwear lang din sa iba''t-ibang bahagi ng ballroom. May mga leather choker sa leeg na may chains na nakakabit sa pole. Sumibol ang poot sa dibdib ni Prin para sa babaeng si Hitomi. May stage at runway sa gitnang bahagi na hinala nila ay rarampa doon ang mga babae. Rarampa lang ang mga babae doon na may numero at huhulaan ng parokyano ang numero na sa palagay nila ay ang babaeng natipuhan. Kapag may nakauna ng makapili, doon magsisimula ang bid. Parang bibili ng mysterious box na hindi alam kung sinong babae ang nabili nila sa gabi na iyon. Ang maisip na isa si Bella sa mga ito ay hindi masikmura ni Prin. Nagsimula silang maghiwa-hiwalay nila Kai at Cally para mas pag-aralan pa ang lugar. "I am fu*king hating this!" narinig niyang angil ni Kai sa earpiece. "Calm down, leader MB5" sabi niya dito. Alam nila na nate-tense na ang leader nila sa nangyayari. Gumagana masyado ang imahinasyon nito lalo at kitang-kita nila kung ano ang nangyayari sa paligid. Alam ni Prin na mas dumoble ang pag-aalala nito kay Bella. Samantala, sa ilalim ng dagat, nag-scuba dive si Zuki at tatlo pang kasama nito hanggang sa makalapit sa likurang bahagi ng malaking yate. Gamit ang isang pana, tumusok ang dulong bahagi na may claw sa gilid ng deck area ng yate. Nakakabit sa claw na ito ang mahabang tali saka sila nagsimulang magsi-akyatan. Ang Dark Guards na nagtatago sa bubong ng truck ay naghihintay ng signal mula kay Kai. Sa loob ng 15 minutes darating ang apat na helicopter ng kapulisan para hulihin ang mga taong nasa loob ng ballroom. Ang trabaho ni Mat-mat ay i-lock ang ballroom para walang makalabas. Pero kailangan niya ang tulong ng isang Dark Guard na mahanap kung nasaan ang lock. "We are in!" narinig nilang sabi ni Zuki. Lahat ng armas na kakailanganin nila ay nasa bag na hawak nito. Sa loob ng ballroom, nanatili si Prin na umiikot sa paligid. Ilang saglit pa, dumilim ang ilaw at tanging liwanag lang mula sa stage ang makikita. "Magsisimula na ang show" sabi niya at alerto pa rin sa nangyayari sa paligid. "I saw Hitomi, Major and Mr. Sy now. 10 o''clock, 11 meters sa pwesto mo Prin." narinig niyang sabi ni Kai. Palihim niyang sinilip ang mga taong binangit ni Kai. Madilim sa bahagi ng mga ito. May mga armadong lalaki sa paligid ni Major Jaime at may dalawang babae rin na kasama si Hitomi. Nagtatawanan pa ang mga ito. "This old lady made me sick!" narinig niyang sabi ni Rob. "Dad? You are here?" nagulat si Prin kung bakit kasama nila si Rob. "Nasaan ba ako dapat? I have to finish this old hag tonight! And I have to meet her in person in able to do that. I want to puke seeing her pointy nose na parang mangkukulam." sagot nito. Napapailing na lang siya. Sa pagkakaintindi niya magseseventy na si Miss Hitomi, na inaanak ng lola niya. She doesn''t look like a senior, pero halata na mahina na ang babae kaya may palagay siya na body guard nito ang dalawa pang babae na iyon na mukhang bihasa rin sa laban. Ilang saglit pa, nagsimula na ang show. Isang nakakaengganyong tugtog ang pumailanlang sa buong ballroom. "Guys, the show is starting. get ready!" Narinig niyang sabi ni Kai para sa mga kasama nilang Dark Guard. Si Cally sa kabilang banda ay lihim nang kinita ang grupo ni Zuki para makuha ang mga gamit na dala nito. Saka tumuloy ang grupo sa ibabang bahagi ng yate. Kailangan nilang makuha ang lahat ng ebidensya ng drugs. Si Cally ay mas pinili na bumalik sa ballroom. Sa ballroom, nagsimulang lumakad ang mga babae na naka-underwear may humihila sa mga ito na nakasuot ng maid uniform. Walang masabi si Prin dahil talagang magaganda ang mga babaeng naglalakad nang wala sa sarili sa stage. Naghihiyawan ang mga kalalakihan at parang hayok na hayok sa laman. Kahit si Hitomi sa gilid ay pumapalakpak pa. Nasa ikalimang babae pa lang ang naglalakad nang magbigay ng signal si Kai. "Guys, pasok na kayo!" Utos ni Kai. Chapter 147 - To rescue his Angel (2) [Feibulous : warning , sobrang marahas content] Sa labas ay lihim na nakalapit ang grupo ni Ana at siyam pang kasama matapos marinig ang signal ni Kai. Isang sipa sa mukha ang binigay nila sa unang guard na malaki ang katawan. Napansin ng kasama nito na nasa likod ang nangyari kaya nagbigay ito agad ng alerto sa grupo ni Major Jaime. "Red Alert! Red Alert!" Matapos nito iyong sabihin sa radyo ay isang saksak sa leeg ang binigay dito ng kasama ni Ana saka itinulak ito sa dagat. Ang ibang Dark Guards ay tumuloy na sa pagpasok patungong ballroom. Pinaulanan sila ng bala na nagmumula sa itaas habang tumatakbo papasok. "Akong bahala sa ugok na ''to!" Sabi ng isang kasama nila. Gamit ang dalawang matutulis na patalim, inakyat nito ang pader hanggang sa makaakyat sa palapag kung saan nagpapaputok ang lalaki. Gumulong-gulong ito habang pinapuputukan, sa gigil ng Dark Guard ay nagbato na ito ng shuriken sa lalaki. Nakuha ng grupo ni Major Jaime ang signal na may nakapasok na mga hindi kilala, napansin ni Prin na bigla itong tumayo matapos mabulungan nang bagong lapit na lalaki. Eksakto naman na naglalakad si Bella sa stage. Nakakuyom ang kamao ni Kai habang tinitingnan niya lang ang nobya na nangingitim ang mata, tulala at naka-underwear habang hawak sa kamay ng isang maliit na maid. Hindi niya masikmura na naghihiyawan ang mga kalalakihan sa paligid na makita ang walang awa niyang girlfriend. Hindi na kinaya ni Kai ang emosyon niya nang makarating ito sa dulong bahagi ng stage, kaya agad siyang sumampa doon and he covered her body with his coat. Nagsipaglingunan ang grupo ni Major Jaime dito at pinaputukan si Kai. "Leader!" Sigaw ni Prin saka siya napansin ng ibang kalaban. Gumulong si Kai nang yakap si Bella paibaba ng stage para mailagan ang putok. Nagsipaghiyawan at nagkagulo naman ang mga tao sa ballroom matapos may magpaputok ng bala. "Naloko na! Guys faster!" Sabi ni Prin bago niya sinipa sa mukha ang lalaking lumapit sa kanya. Napansin siya ng grupo ni Major at Hitomi kaya pinaulanan din siya ng bala. Bago pa siya matuluyan ay ubod ng lakas na itinaas niya ang mesa kung saan siya naroon para gumilid ang bagay na iyon at maipananggalang sa katawan niya. Nagsipagbasagan ang base, wine baso at kung ano pang nakapatong doon. Wala pa man ding armas na hawak si Prin. Napansin niya ang tinidor na nalaglag mula sa mesa kaya dinampot niya iyon. Dahan-dahan na lumapit sa kanya ang lalaking may baril, at babarilin na sana siya nito nang makalapit si Cally at gilitan sa leeg ang lalaki. "Oh my gosh Husbie, thank you!" Nakuha niya ang baril nito saka sabay silang sumugod patungo sa pwesto ni Hitomi. Nakita nila na patakas na si Hitomi, Major at Mr. Sy papunta sa pintuan na nasa likuran. Nakita nilang sumunod si Rob sa mga ito. Samantalang hinarangan silang dalawa ng mga bodyguard ng grupo ni Major Jaime. Nagpalitan ng paputok sa pagitan nila Cally at Prin laban sa bodyguards. "Cobra anong balita sa lock?" Tanong ni Cally. "Wala pa shi!" Naiinip na rin ito na nananatili sa sasakyan kaya nangigigil na ito na lumabas ng van bitbit ang laptop. Sa tingin ni Cobra ay kailangan niya nang magkusa na hanapin ang lock at main switch ng yate. Tumakbo na rin ito papasok ng yate. Si Kai at Bella sa kabilang banda ay palabas na sana nang harangin ng dalawang lalaki na akala niya ay waiters. Kapwa may hawak na patalim ang mga ito kaya nilapag niya si Bella na nananatiling tulala sa isang gilid. Galit si Kai at talagang nagdidilim ang paningin niya. "Come here!" Sabi niya sa dalawa. "Ahhh!!!" Saka sabay na sumugod kay Kai ang dalawa. Hinuli niya ang braso ng isa habang sinipa ang isa pa. Nagkikiskis ang mga ngipin niya na pinag-untog ang dalawa kinuha niya ang mga hawak nitong patalim at sabay na tinusok ang mata ng dalawang lalaki. Binaon niya ang patalim na iyon hanggang sa hindi na makita ang hugis ng mata ng mga ito. Tapos napansin niya na inaakay ng maid na nakatoka kay Bella ang nobya niya para itakas sa paningin niya. Isang lalaki pa ang sasalubong sa kanya na agad niyang sinuntok ang mukha saka hinagis. Tinakbo niya ang babaeng maid hanggang sa maharangan niya ito. "Saan mo siya dadalhin?" Matalim ang tingin ni Kai na tanong sa maid. Natatakot na nabitawan nito si Bella. Sinakal niya ang maliit na maid gamit ang isang malaking palad na may panggigigil hanggang sa lumawit na lang ang dila nito at marinig na lang na nabali na ang leeg ng babae dahil sa tindi ng pagkakasakal ni Kai. Sa oras na iyon, galit talaga si Kai at parang walang kahit na ano pa man ang makakapagpagaan ng kalooban niya. Kung maaari lang na pasabugin niya ang buong sasakyang pandagat na iyon ay ginawa niya. Binuhat niya si Bella para ilayo na sa lugar. "Find her sister." Utos ni Kai sa mga kasama. Chapter 148 - To rescue his Angel (3) Naghiwa-hiwalay ang mga Dark Guards nang makarating sa palapag kung nasaan ang ballroom. "You, MB35, South Door 1. MB16, South Door 2. GW0025, east Door 3¡­" at binanggit ng isa pang leader kung saan poposisyon ang iba pang Dark guard. Nabanggit na ni Cobra ang bawat pintuan ng yate habang nasa ibabaw sila ng truck. "Huwag nating hayaan na may makalabas ng Ballroom kahit sino bukod kay Leader Kai, Okay!" pagkasabi nito ay nagsipagtakbuhan na ang lahat kung saan sila poposisyon. Gayunpaman, may mga parokyano nang nakalabas mula sa loob at hindi na nila ito napigilan. Nagkakagulo ang mga ito dahil sa gulong naganap sa loob. Iba-iba ang mga taong lumabas mula sa loob. May naka-underwear, naka-formal suit at gown. Hinayaan na lang nila dahil wala naman sa mga ito ang pakay nila sa gabing iyon kung hindi ang tatlong mastermind ng sindikato. Samantala, si Major Jaime ay nanggigigil. Naghiwa-hiwalay silang tatlo nila Hitomi dahil kailangan niyang makuha ang case sa cabin niya kung saan naroon ang lahat ng natitirang drug pills na hindi pa naipapamahagi sa mga tulak. Sa ilalim o sa bas.e.m.e.nt ng yate, parehas ang pakay ng grupo ni Zuki kaya iniisa-isa nila bawat cabin. 35 rooms ang lahat ng nasa bas.e.m.e.nt at dahil mapa lang ng yate ang nakuha nila mula kay Cobra, kailangan nilang isa-isahin ang lahat ng kwarto. Sa Ballroom hall naman, magkatalikuran si Prin at Cally dahil naubusan na sila ng bala at ganoon din ang limang tao ni Major Jaime na nakapalibot sa kanila at pare-parehas na patalim ang hawak. "Honey, ''yung slit ng gown mo ay sobrang sira na." puna ni Cally sa likuran. Hindi alam ni Prin ang isasagot, nagagawa pa nitong pansinin ang kasuotan niya. May suot naman siyang maiksing cycling na itim na kita na dahil umabot na sa bewang ang slit ng gown niya. Masakit na rin ang paa ni Prin dahil sa takong na suot. Kapwa maaangas ang lima at ilang saglit lang ay sabay-sabay na nagsisuguran ang mga ito sa kanila. "Wrahhhh!" angil ng mga ito. Winasiwas ng isa ang patalim na hawak kay Cally, hinuli naman nito ang kamay na may patalim saka binali ang braso gamit ang tuhod. Tinulak niya ito sa dalawa pang kasama na pasugod din sa kanya. Nang makabawi ang tatlo, sabay-sabay na sumugod muli ito sa kanya. Si Prin sa likuran ay pinatid ang isang lalaki, nang mapahiga ay tinapakan niya ito sa dibdib tapos diretso siya na sumampa sa balikat ng isa pang kasama nito at niyakap ng mahigpit ang ulo nito na parang bola. Nagkakawag ang lalaki at pilit siyang pinatatamaan ng patalim. Nadaplisan siya nito sa binti kaya nagkaroon ng 2 inches na guhit ang binti niya. "yahhh!!" she growls. Pinilit niyang pigilan ang kamay nito gamit ang isang kamay habang iniipit ng mga binti niya at isa pang braso ang leeg nito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito patungo sa tenga ng lalaki. Nagtatagisan sila ng lakas Nang makabawi ang isa pang lalaki, tumayo ito at tumungo sa kanila. Ubod-lakas niyang sinipa ito para matumba muli ito. Pinilit na yumuko ng lalaki para mahulog si Prin sa balikat nito. Umikot siya sa ibabaw ng lalaking iyon paharap saka ito sinuntok sa panga para mawala ito sa balanse. Narinig niya na nabasag ang ilang ngipin nito kaya nagdugo ang bibig ng lalaki. Saka siya gumulong pabaliktad. Sumugod naman sa likuran niya ang isa pa at niyakap ang leeg niya. Naaamoy niya ang mabahong hininga nito na halos masuka na siya sa amoy. "Kinalimutan mo pa ang mag-toothbrush. Yahh!!" Nanggigigil na hinablot niya ang balikat nito para i-one sided back throw . Nakadagdag sa inis niya ang pulang sapatos na may takong kaya hinubad niya iyon at pinukpok sa ulo ng napahigang lalaki. Nawalan na ito ng malay pagkatapos. Hinihingal na si Prin na hinarap ang isa pa, may nadampot siya patalim sa lapag kaya kinuha niya iyon. Nag-aapoy na ang mata niya at gusto niya nang tapusin ang laban para mahabol ang demonyitang si Hitomi. Ipinilig niya pa ang ulo sa kanan at kaliwa saka umabante patungo sa isa pang lalaki. Inilagan niya ang patalim na hawak nito saka niya tinusok ng patalim ang leeg ng lalaki. Sumirit agad ang dugo mula sa leeg nito. Nakita niya si Cally na tapos na rin ito sa tatlo pang lalaki. Hinagis niya ang nag-iisa pang sapatos sa sa kung saan saka sila lumabas ni Cally sa pintuan kung saan din lumabas ang tatlong ''big time''. Naghiwalay sila ni Cally nang makalabas sa ballroom. Sa pagtakbo ni Prin nakita niya ang Daddy niya sa hallway na nakabantay kay Hitomi. Nasa kabilang bahagi si Kai habang bitbit si Bella para ma-corner ang babae. Parehas na nanlilisik ang mata ni Rob at Kai habang nakangiti nang may pagka-demonyita si Hitomi. "Hmm.. ha ha ha!" parang demonyita talaga na tumawa ang gurang na babae. "Wala ka nang malulusutan, kaya ba tumatawa ka na lang?" sarkastikong tanong ni Kai dito. "Tsk tsk! No, no, no Second Young Master. I am just happy to see you rescuing your girlfriend" nakangiting sagot nito. Alam ni Prin na may pagka-lunatic ang babaeng nasa harapan nila at alam niya na may tinatagong patalim ito sa binti o kung saan man. "So, you knew she was my girl and you still dared to touch her?" matalim ang tingin ni Kai dito. "Ayoko sana e, but Miss Su-wei asked me to sell her tonight." pagbibigay-alam nito. Nakatingin pa sa naka-manicure na mga kuko si Hitomi na parang walang pakialam kahit mamatay ito doon. Natigilan si Kai nang malaman na may kinalaman ang Mommy niya sa nangyari na iyon kay Bella. Chapter 149 - A Beautiful Potion Natigilan si Kai sa nadinig. Humigpit ang kapit niya kay Bella na nanatiling tulala. Sa dinami-rami ng taong pinagkakatiwalaan niya, hindi niya akalain na magagawa iyon sa kanya ng Mommy niya. Naramdaman ni Prin na may tao sa likuran kaya hinila niya ang fire extinguisher na nakasabit sa pader. Pinaputukan sila ng dalawang babae na nakita niya na bodyguard ni Hitomi. Naging daan naman iyon kay Hitomi para makakuha ng tiyansa na makalusot kay Kai na natigilan. Dumaan pa ang babae sa kanya nang nakangisi. "Ako na ang bahala sa kanya." sabi ni Rob saka sumunod kay Hitomi. Tumango lang si Kai pero sumunod siya kay Rob para mailabas din si Bella sa lugar. Nangigigil si Prin na lumapit sa dalawang babae ginamit niya ang fire extinguisher para masalag ang mga bala na pinapaputok nito sa kanya. Nabutas na ang lagyanan ng bitbit niya kaya may lumalabas ng malamig na puting hangin (nitrogen) doon. Nang makalapit sa mga ito ay sinampal niya sa mukha ng isa ang lagyanan kaya tumabingi ang mukha ng isang babae. Saka niya tinalon ang isa pa at pinigilan ang kamay nito na may hawak na armas. Mabilis niya itong tinulak sa pader. Hawak-hawak niya ang kamay nito na pilit na itinututok sa kanya ang baril na hawak at pinipigil naman ng braso niya ang dibdib ng mukhang sanggano na babae. Nagpaputok ito at tumama iyon sa kisame. Ilang beses pa itong nagpaputok ng baril at kapwa sila nangigigil sa isa''t-isa. Binigyan niya ito ng headbutt sa noo. Bumangon naman ang isa pang babae at hinimas ang tumabinging panga saka muling sumugod. Naramdaman niya iyon sa likuran kaya pilit niyang itinutok ang hawak na baril ng pinipigilan niyang babae dito. *bang!* tinamaan sa noo ang bagong tayong babae. "Tapusin na natin ito!" angil sa sabi niya. "wrahhhh!!!" Siniko niya sa mata ang babae saka niya hinampas ang ulo nito sa kabilang pader at nangigigil na tinulak pasulong ang mukha nito sa pader. Saka niya hinampas muli ang ulo nito sa kabila pang pader. Nawalan ng malay ang babae. Hinihingal si Prin pagkatapos. Dinampot niya ang baril nito saka tumakbo siyang muli pasunod kay Rob. Si Cally sa kabilang banda ay walang kahirap-hirap na nahuli si Mr. Sy. Si Kai naman ay bitbit si Bella na palabas na ng yate. May mga kasabay siyang ordinaryo na nagsisipagtakbuhan palabas pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito. Ang nasa isip ni Kai ay ilayo ang nobya niya sa lugar. Wala siyang pakialam kung masuspinde siyang muli dahil iniwan niya ang misyon. "I''m going guys, ihahatid ko na si Bella." sabi niya. Bago pa niya marinig ang reklamo ng mga kasama, tinanggal niya na ang ear piece at hinagis iyon sa dagat. Halo-halo ang nararamdaman ni Kai sa mga oras na iyon habang naglalakad sa madilim na bahagi ng port na bitbit si Bella. Sama ng loob, pagkainis, awa at pagkamuhi ang nararamdaman niya. Malapit na siya sa motor na gamit nang madinig niya sa unang pagkakataon si Bella. "Kai¡­" mahina at namamaos na tawag nito. Huminto siya saglit ay nilapag si Bella sa s.e.m.e.nto "Yes , My Angel?" Nakita niya na nagluha ang mata nito. "I''m... thirsty..." Nakaramdam siya ng awa sa nobya. "Hahanap ako ng tubig for you. Saglit lang ha." Inikot niya ang paningin. Naalala niya na may tubig ang van na gamit ni Cobra, kaya bitbit si Bella ay dinala niya ito doon. Laking pasalamat niya at hindi na-lock ni Cobra ang van. Pag-aari iyon ni Rob na konektado sa computer ni Mat-mat. Nasabi na sa kanya ni Prin na may mga armas ang sasakyan na iyon. Dahan-dahan niyang inupo si Bella sa likurang bahagi ng sasakyan saka naghanap ng tubig sa loob ng van. "Here" tinapat niya sa bibig nito ang tubig pero hindi nito mainom ng maayos. Wala siyang choice kundi inumin ang tubig saka isalin sa bibig nito iyon. Napansin niya na nakakabawi na ng lakas ang dalaga at hindi na tulad ng una na tulala lang ito na parang hindi siya nakikita. "Matamis ang tubig..." komento nito. Hindi napigilan ni Kai na halikan ang nobya niya sa mas malalim na paraan. Hindi niya alam kung ano ang pinakain sa kanya ng babaeng ito at kaya niyang iwan ang misyon ano mang oras na hindi niya pa nagawa sa ilang taon niya bilang Dark Guard. Bella is like a beautiful potion who brings happiness inside his heart. Ilang buwan pa lang sila na magkasama pero alam niya sa sarili niya na wala nang ibang Bella pa na dadating sa buhay niya. Kaya niyang iwan ang posisyon niya bilang Leader ng Dark Guard o kahit ang tagapagmana ni Master Chen para sa babae. Chapter 150 - Old Witch (1) Haplos ni Kai ang pisngi ng kanyang Angel. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya nang mahalikan niya ito. "I''ll stay here¡­ go and help them to save my sister¡­ she was in cabin 3 with the other girls" hiling ni Bella. Nagdadalawang-isip si Kai sa hiling nito dahil pansin niya na nanghihina pa si Bella. "A-are you sure?" tanong niya. "Hmmm." Kinuha niya ang earphone na nakasabit sa unahang bahagi ng sasakyan kung ano ang gamit ni Cobra nang kausap nito si Mat-mat. Nagbabakasakali na baka nasa linya pa ang manyak na hacker. "Mat?" tawag niya. Laking pasasalamat niya nang sumagot ito. "Yes, Ryan Driller? Mukhang na-save mo na ang iyong Angel. Inggit ako sa sweetness niyong dalawa" komento nito. Mukhang nadinig nito ang pinag-usapan nila ni Bella dahil naka-on pa ang koneksyon ng sasakyan sa computer nito. "I almost thought na may aksyon din kayong gagawin sa Van e." dagdag pa nito. ''What a pervert hacker?!'' "Mabuti pa sabihin mo sa akin kung saan banda yung cabin 3. Saka, nasaan ang armas dito sa van?" "Wow! Mukhang mas matalino ka kay Cobra. Pahanap na rin ng main switch ng yate habang papunta ka sa cabin 3. Anyway, itulak mo lang gamit ''yung kanang kisame diyan sa itaas ng pintuan kung saan kayo pumasok ng Angel mo." Tinanggal ni Kai ang headset, saka sinunod ang payo ni Mat-mat. May naka-ukit naman na salitang ''PUSH'' kaya hindi siya nahirapan. *klink* Bumukas ang gilid na parte ng sasakyan, ang ibabang bahagi ng bintana matapos niyang itulak ang tinuro nito sa kanya at lumitaw ang ibat-ibang uri ng armas. May M-16, katana, baril at kung ano pa. Nilagay niyang muli ang earphone sa tenga. "May armas ka dito at hindi mo man lang sinabi sa''min?" tanong niya kay Mat-mat. "Wala namang nag-request e, ikaw pa lang. O siya, pili ka lang ng isa ha. Kay uncle Rob iyan" "Sure, anyway, nasaan ang camera dito sa van?" habang tinatanong ito ay nakita niya ang bilog na bagay na parang mata ng stuffed toy, naka-gitna iyon sa aircon ng sasakyan at tutok na tutok kay Bella. "Why?" tanong nito. Inayos niya ang coat na nakatakip kay Bella. "Dahil ayokong bosohan mo ang Angel ko. Akala mo ba ay hindi ko alam na may kopya ka ng mga larawan ni Prin nang mag-laro kami ng beach volleyball?" Bago pa ito makatanggi ay kumuha na siya ng electrical tape na nakakalat sa ibabaw ng sasakyan at tinakpan ang sa palagay niya ay ang camera. "Ano ba iyan, ang boring!" reklamo nito agad kaya alam niya na tama ang hinala niya. Gustong magtaas ng kilay ni Kai sa manyak na si Mat-mat. "babalik na ko sa loob" "Ok. Ingat! Pasalubong ko ha" "Gagu!" Tumawa lang ito sa kabilang linya. Napapailing si Kai sa pinsan na ito ni Cally. Hindi lingid sa kanya na mas mayaman pa sa kanilang lahat ang lalaki. Kaya nitong kumita ng milyon sa isang oras lang. Binalingan niya si Bella. "See you later, My Angel" saka niya ito hinalikan sa noo. ===== Si Rob sa kabilang banda ay hinagisan ni Hitomi ng maliit na bomba. "Ha ha ha!" tumawa ito ng nakakaloko pagkatapos. "F*ck!" mabilis na gumalaw ang utak niya at tinungo niya ang pinakamalapit na pintuan bago muling sinara iyon. Eksakto naman na sumabog ang bomba. Hindi naman ganoon kalakas ang pagsabog pero dumagundong pa rin sa labas ng pintuan. Nangigigil na siya sa gurang na babaeng ito. Sinipa niya ang pintuan dahil nasira ang knob nito na bahagyang uminit at hinabol muli ang babae. Pagdating sa dulo ay nakita niya na nakabantay ang isang Dark Guard sa pintuan. May mga pasahero na gustong lumabas pero mahigpit ito. "Hindi dumaan dito si Hitomi?" Takang tanong niya dahil mukhang walang komosyon na naganap doon. Nakakunot ang noo nito na sumagot. "Master, kanina pa ko nandito. Wala po akong nakitang Hitomi" Nangigigil si Rob. Saan napunta ang gurang na iyon? Isang Dark Guard na si GW35 ang narinig nila sa earpiece. "Master, nakita ko si Hitomi lumabas sa secret door. sinusundan ko siya papuntang North ahhh!!!--." matapos iyon ay isang sabog ang nadinig nila. Nag-aapoy na ang mata ni Rob at gusto niya nang ekisan ang pagmumukha ng babae. "Palabasin mo ako!" hindi niya na hinintay pa ang sagot nito. Binuksan niya ang pintuan at tinungo ang lugar na sinabi ni GW35 na lugar. Nakita na lang niya na nasa lapag na ang Dark Guard na si GW35 hawak ang isang isang maliit na pintuan na gawa sa bakal na galing sa eksaktong butas na nasa gilid. Nagkalukot-lukot na ang bakal nito na sa tingin ni Rob ay hinagisan ni Hitomi ng Bomba. Mabuti at nasalag ng dalaga. Gayunpaman, may kakaunting sunog pa rin ang balat nito gawa ng pagsabog. Ilang saglit pa, umingay sa bandang likuran at nakita niya na sakay na si Hitomi ng isang isang speed boat. "Shit!" mura niya. Tinakbo niya ang likuran kung saan normal na nakaparada ang mga jet ski para mas mabilis na mahabol ang babae. Patungo na siya doon nang makita niya si Prin at Cally na sakay ng jet ski at habol ang gurang na babae. "Dark Guards, this is an order! Walang paaalisin sa lugar!" sabi niya sa ear piece. Chapter 151 - Old Witch (2) Kinulong ni Cally si Mr Sy sa isa sa mga cage kung ano ang ginamit ng mga ito para ikulong ang mga babae. Pinabantay niya ang intsik sa isang Dark Guard kasama ng iba pang nawalan ng malay na kalaban. Nagkita si Prin at Cally sa hallway at sumimangot agad ang asawa niya nang makita nito ang suot niyang kaunti na lang ay mahuhubo na lang iyon ng kusa. Hinubad nito ang buong kasuotan at lumitaw sa mata ni Prin ang itim na Dark Guard suit. Sinuot sa kanya ang itim na polo na hinubad nito.. "How come, I don''t have a suit?" reklamo ni Prin. nabigla kasi siya na may suot itong Dark suit. "Because you are Mia Khalifa and you should be wearing a red gown" "Who is that anyway?" usisa niya dito. "A P0rn star" Prin "...." Nanlalaki ang mata ni Prin, kaya pala ganoon na lang ang tawa ng mga kasama niya nang buong tapang niyang sabihin sa gwardiya ang pangalan niya at saka kung gaano ka-grabe tumawa si Kai. Kapag nakita niya ang Mat-mat na ito sa personal ay isasampal niya talaga dito ang keyboard na gamit nito. Habang binubutones ni Cally ang polo sa katawan niya ay nakarinig sila ng pagsabog. Nagkatinginan silang dalawa at saka tumakbo palabas ng pasilyo. Isang palapag mula sa kinatatayuan ay nakita nila si Hitomi na pasakay ng isang speed boat. Hindi na sila nag-aksaya pa ng panahon, pinaputukan ito ni Prin pero agad itong nakailag. "This old biatch!" ngayon ay naiintindihan na rin niya kung bakit asar and Daddy niya sa babae. Sabay sila na tumalon ni Cally pababa para mahabol ito, saka tumakbo pagawi sa pwesto ng babae. "Ha ha ha!" tawa lang ito ng tawa. Hanggang sa makita nila na umandar na ang gamit na speedboat palayo. Nakakita sila ng jet ski sa tabi at hindi na nag-aksaya ng oras na magkasunod na sumakay doon at hinabol si Hitomi. Si Cally ang nagmamaneho habang nakasakay si Prin sa likuran. Naging problema nila ang dilim ng paligid. At umaasa lang sa kakaunting liwanag na nagmumula sa half moon. Binatuhan sila nito ng bomba. Para makaiwas, umikot ang sinasakyan nilang Jet ski sa ere. Kumapit ng mabuti si Prin sa leeg ni Cally para hindi mahulog. Bumalik naman sa pwesto ang sinasakyan at patuloy na umandar para sundan si Hitomi. Hindi niya hahayaan na makatakas sa paningin niya ang walang hiyang babae. Nang makalapit dito ay hinagisan niya ng patalim ang babae. Nakaiwas ito pero hindi ang speedboat na gamit dahilan para mabutas iyon. "Sh*t!" Nangigigil si Hitomi na naghagis muli ng bomba at umiwas muli sila ni Cally. Pero hindi nito nakita ang pasalubong dito na isa pang jet ski na sakay si Rob. Tumalon si Rob mula sa sasakyang pandagat patungo sa speedboat kung nasaan si Hitomi. "I am so waiting for this" nakangisi na sabi ni Rob. Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito na binali ang leeg saka sinaksak sa dibdib ang babae. Ilang saglit lang umingay na ang buong paligid mula sa limang helicopter na tulong mula sa Heneral. May mga ilaw o spotlight na nanggagaling mula sa mga ito at nakatutok sa kabuuan ng yate. Ilang saglit lang bumaba ang Heneral gamit ang lubid mula sa isang helicopter. "General, Nakatakas si Hitomi pero nasa loob si Mr. Sy at ang nagtatago na si Major Jaime." pagbibigay-alam ng isang dark Guard. Tumango ito. "I want to see that bastard! Let''s go!" Utos nito sa iba pang kasama para inspeksyunin ang lugar at makuha ang mga ebidensya. ===== Matapos hubarin ang tuxedo, lumitaw ang itim na suit ni Kai bilang Dark Guard saka siya nagpaalam kay Bella. May tatlong metro na ang nalalakad ni Kai palayo sa sasakyan bitbit ang mahabang katana when he felt something wasn''t right. Huminto siya at nakiramdam. Nang maramdaman na may pasulong sa kanya na kung anong bagay ay umikot siya at hinampas ang katanang hawak para pigilin ang pwersa mula sa kung kanino.. *klink* tunog ng dalawang nagkiskis na metal. He pushed his sword against his enemy. "Ha! What a small world, I see you again!" sabi niya sa lalaking naka-white suit na may pulang marka sa dibdib na nakita nila ni Prin nang hapon na dinukot si Bella. Chapter 152 - His Angel (1) Nabigla si Kai na makita ang lalaking nakaputi. Ngayong mas malapit ang lalaki, mas kita niya sa malapitan ang kabuuan nito. Sa tingin ni Kai ay hindi nalalayo sa edad niya ang edad nito. Halos parehas lang din sila ng bulto ng katawan. Mestizo ang lalaki na may gray na mata, samantalang halata ang pagiging asyano ni Kai. Nginisian siya nito saka umabante para ihampas sa kanya ang hawak na espada sa tagiliran niya na sinalag ni Kai gamit din ang mahabang japanese sword. *klink* matapos isalag, inikot niya iyon para siya naman ang maka-hampas ng gamit na espada. "I like you!" sabi nito saka muling umabante para tirahin siya muli. "Sorry, but I don''t like you! Haahhh!" umabante rin si Kai pasulong. Nagpalitan sila ng hampas gamit ang matalim at mahabang katana kaya madidinig ang pagkalansing ng dalawang armas. "Interesting!" nagsisimula nang mapagod ang lalaki. Natutuwa siya na patas ang laban sa pagitan nila nito. Sa loob ng maraming taon si Lorenz at Cally lang ang nakapag-pa-excited sa mga kalamnan niya bago ang taong ito. "I''m not interested!" Sinipa niya ito sa mukha saka hinampas muli ang katana. Hindi man nailagan ng lalaking nakaputi ang sipa niya, nailagan nito ang katana na hinampas niya mula sa itaas saka siya sinipa sa dibdib dahilan para mapaatras si Kai. Pinigil niya ang sapatos sa sahig para hindi siya mawala sa balanse. Sumakit ng bahagya ang dibdib niya. Aminado siya na magaling ang kalaban niya na ito. "I''m sorry, I am on a mission." nakangisi na sabi nito saka umabante muli para masugatan siya. "I know you are Gon''s idiot follower" sabi niya bago ito sinuntok sa mukha. umikot para makakuha ng tyansa na maipasok ang lalaki sa pagitan niya at ng espada. Buong pag-gigil na hinihila niya ang patalim para masugatan ito. Bago iyon, binigyan siya ng headbutt sa likod. Kaya siya napaatras. "He wish to have Cally''s position." Napangisi lang si Kai "In his Dreams!" Matapos muli ang palitan ng hampas ng espada, nahuli niya ang brown na buhok nito at isinampal ang mukha nito sa hood ng kalapit na sasakyan. Siniko siya nito sa dibdib pagkatapos kaya napaatras siya. Limang metro ang layo nila sa isa''t isa at kapwa hinihingal. Ilang saglit lang, parehas na nag-aapoy ang mga mata nila at sabay na umabante. "Hahhhh!!!" galit na hiyaw nilang parehas at sabay lang na dumeretso na halos hindi makita kung ano ang kinilos nilang dalawa kung hindi titingnan sa malapitan. Nagpalitan sila ng pwesto at doon lamang lumitaw ang sugat sa kanilang dalawa. Nasugatan siya nito sa braso at ang lalaking nakaputi sa tagiliran. Halata ang guhit sa braso ng itim na suot ni Kai. Namumula iyon at kita ang guhit sa balat niya na nagsugat. Gan''on din ang lalaki. May hiwa din ang tagiliran nito at mas kita ang pagkalat ng dugo dahil nakaputi ito. Alam ni Kai na nasugatan niya ng mas malaki ang lalaki, hindi lang nito pinahahalata. "He he!" ngumisi ito sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa likuran nito ang van kung saan naroon si Bella. Nagsimulang kabahan si Kai at hindi nga siya nagkamali dahil gamit ang espada, sinira nito ang pintuan. Mabilis na tinakbo ni Kai ang pwesto, ngunit huli na. Matapos mabuksan iyon, mabilis na hinila ng lalaki mula doon si Bella. "No!" sigaw niya. Halata sa mukha ni Kai ang pagkabahala. "Subukan mong lumapit!" banta nito kaya napatigil si Kai. Nakakuyom ang mga kamao niya at hindi alam ang gagawin. Napaluhod ang nobya niya na nanghihina sa lapag. Nanlalaki ang mata ni Kai at nanggagalaiti sa galit. Hindi niya kaya ang nakikita. Hawak nito ng mahigpit ang buhok ni Bella habang naka-diin sa leeg nito ang espada. Nanlalaki ang mata ni Kai at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nagsimulang bumalot ang lamig sa pagkatao niya. Kaunting kaunti na lang, at babawian na ito ng buhay sa talim ng espada na hawak ng lalaki. "Leave her alone!!!" galit na angil niya dito. Halos madurog na ang ngipin niya sa sobrang galit. "Tsk tsk! too bad, Leader Kai! You fell in love sa mahinang babae." "Gag* ka! Huwag mo siyang sasaktan!" sigaw niya dito. Si Bella ay nakatingin lang sa kanya at wala man lang maramdaman na takot na lalong nakadagdag sa pagkabahala ni Kai. Pero may namuo pa ring luha mula sa mata nito. Ngumiti sa kanya si Bella na lalong nagpalungkot sa kalooban niya. Alam niyang nanghihina pa ang nobya niya kaya para itong manikang de-susi na nananatiling nakaluhod. Nangingitim pa rin ang magandang mata ni Bella. Inangat nito ang kamay at hindi niya kinaya ang mga sumunod na nangyari. Chapter 153 - His Angel (2) [Feibulous :sobra sobra, sobrang marahas content.] She looked at Kai''s beautiful face. In her life, this guy brings out the best in her. He always making her feel pretty. She sung in a stage beautifully having the thoughts of him. Bawat stoke ng kamay niya sa gitara at bawat kataga na inawit niya ay nilalaan niya sa lalaki. Sa palagay ba ni Kai ay hindi niya alam na lihim itong nanonood? During that audition day, ramdam niya ang presensya ni Kai sa paligid. Before she was drugged, sinabi sa kanya ng babaeng may mapulang lipstick, na boss ng lahat ng maid, na Mommy ng nobyo niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa gan''ong sitwasyon. Masyado daw kasi niyang inakit ang anak nito. Strange but she doesn''t feel any sourness in her heart kahit nang painumin siya ng droga nang labag sa kalooban niya. Her days together with Kai is beautiful. Sa unang pagkakataon, she fell in love with the right man. Her life with him was short but beautiful. How can she blamed him or his mother for whatever bad things happened to her? Kahit sa magulang niya ay hindi niya naramdaman ang pag-alaga na binigay nito sa kanya. She felt like she was the lost princess who finally found her prince. Kinikilig siya kapag kasama ang binata. Kapag binibigyan siya ng bulaklak tuwing umaga. Tuwing bibigyan siya ng matamis na halik sa labi. Tuwing kukuhaan siya ng larawan ng simple at patago, tapos ipo-post nito sa social media. She felt proud knowing that she was his first love. Okay lang kahit hindi ang binata ang una niyang nobyo, she found her true love anyway. Her every moment with Kai was really beautiful. She likes it whenever he calls her his Angel. His Angel¡­ She will always be his Angel. She smiled sweetly looking at him at lihim siyang nagpaalam. She reached out her hand as if he was near. "Mahal na mahal kita, Kai¡­" narinig niyang sabi nito. Kai looks at Bella''s innocent eyes na nanatiling kumikinang dahil sa liwanag ng buwan kahit ilang agwat pa ang layo niya dito. Namumutla at magaspang ang labi dahil sa droga na pinainom kay Bella. She smiled at him na lalong nagpasikip ng damdamin niya. "Wow! Ang sweet! But, you know what my mission tonight?" nakangisi na tanong nito. Tila isang halimaw sa mata niya ang pagkakangiti nito "To¡­ kill her!" sabi saka mabilis na ginilitan sa leeg si Bella gamit ang espada. "No!!!!!!!!!!" Nanlaki ang mata ni Kai at nanginig ang lahat ng kalamnan niya sa nasaksihan. Tila parang electrical current ang lamig sa katawan niya na mabilis na dumaloy mula paa paakyat sa ulo. Parang lumobo ang ulo niya sa nasaksihan. Nag-apoy ang mata na nilapitan niya ang lalaki. "Haaahhh!!!!" para siyang sinapian na mabilis na hinampas ito ng katana. Binalewala ni Kai ang sugat sa braso. Pasulong ang ginawa niyang pagtira. Sinasalag lang nito iyon hanggang sa ma-corner niya ito sa container truck. Nakatulong siguro sa panghihina nito ang sugat nito sa tagiliran. Nanlilisik ang mga mata at parang sumapi sa kanya ang masamang espirito na sinuntok niya ito ng ubod lakas. Ginulpit niya ito at binuhos ang lahat ng galit sa lalaki. "Hahhhhhh!!!!" gigil na hiyaw niya saka mabilis na naihampas ang matalim na katana sa leeg ng lalaki. Parang slo-motion na humiwalay ang ulo nito mula sa katawan. Tumilapon ang ulo ng nakaputing lalaki at unti-unting nalaglag ang naiwan na katawan sa lupa. Mabibigat ang paghinga at parang biglang nanghina ang pakiramdam ni Kai matapos iyon. Nabitawan niya ang madugong katana na hawak. Pinihit niya ang katawan at dahan-dahan na nilapitan si Bella. Nakagat niya ang ibabang labi dalawang hakbang ang layo sa babae saka siya yumukod para harapin ito. "Ahhhh!" hindi niya alam kung paano ito hahawakan. Nananatili ang ngiti sa labi ni Bella. Sa unang pagkakataon hindi napigilan ni Kai ang humagulgol at sobrang naninikip ang dibdib niya na makita ang babae sa ganong ayos. "Bella¡­" mahinang tawag niya sa babae. Napapikit at kagat ang labi na lumuluha si Kai. "Ahh¡­" nasuntok niya pa ang simento. Kung hinayaan niya ba na mauhaw si Bella at iuwi sa bahay, mananatili ba sa bisig niya ang dalaga? Kung hindi niya iniwan si Bella sa sasakyan kahit saglit lang, mananatili bang buhay ito nang nakangiti sa kanya? "ahhhh!" nangigigil na hiyaw niya dahil sa sama ng loob. Isang malakas na paghinga ang nilabas niya. Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. His Angel is gone. Labis-labis na kalungkutan ang nararamdaman niya sa oras na iyon. Para siyang batang iniwan ng magulang sa oras na iyon. Naninikip ang dibdib niya sa sama ng loob. ''Put*ng in*ng buhay naman ito!'' napapamura na lang siya sa sarili. He looked at her peaceful and pretty face. Nangangatog ang labi na hindi niya alam ang gagawin sa unang pagkakataon. Mariing napapikit si Kai habang baha ng luha ang pisngi. Sobrang sakit sa dibdib. "Hah.. Hah.." huminga siya ng malalim ng ilang beses dahil sa sobrang sikip ng dibdib parang hindi na siya makahinga. Sinong matutuwa na mamatay ang babaeng mahal mo sa harapan mo mismo? Hindi akalain ni Kai na iyon na ang huli. Niyakap niya ang duguan na katawan nito. Wala na siyang pakialam kung magmukha siyang tanga sa ganoong ayos. Nakipagbiruan pa siya kay Mat-mat bago niya ito iwan. Kung alam niya lang sana¡­ Nasa ganoong ayos siya nang dumating si Prin. "Oh my god!" napasinghap ito nang makita ang katawan na pugot ang ulo pati ang paghagulgol ni Kai na nasa gilid ng sasakyan. Chapter 154 - Matthew saved her Palabas na si Kai ng sasakyan, he kissed Bella on her forehead. Strange, but he doesn''t want to go out at iwan ang dalaga na mag-isa. *buzz buzz* Nakita niyang nagb-bling ang isang berdeng ilaw sa unahan at nagv-vibrate. Nakakunot ang noo na kinuha niya ang headphone dahil mukhang may gustong sabihin sa kanya si Mat-mat. "Mat?" "Kai, do not go! I saw something will happen when you get out of that car!" "What do you mean?" Narinig ni Kai na nag-lock ng kusa ang buong sasakyan. "May infrared ang sasakyan ni Uncle Rob. Someone is near, I saw red heat in a night vision cam sa labas na nagmumula sa katawan ng tao. This is definitely Gon''s follower. And, I-I saw Bella ended her life tonight¡­ when you get out of that car" Kinilabutan si Kai sa nadinig. "What do you mean?!" napasigaw siya ng wala sa oras. "Just trust me, the best thing you have to do right now is to drive that car away in that area!" utos nito sa mataas na boses. Mabilis na sinunod ni Kai ang utos ni Mat-mat. Bigla siyang na-tense sa sinabi nito lalo na nang sabihin na namatay si Bella doon. Nakita niya sa view sa dagat na may mga helicopter nang nakapalibot sa malaking yate mukhang wala nang lusot ang grupo ni Major Jaime. "whew! Cobra, got the main switch finally! I can now watch Major idiot" sabi nito sa kabilang linya. "What do you mean by Bella got killed tonight?" hindi maiwasan na usisa niya. Noon napansin ni Kai na may sumusunod sa kanyang nakamotor at nakaputing suit. "May panget sa likuran na sumusunod" sabi niya saka mas mabilis na pinaandar ang sasakyan. Namumukhaan niya na ang lalaki sa likod ang nagpaulan ng maraming bala ng nagdaang araw. "That is the person who killed your Angel" komento nito. "She will not idiot! How come you knew about this?" gustong mag-init ng ulo ni Kai at bugbugin si Mat-mat sa mga pinagsasasabi nito. "I dreamed about your Angel and you wouldn''t understand technology. You knew that the car you are driving is not that simple right?" "You dreamed about my Angel?! You pervert!" galit na singhal niya dito. Sinong nobyo ang matutuwa na napapanaginipan ng kung sino ang nobya niya? "Parehas kayo ni Cally! Kung maka possess wagas! It''s not my fault okay! Anyway, kumaliwa ka sa susunod na kanto." utos nito. "Why?" tanong niya pero sinunod niya ito. Bago pa makaliko ang sasakyan, naramdaman na lang niya na may nilabas na pwersa ang likurang bahagi ng sasakyan na tila maliit na missile patungo sa lalaking nakaputi. "Wow! Your car is amazing!" puna niya. "Mabuti pa dumeretso ka na lang. I am serious, you have to end this guy''s life or else you will never see your Angel tomorrow. His mission tonight is to kill Bella." sabi nito. Naningkit ang mata niya sa nadinig. Sinilip niya si Bella na nakaupo ng maayos sa back seat at mapayapang natutulog. Walang makitang emosyon sa awra ni Kai pero hindi pa rin talaga nawawala ang galit at sama ng loob niya sa Mommy niya. Matapos lang talaga ang misyon nila ngayong gabi ay dadalhin niya si Bella sa bahay at ipamumukha niya sa ina na hindi siya natatakot na itakwil ng buong angkan para sa nobya. Narinig niyang may inuutos ito kay Cobra sa kabilang linya. "Ang tindi mo t''song! Napakamulti-tasking mo ha! Ilan ba ang kamay mo? Walo?" "Hmp! Tapos wala namang binabayad sa''kin si Cally kahit piso. Sayang ''yung kuryente ko, internet saka talino" Kai "...." wow! *bang bang* Umingay ang likuran ng sasakyan dahil pinaputukan sila ng lalaking nakaputi ng maraming beses. Bullet proof naman ang sasakyan kaya wala siyang problema. "Turn right!" utos ni Mat-mat. Sinunod naman ni Kai. Nakita na lang niya na may nilabas na maraming armas ang sasakyan sa likuran. At parang armalite na pinaputukan ang lalaki sa likod. "Wow! How much is this car? I like it!" sabi niya. "150 Million" Nanlaki ang mata niya sa nadinig. "wow! para imaneho ang sasakyan na sobrang mahal parang mamamatay na ako bukas." "Idiot! Hindi ikaw ang mamamatay kun''di si Bella kapag hindi mo naturuan ng leksyon ang ugok sa likuran mo. I saw how you cried so hard holding your little angel in my dreams." Nagtaas ang kilay niya sa nadinig "Kung pwede, sa susunod, ''wag mo na kami isama sa panaginip mo. Ang creepy mo kasi!" Naiwasan ng lalaking nakaputi ang mga bala at mabilis itong nagpaandar para masabayan ang van. Kapwa sila mabilis na nagmamaneho. *bang bang* pinaputukan siya na nasa driver seat. Nabasag ang salamin ng bintana at yumuko lang si Kai. Patuloy lang silang nagmamaneho ng mabilis. "Now, stop the car!" sabi nito sa kabilang linya na agad na sinunod ni Kai pero mabilis siyang lumundag sa likuran para yakapin si Bella dahil sobrang lakas ng pwersa ng pagkakahinto niya. Sigurado siya na titilapon ang dalaga. Nabigla naman ang lalaking nakaputi at hindi nito napansin ang umaandar na tren sa unahan. Sumemplang ang lalaki na sakay ng motor nito sa umaandar na tren, dahilan para tumilapon ito at masugatan. Halos masira ng ang suot nitong puting damit. Nakita na lang ni Kai na halos hindi na makatayo ang lalaki na nasa unahan ng van kung saan sila nandoon. Nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa gawi nila. Ganoon din naman si Kai habang nakatingin dito. Hanggang sa nakita na lang niya na iika-ika itong umalis. Chapter 155 - The boys knew how to protect their woman Bumalik ang lalaking naka-white suit sa yate kung saan naroon ang lalaking may ginintuang buhok. Iika-ika itong naglakad patungo sa cabin ng master niya. "Master, I failed tonight!" Isang suntok sa pisngi ang ibinigay dito ng lalaking may ginintuang buhok. "Let''s go back to UK." "I want to personally see Lorenz " sabi nito. ===== Pagod na pagod ang lahat matapos ang gabi na iyon. Namatay si Hitomi dahil binali ni Rob ang leeg ng babae. Makakahinga na rin ito ng maluwag na wala nang iikot pa na droga sa MGM o kahit na sa White Devil. Nang gabi na iyon matapos ang lahat, dumeretso ang Daddy ni Prin sa Australia para puntahan ang Mommy niya. Nang makauwi sa bahay, doon lang nakaramdam ng pagod si Prin. Matapos niyang makapag-shower, tinawag siya ni Cally para gamutin ang pasa at mga sugat niya sa katawan. Halata ang disgusto sa mukha nito nang makita ang mga marka ng patalim sa binti niya at pasa sa braso. "Sa susunod, hindi ka na sasama sa misyon." sabi nito habang ginagamot ang mga sugat niya. Napapangiwi naman si Prin. Sa ilang taon at sa dami ng beses na nakipagdigmaan siya kung kani-kanino, laging ang mga sugat o marka ang hindi niya gusto kaya nga pinag-aralan niya ang mga halamang gamot na pwedeng gamitin katulad sa panahon na iyon. Ramdam niya ang hapdi na naiwan ng mga daplis ng patalim sa katawan. "Kung pinasuot niyo lang sana ako ng Dark suit e''di sana wala akong masyadong galos ngayon!" Hindi sumagot si Cally. Bigla na lang siyang napangiwi habang pinapahiran nito ng speacial ointment ang pasa niya. Espesyal na ginawa ang ointment na iyon sa Japan para sa lahat ng Dark Guard. "Kamusta ang kapatid ni Bella?" naisip niyang itanong matapos ang mahabang katahimikan. Napakislot si Prin dahil pinahiran ni Cally ng gamot ang guhit na sugat binti niya gawa ng patalim. "Okay naman siya, pinahatid na siya kay Cobra sa bahay." "Ano nga pala ang mangyayari kay Kai? Bukod sa hindi siya sumunod sa tamang oras kung kailan susugod kanina, iniwan din niya ang post bilang leader." "I understand him." komento ni Cally. "Though, kailangan talaga siyang parusahan bilang Dark Guard dahil may mga sinuway siya sa sinumpaan natin, I understand him kung bakit niya ginawa iyon." sabi ni Cally. "He loves Bella so much" komento ni Prin. Bumalik sa ala-ala ni Prin ang eksena noong nakita nito ang kaibigan niya na hila-hila ng isang maid para ipakita sa parokyano. She saw hatred in his eyes looking at Bella and the crowd at tiim ang bagang na inakyat nito ang nobya sa stage para protektahan. "If I am Bella, will you do the same thing?" "Of course" mabilis na sagot ni Cally. "You guys knew how to protect your woman" komento ni Prin. Noon niya lang napansin na tapos na si Cally. "Bukas wala na ito." sabi niya. Tinabi ni Cally ang medicine kit sa isang drawer. Nakapag-report na sa kanya si Mat-mat at Kai na kumikilos na naman ang grupo ni Gon. Nagpadala na siya ng mensahe kay Madam Lira para maparusahan ang lalaki. Sa ngayon ay hindi niya alam kung sino sa Dark Lords ang posible na magtaksil sa pamilya niya na tulad ng mga Peters. Paglingon niya sa kama, mahinang humihilik na si Prin. ===== (Present Time) Nagbalik sa ala-ala ni Cally ang mga huling araw nila ni Prin ilang taon ang nakalipas bago ito nawala. Nakatitig lang siya sa mukha ng asawa na sobrang putla. Bahagya na rin na nangitim ang asawa niya dahil sa nangyari at pansin niya na nag-dry na din ng kaunti ang balat nito. She looks older than the last time. Tila nagbalik din ang tibok ng puso niya habang nakatitig sa babae. "Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na itanong kay Madam Lira. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman nito. Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a familiar and strange feelings. He really can''t describe. He doesn''t know what to say. He wanted to hold her and at the same time he is scared. He was hurt seeing her like that. Ilang saglit lang, nagmulat ang mata ng asawa niya. Kumabog ng sobra ang dibdib niya nang kumilos ito. "C-Cally?" natigilan ito nang makita siya at kinagat ang labi dahil pinipigilan nito ang umiyak. Hindi na napigilan ni Cally na yakapin ang babae. "Hush¡­" Hinayaan niya lang na lumuha si Prin habang sinasabi ang mga katagang "I''m sorry¡­". He is hurt. Lumipas ang ilang oras na tahimik silang dalawa bago naglakas ng loob si Cally na magtanong kay Prin. "Honey¡­ tell me, why... are you pregnant?" lakas loob na tanong niya habang nakatingin sa bilog na bilog na tiyan ni Prin. Chapter 156 - He will do anything for her Buhat ni Kai si Bella na sumakay ng elevator paakyat sa palapag kung saan naroon ang condo unit nilang dalawa. Awang-awa siya sa nobya. Alam niya na napagod na ang nobya niya matapos ang dalawang araw nito na walang pahinga. Pumasok sa isip niya ang lalaking nakaputi. Kapag naglaban sila, hindi niya bibigyan ng pagkakataon ang taong iyon na manatiling huminga kahit isang segundo. Binuksan niya ang pintuan ng unit nito saka maingat na nilapag sa couch si Bella. Hindi pa rin kumakalma ang sama ng loob niya sa mga nangyari. "Gusto kong maligo¡­" hiling ni Bella. Hindi nagsalita si Kai at nagkusa siya na pasukin ang shower room ng tahanan ni Bella. Unang beses niya na makapasok doon. May mga shower gel, shampoo, sabon at kung anu-anong gamit sa pagligo ang nasa isang kabinet. May salamin sa isang gilid. May citronella na scented candle na nakapatong sa lavatory. Nilagyan niya ng tubig ang bath tub at sinukat ang tamang init nito. Sinindihan niya ang scented candle. "Kaya mo na bang tumayo?" Tumango si Bella saka tumayo. "Babe, gusto ko ng Ramen" Noon lang napagtanto ni Kai na hindi pa nga pala kumakain ang dalaga. "Take a shower, ibibili kita sa labas. Ahm.. sigurado ka ba na kaya mo nang kumilos mag-isa?" Tumango si Bella. Hinalikan niya sa noo ang nobya saka ito inakay na magpunta sa bath tub. Namumula ang pisngi ni Kai na tinulungan si Bella na tanggalin ang coat na pinasuot niya sa dalaga kaya lumitaw ang katawan nito na naka-underwear. Napalunok siya. "I-I''m going." paalam niya kay Bella. Nilagay ni Kai ang bluetooth na headset sa tenga nito. He then connected the lines between their phones. "Talk to me okay. Bawal matulog sa tub." Saka siya nagpaalam dito para hanapan ng ramen ang Angel niya. Dis-oras na ng gabi kaya nahirapan siyang maghanap ng bukas na Japanese house. Para siyang naghahanap ng pagkain ng buntis niyang misis. Nag-uusap sila sa telepono habang nagmamaneho siya para maghanap ng pagkain ng nobya. "Nahirapan ka ba na maghanap ng pagkain?" tanong nito sa kabilang linya. "Hmmm¡­" "Ibili mo na lang ako ng instant ramen noodles sa 7-eleven." hiling ni Bella. Ayaw naman niya na mahirapan si Kai lalo at alam niyang dis-oras na ng gabi. "Okay." sabi ni Kai. dumaan siya sa palengke at bumili ng prutas. Hindi kasi maganda na mag-instant noodles lang ang nobya niya. Patuloy lang sila na nag-usap para hindi mainip ang nobya niya sa bahay nito. Kung anu-ano lang ang mga pinag-usapan nila sa linya. She asked kung maaliwalas ba ang ulap. He described it to her. She asked kung maluwag ang daan. She sang at kung anu-ano pa. Matiyaga siyang nakikinig sa dalaga hanggang sa makarating siya sa tirahan nito. Siguro kung malalaman ng mga trainees ng Dark Guards ang mga ginawa niya para kay Bella ay baka mawala ang respeto sa kanya ng mga ito. Kilala siya bilang seryoso at mahigpit sa mga trainees kahit sa grupo nila Prin. Pero kaya niyang magpaalipin sa iisang babae. Madami na ang nagtataas ng kilay sa relasyon niya sa dalaga. Unang una na nga ang nanay niya pero wala siyang pakialam. For the longest time, ngayon lang niya naranasan ang kakaibang saya. Bigla niyang napatunayan na tao rin siya at tumitibok ang puso niya sa isang babae. Makagraduate lang talaga sila ni Bella ay baka ayain niya na agad ito na magpakasal. Hindi niya alam kung ano talaga ang pinakain nito sa kanya. O baka naman nilawayan siya nito ng lihim. Nakapagpalit na ng pajama si Bella nang makabalik siya doon. Pinagluto niya pa ito ng noodles. Nakapangalumbaba na pinagmasdan ang dalaga habang kumakain ito sa harap ng mesa. Nagsimulang ma-conscious ang dalaga. "Why?" takang tanong nito. "Nothing... Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko nasagot ang tawag mo nang nakaraan. Saka, sa ginawa sa iyo ng Mommy ko" malungkot na sabi niya. Halata ang pagsisisi sa tono ng boses ni Kai. Marami siyang gusto na ihingi ng tawad sa babae. Natahimik si Bella. Ang totoo masama ang loob niya sa Mommy ni Kai pero ano ang magagawa niya? Alam niya na gusto lang nito na protektahan ang anak. Matagal silang natahimik hanggang sa putulin iyon ni Bella. "Kai¡­ gusto ko sanang mag-train bilang Dark Guard" Napakunot ang noo ni Kai sa bagong hiling ni Bella. Chapter 157 - I will train you Nabigla si Kai sa bagong hiling na ''yon ni Bella na gusto rin nito na mag-training sa Dark Guards. "My Angel, Dark Guards'' training is not that simple." Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Kai nang banggitin ng dalaga ang tungkol sa bagay na iyon. Kakaunti lang ang alam ni Bella sa trabaho nila ni Prin. At alam ni Kai na taliwas ito sa totoong pangarap ng nobya niya. Isa pa, pinagbabawal ang magkarelasyon sa Dark Guards. Lalo na''t magiging leader siya ni Bella. "I can teach you kung paano lumaban if you want. Being a Dark Guard is not that simple. We trained five years bago kami mapunta sa kung nasaan kami ngayon." Napayuko at natahimik si Bella. Ayaw naman talaga niya na maging Dark Guard. Ayaw niya lang na kailangan pa siyang iligtas ng kaibigan na si Prin o ng nobyo na si Kai. "I can train you kung paano lumaban." Inangat ni Bella ang paningin kay Kai. Sa palagay niya ay magandang option na magtrain siya kay Kai. Dagdag bonding pa nilang magkasintahan ang kung ano man na training ang ibibigay nito sa kanya. "That''s what I want" nakangiting sagot ni Bella. "Whew!" Nakahinga ng maluwag sa wakas si Kai. Tinulungan niya na magligpit si Bella ng pinagkainan nito saka niya hinatid ang dalaga sa tulugan. "I love you, Kai" sabi ng dalaga matapos nitong makahiga sa kama. Hinalikan ni Kai sa noo ang nobya bilang sagot. "Okay lang ba kung magpasama muna ako sa ''yo dito?" Tanong nito. Makakatanggi ba siya sa kanyang Angel kung gusto rin naman niya na makasama pa ito ng matagal? Lalo na''t nag-aalala talaga siya sa nobya. "But, hindi pa ako nakapag-shower" katwiran ni Kai. Sa loob ng ilang oras na pakikipaglaban sa yate pati sa lalaking nakaputi, madungis ang pakiramdam niya. "It''s okay. I just wanted to... hold your arms" Nag-aatubili siya na tabihan ito. Sinunod niya rin ang gusto nito sa huli. Hinubad niya ang polo na suot saka niya ito tinabihan. Mabilis naman na nakatulog ang dalaga dahil sa sobrang pagod habang nakasiksik sa braso niya. Hinaplos ni Kai ang pisngi ni Bella habang nakatitig sa maamong mukha nito. ''My Angel, I will train you like a Dark Guard.'' Hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan ni Bella pero hindi biro ang pagiging Dark Guard. Kalahati sa mga kasabayan nila na trainees limang taon ang nakaraan ay nagsipag-atrasan o hindi na nagpatuloy pa sa training. At alam ni Kai na hindi makakaganda sa relasyon nila ni Bella kung gugustuhin nito na pumasok sa organisasyon. ===== Inabot na ng tanghali bago bumangon si Prin sa higaan. Unang hinanap ng mata niya si Cally. Noon niya lang napansin ang note nito sa katabing cabinet na aasikasuhin nito ang issue ni Major Jaime. Naawa siya kay Cally dahil sa dami ng kailangan nitong asikasuhin kaya naisip niya na oras na para ipagluto ang asawa niya. Una niyang naisip na ayain si Bella. Gustuhin man niyang isama si Ana dahil na-miss niya rin ang kaibigan, alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya sa pagluluto at kasama rin ni Cally ang kaibigan sa meeting nito sa heneral. Ilang oras lang, nasa harapan na sila ng supermarket na malapit lang sa bahay ni Cally. "Are you sure about this?" Tanong ni Bella sa kanya. Nagdududa ang dalaga kung kaya ni Prin na magluto. Tumango lang si Prin kahit pati siya ay duda sa sarili. "Sige I will help you. Ano ba ang plano mong lutuin?" "Chicken b.r.e.a.s.t fillet saka kahit anong pasta" sagot ni Prin. "Sige! I''ll help you dahil niligtas mo ako kahapon." Sagot ni Bella. "I love you friend! Pero sa sangkap mo lang ako tulungan ako na bahala sa iba pa." Pagsapit ng gabi... Nataranta si Cally nang makita na umuusok ang bahay niya sa kanang bahagi kung saan naroon ang kusina. Halos mangulay itim na ang usok. Natataranta ang lahat ng kasambahay at hindi alam ang gagawin. "Anong nangyayari?" Tanong niya pagka-park ng sasakyan. Nasa isip niya kung nasusunog na ba ang bahay niya. "Master, si Miss Prin kasi ayaw kaming papasukin sa kusina. May hawak siyang butcher knife at hindi daw siya magdadalawang-isip na tagain ang sino man na papasok sa loob." Cally "...." Hindi na niya pinagpatuloy pa ang pakikinig dito at tinakbo ang kusina kahit pa nakasuot siya ng pormal na polo at neck tie. Nag-alala siya na baka may nangyaring masama kay Prin. Kinuha niya agad ang fire distinguisher at ginamit sa buong kusina hanggang sa lumitaw sa paningin niya ang asawa. *cough cough* pag-ubo nito. Namumula na ang pisngi nito gawa ng init ng apoy at usok. Inikot ni Cally ang paningin. Makalat ang buong lugar. May mga nakakalat na spaghetti noodles sa sahig, mga hiwa ng gulay, iba''t-ibang klase ng kutsilyo at mga kasangkapan na gamit sa kusina kung saan-saang parte. Umitim pa ang isang parte ng pader kung saan naroon ang kalan. Sinilip niya ang nasa wok at nakita doon ang kulay itim na isang piraso ng karne. Katabi nito ang kaldero na may lamang dumikit na noodles ng spaghetti na halos umitim na din. May hinala na siya na sinubukan ng asawa niya na magluto. "Honey, what are you trying to do? Bakit walang tubig itong noodles mo?" Kumunot ang noo ni Prin na inuubo pa rin. "*cough* Nilalagyan ba ng tubig ang noodles ''pag lulutuin?" Cally "..." Chapter 158 - Cooking knowledge Parang bata si Prin na pinagagalitan ng asawa niya kaya nakanguso siya at hindi makatingin dito. "Iyong karne mo na iisang piraso, nasa malaking wok? tapos ''yung noodles, nasa kaldero nga pero pinilit mo talagang lutuin nang walang tubig? Hindi ka man lang ba nagbasa ng recipe?" nakahalukipkip na tanong ni Cally. "Bakit ako magbabasa ng recipe sa pagluto lang ng noodles?" kinuha ni Prin ang supot. "...Look! It says, cook for 10 minutes!" sabi niya habang turo-turo ang nakalagay na numero sa harapan ng supot. "Yes. sampung minuto na lulutuin... sa tubig! Baka pati ang sinaing, hindi mo rin alam na nilalagyan ng tubig?" "Huh? Nilalagyan din ng tubig ang pagluto ng kanin?" Cally "..." Umirap si Prin "It''s not my fault! Kasalanan iyon ng mga nagluluto. Kasalanan ko ba kung wala namang tubig ''yung noodles kapag hinanda na sa akin ''yung pasta? At yung kanin? They are normally dry. Ang alam ko na may tubig ay ang ramen! O kaya sinigang!" katwiran niya. Cally "..." Hindi naman alam ni Cally kung ano ang isasagot niya sa personal na katwiran ni Prin. "With your knowledge, hindi na talaga ako magtataka kung iyan ang mga napupuna mo." Kumalma naman si Cally matapos ang ilang sandali dahil alam niya na sinubukan talaga ni Prin na magluto para sa kanya. "Honey, tingin ko mas papayagan pa kita na sumama sa misyon, kaysa ang sunugin mo ang buong bahay natin" Doon napakagat ng labi si Prin. Medyo guilty siya dahil nasira niya ang kusina ng bahay nila. Hindi niya mahiwa nang maayos ang carrots at patatas. Isang basket na yata ng patatas at carrots ang nababalatan niya nang mapansin na umuusok ang nilulutong chicken saka ang kaldero na may noodles. Sa sobrang taranta ni Prin, nilundag niya ang kalan, nasagi niya ang mga kagamitan kaya kumalat ang mga iyon. Imbes na patayin pa ang apoy ay nalakasan niya pa ang pihitan nito. Dumoble ang pagkataranta niya kaya kinuha niya ang kung ano man na liquid na makita. Nadampot ng makikinis niyang kamay ang whitewine sa gilid na lalong nagpaliyab sa niluluto niya. Hindi niya alam ang gagawin. Binuksan niya ang lahat ng kabinet at naghanap ng maaring lunas sa disaster na ginawa niya. Binuhos niya ang asin, harina at kung ano pa hanggang sa wala na siyang makita sa kapal ng usok. Iyon ang nabungaran ni Cally. Inakbayan siya nito saka inayang lumabas ng kusina. Pinalapit nito ang dalawang kasambahay. "Huwag niyo nang hahayaan na pumasok ng kusina ang Miss niyo, okay" utos nito at napansin niya na nakahinga ng maluwag ang mga kasama nila sa bahay na para bang diyos ang tingin ng mga ito kay Cally para makaya nito na pagbawalan siya doon. Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya sa mga kasama lalo at tinakot niya ang mga ito. Chapter 159 - Dont do this Sa Kent Mansion sa UK... Bitbit ang laylayan ng mahabang gown na suot ay patungo sa malaking pintuan si Madam Lira. Nakatanggap siya ng isang imbitasyon mula sa dating kaibigan kung saan siya patungo sa mga oras na iyon. Isang doktor na magsasaya ng ika-animnapung kaarawan nito. Sa araw na iyon, naisip niyang isama ang anak na si MC na kasalukuyang nakatira sa Kent Mansion. Ngunit may kailangan din itong asikasuhin sa parehas na petsa kaya si Lorenz ang napili niya na isama. Nasa 70s na ang edad ng ginang kaya kita na ang gray na buhok niya. Bahagya na rin na kumulubot ang balat at nakakaramdam na rin siya ng mga sakit-sakit sa katawan. Sa loob ng ilang taon, matapos na bawian ng buhay ang ama na si Master Kent ay siya na ang namahala sa buong organisasyon na naging daan para magkaroon ng mga taksil sa Dark Lords. Hindi gusto ng ilan na siya ang mamuno sa kasalukuyan kaya hinahanda niya si Cally. Huminto ang isang black limousine sa harapan ni Madam Lira at lumabas si Lorenz sa driver seat. Nakasuot ng itim na tuxedo ang binata sa unang pagkakataon dahil required ang lahat ng bisita sa pagdidiwang ang magbihis ng pormal. "Mama Lira!" bati nito saka nagmano sa madam. Napangiti ang ginang. Matuturing niyang isa sa mga apo ang batang si Lorenz. Kahit ang buong pamilya niya ay pamilya na rin ang turing dito. Madalas nga lang na napapansin niya na lumalayo ang loob nito dahil sa hiya sa kanila. Pasikreto nito na sinusuportahan ang bunsong kapatid na nasa Pilipinas. Hindi alam ng kapatid nito na may Lorenz na sumusuporta sa pag-aaral nito. Kilala ni Lorenz ang dalaga, pero hindi ng kapatid ng binata. At hindi iyon lingid sa kanya. Madalas niya kasing kamustahin sa binata ang kapatid nito na si Andrea. Sinakay siya nito sa loob ng sasakyan. "Bakit ikaw ang nagmaneho?" usisa ng madam. Gusto niya kasi na maka-kwentuhan ang binata. "Gusto ko kayong pagsilbihan Mama Lira habang nandito pa ''ko" simpleng sagot nito. Wala na siyang nagawa nang isakay siya nito sa likurang bahagi ng sasakyan kaya hinayaan niya na lang na ito ang magmaneho. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang limousine sa tapat ng Wellesley Knights Bridge, isang magarang hotel. Binuksan ni Lorenz ang lock para iabot ang susi sa valet. Ngunit hindi niya inasahan ang mga sumunod na nangyari. Nang makababa ay laking gulat niya na makitang may humablot kay Madam Lira sa likurang bahagi sa loob ng sasakyan kasabay ng pag-unlock niya nito. Nakasuot ng puting suit na katulad ng deskripsyon ni Kai sa kanya sa telepono ang lalaking humila kay Madam Lira. Tumiim ang bagang niya na mabilis na lalapitan sana ito. "Subukan mong lumapit!" ang sabi habang nakatutok ang isang calibre 45 sa sentido ni Madam Lira. Walang nagawa si Lorenz kun''di ang magmura. Nakadagdag sa pagkabigla niya ang paglitaw mula sa kung saan-saang parte ng lugar ang sampu pang mga lalaki na nakaputi. Pasikreto na binuksan niya ang GPS ng suot-suot na relo na nakalaan sa isang Shogun. Mabilis na umalerto ang signal sa computer Room ng Dark Guards sa Matsui Villa sa Japan. Matalim ang tingin ni Lorenz sa lalaking naka-puti na may hawak na armas. Siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay Madam Lira. Naghahanap siya ng tiyempo para makuha ang patalim sa sikretong bulsa ng suot na pantalon. "Bitiwan mo si Mama Lira!" galit na sigaw niya dito. Ngumisi ang lalaki "Shogun, ikaw ang kailangan namin, hindi naman talaga si Madam Lira!" Nakuyom ni Lorenz ang kamao. "Lorenz, I am old. Do not trust this guy!" matapang na sabi ng ginang. Paano pakikinggan ni Lorenz ang hiling ng taong kumupkop sa kanya? Lalong nanlisik ang paningin niya sa lalaki. "Bitiwan mo si Mama Lira!" sigaw niya. Nagsisi si Lorenz kung bakit hindi niya pinasama ang bodyguards ng ginang. Madalas na may kasamang bodyguard si Madam Lira bilang Mistress ng Dark Lords. Nang araw na iyon ay naisip niya na personal itong bantayan. Dahil malakas ang loob niya na walang mangyayari dito sa poder niya. "Lorenz, I know why they wanted you. Aside from Cally and Rob, you knew all the secrets behind the organization. Don''t mind me, I am old!" paliwanag ng ginang. Alam ni Madam na hindi siya basta-basta gagalawin ni Gon lalo at malaki ang utang na loob nito sa kanya. Sa araw na iyon, alam niyang si Lorenz talaga ang pakay nito. Hindi maipaliwanag ang anyo ni Lorenz.. Alam niya ang sinasabi ni Madam Lira, pero hindi niya kaya na makita ito na hawak ng kung sino at may nakatutok na armas sa sentido na kaunting kalabit lang sa gatilyo ay mawawalan na ito ng buhay. Sinampal ng lalaking nakaputi si Madam Lira gamit ang armas para ipakita sa kanya na kayang saktan ng mga ito ang ginang. Tumilapon ang ginang sa kasamahan nito na naka-white suit. Dahil may edad na ang ginang, normal na marupok na ang mga buto nito. sa kaunting kilos, ay litaw agad ang galos nito sa balat Nagdugo agad ang labi ng ginang at gumulo ang naka-french bun nitong buhok. "Haahh!!" Umangil si Lorenz sa nasaksihan at mabilis na nalapitan ang lalaki. Pinaputukan siya nito pero mabilis niyang nahuli ang kamay nito na may armas. Tinuhod niya ang braso ng lalaki dahilan para mabitawan nito ang hawak na armas. Saka mabilis na nakuha ang nakatagong patalim para sasaksakin ito sa leeg na agad naman nitong napigil. Dumaplis ang patalim at tumama iyon sa balikat ng lalaki. "Ahhhh!" hiyaw nito. Diniin pa ni Lorenz ang patalim at inikot na para bang magpipihit ng turnilyo. Halata ang galit sa awra niya dahil sa ginawa nito. *Clap clap clap* Lumitaw sa paningin ni Lorenz si Gon Peter. Nagbigay ito ng senyas at ilang baril ang tinutok ng White guards sa may-edad na babae. "We will kill Madam Lira kapag hindi ka sumama sa amin" banta ni Gon. "Gon, don''t do this..." hiling ni Madam Lira kahit nanghihina. Bitbit ang ginang ng dalawang White Guards at sa hindi maipaliwanag na dahilan, sumikip ang dibdib niya dahil sa sama ng loob sa batang si Gon. Napahawak ito ng mahigpit sa dibdib at hinabol ang hininga. Napapikit si Gon para hindi makita ang awra ng ginang. Kailangan niyang iwaksi ang nararamdaman na awa sa matanda sa mga oras na iyon. Nakita ni Lorenz ang nangyari kaya nawala siya sa pokus. Sinipa siya ng lalaking sinaksak niya sa balikat kaya tumilapon siya. Gumulong ang katawan ni Lorenz saka dahan-dahan na tumayo. Nakatingin siya sa may edad na babae na anumang oras ay parang babawian ng buhay. Hinahabol nito ang hininga dahil sa sikip ng dibdib. "Sige, sasama ako... But please.. please bring Mama Lira to the hospital!" "Deal!" sabi ni Gon. Matapos makipag-deal kay Gon ay ginulpi si Lorenz ng tatlong nakaputi na suit. Pinagsisipa siya sa tiyan, sinuntok sa mukha. Tumagal ng ilang minuto bago niya narinig na inutusan ni Gon ang mga tao nito na ihatid ang ginang sa ospital. Saka siya nawalan ng malay. Chapter 160 - Principles in Life Matapos pindutin ni Lorenz ang signal at GPS ng relo niya. Agad na kumonekta iyon sa main computer ng Dark Guard na si Tom. Nang makuha ni Tom ang signal, nagpadala siya agad ng mensahe kay Cobra na nasa Pilipinas at sa iba pang Dark Guards na kasalukuyang nagsasanay sa UK para hanapin ang Shogun. ===== Ilang araw na lang ay magsisimula na ang klase kaya naisipan na dalhin ni Kai si Bella sa isang farm house. Tulad ng inaasahan, suspended na naman siya bilang Dark Guard at si MB10 ang gaganap munang leader sa loob ng ilang buwan kaya nakapagbakasyon siya na kasama si Bella. Siguro kung nasuspinde siya at walang Bella na nag-eexist sa mundo niya, malamang ay galit na galit siya sa nangyari. Ilan sa mga kasamahan niya ay nagtataka na kung ano ang nangyayari sa kanya at nawawala na siya sa prinsipyo niya bilang Leader at Dark Guard. Nagagalit na rin sa kanya si Lorenz at napapatanong kung anong meron kay Bella para iwan niya ang lahat para sa babae. Hindi rin alam ni Kai at wala siyang pakialam na isipin pa o ianalisa pa ang bagay-bagay. Kung mayroon man na nakakaintindi sa ginawa niya, ''yon ay si Cally. Tahimik lang ang Master nila at walang reaksyon sa ginawa niya pero ramdam niya na naunawaan siya nito. May palagay siya na gagawin nito ang parehas na ginawa niya kung malagay din sa alanganin si Prin. Nakabawi na ng lakas si Bella matapos ang ilang araw. Gamit ang motor ay nagbyahe sila mula sa Blue City kung saan sila nakatira ni Kai hanggang sa farm house na matatagpuan sa kalapit na probinsiya. Maingat magmaneho ang nobyo niya at parang ninanamnam nito na nakayakap siya sa likuran nito. Madilim na rin sa farm house nang makarating sila doon. Isang bungalow house iyon na kakaiba ang disenyo. Bato ang pinakahaligi na pinatungan ng malalaking kawayan. Ang bubungan ay may solar battery na siyang sumusuporta sa kuryente ng kabahayan. May maliit na kusina, isang kwarto na hindi niya pa nakikita at sa pinaka-main area ay may mga silya na gawa sa matibay na kahoy. "B-bakit nga pala gabi ang naisip mo na magpunta tayo dito?" Kinakabahan na tanong ni Bella habang pinapakain siya ni Kai ng hapunan. Puro gulay iyon na tanim doon sa farm kung saan sila naroon. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya lalo at dadalawa lang sila ni Kai sa romantic house na iyon. Nakapag-out-of-town naman na siya kasama ang huling nobyo na si Josh at saka si Kai pero madalas na sa ibang tulugan sila nagpapahinga. Kung tutuusin, ilang beses na rin niya na nakatabi ang nobyo na si Kai sa pagtulog, pero iba ang kaba niya sa oras na iyon. "Because it''s beautiful. I''ll show you later." nakangiti na sagot nito. "O-okay." Matapos nilang maghapunan, may inasikaso si Kai sa labas ng bahay. Nagpanggap naman si Bella na nagb-browse sa cellphone. Medyo mahina ang signal kaya nahihirapan siya at natatagalan sa bilis ng internet. Nang magbalik si Kai, napalunok si Bella lalo na nang inakay siya nito na pumasok sa loob ng kwarto. Handa na ba siya na ibigay ang sarili sa nobyo? ''Wait lang!!!'' Masyado siyang advance mag-isip. Isang Queen size na kama nga lang ang laman ng kwarto. At kulay puti pa iyon kaya lalo siyang kinabahan. "Close your eyes." Utos ni Kai. Walang nagawa si Bella kundi ang sundin ang binata. Kumakabog ang dibdib niya lalo nang ihiga siya nito sa kama. Kinakabahan ba siya o excited?! "Now, open your eyes..." Dahan-dahan na iminulat ni Bella ang mata niya at tumambad sa kanya ang mga bituin sa langit. Napasinghap at natutop niya ang bibig sa nakikitang ganda ng kalangitan. "Oh my gosh!" "It''s beautiful, right?" Tumango si Bella. Pinatay pala ni Kai ang mga ilaw sa labas kaya ito sumaglit sa labas ng bahay. Ang bubong sa kwarto ay gawa sa espesyal na salamin na halos hindi na makita kaya kitang kita niya ang mga bituin sa kalangitan. Ang saya ni Bella kaya nayakap niya si Kai nang wala sa oras. "Thank you, babe!" Masaya niyang sabi. Ilang minuto niyang tinitigan ang pagkinang ng mga bituin habang nakahiga sa malambot na kama. Hindi niya napapansin na nakatitig na pala sa kanya ang binata sa tabi. Paglingon ni Bella ay nasalubong niya ang mata nito. Matapos ang ilang sandali ng pagtitig sa isa''t-isa, nilapit ni Kai ang mukha sa kanya para halikan siya sa labi. Naaadik na si Kai sa labi ni Bella. Ang alam niya ay hindi nakakasawa ang labi ng nobya. Hanggang sa lumalim ang halik niya dito. Hindi niya namamalayan na nakapatong na siya sa ibabaw ni Bella. Gumagapang ang kamay ni Kai simula pisngi, sa leeg pababa sa dibdib. Parang sumapi sa kanya ang masamang espirito at nawala na naman siya sa prinsipyo niya bilang nobyo ni Bella. He wanted all of her. Bumaba pati ang paghalik niya mula sa labi hanggang sa leeg. "Ohh¡­" narinig niyang ungol ng nobya na lalong nakapagpa-demonyo sa pagkatao ni Kai. Isang malakas na ring ng cellphone mula sa bulsa na may kasamang vibrate ang nagpatigil sa kanila. Bigla siyang napaupo at nangigigil na kinuha ang cellphone. Si Bella sa tabi ay pulang pula ang pisngi at halos hindi makatingin sa kanya. Naging seryoso si Kai nang mabasa ang pangalan ni Cally sa telepono. "Shi!" Bungad niya. Sinabi agad ni Cally ang pakay "MB5, we have to go to the UK! Kinuha nila ang shogun at naospital si Mama Lira. We''ll be doing a rescue mission!" Chapter 161 - Madam Lira is Safe Hindi nag-aksaya ng oras ang grupo ni Cally nang makuha ang signal na nadakip ang Shogun. Buong pamilya ng Han ay napapunta ng wala sa oras sa UK. Nauna si Christen para matingnan at magbantay sa kasalukuyan kay Madam Lira. Kasalukuyan na nag-aaral ang dalaga ng medisina sa Paris at dahil nasa kalapit na bansa lang din ang dalaga, nauna ito ng halos buong araw kila Cally. Nang buksan ni Cloud Han ang pintuan ng kwarto ni Madam Lira, kasunod ang buong pamilya, natagpuan niya ang Mommy niya na nakahiga sa malapad at malambot na kama. Nasa loob si Christen para review-hin ang gamot at findings ng Madam. Nakasuot ito ng pinaghalong kulay na itim at puting bestida. "Dad, Ma!" bati ni Christen. Mabilis itong naglakad patungo sa magulang. "How is your Mama Lira?" tanong ni Cloud. "She''s okay, nagkaroon lang paninikip ng dibdib dahil sa nangyari. She was emotionally hurt" malungkot na sagot ni Christen. Noon niya napansin si Cally pati ang iba pa nilang pinsan. "Cally!" nagyakap sila na magkapatid. Napansin din ni Christen si Prin na halata sa mukha ang pagkabahala. Dahil close ang pamilya nila, magkakilala sila simula pa pagkabata pero hindi sila ganoon ka-close na dalawa dahil iba ang trip ni Prin, sa trip niya. Isang Dark Guard si Prin, samantalang mas malalim mag-isip si Christen. Pero pamilya pa rin ang turing nila sa isa''t isa. "Prin!" bati ng dalaga. Ngumiti si Prin kay Christen. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon ang dalaga. "How are you?" Tanong ni Prin. "I''m good! Thank you!" sagot nito. Gustuhin man nila na magbiruan ay hindi makabubuti sa mood ng kwarto. Gusto sanang biruin ni Christen si Prin tungkol sa kuya niya, pero seryoso ang lahat na nag-aalala kay Madam Lira. ===== Tatlong daan na miyembro ng Dark Guards ang nagtipon-tipon sa Kent Mansion sa UK. Makalipas ang ilang taon, nagkita-kita ang Gray at Black Guards. Sa malaking lupain ng Residente ng Kent, habang naghihintay ng utos, nagawa munang makipagkamustahan ng lahat. Nasa hall ang lahat ng leader¡­ Nakaupo ang lahat ng leader sa harapan ng isang kwadradong table. Isang mahabang table ''yon na may twenty seats. Siyaman ang upuan ng magkabilang panig at tig-isa sa magkabilang dulo. Nakaupo si Prin sa gilid ni Cally, na nakaupo sa pinakadulong bahagi bilang Master ng lahat. Kasama rin sa meeting si Ana at Joen. Dahil suspendido si Kai, hindi siya ang tatayong leader ng Black guards na magbibigay ng huling salita. Pero pinayagan siya na dumalo para magbigay ng payo at strategy. Hindi nga lang niya matanggap na nasa dulong bahagi siya nakaupo malayo kila Cally. Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang salingpusa sa klase. Wala si Bella sa paligid kaya balik sa normal ang mood ni Kai na mainitin ang ulo. Nakuha nila ang signal kung saan dinala si Lorenz bago tuluyang nawala iyon. Ayon sa mapa, sa dagat nawala ang signal ng Shogun pero dahil iisa ang kalapit na isla, hinala nila na naroon ang shogun sa oras na iyon. "Sa tingin ko, nasuri nila ang relo kaya tinapon nila sa dagat" hinala ng isa. "Shi, kailangan na masiguro natin na naroon nga sa isla ang Shogun" sabi ng isang leader sa nakapangalumbabang si Cally. Malalim ang iniisip niya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaibigan, ganoon din ang iba pang kasama. Ilang saglit lang, bumukas ang mabigat na pintuan na gawa sa makapal na kahoy. Agaw-pansin ang pag-ingit nito kaya sabay-sabay na napalingon ang lahat sa direksyon ng pintuan. Isang lalaking nakasuot ng maluwag na trousers na akala mo ay pajama, masikip na T-shirt at alpombra ang suot na tsinelas ang niluwa ng pintuan. Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas, parang kinahig ng manok ang buhok nito sa kapal, maganda ang pangangatawan kahit na hindi ma-muscle na tulad ng Dark Guards, magandang lalaki na makalaglag shorts at may mata na kulay¡­ asul? May bitbit pang isang mataas na baso ng tumbler ng kape ang lalaking bagong pasok at laptop na Predator 21 X ang tatak sa kabilang kamay. Isang 21 inches na pinakamalaking laptop na nakita nila sa buong buhay nila. Napakunot ang noo ni Prin dahil tila naligaw ito ng kwarto na pinasukan. Parang matutulog ang lalaking bagong pasok na basta umupo sa dulong bahagi na silya, katapat ng pwesto ni Cally at gilid ni Kai. Nakakunot ang lahat sa bagong pasok na binata dahil pare-parehas ang tingin ng mga ito na naliligaw doon ang lalaking bagong pasok bukod kay Cally. "Hey! Asan na ang usapan? Hindi niyo man lang ako nagawang hintayin?" reklamo nito. "Ahmm¡­ Sino ka?" Takang tanong Prin. "Who are you?" mainit ang ulo ni Kai. Akala ba ng lalaking bagong pasok ay nakikipagbiruan sila o makikipaglaro. "Hey Mia Khalifa, nah-hurt ako sa tanong mo ha! You too Ryan Driller, matapos ko kayong iligtas ng Angel mo! Hmp!" sabi nito bago humigop ng kape. "Matty?!" "Mat-mat?!" Nanlalaki ang mata ng lahat ng tao sa meeting bukod kay Cally. Chapter 162 - A pervert hacker Hindi akalain ni Prin na pupuntahan sila nang personal ni Mat-mat para sagipin si Lorenz. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa hitsura nito. Kung si Cally ay kamag-anak ng iceberg dahil sa sobrang seryoso, si Mat-mat ay cool at nabigla siya na mukhang madali itong makagaanan ng loob. Taliwas sa normal na ugali ng isang computer geek. "Bakit parang gulat na gulat kayo?" Tanong ni Mat-mat na inikot ang paningin sa lahat. "Gag*! Ikaw ba naman ang walang mukha, kahit sa webcam ay hindi ka nagpapakita. Tapos isang araw ay papasok ka na lang dito sa meeting na parang makikitulog lang sa kapitbahay." Reklamo ni Kai habang nakahalukipkip. "Nag-iingat lang ako sa mga kalaban. Kapag nabenta niyo nga ang larawan ko ay siguradong milyunaryo na kayo. O siya! dahil nakita niyo na ang kagwapuhan ko, saan na tayo?" "We need to find Lorenz'' location." Si Cally. "K!" Binuksan lang nito ang malaki at mukhang mabigat na laptop. Mabilis na nagtipa sa computer. Nakataas ang kilay ni Kai na sinusuri ang binata. Mukhang nahalata naman nito na amazed siya sa itsura nito. "Kai, may problema ka ba sa ''kin?" Tanong nito habang mabilis na nagtitipa sa keyboard at saglit na tumingin sa kanya. "Wala naman, ang kapal kasi ng buhok mo, pwede nang tirhan ng inakay sa kapal! Tapos, interesado rin akong malaman kung bakit kulay blue ang mata mo." "Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong" pagsusumbong nito. "MB5, you are under suspension. You are not allowed to say anything" utos ni Cally para matapos na. Ngumiti ng malapad si Mat-mat na halos magpasingkit na sa mata nito para kay Kai. Saka pinisil ang pisngi ng huli. "Your Angel is amazing! I can give you a secret video cam na pwede mong ilagay pasikreto sa CR ng bahay niya. At pwede mo siyang bosohan tuwing gagamitin niya ''yon." Pang-iinis nito kay Kai. Alam ni Mat-mat na gustuhin man ni Kai na gulpihin siya doon ay mapapagalitan ito lalo ni Cally at ng iba pang tao doon kaya naisipan niyang asarin ang binata. Tulad ng inaasahan, hindi makapag-react si Kai at makapaglabas ng kahit na anong salita dahil na-warning-an na siya ni Cally. Tama bang sabihin na bosohan niya si Bella? Isang titig na masama lang ang naibigay niya sa lalaki. "Mat..." seryoso si Cally na nagbanta na rin. Naiinip na kasi siya. Hindi tama na magtagal sila sa meeting na iyon dahil nag-iinisan ang dalawa sa kabilang dulo ng Mesa. "''Eto na, ''eto na! May gigil pa" pagkasabi nito ay hinarap sa kanila ang computer. Pinindot lang nito ang space bar at lumitaw ang isang p.o.r.n video sa monitor. Dahil normal na malakas ang speaker ng laptop ni Mat-mat nawindang ang lahat sa pinakita niya. "Ahhh! ahhh! yeah! Oh my god! Oh my god!" Hiyaw ng isang mukhang arabong babae na may malaking dudu na nakikipagkemehan sa maputi at kalbong lalaki na malaki ang katawan. Nanlaki ang mata ni Mat-mat na pinindot ang pause at tinulak ang monitor ng laptop para magsara iyon. Pulang-pula ang mukha ng karamihan sa kwarto. Kahit si Prin ay napanganga sa pinakita ng binata, at bahagyang namula ang pisngi. "Cally! Don''t tell me that is Mia Khalifa?!" Baling niya sa asawa. Pabulong pero may diin ang pagtatanong niya. "Yes, with Johnny Sins" simpleng sagot ni Ana na narinig ang pagtatanong niya. Nakangisi ang kaibigan niya at tila nang-aasar. "Ehem!" Tumikhim si Mat-mat at nagpipindot muli sa laptop. "Seriously! You are so pervert!" Hindi na napigilan ni Kai na pagalitan na naman ang lalaki. Bumaling muli si Mat-mat sa binata. "I am just giving you tips okay?! Para may matutunan kayo ni Angel mo." Bumaling si Kai kay Cally at sa iba pa. "Shi, pwede ko bang saktan ang taong ''to kahit isang beses lang?" Hindi niya na napigilan. "''No ba ''yan, Init ulo ng baby ko! ''Eto na!" Saka nito pinakita ang nasa monitor. Isang satellite video ang nakikita nila sa monitor. Isang land area na makikita ang bubungan ng nag-iisang bahay. "Dito kayo pupunta" naging seryoso ito bigla. "Paano mo nalaman na nand''yan si Shogun?" Tanong ng Leader ng Gray Guards. "Because of this..." pagkasabi ay may pinakita na kuha ng video mula CCTV si Mat-mat. Kita nila ang nakataling katawan ni Lorenz na halos hindi na makalakad na pinapasok sa loob ng isang madilim na pasilyo. Chapter 163 - White Guards Naging seryoso si Mat-mat para mas malinaw na maipaliwanag ang mga nadiskubre niya. Gusto niya lang asarin si Kai pero seryoso pa rin ang usapan sa pagligtas kay Lorenz. "This is definitely Gon''s home right now. Huling nasagap ang GPS ng relo ni Lorenz ilang kilometro ang layo sa bahay na ito kaya one hundred and five percent sure ako na nandito siya." paliwanag ni Mat-mat habang nakatingin kay Cally. "Do you have a blueprint or a Map ng bahay niya? O kahit kung ano ang anyo ng bahay na iyan sa loob?" sa isip ni Cally, kailangan nilang isipin nang mabuti kung paano ilalabas sa bahay na iyon si Lorenz nang hindi mapapahamak ang kahit na sino sa Dark Guards. Biglang sumimangot si Mat-mat "Sa totoo lang, sa ilang taon ko na pagiging hacker, sad to say ay hindi ko alam. If there is someone who knew the design of that house, that would be Mr. Peters na lolo niya at ang architect ng bahay. There is nothing in any computers na na-run ko simula kahapon. I guess, hard copy lang ang blueprint at nasa safe iyon ng mga Peters" Humigop muna ito ng kape. "But I''ll show you something interesting." sabi ng binata. Hinarap muli nito sa sarili ang computer. Nahihirapan ito dahil nasa likod ito nakaupo habang pinapakita kila Cally ang monitor. Walang projector na pwedeng magamit kaya nahihirapan siya. Nilingon niya si Kai. "Kai Jang, alis ka muna sa pwesto mo, para d''yan ako." utos nito. Nagtaas ang kilay ni Kai "Bakit?!" "Para hindi mahirap sa pagtipa saka magpakita ng detalye. ''Wag ka na umangal, para matapos na ang meeting" "Pwede naman sa kanya ah. Bakit sa ''kin?" Turo ni Kai sa katapat na silya. "Hindi kami close! At least, ikaw, may mga pinagdaanan na tayo sa buhay. I-she-share ko sa iyo mamaya ang lahat ng p.o.r.n sites na alam ko para mapag-aralan mo kung paano magpaligaya ng iyong angel." "Gagu!" Nangigigil na tumayo si Kai para manahimik na lang ang binata. Alam niya na pinagtitripan siya nito dahil nga suspended siya. "Ayan, palit tayo ng pwesto." Ngising-ngisi si Mat-mat. Pinaupo nito si Kai sa silya na nasa kabilang dulo sa pwesto ni Cally. Ang problema, walang makita si Kai kahit katiting na parte ng screen. Matalim ang tingin na pinukol niya kay Mat-mat. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig niya sa binata, malamang na na-chop na parang pork cubes ang katawan nito. Nagpatuloy si Mat-mat "Fortunately, I saw this list dahil na-hack ko ang main computer sa bahay na ito." Matapos nitong magpipindot, nag-run ang kulay itim na screen na may mga sulat na kulay berde na parang ''matrix''. "Here is the list ng lahat ng trainees ng White Guards." Nabigla ang lahat ng tao sa kwarto. "You mean, may binuo rin silang trainees para labanan ang Dark Guards?" nanlalaki ng mata na tanong ni Prin. Naisip niya na seryoso talaga si Gon na labanan si Cally. "Yes!" tumango ang binata. "Since when?" tanong ng isa. "Three years sila nagsimula. Five years ago nang binuo ang samahan niyo ng lihim sa Japan, na eventually ay hindi rin naging lihim dahil may mga nagback-out na trainees, hindi tayo sigurado na mananatiling sikreto ang lahat¡­" "...Kahit pa sabihin na may pinirmahan silang kontrata na lahat ng nangyari sa Matsui Mansion ay hindi dapat makalabas sa kahit na anong organisasyon o kahit na kanino, may nakalusot pa rin." Malalim ang iniisip ni Cally. Totoo ang sinasabi ni Mat-mat. Walang sino mansa mga trainees noon na hindi nagpatuloy ang maglalakas ng loob na ilabas sa iba ang mga ginawa nila sa Matsui Mansion sa Japan. Lalo''t alam ng mga ito kung gaano kalakas ang samahan na binuo nila. Buhay ang kapalit kapag nagsalita kaya siguradong malakas ang loob ng taong ito. Nagpatuloy sa paliwanag si Mat-mat. "Nagtataka ako nuong una, until I saw this first person in the list" nagtipa muli si Mat-mat sa keyboard at lumitaw sa mas malaki na letra ang pangalan. ''Levan Hung'' Nanlaki ang mata ni Prin at iba pang kasabay nila na trainees noon na kasama ni Levan. Si Cally naman ay napakuyom ng kamao. "Ang hula ko ay siya ang kusang humanap kay Gon at three years ago lang sila nagkita. Nang panahon ng training, limang taon ang nakaraan, bago siya pinalayas ni Uncle Rob sa Matsui Villa, nagsimula na siyang mangalap ng mga impormasyon." Halatang nagalit ang karamihan ng Dark Guards na nasa loob ng hall lalo at karamihan sa kanila ay nakasabay si Levan sa training. Pero hindi si Cally dahil alam niya na nakagawa si Levan ng paraan para pagbintangan siya noon. Naisip niya na ilang beses na talagang nakapasok si Levan sa loob ng bahay nila Prin sa Matsui Mansion para maghanap ng kung ano na maaari nitong magamit. "How many white guards does he have?" Gustong malaman ni Cally "Three hundred" Chapter 164 - Stay by your side Kakaiba ang isla na pag-aari ng mga Peters. Isang malaking mansion ang nasa pinakagitna ng lupain na napapaligiran ng mga damo kaya kitang-kita ang pagkaberde ng paligid. May tower malapit sa cliff sa likurang bahagi. May highest point na 32 meters ang taas kung saan may bangin sa bandang likuran. May 0.63 kilometers length at 0.91 kilometers width ang buong isla. Malakas ang hampas ng tubig ng dagat sa mataas na bato kung saan naroon ang bangin. Sa bungad nakaparada ang puting yate ni Gon Peter. Ilang kilometro ang layo ng grupo ni Cally sa isla at pinag-aaralan ng mabuti kung paano papasukin ang lugar. Nanghingi na siya ng tulong kay Aiden Park para makahiram ng limang skyjet na pag-aari ng pamilya nito. Kabilang ang pamilya nito sa Dark Lords kaya hindi na ito nagdalawang isip na ibigay ang gusto niya. Sinusuri ni Mat-mat ang mga video na nakalap niya. Sa malaking lupain na iyon din nagsasanay ang lahat ng White guards. Napansin niya mula sa mga videos na iyon na halos parehas ang training na grupo ni Cally sa grupo ni Gon. Kung mayroon mang pagkakaiba sa dalawang grupo, disiplinado ang grupo ni Cally, samantalang parang walang sinasanto ang grupo ni Gon. Halatang pinilit lang ni Gon na makabuo ng White Guards. Base sa listahan na nakuha niya, karamihan sa White Guards ay mga goons, holdaper, mamatay tao at kung ano pa. Malayo sa ugali ng Dark Guards. Kung mayroon mang mananalo sa araw na iyon, sigurado si Mat-mat na grupo ni Cally dahil mas hasa ang Dark Guards sa mga ito. Pero ayaw niyang magsalita ng tapos. Inikot-ikot niya sa screen ang anyo ng isla. Nasa ganoong ayos siya nang makita niya na pumasok sa kwarto si Kai. "Kai Jang, come here." Tawag ni Mat-mat sa binata. "Kung ikaw si Gon, and having this kind of property, saan parte ng kamanyakan mo itatago ang shogun?" Inikutan ni Kai ng mata si Mat-mat pero sinunod niya ang nais nito. Inikot-ikot niya ang isla sa screen. Zoom in, zoom out. "I would definitely hide him in an underground chamber na posibleng nasa ilalim ng bahay na ''to." Nagkatinginan silang dalawa. Napapitik si Mat-mat saka nila tinawag si Cally at iba pa. ===== Mula sa bangka isang kilometro ang layo sa isla ni Gon Peters, anim na Dark Guards ang lihim na tumalon mula doon at nag-scuba dive para masuri ang pinaka-ilalim na bahagi ng isla. Gumamit sila ng ''diver propulsion vehicle'' para mapabilis ang paglangoy nila sa ilalim ng tubig. Isa si Kai sa grupo para pamunuan ang lima pang kasama. At tulad ng inaasahan, natagpuan nila ang bilog na butas na isang metro ang laki at may bakal na gate na humaharang papasok sa loob. May nakakabit na maliit na camera sa bawat isa at konektado iyon sa computer ni Mat-mat na maiiwan na magtrabaho sa bangka na ilang kilometro ang layo para gabayan ang lahat ng Dark guards. "Get in!" utos sa kanila ni MB10 na nanonood sa computer ni Mat-mat. Matapos ang utos nito, naglabas and isang Dark Guard ng oxyacetylene torch para tunawin ang bakal na gate. "Tingin ko, para sa gustong tumakas talaga ang lagusan na iyan." komento ni Mat-mat. Ilang saglit lang natunaw ang gate na bakal at sunud-sunod na lumangoy papasok sa loob ang anim na Dark Guard hanggang sa makaahon ang mga ito sa pinaka-sahig ng mansion sa loob. "We are in!" sabi ni Kai. "Okay, very good! Hanapin mo ang main computer ng panget na bahay ni Gon." sabi ni Mat-mat sa kanya. Kailangan niyang makuha ang kopya ng lahat ng CCTV sa bahay na iyon. "As you can see it''s super dark here." Madilim ang buong paligid at halos wala silang maaninag. Gumamit sila ng night vision glasses para makita ang paligid. Hinubad nila ang diving suit at nagpalit ng Dark Suit. "I can still see it. I can change the cam into night vision." mayabang na sabi ni Mat-mat. Hindi na ito pinansin ni Kai. Naglakad na silang grupo papasok para mahanap ang shogun. ===== Matapos makapasok nila Kai, sa loob ng sampung minuto ay susugurin nila ang isla. Kinakabahan si Cally, masama ang nararamdaman niya sa misyon na ito. "Husbie, are you okay?" tanong ni Prin. Parehas silang nakasuot ng Dark suit at naghihintay ng oras.. Hinawakan ni Prin ang kamay ng asawa niya. "Everything will be okay. Okay?" nakangiting sabi. Tumango si Cally saka sumandal sa balikat ni Prin. Hinaplos naman ni Prin ang dark brown na buhok ng asawa niya. Wala na dapat silang plano na sumama sa misyon na iyon, pero hindi mapakali ang kalooban niya. Kailangan niyang harapin si Gon at iligtas si Lorenz. Mahalaga ang role ni Lorenz bilang shogun sa papel ni Cally. Bukod sa personal na guard niya si Lorenz, pamilya ang turing niya dito. Inangat ni Cally ang mukha niya para mas matitigan ng maayos si Prin. "Huwag ka masyadong maglilikot mamaya, okay? Nitong mga nakaraan, sunud-sunod ang naging misyon natin." "Don''t worry, I''ll stay by your side." sagot ni Prin saka siya kusang nagbigay ng halik sa labi ng asawa niya. "You should be, dahil hindi ko hahayaan na makalayo kahit isang hibla lang ng buhok mo sa akin." Chapter 165 - White versus Dark Guards (1) Naglakad sa isang pasilyo ang anim na Dark Guards. Ilang saglit pa, pinigil ni Kai ang mga kasama niya at tinuro niya ang puti at mahabang CCTV camera. "Mat, may CCTV." bulong niya kay Mat-mat sa ear piece. "Get the camera''s card, then put it in the reader I gave you." sagot nito. Sinenyasan ni Kai ang isang kasama na kunin ang sinasabi ng binata sa kabilang linya. Ilang saglit lang nakuha nito ang memory card at sinuksok sa reader na tinutukoy din nito. Agad na nag-transmit iyon sa computer ng binata saka mabilis na kinopya ang lugar at posisyon nito pati ang larawan na kuha nito. Ilang saglit lang may lumabas na manipis na larawan sa machine na hawak ni Kai. "Put it on the camera lense" sabi nito na agad na sinunod ng kasama niya. Ilang kamera pa ang nadaanan ng grupo ni Kai na patuloy na ganoon ang gawa nila hanggang sa makarinig sila ng ungol. Sinenyasan ni Kai ang mga kasama para walang mag-ingay at patuloy lang na makinig. Ilang saglit lang, narinig nilang nagmula ang tunog ng isang latigo na humampas sa katawan ng tao. "Ahhhh!!!" saka ito nangigigil na umangil. Narinig nila na si Lorenz ang tao na iyon. "He he... Tell us the secrets of the Dark Guards and we need the names of your people" sabi ng isang lalaki. "Shogun..." bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ni Kai. Kahit siya ay napahigpit ang hawak sa bitbit niyang katana. Pinakinggan muna nilang mabuti kung ilan ang posibleng makalaban nila sa loob. Sa parehas na oras, sakay ng skyjet, lumipad isa-isa ang mga ito patungo sa isla. Malayo pa ang agwat ng sasakyan mula dito, pinaulanan na sila ng bala na nagmumula sa puting tower. Agad na lumihis ang skyjet. Napakapit si Prin kay Cally dahil sa biglaang paglihis at halos pag-ikot nito. "Shi, I''m sorry." paghingi ng paumanhin ng piloto. Sampu silang sakay ng sasakyan na iyon na halos mawindang dahil umikot ang skyjet sa ere. "What the f*ck! Talagang pinaghandaan niya ang pagdating mo ha. May pa-welcome party si Mayor Gon!" komento ni Mat-mat. "For sure it was made with a computer sensor. I don''t think someone will hit at us nang gan''on kabilis. Mabuti pa, hanapin mo ang main switch ng armas ng tower na ''yon" utos ni Cally. "I''m on it, alright!" hindi pa sinasabi ni Cally ay kumikilos na talaga si Mat-mat. Mabilis ang pagkilos na hinanap nito nang IP address at computer address ng tower. Bumalik ang sinasakyan nila Cally patungo muli sa isla. Pinaulanan sila ng bala ng tower. Tatlong maliit na missile din ang nilabas ng skyjet at pinuntirya ang pinakauluhan ng tower kung saan naroon ang armas nito. **Boom!** Bumagsak ang mga bato ng haligi nito at unti-unting nalalaglag. "No need na pala my help. Hmp!" reklamo ni Mat-mat. "Anyway, Aiden''s skyjet is surely amazing! I want one for me!" "Ano naman ang gagawin mo sa skyjet?" "Mahal ng mga babae ang bigtime na lalaki! Okay? I want Mia Khalifa. The real Mia Khalifa in bed. at sa isang sky jet ko siya ''kakaririn'' at literal na dadalhin ko siya sa langit." nangangarap na sabi nito. "Does she have herpes or infection?" sabad ni Prin. Normal na mag-isip siya ng masama sa mga p.o.r.n stars tama? "Masyado ka madumi mag-isip, Miss Prin." Hindi na ito pinakinggan pa ni Cally at Prin. Bigla itong naging seryoso at nagbigay ng impormasyon sa lahat. "They''ve got the shogun!" "Good! It''s time for the showtime!" Unti-unting bumukas ang pintuan ng skyjet. Doon lang nila napansin na ilang White Guards na ang naghihintay sa kanila. Sa palagay nila, nagbigay signal sa mga ito ang pagsabog ng tower. Pinagbababaril sila ng mga ito. Mabilis ang galaw ng kamay at espada na sinalag lang ng isang Dark Guards ang mga bala. Kasabay ng pagpapaulan sa mga ito ng bala ng iba pang skyjet na sunud-sunod na tumungo sa isla. "They want war! We will give it to them!" galit na sabi ni Ana na nag-iinit nang makipaglaban na nakaupo sa kabilang skyjet. Naunang nagsipagtalunan ang walo pang kasama ng mag-asawa bago sila magkahawak na tumalon ilang metro lang ang layo mula sa berdeng damuhan. Isang mahabang katana ang sinalubong nila sa mga nakaputing suit. Sa oras na iyon, literal na parang digmaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang grupo. Chapter 166 - White versus Dark Guards (2) Matapos makinig sa pag-ungol at paghiyaw ni Lorenz, hindi na kinaya ng anim na Dark Guards ang mga nangyayari. Tuluyan nilang pinasok ang maluwag at malaking kwarto. "Hhaaaaahhhh!!!!" galit na hiyaw nila at agad na naghagis ng shuriken ang isa sa mga kasama ni Kai. Tatlong white guards ang kasalukuyang nagpaparusa kay Lorenz. Natagpuan nila sa kwartong iyon ang Shogun na nakaluhod na tanging pantalon ang suot na halos magkapunit-punit na gawa ng latigo na hinahampas sa buong katawan nito. Dahil wala itong pang-itaas, puro pasa ang torso nito. Naghahalo ang natuklap na balat at ang mangasul-ngasul na pasa ng binata. May chains ang magkabilang kamay na nakakabit sa magkabilang bahagi ng pader. At tanging puting ilaw ang nakatutok sa ulo ni Lorenz. Kaya bukod sa shogun madilim na ang buong paligid. Ngunit hindi ito naging hadlang para hindi nila makita ang tatlong lalaki dahil Nakasuot sila ng night vision glasses. Napalingon sa kanila ang tatlong lalaki, matapos maghagis ng shuriken ang isang Dark Guard at agad silang hinarap ng mga ito. Tumama man ang shuriken, parang binalewala lang ng mga ito at hinampas ng isa sa gawi nila ang hawak nitong latigo. Agad iyong nahiwa ng kasama ni Kai ng matalas nitong japanese sword. Ngumisi ang isa nang makita si Kai dahil mukhang nakilala siya nito. Ito ang lalaking nakita niya na lumusob sa kanila ni Bella. Umakto ito na handa itong makipaglaban sa kanya. "I like your pretty girlfriend, leader Kai" simula nito. "Sorry, But she doesn''t like ugly people like you. Haaah!" Saka hinampas ni Kai ang katanang hawak sa lalaki na napag-alaman niyang ''Thunder'' ang pangalan. Nahihibang ba ito na idamay pa ang nobya niya sa usapan? Nasalag naman nito gamit din ang espada ng lalaki. "Eeh, mukhang malakas ka" puri ni Kai. Ngumisi ito saka gumanti ng pagtira sa kanya. Maririnig ang pagkalansing ng dalawang armas. Nang magkaroon ng pagkakataon, sinipa niya ito sa dibdib. "Haaah!!" galit na galit na hiyaw ni Kai at Thunder para sa isa''t isa. Matalim ang tingin na pinupukol ni Kai at ganoon din ang lalaki. Nagkaroon muli siya ng pagkakataon na suntukin ito sa mukha. Gumilid ang halos buong katawan nito at binigyan naman siya ng sipa dahilan para mapaatras siya. **Screetch!** tunog mula sa pag-ingay ng sapatos niya. Kung naglalaban si Kai at ang lalaki, kasalukuyan nang tinatanggal ng limang kasama niya ang chain ni Lorenz dahil walang kahirap-hirap nilang natalo ang dalawang kasama ni Thunder. Nang ma-corner siya nito, binigyan niya ito ng headbutt saka hinampas muli ng katana. Nagawa siya nitong patirin dahilan para mapahiga siya. Nang sasaksakin na siya nito ay agad siyang gumulong paikot palayo sa espada nito saka ito binato ng natagpuang silya. Hindi niya napapansin na napapalayo na pala sila sa pwesto ng mga kasama niya. Okay lang dahil ang personal goal niya sa araw na iyon ay talunin ang lalaking nasa harapan. Sinabi na sa kanya ni Mat-mat na kailangan niyang tapusin ang taong ito. "Haaaah!!!" hiyaw nito dahil sa galit saka siya sinugod. Nagkikiskis na halos ang mga ngipin nila parehas dahil sa namuong galit sa isa''t isa. *huff* *huff* Makalipas ang ilang saglit, kapwa sila pawis na pawis at mabibigat ang mga paghinga. Noon niya lang din napansin na nakalabas na sila ng mansion. Dahil tanghaling tapat sila sumugod sa islang iyon, mas kita ang mga nabasag na haligi na gawa sa bato ng mansion ni Gon. Nag-aapoy at may mga pag-usok sa kung saan-saang parte ng lugar, at parang binungkal na lupa mula sa pagtira ng skyjet sa islang iyon. Natatanaw ng mata niya ang mag-asawang Cally at Prin sa malayong parte na sabay na lumalaban sa ilang White Guards. Bamalik ang baling ni Kai kay Thunder, limang metro ang agwat niya sa lalaking malapad ang pagkakangisi. "I will sure to [email protected] your girlfriend kapag natapos ang laban na ''to. Then, gigilitan ko siya sa leeg gamit ng espadang ito." sabi nito na tinukoy pa ang sariling armas. Lalong nag-apoy ang mata ni Kai sa sinabi ni Thunder. Having the thoughts of this guy na magdikit sa balat ng nobya niya ay nakakapagpanginig na ng laman. His Angel is pure. No one will dare to mess around her under his care. Para siyang sinapian sa mga oras na iyon. "Haahhh!!!" hiyaw niya saka niya ito sinugod. Mabilis ang mga pagkilos na nagpalitan sila ng pwesto ng lalaki. Halos hindi na makita ang ginawa nilang galaw para matalo ang isa''t-isa. Saka niya hinarap muli ito. Nagkaroon ng diretsong guhit si Kai sa braso gawa ng nasugatan siya ng armas nito. "Alam mo ba kung saan ka nagkamali?" "...Nagawa mong isipin ang nobya ko" matalim niyang sabi. "Hahaha!" para itong nababaliw na tumatawa. Hindi nito napapansin na may dugo ng lumalabas sa leeg nito at sa bibig. Hanggang sa bumagsak na lang ang lalaki dahil binawian na ito ng buhay. "Ohhh my god! Nakakatakot ka pala Kai Jang maisip lang ng iba ang Angel mo" narinig niyang sabi ni Mat-mat sa earpiece. Mukhang nasaksihan nito ang lahat dahil sa camera na nakakabit sa butones ng dark suit niya. Chapter 167 - White versus Dark Guards (3) Dalawa sa mga kasama ni Kai ang nakapunta sa main computer room ng mansion ni Gon habang nilalabas ng iba pang kasama ang shogun. Naging madugo ang pinagdaanan ng dalawang Dark Guards dahil may mga nakasalubong silang kalaban habang hinahanap ang kwarto. Inutusan sila ni Mat-mat na ilagay ang isang USB sa computer na nakita nito sa screen. Nakakuyom ang kamao ni Gon na nakatingin sa labas ng kanyang french window.. Matalim ang tingin nito na pinagmamasdan si Cally at Prin na sabay na nilalabanan ang mga tauhan niya na mga walang kwenta. Parang mga manikang nawalan ng buhay ang mga white guards niya na nagsama-sama sa iisang tabi. Mayroon din sa iba pang bahagi na nakadagdag sa pagkainis niya. Kailangan niyang makabuo ng mas malakas na white guards sa susunod. Hindi niya akalain na ganito kalakas ang asawa ni Cally na unang beses niyang makita nang araw na iyon. She''s a warrior princess indeed katulad ng nababalitaan niya. Nakaramdam siya ng kakaiba habang nakatingin sa katauhan ni Prin. Para bang nasabik siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw nito. "Master, let''s go! Masyadong malakas talaga ang grupo ni Cally." paalala ni Levan Hung. Limang white guard ang kasalukuyan na kasama ni Gon sa kwarto at pinipilit ng mga ito na umalis na siya. Sa palagay ni Levan. Hindi pa ngayon ang tamang oras para harapin niya ang mga dating kasama. Kailangan niya pang magsanay. Habang si Levan ay may pangako, mayroon din si Gon. ''Cally, we will see each other in the future'' pangako ni Gon sa sarili. Samantala, matapos matalo ni Kai si Thunder. Bigla siyang nakaramdam ng pagod. "That''s amazing MB5!" narinig ni Kai na puri ni Lorenz na nakasandal sa balikat ng isang Dark Guard na kalalabas lang din mula sa loob ng mansion. Noon lang nila napansin na may mga natuyong dugo na sa balat nito. Naghahalo ang pangangasul at pagkapula sa ilalim ng mata ni Lorenz. "Bring shogun sa sky jet" utos ni Kai saka tinungo ang pwesto ni Prin at Cally na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga White Guards. Kailangan nilang protektahan si Cally. Magkatalikuran si Cally at Prin at kapwa hinihingal na sa dami ng white guards na nilabanan nila. Sixty Dark Guards lang ang lumusob sa isla na iyon dahil kampante sila na maliligtas nila ang shogun. Ilan na rin sa mga kasama nila ang nasugatan na pero patuloy pa rin na lumalaban. "Haaah!!!" galit na hiyaw ni Prin saka niya inikot ang hawak na katana para labanan ang anim na white guards nang sabay-sabay. She lowers her body saka mabilis na sinugatan ang mga binti ng mga ito. Si Cally naman ay patuloy lang din sa paggalaw ng japanese sword na hawak laban sa iba pa. Hindi napapansin ni Prin na lumalapit na siyang masyado sa pinakagilid ng isla. "Tumatakas si Gon." narinig nilang sabi ni Mat-mat sa nakakabit na ear piece. "Where is he?" tanong ni Cally. Kailangan nilang mahuli ang lalaki bago nito ulitin ang nangyayari. "Nakalabas na siya ng mansion, mukhang may dinaanan siyang secret passage dahil bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan kasama ang lima pang white guards. Patungo na sila sa yate na nasa bungad." sagot ni Mat-mat sa kabilang linya. Nagkatinginan si Cally at Kai saka sabay na tatakbuhin na ang kabilang bahagi ng isla. Noon lang napansin ni Cally na wala sa likuran niya si Prin at patuloy na nakikipaglaban sa isa pang white guard. Nakaramdam na ng pagod si Prin. ilang white guards na ba ang natatalo niya? Hindi niya na mabilang. Nagkaroon ng tyansa ang kalaban niya dahilan para masipa siya sa tiyan ng tuluyan. Parang nagslow-mo sa paningin ni Cally ang nangyari na palabas ng lupain si Prin. Nabitawan niya ang hawak na katana dahil sa sobrang tensyon. "Prin!!!" sigaw niya saka mabilis na tinakbo ang direksyon nito. Sabay-sabay na napalingon sa gawi niya ang lahat ng Dark Guard na nasa paligid kahit si Kai. Nagdilim ang paningin ni Cally na nalapitan ang White guard na tumulak sa asawa niya. "Haaah!!!" he growl. Sinuntok niya ito sa mukha saka hinawakan ang leeg nito at agad niyang binali iyon. Nasilip niya na nakakapit pa ang kamay ni Prin sa isang nakausling bato. Mabilis niyang inikot ang paningin. Nakita ni Cally ang tali na ginamit ng ibang Dark Guards para makababa sa isla at agad niyang hinagis iyon sa asawa. Chapter 168 - Gon has escaped Nakaramdam ng ngalay ang braso ni Cally at ganoon din si Prin dahil sa dami ng nakalaban nila. Nakadagdag pa sa pressure ang biglaang pagbali ni Cally sa leeg ng White Guard na tumulak sa asawa niya. At dahil sa pagmamadali at pagkakabigla sa pwersang ginamit niya dito, bahagyang napilayan ang balikat niya. Nang makita ni Cally si Prin na nahulog sa matarik na bangin, parang nilipad ng hangin ang lahat ng talino na mayroon siya at hindi na siya makapag-isip pa ng maayos. Nanlamig ang buong pagkatao niya. Mabuti at may natagpuan siya na makapal na lubid na ginamit ng ilang Dark Guards mula sa Sky Jet pababa sa isla. Hinagis niya iyon kay Prin saka dumapa. Nakalitaw ang katawan ni Cally mula ulo hanggang kili-kili sa matarik na bangin. Kita niya ang paghihirap ni Prin habang mahigpit na nakahawak sa nakausling bato. May anim na metro ang layo nito mula sa kinaroroonan niya. Kita niya mula sa pwesto ang handle ng nahulog na katana ng asawa sa batuhan sa ibaba na patuloy na humahampas sa pader. Humahampas ang malalaking alon sa pinakapader ng bangin. Hindi sigurado si Cally kung mananatiling buo ang katawan ni Prin kung sakaling natuluyan ang asawa niya na mahulog doon. Nagsimula siyang kabahan. "Honey, I know you can do it. Hold it please¡­" bakas na sa mukha niya ang pag-aalala. Maisip lang na mahulog ang asawa niya sa batuhan na iyon ay hindi niya kaya. Inikot ng mahigpit ni Cally sa braso at kamay niya ang dulong bahagi ng makapal na lubid. Agad na nilipat ni Prin ang pagkakahawak niya mula sa nag-iisang bato na naka-usli sa pader sa lubid. Napapapikit na ng mariin si Prin dahil pakiramdam niya ay naubos ng sobra ang lakas niya sa pakikipaglaban. Bumigat ang pakiramdam ng braso ni Cally pero gumaan ng kaunti ang pag-aalala niya dahil kaunti na lang hawak-kamay niya na si Prin. Unti-unti niyang hinila ang lubid para umangat ang asawa. Paliko na si Kai nang mapansin niya ang katawan ni Cally na nasa dulong bahagi na ng bangin. Napasuntok na lang siya sa hangin. Nagdadalawang-isip siya kung susunod kay Gon Peter na ayon kay Mat-mat ay pasakay na ng bangka. Pero mahalaga din ang buhay ng Shi nila. "Dark Guards! Please help Shi Cally!!!" hindi niya napigilan na mag-utos kahit pa suspended siya. Dalawang Dark Guards lang ang kasalukuyan na nakabantay sa gilid ni Cally na patuloy na lumalaban sa walong White Guards. Nang mapansin ng ibang White Guards ang lagay ni Cally na nasa gilid ng bangin, tumakbo palapit ang karamihan sa mga ito sa kinaroroonan niya. Ang misyon ng mga ito ay si Cally naman talaga. Nagpaulan ng bala ang Sky Jet sa lugar ng white guards na nasa paligid. Saka naglabas ng granada ang Dark Guard na sakay nito sa likuran. **Boom** napatalon na lang ang karamihan sa White guards dahil sa pagsabog. Tinakbo ni Kai ang pwesto ni Gon na may kasamang dalawa na nakaputing suit. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya patakbo. Nakasuot ito ng puting formal suit na tumatakbo palayo sa mansion, na sakto sa deskripsyon ng pagkatao ni Gon kaya hinabol ito ni Kai. Pinaputukan ang tatlong lalaki na patungo sa yate ng mga bala mula sa Sky Jet. Ilang saglit lang, kita ng mga mata ni Kai na sabay-sabay na kumalat ang dugo sa mga puting kasuotan ng tatlong lalaki saka bumagsak. Tinakbo niya ang mga ito. Hinarap niya ang katawan ng lalaking nakaputing formal suit at may ginintuang buhok. "F*ck!!!! This is not Gon Peter!" napamura si Kai. Nalaglag ng kusa ang wig nito. "Sh*t!" sabay silang napamura ni Mat-mat na nanonood sa screen. Biglang naalala ni Kai ang lagusan kung saan sila pumasok. Gusto niyang mapamura nang maisip iyon. "Pervert Mat! Please check kung dumaan ang galunggong sa secret passage sa ilalim ng dagat." Sinunod naman ni Mat-mat. Ilang saglit lang itong nagtingin sa computer. "Sh*t nasalisihan nila tayo!" hindi akalain ni Mat-mat na malulusutan siya ni Gon kahit nakabantay siya sa camera ng mismong mansyon nito. Nangigigil si Kai. Sakto pa na naiwan nila ang diver propulsion vehicle sa lagusan. "Dark Guards, we need help! Dito sa lugar ni Shi Cally." biglang sigaw ni Ana. Napabalik si Kai nang nangagalaiti at wala sa oras sa lugar kung saan niya iniwan ang mag-asawa. Nakita na lang niya na nagpupumilit si Cally na labanan ang tatlong Dark Guards na pumipigil dito kabilang si Ana at panay ang hiyaw nito. "Ahhhh!!! Huwag niyo kong pigilan! Ahhh!!!" panay ang hiyaw nito at halata nang umiiyak. Kita ni Kai ang sugat sa braso ni Cally. Napakuyom na lang ng kamao si Kai lalo na nang makita na pinagsusuntok nito ang mga kasamang Dark Guard saka ito tumalon sa bangin. Chapter 169 - Vows Dahan-dahan na inangat ni Cally ang katawan ng asawa niya na mahigpit ang pagkakahawak sa lubid. "Hindi ko na kaya Cally" nagsisimula nang magluha ang pisngi ni Prin habang nakahawak ang kamay sa makapal na lubid. She looked at her husband''s face na kasalukuyang natataranta. She knew na sobra na rin itong nahihirapan. Ayaw niyang sumuko pero kaunting-kaunti na lang at bibigay na ang kamay at katawan niya. Humigpit ang tali na nakaikot sa braso at sumasakit na ang kamay ni Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ni Prin nang mas mabilis. "Honey, honey, Please... Please... Hold on." hiling nito habang ginagamit ang buong lakas para maiangat siya papunta doon sa itaas. Prin looked at Cally''s face. She was a Dark Guard and has promised that she will protect this man as long as she''s alive. At sa oras na iyon siya ang nililigtas nito mula sa kapahamakan na halos hindi siya nito maiangat. She knew he felt something bad either. Kung maayos ang pakiramdam nito, naiangat na siya doon ng mabilis. "Hindi ko na kaya, Husbie¡­" she cried. Humampas ang malakas na hangin sa gawi niya at halos umikot siya sa ere. "Ahhh!" napapikit si Prin. Dumausdos siya ng kaunti sa lubid. Dumaan siya sa mga pagsasanay at isa ang bagay na iyon sa mga pagsubok na napagdaanan niya. Pero hindi katulad nito na halos walang makapitan ang mga paa at halos putik ang pader ng bangin. "Ahh!!!" narinig niyang hiyaw ni Cally. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Prin dahil nakita ng dalawang mata niya na sinaksak ng patalim si Cally sa balikat kung saan nakaikot ang mga lubid. Ilang saglit lang, pinipilit na nito na itulak si Cally kasunod niya. Lalong dumaloy ang luha sa mga mata ni Prin. She can''t let this guy to kill her husband. She''s not just a wife but also a Dark Guard. At isa sa mga sinumpaan niya ay ang gabayan ang kanyang prinsipe. Paano niya gagawin iyon kung sa oras na iyon ay wala siyang magawa? Nakadagdag pa nga siya sa bigat ni Cally. She started to reminisce. There is no way she will let Cally died together with her. Hinarap ni Cally ang nakaputing suit at sinipa ito. Nakita ng isang Dark Guard ang ginawa nito kay Cally at agad na nilapitan iyon at isang matalas na katana ang sumalubong sa uluhan nito. Bumagsak ito sa lupa. Halos naubos na nila ang halos tatlong daan ng White Guards sa paligid. Naramdaman na lang ni Cally na gumaan ang lubid na hawak niya. Nang umikot muli siya, wala na ang asawa niya na ilang segundo lang ay mahigpit pang nakakapit doon. Natigilan si Cally. Mabilis na dumaloy ang lamig sa katawan niya. "Prin!!!!" hiyaw niya. "Shi!" hinila siya ng dalawang Dark Guard palayo sa bangin. "Bitiwan niyo ko! Nahulog si Prin!" saka pinilit na lumapit pabalik sa bangin. May hinala na ang mga Dark Guards na nahulog si Prin. Pero hindi nila hahayaan na magpakamatay si Cally kasunod ng asawa nito. Sayang ang pinaghirapan nila ng ilang taon. Mauuwi sa wala ang prinsipyo ng lahat ng Dark Guards at hindi nila alam kung paano haharapin si Madam Lira kapag may nangyaring masama sa apo nito. Ang goal ng lahat ng Dark Guards ay protektahan ang Shi regardless kung ano pa ang rason. "Bitiwan niyo ko!" nagsimula nang lumuha si Cally. Dalawang guards at si Ana ang kasalukuyan at malakas na pumipigil sa kanya. "Parang awa niyo na! bitiwan niyo ko!" pakiusap niya. Nagsisimula ng sumikip ang dibdib ni Cally. Alam niya na hindi siya hahayaan ng mga ito na makalapit sa dating lugar. Pero paano na si Prin? Paano na ang asawa niya? "haaah!" hiyaw niya dahil sa sobrang galit. Napapikit siya ng mariin habang lumuluha. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinabi niya dito na hindi niya kakayanin kahit isang hibla ng buhok nito ang mawala. Bumalik sa alaala niya ang anyo ng bangin sa baba at hindi niya nasisigurado kung buhay pa si Prin sa lakas ng hampas ng alon doon. Naninikip ang dibdib ni Cally na maisip na namatay ang asawa niya dahil napabayaan niya ito ng ilang segundo lang. "Haaah!!!" Napahiyaw siya sa sama ng loob. Wala na siyang pakialam kung hindi niya manahin ang Dark Lords but he wanted Prin right at that moment. "Bitiwan niyo ako¡­ Pakiusap¡­" sabi niya sa pagitan ng mga paghagulgol. Sa lakas ni MB10 at isa pang Dark Guard, hindi na siya makakilos. Idagdag pa na nawalan talaga siya ng lakas. Pati ang mga ito ay nagluluha na rin sa nakikitang ayos niya. Sa unang pagkakataon, parang nilipad ng hangin ang pader na nakaharang sa pagkatao ng master nila. Nanghingi na ng tulong si Ana na lumuluha sa mga kasamang dark guard sa earpiece. "Hahhhh!! Bitiwan niyo ko! Prin¡­" basang basa na ang mukha ni Cally ng luha dahil sa sama ng loob. Kung sana ay hindi na sila sumama sa misyon na iyon. Kung sana ay hindi niya hinayaan na makalayo dito kahit isang segundo lang. Kung sana¡­ "Haaahhhh!!!" wala na siyang nagawa kundi ang saktan si MB10 at isa pang Dark Guard saka mabilis na tumalon sa bangin. Chapter 170 - Do you hear my heart? Parang nawala sa sarili si Cally nang humampas ang ulo niya sa tubig mula sa itaas ng bangin matapos niyang tumalon. Matinding kumirot ang ulo niya saka mabilis na hinahampas ng alon patungo sa pader. Para siyang parte ng tubig-dagat na gumugulong-gulong sa tubig. Mas mataas na ang tubig kumpara nang oras na lumangoy sila Kai sa ilalim ng islang iyon. Mas mapayapa din ang tubig-dagat nang oras na pinasok nila Kai ang isla. Sumisid siya ngunit hindi siya makalangoy ng maayos dahil sa nasugatang braso. Idagdag pa na kumikirot ng sobra ang ulo niya. Mabilis siyang nag-isip. He wanted to see his wife. Naghahalo ang luha niya sa tubig alat. Umangat siya para kumuha ng hangin saka sumisid muli. His goal is to find Prin. Nakikipaglaban ang hampas ng alon sa katawan niya na sobra nang nanghihina. Sa lawak ng karagatan na iyon para siyang maghahanap ng karayom sa dayami. Hanggang sa sabay silang dinala ng katana ni Prin pahampas muli sa pader. Dahil sa pagkakahampas ng alon sa kanya at panghihina ay nawalan siya ng malay. Nagising si Cally na naroon na siya sa kwarto niya sa Kent Mansion. Bumalikwas siya ng bangon at nakita niya ang Mommy niya at si Christen sa magkabilang gilid. Hawak ni Ginny ang kamay niya at sinusuri naman ni Christen ang dextrose at gamot na nilagay nito doon. Bahagyang kumirot ang braso niya na may benda gawa ng sugat mula sa patalim. Idagdag pa na bigla siyang bumalikwas ng bangon. "Ma, where is Prin?" kinakabahan niyang tanong. Napansin niya na nagluha ang mata nito. "How long¡­ I''ve been staying here?" "F-five days" Hindi na kinaya ni Cally na ilabas ang luha dito. Naninikip ang dibdib niya tuwing maaalala ang nangyari nang araw na iyon. "Haaah!" napahiyaw na lang siya sa sobrang sakit sa dibdib. Nangangatog ang buong pagkatao niya. "Honey, I''m sorry we-we can''t find her" sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit. Si Christen sa tabi ay nalungkot at nakagat ang labi upang pigilin na sumabay sa pag-iyak. Unang beses niya na makita na nagkaganoon ang kuya niya. Hindi ito nahiya na ipakita na tao rin ito at nasasaktan. Marunong din magmahal. Ginamit ng Dark Guards ang yate ni Gon para mabilis na makaikot sa likurang bahagi ng isla at doon nga nila natagpuan ang kuya niya na inaanod ng tubig-dagat. "I want to find her¡­" hiling ni Cally habang lumuluha. Si Madam Lira na bagong pasok ay naawa kay Cally na humahagulgol sa bisig ni Ginny. Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na sitwasyon nang halos bawian ng buhay si Ginny noong bente anyos lang din ang anak niya. Sa parehas na paraan umiyak ang apo niyang si Cally. She knew Cally loves Prin so much. Nilapitan niya ito at umupo sa dulong bahagi ng kama. Kung may pagkakaiba man, si Ginny ay nasa harapan niya ngayon samantalang si Prin¡­ Tila isang sumpa ang bagay na iyon sa pamilya nila. "Ma¡­ I want to see Prin¡­ Please" parang bata ito na humihiling ng laruan at nasasaktan sila na makita si Cally na halos wala nang itirang luha sa mata nito. "I want to see her..." paulit-ulit nilang nadinig na sabi nito. "Honey, Rob is searching sa buong karagatan for a couple of days¡­ y-you stay here para magpagaling" Napapikit ng mariin si Cally. "But I want my wife¡­" "Haah¡­ Haah" dalawang beses siyang huminga ng malalim sa pagitan ng pag-iyak. Parang pinupukpok ng bato ang dibdib niya. Matapos ang ilang sandali biglang nangulit na naman si Cally. "I want to go! I want to go with Uncle Rob!" tumayo na si Cally at aktong lalabas na ng pintuan. "No Honey! You will stay here!" Nagalit na pati si Ginny. Maisip niya lang na nagawa ni Cally na sundan si Prin na tumalon sa matarik na bangin ay hindi niya kinakaya. Sa lagay ng anak niya sa oras na iyon, hindi niya alam kung ano pa ang kaya nitong gawin. Nagpumilit si Cally na layuan ang Mommy niya hanggang sa maramdaman na lang na tinurukan siya ng pampakalma ni Christen. ===== Ilang linggo ang lumipas, hindi na niya nakita pa si Prin. He came back sa isla na kasama si Kai at Lorenz na masama ang loob sa sarili. Mas maayos na siya mag-isip sa ngayon kumpara ng mga nakaraang araw. Kaya napilit niya ang dalawa na ihatid siya doon bitbit ang isang kumpol ng pulang rosas. Lihim na lumuha si Cally habang nakatingin sa karagatan sa tuktok ng parehas na pwesto ng bangin kung saan nahulog si Prin. Hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na bigyan ng bulaklak ang asawa niya. Binigyan niya ito noon ng tatlong pirasong bulaklak mula sa base sa villa niya para lang pang-suporta sa pagtatapat niya. Nainggit pa ito kay Bella na halos araw-araw nakakatanggap ng bulaklak mula kay Kai. ''Honey¡­ I will never forget the first kiss I gave you in Matsui Mansion, you look so cute five years ago¡­'' ''I will never forget your fragrant, smells like cherry blossom¡­'' ''I will never forget your "Kiss my @ss!" even though, I knew you are always waiting for my kisses...'' ''I can''t imagine that the word L.O.V.E. will hit me at the age of 23 because the girl named Prin deserve to be called my first ever love'' ''You will always be my Baby Panda and no one will replace you inside my heart'' ''Do you hear¡­ My Baby Panda?'' ''Do you hear my heart?'' Malungkot ang dalawang binata sa likuran habang pinagmamasdan ang pag-galaw ng balikat ng master nila dahil sa pag-iyak saka nito hinagis ang isang kumpol ng rosas sa bangin. Chapter 171 - Where am I? Unti-unting nagmulat ng mata si Prin dahil tila hinihila ang pagkatao niya ng liwanag na nagmumula sa katabing bintana. Bigla siyang napasinghap at bumalikwas ng bangon. Noon lang niya napansin na hindi pamilyar ang lugar kung saan siya naroon. Inikot niya ang paningin sa paligid. ''N-nasaan ako?'' May kakaunting liwanag na sumisingit sa iba''t-ibang parte ng paligid na nagmumula sa labas. May bilog na bintana sa tabi niya at asul na karagatan ang natatanaw niya sa labas. Gawa sa matibay na kahoy ang buong paligid ng kwarto, may swing pa na nakasabit sa kisame. **Cough* Maagiw ang buong kwarto dahilan para maubo siya. Sinuri niya ang sarili. Isang puting bestida ang suot-suot niya. Nasaan ang Dark Suit? Ramdam niya ang alon dahil tila dinadala siya ng sahig paangat at pabalik muli. Nakaramdam ng hilo si Prin. Biglang bumalik sa kanya ang huling ala-ala. Matapos niyang mahulog sa bangin, hinila siya ng dagat patungo sa kung saan. Pinilit niya na paganahin ang utak para hindi malunod. Nagpagulong-gulong ang katawan niya sa ilalim ng dagat hanggang sa makalanghap muli siya ng hangin. Pero ilang saglit lang at kinain muli siya ng tubig dagat. Pinilit ni Prin na lumangoy, ngunit masyado na siyang nanghihina. Nagsimula siyang magdasal para sa sariling kaligtasan hanggang sa hilahin na naman siya ng dagat. Ramdam niya na kinakain siya ng isang current at dinadala sa kung saan. Hanggang sa unti-unting magdilim ang paningin niya. "Gising ka na pala" Naputol ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari nang bumungad sa paningin niya ang mukha ng isang babae. Sa palagay ni Prin halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Makinis ang mukha nito, may kayumangging kulay, itim at alon-alon ang buhok na abot hanggang balikat. Nakasuot ito ng saya at puting blusa. Para niyang nakita ang live action na anyo ni Esmeralda ng Hunchback of Notre-Dame. Sa palagay niya, pag-aari ng babaeng nasa harapan ang damit na suot niya sa oras na iyon. "Na-nasaan ako?" tanong ni Prin sa babae. "Hello! I''m Cassandra. Natagpuan ka namin sa karagatan isang linggo na. Nandito ka ngayon sa barko ni Captain Yeo." Lumalim ang isip Prin. Kung isang linggo na siyang nasa poder ng iba, kamusta kaya ang asawa niyang si Cally? Nalungkot siya nang maalala si Cally. Narinig niya pa ang pagsigaw nito bago siya tuluyang kinain ng dagat. Nasa malalim na pag-iisip si Prin nang isang lalaki ang pumasok sa kwarto. Sa tingin ni Prin ay nasa edad trenta ang lalaki. Mestiso, mapula ang buhok na umaabot sa batok nito, hindi nakaligtas sa kanya ang naghahalong lungkot at talim ng mga mata nito at diretso sa kanya ang paningin nito. May medium built na pangangatawan. Kung si Cassandra ay maihahalintulad kay Esmeralda, parang Live action naman ni John Smith ng Pocahontas ang lalaki. Yumukod si Cassandra sa lalaki. "Captain." Tumikhim si Prin saka nagsimulang magpakilala. "Hello, I am Prin Matsui" pakilala niya sa dalawang nilalang na nasa harapan. "Nagpapasalamat ako ng marami sa pagtulong niyo sa akin. Pero, hindi ako maaaring manatili dito." pagbibigay-alam niya na may halong kaba. Hindi alam ni Prin pero masama ang nararamdaman niya sa lalaki. Tumaas ang kilay nito. "Ikaw ang magpaliwanag sa bagong miyembro" sabi ng lalaki kay Cassandra saka ito tumalikod at lumabas. Natigilan si Prin, lalo na nang marinig niya ang salitang ''bagong miyembro''. Siya ba ang tinutukoy nito? "A-anong ibig niyang sabihin?" tanong ni Prin sa babae. "Pasensya ka na pero¡­ hindi ka na maaaring umalis sa barkong ito." malungkot na sabi ni Cassandra. Nanlaki ang mata niya. "A-anong ibig mong sabihin?!" tumaas ang boses ni Prin. "Hindi na makakaalis ang kahit na sino pang naging miyembro ng barkong ito." "But I am not part of this!" galit na sabi niya. Hindi niya na pinakinggan pa si Cassandra at dumeretso sa pintuan kung saan lumabas ang lalaki. Hinabol siya nito. Isang pasilyo ang natagpuan niya matapos buksan ang pintuan at pinilit na hinanap ang daan palabas hanggang sa makaakyat siya sa deck. Nagsipaglingunan ang grupo ng lalaki sa gawi niya. Noon lang napansin ni Prin na napapalibutan ang bangkang sinasakyan niya ng asul na tubig-dagat. Chapter 172 - His Angel is sad "I already told you, hindi ka na makakaalis dito" narinig niyang sabi ni Cassandra. "But I have my own life. May asawa ako na naghihintay sa akin." nag-aalala na sabi ni Prin. Bahagya itong natigilan "I''m sorry, but you can''t. Hindi ka na basta-basta makakaalis dito." Napatiim-bagang si Prin. Kahit naman kasi gustuhin niyang umalis ay hindi rin siya basta-basta makakaalis dahil puro tubig lang ang paligid ng buong barko. Paano naman siya makakaalis doon? ===== Panay ang pag-galaw ng balikat ni Bella dahil sa mga hikbi na nakaupo sa couch sa loob ng unit nito. Nang araw na iyon lang nito napag-alaman na kinain ng dagat si Prin. Nasa tabi nito ang nobyo na si Kai. "My Angel, huwag ka nang umiyak." pakiusap ni Kai. Kaunting-kaunti na lang, iiyak na rin pati siya. Mahigit isang buwan pa naman silang hindi nagkita at namiss niya na masyado ang nobya niya. Nilihim niya dito ang nangyari kay Prin dahil ayaw niyang malungkot ng mag-isa si Bella. Hindi niya akalain na hindi pa tapos ang parusa niya sa UK nang makita si Cally na kaunting-kaunti na lang ay susunod na sa asawa nito. Kinailangan nilang bantayan ng Shogun si Cally na tila kinain ng kabilang buhay. Buong pamilya nito, ang Dark Guards at iba pang na malalapit na kaibigan ay masyadong nag-alala sa Master nila. Ilang linggo na nagkulong si Cally sa Kent Mansion na halos mapagkamalan na itong anak ni Dracula dahil ayaw nitong lumabas sa loob ng sobrang dilim na kwarto nito. Naiintindihan naman niya si Cally dahil siya man ang malagay sa lugar nito ay baka abutin pa ng taon bago siya maka-move on. "What will happen to Cally?" tanong ni Bella habang umiiyak. Lalong nalungkot si Kai. "Unfortunately, ayaw niya munang bumalik sa Pilipinas. His goal right now is to find Gon Peter. And¡­ it''s not good for him to stay here." Natahimik si Bella. Totoo na hindi magandang manatili si Cally sa Pilipinas at naiintindihan niya ito. His life together with Prin is beautiful. "Mabuti pa ay magpunta tayo sa amus.e.m.e.nt park" aya ni Kai habang pinupunasan ang luha ng mga mata ni Bella. Hindi naman niya pwedeng sabihin na -- ''tama na, my Angel okay lang yan'' dahil alam niya na hindi naman talaga okay na namatay si Prin. All he can do is to give Bella the happiness he knew para saglit na makalimutan nito ang kalungkutan na nawalan ito ng kaibigan. Hindi na nag-atubili pa si Kai nang pumayag ang nobya niya na magpunta sila ng Amus.e.m.e.nt Park. Ang totoo, unang beses ni Kai na magpunta ng amus.e.m.e.nt park kaya hindi niya alam ang gagawin. Napatanga siya dahil kailangan pala ng ticket para makapasok. Pinaupo niya si Bella sa maliit na mesa saka matiyagang pumila sa ticketing booth para bumili ng dalawang ticket. Nang makuha ang ticket, hawak-kamay na pinasok nila ang loob ng park. Hindi naman ganoon karami ang tao pero napansin niya na karamihan sa mga tao sa paligid ay magkakarelasyon na tulad nila ni Bella. Napakamot sa ulo si Kai dahil pansin niya na malungkot pa rin ang nobya niya at tahimik sa tabi. May nakita siya na mga skill games at arcade. Unang napansin niya ang ''Break a plate'' kung saan kailangan basagin ang plato. Kaya doon niya unang inaya si Bella para mailabas na rin nito ang sama ng loob. Kumuha siya ng anim na set na may tig-ta-tatlong bola kada set. "Come here, my Angel" tawag niya sa nobya. Inabot ni Kai ang maliit na bola kay Bella. Tiningnan naman ni Bella ang hawak na matigas na bola saka sa mga hilera ng mga plato sa pader. "Ilabas mo ang lahat ng sama ng loob mo sa mga plato na iyan, okay?" sabi ni Kai. Tumango naman ang dalaga. Huminga siya ng malalim saka hinagis ang isang bola. Wala siyang natamaan. "Ubusin mo ang lahat ng bola. Gusto ko ''yung galit ka talaga" malakas na sabi ng binata para maging determinado si Bella. "Okay, ''yung mas galit!" Sabi niya na nagsisimula nang mag-init sa mga puting plato na nakahilera. "Haaah!" Hiyaw niya saka binato ang hawak na bola. Nabasag ang isang plato. "Yung mas galit pa!" Utos ni Kai. Parang robot naman siya na sinunod ito. "Walang hiya ka Prin! Akala ko pa naman sisters tayo! Hah!" Saka niya binuhos ang lahat ng lakas sa bola. Kai "..." Kumuha siya ng isa pang bola. "Sino na ang makakasama ko sa pag-shopping?!" "Sino na ang bubungisngis na kasama ko saka mangungulit?!" "Sino na magsasabi sa akin na kahit langgam ay lalayuan ako dahil sa sobrang sweet namin ni Kai?!" Kai "..." "Salbahe ka! Hindi ka man lang nagtext bago ka nang-iwan!" "Wala man lang goodbye!" Kada litanya ni Bella ay naghahagis ito ng bola na lahat ay nakatama sa kada plato para mabasag. Tumatahip ang dibdib niya ng maubos ang lahat ng bola na hawak. Nakatulong kahit papaano ang activities nila na iyon ni Kai sa nararamdaman niya. Chapter 173 - Youve been marked "Are you okay now?" Tanong ni Kai kay Bella. "hmmm." halata pa ang inis sa mukha ng nobya niya. Para bang simula sa pagiging malungkot ay napalitan iyon ng pagka-inis. Napangiti ng simple si Kai. He wanted to be the perfect boyfriend for his Angel. Gusto niyang makasama si Bella sa saya nito, sa lungkot at sa kung ano man ang nararamdaman nito. He wanted every detail of her. May nadaanan pa silang kung anu-anong games at lahat iyon ay sinubukan nila. Magshoot ng bola, barilin ng bulitas ang maliliit na figure ng laruan na nakahilera sa pader at kung anu-ano pa. Nang mapagod, doon lang napagtanto ng magkasintahan na madami silang napanalunan na malalaking stuffed toy para kay Bella at lahat iyon ay bitbit ni Kai na nasa loob ng malaking supot. Hawak niya sa isang kamay si Bela at hawak ng isang kamay ang malaking supot na ipinatong niya sa likuran. Para siyang si Santa Claus na may dalang laruan. Okay lang na magmukhang tanga ang mahalaga ay ginagawa niya ang bagay na iyon para kay Bella. Malaki ang inggit ng halos lahat ng makasalubong nila na magkasintahan kay Bella. Lalo na ang mga kababaihan. Naririnig na lang niya ang mga galit ng mga ito sa mga nobyo nito. "Bakit siya madaming dalang stuffed toy?" tanong ng isang babae sa nobyo nito. "Ow! Ang pogi na nga ng boyfriend niya, magaling pa makakuha ng stuffed toy. Hala! Galingan mo rin maglaro at bigyan mo ko ng stuffed toy! ''Yung pikachu na malaki" "Ate Angel? Ate Angel! Woah! Yung buhok mo makakasira na ng relasyon sa haba" Kumunot ang noo ni Bela nang makilala ang freshman ng school nila. "Ikaw na naman? Nandito ka na naman?" "Kung si Kai ang tagabuhat ng stuffed toys mo, ako ang tagabuhat ng buhok mo na malapit nang maapakan ng--" "Layas!" putol at pananakot dito ni Kai. "Hmp! Sungit" Si Kai lang ang may karapatan sa lahat ng bagay tungkol kay Bella kahit pa ang magbitbit ng buhok nito na abot hanggang EDSA. ===== May ilang araw na si Prin na nasa laot lang. Ilang araw na wala siyang makita kundi puro tubig-dagat. Dahil nasa poder siya ng bangkang iyon, kailangan niyang tumulong sa paglilinis o sa iba pang gawain. Hindi siya sanay sa gawaing bahay dahil namuhay siya na parang prinsesa kahit nang mga panahon na nakatira pa siya sa Matsui Mansion. Hindi nga ba at muntik pa niyang masunog ang bahay ni Cally sa simpleng pagluluto lang? Kinailangan pa niyang magpaturo kay Cassandra. Silang dalawa lang ang tanging babae na alam niyang nasa barkong iyon. Si Captain Yeo ay hindi na niya nakita pa simula nang unang pagtatagpo nila dahil madalas lang daw itong nasa kwarto nito. Hindi alam ni Prin kung ano ang ginagawa ng mga kalalakihan, ngunit madalas na may sinasakyan ang mga ito na mas maliit na bangka para umalis at bumabalik doon sa barko makalipas ang ilang oras. Nang araw na iyon halos parehas sila ni Cassandra ng kasuotan. Nakasaya at blusa. "Cassy, tell me how long you''ve been here?" usisa niya habang hinuhugasan ang mga plato. Nalungkot ito. "Three years" sagot nito. "... Nakuha rin nila ako sa dagat" dagdag pa nito. "Hindi ka na umuwi pa sa inyo?" Tinitigan siya nito sa mata at malungkot na nagpahayag. "I already told you, you can''t escape" Nagsimulang kabahan si Prin. "Bakit nga pala hindi na makakaalis pa sa lugar na ito? H-hindi ba dumadaong ang barko sa land area?" tanong niya. "Dumadaong, pero sigurado na hindi mo gugustuhin na makaalis" Tumalim ang tingin ni Prin. "Anong ibig mong sabihin?" "Prin, you''ve been marked as his own." tukoy nito kay Captain Yeo. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya pinagpag niya ang basang kamay at pinuntahan ang kwarto ng Captain Yeo na iyon. "Prin!" tawag ni Cassandra sa kanya na nag-aalala. "I want to see that Yeo idiot!" sabi niya. Inisa-isa niya ang mga nadaanan na kwarto. Nanggigigil siya. Kung pwede na bawian niya ng buhay ang lalaki ay gagawin niya. Binuksan niya ang isang pintuan at natagpuan ang lalaki sa harapan ng isang mesa. May bilog na bintana at kita ang karagatan sa labas. May mga nakasalansan na kung anu-anong maliliit na bote sa gilid. May malambot na kama sa kabilang banda, na may natutulog na babae. Kumunot ang noo ni Prin, sa ilang araw niya doon hindi niya akalain na may iba pang babae bukod sa kanila ni Cassandra. Nilingon sila ni Captain Yeo at matalim ang tingin nito na hinarap ang nanlilisik niyang mata. "C-Captain, I''m sorry¡­" sabi ni Cassandra na nasa likuran niya. "I want an explanation!" galit na sabi niya. Sumalubong ang kilay nito. "Bakit hindi ako pwede umalis dito? I am not yours!" galit na sabi niya na kahit ang babaeng natutulog nang nakabalot lang ng kumot ay nagising. Sumilay ang mala-demonyong ngiti nito sa paningin ni Prin. "I''m sorry but you are now mine! Lahat ng bagay na matipuhan ko sa dagat ay akin. And you have been marked as my own" ''Marked?'' "W-what do you mean?" Tumingin ito ng pailalim. "You have a bomb in your head, Miss Prin Matsui. See this?" pinakita nito sa kanya ang isang metal na kasinglaki ng Tuseran capsule. "This one is a bomb. And one of this, is now in your head. If you tried to escape, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka." Tila isang bomba ang mga sinabi nito na parang sumabog sa kanya. Chapter 174 - Part of them Apat na taon makalipas nang sabihin sa kanya na may bombang na-inject sa ulo niya, nanatili si Prin sa poder ni Captain Yeo. Nakakatawa pang isipin na naging bahagi siya ng buhay nito. She is twenty-three and doing their job. Gustuhin man niyang tumakas ay hindi niya magawa. Ang trabaho ng mga ito ay magnakaw ng literal sa mga nakakasalubong na sasakyang pandagat para may maipangtustos sa araw-araw. Hindi nakaligtas sa kanya ang ibang kasama na sumabog ang ulo dahil kay Captain Yeo. Parang bilog na pakwan ang mga ulo ng mga ito na pinukpok sa batuhan na nagkapira-piraso dahil sa capsule bomb. Mainitin ang ulo ng kapitan ng barko na iyon. Kaunting kibot lang ng mga kasama niya na hindi nito nagustuhan ay may kaakibat na agad na parusa. Hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos na tumakas. Gustuhin man niya na tumakas ay mas pipiliin na niyang mabuhay. At least, may pag-asa pa sila na magkita muli ni Cally kahit matagal. Kailangan niyang makuha ang remote ng bomba na ipinasok sa bandang itaas ng batok niya. Alam ni Prin na naroon lang iyon sa kwarto ng kapitan. Pero sa dami ng tao na nilagyan nito ng bomb capsule sa ulo, hindi niya alam kung paano ma-identify kung nasaan ang kanya. Huminga ng malalim si Prin. Ilang kilometro na lang ay dadaong na sila sa Puerto del Carmen para mamili ng pagkain, tubig, gamot at iba pa na maaaring gamitin sa karagatan. Isang isla na matatagpuan sa Lanzarote, Spain. May mga nakadaong na iba''t ibang klase ng sasakyang pantubig. Karamihan ay bangkang kulay puti na gamit ng mga taga-baryo sa panghuli ng isda. May bahayan sa paligid na halos puti rin ang kulay ng pintura. Maririnig ang mga huni ng puting tagak sa paligid. Tila sinasayaw ng hangin ang buhok ni Prin na lampas balikat na lang. Pinaputol niya ang dating haba ng buhok para saglit na makalimutan si Cally. Nasanay na rin siya sa suot na saya at blusa na tulad ni Cassandra. Sa loob ng ilang taon, hindi na niya nagawa pang humalakhak. Ano na nga ba ang pakiramdam ng tumatawa? Nakatayo siya sa gilid habang nakapatong ang mga kamay at matiyagang naghihintay sa pagdaong nila. Gusto niyang padalhan ng mensahe si Cally nang pasikreto pero alam niya na hindi rin basta-basta. Siguradong may nagbabantay sa kanila ni Cassandra. ''Cally, wait for me. I will make sure to return by your side.'' Isip-isip niya. Bahagyang nagluha ang mata ni Prin nang maalala ang asawa. Kahit pa abutin siya ng ilang taon, panghahawakan niya ang pangako nito. Sa loob din ng apat na taon, naging mailap siya kay Captain Yeo. Halos ayaw niyang makita ang kapitan at mukhang umiiwas din naman ito sa kanya. Kahit pa nalaman nito na may kakaiba siyang talento sa unang buwan pa lang niya doon, nang minsan na may mang-hipo sa kanya na kasamang lalaki sa barko. Nasa edad trenta na ang manyak na iyon pataas, na hinawakan siya sa puwitan. Hindi nagdalawang-isip si Prin na ginamitan ng dahas ang lalaki. Gamit ang kutsilyo na kasalukuyang ginagamit niya pang-tanggal ng lumot sa mga gilid-gilid na kahoy, diretso niya iyon na tinusok sa kamay nito. Nagalit ito sa kanya. Sasampalin na dapat siya nito gamit ang isa pang kamay pero hindi siya nagdalawang-isip na sipain ito. Napaatras ang lalaki. "You bitch!" Galit na sabi sa kanya. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na mabilis na ginilitan ang leeg nito. Kitang-kita ni Captain Yeo ang mga naganap habang naroon ito sa itaas na bahagi ng deck. Walang salita o ano mang emosyon na makikita dito habang nakatingin sa kanya. Nag-aapoy ang mata na sinalubong niya ang paningin nito saka niya tinulak sa dagat ang lalaki na nawalan ng buhay. Galit si Prin ng mga panahon na iyon at talaga namang wala siyang sinasanto. Gusto niyang ipakita sa kapitan na hindi siya simpleng babae. Sa loob din ng ilang taon, naranasan niya na ang lahat ng klase ng sakuna sa dagat. Naranasan niya na ang ilang beses na halos lamunin sila ng dagat dahil sa sobrang lakas ng bagyo habang nandoon sila sa pacific ocean. Ilang saglit lang, naputol ang pag-ala-ala niya dahil huminto na ang barkong sinasakyan. Naging busy na ang lahat. "Tara na Prin!" Aya ni Cassandra. Tumango lang si Prin saka ngumiti ng simple. Sumakay sila sa bangka na pang-dalawahan at nagsimulang mag-sagwan palapit sa dalampasigan. Napalingon siya sa isang gawi dahil tila may naghihiyawan. "Say ''yes''! Say ''yes''!" Narinig niyang sabi ng nagkukumpulan at masasayang lokal ng lugar. ''Hmmm.. mukhang may nagpo-propose'' Chapter 175 - She has a Love team Makalipas ang apat na taon, isang sikat na singer at aktres na si Bella. Gamit lang ang matamis na boses at gitara, nagustuhan siya ng mga tao. Ganoon yata talaga, nasa dugo niya ang maging celebrity na namana niya sa Daddy niya. Sa loob rin ng mga taon na iyon, nasanay na siya na bigla na lang aalis ng bansa si Kai at bigla na lang din itong susulpot sa harapan niya. Hindi na rin naman lihim sa kanya ang trabaho ng nobyo. Ipinaliwanag nito ng maayos sa kanya ang buhay nito bilang Dark Guard matapos mamatay si Prin. They have a long-distance relationship pero ayos lang, ang mahalaga ay nagkikita silang dalawa. ===== Ramdam ni Kai ang pagod mula sa mahabang biyahe. Sa loob ng isang buwan, panay ang ikot nila sa kung saan-saang bansa. Nagtungo sila sa India, sa UK, sa Japan at sa China para gabayan si Cally sa mga transaksyon nito. Literal na naging guards ni Cally silang dalawa ni Lorenz. Simula ng mamatay si Prin, nagsimula na rin na pag-aralan nito ang lahat ng tungkol sa Dark Lords kaya panay ang punta nila sa kung saan-saang bansa para i-meet ang mahahalagang tao. Matapos nga ang isang buwan ay nanghingi siya ng pahinga kay Lorenz. Gusto niyang isorpresa ang nobya na si Bella. Nang makalabas si Kai ng airport, nakita niya agad si Hunter na naghihintay sa tapat ng kotse. Disiotso anyos na binata at bagong Dark Guard pero mahusay at matalino kaya napili niya ito na siyang maging gwardiya ni Bella ng palihim. "Leader MB5, okay na ''yung order mo. Si Shogun ang kumausap kay Miss Penelope na pagandahin pa iyon. Nasabihan na rin ako na pwede mo nang kunin ang order mo ngayong gabi sa Fleur de Lys" pagbibigay-alam nito. "Okay, kamusta naman si Bella?" tanong niya habang inaayos ang malaking dalang bag sa likuran ng sasakyan. "Okay naman siya L-leader." sabi at uutal-utal. Nilingon niya ito saka pinilit na titigan sa mata. Hindi normal ni Hunter ang magpauta-utal na halatang may tinatago ito sa kanya. Dahil sadyang matalino si Hunter, nakuha nito sa mga mata niya ang pagbabanta. "*sigh* fine¡­ M-may bubuyog ulit si Bella" tukoy nito sa bagong umaaligid sa nobya niya. Sumama agad ang mukha niya. "Sino na namang bubuyog iyan?" nakaramdam siya ng inis sa kung sino man na iyon na uma-aligid sa Angel niya. "Her love team" "Love team?!" nanlaki ang mata ni Kai. Uminit na ang ulo ni Kai. Paanong nagkaroon ng ibang ka-love team ang Angel niya? Hindi naman niya ito pinakikialaman sa desisyon nito sa trabaho. Iyon nga lang, nakaramdam siya ng selos na malaman na may ibang ka-love team si Bella at may plano pa na manligaw dito. "Where is she?" "She''s at MGM now" sagot nito. "Let''s go to MGM. I want to surprise her." sabi niya saka sumakay na sa passenger seat habang si Hunter ang magmamaneho. Habang daan, hindi siya mapakali, gusto niyang manggulpi. Pumikit na lang siya saka kinalma ang sarili. Nang makarating sa building ng MGM, Dumeretso agad sila ni Hunter sa kwartong nakalaan kay Bella. Mahigpit ang MGM sa seguridad pero espesyal ang IDs nila ni Hunter kaya malaya silang makakaikot at makakapasok ano mang oras sa opisina ng pamilya ni Cally. Nang nasa tapat na siya ng pintuan ng dressing room ng nobya, kinuha niya ang cellphone saka niya ito tinawagan. "Hello Babe." sagot nito sa telepono makalipas lang ang ilang ring. "Open your door. I''m here." Napasinghap si Bella sa telepono at ilang segundo lang bumukas ang pintuan nito. "Oh my god!" tinalon nito si Kai para mayakap. Nakaramdam naman ng init si Kai parang umabot ang yakap nito hanggang puso niya. Tinunaw ng yakap ng nobya niya ang init ng ulo niya ilang minuto ang nakaraan. "I''m surprised. Come in" masiglang sabi nito. Pinagmasdan ni Kai si Bella. Malaki ang pinagbago nito sa loob ng apat na taon. Mas nag-mature saka mas gumanda, kaya mas lumalim din ang pagmamahal niya sa babae. "Gusto ko munang malaman kung bakit ka nagkaroon ng ka-love team." nagtatampo ang tono ng nobyo ni Bella. "Ka-love team?" kahit si Bella ay nagtaka. "Ahhm, leader I am going!" biglang paalam ni Hunter. Ngunit bago pa ito makatakas ay hinila niya na ang kwelyo ng suot nito. Itinaas nito ang dalawang kamay "Sorry! Sorry leader, gusto ka lang i-prank ni Mat-mat. Napag-utusan lang ako na nakisali si Shogun at ang Shi." pagdadahilan nito. Naglabas ng mabigat na hangin si Kai saka ito binitawan. Napaglaruan talaga siya ng manyak na si Mat-mat at nagawa pa nitong gamitin ang tao niya. Nakahinga naman siya ng maluwag. "Sabihin mo kay Mat, gugulpihin ko talaga siya sa weekend" "Weekend?" sabad ni Bella. "Yes. We are going to Spain" ***** Hello Everyone, I''m encouraging you to read MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY, tapos isunod niyo ang SI MAKISIG AT SI MAGANDA para mas malinawan kayo sa storya. Sa sequence, ang first volume nito ang naganap bago ang SMSM. Genres: MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY (Romance, Comedy, Teens, Drama) First love never dies kaya ma-drama SI MAKISIG AT SI MAGANDA (Comedy, Romance, Tragedy) ''yung tipo na kakabahan ka, mag-iisip ka na parang puzzle hanggang sa gusto mo na akong saktan! Hehe. Anyway, salamat sa pagsuporta. And happy reading sa inyo. -Feibulous Chapter 176 - Puerto del Carmen Kinakabahan si Kai habang katabi si Bella sa eroplano. Patungo sila ng Puerto del Carmen, Spain kasama si Cally, Lorenz at ang kaibigan ng Shi nila na si Bea, isang computer game designer. May business transaction si Cally at si Bea sa napakagandang isla na iyon. At inimbitahan sila na magbakasyon doon ng Presidente ng bansa. Pero may goal si Kai bukod sa magbakasyon doon kaya siya kinakabahan. Napag-alaman niya na maganda ang lugar kaya naisip niya na doon ipagpatuloy ang pagpropose niya kay Bella. Nagpagawa pa siya ng engagement ring kay Miss Penelope na malapit na kamag-anak ng Shi nila na isang jewelry designer, painter, pianist at kung anu-ano pa. Ang babae ang masasabi na high-end na raketera. Depende sa trip nito kung ano ang gusto nitong gawin sa buhay. Nilingon niya ang mga kasama. Una na nga si Bea, may masamang karanasan ang babae dahil napagkamalan itong nobya ng Master Cally nila. Dahilan para dukutin ito ni Gon Peter at may isang taon pa lang na nakaka-move on. Kasalukuyang may ginagawang proyekto ang babae na mas ginusto na mapag-isa sa kabilang isle. Ang Master nila ay nasa unahang seat ni Bea na busy rin sa laptop nito, katabi nito si Lorenz na natutulog. Sa loob ng apat na taon, literal na naging bantay ito ni Cally. Kung nasaan si Cally ay naroon din si Lorenz. Nilingon niya si Bella sa tabi na nanonood ng koreanovela na may pamagat na Weightlifting Fairy. May nakakabit na headset sa tenga ng nobya niya at tutok na tutok sa screen ang mga mata. Ayos lang dito na kahit mamaga na ang mata sa kakabasa ng subtitles. Maya-maya, kinukurut-kurot na siya nito dahil kinikilig ito kay Kim Bukjoo na hindi naman kagandahan at Jung Jun-hyung. Okay lang kay Kai kahit sipain pa siya ng kanyang Angel palabas ng eroplano ang mahalaga ay masundan niya ang lahat ng ekspresyon na mayroon ito. Gayunpaman, naaaliw siya dahil naaalala niya rin sa palabas ang college life nila ni Bella. Ilang oras lang, nasa loob na sila ng Hotel suite. Sa gabing iyon ang meeting ni Cally at Bea. Kinabukasan naman ang plano nila na mag-ikot-ikot sa lugar. ===== Kinabukasan, mas ninais ni Cally na magswimming sa beach kasama si Lorenz. Si Miss Bea naman ay mas ginusto na manatili sa hotel. Si Kai at Bella ay mahaba-haba ang plano sa araw na iyon. Nang umaga ay sumama sila kay Cally at Lorenz na maglakad-lakad sa dagat. Magkahawak-kamay lang sila na dahan-dahan na naglalakad sa dalampasigan at ninanamnam ang araw na iyon na magkasama sila. Hindi nila napapansin na napapalayo na sila ng lakad hanggang sa makarating sila sa parte ng isla kung saan naroon ang mga bangkang pangisda. Ilang lakad pa ang ginawa nila nang makakita ng isang salu-salo. Parang pista. May tumutugtog na mga musikero na nakacostume pa at may malalaking intrumento, may kainan at nagsasayawan. Napangiti si Bella na makita ang masasayang tao sa pagtitipon. "Come!" nabigla sila ng ayain sila ng isa sa mga ito na naaaliw kay Bella. Isang may-edad na babae na mataba at nakasuot pa ito ng bulaklakin. "I-Is it okay if we gate crash?" nag-aalaang tanong ni Kai. Tumawa ito "We love gatecrashing. Come in! You can enjoy the party. The more, the merrier!" Normal na maaliw si Bella at Kai sa ganoong pagtitipon kaya naengganyo sila na lapitan ang grupo. Isa pa, halos naging busy sila sa mga personal na trabaho sa loob ng ilang taon kaya napili nilang makisaya. Sa dami ng tao sa paligid, parang buong baranggay na yata ang mga tao doon. Halos wala silang makita na malungkot ni isa. May masayang nagk-kwentuhan sa isang gilid. Nagsasayawan, may kumakain sa isang parte. Nakisali sila sa mga sumasayaw na nagbuo ng parang snake line na susundan mo ang gagawin ng nasa harapan. She was really happy, parang nawala ang pagod niya sa trabaho ng mga nagdaang araw. Literal na tawa ng tawa si Bella dahil ang comedy na ng ginagawa ng nasa unahan niya pero sige lang siya. Iaangat ang kamay, iipitin ng kili-kili ang isang palad, kekembot at kung ano pa. Pinagmamasdan ni Kai ang kakaibang saya na iyon ni Bella. Whenever she is happy, he is also happy. Pakiramdam niya ay kaya ng ngiti ng nobya niya na makagawa ng world peace. Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw. Bigla niyang hinarap si Bella at hindi niya napigilan na bigyan ito ng matamis na halik sa labi sa gitna ng maraming tao na iyon. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. Saglit silang tumigil at namula ng sobra ang pisngi ni Bella. Kahit ang mga tumutugtog ng instrumento ay napapalakpak sa kanila. "Wow! Such a nice couple. You are so sweet." kinikilig na sabi ng babaeng nag-aya sa kanila. Nilagyan pa siya nito ng bulaklak sa ibabaw ng tenga niya. Chapter 177 - Kais Proposal Hinawi ni Kai ang ilang hibla ng buhok ni Bella na matamis ang ngiti sa labi na umaabot sa kumikinang nitong mga mata. She is wearing a long white summer dress na nababagay talaga dito. He is just wearing a simple white shirt at makulay na shorts. May plano si Kai na sa gabi pa magpropose kay Bella, nagpa-reserve pa siya sa mamahaling restaurant pero ang saya ng nobya niya sa oras na iyon ay walang kapalit na halaga. Her smile at that moment is the sweetest smile of her. "My Angel, I wanted to tell you since the first day I met you that you are the most beautiful girl I have ever met." Lalong namula ang pisngi ni Bella. Tinapik niya sa braso si Kai. "nakakahiya sa kanila. Ano ka ba..?" Nilingon niya pa ang mga tao sa paligid. "oh! what a lovely couple." mula sa mga tawanan, napalitan ng kilig ang nararamdaman ng mga tao sa paligid. "You are the most perfect woman I''ve met and I love everything about you. When you Smile, when you''re sad, when you are happy. I don''t want to miss a single expression of your face." Hinalikan ng binata ang kamay ni Bella. "Ohhh¡­" naging seryoso naman ang lahat nang marinig ang sinabi na iyon ni Kai. "I wanted to tell you that all the joy and happiness in my heart is because of you¡­" Nagsimula namang mangilid ang luha niya sa mata. "...You are my whole entire universe. You taught me how to love which is the most amazing feeling that I couldn''t ever imagine." Tuluyan ng napaluha si Bella sa mga sinabi na iyon ni Kai na tumagos ng sobra sa damdamin niya. She felt the same with Kai. "Don''t you know that I plan to marry you since the first day of our relationship?" he said everything he felt for her ng walang script o kung ano pa man. What he said is those things he really felt for his Angel. "Having the thought¡­" Napatigil na lang ang lahat nang lumuhod sa harapan ni Bella si Kai. Nanlaki naman ang mata ng dalaga at inikot ang paningin sa paligid saka ibinalik ang tingin sa binata. Naglabas ito ng isang maliit na box mula sa bulsa. Natutop ni Bella ang bibig sa ginawa nito. Binuksan naman ng binata ang box na iyon at lumitaw ang 1 karat of diamond ring sa harapan niya "My Angel¡­ will you marry me?" Hindi nakapagsalita ang dalaga at talagang na-mental block siya. Hindi niya kasi inaasahan ang gagawin nito. Pero naluha talaga siya sa mga pinahayag ni Kai. "Say ''Yes!'', say ''Yes!''" hiyaw ng mga tao sa paligid. "Of course, Yes!" naiiyak na sagot niya habang panay ang tango sa binata. Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. "Whew!" parang nakahinga ng maluwag si Kai saka mabilis na sinuot ang singsing sa nobya niya. Mahirap na, baka magbago pa kasi ang sagot nito. Ganoon pala ang pakiramdam ng magp-propose. Kahit pala alam mo na mahal niyo ang isa''t-isa, may kaba pa ring nararamdaman dahil baka matulad siya doon sa mga napapanood niya sa youtube na ''Marriage Proposal Gone wrong!'' "I''m sorry guys for troubling you, she''s happy in your place, so I should make my move in order to get my ''Yes''." paghingi ng paumanhin ni Kai. Nagtawanan naman ang iba sa mga ito saka nagbalik na naman sa sayawan. Para bang commercial ang ginawa ni Kai at binigyan lang sila ng moment ni Bella. Habang masayang nagsasayawan ang lahat, nanatili naman si Bella at Kai sa slo-motion na sayaw sa gitna. Naka-angkla ang mga braso niya sa balikat ni Kai habang nakaikot sa bewang niya ang mga braso nito. "I love you so much, My Angel!" "I love you too, Kai Jeon Jang!" They shared the kiss after. Chapter 178 - Cinnamon Roll Tumuloy si Prin at Cassandra sa market area ng isla. Isang kalsada iyon na iba-iba ang tinda kada pwesto. "Dito ako sa kabilang gawi, magkita na lang tayo muli dito after 30 mins." Sabi ni Prin sa dalaga. "Sige, sa prutas at gulay ka. Ako na bibili ng tinapay, gamot, asukal saka sa iba pa na nasa listahan." Sabi nito. Tumango lang si Prin. Sa loob ng ilang taon, hindi niya akalain na matututo siya na mamalengke sa poder ni Captain Yeo. Marunong na rin siyang pumili ng fresh na prutas at gulay saka marunong na rin siya magluto. Kung mayroon siyang ipinagpapasalamat, iyon na nga ang mga natutunan niya sa barko dahil kailangan niya iyon na pag-aralan. Matapos makapamili ng prutas, gulay napadaan siya sa isang coffee shop. Namimiss niya na ang dating buhay pero wala siyang magawa. Ngumiti ng mapait si Prin. Napansin niya ang babae na nasa tapat ng mesang nasa labas ng shop. Nakaputing blusa ito na hanggang siko at slacks. Hindi siya makapaniwala na may naka casual suit sa isla na iyon. Patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop na gamit. Sa tingin niya ay hindi nalalayo ang agwat ng edad nila, may palagay siyang nasa bente tres o hanggang bente kwatro anyos ang edad nito na tulad niya. Nilapag ng waiter ang kape na order nito sa mesa. Dahil busy ito sa hawak na laptop, dinampot ng waiter ang wallet nito na nasa mesa saka ibinulsa. Nanlaki ang mata ni Prin. "Hey!!!" Sabay na napalingon ang waiter at ang babae sa kanya. "Kinuha mo ang wallet niya! Ilabas mo!" Singhal niya sa waiter. Biglang nilipat ng babae ang atensyon mula sa ginagawa nito sa laptop patungo sa mesa kung saan nakapatong ang wallet nito. Wala na nga roon ang wallet nito at tanging tasa ng kape na lang ang nandoon. Sumama naman ang tingin ng waiter sa kanya saka ibinalik ang wallet ng babae. Tinaasan lang ito ng kilay ni Prin. "Oh my! Thank you so much! Kun''di, hindi ko na alam paano ako makakabalik sa hotel dahil nandito ang cellphone, pera at card-key ko sa hotel." sabi nito. Nginitian ito ng simple ni Prin. "Ahm.. Gusto mo ng meryenda, ililibre kita sige na kapalit man lang ng tulong na ginawa mo sa akin." Nag-aatubili si Prin, pero hinila siya ng mga mata nito na maganda ngunit halata ang lungkot sa pinaka-loob. Umupo siya sa tapat nitong silya. In-orderan siya nito sa parehas na waiter kung sino ang kumuha ng wallet nito. Umorder lang si Prin ng Cinnamon roll saka kape. "wala kang plano na isumbong siya?" tanong ni Prin. "No need" simpleng sagot nito. Pinagmasdan siya nito "...Pwedeng malaman kung tagasaan ka? Taga Pilipinas ako" simula nito. "ahhh kaya pala mukha kang Pilipina. Japanese ako, but my Mom is a pinay too." malungkot na sabi ni Prin namimiss niya na rin kasi ang magulang niya. "Ahh, kaya pala you look like my old character because you''re a japanese. I''m a cosplay artist" sabi nito. Tumango lang si Prin bilang sagot. Nagdadalawang-isip si Prin kung makikihiram siya ng laptop sa babae para sikretong magpadala ng mensahe kay Cally. Ngunit paglingon niya pa lang para tingnan ang paligid, nakita niya agad ang kasama sa barko sa ''di kalayuan. Napakuyom na lang siya ng palad ng lihim. "Oh shoot! Miss, I''m sorry, uuna na ako. May kaibigan kasi ako na naghihintay sa akin. I hope you don''t mind." paalam niya na lang dito. "Oh sure! No problem!" Ngumiti ng simple si Prin saka tuluyan ng naglakad paalis. Mga apat na metro na yata ang nalalakad niya nang sumigaw ito. "By the way, I''m Bea!" "Okay!" sabi niya na lang at hindi na nagpakilala pa. Tuluyan na siyang naglakad ng mabilis para balikan si Cassandra. Samantala, nakatitig lang si Bea sa babaeng umalis na si Prin. Gusto niyang isipin na ito ang dating asawa ni Cally dahil may hawig ito kay ''Twilight Mary'', ngunit malayo ang personalidad nito sa deskripsyon ng mga nakalap niya. Nakasaya at simpleng blusa ang babae. May mga dala pang prutas at gulay. Malayo sa Prin na mga narinig niya na matapang, a warrior princess just like Twilight Mary. Isa pa, ayaw niyang banggitin ang dating asawa ng kaibigan dito dahil sigurado na masasaktan lang si Cally. Tinatanaw niya ang babae hanggang sa lumiko na ito matapos ang ika-anim na stall mula sa coffee shop na iyon, saka niya nakita si Cally na lumabas sa isang tindahan na nasa ika-apat na pwesto. Simpleng T-shirt at short ang suot nito. Tipikal na suot ng magbabakasyon na nasa isla. Malayo sa normal na madalas nitong suot na naka coat and tie. Patungo na si Cally sa direksyon ng lumikong babae nang tawagin niya ito. "Hey, Cally!" sigaw niya. Lumingon ito sa kanya. Napansin niya na may dalang paper bag si Cally. Seryoso lang ito na pinuntahan ang pwesto niya. "Nandito ka pala Bea." "Yes, naboboring na ko sa Hotel kaya naisip ko na magliwaliw. By the way, umupo ka dyan sa tapat at ikaw na umubos ng meryenda na in-order ko. Hindi naman nagalaw iyan ng babae na tumulong sa akin." saka niya ikinuwento ang mga nangyari. Tumango lang si Cally saka umupo sa silya kung saan umupo ang babae, saka sinimulan na kainin ang cinnamon roll. Ngumiti ng mapait si Cally habang tinitikman ang cinnamon roll na iyon. Kung matitikman lang ni Prin ang cinnamon roll na kinakain niya, siguradong matutuwa ito. Chapter 179 - Gold plated dog tag Nagtanong-tanong si Cassandra sa mga lokal kung nasaan ang trading shop sa isla na iyon. Bukod kasi sa may bibilhin siya doon sa isla, trabaho niya rin na ibenta ang mga mahahalagang gamit na ninakaw nila sa paglalakbay. Isang diamond ring ang ibebenta niya at ang matagal ng itinatago ng kapitan na gold plated dog tag ni Prin kaya humiwalay siya dito. Nakita niya ang shop na nasa corner na bahagi ng kalsada na tulad ng itinuro sa kanya. Binuksan niya ang pintuan na may puting salamin at agad na umingay ang chime nito. Inikot niya ang paningin. Masyado ng sumikip ang kwarto dahil sa dami ng mga nakastock na kung anu-ano. May armour ng samurai sa gilid, pigurin na kung anu-ano, may porcelain tea set, painting, grandfather clock. Para itong antique shop sa unang tingin. Nakita niya ang matabang babae na may rollers sa buhok at may hinihithit na manipis na sigarilyo doon sa kahera kaya nilapitan niya ito. "Hello, magbebenta po ako." sinabi niya agad ang pakay. "Hmm, patingin." Nilabas niya ang diamond engagement ring at ang gold plated tag necklace ni Prin. ''PM-GW8'' ang nakaukit dito. Unang sinuri ng matabang babae ang diamond ring. Gamit ang magnifying equipment para makita kung tunay ang dyamante o peke, may ilang minuto rin nito na sinuri iyon. "800 US Dollars ito" sabi ng babae. Sunod nitong sinuri ang gold plated necklace ni Prin Tumunog ang chime. Kaya napalingon si Cassandra sa bagong pasok. Isang lalaki na may matikas na pangangatawan ang bagong pasok. Nakasuot lang ito ng itim na Tshirt, shorts at tsinelas. Katulad niya ay alun-alon ang itim na buhok nito. Matalim kung tumingin at para bang hindi man lang marunong ngumiti ang lalaki. Nagkatitigan silang dalawa nito, namula ang pisngi ni Cassandra kaya binawi niya rin agad ang tingin at nilipat sa matabang babae. "This one is a 24 karat gold at personal na dog tag. Hindi ko alam kung magkano ito sa ngayon. Balik ka na lang ulit mamayang alas kwatro ng hapon para dito. Kailangan ko pa kasi na i-check sa market kung magkano ang maari naming kitain dito." inabot nito ang gold plated na dog tag kay Cassandra saka ang 800 US dollars kapalit ng engagement ring. "Sige po." saka niya ito nginitian. Nabigla na lang siya ng hinablot ng lalaking bagong pasok ang dog tag na nasa kamay niya. "Hey!" singhal niya sa binata na nanlalaki ang mata. "Where did you get this?!" galit na sabi. Napalunok si Cassandra. "Hey! That''s mine!" "This one is definitely not yours." nilabas nito ang nakatagong dog tag na nakapaloob sa suot nitong Tshirt. Nanlaki ang mata ni Cassandra nang ipakita nito ang suot nitong dog tag na katulad ng kay Prin. Ang pagkakaiba lang ay ''LOR-MB2'' ang nakaukit sa dog tag nito. Pinilit ni Cassandra na kalmahin ang sarili. "Mister, If you want this necklace, ikaw ang bumili." sabi niya. Bahagyang nagtaas ng kilay ang binata. Nilapit nito ang sarili sa kanya dahilan para mapaatras siya. May kung ano ang lalaking nasa harap para makaramdam siya ng kakaiba. Hanggang sa ma-korner siya nito sa dulo. "I''ll pay you 20 thousand US dollar for this dog tag necklace. But you have to tell me kung saan mo ito nakuha." "N-napulot ko sa dalampasigan!" sagot niya. Hindi alam ni Cassandra kung ano ang relasyon ng lalaking ito kay Prin pero hindi niya maaaring sabihin sa lalaki ang tungkol sa kaibigan. Hinablot ni Cassandra ang tag. "I''m going!" sabi niya. Saka ito iniwasan. "Wait!" pigil nito. Nagmadali na si Cassandra na makalabas ng Trading Shop na iyon. Mabilis siyang nagtago sa katabing bakery para hindi makita ng lalaki. Inis na inis naman si Lorenz pagkalabas ng shop dahil tila magic na nawala ang babae. Napasuntok na lang siya sa hangin. Pinapangako niya na tuturuan niya ng leksyon ang babae na iyon sa susunod na magkikita sila. Kahit ang tag man lang sana ni Prin ay nakuha niya. Narinig niya ang sinabi ng matabang babae na pinababalik ito ng alas kwatro ng hapon. Sisiguraduhin niya na kikitain niya muli ang babae. Chapter 180 - Sweet punishment Tahimik si Cassandra nang makabalik sa pwesto kung saan sila magkikita ni Prin. Nakabili na siya ng mga nakatoka sa kanya sa listahan. Nagdadalawang-isip siya kung sasabihin niya ba sa kaibigan na may nakita siya na posibleng kakilala nito noon. Pero, mas ninais niya na ilihim na lang lalo at sinundo sila ni Casper. Tapat ang binata kay Captain Yeo at ayaw niyang ikapahamak pa nila ang sasabihin kay Prin. "Naka-order na ako ng mga prutas at gulay, ihahatid daw nila sa barko mamayang hapon." saad ni Prin. Tumango lang si Cassandra saka tipid na ngumiti. Sumakay sila sa bangka na pang-dalawahan saka nag-sagwan papunta sa barko na nasa malalim na bahagi ng dagat. Malalim ang nasa isip ni Cassandra habang nakatingin sa seryosong si Prin na nagsasagwan. Hindi niya alam ang tamang gagawin, ayaw din naman niya na mapahamak ang kaibigan kung sakali na gumawa ito ng ikapapahamak nito. Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng Barko. Dumeretso si Cassandra sa cabin ng kapitan para mag-report. "Captain Yeo, nabenta ko ang engagement ring sa halagang 800 US dollars, pero ang dog tag ay kailangan ko pang ibalik sa kanila mamayang hapon para ma-compute kung magkano nila bibilhin." "Sige. Bumalik ka. Mabigat ang gold plated dog tag na iyon. Kung bibilhin nila sa halagang one thousand dollars, ibenta mo kaagad." "Mamayang hapon din ang dating ng mga na-order nating supplies." Tumango lang ito at halatang nagdadalawang-isip sa sasabihin. "May kailangan pa po kayo?" Kumuha ito ng alak na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. "Kamusta si Prin Matsui?" Saka nito nilagok ang alak. "Ayos naman siya kapitan, sa tingin ko ay nasanay na siya sa loob ng apat na taon dito kaya mas kalmado na siya ngayon." Sagot ni Cassandra. "''Nga pala, bukas ng gabi papasukin natin ang Grand Vellas Rivera Maya Hotel, doon nagtungo si Casper kanina para magmanman. Tatlong business tycoon ang kasalukuyan na naka-check in doon. At sila ang target niyo bukas." Sabi nito. Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok. Isang seksing babae ang niluwa ng pintuan kaya nagpaalam na siya sa kapitan. Kada papalaot sila ay may babae rin itong nakakalampungan at sanay na sila doon. Malaki magbigay ng bayad ang kapitan kaya ang mga babae na mismo ang lumalapit dito. ===== Eksaktong alas kwatro ng hapon, nasa harapan ng pintuan si Cassandra kung saan ibebenta niya ang gold plated na dog tag. Kabubukas pa lamang niya ng pintuan ay nais na niyang umatras dahil naroon ang lalaking na-meet niya nang umaga rin na iyon. Hinila siya nito sa bewang saka muling sinara ang pintuan. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Sobrang lapit ng katawan nito sa kanya. Tinaas naman ni Lorenz ang gilid ng labi nito ng nakakaloko. Hinila ang pouch na hawak ni Cassandra saka nito tinanggal ang braso na nakapalupot sa bewang ng dalaga dahilan para bumagsak ito sa sahig. "Ouch!" Diretsong salampak kasi sa sahig ang buong katawan ng dalaga dahil na off-balance siya. Pakiramdam niya ay sumakit ang balakang niya. Binuksan ni Lorenz ang pouch na bitbit nito at kinuha mula roon ang gold plated dog tag ni Prin at basta na lang binitawan sa harap ni Cassandra ang pouch. Bumagsak iyon sa dalawang kamay ng dalaga. "I am going to buy this for 2 thousand dollars." Sabi ng binata. Tumayo si Cassandra saka pinagpag ang saya na suot. Nakaramdam siya ng inis sa lalaki. Ang utos sa kanya ng kapitan ay maaari niyang ibenta iyon sa halagang one thousand dollars, kung bibilhin ni Lorenz ng mas mataas, e di mas maganda. Tinapat niya ang kamay sa harapan ng binata. "Payment?" Nakataas ang kilay na sabi niya dito. Tumitig sa kanya ang binata dahilan para kabahan siya. "Sige. But tell me your name." Natigilan si Cassandra. Ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa lalaki pero tila inaarok siya ng mga mata nito. "Sandra". Tahimik lang ito na pinagmamasdan ang mukha niya. Inabot sa kanya ang bayad. Binilang ni Cassandra iyon. Nang makumpirma na sakto ang bayad nito, ipinasok niya ang pera sa loob ng blusa at sinuksok sa bra na suot. Nakalimutan niya na nasa harapan pa rin pala niya si Lorenz. Kaya parang may kung ano na dinudukot siya sa b.o.o.b.s sa paningin nito. "A-anong tinitingin-tingin mo? Inggit ka ba? Dahil wala kang bra?!" Sumimangot lalo ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Saka lumapit muli sa kanya. "Hmmm mukhang sinusubukan mo talaga ako. Hindi pa nga kita natuturuan ng leksyon, may tirada ka agad." Napaatras muli ang dalaga hanggang sa makorner siya nito sa parehas na pwesto nang umaga na iyon. Napalunok si Cassandra. Iniisa-isa ni Lorenz ang bawat parte ng mukha ng babaeng nasa harapan. "Choose kung ano ang ibibigay ko sa ''yong parusa" Tumunog ang chime kaya napalingon dito ang binata. Agad na nakakuha ng tyansa ang dalaga. "Heto na lang!" Hinalikan niya sa pisngi ang binata saka lumusot at mabilis na tumakbo palabas. Nakasalubong niya ang bagong pasok na may kakaibang awra at may dark brown na buhok. Nagsalubong ang mata nila nito pero tuluy-tuloy lang siya na lumabas para makatakas. Chapter 181 - She came in his dreams "Shi!" Bati ni Lorenz sa kapapasok lang na si Cally. Nanghinayang ang binata na hindi niya masusundan ang babaeng may pangalan na Sandra dahil dumating ang Master niya. Nasabi niya dito na nakita niya ang dog tag ni Prin doon sa trade shop na iyon at kukunin niya sa hapon, pero hindi niya akalain na susundan talaga siya nito dahil tungkol kay Prin ang usapan. Inabot niya ang dog tag ni Prin dito. Bumalot agad ang kalungkutan sa mukha ni Cally. Humugot si Lorenz ng malalim na hininga at tinapik sa balikat ang kaibigan. "I am going to say this as your friend, and not as your Shogun. I can''t say ''okay lang iyan'', but you have to move on, Cally." Sabi nito. Tumango lang si Cally saka sinuot ang kwintas. "Bukas ng gabi tayo susunduin sa Grand Vellas Rivera Maya hotel pabalik ng Maynila." Pagbibigay-alam ni Cally. Tumango lang ang Shogun, binayaran niya ang babaeng nasa kahera saka sila lumabas. ===== Dahil huling gabi na ng grupo ni Cally sa isla, nagkayayaan ang grupo nila na mag-inuman para iselebra ang proposal ni Kai kay Bella. "Bella, are you sure na pumayag na magpakasal dito kay MB5?" Usisa ni Lorenz. Sa tagal ng panahon na magkakasama sila, madalas nilang asarin si Kai sa relasyon nito kay Bella. "Hey Shogun! Hindi ko pa nakakalimutan ''yung prank na ginawa niyo sakin ha! dinamay niyo pa si Hunter! Tapos ayan ka na naman!" Banta ni Kai. Hinawakan naman ng dalaga sa braso ang nobyo niya. "Babe, kalma ka lang. Hindi naman ikaw ''yung tinatanong. Anyway, I am very much sure." Sweet na sagot ni Bella. Parang nabilaukan naman si Lorenz sa sagot nito habang umiinom ng whiskey. Hindi niya akalain na pakakainin siya ng isang lata ng asukal sa sagot nito. Nilagok ni Cally ang alak na laman ng baso niya. Hindi niya na namamalayan na napaparami na siya ng inom. Masyado niya ng namimiss si Prin. He is missing her sweet scent of cherry blossoms. Her hugs and kisses. Simula nang mawala ang kanyang baby panda, tila nawala na rin ang habit niya tuwing malalasing. Mas gusto niya na lang matulog at hindi ang tumakbo para maghanap ng tao na matagal ng nawala sa piling niya. Katulad ng oras na iyon, kaya nagawa niyang uminom ay para makatulog saglit sa kwarto bago sila sunduin ng helicopter papunta sa airport ng Lanzarote. Nakadagdag sa lungkot niya ang dog tag na nagbalik sa kanya. Kaya hindi talaga siya nakatulog ng nagdaang gabi. "Shi, huwag ka masyadong uminom. susunduin pa nila tayo mamayang alas dyes." "Nandiyan ka naman e." Sagot ni Cally. Lorenz "..." ''okay fine! As a shogun, it''s my responsibility to help you.'' "Guys, mauuna na akong bumalik sa suite. Aayusin ko pa ang mga gamit ko." Paalam ni Bea. "Sasabay na ''ko" habol ni Cally. "Ako din! Alangan namang iwan niyo ako sa dalawang ito na pati langgam matatakot na lapitan sila. Tss!" Reklamo ni Lorenz habang turo ang magkasintahan na kasalukuyang magkayakap. Naiiling na sumunod ito kay Cally. Binuksan ni Lorenz ang pintuan niya na suite 349W, pero nagtaas ang kilay niya nang makita na nakaikot ang numero sa pintuan dahilan para mapalitan iyon ng 346W. ''Mukhang may nagpa-prank sakin. Hmp! Childish!'' Saka ito pumasok. Samantala, pagpasok ni Cally sa suite niya, bumalot agad ang kalungkutan sa pagkatao niya. Hinubad niya ang dog tag ni Prin na nakasabit sa leeg niya at hinimas ang mga pangalan na nakaukit doon. He wanted to cry. It''s as if there is no cure in the pain in his heart. The memories of her on that cliff keeps on haunting him. Maayos niyang nilapag sa tokador na nasa tapat ng kama ang dog tag saka humiga sa malambot na kama para saglit na magpahinga. Hindi alam ni Cally kung ilang minuto na siyang nakakatulog nang maramdaman na lumundo ang kama sa tabi. Nanuot agad ang pamilyar na amoy nito sa ilong niya. The sweet smell of cherry blossoms. Dahan-dahan siyang nagdilat ng mata at tumambad sa paningin niya ang mukha ng babaeng matagal niya ng hinahanap. Sinalubong niya ang titig nito. Ang pangarap niyang dalawin ni Prin kahit sa panaginip ay tila natupad. "My baby panda¡­" usal niya saka hinaplos ang mukha nito. Doon niya lang napansin na lumuha ang pisngi nito. "I miss you so much, Cally." Bulong na sagot nito saka patuloy na lumuha. Kinupkop niya ang buong pisngi ni Prin at hindi niya napigilan na halikan ang dating asawa. He missed her so much. Parang water drum na pinuno ng tubig ang dibdib niya dahil sa halik nito. Pinuno ng pagmamahal ang puso niya na matagal ng nangulila dito. Hindi niya alam kung gaano katagal na natapos ang mga halik. Kapwa naubusan sila ng hangin. Matapos ang sandali, nagtiyaga siya na niyakap ito saka pumikit. Isang ring ng cellphone na nakapatong sa bedside table ang gumising kay Cally. Inikot niya ang mata sa paligid at nakumpirma na mag-isa lang siya doon sa kwarto. Dinalaw siya ni Prin sa panaginip. Ngumiti siya ng mapait. Kinuha niya ang cellphone at sinagot iyon. "Shi, nandito na ang sundo natin" sabi ni Lorenz sa kabilang linya. Chapter 182 - A willing victim Alas nueve ng gabi¡­ Tatlo na may tig-dalawang miyembro ang naka-assign na pasukin ang kwarto ng tatlong business tycoon na kasalukuyang naka-bakasyon sa Grand Vellas Rivera Maya hotel sa grupo ni Captain Yeo. Nakuha nila ang mga suite number mula kay Casper. Si Prin at Cassandra ang magkasama na papasok sa isang suite na nasa west wing. Nasa ikatlong palapag matatagpuan ang suite na papasukin nilang dalawa. Ang dalawang grupo pa ay sa east wing tumungo. Kapwa sila nakasuot ng summer dress para kunwari ay bisita sila doon sa hotel. Gamit ang general card key na bigay ni Casper, malaya nilang mapapasok ang kwarto na puntirya nila. Hanggang sa makaakyat silang dalawa ni Cassandra sa third floor west wing. "Naguguluhan ako. Ang sabi ni Casper, 346W. Bakit dalawa ang pintuan na may 346W?" Tanong ni Cassandra. "Hindi ko din alam. Mabuti pa, maghiwalay tayo. D''yan ka sa kabila, dito ako. Magkita na lang tayo sa pine trees sa beach area mamaya." Mahinahon na sagot ni Prin. Sumenyas ng okay-sign si Cassandra saka sila sabay na pumasok sa magkaibang pintuan. ===== Itinapat ni Cassandra ang card key sa maliit na card reader box sa pinto, mahinang tumunog ang electronic lock nito. Binuksan niya ang pintuan at dahan-dahan na sinara muli iyon. Madilim ang kapaligiran kaya kinailangan niyang gumamit ng maliit na flashlight. Parang ballpen ang hitsura nito na may pindutan ngunit LED light na puti ang dulong bahagi. Dahan-dahan na tinungo niya ang mga drawer para isa-isahin at makita kung may mahalagang bagay doon na pwede niyang kunin. Isang drawer pa lang ang nabubuksan niya nang may magsalita sa likuran niya. "Sino ka at ano ang kailangan mo?" bumalot ang kilabot sa pagkatao niya dahil sa laki ng boses ng lalaki. ''Sh*t! Nahuli ako!'' Mabilis na tinakbo ni Cassandra ang pintuan palabas ngunit nahawakan na nito ang braso niya. Tinulak siya pader na katabi ng pintuan, inangat nito ang mga kamay niya para lalong hindi siya makakilos saka hinarap. Pinagsisipa ng dalaga ang lalaki ngunit nakakaiwas ito. Ilang saglit lang nakilala siya nito. "Sandra?" kinuha ng isang kamay nito ang flashlight na hawak niya saka nito itinutok sa kanya ang ilaw nito. Hindi pa rin makakilos ang mga kamay niya na nakataas kahit iisang kamay lang nito ang pumipigil sa kanya. Nasilaw ang mata ni Sandra dahil sa diretsong liwanag mula sa ballpen na iyon kaya ginilid niya ang pisngi at pinikit ang mga mata. "Hmmm¡­ ''di ko akalain na maglalakas ka ng loob ng pasukin ang kwarto ko." "N-nagkamali ako ng pinasok na kwarto." katwiran ni Cassandra. Patuloy lang sa pagsipa si Cassandra dahil hawak pa ng lalaki ang magkabila niyang kamay. Para pigilin siya, dinikit nito ang buong katawan sa kanya. Dumoble ang kaba ni Cassandra dahil sa ginawa nito. Nanunuot sa ilong niya ang amoy ng binata. Hindi na makakilos kahit ang mga binti niya dahil iniipit nito iyon. May kung ano ang babaeng si Cassandra sa pagkatao ni Lorenz kaya hindi niya napigilan na hapitin ito sa bewang. Tinitigan niya ito sa mata. May bahagyang ilaw na nagmumula sa labas ng bintana kaya malaya niyang nakikita ang mukha ng dalaga sa malapitan. Halata naman na natataranta na si Cassandra. Kaya nagsimula na naman siya na makawala sa kamay ni Lorenz. "May utang ka pa sakin." sagot ni Lorenz. "W-wala akong utang sa iyo!" ginamit lahat ng dalaga ang lakas niya para tuhurin ito sa maselang parte ng katawan. Tila itlog ng ibon na nagcrack ang pakiramdam ni Lorenz. Sa tagal niya ng pagiging Shogun, ngayon lang niya naranasan na may naglakas ng loob na sipain siya sa ganoong paraan dahil hindi niya rin napaghandaan ang tira nito. Nasapo ni Lorenz ang hinaharap. Kinabahan naman ang dalaga, nakawala siya sa mga bisig nito kaya nagmamadali siya na binuksan ang pintuan. Ngunit bago pa siya makalabas, hinila na siya muli ng binata sa bewang at tinulak sa kama. Mabilis na pumaibabaw ang malaking katawan nito sa kanya. "S-saklolo--" sigaw ng dalaga. Naputol ang pagsigaw niya dahil sinakop nito ang labi niya. Nanlaki ang mga mata ni Cassandra. Marahas ang paraan ng paghalik nito kaya nagkakakawag siya sa una. Hanggang sa pareho silang dinadala sa langit. She smells like a ocean breeze na nakakalango sa pagkatao ni Lorenz. Tipikal na mukhang probinsiyana na nakadagdag sa kung ano ang meron ito para umakto siya ng ganoon. Sa sobrang pagkalasing sa halik ng binata hindi namamalayan ng dalaga na nakayakap na siya ng mahigpit sa leeg ni Lorenz. Napasinghap na lang siya ng maramdaman na nasa loob na ng blusa niya ang isang palad nito at pinisil ang dibdib niya. Agad niyang tinulak ang binata. Parang nahimasmasan din naman ito na tumayo sa kama. Agad na umupo si Cassandra sa dulong bahagi ng kama saka nagpaalam. "I-I''m going!" "Wait! Wala ka pang nabibitbit na mahalagang bagay sa kwarto ko." Cassandra "..." Mabilis na kinuha ni Lorenz ang wallet niya at inabutan ang dalaga ng one thousand dollars. Sa lahat naman ng nanakawan, parang siya pa yung kusang-loob na nagbigay ng pera. Mabilis na kinuha ni Cassandra ang pera nito para may mabibitbit siya sa pagbalik sa barko ni Captain Yeo at mabilis na lumabas ng kwarto. Chapter 183 - His Baby Panda Maingat at dahan-dahan na binuksan ni Prin ang pintuan ng kwarto na naka-assign sa kanya 346W. Halos walang marinig kahit katiting na kaluskos sa pagkilos niya. May kakaunting liwanag sa kwartong iyon na nagmumula sa dim na kulay puting LED lights sa ilalim na bahagi at gilid ng kama. Pinakiramdaman niya ang paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila pamilyar sa kanya ang presensya ng kung sino man na nasa loob ng kwarto. Una niyang tinungo ang isang drawer at nabigla siya sa nakita. Pin ng MGM ang bumungad sa mga mata niya. Kinuha niya iyon. Pamilyar sa kanya ang MGM pin dahil madalas siyang magsuot ng ganoon sa kwelyo ni Cally. Marami naman ang may pin sa opisina ng MGM lalo na kung parte ka ng executive team, pero nagsimulang kabahan si Prin. Isang bagay ang kumikinang sa bandang tokador kaya maingat niyang sinara muli ang drawer at nilapitan niya ang bagay na kumikinang. Maayos na nakapatong ang isang gold dog tag necklace sa ibabaw nito. Nanlalaki ang mata niya at hindi makapaniwala na makakita muli ng dog tag ng isang Dark Guard. Ngunit nagsimulang lumuha ang mata niya lalo na nang mabasa ang nakaukit doon. ''PM-GW8'', her dog tag. Naaalala ni Prin na suot niya ang dog tag na iyon nang makipaglaban siya sa isla ni Gon Peter. Paanong napunta iyon doon? Dumoble ang kaba niya na nilingon ang bulto na natutulog sa kama. ''Cally is that you?'' Parang waterfall na dumaloy ang luha sa pisngi niya dahil unti-unting bumabalik ang sakit sa kanya. Mga ilang minuto siyang nanatili sa kinatatayuan dahil halos ayaw niyang lapitan ang bulto na nasa ibabaw ng kama. Natatakot siya na harapin ito kung sakali man na si Cally talaga ang tao doon. Ilang saglit pa, hindi siya nakuntento na nakatayo lang sa malayo kaya nilapitan niya ang kama. Dumoble ang agos ng luha sa mata niya nang masilayan ang natutulog ng nakatagilid na si Cally. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. Bakante ang kalahating bahagi ng kama na para bang hinihintay siya nito na sakupin iyon. Parang nakikinita niya ang larawan nito na iyon, na ganoon ang ayos ni Cally gabi-gabi. Parang pinipiga ang dibdib ni Prin na makita si Cally na nangungulila sa kanya sa loob ng ilang taon pero wala siyang magawa. Hindi siya makabalik sa bisig nito. Humihikbi ng tahimik si Prin at bakas sa kanya ang paghihirap. Humiga siya sa kama para mas mapagmasdan ang mukha nito sa malapitan kahit sa saglit lang na oras. Ilang saglit lang, dahan-dahan na dumilat ang mata ni Cally at sinalubong nito ang mata niya na nakatitig dito. There is a sadness in his eyes na parang tumatarak sa dibdib ni Prin. "My baby panda¡­" sabi nito at hinawakan ang basa niyang pisngi. Hindi napigilan ni Prin ang pag-iyak dito. "I miss you so much Cally¡­" kumawala ang lahat ng sama ng loob niya sa dibdib at hindi niya napigilan na ilabas ang lahat ng luha niya. Bakit naman sa dami ng isusumpa, silang dalawa pa? Ang saya-saya ng pagsasama nila noon, na sa isang pitik lang kapwa na sila nasasaktan. ''His baby panda.'' ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya base sa paraan ng haplos nito. Tila tumatagos sa dibdib niya ang sakit ng nararamdaman nito. Parang pinipiga ang puso ni Prin na sa loob ng mahabang panahon ay inaalala pa rin siya ni Cally. Kinupkop ni Cally ang magkabila niyang pisngi saka nito sinakop ang labi niya. Naaamoy ni Prin ang matapang na alak sa bibig nito. Hindi niya alam kung gaano katagal na ninamnam niyang muli ang halik nito makalipas ng ilang taon. She couldn''t control herself to opened her mouth because of yearning. Her tongue felt his movement until she felt numb. It''s not rough but rather sweet. Parang pinuno ng halik na iyon ang apat na taon na pangungulila nila sa isa''t-isa. He missed her so much and she felt the same way. Habol ang hininga na niyakap siya ng mahigpit ni Cally. Saka ito muling pumikit. Tinitigan ni Prin ang nakapikit na mukha ni Cally. Nasasaktan siya sa ganitong awra ng asawa niya. Gusto niyang manatili sa bisig nito pero mas masasaktan ito kung babawiin din agad ang buhay niya. Nasa paligid lang ang mga kasama niya at mas kailangan niyang tanggalin ang bomb capsule sa ulo niya bago siya magdesisyon para sa sarili. Sa kakaunting saglit na iyon ay gusto na niyang magpasalamat. Nagpapasalamat siya na pinagtagpo sila kahit saglit. Nagluluha ang mata ni Prin na dahan-dahang umalis sa bisig nito. Saglit na tinitigan muli ang mukha ni Cally. ''Saglit na lang Cally, I will do my best para makaalis sa sitwasyon na nakasadlakan ko'' Kinuha niya ang pen at notepad at nagsulat doon. [Please look for ''Maria Celeste 1'' - Your Baby Panda] Saka niya nilagay ang notepad ng hotel katabi ng cellphone nito. Mas maganda na maabisuhan niya si Cally at ito ang maghanap sa kanya, katulong ang Dark Lords kaysa magdesisyon siya basta. Dahan-dahan na lumabas si Prin ng kwarto. Chapter 184 - I want to go home! Nagising si Cally dahil sa malakas na ring ng cellphone. Kinapa-kapa niya ang bedside table hanggang sa mahulog ang notepad at balllpen sa kabilang bahagi nito at mahawakan ng kamay ang cellphone. Hindi niya na pinag-aksayahan pa na kunin ang bagay na nahulog dahil pag-aari naman iyon ng hotel. Saka niya sinagot ang tawag ni Lorenz. "Shi, nandito na ''yung sundo natin, ikaw na lang ang hinihintay namin." pagbibigay-alam nito. "Sige pababa na ko. Nakaayos naman na ang gamit ko." sabi ni Cally. Hindi na rin niya pinag-aksayahan pa na buksan ang ilaw. Dinampot niya ang dog tag ni Prin, ang mahalagang gamit sa isang drawer. Binitbit ang luggage na maayos na naghihintay sa gilid saka binuksan ang pintuan. Nilingon niya pa ng isang beses ang medyo may kadiliman na kwarto bago tuluyang lumabas at isara ang pintuan. ===== Pagsara ng pintuan ng kwarto kung saan naroon si Cally, hindi napigilan ni Prin na humagulgol. Naabutan siya ni Cassandra na kalalabas lang din ng kwarto ni Lorenz. Halata ang pagtataka sa mukha nito saka siya hinila na paalis ng lugar dahil baka may makakita pa sa kanila tulad ng security. Para siyang robot na sumusunod lang sa kaibigan habang basa ang pisngi ng luha. Hanggang sa dalhin siya nito sa mga pine trees malapit sa dalampasigan. May naririnig silang paparating na helicopter ilang metro ang layo sa kanila. "Tell me, what happened?" tanong nito sa kanya. "Sandra, I saw my husband. Siya ang nakatakda nating nakawan" paliwanag niya habang umiiyak. Natutop ni Cassandra ang bibig at hindi makapaniwala. "I want to stay with him. Ayoko ng bumalik sa barko. I want to stay with him" hiling niya. Nilabas niya ang lahat ng luha sa kaibigan. Niyakap lang siya ni Cassandra. Hindi na rin siya nakapag-isip ng maayos dahil nakita niya muli si Cally. Tama ang hula ni Cassandra na kilala ni Prin ang lalaki na bumili ng dog tag sa kanya na hindi niya alam ang pangalan. Halos mamolestiya na siya ng binatang iyon pero hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito. Dahil nasa iisang pasilyo lang ito. Malamang na kasama nga nito ang asawa ni Prin. "I want to stay Sandra, okay lang kahit na mamatay na ako, at least nakasama ko sa huling sandali ang mahal ko. I want to go!" humahagulgol na sabi. Naawa naman si Cassandra sa kanya. "Prin, even if you wanted to go, even if you wanted to die. How about your husband? How about your family? Ganyan din ang gusto kong gawin noon pa, Prin. Gusto kong makauwi. Pero kailangan nating paganahin ang isip kaysa ang puso sa ngayon. Katulad mo naniniwala rin ako na magkikita kayo ng asawa mo." Paliwanag ni Sandra. Saka siya yumakap dito. Nasa ganoong posisyon siya nang makita si Bella at Kai na magkahawak-kamay na naglalakad at tinutungo ang helicopter. Natigilan siya. Kasama pala ang dalawa sa bakasyon na iyon. Ilang saglit pa, nakita niya ang babae sa coffee shop nang nagdaang araw na sumakay din sa parehas na helicopter. Kasunod si Lorenz na may kausap sa telepono. Huminto pa ito saka nagtuloy sa lakad. Naglakad siya patungo sa mga ito, kahit masilayan niya lang ang mga kaibigan sa mas malapit. Ilang saglit pa, nangilid na naman ang luha niya nang makita si Cally na naglalakad na patungo na rin sa helicopter. "Cally¡­" hindi na kinakaya ni Prin na tumakbo patungo sa mga ito. "Cally!!!" tumatakbo siya patungo dito hanggang sa maramdaman ang matigas na katawan ang humila sa kanya para magtago sa kumpol ng mga halaman at tinakpan ang bibig niya. Pinilit niya pang manlaban kahit halos wala nang makita ang mga mata niya dahil sa luha. "Prin Matsui! Don''t you dare try my patience!" narinig niyang pagbabanta ni Captain Yeo. Doon siya natahimik. Patuloy lang ang daloy ng luha niya habang hawak nito ang bibig niya. Naninikip ang dibdib ni Prin. She wants to go home for crying out loud! Hanggang sa narinig na lang niya na palipad na ang helicopter. Nang malayu-layo na ang sasakyan-panghimpapawid, doon lang siya binitiwan ng kapitan. "Hahhh!" naglabas si Prin ng isang malakas na hangin na kanina pa bumabara sa dibdib niya. Sinipa niya ang kapitan na sinalag naman nito. "You''re a monster!" Saka niya sinuntok sa mukha ang kapitan. "A beast!" "I am not yours!!! I want to go home!" sabi niya sa pagitan ng mga pagluha. Sinipa niya ito. Hindi naman nanlalaban ang kapitan at parang nakaramdam pa nga ng awa sa kanya. Akmang pupukpukin niya ng malaking bato na nadampot niya sa buhangin ang kapitan nang pigilan siya ni Casper. "Sige ituloy mo iyan, Prin Matsui. Kung ayaw mong mapahamak si Cassandra." Natigilan siya nang makita na hawak nito si Cassandra at may patalim sa leeg nito na ano mang oras ay sasaktan nito ang kaibigan niya. Binitiwan na lang niya ang bato at saka humagulgol. Sa mga oras na iyon hawak talaga siya sa leeg ng lalaki at wala siyang magawang paraan. "Patayin mo na siya kapitan, nangigigil na ako d''yan!" "Shut up!" singhal nito. "Bring her back sa barko" utos nito. Walang nagawa si Casper kundi ang bitawan si Cassandra at bitbitin si Prin pasakay sa bangka. ***** (A MESSAGE FROM FEIBULOUS) Hello Readers, Nanghihingi ako ng paumanhin kung masyado ng overwhelming ang story. Though I am happy na nadadala kayo sa storya. Sa buhay, dadanas talaga tayo ng sakit. Hindi perpekto ang mga karakter sa storya at may mga pagsubok sila na dadaanin. katulad lang ng normal na tao, minsan nasa itaas madalas nasa ibaba. Pasensya na kung mabigat at malalim ang storya nila. Bukod sa AT THE END OF THE RAINBOW na short stories, mabibigat at malalim talaga mga storya na nagawa ko. (I think, alam niyo na ''to. Twisted ang utak ni Author Feibulous kaya maraming twist) I don''t want to create a clich¨¦ stories na alam niyo na agad ''yung magaganap sa susunod na chapter. Alam ko rin na ayaw niyo rin ng ganon. Alam ko na gusto niyo na akong pakuluan sa banga. Kaunting kapit na lang dahil lalabas na ang baby ni Baby Panda. Thanks much dahil patuloy pa rin kayo sumusuporta kahit masakit na yung ganap sa kanila. Promise, promise na gagantihan natin si Captain Yeo ng masarap. Chapter 185 - Wedding crashers (1) (AFTER TWO YEARS) Kasalukuyang nasa Incheon, Korea ang barko ni Captain Yeo. One of the largest seaport sa bansa. May plano na naman ang grupo ng kapitan sa araw na iyon at iyon ay ang pasukin ang ''Queen Marina cruise'' na natatanaw niya sa hindi kalayuan. Isang eleganteng barko na dumaong nang nagdaang gabi sa port. Dalawang taon ang nakalipas nang magkita sila ni Cally. Matapos siyang ibalik sa barko ni Captain Yeo, iniwasan muli siya nito. "Magpasalamat ka nga at hindi uminit ang ulo sa ''yo ng kapitan. Kung hindi, baka kanina ka pa namatay!" singhal sa kanya noon ni Casper kahit baha ng luha ang mata niya. Nakiusap siya ng paulit-ulit sa kapitan na pakawalan na siya at pauwiin na siya. Pero nakatingin lang sa kanya ang lalaki na may halong kalungkutan ang mga mata at walang emosyon ang kabuuan ng awra nito. Matapos iyon ay iniwasan na siya nito. Huminga ng malalim si Prin para iwaksi ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari sa Spain. Hindi maiwasan ni Cassandra na mapatanong din kung bakit parang iba ang paraan ng kapitan ''pag dating kay Prin. Kahit siya ay nagtataka kung bakit ganoon ang turing nito sa kanya. Sa tigas ng ulo na mayroon siya, isang malaking palaisipan kung bakit hanggang sa mga oras na iyon ay buhay pa siya. Nakita nila kung gaano karahas ang lalaki sa mga tao nito. Gumamit pa ito ng latigo para lang parusahan ang ibang kasama niya. Ilang bagong miyembro rin ang ''na-recruit'' nito sa dagat Sa loob ng anim na taon na pamamalagi niya sa barkong iyon, ni dulo ng daliri niya ay hindi ginalaw ni Captain Yeo. Pero tuwing makikiusap siya na paalisin na siya doon ay hindi ito pumapayag. "Prin, ready ka na ba?" putol ni Cassandra na tumabi sa kanya. "Yes." Kapwa sila nakasuot ng ball gown, at sa loob ng magarbong kasuotan ay naka-blusang itim at black leather na pantalon ang suot nila para malaya nilang magagawa ang pag-ikot sa cruise na iyon. Isang dilaw na off-shoulder na gown ang suot niya na halos katulad ng suot ni Belle ng ''Beauty and the Beast''. Pula ang suot ni Cassandra. Inabot nito sa kanya ang maskara at nanatiling hawak nito ang kopya ng imbitasyon na galing kay Casper. Kailangan na may akitin sila sa mga guest ng cruise na iyon, patutulugin nila ito saka papapasukin ang grupo ni Casper sa kwarto kung nasaan sila. Saka sisimulan ang pagnanakaw. Bumaba silang dalawa ni Cassandra ng barko saka sumakay sa dilaw na kotse na naghihintay sa tapat, hanggang sa ihatid silang dalawa sa entrance ng cruise. Inabot ni Cassandra ang imbitasyon sa lalaking nag-aabang ng guest. "Your mask ma''am" sabi nito sa kanila. "Oh!" kinuha ni Prin ang maskara saka iyon sinuot, ganoon din si Cassandra. "The wedding party will start soon. Natapos na ang seremonyas kaninang hapon." dagdag pa nito. "...You can now go to our main hall for the party." Ngumiti lang silang dalawa dito bilang sagot. "Wedding?" ulit na tanong niya kay Cassandra nang makalayo sila. Hindi niya alam na isang kasal pala iyon. Ang buong akala ni Prin ay Masquerade party lang. "Yes a Hernandes¡­ hhmm... Jang something¡­" nakatingala pa ito sa kisame na parang inaalala ang mga nakasulat sa hawak nitong card. "...Hindi mo nga pala nakita ''yung invitation." saad ni Cassandra. Natigil sa paglakad si Prin. "Hernandez... Jang?" nanlalaki ang mata niya. Tumango ito. "Sandra, I... I can''t do this. They are my friends" sabi ni Prin na nagsimulang mataranta. "What?!" hindi makapaniwala ang dalaga. "The newly weds, they are my friends." sabi niya dito at nagsimulang lumuha ang mata niya sa likod ng maskarang suot. Hindi tama na gumawa siya ng kalokohan doon sa kasal ng mga kaibigan niya. Taliwas na iyon sa gusto niya. Mas gugustuhin pa niya na patayin na lang ni Captain Yeo kaysa sirain ang kasal ng mga ito. Pabalik na si Prin sa kung saan siya pumasok ng sinalubong siya ng mga taong pamilyar sa kanya. "Bisita ba kayo nila Bella at Kai? Nagsisimula na ang party kaya tara na" aya sa kanya ni Ana na naka-midnight blue na gown kasama nito si Mat-mat na tulad ng dati ay may kakaibang presensya. Natahimik si Prin at Cassandra. Hawak ang tig-isang braso nila ni Ana kaya nagpatianod na lang sila hanggang sa makarating sa ballroom ng cruise. "Enjoy the party." sabi nito saka sila iniwan ni Cassandra sa isang mesa. Chapter 186 - Wedding crashers (2) Sa loob ng dalawang taon, sumama ang loob niya kay Cally. Hindi maiwasan na mapatanong siya kung hinanap ba talaga siya nito noon. Nag-iwan siya ng note pero parang hindi man lang nito nakita. Did he checked it? She put it on the right spot, kung saan madali nitong makikita iyon dahil naroon ang cellphone nito. Sigurado siya na kung sakali na nakita iyon ni Cally, hahanapin siya nito agad. At hindi iyon aabot sa dalawang taon. Nagbuga na lang siya ng hangin saka kinalma ang sarili. Tumuloy na lang si Prin at Cassandra sa loob ng ballroom kung saan sila inakay ni Ana at pinagmasdan ang kasal ng kaibigan niya na si Kai at Bella. Halos mabalutan ng puting bulaklak ang kabuuan ng hall. Maraming bilog na mesa na may gold na runner at bulaklak sa ibabaw. Kumuha agad siya ng alak sa waiter na napadaan para mapakalma siya. Natutuwa siya para sa dalawang kaibigan na sa dulo ay nauwi rin sa pag-aasawa ang mga ito. Kasalukuyang nagsasayaw si Bella at Kai sa gitna ng dance floor. Their first dance as husband and wife. Pinagmasdan ni Prin ang kaibigan na si Bella. Mas nag-blooming ito at sumeksi, hindi na rin mukhang pabebe, kaiba sa bente anyos na Bella noon. Base sa hubog ng katawan nito, sigurado na nag-t-train ito ng pisikal kasama ni Kai. Nakasuot ito ng puting ball gown na nababalutan ng lace. Her smile is her best make-up that day. Sigurado na mas mai-in-love pa ang leader Kai niya dito. She missed her so much katulad ng pagkamiss niya sa pamilya niya. Kahit kaunti lang ang napagsamahan nila noon, itinuturing niyang best buddy si Bella. Ilang saglit pa, natapos ang sayaw ng mga ito sa isang halik. Tila walang pakialam ang dalawa sa mga bisita at parang sila lang ang nasa paligid. Normal lang naman iyon bilang ang mga ito naman talaga ang center of attraction sa araw na iyon. Napangiti si Prin ng mapait. May dumaan ulit na waiter na nagbibigay ng alak. Kinuha niya ang dalawang baso at magkasunod na nilagok iyon na may lamang tequila. "Ahhh¡­" napangiwi pa siya matapos inumin ang magkasunod na baso. "Hey! Baka naman malasing ka agad" Nag-aalalang sabi ni Cassandra sa tabi. "I''m fine" sabi niya lang dito. "Casper and the others are the waiters, mag-ingat ka okay" Napatiim-bagang si Prin sa narinig. Nilingon niya si Casper na nakasuot na uniform ng waiter na nasa isang sulok kaya naniwala siya kay Cassandra. "Now, may I ask all the ladies and gentlemen to come on the dance floor." tawag ng MC. Magsisimula na ang sayaw ng Masquerade Ball Waltz. Inakay siya ni Bella sa gitna. Oras na kasi iyon para maghanap sila ng biktima. Pero wala na doon ang pakay niya. Naroon si Prin para makiisa sa kasal na iyon bilang kaibigan at hindi para maghanap ng biktima. Pumorma ng malaking bilog ang palitan ng babae at lalaki na may bilang na tig-disiotso sa maluwag na dance floor. Nagsimulang tumunog ang pinagsamang violin at piano. Nagsimula ang sayaw sa bow ng mga lalaki sa mga kababaihan, sumunod ang mga babae. Matapos iyon, nilapit nila ang katawan sa kapareha. Ipinatong ang isang kamay sa balikat ng lalaking kapareha at kahawak ang kamay nito ng pa-sideways. Nakahawak naman sa bewang ang mga kalalakihan sa kaparehang babae. Matapos ang signal ng violin, nagsimulang umikot ng pa-counterclockwise ang magpapareha. Matapos ang mga bilang ng pag-ikot, ang kaparehang lalaki ay iikot sa susunod na babae. Magb-bow muli sa bagong kapareha at iikot muli ng sayaw. Nagpaulit-ulit iyon, hanggang sa magtama ang mata nila ng lalaking pinangulilaan niya ng ilang taon. Umikot sila ng umikot. Hindi gumawa ng aksyon si Prin kahit kasayaw pa si Cally. Nanatiling tikom ang bibig niya kahit pa pakiramdam niya ay hinaplos nito ang puso niya habang kasayaw ito. Ninais na lang ni Prin na namnamin ang pakikipagsayaw dito. Matapos ang mga bilang hindi ito umalis sa pwesto bilang kapareha niya kaya nagsimula siyang kabahan. Tinulak ni Cally ang kapareha na dapat ng babaeng kahawig ng labi ng dati niyang asawa. He chose to stay to dance with this girl. Hindi naman siya nahirapan dahil karamihan ng binatang nagsasayaw ay Dark Guards. Hindi niya alam, basta ang alam ni Cally lahat ng may hawig kay Prin ay okay sa kanya. "May I know your name?" tanong ni Cally. Hindi sumagot si Prin. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon sa tanong nito. Kumakabog ang dibdib niya kaya nagpanggap na lang siyang deaf sa harap nito. "You don''t know how to talk?" Hindi pa rin sumagot si Prin. Nagpaiikot-ikot lang sila sa pagsayaw hanggang sa matapos ang tugtog. Agad na hinila ni Cassandra si Prin para magtungo sa deck area. "Captain Yeo is there¡­ as a guest" Nakuyom na lang ni Prin ang palad niya sa narinig. Chapter 187 - Wedding Night (1) [Feibulous : spg content] Hindi kinakaya ni Prin ang mga nangyayari kaya nagpahangin na muna siya sa deck kasama si Cassandra. Nahihirapan siyang harapin muli si Cally. Madaming pumapasok sa isip niya. Sa loob ng maraming taon, did he miss her? "Hhaaaaaahhhh!!!!" sigaw niya sa dagat para lang mailabas ang sama ng loob. Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Prin. She wants to go back but she can''t. Bahagyang kumirot ang batok niya kung saan naroon ang maliit na capsule bomb kaya hinipo niya iyon. Nakakapa niya pa ng bahagya ang capsule. "Mas mabuti pang magsimula na tayong mag-ikot." payo ni Cassandra. Para maiwaksi ang sakit na nararamdaman, tumango siya at pinili na sumunod kay Cassandra na bumalik sa hall. Humiwalay sa kanya ang kaibigan at nagsimula ng mag-ikot sa mga kwarto doon. Sa hall, ''pag pasok ni Prin, kumuha agad siya ng dalawang shots ng alak sa waiter na nadaanan niya sa bungad. Saka nilagok ang isang shot. Nakita niya si Captain Yeo sa gilid na may kausap na lalaki. Hindi niya kilala. Parehas na hindi nakamaskara ang mga ito. Nilingon nito ang gawi niya. Sinalubong niya ang tingin nito saka ito inismiran. Hindi niya alam kung ano ang relasyon nito sa bisita ni Kai o Bella. Pero nasusuklam talaga siya dito. Akalain mo na may kakilala pala ito doon pero wala itong pakialam na utusan sila na maghanap ng importanteng gamit sa cruise na iyon. Kung wala lang siguro siyang maskara, kita nito kung gaano katalim ang tingin niya dito. Nag-iwas ito ng tingin saka niya diretsong ininom ang alak na hawak at pabagsak na nilapag ang shot glass sa mesa. Nakita niya si Cally sa isang table na tahimik at mag-isang umiinom. Lalapitan niya ba ito? Sasabihin na ''Cally, ako ito si Prin''. Pagkatapos ay dumanak ng dugo sa kasal na yun ni Bella at Kai? Ngumiti siya ng mapait at lihim lang na pinagmasdan ang asawa niya kahit sa malayo. Sa loob ng mahigit isang dekada, nagagawa pa rin nito na patibukin ang puso niya. May presensya pa rin si Cally na hindi niya maintindihan na kayang pabagsakin ang mundo kung gugustuhin lang nito. Ilang saglit pa, unti-unting nakaramdam ng hilo si Prin sa ilang shots ng alak na nainom niya. Para mahimasmasan, lumabas siya ng ballroom hall saka nagsimulang maghanap ng kwarto. Nakasalubong niya si Bella sa daan at napangiti siya. Dahil sa nainom bahagya siyang nawala sa katinuan at namamaos na ang boses niya. "Congratulations!" nakangiting sabi niya dito. "Oh thank you! Are you one of the Dark Guards?" tanong nito. "Yes! I''m GW8" nakangiting sabi niya. Dahil wala namang naiintindihan si Bella sa mga code names, hindi nito inintindi ang code niya. Basta ang alam ni Bella, isa siyang Dark Guard. "Oh I see. Enjoy the party!" saka ito may pinasukan na kwarto. She really miss her. Pinihit niya ang knob ng isang kwarto at nagpasalamat siya na bukas iyon saka niya isinara ang pintuan. ===== Kinabahan si Bella pagbukas niya ng pintuan ng suite sa cruise na iyon. After a couple of years, dadanak ng dugo sa kwartong iyon. Hindi sa paraan ng Dark Guards, kundi sa paraan ni Kai Jeon Jang. Namula ang pisngi ni Bella dahil lumilipad ang isip niya. Sa loob ng anim na taon, masasabi niya na ilang beses nang kamuntikan na sumuko ang bataan ng Pilipinas sa bansang Taiwan dahil madalas silang magsama sa iisang kwarto. Nakakatawa lang na tuwing may magaganap sa kanila, kung sinu-sino ang tumatawag dito na para bang ayaw ng panginoon na may mangyari sa kanila. Nananatili rin na sagrado ang paniniwala ni Kai sa kasal kaya lalo siyang napamahal dito. He said he will wait until their wedding night. Mas masarap kapag mas matagal kang naghintay. Parang sa pagkain, mas matagal lutuin, mas masarap. Sa tingin ni Bella, si Kai ang pinakaperpektong nobyo na asawa niya na ngayon para sa kanya. Habang tumatagal mas sweet. Kaya habang tumatagal, mas lumalalim ang pagmamahal nila sa isa''t-isa. Pagkapasok sa kwarto, nagsalubong agad ang mata nila ni Kai na nakasuot ng roba. Dahan-dahan na lumapit ito sa kanya. Sa tingin niya ito na nga ang time na naluto na ng chef ang pagkain na matagal isinalang sa apoy. "You are so beautiful, My Angel?" Bulong ni Kai ng makalapit sa kanya. Hinawi nito ang buhok ni Bella saka gumapang ang palad nito pababa sa leeg niya hanggang sa likuran kung saan naroon ang zipper ng gown. He slowly pulling down the zipper. Napalunok si Bella. She started to tremble because of excitement. Bahagyang nakaawang ang labi niya dahil sa paghihintay. He leaned and kiss his Angel. Napapikit na lang si Bella para simulang namnamin ang unang gabi nila ni Kai. At first he was slow in his kisses, walang pagmamadali. Naramdaman na lang niya na bumuka na ng todo ang zipper kaya ramdam na ang haplos nito sa likuran niya. He pushes down her gown mula sa shoulder strap to free her b.r.e.a.s.t. Saglit na iniwan ni Kai ang labi ni Bella kaya bahagyang umawang iyon. He looks at her beautiful body hanggang sa tuluyan ng nalaglag ang buong gown na suot niya. Maingat niyang nilapag si Bella. He kissed her trembling lips habang naglalandas ang palad niya sa lahat ng parte ng katawan nito. His lips is following the movement of his hands. May mahinang ungol na kumawala sa labi ni Bella. "I want to feel you my Angel..." he said in a hoarse voice hanggang sa maramdaman na lang niya ang biglaang pag-iisa nila. "Ahhhh!" Napakapit na lang siya kay Kai dahil sa biglaan ng pagkilos nito. Her eyes closed then suddenly open, staring up at him with real helplessness. "I''m sorry¡­" nag-aalala na sabi nito. Hinaplos nito ang puson niya. Kasisimula pa lang, pero parang hinihingal na siya. Ilang saglit lang, nagsimulang kumilos si kai para dalhin siya sa langit. Chapter 188 - Wedding Night (2) [Feibulous : SPG Content] Nakaramdam ng hilo si Prin dahil sa nainom kaya hinanap niya ang restroom ng kwarto at doon sumuka. Dahil ginamit niya ang restroom, tuluyan niya nang tinanggal ang suot na black pants. Iritable lang din sa pakiramdam, saka siya lumabas. Madilim ang kwarto na pinasukan ni Prin. Inikot niya ang paningin sa buong paligid dahil nasa bandang ilalim ng cruise ang kwartong iyon. Kita ang dagat sa labas ng bilog na bintana. Tinanggal ni Prin ang maskara, nilapag sa cabinet na nadaanan niya ang bagay na iyon at tinungo ang bilog na bintana. Kita niya ang kinang ng tubig dahil sa ilaw sa gilid ng cruise sa malapit, may mga isdang naglalanguyan. Ngunit madilim ang malayong parte ng karagatan mula sa kanya. Hinawakan niya ang bilog na salamin ng bintana at nagsimulang mag-doodle doon. Naaalala ni Prin ang malungkot na awra ni Cally habang mag-isang umiinom sa hall. Gusto niya nang makasama muli ang asawa niya. Araw-araw siyang humihiling at umaasa na darating ang araw na babalik din siya sa piling nito. Ngumiti siya ng mapait. Napakislot na lang siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang pamilyar na yakap kaya hindi niya nagawang umiwas. Sa halip, nanlaki pa ang mata niya. Pinatong nito ang ulo sa balikat niya. "I miss you so much, my baby panda" parang wala sa sarili na sabi nito. Saka niya naramdaman na namasa ang balikat niya mula sa luha nito. ''Is he crying?'' Dahil halos walang hangin sa pagitan nila, naaamoy niya ang matapang na alak mula kay Cally. "I miss you too, Cally¡­" saka mahinang humikbi. Nakilala ba siya ni Cally? Gumilid ito sa kanya. Nagrereflect pa sa kalahating pisngi niya ang galaw ng dagat mula sa labas. Halata na namumungay ang mata ni Cally at pilit na inaalala ang bahaging iyon ng mukha niya. "Are you an Angel?" tanong nito. He brushed away the tears on her face na nakikita nito mula sa kakaunting liwanag. Hinaplos din ni Prin ang pisngi ni Cally. At pilit na inaalala ang bawat parte ng mukha nito. Sa loob ng matagal na panahon, mas nag-mature ang asawa niya. Mas lumaki na ang katawan ni Cally, mas tumapang ang awra na susukuan ng lahat. Hindi na ''yung dating Cally na mukhang totoy. Sa awra nito ngayon, kaya nitong pabagsakin ang lahat ng masasama sa mundo. "In heaven, are you eating well? you look skinny" kinakausap siya nito na para bang hindi siya talaga nito nakikita. "you are so cute back then, that''s why I call you my Baby Panda" Bahagyang humikbi si Prin. "You are beautiful, always beautiful inside my heart" "I have a secret for a couple of years, I remember my wife ''everyday''" parang bata pa na bumulong. Kinuha ni Cally ang kamay niya at tinapat sa dibdib nito. "See? Do you hear? My heart is always longing for Prin Matsui" Hindi kinaya ni Prin ang damdamin niya kaya siya ang kusang tumingkayad para abutin ang labi ni Cally. Hindi makapaniwala si Cally na dinalaw muli ng panaginip ni Prin. He is happy to have her in his dreams na parang totoo. He responded to her kisses na naging mapusok. How long does he is asking to have her taste again? Halos maipit na ang leeg ni Prin dahil sa higpit ng hawak ni Cally. Parang ayaw siya nitong bitawan. Unti-unti nitong sinira ang makapal na tela ng palda ng suot niyang gown hanggang sa numipis iyon to reached out her legs. Saka siya nito binitbit hanggang sa kama. Umupo si Cally sa gilid na bahagi ng kama, ipinatong siya nito sa ibabaw nito saka matamis na nag-iiwan ng marka sa leeg niya. He pushed down her off-shoulder to free her b.r.e.a.s.t saka nito iyon sinakop. May kumawala na mahinang ungol sa bibig ni Prin. Ilang saglit pa, tinitigan siya nito sa mata. "Prin Matsui, I want you¡­" sabi nito saka sila umikot at hiniga siya nito. Sakto lang hanggang sa pwitan niya ang sumasakop sa malambot na kama. All of her legs are outside. He easily rolling up her underwear. He doesn''t care about the yellow gown anymore. Pumaibabaw ito sa kanya saka sila umikot muli sa kama. She unzipped his fly and took out his hard thing. Umikot silang muli. He sucked her full mouth na parang wala nang bukas. While he spread her legs to enter. Napasinghap na lang si Prin kahit pa sakop nito ang labi niya. Ilang saglit pa, they enjoyed the night together as if they took an ecstasy pill. Her m.o.a.ns sounds like a music score in his ears. Ilang saglit pa, kapwa sila nakapikit at kinakain ng dilim ang mga mata nila. Yakap siya ni Cally mula sa likuran. "Prin Matsui, I miss you so much. Please come back¡­" narinig niyang bulong nito bago siya kinain ng dilim. ===== Pagmulat ni Prin ng mata kinabukasan, nasa loob na siya ng kwarto niya sa barko ni Captain Yeo, wearing the yellow gown na suot niya nang nagdaang gabi. Hindi tuloy alam ni Prin kung totoo ang naganap sa pagitan nila ni Cally. Chapter 189 - Wedding Night (3) [Feibulous :Hindi masyadong SPG] Pumasok si Cassandra sa isa sa mga pintuan ng suite. Nagsimula siyang ikutin ang mata sa buong kwarto. Binuksan niya ang drawer at sakto na may nakita siyang wallet doon. Iniisa-isa niya na ang laman na pera ng wallet, nang pukawin siya ng isang gold dog tag. Napangisi si Cassandra. Hindi pa nga niya naitatabi ang mga gamit na nakuha nang may magsalita sa likuran niya. "Who the hell are you?!" Nanlaki ang mata ni Cassandra nang makita ang isang mahabang espada ang nasa gilid niya. Napalunok siya. "Turn around and show me your face!" Utos nito. Dahan-dahan na umikot si Cassandra hanggang sa magtagpo ang mata nila ni Lorenz. Bigla niyang nabitawan ang lahat ng gamit na dapat ay kukunin niya. Nag-isip siya ng paraan para makaiwas at makatakas sa espada ng binata kaya umikot siya at sumampa sa kama. "P-please spare my life" nakikiusap na sabi niya. "No! Who are you?" kalmado na tanong ng binata. Pumihit sa kanan si Cassandra, ganoon din si Lorenz. Pumihit sa kaliwa ang dalaga at sumunod muli ang binata. Para silang nagpa-patinterong dalawa. At nais nang matawa ng binata dahil na-amazed siya sa kilos at galaw nito. Halata kasi na hindi naman ito natatakot sa kanya. Bumaba si Cassandra ng kama at tumakbo patungo sa pintuan ngunit nahuli ni Lorenz ang bewang niya at ibinalibag siya sa kama. Hinagis ng binata ang katana sa isang sulok "Ahhh!!!!" Nahawakan ng dalaga ang isang unan at binato iyon kay Lorenz. "Lu-lumayo ka sa akin!" Nasalo lang ni Lorenz ang unan na binato niya sa binata. Dumampot muli ng unan si Cassandra at binato sa lalaki, hinahagis lamang ni Lorenz pabalik ang unan na binabato niya dito sa kama. Parang recycle ang mga unan na paikot-ikot sa kanilang dalawa hanggang sa mapagod na ang dalaga. Nang hindi na makuntento si Lorenz, nagawa nitong hawakan siya sa balikat at itulak sa kama, saka tinanggal ang maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya. "S-sandra?" gulat na usal nito. Natahimik si Cassandra. Ayaw niya kasi na makita siya sa aktwal ni Lorenz na nagnanakaw. May nararamdaman kasi siyang hiya dito. Umupo ang binata sa isang parte ng kama katabi ni Cassandra. "Why are you here? Matagal kitang hinanap. Bumalik ako ng ilang beses sa Spain para hanapin ka, hindi ko akalain na sa Korea pa tayo magkikita." Nagulat ang dalaga sa sinabi nito. Hindi niya rin kasi akalain na babalikan siya doon ng binata. "Bakit mo ko pinuntahan? Do you¡­ like me?" diretsahang tanong ni Cassandra. Napakamot si Lorenz sa batok. "Kung sasabihin ko ba sa iyo na ''oo'', sasama ka ba sa akin?" Natigilan si Cassandra sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ang isang binata na katulad ni Lorenz ay magkakagusto sa kanya. She was 27 at amoy-dagat. Kulang na lang mapagkamalan siyang pinaghalong Ariel at Pocahontas ng Disney. Kaya sa paanong paraan ito nagkagusto sa kanya? Ngumiti siya ng mapait. "But¡­ you can''t fall in love with me¡­" sabi ni Cassandra. "Why?" "I''m not an ordinary girl. And¡­ I''m a traitor" mapait na sinabi ni Cassandra. Alam niya na kaibigan ito nito si Prin. Pero hindi siya makapagsalita. Matutulungan ba sila nito? Napakislot na lang siya ng hawakan ni Lorenz ang pisngi niya. "Maybe that''s the reason why I like you. Because you are not an ordinary girl" saka nito sinakop ang labi niya. Hindi malaman ni Cassandra kung ano ang meron sa binata para tuluyang na mag-blackout ang isipan niya kapag hinahalikan siya nito tulad nung una. Tuwing kaharap niya kasi ang lalaki ay dinadala ang isipan niya sa kalawakan. Hindi rin malaman ni Lorenz kung ano ang mayroon sa dalaga para mapraning siya ng tuluyan. Nagawa niya pang pumunta sa Puerto del Carmen ng limang beses sa loob ng dalawang taon para lang hanapin ang dalaga. Naramdaman na lang ni Cassandra na kinagat nito ang dibdib niya. "What kind of poison are you?" bulong nito habang naglalandas ang mga palad. "...A viper?" saka nito kinagat ang leeg niya. "... A cyanide?" "... A poison ivy?" naramdaman na lang niya na unti-unting inaangat ni Lorenz ang palda niya. "A poison who knew Prin Matsui!" nabigla niyang sabi. Parang binuhusan ng malamig si Lorenz at umupo. "Y-you know Prin Matsui?" nanlalaki ang mata na tanong ng binata. Inayos ni Cassandra ang damit at umupo ng maayos. Hindi siya makatingin kay Lorenz. "I-promise mo na hindi ka gagawa ng padalos-dalos na desisyon. I will tell you everything..." "...I will start in a bomb. Prin and I have a small bomb in our head, small as a medicine capsules..." Chapter 190 - Dont tell Shi "Captain, mukhang nagkakagusto si Prin sa prinsipe?" pagbabalita ni Casper kay Captain Yeo. Nasa deck sila ng mga oras na iyon. Nakatingin sa dagat ang kapitan habang malalim ang iniisip. Inaalala niya ang nangyari ilang oras ang nakalipas, kung paano umismid si Prin kahit nasa likod pa ito ng maskara. Napakuyom ng palad ang kapitan. "Nasaan siya ngayon? Saka si Cassandra?" "Sa tingin ko nasa suite sila sa bandang ibaba." Hindi sumagot ang kapitan. Ininom lang nito ang alak na bitbit at inabot kay Casper ang walang laman na baso. Agad na tinungo nito ang palapag kung nasaan ang suites ng cruise na iyon. Sumusunod lang si Casper sa kapitan at pinagmamasdan ang bulto nito habang naglalakad. May kung ano si Prin Matsui para masira na naman ang pananaw nito sa buhay. Namatay sa dagat ang asawa nitong buntis, labinlimang taon ang nakalipas na nakilala nila sa Japan. Disiotso-anyos si Captain Yeo nang mga panahon na iyon at katorse lamang si Casper. Naging makulay ang buhay ng kapitan ng mga panahon na nabubuhay ang asawa nito. Hanggang sa bawiin ang buhay nito kasama ng anak ng kapitan, bumalik sila sa pagpatay at pakikipaglaban sa dagat. Ngunit nitong mga huling taon napapansin niya na iba ang pakikitungo nito kay Prin Matsui. Casper noticed that he always look at the girl kahit sa malayo. Iba sa pakikitungo nito sa dating asawa, ngunit iba rin sa pakikitungo nito sa kanilang mga kasama nito sa barko. Isang malaking palaisipan kay Casper ang attitude nito sa babae. "Saan banda ng kwarto ng prinsipe?" tanong ni Captain Yeo nang makarating sila sa palapag at pasilyo, kung saan naroon ang mamahaling kwarto ng cruise na iyon. "Kapitan, paano kung mahuli nila tayo? Hindi isang ordinaryo si Cally Han." nag-aalala na sabi ni Casper. "Wala akong pakialam!" singhal nito. Napayuko na lang si Casper. Una nilang tinungo ang dulong bahagi ng pasilyo. Tatlong magkakatabi na kwarto ang pinag-iisipan nila kung saan nandoon ang kwarto ni Cally. "Open it!" utos nito kay Casper. Tiim-bagang na binuksan ng binata ang pintuan na tinuro nito. Hindi nga sila nagkamali na makita doon ang babae. Bumungad kaagad sa kanila ang nakahiga na katawan ni Prin ng nakatagilid at natutulog. Nakayakap dito si Cally mula sa likuran. "Hanapin mo si Cassandra. Kunin mo ang lahat ng gamit ni Prin at itapon mo sa dagat ang lahat ng ebidensya dito" bulong ng kapitan. "Masusunod." ang sagot nito. Tinanggal niya sa pagkakayakap si Prin mula sa mga bisig ni Cally na halatang lango sa alak saka lumabas ng kwarto na bitbit ang babae at ibinalik sa Maria Celeste 1. Ilang saglit pa, dumating si Cassandra na hawak sa braso ni Casper pabalik sa barko. Paglabas kasi ng dalaga ng kwarto natigilan siya na makita agad si Casper. Isang sampal ang binigay dito ng kapitan kaya nasapo nito ang namulang pisngi. Halos namanhid na ang pisngi ni Cassandra dahil sa sampal na iyon. Kung anu-ano ang pumasok sa isip ni Cassandra. Nalaman na ba nito na nagsabi siya kay Lorenz? At kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya. "Sinabi ko sa ''yo na bantayan mong mabuti si Prin Matsui!" galit na sabi. "...Patatawarin kita ngayon pero hindi na sa susunod." ang sabi lang nito saka inutos sa mga kasama na ihanda ang pag-alis nila sa lugar nang gabi rin na iyon. Nang magising si Prin sa kwarto ng Maria Celeste 1, walang Cally siyang makita sa paligid, sa halip karagatan ang bumungad sa kanya. ===== Unang ginawa ni Lorenz nang malaman niya ang tungkol kay Prin mula kay Cassandra ay nanghingi siya ng payo kay Madam Lira na kasalukuyang nasa UK. Tinawagan niya ito gamit ang telepono sa cruise. "Mama Lira, buhay si Prin pero hawak siya sa leeg ng mga Pirata." iyon ang binungad niya sa may-edad na babae. Kinuwento ni Lorenz sa matanda ang lahat ng sinabi sa kanya ni Cassandra. "They have this bullet bomb na kapag gumawa sila ng hindi naaayon sa kagustuhan ng kapitan ng barko, posibleng katapusan na nila. Iyon daw ang rason kung bakit hindi sila makaalis sa poder ng kapitan. For a couple of years, they are sailing around the world." "Did you tell Cally?" nag-aalalang tanong ng matanda sa kabilang linya. "Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit ako tumawag sa inyo ay dahil ayokong sabihin kay Cally, Mama Lira. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin. Baka ikapahamak pa ni Prin ang pagkilos ng Shi." "That''s right! Do not tell this to anyone. I''ll seek help with Park family to get Prin." Napatango si Lorenz . Tulad ng inaasahan ililihim nila ang tungkol sa asawa ng Shi. "Ask Matthew instead. Mas mabilis natin makikita si Prin kung tutulungan niya tayo." Chapter 191 - Finding the girl Nang magmulat ng mata si Cally, unang hinanap ng mga mata niya ang mukha ni Prin na tumatak sa isipan niya nang nagdaang gabi. Nilapat niya ang buong likuran sa kama. Nasapo niya ang kumikirot na sentido. Saka parang wala sa sarili na tumitig sa kisame. Isa-isang pumapasok sa isipan niya ang mga imahe na naganap. Prin in a yellow dress, she said she missed him so much... She is crying... He begged her to come back... Tumayo si Cally at tumuloy sa restroom para maghilamos. Paglabas ay pumukaw sa kanya ang maskara na nasa ibabaw ng cabinet. Dinampot niya iyon. Natatandaan niya na pagmamay-ari iyon ng babaeng nakasayaw niya nang nagdaang araw. ''Damn!'' Lumabas siya para katukin sa katabing kwarto si Lorenz bitbit ang maskara. Walang tao sa loob kaya naisip niyang si Kai ang sunod na hanapin. Kinatok niya ang pintuan ng kwarto ng mga ito. Nagbukas ang cabin suite nito at bumungad si Kai na nakaroba at naghihikab. Doon niya lang naalala na nasa honeymoon stage nga pala ito at ang bagong kasal na si Bella. "I''m sorry kung naistorbo kita. I forgot na nasa honeymoon ka nga pala." Kumunot ang noo ni Kai. "May kailangan ka ba Shi?" "Yes. Can you ask someone kung sino ang may-ari nitong maskara?" "Hi Cally!" nilitaw ni Bella ang ulo niya sa gilid ng katawan ni Kai. Nakaroba din tulad ng asawa nito. "I''m sorry Bella, kung naistorbo ko kayong dalawa." seryoso ang mukha na sabi niya. Sa loob ng ilang taon nakalimutan niya na yata ang ngumiti. Lumipat ang tingin ni Bella sa hawak niyang maskara at kumunot ang noo nito. "hmmm... I saw it from the girl last night" "Y-you saw her?" "Yes. she said she was a dark guard" Napapikit si Cally at lalong sumakit ang ulo niya. "Bakit Shi?" napansin ni Kai na lalong sumama kasi ang mukha ni Cally. "Kai, I know that you are in a honeymoon, but can you look this girl for me bilang leader ng Black Guards?" "M-may ginawa ba sayo ang Dark guard na ''to?" hindi naiwasan na itanong ni Kai. "Yes, I... I had a one-night-stand with this girl" Kai and Bella "..." Nanlaki ang mata ng bagong mag-asawa at nagsimulang mataranta si Kai. "O-okay, Shi. hahanapin ko na kung sino ang Dark Guard na ito. Agad-agad! See you sa restaurant sa taas." sabi ni Kai saka sinara ang pintuan at hinarap si Bella. "My Angel, This is urgent. Alam mo na hindi basta-basta ang posisyon ni Cally. Hindi ko alam kung sino ang Dark Guard na ito na lumapastangan sa katawan ng Shi but this is definitely not good." Hindi alam ni Kai kung ano ang nasa isip ng Dark Guard na may ari ng maskara. "Yes! that is definitely not acceptable! How come he forget about my friend, Prin!" humalukipkip si Bella at saka ngumuso. "When you see that GW8, parusahan mo ng mabuti! Ang lakas ng loob na akitin si Cally." naiinis na sabi nito. Nanlalaki ang mata ni Kai nang madinig ang mga sinabi niya. "W-what did you say?" "What? na --Ang lakas ng loob na akitin si Cally?" "No" "Parusahan mo ng mabuti..." Parang mababaliw si Kai. "No. Y-you mean the girl is GW8?" Tumango si Bella. "Oh my god!" natulala si Kai at napaupo sa kama. Parang ayaw niya na lang umalis sa kwarto na iyon dahil parang masisiraan siya ng ulo kapag lumabas siya. Kinuha ni Kai ang cellphone at tinawagan si Lorenz. "Sh-shogun! I need your help." bungad niya dito. "I am busy with Mat-mat" "This is urgent, Shogun!" "F*ck, ano ba iyon? Ipapasa kita dito kay Mat kung tungkol sa pag-giling ang concern mo." halatang iritable na rin at na-te-tense na rin ito sa kabilang linya na pinasa ang telepono sa cool na cool lang na si Mat-mat. "Hi Kai Jang. Ano ba tong emergency mo? Don''t tell me na naging nata de coco na ang laman ni Taguro kaya kailangan mo ng tulong?" nakangisi na sabi nito sa kabilang linya. "Gagu! Pakyu ka! huwag na huwag kang magpapakita sa ''kin!" angil niya dito. Kahit pa sanay na siya na inaasar nito. Gusto niya itong bugbugin sa oras na iyon. Sino ba ang matutuwa na naging nata de coco na ang swimmers niya sa tagal na na stock sa loob ng mahabang panahon? Tumawa naman ito sa kabilang linya. "''wag ka na magalit baby." sabi nito sa kabilang linya. Si Bella naman ay walang naiintindihan sa mga aksyon ng asawa niya kaya pumasok na lang muna siya sa CR para magbihis. Chapter 192 - The video Nang mapansin ni Kai na pumasok si Bella ng restroom, sinabi niya ang pakay niya. Ayaw naman niya na masaktan si Bella sa pag-alala kay Prin tapos ay fake news lang pala. "This is not about me, okay? This is about Prin. Bella saw her last night" paliwanag niya dito. Hinablot ni Lorenz ang telepono mula sa kamay ni Mat-mat nang marinig niya ang sinabi ni Kai. "Come here! Nandito kami sa restaurant. Much better kung iwan mo muna si Bella." payo ni Lorenz. Nagtataka man, sinunod ni Kai ang inutos ng Shogun sa kanya at umakyat nga siya sa floor kung nasaan ang restaurant nang kasama si Bella. Pinakain niya ang asawa sa isang table at nanghingi siya ng pasensya dito dahil hindi niya ito masasamahan. "My Angel, as you can see, this matter is important. I''ll be back, okay. I''ll promise na magbabakasyon tayo at lalayuan natin sila sa susunod." saka niya ito hinalikan sa pisngi. Tumango lang si Bella, ang totoo mas gusto nga niya na mag-stay sa cabin dahil masakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Namula ang pisngi nito nang maalala ang mga naganap sa kanila ni Kai. Dumeretso naman si Kai sa mesa kung saan naroon ang dalawa. Nakapwesto ito sa pinakasulok ng restaurant at tila seryoso ang pinag-uusapan. Hinarap siya ni Lorenz at Mat-mat. Ngising-ngisi si Mat-mat kay Kai na akala mo ay may alam ito na hindi niya alam. Pero base sa pagkakangiti nito, alam niya na tungkol iyon sa kanyang first night. Gustong-gusto niya ng ingud-ngud ang pagmumukha nito na ang kulay naman ng mata ngayon ay green. Malabo na kasi ang mata nito dahil sa tatlong malalaki na monitor na gamit sa bahay kaya naka-contact lense palagi. Hinarap naman siya ni Lorenz. "First of all, it''s true. Prin is alive. But you have to keep this a secret kahit kay Bella." bulong ng shogun. "...Kahit kay Shi" malungkot na sabi. Sa ilang taon na nagsama sila ni Cally, ngayon pa lang siya maglilihim. "Come here!" magkakatabi nilang pinanood ang CCTV sa cruise ship na iyon kung saan nakita si Prin gamit ang high-tech na laptop ng manyak na si Mat-mat. Nakuha ni Lorenz ang description kay Cassandra kung ano ang anyo ni Prin. At tanging si Prin lang ang nakasuot ng dilaw na gown kaya mabilis nilang na-identify ang babae kahit may maskara. "this is her mask." bulong ni Kai. Nakita nila na nag-usap pa si Prin at Bella sa pasilyo bago ito pumasok sa cabin ni Cally hanggang sa sumunod na pumasok ang asawa nito. May isang oras pa ang lumipas kaya pinindot ni Mat-mat ang ''fast forward button'' bago nila nakita na pumasok ang dalawang lalaki na malalaking tao rin sa loob ng parehas na cabin. Ilang saglit pa, bitbit na ng isa na may mapulang buhok si Prin na lumabas ng kwarto ng Shi nila. Tutok na tutok silang tatlo sa pinapanood na halos magpalitan sila ng mukha. "Anong meron diyan?" narinig nila, kaya sabay-sabay silang nag-angat ng ulo. Nanlaki ang mata nila pare-parehas ng makita si Cally na nasa tapat na mesa. Kumunot naman ang noo ni Cally dahil sa pare-parehas na reaksyon ng mga ito na parang nakakita ng multo. "W-wala!" agad na tangi ni Kai. Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Mat-mat sa pagpindot sa keyboard ng laptop niya kasabay ng pagtaas ng kilay ni Cally. Napalunok pare-parehas ang tatlong lalaki. Mabilis na kinuha ni Cally ang laptop mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Mat-mat. Black screen ang nakikita niya sa monitor bukod sa ''Play-sign'' ng video na nasa gitnang bahagi. Sino ba sa kanilang tatlo ang maglalakas ng loob na kunin ang laptop mula sa kamay ng Master nila? "P-please Shi, don''t play" sabi ni Kai na halos maihi na sa kaba. Lalong na-curious si Cally sa sinabi nito kaya pinindot niya ang spacebar para mag-play ang video. "Ahhh! Ahhh!! Oh yeah! You are f*cking so good!". At may panggigil pa na mga hiyaw ng isang babae. Isang p.o.r.n video ang bumungad kay Cally na may malakas na sounds kaya nakaagaw sila ng pansin sa ibang kumakain doon sa restaurant. Halos lahat ay nakanganga sa gawi ni Cally. Agad niyang pinindot ang pause at parang gusto niyang maglaho sa lugar. Binalik niya agad ang laptop kay Mat-mat na nakangiti ng abot tenga dahil hindi sila nito nahuli. "We are just showing Kai Jang how to ''move'' with his Angel and giving him tips for the right position." Kai "..." Chapter 193 - Shes pregnant Hindi na pinansin ni Cally ang tatlo at hinarap si Lorenz. "I am going back to Manila. But please find the girl I was with last night. Ayokong magkaroon ng problema ''pag dating ng araw." "Last night? D-do you know who''s the girl?" natigilan si Lorenz at hindi nawawala ang kaba niya habang nakatingin kay Cally. Umiling si Cally. "I was drunk... Anyway, I am going back today. I''ll give you three days para sumunod sa akin sa Maynila. Mat, please help Lorenz. And Kai, I''ll give you a month off para makapag-bakasyon kayo ni Bella" Matapos sabihin ang lahat, iniwan niya na ang grupo para umalis ng bansa at bumalik sa Maynila para tumulong sa opisina. Ang sumunod na ginawa ni Lorenz ay hanapin ang barko na may pangalan na ''Maria Celeste 1'' ===== Matapos ang ilang linggo, hinila ni Prin si Cassandra sa kusina isang araw. Kasalukuyan silang nasa Mediterranean Sea. "Sandra, tapatin mo ako. Paano ako nakabalik dito sa barko nang gabi ng masquerade? I thought it was a dream na nakasama ko ang asawa ko ng gabi na iyon. But everything was real. I have hickeys all over my body and I don''t have underwear on me." tanong niya sa kaibigan. She still remembers his last message ''Prin Matsui, I miss you so much, please come back.'' What about Cally? Does he remember her that night? Mitsa na ba iyon para hanapin siya nito? Lumingon muna sa paligid si Cassandra bago niya hinarap si Prin at dinala sa sulok. "Prin, binantaan na ako ni Captain Yeo na huling chance na ang araw na iyon na binigay niya sa akin. Kung magkakamali pa ako, papatayin na niya ako ng tuluyan." Sa tingin ni Cassandra, si Prin din ang dahilan kung bakit siya nananatiling buhay. Dahil sigurado na kasusuklaman lalo ng kaibigan niya ang kapitan. Tila umikot ang paningin ni Prin at hinalukay ang sikmura niya. Maalon pa ang karagatan at ang galaw ng barko na nakadagdag sa sama ng pakiramdam niya. Tinungo niya ang palikuran na nasa tabi saka sumuka. Butil-butil na pawis ang isa-isang nagsipaglabasan sa noo niya at nakaramdam siya ng lamig. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cassandra. Inupo siya nito sa silya saka pinaypayan gamit ang cardboard na nadampot lang nito sa kung saan. Sinandal ni Prin ang buong leeg niya sa headrest ng silya na gawa sa kahoy habang pinapaypayan ni Cassandra. "That''s why I am asking you Sandra, because... I''m pregnant" nahihilo na sabi niya. Nanlaki ang mata nito. "You are pregnant?!" tanong mula sa malaki ang boses na nagmumula sa lalaking nasa pintuan. Sabay nilang nilingon si Casper. Malaki ang katawan nito. May anim na talampakan siguro ito at matapang ang dating ng anyo ng mukha. Hindi pa niya nakita na ngumiti ito kahit isang beses. Kung tutuusin, naaalala niya ang daddy niya na si Rob Matsui sa lalaki. "Yes, I''m pregnant. How about it?" sarkastikong tanong niya dito. Hinila siya nito. Nagpatianod lang si Prin sa kung saan man siya dadalhin nito pero hindi niya hahayaan na saktan sila nito ng anak niya. "Ca-casper, please... Bitiwan mo si Prin." nag-aalala na hiling ni Cassandra at sumunod sa kanila. Dinala siya nito sa opisina ng kapitan na nasa pinakataas na palapag ng Barko. Tinulak lang siya nito sa sahig. Dahil nahihilo pa si Prin, dumausdos siya sa sahig na gawa sa kahoy. "Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Captain Yeo. Matalim ang tingin na pinukol nito kay Casper saka nilipat kay Prin. Si Cassandra ay nag-aalala sa likuran dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na magaganap. "Kapitan, buntis si Prin Matsui!" pagbibigay-alam ni Casper na sinabi agad ang pakay. Nagtagis ang bagang ng kapitan. "Dalhin si Cassandra sa judgement plank!" matigas na utos nito. Bumalot ang takot sa mukha ni Cassandra. Hinawakan ito ng mahigpit sa braso ni Casper. Saka nagsimulang hilahin patungo sa Judgement plank. Tumingin ng masama sa kanya ang kapitan at parang sinasabi na sisihin niya ang sarili niya sa magaganap sa kaibigan bago ito sumunod kay Casper at Cassandra. Nagalit si Prin na sumunod din sa mga ito. Narinig niya ang bell na hudyat na may itutulak ang mga kasama sa judgement plank kaya lalong nag-apoy ang mata niya sa galit. Naabutan niya si Cassandra na lumuluha na pinaakyat ng judgement plank. Isang tabla iyon sa likod na bahagi ng barko. Tinawag iyon na judgement plank dahil kusang tatalon ang kung sino man na may sala sa dagat. Pinalilibutan ito ng mga kasama habang nakatutok dito ang espada, patalim at kung ano pa para kusang tumalon ang babae sa dagat. Sinuntok niya ang isang lalaki na nasa gilid na may hawak ng espada na nakatutok kay Cassandra. Kinuha niya ang espada nito saka walang awang hiniwa ito sa tiyan. Sa bilis ng kilos ni Prin, nabigla na lang ang iba pa nang biglang bumagsak ang taong iyon sa gilid. Chapter 194 - Shes pregnant (too) Siyam na metro ang layo ng Judgment plank mula sa pinaka-ibabaw ng dagat. Sumampa siya sa dulong bahagi ng barko na nasa unahang bahagi ni Cassandra na nakatuntong sa Judgement plank, upang protektahan ang kaibigan. Dahil tumuntong siya sa mas mataas na bahagi, kita niya ang lahat ng mga kasama sa barko na iyon. Diretso niyang tinitigan sa mata si Captain Yeo na nasa likuran ng mga lalaking may hawak na patalim na nakatutok sa kanya "Hindi si Cassandra ang may kasalanan kaya bakit siya ang huhusgahan niyo?!" galit na tanong niya. "Hmp! Kung ganoon, mas gugustuhin mo ba na mapahamak ang anak mo kaysa kay Cassandra?" nakaismid na tanong ni Casper. Natigilan si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang tungkol doon. Nakatutok pa man din ang mga patalim ng mga ito sa kanya. "Kung ganoon, sisiguraduhin ko muna na maubos kayong lahat bago ang anak ko." saad ni Prin at ipinorma ang hawak na espada paharap sa mga ito. "Casper!" tawag mula kay Captain Yeo na nasa likuran. Binigyang daan ang kapitan ng mga kasama nito. Naglakad ang kapitan hanggang sa harapan ni Prin, isang metro ang layo mula sa kanya. Pailalim niya itong tiningnan. "Hindi ka ba natatakot na pwede kang mamatay ano mang oras dahil nasa akin ang buhay niyong mag-ina. Look around you. Wala ka ngang makita na kahit na ano sa paligid bukod sa karagatan." Ngumisi si Prin. "That''s right! Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon ay hinahayaan mo akong mabuhay. I want to get out of this hell!" Mas dumoble ang pag-aalala ni Prin dahil nagdadalang-tao siya at ayaw niyang mabuhay ang anak niya sa impyernong lugar na iyon. Kaya hangga''t maaari ay nais niya nang makaalis sa barko na iyon. "Do you think it''s simple to get out of this place? Lahat ay may kapalit Prin Matsui." sabi sa kanya ng kapitan. "Kung pera ang kapalit, I can give you money. Do you want billions? I can ask my Dad to give you billions. My dad owns hundreds of White Devil bars around the world. It''s easy for me to get monnies." Napakuyom ang kamao nito. "But I don''t like money." tumingin ito sa tiyan niya. "Hahayaan kita na umalis, pero iiwan mo sa ''kin ang anak mo. How''s that?" Natigilan si Prin at mas tumalim ang paningin niya dito. "I''d rather die then!" Natahimik si Captain Yeo. "Fine!" may dinukot itong remote sa bulsa. Nagsimulang kabahan si Prin "Are you sure you want to die?" tanong nito. "You are beast!" sa halip ay singhal niya dito. "3..." nagsimulang bumilang ang kapitan habang inaaral ang kilos at galaw niya. Nagsimula na rin siyang magdasal. "2¡­" "Stop it!" sigaw ni Cassandra na umiiyak na sa likuran. "It''s my fault! You want me to die, right? Then fine! Kill me!" nagluluha na ang mata nito. "Walang kasalanan si Cassandra! Ano ang kailangan mo kapalit ng mga buhay namin" tanong ni Prin sa Kapitan. Tumitig lang ito sa kanya. "Just stay¡­" ang tanging sagot nito. Umikot ito at hinarap ang mga kasama. "Everyone! Walang mamamatay ngayon!" matigas na utos nito. Napanganga na lang ang lahat dahil sa sinabi ng kapitan. Kahit si Casper ay nangagalaiti sa pagkainis dahil tulad ng inaasahan pinagbigyan na naman ng kapitan si Prin Matsui. Tuluy-tuloy lang na naglakad ang kapitan at hindi na nagawa pang lumingon sa kanila. Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at hinila ito mula sa judgement plank saka niyakap ng mahigpit. ===== Sa parehas na oras¡­ Katatapos lang ni Bella sa interview, alas onse ng gabi. Isang night talk show ''yun na ine-ere ng live sa TV. Sa interview pa lang ay pinilit na niya na magpaka-kalmado kahit pa iba ang nararamdaman niya. "Bella, here are your schedules" inabot ni Ms. Yolly ang tablet nito kay Bella para ipakita ang schedule niya sa loob ng isang buwan. "Ms. Yolly, I can''t really understand. Sobrang nahihilo po ako." nanghihinang sabi niya. Nagsimula nang lamigin si Bella at kakaiba ang sama ng pakiramdam niya. Magdadalawang buwan pa lang siyang kasal kay Kai na madalas pa rin na nasa ibang lugar pero pinipilit nito na makauwi sa bahay nila para lang makita siya at makasama. "Ms Yolly, pakitawagan po si Hunter--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang mawalan siya ng malay. "Bella --" ang huling nadinig niya. Nagising si Bella na naroon na siya sa hospital bed at unang nasilayan si Kai na hawak ang kanang kamay niya. "Kai¡­" tawag niya dito. "My Angel¡­" ginamit nito ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya. "...I''m sorry kung hindi kita naalagaan ng mabuti. Masyado kasi kaming busy ng Shogun. Napagod ka tuloy masyado sa trabaho dahil madalas akong wala sa bahay." hinalikan nito ang kamay niya. "Ako ang magso-sorry, nag-alala ka tuloy ng sobra sa akin." malungkot na sabi ni Bella. Nilapit ni Kai ang labi nito sa kanya. Isang katok ang nagpahiwalay sa labi nila ng asawa at bumungad si Christen na doktor sa ospital na iyon. Pagmamay-ari nito ang hospital kung saan naroon si Bella. "MB5, seriously! Akala ko ba ay busy ka sa ibang bansa?" "Christen, alam ko na naiingit ka lang sa lovelife ko. Palibhasa, hindi ka pinapansin ni Doc Mikko na kuya ko." "Sige mang-asar ka pa! Hindi ko sasabihin na may little angel ang Angel mo" banta nito. Chapter 195 - We are here for Prin Matsui Kasalukuyang nasa North Sea ang barko ni Captain Yeo. Patungo na naman sila papunta sa kung saan. Dahil malamig ang klima sa lugar, nanatili si Prin malapit sa chimney na nasa loob ng kwarto niya. Tanging fleece lang ang ibinalot niya sa katawan para makaramdam ng init kahit papaano. Sa mga nakalipas na taon may isang beses na silang nagpunta doon sa parte ng dagat na iyon, pero iba ang pakiramdam ni Prin lalo at nagdadalang tao siya. Walong buwan na ang tiyan ni Prin at ano mang oras ay manganganak na siya. Nilapitan siya ng kapitan nang hindi niya namamalayan. May inaabot itong jacket sa kanya. Tiningnan lang ni Prin iyon at hindi niya inabot ang bagay na iyon. Nananatili na malamig ang pakikitungo niya dito sa loob ng mahabang panahon. "Kunin mo na ito para sa anak mo. Sa loob ng ilang buwan, manganganak ka na. Ayaw mo naman siguro na magdusa ang anak mo sa lamig dito." Sabi nito na hindi binabawi ang jacket. "Kung concern ka talaga sa akin. Mas mabuti pa na hayaan mo na lang ako na makaalis dito sa impyerno na ito." Malamig na sabi niya. Binalot ng kapitan ang jacket sa kanya sa ayaw at gusto niya. Tiningnan lang ni Prin ng masama ang lalaki. Hindi niya na pinag-aksayahan pa na tanggalin iyon dahil tinulungan ng jacket nito ang lamig na nararamdaman niya. Tumabi ito sa kanya sa harapan ng chimney. "Gusto ko nang umuwi! Naghihintay sa akin ang asawa ko" sabi niya dito. Simula ng gumising siya sa barko na iyon hanggang sa mga oras na iyon, madalas niyang hilingin dito na gusto niyang umuwi. Naging ordinaryo na nga yata ang hiling niya na umalis na sa lugar na iyon. "Pero hindi ganun kadali¡­ Sa loob ng ilang taon, nasanay ka na dito sa barko. Ni minsan ba ay hindi mo ninais na manatili?" Tumawa ng malakas si Prin saka tiningnan ang kapitan na para bang malaking biro ang sinabi nito. O kaya naman ay parang isang dumi ito sa paningin niya. "Tsk! Alam mo kapitan, joke ba yang sinabi mo? Halos araw-araw kong isinusuka ang lugar na ito. Araw-araw akong humihiling na sana ay makaalis na ko dito. Lalo pa ngayon, ayokong manganak dito sa pesteng barko mo" Halata na nasaktan ito sa sinabi niya. "Kung ganoon bakit si Mayu ay pumayag sa akin noon na manatili dito?" Nagtaas ang kilay ni Prin. "Kung sino man si Mayu, we are different!" "She''s my wife" malungkot na sabi nito. Hindi na ito sinagot ni Prin. "...Nasa Greece kami ng kinain siya ng dagat sa beach. She was also 8 months pregnant at that time" malungkot na sabi nito. "...Ano ang pwede kong gawin para gustuhin mo na manatili dito?" Lumingon ito sa gawi niya. "Wala. Dahil hindi dito ang buhay ko. I am married." Sagot niya. "If you''re married, bakit nagawa mo pang akitin ang prinsipe? Ginawa mo ba iyon para matulungan ka niya na makaalis sa poder ko? Lalo na ngayon na ipinagbubuntis mo ang anak niya" Nagtaas ang kilay ni Prin. Kung ganoon alam nito ang tungkol kay Cally. Sasagot pa sana si Prin nang may madinig silang ingay. Isang malaki at nakabibinging ingay. Sigurado na may barko na tumabi sa kanila at pinahihinto sila. Tumutunog din ang bell ng Maria Celeste 1 na ibig sabihin ay tinutugis ang barko na iyon. Kinabahan si Prin para sa lagay ng anak niya. Umakyat ang kapitan sa main deck. Sumunod si Prin. Pagdating sa main deck, nakapalibot ang mga kasama niya. Halos lahat yata sila ay naroon para makiusisa. Nakatingala ang lahat sa itaas kung saan nandoon ang main deck. Pinahinto ang Mari Celeste 1 ng doble na laki na barko. May maririnig pa ring bell sa paligid. "We are here for Prin Matsui" pumailanlang mula sa tatlong malaking speaker na nakakabit sa barko na iyon. Kinabahan si Prin. Napalingon ang lahat ng kasama niya sa kanya dahil narinig ng mga ito ang pangalan niya. Kahit si Captain Yeo ay nilingon siya. "Talk to me first as a captain of this ship!" Matigas na sigaw ni Captain Yeo. Ilang saglit pa, isang lalaki na may cleancut na buhok ang sumilip sa kanila. Nakasuot ito ng puting polo na pinapatungan ng windbreaker na itim. Mukhang purong korean. Sigurado si Prin na hindi niya pa nakita ang tao na iyon. Kaya bakit siya nito kailangan? "I''m going to talk to you then" sabi nito. Chapter 196 - Im Aiden Park May inilabas na puting hagdan na gawa sa bakal ang malaking barko para mapababa ang koreanong lalaki. Pinagmasdan ni Prin ang pagkatao nito at nasisigurado siya na isang Dark Lords ang lalaki, kaya nabuhayan siya ng pag-asa. May awra kasi ang pagkatao nito na halatang pinamumunuan nito ang isa sa pitong pamilya. Mukhang hinanap siya ni Cally. "Do you know him?" tanong ni Cassandra kay Prin. Hindi niya malingon si Cassandra dahil tutok ang paningin niya sa lalaki na may taas na anim na talampakan at isang pulgada. Kamukha ng lalaki si Lee Joon-gi. Tingin ni Prin ay nasa trenta mahigit na rin ang edad nito. Kaya nga unang napansin niya na koreano ito. "I''m here to talk to you!" Matapang na saad nito kay Captain Yeo. "Doon tayo sa opisina ko" ang sinagot ng kapitan at tumalikod na naglakad paakyat sa mataas na deck kung saan naroon ang opisina nito. Napansin ng koreano ang bilog na bilog na tiyan ni Prin, hindi ito nagtanong at basta na lang sumunod sa kapitan patungo sa maliit na opisina nito. "Kaanu-ano ka ni Prin Matsui?" Diretsong tanong ni Captain Yeo matapos maisara ang pintuan. "Both of us are living in the same organization. I''m Aiden Park, a Dark Lord member." Natahimik naman ang kapitan. Halatang may alam ito sa organisasyon na binanggit niya. Tinungo nito ang alak sa gilid at nagsalin sa baso. "Kung hindi ako nagkakamali, may plano kang kunin mula sa akin si Prin Matsui." "Yes" simpleng sagot ni Aiden. Inabot ng kapitan ang isang baso ng alak kay Aiden at ang isang baso ay diretsong ininom ng kapitan. "Paano kung hindi ko siya ibigay sa ''yo?" Doon napangisi si Aiden. "Hindi ako matatakot na palubugin ang barko na ito sa dagat anumang oras" Natahimik ang kapitan, tapos ay tinanaw nito ang bintana sa labas. "Paano mo nalaman na nasa akin si Prin Matsui?" "Nasa Denmark ako para kunin ang parte ng tax mula sa hari nang makita ng mga tao ko na naparoon si Prin Matsui." Ang idinahilan ni Aiden. Hindi niya maaaring sabihin na si Cassandra ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa bagay na iyon. "Ngunit nasa akin nakasalalay ang buhay ni Prin Matsui at ng anak niya." Napangisi si Aiden. "At nasa akin naman nakasalalay ang buhay ng barko mo. You know what I mean..." "... buntis si Prin at anumang oras ay manganganak siya. Hindi maganda na manganak siya sa karagatan. Babayaran ko sa halip ang buhay niya. Handa ako na ibigay ang barko na nasa tabi kapalit ni Prin Matsui." Lumingon kay Aiden ang kapitan. Hindi niya kailangan ng barko na ipapalit sa Maria Celeste 1 dahil lahat ng ala-ala ng yumaong asawa ay nasa barko na ''yun. "Isang bilyon." Sa halip ay sabi ng Kapitan kay Aiden. "...Isang bilyon at anumang oras ay maaari mo na siyang makuha." Nagsalin muli ito ng alak sa baso saka diretsong ininom. Bumalot ang kalungkutan sa mukha ng kapitan. Walong buwan din na buntis noon ang asawa niya na si Mayu ng bawiin ito sa kanya. Ngayon, walong buwan din na buntis si Prin at babawiin din ito sa kanya. Nasanay na siya na hanggang tingin lang mula sa malayo ang kaya niyang gawin kay Prin dahil kinasusuklaman siya nito. "You like her." Biglaang puna ni Aiden. Inangat lang ni Captain Yeo ang paningin sa koreanong si Aiden Park. "Pero sinusuka niya ako, kaya nga maaari mo na siyang kunin." Napangiti lang si Aiden bilang sagot. Madami siyang nabalitaan tungkol sa relasyon ni Cally at ng babae kaya kahit sino ay isusuka talaga nito. Malalim ang pagmamahalan ng mag-asawa ayon sa mga nakalap niyang impormasyon. May kinuhang telepono mula sa bulsa si Aidan Park at agad na nagbigay ng instruction sa kausap upang dalhin ang isang bilyon doon sa barko. "Ang babaeng kasama ni Prin, nais ko rin siyang makuha" pagbibigay alam ni Aiden. "Hindi na maaari si Cassandra." Matigas na sabi ng kapitan. Tinitimbang naman ni Aiden kung ipipilit niya na kunin si Cassandra mula sa kamay nito. Malaking puntos na kung tutuusin na mabawi niya si Prin mula sa kamay nito para sa transaksyon na iyon. Ngunit malaking tulong din ang babaeng si Cassandra kung bakit nila mababawi si Prin Matsui. At wala sa bokabularyo ng Dark Lord na magkaroon ng utang. "Paano kung ipilit ni Prin na isama si Cassandra?" Nagawa na lang niyang idahilan. Natahimik ang kapitan. Sigurado kasi na ipipilit nga nito na isama si Cassandra. Ilang saglit lang, nakarinig naman sila ng matinis na tunog. Napangiti si Aiden. "Nandiyan na ang pera kaya maaari ko nang bawiin si Prin Matsui" Chapter 197 - Act like Jon Snow Madalas mapansin ni Cally na may ibang pinagkakaabalahan ang Shogun at madalas din nitong kausap si Mat-mat ng palihim. At hindi maiwasan na magtaka siya. "Uncle Brent, can you hack Matthew''s laptop?" Tanong niya dito isang araw kahit pa alam niyang nasa ibang bansa ito kasama ang asawa nitong si Kiana. "Of course I can do that, but it will take time. Sigurado na makikita at mahuhuli niya ako kapag hindi ako nag-ingat. Mas mabuti pa na lasingin mo siya para magawa ko iyon." Nakangisi na sabi nito sa kabilang linya. Kaya isang araw ay inaya niya ang pinsan na si Mat-mat para uminom sa White Devil. Kalmado lang si Cally habang nilalasing ito. "Gusto kong malaman kung hanggang ngayon ba ay hindi niyo pa rin natatagpuan ang babae na pumasok sa cabin ko apat na buwan ang nakaraan?" Tanong ni Cally dito. Isa pa ang bagay na iyon sa ipinagtataka niya. Wala ni isa kay Lorenz, Kai o Mat-mat ang makapagbigay sa kanya ng pangalan ng taong iyon. "''Wag mo nang intindihin iyon pinsan. Hindi ka ba nag-enjoy kaya mo siya hinahanap? Sa lahat ng nakaranas ng one-night-stand, ikaw ''yung naghahanap sa partner niya?" Napapailing na sabi nito. Halatang may tama na ito ng alak. Tinungo nito ang dance floor ilang saglit lang at parang baliw na nagsayaw ito sa gitna. Kapag nakita nito ang mga pinaggagawa nito doon, siguradong isusumpa siya nito kinabukasan. Gayunpaman, naabisuhan niya agad si Brent na maaaring na nitong pasukin ang laptop ni Mat-mat. Napapailing na lang si Cally habang pinapanood ang pinsan niya na sadya niyang nilasing para sa maliit na impormasyon. Para itong si Mr, Bean na sumayaw sa gitna ng dance floor kaya baka sa susunod ay hindi na siya makahingi pa ng tulong mula dito. "Cally?" Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita si Donna na dating Dark Guard trainee na kasabay nila ni Lorenz sa first batch. Kasali ang dalaga sa umalis sa training noon dahil hindi nagustuhan ng magulang nito na napalayo ang dalaga. "How are you?" Masayang bati nito at niyakap pa siya. "Ayos lang naman." Walang ngiti na sagot niya. "I heard what happened to Prin, oh I''m sorry! Me and my bad mouth" paghingi agad nito ng paumanhin. Tumango lang siya dito, hindi ngumiti. Ilang saglit pa, nag-ring ang cellphone niya dahil tumatawag si Brent. "Donna, pinsan ko ''yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya kung okay lang." Sabi ni Cally dito habang turo si Mat-mat. Nagtaas ang kilay ni Donna nang makita si Mat-mat sa gitna ng dance floor. Gusto niya sanang umangal pero dahil matagal na silang magkaibigan ni Cally napa-oo na lang siya dito. "Uncle" sagot ni Cally nang makalabas. "Hindi ko alam kung matutuwa ka sa sasabihin ko, pero siguro mas maganda na umuwi ka ngayon sa apartment mo. I will send you the email and will give you the information that you were asking. But please do not act like you used to be. Much better if you act like you know nothing, like ''Jon Snow''." Mahabang paliwanag nito. Sinunod ni Cally ang payo ng tiyuhin niya, umuwi siya sa apartment na nabili niya ilang buwan pa lang ang nakaraan at unang hinarap ang computer. Nabili niya ang apartment na iyon dahil mas gusto niyang mapag-isa. Nagsimula siyang kabahan sa kung ano man na ipinadala sa kanya ni Brent. Kumakabog ang dibdib niya na tinungo ang computer niya sa bahay. Binasa niya ang files na pinadala ni Brent sa kanya na lahat ay tungkol kay Prin. Nanlalaki ang mata niya habang binabasa iyon. Wala siyang tinira kahit isang letra sa pagbabasa. May larawan pa si Prin sa files, ang babaeng naka-dilaw na gown. Lahat ng impormasyon ay naroon. Kahit ang mga taong involve sa plano kung paano ililigtas si Prin ay nasa files. Kung saan huling nakita si Prin sa loob ng apat na buwan, ang tungkol sa capsule bomb, kay cassandra at kung ano ang naging buhay ng asawa niya sa loob ng anim na taon. Nasaktan si Cally sa hirap na pinagdaanan ni Prin. Hindi niya masisisi ang Mama Lira niya kung mas pinili nito na ilihim sa kanya ang pinagdadaanan ni Prin dahil katulad sa oras na iyon, gusto niyang hanapin ang barko at pasabugin iyon. Kaya sa loob ng ilang buwan, katulad ng paglilihim sa kanya ng Shogun at Madam Lira, inilihim niya rin na may alam siya sa nangyayari at lihim din na kumilos para matagpuan si Prin. Halos magkasunuran lang sila ng grupo ni Aiden na nakakakuha ng impormasyon tungkol kay Prin. Kung may hindi lang sila alam sa totoong lagay ni Prin. Iyon ay ang pagdadalang-tao ng asawa niya sa loob ng ilang buwan. Chapter 198 - She came back Unang beses na magkita si Prin at Aiden kaya hindi niya akalain na ang binata ang madalas niyang madinig kay Cally noon. Malapit lang ang North sea sa UK kaya mas pinili ni Aiden na dalhin si Prin sa poder ni Madam Lira. Tulad ng inasahan, hindi pumayag si Prin na iwan si Cassandra sa Maria Celeste 1, kaya walang nagawa ang kapitan kundi ibigay silang parehas kay Aiden. Sinakay sila sa Skyjet ni Aiden na naghatid ng pera sa barko ni Captain Yeo para mabilis na maiuwi si Prin. Walang problema kahit malaki ang binayad niya sa kapitan. Mas halaga pa rin na maligtas ang asawa at anak ni Master Cally. May kapalit naman ang lahat ng pera na binayad niya dito. Una na nga, ang tiwala mula sa Kent Family. Nakaramdam ng kakaibang emosyon si Prin nang makasakay sa Skyjet na iyon. Sa unang pagkakataon, ramdam niya na malaya na siya. "Aiden, how did you know na nandoon ako sa barko? Paano mo nalaman na nasa Maria Celeste 1 ako?" usisa niya habang hinihintay na makarating sa tahanan ng mga Kent. Lumingon ito kay Cassandra. "She tipped the Shogun" "Y-you''ve met the Shogun?" gulat na tanong ni Prin kay Cassandra. "His name is Shogun?" tanong din ni Cassandra. Sa loob kasi ng ilang taon hindi niya alam ang pangalan ng lalaki na kaibigan ni Prin. Hindi niya sinabi kay Prin na nakausap niya ang kaibigan nito na hanapin sila dahil masyadong delikado sa barko. Dahil bawat kilos nila ni Prin ay binabantayan ni Casper. "No. His name is Lorenz. It''s a long story why we called him shogun." paliwanag niya. Tumango-tango ito. ''Lorenz pala ang pangalan ng lalaking iyon.'' Nakakatawa na nagpahalik na siya dito at nagawa na nito na panggigilan ang katawan niya ngunit ng oras lang na iyon niya nalaman ang pangalan nito. Kakaiba ang nararamdaman ni Prin ngayon na nakaalis na siya sa dagat. Hindi na niya mararamdaman ang maalon, maalat na simoy ng hangin. Ilang oras lang, lumapag ang skyjet sa malawak na bakuran ng Kent Mansion. Pinatong ni Aiden ang isang makapal na fleece kay Prin nang sabihin ng piloto na nasa destinasyon na sila. "Masyadong malamig ang klima dito kaya ipatong mo lang ito para hindi lamigin ang anak mo." biro nito. Unti-unting bumukas ang pintuan sa likuran ng skyjet. Unti-unting rin na lumilitaw sa paningin niya ang mansyon ng mga Kent. Una ang itaas na bahagi ng gusali. Unang nasilayan niya sa kinatatayuan ang kwarto ni Cally sa mansyon. Agad na nagtubig ang mata ni Prin habang bumababa ang pintuan ng skyjet. Dito sa bahay na ito niya huling nakasama si Cally bago sila sumugod sa isla ng Peter Family pitong taon ang nakaraan. Sa bakuran na iyon din madalas na magsanay ang Gray Guards. Isang may edad na babae na nakapulang bestida ang naglalakad patungo sa lugar nila. May nakapatong na shawl na kulay puti sa balikat nito. Lalong hindi napigilan ni Prin ang luha nang makilala si Madam Lira. Ilang taon na ang madam pero nagawa pa rin nito na hanapin siya. Halata rin sa may edad na babae na umiiyak ito. Mabilis siyang naglakad upang lapitan si Madam Lira at yakapin ito. "Mama Lira¡­" "Mama Lira¡­" paulit-ulit ang tawag niya sa pangalan ng Madam habang umiiyak. Malaki ang role nito para matulungan siya at dadalhin niya iyon habang buhay. "Shh¡­" yakap-yakap siya nito habang hinahaplos ang buhok niya. Nagpasalamat ito kay Aiden bago tuluyang umalis ang binata. Pinasok siya nito sa loob ng mansyon dahil tulad ng sabi ni Aiden, malamig ang klima. Binigyan sila ng inumin ni Cassandra. Nang masiguro ang lagay niya, nag-utos si Madam Lira sa kasama na tawagan si Cally at Lorenz na papuntahin doon sa UK ang dalawa. Tumawag din ng doctor si Madam Lira para i-check ang lagay ni Prin at ng anak nito. "I never thought, you''ll get pregnant kahit magkahiwalay kayo ni Cally nang mahabang panahon." sabi ni Madam Lira habang haplos nito ang tiyan niya. "That night, nasa plano ko na po na huwag nang umalis sa tabi ni Cally, pero kinuha pa rin ako ng kapitan ng walang takot kahit sa kwarto ng asawa ko." halata na galit talaga siya sa kapitan. Umaabot ang pagkamuhi niya sa mata niya para kay Captain Yeo. "Hindi pa namin nasabi kay Cally na ilang taon kang nasa dagat. Ang totoo, nabigla ako na makitang buntis ka." nakangiti na sabi ni Madam Lira. Naalala nga ni Prin na parang nananaginip ang lalaki. Tila kinakausap siya nito na parang dumalaw lang sa panaginip nito. Lumapit ang isang maid sa kanila kaya saglit silang natigil sa kwentuhan. "Madam, nandiyan na po ang doktor." Lumangitngit agad ang makapal na kahoy ng pintuan at dinig din ang yabag ng sapatos nito. "Madam Lira." bati ng doktor. "Please check my grand-daughter and her child" utos lang nito sa doktor. Chapter 199 - Glad that youre back Matapos masiguro ng doktor na maayos ang lagay ni Prin. Nagsabi na ito na babalik muli para suriin muli ang baby niya. Pinaghandaan siya ng tubig na maligamgam ni Madam Lira sa isang kwarto sa loob ng mansyon. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit makakaranas ng masarap na ligo si Prin. Normal naman ang paglilinis ng katawan sa barko ni Captain Yeo, pero iba pa rin ang ambience kapag naligo ka sa shower room ng sariling bahay. Napangiti siya ng mapait. Sa totoo lang kasi, hindi niya alam kung ano ang tamang eksplanasyon sa nararamdaman niya. She felt a mixed emotion. Sa loob ng mahabang panahon, tila estranghero sa kanya ang mga bagay na nakikita sa oras na iyon. Matapos ang ilang taon, gagamit muli siya ng mamahaling shampoo, shower gel, maligamgam na tubig na nakalagay sa bathtub. Nakalimutan niya na kung ano ang pakiramdam na maranasan na gumamit ng mga iyon. Habang nakaupo sa bathtub, hindi niya napapansin na nagluluha na pala ang mata niya. Tuluy-tuloy ang agos ng luha niya. Humahalo na nga ang luha niya sa tubig ng tub. Matapos linisin ang sarili, tumingin siya sa salamin na nasa loob din ng shower room na iyon bago niya suutin ang roba. Hindi na siya ''yung dating Prin na disi nuwebe anyos kung kailan huli siyang tumuntong doon sa mansyon. A Gleeful, melodious, loving and affectionate nineteen-years-old girl Prin noon. What she saw in a mirror is a girl na nalipasan ng panahon. Hanggang balikat na lang ang buhok niya na nag-dry na dahil sa hangin at araw sa barko, na dati ay hanggang bewang at shiny. Ang balat niya na bahagyang nangitim at bahagyang nagdry, hindi na tulad noon na makinis at maputi. Nangangalumata na rin ang ilalim ng mata niya. Nakaramdam tuloy siya ng takot na harapin si Cally. Will he accept her? Kinuha niya ang roba at sinuot iyon. Isang paperbag na may laman na maternity dress ang nasa ibabaw ng kama. Hindi napigilan ni Prin na humagulgol habang pinaandar at hinahaplos ang tela ng damit. Sa loob kasi ng mahabang panahon, nagtyaga siya na suot lang ang saya at simpleng blusa kasabay ni Cassandra. Naging estranghero tuloy kay Prin ang mga bagay sa loob ng kwarto. Iyak lang siya ng iyak habang haplos-haplos ang tela na iyon hanggang sa magdilim na lang ang paningin niya. Isang maid sa mansyon ang nakakita kay Prin na walang malay sa sahig dahil lilinisin sana nito ang shower room sa kwarto. Nataranta ang babae at sinabi agad kay Madam Lira ang nangyari sa kanya. ===== Dahan-dahan na nagmulat ng mata si Prin. Unang nasilayan niya ang mukha ni Cally. ''Panaginip ba ito?'' Nakatayo lang ito sa pinaka gilid ng kama habang nakatingin sa kanya. "C-Cally?" Sa wakas ay nakita niya na muli ito ng harapan. Kinagat ni Prin ang labi niya dahil parang gustong kumawala ng mga luha niya sa mata sa muli nilang pagkikita. Gayunpaman, hindi rin niya napigilan. Ilang taon siyang nagkimkim, ilang taon siyang humiling na makabalik. Ilang taon siyang nagtiis. Nagpasalamat siya dahil binigyan siya ng panginoon ng pagkakataon na makasama ito ng dalawang beses sa nakalipas. Una sa Spain, pangalawa sa Korea. Lahat ng detalye sa loob ng dalawang magkaibang panahon na iyon ay isinapuso niya talaga. Tumabi sa kanya si Cally sa gilid ng kama. Niyakap siya nito. Iyak lang ng iyak si Prin. "Hush¡­" pinatatahimik siya nito. Sinandal ni Prin ang ulo niya sa balikat ng asawa. Ilang beses niya ba na hiniling na muli niyang mayakap si Cally. "I''m sorry Cally, I''m sorry¡­" sa loob kasi ng ilang taon hindi niya nagawang makauwi. Kinain siya ng takot kay Captain Yeo. "Hush¡­" nasasaktan si Cally na makita si Prin sa ganong lagay. Hinalikan niya sa noo ang asawa at pilit na pinatahan. Kinalma ni Prin ang sarili. May dextrose pa ang braso niya at alam niya na makakasama iyon sa lagay nilang mag-ina. Sigurado na naging down din ang pakiramdam niya kaya ganoon ang lagay niya -- may dextrose at sigurado na nawalan din siya ng malay. "Honey, tell me¡­ Why are you pregnant?" tanong ni Cally matapos ang mahabang katahimikan habang nakatingin sa bilog na tiyan ni Prin. Walang nakapagbigay sa kanya ng impormasyon na nagdadalang-tao ang asawa niya kaya nagulat siya na makitang malaki ang tiyan nito. Ngumiti ng mapait si Prin. "he''s our child. Feel it" Dahan-dahan na nilapat ni Cally ang kamay niya sa tiyan ni Prin. Pumikit siya para mas maramdaman ang bata sa loob. Hindi niya naiwasan na maiyak sa harap ni Prin habang haplos ang bilog na tiyan nito. Nagbalik kasi sa kanya ang lahat ng nabasa niya na pinagdaanan ni Prin. Gaano kalalim ang sugat nito sa loob ng ilang taon? Hindi niya pa akalain na nagbunga ang isang gabi na iyon na huli nilang pagkikita. Ano ang dinanas ni Prin sa barko habang nagdadalang tao? Nakasama niya na ito ng minsan pero binawi rin agad. He cried having the thought of these things. Nilapit niya ang sarili kay Prin at hinawakan ang pisngi nito. "I''m sorry honey¡­ kung mas inigihan ko pa sana ang paghahanap sa iyo" Titig na titig siya sa mata ni Prin na parehas pa rin tulad ng dati. Hinalikan niya sa noo ang asawa. "Nangangako ako na ipaghihiganti ko kayo ng anak natin" he kissed her lips, her eyes and every part of her face habang hawak ni Cally ang panga niya. "By the way, I still have the capsule bomb in my head." pagbibigay-alam ni Prin. "Yes, Christen and Mat will help us." Niyakap niya muli ang asawa. "I''m glad that you are back, my baby panda" Chapter 200 - Ecstacy [Feibulous : SPG Content, I will not recommend this chapter sa youngsters. Skip muna kayo mga bebe] Nasabi na kay Lorenz na nakasama si Cassandra sa pagbawi kay Prin. Masaya siya na matapos ang ilang buwan ay makikita na muli niya ito. Para siyang nagkaroon ng crush sa unang pagkakataon. Hindi pala crush dahil may gusto siyang gawin sa babae na parang lason sa pagkatao niya. Pinangigigilan niya talaga ang babae na parang droga at gustong-gusto na niyang tapusin ang pananabik niya dito. Matapos maihatid si Cally sa kwarto kung saan naroon si Prin, hinanap niya agad si Cassandra na nasa ibang kwarto. "Nasaan ang kasama ni Prin?" Tanong niya sa maid. "Shogun, ''yung kwarto po na iyon" tinuro nito ang kaliwang kwarto na nasa dulong bahagi ng pasilyo. "Okay" saka siya naglakad patungo sa kwarto na iyon. He is excited. Dapat ay mas ma-excite siya dahil nakauwi na si Prin na isa siya sa mga dahilan kung bakit ito nawala sa mahabang panahon, pero hindi niya mapigilan na makita si Cassandra. Kinatok niya ang pintuan nito. Matapos ang ilang saglit, bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Cassandra. May nakapalupot na towel sa ulo nito at nakaroba. Napalunok si Lorenz. Nabigla naman ang dalaga. Hindi niya napigilan na yakapin at halikan ang babae na akala mo ay isa siyang asawang lalaki na matagal na hindi nakita ang misis niya. Hawak niya sa panga si Cassandra at ang isang kamay nakaikot sa bewang nito na bahagya pang pumipisil sa katawan ng dalaga. He missed her kahit pa saglit lang sila na nagkakilala noon. Matapos ang ilang palitan ng kagat sa labi, bumitiw ang labi niya saglit sa babae na nakaawang ang bibig. Halatang nabigla ito sa ginawa niya. Ramdam pa nila ang init ng hininga dahil sa ilang sentimetro lang na layo. "Can I come in?" Tanong ni Lorenz kay Cassandra. Namula ang pisngi ni Cassandra. Hindi na hinintay ni Lorenz ang sagot ng dalaga at tuluyan niyang tinulak ito papasok, saka tinulak ng paa pasara ang pintuan. Wala ng atrasan ito, it''s now or never. Kaya hinubad niya agad ang itim na Tshirt na suot. Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa babae, basta nakalalango ito na parang droga. Bumagsak ang towel sa buhok ng dalaga. Sabay silang bumagsak sa kama. Walang normal na kamustahan. Baka kasi may masabi siya na ika-offend nito. Sa ganitong paraan niya gustong kamustahin si Cassandra at mukhang okay naman sa babae, kaya bakit siya magpipigil? Inangat ni Lorenz saglit ang mukha niya matapos niyang magsawa sa labi nito "How are you?" Pinagapang niya ang kamay mula sa leeg, sa dibdib hanggang sa tali ng roba nito na bahagyang nagulo habang tinatanong. Nakaawang ang labi ni Cassandra at hindi makapagsalita dahil baka mapaungol siya kasabay ng pagsagot. "G-good¡­" parang nahihirapan na sabi. Napapikit siya dahil ramdam niya ang init ng palad ni Lorenz na gumagapang sa tiyan niya matapos nitong buksan ang roba. Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang lalaki kahit ng ibuka nito ang roba ng tuluyan. "H-how are you?" Balik na tanong ni Cassandra. Nanginginig ang kalamnan niya dahil gumagapang ang kamay ng lalaki paakyat sa dibdib niya. Kakaiba ang sensasyon na binibigay ng binata sa kanya ng mga oras na iyon na parang gusto niyang uminom ng tubig. Napalunok si Cassandra. Yakap-yakap siya ay gumilid silang dalawa ng higa. Magkatapat na nakatagilid. "I''m good¡­" sagot din ng binata saka nito pinisil ang dibdib niya. Malaki ang dibdib ni Cassandra, 36c, kaya mas nanggigil ang binata sa pagpisil doon. Habang ang isang kamay ay humahaplos sa likod ni Cassandra. Napasinghap si Cassandra kasabay ng pagsabunot sa buhok nito. She wanted more kaya hawak niya ng mahigpit ang ulo ni Lorenz na pumapapak sa dibdib niya. Siguro dahil ang binata pa lang ang unang nagparanas sa kanya ng kakaibang sensasyon na iyon sa loob ng bente siyete na nabubuhay siya sa mundo kaya hindi niya ito mapigilan. Kakaibang saya ang pinararanas sa kanya ni Lorenz sa oras na iyon, tila ecstacy sila ng bawat isa. Inangat nito ang binti niya gamit ang tuhod habang patuloy lang ito sa paghalik sa matayog niyang dibdib at leeg. May mahihinang ungol na kumawala sa kanya dahil sa saya na binibigay ng binata. She can''t explain. "Ahhhh!" Nanlaki na lang ang mata ni Cassandra ng ipasok nito ang daliri sa pagkababae niya. He plays her labia. Napakapit ng mahigpit ang dalaga sa balikat nito habang ginagawa nito iyon. Gustong magmura ng dalaga. "Yeah, I miss you too¡­" sagot ng binata. Mabuti na lang at kumaibigan siya kay Mat-mat na maraming bala ng Xrated film. So, matapos pag-aralan iyon, nasa application and experiment na siya ngayon. Pinaghandaan niya talaga ang muli nilang pagkikita ng babae, Nakaangat ang labi ni Cassandra, she likes what he is doing. Parang kinikiliti ang ibabang bahagi ng katawan niya. Para siyang maiihi na ewan. "You are so ready¡­" bulong ni Lorenz. Saglit itong tumayo at tinuntong lang ng isang tuhod ang kama. Tinanggal nito sa magkabilang braso niya ang roba. Napalunok si Cassandra. Langong lango na siya sa ginawa ng binata at saglit siyang nadismaya ng tumayo ito saglit. Pumikit si Cassandra at naghintay. Napakagat siya ng labi dahil tila may likido na patuloy na lumalabas sa pagkababae niya. "Did you miss me too?" Tanong ni Lorenz "Y-yes" Narinig niya ang tunog ng bakal ng sinturon nito. Napakagat labi siya. Hindi pa nga pormal na nagpakilala sa kanya ang binata. Gayunpaman, she is waiting for him. She really wanted him. "Obviously." Sagot nito saka bumaba ang katawan sa kanya. Mas ramdam na ni Cassandra ang init sa loob ng kwarto. He spread her legs using his right knee. He played her again using his hard thing na mas nakakabaliw. Nakakapigil ng hininga. "Ohhhh my god!" Kumawala sa bibig ni Cassandra habang nakatitig sa mata ni Lorenz dahil sa ibang sensasyon na iyon. Napangisi naman ang binata saka siya binigyan ng halik. "My poison Ivy, you are so ready." Saka dahan-dahan na pumasok sa loob. Chapter 201 - Alipin Nakagat ni Cassandra ang ibabang labi. Never in her wild imaginations na sasabak siya sa ganon sa lalaking hindi niya pa lubusan na nakikilala. Matapang ang awra ni Lorenz dahilan siguro para ma-possess ang buong pagkatao niya dito. Nagpatianod siya sa galaw ng lalaki. Kagat pa nito ang ibabang labi na halatang nangigigil sa kanya. "Hah.. haah¡­" napapasinghap si Sandra sa kilos nito. She spread her legs para buong tanggapin ang lalaki. Parang ayaw niyang bumitaw. Ipinatong pa nga niya ang dalawang hita sa likod nito habang dinadama ang katawan ng binata. Huling naranasan ni Lorenz ang kakaibang saya na tulad nito ay kapag makukuha niya ang Shogun position. Sa lahat ng gyera na sinabak niya, sa lahat ng panalo na nakuha niya, may kakaibang saya na dinudulot sa kanya ang mga bagay na iyon. Kakaibang excitement ang nararamdaman niya sa oras na iyon habang nakikipag-niig kay Cassandra. It was like he is under her spell. Nakakadagdag pa sa excitement niya ang marinig ang kakaibang tunog mula sa balat nila tuwing kikilos siya. Parang pumapalakpak ang mga balat nila at kino-congrats silang dalawa. Ewan ni Lorenz, basta nangigigil siya sa babae at gusto niyang ibaon ang sarili sa buong pagkababae nito. He wanted to dominate her inner core. Gumilid siya sa likod nito. Kinuha niya ang kamay ni Sandra and he let her feel him mula sa likuran. "How was it?" "I-it''s sticky¡­ long and hard" halos hindi masabi ng dalaga. Kinukulang kasi siya sa hangin. She wanted more. "Hmm¡­ It''s your fault¡­" bulong ni Lorenz. Wala pa siyang tulog kung tutuusin at may jetlag pa siya mula sa byahe sa Maynila. Basta tuwing makikita si Cassandra, he wanted to do this to her. Kahit oras-oras. "Sandra, are you ready to have all of it?" Hindi na hinintay ni Lorenz ang sagot nito. Mula sa likuran, pinilit niyang mag-iwan ng marka sa leeg nito saka sinakop muli ang labi habang nakakapit sa leeg. "Ahhhh! my god!" Natutop ng dalaga ang bibig habang nanlalaki ang mata. Ramdam niya ang buong pagkalalaki nito sa loob, katulad ng sabi nito. It''s twitching and getting bigger inside na mas nakakabaliw. Unang araw niya pa lang sa bahay na iyon at heto siya, Lorenz dominated her at gusto niyang magpaalipin. Gusto niya ang kakaibang ginagawa nito. He banged her nang mas malalim. At mas malalim, mas masaya. Walang nagawa si Cassandra kundi magpaalipin sa lalaki nang hindi niya alam kung ilang beses at kung gaano katagal. ===== Masama ang loob ni Cally dahil namaltrato ang asawa niya sa loob ng maraming taon. Handa siya na libutin ang buong mundo para hanapin muli ang Maria Celeste 1 para sa asawa na si Prin. "Let me hear your story, Honey" nakaupo sa silya na nasa tabi ng kama si Cally habang nakahiga at sakop ni Prin ang buong kama. He wanted to see her face kaya mas pinili niya na maupo sa silya. Gusto niyang magsawa sa mukha ni Prin kaya ang dalawang braso niya lang ang nakasandal sa kutson. Nakahiga si Prin sa malambot na kama. Gusto niyang maiyak. Sa loob ng ilang taon, ngayon lang siya ulit nakahiga sa ganon kalambot na kama. Parang hindi nga siya sanay. "Sigurado ka ba na hindi ka masasaktan?" Paninigurado ni Prin. Hindi maipapangako ni Cally but he wanted every detail kung ano ang nangyari kay Prin sa loob ng maraming taon. Sinusuklay ni Cally ang buhok ni Prin. Ang paborito niyang gawin noon, ang iikot ang buhok nito sa daliri niya. Namiss niya ang bagay na iyon. Ikinuwento ni Prin ang lahat ng nangyari. "Anyway, how did you get my dog tag?" "Binenta ni Cassandra kay Lorenz noong nasa Puerto del Carmen kami" Natahimik si Prin. "I saw you that time in a hotel suite. Nag-iwan ako ng notes na hanapin mo ako. You never saw it?" Kumunot ang noo ni Cally. Hindi niya kasi talaga nakita ang notes nito. "That night I was hiding in the pine trees. Gusto ko nang sumunod sa inyo. I told myself, ''bahala na! if this is my last chance so be it''." Nagsimula muling kumislap ang mata ni Prin dahil sa luha. "... pero wala akong magawa." "Oh Honey, I''m sorry." Hinalikan nito ang kamay niya. She''s right. Sigurado na masasaktan talaga siya. "...tell me good things that happened to you" sabi na lang ni Cally. "I know how to cook." Biglang napakislot si Prin. Gumalaw kasi ang tiyan niya bago pa siya magsimulang magkwento. "Feel it" nakangiti niyang sabi kay Cally. Nilapit ni Cally ang kamay sa tiyan ni Prin. Parang gusto niyang maluha sa sobrang saya. Kahit pinaglayo silang pamilya, isang milagro pa rin na pinagsama-sama sila sa huli. Chapter 202 - Guinea pig Kinailangan ni Cally na dadalhin si Prin sa Maynila para ipa-check kay Christen. His sister has a big hospital located in Manila. Ang kapatid niya bilang surgeon at OB-gynecologist lang ang kilala niya na makakatulong sa kanila sa oras na iyon. Idagdag na rin ang tulong mula sa Mommy niya, kay Mat-mat at sa iba pa. Kaya sabay-sabay silang umuwi kasama si Lorenz at Cassandra. Sa airport pa lang ay nagluluha na ang mata ni Prin nang makita niya ang magulang na matiyagang naghihintay sa pagdating niya. "Mom... Daddy¡­" hindi na napigilan ang humagulgol at niyakap ang magulang niya. "My baby¡­" mahinang bulong ng mommy niya habang humihikbi. Nakakuyom naman ang kamao ni Rob Matsui. He is angry. Galit talaga siya sa kung ano ang nangyari sa anak niyang si Prin. He ruled the world, but he didn''t do anything to save his princess sa loob ng ilang taon. Nabigla talaga silang mag-asawa nang mabalitaan na nasa UK si Cally para sundin ang anak nila ni Ingrid. Hinaplos ni Ingrid ang pisngi ni Prin habang lumuluha. Her baby. Her child was just 19 nang huling araw na magkita sila. She looks older and matured now. Halos ikamatay niya pitong taon ang nakaraan nang malaman niya na nahulog sa bangin ang anak at parang nilamon ng dagat matapos makipaglaban sa grupo ni Gon Peter. Muntikan pa nga na madamay ang relasyon nilang mag-asawa dahil matindi ang pagtutol niya noon na maging Dark Guard ang anak niyang si Prin. Malaki talaga ang gulat niya lalo na nang makita ang malaki at bilog na tiyan nito. "Darling¡­ My Baby..." mahihinang usal ni Ingrid habang yakap si Prin. "Mommy¡­ Daddy..." sabay silang humihikbi habang mahigpit ang yakap sa isa''t-isa. "Dont cry, Honey. Makakasama sa baby mo, ilang araw ka nang umiiyak" paalala ni Cally sa asawa niya. Dumiretso sila sa ospital para ipa-check kay Christen ang anak nila ni Cally. Nasa ospital ang halos buong pamilya ni Cally para salubungin siya. Masaya si Prin na makita muli ang buong pamilya ng asawa. Si Crayon at Crayola ay parehas ng dalaga at binata. She remembered clearly kung paano nilampaso ng dalawa ang kaeskwela na si Sean noon, napangiti si Prin nang maalala ang bagay na iyon. Pinagpahinga muna siya sa isang kwarto sa ospital. Kwarto daw ''yun na nakalaan talaga para kay Cally. Malaki ang kwarto, may king size bed, ref, mga aparato na gamit sa ospital, malaking TV tatlong malalaking sofa para sa bisita. At malaking restroom. Ayaw siyang iwan ng Mommy niya kaya tinabihan siya nito habang nakaupo sa kama para kamustahin ang lagay niya. Niyakap niya lang ito sa bewang habang haplos nito ang umikli niyang buhok. Akala ni Prin ay naka-move on na siya sa sakit. Mas masakit pala kapag nayakap mong muli ang magulang mo matapos ang mahabang panahon. Masakit na masaya. Iniwan muna ni Cally si Prin sa kamay ng mommy nito. Sabay na tinungo ni Cally at Rob ang katabing kwarto. Isang conference room iyon kung saan naghihintay si Ginny, si Christen, si Lorenz, Cassandra, si Mat-mat, si Doc Mikko na isa ring surgeon na kuya ni Kai at si Kai Jang. Hindi pa nakikita ni Prin si Mat-mat at Kai dahil inuna munang kausapin ni Cally ang dalawa kasabay ng iba pa. Umupo si Cally sa pinakadulong bahagi ng mahabang table kung saan magkakatabi na nakaupo ang mga kasama sa magkabilang gilid. "I gathered everyone because I need your help." Malungkot na sabi ni Cally. "...May maliit na bomb si Cassandra at Prin na halos kasinlaki ng medicine capsule sa itaas na bahagi ng batok nila. And I don''t know kung paano natin iyon tatanggalin. Ang sabi ni Aiden, basta may 100 kilometers na layo mula sa detonator ay walang mangyayari sa kanila. But having the thoughts of the bomb in Prin''s head¡­" hindi na maituloy ni Cally ang sasabihin at napakuyom na lang ng kamao. "I am willing to be your guinea pig for this project." saad ni Cassandra. Lihim na pinisil ni Lorenz ang kamay ng dalaga sa ilalim ng mesa. "You guys helped me para makaalis sa poder ni Captain Yeo. It''s not nice if I don''t return the favor." Paliwanag ng dalaga. Hindi sikreto kay Cassandra na nagbayad ng isang bilyon ang grupo ni Cally para sabay silang makuha ni Prin sa barko. Aiden paid gold bars, notes, cold cash para makuha sila ni Prin. "I agree. Prin is pregnant and it''s not good if we do surgery sa kanya ngayon. You have to endure this, Cally." Malungkot na sabi ni Christen sa kuya niya. "Honey, we will do our best for Prin, okay?" Nakangiti na sabi ni Ginny kay Cally habang parehas na hawak nito ang kamay niya. Sa meeting na iyon, nabuo ang isang plano kung paano ililigtas si Cassandra at Prin mula sa bomba. Chapter 203 - To rule the world MOUNT JIUHUA, ANHUI CHINA Isang templo ang tinayo ni Gon Peter sa bundok ng Mount Jiuhua walong taon ang nakalipas matapos niyang tumakas sa laban ng Dark Lords. Mataas ang bundok na iyon at malamig ang klima. Sapat lang para mamuhay sa lugar na iyon ang Panibagong batch ng White guards na nagt-train din sa loob ng mahabang panahon. Tatlong properties ang mayroon siya sa China at lahat ng iyon ay matatagpuan sa tuktok ng bundok. Maswerte si Cally na hindi siya handa walong taon ang nakalipas kaya ito nagwagi sa laban. Tatlong daang miyembro ng White Guards ang namatay nang panahon na iyon sa kamay ng iilang miyembro lang ng Dark Guards. Siguro masasabi na nagtagumpay na rin siya dahil namatay ang asawa ni Cally na si Prin Matsui. Ang pinaka-hide out niya sa lahat ay ang Jade Dragon Snowy Mountain dahil matarik ang lugar. May snow at alam niya na hindi siya basta-basta matutunton ni Cally. Hinahatid lang siya at ang iba pang kasama ng SkyJet sa bundok kaya niya nagagawa na tumira doon. Kamuntikan na siyang mahuli ni Cally isang taon mahigit ang nakaraan dahil kay Beauty Magpayo. Mabuti na lang at wala siya sa lugar nang sumugod ang grupo ni Cally noon. Sa ngayon ay patuloy siya sa pagkalap ng balita sa pamilya ng Kent. Isang pasilyo ang nilakaran niya na may pulang pintura. Saka pumasok sa isang maliit na kwarto na nasa pinakadulong bahagi. Sinindihan niya ng insenso ang tapat ng jar kung saan naroon ang abo ng Mommy niya at Lolo niya na si John Peter. Nakalagay sa magkaibang urn sa isang altar na nasa loob din ng templo. Nangako siya sa mga ninuno na kukunin niya ang position bilang Headmaster sa mga Kent pagdating ng araw. Sabay na binuo ng Lolo niya at ni Master Kent ang Dark Lords. Pero hindi niya akalain na huhusgahan ang Mommy niya sa Sky Cell dahilan para manahimik ang pamilya niya sa loob ng ilang taon. Ang Sky Cell ay tila isang tower na pag-aari ng mga Jackson na nasa Ireland. Doon hinuhusgahan ang kung sino man ang may kasalanan sa Dark Lords. Literal na Sky Cell ang lugar dahil nakakulong sa loob ng kwadradong rehas ang may sala na nakasabit sa makapal na bakal. Maihahalintulad sa ibon na nakakulong ang kung sino man na nasa loob ng Sky Cell. Pagbobotohan ng pitong pamilya kung nararapat ka pang bigyan ng pagkakataon o hindi na. Kung hindi na bibigyan pa ng pagkakataon, puputulin lang ang bakal na sumusuporta sa rehas. At sabay na babagsak sa ibaba na may taas na fifty meters ang kung sino man na mahusgahan. Siguradong durog ang katawan ng kung sino man ang hinatulan. Isang kasalanan ang ginawa ng Mommy niya na apo ni John Peter. Nakipagkasundo ito kay Ember Richards na matalik na kaibigan ng Mommy niya para saktan ang Mommy ni Cally na si Ginny Lopez dahilan para sabay na mahusgahan ito at si Ember. Limang taon lang siya noon at walang alam sa nangyayari. Kaya''t sinabihan siya ni John Peter na bawiin ang Dark Lords sa mga Kent to rule the world. Noon pa man ay alam niya na isang sikretong organisasyon ang Dark Lords na nakikipag-ugnayan sa kung sinu-sinong pinuno ng kung anu-anong bansa. The Headmaster could earn Millions of dollars everyday na lalong nakapagpa-excite sa kanya kahit nakaupo lang ito sa kwarto. He can also earn respect from all over the world. And he promised to fight the position habang wala pang blessing kay Cally ang lima pang pamilya. Nabuo ang pagkamuhi niya sa mga Kent habang lumalaki siya, bukod kay Madam Lira. Natatandaan niya na madalas siyang ipatawag ni Madam Lira simula pa lang bata siya. Pinapakain siya nito ng mga niluto nitong tinapay. May regalo rin siyang natatanggap tuwing birthday niya, pasko at kung ano pang mahalagang okasyon. Hindi siya nagdalawang-isip na baka pinaplastik lang siya nito dahil mabait si Madam Lira. Ilan ang inampon nito at pinatuloy sa Mansyon ng mga Kent. Isa pa, pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang. Natatandaan niya pa nang ma-bully siya sa eskwelahan, nilabanan niya ng suntok ang kaklase niya na iyon. Si Madam Lira ang nagpunta sa eskwelahan niya at nagalit sa school para ipagtangol siya. Tinapos niya ang pagbabalik-tanaw at nagbigay galang siya sa Urns na nasa harapan. Ipinagdasal ang Mommy niya at si John Peter. ''Pag labas niya sa maliit na kwarto, naghihintay sa kanya si Levan. Nagpatuloy lang siya sa paglakad patungo sa isang kwarto habang kausap ito. "Anong balita?" "Nagbalik si Prin Matsui." sagot ni Levan. Napatigil sa paglakad si Gon at hinarap ito. "Anong ibig mong sabihin?" "Master, buhay si Prin and she''s back with a child" Chapter 204 - Yummy and Delicious Matapos ang meeting ni Cally sa lahat, nanatiling nakaupo si Mat-mat sa harapan ng laptop niya at masama ang tingin kay Lorenz. "Nagpunta ka lang ng UK, may lovelife ka na pagbalik?" tanong nito sa binata na para bang may ginawa itong kasalanan sa kanya. Namula ang mukha ni Cassandra at bahagyang yumuko. "Miss Sandra, tell me. Masarap ba siya?" tanong nito. Gustong makasigurado ni Mat-mat kung ano ang meron ang Shogun at bakit nauna pa itong magkapuntos kaysa sa kanya. Cassandra "..." Kinutusan ito agad ni Kai. "Gagu! Pwede bang minsan kalma ka din sa pagtatanong. kung makapagtanong ka, akala mo close na kayo agad!" "Bakit? Wala naman akong masamang sinabi ah. Tinanong ko lang kung masarap si Shogun. Gusto ko lang malaman kung na-apply na ba niya ang mga tinuro ko sa kanya. Hehe, tingin ko naiinggit ka lang dahil hindi ko tinanong si Bella kung masarap ka din." sabi habang sapo nito ang nasaktan na bumbunan. Kung tutuusin mahina lang ang pagkakakutos ni Kai pero masakit pa rin para kay Mat-mat. Sino ba ang masasarapan na makutusan ng leader ng Black Guard? Pero nagpasalamat na rin siya dahil hindi si Lorenz ang gumawa n''on dahil baka tumabi siya kay Prin sa hospital bed nito. "Lakas mong makapagtanong, samantalang hindi ka nga makapuntos kay Donna." Balik ni Lorenz. Matapos na sabihin ''yon ay inakay na nito si Cassandra palabas ng kwarto. Pero huminto ang dalaga sa harap ni Mat-mat. "Sa tanong mo, ang sagot ko ay ''Yes''. Masarap si Lorenz. Thanks!" sabi nito na walang bahid ng pagka-kimi. Mat and Kai "...." Sa pananaw ni Sandra, wala naman siyang dapat na itago. Hindi naman siya nabastusan kay Mat-mat at naging honest lang siya sa sagot niya. Napangisi lang si Lorenz bago tuluyang umalis nang nakaakbay sa dalaga. Sa iilang pagkakataon, hindi nakapag-react si Mat-mat at namula ang pisngi niya. Napapailing si Cally na papalabas pa lang ng pintuan. "Alam mo pinsan, kung hindi ka lang magaling sa computer iisipin ko na anak ka ni Uncle Lloyd." sabi nito bago tuluyang lumabas. Nilingon naman ni Mat-mat si Kai. "Kai Jang. Tell me, may problema ba sa akin? Bakit si Shogun nauna pa yata ang bakbakan kaysa sa ligawan? Samantalang ako, yung girlfriend ko ni dulo ng daliri hindi ko mahawakan" sabi nito nang nakanguso. "Haay ewan ko sa iyo. Tingin ko nagkaroon na ng computer virus ang utak mo kaya ka ganyan. Kapapanood mo yan ng p.o.r.n kaya napollute na masyado ang utak mo." "Excuse me! Top one hacker ako noh!" "Hehe. hindi ako naniniwala dahil nalusutan ka ni Sir Brent" nakangisi na saad ni Kai. nasabi na sa kanila ni Cally nang nagdaang araw na alam nito ang mga pinaggagawa nila sa nakalipas na buwan, at nakuha nito ang parehas na files sa tulong ng Daddy ni Mat-mat. Napapailing na lang si Kai bago iniwan ang manyak niyang kaibigan para dalawin si Prin sa kabilang kwarto. Naiwan si Mat-mat sa loob na kwarto at nag-isip ng malalim. Hindi niya kasi akalain na siya pa ang mapag-iiwanan sa kanilang lahat. Sinarado niya ang computer, saka lihim na napangiti. Kinuha niya ang telepono at tinawagan ang nobya niya na si Donna. Matapos ang dalawang ring sinagot din naman nito agad. "Hello, Donna dear! Nasaan ka ngayon?" "Anong problema mo?" angil agad nito sa kabilang linya. "Ang sungit agad. Aayain lang kita mag-dinner." "Matty, kung may pinaplano ka sa akin mamayang gabi, lalasunin kita agad! Papunta ka pa lang pabalik na ako! Nakalimutan mo yata nag-train ako bilang Dark Guard. I can read your mind!" ''Well, I am praying na sana hindi mo mabasa ang nasa isipan ko dahil puno na siya ng kamanyakan.'' isip ni Mat-mat. "Donna My love, hindi ka ba naaawa sa akin? Si Shogun may nobya na, pero nauna pa yata ang bakbakan bago sila magpakilala sa isa''t-isa. Imagine this, three days ago he is still single. Walang paramdam na pagbalik may girlfriend na!" "Matty, may problema ka ba sa akin?!" angil nito. "Donna my dear, wala akong problema sa iyo. I love you to the moon and back, pero utang na loob naman sana hinahayaan mo rin ako na maka score dahil kawawang kawawa na ang alaga ko. Si Prin nagbalik at may kasama pang anak. Hindi ko alam kung paano sila nakalusot ni Cally sa pagkakawalay nila ng seven years!" "Si Shogun, nagbalik at may nobya na! Si Kai, hmm I don''t want to talk about him dahil baka pati ikaw mainggit!" Umiikot ang mata ni Donna sa kabilang linya at napapailing. Sino ba naman ang papayag sa trip ng nobyo niya, kung ang gusto nito ay ''yung sumisigaw habang nakikipag-kemehan? Yung tipong rinig daw ng kapitbahay na may ginagawa kayo. Unang araw pa lang nila na mag-nobyo binigay na nito ang terms and conditions particular sa s.e.x. Nawirduhan siya ng una, kaya binigay niya rin ang Terms and Conditions niya -- ''Bawal ang S.e.x!'' Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa terms niya. Chapter 205 - Compatible (1) Saan at paano nga ba nagsimula ang lovelife ni Mat-mat? Batong-bato na si Donna kaya naisipan niyang magpunta sa White Devil. Pa''no ba naman kasi, ilang taon na siyang pinipilit ng magulang niya na magpakasal. Bente nuwebe anyos na kasi siya at wala pa siyang boyfriend! Nagkaroon naman siya ng mga karelasyon sa nakalipas at ang huli ay nangyari, six years ago! Nitong mga nakaraang taon ay hindi siya makahanap ng lovelife dahil busy siya sa trabaho. Matapos kasi niyang umalis bilang trainee ng Dark Guards, pinagpatuloy niya ang pag-aaral ng business kasabay ng pag-aaral niya ng stock trading na trabaho ng Daddy niya. Dahil sa pagkainis sa magulang sa pagreto ng mga ito sa kung sinu-sino, nagpunta siya ng White Devil para aliwin ang sarili. Nakita niya si Cally pagpasok niya pa lang sa bungad ng bar. Matagal na silang magkaibigan na nagsimula pa ng high school. Kakamustahin sana niya si Lorenz dito pero agad na itong nag-excuse sa kanya na sasagutin ang tawag sa telepono. "Donna, pinsan ko ''yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya kung okay lang." paalam ni Cally tapos ay mabilis na nawala sa harapan niya. Kumunot ang noo niya nang makilala ang lalaking tinuro nito na sumasayaw sa dance floor. Hindi niya kilala ang lalaki, pero dahil kilala niya si Anthony na isa pang pinsan ni Cally, sigurado siya na si Mat-mat ang sumasayaw na iyon na isa pang pinsan nito. Umorder na lang siya ng ladies drinks sa bartender. Nilingon niya muli ang lalaki na nasa dance floor at nawawala na ito doon. "Hmmm.. nas''an na ''yon?" She extended her neck para iikot ang paningin sa dance floor. Base sa awra ng lalaking may weird na buhok, sigurado siya na nakainom ''yon. Tumayo siya para hanapin sana ang ang pinsan ni Cally nang maramdaman na may sumusuri sa katawan niya na nasa gilid. Nakapangalumbaba pa ito na sinusuportahan ng isang braso. Nilingon niya ito at bahagyang nagtaas ang kilay niya. Sinundan ni Donna ang mata nito kung saan nakatingin. At nag-land ang mata niya sa dibdib niya. Bigla niya tuloy hinarang ang parehas na braso para i-cross sa dibdib niya at bahagyang ginilid ang katawan para itago iyon sa paningin nito. Dahil sa kilos niyang iyon, inangat nito ang tingin sa mukha niya. "I''m not done yet. Sinusukat ko pa" reklamo nito. Nanlaki ang mata ni Donna. Hindi na siya nag-isip pa, diretso niyang sinuntok ang mukha nito. "Awww!" hiyaw nito at hinawakan ang ilong na parang nabasag. "Bastos!" sigaw niya dito. Nakaagaw sila ng atensyon ng ibang customer. "Sorry na kung nabastusan ka sa akin. Tinitingnan ko lang kung swak siya sa palad ko." ang sabi habang hinihilot-hilot ang ilong. Lalong nanlaki ang mata ni Donna kaya bibigyan niya sana muli ng uppercut ang binata pero naitulak siya ng lalaking biglang umupo sa pwesto ni Cally ilang minuto ang nakalipas, kaya dumausdos siya ng yakap kay Mat-mat. "See? Sabi ko na e. Gusto mo din" malapad ang ngiti na sabi nito. Ang problema ni Donna nag-land nga ang kamay niya sa katawan nito. Pero nagland din ang parehas na palad nito sa magkabila niyang dibdib. Napakislot pa siya dahil bahagya nitong pinisil ang parehas niyang dibdib. "And I''m happy dahil hindi ko akalain na sukat ang palad ko sa kanila--." bago pa nito matapos ang sasabihin binigyan muli ni Donna ng suntok sa mukha si Mat-mat. Saka ito nilayuan at tuluyan na siyang umalis ng White Devil. Galit na galit si Donna na umuwi ng bahay. Gusto pa naman sana niyang magsaya kaya siya nagpunta sa White Devil pero hindi niya akalain na mababastos siya ng ganoon. Bahagya pang namula ang pisngi niya nang maisip na pinisil ng lalaking iyon ang dibdib niya. ==== Sumunod na nagkita sila ay sa Shareholders meeting ng MGM, ilang linggo lang matapos ang una nilang pagkikita. Shareholder ang Daddy ni Donna sa opisina ng MGM at ipinasa nito sa kanya ang 5%. Nakapila siya sa Starbucks na nasa ibaba ng building para bumili ng kape nang maramdaman na may sumisinghot sa batok niya. Nakaupo ang Daddy niya sa isa sa pinakamalapit na table sa kahera at naghihintay. Bigla ang pagharap niya sa kung sino man na manyak na nasa likod. Nagliwanag ang mukha ni Mat-mat nang makita at makilala siya. "Wow! Ikaw pala iyan! Kaya pala pamilyar" Sisinghalan sana niya ito pero nakita niya na nakakunot ang noo ng Daddy niya na nakatingin kay Mat-mat. "Nandyan ang Daddy ko kaya kung pwede, lumayo-layo ka sa akin" matigas na sabi niya dito kahit pa nakangiti siya. Pero sa loob-loob ni Donna ay gusto niyang pasabugin ang bungo ng lalaki. Inikot nito ang paningin sa paligid. Bago tinagpo ang mata ng Daddy ni Donna na nasa malapit lang. "Mr Montenegro? Oh! Hi Sir, Kayo pala iyan!" "Hello Matthew. Matagal tayong hindi nagkita! Yung Mobile Legends na tinuro mo sa akin masayang laruin!" nakangiti pa na sagot ng Daddy ni Donna. ''Mobile Legends?'' hindi akalain ni Donna na ang lalaking nasa harap ang nagturo ng bagay na ''yon sa daddy niya. "By the way, you know my daughter? Single din yan! Kaya kung may plano kang manligaw., Kahit live-in payag ako" Donna "..." Chapter 206 - Compatible (2) Manliligaw pa lang pero makikipag-live-in agad ang eksena? Ganito ba talaga kapag nagkakaedad na? Pinamimigay na ng magulang? Natuwa si Mat-mat sa sinabi ng may-edad na lalaki "Talaga po?" Humalukipkip si Donna. "Bago ka matuwa sinasabi ko agad sa iyo na hindi ako pumapayag na magpaligaw sa ''yo" saka tinalikuran ang binata at umorder ng pagkain sa kahera. Mas natuwa naman si Mat-mat sa pagsusuplada ni Donna. Sabi nga nila kapag mas suplada ang babae, mas may thrill sa mga kalalakihan. Mas masungit, mas challenging! O baka naman sa pananaw lang ''yon ni Mat-mat. Pero ano nga ba ang nagpa-excite kay Mat-mat kapag makikita niya ang dalaga? Walang iba kundi ang pisikal na anyo nito. Ang malaking mata ni Donna na sinamahan ng makapal na kilay. Ang pantay at maputing ngipin at manipis na labi na masarap panoorin kapag ngingiti. Ang kurba ng katawan na susukuan ng mga kalalakihan. Ang bilog na hita ng dalaga na tuwing makikita niya ay gusto niyang pisilin. At ang pinaka-mahalaga sa lahat, ang dibdib ng babae na sakto sa buong palad niya. Swak na swak! Nasukat niya na iyon kaya alam niya. Para siyang nananaginip ng gising habang nakatingin sa likod nito at umu-order. Tiningnan pa siya ng dalaga sa huling pagkakataon saka siya inirapan. Napangisi si Mat-mat sa dalaga. Dahil binigyan siya ng basbas ni Mr. Montenegro, gagamitin niya iyon bilang Ace card o kahit Joker card pa. Ang sumunod na pagkikita nila ay sa bahay na ni Donna nang umuwi siya mula sa opisina. "Donna, si Matthew nandito para dalawin ka." masayang bungad sa kanya ng Mommy niya. Nahilot na lang ni Donna ang noo at sentido niya. Halata kasi na binubugaw na siya ng magulang. Hindi siya interesado sa binata kaya hindi niya ito pinansin nang mapadaan siya sa sala ng bahay, inirapan pa nga niya ito. Saka siya nanatili sa kwarto ng magdamag. Sumunod na araw ay parehas na eksena, naroon ulit si Mat-mat at kausap ang Daddy niya sa kung anong bagay. Hanggang sa umabot iyon ng isang linggo. Hindi niya na kinaya matapos ang isang linggo na nakikita doon araw-araw si Mat-mat kaya hinila niya ito sa isang gilid. "Ano itong pinaplano mo?" Tanong niya sa binata. Nginisian muna siya nito. Habang tumatagal kasi, mas nag-eenjoy ang binata na makita siya araw-araw na naiinis. "Hindi ba obvious na nanliligaw ako katulad ng sabi ng Daddy mo?" Napaatras si Donna. At pinagmasdan ang lalaki. Sinusuri kung nagsasabi ito ng totoo. "Uuyy nai-inlove na siya¡­" pang-aasar nito. Pinalo niya ito sa dibdib. "Go home!" "Alam mo Donna Dear, alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay single ka pa rin" puna ni Mat-mat. Sumimangot si Donna. Sabihin lang talaga ng lalaki na ''kasi masungit ka'' ay siguradong palalayasin niya ito sa loob ng bahay nila. Pero taliwas iyon sa sinagot nito. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya saka bumulong. "Kasi, you are waiting for me." nanindig ang balahibo niya dahil sa init ng hininga nito. Napaatras siya lalo at namula ang pisngi sa sinabi nito kaya itinulak niya ang binata at hindi makatingin dito na tumakas. Hanggang umabot ang pagdalaw-dalaw nito sa loob ng isang buwan. Nasanay na siya na parang normal na lang ang lalaki doon sa bahay nila. Nasanay na rin siya na inaasar nito at nasanay na rin ito na makatikim ng irap mula sa kanya. Kaya naman ng dumating ang isang araw na hindi niya natagpuan ang lalaki sa bahay ay nagulat siya. Nakakunot ang noo na hinahanap ang presensya ng binata. Hindi niya pa alam kung paano magtatanong sa magulang kung nasaan ito. "W-where is Matty?" lakas-loob na tanong niya sa Daddy niya. Isang nakakalokong ngiti ang sinagot nito. Namula ang pisngi niya. "Hmp! Mabuti at wala siya dito! Nakakainis kasi ang kilos ng isang iyon! Kulang na lang ituring niyo ng anak talaga." Lalong lumapad ang pagkangisii ng Daddy niya. "W-what I mean, it''s okay if he is not around" pagsisinungaling niya saka tumuloy sa kwarto. Pero sa kwarto ay napuno siya ng lumbay. Akala pa naman kasi niya ay manliligaw talaga ang binata sa kanya at magt-tyaga, pero isang buwan lang pala ang kaya nitong itagal. Humiga siya sa kama saka tumitig sa kisame. ==== Lumipas ang isang linggo na hindi niya nakita si Mat-mat. Gustuhin man niya na magtanong sa magulang niya na halatang may alam ay hindi niya magawa. "Anak, hindi mo pa nauubos ang pagkain mo, parang dalawang subo lang ata ''yung kinain mo e." puna ng Mommy niya. "E kasi nami-miss niya si Matthew!" ang Daddy niya ang sumagot. Hindi niya na lang pinansin pa ang mga ito. Ang totoo nami-miss niya na nga ang binata tulad ng sabi ng Daddy niya. At gustong-gusto na niyang tawagan at magtanong kay Cally o Lorenz kung anong ganap kay Mat-mat, pero hindi kaya ng old-maid na pride niya ang bagay na iyon. Chapter 207 - Secret Boyfriend Ilang araw pa ang lumipas at tuluyan na niyang hindi nakita si Mat-mat. Gusto niya tuloy sakalin ang lalaki kung sakali na magkikita silang muli. ''Paasa!'' Kinailangan ni Donna na magpunta sa kasal ng pinsan niya. Ang problema, kasal din iyon ng ex-boyfriend niya. Yes, That''s right! Kasal iyon ng pinsan at ng ex niya. Magkasabay na naglalakad si Donna at ang magulang niya papasok sa loob ng wedding hall. Maganda ang bulwagan. May malaking screen pa sa gitna na patuloy na nagp-play ang mga larawan ng pre-nup ng ikakasal. Flowers everywhere at may pumapailanlang na mellow and jazz instrumental music. Ilang minuto pa bago magsisimula ang kasal kaya nilapitan muna nila ang mga kamag-anak. Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni Donna na magpunta sa kasal na iyon. ''Yun nga lang, ayaw niya rin na masabihan na hindi pa siya nakakamove-on sa ex-boyfriend niya. Saka alam niyo na, kung sino ang wala siya rin ang madalas na pulutan sa kwentuhan. At ayaw niyang mangyari sa kanya na maging topic sa tsismis ng pamilya sa araw na iyon. Tulad ng inaasahan, napuna na agad siya ng Tita Connie niya na nanay ng bride. At kapatid ng Mommy niya. "Don, you are here!" Bati nito. "Hello po" nakangiting bati niya. Binati rin nito ang magulang niya. "Nasaan ang asawa mo?" puntirya agad nito. Nakangiti pa ang tiyahin niya na akala mo ay wala lang dito ang tanong, kahit pa alam naman ng lahat ng kamag-anak niya na dalaga pa siya. ''sabi na eh'' oo na, siya na ang old-maid! Pinilit niyang ngumiti sa may-edad na babae. "Haay naku Connie, malapit na rin naman na ikasal ''yang anak ko. kaya'' wag mo nang pinagt-tripan pa." Sabad ng Mommy niya. "Talaga?" Gulat na tanong nito at halatang hindi naniniwala. "Oo naman, gwapo mayaman at saka matalino." pagyayabang ng Mommy niya. "Kukuha lang po ako ng drinks." Paalam niya para malayuan ito at makaiwas. Agad siyang tumalikod at nagpunta sa wine bar. Nagrequest siya ng red wine. Na-stress siya bigla. Ngunit hindi niya akalain na may kasunod na pasabog pa pala. "Donna?" nilingon niya ang tumawag at lumitaw sa kanya ang pinsan niyang si Mayet. Kapatid ng bride. "Hi!" bati niya dito. Pinilit niyang ngumiti. "Nandito ka pala. Hindi ko akalain na pupunta ka ha. May plano ka bang agawin ang groom kaya ka naparito? Hindi ka pa nakaka-move-on?" nakahalukipkip pa ito na halatang gusto gumawa ng away. Tumawa siya "Alam mo Dear, mukhang kayo itong hindi pa nakakamove on, e. Six years na kaming hiwalay ni Adan. Ikakasal na nga siya sa ate mo ''di ba? I remember clearly, sobrang taka nga ako na paano siyang napunta sa ate mo, samantalang¡­ ikaw ''yung nahuli ko na kasama niya sa kwarto." napangisi siya. Napalunok ito. Naging daan iyon para tumakas si Donna. Sakto naman na naiabot na ang request niyang red wine. Agad niyang nilagok iyon at mabigat na ibinagsak sa isang table na nadaanan. Nagpunta muna siya sa comfort room at doon nagre-touch. Ilang saglit lang, may pumasok na grupo ng mga babae na halatang kasali sa entourage. "Eeh, is this Donna?" nilingon niya ito at nakilala si Mildred, Maid of honor at bestfriend ng pinsan niya na bride. Hindi maganda ang relasyon niya sa babae kaya hindi niya ito pinansin at nagplano na lang na lumabas. Sinundan siya nito na hindi niya inasahan. "Hey, I''m not done with you! Why are you here?" "Because I''m invited. Thanks!" saka ito nilayuan. Lalong dumagdag ang problema niya dahil natagpuan niya si Adan, ang ex niya sa pasilyo na nagyoyosi. Reunion ba ngayon kaya ''yung mga kinaaayawan niya patuloy na lumilitaw sa harap niya? Nilingon siya nito. "Hello Don!" nakangisi ito sa kanya. "Congratulations Groom!" sabi niya lang pero patuloy siya sa lakad. Hinawakan siya nito sa braso nang mapadaan siya doon. "Bitiwan mo ako!" matigas na sabi niya dito. "Com''on, hindi mo ba ako namimiss?" tanong nito habang nakangisi. "Adan!" sigaw mula sa dulong bahagi ng pasilyo. And bride. Kasunod nito si Mildred. Agad siyang binitiwan ni Ex-boyfriend. "Hello Love" kakamot-kamot na sabi. Lumingon sa kanya ang pinsan niya saka humalukipkip. "Bakit kayo nagsosolo dito?! Don''t tell me Donna na may plano kang akitin ang mapapangasawa ko?" galit na sabi. Nagtaas ang kilay niya saka umismid. "Hmp! Sorry na lang, pero hindi ako nag-gwapuhan sa mapapangasawa mo. I have a fiance now, mayaman, mabango, pogi at higit sa lahat hindi babaero?" makahulugan na sabi niya. Nagalit agad ito. "At sino naman yan ha?" tanong ng pinsan niya. "Ako!" narinig nilang sigaw mula sa dulong pasilyo. Kumabog agad ang dibdib ni Donna ng makita si Mat-mat na naka-tuxedo na papalapit. Chapter 208 - Donna, My Love Lumapit si Mat-mat sa kanila at inakbayan siya nito. "Ako ''yung boyfriend niya na mayaman, pogi, mabango dahil araw-araw na naliligo at higit sa lahat hindi babaero." nakangisi na sabi ni Mat-mat. Tiningnan pa nito ang lalaki mula ulo hanggang paa at binigyang diin talaga ang ''araw-araw na naliligo''. Bahagyang natigilan ang dalawang babae nang makalapit si Mat-mat sa kanya. Napansin ni Donna na mukha na ngang naligo ang binata dahil clean cut na ang buhok nito at hindi na tulad nang mga nagdaang linggo na parang titirhan ng inakay, kaya saglit din siyang natigilan. "Who are you?" usisa ni Wendy na pinsan niya habang nakakunot ang noo. Dahil nandoon na si Mat-mat para magpanggap na boyfriend niya, ginatungan niya na lang ito at hinayaan na akbayan siya. Tutal naman ay tinutulungan siya nito sa kasinungalingan niya. "Boyfriend ko nga ''di ba?" sabi niya. "Bakit hindi ko nabalitaan na may boyfriend ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Mildred. Napangiti siya, mukhang sinusubaybayan talaga ng mga ito ang lovelife niya. "Donna my love, bakit hindi mo naman ako kinukwento sa kanila? Nagtatampo na ako. Pa-kiss muna ako para mawala ang tampo ko" kunwari ay nagtatampo talaga ito. Hinalikan siya nito sa pisngi. Lihim na siniko niya ang tagiliran nito. "Kung boyfriend ka talaga niya, p''wes sasabihin ko na sa iyo agad na inaakit niya ang groom awhile ago!" naiinis na sabi ng pinsan niya. Gusto pa yata nito na sirain ang relasyon niya kay Mat-mat kung sakali na totoo na nobyo niya ito. Napangiti lang si Donna. "Donna my Love, na-h-hurt na ako. Bakit ka nang-aakit ng iba? Samantalang mas pogi ako ng sampung paligo. Pakiss ulit!" hinalikan siya ulit nito sa pisngi. Kinurot niya ito sa tagiliran. Mukha kasing china-tsansingan na siya ng binata. Bahagya itong napakislot. "Anong nagustuhan mo kay Donna? May-edad na siya. Ako kuya 26 lang at ready to mingle." nakangiti ng matamis si Mildred kay Mat-mat. Nagtaas ang kilay niya. Kumunot naman ang noo ng binata. "Sorry na lang Dear, pero isa lang ang nasa puso ko at si Donna my Love lang iyon. Pakiss ulit." bago pa siya makapag-react ay hinalikan muli siya nito sa pisngi. "Magsisimula na ang kasal namin kaya itago mo yang girlfriend mo. Halika na!" ang sabi ni Wendy sabay singhal nito kay Adan. "Tara na rin My Love, namiss kita kaya pakiss ulit." hinagkan siya muli nito sa pisngi. Masama na ang tingin na pinupukol niya dito. Nakakarami na kasi ito ng tsansing sa kanya. "Matty, gusto mong sipain na kita." bulong niya dito na nangigigil. Matapos nito mawala ng ilang araw, babalik na lang at hahalik-halikan siya na parang walang nangyari? Lumingon muli sa kanila si Mildred. Ngumiti siya ng matamis kay Mat-mat. "I miss you too darling" pinisil niya ng todo ang pisngi nito. Bahagyang napapikit pa ang binata dahil sa sakit ng pagkakapisil niya. "Talaga namiss mo ko? I''m so tats! Pakiss ulit" bago pa siya maka-alma, hinalikan na siya nito muli sa pisngi. Umirap sa kanila ang babae saka mabilis na sumunod sa bride at groom. Nakaakbay lang si Mat-mat sa kanya sa buong kasal. Hinayaan niya lang ito dahil tulad ng bride at groom, nasa kanya ang atensyon ng mga kamag-anak. Iyon nga lang panay ang halik nito sa pisngi niya kada kibot. Natutuwa naman ang magulang niya dahil may improvement daw sa kanila ng binata. Ano nga ba ang nararamdaman ni Donna? Ang totoo, natutuwa siya na nakaakbay ito sa kanya. She felt secured habang nasa bisig ng binata. Papasimula pa lang ang seremonyas ng may sumigaw mula sa pintuan. Napalingon silang lahat. "Itigil ang kasal!!!" sigaw ng isang buntis na sa palagay niya ay nasa siyam na buwan na ang tiyan. "Adan, hayop ka! Bakit ka nagpapakasal dito? Hala, uwi!" sigaw nito habang nakapameywang. Nagtaas ang kilay ni Donna. Medyo namumukhaan niya ang babae. Ang sabi sa kanya ng damuho niyang ex, kapatid nito ang babae. "L-love, why are you here?" nanlalaki ang mata na tanong ni Adan. ''love?'' "Anong ibig sabihin nito, Adan?" tanong ni Wendy sa lalaki. "Boyfriend ko siya! Hayop kang lalaki ka! Matapos mo akong buntisin, magpapakasal ka dito!" Galit na sabi ng babae. Nagkagulo na ang kasal hanggang sa sumakit ang tiyan ng babae. Pinagpapalo ni Wendy si Adan habang nasa unahan. "Walang hiya ka Adan, buntis din ako ng dalawang buwan, hayop ka! Mommy!!!" iyak ng iyak si Wendy. "Adan, hayop ka! Ahh! Manganganak na ko!!!" naghihisterikal na rin ang buntis. Hindi naman malaman ng groom kung sino ang uunahin. "Hala! Manganganak na ''yung babae!" sigaw ng isa. At napalingon sila sa babaeng bagong pasok. Napapailing si Donna, naging comedy kasi ang kasal na iyon. "Haaay, alam mo Donna My Love, kapag kinasal tayo, sigurado ako na walang ganyan." Nilingon niya ito kasabay ng halik sana nito sa pisngi niya. Kaya ang nangyari nag-land ang labi nito sa labi niya. Natulala si Donna dahil nahalikan siya ulit ng lalaki after six years. "Ayan Matthew, pwede na kayong mag-live in!" nakangiting sabi ng Daddy niya. Donna "...." Chapter 209 - Ako ay may lobo Nabibigla talaga siya sa magulang niya na handa ang mga ito na ibugaw siya kay Mat-mat. Sa mga nireto sa kanya ng mga ito, mas pursigido ang magulang niya na ireto siya sa binata. At hindi niya akalain na talagang tutuparin ng mga ito na maglive-in sila kahit na hindi pa talagang sila ng binata. ***** Napapangiti si Donna habang nananaginip. Nakasuot daw siya ng pulang cape at may bitbit na basket. Hindi pa siya nakakapunta sa destinasyon kung saan naroon ang may sakit niyang lola nang nakasalubong niya na daw ang big bad wolf. Yumakap siya agad sa wolf at pinangigilan. Gumanti ang wolf kaya kinagat daw siya nito sa leeg. Saka nito kinagat-kagat ang labi niya. Masyado siyang nasiyahan kaya gumanti rin siya ng yakap at halik. Halos mamaga na ang labi ni Donna bago niya nararamdaman na parang totoo ang halik na iyon. "Uhmm¡­" napasinghap siya. Unti-unting nagmulat ang mata niya at agad na nanlaki iyon dahil totoo talaga na may tao sa kwarto at kayakap din niya ito. "Ahh! Sino ka?" tanong niya sa kung sino man na lalaki ang nasa tabi. "Are you sure na hindi mo ako kilala? It hurts" narinig niya ang boses ni Mat-mat. "M-mat? W-wait, bakit ka nandito sa kwarto ko?" binuksan niya ang ilaw at natagpuan ang lalaki na nakatagilid at sinusuportahan ng isang braso nito ang ulo nito paharap sa kanya. Napaatras siya sa dulong bahagi ng kama. "Hello, Donna My Love" bati nito. "Why are you here?" "Dito na ''ko pinatitira ng parents mo. Particular sa kwarto na ito" Nakangisi na sabi. "...Kaya nga halika na! Kiss mo na ako ulit Baby" hinila siya nito. "Wait laaang!" inipit niya ang ilong nito. "Yan tayo e, ikaw d''yan ang nagkukusa na humalik kanina, ngayon ayaw na? Porque ba nilapirot mo ang buo kong katawan kanina?" "Lapirutin mong mukha mo. Tulog ako okay?" Ngumisi ito. "At least laman ako ng panaginip mo." tudyo nito. Inikutan niya ito ng mata. Umupo si Donna sa kama at nag-indian sit. "Alam mo Matty, nag-aalala ako dahil baka napipilitan ka lang sa gusto ng magulang ko." paliwanag niya. Hindi nga niya akalain na naroon na ito sa kwarto niya sa mga oras na iyon at hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga magulang niya. Isa pa, iniisip din ni Donna na baka sumusunod lang ito sa trip ng magulang niya. "First of all, gusto talaga kita, okay? Pangalawa, ang ganda ng leopard print na underwear mo. I like it so much, it''s bigger than a p.u.s.s.ycat" sabi nito habang turo ang panty niya. Ibinaba ni Donna ang paningin niya. At dahil naka-indian sit siya, nakabuka ang ibabang bahagi ng one piece na pantulog niya kaya diretso sa paningin nito ang legs at ang leopard print. Binato niya ito ng unan sa pinagsasabi nito. At pinilit na takpan ng kumot ang sarili. "Alam mo, Donna My Love, alam kong gusto mo ako. Parehas tayo na nagkaka-edad na. Gusto mo ''ko at gusto rin kita, kaya bagay tayong dalawa." Namula ang pisngi ni Donna sa sinabi nito dahil may katwiran naman talaga ang binata, takot lang talaga siya na pumasok sa relasyon. "Alam mo ba ''yung kwento ng ''ako ay may lobo'' sa matured world?" umupo ito sa harap niya at nag-indian sit din. Kumunot ang noo ni Donna. Nagsimula na kumanta at magpaliwanag si Mat-mat. "Ako ay may lobo¡­ In actual sense, it was actually referring sa condom." "lumipad sa langit¡­" inakto ni Mat-mat ang dalawang kamay niya bilang babae at lalaki na nagjujug-dyugan. "hindi ko na nakita, pumutok na pala¡­ it only means both of them got their climax but sadly, nabutas ''yung condom" "Sayang ang pera ko pambili ng lobo¡­ same meaning, sayang ''yung pera na pinambili ng condom." "Kung sa pagkain sana nabusog pa ako" pagtatapos nito. "Ano naman ibig sabihin n''on?" takang tanong ni Donna. "You don''t get it? It means¡­" hinawakan nito ang kamay niya. "dahil nabutas yung condom, nagkaanak sila! kaya lang, naibili niya na ng condom ''yung imbes na sa pagkain, para sa pagbuhay sana ng pamilya niya." Tinaasan ni Donna ng kilay si Mat-mat at pinameywangan. "Seriously! Anong konek n''on sa atin?" "Ibig sabihin, hindi ako gagamit ng condom. Kaya tara na!" Donna "...." Sa palagay niya ay pinaglaruan lang siya at dinala sa kwento ng binata para maka-score sa kanya. Chapter 210 - Willing to be my girlfriend "Tigil-tigilan mo ko Matty!" agad niyang binitaw ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Saka ito inirapan. Napangiti naman ng lihim ang binata. "But honestly, I really wanted to say sorry, Donna dear." seryoso at nakangiti na sabi ni Mat-mat. Hindi sanay si Donna na biglang seryoso ang binata sa sasabihin nito. "Why?" "Because... I went abroad for a couple of days nang hindi man lang ako nakapagpaalam. Biglaan kasi iyon" paliwanag nito. Nabalitaan kasi nila na nasa Europe ang grupo ni Captain Yeo at ang bangkang ''Maria Celeste 1'' kaya kinailangan niyang sumama kay Kai papunta sa ibang bansa. Naging seryoso din si Donna. Ang totoo na-miss niya ang binata at hindi talaga siya nasanay na hindi ito naaabutan sa bahay matapos nitong magpaikot-ikot sa bahay nila ng halos buong buwan. "And I came here because I really miss you. I wanted to thank you for letting me miss you" nakangiti na sabi ni Mat-mat. Namula naman ang pisngi ni Donna. That was sweet. "I know you miss me too." confident na sabi at nakangisi pa. "Kaya nga Donna My dear, are you willing to be my girlfriend?" diretsahang tanong nito saka sabay na hinalikan ang kamay niya. . "But¡­" tinitigan niya sa mata ang binata. Takot si Donna na magmahal muli ngunit handa naman siyang subukan. Ramdam din naman niya na Matthew is a good guy. Mayaman, Pogi, mabango at hindi babaero. Ngunit may kinakatakutan si Donna. Isang bagay sa nakalipas niya ang pilit niyang itinanggi noon at kinakalimutan ngayon. "I-I''m not a v.i.r.g.i.n anymore, Matty." malungkot at nahihiya na sabi ni Donna. "Hmm? So what?" Humiga muli sa kama ang binata at ginawang unan ang parehas na braso nito. "Hindi rin naman ako v.i.r.g.i.n. Open-minded ako at hindi naman ako makikipag-relasyon sa''yo to simply have s.e.x with you. I grew up in New York at na-dev.i.r.g.i.nized ako at the age of thirteen. I did it a hundred times with different girls. I can''t even remember how many." nakakunot ang noo na paliwanag nito. Natigilan naman siya sa mga sinabi nito. Nag-aalala lang pala siya sa wala. "I know na isa talaga sa goal ko ang maka-siping ka, pero hindi naman iyon lang ang dahilan." diretsahan na sabi nito. Donna "..." "Come here." tawag nito sa kanya. Sumunod naman si Donna, dumapa siya at yumakap sa dibdib ng binata. "I will ask you one more time. Are you willing to be my girlfriend?" "Hmm¡­ Sige. I am willing to be your girlfriend from now on. A-alagaan mo akong mabuti ha." "Wow! talaga?" masayang tanong nito. Tumango siya habang may matipid at nahihiyang ngiti. "Yehey! Pakiss na ''ko sa girlfriend ko." sabi nito at agad na lang na sinakop ang labi niya. Ninamnam lang ng dalaga ang labi ni Mat-mat habang yakap siya nito ng mahigpit. "Patayin mo na ''yung ilaw please" sabi ng binata kay Donna matapos ang ilang saglit. Nakangisi pa ito sa kanya. Saka niya naramdaman na pinisil nito ang binti niya. Tinapik niya ang braso nito "Matty, kung may pinaplano ka, ''wag mo nang ituloy." "Paano mo nalaman na may pina-plano ako? Donna My love, Mahaba pa ang gabi kaya kailangan natin na makarami." "No, I want to sleep. Or else, get out" "Hah? Ang sungit na naman. Sige na nga, dahil first day ng relasyon natin, pagbibigyan kita. Kahit hawak nalang sa b.o.o.b.s, satisfied na ''ko" sabi nito Donna "..." Inikutan niya ito ng mata. "Ewan ko sa ''yo! Basta kapag may ginawa ka sa ''kin na kabastusan, palalabasin kita agad." Pagkasabi ay pinatay ni Donna ang ilaw at hinayaan si Mat-mat na yakapin siya sa magdamag. ===== (Kasalukuyan) Napapangiti si Mat-mat nang maalala ang nakalipas habang nagmamaneho. Plano niyang sunduin ang nobya niya sa opisina nito. Dumaan pa muna siya ng flower shop para bumili ng kumpol ng bulaklak. Sabi nga nila kailangan daanin sa santong paspasan kung hindi madala sa santong dasalan. Pero ang plano niya ay daanin sa pa-sweet si Donna. Hindi niya alam kung may lahing amasona si Donna noong past life nito at siya ang alipin nito na nakakulong sa kulungan na gawa sa kahoy. Pasipol-sipol pa siya hanggang sa makarating sa building ng opisina nito. Kumunot ang noo niya nang makita ang girlfriend niya na kausap si Adan na hindi niya akalain na buhay pa pala sa entrance ng building. Bibihira na mag-init ang ulo niya pero nag-init talaga ang ulo niya ng oras na iyon, lalo at nakita niyang hinawakan nito sa braso ang girlfriend niya ng mahigpit at inilapit ang katawan sa sarili. Halata kay Donna na nagpipigil ito ng galit. "Donna!" sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Nang makalapit, hinila niya si Donna papalapit sa kanya na nakasalubong ang kilay at hinarap ang lalaki. Umismid ang lalaki kay Mat-mat. "hmp! Akala mo kung sinong tagapaglistas. Gusto ko lang sabihin sa iyo na hindi na malinis ''yang girlfriend m--!" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay isang malakas na suntok ang pinatikim ni Mat-mat kay Adan. Tumilapon ito sa sahig at nakakuha naman sila ng atensyon sa iba pang napapadaan at sa guwardiya. "You don''t have a right na sabihin na hindi malinis ang girlfriend ko, dahil sa inyong dalawa, ikaw ang mukhang hindi naliligo!" Ngumisi lang si Adan habang minamasahe ang pisngi. Hinawakan niya sa kamay ang nobya niya at saka sinakay sa sasakyan. Chapter 211 - Bad experience Tahimik lang si Mat-mat at Donna sa buong byahe hanggang sa makarating sa bahay nila Donna. Hininto ni Mat-mat ang kotse sa tapat ng bahay ng nobya niya. "Anong ginawa sa iyo ng kumag na iyon?" nag-aalala na tanong ni Mat-mat. Hindi sumagot si Donna at sa halip ay yumakap ito sa binata. "Matty, may nakaraan ako na hindi maganda. I don''t know the person who got my first experience. I''m drunk at that time and I really don''t know what happened." biglang lumuha si Donna. Iyon na siguro ang pinakapanget na naranasan ni Donna sa buong buhay niya. Her first and only experience na isa sa naging dahilan kung bakit siya tumigil sa pakikipagrelasyon sa loob ng ilang taon. She broke up with Adan that time dahil nahuli niya ito na kalampungan ang pinsan niya. Para makatakas sa pangungulit ni Adan, she went to Paris para mag-enjoy na nauwi sa kalasingan. Hindi niya masyadong matandaan ang mukha ng lalaki bukod sa cross na may tatlong pulang rosas na tattoo nito sa upper right back ng lalaki. Sa lahat, iyon ang tumatak sa isip niya dahil kakaiba ang tattoo nito. Basta nagpatianod siya sa gustong mangyari ng lalaking iyon. Nang magising siya, mag-isa na lang siya sa kwarto. Umuwi siya ng Pilipinas ng araw din na iyon at pinilit na kinalimutan ang kagagahan niya. Ngunit hindi niya akalain na sugat iyon sa pagkatao niya ngayon. Nakaramdam ng pagkainis si Mat-mat para sa ex-boyfriend ng nobya niya. Ginantihan niya ng yakap ang nobya at hinayaan nito na ilabas ang sama ng loob. Hinaplos na lang niya ang buhok ng dalaga. "Love, kung hindi maganda ang nakaraan natin, hindi natin dapat tine-treasure. We can learn from it, but never keep it¡­ I met you as you, as my Donna my love¡­ and I have to accept whatever past you had before." "...Humans are not perfect, lahat ay may pagkakamali. Ang mahalaga ay nagtanda tayo ng aral. Kahit ako ay may mga pagkakamaling nagawa sa nakalipas, kaya sino ako para husgahan ang nakaraan mo?" Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ni Donna. Matthew is sweet, may pagkamanyak lang talaga. "Kaya nga Donna, my dear. Hayaan mo na ako na maka-score sayo." Pinalo niya ito sa dibdib saka ito nilayuan "Ang manyak mo talaga!" "Ha ha ha! at least, sa iyo lang ako ganito. ''Wag ka na malungkot ha. Ayokong nalulungkot ''yung maganda mong mata." hinila siya nito muli at kinupkop ang magkabila niyang pisngi para halikan siya sa pisngi, sa ilong, sa mata at sa labi. "I love you Matthew¡­" nakatitig siya sa mata ng binata na kulay gray naman ngayon. Ngumiti si Mat-mat. "Mahal din kita, Donna my love" ===== Isang buwan pa ang lumipas¡­ Naging abala si Christen sa ospital dahil sa sunud-sunod na procedure na ginawa niya sa buong isang buwan. Sinuri nilang mabuti si Prin pati ang pamangkin niya na nasa tiyan pa nito. Sinimulan din ang pag-aaral nila kay Cassandra kung paano tatanggalin ang capsule bomb sa ulo nito katulong si Doc Mikko. There are things that they need to consider bago nila isagawa ang pagtanggal sa bomba ng tuluyan kaya pansamantalang pinagpaliban muna nila ang operasyon. ==== Sa isang pasilyo ng ospital, nagtipon-tipon ang mga malalapit na kamag-anak ng Hans. Naroon din si Kai pati na si Master Chen na lolo nito. Naroon din ang Mommy ni Bella na umuwi pa mula sa abroad. Parehas na tense si Kai at Cally. Ramdam ni Cally na pinagpapawisan ang kamay niya. Hindi niya alam kung uupo ba siya, tatayo, maglalakad sa kaliwa at kanan, sasandal sa pader at parang binabarahan ang dibdib niya. Katulad ng mga inaakto niya, ganoon din si Kai sa tabi. Parang nagpapalitan o may sinusundan na step ang dalawa. "Seriously, you guys! Can you please calm down! Para kayong matatae na ewan!" reklamo ni Mat-mat. Bago pa makapagdahilan si Cally, tinawag siya ni Christen sa loob ng Delivery Room. "Cally! Come here!" sigaw nito. Nilakasan ni Cally ang loob bago pumasok sa loob ng delivery room kung nasaan ang asawa niya. Huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang pintuan. Kita ang hirap sa mukha ni Prin at pawis na pawis kahit malayo pa siya dito. Nakita niya na ang baby na inaasikaso at nililinis ng nurse. Lalo siyang na-tense nang makita ang sitwasyon. Nilapitan niya ang asawa niya na bakas pa ang hirap sa mukha. Umupo si Cally sa tabi nito at hinalikan ang kamay. He felt something strange inside his heart. Tila may humahaplos sa kaibuturan ng dibdib niya. Para siyang maiiyak. "Congratulations Honey, you did a great job." Parang nababaliw si Prin na naiiyak at natatawa habang hawak ng parehas na kamay ni Cally ang kamay niya. She''s happy. "Congratulations Cally and Prin! Here he is. A cute baby boy" nakangiti na inabot ni Christen ang maliit na sanggol kay Prin. May namuong luha sa mata ni Cally habang yakap ang mag-ina niya. "Husbie, He''s cute¡­ he looks like you." nagluluha na saad ni Prin. Tumango si Cally. Hindi niya akalain na makakagawa pa sila ng milagro ni Prin matapos ang lahat ng paghihirap nila. "Honey, let''s give him a name. What do you want to call him?" tanong ni Cally. "Prince Khalid." mabilis na sagot ni Prin. Napangiti si Cally. Halatang ayaw mag-isip ng malalim ng asawa niya. Ngayon na may Prince Khalid na sa buhay nilang dalawa, mas pagbubutihan niya na planuhin ang buhay nilang pamilya. Chapter 212 - Labour Mas mataas ang tensyon ni Kai dahil nahihirapan si Bella na manganak, ilang oras na itong nag-la-labor at ayon sa Mommy ng Angel niya ay may mga ganoong scenario talaga na hirap ang babae sa paglabas sa baby nito. Nangingiti naman si Mat-mat sa tabi habang pinanonood siya na hindi mapakali. "Kai Jang, gusto mo ng yosi?" Tanong ni Mat-mat sa kanya. Masama ang timpla ni Kai kaya naman masama rin ang tingin na pinukol niya kay Mat-mat. "Manyak Mat, alam mong bawal ang yosi sa Dark Guards, gusto mong sakalin ako ng shogun? tapos mag-aaya ka dyan na magyosi." angas agad ni Kai. "Nahihilo na kasi ako sa iyo, baby. Kanina ka pa paikot-ikot. Kaunti na lang at iisipin kong si Sisa ka talaga at hinahanap ang anak na si Crispin at si Basilio." Siningkitan ni Kai ang mata para sa binata "palibhasa, hindi mo alam kung ano ang pakiramdam bilang isang asawa ng may nanganganak na buntis." "Why naman, baby?" "Sa first base pa nga lang hindi ka makapuntos, sa pagpapaanak pa kaya?" ganti ni Kai. Natameme naman si Mat-mat sa ganti nito sa kanya kaya napasimangot din siya. Hmp! Kaunti na lang at malapit na siyang maka-first base! Ayaw niya lang ng namimilit ng babae at ayaw din naman niya na lokohin ang girlfriend niya para lang makapagrelease ng load. "Mabuti pa, halika dito at panoorin mo itong video para alam mo kung ano ang naf-feel ni Bella habang nanganganak." Ayaw sana ni Kai na sundin si Mat-mat, pero pampalipas oras na rin na manood nga siya ng video sa palaging bitbit na laptop nito. Inabot sa kanya ni Mat-mat ang laptop at bumungad sa kanya ang black screen na may play sign sa gitnang bahagi. "Utang na loob, hindi p.o.r.no ''to ha!" angil agad ni Kai. Naroon sa lugar ang Mommy ni Bella pati ang Yeye niya kaya hindi maganda na marinig ng mga ito na may pinanonood silang p.o.r.n sa isang tabi habang nanganganak ang asawa niya. Napangisi si Mat-mat. "Let''s check muna. Pero sure na hindi yan p.o.r.n. Anyway, use this headset kung hindi ka talaga satisfied sa sagot ko" inabot nito ang Bluetooth na headset na nakakonekta sa laptop nito. Sinimulang panoorin ni Kai ang palabas. Kitang-kita sa video na pinagpapawisan ang isang babae habang nakatutok dito ang ilaw at kamera. Nakakapit ito sa magkabilang gilid. Ilang saglit lang umire ang babae sa video. "eeehhh grrr!!" napapikit ito habang umiire. "kaunting push pa misis! Kahit murahin mo ang asawa mo, basta mailabas mo lang ang baby." utos ng sa tingin ni Kai ay doktora ng babae. "Ahhhh!!!!" matapos sumigaw, mabilis na nag-inhale at exhale ng paulit ulit. "Ahhh!!! Tang-ina mo Tonyo! Walang hiya ka! Huwag mo na akong mabuntis-buntis na hayop ka! Ahhhhh!!!!" sigaw muli nito. Tapos nag-inhale exhale muli. Parang gusto nang tapusin ni Kai ang video habang pinanonood ang babae na nanganganak pero malaking parte sa curiousity niya na gusto pang panoorin iyon. He wanted to know what is happening with her Angel inside a delivery room. "Ahhhh!!!" ire muli ng babae. Hindi nito alam kung saan kakapit para kumuha lang ng lakas. Ilang saglit pa, nakikita na ng doktora ang baby na lumalabas, ayon dito. "Ayan, ayan misis, malapit na! nakikita ko na ang ulo ng anak mo." Si Kai habang nanonood ay napapangiwi, mariin na nagkikiskis ang ngipin at parang ramdam niya ang hirap ng panganganak ng babae. Kada hagap nito ng hangin ay parang napapa-inhale exhale na rin siya. Ilang saglit lang, tinapat ang video sa pwerta nito. Kita ang bilog na kung ano. Kinilabutan si Kai habang nanonood. "Ahhh!!!" narinig niyang sigaw ng babae. Tapos ay unti-unting lumalabas ang baby. Nahihirapan na rin pati si Kai na huminga. Hanggang sa mabilis na lumabas ang baby mula sa pwerta ng babae. "Ahhhh!" sigaw ni Kai habang nanlalaki ang mata. Nakaramdam talaga siya ng takot na makita ang baby na lumabas mula sa katawan ng babae. Napalingon sa kanya ang lahat ng kasama nila sa pasilyo. Sa sobrang takot ni Kai, bigla siyang hinimatay. Chapter 213 - My Angel Nagkaroon ng malay si Kai matapos ang ilang minuto. Bigla siyang bangon "Ahhh!" sigaw niya. Puro katanungan naman ang nasa isip ng mga tao sa paligid kung ano ang nangyari sa kanya. Si Mat-mat sa gilid ay ngingiti-ngiti ng nakakaloko. Hawak na nito ang laptop nito na ginamit niya ilang minuto ang lumipas. "Matthew!!!!!!" gigil na tawag niya sa pangalan nito. Lalapitan niya na sana para suntukin ito dahil sa ginawa nito sa kanya nang sabihin ng nurse na nasa recovery room na ang asawa niya. "ligtas na sila sir, pwede po kayong pumasok para silipin ang misis niyo." Naalala ni Kai ang video at hindi alam kung paanong gagawin. "Pasok ka na Baby, ano pang hinihintay mo?" nakangiti ng nakakaloko na sabi ni Mat-mat. "Pakyu ka talaga, kapag kinailangan mo ang tulong ko. Huwag mong asahan na tutulungan kita!" galit na sabi niya saka sumunod sa nurse para silipin ang asawa niya. Natakot talaga siya na mapanood ang video ng sinisilang na sanggol. He imagined everything. Kaya di niya masisisi si Bella kung mahirapan sa paglabas ng baby nila. Natagpuan niya si Bella na bakas pa ang hirap sa magandang mukha nito. Natutulog pa ito sa isang malambot na kama at ayaw niya itong istorbuhin. Parang hinaplos nito ang galit niya ilang saglit lang. Haaay, wala talagang makakapagaan ng kalooban niya kundi ang asawa na si Bella kahit sa paanong paraan. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa niya bago kinuha ang kamay na malapit sa kanya at hinawakan iyon. Nasa ganoong posisyon lang siya sa loob ng mahabang minuto. Nakatitig kay Bella babang hawak ang kamay nito. Wala siyang pakialam sa iba pa at ine-enjoy ang sarili na titigan ang natutulog na mukha ng asawa. Talagang pinilit nito na manganak ng normal kahit nahihirapan kaya napangiti siya. Minsan pasaway din talaga ang asawa niya pero natutuwa siya na madalas sumusunod ito sa mga payo niya. Mukhang napansin naman sa paligid na ayaw ni Kai na magpa-istorbo kaya ang Mommy ni Bella ang kinausap ng hotel staff para sa mga detalye. ''My Angel, let me love you even more'' hinalikan niya ang kamay nito bilang pasasalamat na rin na hinayaan siya nito na mahalin niya ng labusan. ===== Lumipas ang ilang oras bago nagkamalay si Bella. Mukha ni Kai ang unang bumungad sa kanya. "Hello, my Angel" nakangiti na tawag nito sa kanya, saka nito hinalikan ang kamay niya. "Where''s my baby?" tanong niya agad. "Magtatampo na ''ko niyan. Hindi na ako ang unang hinahanap mo, kundi si baby na." pagbibiro ni Kai. "Masakit pa ''yung katawan ko, ''wag mo muna akong patawanin" natawa ng mahina si Bella. "How are you? Nahirapan ka ba? Minura mo ba ako habang humuhugot ka ng lakas para ilabas ang anak natin?" sunud-sunod na tanong ni Kai. Tumawa na naman muli si Bella. "bakit mo alam?" Napangiti si Kai. May sense din naman pala kahit papaano ang pinanood sa kanya ni Mat-mat. "Alam mo bang ngayon din nanganak si Prin? Ilang oras lang siya nauna sa iyo? Kahit sa panganganak besties kayong dalawa" puna ni Kai. "I''m happy for them, send my congratulations to Prin and Cally." "Nah, Huwag mo na silang intindihin." Lumapit ang nurse na bitbit ang anak nilang babae inabot nito kay Bella ang anak niya. Nagluha naman kaagad ang mata ni Bella nang makita ang baby niya. "she''s pretty¡­" naluluhang sabi. "Just like her mom..." Hinaplos ni Kai ang maliit na kamay ng anak niya. "Baby, ''wag mong aagawin sakin si Mommy ha." "Hey! you are so bad." natatawa si Bella sa unang pabungad ni Kai sa anak nila. "I just wanted to educate her." nilapit ni Kai ang sarili sa noo ni Bella at hinalikan iyon hinalikan din nito ang maliit na kamay ng baby. Natatawa naman si Bella. He knew her well matapos ang ilang taon na pinagsamahan nila. "I''m happy, I never thought na gagawa ako ng masayang pamilya noon. Thank you so much, My Angel!" Nakangiti ng masaya si Bella habang titig na titig sa mukha ng mabait niyang anghel. Her Angel. Kung Angel siya ni Kai, this baby is her Angel. "Ano pong ipapangalan niyo Mam sa anak niyo?" tanong ng nurse na bagong lapit habang hawak ang form. "Angel" Sagot ni Bella. Kumunot ang noo ni Kai. "Bakit iyon ang gusto mong ipangalan sa anak natin?" "Because she''s an angel." sagot ni Bella. Sumimangot si Kai. Tawag niya kay Bella ang ''Angel'' kaya di niya alam kung payag siya na angel din ang pangalan ng baby nila. "I want to call her Camilla sana." sabi ni Kai. Nag-isip si Bella. "Camilla¡­" ulit niya sa pangalan tapos ay sinuri munang mabuti ang mukha ng sanggol niya kung bagay ang pangalan na Camilla dito. Biglang umiyak ang anak niya. "Aww¡­ She doesn''t like your Camilla. Let''s stick to Angel, babe" Sumimangot si Kai at gustong titigan ng masama ang anak niya. Masama na ang kutob niya sa batang ito. Tingin niya ay aagawin nito talaga ang atensyon ng asawa niya lalo na at unang pagsubok pa lang ay taliwas na ito sa nais niya. Gayunpaman, pumayag na lang siya na Angel ang name ng baby nila. "My Angel¡­" tawag ni Kai. tumahimik ang baby. "See? She likes ''Angel''" "Sige na nga, Angel na, My Angel¡­" biglang sumeryoso si Kai at may namuong luha sa mata niya. "Thank you Bella, for giving me family. Pinapangako ko na mas pagbubutihan ko pa na magtrabaho" "No, thank you Kai for giving me family." ===== Isang taon ang lumipas¡­ What happened in a year for all of them? Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni Prin. Chapter 214 - Looking for Cassandra Isang taon pa ang lumipas¡­ Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni Prin. ===== Nakatingin sa labas ng bintana si Prin at malalim ang iniisip niya. She wanted to know where is Cassandra. Bitbit ang anak niyang si Khalid na pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Kita pa ang mailaw na Eiffel Tower dahil gabi ang oras. Kasalukuyan silang nasa Paris ng buong pamilya niya para hanapin si Cassandra. Sampung buwan nang nawawala ang kaibigan niya matapos nitong tumakas sa ospital. Parang mailap na hayop si Cassandra na nawawala sa lugar tuwing abot-kamay nila. Hindi sila makahingi ng tulong kay Mat-mat dahil nagbalik sa Amerika ang pinsan ni Cally at nag-aral ng law sa Harvard. Unusual para sa katulad ng binata. Nakipaghiwalay si Donna dito at wala siyang ideya kung bakit. Ayaw magkwento ni Mat-mat at kahit ang asawa niya. Sa loob ng isang taon, halo-halong emosyon ang mga naganap sa grupo ni Cally. "Honey, what are you thinking?" lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya mula sa likuran. Khalid looked at his father then he expanded his arms to reach him. Napangiti si Cally kaya hinarap niya si Prin para kunin dito ang anak nila. Sa loob ng isang taon, parang hindi normal ang anak nila ni Prin. Umiiyak ang anak nila sa bibihirang pagkakataon lang. Mas madalas seryoso. Naisipan na nila na ipacheck si Khalid kay Christen, pero normal naman daw ang anak nila. ''yun nga lang kailangan nilang ipasuri muli si Khalid kapag tumuntong ng dalawang taon mahigit. Nakangiti pa si Cally na nilalaro-laro ang anak niya nang sabihin ni Prin ang halos ayaw niyang marinig mula dito. "Husbie, let''s do the procedure." mahinang sabi ni Prin. Natahimik saglit si Cally at umupo siya sa pinakadulong bahagi ng kama. Naghikab ang anak niyang si Khalid kaya inayos niya ito ng higa habang nasa mga bisig niya. Ayaw niya. Ayaw niyang mangyari kay Prin ang nangyari kay Cassandra. At ayaw niya na maulit din sa kanya ang nangyari sa Daddy niya ilang taon ang nakalipas. Ilang taon din ba siya maghihintay? 5 years, katulad ng pagkalimot ng Mommy niya noon sa Daddy niya na si Cloud Han? Karamihan sa naganap sa magulang niya ay tila sumpa na umuulit sa kanya at suko na siya. Gusto niya nang tapusin ang bagay na iyon. Lumuhod si Prin sa harapan ni Cally. "Husbie, I am sure that I will never forget you. Nagbigay ng assurance sa ''kin si Christen, si Doc Mikko at si Matty na mas mataas ang improvement sa proseso ngayon. Sigurado na hindi mauulit sa akin ang nangyari kay Sandra. What happened to Sandra will never happened to me. Kaya husbie, please trust me" Naiinip na kasi si Prin. She wanted to find Captain Yeo and his ship. At hindi siya makagawa ng aksyon hangga''t nasa ulo niya pa ang bomba. May kumatok sa pintuan ng kwarto nila kaya saglit na tumayo muna si Prin at binuksan ang pintuan ng kwarto na inuupahan nila sa Cour des Vosges Hotel. Bumungad sa kanya si Kai at Lorenz. "Hi Prin, pwede ba namin kayong istorbohin?" tanong ni Kai. "Sige" ngumiti ng pilit si Prin sa dalawang kaibigan bago tuluyan na binuksan ang pintuan. Sakto lang ang pasok ng dalawa dahil may namumuong tensyon sa pagitan nila ni Cally bago kumatok ang mga ito. Nilakihan ni Prin ang pintuan para makapasok si Kai at Lorenz. Nakakunot ang noo ni Cally nang makita ang dalawa. Nagbilin kasi siya na hindi pwede na magreport sa kanya ang kahit na sino kapag naroon na siya sa loob ng kwarto ng pamilya niya. "Shi, pasensya na sa istorbo. Nakita na namin si Cassandra." Si Kai ang nag-inform dahil iba ng pakiramdam ni Lorenz. Tahimik si Lorenz at seryoso lang na nakikinig. Nakita nila si Cassandra na nagseserve ng beer sa Pop-in bar. Tulad ng dati tahimik ang babae at simpleng sagot lang ang binibigay nito sa mga customers. Abala ito at halatang ayaw magpa-istorbo. Ngunit hindi makalapit si Lorenz sa dalaga dahil natatakot siya na baka lumayo muli ito sa kanya dahil hindi siya nito matandaan. Dalawang buwan matapos ipanganak si Angel at Khalid, inasikaso nila ang procedure para sa pagtanggal sa capsule bomb sa ulo ni Cassandra. Ayos ang lahat kahit ang pagtanggal sa bomba. Isa lang ang problema, hindi sila matandaan ni Cassandra. Sampung taon sa memorya nito ang nawala at pilit na umalis sa poder nila para hanapin ang sariling pamilya. Chapter 215 - They found Cassandra Nagpahatid si Cally at Prin sa chauffeur sa bar kung saan nakita si Donna. Iniwan nilang mag-asawa kay Ana at sa mag-asawang Kai at Bella ang anak nilang si Khalid. Bukod sa gusto niya talagang makita ang kaibigan, kailangan nila si Cassandra para ma-test ang kaibigan niya. Kailangan nilang masigurado na walang problema sa procedure na gagawin sa kanya. Ayon kay Doc Mikko na kuya ni Kai at kasama ni Christen sa project na iyon, short term memory loss lang ang posibleng mangyari kay Sandra. Iyon nga lang, hindi nila alam kung kailan babalik ang ala-ala nito. Ayaw lang talaga ni Cally na sumugal hangga''t hindi ayos ang lahat. Huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang bar. Umaambon ng mga oras na iyon kaya binuksan muna ni Cally ang payong na kulay itim bago nito pinalabas si Prin para hindi mabasa ang asawa. Kita ang iba''t-ibang kulay ng ilaw sa labas pa lang ng bar. Berde ang kulay ng haligi at pula ang pintuan. May sign ng ''Pop in Bar'' sa itaas na bahagi na gawa sa ilaw na kulay pink at dilaw. Naririnig ang banda na tumutugtog sa loob. May mga nagyoyosi sa labas at napalingon sa kanila ni Cally. Nagbigay sila ng ibang impresyon sa mga ito kaya halatang kumunot ang noo ng isa. Sa relo pa lang na suot ni Cally, alam na ng isa na hindi sila simpleng tao lang. Alam nila na maraming loko na nagkalat sa lugar na iyon, pero hindi naman sila basta-basta mapapahamak na mag-asawa lalo at ilang buwan nang nagt-train muli si Prin bilang Dark Guard kahit ayaw pa ng Mommy niya. Magkasunod sila na umakyat ng makitid na hagdan ni Cally. Bumungad kay Cally at Prin ang maingay at nagkakasiyahan na tao. Kulay pula rin ang pintura sa loob, makalumang bar ang tema nito hindi tulad ng White Devil. Dumeretso sila sa bar area at umorder ng beer. "2 bottles of beer please." hiling ni Cally sa salitang french. Inikot ni Prin ang mata niya sa paligid para mahanap si Cassandra. May naghahalikan sa katabing mesa, may sumasayaw sa isang parte, may nagtatawanan. "You bitch!" narinig nilang singhal ng isang customer. Dumausdos ang isang babae na naka-miniskirt na maong at dilaw na blusa sa sahig. Nakatalikod ang mga ito sa pwesto nila ni Cally. Umagaw ang mga ito ng atensyon kaya napalingon sa mga ito ang mag-asawa. Sinampal ng lalaki na malaki ang katawan ang babae kaya ito tumilapon. May bigote at balbas ito, may panyo pa sa ulo na kulay pula at blondie ang buhok na akala mo ay si Hulk Hogan. Napakunot ang noo ni Prin dahil sa komosyon. "How dare you!" angil nito. Nasinagan ng kakaunting ilaw ang babae at namukhaan niya si Cassandra. Noon niya lang napansin ang pulang apron na suot nito. Hindi nakatiis si Prin na nilapitan ang dalawa. Sasaktan muli sana ng lalaki si Cassandra nang pinigil ni Lorenz ang kamay nito. Kumunot ang noo niya na makita rin doon si Lorenz. Hindi niya kasi akalain na susunod ito sa kanila ni Cally. Nagsalubong agad ang kilay ng lalaki na malaki ang katawan para kay Lorenz at halatang nagalit ito. Lumapit si Prin at tinayo si Cassandra sa pagkakasalampak. "Who are you?!" singhal nito kay Lorenz. Hindi ito pinansin ng binata at nilapitan nito si Cassandra. Sinalubong ng binata ang pagkakatitig ng dalaga na may bahid ng hinanakit. Hinawakan ng lalaki si Lorenz sa balikat. "You bastard!" Hinawakan din ni Lorenz sa pulsuhan ang lalaki at inipit ang braso nito. "hey, I don''t want to create trouble here. Can you please f.u.c.k off?!" Umangil ang lalaki saka binawi nito ang kamay sa balikat ng binata at masama ang tingin na pinukol nito dito. He scoffed saka tumalikod at bumalik sa upuan habang hinihilot ang braso. Akala ni Prin ay gagawa ng away ang lalaki dahil hindi magdadalawang isip ang shogun nila na saktan ito. "Okay ka lang?" tanong ni Lorenz sa dalaga. Tumango si Cassandra. "W-why are you guys here?" tanong nito na mailap ang tingin. Pinagmamasdan ni Prin ang dalaga ng matagal ganoon din si Lorenz. Mailap ang tingin nito na halatang umiiwas. Nagulat na lang siya nang hawakan ng binata ang kaibigan niya sa kamay at mabilis ang mga lakad na inakay ito paalis sa lugar na iyon. Naiwan si Prin na nakatingin lang sa dalawa na papaalis. Base sa reaksyon ni Cassandra, sa tingin niya ay nagbalik na rin ang memorya nito. Chapter 216 - We are meant for each other [Feibulous : SPG Content] Hinila ni Lorenz si Cassandra sa isang motel na malapit sa Pop in Bar. Pagkasara pa lang ng pintuan, tinulak niya ang dalaga sa pader at agad na sinakop ang labi nito. Tinutulak siya nito nang una at pilit na kumakalas sa pagkakayakap niya. Ngunit ilang saglit lang, gumanti rin ito ng halik. "Sandra¡­" mahinang tawag niya sa pangalan ng babae bago nag-iwan ng maliliit na halik sa leeg nito. Naglandas ang kamay ni Lorenz sa binti ng dalaga para mai-angat ang palda nito. Humigpit ang kapit ng dalaga sa leeg niya at narinig ang mahinang ungol mula dito. Inangat saglit ng binata ang mukha niya upang titigan sa mata ang dalaga. Cassandra''s eyes are full of loneliness. Nakikita niya sa mata ng babae. "I''ll punish you for making me crazy." sabi niya dito. Narinig na lang niya ang pagbukas ng bakal ng sinturon nito at naramdaman na lang ni Cassandra ang kamay ng binata na pumasok sa loob ng underwear niya, saka nito nilaro ang kanyang pagkababae. Napasinghap siya sa ginawa nito. She really missed him. "Lorenz¡­" bahagyang umawang ang labi niya dahil sa ginawa ng binata. Inikot siya nito paharap sa pader. "You made me crazy." namamaos na bulong ni Lorenz. Pinalo siya nito sa puwitan at kinagat ang tenga, saka niya na lang naramdaman ang pagpasok nito sa pagkababae niya mula sa likuran. "Ahhh!" Napapikit siya ng madiin. Dikit na dikit ang mukha ni Cassandra sa pader at napasinghap. "God knows how much I missed you" sabi nito na parang nagmamadali. inangat pa ng binata ang isang binti niya para mas malaya na makagalaw. Base sa kilos ng binata, halata na pinarurusahan siya nito. Si Lorenz lang talaga ang malayang nakakagawa ng ganito sa kanya. Ang patuloy na mawala ang lahat ng diwa niya at dalhin siya sa alapaap. Kailan nga ba huling ginawa ng binata ang ganito? Mag-iisang taon na. "Hahhh¡­" mahinang kumawala sa bibig ng dalaga. Hindi alam ni Cassandra kung pa''no kukuha ng suporta sa pader. Matapos ang ilang sandali, dinala siya nito sa harap ng kama at tinulak doon. Katulad ng mga nakaraan, iba pa rin ang epekto ng dalaga kay Lorenz. Tila isang ecstacy pill na nakakawala ng katinuan. He kissed her lips harder at may panggigil na hinawakan ang dibdib nito. Hindi na siya nag-aksaya pa na tanggalin ang kasuotan nila dahil hindi naman sila magtatagal. "My poison Ivy, do you know how much I care for you?" narinig ni Cassandra na tanong ng binata. Alam niya, alam ni Cassandra na importante siya dito. Hindi siya nito susundan sa iba''t ibang lugar kung wala lang siya para dito. Gumanti ng yakap at halik si Cassandra kay Lorenz. Halos mamaga na ang labi nila pareho. Inikot siya ng binata paharap sa kama. Ilang saglit lang nang muli niyang maramdaman ang pagkalalaki nito. She held the bedsheet to get some support at nakagat ang labi para pigilin ang ungol. Hindi niya alam kung gaano katagal bago nila narating nang sabay ang ligaya. Parang naupos na kandila na bigla na lang humiga ang binata sa tabi saka siya nito hinarap. Hinahabol nito ang paghinga at hinila siya payakap. "Mahal kita, Sandra" usal ng binata kasabay ng paghaplos ng pisngi ng dalaga. Masyado talaga siyang nasaktan nang bigla siya nitong iwan. Mahal niya si Cassandra at masyado siyang nag-alala dito nang bigla na lang itong maglaho na parang bula at walang bakas na iniwan sa Maynila. May namuong luha sa mata ng dalaga. Unang beses na may lalaki na handang sumunod sa kanya kahit saan pa siya magpunta. "I''m sorry, Lorenz. Gusto kong mag-sorry sa nagawa ko." patuloy itong umiyak. At niyakap ang sarili sa dibdib ng binata. "Hush¡­" sinuklay nito ang buhok niya. "Did you find your family?" tanong ni Lorenz. "No. Because they are already dead." malungkot na sagot nito. "... They are dead more than 10 years ago. Ang huling natandaan ko ay ''yung bago pa lumubog ang barko na sinasakyan namin kaya akala ko ay buhay pa sila. Nito lang nakabalik ang ala-ala ko." "...Sa cruise ship na lumubog namatay ang pamilya ko Lorenz at ako na lang ang survivor sa amin. Doon ako natagpuan ni Captain Yeo." mahabang paliwanag ni Cassandra. Natahimik si Lorenz. Narinig niya na kay Doc Mikko ang tungkol doon. Isang masamang pangyayari ang pilit na kinalimutan ni Cassandra kaya ito nawalan ng ala-ala. At babalik lang ang lahat kapag natanggap na ng isang tao ang tungkol sa bagay na kinatatakutan nito. "Sandra, maybe we are meant for each other. You don''t have a family at ganoon din ako. We love each other and I am a hundred percent sure that I want to spend my lifetime with you." "I want to take care of you, Sandra¡­" Chapter 217 - Give me your money Sabay na bumaba si Prin at Cally sa makitid na hagdan ng Pop in Bar. "Husbie, do you think she remembers everything now?" tanong ni Prin. "I don''t know. Maybe." simpleng sagot ni Cally. ''Paglabas ng main door ng Pop in para makaalis na sa lugar, humarang sa kanilang dalawa ang grupo ng apat na kalalakihan. Napansin nila na ang mga ito ang grupo na nagmamatyag sa kanila simula pa lang ng pumasok sila sa lugar. "Hey, you two! Give me your money, your gold necklace and your watch." sabi ng nasa pinakagitna na sa tingin nila ay ang lider. Nakahalukipkip pa ito at halatang nananakot. Tama ang hinala ni Cally na napansin nga nito ang relo niya at ang kwintas ni Prin na parehas ginintuan. Kumunot ang noo ni Cally at Prin saka nagkatinginan bago ibinalik ang tingin sa lalaki. "Pa''no kung ayaw namin?" nakakunot ang noo na sagot ni Cally. Ngumisi ang isa at agad na hinawakan ang braso ni Cally para pilit na kunin ang relo niya sa kamay. Binawi ni Cally ang braso niya na hawak nito saka niya diretsong sinuntok sa mukha ang lalaki na pilit na kumukuha ng relo niya. Gumanti rin ito ng suntok ngunit nailagan ni Cally saka niya sinipa sa panga ang lalaki at tumilapon iyon. Sumeryoso ang lalaking nasa gitna at tumalim ang tingin nito. "Get the girl!" utos nito sa dalawa pang kasama. Bago pa mahawakan ng dalawa ang magkabilang braso ni Prin, sinipa niya mula sa baba ang isa sa mga ito kaya tumilapon ang lalaki. Naglabas naman ng baril ang isa at tinutukan siya nito. Sinipa ni Cally ang kamay nito na may hawak na armas kaya tumilapon iyon at nasalo ni Prin ang baril nito. Sinuntok pa ni Cally sa mukha ang lalaki at sinipa paatras para samahan nito ang kasama na tatayo pa sana muli. Nagkauntugan ang dalawa. Napangisi si Prin. "Give me your money." sabi niya sa lalaki na namumuno at tinutok ang baril na hawak dito. Kumunot naman ang noo ni Cally. Kailan pa naging holdaper ang asawa niya? Ngumisi rin ang lalaki at kinuha ang armas na na nagtatago sa likuran ng pantalon nito. Pero bago pa nito matutok ang baril sa kanya ay pinaputukan na ni Prin ang kamay nito na may armas kaya nito nabitawan iyon. "Sh*t!" nangigigil na hinawakan nito ang kamay na nasugatan mula sa bala. Lalapit pa sana ito sa kanya para saktan siya pero tinutok niya sa noo nito ang baril na hawak. "Hindi na ako magtatangkang gumawa ng masamang kilos, kung ako sa iyo." pananakot niya dito. Napalunok ang lalaki at hindi makapaniwala sa kanilang mag-asawa. "He he. Kayong apat, akala niyo siguro ay mayaman kami. Give me all your money! Husbie, pagsamasamahin silang apat sa isang tabi." utos ni Prin. Tinulak ni Cally ang apat sa isang tabi. "Honey, male-late na tayo ng uwi." Paala niya kay Prin kahit pa sumusunod siya sa trip ng asawa niya. "Yes, Miss. Male-late kayo ng uwi" gatong ng isa. "It''s okay Husbie. Kasalanan nila ito" Sagot ni Prin habang hindi tinatanggal ang baril na hawak sa apat na holdaper. "Give me your money!" ulit niya. "We don''t have money! Kaya nga namin kayo hino-holdap!" sabi ng lider habang nakangiwi dahil sa nasugatan na kamay. Umikot ang mata ni Prin. "Kapkapan sila Husbie" Walang nagawa si Cally kundi ang sumunod kay Prin pinatayo niya ang isa at kinapkapan. May nakuha siyang 500 euro sa bulsa nito. "Tangina! Paano ka nagkaroon ng 500?" galit na tanong ng isa sa mga kasama nito. "Oo nga sabi mo kanina wala kang pera!" "''wag maingay! Next!" utos ni Prin kay Cally. Napapailing si Cally na kinapkapan ang sumunod na lalaki. May nakuha na 300 euro sa bulsa nito saka mga barya-barya. "Gago ka ah! Aangal-angal ka, may pera ka rin pala?" tanong ng naunang lalaki. "Hehe. Mukhang masaya ito. Sabi niyo kanina kaya kayo nangho-holdap dahil wala kayong pera. Kayong dalawa! Ilabas niyo na ang mga pera niyo bago pa uminit ang ulo ko" sabi ni Prin sa lider at sa isa pang kasama. "Ayoko!" sagot ng lider. Binaril ni Prin ang pader na nasa likuran nito. Kaunting-kaunti na lang ay tatama na iyon sa ulo ng lider. Natakot ang tatlo pang kasama. "Hindi ako nagbibiro." sabi ni Prin. Nangigigil na nilabas ng lider ang wallet nito. May nakita na two thousand euro sa wallet ng lalaki. Napamura ang tatlo pang kasama. "Malaking pera to ah! Sabi mo, wala kang pera! Mukhang naloko mo kami doon sa isang babae kanina. Gulpihin iyan!" utos ng isa na pinagugulpi ang lider nila. Nagkagulo ang apat. Nagmurahan at nagsuntukan. Pinabayaan na lang ni Prin at Cally ang apat. Kinuha ang pera ng mga ito saka umalis ng lugar. Chapter 218 - You are the guy Nang makabalik sa hotel si Cally at Prin, wala pa doon si Cassandra at Lorenz. Pero natagpuan nila sa Lobby ang bagong dating na si Doc Mikko at Christen. Dumating din si Donna na inimbitahan ni Prin para sa kaarawan ng anak niya ngunit umuna na sa suite na nakalaan dito. Ayaw nito ng una pero pinilit niya para iselebra ang birthday ni Khalid at Angel. Plano ng dalawang doktor na pilitin si Cally na tanggalin na ang capsule bomb sa ulo ni Prin. At dahil naroon sila sa Paris kung saan nag-aral ang dalawa, mas malaki ang tyansa nila dahil katulong ng mga ito ang iba pang magagaling na doktor sa eskwelahan. "Cally, since you are all here, we decided to follow you." Simula ni Christen sa kuya niya bago humalik sa pisngi nito. "Sigurado ka na hindi ka narito para makipagdate?" tanong ni Cally. Namula ang mukha nito. "Shut up!" "Nauna pang magkaroon ng boyfriend sa iyo si Crayola." tudyo nito. Kumunot ang noo ni Doc Mikko "Ehh, Sino ang nagsabi? We are dating for four years. During that time, dalagita pa ang bunso niyo." Nagkatinginan si Cally at Prin. Hindi nila iyon alam at mukhang walang nakahalata na nagde-date ang dalawang doktor. "You mean, tuluyan ko nang magiging brother-in-law si Kai Jang?" napalingon sila sa bagong paparating na si Mat-mat. "Oh! Pati ikaw nandito?" gulat na tanong ni Prin sa binata. "Hindi masaya ang party kung wala ako" sagot nito habang hila ang bagahe papalapit sa kanila. Umikot ang mata ni Prin "Mabuti pa, magpapa-reserve ako ng kwarto sa restaurant. See you all in an hour para mas malinaw. Husbie, sabihan mo na lang si Lorenz" ===== Sa hotel suite ni Donna. Inimbitahan siya ni Prin na magpunta sa Paris kahit ayaw niya nu''ng una. Ayaw niya na kasing balikan pa ang nakaraan -- ang kanyang first night na hindi niya akalain na si Mat-mat din pala. Napangiti siya ng mapait habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na Eiffel Tower. Masyado siyang nasaktan na parang napaglaruan siya ng binata. Masyado rin na naging sarado ang isip niya para pakinggan ang paliwanag nito hanggang sa magsawa na lang si Mat-mat na magpaliwanag pa sa kanya at bumalik ito sa Amerika. Pakiramdam ni Donna, niligawan lang siya ni Mat-mat dahil nakuha nito ang v.i.r.g.i.nity niya noon. He always listen to her tuwing iku-kwento niya ang pangit na nakaraan niya na iyon na parang balewala lang dito, iyon pala¡­ ito ang lalaki sa kwento. Natatawa ba ito sa kanya dahil para siyang tanga na kwento ng kwento sa nakaraan? Samantalang, ito lang din ang lalaki sa kwento niya? She remembers clearly the last day they seperated. She went to his home para kusang ibigay ang sarili niya dito. She was ready and he has waited long enough for her. She brought a six inches round red velvet cake and a red wine to celebrate their love. Matapos niyang mag-doorbell, binuksan nito ang pinto ng naka-towel lang. Katatapos lang din kasi nito maligo. "Hello, Donna, My love. Why are you here?" takang tanong nito dahil alas nuwebe na ng gabi. Napalunok si Donna dahil unang beses niya na makita ang katawan ni Mat-mat ng nakahubo ang pang-itaas. Tumutulo pa ng bahagya ang basang buhok nito sa dibdib, sa balikat at pababa. Namumula ang mukha ni Donna na lumingon sa magkabilang side dahil baka may makakita ditong kapitbahay. "Hey! Bakit ka nagbubukas ng pintuan ng naka-towel lang?" "Nah! Kahit pagnasaan nila ang katawan ko, this body is exclusive for you." nakangisi at tudyo na sagot nito. Pinalo niya ito sa dibdib at agad niya ring binawi dahil nakahubo pa ang binata. "Come in!" ang sabi nito saka tumalikod. Nakangiti pa si Donna hanggang sa unti-unting mawala iyon. Lumitaw sa kanya ang tattoo ni Mat-mat na malinaw na malinaw sa ala-ala niya dahil tumalikod ito sa gawi niya. Nabagsak niya ang cake at ang redwine. Nagsipagtalsikan ang bubog at alak sa binti ni Donna pero hindi niya iyon pinansin. Nakakunot ang noo na napalingon sa kanya si Mat-mat. "Are you¡­ okay?" Tulala na napatingin si Donna sa mukha ni Mat-mat at unti-unti ring lumilinaw ang mukha ng lalaki sa nakaraan niya. "You¡­ It''s you¡­" Nakakunot ang noo na lumapit sa kanya si Mat-mat. "What''s wrong?" Napaatras si Donna. "Matty, are you happy na paglaruan ang damdamin ko?" napakuyom siya ng palad saka napaluha. "It''s you¡­ May 3, six years ago. Romantik Grand Hotel." "My Love¡­ What are you talking about?" tanong ni Mat-mat. "Don''t call me ''My Love!'', I trusted you Mat!" singhal ni Donna sa binata saka tumakbo paalis kahit pa may mga tibo ang binti niya mula sa nabasag na bote ng wine. Humugot ng hangin si Donna matapos makabalik sa kasalukuyan. Pinunasan niya ang luha na tumulo sa mga mata niya. Kailangan niyang harapin ang nakaraan para tuluyan na makapag move-on. Chapter 219 - Out of place Pagkalipas ng isang oras, katulad ng usapan ay nagkita-kita sila sa restaurant na pinareserba ni Prin sa hotel. Magkasabay sila na bumaba ni Cally na bitbit ang anak niya. Naroon na si Cassandra at Lorenz na magkahawak-kamay at matiyagang naghihintay sa kanila. Tumayo si Cassandra para yakapin ang kaibigan. Napaluha si Prin dahil naka-alala na ang kaibigan niya at masaya siya doon. "I miss you my friend, I''m really sorry¡­" sabi nito habang mahigpit ang yakap nila sa isa''t-isa. "Kailan pa nakabalik ang alaala mo?" usisa niya dito. "Nang nakaraang buwan lang." ngumiti ito ng mapait. Tumango-tango si Prin at inikot ang paningin sa buong kwarto. "I''m happy." sabi niya dito. Mahaba-haba ang pag-uusapan nila ng kaibigan kasabay ng dalawang doctor na nasa loob ng kwarto. Naroon na sa kwarto si Christen at si Doc Mikko pati na rin si Donna na tahimik na umiinom ng red wine sa isang tabi. Isang buong bilog na table ''yun na nasa loob ng kwarto na sampuan. Lumapit siya kay Donna para kumustahin naman ito. Hindi niya alam kung gaano nito kaayaw o kagusto na makita si Mat-mat. Pero hindi niya kasi alam na pupunta ang binata at ang dalawang doktor para pilitin ang asawa niya. "Donna¡­" tinabihan niya ito. Lumingon ang dalaga saka ngumiti ng simple. Hindi alam ni Prin kung paano sisimulan na sabihin na naroon din sa lugar na iyon ang ex-boyfriend nito. "Ahh eh¡­" napakamot siya sa ulo. "Are you going to tell me that Matthew is here?" sabi nito. Kagat-labi na tumango si Prin. "Yes. I don''t know--" "Hello guys!" masayang bati ni Mat-mat na bagong pasok. Kasunod nito ang mag-asawang Kai at Bella. Sabay silang napalingon sa pintuan. Napansin ni Prin na biglang natahimik din ang binata matapos magtagpo ng mata nito at ni Donna. "I''m really sorry, Donna." paghingi niya muli ng paumanhin kahit pa hindi niya alam kung ano ang talagang history ng dalawa. Tumayo na siya para tabihan si Cally. Magkakatabi ang magkakapareha na si Cally at Prin, Kai at Bella, Lorenz at Cassandra, Christen at Doc Mikko kaya walang nagawa si Donna na itabi Kay Mat-mat dahil nasa isang bilog na mesa lang silang lahat. Dahil kumpleto na ng lahat, sinimulan ni Christen magpaliwanag. "Narito kami ni Doc Mikko hindi lang para makiisa sa birthday ng pamangkin ko na si Khalid at Angel, kundi para pilitin na rin si Cally na isagawa ang operasyon kay Prin." "... ngayon na narito na si Sandra, gusto ko sanang hilingin kung pwede ka namin na ma-test for x-ray and for other laboratories." sabi nito kay Cassandra. "I''m willing." diretsong sagot ni Cassandra. Wala namang mawawala sa kanya kung dadaan siya ng test. Hindi niya masisisi ang lahat kung mag-alala ang mga ito kay Prin, lalo na at ilang taon na nawala ang kaibigan niya sa pamilya nito. Isa pa, malaki ang pasasalamat niya sa lahat dahil ligtas na siya sa bomba. "that''s good and thank you" nakangiting sabi ni Christen. Pinaliwanag ni Doc Mikko at Christen ang mga gagawin katulong si Mat-mat sa imbensyon ng mga ito na related sa medisina. Tumahimik ang lahat na parang may dumaan na anghel sa kwarto matapos ang paliwanag ni Christen. Naserve na rin ang pagkain sa table kaya sinimulan na ng lahat ang mag-dinner. Guilty si Prin habang tinitignan si Donna at Mat-mat sa kabilang bahagi. Hindi niya kasi alam na pupunta ang iba para sundan sila doon. Hinawakan ng asawa niya ang kamay niya at pinisil iyon. It''s as if he is telling her everything is okay kaya tumango siya dito. Walang makagawa ng pagbibiro sa harapan ng pagkain para kay Mat-mat at Donna dahil kilala ng lahat ang dalaga bilang seryosong tao at hindi ito magdadalawang isip na magwalk-out doon. "By the way, Magpapakasal kami ni Sandra dito kaya maiiwan kami" pagbibigay-alam ni Lorenz. Nagsipaglingunan ang lahat sa dalawa. "Wow! Congrats!" nagpalakpakan ang lahat. "Hindi ka naman nagmamadali niyan, Shogun?" tanong ni Prin. Parang nagkita lang muli ang dalawa nang araw na iyon at gusto na nito na magpakasal kaya nabigla talaga siya. Ngumiti lang ito ng simple kaya wala silang nagawa kundi i-congrats ang dalawa. Ilang saglit pa, nagsimulang magkwentuhan si Prin at Bella tungkol sa mga traits ng anak nila. Ganoon din naman ang iba pa sa ibang topic. Mabilis na inubos ni Donna ang pagkain niya kaya nagpaalam na siya na uuna na sa lahat para magpahinga sa kwarto niya. "Uuna na ko sa inyong lahat." sabi lang saka mabilis na tumayo at hindi na naghintay pa ng sagot mula sa kanila. Halos hindi siya makahinga at hindi makakilos sa tabi ni Mat-mat na parang nakikiramdam sa kanya kaya siya nagpaalam. Parang naninikip ang dibdib niya kaya umalis na lang siya sa hapag. Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya ng reserved room na iyon saka nilakad ang papuntang elevator. Habang nag-aabang sa tapat ng elevator, naramdaman na lang niya na tumabi sa kanya si Mat-mat. Chapter 220 - Talk to him Nag-aabang si Donna sa elevator nang tabihan siya ni Mat-mat. Hindi na lang niya pinansin ang binata dahil baka aakyat rin ito sa kwarto nito. Humakbang lang siya pagilid para makalayo dito ng ilang dipa. Nang bumukas ang elevator, naunang tumuloy si Donna sa loob saka pumuwesto sa pinaka-gilid sa kanan, malapit sa pindutan. Pinindot niya ang numero ng 4th floor kung saan siya bababa. Pumasok din ang binata at sumiksik sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama. "Pipindot lang¡­" katwiran nito sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay. "Meron d''on sa gilid." turo niya sa left side ng elevator. Saka ito inirapan. ''pindutin ko ilong mo e'' isip-isip niya. Hindi na lang niya ito pinansin saka umatras ng bahagya para bigyan ito ng space. Napansin niya na wala namang pinindot ang binata pero hindi na lang niya ito pinansin. Mukha namang iniinis lang siya nito. Kinuha na lang niya ang cellphone para hindi siya ma-OP, saka tinapat iyon sa tenga niya para kunwari ay may tatawagan. Kaysa bwisitin siya ni Mat-mat. "Hey, see you later¡­ Sure¡­ Yes, I''m here¡­" mga saad niya dahil nate-tense siya sa loob ng elevator lalo at dadalawa lang sila ni Mat-mat na sakay nito. Nakita niya sa itaas na bahagi ng elevator na naroon na siya sa palapag kung saan siya bababa. Humakbang siya palabas nang bumukas iyon. Sumunod ang binata na lumabas din sa elevator. Nabigla na lang siya nang mag-ring ang telepono habang nasa tenga niya pa. Naihagis niya tuloy ng wala sa oras ang telepono na hawak dahil sa bigla. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa kahihiyan. Nahalata tuloy ng binata na wala naman talaga siyang kausap sa kabilang linya. Dinampot ni Mat-mat ang cellphone niya na bumagsak sa harapan nito saka inabot sa kanya. Ngumisi si Mat-mat nang makita na tumatawag ang magulang niya. "Thanks!" sabi ni Donna pero bago niya mahawakan ang telepono, binawi iyon ni Mat-mat pataas. "Kiss muna" sabi nito. Tiningnan niya ito ng masama. Tinapat niya lang ang kamay sa harap nito. Patuloy lang na nagri-ring ang cellphone niya. "Akin na" seryosong sabi niya. "No. Kiss muna." "Matty, hindi ako nakikipagbiruan" naiinis na sabi niya dito. "Masungit ka pa rin tulad ng dati." Tinaasan niya ito ng kilay. "Give my phone back!" pilit niya. Wala siyang panahon na makipagplastikan o makipagkwentuhan dito. Nagulat na lang siya nang sagutin nito ang cellphone niya. "Hello Daddy" masiglang bati pa nito. Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang marinig ang pagbati nito. "This is Matthew, kasama ko po si Donna dear dito sa Paris." "Matthew, Give my phone back!" tumalon siya para abutin ang telepono niya pero hinapit siya nito. Kumabog ang dibdib ni Donna pero nakabawi siya agad kaya tinuhod niya ito sa maselang bahagi ng katawan. Nakalimutan ba nito na nagtraining siya noon bilang Dark Guard? at hindi siya mahinang babae kahit pa hanggang balikat lang ang taas niya sa binata. "Ouch!" hiyaw nito. "Butinga sayo! Sinabi ko nang hindi ako nakikipagbiruan!" "Daddy, sinasaktan ako ng anak niyo." reklamo nito habang namimilipit sa sakit at hawak ang cellphone niya sa kabilang kamay na nananatiling nakadikit sa tenga nito. Dahil napayuko ito, hinablot niya ang cellphone niya at patuloy na naglakad patungo sa suite niya habang kausap ang Daddy niya sa kabilang linya. "Hello Dad" sagot niya. "Hello honey, nagkabalikan na kayo ni Matthew?" masiglang tanong nito sa kabilang linya. "No Dad. Kung ano man po ang sinabi niya sa iyo, huwag mong pansinin, nasisiraan lang iyon ng ulo. Narito ako sa Paris dahil inimbitahan ako ni Prin at Cally" sabi niya dito. "Huh? Bakit naman? Anak, bumalik ka na sa kanya. Kawawa naman kayo ni Matthew" halatang nalungkot ito sa kabilang linya. "Dad¡­" hinilot niya ang noo niya. Sa kanilang dalawa ni Matthew, siya ang kawawa at hindi ang binata. Nagtataka lang siya kung bakit botong-boto dito ang mga magulang niya. Inagaw ng Mommy niya ang telepono. "I know you still love him!" sabi nito sa kabilang linya. Natahimik si Donna. Hindi na importante kung mahal niya pa ito, ang mahalaga kung may tiwala pa ba siya dito. Napabuntong-hininga na lang siya. Nakarating na siya sa tapat ng kwarto niya kaya tinapat niya ang card key sa sensor. "Mom, magpapahinga na ako. Ingat kayo ni Daddy" sabi niya dito. "Honey..." tawag nito sa kanya. "...I just hope na kausapin mo si Matthew , hingin mo kung ano man ang paliwanag niya. Nalulungkot ako para sa inyong dalawa... Nakausap ko siya anim na buwan ang nakaraan at humingi siya ng tawad samin ng Daddy mo bago siya magpunta sa Amerika. Walang kasalanan si Matthew kaya ako na ang nakikiusap sa iyo, sana makinig ka habang nandyan ka sa Paris at kasama siya." Hindi niya alam ang isasagot sa magulang kaya tuluyan na siyang nagpaalam sa mga ito. Nagulat na lang siya nang bigla siyang bitbitin ni Mat-mat sa balikat nito. "Hey! Matthew put me down!" singhal niya sa binata. Sinuntok niya ito sa likuran. Hindi siya nito pinansin at patuloy lang na naglakad patungo sa kung saan. Chapter 221 - Trying to escape the past Pinagmamasdan ni Mat-mat si Donna hanggang sa huminto ang babae sa tapat ng suite nito. Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng magulang nito dito pero may ideya siya na tungkol iyon sa relasyon nila ng babae dahil kita niya ang hinanakit sa mukha ni Donna nang tumigil ito sa tapat ng pintuan. Kaya naman nagdesisyon na siya na tapusin na ang kung anumang pangit na impresyon nito sa kanya. Hindi naman siya nagmamalinis pero wala rin naman siyang alam sa nangyari dahil pilit niya iyon na kinalimutan. Aminado si Mat-mat na marami siyang kalokohan na nagawa noon. Pero simula nang mangyari ang gabi na ''yon, ang araw na binanggit ni Donna nang makipaghiwalay ito sa kanya ay medyo nagtino siya. May sinalihan siyang assembly sa Paris anim na taon ang nakaraan at may ginawang masama sa kanya ang mahigpit niyang kalaban sa computer program. Si Coffee, Isang babae na hawak ng isang sindikato sa lugar. She drugged him para ibenta sa publiko ang masama niyang gawain at para matalo na rin nito sa bidding competition. Akala niya noon ay ang babae ang nakasiping niya ng araw na binanggit ni Donna sa kanya. Isa pa, malabo na ang mata niya ng mga panahon na iyon kaya wala siyang masyadong maaninag. He reviewed the Hotel videos, May 3rd, Grand Romantik Hotel Paris nang maghiwalay sila ng babae at doon niya lang napagtanto na siya ang lalaki sa kwento nito. Gusto niyang magpasalamat and at the same time ay mag-sorry pero masyado niya na itong nasaktan at wala siyang magawa para maibalik ang tiwala nito sa kanya. Umiwas sa kanya ang dalaga at halatang kinasusuklaman siya nito, at hindi niya ito masisisi. Totoo at tapat ang pag-ibig niya sa babae at masyado siyang naging kampante. Kaya bago pa magbago ang isip niya at makatakas na naman sa kanya si Donna, binuhat niya na ito para ipasok sa loob ng kwarto niya na nasa parehas na floor ng hotel. "Matthew!!!" sigaw ni Donna. Alam niya na kapag buo na ang pangalan na tinatawag nito sa kanya, ibig sabihin ay galit na talaga ito sa kanya. Pinagsusuntok siya nito sa likuran. Dinala niya si Donna hanggang sa suite na nireserba niya. Binuksan niya ang pintuan, dumeretso sa kwarto at hinagis sa kama ang dalaga. "You will listen to me now!" sabi ng binata. "No! I don''t! I dont want to talk to you" tumayo si Donna mula sa kama para umalis ng kwarto na ''yon ngunit humarang na si Mat-mat sa pintuan. "You will listen to me, woman! Kung hindi, hahawakan ko ang b.o.o.b.s mo" Nagkuyom ang palad ni Donna at gusto niyang suntukin ang ex niya "Kahit kailan, bastos ka pa din! I want to get out of here! Move!" Hindi siya pinansin ni Mat-mat. Sa halip, humarang ito sa pintuan at humalukipkip. Naiinis na tinungo ni Donna ang Terrace at sinilip kung maaari siyang makaalis doon. Ngunit masyadong malayo ang terrace ng kabilang kwarto. Hindi naman siya tanga para tumalon sa napakataas na terrace patungo sa kabilang terrace. Sinilip niya ang ibaba at napansin niya na nasa tapat ng kwarto nito ang swimming pool. Pero hindi din naman siya nababaliw para tumalon sa pool mula sa ika-apat na palapag. Wala siyang choice kundi harapin ang binata na nanatili sa pintuan. Ngumisi si Mat-mat nang mapansin nito na pabalik siya ng kwarto. "Alis!" singhal niya dito. "No way, My dear. I have waited for months and it''s long enough. You will listen to my explanation now." "I don''t care about your explanation. Move!" Lumapit sa kanya ang binata kaya nagsimula siyang kabahan. Napalunok si Donna. "Huwag ka nang pakipot Donna, My love" sabi nito habang humahakbang. "Donna, your love, your face! Huwag kang lalapit!" binato niya ito ng unan. Sinalo lang iyon ng binata saka binalik nang maayos sa kama. Natagpuan niya ang laptop nito sa ibabaw ng bedside table kaya dinampot niya iyon at mabilis na tinungo ang terasa. "Sige ihahagis ko ''to dito!" pananakot niya. Alam niya kung gaano ka-importante ang laptop nito dito. At hindi nga siya nagkamali dahil halatang nataranta ang binata lalo na ng ilabas niya iyon sa ''safe zone''. "Donna, I''m warning you!" nakakuyom ang palad ni Mat-mat at natatakot ito sa kahihinatnan ng laptop nito. "Alis!" pilit ni Donna. "I just needed to talk to you. Masama ba iyon?" hiling nito. "At tulad ng sinabi ko, ayoko!" Lumapit si Mat-mat para pigilin siya, ngunit huli na! Binitiwan niya na ng tuluyan ang laptop nito at diretsong bumagsak iyon sa swimming pool na nasa ibaba. "Noooo!" sigaw nito na nanlalaki ang mata. Agad itong sumilip sa terasa at pinanood na lang ang laptop nito na unti-unting lumulubog sa tubig. Natakot din naman si Donna matapos niyang mahulog ang laptop nito na kahit siya ay nanlaki ang mga mata. Nabigla lang din talaga siya nang lumapit ito at plano niya lang itong takutin. Salubong ang kilay na hinarap siya ni Mat-mat. Halatang galit ito. Natakot siya dito kaya tinakbo niya ang pintuan para tumakas. "Donna! Don''t you dare try to escape!" Chapter 222 - I miss you... Mabilis na nabuksan ni Donna ang pintuan ng kwarto at dali-dali siyang lumabas sa mismong suite ni Mat-mat. Hindi alam ni Mat-mat kung kukunin ang laptop niya o susundan si Donna. Nanggigigil at mabilis na nasundan niya ang dalaga sa harap ng suite nito. Nanlaki na lang ang mata ni Donna dahil nang makapasok sa kwarto niya ay nakasunod sa kanya si Mat-mat. Isasara na lang sana niya ang pinto nang pigilan siya nito. Nagtutulakan silang dalawa sa pintuan, siya ang nasa loob at si Mat-mat ang nasa labas. "Open the door, woman!" Sigaw nito mula sa labas habang pilit na tinutulak ang pinto. Ilang dipa lang ang siwang at tuluyan na iyon na masasarado. Medyo nag-aalala si Mat-mat na ipuwersa ang pinto dahil baka tumilapon ang dalaga kahit pa alam niyang malakas din naman si Donna. "No! I won''t!" Sagot ni Donna. Ano siya nababaliw? Lalo at alam niyang galit si Mat-mat sa kabilang bahagi ng pintuan. "Donna! Bibilangan kita! ako na ang nagsasabi na kapag hindi mo kusang binuksan ang pintuan, you''re dead!" Sabi nito. "What''s the difference?" tanong niya. Alam niyang patay pa rin naman siya lalo at hinulog niya sa pool ang pinakamamahal nitong laptop. "Get your laptop and go away! Ahhh--!" Sumalampak ang puwitan niya sa carpet dahil pwersahan na binuksan ng binata ang pinto. Tuluyan nang nakapasok si Mat-mat sa kwarto saka nito sinara ang pintuan. Salubong ang kilay ng binata na nakatingin sa kanya na nanlalaki ang mata. Parang bata na mabilis na gumapang si Donna papasok ng bedroom para makatakas kay Mat-mat. Hinawakan siya nito sa bewang para hulihin siya. "Ahh!" Tili niya. Sinipa niya ito sa tuhod kaya siya nito nabitawan saka siya sumuot sa ilalim ng mesa. "Shit!" he hissed. Nanggigigil na hinilot ni Mat-mat ang tuhod. "You are so dead, Donna!" Gumapang uli si Donna patungo sa pintuan ng kwarto at doon siya nahuli ng binata. Niyakap ni Mat-mat ang bewang niya para pigilin siya. Napaupo ang binata sa carpet at hinila siya nito kaya napakandong siya sa nakasalampak na binata. Mabilis siya nitong ikinulong sa loob ng dalawang braso nito. "Let go of me!" Nagkakawag siya ngunit masyado nang malakas si Mat-mat kaya kahit anong tanggal niya sa braso nito na nakalingkis sa kanya ay hindi siya makaalis. Parang nilipad naman ng hangin ang lahat ng galit ni Mat-mat nang mayakap niya ang dating nobya. God knows how much he missed her. Namimiss niya ang amoy nito na nanunuot sa ilong niya ng mga oras na iyon. "Stop¡­ Please¡­ I miss you¡­" narinig niyang bulong ng binata. Doon napatigil si Donna. Tila kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa sinabi nito. Hinihingal at napapagod na rin siya na kumawala pa sa bisig nito. Humigpit lalo ang yakap ng binata sa bewang niya mula sa likuran. "Hindi mo ba kukunin ang laptop mo? A-and I.. I want to be alone" "Donna, I just wanted to talk to you¡­ Can''t you see that you are more important? You never listen to me even once at ayoko nang maghintay ng ilang buwan muli to tell you what really happened, to explain my side. Sayang ang oras at araw. This is making me crazy! You are making me crazy!" pinatong nito ang ulo sa balikat niya. Napabuntong hininga na lang si Donna dahil may katwiran din naman ang binata. "...I have never toyed your feelings. We are not getting any younger, why would I do that?" "...I just wanted you to know that I am also a victim... During that time, a french girl named Coffee drugged me. Sinira niya ang reputasyon ko sa industriya when she released a video of me having s.e.x¡­ with you." Nanlaki ang mata ni Donna. Napasinghap siya. "What???! A-am I part of the p.o.r.n sites now? Did someone watched it? Oh my god!" Ngayon alam niya na kung bakit sinabihan siya ng ex niya na hindi siya malinis. Did he watched it? "All the videos are deleted bukod sa laptop ko na nahulog sa pool. They are gone kahit saang phone or computers pa¡­ three days after that night, I deleted all the evidence but it was too late. A day after that night, natapos ang bidding and I was late." "...I am really sorry because I was an asshole. I thought the girl that I had s.e.x framed me and thought it was Coffee..." "...I chose to forget everything and never thought it would affect our relationship. I''m really sorry, Donna." Natahimik si Donna. She knew Coffee. Kinaibigan siya ng babae nang araw na iyon at nakipag-kwentuhan pa sa kanya. Hindi niya akalain na isang patibong at palabas lang pala ang lahat. Mataas din ang tyansa na nilagyan din nito ng droga ang inumin niya. "Mat, why did you leave me, then? Bakit ka nagpunta sa Amerika nang hindi nagpaliwanag?" tanong niya sa binata. "Dahil hindi mo rin naman ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Saka sobrang na-guilty ako." malungkot na paliwanag ni Mat-mat. "Mat¡­" "Hmm?" "''Yung totoo? ''Yung kamay mo kanina pa nasa b.o.o.b.s ko!" saka niya tinapik ang kamay nito. "Oops¡­ Sorry, I never thought na b.o.o.b.s ''yon." nakangisi na sagot nito. Donna "..." Chapter 223 - Love and Trust Hinawakan ni Mat-mat ang pisngi ni Donna. He misses her so much. Kahit ang hawakan lang ang pisngi nito ay namiss niya. Dinikit niya ang noo sa noo nito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. It was one of the things he misses the most, because he can see himself na parang nananalamin, na para bang sinasabi ng mga matang iyon na wala itong nakikita kun''di ang sarili niya. "I''m sorry, My Love for hurting you. Please forgive me" bulong ni Mat-mat bago niya hinila ang leeg ni Donna para halikan ito sa labi. Napaluha si Donna habang sakop ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya maitatanggi na namiss niya ng sobra ang binata. May kasalanan din siya sa nangyari. Ang masama ay sinisi niya ang lahat ng iyon sa binata. Nagpapasalamat siya na kahit pinaglayo sila ng ilang buwan at naging sarado ang isip niya sa mga bagay-bagay, nananatili pa rin siya sa puso nito. No questions asked. Ganoon yata talaga kapag mahal niyo ang isa''t-isa, para bang may tali pa rin na nag-uugnay sa inyong dalawa kahit na ilang araw o taon pa ang lumipas. Parang si Prin at Cally, ilang taon na naghiwalay ang dalawa pero nananatili ang tiwala ng mga ito sa isa''t-isa. When she came back, Cally never questioned Prin if Prince Khalid is his. He knew deep inside his heart because he loves her and trusted her so much. Wala kahit isa na pumapagitna sa dalawang taong nagmamahalan because their heart belongs to one person and no one else. Ang pagkakaiba lang nila kay Prin at Cally, hindi siya nagtiwala kay Mat-mat. Halos panggigilan ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya alam kung gaano katagal nilang binawi ang ilang buwan na naghiwalay silang dalawa. "My Love¡­ kailan ako makaka-score sa ''yo?" tanong nito habang habol ang hininga. Kinutusan niya ito dahil sa pagkainis kahit pa parang na-vaccuum ng lalaki ang lahat ng paghinga niya. "Matty, gusto mong maka-score ng maraming sapak? Malapit na ngang lumawlaw ''yung b.o.o.b.s ko dahil pinangigigilan mo palagi." Bigla nitong inangat ang kamay "Mukhang may kleptomaniac na ang kamay ko." paghuhugas kamay nito. "Tado! Maniac ka lang talaga hindi kleptomaniac, nagdadahilan ka pa!" Tumawa ng malakas si Mat-mat. "Oh my gosh! I''m so glad that you are really back!" natatawa na sabi nito saka siya nito niyakap ng mahigpit. "Namiss lang kita sobra" saka siya nito pinaulanan ng halik sa mukha. Napakapit na lang si Donna sa leeg ni Mat-mat dahil bigla siya nitong binuhat para dalhin sa loob ng kwarto niya. Nilapag siya nito sa kama ng maayos at maingat na hinubad ang itim niyang sandals isa-isa. "Patabi ako. Mahaba-haba ang binyahe natin pareho. Saka, makabawi man lang ako sa nasira kong laptop" Parehas silang galing sa mahabang byahe. Si Donna, mula pa sa Maynila at si Mat-mat na galing pa sa Amerika. "Paano nga pala ''yung laptop mo? Wala ka bang plano na kunin sa baba?" tanong ni Donna sa binata. "It can replace. What I need right now is someone to cuddle with. Pinayagan naman ako ng magulang mo na tabihan ka kaya wala akong problema" sabi nito saka hinubad ang sapatos at tumabi sa kanya. Namula ang mukha ni Donna na tumalikod sa binata. Ang totoo, nahihiya siya dito. Mahaba-haba rin ang panahon na sinayang niya sa pagitan nila ni Mat-mat. Naramdaman na lang niya na yumakap sa kanya ang binata mula sa likuran at dinikit nito ang ilong sa leeg niya. "I miss you, my love..." bulong nito bago siya hinalikan sa pisngi. May ngiti sa labi si Donna na hinila ng antok. Sa palagay niya, masyado rin talaga siyang napagod sa pakikipaghabulan niya dito. Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nakatulog. Nasilaw na lang siya sa liwanag mula sa labas ng mahabang bintana. Napasinghap na lang siya nang maramdaman na may kumagat sa dibdib. "Matthew! Ahh!" Napasabunot na lang siya sa binata at napaliyad dahil sa ginawa nito. Pinapapak nito ang dibdib niya. "''Yung totoo? Naiinggit ka ba sa dibdib ko?" kinutusan niya si Mat-mat dahil sa kalokohan nito. Hindi pa nga siya nagt-to-tooth brush at pinagsasamantalahan na siya ng binata. "Donna, My Love alam mo ba ang ibig sabihin ng ''Maliliit na Gagamba'' sa a.d.u.l.t world?" tanong ni Mat-mat sa kanya. Kumunot ang noo ni Donna. Chapter 224 - Communicate all the issues [Feibulous : SPG Content] Nagising si Donna na nakataas hanggang itaas ng dibdib ang blusa niya pati na rin ang strapless bra niya para malaya si Mat-mat na ma-explore ang pareho niyang dibdib. "Donna My Love, alam mo ba ang ibig sabihin ng ''Maliliit na gagamba'' sa a.d.u.l.t world?" Tanong nito. "Matty kung kamanyakan ''yang kwento mo, huwag mo nang ituloy!" nagagalit na sabi niya dito. Naalala niya kasi kwento nito na a.d.u.l.t version ng ''Ako ay may Lobo'' at talaga namang napagtripan siya nito. Pumantay ang mukha nito sa kanya. Pero nakahawak ang parehas nitong palad sa magkabilang dibdib niya. "Of course not! Sinong nagsabi na kabastusan ang sasabihin ko? Ang totoo, kwento nating dalawa iyon. Dumating ang panahon na inulan tayong dalawa. Pero may-araw pa rin para sa atin. Kaya sa dulo, magiging masaya tayo." paliwanag ni Mat-mat. Nakahinga ng maluwag si Donna. Napasinghap siya nang bumaba muli ang mukha ni Mat-mat para dilaan at halikan ang matayog niyang burol. "Ahh.." napakagat siya ng labi kasabay ng pagsabunot niya dito. Ilang saglit pa bago nito inangat ang ulo. Tila nililipad sa kalawakan ang katinuan ni Donna. Inangat muli ni Mat-mat ang mukha nito. "My Love, alam mo ''yung tula ng asong mataba?" He asked bago siya binigyan ng smack sa labi. Hindi na makasagot si Donna. Para bang nauhaw siya bigla sa ginawa nito. "I want you to remember that poem. Because¡­ you will soon meet your pet..." hinalikan nito ang kamay niya. Sumuot ang magkabilang kamay ni Mat-mat sa likuran niya para kalasin ang pagkaka-lock ng bra niya saka tuluyan na tinanggal ang lahat ng pang-itaas niya. Napangiti ang binata matapos niyang makita na wala ng pang-itaas si Donna. Tulad ng inaasahan, mas maganda pa ang katawan ng nobya niya kaysa sa mga gumaganap na aktres sa mga R18 videos o ng mga p0rn stars. "My Love, look at me." Utos ni Mat-mat. Nakaluhod siya sa magkabilang gilid ni Donna. Sinunod naman ni Donna ang inutos nito. Tila nag-magnet ang mga paningin nila sa isa''t isa. Hinawakan ni Mat-mat ang kamay niya para dalhin at ipadama ang alaga nito. Napalunok si Donna. Tanging makapal na pantalon lang ang pumapagitna sa kamay niya at sa bagay na iyon. Hindi niya alam but she felt excited matapos na mahawakan iyon. "...You may recite the poem now" Namumula ang pisngi ni Donna. Ano nga ba ang kwento ng tulang iyon? Hindi kasi siya makapag-isip ng maayos. Basta ang natatandaan niya lang ay may aso na makinis ang mukha. Hinubad ni Mat-mat ang t-shirt na suot nito tapos ay sinunod ang pantalon at brief. Hindi tinanggal ni Donna ang kahit isang segundo na nakatingin siya sa binata dahil parang nag-lock ang paningin nila sa isa''t-isa. Lumitaw sa mata niya ang ''asong mataba, buntot ay mahaba, makinis ang mukha''. bigla tuloy niyang na-memorize ang tula matapos niyang makita iyon. Lalong namula ang pisngi ni Donna. Tumabi sa kanya ang binata sa bakanteng space ng kama, saka siya hinila para pumaibabaw sa binata. Sinakop ni Mat-mat ang labi niya habang nakaikot sa bewang niya ang isang braso nito. "Ahhh!" Napahiyaw siya sa ginawa nito. Naglandas kasi ang isang kamay nito para pumasok iyon sa loob ng underwear niya. Nakasuot lang kasi siya ng palda na de-garter kaya malaya nito na magagawa ang gugustuhin nito sa kanya. He played her thing mula sa likuran. Napakislot siya habang nakatingin sa binata at parang nauuhaw na napanganga sa ginawa nito. Looking at her, Matthew felt satisfied. Sulit ang experience at paghihintay niya sa dalaga sa loob ng ilang buwan. He then kissed her b.r.e.a.s.t while doing something good down there, as if he is exploring the seven wonders of the universe. "Haa.. hah.." napahalinghing tuloy si Donna ng wala sa oras at napakapit ng mahigpit sa balikat ni Mat-mat na nakahiga. Punyemas! Hindi niya akalain na aakto siya ng ganoon. Ganoon yata talaga kapag nagkabati matapos ang matagal niyong pagkakahiwalay, nauuwi sa kama ang lahat to ''communicate all the unfinished issues''. Parang naging hoolahoop na ang palda niya na nalukot at nakaikot ang lahat sa bewang niya. "Easy my dear." Saka siya nito hinalikan muli sa labi. Nilihis lang ni Mat-mat ang suot na underwear ni Donna to enter. "Ahhh!" Napapikit ng mariin si Donna saka napakapit sa binata. "Welcome back, My love..." saka nito pinisil ang magkabilang puwitan niya. Hindi alam ni Donna kung paano kikilos dahil siya ang nakaibabaw sa binata. Ngunit nagulat na lang siya nang kusa itong kumilos. She just stayed at the right spot where he can kissed both of her b.r.e.a.s.t while thrusting. Napapikit si Donna sa doble-dobleng sensasyon na binibigay sa kanya ng binata. Parang ayaw niya nang tapusin ang mga sandali na iyon. Chapter 225 - Having two Angels Nakakunot ang noo ni Kai nang makita sa restaurant ng hotel si Donna at si Mat-mat na magkahawak-kamay. Naroon sila ng pamilya niya para mag-tanghalian. Hawak niya pa si Angel sa mga bisig habang pinadedede ng gatas. He never thought that he will carry his little angel in a public place like that and be a good family man. Kaya niya talagang gawin ang lahat for Bella. His life was flawless among all of them. Sa kanilang apat, siya ang masasabi na hindi ganoon kasalimuot ang history. Si Prin hanggang ngayon ay hindi pa ligtas sa capsule bomb. Si Shogun at Mat-mat, ay ngayon lang nakabawi sa mga mahal nito. Bukod sa hindi pa rin natatanggap ng Mommy niya si Bella at si Angel dahil babae ang naging panganay niya, masasabi na ayos ang lahat ng nangyayari sa kanya. Sa chinese culture kasi, importante sa pamilya ang kalalakihan dahil sila ang magmamana ng kung ano man na nagawa ng ninuno nila. Lalo at nalihis sila ng landas ng kuya niya sa business world. Ang kuya niya ay nag-doktor, siya bilang Dark Guard Leader. But he doesn''t care at all. He loves his family so much. He can do anything for his Bella and Angel. Having two Angels in his home was so nice. Iba sa pakiramdam ang saya. Dati, katana o armas ang hawak-hawak niya araw-araw. Samantalang ngayon, isang little angel ang maingat na pinupunasan niya ng pisngi tuwing iinom ng gatas o kaya naman pupunasan ang puwit tuwing pupupu ito. Binalik niya ang tingin sa dalawang ''dating magkasintahan'' na sa tingin niya ay nagkabalikan na. Parehas na nakasuot ng casual attire ang dalawa at mukhang may planong mamasyal o mag-date. Parehas naka-maong, simpleng blusa at polo shirt saka parehas na naka snickers ng puti na akala mo ay naka-couple shoes. "Whew! Ang bilis mo tsong! kagabi lang galit-galit kayo, ngayon holding hands while walking na? Mukhang may naganap na hindi namin alam ah" tudyo ni Kai kahit pa seryoso ang mukha niya. Namula naman ang pisngi ni Donna at napayuko. "Donna, you''re blooming!" Puna ni Bella na bagong balik sa table dahil kumuha ng pagkain sa buffet. Lalong namula ang pisngi ni Donna. Siguro dahil masarap ang tulog niya ng nagdaang gabi. Saka hindi rin niya alam kung gaano katotoo ang kasabihan na kapag nadiligan ang bulaklak, mas blooming. Sinilip na lang muna niya ang anak ng dalawa para makaiwas sa panunudyo ng mga ito. "Oh! She''s so cute¡­ Bella, you look like her." Puna ni Donna kay Angel na anak ng dalawa. Tahimik lang ito na umiinom ng gatas mula sa bote, panay ang galaw ng bibig nito at lalamunan at nakatitig sa kanya. Napangiti si Bella. Her Angel looks like a real Angel. Maputi, chubby cheeks na mamula-mula, round eyes, kissable lips at may curly black hair. "Kaya nga suko ang bataan ng Black Guards dahil sa batang iyan. Imagine Kai Jang tuwing uuwi ng bahay at may sasalubong na cute na Mommy at Angel sa kanya. Double whammy sa cuteness kaya nililipad ang lahat ng init ng ulo niya tuwing uuwi sa bahay..." "...Kulang na lang, ayain ng buong Dark Guard si Bella at Angel sa Camp para walang problema ang mga trainees." Napapangiti lang si Bella. Si Kai ay walang pakialam sa tudyo ni Mat-mat. Sanay na sila sa isa''t-isa. "By the way, where is Shogun?" Tanong ni Mat-mat. Sumeryoso naman si Kai. "Umalis silang lahat, hindi mo ba nabasa ''yung email ni Shi kagabi? Ngayong araw nila i-te-test si Sandra sa ospital. Kailangan i-check kung ayos lang ''yung skull at ang lahat ng head organs ni Sandra matapos ang operasyon na ginawa sa kanya noon." Paliwanag ni Kai. Tumango si Mat-mat. "Hindi ko na nabasa. Nahulog kasi sa pool ''yung laptop ko. I don''t have a phone here." "Huh?! Himala! At ayos lang sa ''yo na nahulog ang laptop mo sa pool?!" Hindi makapaniwala si Kai. Alam kasi nila kung gaano ka-importante ang laptop ng binata dito. Nilingon ni Mat-mat si Donna na napayuko sa tabi. "Mayroon naman akong Donna My Love, kaya ayos lang." Ngumiti ito ng abot-tenga. Nakakaintindi naman si Kai sa ibig nitong sabihin kaya napailing na lang din ito. Totoo nga na ang Paris ang tinaguriang City of Love. Si Lorenz ay natagpuan si Cassandra. Itong si Pervert Mat ay hindi nila inaasahan na patatawarin ni Donna nang gan''un kabilis. "Alis na kami, bibili ako ng bagong laptop. Sigurado naman na hindi pa ko kailangan ni Christen." Tumingin sa relo si Mat-mat. "Balik kayo mamaya nang ''maaga'' ha. Mag-ce-celebrate pa tayo ng birthday" "Ngayon na ba ''yon?" "Yes" nakangiti na sagot ni Bella. Chapter 226 - Unexpected meeting Sabay-sabay na nagpunta sa ospital ang anim kasama si Khalid kung saan nag-aral si Christen at Doc Mikko. Magkakasama si Cassandra, Lorenz, Prin, Cally at ang dalawang doktor. Sinabihan na sila ni Christen na hindi pa naman sila kailangan, pero gusto ni Cally na makita ang procedure. Gusto nito na makasiguro na walang magiging problema. Pagdating pa lang sa ospital, pinakilala sila sa isang doktor na magsasagawa ng pagsusuri kay Cassandra. Dating guro ni Doc Mikko at Christen ang amerikanong doktor na professor doon sa ospital. Pinapasok si Cassandra sa loob in laboratory room. Hindi sila pwede sa loob lalo at kasama nila si Khalid. Nagpaalam si Lorenz na sasaglit sa isang coffee shop. Alam nila na stress na rin ito sa mangyayari. Kahit pa wala na ang capsule bomb kay Cassandra, iba pa rin kapag napatunayan na nila na tuluyan nang ligtas ang kaibigan niya. Goal ni Prin na makaganti kay Captain Yeo kahit saang bahagi pa naroon ang Maria Celeste 1, kaya atat na siya na matanggal ang maliit na bomba. "Husbie, kailan magaganap ang labanan ng Shogun?" Tanong ni Prin habang nakatingin sa papalayong si Lorenz. Na-postponed kasi ang labanan ng mga Shogun na dapat ay naganap ng nakaraang taon. Pumayag ang lahat ng lider ng Dark Guards pati ang Daddy niya na si Rob dahil sa naganap sa kanila nang nakaraang taon. Naghihintay sila sa labas ng pasilyo ng laboratory room. Kalong-kalong niya si Khalid na tahimik na nakaupo sa ibabaw ng hita niya. Naglalaro lang ng pulang elastic band si Khalid. Iniikot-ikot at hinihila lang nito iyon at kuntento na ito sa ganoon. Natutuwa siya na hindi ito masyadong nangungulit. Minsan parang si Cally rin na nakasalubong ang kilay kapag nagmamaktol. "Baka sa susunod na buwan maganap." sagot ni Cally sa tanong niya. "Cally?" Napalingon silang dalawa ng asawa niya sa tumawag dito. Dalawang tao ang nakita ni Prin na papalapit sa kanila. Namumukhaan niya ang babae, ang creator ng Legendy Witch na si Bea Magpayo at kaibigan ng asawa niya. Nakilala niya rin ang babae sa Spain noon. May kasama itong lalaki na matangkad din at gwapo, na nakaakbay dito na sa tingin niya ay si Makisig, ang asawa nito. Naririnig niya lang ang pangalan ng dalawa dahil kinasal ang mga ito sa tahanan nila sa Matsui Villa sa Japan, dalawang taon ang nakaraan. Tumayo silang dalawa ni Cally. Nginitian niya si Bea. "Hi!" "Is that your baby Khalid?" Puna nito. Tumango lang si Prin. "By the way, what are you guys doing here?" Tanong ni Bea. Seryoso naman na nakatingin sa kanila ang lalaki na kasama nito. Siniko ni Bea ang lalaki at nasapo nito ang tiyan. "Ouch! Miss Beauty!" Hiyaw nito. Nakakunot ang noo ni Cally sa dalawang bagong dating. "What a small world, sa dami ng lugar, dito sa Paris pa tayo magkikita-kita?" "My Mom is here." simpleng sagot ni Makisig. Biglang sumeryoso si Cally at naging interesado. Napatuwid ito ng tayo "Your Mom? Where is she?" "May kinausap na doktor. Dinala namin ang anak namin dito na si Kyros. Kababalik lang nila. Buhay ang parehas na anak ko Cally." Halos maluha-luha na kwento ni Bea. Lalong naging interesado ang asawa niya sa kwento ni Bea. "My son. We thought he died 6 years ago. But no, My Mom did everything she could do to return Kyros. That''s why we are here para ipa-tsek si Kyros. Dependent pa kasi ang anak namin sa mga gamot dahil iyon ang bumuhay sa kanya sa loob ng mahabang panahon." Paliwanag ni Maki. "I need to talk to your Mom!" Biglang sabi ni Cally. Ang alam nila ay namatay na si Madam Winona, the Queen of Medicine. The doctor who killed Virus123. Nabuhayan ng loob si Cally nang malaman na naroon din ang ginang sa lugar, buhay at nagpapatuloy sa medisina. Nagkatinginan ang dalawa. Kahit si Prin ay naguluhan sa inaakto ni Cally. Nagtataka siya kung bakit gusto nito na makita ang Mommy ni Makisig. Hinarap siya ng asawa at hinawakan ang magkabila niyang kamay kahit pa bitbit niya si Khalid. "Honey, I believe she is the only one who can help us." Nakakunot naman ang noo ng mag-asawa. "May problema din kayo?" "Someone created a capsule bomb, and this guy injected a piece in Prin''s head. Maki, if your Mom saved your child for six years using her skills, I think she can help us to get the bomb nang hindi dadaan sa opera ang asawa ko." Ilang saglit lang, nagbukas ang pintuan ng laboratory room kung saan pinasok si Cassandra. Lumabas si Christen. "Maki?" "Hi Christen!" Nakangiti ng matamis at kumaway si Maki sa babae. Umirap lang ang babae saka tumalikod sa kanila pagawi sa kabilang bahagi ng pasilyo. Maki and Bea "..." Naguluhan si Prin at Bea. "Husbie, may issue ba ''yung kapatid mo kay Maki?" Bulong niya kay Cally. "Yes¡­ he is her first love but unfortunately he is engaged with Bea since they were teens" Prin "..." Chapter 227 - The secret behind the capsule bomb (1) Sumama si Prin at Cally kay Bea at Makisig para kitain si Madam Winona. Tuloy pa ang pagsusuri ng grupo ni Doc Mikko kay Cassandra, kasama nito si Lorenz. Nagpaalam naman sila kay Christen at pumayag ito sa desisyon nila. Mas mapapabilis ang pagligtas kay Prin kung magtutulong-tulong silang lahat at kung tutulong sa kanila ang Queen of Medicine. May pinasukan silang isang opisina na ayon kay Maki ay opisina ng Mommy nito. Malaki at elegante ang buong kwarto. Kulay pink ang pintura, kaiba sa mga ordinaryong opisina na makikita sa isang ospital. May malapad na office table sa gitna na may nakapatong na computer. At may dalawang malambot na sofa. May mga paintings din na nakasabit sa gilid na gawa ni Ms Shey, malayong kamag-anak ni Cally at kaibigan ng magulang nila. May white board din sa isang parte ng pader. Natagpuan nila sa kwarto na iyon si Tristan, isa sa kambal na anak ni Bea at Maki, kasama ang Yaya nito na naglalaro gamit ang isang mahabang cellphone. Nang pumasok sila sa kwarto na iyon ay titig na titig ang bata kay Prin na nagpa-conscious sa kanya. Saglit na nagpaalam si Makisig para sunduin ang Mommy nito. "Hintayin niyo na muna ako dito. Mag-uutos ako ng bibili ng meryenda natin." Tumango lang si Cally sa lalaki. Parehas na kinakabahan si Prin at Cally dahil hindi nila alam kung ano ang maaaring sabihin ng Madam sa sitwasyon niya. Matiyaga silang naghihintay ni Cally sa isang couch. Si Khalid ay panay ang ikot ng mata na para bang sinusuri nito ang buong kwarto. "I''m so glad to meet you Prin" nakangiti na sabi ni Bea na nasa tabi. "...I''m sure Mom will help you" dagdag nito. "Sana nga." Tipid na sagot niya. "When I met you in Spain I never thought you are Cally''s wife. I''m sorry." paghingi nito ng paumanhin. Nalulungkot talaga si Bea lalo na ng malaman niya noon kung bakit siya pinadadalhan ng bulaklak ng kaibigan na si Cally. "No problem. Maybe hindi pa talaga iyon ang panahon para magkita kami. Ang totoo kahit magkita kami nang mga panahon na iyon, hindi rin naman makakatulong sa amin because of the bomb." paliwanag ni Prin. Ngumiti si Bea. Lumapit sa kanila si Tristan. "Hello, are you the living Twilight Mary? pwede ba ko magpa-authograph?" Tanong nito. Nakakunot ang noo ni Prin. Tumawa ng malakas si Bea saka pinisil ang pisngi ng anak niya. "Honey, she''s not Twilight Mary" Napangiti si Prin. Titig na titig naman si Khalid kay Tristan. "Sure." Piniktyuran siya ni Tristan tapos may kinalikot ito sa cellphone at pinapirma sa kanya iyon. "Thank you Miss Prin" saka ito bumalik sa pwesto kung saan nila ito nakita. Napapailing na lang si Bea. Ilang saglit lang, bumalik si Makisig na kasunod ang isang may edad na babae na sa tingin niya ay ang Mommy nito na si Madam Winona. "Prince" nakangiti na bati nito kay Cally. Sabay silang napatayo para magbigay-galang sa may edad na babae. "Madam Win" "May kailangan daw kayo sa akin?" tanong nito. Umupo ang may-edad na babae sa couch na nasa tapat. Pinaliwanag ni Cally ang mga nangyari at kung bakit nila ito kailangan. Mula sa maliit na bomba, kung ano ang naging epekto kay Cassandra nang operahan nila ito at lahat ng pwede nilang ipaintindi sa ginang. Seryoso itong nakinig sa lahat. "If I''m not mistaken, the creator of that bomb is a Japanese girl named Mayu, a terrorist" Nagkatinginan sila ni Cally tapos ay seryosong nag-isip si Prin. Narinig niya na ang pangalan na iyon at inisip niyang mabuti kung saan nga ba niya ''yon nadinig. ''Mayu...'' "The Japanese Government is still looking for her because she created a bigger bomb recently. Kasinglaki ng powerbank na kayang pasabugin ang isang maliit na isla." Nanlaki bigla ang mata ni Prin. Naalala na kasi niya na ang pangalan na ''yon ang nabanggit sa kanya ni Captain Yeo na pangalan ng asawa nito. "Wait Madam Win! Are you saying¡­ she''s still alive?" nanlalaki ang mata na tanong ni Prin. "She''s always alive and hiding in different places like the forest near Mt Fuji, an island in the Philippines and somewhere else." Sagot nito. Nakakunot ang noo nito sa naging reaksyon niya. "Why Honey?" tanong ni Cally. Nilingon niya ang asawa sa tabi. "She''s Captain Yeo'' s wife. You can confirm with Sandra. Ang alam namin, namatay siya sa dagat decades ago. And she''s eight months pregnant during that time" Naging seryoso si Cally, hindi niya akalain na mas malalim pa ang imbestigasyon na makakalap nila ngayon na nakita nila si Madam Winona. "I don''t think she has a child. You can ask your Dad, Rob Matsui about a terrorist group Hantataiga (Hunter-Tiger) they are not allowed to marry, lalo na ang magkaroon ng anak" Sagot ng Madam. Naging seryoso si Prin. Si Mayu ba talaga na asawa ni Captain Yeo ang babae na pinaghahanap ng Japanese Government? Kung bawal mag-asawa at magkaanak ang miyembro ng Hantataiga, paanong nangyari na buntis ang babae at nawala sa dagat? Chapter 228 - The secret behind the capsule bomb (2) "I can help you to remove the capsule bomb but I also need your Mom''s help sa kondisyon ni Kyros." sabi ni Madam Winona. "...Ginny is the only person who can help me. I remember 30 years ago, hindi magtatagumpay ang case study ko kung hindi niya sinimulan ang paggawa din ng gamot sa Virus123. I just copied and followed her formula, may dinagdag lang ako to finalize the medicine" Ang Virus123 ay hindi literal na virus o epidemya, isang gamot iyon na tinuturok sa biktima para patayin ang utak nito. Sa loob ng 30 days, tutuyan na mamamatay ang biktima. Ang Mommy ni Cally ang kauna-unahang survivor ng gamot na iyon. Dahil tulad ng sinabi ni Madam Winona, gumawa ito ng paraan para gamutin nito ang sarili. Matapos ang pag-uusap nila, dumeretso sila sa laboratory dahil natapos na rin ang pagsusuri kay Cassandra. Si Christen at Doc Mikko ang nag-explain sa doktora. Tuwang-tuwa ang dalawa na makita ng personal si Madam Winona sa magkaibang reaksyon. Halata ang pagka-excited sa mukha ni Christen, samantalang seryoso lang si Doc Mikko na nakangiti na bihira nitong gawin. Nakahinga ng maluwag si Cassandra at Lorenz nang sabihin na ayos ang lahat ng resulta ni Cassandra. Kaya napagkasunduan na si Prin naman ang susunod na dadaan sa pagsusuri, kasama na si Madam Winona. "See you in two days Prin, be ready sa resulta." Sabi ni Madam Winona bago sila nagpaalam dito. ===== Inimbitahan nila si Bea at Maki pati na rin ang kambal nito na makisaya sa party ng anak nila ngunit naka-plano na ang mga ito na bumalik ng Pilipinas. Ilang araw na daw kasi ang mga ito sa bakasyon at may trabaho pa na naiwan sa Maynila. Nag-iwan lang ng ''goodluck'' sa kanya ang mag-asawa para sa tuluyan niyang paggaling. Marami pa silang plano na gawin sa lugar. Pagkatapos sa Paris ay tutuloy sila sa UK para sa labanan ng Shogun. Habang daan, hindi mawala sa isip ni Prin ang mga napag-usapan nila kasama si Madam Lira. Nagkaroon ng liwanag na magamot siya ngunit may lumitaw na mas malaking problema, si Mayu. Hindi siya makapaniwala na isang terorista ang babae. Malayong-malayo sa larawan na binuo niya dito na isang mahinhin at simpleng babae. Nag-alala siya bigla sa kung ano ang kaya nitong gawin. Kasalukuyan silang nasa itim na rented car sa hotel. Kalong-kalong ni Cally ang anak niya na natutulog. "What are you thinking, honey?" Puna nito. Humugot ng malalim na hangin si Prin saka niyakap ang asawa niya sa tabi. "Husbie, masyado akong nabigla sa pagkatao ni Mayu, ang asawa ni Captain Yeo. Kung pagbabasehan ko ang kwento ni Madam Winona saka ang mga bagay na narinig ko sa kwento ni Captain Yeo, ni Cassandra at ni Casper, masyadong nakakalito." Kumunot lang ang noo ni Cally. "As expected, hindi mo nage-gets. Why keeps on bothering yourself for these things, pwede mo naman itanong sa akin para less stress?" tudyo nito. Pinalo niya ito sa braso. Natawa ng simple si Cally. "Com''on, I just don''t like seeing you na kumukunot ang noo, nakanguso and super serious." "Shut up¡­" naiinis na sabi niya dito. Aminado naman talaga siya na lamang ng ilang braincells ang utak ng asawa niya kaysa sa kanya. Baka nga wala pa sa one-fourth ng braincells ni Cally ang kanya. "I''ll explain to you later, Honey. ''Wag na mainit ang ulo mo." Hinalikan siya nito sa pisngi. "birthday ng anak natin kaya let''s celebrate na muna. Kailangan ko rin na makausap muna ang Daddy mo." "Isa pa nga yan sa iniisip ko. Bakit hindi alam ni Daddy ang tungkol sa capsule bomb kung alam niya ang tungkol sa Hantataiga Terrorist?" "I dont know. Malalaman natin kapag nakausap natin siya. We will need Aiden and Matthew''s help para ma-trace ang lugar ni Captain Yeo." Sagot ni Cally. Ang huling balita niya noon ay nasa China sea ang Maria Celeste 1. Pero pinatigil niya ang paghahanap sa barko nang tumakas sa kanila si Cassandra sampung buwan ang nakaraan. Nakaramdam kasi ng takot si Cally. Naputol sila sa usapan nang huminto ang sinasakyan sa harapan ng hotel kung saan sila tumutuloy. Lumabas sila ng sasakyan para tumungo sa kwarto ni Kai at Bella. Alas sais na ng gabi ayon sa local time. Sakto lang sa oras ng selebrasyon nila ng birthday ng dalawang bata. Nang makarating sila sa tapat ng kwarto ng mga Jang, hinarap muna siya ni Cally. "Honey, whatever the result is, nangangako ako na hindi ka na aalis sa tabi ko." Sabi nito. Ngumiti si Prin ng malapad. "Of course I promise. Wala nang second Captain Yeo" sagot niya bago tumingkayad para halikan sa labi si Cally kahit pa pumapagitna sa kanila si Khalid na natutulog sa dibdib ng asawa niya. Ilang saglit pa bago tuluyan na naghiwalay ang labi nila dahil kay Mat-mat. "Wow, ano ''to? May kissing booth ba dito?" Biglang humiwalay si Prin sa asawa niya. Hindi nila napansin na nakabukas na pala ang pintuan at bumungad sa kanila ang nakangising si Mat-mat na nagbukas ng pinto. "Sus, inggit ka lang!" Komento ni Prin. "Excuse me, hindi ako inggit noh! Nakapuntos na nga ako sa aking My Donna, My Love." nakangisi na sabi. Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya akalain na ganon kabilis umaksyon si Mat-mat. "Bakit parang ayaw mo maniwala?" "I think nananaginip ka lang" tudyo niya. "My Donna, My love, come here" sigaw nito sa babae na nakaupo sa couch at nagbobomba ng pink na balloon. Inangat lang nito ang mukha para tingnan si Mat-mat tapos ay binalik din agad ang atensyon sa balloon. "Ha ha ha! See, I told you nananaginip ka lang" pang-aasar niya dito. Pinukulan siya ng masamang tingin ni Mat-mat. Chapter 229 - Captain Yeos wife Matapos ang selebrasyon ng birthday ng anak niya, parang gustong maiyak ni Prin dahil kahit papaano ay kasama niya ang mga kaibigan niya sa oras na ''yon. Dapat ay kasama nila si Ana pero nagpaalam na ang babae nang nagdaang araw na uuna na sa UK para mag-ensayo. May namuong luha sa mga mata niya habang pinanood ang mga kaibigan dahil sa sobrang saya. Si Kai ay sinusuklay ang buhok ni Bella na nakaupo sa isang silya. This guy dotes on his wife so much. Pwede niyang bigyan ng best husband award ang lalaki. Kalong-kalong ng kaibigan niya ang anak na si Angel na natutulog sa bisig nito. Si Mat at Donna ay nasa terasa. Pinanonood ang nagliliwanag na Eiffel Tower. Nakayakap ang binata sa balikat ng nobya nito mula sa likuran. Ilang saglit lang, napansin niya na sinuntok ng babae ang braso ng binata tapos nagtatawa si Mat. Napailing siya sa dalawa. Si Cassandra at Lorenz ay parang may sariling mundo na nagsusubuan ng cake sa isang gilid. Nakangiti ng matamis ang dalawa sa isa''t isa. Halata na parang nabunutan ng tinik ang mga ito, ngayon na nalaman na nila na ligtas na ang dalaga. Si Doc Mikko at Christen ay kapwa nag-iinisan. Parang aso''t pusa ang dalawa sa table na nagbabangayan. "What is it, honey?" Puna ni Cally. Karga nito si Khalid na natutulog sa dibdib nito. Niyakap niya ang baywang ng asawa kaya parang kayakap na rin niya ang anak na si Khalid at si Cally. "I''m just happy. I hope na sana ganito tayo lagi." Masaya talaga si Prin na nakabalik sa piling ng asawa niya bago siya manganak. Kaya sa araw na iyon, ay sineselebra din niya ang sarili bilang naging mabuting nanay ni Khalid, bilang isang ganap na babae at bilang asawa ni Cally. Hinaplos nito ang buhok niya. "Congratulations Honey! It''s your day too" ang sabi bago siya nito hinalikan sa labi. Maya-maya, nagpatawag ng pulong si Cally. Nagpaalam na ang dalawang doktor dahil may aasikasuhin pa daw ang mga ito sa ospital kung saan sila galing. Nagpaalam din si Donna na babalik na sa kwarto dahil alam nito na confidential ang pag-uusapan ng lahat. Si Bella naman ay pumasok muna sa bedroom para bantayan ang dalawang bata. Hiniling nilang sumama si Sandra sa meeting kahit pa nagtataka ito kung bakit ito kailangan doon. Nasa isang couch si Kai, Mat-mat, Lorenz at Sandra. Si Prin at Cally ang magkatabi sa isang couch na nasa tapat ng mga ito. "What is it?" Tanong ni Shogun. "It''s because we have a bigger problem" simpleng sagot ni Prin. Naguluhan man ang tatlong lalaki ay naghintay sila sa mga susunod na paliwanag ng Shi Cally nila. Iniisip naman ng lahat na tungkol iyon kay Captain Yeo at sa barko nito dahil kasama si Cassandra sa usapan. Para simulan ang imbestigasyon, tinawagan muna nila si Rob na kasalukuyang nasa Japan. Ilang ring lang, sumagot agad ang lalaki sa kabilang linya. Halatang kagigising lang nito. Kasalukuyan na madaling araw sa Japan. "Dad." Simula ni Prin. "Yes sweetie?" "We need to talk to you and this is important." Si Cally ang sumagot. Nakikinig lang ang tatlong lalaki at si Sandra sa kabilang couch. "What is it?" "Uncle Rob, Do you know Mayu of Hantataiga? Or the Hantataiga terrorist?" "I know Hantataiga. Ang pagkakaalam ko, ang huling lead ay natatago ang grupo na iyon sa Mount Tsurugi. Knowing how dangerous the mountain is, walang magtangtaka na magpunta sa lugar. Why?" "Is it true na bawal mag-asawa or magka-anak ang miyembro ng Hantataiga?" Si Prin ang nagtanong. "Yes, dahil naniniwala ang lider na hindi makakatulong ang pag-aasawa nila lalo na ang pagkakaanak. He believes everyone belongs to him. I''ve heard na bente lang ang lahat ng miyembro na ito but they are all dangerous. They are creating a bomb na hindi alam kung kailan ilalabas, that''s why the government is still looking for this group. especially now that they created a bomb na kayang magpasabog ng isang maliit na isla." "...Ang pagkakaalam ko, nagsimula ang grupo na ito thirty years ago mula sa lider na hindi pa nakikilala ng kahit na Japanese government. May galit sa mundo ang tao na ito na dumadakip ng mga batang may husay sa computer or any skills na makakatulong sa lunatic na lider. Tapos lahat ay nagkasundo-sundo na maghiganti or whatsoever. I really don''t know." "Pervet Mat, yari ka ikaw na ang hanap niya" bulong ni Kai sa katabi. Pinukulan ito ng nakamamatay na tingin ni Mat-mat. "Dad, iyan ang pinagtataka ko. Because Mayu, Captain Yeo''s wife is a member of Hantataiga. She was the one who created a capsule bomb. The capsule bomb in my head" paliwanag ni Prin. Nanlaki ang mata ng mga tao sa kwarto. Kahit si Rob sa kabilang linya ay hindi inasahan ang bagay na iyon. "Yeah, I know the girl named Mayu, she is the first person na nahuli sa grupo ng Hantataiga pero nakatakas din ang babae less than 20 years ago... I guess nang tumalon ito sa dagat, then no one found her. Ang akala ng lahat ay namatay na siya but everyone was surprised when she created a bomb recently na binenta niya sa North Korea. I don''t know that she is Captain Yeo''s wife." Sila naman ang nagulat. "How did you know she sold a bomb recently? And¡­ to North Korea?!" Gulat na gulat talaga si Prin. "Sweetie, I''m a spy, remember?" Pinagtugma-tugma ni Cally ang timeline and he guess na ginamit lang ng babae ang kapitan ng mga panahon na nagkakilala ito para makatakas. Chapter 230 - Expediting Pinagdugtong-dugtong ni Cally ang timeline na nagkita si Captain Yeo at si Mayu na asawa nito. "Sandra, pwedeng malaman kung ilang taon nang nawawala si Mayu sa dagat nang magkakilala kayo ni Captain Yeo?" "Ang pagkakalam ko ay more than five years. Pero sa pagkakaalam ko rin ay hindi siya basta natagpuan lang sa dagat ng kapitan. Nagkakilala sila sa isang beach." sagot nito. "...He was just eighteen nang mga panahon na iyon at sa tingin ko ay ganoon din si Mayu. Sabi ng mga tauhan ni Kapitan, they love each other. So I''m ¡­ confused." sabi nito sa mahinang boses "Is she really... Pregnant? And how come she is alive? Kung pakikinggan ang kwento ni Madam Winona at ng Daddy ko, parang nagpanggap lang siya na nawala sa dagat noon." tanong ni Prin. "I guess, hindi talaga siya buntis. If she can create a bomb, she can also create a fake belly." sabi ni Mat-mat. Napalingon ang lahat kay Mat-mat. "What? Did I say something wrong? Mabuti at wala dito si Donna." sumeryoso ito bigla. Humugot muna ng hangin bago nagpatuloy. "Listen, I have this ex-girlfriend na nagpanggap na buntis when I was in college. She came to my house with a big belly and saying the child was mine. Ako itong si gago, paniwalang-paniwala. A day after that day, I saw her again sa supermarket. Only to find out that it was just a prank. She bought a fake belly in Amazon. 199 dollars" kwento nito na halatang naiinis. Sumimangot pa ito nang maalala ang mga panahon na iyon. "Hmm kasi naman malandi ka rin! Hindi na ''ko magtataka kung may lalapit ulit sa''yo at sasabihin na buntis siya. Or may anak ka na. Yari ka talaga sa iyong ''My Donna, My love" pang-aalaska ni Kai. "Kai Jang may problema ka ba sa akin? Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong." Ngunit hindi pinapansin ni Cally ang mga asaran ng mga ito. Nakapangalumbaba siya para mag-isip ng mabuti. Curious siya kay Mayu. "Hmm.. this is interesting." Bigla naman na nanlaki ang mata ni Lorenz. "Shi, we have to do something! don''t you find it strange? Bakit niya iniwan kay Captain Yeo ang mga capsule bomb? She is a terrorist kaya bakit niya iiwan basta ang mga bomba kung walang dahilan? Isa lang ang naiisip kong sagot at ''yon ay ang pag-sail ng Maria Celeste 1 sa iba''t ibang lugar sa mundo" paliwanag ni Lorenz. "Yeah, sa loob ng mahabang panahon na nakasama ko si Kapitan, may mga tinanim siya na capsule bomb na hindi naman talaga namin sinama sa barko. Like those girls from brothel house. O kaya ''yung ibang ninakawan niya ng personal. Basta uminit ang ulo niya o kaya naman ay trip niya, in-inject niya ng capsule bomb." paliwanag naman ni Cassandra. Isa ang dalaga sa mga pinagkatiwalaan ng kapitan kaya mas marami siyang alam sa nangyayari kumpara kay Prin. Napalunok naman si Cally sa mga nadinig. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at nilingon niya si Prin. "Guys, this is bad. Listen! Lorenz and Kai, you are in-charge to locate Maria Celeste 1. Mat, please find Mayu as soon as possible..." "...And Honey, we have to expedite the procedure. Kailangan natin makausap si Christen at si Doc Mikko saka si Madam Winona." "W-why?" naguguluhan na tanong ni Prin. "Because this Mayu girl might have a plan to control all the detonators soon. Ang kailangan natin hilingin sa ngayon ay huwag munang magkita si Captain Yeo at si Mayu" paliwanag ni Lorenz. Seryoso lang na nag-isip si Cally, hindi siya nagkamali sa pagpili sa shogun niya dahil parehas sila ng nasa isip nito. Kung sakali na magpakita muli si Mayu sa Kapitan at makuha muli nito ang lahat ng detonators na nasa pangangalaga ni Captain Yeo, tila isang party ang magaganap kapag sabay-sabay na pinasabog ang lahat ng capsule bomb. Nanuot ang lamig sa buo niyang pagkatao sa naisip. "Ibig sabihin, hindi totoo na one hundred meters ang layo sa detonator ang ligtas?" tanong ni Kai. "Yes! kundi wala talagang ligtas! As long as you still have the bomb!" nagkuyom ang kamao ni Prin sa nadinig. "The good thing is, pinag-aralan namin ni Christen ang capsule bomb. I have records mula sa nakuha kay Cassandra." si Mat-mat. "Hindi ba nabasa ''yung laptop mo?" tanong ni Kai. "Anong akala mo wala akong back-up?" "So, ibig sabihin ba niyan, yung mga p.o.r.n movies mo may back up din?" nakangisi na tanong ni Kai. "Bakit ka interesado? Gusto mong makinood?" ganti nito. Kai "..." Napapailing na lang si Prin. Ayos na rin na mag-asaran ang dalawa sa seryosong usapan na ''yon dahil kahit papaano ay pinagagaan ng mga ito ang sitwasyon. Gayunpaman, kinabahan pa rin siya sa mga susunod na mangyayari. Hiling niya na sana ay matanggal na ang minsan na kumikirot na maliit na bagay na iyon sa ulo niya. Chapter 231 - Unexpected visitor Sa suite nila ni Cally. Nagrequest si Prin ng gatas sa hotel at inabot niya sa asawa, alam niyang tense na ang asawa niya sa nangyayari. Gusto niya tuloy balikan ''yung nakaraan na wala silang problemang dalawa. Nasa Pilipinas at naghahanap lang ng adventure. Nang mga panahon na nasa kanila ang lahat ng pabor. Nasa loob ng kwarto si Khalid at natutulog. "Husbie¡­" matapos na maiabot ang gatas dito ay tinabihan niya ito. Kinuha ni Cally ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para mahalikan. "Everything will be alright" pakunswelo niya dito. Alam niyang mabigat ang mga napag-usapan nila sa suite nila Bella at alam niyang bumigat lalo ang pakiramdam ni Cally. "Hindi ko lang matanggap ang mga nagaganap. Kapag may nangyaring masama sa iyo, sigurado na hindi ko mapapatawad ang sarili ko." ramdam niya ang sakit sa dibdib ni Cally habang sinasabi ang lahat ng iyon. Sinayang din kasi ni Cally ang ilang buwan na dapat ay ligtas na si Prin. Hindi niya maiwasan na mag-alala lalo at ilang taon silang nagkawalay ni Prin at ayaw na niyang maulit pa iyon. "Everything will be fine, Husbie" ===== Nangangatog sa lamig ang mga tao sa barko ng Maria Celeste 1. Kasalukuyan silang nasa Sea of Okhotsk na nasa area of responsibility ng Russia. Nagsisipaglalaglagan ang puting snow sa barko kaya para silang pinulbusan ng kalangitan. Negative 3 ang kasalukuyang temperatura sa lugar. *ting ting ting* tunog ng bell na ibig sabihin ay malapit na silang umalis sa port para tumungo naman sa Sapporo, Japan. Sa kwarto ni Captain Yeo ay nagrereport si Casper. Ngunit wala dito ang atensyon ng kapitan. Kasalukuyan itong naglalaro ng stress ball at tumutunog-tunog ang bagay na iyon habang nagsasalita ang huli. Naiisip nito si Prin Matsui na ilang buwan na nanatili sa isipan niya. "Kapitan?" tawag ng binata kay Captain Yeo. Inangat ni Captain Yeo ang paningin. "May sinabi ka?" Bago pa makapagsalita si Casper ay isang malalakas na katok ang narinig niya mula sa pintuan. Uminit agad ang ulo ni Captain Yeo dahil nasira ang napakaganda niyang mood dahil sa katok. "Tuloy!" si Casper ang sumagot. Bumukas agad ang pintuan at pumasok ang isang tauhan ng barko. "K-Kapitan! May nangyari. K-kailangan niyong lumabas! B-bago umalis ang barko, m-may nangyari." utal-utal na sabi ng bagong pasok. "Hindi mo ba maayos ang sasabihin mo?! Parang hindi ka mapakali!" galit na singhal ni Casper dito. Huminga muna ng malalim si Captain Yeo bago tumayo at tinungo ang pintuan para lumabas. Uminit ang ulo niya at kailangan na siguraduhin nito na importante talaga ang dahilan kung bakit siya nito inistorbo. Maririnig ang mabibigat na yabag niya sa pasilyo na gawa sa makapal at matibay na kahoy. Sumunod si Casper at ang lalaking bagong pasok para magtungo sa deck. Nakatingin ang lahat sa Kapitan na nagpa-conscious sa kanya ngunit hindi niya pinahalata. Siya ang hari sa barko na iyon kaya bakit siya mahihiya. Tumalim ang paningin niya sa naisip. Isa-isang humabi ang mga tao na nasa deck at lumitaw sa kanya ang nakaluhod na babae. Tumatakip ang itim at mahabang buhok sa mukha nito. Nakasuot ito ng boots makapal na palda at Jacket. May mga puting snow pa sa balikat at sa buhok nito na patuloy na nalalaglag. Kumunot ang noo niya. Ang huling babae kasi sa barko ay si Prin at Cassandra. "Report!" sigaw niya sa taong naka-assign sa deck. "Kapitan, nakita namin siya na nagtatago sa isang crate. Hindi namin alam kung gaano na siya katagal doon." sagot nito. Malayu-layo na rin ang pampang dahil pumalaot na sila. Maliit na sa paningin niya ang isla kung saan sila galing. "Iangat mo ang ulo mo!" sigaw niya sa babae. Inangat nga nito ang paningin sa kanya ng dahan-dahan at sinalubong nito ang mata niya. Halatang natatakot ito. Nanlaki ang mga mata ni Casper nang masino ang babae. "M-Mayu?" tawag ng kapitan sa pangalan ng babae. Dumaloy ang luha sa mga mata ng babae nang magtagpo ang mata nila nito. Mabilis ang mga hakbang na nilapitan ng Kapitan si Mayu. Tinayo niya ito at saka niyakap. Napapikit ito ng maramdam muli ang yakap ng dating asawa saka lumuha. "Yeo¡­" Nagpatuloy ito sa pagluha habang usal-usal ang pangalan ni Captain Yeo. Uminit ang kaibuturan ng damdamin ng kapitan kahit pa kapwa sila nilalamig sa malamig na klima. Patuloy ang pagbagsak ng maliliit na niyebe mula sa kalangitan. Nakikinood lang ang mga tao sa barko sa dalawang nilalang na nagyakapan. Hindi sila makapaniwala sa ibang awra na iyon ni Captain Yeo. Malambot at mukhang napaamong leon. "Makinig! Magdala kayo ng mainit na gatas sa kwarto ng kapitan!" sigaw ni Casper sa mga tao. Hinaplos ng kapitan ang mukha ng dati niyang asawa at tinitigan ang mga mata nito na para bang nananaginip lang siya sa nangyayari at nakikita. Inisa-isa niya ang parte ng mukha ni Mayu. Halata na nagkaedad na ito ngunit hindi pa rin nag-iiba ang pagkakakilala ng damdamin niya dito. Kahawig nito sa Maria Ozawa mula sa hugis ng mata, sa pisngi at sa labi. "My love¡­" bulong niya dito saka ito hinalikan sa labi. Chapter 232 - Final stage Tumayo mula sa malambot na kama si Mayu. Binalot niya ang katawan ng puting kumot at tinungo ang bilog na bintana sa cabin ni Captain Yeo. Karagatan ang bumungad sa paningin niya. Tila walang buhay ang mata niya na maihahalintulad sa manikang de-susi. Walang kinang, walang buhay katulad ng pagkatao niya. Nilingon niya ang dati niyang asawa na natutulog sa kama. Sa loob ng mga panahon na nawala siya sa tabi nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga ginawa ng lalaki kaya nagkaroon siya ng poot sa puso niya para dito lalo na nang mabalitaan niya na nagkagusto ito kay Prin Matsui. Tinanong niya ang lalaki tungkol doon at hindi ito nagdalawang-isip na umamin sa kanya ilang oras ang nakaraan. Labing pitong taon ang nakaraan nang mahalin niya ang lalaking ito. Ramdam niya na noong mga panahon na iyon ay nagkaroon ng say-say ang buhay niya. Naramdaman niyang malaya siya at tao rin siya. Ngunit hindi niya akalain na ang lalaki rin ang sisira sa pagkatao niya. Ayos na sana ang lahat dahil nakatakas siya sa poder ng lider nila na si Hiro Ikuta hanggang sa makita siya nito sa Greece. Bumalot ang kilabot sa buo niyang pagkatao nang magtagpo muli ang mata nila ng matanda. Ang tatay niya. Gustuhin man niya o hindi, dumadaloy sa ugat niya ang dugo ng mga mapanlinlang na tao. Akala niya noon ay iniwan siya ng Mama niya na isa pang lider ng sindikato, kaya nagawa niyang magrebelde at magalit sa mundo pero napag-alaman niya noong disisyete anyos siya na ninakaw siya ni Hiro Ikuta sa babae at pinaintindi sa kanya ang panget ng buhay para gamitin ang husay at talino niya. Nang malaman niya ang katotohanan, nagalit siya sa tatay niya na gustong paghariin ang mundo. Para bang isang masokista ang may-edad na lalaki tuwing makakakita ng mga taong nasasaktan o mga taong naghihirap. Nagkataon na nakilala niya si Captain Yeo nang mga panahon na iyon kaya nabuo ang plano niya na tumakas sa samahan at sumama dito. Hanggang sa ma-trace siya ng matanda. Hindi naman nakapagtataka lalo at marami itong tauhan na magagaling sa larangan ng teknolohiya. "I told you honey that you belonged to me. Sinuway mo ang pinaka-golden rule. Mukhang hindi klaro ang usapan natin noon. Mukhang hindi ka natatakot sa akin" sabi nito sa kanya. Matalim ang titig nito na parang kutsilyo na tumatarak sa pagkatao niya. "Hindi mo rin naman sinunod ang pangako mo sa akin na hahanapin mo ang nanay ko!" sagot niya dito. "Your Mom is a s.l.u.t! She doesn''t want you. Do you know where she is? ''Ayun at nakikipaglampungan sa kung kani-kanino. Ahh... yeah! Hindi mo nga pala alam." parang nang-iinis na sabi. "Listen Honey, makikinig ka sa utos ko. You will follow my lead or I will kill your man using the bomb you created" nakangisi ang may edad na lalaki noon na parang sinapian ng demonyo. Nakatingin pa ito sa barko ng Maria Celeste 1 na nakatigil sa dagat habang sinasabi ang saloobin nito. Nakaramdam siya ng takot dahil alam niya na hindi ito nagbibiro. "Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng lalaking iniibig mo kung sakaling malaman niya na isang terorista ang babaeng minahal niya at hindi totoong nagdadalang-tao?" Tumiim ang bagang ni Mayu at tila patalim ang mga tingin na ipinukol sa lalaking kinamumuhian niya. "Mayu, you don''t have any ovaries now dahil pinatanggal mo ''yon apat na taon ang nakaraan. Alam mo na walang lalaki na gugustuhin ang manatili sa babaeng hindi sila kayang bigyan ng kahit isang supling..." tapos tumingin ito sa tiyan niya. "...Kaya mo nga nagawa na magpanggap na nagdadalang-tao hindi ba?" ngumisi ito. Napayuko si Mayu noon dahil sapul na sapul nito ang mga ginawa niya. Isang halimaw talaga ang tingin niya dito. Kaya nang mga panahon na iyon, nag-produce siya ng dalawang libong syringe ng capsule bomb at iniwan niya sa dating asawa, tulad ng utos sa kanya ni Hiro Ikuta. Nitong mga nakaraang taon, hindi niya akalain na masaya pala ang trip ng tatay niya, ang makarinig ng mga taong umiiyak at humihingi ng tulong. Ang makakita ng minamasaker na mga pamilya. Parang isang kasiyahan sa pagkatao niya na makita ang mga sumasabog na ulo dahil sa capsule bomb na gawa niya. Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa labi niya. Kaya nagbalik siya sa barko na iyon para maghiganti. Narinig niya na naubos na ni Captain Yeo ang lahat ng syringe na may lamang capsule bomb at oras na para sa final stage. "Mayu?" Naging seryoso siya muli na ibinalik ang pag-amo ng mga mata saka nilingon ang dating asawa dahil tinawag nito ang pangalan niya. Chapter 233 - Do it Now! Makalipas nga ang dalawang araw, pinaliwanag kay Prin at Cally ang mga gagawin sa kanya ni Madam Winona. "To be honest, dadaan ka pa rin sa normal na operasyon kung nagmamadali ka talaga, Prin. As much as I wanted to help you at my earliest convenience, I need at least a month para pag-aralan ang tungkol sa capsule bomb" paliwanag ni Madam Winona. Nakasuot ito ng puting lab gown. She was also curious with the capsule bomb. At nabigla siya na it''s not an ordinary bomb na may mga wires, uranium or black powder and detonator, but created with a different mixture of chemicals in a small capsule made in a special metal. Ang metal na iyon ang nagkokontrol sa detonator na hawak ni Captain Yeo. Naniniwala si Madam Winona na may talento sa siyensya at teknolohiya si Mayu. Sayang lang at ginamit nito sa kasamaan. Tahimik si Cally na nakikinig. May katwiran si Madam Winona. Kailan lang nila nakita ang may-edad na babae at normal lang na pag-aralan muna nito ang lahat. Ite-test pa nito ang kung anumang gamot na mabuo nito bago i-apply sa asawa niya. And it will take a lot of time and effort. "Don''t worry Cally, I will help Christen and Doc Mikko para sa operasyon. Hindi ko iiwan ang asawa mo." nakangiting sabi nito. Hinawakan ni Prin ang kamay ni Cally na nasa tabi niya to give him assurance na ayos lang ang lahat. "Cally, huwag kang mag-alala. Mas advanced at mas maingat kami sa procedure ngayon. Nakita naman sa X-ray na hindi malalim ang capsule bomb kay Prin kumpara sa bomb na nakuha namin kay Sandra." paliwanag ni Christen. "If that is the case, magbigay na kayo ng petsa kung kailan gagawin ang procedure. Let''s do it as soon as possible." Nakahinga ng maluwag si Prin, Christen at Doc Mikko. Napangiti naman ng matamis si Madam Winona. Kahit kailan ay lagi siyang sinosorpresa ng prinsipe pero hindi maikakaila na mahal nito si Prin Matsui. Pinasok si Prin sa loob ng kwarto kung saan naroon ang scanner para masuri naman ang heartbeat niya at ang iba pang parte ng katawan niya dahil maselan na bahagi ng katawan ng tao ang ooperahan nila Doc Mikko. Hindi naman malaking operasyon ang magaganap kundi maliit na hiwa lang sa batok ni Prin, tapos ipapasok ang maliit ng camera na may wire na kasinlaki ng sinulid na na-produce naman ni Mat-mat sa loob ng ilang buwan. Saka kukunin ang capsule bomb palabas sa hiniwang parte sa batok. Kayang tapusin ni Doc Mikko ang procedure sa loob ng 30 minutes lalo na ngayon na kasama nila si Madam Winona. Umupo muna si Cally sa isang bench para maghintay. Nagpaalam siya sa Daddy niya na hindi na muna niya maaasikaso ang trabaho sa opisina at naintindihan naman nito. Mabuti na lang at maaasahan ang mga bunso niyang kapatid kahit madalas na nagtatalo sa mga bagay-bagay. Dalawang buwan na bakasyon ang hiningi niya sa pamilya niya at pumayag naman ang mga ito. Ilang minuto pa lang naipasok si Prin sa loob ng malaking kwarto nang mabilis na tumatakbo patungo sa gawi niya si Lorenz na kasunod si Kai, Mat-mat at Cassandra. Kinabahan siya agad dahil sigurado na hindi maganda ang balita ng tatlong lalaki at Cassandra sa kanya. "Where is GW8, Shi?!" tanong ni Kai. "Nasa loob." simpleng sagot niya. "Anong¡­ Balita?" Nagkatinginan muna si Lorenz at Kai. "We have bad news." simula ni Lorenz. Sumeryoso agad si Cally para makinig. "Captain Yeo and Mayu met in Russia two days ago! Kung kailan tayo nag-party" pagbibigay-alam ni Mat-mat. Napapikit si Cally. "And¡­ one hour ago, may sumabog ng capsule bomb sa isang Indonesian¡­ five minutes after that, sa isang Turkish¡­ after five minutes--" hindi na maituloy ni Mat-mat ang sasabihin. Kada limang minuto kasi ang napansin nila na may sumasabog sa iba''t ibang parte ng mundo. Binuksan na lang nito ang bitbit na laptop at pinanood kay Cally nang sabay-sabay ang mga video sa magkakaibang bansa na nakalap nito. Napapikit si Cally saka siya kinabahan. "Shi Cally, I am 100 percent sure that it''s because of the capsule bomb. That girl is a girl from a brothel house in Bali. Ahhh!" tinuro ni Cassandra ang babae sa video bago ito napaatras at napasigaw. Binawi nito ang daliri sa bigla dahil sumabog na lang ang ulo ng babae sa video. Parang pakwan na nadurog ang hitsura ng pinanood nila at sunud-sunod iyon. Biglang nakaramdam ng kaba si Cally. Wala na siyang nagawa kundi buksan ang pintuan kung saan pinasok si Prin. Nagsipaglingunan sa kanya si Christen, Doc Mikko at Madam Winona na busy sa pagsusuri sa asawa niya. Kasalukuyan na pinasok ang kalahati ng katawan ni Prin sa loob ng bilog na scanner. Tanging binti lang nito ang nakikita niya. Si Madam Winona at Doc Mikko ang nagmomonitor sa isang maliit na computer para suriin ang nakikita sa loob ng katawan ni Prin. Nakakunot ang noo ni Christen sa biglaang pagpasok na iyon ng kuya niya na kasunod si Mat-mat. "Christen, Mikko, do the procedure now!" utos ni Cally na nakapagpa-taranta bigla sa dalawang doktor. Chapter 234 - Golden Time "What do you mean now?" tanong ni Christen. "Remove the bomb now!" sabi ni Cally. Napasinghap si Christen at nakuha agad nila ang ibig sabihin ng kuya niya. Dali-dali nilang nilabas si Prin mula sa scanner. Si Doc Mikko ay mabilis na pinaayos ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtanggal ng capsule bomb. Si Christen naman ay nangangatog ang kamay na inaasikaso ang camera at iba pa. Si Madam Winona ay kalmado na patuloy sa pag-review ng capsule bomb sa maliit na computer. Inagaw ni Mat-mat ang ginagawa ni Christen at ito na ang nagkabit ng maliit na camera sa aparato. "Tenten, calm down¡­" sabi niya sa pinsan niya. Tumango lang ang dalaga. Hindi lang makapaniwala si Christen sa nagaganap. Ayaw na niyang maulit na bumalik ang kuya niya sa dati na parang walang buhay. "What is happening?" tanong ni Prin kay Cally nang masilayan niya ito. Narinig niya ang malakas na pag-utos ng asawa niya sa kapatid nito. Hindi sumagot si Cally. Sa halip, lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Kapwa sila kinakabahan sa magaganap. Maihahalintulad na sa time bomb ang nagaganap sa kanila. Ang pagkakaiba nga lang, hindi nila alam ang oras kung kailan sasabog ang capsule bomb na nasa ulo ni Prin na nakadagdag sa tensyon. Mahalaga ang bawat segundo sa mga oras na iyon. "Prin, let''s start!" tawag ni Doc Mikko matapos lang ang ilang sandali. Mabilis kasi nitong naayos ang mga kakailanganin. Nagpasalamat na lang sila na handa sila sa kwarto na iyon at mayroon silang kagamitan. Nagsimula na kasi sila na magprepara nang nagdaang araw pa. Pinahiga nila si Prin sa isang metal na higaan. Huminga muna ng malalim si Christen bago siya nagturok ng pampamanhid sa likuran ni Prin. Matapos iyon, pinadapa nila ng maayos si Prin. Nakaharap ang mukha nito sa bilog na butas ng higaan at tanging sahig lang ang nakikita nito. Pumikit muna ang sister-in-law niya hanggang sa nakatulog ito. "Cally, mabuti pa sigurong lumabas ka na muna" payo ni Christen. Sa palagay niya, makakadagdag lang sa pressure nila si Cally. Mabigat ang mga hakbang ni Cally na tinungo ang pintuan para lumabas ng kwarto. Nilingon na muna niya ang asawa bago tuluyang lumabas. Sumunod si Mat-mat sa paglabas ng kwarto at tanging naiwan muli sa loob si Christen, Doc Mikko at Madam Winona kasama ni Prin. ===== Sa labas ng pasilyo, hindi mapakali si Cally. Doble ang kaba at tensyon niya kumpara noong manganak ang asawa niya. Si Lorenz at Kai ay hindi makapagsalita dahil alam nila na dadagdag lang sila sa tensyon. Matapos kasing sumabog ang twenty capsule bombs mula sa kung saan-saan, tigda-dalawang bomba na ang sumasabog kada-limang minuto. Doble kumpara sa una. Hiling lang nila na sana ay huwag munang sumabog ang kay Prin. Nabigla sila nang naging tig-lilima ang bomba na sumasabog mula sa kung saan pagkalipas ulit ng limang minuto. Nabahala na ang mga tao sa kung saan-saang parte ng mundo. ''Putsang ina!'' gustong magmura ni Lorenz. Napalingon tuloy siya sa pintuan. Kahit si Kai ay ramdam ang tensyon at panlalamig sa pagbabantay nila ng Shogun. Lumipas pa ang limang minuto, kahit ayaw niya ay nakahinga sila ng maluwag dahil limang biktima ulit ang sumabog at ligtas pa si Prin. Para silang mga tanga na nagbabantay ng time bomb na walang ideya sa kung ano ang eksaktong oras kung kailan sasabog ang bomba na nasa malapit lang. Si Cally ay walang alam at ayaw niyang alamin ang pinagkakaabalahan ng dalawang Dark Guards habang busy ang mga ito sa laptop ni Mat-mat. Nagbibilang si Lorenz ng oras sa isip niya. ''3¡­ 2...1¡­'' Biglang nakarinig sila ng pagsabog mula sa loob ng kwarto. "Ahhhh!!!" napatili si Cassandra. "No!!!" nanlamig agad ang buong katawan ni Cally. Namatay ang fluorescent light ng sunud-sunod sa pasilyo at biglang nag-blink iyon. Napasuntok si Cally sa kinauupuan at mabilis na pumasok sa loob ng kwarto kasunod ang tatlong lalaki. Nanlalaki ang mata nila sa nasaksihan sa loob ng kwarto. Madilim at nagb-blink ang natitirang isang ilaw. Parang nabasag ang mga ilaw sa maliit na computer monitoring. Kalahati ng monitor ang itim at kalahati ang may screen. Basa ang buong paligid dahil sa water sprinkler na patuloy na nagpapaulan. May nag-aapoy na mga aparato sa isang gilid at may dumadaloy na dugo sa tubig. Kinakabahan si Cally, sinilip niya ang higaan na metal at wala siyang nakitang Prin doon kung saan niya ito huling nakita. Parang gusto niyang manghina. Nilakasan niya ang loob na maging positibo sa mga nakikita. "Christen! Prin!" sigaw ni Cally na halos hindi niya mailabas. Inuulanan sila ng water sprinkler pero wala silang pakialam. Para na silang pinaliliguan pero patuloy nilang hinahanap sa dilim ang apat na nilalang na naiwan doon. *cough cough* "I''m here!" maliit na boses mula kay Christen na nagtatago sa likod ng isang kabinet. "Si.. si Madam Winona! Please help her and.. Mikko" Nilapitan ni Lorenz si Madam Winona sa isang parte na bahagyang nasugatan dahil yakap ito ni Doc MIkko na duguan ang likuran. Para maprotektahan ang may-edad na babae, sinanggalang nito ang sarili. "Where is Prin?" kinakabahan na tanong ni Cally sa kapatid niya. "She''s here." sagot ni Christen. Nakahinga ng maluwag si Cally matapos niyang makita ang asawa na nakabaluktot ng higa at may medical patch ang batok na natutulog. Kasama ito ng kapatid niya na nagtatago sa likod ng kabinet. Chapter 235 - Golden time (2) Tila nabunutan ng tinik si Cally nang matagpuan ang asawa niya na ligtas. Basang-basa lang ito dahil sa tubig mula sa water sprinkler. Binuhat niya si Prin at inutusan ang lahat na lumipat ng ibang kwarto. Lumipat sila sa isang hospital ward na malapit. Pagdating sa kwarto na may apat na hospital bed, hiniga niya sa isang kama si Prin. Si Doc Mikko ay nanghihina na nakakapit kay Lorenz at Kai para dalhin ito sa kwarto. Halos buong likuran nito ang nagsusugat. Sirang-sira ang likuran ng puting lab gown nito. Pinadapa nila sa isang kama ang doktor. Si Madam Winona naman ay nagsusugat ang braso pero nagpasalamat sila na ligtas ang ginang dahil hindi nila alam kung paano magpapaliwanag sa lahat kung sakaling may masamang nangyari dito. Si Mat-mat ang umalalay sa ginang para madala ito sa kwarto. Nanghingi ng tulong si Christen sa isa pang doktor na kaibigan nito para ipagamot ang sugat ni Madam Winona. Ito naman ang umasikaso sa sugatan na nobyo nito. Binalot niya lang ng kumot si Prin dahil basang-basa ang katawan nito. Matapos ma-secure ang lagay nito, para siyang nauupos na kandila na biglang napaupo sa sahig sa paahan ng kama. Saka huminga ng malalim. Tahimik ang lahat at ayaw maglabas ng kahit isang kataga. "Tssss!" nagkikiskis ang ngipin ni Doc Mikko sa mga gamot na pinapahid ni Christen. Napapakapit ito sa kama ng mahigpit. "Ten, sobrang hapdi!" reklamo nito. "Are you even a doctor! Natural mahapdi talaga pero alam mo na kailangan natin linisin para sa bacteria baka magbakbak at maging anak ka ng bacteria!" nagagalit na sita nito na akala mo ay hindi rin doctor ang kausap. Lapnos ang buong likuran ni Doc Mikko at parang nahihirapan si Kai na makita ito sa ganoong ayos. Hindi nila alam kung gaano katagal na tahimik ang buong kwarto bago naisipan ni Cally na magtanong. "Gusto kong malaman ang buong detalye" normal lang na alamin pa din niya kung paano naligtas ang apat sa loob. Kita nila kung ano ang hitsura ng kwarto at isang himala talaga na naligtas ang mga ito. Hindi niya rin akalain na sobra ang pagsabog ng isang maliit na bomba. Uminom muna ng tubig si Christen bago nagsimulang magpaliwanag. "Natahi na namin ang maliit na sugat sa batok ni Prin matapos naming tanggalin ang bomba nang mapansin ni Madam Winona, isang minuto bago ang pagsabog, na nag-iba ang kulay ng capsule. Mula sa titanium, unti-unting nagiging kulay-lumot iyon." "At doon ko napansin na ilang saglit na lang ay sasabog na ang maliit na bomba kaya inutusan ko agad si Christen na itago si Prin sa likod ng medical cabinet. Nahuli nga lang kami ni Doc Mikko na tunawin ang capsule bomb sa chemikal na binuo ko kanina." paliwanag naman ni Madam Winona. "Bakit malakas yata ang pagsabog?" si Cassandra ang nagtanong. Hindi niya akalain na ganoon kalakas ang pagsabog ng capsule bomb. Iba sa mga nasaksihan niya na sumasabog sa ulo ng isang tao. "Dahil sa hangin. Nasa loob kasi ng ulo ng tao ang mga nasaksihan mo kaya hindi ganoon kalakas ang pagsabog. Basically, malakas din iyon, nagkataon lang na kulob kaya hindi halata. Samantalang, nailabas namin ang bomba kay Prin kaya mas malaking space ang apektado. Tumango na lang si Cassandra kahit hindi niya naiintindihan. Umungol bigla si Prin sa higaan. "hmmm¡­" Nagsipag-lingunan ang lahat ng tao sa kwarto, sa kama kung saan nakahiga si Prin. Tumayo agad si Cally para lapitan ang asawa niya. Dahan-dahan itong nagmulat ng mata. Matagal silang nagtitigan na para bang unang beses nilang magkita. "S-sino ka..?" tanong nito sa kanya. Natigilan si Cally. Parang nanghina ang dibdib niya sa nadinig. Kahit ang mga tao sa kwarto ay natigilan nang marinig ang tanong ni Prin. Naulit ba ang nangyari kay Cassandra? Tatakas din ba ito tulad ni Cassandra? Kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Cally. Biglang napangiti si Prin. "Jowk lang¡­ Ang serious niyo kasi." nanghihina na sabi nito saka dahan-dahan na umupo. Cally and friends "...." Nakahinga ng maluwag si Cally at tinulungan siya sa pag-upo. Bukod sa nilalamig ang buo niyang katawan dahil sa basang kasuotan, wala na siyang iba pang nararamdaman. Guminhawa pa nga ang pakiramdam niya dahil para siyang nabunutan ng tinik sa lalamunan. "Prin Matsui, gusto mong sipain kita!" naiinis na sabi Mat-mat. Pinakaba sila nitong malditang babae na ''to. "Husbie, si Matty inaaway ako" sumbong niya sa asawa saka yumakap sa bewang nito at ipinilig ang ulo sa dibdib. Pinukulan siya nito ng nakamamatay na tingin. Si Cassandra, Lorenz at Kai ay lihim na natatawa na nakaupo sa isang couch. Si Christen at Doc Mikko ay busy na nagtatalo rin sa isang bed. Nangingiti naman si Madam Winona habang nakikinig at ginagamot din ang nasugatan nitong braso. "Nagugutom ako, Husbie. Gusto ko ng chicken joy" "Matty, bili ka ng chicken joy" utos ni Cally. "Pusang gala! Dito sa Paris, Chicken Joy?" Saan naman siya hahanap ng chicken joy sa Paris? Gusto niya talagang isumpa ang asawa ng pinsan niya. Matapos nila itong iligtas, ang lakas pa ng loob na magmaganda! "Husbie, nagrereklamo si Matty..." pang-iinis ni Prin. Umakto ang binata na gusto siya nitong sakalin saka tumalikod para lumabas ng kwarto at sumunod sa utos. "Ingat Matty" nakangisi na paalam niya dito. Pinisil ni Cally ang ilong niya. "Aww!" "Salbahe ka. Alam mo na ngang iyon ang kinakatakot ko sa lahat, ang galing mo pang magpanggap" Napangiti si Prin. "I''m sorry. Thank you, Husbie. Bakit nga pala ako basa? Saka bakit ibang kwarto yata ito" "Huh? Hindi mo ba natatandaan? Anong pinalitan na kwarto ang sinasabi mo? Narito na tayo kahapon pa" ganti ni Cally sa asawa niya at kita niya na halatang nataranta si Prin. Chapter 236 - Babysitting Dahil maliit lang naman ang naging sugat ni Prin sa batok niya, mabilis lang din ang inaasahan na paggaling niya. Kaya bumalik din sila sa hotel nang araw na iyon. Sobra silang nagpasalamat kay Madam Winona dahil malaki ang tulong na ginawa nito. Gayunpaman, kung ayos ang lagay ni Prin, sobrang nabahala naman ang ibang lugar sa mundo. Napag-alaman ni Lorenz at Kai na matapos ang tig-lilimang bomba kung saan napabilang ang bomba ni Prin, naging tig-iisang daan iyon. Nakita nila sa mga balita mula sa kung saan-saang bansa ang mga pagsabog, ang kaguluhan, ang pag-iyak ng mga mamamayan at ang paghingi ng mga ito ng tulong. "Where is Captain Yeo and his wife now?" tanong ni Cally sa dalawa. "Pina-trace ko na kay MB10. Ang huling balita ay nasa Sapporo, Japan ang mag-asawa." sagot ni Lorenz. "Pinaghahanap na si Mayu ng Japanese embassy dahil sa gulo na ginawa niya. Nanghingi na rin sila ng tulong kay Master Rob pero pinag-iisipan pa ni Master kung tatanggapin niya ang trabaho." sabi naman ni Kai. "Okay! sa ngayon, mas mabuti pa na bumalik na muna tayo sa hotel. Good job everyone!" sabi ni Cally. ===== Asar na asar si Mat-mat dahil matapos niyang maghanap sa city ng chicken joy, iniwan siya ng mga walang hiya at wala man lang kahit isa ang nakaalala na magsabi sa kanya na dumeretso na lang siya sa hotel. Nakasimangot siya na kinatok ang pintuan ng kwarto ng mag-asawang Cally at Prin at binuksan iyon ng huli na bitbit si Khalid. "Hello, Matty" nakangiti ito ng matamis na binati siya. Inabot niya dito ang isang bucket ng chicken joy "Prinsesa, Sa susunod, pwedeng mahalin niyo naman ako? Wala na ngang bayad ang kapogian ko, inaalipin niyo pa ako." gusto niyang itulak ang babae sa tuktok ng Eiffel Tower, kaya lang¡­ may Khalid na nakatingin sa kanya. Dilat ang maliit at bilog na mata nito na para bang nakikita siya ng tatay nito. Prin "?" nagtaas ang kilay nito at hindi nito inintindi ang mga reklamo niya. "I''m so kawawa talaga" ang tangi niyang nasabi. "Awww¡­ Khalid, smile to your uncle Matty" utos nito sa anak nito. Pero nabigla siya nang sumunod ito sa nanay nito. Unang beses niyang makita na ngumiti ang batang ito kaya naman natuwa siya ng sobra. "Oh my gosh! You are so cuteeee..." excited na sabi niya dito na parang nilipad ng hangin ang kanina ay pagka-asar niya. Hindi niya alam na inaakay na siya ng mag-nanay sa isang patibong. Napangisi ng lihim si Prin. "Thanks! Pasok ka muna! May inaasikaso pa si Cally kasama ang Shogun, masakit pa ang ulo ko kaya mag-bonding muna kayo ng anak ko." sabi nito bago ipinasa sa kanya ang bata. Naniniwala naman si Mat-mat sa sinabi nito dahil ilang oras pa lang natanggal ang bomba sa ulo nito at sigurado na may epekto pa ang mga gamot na tinurok dito. Para siyang sinapian ng kung ano na sumunod dito. Matapos na maipasa ni Prin si Khalid sa kanya, pumasok ito sa loob ng bedroom kaya silang dalawa ni Khalid ang naiwan. Natuwa naman si Prin dahil makakatulog siya ng ilang oras nang hindi mag-aalala sa anak niya. May Matty na tagapagligtas para maging Yaya nito. Nag-usap na sila ni Cally na hindi sila kukuha ng magbabantay kay Khalid hangga''t hindi tumutuntong ang anak niya sa limang taon kaya sa ngayon kung sinu-sino ang nag-aalaga dito. Sa kabilang banda naman, Inupo ni Mat-mat ang pamangkin niya sa mesa. At kung anu-ano ang ginawa niya dito. May nakuha siyang electrical nylon cable at nilagay niya sa magkabilang kulot na buhok ni Khalid kaya para itong naka-pigtails. Gamit niya ang mga wire na ''yun sa mga kable ng computer, charger at kung ano pa. Mabuti na lang at lagi siyang handa. Tapos ginamit niya ang cellphone niya para mag-groupie sila ng bata tapos pinadala niya kay Donna. [Matthew :My Love, let''s make a baby!] walang paliguy-ligoy na mensahe niya dito. Naaaliw siya sa bago niyang misyon na bantayan ang prinsipe ng malditang si Prin. Habang nagtitipa, gumagapang na si Khalid para lumayo sa kanya. Nahuli naman niya ang katawan nito na malapit na sa dulong bahagi ng mesa. "Oops Baby, that was bad." binalik niya ito sa dating pwesto, sa tapat ng pwesto niya. Tinatanggal nito ang nylon wire sa buhok at seryoso na nakatingin sa kanya pero walang ideya si Mat-mat sa gustong mangyari ng bata. Para siyang naglalaro ng live na Babysitter Mania. Isang role playing na Game App. "Khalid, let''s sing ''Ako ay may Lobo''" sabi niya dito. Bago pa siya magsimulang kumanta, tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Donna gamit ang video. "Matty, yung totoo, ginagamit mo pa talaga si Khalid sa kamanyakan mo?" bungad nito sa kabilang linya. "My Love, of course not. isn''t he cute? Sigurado na ''pag nagka-anak tayo, mas cute pa kay Khalid. Kaya sige na baby, gumawa na tayo ng baby." natutuwa niyang saad. Umikot ang mata ni Donna sa kabilang linya. "Khalid, kill him for me!" utos nito sa bata. Nagulat na lang si Mat-mat nang biglang kinagat ng baby ang kamay niya. "Ahhh!!" Napatili siya sa gulat. Matapos ang ilang saglit, nag-marka ang ngipin nito sa kamay niya. Satisfied naman ang nobya niya sa kabilang linya. "Good Job Honey! Iki-kiss ka ni Tita mamaya. Bye bye!" Chapter 237 - Stalker or girlfriend? Pumasok si Cally sa suite nila ni Prin na hinihilot ni Mat-mat ang kamay nito at nakangiwi. Nakaupo sa mesa ang anak niya at inosenteng nakatingin sa pinsan niya. "Bad baby!" Halos maiyak ito na hindi niya maintindihan kung bakit. Kumunot ang noo niya nang makita ang buhok ni Khalid na naka-pigtails gamit ang cable nylon wires. "What''s the situation here?" Tanong niya sa dalawa. Sabay silang nagulat ni Mat-mat nang umiyak si Khalid. "Wahhhhh!!! Wahhhhh!!!" "No. No. No, baby. I''m sorry na." Halatang nataranta ang pinsan niya sa inakto ng anak niya. Gumapang patungo sa kanya ang baby hanggang sa dulong bahagi ng mesa saka inangat ang kamay patungo sa kanya para magpa-karga. Nakaramdam siya ng awa dito saka ito binuhat. "Anong ginawa mo?" Tanong niya kay Mat-mat. "Excuse me, siya nga itong kinagat ako eh. Look o" pinakita nito ang kamay na may marka ng ngipin at doon niya lang naintindihan ang lahat. Patuloy na umiyak si Khalid na bihira nitong gawin. "Hush baby¡­ Eh, bakit may wire sa buhok si Khalid?" "Natutuwa lang ako sa kanya, okay? Anyway, dahil nandito ka na, got to go! Ipapacheck ko yung kamay ko, baka may rabies" reklamo nito saka nagmadaling tinungo ang pintuan palabas dahil baka kung ano pa ang isagot ni Cally. "Saglit lang¡­ I just want you to know that your girlfriend is here. I saw her in the caf¨¨ downstairs. " Kumunot ang noo ni Mat-mat. Kakatapos lang kasi ng usapan nila ni Donna at alam niyang wala ito sa galaan. "Caroline." simpleng sagot ni Cally. Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nadinig. Hindi niya akalain na susundan siya ng babae doon. "A-are you sure it''s Caroline?" Paninigurado niya. "Check it kung ayaw mong maniwala pero kapag nalaman ni Donna ang tungkol sa kanya¡­" ngumisi muna si Cally para mai-ganti ang anak niya. "...You''re dead!" Nagmadaling lumabas ng kwarto si Mat-mat. Hindi naman niya nobya si Caroline na tulad ng sabi ni Cally pero may nakaraan sila nito. Ang babae ang huling nobya niya bago si Donna. Nakipaghiwalay na siya sa babae noon pa, nagkita nga lang sila ulit nito sa school kung saan siya nag-aaral kamakailan at pilit na sumusunod-sunod sa kanya na parang stalker. Tinawagan niya si Donna habang tinutungo ang elevator. "My love, tapos na ko sa babysitting, dumating na ang tatay ng devil. Nasaan ka?" May tina-trabaho kasi ang nobya niya sa laptop nito. Dahil stock investor ang pamilya ni Donna, madalas na magbantay ang dalaga ng galaw ng currency exchange. Ang maganda lang sa trabaho ni Donna, nagagawa pa rin nito na magpunta sa iba''t-ibang lugar basta may internet. "Nasa kwarto ko, katatapos ko lang trabahuhin ang pinagawa sa ''kin ni Dad." Sabi nito sa kabilang linya na hinihilot-hilot ang sumasakit na ulo. Nakarating na siya sa elevator at pinindot ang ''up'' dahil nasa 3rd floor ang suite ng mag-asawang Prin at Cally, at nasa 4th floor ang sa kanila ni Donna. "Love, can you buy me some milk?" hiling nito. Nalungkot naman siya para dito kaya pinindot niya naman ang ''down'' para sundin ito. "Sure. Anong klaseng milk? Skimmed? Non-fat? Gatas ng kalabaw? O gatas ng ina?" Umikot na naman ang mata ni Donna sa kabilang linya. Sa usapan nila ng nobyo niya, hindi talaga mawawala ang kalokohan nito. Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya si Caroline na paakyat . Nagliwanag ang mukha nito nang makita siya. "Matthew!" Masayang bati nito. Nanlaki ang mata ni Mat-mat nang makita ang babae. Totoo ang sinabi ni Cally sa kanya na naroon nga ito sa hotel para sundan siya. Dala-dala pa nito ang isang handbag at luggage na para bang mag-stay ito doon ng ilang araw. "Ahmm, Who''s that?" Tanong ni Donna sa kabilang linya dahil hindi nakaligtas sa pandinig nito ang pagtawag ng isang babae sa nobyo nito. "A stalker" sagot ni Mat-mat. "I''ve been looking for you. I''m happy to see you" masayang sabi ni Caroline na pinipilit na pindutin ang ''open'' button ng elevator para makausap ang binata at hindi iyon magsara. "I''m not happy, alright!" Sagot niya dito. Nahati na ang atensyon niya kay Donna at sa babae. Hindi siya nito pinansin. "Where is your suite? Tatabi na lang ako sa iyo para tipid sa gastos" sabi pa nito na nakangisi. Nakaramdam ng inis si Mat-mat. Lalo na at iyon din ang kinatwiran niya kay Donna para makitulog siya sa kwarto nito. "Matthew! I am warning you! Who is with you?!" Galit na si Donna sa kabilang linya. Gusto na niyang saktan ang babaeng nasa harap dahil pinapahamak siya nito sa nobya niya. "My Love, huwag mo nang pansinin. I told you, she''s a stalker" Kumunot naman ang noo ni Caroline nang marinig ang sinabi ni Mat-mat. "I''m not a stalker! I''m his girlfriend!" Nanggigigil na lang si Mat-mat na pinindot ang ''end'' button sa cellphone. Chapter 238 - Bad Day Naiinis na tiningnan ni Mat-mat si Caroline. "Bakit ka ba nagpunta dito? Are you following me?" iritable na tanong niya sa babae. Ayaw niyang mag-feeling gwapo pero alam naman niya ang sagot na sinundan talaga siya nito sa lugar. "Yes. May masama ba doon?" Nakangisi na sagot nito. "Listen, hindi na katulad noon ang status ko ngayon. I''m engaged with my girlfriend." "I don''t believe you. Nagawa mo ngang patayan ng cellphone ang girlfriend mo para makausap ako eh." katwiran naman nito. "Bahala ka kung ayaw mong maniwala." naiinis na sabi niya dito. Hindi niya alam kung ano ang pina-plano ng babae na parang may sayad sa utak. Hindi naman niya pinapansin ang mga trip nito noong mga nakaraan dahil wala pang Donna na bumabalik sa kanya pero iba na ang sitwasyon ngayon. Bumukas ang katabing elevator kaya iniwasan niya na ang babae at sumakay siya doon para bilhan ng gatas ang nobya niya. Hindi nawawala ang pagkainis niya lalo at iilang araw pa lang silang nagkabati ni Donna. Knowing his girlfriend, mukhang babalik siya sa square one. Bumili siya ng steamed milk at cake sa isang cafe na nasa loob ng hotel tulad ng hiling nito. Parang ang malas niya talaga sa araw na iyon. Inutusan siya ni Prin na umikot sa buong siyudad para lang hanapin ang gusto nitong pagkain. Nakagat siya ni Khalid at parang siya pa ang may kasalanan kung tingnan siya ng masama ng tatay nito. Dumating ang stalker niyang ex-girlfriend at dahil dito, alam niyang galit sa kanya ang nobya niya sa oras na iyon. At lahat ng mga iyon ay nangyari sa loob ng isang araw.! Ang saklap talaga lalo na ngayon na ramdam niya na ang pagod. At may sasaklap pa ba sa background music na pumapailanlang sa loob cafe na ''Bad Day'' ni Daniel Powter? "Hello Mat" napalingon siya sa bumati sa kanya at nakita niya si Cassandra at Lorenz na magkahaway-kamay habang inaabangan niya ang inorder niya para sa nobya. Lalo siyang napasimangot na makitang sweet ang mga ito. Akalain mong humabol pa ang dalawa para dagdagan ang malas niya. Pinararamdam ng dalawang ito sa kanya na para bang ''araw ng mga puso'' nang mga oras na iyon. "''Yung totoo? Bakit sa inyong dalawa parang laging valentines day?" naiinis na saad niya. "We are just enjoying, bakit ba parang naglilihi ka na naman?" puna ni Lorenz. "Malamang galit sa kanya si Donna." sapul naman ang hula ni Cassandra sa totoong naganap kaya napasimangot siya sa narinig. "Steamed milk and red velvet cake for Chupa...chups?" nakakunot ang noo ng barista habang binabasa ang pangalan na binigay niya. Mabuti na lang at tinawag na siya para sa inorder niya at malalayuan niya ang dalawa na parang ayaw maghiwalay. "Aakyat na ''ko. Shogun, hihilingin ko talaga na sana ay hindi ka na masarap bukas." bitter na sabi niya dito ngunit hindi siya nito inintindi. "Bye Mr Chupa chups!" pang-iinis ni Lorenz. Nakasimangot na umalis siya ng kapehan. Nang makaakyat sa 4th floor ng hotel, kinatok niya ang suite ni Donna. Binuksan naman nito ang pintuan. "My love, binilhan kita ng --" Bago pa niya matapos ang sasabihin, tinulak nito palabas ang luggage niya. Kinuha ang supot ng pagkain at inabot sa kanya ang bag niya na may mahahalagang gamit. Matapos iyon, binagsakan siya nito ng pintuan. Huli na nang ma-realize niya na outside-de-kulambo siya sa gabi na iyon. Ang ganda ng ending ng kamalasan niya talaga. Kinatok niya ang pinto para kausapin ito. "My love! My Love! Napapagod na ko wala akong matutulugan" Ilang ulit niya pang tinawag si Donna. Hindi siya pwedeng umalis doon dahil sigurado na mas magagalit ito sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung saan siya lulugar. Kung mananatili siya doon at kakatukin ang pintuan nito, siguradong magagalit ito. Kung aalis siya ay magagalit din ito. Napabuntong-hininga na lang siya. "My Love, wala naman akong kasalanan. Buksan mo na ''yung pintuan, malamig dito sa labas." pagpapaawa na lang niya. Dahil sa ingay niya, bumukas ang pintuan ng kabilang kwarto. Sumandal si Caroline sa door frame at humalukipkip na ngumisi sa kanya. "Wala ka bang matutulugan? Pwede ka dito sa kwarto ko" nang-iinis na sabi nito. Hindi niya ito pinansin at patuloy na kinatok ang pinto. Lumapit sa kanya si Caroline at hinawakan ang luggage niya. "Listen Matthew, ikaw na nagsabi na malamig dito kaya doon ka na lang sa suite ko." Bumukas bigla ang pintuan at bumungad si Donna na nag-aapoy ang mata. "Matthew, I am warning you. Who is this girl?" nangigigil na tanong ni Donna habang masama ang tingin nito kay Caroline. "Hello, I''m Carol, his girlfriend" nilahad pa nito ang kamay sa nobya niya na tinitigan lang ng huli bago ibinalik muli sa mukha nito ang tingin. He grabbed the chance na tabihan si Donna paharap sa babae. "she''s an ex! Not a girlfriend" Hindi naman sumagot si Caroline at tanging nakangiti lang. Gumanti ng ngiting-plastik si Donna sa babae. "Mayroon lang kami na hindi pagkakaunawaan ni Matty ko dahil hindi niya naipaliwanag sa ''kin ng maayos ang History ni King Henry na manyak at babaero!" binigyan diin nito ang ''manyak at babaero''. Matty "..." "Matutulog na kami." sabi ni Donna bago kinuha ang lahat ng gamit ni Mat-mat saka sinaraduhan ng pintuan ang babae. "Huwag na mainit ang ulo mo. Upo ka dito, kahit pagod na ko mamasahihin kita." Hinila niya ang nobya sa isang couch at hinilot ang ulo nito. Kailangan niyang galingan dahil ayaw niyang mabadtrip sa kanya si Donna. "Love¡­" natuwa naman siya nang tinawag siya nito matapos niyang hilot-hilutin ang sentido nito. "...I''m sorry" Pagpapasensya mula dito na ikinagulat ni Mat-mat. Pinatabi siya nito sa upuan saka niyakap ang dibdib niya. "Sorry kung masyado akong masungit..." "Sorry kung hindi ako naging perfect girlfriend..." "Sorry sa sinayang ko na sampung buwan para maging masaya lang tayo." Ito talaga ang dahilan ni Donna kung bakit niya pinapasok si Mat-mat. Nagkamali na siya noon nang sinubok ng tadhana ang tiwala niya dito at ayaw na niyang maulit muli iyon. Napangiti naman si Mat, mukhang sulit ang lahat ng kamalasan na nangyari sa kanya sa araw na iyon. "My Dearest Donna, will you marry me?" Nagulat din ang babae sa tanong niya. "But you don''t have a ring." "Syempre, gusto ko munang marinig ang sagot mo bago ako bumili ng singsing. Paano kung nag-''no'' ka? eh, di sayang ang pera ko" Donna "..." Chapter 239 - Do everything for his wife Matapos lumabas ni Mat-mat sa suite ni Cally at Prin, pinatahan ni Cally sa pag-iyak ang anak niya. Hindi niya alam kung na-guilty ba ito sa ginawa nito kaya ito biglang umiyak o kaya naman nagpa-awa sa kanya dahil pinagagalitan ito ni Mat-mat. "Hush baby, don''t mind your Uncle Idiot. But, what you did is bad as well. Huwag ka na ulit mangangagat basta-basta, okay?" Dinala niya ito sa couch at saka tinanggal ang cable nylon wires na nakatali sa buhok nito. Parang nagkaroon ng kaginhawaan si Khalid matapos niyang matanggal ang bagay na iyon. Naaaliw pa siya na makitang may naiwang luha sa bilog na mata nito. This little guy is just like him. He looks like him. Sabi nila kapag kamukha daw ng tatay ang baby, walang ibang iniisip ang nanay nito kundi ''yung tatay ng bata habang pinagbubuntis ito. He was away during Prin''s pregnancy kaya naman he did everything to give her happiness ngayon na may Khalid sila. Dinodoble niya ang kasiyahan na maaari niyang ibigay kay Prin dahil malayo sila sa isa''t-isa sa loob ng mahabang panahon at lahat ng sakripisyo ay si Prin ang nagdala. She sacrificed for him. Nakatingin sa kanya si Khalid na para bang hinihintay nito kung ano ang susunod niyang gagawin. Pinunasan niya ang mga luha nito sa mata. "We should be happy. Your Mommy is safe" sabi niya dito na akala mo ay nakakaintindi na ito sa nangyayari. Gumapang ito papunta sa dibdib niya saka siya humiga sa couch kaya nakadapa na ang ayos nito sa dibdib niya. "Baby, in the future you will be the next Shi Cally but I want you to enjoy life. A man who loves his Mom so much and his dearest wife." "... at huwag mong hahayaan na may umapi sa Mommy mo." Napangiti siya sa nasabi. He remembers the exact same message his Dad told him when he was six. Ngayon niya lang naintindihan ng tuluyan ang ibig nitong sabihin. Inangat ni Khalid ang ulo nito para titigan siya. Naaaliw siya na para bang naiintindihan nito ang sinabi niya saka nito ibinalik ang pagkakasandal muli sa dibdib niya. Nagpapasalamat talaga si Cally na ligtas si Prin sa mga naganap. Nakakapagod at nakakakaba ang mga nangyari sa araw na iyon pero sa huli, ligtas si Prin. Hindi niya alam kung ano ang buhay na haharapin nila ni Khalid kung sakaling kukunin si Prin sa kanila. Iwinaksi niya rin sa isip ang mga bagay na iyon dahil ayaw niyang isipin ang ''bakit at kung paano''. Gustuhin man niya na ganito lang sana ang buhay nilang pamilya na tahimik at masaya lang, may mga problema pa silang kinakaharap. Marami pa silang kalaban. Si Gon Peter ay nagtatago lang sa dilim at hindi niya alam ang plano nito. Sigurado siya na kung sakaling babalik ito, sisiguraduhin na nito na pantayan ang lakas niya. Nandiyan din ang mag-asawang Mayu at Captain Yeo. Hindi niya alam kung ano ang plano ng babae at kung ano ang background nito pero pina-imbestigahan niya sa Shogun ang dahilan nito kung bakit nito ginusto na pasabugin ang mga capsule bomb. Ano ang nag-trigger dito para gawin iyon? Nagkausap sila ni Rob at may plano ito na tanggapin ang trabaho na hanapin si Mayu sa Japan. May plano rin naman kasi siya na hanapin si Captain Yeo. ''Two birds in one stone'' ang trabaho na iyon kaya sang-ayon siya sa gusto nito. Patatapusin lang nila ang komosyon na ginawa ng teroristang si Mayu sa mundo bago nila ito harapin. Habang iniisip ang mga bagay na iyon, hinahaplos niya sa buhok ang anak na si Khalid. Nakatulog silang mag-ama sa ganoong ayos. Nagising si Prin nang wala siyang katabi sa kama. Sinilip niya ang relo at nakita niya na alas dose na ng madaling araw. Pupungas-pungas siyang bumangon para hanapin ang mag-ama niya. Ang huling natatandaan niya ay pinabantayan niya ang anak kay Mat-mat dahil sobrang sama ng pakiramdam niya dahil sa mga gamot na tinurok ni Christen sa kanya. Natagpuan niya ang dalawa na payapang natutulog sa couch. Nilapitan niya si Cally dahil alam niyang hindi ito komportable sa higa nito. "Husbie¡­" tawag niya dito. Umungol muna ito bago nagmulat ng mata. "Pasok ka sa loob. Malamig dito saka hindi kayo komportable dito sa higaan." Kinuha niya ang natutulog na si Khalid mula sa pagkakadapa nito sa asawa niya. "Come here." Bumangon si Cally at umayos ng upo saka siya nito pinaupo sa binti nito. "Hindi ka ba nabibigatan kay Khalid?" Tanong nito. "Hmmm¡­ mabigat pero okay lang." Pinagmasdan niya ang anak sa bisig na payapang natutulog. Niyakap siya ng asawa niya ng mahigpit saka siya hinalikan sa pisngi. "Thank you Honey for being an amazing woman" Chapter 240 - Wedding day (1) Halos sabay-sabay at sunud-sunod na nagsipagbabaan sa restaurant ang grupo ni Cally para mag-almusal. Nasa isang bilog na table lang silang lahat tulad ng mga nakaraan para sabay-sabay na mag-almusal at mag-bonding kasama ang mga kaibigan nila. "May plano nga pala kami ni My Loves na umuwi sa Pilipinas ngayong araw. Kung may kailangan ka sa ''kin, email mo na lang ako. Tapos na rin naman ang trabaho namin dito" sabi ni Mat-mat kay Cally. "Sa Pilipinas ang punta mo? Hindi ka babalik sa US?" pagtataka ni Christen na nasa tabi lang din nito. "Nah. May plano na akong hingin ang kamay ni Donna sa magulang niya." pagyayabang nito. "Wow Congratulations Donna!" bati muli sa kung kani-kanino sa kanila. "Salamat!" ang tanging naging sagot nito. Kilala si Donna sa mga tipid nitong sagot. Hindi rin masyadong nakiki-halubilo sa lahat ang dalaga. "Sigurado ka Donna?" tanong mula kay Kai. Pinukulan ni Mat-mat ng masamang tingin ang asawa ni Bella. "Kai Jang, may problema ka ba sa akin?" "Wala naman, naninigurado lang" nakangisi na sagot nito. Tulad ng dati hindi pinansin ni Cally ang asaran ng dalawa, sanay na sila sa mga ito. "May plano kami na pumunta sa Japan para i-meet si Uncle Rob at ang Mommy ni Prin." sabi ni Cally. Alam ng lahat na parte sa meeting na ''yon ang usapan sa Hantataiga at kay Captain Yeo. "I''ll stay here. Ngayon ang kasal namin ni Sandra sa mairie." pagbibigay-alam naman ni Lorenz. Halatang nabigla ang lahat sa sinabi nito bukod kay Cally. Gusto ni Lorenz na gamitin ang pagkakataon na maikasal muna sila ni Cassandra bago siya sumabak muli sa laban. "Y-y-you! Bakit naunahan mo pa ako?!" nanlalaki ang mata ni Mat-mat. "Anong problema d''on? Nauna akong magpropose kay Sandra." sagot ng Shogun. "Matty, bago ka magreklamo pwedeng bigyan mo muna ng singsing si Donna." puna naman ni Prin. "Wala ka pa ngang binibigay na singsing sa kaibigan namin, nagrereklamo ka pa?" "Eh ikaw ba?" ganti ni Mat-mat kay Lorenz. Inangat lang ni Lorenz ang kamay ng nobya nito para ipakita na may engagement ring ang dalaga. Nag-ikot sila ni Sandra sa city nang nagdaang araw para bumili ng wedding ring na gagamitin sa araw na iyon at nagkataon na nagustuhan na rin niya ang engagement ring sa isang stall habang nagpaalam ang dalaga na pupunta sa palikuran. He gave it to her last night as a surprise when they make love. Hindi nakasagot si Mat-mat sa atake na ''yon kaya nanahimik na lang ito. Somehow, he is guilty na wala pa siyang binibigay kay Donna. He is just lucky na hindi rin naman ganon ka-big deal ang bagay na iyon sa nobya niya. Si Cassandra sa isang banda ay nakiki-nood lang kaya hindi makapagsalita. Kahit weird sa pakiramdam, she felt hot inside. Lumilipad ang isip niya dahil sa mga nakalipas na araw. Masyadong nakakabigla ang mga pangyayari na sa loob ng wala pang isang linggo nang muli silang magkita ay magpapakasal na sila ni Lorenz. He loves her and she loves him, that''s it! Napakagat-labi siya nang maisip na Lorenz always make sure to give her pleasure. He experiment things in bed and she liked it so much. Kumakain siya ng bacon, cheese at hotdog na nasa pinggan pero wala doon ang isip niya kun''di sa mga ginagawa nila ng shogun gabi-gabi. It''s inappropriate to think wild things sa harap ng pagkain but she does. She was looking forward to their first night as husband and wife kahit hindi pa sila kinakasal ng binata. Napapalunok tuloy siya habang paisa-isang pumapasok sa maduming isipan niya ang mga larawan ng mga nagaganap sa kanila ng binata. "Sandra¡­" he kissed her harder. Nawawala ang katinuan niya sa paraan ng paghalik sa kanya ni Lorenz. He licked her b.r.e.a.s.t giving her thousand pleasures na hindi niya nakukuha sa ibang bagay. "Hah¡­" she m.o.a.ned. He sucked it while played her entrance. Napapaliyad siya sa ginawa nito. "Sandra¡­" "Sandra? Sandra?" tinapik-tapik siya ng binata na nasa tabi. Bigla siyang nagbalik sa reyalidad. Napalingon siya bigla dito. "A-are you okay?" tanong ni Lorenz sa kanya. Napakislot si Cassandra at nag-init ang pisngi niya. "I¡­ yes." Doon niya lang napansin na hindi pa niya nauubos ang pagkain niya sa plato. Kinuha niya ang pineapple juice na nasa harap at tinungga iyon para mahimasmasan ang init niya sa katawan. Hinipo ni Lorenz ang noo niya. "You are hot. May sakit ka? May masakit sa iyo?" tanong nito na halatang nag-aalala. Pwede niya bang sabihin na iba ang rason kung bakit siya mainit? Mainit siya dahil nag-iinit ang pakiramdam niya. "Iaakyat ko muna si Cassandra. Mukhang may sakit ang nobya ko" Paalam ng binata sa iba. "O-okay lang ako, Shogun" sabi ng dalaga. Ayaw naman niya na mangyari na aalis sila doon dahil lang sa may kakaiba siyang pakiramdam at alam niya sa sarili na hindi iyon dahil sa sakit. "Magpapahatid na lang ako ng pagkain sa kwarto. Magpahinga ka na muna." pilit ni Lorenz. Walang nagawa si Cassandra kundi ang sumunod sa binata. Chapter 241 - Wedding day (2) Sinipat ni Christen si Cassandra nang mapadaan ito sa tabi niya at napangisi ang batang doktora, tapos may binulong ito kay Lorenz. Na-conscious naman ang dalaga sa inakto nito. Hindi naman siguro nito alam ang tunay niyang nararamdaman, tama? Pero doon siya nagkamali dahil iba si Christen. She''s a surgeon, an OB-gyne at kung anu-ano pa ang inaral nito na para bang naboboring ito sa buhay. Inakay siya ni Lorenz doon sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kwarto ng binata, malapit sa suite ni Cally at Prin. Napangisi naman ng lihim si Lorenz habang nasa loob ng elevator dahil sa binulong sa kanya ni Christen. "Your wife is hot but not because of a fever. You know what I mean right?" Nakipag-apir na lang siya dito ng lihim. Paghihintayin niya ang dalaga hanggang sa makasal sila sa mairie (city hall or mayor''s office in Paris). He felt proud with himself. Hindi niya akalain na hindi lang siya sa labanan wild, kundi pati sa pakikipag-relasyon, sa pakikipag-niig. Mabuti naman at nag-iiwan siya ng ibang impresyon sa babae na parang droga din sa pagkatao niya. Kung pwede lang na ibaon niya ang sarili sa dalaga 24 hours, 7 days a week. Ilang saglit lang, nasa loob na sila ng suite niya. Pinaupo niya si Cassandra sa mahabang couch. Kumuha siya ng malamig na tubig sa fridge at inabot dito para inumin nito. Nakatitig ang dalaga sa kanya na para bang may nais ito sa kanya na hindi nito masabi, kaya naisip niya na pagtripan ito ng kaunti. ''Tell me you want me, Sandra'' nasa isip ng Shogun. "Kailangan mong ubusin ito" sabi niya sa dalaga nang iabot niya ang malamig na tubig dito. Nakita niya ang paglunok nito bago nito ininom iyon. Naghubad ng puting shirt si Lorenz. "Magsh-shower lang ako, sweetheart. May tatlong oras pa tayo para makapunta sa mairie" Hindi sumagot si Cassandra, dinagdagan kasi ng binata ang init na nararamdaman niya nang makita niyang nagtanggal ito ng pang-itaas. Pinipigil niya ang paghininga dahil baka may tumulong laway sa kanya. Lalong nilipad ang kaisipan niya at pumasok sa isip ang pakiramdam na mahawakan ang hubad na katawan na iyon ng binata. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa pumasok ito sa loob ng palikuran para maligo. Parang doon lang nakahagap ng hangin si Cassandra. Napabuntong-hininga si Cassandra. She wanted to follow him. Having the thought, they had never done wild things inside a shower room. Kung saan-saan muli lumilipad ang isip ni Cassandra. She undressed herself. Hindi pa niya natatanggal ang lahat ng kasuotan nang lumabas si Shogun na tanging twalya lang ang nagtatakip sa katawan nito. Sa parte naman ni Cassandra, naka-underwear lang siya kaya napalunok din si Lorenz, pero tinanggal nito sa isipan ang hubad niyang katawan. Namula ang pisngi niya dahil nahuli siya nito na naghuhubad. "What are you doing?" Nakakunot ang noo ng binata. "I¡­ I¡­" nahihirapan siyang magpaliwanag. Pwede niya bang sabihin na plano niyang sumunod sa shower room? "Sweetheart, you have a fever tapos gusto mo pang malamigan?" Inakbayan siya nito at dinala sa nag-iisang kwarto. Nag-iinit ang balat niya sa pagdikit nila ng binata at mas lalong umiinit ang pakiramdam ni Cassandra. Pinaupo siya ni Lorenz saka siya binigyan muli ng tubig. "Uminom ka pa ng tubig para bumaba ang temperatura mo" sabi ng binata na halos hindi niya naintindihan dahil nakatingin siya sa towel na suot nito. She wanted to grab the chance na naroon ito sa harapan niya. Inangat niya ang kamay para hilahin sana ang towel na iyon pero naunahan siya ng binata na lumayo sa kanya para bumalik sa shower room. Sobra-sobra ang panghihinayang ni Cassandra nang mawala muli ito sa paningin niya. Ano ba ang nakain niya at ganoon siya sa umagang iyon? She''s horny. Tumayo siya at tuluyan na hinubad ang lahat ng kasuotan. Kailangan niyang akitin si Lorenz. Tinungo niya ang closet at naghanap ng super s.e.xy na lingerie para hindi ito makatanggi. Isang lacey red and black underwear ang nakita niyang suotin Parang silang tanga na dalawa sa kwarto na naglalaro ng apoy-apoy-an. Kapwa nila gustong akitin ang isa''t-isa pero hindi alam kung sino ang unang bibigay. Matapos niyang magbihis bumalik siya sa pagkakahiga sa kama na parang alay ng mga kulto sa santu-santuhan. Chapter 242 - Wedding day (3) Nang lumabas si Lorenz ng palikuran matapos niyang makaligo, napansin niya ang dalaga na nakakumot ito na tinatakpan ang buong katawan. Nakabaluktok ang dalaga ng higa at pinagpapawisan. Kumunot ang noo ni Lorenz kaiba iyon sa naiisip niyang bubungaran sa kwarto. "Sandra?" Nagdilat ito ng mata. Hinipo niya ang dalaga sa noo at doon niya napansin na iba na ang mood nito ngayon. Pinagpapawisan ng malamig ang nobya niya. Tinanggal niya ang kumot na tumatakip sa katawan nito saka siya napalunok. Nakabaluktot at nakahawak si Cassandra sa puson nito at halata na may iniinda ang nobya niya. Pinilit niyang ilayo ang mata niya sa dalaga pero hindi rin niya maiwasan na mapatingin dito. Napalunok na lang siya sa ayos nito. "M-may problema ba?" tanong niya. "Shogun, may dysmenorrhea ako¡­ Pwede mo ba akong ibili ng gamot¡­ saka ng pads or tampons?" sabi nito. dysmenorrhea? Pads? Tampons? Doon niya lang napagtanto na may buwanang-dalaw ang dalaga. Gusto niyang maasar dahil bigla siyang pinaasa nito. Naghihintay pa naman siya sa kung ano ang gagawin nito para akitin siya. Naakit naman siya ng dalaga dahil nagawa nito na magpalit ng s.e.xy na damit. Mukhang sa kanilang dalawa, siya ang asar-talo. Masasakal niya talaga si Christen sa pagbibiro nito sa kanya. Pinilit niya na maging kalmado. Lumabas muna siya sa main area ng suite at saka niya tinawagan si Christen. "Yes, Shogun?" nakangisi pa ang dalaga sa kabilang linya. "Tenten, are you done with your life recently? Anong pinagsasasabi mo d''yan na horny si Sandra? She has a monthly period!" gusto niyang kutusan ang doktora sa pagpapaasa sa kanya. Natatandaan niya ang pambubully ng babae sa kanya noong mga bata pa sila. Kahit sa kambal na kapatid nito ay bully ito, bukod kay Cally na kuya nito ay wala yatang hindi nakaligtas dito. "Shogun, I''m an OB-Gyne okay? Baka kasi sinobrahan mo ang performance kaya siya ganyan. Basically, horny talaga ang mga nasa first day ng period. It''s not my fault, okay? It''s Sandra''s fault for being horny and you can''t do anything about it because she has a period! Unless¡­ you want to beat the red light" nakangisi na sabi nito sa kabilang linya. Lorenz "...." Napasabunot ang binata. He knew kung saan papunta ang usapan na iyon at magmamalinis talaga ng kamay ang babae kung sakaling may kasunod na problema. Hindi naman siya sobrang manyak para sundin ang payo nito na mag ''beating the red light''. "I need medicine because of dysmenorrhea saka tampons or napkin" nasabi na lang niya dito. Matagal bago ito sumagot. "Shogun, anong akala mo sakin, drugstore?" Lorenz "...." "Maghanap ka na lang sa labas. Try mo siyang painumin ng ginger tea na may cinnamon at brown sugar. Magrequest ka na rin ng hot compress para ilagay sa puson niya. It will help her¡­ Sa tampons, subukan mong maghanap sa mga drugstores na malapit kung sakaling wala ang hotel. Bye!" hindi man lang siya nito hinayaan na magsalita. Nangigigil na tiningnan lang niya ang cellphone niya. Halos gusto niyang ibato iyon sa sobrang pagkainis. Mababaliw siya sa mga payo niyo. Bilib talaga siya kay Doc Mikko na nagawa nito na samahan ang dalaga sa loob ng mahigit isang dekada. Tumawag na lang muna siya sa hotel at sinabi ang request niya. Ginger tea saka cinnamon at brown sugar. Saka nagrequest siya ng hot compress. Sinubukan na rin niya na magrequest ng napkin kahit namumula ang mukha niya. Sa parte na iyon, tingin niya ay hindi siya napagtripan ni Christen. Seryoso naman ang dalaga kapag sakit na ang pag-uusapan. Mabuti na lang din at handa ang hotel sa kahit na anong request ng mga guests nito. Nagbihis lang siya saka kumuha ng pajama para isuot kay Cassandra. Bahagyang nanghihina ang pakiramdam ng dalaga. "Sandra, magbihis ka na muna." Tumango lang ang dalaga. Saka niya ito binihisan. Sakto naman na dumating ang mga hiling niya mula sa hotel. Ayos naman ang dala nito bukod sa isang bagay. Hindi feminine napkin ang dala ng hotel staff kundi table napkin. Napahipo siya sa noo. Unang beses niya na mag-alaga ng babaeng may buwanang-dalaw at hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na ang kailangan niya ay ang ginagamit ng mga babae. "Ahh¡­ Do you have tampons?" nasabi niya rin sa wakas matapos huminga ng malalim. Pulang-pula ang mukha niya. Tumango naman ito. Ngayon niya lang napatunayan na weird pala talaga sa pakiramdam na manghingi o mag-request ng gamit ng mga babae. Lalo na ang ginagamit ng mga ito sa monthly period. Dinala niya na lang ang tea at table napkin sa nobya niya. "Sweetheart, drink this" Ininom nito ang tsaa. Saka niya pinahiga ulit. Siya na ang naglagay ng hot compress sa puson nito. May ilang oras pa ba bago ang kasal nila? Napalingon siya sa relo. Hinawakan ni Cassandra ang kamay niya saka nito dinala sa pisngi. "Thank you, Shogun" Chapter 243 - She might be dead Nakaabot naman sa tinakdang oras sa mairie si Cassandra at Lorenz. Matapos kasi na uminom ng gamot at ng tsaa ng dalaga, guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya. Nakasuot lang siya ng simpleng bestida. Nagpulbo lang at lipstick. Simple lang ang make-up dahil hindi naman talaga siya sanay na magsuot ng magagarang kasuotan. Si Lorenz ay simple lang din ang suot sa araw na iyon. Madalas na itim na shirt o gamit sa training ang kasuotan nito pero pinili pa rin nito na magsuot ng itim na longsleeve na polo para sa araw ng kasal nito. "May the blessings of life, the joy of love, the peace of truth, and the wisdom and strength of Spirit, be your constant companion, now and always, as husband and wife. You may seal this union with a kiss..." ang mga binigkas ng Mayor para maging opisyal na mag-asawa na si Lorenz at Cassandra. Naluha ng bahagya si Cassandra. Hindi niya akalain na sa loob lang ng maikling panahon ay matutuloy ang pagkikita nila ni Lorenz sa pag-aasawa. Isang lalaki na mamahalin siya ng totoo. Halos isang linggo pa lang silang nagkita pero heto sila at kasama na ang isa''t-isa na haharapin ang kinabukasan. Kung anuman ang nararamdaman ni Cassandra, gan''on din si Lorenz. Parehas sila na wala ng pamilya kaya natagpuan nila ang saya sa bawat isa. Nilapit ng shogun ang mukha niya sa misis niya at siniil ito ng halik sa labi. Kasama nila sa lugar bilang witness si Prin, Cally, Kai at Bella na bitbit ang mga anak nito. Nakaplano ang apat na umuwi sa gabi rin na iyon. Si Prin at Cally, patungo sa Japan para kitain si Rob Matsui. Si Kai at Bella ay nakaplano na umuwi sa bahay ng pamilya ng lalaki sa Korea. Hindi na dumalo ang magkasintahan na Donna at Mat-mat dahil nakatakda ang dalawa na magpunta ng Pilipinas. Sa tingin nila ay umiwas lang si Mat-mat sa tudyo ng grupo nila. Ang dalawang doktor naman ay nanatili sa ospital dahil hindi pa magaling si Doc Mikko. Naluha rin si Prin sa kasal na iyon dahil malapit sa puso niya si Cassandra. Kasama niya ang babae sa loob ng mahabang panahon. Si Cassandra ang tinuring niyang pamilya nang mga panahon na malayo siya sa asawang si Cally. Nang magkaroon ng tyansa, niyakap ng mahigpit ni Prin ang kaibigan at nagbigay ng bati dito. "Congratulations Dear!" "Salamat Prin" "Mamimiss kita. Magsisimula na ako na magtrain sa business ng Daddy at Mommy ko kaya mananatili ako sa Maynila sa mga susunod na taon. Ikaw, what is your plan?" tanong niya sa kaibigan. Sa loob ng mahabang panahon, kapwa sila natengga sa buhay, napag-iwanan ng panahon kaya sabay din sila na bumabangon. "May plano na mag-train si Shogun sa Kent mansion sa UK kaya sasama ako sa kanya doon pagkatapos ng issue kay Captain Yeo. Sa ngayon ay plano ko na kumuha ng online courses para i-master ang business course na natapos ko noon." "That''s great! Pwede ka rin na magtrain sa White Devil na nasa London kung gusto mo" suhestyon ni Prin. "Wow, talaga?" Tumango si Prin. "sabihan mo lang ako." "Honey, tama na ang tsikahan. Masama na ang tingin ng shogun sa iyo." tawag sa kanya ni Cally. Nilingon niya lang ito saglit bago binalik kay Cassandra ang atensyon. "Aalis na kami Sandra." Paalam niya sa kaibigan. Nagtuloy silang lahat sa kaunting salu-salo na hinanda ni Cally para sa Shogun niya bago sila tuluyan na umalis ng lugar para bumalik sa Japan ng asawang si Prin. ===== Sa tahanan ni Gon Peter na nasa tuktok ng bundok¡­ Pinanonood niya ang video ng mga pagsabog sa kung saan-saang parte ng mundo sa malaking TV. Halos sakupin ng TV na iyon ang isang parte ng pader. Hawak niya ang remote control nito na pumipili pa sa kung anong pagsabog ang gusto niyang panoorin. Tila masokista ang lalaking may ginintuang buhok habang pinanonood ang mga clips mula sa kung saan-saang site. Matalim ang mga mata na iniisa-isa niya ang palabas. Nakakadagdag pa sa katuwaan niya ang maganda at malakas na tunog ng pagsabog dahil sa Dolby sounds ng mga speaker na nakaikot sa paligid. Habang nanonood, inistorbo siya ng malalakas na katok sa pintuan. "Master" tawag mula sa labas. "Tuloy" sabi niya dito habang patuloy na pinanonood ang mga video. Binuksan ni Levan ang pintuan saka nito hinarap si Gon Peter. "Master, Pinaghahanap ng awtoridad si Mayu ng Hantataiga na siyang may gawa ng mga pagsabog" Pagbibigay-alam nito. Saglit na natahimik si Gon para mag-isip. "Anong balita kay Prin Matsui?" tanong niya. "Walang balita, pero sa tingin ko, hindi nakaligtas ang babaeng iyon sa pagsabog." normal lang na maisip ni Levan ang bagay na iyon dahil may balita siya na ayaw ipatanggal ni Cally ang bomba sa babae dahil sa nangyari kay Cassandra na tumakas ng ospital. Nagsalubong ang kilay ni Gon. Hindi niya alam kung ligtas si Prin sa capsule bomb na na-inject dito pero naniniwala rin siya na hindi basta-basta mamamatay ang babae. Sa kabila ng lahat, umaasa siya na sana ay ligtas ito. Nakita niya kung paano lumaban si Prin Matsui at alam niya na hindi ito basta maghihintay lang ng katapusan nito. "Gusto kong makausap si Captain Yeo at ang asawa niya" utos niya kay Levan. "Masusunod" Chapter 244 - Serious Engagement (1) Bago umalis sa Paris, nagrequest na si Mat-mat ng singsing sa pinsan niyang si Baba o mas kilala sa pangalang Penelope sa publiko, isang high-end na raketera. Isang jewelry designer, painter, gym instructor, pianist, teacher, vlogger /blogger at kung anu-ano pa ang trabaho nito. Sa babae rin galing ang engagement ring ni Bella. Nakakaloko lang na parang hindi siya sineseryoso ng pamilya niya. Ganito ang mga komento ng pamilya niya nang sabihin niya sa mga ito na magpunta sa bahay nila Donna para mamanhikan: "Sigurado si Donna na pakasalan ka?" komento mula sa Daddy niya. "Honey, huwag kang magbiro. Nagd-drugs ka na ba ngayon kaya nagh-hallucinate ka na?" komento mula sa Mommy niya. Alam kasi sa kanila na naghiwalay sila ng dalaga. Naglasing pa nga siya noon sa New York at hinamon ng suntukan ang Statue of Liberty. Dahil sa kalasingan, napagtripan siya ng mga lokong kabataan kaya sa kulungan ang bagsak niya. Matapos iyon, nagpatuloy na muna siya mag-aral. Kaya hindi niya masisisi ang Mommy niya na mag-isip ng masama. Ang kapatid naman niya na teenager na babae ang siyang nag-congrats sa kanya. Ayos na sana, kaya lang, nasa kikitain nito ang nasa isip nito at wala sa pagpapakasal niya. "Congratulations Kuya! Magkano ang ibibigay na dowry ni Ate Donna sa akin?" Nagmana talaga sila ng kapatid niya sa magulang niya. Mabuti na lang at sinusuportahan siya ng ate Baba niya. Ibibigay nito sa kanya ang engagement ring na dinisenyo nito nang nakaraang buwan lang, kapalit ng trabaho. Ang hanapin ang matindi nitong basher sa online. 2 karats ng diamond ring kapalit ng napakadaling gawain na hanapin ang basher nito sa vlog. ===== Nagpara ng taxi si Donna at Mat-mat sa Airport pauwi sa bahay ng dalaga. Hindi pa alam sa bahay nila na nagkaayos na sila ni Mat-mat dahil gusto niyang sorpresahin ang mga magulang niya na mas excited pa na ibugaw siya sa binata. Ilang buwan na naghihintay ang mga ito na magkaayos sila at sigurado na mas matutuwa ang mga ito kapag nalaman na may plano silang magpakasal. Bahagya siyang kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung paano ipapaliwanag na nagkaayos na sila ng binata. Ilang oras pa, huminto ang sinasakyan nila sa harap ng bahay nila Donna. Masasabi na malaki kumita ang pamilya nila pero nananatiling normal ang pamumuhay nilang tatlo. Kalahati sa kinikita ng magulang ni Donna ay napupunta sa charity. Simula pa lang bata ay nakagawian na nila ang ganoong gawain. Naunang bumaba si Mat-mat ng taxi para kunin ang mga bagahe nila ng nobya niya habang si Donna ang nag-doorbell sa bahay. Ilang saglit lang, nagbukas ang gate ng bahay nila Donna at nanlaki ang mata niya nang makilala ang taong nagbukas nito. "Mamang? Mamang!!! Ahhh!!!" napatili siya nang makilala ang lola niya. Nanay ng Mommy niya na probinsiyana. "Ay Donna! Ikaw pala iyan iha, akala ko kung sinong maganda." ngumiti ito ng pagkalapad-lapad. Nasa otsenta anyos na ang matanda. Kaunting-kaunti na lang ay matatanggal na ang pustiso nito sa sobrang pagkakangiti. Limang taon din kasi silang hindi nagkita ng matandang babae kaya siguro hindi siya nito nakilala agad. Nagmano siya rito saka niyakap niya ito ng mahigpit. "Kailan ka pa dito, Mamang?" usisa niya at tumuloy na sa pagpasok. Bigla niyang nakalimutan na may kasama siyang Mat-mat pauwi doon sa bahay dahil sa excited siya na nakita niyang muli ang matanda. Dahan-dahan lang ang paglakad ni Donna dahil may walking stick na hawak ang lola niya at hindi nito kaya maglakad ng mabilis kaya nakaalalay pa siya dito sa pagpasok. Nakakunot ang noo ni Mat-mat na sumunod habang hila-hila ang lahat ng bagahe. Tumutunog ang gulong ng luggage na bitbit ng binata sa sahig habang papasok sa bahay. "Aba''y noong isang araw pa. Wala ka nga raw dito sa bahay sabi ng Mommy mo. Ano ba ''yon? Ka-ingay!" nilingon nito ang binata sa likod. Sinundan rin ni Donna ng lingon ang binata. "Aba''y may pumasok sa bahay!" usal ng lola niya "Ahh¡­ Mamang, hindi po siya ibang tao. nobyo ko po yan, si Matthew." pakilala ni Donna. "Mateo?" Dahil sa pangalan na binanggit niya, napasilip sa bintana ang Daddy ni Donna. "Huh? Matthew! Ikaw ba yan, anak?! Honey, si Matthew nga, narito sa bahay!" Habang papalabas ang magulang ni Donna. Naniningkit ang mata ng lola ni Donna na sinisino ang binata mula ulo hanggang paa. Sa hindi malaman na dahilan ni Mat-mat, napalunok siya sa paraan ng tingin nito sa kanya. Para bang dumadaan siya sa scanner at tinitingnan kung may depekto ba siya. Maliit lang ang lola ni Donna na nasa apat na talampakan at walong pulgada, nakasuot ito ng saya at blusa na may pulang balabal. Lumapit ang magulang ni Donna sa kanila na tuwang tuwa. "Matthew, ikaw nga yan iho!" tuwang tuwa ang Daddy niya na makita muli ang binata. "Hello po" "nagkabalikan na nga kayo? Totoo?" paninigurado ng Mommy niya. "Opo." Napakamot sa ulo si Mat-mat "Ang totoo po¡­ hihingin ko po sa inyo ang kamay ni Donna" biglang nakaramdam ng hiya ang binata. Namula naman ang pisngi ni Donna. "Wow! Syempre payag kami na makasal kayo, kailan ba yan? Bukas na?" "Hindi ako papayag!" napalingon silang lahat sa maliit at matandang babae. "Donna, huwag kang magpapakasal kay Marco nang hindi yan dumadaan sa tamang proseso." "Ahhh.. Sino po si Marco?" tanong ni Mat-mat. Pinalo siya nito agad sa binti ng bitbit nitong walking stick. "Aba''y damuho ka! Sino pa ba? E, di ikaw!" Napangiwi na lang si Mat-mat sa biglang pag-atake na iyon ng matanda. Chapter 245 - Serious Engagement (2) "Ma, ayaw mo pang magpakasal ang apo mo e, trenta mahigit na yan si Donna." komento mula sa Mommy niya. Parang gusto ni Donna na maglaho ng banggitin nito ang edad niya. Kailangan pa bang linawin at ulit-ulitin na lagpas na siya sa kalendaryo? Naramdaman na naman niya ang pambubugaw nito sa kanya kay Mat-mat. Napapailing na lang si Donna dahil sanay naman na siya sa mga ito. "Ano bang sinasabi mo r''yan?! Gusto ko siyempre na magpakasal ang apo ko. ''Yon e kung karapat-dapat itong si Mario" Mat-mat "...." Tiningala ng matanda si Mat-mat. Napalunok na naman siya sa paraan ng pagsuri nito sa kanya na para bang may laser ang mga mata nito na naniningkit pa at parang hinahanapan siya nito ng bacteria sa katawan. "Bibigyan kita ng tatlong pagsubok. Kung matatalo mo ako, papayag ako na makasal sa iyo si Donna" Mat-mat "...." "Ahhh¡­ mamang, nagbibiro lang po kayo di po ba?" paninigurado ni Donna na nakangiwi "Hindi" Naisip ni Mat-mat na may edad na ang matandang babae. Siguro naman ay madali na lang na matalo ito sa kanya. "Papayag po ako" sabi niya. "Mabuti naman! Bukas ng alas sais ng umaga ang simula ng laban natin" sabi nito saka siya inirapan at tinungo ang pintuan papasok sa loob ng bahay. Naaliw ng bahagya si Mat-mat dahil bibigyan pa siya ng tatlong pagsubok ng matandang babae para lang maikasal sa apo nito. Kung may problema siguro siya, ''yon ay ang paggising sa umaga dahil sanay ang katawan niya na inaabot ng madaling araw sa computer. Hinarap siya ng nobya niya nang mawala sa paningin nila ang lola nito. "Love, Ako na ang nagsasabi sa iyo. Mahirap magbigay ng pagsubok ang lola ko." paalala ni Donna. Hinaplos niya ito sa buhok. Natutuwa siya na concern ito sa kanya. "My Love, kahit gaano pa ''yan kahirap, haharapin at kakayanin ko yan para sa iyo" Halatang kinilig ang dalaga sa sinabi niya kaya napangiti ito ng simple. Natutuwa naman ang magulang nito habang pinanonood sila na maglambingan. "Matthew, mabuti naman at nagkaliwanagan na kayo. Naku, I''m happy lalo at may kasama na ko ulit maglaro ng Mobile Legends." mula sa Daddy ni Donna. "Na-miss ko rin po kayo" sabi niya. Totoo at bukal sa puso ni Mat-mat ang bagay na iyon. Simula nang tanggapin siya ng mga ito ilang buwan ang nakaraan, tinanggap na rin niya na maging magulang ang parents ni Donna, lalo at nasa Amerika ang pamilya niya. "Aba''y kabagal niyong magsipasukan!" sigaw mula sa lola ni Donna na halatang naiinip. Binilisan nila ang lakad para sundan ito sa pagpasok ng bahay. Pagdating sa pintuan, hinarang nito si Mat-mat. Hinarang nito gamit ang walking stick sa pintuan matapos makapasok ng dalaga at ng magulang nito. "Aba''y saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya. "S-sa loob po" "At bakit? Pumayag na ba ako na makasal ka kay Donna ko?" "Ma, hayaan mo na si Matthew na matulog dito. Nagli-live in na sila ni Donna." nakangisi pa na sabi ng Daddy ng dalaga. "Ano?! Pumayag kayo na makipag-live si Donna kay Mateo?" gulat na sabi nito. Mat-mat "..." "M-matthew po ang pangalan ko, Lola." pagtatama niya. Pinalo muli siya nito ng bitbit nitong walking stick na napakabilis. Hindi man lang niya nagawang makailag. Napangiwi si Mat-mat saka hinimas ang binti niya. Kung hindi lang ito pamilya ni Donna at kung hindi lang ito matanda ay nakutusan niya na talaga ito simula pa kanina. Pero determinado si Mat-mat na pagsilbihan ang matandang babae dahil pamilya ito ng nobya niya, kaya magtitiis siya. "Hindi kita papayagan na matulog sa kwarto ng apo ko hangga''t hindi mo napagtatagumpayan ang tatlong pagsubok" sabi nito. "E, a-ano po ba ang unang pagsubok, l-lola? Tanong niya. Ngumisi ito. "shooting range!" Mat-mat "..." "Ha ha ha¡­ Nagbibiro lang po kayo, di po ba?" natawa siya sa trip nito. Pinalo muli siya nito ng walking stick. "Aba''y damuho kang bata ka! Mukha ba ''kong nagbibiro sa paningin mo? Hindi pa ba ako seryoso sa paningin mo?" "Mamang, kalma lang po kayo." hinimas ni Donna ang likuran ng lola niya para kumalma ito saka hinarap ang binata. "Mat, alam mo kung bakit ako pumasok bilang Dark Guard'' di ba? Lola ko ang may gusto n''on." Alam ni Mat-mat ang tungkol sa bagay na iyon. "...P-parehas na nasa militar ang magulang ng Mommy ko" bulong ng dalaga sa nobyo niya. Ang bagay na iyon ang hindi niya alam. Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nalaman. "Love¡­" huminga siya ng malalim saka hinawakan ang dalawa nitong kamay. "...please PRAY for me." halos maiyak niyang sabi. Chapter 246 - He understands these family men Mas pinili ni Mat-mat na mag check-in sa hotel dahil pakiramdam niya ay hindi rin siya makakatulog sa bahay ng nobya niya. Pakiramdam niya ay nakamasid sa kanya ang mata ng matandang babae at parang babangungutin siya kapag maiisip ang hawak nitong walking stick. Wala na ang apartment na nabili niya nang nagdaang taon dahil binenta niya iyon matapos silang maghiwalay ni Donna. Hindi rin naman kasi niya akalain na babalik siya ng Pilipinas kaya sa isang hotel siya tumuloy. Plano niya na bumili ng mas malaking bahay na kakasya sa kanilang dalawa ni Donna at sa mga future babies nila. Para siyang tanga na napapangiti kahit mag-isa. Nilapat niya lang ang katawan sa higaan at hinila ng antok dahil sa pagod. May dalawang oras lang yata nang magising siya dahil parang may kulang sa higaan niya. Namimiss niya ang yakap ng kanyang My Loves. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan niya ito. Naisip niya na tawagan na lang si Kai na hindi niya alam kung nasaan na sa mga oras na iyon. Matapos lang ang ilang ring, sinagot nito agad ang tawag. "Yes, Manyak Mat?" bungad nito. "Kai Jang, kailangan ko ng tulong. May laban kami ng shooting range ng lola ni Donna bukas" bungad ni Mat-mat. "Shooting range? At ng lola ni Donna?" naguluhan ito sa sinabi niya. "Yes. Akala ko kasi mapapabilis ang kasal namin ni Donna, My loves. Akalain mong dumating ''yung asungot niyang mamang at bibigyan ako ng tatlong pagsubok. Ang unang pagsubok, kailangan ko daw siyang talunin sa shooting range!" mga hinaing niya. Bumuntong-hininga si Kai sa kabilang linya. "Manyak Mat, tingin ko binabawi ng tadhana ang mga kalokohan na ginawa mo noon. Masyado ka kasing mapusok at kung saan-saan sumusuot kaya ngayon tuloy pinarurusahan ka. Lagot ka" pananakot pa nito. Nakaramdam siya ng inis dito. "Pwede bang bigyan mo na lang ako ng payo? Ito talaga ang rason ng pagtawag ko, Okay?" Tumawa na lang sa kabilang linya si Kai. "Fine! Unang payo, huwag kang kakabahan sa paghawak ng armas. Pangalawa, isipin mo na puso ng mga taong nasa paligid ni Donna ang bulls eye, and you are aiming to get it. Pangatlo, kailangan mong magpahinga ng mabuti dahil maayos na kaisipan ang key para makakuha ng mataas na puntos. Kaya nga mas makabubuti sa iyo kung matutulog ka na, para maayos ka mag-isip. Hindi ''yung puro kamanyakan ang nasa utak mo" "Excuse me, hindi na ako manyak noh!" "Talaga?" paninigurado nito. "hmmm¡­ Kaunti na lang¡­" "Gagu! O siya, umiiyak na ''yung anak ko" paalam ni Kai. "Ha? Ikaw ang nag-aalaga ng baby n''yo? Nasaan si Bella?" pagtataka ni Mat-mat. "Hayun, kasama si Prin at Sandra. Girl bonding daw para i-celebrate ang kasal ng shogun. Kaya malamang na si Shi din ang House husband sa kanila. Nakansela ang pag-alis namin dito at bukas na lang kasi aalis." Siguro kung noon niya kausap si Kai, baka nagtaas ang kilay niya sa sinabi nito na ang mga ito ang nagbabantay sa kani-kanilang mga anak. Sino ba ang makakapag-isip na magbabantay ng isang taon na baby si Kai at Cally? Pero sa ngayon, naiintindihan ni Mat-mat ang respeto ng dalawang lalaki sa mga asa-asawa nito. Bigla tuloy niyang namiss ang nobya niyang si Donna. May nag-doorbell sa pinto kaya kumunot ang noo niya. "O, siya. Paalam na" sabi niya sa kaibigan. Matapos maibaba ang tawag, tinungo niya ang pinto at nabigla siya na makita si Donna. Gumaan ang pakiramdam niya na makita ito lalo na at naiisip niya pa lang ang dalaga ilang segundo lang bago matapos ang pag-uusap nila ni Kai. May dala itong paperbag at inaabot sa kanya. "Hello, Love. Pinapunta ako ng palihim ni Mommy para dalhan ka ng dinner" sabi nito. Hinablot niya ang dalaga sa loob ng kwarto at niyakap ito. "I miss you, My Loves. Nalulungkot talaga ako. Mabuti at dinalaw mo ako dito". Hindi pa nga siya nakakabawi sa sampung buwan na paghihiwalay nila nito. Kasi naman si Lola, malakas maka-nega sa relasyon. Ang totoo, hindi rin mapalagay si Donna sa bahay. Nasanay na siya na katabi si Mat-mat sa pagtulog sa loob ng ilang araw. Kaya pumayag kaagad siya na sundan ito sa hotel na iyon. Mabuti na lang at sinabi nito kung nasaan ito at kung saang kwarto ito tumutuloy. Umupo lang sila sa mahabang couch. Nasa unahan niya ang dalaga na parang kayakap ang isang teddy bear. Pinatong niya ang baba sa balikat ng dalaga. Sana ganito lang sila palagi. Wala nang iwanan na magaganap. "Ayoko nang kumain. Matulog na lang tayo para maaga ako bukas sa meeting place ng lola mo." Napangiti ang dalaga sa nadinig. Mukhang sineseryoso nito ang hamon ng lola niya. "Thank you sa pag-unawa sa lola ko, Matty." "...pero sana yung kamay mo wala sa b.o.o.b.s ko." "Huh? B.o.o.b.s ba iyon? Sorry, na-carried away lang ako" Chapter 247 - Pagsubok 1 Kinabukasan ng umaga, maagang dumating si Mat-mat sa usapan nila ng lola ni Donna. Maganda ang mood niya sa araw na iyon dahil naka-score siya sa kanyang My Love. Madaling araw na nang umalis ito sa hotel niya at hindi na nagpahatid sa kanya dahil may dala naman itong kotse. Para silang teenager na tumatakas sa mahigpit na lola ng nobya niya. Nagkape pa muna siya bago inisip ang mga payo ng kaibigan na si Kai at Ana. "Hello, pwedeng makiupo?" isang seksing babae ang pumutol sa nililipad niyang kaisipan. Hapit na hapit ang kasuotan nito na tube dress na itim at halos lumuwa na ang dibdib na parang si Betty boop. Nakadagdag pa ang liit ng bewang nito at mabilog na balakang. Ang kaso, parang natatangahan siya sa babae. Hindi ba at nasa shooting range sila. Tama bang magsuot ito ng ganoon sa lugar na iyon? Sinubukan pa rin naman niya ang magpakaginoo dito. "Pwede naman." sagot niya. Natuwa ito saka umupo sa katabing silya. Nilapit pa nito ang silya sa kanya na akala mo ay close sila nito. Medyo naasar si Mat-mat sa babae kaya tumayo siya para layuan ito. Halatang nabigla ito sa inakto niya na para bang may nakakahawa itong sakit. "S-saan ka pupunta?" Nagtaas ang kilay ni Mat-mat. Iniisip niya kung baliw ba ang babae para tanungin siya nito na akala mo ay close sila. "Nagtanong ka lang naman kung pwede ka makiupo. Pumayag naman ako. Kailangan ko rin ba sabihin sa iyo kung saan ako pupunta?" Natameme ito sa sagot niya at halatang napahiya ito. Nagpunta na lang si Mat-mat sa isang gilid saka ginawa ang trabaho na inuutos ni Cally sa kanya. Ang i-locate ang mag-asawang Captain Yeo at Mayu. Ilang saglit pa, dumating ang matanda kasunod ang nobya niya. Pinalitan ni Donna ng saya ang pagkaasar niya ilang minuto ang nakaraan. Para itong diwata sa paningin ni Mat-mat. Kaya naman sulit ang pagsubok na ibibigay sa kanya ng matandang babae para dito. Hindi akalain ni Mat-mat na tuluyan nang sinakop ni Donna ang pagkatao niya. Ang kanyang My Loves. Bagay dito ang suot nitong blusa at ripped jeans. Nakakabata sa hitsura nito. Gusto sana niyang yakapin at siilin ng halik ang dalaga kaya lang may asungot itong kasama. Ibinaba niya ang paningin saka niya napansin na pinagmamasdan din siya ng lola nito. Katulad ng nagdaang araw, parang scanner ang mga mata nito na sinusuri siyang mabuti. Kinabahan siya bigla. "Alvaro, gusto kong malaman mo na pasado ka sa unang pagsubok." Seryosong sabi nito. Nanlaki ang mata ni Mat-mat. Nasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng kung anu-anong pangalan pero¡­ ano daw? Pasado siya sa unang pagsubok? Samantalang, hindi pa nga sila nagsisimula. Sumilay ang ngiti sa labi ng nobya niya. "Pero hindi pa ho tayo nagsisimula." "Kanina pa nagsimula. Ang babaeng iyon ang una mong pagsubok" saad nito. Nilingon ni Mat-mat ang seksing babae. ''Yon na iyon? Inaasahan ba nito na papatulan niya ang babae? Seksi lang siguro ang babae pero wala siyang maramdaman na kahit ano dito. Iba pa rin ang kanyang ''My Loves''. "Salamat iho sa pagtulong" nakangiti ang lola ni Donna sa seksing babae. ''iho?'' "Wala pong anuman, kapitana. Salamat po sa tulong niyo kay Pudra. Bye pogi!" kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Kumekendeng pa ang balakang nito habang papalayo. Napaatras si Mat-mat sa ginawa nito. Hinila niya si Donna sa isang sulok. "My loves, don''t tell me... lalaki ''yon?" bulong niya dito. "Yes. transgender iyon" Nakangisi na sagot mula sa nobya niya. Nanlaki naman ang mata niya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala dahil mukha talagang babae ang taong iyon. Ang galing ng teknolohiya sa pagbago ng katawan nito. Niyakap siya nito sa bewang "I''m happy for you, My loves! Congratulations!" Sumimangot ang matandang babae nang mapansin nito ang sweetness nilang dalawa ng nobya niya. "O siya Andrew, maglaban na tayo!" Sinundan nila ito ng lakad patungo sa firing area. Nagsuot ito ng salamin na sakop ang kalahati ng mukha saka ng headphone sa tenga. Saka dinampot ang baril na gagamitin. "Kung sino ang makakuha ng mataas na puntos, siya ang panalo. Bibigyan kita ng tatlong putok. Naiintindihan mo?" tanong nito. "Ahh, Lola, pwede po bang malaman kung ano ang koneksyon nito sa pag-aasawa namin ni Donna?" Hindi maintindihan ni Mat-mat kung bakit kailangan niyang mag-firing o kung bakit kailangan niyang makipaglaban dito. "Aba''y damuho ka talaga! Hindi mo alam? Titingnan ko kung gaano ka kagaling pumutok" sabi nito saka tinutok sa alaga niya ang baril na hawak nito. Napahawak tuloy siya kay Junjun at gumilid para itago iyon sa matanda. "Lola magaling pumutok si Junjun ko kaya hindi na natin kailangan pa dito" mayabang niyang sabi. Pinaputukan siya nito ng bala sa paahan pero hindi naman siya nito pinatamaan. "Ahhh!!!!" parang nag-tinikling si Mat-mat sa pagtalon-talon dahil sa kaba sa matanda. Chapter 248 - Pagsubok 2 "Huwag na po mainit ang ulo niyo. Nagjojowk lang po ako" Nakanguso na sabi ni Mat-mat matapos magpa-sikat ng lola ni Donna. Sa galing nito magpasikat, pwedeng sumali ang matanda sa ''showtime'' na talent ang paghawak ng baril. "ikaw, Leo! Ako ba ay pinagtitripan mo, ha?" nakaamba ang walking stick nito sa kabilang kamay sa kanya. Humarang si Donna para ipanangalang ang sarili sa nobyo niya. "Mamang, kalma lang po kayo, lalo po kayong madadagdagan ng wrinkles." saad ni Donna. Umirap lang ang matanda. "O siya, tayo''y magsimula na!" saad nito saka tinungo ang firing range. Muli ay dahan-dahan lang ang lakad nito hanggang sa makarating sa firing lane. Ang lane na iyon ay nahahati sa walong booth para may sariling area ang bawat shooters. Ang bawat booth ay may partisyon para maiwasan ang aksidente at makasakit sa kapwa shooters. Tumatalsik kasi ang naiiwan sa bala. Ilang metro ang layo sa firing booth, makikita ang target na may mga bilog. Bawat bilog ay may puntos na nakasulat. 10 points ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa. Zero kapag lagpas sa pinaka-bilog. "Rodolfo, halika''t magsimula na tayo" Tiningnan muna ni Mat-mat ang lola ni Donna saka nagreklamo. "Lola, naiintindihan ko po kung tawagin niyo akong, Mateo, Marco, Andrew, Mario, Leo pero anlayo na po ng Rodolfo sa pangalan ko." "Aba''y damuho ka talagang bata ka!" bigla na naman siyang pinalo nito sa binti nang sobrang bilis. "Lola, nandadaya na po kayo. Gusto niyo po ba akong lumpuhin para hindi ako makapuntos kahit isa?" nakangiwi na reklamo niya. "Aba''y talaga namang suwail ka, ano?" nakaamba na naman ang walking stick nito sa kanya. Sumimangot si Mat-mat. Simula nang nagdaang araw ay nakakarami na sa kanya ang matanda at wala siyang magawa sa pang-aapi nito sa kanya. "Mamang, sige na magsimula na po kayo." pigil ni Donna bago hinarap si Mat-mat. "Love, pasensya ka na sa lola ko ha." Umirap muna sa kanya ang matanda. Irap na tulad ng kay Donna. Like Donna, like granny. Tsk tsk, ngayon ay alam niya na kung saan nagmana ang nobya niya. Pumuwesto ito sa isang firing booth. Saka tumira. *bang* Walang tinamaan. Kumunot ang noo ni Mat-mat. Tumira muli ito... *bang* wala muling tinamaan. Gusto nang magduda ni Mat-mat kung talaga bang mahusay ang matandang babae sa pamamaril. Ikatlong putok¡­ *bang* wala muling tinamaan. Lumapit ang target sa lugar ng matanda saka ni-review ang mga puntos nito. "Aba''y bakit wala akong nakuha kahit isang puntos?!" galit na reklamo nito. "Eh Kapitana, malabo na po kasi ang mata ninyo kaya naintindihan namin kung hindi na kayo ganun kagaling." Sabi ng isang manonood. "Aba''y oo nga ano, tingin ko''y sa kaka-laro ko ito ng Counter strike at Dota kaya rumupok na ako" Mat-mat "..." "Nakuuu¡­ namimiss ko na rin ang maglaro ng ''plants versus zombeh''" sabi nito na para bang nakalimutan na naroon sila para maglaban. "Lola, ako na po ang titira" baka kasi nakalimutan nito kung bakit sila nandoon. "Aba''y huwag na dahil halata naman na talo na ako! Gusto mo bang ipamukha sa akin na hindi na ako magaling ha" nagagalit na sabi nito. "Lola, huwag na po kayong magalit. Tuturuan ko na lang po kayo mag-counterstrike at Dota." sabi niya dito. Nag-aalala rin si Mat-mat sa pabigla-bigla nitong galit sa kanya. Ang hirap pa naman na baka magkasakit ito sa puso dahil sa highblood sa kanya. "Aba''y, bakit? marunong ka ba maglaro?" "Oo naman po. Isa po akong Game Master. Gusto niyo po dalhin ko pa kayo sa Japan at doon po tayo maglaro. Marami po doon. " Bumilog ang mata nito. "talaga? Kaya mo akong dalhin sa Japan? Bakit, mayaman ka ba iho?" Naaaliw naman si Mat-mat sa biglaan na naman nitong pagbabago. "Oo naman po kaya ko po kayong ipagtayo ng mansyon kahit bukas." Nanlaki na naman ang mata nito. Sinuri muli siya nito. "Net worth mo per year?" "200 million po¡­ US dollars." Nanlaki ang mata ng matanda. "Savings?" Binulong niya dito kung magkano na ang ipon niya at napanganga ito. Sumingkit muli ang mata nito "Properties?" "Mayroon po akong skyjet, armoured van na parehas nasa 400 million." "...US Dollars. Pero wala pa po akong bahay, gusto ko po kasi ay kastilyo" pagyayabang niya dito. Sinuklay niya pa ng mga daliri ang buhok niyang nagsisimula na naman na kumapal. Napapangiti naman ang mga taong nanonood sa kanila dahil napapansin ng mga ito ang pang-aapi sa kanya ng matanda na para bang nahipan ng hangin. "Eh sino po ba siya, kapitana?" tanong ng isang manonood. "are ba? e si Matthew, asawa yan ng apo ko" Mat-mat "..." "Love, promise¡­ hindi mukhang pera ang lola ko" nakangiwi na sabi ni Donna. Chapter 249 - Challenge from Mayu Madilim ang paligid kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Normal kasi na sunset sa bansa ang alas kwatro ng hapon kapag ganong panahon sa bansang iyon. Kasalukuyang malamig ang klima sa Japan nang makarating ang mag-asawang Prin at Cally dahil winter sa lugar. Nagsimula na rin ang pag-ambon ng niyebe sa buong siyudad kaya bahagya ring namumuti ang kapaligiran. Binalot ni Cally ng jacket ang anak niya ''pag labas pa lang nila sa eroplano. Tanging buong mukha lang nito ang nakalitaw sa nakabalot na tela. Panay ang ikot ng paningin ni Khalid sa paligid. Parang sinusuri nito ang lugar kung nasaan sila. Matapos maglakad sa napakahabang pasilyo palabas ng departure area, sinalubong sila ng tatlong Dark Guards. Si Joen, si Tom at bagong trainee na Bob ang pangalan, mahusay sa taktikal ang lalaki. Inabutan agad sila ng mga ito ng winter jacket. "GW8, namiss ka namin. Hu hu" palapit si Joen kay Prin para yakapin siya nang pigilin ni Cally ang kwelyo ng suot nitong Dark suit. Napangiti si Prin sa inakto ng asawa niya at natuwa rin siya na makakita muli ng Dark suit. Ilang taon na siyang hindi nakakapagsuot ng damit na tulad niyon at sa palagay niya ay magsusuot na muli siya ng Dark suit sa nalalapit na panahon. "Kamusta na kayo?" Tanong ni Prin sa lalaki. Matagal-tagal din siyang hindi nakadalaw sa mansyon nila doon. "Ayos lang kami. Kailan ka nga pala babalik sa training?" tanong ni Joen. Nilingon na muna niya si Khalid na nakatingin sa kanila na akala mo ay naiintindihan nito ang pinag-uusapan nila bago niya sinagot ang tanong ni Joen. "Busy pa kasi ako sa anak ko eh." sagot niya. Nalungkot bigla si Joen nang ilipat ang paningin kay Khalid. Naalala niya ang anak niya. Binatilyo na ang anak niya sa mga panahon na iyon na pilit na tinago sa kanya ng dati niyang nobya. Tuluyan na silang naghiwalay ng girlfriend niya noon, ang babaeng dahilan kung bakit siya naroon bilang Dark Guard. Labis noon ang pagkamuhi niya sa babae, pero naka-move-on na siya ngayon dahil naisip niya na hindi naman siya magiging masaya sa kasalukuyan kung hindi siya nanatili doon. "Wow! Shi, ang pogi ni Master Khalid!" puna naman ni Tom sa baby. "Siyempre naman! Mana iyan sa Mommy niya!" pagbibida niya. Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa baby at sa kanya. "Weh? Parang kay Shi naman e" komento ni Joen. Inirapan lang ni Prin ang lalaki. Aminado naman siya na nakuha ni Khalid ang halos lahat sa asawa niya. "Huwag ka na malungkot, Honey. May namana pa rin naman sa iyo si Khalid?" sabad ng asawa niya. "Tulad ng?" excited na tanong niya. Kumikinang pa ang mga mata niya na hinihintay ang sagot mula dito. Sino bang magulang ang ayaw makarinig na may namana sa kanya ang anak niya. Unless, it''s a bad trait. "Tulad ng... malikot matulog" Tiningnan niya ito ng masama. Nagtawanan naman ang tatlong lalaki. "Ha ha o'' siya! Tara na sa mansyon. Naghihintay si Master Rob." saad muli ni Joen. Nagsimula silang maglakad patungo sa dalang sasakyan ng mga ito. Ilang metro ang layo ng departure hanggang sa parking lot kaya mahaba-haba ang lalakarin nila. Pinagmamasdan ni Prin ang bansa kung saan siya lumaki mula sa haligi na gawa sa salamin habang naglalakad. Nagsimula siyang magmuni-muni at tila ninanamnam ang kagandahan ng lugar. "Ano ang balita ngayon sa mag-asawang Captain Yeo at Mayu?" usisa ni Cally . Sumeryoso bigla ang tatlong lalaki. Nagsimulang magpaliwanag si Joen bilang siya ang mataas ang ranggo sa kanilang tatlo. "Shi, ang totoo. May ilang bomba muli ang sinimulan ng Hantataiga na pasabugin simula kahapon at talagang nasa Red level na ang utos ng Presidente¡­" "...At may natanggap din kaming sulat mula kay Mayu habang nasa ere pa kayo" Tumingin muna ang lalaki kay Prin bago nagpatuloy. "Hinahamon niya si Prin at si Master Rob" Nagtaka si Cally kasabay ng pagtalim ng mata niya. Sinasabi na nga ba niya at si Prin talaga ang isa sa mga rason ng babae kung bakit bigla itong bumalik kay Captain Yeo para bawiin ang mga detonator. Noong una ay wala siyang pruweba kaya nga nagpatuloy siya na ipahanap sa Shogun ang mag-asawa. Ayaw niyang Ibaba o magpa-petiks sa seguridad ng grupo niya. Lalo at hindi niya alam ang dahilan nito. "Talagang binangit niya ang pangalan ko?" Nagtataka naman si Prin. Wala siyang natatandaan na atraso sa babae. Tumango si Joen. "Bakit?" "Because Captain fallen in love with you" si Cally ang sumagot sa tanong niya. Nanlaki ang mata ni Prin at kinilabutan siya sa bagay na iyon. Alam niya na gusto siyang panatilihin ng lalaki sa barko noon pero hindi sumagi sa isip niya na magkakagusto sa kanya ang kapitan. "E, bakit kasali si Daddy?" "My guess is¡­ she is Hitomi''s child" seryosong sagot muli ni Cally. Chapter 250 - Bombs Nasa malalim na pag-iisip si Prin at hindi siya makapaniwala sa mga posibleng hula ni Cally. Halos magsasampung taon na nang mamatay si Hitomi. Matagal na itong kakilala ng Daddy niya kaya paano nangyari na nakalusot sa kaalaman nito na nagkaroon ito ng anak na katulad ni Mayu? Tahimik sila sa loob ng itim na van at tila walang gustong magsalita. Binabaybay nila ang daan patungong Matsui Mansion mula sa airport. Si Bob ang nagmamaneho. Katabi nito sa passenger seat si Joen na nagrereport sa Shogun gamit ang espesyal na radyo. Kailangan nitong ipagbigay-alam na maayos na nasundo ng grupo niya ang mag-asawang Prin at Cally. Si Tom ay hawak ang laptop nito at patuloy na tahimik na nagtatrabaho. Sa gitnang bahagi ito ng van nakaupo. Sa likuran ang mag-asawa kalong ang anak nilang nakikimasid sa daan at sa paligid nila. Unang beses nito makita ang tatlong Dark Guard. "Ma.. Uhma.." ungol ng anak niyang si Khalid. "Woah! Husbie, tinawag niya ako!" bigla siyang natuwa dahil sa narinig. Nakita niya na napangiti rin si Cally sa kinauupuan nito habang bitbit si Khalid. "Kiss your Mommy, baby" Nakanguso na si Prin para halikan ang anak niya nang makarinig sila ng pagsabog sa katabing sasakyan. Halos dalawang metro lang ang layo sa kanila. Biglang binawi ni Prin ang nguso niya at saka napasigaw. *Boom!!!!* Sa sobrang lakas ng pagsabog, nagsipagbasagan ang mga salamin ng bintana at kung ano pang babasagin sa kotse at nagsipagtalsikan sa mga kalapit na sasakyan. Parang slow-motion na umikot at lumipad sa ere ang kotseng sumabog. Iba-iba naman ang reaksyon nilang lima sa loob pwera kay Khalid na tahimik lang. "Ahhh!!!" agad na yumuko siya at yumakap sa anak niya para itago ito at hindi masaktan. "Shit!" napamura naman si Bob na nagmamaneho. Mabilis na iniwasan nito ang kotseng sumabog Sabay na napalingon si Joen at Tom sa katabing sasakyan at kapwa nanlaki ang mata nang umikot nga iyon at halos masagi nito ang sasakyan nila kung hindi lang magaling sa pagmaneho si Bob. Agad naman na kinulob ni Cally ang isang kamay kay Prin at halos ipasok niya ang katawan nito sa Jacket na suot . Gumewang ang sasakyan nila para malayuan ang kotseng sumabog. Ginamit ni Bob ang lahat ng talento niya sa pagmamaneho para maiwasan ito. Bumagsak ang kotse ng pataob sa gilid ng kalsada, matapos nilang makalusot dito. Nagsisalpukan ang mga kasunod na sasakyan, ang kasunod at kasunod pa dahil sabigla rin ng pangyayari. Kitang kita ang pag-apoy ng sumabog na sasakyan na nasa likuran na nila. *wee-eow* *wee-eow* nagsipagtunugan ang mga alarm ng mga sasakyan na sumalpok dito. "Kailangan nating bilisan!" utos ni Cally kay Bob. Hindi sila maaaring manatili sa kalye kung ganoon na sobrang mapanganib sa daan. "Copy, Shi!" sagot mula dito. Binilisan nito ang pagmaneho. Ilang saglit pa, may sumabog muling kotse na nasa unahan naman ng sasakyan nila. *screech!!!!* "Ahhhh!!!" napasigaw muli si Prin. Biglang pinigil ni Bob ang kotse na minamaneho para hindi sila bumangga sa mga sasakyan na nasa bungad dahil bigla rin ang pagtigil ng mga ito. Sa sobrang bigla ng pagtigil ng sasakyan nila, nabitawan ni Tom ang laptop niya at tumilapon iyon patungong hood. Mabilis niyang hinawakan ang screen para hindi ito makasakit ng kahit na sino sa kanila. Ngunit hindi ang radyo na hawak ni Joen, dahil sa bigla nito tumilapon rin iyon at tumama sa ulo niya. "Pusang ina!" napamura na ito ng tuluyan. Tumatahip ang dibdib nila dahil sa magkasunod na pagsabog. "Ayos lang kayo?" tanong ni Bob na nilingon ang mga kasama sa likuran. Sinuri ni Cally ang mag-ina niya at nakahinga siya ng maluwag na makitang ayos lang ang mga ito. "Ayos lang kami, Kailangan natin magmadali. Maghanap ka ng pwede nating daanan papuntang Mansyon" utos ni Cally dito. Hindi sumagot si Bob. Sa halip, sinunod nito ang utos ng Master niya. "MB53, call Shogun tell him na kailangan niyang tapusin ang honeymoon niya sa lalong madaling panahon. Call MB5, Tell them to come over at the soonest!" "Tom, same with you. Tell uncle Rob na kailangan natin simulan agad ang meeting." nag-uutos pa lang si Cally ng may sumabog na naman na sasakyan nadi-kalayuan. Hindi na nakatili si Prin dahil siguro inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ngunit sabay-sabay silang natigilan. "Fu*k! What is happening?" usal na mura ni Bob. Pinagmamasdan niya ang paligid na para silang napagitnaan ng giyera. Pare-parehas ang bilis ng tibok ng puso nila dahil sa sobrang kaba at halos walang makapagsalita sa kanila para magbigay ng komento. Chapter 251 - All black cars Hindi makalusot ang sasakyan nila na kasalukuyang naipit sa mga sasakyan sa kalsada. Ilang saglit pa, may sumabog na naman na kotse na nasa hindi kalayuan. Nakaparada lang iyon na isa sa mga naipit din na sasakyan kaya mas malaki ang impact dahil nadamay ang mga nasa tabi nito. Sa halos sunud-sunod na pagsabog ng mga sasakyan, parang na-immune na ang mga senses nila na naghihintay kung may kasunod pa ba. *sccchhhht* *sccchhhht* Pinipindot-pindot ni Joen ang radyo na hawak para makakonekta sa mga tauhan na nasa Matsui Mansion. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari. Gusto niya ring ipagbigay-alam na hindi sila ligtas sa kinaroroonan nila. "Dark Guards! Is there any Dark Guards out there?" tanong niya habang nakakuyom ang kamao. Halata sa mukha ni Joen ang kaba at ang pagkainis sa nangyayari. *scccht schhht* "Dark Guards?!" Habang busy si Joen sa pagtawag sa espesyal na radyo, pinagmamasdan ni Prin ang paligid. Nagtatalo ang apoy mula sa mga sasakyan sa kung saan-saang parte at ang puting snow. Maingay ang paligid dahil sa sabay-sabay na tunog ng alarm ng kotse. Sanay sila sa laban pero hindi sa ganoong klase ng eksena na parang dinaanan ng giyera ang dating tahimik at mapayapang lugar. Anong nangyari sa bansa niya? paano nangyari na nakalusot sa gobyerno ang mga pagsabog na iyon? Ilang saglit pa isang sasakyan muli ang sumabog. *Booom!!!!* Nanlaki na ang mata ni Prin dahil mas kita niya ang pagsiklab ng apoy mula sa loob ng kotse at ang pagtilapon nito sa ere. Sa sunud-sunod na pagsabog, tila inuubos ang mga sasakyan na nasa kalsada. Natigilan muli silang lima na sakay ng itim na van. "F.u.c.k!" napamura na naman si Bob. Bilang driver ng sasakyan, nag-aalala siya sa kaligtasan ng mga pasahero niya. Bilang Dark Guards, espesyal ang mga tao na sakay ng van na iyon, kaya nakaramdam siya ng kaunting stress. Patuloy pa rin sa pagtawag sa radyo si Joen kahit pa para siyang tanga na wala naman kinakausap. Bahagya ng namamaos ang boses niya sa pagtawag sa kabilang linya. Naisip niya kung ang dahilan ba kaya hindi siya makakonekta ay dahil sa pagtilapon at pagbagsak ng radyo na iyon sa ulo niya. Sa kabilang banda, si Tom ay patuloy na naghahanap ng posibleng balita sa internet. "There is no signal¡­" komento nito. Tumiim ang bagang ni Cally. Hindi niya akalain na kapahamakan pa ang dulot ng pag-uwi ng pamilya niya sa bansang iyon. Nilingon niya ang paligid. May mga nagsisipag-iyakan na, may lumabas ng sasakyan para maki-usyoso, may natatakot. Halos lahat ng negatibong emosyon ay nasa mga tao sa paligid. Pinansin niya ang mga sasakyan hanggang sa may sumabog na naman muli. Nilingon niya si Prin at Khalid na matindi ang kapit at yakap sa asawa niya. Parang iniiwasan nito ang umiyak kahit pa halatang natatakot din ito. "We need to get out!" biglang utos ni Cally sa lahat. Natigilan naman ang apat na tao pa ng sasakyan. "But Shi¡­" hindi rin naman alam ni Joen kung ligtas ba sila kung lalabas sila ng van. May snow sa paligid na patuloy na nalalaglag. Siguradong lalamigin sila ng sobra sa kalye. "We don''t know, we might be the next victim. Halos lahat ng sasakyan dito ay galing ng airport. Sigurado ako na may signal jammer din dito sa paligid na sobrang lakas na kahit ang radyo ng Dark Guards ay nadamay para hindi tayo makakonekta sa mansyon." "...Isa pa, napansin ko na pulos itim ang mga sasakyan na sumabog. kaya guys¡­ we need to get out" "We have to get out, now! This is an order!" sabi niya na sinimulan na rin na buksan ang pintuan sa gilid ng sasakyan. Nagsipagsunuran ang apat pang nilalang sa kanilang Master. Binalot agad sila ng lamig matapos makahakbang papalabas ng van ang bawat isa. "Double your jackets!" utos muli ni Cally. Nilabas agad ng tatlong Dark Guards ang mga extra winter jackets na nasa isang box. Kinuha naman ni Cally ang makapal na fleece na nasa luggage at binalot iyon sa asawa niya. Halata na rin na nilalamig ang anak niyang si Khalid dahil bahagyang namumula na ang pisngi nito. "Use our compass!" "S-saan ang daan natin Shi Cally?" tanong ni Bob dahil magulo ang paligid. Hindi naman siguro naiisip ng Master nila na dadaan sa mga sumabog na kotse, tama? Isang kotse muli ang sumabog. Binibilang ni Bob ang bawat pagsabog at sa tingin niya ay kada dalawang minuto nangyayari ang pagsabog ng kada sasakyan. Tinuro ni Cally ang masukal na nasa gilid ng sasakyan nila. Matataas ang mga puno pero halos nalanta na ang mga dahon nito dahil nagsimula na ang taglamig. Kinuha ni Cally ang anak niya mula sa bisig ni Prin para mas mapapadali sila sa pagtakbo. "Kailangan lang natin makalayo dito hanggang sa magkaroon tayo ng signal saka tayo magpapasundo. Guys, kailangan nating bilisan dahil mas mapanganib ang lagay natin dito sa kalye." Tumango lang ang lahat saka sunud-sunod silang tumakbo papasok sa masukal na lugar. Bente metro pa lang ang layo nila sa sasakyan kung saan sila galing nang sumabog ang van na iyon. Chapter 252 - A place to stay Sabay-sabay silang napalingon sa sasakyan at sabay-sabay din nanghilakbot sa nakita. Sumabog ang van na gamit nila "Oh my gosh!" usal ni Prin. Napakapit siya bigla sa braso ni Cally. Kahit ang tatlong Dark Guards ay sadyang kinabahan at napaisip kung paano na lang kung nanatili sila doon sa van na sumabog? Parang iniligtas pa sila ng Master nila. "Let''s go!" Utos ni Cally sa mga kasama saka nito sinimulan ang pagtakbo papalayo sa kalye. Tama ng hinala niya na may plano si Mayu na pasabugin ang mga itim na sasakyan. Naka-linya sila na sumunod sa pagtakbo kay Cally. ===== Hindi nila alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo. Ramdam na ni Cally ang pagod lalo na at bitbit niya ang isang taong gulang na anak. Sa gitna ng ma-yelong lugar, pare-parehas na nagbubutil ang pawis nila at kapwa sila hinihingal. Hindi nila nakalkula kung gaano na kalayo ang natakbo nila dahil pare-parehas na sinakop ng pagsabog ang mga kaisipan nila. Binagalan ni Cally ang pagtakbo hanggang sa maging lakad na lang ang ginagawa niya. Bilang siya ang nasa unahan o nasa bungad, nakasunod lang sa kanya ang apat pang Dark Guards. Parang nagtatalo ang mga paghinga nilang lima na kapwa mabibigat at halatang pagod na. Alam ni Prin na pare-parehas na silang napapagod sa mahabang pagtakbo. Nagkaroon sila ng tyansa na punahin ang lugar kung saan sila naroroon. Hindi na nags-snow sa lugar na kinaroroonan nila ngunit halata na mas malakas ang naging pagniyebe sa lugar na iyon kumpara sa dinaanan nila mula sa airport. Mas makapal ang yelo at halos wala na silang makita kundi kaputian ng kapaligiran, kahit pa madilim na dahil gabi na nang mga oras na iyon. Nagsisimula na rin nilang maramdaman ang lamig dahil mas mabagal na ang pagkilos nila. Hindi nakaligtas sa paningin ni Bob ang maliit na kubo na nasa hindi kalayuan. "Shi, may maliit na tahanan, 3 o''clock" sabi nito. Napalingon si Cally sa tinuro nito. Siguro ay mayroong 50 meters ang layo ng maliit na kubo na iyon mula sa kinatatayuan nila. Dahil wala naman ibang bahay sa paligid, kapansin-pansin ang maliit na tahanan na iyon. Saglit siyang nag-isip kung safe ba na manatili sila roon o mas safe kung magpatuloy sila sa paglakad. "Husbie, huminto na muna tayo." si Prin. Kapwa na sila pagod at kailangan nilang mainitan. Kailangan nilang magpahinga kahit saglit. Saglit na tumigil sa pag-isip si Cally at pinagmasdan ang asawa at ang anak niya. Uminit ang damdamin niya na kahit sa ganoong panahon na nanganganib sila, ay kasama niya ang pamilya at nananatili sila sa bisig ng bawat isa. Nagulat na lang si Prin nang bigla siyang hinalikan ng asawa niya sa labi habang nasa gitna ng nerbyos. Napanganga na lang ang tatlong lalaki at pare-parehas na umiwas ng tingin sa mag-asawa. Hindi nila inaasahan na may pasabog din ang dalawa. Hindi sila makapag komento na nagawa pa ng mga ito na maghalikan sa oras na iyon na namomroblema sila. "Let''s stop at that bungalow." pagpayag ni Cally habang nananatili ang mga mata sa asawang si Prin. Naunang lumakad ang tatlong Dark Guards patungo sa maliit na tahanan para suriin iyon. "Uhmm.." ungol mula kay Khalid nakatingin ito sa magulang nito. Nginitian ito ni Prin. "Are you okay, baby?" "Uhmm.." ungol muli na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. Hinawakan niya ang pisngi nito na bahagyang nilalamig na. Nakabalot naman ang buong katawan nito ng makapal na jacket at tanging mukha lang ang nakalitaw kaya sigurado siya na ayos lang ang lagay nito "Aki''na muna siya." saad ni Prin. Alam niya na nakadagdag ang anak niya sa pagod ng asawa. Inabot ni Cally ang anak niya kay Prin saka siya nito hinalikan sa noo. "Thank you, Honey" Nilakad nila ng sabay ang tahanan. Nakaakbay pa si Cally sa asawa niya. Lumapit sa kanila si Joen. "Walang tao Shi. Secured din ang lugar. Nagsimula nang magpa-apoy si Bob sa loob" Saad ni Joen. "May signal ka ng nasagap?" "Wala pa din. Tingin ko nasira ko ang radyo" Kakamot-kamot na sabi nito. Tumango lang si Cally. Sigurado na nabahala ang gobyerno sa mga oras na iyon kaya saglit na pinutol din ng mga ito ang koneksyon. "Bukas ng umaga kailangan nating umalis hanggang sa makahanap tayo ng tulong sa base" Hindi sila pwedeng manatili sa lugar lalo at kailangan nila ng tubig at pagkain. Chapter 253 - Where are they? (1) Hindi nakaligtas ang balita ng mga pagsabog sa daan patungo at palabas ng airport sa Matsui Mansion. Nabalitaan din nila na walang signal at ilan na ang mga namatay. Nagkakagulo sila sa general hall at hindi nila alam ang gagawin. Restricted kasi ang lugar sa ngayon at walang makapagsabi ng totoong lagay ng lugar. Alas diyes ng gabi ang kasalukuyang lokal na oras. Nagpatawag si Rob ng biglaang meeting dahil ilang oras na ang nakalipas ngunit wala pa ang mag-asawang Prin at Cally pati na ang tatlong Dark Guards na sumundo rito. Nahahati sa malaking screen ng TV ang Shogun, si Kai, ang mag-asawang Ginny at Cloud Han pati na ang iba pang opisyal ng Dark Lords. Kasalukuyang nanghihina si Madam Lira kaya wala ito sa meeting. Nasa iba''t ibang parte ng lugar ang lahat at tanging video call lang ang komunikasyon nila. "Where are they?" nag-aalalang tanong ni Ginny na Mommy ni Cally. "Ang huling balita mula kay MB53 ay nasundo ang pamilya ng Shi sa airport. Matapos iyon, wala na kaming balitang natanggap." ang Shogun ang sumagot. Malalim na nag-iisip si Rob. Pinipilit niya na maging positibo. Isang taon pa lang na nakabalik ang anak niya at ayaw niyang mag-isip o makatanggap ng masamang balita. Ayaw naman niya na magpadala ng Dark Guards sa lugar para lang makibalita kung ano ang eksaktong lagay ngayon sa pamilya niya. Masyadong mapanganib. Hindi nila alam kung hanggang kailan natatapos ang pagsabog o kung tapos na ba. "Walang komunikasyon ngayon sa lugar pero nagdeclare ng war ang Hantataiga sa gobyerno kaya dalawang araw nang nagaganap ang pagsabog ng bomba kung saan-saan. Mayu also send me a personal mail. Hinahamon niya ako." "The government wanted to hold the news kaya wala pang nakakaalam kung ano ang totoong lagay ngayon sa lugar." tukoy niya sa daan kung saan sumasabog ng paisa-isa ang mga sasakyan. Kita ang pagtutop ni Ginny sa bibig nito sa video na halatang may pinanonood ito na hindi nila alam. "Oh my god! C-cloud Han¡­" usal nito. Humigpit ang kapit nito sa braso ni Cloud. Bakas ang takot at pag-aalala sa Mommy ni Cally. "What is it Ginny?" tanong niya. "The situation is not good. Open your international news TV." si Cloud ang sumagot para sa kanya dahil hindi na makapagsalita ang asawa nito at nanatiling nakatulala. Pinindot niya lang ang laptop na nasa gilid ng mesa tulad ng suhestyon ng kaibigan niya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang video dahil nagtrending bigla ang balita ng pagsabog. Gusto niyang manuntok habang pinapanood ang video. Kuha iyon mula sa drone. Pare-parehas silang tahimik habang sabay-sabay na pinanonood ang kasalukuyang lagay ng kalye kung saan posibleng dumaan ang van ni Cally. Hindi maganda ang ayos ng daan galing ng airport. Parang dinaanan ng giyera ang lugar. Dahil gabi na, mas kita ang pag-apoy ng mga sasakyan kung saan-saang bahagi. Halos hindi na makita ang pagniyebe dahil sa kapal ng usok sa paligid. May mga sasakyan na tumaob, mga nabasag na salamin. Mga taong nagsisipag-iyakan at humihingi ng tulong. Mga taong duguan mga naputol na parte ng katawan. Sa pangkalahatan, hindi maganda ang sitwasyon sa lugar. Natahimik sila hanggang sa mag-react muli si Ginny. "Rob¡­ Don''t tell me they are using a black car?" sabi nito. Saglit siyang natigilan at pinilit na sagutin ang tanong nito sa mahinang boses. "Yes¡­" "Oh my god! Cloud, I want to go there! Please let''s go there." naging malikot si Ginny sa lugar nito. "Ginny Lopez, calm down." sabi dito ng kaibigan niya. Niyakap muna nito ang asawa nito para pakalmahin. "What is it Ginny?" tanong niya. Anong kinalaman ng itim na kotse sa biglaan nitong pagbago. Alam ng lahat na matalino ang babae at sigurado na may nakita ito sa video na ito lang ang nakapansin. Kinakabahan siya sa maaari nitong isagot. Huminga muna ito ng malalim para pakalmahin nito ang sarili bago sumagot. "All black cars have bomb in it. And I think, lahat ng itim na kotse mula sa airport." May pinakita ito sa screen na shot ng itim na kotse na basag ang salamin at nakataob. "Do you guys see this black cars? I am one hundred percent sure na ito ang isa sa mga kotseng may dalang bomba. May pinakita muli ito na mga kotse sa screen na puro itim ang kulay at bilang spy, nasisigurado rin si Rob na ang mga tinuro nga ni Ginny ang mga kotseng dahilan ng mga pagsabog. Iniisa-isa pa nito ang lahat na mas nakakadagdag sa pagkadepress nito. "Stop!" napatayo si Rob sa sunod na pinakita nitong sasakyan sa screen. Kahit si Kai at Shogun ay natigilan sa van na nasa screen. Paano nilang hindi makikilala ang sasakyan ng Dark Guards. Chapter 254 - Where are they? (2) Bahid ang pag-aalala sa dalawang pinuno ng Dark Guards sa nakitang kasalukuyan na hitsura ng sasakyan. Basag ang salamin ng van nila at patuloy na umaapoy ang loob nito. Natanggal pa ang isang pintuan mula sa katawan ng van. May naaaninag silang mga bulto o katawan ng tao sa loob na nakadagdag sa tensyon nila na mga nasa meeting. Tumiim ang bagang ni Rob sa nakita. Kapag nakita niya ang Mayu na iyon ay sisiguraduhin niya na isusunod niya ito sa mukhang aswang na nanay nito na si Hitomi. Hindi naman bobo si Ginny para hindi nito makuha ang mga reaksyon nila na mga nasa video. "Where are they Cloud Han?" nagsimula nang umiyak ang Mommy ni Cally sa kabilang bahagi ng mundo. Kahit si Cloud ay hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Normal na reaksyon ng asawa niya ang mag-alala sa anak nila at sa pamilya nito. Ang tanging magagawa niya ay magpakatatag. "I want to go there please¡­" hiling muli nito. "Ginny, masyadong mapanganib sa bansa nila ngayon. It''s not safe. Kahit pa gustuhin natin magpunta lahat sa Japan para masigurado ang lagay nila, hindi rin binibigay sa atin ng pagkakataon ngayon. All we can do is to wait for the good news" sabi ng Cloud Han sa asawa nito. "But I can''t stay here hangga''t hindi maayos ang lagay ni Cally." Natahimik na lang silang lahat at hindi nakasagot sa nais nito. "What are we going to do ngayon na nawawala si Master Cally?" Nabahala naman ang mga lider ng Dark Lords. "I still believe na nakaligtas sila. Ako na mismo ang pupunta sa area para masiguro kung ano ang nangyari. Maganda o hindi ang balita ko, sisimulan na natin ang pagtugis sa luka-lukang si Mayu sa pagbalik ko. At gusto kong hingin ang kooperasyon ng lahat. I need 100 Dark Guards at 100 na personal na tauhan ko para pabagsakin ang Maria Celeste 1 at si Mayu." "...Aiden, I hope na ayos na rin ang sasakyan-pandagat na kakailanganin natin." Mahabang salaysay ni Rob. Ngumisi ang binata sa lugar nito. Sinimulan niya nang magpagawa ng armoured na barko nang nakaraang taon pa at sisiguraduhin nila na durog ang Maria Celeste 1 sa laban. "That''s all for today" sabi ni Cloud bilang pinuno sa meeting. "Mag-iingat ka Rob Matsui" Tumango lang si Rob. ===== Sa lugar nila Cally¡­ Bahagyang nahirapan sa pagsindi ng apoy si Bob sa fireplace na naroon sa maliit na bahay na nakita nila sa gitna ng masukal na lugar. Naghanap pa siya ng kahoy na maaaring gamitin. Sa masukal na paligid naghanap siya ng kahoy at kinailangan pang patuyuin iyon gamit ang pulang torch ng Dark Guards. Mabuti na lang at lagi siyang handa na parang boys scout. Kaya ilang minuto lang ang tinagal niya bago nagliyab ang chimney. Si Joen at Tom ay kasalukuyang inaayos ang radyo nila para makakonekta sa base. Binabantayan din ng huli ang signal. Si Cally ay mas pinili na suriin muli ang paligid ng bungalow. Tiwala naman siya sa kakayahan ng Dark Guards pero iba pa rin kung susuriin niya ng personal ang paligid nito. Nakaupo si Prin at Khalid sa isang sulok para padedehin ang anak niya. Tanging fleece lang ang gamit niya para takpan ang maselan na bahagi ng katawan habang pinaiinom ito ng gatas. Mabuti na nga lang at may kaunti pang gatas na nap-produce ang katawan niya para dito dahil nasanay din sa b.r.e.a.s.tfeed ang anak niya. Napangiti siya habang haplos-haplos ang pisngi nito. Sa gitna ng hindi magandang lagay nila, nagagawa pa rin siya nitong pangitiin. "Baby, mommy is sorry. pagod ka na ba? Kailangan natin magpahinga dahil maaga tayo bukas." nakatitig lang ito sa kanya kahit pa panay ang galaw ng lalamunan at nguso nito. She is proud of herself na makapag-produce ng isang Khalid. Maya-maya, bumitaw ito sa pag-inom ng gatas at yumakap sa dibdib niya. Nagsimula na mag-hymn si Prin para makatulog ang anak niya. Ilang saglit pa, pati siya ay nakatulog din dahil sa pagod. Chapter 255 - A gift from above Nakita naman ni Cally na maayos ang lagay nila sa maliit na tahanan na iyon. Nakakuyom ang kamao niya habang nakatingala sa itim na kalangitan. Talaga namang hindi pa umaayon ang panahon sa lagay nila sa kasalukuyan. Sa sobrang lamig ng lugar, may lumalabas ng usok sa bibig niya habang humihinga. Bahagya na rin na nagd-dry ang labi niya. Bilang nakatakdang lider, nakasalalay sa balikat niya ang kaligtasan ng lahat, hindi lang ng pamilya niya kundi ang buong samahan. Hindi niya hahayaan na magtagumpay si Gon Peter sa plano nito. Nagtatago sa dilim ang lalaki at parang terorista rin kung umasta. Kaya kailangan nilang maligtas sa pagsubok na iyon. Kailangan niyang labanan si Mayu sa kalokohan na ginawa nito. Sigurado siya na nakarating na rin sa mansyon ang pagka wala nila at sigurado rin siya na hahanapin sila nito. Pumasok siya sa loob ng maliit na tahanan matapos masiguro na ligtas sila doon. Nakaramdam na rin siya ng lamig. Sa loob ng maliit na tahanan, tanging ang liwanag lang mula sa fireplace ang nagbibigay ng ilaw. Gayunpaman, hindi siya nahirapan na makita ang asawa at anak niya sa isang sulok. Nang makita ang mag-ina niya na nakabalot ng makapal na fleece sa isang gilid, nakaramdam ng init sa dibdib si Cally. His wife and his child are the best gift that he received sa loob ng mga panahon na nabubuhay siya. Prin was just enough, but he is blessed to have Khalid as an extra gift from above. Nilapitan niya ang dalawa saka binuhat si Prin na bitbit ang anak nila malapit sa apoy para hindi ito lamigin. "Ayos lang kayo?" Tanong niya sa tatlong Dark Guards na pare-parehas na tahimik at parang ayaw gumawa ng ingay. Tumango lang ang tatlo. "Magpahinga muna ang lahat." utos niya sa mga ito. "Shi, ang daya mo may kayakap ka e, kaya mas maiinitan ka. Tapos hindi lang isa, dalawa pa" komento ni Joen. "Magyakapan din kayong tatlo, problema ba iyon?" sagot niya. Nilingon nito si Bob. Umamba agad ito ng kamao. "Subukan mo lang" pananakot nito kay Joen. Nakanguso naman si Joen na inayos na lang ang makapal nitong jacket para ibalot sa katawan nito. Naaaliw tuloy si Cally. Nagawa pa na mag-commercial ni Joen sa gitna ng hindi nila magandang lagay. "Shi, matanong ko lang. Pa''no mo nga pala nalaman na itim na sasakyan at puro galing sa airport ang mga may bomba?" tanong muli ni Joen. Curious naman ang dalawa pang kasama nito na tumingin din sa kanya at naghihintay ng sagot. "''Yung unang sasakyan na sumabog, kasabay natin iyon mula sa airport. ''Yung mga sumunod pa, napansin ko na may mga bagahe na nagsiliparan dahil sa pagsabog. Sa kung bakit itim ang target nila¡­ dahil majority ng mga sasakyan sa bansa ang dark colors. Bibihira dito ang makukulay na kulay ng kotse bukod sa mga gamit sa car racing." "Ang hindi ko lang alam ay kung paano nakalusot sa inyo ang bomba na nasa sasakyan natin" lihim niyang pinagagalitan ang mga ito. Sabay-sabay naman na napakamot sa ulo ang tatlong Dark Guards. "Sorry Shi, masyado kaming naging kampante" si Joen ang sumagot bilang siya ang mas mataas ang rank sa kanilang tatlo. "Hindi na dapat mangyari ito sa susunod. Paano pala kung ang sasakyan natin ang unang sumabog." paalala ni Cally. Hindi nakasagot ang tatlo dahil guilty sila sa bagay na iyon. "O sya, magsitulugan na ang lahat dahil maaga pa tayo bukas." huling sinabi niya bago tumabi sa asawa''t anak para bumawi ng lakas. ===== Naghihilik pa si Joen nang may dumikit na malamig na bagay sa ilong niya. "uhggmm¡­" ungol niya tapos ay tinanggal ang bagay na iyon sa ilong niya habang nakapikit tapos kinamot niya pa ang ilong niya dahil bahagyang nangati. Hindi pa nga yata lumalagpas ng dalawang segundo nang bumalik ang malamig na bagay na iyon sa ilong niya. Sa inis niya ay bigla niyang minulat ang mata para makita kung ano ang bagay na iyon. Malabo pa ang naaaninag niya sa simula hanggang sa luminaw ang mga paningin niya. Nanlaki ang mata niya dahil isang mahabang armas ang nakatutok sa kanya na hawak ng isang matandang lalaki. Nakasumbrero ito na gawa sa dayami, punit-punit na ang mga gilid dahil sa kalumaan. Nakasuot ito ng bubble jacket na itim. Medyo may katabaan, makapal at namumuti na ang kilay katulad ng balbas nito. Agad niyang kinalabit ng malakas ang balikat ng katabi na si Bob. "Ano ba, Putsang gala naman o!" nagalit na sabi nito pero natahimik din agad nang makita ang lalaki na may hawak ng mahabang armas. Hinanap ni Bob ang bag niya at nakaramdam agad siya ng inis nang wala na sa tabi niya ang bag niya na naglalaman ng maaari nilang gamitin laban sa matanda at nakasukbit na iyon sa balikat nito. Sila ang mas malapit sa pintuan ni Joen kaya siguro sila ang unang pinuntirya nito. Pilit niyang hinawakan ang mahabang armas paangat saka sinipa ng ubod lakas ang matanda sa binti nito para ma-off-balance ito at maagaw niya ang armas. Ang problema, nanatili itong nakatayo na parang hindi man lang iniinda ang malakas na tira niya. Lalong lumaki ang mga mata nila ni Joen. Ngumiti ang matanda ng pagkatamis-tamis na para bang natuwa ito sa reaksyon nila. "Shiii¡­ Gising!" hindi alam ni Joen kung malakas ba ang pagkakatawag niya sa master nila o mahina. Chapter 256 - Master Higo Nagising naman agad si Cally matapos tawagin ng dalawang Dark Guards. Agad siyang bumangon at nabungaran niya ang matanda na may hawak na armas na nakatutok kay Joen at Bob. Mabilis siyang tumayo at kumilos para protektahan at harangan ang mag-ina niya mula sa matanda. "Sino kayo at ano ang ginagawa niyo sa bahay ko?" Sabi ng matanda. Kung ganoon, may nakatira nga sa bahay na iyon na nasa gitna ng masukal na lugar. Napansin naman ni Cally ang bagay na iyon dahil nananatili na malinis ang maliit na tahanan. Walang bahid ng alikabok ang bahay na iyon na ibig sabihin ay may nakatira doon. Ngunit kinapalan niya na ang mukha niya na gamitin iyon ng kahit isang gabi dahil mas kailangan nila na magpahinga. Plano niya na magbayad na lang ng halaga kapalit ng pag-stay nila. Nagising si Prin dahil sa mga kaluskos. Agad na bumungad sa kanya ang matanda na may hawak na armas at nakatutok ito sa mga kasama niya. Bumahid agad sa kanya ang kaba at mabilis na niyakap ang anak niyang si Khalid. "Uwahhhhh" bigla ang pag-iyak ni Khalid dahil bigla itong nagising sa mga ingay nila. Kumunot ang noo ng matanda nang makarinig ng iyak ng sanggol at lumapit kay Cally habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong armas. "Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Joen. Sinipa nito ang binti ng matanda na nananatiling nakatayo ng paulit -ulit. Nakaramdam ng pagka-inis si Joen dahil parang bale wala dito ang tira niya. Inilagan ng matanda ang huling sipa ni Joen at para manahimik na ito sa pagbigay ng atake, sinipa rin ito sa dibdib ng matandang lalaki. Agad na tumilapon si Joen sa pader. Tom ang Bob "..." "Fuc*k! Who is this man?" Bulong ni Bob sa sarili. Sa loob ng ilang taon ni Joen bilang Dark Guard, hindi naman ito mahusay na tulad ni Kai at Lorenz pero hindi rin naman ito mahina. Nananatiling nakatitig si Cally sa matandang lalaki at sinisino ito. Sa palagay niya ay nakita niya na ang matandang ito sa larawan o kung sa kung saan, hindi niya lang matandaan. Kaya nga hindi rin siya nakaramdam ng takot dito kahit pa may hawak itong armas na nakatutok sa kanya. Lumapit pa ang matanda hanggang sa makita nito si Prin at Khalid na bahagyang nagtatago sa likuran ni Cally. "Matsui." Usal ng matanda at bigla na lang nitong binaba ang armas na hawak. Nagulat silang lahat bukod kay Cally sa pagbanggit nito kay Prin. Natatandaan na niya kung sino ang matandang lalaki na nasa harapan nila. Nagkatinginan naman si Tom, Joen at Bob. "You are Prin, are you?" Paninigurado pa nito. Nakakunot naman ang noo ni Prin dahil nakilala siya nito. Samantalang, sigurado siya na hindi niya pa nakita ang matanda sa buong buhay niya. "Ahh, I don''t think I know you po" "He is Master Higo" si Cally ang sumagot saka siya tumayo para mag-vow sa matanda. "He is Uncle Rob''s master. Master, kamusta po?" Si Cally muli. Nanlaki ang mga mata ng iba pa sa nalaman. Master ni Master Rob? Naisip ni Bob na kaya pala parang wala man lang itong reaksyon sa mga pagtira nila ay dahil mas mataas pa ang ranggo at experience nito sa master nila. Tila sila isang maliit na kuting sa harapan ng malaking tigre. Totoo ang kasabihan na wala sa edad ang lakas kundi nasa personalidad ng tao. Hindi porke mas bata sila ay mas malakas na sila dito na sa palagay niya ay nasa 70 mahigit na ang edad. O baka nga nasa otsenta pa. Pero isang palaisipan din na nasa harapan nila ito dahil ang pagkakaalam nilang lahat ay namatay na si Master Higo. "Ano ang ginagawa niyo dito sa bahay ko?" tanong muli ng matanda. "Master, pasensya na po sa abala at sa pagtigil namin saglit dito sa bahay niyo. Kinailangan namin ng tirahan nang nagdaang gabi at naglakas ang loob namin na manatili saglit rito sa tahanan niyo. Gusto ko pong humingi ng pasensya at patawad" mahabang saad ni Cally. Mukhang tuluyan naman na kumalma ang matanda at sinisino rin si Cally. A simple and gentleman gesture coming from a young man. Wala itong maramdaman na panganib mula sa pagkatao ni Cally. "kasama kayo sa mga biktima ng mga pagsabog? Tama?" tanong nito. Tumango si Cally. "Hindi maganda ang sitwasyon sa main road ngayon. They blocked the road sa pagpunta at paglabas at tanging rescuers lang ang maaaring pumasok. Ang masama may nananabotahe sa rescuers para lihim na patayin ang mga survivor." Nagkatinginan silang lahat. Nagkuyom ang palad ni Cally. Kung ganoon ay may nagpapanggap na rescuers sa Hantataiga. May plano ang teroristang ito na ubusin ang lahat ng tao sa daan na iyon, kahit ang mga nakaligtas. "Kaya mabuti at naisip niyong umalis doon dahil halos 90 percent ng nagbbyahe ang namatay. Ang mga natitira ay sugatan. Hindi rin magandang ideya na magbalik kayo doon." Nag-isip ng malalim si Cally sa kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi sila maaari na manatili sa bahay na iyon. Hindi rin sila maaaring bumalik at ipusta ang kaligtasan ng anak niya. Ano ang susunod niyang hakbang? Chapter 257 - Black and yellow line Nananatili ang lamig sa buong kapaligiran. Wala na ang pagniyebe pero nag-iwan ito ng yelo sa paligid. Madaling araw na ang kasalukuyang lokal na oras. Mas madilim, mas ramdam ang lamig. Tulad ng pangako ni Rob, personal niyang pinuntahan ang lugar kung saan naroon ang mga pagsabog, pero hinarang sila ng awtoridad. Kasama niya ang limang guards ng Matsui Villa na nasa ''A Team''. Hindi siya nagsama ng Dark Guards dahil tulad ng sabi niya, ayaw niyang ipusta ang mga kaligtasan nito. Mas maraming experience ang grupo ng A team at hindi rin mangingimi ang mga ito na pumatay kung kinakailangan. May mga tape na kulay dilaw at itim na may mga nakasulat para ipangharang sa kung sino man ang gustong pumasok. May mga nakasulat na KEEP OUT. Limang kilometro ang layo nila sa mga sumabog na sasakyan at walang pinahihintulutan na makapasok sa loob. Gayunpaman, dahil isang diretsong kalsada lang iyon, kita pa rin mula sa kinatatayuan niya ang pag-usok at kakaunting pag-apoy. Kaiba sa larawan ng nasa likuran niya na nananatiling mapayapa. Para bang hinaharangan ng mga tape na iyon ang isang epidemya at pinipigil ang pagkalat nito. "I''m Rob Matsui." pagpapakilala niya sa security. Pinakita niya ang isang papel na naglalaman ng sulat mula sa kinauukulan na binibigyan siya ng laya na imbestigahan ang mga pagsabog at tugisin ang Hantataiga. Nagtawag ito ng isa pang tao na magpapatunay kung valid ba ang hawak niyang papel. Nananatili naman na alerto ang iba pang guards na nagbabantay sa linya. Kinilala naman siya ng lalaking tinawag saka sinauli sa kanya ang papel at sumenyas sa mga kasama. Nakahinga ng maluwag si Rob. "What is the situation out there?" usisa niya sa lalaki na sa palagay niya ay ang kapitan ng grupo. "Kasabay ng pagpasok ng rescuers ang sasakyan ng Hantataiga na nagpanggap na miyembro namin. Lihim sila na nananabotahe sa pagligtas ng mga survivors." sagot naman nito. Kumuyom lalo ang kamao ni Rob. Sa oras na iyon, nasa panganib ang buhay ng pamilya niya at kailangan nilang magmadali. Wala siyang ideya sa totoong lagay ni Prin at Cally. "Halos, walang natirang buhay sa mga survivors pero pinipilit pa rin ng grupo na maligtas ang karamihan." paliwanag nito "We will help. Nasa loob ang pamilya ko kaya hahanapin ko kung sino man ang nananabotahe na iyan." matalim niyang sabi. Inaral muna nito ang sensiredad sa salita niya bago siya nito pinayagan na pumasok sa likod ng mga black and yellow tape. Sinenyasan nito ang mga kasama bago kumilos ang mga ito na inangat ng paisa-sa ang mga tape. "A team, let''s go!" sigaw ni Rob saka sinimulan na tumakbo patungo sa magulong lugar. Determinado siya na mahuli ang kung sino man na nagtatago na iyon sa likod ng maskara. Sigurado siya na wala sa lugar si Mayu dahil natutulog pa ito sa bisig ng mahal nitong si Captain Yeo. Sabay-sabay ang grupo niya na tumatakbo at halos hindi makaramdam ng pagod. Matapos ang ilang minuto sa pagtakbo, narating din nila ang pinakadulo ng sasakyan. Tulad ng inaasahan, parang dinaanan ng giyera ang lugar. Mas masama ang lagay ng lugar sa kasalukuyan kumpara sa video na napanood niya. Hinarap ni Rob ang mga kasama. "Team, magsimula na tayong maghiwa-hiwalay, kapag natagpuan niyo ang sasakyan ng Dark Guards o kung may napansin kayong kahina-hinala, alertuhan niyo ako agad. Don''t let your guards down. Hindi natin alam kung sino ang kalaban." utos ni Rob sa limang kasama. "Yes, Boss Rob!" saka sila parang mga langgam na naghiwa-hiwalay. Sinimulan ni Rob na imbestigahan ang isang tumaob na sasakyan sa pinakabungad. Isa sa goal niya ay malaman kung ano ang klase ng bomba ang ginamit ng hantataiga at kung paano nakalusot ang mga ito. Sa video ay wala siyang napansin na device o kung anong klase ng bagay sa mga naaral niya ang tunay na bomba. Kaya sigurado si Rob na maliit na bagay lang iyon. At paano ito nakalusot sa seguridad sa airport? Sa loob ng sasakyan, nananatili pa ng bahagya ang kamay ng driver na nakahawak sa manibela ngunit naputol na hanggang braso. Wala na ang katawan nito. May mga bahid ng natuyong dugo sa warak na silya. Siguro kung normal na tao ay baka nasuka na sa sitwasyon. Umalis siya doon sa kotse nang sa palagay niya ay wala siyang makita na maaari niyang magamit para imbestigahan. Mukhang matunaw na ng tuluyan ang kung anuman na bomba ang ginamit ng Hantataiga. "Boss, may napansin akong binata na nag-iikot." narinig niya sa earpiece. "200 meters mula sa bungad." "I''m going!" sabi niya sa kausap saka maingat na tinakbo ang lugar na sinabi nito. Chapter 258 - Finding the terrorist (1) Tinungo ni Rob ang lugar na sinabi ng tauhan niya. Nang malapit na siya sa lugar na binigay nito, nagtago na muna siya sa likod ng mga sasakyan. Nakarinig siya ng mga kaluskos saka niya sinilip kung saan nagmumula ang ingay. Nakita niya ang isang binatilyo na may kinakalkal sa bag na siyang tinutukoy ng kasama niya. Nakasuot ito ng jacket na halatang hindi nito pag-aari dahil mas malaki iyon kumpara sa katawan nito. Nakaharap ito sa gawi niya kaya kita niya ang anyo nito. Ngunit hindi siya nito napapansin dahil busy ito sa pagkalkal sa bag. Sa tingin niya, nasa edad dose or trese lang ang edad nito. Pansin niya na payat at mukhang malnourished ang katawan nito kahit pa nakasuot ito ng makapal na jacket. Napansin niya ang kasama niya sa likuran nito na nagtatago rin sa isa sa mga sasakyan. Alerto rin at naghihintay sa gagawin ng binatilyo. "Boy" may tumawag sa binatilyo at sigurado siya na hindi niya tauhan ito. Sabay sila ng kasama niya na hinanap ang nagmamay-ari ng boses. "Be Alert." bulong niya sa earpiece na nakakabit sa tenga niya para sa mga kasama. Parang bluetooth headset iyon na gamit nila para sa koneksyon. Sinilip muli ni Rob ang binatilyo at nakatingala na ito para tingnan ang kung sino man na tumawag dito. Hindi niya nakikita ang lalaking bagong dating dahil nagtatago ito sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan din siya nagtatago. "Nag-iisa ka?" Nakita niya na tumango ang binatilyo. "Gusto mong sumama sa akin?" tanong muli ng hindi kilalang tao. Hindi sumagot ang binatilyo, hindi rin ito tumango. Walang maramdaman si Rob na kapahamakan mula sa binatilyo ngunit hindi sa taong nasa kabilang bahagi ng sasakyan. "Halika¡­" tila isang ahas ang nagsasalita sa pandinig niya at nag-aaya ng manok na kakainin. Nakita niya na napaatras ang binatilyo at bakas ang takot sa mukha nito. Nakita niya rin ang matigas na pag-iling nito ng paulit-ulit. Ilang saglit pa, lumitaw sa paningin ni Rob ang patalim at pulsuhan na may marka ngunit hindi ang mukha ng lalaki. "Be ready" bulong muli niya para sa kasama. Inaabangan niya ang susunod na kilos ng lalaking bagong dating. Hindi naman nagtagal at lumitaw ang bulto ng isang lalaki na nakajacket ng gray. Nakatupi ang sleeve nito hanggang sa siko. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil natatakpan ng hood na jacket. Nakasuot ng nangitim na dating kulay puting snickers. Mabilis itong lumapit sa binatilyo at akmang sasaksakin ito. "Hahhhh!!!" sumigaw ang binatilyo dahil sa sobrang takot. Nagsimula na rin na lumabas ang luha nito. Mabilis ang pagkilos ni Rob na nilapitan ang dalawa saka sinipa ang lalaking may hawak na patalim patagilig. natumba naman ang lalaki at napadapa sa isang sasakyan. Mabilis ito na tumakbo papalayo sa kanya. Hindi nakita ni Rob ang mukha nito. "Team, habulin niyo! Nakajacket ng gray. Medium built" sabi niya sa mga kasama. Natatakot na niyakap ng binatilyo ang sarili nito at tumingin kay Rob habang umiiyak. Nilingon niya lang ito saglit at nagkatitigan sila nito. Saka siya nagbigay ng utos habang hinahabol ang lalaking nakajacket ng gray. "A1, pakibantayan ang binatilyo." utos niya. Dahil isa itong survivor, hindi niya ito hahayaan na mamatay. Sigurado si Rob na isang terorista ang nakajacket na gray at gusto nitong patayin ang binatilyo. Nakita naman niya na lumapit ang lalaki na may code na A1 sa binatilyo nang lumingon siya. Pinagpatuloy niya ang pagtakbo para habulin ang lalaki. Lumiko ito, kumanan at sumuot sa kung saan-saan sa mga nagsitauban na sasakyan. Patuloy lang sa paghabol si Rob hanggang sa nawala na lang ito sa paningin niya. Nanggigigil sa inis si Rob dahil nawala na parang bula ang lalaking naka-jacket ng gray. "Putang--" hindi niya matuluy-tuloy ang pagmumura niya. Nasuntok na lang niya ang isang sasakyan. Kung pwede lang na makisali siya sa pagpapasabog sa buong lugar na iyon masiguro lang na mapunta sa impiyerno ang miyembro ng Hantataiga na nakita niya. "Boss, nakita ko na ang grupo ng rescuers. 500 meters mula sa bungad" sabi ng isang kasama niya. "A1, dalhin mo ang binatilyo doon." utos muli ni Rob habang patuloy na pinakikiramdaman ang paligid. Nakasisiguro siya na nasa paligid pa ang lalaki na naka-jacket ng gray. Kapag nakita niya ito, hindi talaga siya magdadalawang isip na saksakin ito sa leeg. Chapter 259 - Finding the terrorist (2) [Feibulous: warning! karahasan content] Nakikiramdam si Rob sa paligid saka kumilos para hanapin ang taong nakajacket ng kulay gray. Kahit pa sabihin na madilim pa ang paligid at madaling araw pa lang, sigurado si Rob sa tamang kulay ng suot nito. Gray. Naiinis siya dahil abot-kamay niya na ang lalaki, nawala pa. Kapag nakita niya talaga ito ay pasensyahan na lang. May narinig siyang kaluskos sa likod ng dalawang sasakyan kaya naging alerto siya. Nag-a-apoy pa ang bandang likuran ng isa dito. Dahan-dahan siyang kumilos na tinungo ang likod ng nakatagilid na van at kinuha ang baril niya sa bulsa. Bigla ang pag-ikot niya at nagkagulatan sila ng isang lalaki na nakajacket ng maong. Nakaluhod ito at parang may sinisilip sa bintana sa loob ng van na nakataob. "T-tulungan mo ako¡­ Rescuer ka din po ba? ''y-yung anak ko po nasa loob ng van." natataranta na sabi nito sa kanya Sinilip ng bahagya ni Rob ang loob ng van at ang tinuturo nito. "Be a man, get your child, sige na" sabi niya dito saka tinapik ito sa balikat. Halos maiyak ang lalaki na pinasok ang van para kunin ang apat na taong gulang na bata. Sinuksok naman muli ni Rob ang baril niya sa bulsa. "P-patay na siya." saka ito umiyak. Naglabas ng kaha ng sigarilyo si Rob mula sa isang bulsa at sinindihan ang isa dito. Nakita naman niya ang lalaki na inilabas ang bata mula sa loob ng van kahit wala na itong buhay. "Gusto mo?" alok niya dito bago humithit ng sigarilyo. "Okay lang po ba?" humihikbi pa na tanong nito. "Oo naman. heto" inabutan niya ito ng isang stick na sinindihan na muna niya saka inabot dito. "Saan nga pala kayo galing ng pamilya mo?" tanong niya. "Sa¡­ Hokaiddo" "Ah¡­" iyon lang ang huling tanong ni Rob at sabay na silang natahimik. Hinintay niya lang na maubos ang parehas na sigarilyo. Ang hinihithit ng lalaki at ang hawak niya. "Gusto mo pa?" alok niya muli. "A-ayoko na po. Salamat po" sabi nito at nag-vow pa "Sige." Tinapik ito ni Rob sa balikat. "ingat!" Tumango lang ang lalaki. Paalis na ang lalaki at katatalikod lang nang sipain ni Rob ang binti nito. Napahiga ang lalaki sa s.e.m.e.nto at saka niya pinaibabawan ang katawan ng lalaki. Mabilis na kinuha ang patalim sa nakatagong bulsa at isinaksak ang dulong bahagi nito sa leeg ng lalaki. Sakto lang para hindi pa ito bawian ng buhay. Nanlalaki ang mata ng lalaki na hinawakan ng magkabilang kamay nito ang kamay ni Rob na may hawak na patalim. Nagpupumilit na pumiglas sa pagkakadiin niya sa katawan nito. "Hehe¡­ Gulat ka noh?" nakangisi na tanong ni Rob at tila may pang-iinis sa tono. "Akala mo ba ay ligtas ka sa akin?" parang nakakademonyong dagdag na tanong niya dito. Nagsisimula na ang pagdaloy ng dugo sa bibig nito. "ughhh¡­" ungol nito. "I''ll tell you kung saan ka nagkamali para sa susunod na buhay ay hindi mo na ulitin ang katangahan mo." "Una, nalaman ko na huwad ka nang tanungin mo ako kung rescuer din ba ako. That is dumbest question na narinig ko mula sa isang survivor! Nakakagago!" Kung survivor kasi ito at nakakita na ng naunang Rescue team, hindi na ito magdadalawang-isip na manghingi ng tulong doon at hindi na ito aabot pa sa kanya. Lalo na sa panahon na iyon na kahit maliit na tulong ay tatanggapin ng kahit sinong survivor. "Pangalawa, how come na wala ka mang lang bahid ng kahit anong galos? Samantalang, halos hindi na nga makilala ang bata at ang driver." diniinan niya ng kaunti ang patalim habang nagpapaliwanag. "Pangatlo¡­" ngumisi muna si Rob bago nagpatuloy. "masyadong masikip ang suot mong maong na jacket." hinawakan pa ng isa niyang kamay ang jacket na suot nito. "Pang-apat, I saw the marks in your wrist nang inabot ko sa iyo ang yosi" "panglima, hindi magsusuot ng maong na jacket ang taga-Hokkaido dahil may snow ngayon doon, bobo!" saka niya tuluyan na nilaliman ang patalim. Bumilis ang pagpupumiglas nito hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. Saka niya hinila ang patalim mula sa leeg nito at tumayo. Tulad ng pangako ni Rob, kapag nahuli niya ang jacket na naka-gray ay hindi siya magdadalawang-isip na saksakin ito sa leeg with his favorite weapon of all time. "Gagawa ka na lang ng dahilan hindi mo pa ginalingan! Tsk!" singhal niya sa bangkay nito. Sa palagay ni Rob, ang may ari ng jacket na suot nito ay ang driver ng sasakyan kung saan naroon ang bata na nakasuot lang ng simpleng damit at kumot. Malakas ang palagay niya na galing ang mga ito ng Okinawa kung saan summer ngayon. Hindi inasahan ng mga ito na nagsimula na ang winter sa siyudad kung saan sila naroon kaya binalutan na lang ang bata ng kumot para hindi ito lamigin. Chapter 260 - A sudden visit from Hans Kinuhanan ni Rob ng picture ang marka nito sa braso pati ang mukha ng lalaki gamit ang camera ng bitbit niyang cellphone. Kahit pa parang gripo na dumadaloy sa leeg nito ang dugo, wala siyang pakialam. "One Hantataiga down." Sabi niya sa mga kasamang A team. Hinanap niya ang suot nitong jacket na gray sa paligid at hindi naman siya nahirapan na makita iyon sa loob din mismo ng sasakyan kung saan niya nakita ang lalaki. Kinalkal niya ang mga bulsa ng gray na jacket para masuri kung may magagamit siya sa pag-iimbestiga. Limang e-cards na kalalabas lang sa market ang nakita niya sa bulsa nito at mga resibo. Ang e-card (like BEEP CARDS we use in trains) na iyon ay maaari na ipambayad sa transporation, pambayad ng gasolina, pambayad sa mga vendo machines sa buong siyudad at kung ano pa. Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa isa sa mga bulsa niya . Tumakbo siya muli paabante patungo sa grupo ng mga rescuers nang bigla siyang mapahinto. Naisip niya na maaari rin na ipambayad iyon sa parking. Sa parking lot ng Airport! Agad niyang binuksan ang flashlight na nakasuksok sa isa sa mga bulsa ng suot niyang pantalon at sinuri ang isang e-card. Kung titingnan, para lang itong ordinaryong card na may magnetic stripe at parang ATM. Kinuha niya ang patalim at hiniwa sa gitna ang isa sa mga e-card. Dahan-dahan niyang binuksan iyon at hindi nga siya nagkamali sa hinala. May laman ito na maliit na ch.i.p.s na kasing nipis ng papel at kasing laki ng SD card sa gitnang bahagi ng e-card. Kinuha niya ang apat pa at pinagsasaksak sa gitnang bahagi para masira ang ch.i.p.s na laman nito. Hinagis niya ang mga iyon sa isang sasakyan na bahagya na lang na nag-aapoy at hinintay na matunaw ang mga e-cards para makasiguro na hindi ito na sasabog pa. Habang naghihintay, nag-isip pa siya ng mabuti. Hindi niya alam kung ilan pa ang Hantataiga na nasa paligid. Kung mag-isa lang ba ang lalaking napatay niya o may kasama pa ito. Pero sigurado siya na kasabwat nito ang kung sino man na nagbabantay sa parking sa airport. May palagay si Rob na ang device na ginagamit sa exit para basahin ang e-card ang siyang nag-trigger para salain ang mga itim na sasakyan sa iba pa. Kinuha niya ang radyo ng Dark Guard sa bulsa ng jacket niya at binuksan iyon "Dark Guards, this is Rob Matsui" *sccchtt* *scccchhht* "Yes, Master!" hindi naman nagtagal na may sumagot mula sa base.. "Please investigate kung sino man ang tao na nagbabantay sa pagpasok at paglabas sa parking lot ng airport. May palagay ako na terorista ang mga iyon." "And call Matthew to come here in the city as soon as possible." utos niya. Kailangan niya si Mat-mat para ipasuri ang ch.i.p.s na nasa kamay niya. *sccchtt* *scccchhht* "Master, ang totoo narito na po si Mat-mat, si Ms. Ginny at si Master Cloud sa Mansion" sabi sa kabilang linya. Kumunot ang noo niya sa nadinig. Paanong nakapunta sa Matsui Mansion ang mga ito nang hindi dumaan sa airport? At sa gan''on kabilis? Parang ilang oras pa lang silang nag-usap sa video call at naroon na ang mag-asawa? Napapailing na lang siya. Hindi talaga matitiis ng kaibigan niya ang asawa nito. Alam niya kung paano mag-alala si Ginny sa kahit na sinong anak nito at hindi talaga ito matatahimik sa Pilipinas at maghihintay lang ng balita hanggang hindi nakikita si Cally. Napabuntong hininga na lang siya. "Pare, this is Cloud" narinig niya muli habang nagmumuni-muni. "What is the situation out there?" "*sigh* Hinahanap pa namin ang sasakyan ng Dark Guards pero may ipapadala ako sa base para masuri ni Matthew. Isang ch.i.p.s na sa tingin ko ay ang mismong bomba" "our wives wants to go. What can I do?" Gusto niyang matawa bigla sa tono nito. Iyon pala ang dahilan nito. Malamang ay nap-pressure na ang kaibigan niya sa pangungulit ng dalawang babae. Napakamot si Rob sa ulo niya. Sa totoo lang ay nahirapan siya na kausapin si Ingrid bago siya umalis ng mansyon. Pinangakuan na lang niya ito na hahanapin niya si Prin. "Boss, nakita ko na ang sasakyan ng Dark Guards. Wala dito sila Master Cally at Miss Prin o kahit na sino sa tatlong Dark Guards" sabi ng isa sa A team. Nakahinga ng maluwag si Rob. "Sige papunta na ko." Matapos sagutin ang isa sa A team, binalingan niya muli ang radyo para magbigay ng balita kay Cloud Han. "Wala sila sa sumabog na van. Ikaw na ang bahala diyan. Bye!" mabilis siyang nagpaalam para tunguhin ang sasakyan ng Dark Guards. Sigurado rin kasi siya na ang dalawang babae na ang susunod na mangungulit sa kanya. Kung hindi si Ingrid na asawa niya, ay si Ginny Lopez. Kaya mas mabuti pang patayin na lang niya ng radyo para hindi siya madamay sa pressure ng kaibigan. ===== Nangangatog sa takot si Mat-mat habang nasa Matsui Mansion. Biglaan siyang pinatawag ni Cloud Han dahil kinailangan nito ang skyjet niya para mabilis na makapunta sa Matsui Villa. Ang problema, nakatitig sa kanya si Bantay at hindi siya makakilos dahil sa takot sa mabagsik na leopard na ilang dipa lang ang layo sa kanya. "Uncle Cloud! Pauwiin niyo na ako!" sa mga oras na iyon ay dapat namamanhikan na siya sa bahay nila Donna na biglang pina-cancel ng Tita Ginny niya. Yung totoo? Kailan siya makakasal sa kanyang My loves? Chapter 261 - Find your Master Pinuntahan ni Rob ang lugar na tinuro ng mga kasama niya kung saan naroon ang sasakyan ng Dark Guards. Nagsisimula nang kumalat ang liwanag sa paligid. Wala naman siyang maramdaman na may nangyari sa anak niyang si Prin at sa asawa nitong si Cally kaya mas nakahinga siya ng maluwag. Inutusan ni Rob ang isa sa A team na dalhin ang chip at e-card sa Matsui Mansion habang naroon si Mat-mat. Matapos iyon, sinuri niya ang laman ng tumagilid na sasakyan para makakuha ng dagdag na ebidensya. Hindi niya nakita ang bag na madalas na bitbit ni Bob. Wala rin kahit bakas ng laptop ni Tom kaya nakasisiguro siya na nakatunog ang mga ito sa magaganap bago sumabog ang sasakyan. Kinuha niya ang radyo sa bulsa ng suot na jacket. "Dark Guards, I want to talk to your Master Cloud or Ginny" sabi niya. *scccht* *schhht* "I''m here!" sagot agad ni Ginny na hindi man lang tumagal ang isang minuto. Halata na naghihintay talaga ito ng balita. "They are not here. Nakaalis sila bago sumabog ang van ng Dark Guards." balita niya dito. Halata rin naman na nakahinga ng maluwag ang babae. *scccht* *sccchhhht* "Sigurado na nakatunog sila na ang puntirya ng terorista ay ang itim na sasakyan." sabi nito. Tumango-tango si Rob. Kung nakuha nito na ang mga itim na sasakyan ang puntirya ng Hantataiga, siguradong hindi rin iyon makaliligtas kay Cally. "Ang problema, hindi ko alam kung saan sila nagpunta." sabi niya habang iniikot ang paningin. "Sigurado na palayo sila sa main road" sagot muli nito. "Ginny, mayelo at masukal ang paligid dito at hindi ako sigurado kung nakahingi sila ng tulong. Bitbit pa nila si Khalid." "I can find ways Rob." sabi lang nito saka niya narinig na pinatay nito ang radyo. Bahid pa rin dito ang pag-aalala. "Where are you, Prin?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa radyo na hawak. ===== Sa bahay ni Master Higo¡­ Pinakain sila ng matanda at pinainom ng tubig. Kaya nakabawi sila ng lakas. Malaki ang pagpapasalamat ni Cally sa matanda at nagawa sila nitong tulungan. Hindi siya nag-alok ng halaga kahit alam niyang may kapalit ang pagtigil nila sa bahay nito. Pero alam din niya na hindi iyon nababayaran ng salapi kaya nga hindi na siya nag-alok pa. Hahayaan niya na lang na kailanganin naman nito ang tulong niya sa susunod. Tumayo si Cally at nagbigay ng galang sa matanda. "Master, maraming salamat sa tulong niyo." sabi ni Cally. Sinilip nito si Khalid na tahimik na nakatingin din sa matanda. Napangiti ito kahit nananatiling seryoso ang mukha ni Khalid. "Matalino ang anak mo" komento ng matanda. Napakamot si Prin sa ulo "Ahh¡­ nasa lahi po." "Honey, naniniwala ako na matalino ka talaga kaya totoo ang sinabi mo" makahulugan na tudyo ni Cally. Hinaplos pa nito ang buhok ng Prin. Isang nakamamatay na irap ang ginanti ni Prin sa asawa niya. Naaaliw naman si Master Higo sa inakto ng mag-asawa sa harap niya. "Ano ang plano niyo ngayon?" "May makukuhaan po ba kaming signal para sa internet?" si Tom ang nagtanong. Wala na kasing pag-Asa pa ang radyo kaya naman ang internet o signal na lang ang kailangan nila. "Sa Norte sigurado na may signal. Pero gusto ko nang magpaalala na mas malamig doon at may mga puting lobo sa paligid." sagot nito Hindi naman nakaramdam ng takot ang kahit isa sa kanila nang nakarinig ng Lobo. Lihim na natuwa si Master Higo. Rob Matsui is not just his good student. He was also a good master and a leader. At ang mga batang ito ang bunga at magpapatunay sa bagay na naiisip niya. Tumayo si Cally habang nasa malalim na pag-iisip ang matanda. "Salamat Master! Pagpasensyahan niyo po sana ang abala namin. Kailangan na po namin umalis." Tumango ito. "Mag-iingat kayo" ang huling saad nito. Isa-isa naman na nagsipaglabasan ang mag-asawa na bitbit si Khalid at ang tatlong Dark Guards. ===== Hindi napigilan si Ginny na umalis ng Matsui Mansion na kasama si Cloud Han. Nakasakay sila sa van at naghihintay sa malayo mula sa itim at dilaw na harang. "Ginny Lopez, are you sure about this?" "I''m sure!" Magkahawak-kamay silang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan. Bumungad sa kanila ang ulo ni Bantay. Hinaplos ni Ginny ang pisngi ng alaga nilang leopard. "Bantay, I want you to find your Master Cally. Ibalik mo siya sa akin" sabi lang niya dito. Hindi nagtagal ay tumalon ito at tinungo ang masukal na lugar na nasa gilid ng kalye. Lumingon pa muna ito sa mag-asawang Ginny at Cloud Han bago tuluyan na nawala sa paningin nila para hanapin ang mag-asawang Prin at Cally. Naniniwala si Ginny na nasa loob ng maputing gubat na iyon ang anak niya at ang pamilya nito. Chapter 262 - Hakkaido Wolf Habang papalayo ang grupo ni Cally patungong norte na tulad ng mungkahi ni Master Higo, mas nararamdaman nila ang lamig ng paligid. Mas madilim din ang lugar na iyon dahil mas mataas ang mga puno na halos takpan na ang liwanag. Nauuna sa paglakad si Bob, nakasunod ang mag-asawa, bitbit ni Cally ang isang taong gulang na anak at nasa likod ang dalawa pang Dark Guards. Malayu-layo rin ang nalakad nila nang kumirot naman bigla ang ulo ni Prin. Maihahalintulad sa isang bato na ipinukol sa likuran na parte ng ulo niya ang sakit. Bigla ang pagkapit niya sa braso ni Cally at napatigil siya sa paglakad. "Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Cally kay Prin. Hindi niya napigilan na hawakan ang ulo na kumirot. "Kumirot lang bigla ang ulo ko." Lalo naman nag-alala si Cally dahil wala pang isang linggo nang tanggalin ang bomba sa ulo ni Prin. Mabilis niyang hinila ang makapal na balabal na naka-ikot sa leeg niya at dinagdag iyon sa ulo ni Prin para proteksyunan ang asawa sa lamig. "Okay lang ako, Husbie. Ikaw naman ang lalamigin" ginamit na ni Cally ang jacket niya para ibalot sa katawan ng anak nila at iisa na lang ang suot nito. Samantalang tig-dadalawa sila nila Joen. "I''m okay. Nakalimutan ko na may sugat ka pa at sigurado ako na lamig ang dahilan kung bakit biglang sumakit ang ulo mo." Bahagya na rin na namumula ang ilong niya at nagsisimula na siyang sipunin. "Wala pa rin ba tayong signal?" tanong ni Joen kay Tom. "Titingnan ko" nagtabi ang dalawa para makita kung may signal na silang nasagap. Binuksan ni Tom ang laptop niya. Saglit niyang pinatay iyon para hindi maubos ang baterya nito. "Yes! May signal na!" natutuwang saad ng dalawa. "Ahh.. guys¡­" si Bob. Napalingon silang lahat dito at kita nila na nataranta ang binata at napa-atras ng lakad. Napatuwid ang tayo ni Joen at Tom nang makita ang dahilan. Limang puting lobo kasi ang dahan-dahan at magkakasabay na lumalapit sa kanila mula sa kung saan-saan. *Grrr¡­* rinig nila ang mga pag-angil ng mga ito. Nanlilisik ang mga mata at nagkikiskis pa ang mga matatalas na ngipin. Para silang mga putahe sa paningin ng mga lobo at nagkataon pa na lima rin sila kung hindi kasama si Khalid. "Oh.. my gosh.." usal ni Prin. Natakot siya para sa kaligtasan ng anak. "Shit!" napamura si Cally at inabot ang anak nila kay Prin saka siya tinakpan para protektahan laban sa mga puting lobo. Nilabas ng tatlong Dark Guards ang mga nakatagong patalim sa mga bulsa ng mga ito. Inaasahan naman nila ang mga Lobo na iyon dahil nagbanta sa kanila si Master Higo. Kaya naghanda rin sila pero hindi nila inaasahan na limang lobo ang nakatakdang humarap sa kanila sa araw na iyon. Mabilis na naghagis si Bob ng extra nitong patalim kay Cally. Maingat na nilapag ni Tom ang laptop niya. Iyon lang ang tangi nilang pag-asa para masundo sila doon kaya hindi dapat masira ang bagay na iyon. Mabilis naman na nasalo ni Cally ang patalim. Patuloy na nagagalit ang Lobo hanggang sa sinunggaban sila nito isa-isa. Tinalon ng isa si Cally at agad niyang sinaksak ang isang mata nito. "Ahh! Husbie!!!" napasigaw si Prin dahil sa takot para sa asawa niya. Nakaramdam siya ng bahagyang pagkainis dahil hindi siya makatulong sa mga kasama pero hindi niya rin naman ipupusta si Khalid. Hawak ni Cally ng mahigpit ang leeg ng lobo para hindi siya nito makagat saka niya hinugot ang patalim. Umungol ito dahil sa sakit ng pagkakasaksak niya sa mata nito. Inipit niya ang katawan nito para hindi rin ito makakilos. Tulad niya ganoon din ang ginawa ng iba pang Dark Guards. Nagpumilit na kumawala ang lobo mula sa pagkakaipit ni Cally sa katawan nito. Gumulong silang dalawa dahil aminado siya na malakas din ang mabagsik na hayop. Sinugatan niya ang binti nito kaya lalo itong nagalit. Kinakabahan naman si Prin at hindi alam kung paano ang gagawin dahil bitbit niya si Khalid. Hindi naman niya ipupusta ang kaligtasan ng anak para saglit na ilapag ito para lang labanan ang lobo na parang gutom na gutom at takam na takam sa kanila ng anak niya. Umaangil ang lobo na papalapit kay Prin. Niyakap naman niya ng mahigpit ang anak at gagawin niya ang lahat para ma-protektahan ito. Kasabay naman ng mga pangyayari ang pagkakahawak ni Bob sa mga pangil ng lobo na sumunggab sa kanya. "Hahhhh!!" nagagalit din na angil niya. Sinaksak niya ito sa leeg. Akmang sasakmalin din siya nito nang hawakan niya ang magkabilang nguso nito para pigilan ito sa pagkagat sa balikat niya. Binuhos ni Bob ang lahat ng lakas niya para ibinuka ang panga nito. "Haah!!!" hiyaw niya habang unti-unting napupunit ang bibig ng lobo. Tumutulo na ang dugo sa katawan niya pero wala siyang pakialam. Tinulak niya ito matapos mawalan ng buhay. Hinihingal siya matapos ang mga pangyayari. "Punyemas ka!" at sinipa pa ang lobo dahil sa pagkainis. Umikot lang iyon at nabahiran naman ng pulang dugo nito ang ma-yelong sahig. Sa lugar naman ni Cally. Matapos niyang saksakin ang isang mata ng lobo at sugatan ito sa binti, nagalit ito kaya sinugatan niya ang isa pang binti nito saka niya ito tinulak. Umungol ang lobo at nawala ang galit sa isang mata na nakipagtitigan muna sa kanya. Bakas ang sugat at pagkabulag sa sinaksak niyang mata nito saka ito tumalikod at tumakbo papalayo. Doon lang napansin ni Cally na napalayo siya sa mag-ina niya. Nakaramdam siya ng takot nang makita ang isang lobo na papalapit kay Prin. "Prin!!!!" sigaw niya. Wala naman magawa si Prin na umaatras ng dahan-dahan habang yakap ng mahigpit si Khalid kasabay ng pagsunod sa kanya ng isang lobo. Tumalon ito para sakmalin siya. "Ahhhh!!!" "Prin!!!!" At napapikit na lang siya sa takot habang yakap ng mahigpit ang anak na si Khalid. Napaupo siya at tila naghihintay sa kung ano ang susunod na mangyayari. Pinilit niyang itago ang anak niya mula dito. Chapter 263 - White wolves versus Bantay Bumalot ang takot at kaba sa dibdib ni Cally ganon din kay Prin nang makita ang lobo na takam na takam sa kanila ni Khalid. Bahagya siyang napapaatras para lumayo dito. Parang nainip naman ang lobo kaya bigla silang tinalon nito. "Ahhh!!!" napasigaw siya at napapikit hanggang sa niligtas siya ng isang malaking bulto. Ilang dipa na lang ang layo ng puting lobo kay Prin at Khalid nang talunin din ito ni Bantay at kagatin sa leeg ang mabangis na hayop. *awrrr* Gumulong ang dalawang hayop sa nagyelong sahig palayo sa mag-ina. Saka muling nagmulat ng mata si Prin dahil walang nangyari sa kanila ni Khalid. Nakahinga naman ng maluwag si Cally at tumakbo patungo sa asawa at anak. "Are you okay?" tanong ni Cally. "Yeah we are safe! Si Bantay ba iyon?" Sabay nilang nilingon ang nag-aaway na leopard at puting lobo. Sigurado si Cally na si Bantay iyon base sa prints sa katawan nito. Napatanong siya kung ano ang ginagawa nito doon. Kung titingnan mas malaki si Bantay sa puting lobo. Nasa three feet ang lobo na mas malaki sa karaniwan na lahi nito, samantalang nasa five feet si Bantay. Pero alam ni Cally na matapang ang parehas na hayop at wala sa laki nasusukat ang laban. Gumanti ng kalmot ang lobo kay Bantay kaya napaatras ito. Matalim ang mga mata at umaangil ang parehas na hayop. Sa lugar naman ni Tom at Joen¡­ Matapos mapatay ni Bob ang lobo na sumugod sa kanya, tinulungan niya si Tom na nakikipaglaban sa lobo. Sinuntok ni Tom ng ubod-lakas ang lobo at dumeretso ito sa kamay ni Bob na may hawak na patalim. Ginilitan ito sa leeg ng binata kaya nawalan ng buhay ang mabangis na hayop. "Ayos ka lang?" tanong ni Bob. Hinihingal naman na tumango si Tom. Hinanap agad nito ang laptop para makapagpadala ng mensahe sa base. Nakita naman nito ang laptop na maayos niyang pinatong sa isang malaking bato. *Ahooooo* Umungol ang lobo na kalaban ni Bantay dahilan para mawala ang atensyon ng lobo na kasalukuyang tinutulak ni Joen para hindi siya makagat nito. Lumayo ito sa kanya at sumama sa lobo na kalaban ni Bantay. Nakahinga naman ng maluwag ang binata. *Grrrr¡­* Umangil si Bantay kasabay ng panlilisik ng mata. Parang tunog ng motor ang mga pag-angil nito. Kasabay naman niya na nagagalit din ang dalawang puting lobo. Parang nagagalit na aso naman ang mga pag-angil ng mga ito. Umikot ang tatlong hayop ng pabilog at naghihintay kung sino ang unang kikilos. Pare-parehas na nakaangil. "Husbie, tulungan mo si Bantay." nag-aalala na sabi ni Prin. "I trust him don''t worry." Ilang saglit pa, sabay na tumalon ang dalawang lobo sa alaga nila. Mabilis na tinulak ni bantay ang isa dahilan para tumilapon ang katawan nito sa isang malaking puno. Sinakmal naman muli ng leopard ang isa pa at parang nagagalit na winasiwas ang katawan nito habang kagat-kagat ang leeg. Umungol muna ang lobo hanggang sa makita na maraming dugo na ang dumaloy sa leeg nito. Saka nito hinagis ang katawan ng lobo na wala ng buhay. Dinura pa nito ang mga dugo sa bibig. Umangil muli si Bantay para sa natitirang lobo. Umungol lang ito saglit nang makita ang mga kasama na pare-parehas na walang buhay sa sahig saka tumakbo paalis. Parang minasaker ang lugar dahil naghahalo ang puti at pula dahil sa snow at sa dugo ng apat na lobo. Bantay hiss and growl na parang mainit pa ang ulo hanggang sa nilapitan ni Cally at hinaplos ang balahibo nito. "What are you doing here boy?" Parang bulang naglaho ang galit nito nang makilala ang kamay na humaplos dito. Nilundag nito si Cally at dinilaan, wala na ang talim sa mga mata. "Good job!" Sabi niya dito habang pinipisil ang magkabilang pisngi. "Uhmma¡­" ungol ni Khalid habang nagpalipat-lipat ang tingin sa lugar nila Cally pati sa kanya. Naisip ni Prin na baka akala ng anak niya ay kinakain ng hayop ang Daddy nito. Naaaliw naman si Prin sa bagong pinakita na iyon ng anak niya. "Great job everyone!" Puro ni Cally sa lahat. Kasalukuyan naman na nakakonekta na si Tom sa base at mukha ni Mat-mat ang bumungad sa kanila ni Bob. "Hey! Mga punyemas kayo buhay pala kayo!" Bungad nito sa kanila. "Natural, inaabangan mo bang mamatay kami?" Si Tom ang sumagot dito. Nilapitan ni Cally ang dalawa para siya na mismo ang kumausap sa pinsan niya. "Anong nangyari? bakit nauna ka pa sa amin sa Matsui mansion?" "At kailangan mo pa talagang itanong sa akin iyan matapos akong tawagan ni Tita Ginny ng madaling araw para hanapin kayo? Hindi na ko nakasal kay Donna." Hindi niya pinansin ang huling mensahe ni Mat-mat. Ngayon ay nakuha na ni Cally ang sagot kung bakit naroon din si Bantay. Malamang ay pinahanap siya ng Mommy niya dito. Biglang nakaramdam ng init si Cally sa mayelong lugar na iyon nang maisip ang Mommy niya. "Nangangarap kang makasal kay Donna samantalang wala ka pa ngang singsing na binibigay sa kanya" si Joen ang sumagot. "Excuse me! Mahal ako ng ate Baba ko kaya meron akong singsing sa kanya!" "Mamaya ka na magreklamo at magdaldal. We need help. Pasabihan sila na narito kami sa bandang norte ng masukal na gubat. Sisindihan namin ang red torch ng Dark Guard kapag narinig namin ang ingay ng Skyjet. Come and fetch us!" Magrereklamo pa sana ito pero pinatay na ni Cally ang koneksyon para wala na itong magawa pa. Chapter 264 - The girl Sa Matsui Mansion. Maayos na nakabalik ang mag-asawang Prin at Cally kasama ang anak nila at ang tatlo pang Dark Guards. Tulad ng usapan, sinundo sila ni Mat-mat gamit ang skyjet nito sa kagubatan. Matapos sindihan ang natitira nilang red torch, mabilis na nakita ng grupo nito ang pulang usok. Saka bumaba mula sa skyjet gamit ang mahaba at makapal na lubid. Sumakit na naman ang ulo ni Prin pero binalewala niya na iyon para hindi rin mag-alala sa kanya si Cally. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan papaakyat na gawa sa mga kahoy na nakakonekta rin sa lubid dahil sa biglaang pagkahilo. Pinilit niyang ipakita na maayos ang lagay niya sa lahat hanggang sa makarating sila sa Mansion. ===== Isang mahigpit na yakap ang sumalubong kay Prin mula sa Mommy niya. Wala pa ang magulang ni Cally dahil kasalukuyan na nagbbyahe pauwi doon. Hinintay pa ng mga ito si Bantay na makabalik kung saan din nila ito pinakawalan. Nasabihan na ang mga ito simula pa lang nang makausap nila si Mat-mat sa malamig na kagubatan na maayos ang lagay nila. Kasalukuyan na hindi pa tapos ang trabaho ng Daddy niya na si Rob dahil iniimbestigahan pa nito ang mga pagsabog. "Oh Honey, nag-alala talaga ako sa iyo" bungad ng Mommy niya habang yakap siya nito. "I''m sorry, Mom" sagot niya. Mas tumindi ang kirot ng ulo niya kaya pasimple siyang nagpaalam kay Cally na sasama muna sa Mommy niya sa kwarto. "Mom, can you help me clean Khalid?" "Sure." kinarga nito ang anak niya at sabay sila nito na tinungo ang kwarto niya sa mansyon. Napansin ni Prin na walang pinagbago ang kwarto niya. Napuna niya iyon kahit pa masakit ang ulo niya at may nararamdaman na pagkahilo. Magkatabi silang umuupo sa kama. Saka siya yumakap sa bewang ng Mommy niya. Gumapang naman si Khalid papunta sa dibdib ni Prin. Parang baby panda rin ang anak niya na ayaw humiwalay sa magulang nito. "I love you Mom" buong pagmamahal na sabi ni Prin sa Mommy niya. "Uhmmma¡­" napangiti siya na marinig na naman ang tawag nito. Pumikit siya saglit at parang switch iyon na naging hudyat para makatulog siya. Sa general hall naman ng Matsui Mansion¡­ Hindi naman nagawa ni Cally na magpahinga dahil sinimulan niyang trabahuhin ang electronic ch.i.p.s na pinadala ni Rob na nasa loob ng e-card. Katulad ng pag-analisa ni Rob ang mga nakuha niyang sagot. Ginamit ng Hantataiga ang mga bagong e-cards na iyon para ipamudmod sa mga mamamayan. Ang reader sa exit ng airport ang sumala sa itim na sasakyan sa iba pa. Hindi na nila nahuli pa ang babaeng nakatoka sa ''exit'' ng car parking sa airport. May tumatakip din sa bibig nito na itim na facial mask kaya hindi nila ito makilala. Sa ''search'' ni Mat-mat gamit ang computer, limang babae ang lumitaw sa screen gamit ang mata nito, ang height, ang buhok at ang pagkilos ng kahera sa exit. At nabigla sila na kasama ang anak ni Apolo na miyembro ng Dark Lords na bente dos lang ang edad at si Prin na lumitaw dahil ka-mata ng mga ito ang babaeng suspek at kasing taas din. Hindi naman napansin iyon ni Cally nang dumaan sila noon para magbayad dahil nasa likuran sila ni Prin. "Come to think of it, napansin ko na parehas sila ng mata ni GW8." Komento ni Joen. "Hindi naman siguro magiging suspek ang asawa ko dahil lang sa ka-mata niya ''yung kahera, tama?" "Don''t worry, may apat pa naman tayong iimbestigahan." Sagot ni Mat-mat. Sa ganoong bagay, bilib si Cally sa pinsan niya dahil mabilis at maasahan ang trabaho nito. Mas malalim pa nilang pinag-aaralan ang bomba at ang babae nang dumating ang magulang ni Cally kasama si Bantay. Halatang nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makita na ayos lang siya. Bukod sa kakaunting galos na nakuha niya sa pakikipaglaban sa puting lobo, wala nang natamong sugat o kung ano pa man si Cally. ===== Maria celeste 1... Isang sasakyan ang huminto malapit sa dalampasigan. Isang babae ang nakagapos at may telang nakatali sa bibig papaikot sa batok ang hawak ng kasama nitong lalaki na nakasumbrero papaakyat sa deck ng Maria Celeste 1. Kasalukuyan na nasa kalapit na isla ang barko at nakatigil dahil pinaghahanap ang mga ito ng kinauukulan. Kasalukuyang madilim ang paligid na nakadagdag sa pakiramdam ng babae na parang pinagsakluban ito ng langit at lupa. Tinulak ang babae ng kasama nitong lalaki sa harapan ni Mayu. "Tsk tsk!" Napapalatak agad si Mayu. Tila nag-eenjoy ito na makita na nahihirapan ang kung sino. Tinanggal nito ang telang nakatali sa bibig ng babaeng bagong dating. Dinuraan agad nito si Mayu. "Ha ha ha!" Tumawa lang ang babaeng terorista ng nakakademonya at saka sinampal ang babae ng ubod lakas na halos matanggal na ang pandinig nito. Hindi na nag-abala pa si Mayu na pahirin ang pisngi na nabahiran ng laway ng huli. "Nasaan ang Mama ko! Tapos na ang pinagawa mo sa akin! Nagawa ko naman ng maayos ang trabaho! Sumabog na ang lahat ng itim na sasakyan dahil nasala ko sila ng mabuti kaya ibalik mo sa akin ang Mama ko!" "Tsk tsk! But I always broke the rule my Dear Yuna!" "...I already killed your Mom" tinapos ni Mayu ang pag-uusap nila ng babae na tuwang-tuwa sa ginawa nito. Naiwan naman na tulala ang babaeng may pangalan na Yuna. Chapter 265 - Made in France (1) Lumipas ang dalawang linggo na natahimik ang bansa matapos ang mga pagsabog. Ngunit hindi ibig sabihin na tahimik ang mundo nila Cally. Minamanmanan nila ang kilos ng Hantataiga kasabay ng pagprepara nila sa kasal ni Mat-mat. Hindi nakaligtas sa kanila ang balita na nasa bandang South ang barko na Maria Celeste 1. Gayunpaman, hindi nila alam ang eksaktong lugar o isla kung nasaan ito kaya ang grupo ni Rob ang nakatoka para hanapin ang barko ni Captain Yeo. ===== Hindi naman maiiwasan na sumama ang loob ni Donna. Normal naman sa mga babae na mapraning. Napurnada kasi ang pagpunta ng pamilya ni Mat-mat sa bahay nila. Ang masama wala pang binibigay sa kanya ang binata kahit engagement ring, at inabot na iyon ng ilang linggo. Nakadagdag pa ang ilang linggo na hindi niya ito makausap ng matino dahil busy ang nobyo niya sa issue ng Hantataiga. Ang pumapasok tuloy sa malikot niyang kaisipan ay pinagt-tripan lang siya ni Mat-mat. Sinubukan siyang tawagan nito isang gabi. "Hello My Love. I''m home!" masayang bungad nito sa kanya sa telepono. May ilang araw din niya na hindi nakita ang binata. Mabuti at nakabalik na ito ng Maynila. "Mabuti naman at nagawa mo pa akong tawagan. Kilala mo pa ba ako, Matty?" "Donna My Love, I''m sorry na. Kinailangan kasi ako ng pamilya ko." kakamot-kamot ito sa kabilang linya. Hindi nito masabi na umaatake na naman ang pagkamanang niya kaya nagsisimula na naman siya na magsuplada. "I don''t want to talk to you anymore, Matty" singhal niya saka ito binabaan ng telepono. Bigla naman siyang naiyak matapos niya itong babaan ng telepono. "Hu hu, you stupid pervert!" Pinunasan na lang niya ang mga luha. Naiinis tuloy siya sa sarili. Hindi niya maintindihan kung bakit mabilis na sumama ang loob niya sa mga bagay-bagay at nagse-self pity na rin siya. Wala na ang Donna noon na mataray, suplada at walang pakialam. Kasalukuyan na nasa hapag siya para maghapunan at walang gana nang bumaba ang Mamang niya. Hindi pa ito nakakabalik sa probinsiya. Nagsimula itong maghiwa ng prutas para gawin juice. Hindi niya alam kung bakit punung-puno siya ng kalungkutan nang mga oras na iyon. Siguro dahil namiss niya ng sobra si Mat-mat. Ilang saglit pa, humikbi si Donna. Nilingon tuloy siya ng matandang babae. "Aba''y Donna? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak, apo?" Pinunasan niya ang luha. "Wala po. Napuwing lang" pagdadahilan niya. "Napuwing ba ika mo? Hindi ba yan dahil kay Mateo?" "Hindi po Mamang." kapag nalaman nito na pinaiyak siya ng nobyo niya ay sigurado na magagalit na naman ito sa binata. Kaya naman mas pinili niyang magsinungaling. "May sakit ka ba anak? Halika nga dine" kinawayan pa siya nito. Bilang mas nakababata, siya ang lumapit sa matanda at umupo siya sa katapat nitong silya. Hinipo nito ang noo niya. "Aba! Mainit ka apo." Ibinaba nito ang palad at sinalat-salat naman ang leeg niya. "Aba''y! Umamin ka nga Donna. Ikaw ba ay buntis?!" Napaawang ang labi niya sa bigla. Bigla niyang naisip na hindi pa siya dinadatnan ni Tita Flo. Naisip rin niya ang mga pagbabago sa mood niya nitong mga nakaraan. Mabilis uminit ang ulo niya at malulungkutin. Pero wala siyang ganang kumain. Nakagawa nga ba siya ng ''Made in France'' na baby? Biglang nakaramdam ng saya si Donna. Nasa isip niya na kasi na baka mahirapan siya na mag buntis dahil may edad na siya. At hindi niya talaga inaasahan na ganun kabilis siya na mabubuntis. "Aba''y buntis ka nga!" sinusuri nito ang pulsuhan niya. "Sino ang ama ng apo ko sa tuhod, si Marco ba?! Kaya ka ba umiiyak ay dahil ayaw kang panagutan ng damuhong lalaki na iyon?" biglang nagalit ang lola niya tulad ng inaasahan. "Hi-hindi po ako buntis." Mas pinili niyang magsinungaling kahit pa hindi siya sigurado sa bagay na iyon. Ngunit alam din niya na tama ang hinala ng matandang babae. "Huwag ka ng magdahilan pa! May plano ba si Rodrigo na pakasalan ka?" Donna "..." "Sino po si Rodrigo?" sabad ng bagong dating. Bigla silang napalingon ng matandang babae sa pintuan ng kusina at nabigla siya na makita si Mat-mat na may bitbit na kumpol ng sunflowers. "Aba''y Damuho kang bata ka! Sino pa ba, kundi ikaw?" nagagalit ang lola ni Donna dito. "Si Matthew po siya Mamang. Okay lang po ba kung kakausapin ko si Matty?" hiling ni Donna sa matanda. Mukhang kailangan niyang sabihin sa binata na malakas ang pakiramdam niya na nagdadalang-tao siya. "Dine lang ako at igagawa kita ng juice. Ano ba ang gusto mo, Iha?" bigla na naman ang pagbabago ng lola niya. Naisip ni Donna ang mga prutas na hiniwa nito. Kung totoo na buntis siya, kailangan niya ng prutas at gulay. "Pashake na lang po ako kung ano po ang iinumin ninyo, Mamang" "O siya, sige" sagot nito saka nito inirapan si Mat-mat. Nagpunta ito sa likuran nila para gawing juice ang mga prutas. Inabot ni Matthew ang bulaklak sa kanya saka nagsimula na maglitanya. "Donna¡­" *brrrrrrrrr* *brrrrrrrr* (Kasabay ng mga litanya ni Mat-mat ang tunog ng juicer.) Hindi naintindihan ni Donna ang mga sinabi nito pero biglang naglabas ng singsing ang binata at sinuot iyon sa palasingsingan niya. Saglit na pinatay ng lola ni Donna ang juicer at sinalin sa baso. "Oh Love. I''m so happy!" halos maiyak na sabi ng dalaga. Sabi nga your action speaks louder than words. Hindi man niya narinig ang mga sinabi nito, Ipinakita naman nito sa kanya kung ano man ang sasabihin nito. Nagsalin muli ng prutas ang lola ni Donna. "I''m happy Love, because¡­" *brrrrrrrr* *brrrrrrrrrr* Kasabay din ng pag-amin ni Donna na buntis siya ang paggalaw ng juicer sa likod. Naniningkit ang mata ni Mat-mat habang binabasa ang labi ng nobya niya. Huminto ang juicer. "Ano iyon ulit, Love?" nakakunot ang noo ni Mat-mat. "Sabi ko¡­" *brrrrrrrr* *brrrrrrr* Sa ikalawang pagkakataon, walang narinig si Mat-mat at puro ingay ng juicer blade ang naririnig niya. Nilingon na nito ang matanda sa likod. Huminto muli ang juicer. Natahimik si Mat-mat dahil sa pagkainis. Iba naman ang naging dating nito kay Donna. Iniisip ng dalaga na ayaw ni Mat-mat ng baby kaya ito nakasimangot. Biglang umiyak ang dalaga. Mat-mat "..." Bigla rin ang pag-ikot ng matanda dahil sa biglaang pag-iyak ni Donna at naniningkit ang mata na biglang pinalo nito ng sandok na kahoy ang binata. "Aba''y Damuho ka! Bakit mo pinaiiyak ang apo ko?!" Napangiwi si Mat-mat dahil sa biglaan na naman na pag-atake ng matanda. Sa totoo lang, wala siyang naintindihan sa lahat ng nangyayari. Chapter 266 - Made in France (2) Hilot-hilot ni Mat-mat ang braso niya dahil sa biglaang pag-atake ng lola ni Donna. Wala na nga siyang naintindihan sa sinabi nito mas lalo pa na wala siyang naintindihan dahil sa biglaan nitong pag-iyak. "Donna My Love, bakit ka nga ba umiiyak?" tanong ni Mat-mat. Hinawakan niya pa ang pisngi ng dalaga. Kumuha siya ng tissue na nasa ibabaw ng mesa at pinunasan ang luha nito. "Aba''y damuho ka talagang bata ka! Malamang umiiyak ang apo ko dahil binuntis mo!" Kumunot ang noo ni Mat-mat. Nagliwanag din naman ang mukha niya sa nadinig matapos magsinked-in sa utak niya ang sinabi ng matanda. "Talaga? You are pregnant?!" halata naman ang saya sa mukha ng binata dahil sa nadinig. "As I''ve said, I''m¡­ not sure." ilang linggo pa lang kasi nang may maganap sa kanila ni Mat-mat. Masyadong mabilis kung sasabihin ni Donna na sigurado siya at baka madismaya lang ang nobyo kung ''hindi'' pala. "Hindi ko nadinig. Wala akong nadinig kahit isa" katwiran ni Mat-mat. "Aba''y ako na ang nagsasabi na buntis ang apo ko! Kaya hala, huwag na huwag kang tatakas sa obligasyon!" nagagalit na sabi ng matandang babae. Biglang niyakap ni Mat-mat ang matandang babae. "Of course not! Bakit naman ako tatakas? Oh Lola! I''m so happy" Masayang isipin na nakabuo siya agad ng baby matapos nilang magkabalikan ng dalaga. And it was really a blessing. Sobrang sarap sa pakiramdam. "O siya, ito ang juice niyong dalawa." inabutan sila ng matandang babae ng tig-isang baso ng fresh juice na ginawa nito. "Ako''y maglilinis muna sa labas. Ikaw Matthew, mabuti pa na alagaan mo ang apo ko. Iuwi mo na muna si Donna dahil kailangan niya ng kasama. At huwag mo siyang papagurin. Ako ay masaya para sa inyong dalawa." sabi nito saka umalis. Natuwa naman si Mat-mat dahil bukod sa tama ang pagkakasabi nito sa pangalan niya ay hinandaan pa siya nito ng fruit juice. Abot hanggang tenga yata ang pagkakangiti ng binata dahil nakabuo siya agad ng baby. "Why are you grinning like a pervert?" puna ng dalaga. "I''m always pervert" hinawakan ng binata ang tiyan ng dalaga. "Kaya pala mainit lagi ang ulo ng My Loves ko, may something." Namula naman ang pisngi ng dalaga. Pinaubos ni Mat-mat ang juice kay Donna saka niya nilabas ang cellphone. Oras na para bumawi siya. Tinawagan niya si Kai Jang na kasalukuyan na nasa Japan at tinatrabaho ang issue ng Hantataiga. Sigurado rin siya na kasama nito ang Shogun. "Hello, Kai Jang!" bungad niya. "Anong problema?" sagot nito. Alam ng mga ito na umuwi siya saglit para makita si Donna na mainit na ang ulo sa Dark Guards. "Wala namang problema, sasabihin ko lang na off ko na for life sa Dark Guards, magbabantay na ako ng anak." Saglit na natahimik ito. "Nakabuntis ka?" "True" "Ha?! Yari ka kay Donna! Masyado ka kasing malikot. Naku lagot ka talaga kapag nalaman niya iyan." Mat-mat "..." Sumimangot si Mat-mat, ganoon na ba siya kamanyak sa paningin ng mga tao sa paligid niya para mapagkamalan na iba pa ang nabuntis niya? "Labas na ako diyan, Bye!" *toot toot toot* "Excuse me, si My loves ang nanay!" sigaw niya sa cellphone kahit putol na ang linya. Natatawa naman si Donna sa tabi. "Tama na yan, Love. Let''s go home" Binaba naman ng binata ang cellphone niya. Saka tinitigan sa mata ang nobya. Gumaan ang pakiramdam ni Mat-mat habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. He likes her eyes so much. Sabi nila, una daw na tinitingnan ng mga kalalakihan ang mata sa isang babae. Aminado siya na hindi iyon ang unang requirement niya pero nagustuhan niya ang bagay na iyon nang makita niya ang sarili sa mga mata nito na parang nananalamin. It was like there is no one in her eyes but him. "I promise that I will do my best, Donna." saka niya binigyan ng smack ang dalaga sa labi. "Pwede mo bang ulitin ''yung proposal mo kanina?" suhestiyon ng dalaga. Wala kasi itong naintindihan. "oh! Sure! Ehem! Donna My Love¡­" *shwiiiiii* *shwiiiii* (tunog ng vaccuum sa labas ng kusina) Wala muling naintindihan si Donna. Ilang saglit pa, lumalakas ang tunog dahil papalapit sa kanila ang vaccuum. Natapos ang litanya ni Mat-mat kasabay ng pag-click ng switch ng motor ng vaccuum. "Aba''y nariyan pa pala kayo" puna ng matandang babae. Humugot ng malalim na hangin si Mat-mat. "Lola, gusto niyo po ba magpunta sa Mars?" tanong ng binata. Gusto niyang lumayo ang matanda at dalhin ito sa ibang planeta. Chapter 267 - Take care of yourself Matapos lang ang ilang linggo nakuha ni Rob ang eksaktong lokasyon ng barko ni Captain Yeo. Nasa loob sila ng general hall ng Matsui Mansion para pag-usapan kung paano nila susugurin ang barko ng kapitan. Inalis muna ni Cally sa grupo si Mat-mat para masimulan nito ang pag-aasikaso sa kasal nito at ni Donna lalo at nabalitaan nila na buntis ang kaibigan nila na nobya nito. "Everything should be according to plan. Gustong-gusto ko nang wasakin ang mukha ng Mayu na ''to" nagpatunog pa ng kamao si Rob Matsui na halatang nangigigil sa mukha ng babae. Walang pumapasok sa isip ni Prin dahil masama ang pakiramdam niya. Napansin siya ni Kai na nasa katapat na mesa niya. "GW8, are you okay?" Inangat niya ang paningin sa lalaki. Umawang ang labi ni Prin at napalingon din siya sa iba pang kasama at napansin na nakatingin din ang mga ito sa kanya. "Ahh¡­ I''m good" sabi niya. Napukaw nila ang atensyon ni Cally na kasalukuyan na nasa pinaka-bungad para magpaliwanag ng mga gagawin. Dahil nasa dulong bahagi si Prin at nasa bungad si Cally, hindi nito mapapansin ang nararamdaman niya kung hindi lang napuna ni Kai. Nag-aalala na nilapitan siya nito. Hinipo nito ang noo niya. "No, you are not. You are hot¡­ Uncle Rob and Shogun, please continue the meeting. MB5, report them to me." Utos niya sa Shogun at Kai saka siya nito binuhat palabas ng general hall. Dinala siya nito sa kwarto niya doon sa mansyon. Kasalukuyan na naroon din si Khalid at kasama ng isang maid. Nagd-doodle sa isang papel gamit ang crayola sa ibabaw ng kama ang anak niya. "Ako na ang bahala kay Khalid. Tumawag ka ng doktor" Utos ni Cally sa babae. "Yes, Shi" ang sabi tapos ay tumalikod at lumabas na ito ng kwarto. Nilapag siya nito at inihiga sa malambot na kama. "Are you okay, Honey?" Tanong ni Cally. Mukhang nakuha din nila ang atensyon ng bata kaya gumapang ito patungo sa tagiliran ni Prin. "Uhmma¡­" nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-asawa. "I''m okay, baka napagod lang ako." Hindi maamin ni Prin na dumadalas ang pagsakit ng ulo niya. Madalas din na nakakaramdam siya ng hilo. "Baby, go to your Daddy. Baka mahawaan ka ng sakit ni Mommy" kinawayan pa ni Cally ang bata para lumapit ito dito. "Uhmma¡­" taliwas sa gustong mangyari ng asawa niya ay sumiksik ang bata ng higa sa gilid ni Prin, saka siya nito niyakap. Parang ayaw nitong humiwalay sa kanya. Nangingiti naman si Prin sa ginawa ng anak niya. "You are being unfair, Honey" reklamo ni Cally. Aminado naman siya na sa loob ng bente kwatro oras, mas madalas talaga na kasama ni Prin si Khalid bilang ginampanan nito ng mabuti ang pagiging ina. Madalas na nagb-b.r.e.a.s.t feed si Prin o kaya ay kalaro si Khalid. Nagpatuloy ng training ng Dark Guard si Prin kahit naroon sila sa Pilipinas. Training lang ang naging bonding nilang mag-asawa. "I''m not. Husbie, can I ask you to stay?" Hiling niya. Alam niya na mahalaga ang usapan sa General Hall pero gusto niya pang makasama muna kahit saglit ang asawa at anak niya sa oras na iyon. Hindi naman nag-atubili si Cally na pagbigyan ang hiling niya. Hinubad nito ang sapatos at tumabi ito ng higa sa kanilang mag-nanay. Niyakap siya nito kaya parang kayakap na rin nito si Khalid na napapagitnaan nilang dalawa. Pumikit silang dalawa para damahin ang isa''t-isa. "Honey, what did you do in the past nine years?" Usisa ni Prin. Sa loob ng isang taon ay hindi niya nagawang tanungin si Cally dahil ayaw niyang pag-usapan ang kung anuman na mga pangit na naranasan niya. Pinilit ni Prin na kalimutan ang mga iyon dahil masyadong masakit. "Business. A lot of business deals. I made hundreds of business deals per month." Sagot nito. "How many times did you cry?" Tiningnan muna siya nito kahit nakapikit pa si Prin at saka hinawakan ang pisngi niya. "Every day, my heart is aching so much hanggang sa dumating ang mga oras na parang namanhid na lang ako at hindi ko na maramdaman pa ang sakit." "Me too" sagot ni Prin. Pinatong ni Cally ang anak niya sa dibdib para mas malapit siya sa katawan ni Prin at para hindi rin ito maipit. "I don''t want you to end up being bullied again, Honey. I just want you to know that I value your life more than mine. So, can you promise me to take care of yourself, for my sake?" "Uhmma¡­" ungol ni Khalid. Hinawakan ni Prin ang kamay ng anak niya saka iyon hinalikan. Para kasing parehas ang nais ng dalawa. "Mommy will always loves you" "We love you more Honey" saka sila sabay-sabay na pumikit. Chapter 268 - Where are they? Isang sinag ng araw mula sa labas ang gumising kay Prin. Unang hinanap ng mga mata niya si Khalid nasanay na kasi siya na nasa tabi niya lang ang bata tuwing gigising. Madalas na nauuna itong magising sa kanya at madalas din na naglalaro lang ito ng kung anu-ano sa ibabaw ng kama. Wala ito sa kwarto kaya naisip niya na baka kasama ni Cally. Matapos niyang bumangon ay nag-inat-inat muna siya ng katawan dahil pakiramdam niya ay sumasakit ng sobra ang likuran niya, ang batok at ang leeg niya. Matapos makatulog ni Prin, bumuti rin naman ang lagay niya. Bukod sa parang nangalay ang mga katawan niya ay wala na siyang maramdaman na iba pa. Lumabas siya ng kwarto at hinanap ang mag-ama niya. Napansin niya na tahimik ang mansyon kumpara sa mga nagdaang araw. Parang nakakabingi ang katahimikan ng kapaligiran. Hindi niya naririnig ang normal na ingay sa labas kapag ganoong oras. Oras kasi ng training at nakapagtataka na wala siyang nadidinig na mga paghampas, paghiyaw at kung anong mga kaluskos ng pagsasanay. Naisip niya na magpunta sa camp ng Dark Guards baka sakaling dumalaw doon ang asawa niya. Nakapagtatakang hindi nakikita ng mga mata niya ang Shogun, si Kai at ang iba pa na may matataas na posisyon at tanging mga trainees lang ang naiwan. May nakita siyang isang Trainee kaya hindi niya napigilan na magtanong dito. "Where is your Shogun or leader MB5?" Tanong niya dito. "Miss Prin, umalis sila papunta ng Ship ni Master Aiden" Kumunot ang noo ni Prin. "What do you mean?" "Nakatakda na umalis ang barko ngayong gabi at nagsama si Master Rob ng mga lider ng Dark Guards" sagot naman nito. Natigilan siya. Hindi maiwasan na masaktan ni Prin sa nadinig. Bakit wala man lang nagsabi sa kanya ng plano? Nakatakda ang grupo na umalis ng gabi sa araw na iyon pero wala siyang alam? Nakaplano na pala ang alis ng barko ni Aiden patungong South pero walang nagsabi sa kanya ni isa? Wala pala siyang malalaman kung hindi siya mausisa sa paligid. Sigurado na hindi siya isasama sa misyon ngayong gabi kaya walang nagsabi sa kanya. Bumalik siya ng mansyon at hinanap si Cally o ang Daddy niya. Hindi naman siya nabigo na makita si Cally. "Cally!" Tawag niya sa asawa. Nasa pasilyo ito at kasalukuyang may kausap na dalawang tauhan sa mansyon para magbigay ng mga utos. Inangat nito ang paningin sa kanya saka tinapos ang usapan nito sa isang maid at sa head ng guard. Mabilis siyang nilapitan nito. "Cally, bakit hindi ako kasama sa misyon?" Galit na bungad niya dito. Napatigil ito sa paglakad at tinitigan siya nito. "Because, I want you to stay." "But this is also my battle! I will face Captain Yeo for what he has done at gusto mo na manahimik ako dito sa mansyon for doing nothing?" Naninikip ang dibdib ni Prin maisip lang ang mga paghihirap niya sa loob ng ilang taon. Nag-training pa naman siya sa loob ng isang taon para harapin muli ang lalaki. "As much as possible, I want to take revenge. Gusto ko na pakainin ng bomba si Captain Yeo sa ginawa niya sa iyo. But Prin, I admit that I am afraid. I''m afraid, alright!" Bakas ang takot sa mukha ng asawa niya nang bigkasin nito ang mga iyon "Pero hindi sapat na matakot tayo, Cally. Haharapin ko si Captain Yeo para pagbayarin siya sa ginawa niya samin ni Sandra" "Everyone can do it for us. Pwede akong maghire ng ilan pang Dark Guards to take revenge. God knows that I want you to take your revenge, but what about Khalid, Prin? What about me kung sakali na maulit ang nangyari noon? Pumasok man lang ba sa isip mo na masasaktan ako kung may mangyaring masama sa iyo?" "But nothing will happen. I''m a Dark Guard! I''m okay. I''m 100 percent fine!" "You are not fine, Prin! Napapadalas ang sakit mo recently. Akala mo ba ay hindi ko alam? And do you have an idea how long did you sleep?" Doon kumunot ang noo ni Prin. "Three days! You are being unconscious for three f.u.c.k.i.n.g days!" Natigilan si Prin sa nadinig. Noon niya lang naisip na kaya pala masakit ang katawan niya ay dahil matagal siyang natulog. "I want you to stay here and that''s final. Ako ang magbibigay ng regalo kay Captain Yeo" sagot ni Cally saka siya nito iniwasan. Naiwan si Prin na masama ang loob. Sa unang pagkakataon sa tagal ng pinagsamahan nila, noon lang sila nagkaroon ng hindi pagkakasunduan ni Cally. Chapter 269 - Left out Sa sama ng loob ni Prin, nagsimula na lang siya na tumakbo sa palibot ng mansyon. Gusto niyang patunayan kay Cally na malakas siya at kaya niya. Gusto niya ring intindihin si Cally pero nananaig ang sama ng loob niya sa sitwasyon. Hindi niya maintindihan ang nais nito. Did he forget she was a Dark Guard and this was actually her battle? Bakit bigla siyang natanggal sa listahan ng lalaban? *huff huff* Hindi alam ni Prin kung gaano na siya katagal na tumatakbo sa palibot ng Matsui Mansion at kung ilang kilometro na iyon. Nakapokus kasi ang utak niya sa sama ng loob sa asawa. Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nakaalis na ang asawa niya papuntang barko ni Aiden. She wanted to cry. Hindi man lang nito nagawa na ipaintindi muna sa kanya ang nangyayari bago ito magdesisyon. Kinuha ni Prin ang katana na pag-aari ni Rob Matsui sa kwarto ng magulang niya. Ibubuhos niya na lang ang galit at oras sa training. Nagpalit siya ng Dark Guard suit. Tulad ng mga nakasanayan niya, mas gusto niya na mag-training sa labas ng mansyon kung katana ang pag-uusapan. Tulad din ng nakagawian, sinimulan niya ang pagsasanay sa pakikiramdam sa paligid. Pumikit siya at dinama ang hangin, ang ulap, ang kakaunting sinag ng araw, ang lamig ng snow at mga halaman. "Hahhhhh!!!" saka niya sinimulan na iwasiwas ang japanese sword sa hangin na akala mo ay isa iyong kalaban. Makalipas ang hindi niya alam kung gaano katagal, nagbutil-butil na ang pawis ni Prin. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng pagod at nagsisimula na rin na sumakit muli ng ulo niya. Huminto siya saglit. Tinusok niya ang dulong patalim ng espada sa sahig. Hawak niya ito ng mahigpit na para bang kumukuha muli siya doon ng lakas. Habang mabibigat ang mga paghinga niya. Aminin o hindi ni Prin, nakaramdam siya ng panghihina. Matapos ang ilang minuto, nakarinig siya ng kaluskos sa kumpol ng mga halaman sa isang parte kaya bigla siyang napatigil. Nakiramdam si Prin kung may tao doon. Kakaunti lang ang tao sa mansyon sa kasalukuyan at hindi siya magtataka kung may spy sa paligid para manmanan sila. "Sino yan?!" malakas na tanong niya. Dahil may hawak siyang katana, mas malakas ang loob niya na lapitan ito. Dahan-dahan siyang lumapit patungo sa kumpol ng mga halaman saka iyon hinawi. Isang babaeng sugatan ang bumungad kay Prin. Nakasuot pa ito ng puting destida na bahagyang namantsahan ng dugo at puro putik. "Tu-tulungan mo ako¡­" nanghihina na sabi nito. Nilingon ni Prin ang paligid. Wala siyang makita na kasama nito pero hindi ibig sabihin ay buo ang tiwala niya sa babae. Nasa burol at tagong lugar ang Matsui Mansion. Hindi iyon daanan ng sasakyan at hindi basta-basta ang daan patungo sa kanila. Intensyon na tinutungo ang mansyon nila kaya paanong nangyari na may naligaw na babae sa labas ng tahanan nila? Paanong nakarating doon ang babae? Tinutok niya dito ang armas. "Sino ka?" Halatang natakot ito kay Prin. Noon lang din niya napansin na parehas sila ng hugis ng mata ng babae. Mapagkakamalan na nakababatang kapatid niya ito sa unang tingin kaya saglit siyang natigilan. "Hindi ako masamang tao¡­ Isa akong Byrne..." Binawi ni Prin ang armas sa nadinig. Isa sa pitong pamilya ng Dark Lords ang Byrne na pamilya ni Apolo. Ang nagpapalakad ng mga libu-libong hotel sa buong mundo. Halos hindi na makapagsalita ang babae. "I want¡­ water" Naging hudyat iyon para akayin ni Prin ang babae. Pinatong niya ang braso nito sa balikat niya saka sila pumasok sa mansyon. Normal na harangin ng Matsui Guards ang babae kahit pa akay ito ni Prin ganoon kahigpit ang lugar na iyon. "Joo (Miss), sino siya?" tanong ng isa. Hinarang ng mga ito ang braso sa kanila. "Sagot ko siya. Isa siyang Byrne." sagot ni Prin. "...Tulungan niyo ko na ipasok siya sa mansyon at tumawag kayo ng doktor" Sinunod naman siya ng mga ito ngunit hindi sa main building ng mansyon, kundi sa wing kung saan nakatira ang mga maid at guards. Pinansin ni Prin ang galos ng babae habang bitbit ito ng isang guard. Namumula ang dalawang pulsuhan nito na ibig sabihin ay ilang araw nang nakagapos ang babae. May mga marka rin ng pasa sa binti at pasa sa pisngi. Gayunpaman nasa iisang tanong ang isip ni Prin. Paano napunta ang babae doon? Chapter 270 - Im the cashier girl Binigyan nila ng tubig ang babae. Gustong-gusto nang tanungin ni Prin kung sino at ano ang pangalan nito. Kaya lang, mukhang hindi nito kaya na magsalita o magpaliwanag. Mas minabuti niya na hayaan na magpahinga ang babae sa isang kwarto sa Maid''s quarter. Plano niya na bigyan ito ng kahit dalawang oras para makabawi ng lakas. Lumabas muna si Prin ng kwarto at sinimulan na hanapin ang anak niya. Ang huling sinabi sa kanya ay kasama ng Mommy niya si Khalid kaya naisipan niyang tawagan ang Mommy niya. Hindi naman nagtagal nang sinagot nito ang tawag. "Hey Honey" sagot nito sa kabilang linya. "Ma, where are you and Khalid?" "Lumabas kami kasama si Ana. Kawawa naman si Khalid at madalas na environment sa Dark Guards ang araw-araw na nakakasalamuha niya. Honey, I tried before na maging normal ang buhay mo at ayokong tumulad ka sa panget mong Daddy, but you still ends up being a Dark Guard. I hope na mag-iba ang direksyon ng buhay ng anak mo." Kumunot ang noo niya sa nadinig. Gusto niyang matawa sa pagkakasabi nito ng ''panget na Daddy''. "Nag-away ba kayo ni Daddy kaya ka nag-unwind at naisip mo na isama ang anak ko?" Usisa niya dito. "May iba pa ba? Wala nang ginawa ang Dad mo kundi hanapin si Mayu. Mas maganda ba sa akin si Mayu para hanapin niya?" Prin "..." Hindi niya alam kung saan nakuha ng Mommy niya ang ideya na nagagandahan ang daddy niya kay Mayu kaya nito hinahanap ang huli. Sa kabilang banda, nagpapasalamat siya sa Mommy niya na nailabas nito si Khalid. Sa sobrang pagka-busy niya sa mga problema, nakalimutan niya na normal na bata si Khalid. Kailangan nito ng kalaro, magpunta sa playground, makinig ng children song at kung ano pa. "Mommy, thank you so much!" Napangiti naman ng simple ang mommy niya sa kabilang linya. "I love you, Mommy." "I love you too, Honey." Matapos maibaba ang cellphone. Nag-aatubili siya kung sunod na tatawagan si Cally. Nasaan na kaya sa kasalukuyan ang asawa niya? Napabuntong hininga siya at mas minabuti na bigyan ito ng oras. Nagbalik na lang siya sa kwarto ng babae na may apelyidong Byrnes. Gusto niyang malaman kung ano ang dahilan ng pagpunta nito sa Matsui Mansion at kung bakit parang dumanas ng hirap ang babae sa mga nakalipas na araw. ===== Lumipas ang dalawang oras, eksakto na nagising ang babae. Dahan-dahan na minulat nito ang mga mata at mukha ni Prin ang sumalubong dito. Hindi na niya pinalampas pa ang tanong na kanina pa niya pinipigilan. "Sino ka at paano ka napunta dito?" "I''m Yuna. I''m Apolo''s daughter" sagot naman nito. Maayos na ang pagkakasagot nito kaya alam ni Prin na nakabawi na ito ng lakas. "...Ako ang babae na kahera sa airport nang nakaraang buwan." Mahinang sabi nito na para bang nahihiya ito na aminin ang bagay na iyon. Naging alerto si Prin sa narinig. Baka kasi nagpapasok siya ng isang kalaban sa tahanan nila. Alam niya na may pamilya si Apolo pero hindi niya alam na bata pa pala ang anak nito. At hindi niya rin maintindihan kung paano nadawit ang babae sa bombing. Naramdaman naman ito ang tensyon na ibinigay niya dito. "Anak ako sa labas ni Apolo at hindi ako masamang tao. Nagkataon na dinukot ako ng isang young master ng Peter." Nagluluha na paliwanag nito. "Anong ibig mong sabihin?" Natigilan si Prin. Si Gon ba ang tinutukoy nito? Nagsimula na magbalik-tanaw si Yuna. Dinukot siya ni Gon Peter nang magtungo sila sa Singapore ng Nanay niya para magbakasyon. Dinukot siya ni Gon para iregalo kay Mayu nang hilingin nito sa babae na gusto nitong makausap. Sinabi ni Yuna ang mga alam niya kay Prin. "Hindi ko na alam ang eksakto pang dahilan pero nagkita sila noong nakaraang buwan kasama ako at ang Mama ko." Kumuyom ang dalawang palad niya sa nadinig. She knew exactly why, because Yuna looks like her. Parehas din sila nito ng taas. Pwede siyang masama bilang suspect na nagtanim ng bomba sa mga sasakyan. At ginawa nitong pain ang babaeng nasa harap para makipagtulungan sa demonyitang si Mayu. "Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga pagbomba" tinitigan siya nito sa mata. "...dahil may taksil sa Dark Guards" Natigilan si Prin sa nadinig. Chapter 271 - Lured them Pinagmasdan ni Prin ang babaeng nasa harapan niya. Parehas sila ng mata ng babae na hugis diyamante. Kumikinang. Makinis at maputi ang balat nito na nabahiran na ng mga pasa. Mahaba ang kulay brown na buhok nito na umaabot hanggang bewang. Halatang mas bata rin ito sa kanya ng ilang taon. "Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga pagbomba dahil may taksil sa Dark Guards" Natigilan si Prin sa narinig. Paanong nagkaroon ng taksil sa kanila? Siguradong hindi makakalusot ang bagay na iyon sa Daddy niya o kay Cally. "Sino ang taksil sa Dark Guards?" matalim na tanong niya dito. Hinawakan niya pa sa magkabilang balikat ang babae at inalog-alog ito "S-Si Kai Jang" mahinang sagot nito. Mas lalong naguluhan si Prin. Nagtaas ang kilay niya sa nadinig. At binitawan niya ito bigla. Pwede nitong sabihin ang kahit na sino sa Dark Guards, pero hindi siya naniniwala na si Kai o kahit si Lorenz. Mataas ang respeto ng dalawang lalaki kay Cally. Tatalikuran sila ng buong Dark Guards ngunit hindi ang dalawang lalaki. Kahit pa maging berde ang langit, maging puti ang uwak o maging itim ang tagak. Bigla siyang nagduda sa babae. "M-may pinaplano sila sa buong Dark Guards at kay Cally sa laban sa East China sea kung saan magaganap ang laban ni Mayu at ng Dark Guards..." "...Plano ni Master Gon na lihim na makisali sa laban ng dalawang grupo at gagamitin niya ang binili niyang bomba kay Mayu sa laban na iyon. May plano si Gon Peter na patayin si Cally sa laban." mahabang paliwanag ng babae. Sa sinabi nito, hindi na gumana pa ang utak ni Prin. Tumatak na lang sa isip niya na may plano si Gon Peter na magtago sa dilim at patayin si Cally. Nagkaroon din siya ng paniwala na may alam ang babae dahil alam nito ang nakatakdang laban ni Cally at ng Maria Celeste 1. Ibig sabihin -- may taksil talaga sa grupo nila. Ngunit sino? Si Kai ba? Isang parte ng dibdib niya ay hindi naniniwala na si Kai ang taksil. Sigurado na ginamit lang ng kung sino ang pangalan ni Kai Jang. "H-how did you know all about this?" Natahimik ang babae. "Because I was the one na inutusan ni Gon Peter para ilagay ang bomba sa barko nang harapin ko si Mayu tungkol sa pagkamatay ng nanay ko" "Intensyon ni Gon na gamitin na pain ang barko ng Maria Celeste 1 para ubusin ang Dark Guards sa nalalapit na laban." Natigilan si Prin. Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga kasama niya doon lalong lalo na si Cally at ang Daddy niya. Lalong napatunayan ni Prin ang sinabi nito na may taksil sa grupo. Sigurado si Prin na ang taong ito ang naglabas ng balita sa Daddy niya at kay Cally kung nasaan ang Maria Celeste 1 to lured them. Para sila mismo ang lumapit sa bomba. At nasisigurado rin ni Prin na isa sa mga lider na araw araw nilang kasama sa meeting ang taong iyon. Gusto niyang manuntok sa mga pag-analisa niya. "But I don''t think it''s Kai Jang. Last month, he was in Korea with my friend. How did you know he is Kai Jang?" Nag-isip ang babae. "He just told me and I saw his name on his dog tag" Matagal ng nawawala ang tag ni Kai. Hindi iyon lihim sa kanya dahil si Bella pa nga ang nanghingi ng tulong sa kanya kung paano iyon papalitan. Naisip niya na baka ninakaw ng taong ''taksil'' ang tag noon pa man para isisi sa lalaki ang kasalanan nito. Ngunit sino? Sa dami ng kasama ni Kai araw-araw, mahihirapan siya na malaman kung sino. Kailangan niyang tanggalin ang maskara ng taong ito na nagtatago sa mukha ng kaibigan niya. "Get up! Hihingi ako ng tulong kay Apolo kapalit mo" sabi niya dito. "You''d better call Snake. I don''t want to talk to my Dad" sabi nito. May lungkot sa mga mata nito habang tumatanggi nang sabihin niya na tatawagan niya si Apolo. "Yuna, you must don''t lie to me. You know that I am not an ordinary person." banta niya sa babae. "you must bring me to that place. Kung saan mo nilagay ang bomba. So everything will be according to my plan. Got it?" Ang unang gagawin ni Prin matapos ang pag-uusap nila ni Yuna ay tawagan si Mat-mat na hindi kasama sa misyon sa pagsunod kay Captain Yeo. Kailangan niya rin na ipahanap sa pinsan ni Cally kung sino ang taksil sa grupo. Isa pa, gusto niyang makuha sa lalaki ang eksaktong lokasyon kung nasaan ang grupo ng asawa niya. Sigurado si Prin na kahit hindi kasama si Mat-mat, malaki ang tyansa na may alam ito. Chapter 272 - I will kill myself Tinawagan ni Prin ang cellphone ni Cally para magbigay dito ng warning na may taksil sa Dark Guard. "The customer you are trying to reach isn''t accepting calls at this time" isang mensahe mula sa operator. Sinubukan niyang tawagan si Kai at ang Shogun ngunit parehas na mensahe ang nakuha niya. Hindi niya alam kung blacklisted ba siya pansamantala sa mga telepono ng mga ito para hindi niya ito makausap. Nanggigigil si Prin na ibinalik na lang ang telepono niya sa bulsa bago hinarap muli si Yuna. "I will call your Dad. Remember that he will receive a punishment kung sakali na nagsisinungaling ka sa akin" banta niya dito. "I''m not lying" mariin naman na sabi nito. Ilang segundo na tinitigan ni Prin ang babae bago niya ito sinabihan na ayusin ang sarili dahil aalis sila kung sakali na makahingi siya ng tulong. Tinawagan niya si Mat-mat para magpasundo dito. Hindi naman siya nabigo na makausap ang lalaki matapos lang ang ilang ''ring''. "Ano ''yon mahal na prinsesa?" tanong nito sa kabilang linya. "I need your help. Alam kong alam mo kung saan patungo sila Cally. You should bring me there." Naging seryoso naman si Mat-mat. "Alam ng asawa mo na posible na tawagan mo ako kaya nasabihan niya na ako ahead of time. Huwag na huwag daw kitang dadalhin sa Maria Celeste 1" "Matty, I promise that I will kill myself here kung hindi mo ako dadalhin doon." pagbabanta niya. Gusto nang maiyak ni Prin. Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal na hinatulan ng pagkakakulong sa bahay na iyon. Hindi niya magawa ang gusto niya at sobrang limited ng resources niya. Halatang kinabahan naman ang lalaki sa kabilang linya. "Prin, Cally is just concern about you. You''ve been missing for a couple of years because of your last mission. I understand him kung ayaw niya na maulit ang nangyari noon." "But you have to bring me there Matty. How can you all do this to me? It''s a ploy! Maria celeste 1 is a ploy na ginawa ni Gon Peter. Ah, ano pa ba? Ahh yeah. Someone in the Dark Guard is behind all of this!" Halata naman na natigilan si Mat-mat sa kabilang linya. "What do you mean?" "May traydor sa Dark Guards, Matty¡­" Kinuwento ni Prin ang lahat sa lalaki. Simula sa nang makita niya si Yuna sa tapat ng mansion at kung ano ang mga sinabi nito. "I want you to find who is this traitor. But please, tulungan mo rin ako na makapunta doon. I wanted to help Cally." Rinig niya ang pagbuntong-hininga si Mat-mat sa kabilang linya. "I''m sorry Prin. Hahanapin ko ang kung sino man ang traydor na iyan sa Dark Guards. Aabisuhan ko si Cally at sasabihin ko na may bomba sa barko para makapag-ingat sila pero hindi kita matutulungan sa gusto mo na dalhin doon. Si Christen na mismo ang nagkumpirma na hindi ka pa magaling" "Fine! You don''t want to help me. I''ll find my ways." "Aughhh!" Matapos makausap si Mat-mat ay hindi napigilan ni Prin na umiyak. Napahagulgol siya sa nangyayari. Bakit ang saklap naman yata sa kanya ng pagkakataon ngayon? Gusto niyang intindihin si Cally sa nais nito. Pero paano naman siya? Naiintindihan ba nito na mamamatay siya sa bahay na iyon kung maghihintay lang siya at walang ginagawa? Mamamatay siya sa suspense at pag-aalala sa mga kasama lalo na kay Cally. Gustong niyang sumigaw sa sobrang sama ng loob. Maya-maya, pinilit ni Prin na ayusin ang sarili. Hindi siya maaari na magpatalo sa emosyon niya kaya tinungo niya ang General Hall sa mansyon para maghanap ng ebidensya na magagamit niya at makakapagturo sa kanya kung saan papunta sila Cally. Hindi naman siya nabigo na makuha ang eksaktong lugar. 30.3953¡ã N, 125.9152¡ã E -- Ito ang nakalagay sa white board at nasisiguro ni Prin na iyon ang lugar kung saan niya matatagpuan ang Maria Celeste 1. Sunod na ginawa ni Prin ay magpadala ng email kay Apolo. Sinabi niya sa lalaki na kasama niya ang anak nito na si Yuna. Para ipaalam na rin sa lalaki na kung sakali na niloloko sila ng anak nito ay sigurado na si Apolo ang mananagot. Kumirot ng sobra ang ulo ni Prin na parang may nakabarang bato sa ugat niya. Umupo muna siya para kalmahin ang sarili. Nang makabawi, tinungo ni Prin ang chamber ng mga armas bitbit pa rin ang katana ngunit hinarang siya ng isang guard. "Joo, ano pong gagawin niyo?" napansin nito ang Dark suit niya kaya may ideya na ito na may plano siya na umalis ng mansyon. "I am getting a weapon" "I''m sorry Joo, mahigpit ang utos ng Shi na hindi ka pwedeng umalis." mariin na tanggi nito. Tumiim ang bagang ni Prin sa nadinig. Tinapat niya sa leeg ang hawak na katana. "Let me in, or I will kill myself" matigas na sabi niya. Chapter 273 - The traitor (1) Halata na kinabahan ang guard na nagbabantay sa chamber ng mga armas sa banta ni Prin. Hindi muna ito tuminag sa banta niya at nanlalaban din ang mga mata nito kay Prin. Naghahamon ang mata at halatang seryoso si Prin sa nais niya sa mga oras na iyon hanggang sa makita nito ang pagtulo ng dugo sa leeg niya. Alam nito kung gaano katalas ang katana ni Master Rob na nagmula pa sa Edo Period. Pikit-mata at nakuyom na lang nito ang palad na umusog sa gilid at hinayaan siya nito na pumasok sa loob. Kumuha siya ng apat na patalim, dalawang baril at kung anu-ano pa na magagamit niya sa laban. Walang nagawa ang guard ng chamber na iyon kundi ang humingi ng tulong sa head ng Matsui guards. Matapos mailagay sa bag ang mga kailangan niya. Tinungo niya ang sariling kwarto saka nagpalit ng damit. Kumuha siya ng extra at inilagay sa bag na bitbit niya. Kinalma ni Prin ang sarili at inisip ng mabuti ang gagawin. Umupo muna siya saglit sa isang silya dahil nakaramdam siya ng hilo. Tama ba ang plano niya? Tama ba itong ginagawa niya? Sinubukan niyang tawagan si Cally ngunit tulad ng una, isang operator ang sumagot. Bigla niyang naisip si Ana na kasama ngayon ng Mommy niya at ni Khalid. Tinawagan na muna niya ang kaibigan habang bumabawi ng lakas. "GW8?" sagot nito sa kabilang linya. "Ana, hindi ko alam ang gagawin ko." sabi niya dito. Bahagyang natahimik sa kabilang linya. "Bakit?" "Kailangan kong iligtas si Cally at ang iba pang kasama natin sa Maria Celeste 1." "Ano ang¡­ ibig mong sabihin?" "There is a bomb in Maria Celeste 1 at may plano si Gon Peter na pasabugin iyon sa laban" Muling natahimik ang babae sa kabilang linya. "I''ll go with you" sabi nito matapos makapag-isip sa kabilang linya. "but¡­" "Gusto kong sumama sa iyo, Prin" dagdag pa nito. Nag-isip si Prin, kung tutuusin malaking tulong si Ana sa kanya kaya pumayag siya sa gusto nito. "I can find a boat that we can use. Let''s meet at the city''s port." Mungkahi nito. Pumayag si Prin at nagpasalamat na rin siya dahil mapapabilis ang aksyon niya dahil sa pagtulong ni Ana. Matapos nilang magkasundo sa eksaktong lokasyon kung saan magkikita, iniwan niya ang cellphone doon at sinundo niya si Yuna sa kwarto kung nasaan ito. "Joo¡­" bahid ang pag-aalala sa mukha ng isang maid na nagbabantay dito. Hindi pa rin kasi nila nakakausap si Rob o si Cally. Hindi naman ito pinansin ni Prin. Nagmamadali siya na hinila si Yuna mula sa pagkakahiga sa kama na halatang hindi pa nakakabawi mula sa mahaba nitong paglalakbay para makaalis na sila doon. Inabot niya ang bestida niya dito dahil suot pa rin nito ang marumi nitong bestida na may mga mantsa ng dugo at putik. Nang masiguro na ayos na ang lahat. Tinungo nila ang parking kung saan nakaparada ang mga sasakyan ng Daddy niya at Dark Guards. Napili niya ang big bike na pag-aari ni Rob Matsui. Pinasakay niya sa likod si Yuna saka iyon pinaandar. Pagdating sa gate, sinubukan ng guards na harangin si Prin na sakay ng motor. "Joo, tigil!" naka-formation ang mga ito na hawak ang katana sa gate. Hindi talaga siya lulubayan ng mga ito kaya inatras ni Prin ang motor para kumuha ng pwersa. *brroom brroom* "Kumapit kang mabuti sa akin" utos niya kay Yuna na ginawa naman ng huli. "Joo, parang awa mo na, mahigpit ang utos ng Master na manatili ka dito!" sigaw ng head ng guards. "Ha! Stop calling me your ''Joo'' then!" siya ang anak ni Rob Matsui. Apo ng isang Matsui at nagmamay-ari sa bahay na iyon for God sake! *broom broom* Saka buong pwersa at mabilis na pinaandar ni Prin ang motor. "Open the gate!" tiim ang bagang na sigaw ng head ng guards. Hindi nito itataya ang kaligtasan ng mga guard dahil kilala nila si Prin. Sa pwersa na binigay ng Joo nila, sigurado ito na may plano ang babae na italon sa kanila ang motor at banggain ang gate. Kaya mas pinili na nito ang bagay na walang mapapahamak sa kahit na sino. Tulad ng inaasahan binanga ni Prin ang gate matapos nilang magsitaboy sa gitna. Dahil nabuksan na iyon ng bahagya, hindi naman siya nasaktan o kahit si Yuna na mahigpit ang kapit sa kanya nang banggain niya iyon. Walang nagawa ang lahat ng guards kundi ang subukan muli na tawagan ang Master nila at ipaalam ang pag-alis ni Prin sa mansyon. ===== Sa port¡­ Matyaga na naghihintay sa kanya si Ana sa isang yate na gagamitin nila sa pag-alis. Nakatalikod ito sa gawi nila at nakapamulsa na naghihintay. Inakay niya si Yuna palapit dito dahil kilala niya ang babae kahit nakatalikod. Nang humarap ito, dalawang metro ang layo nila, humigpit ang kapit ni Yuna sa braso niya. "P-prin¡­" usal nito "Hello, medyo matagal na akong naghihintay dito" malamig na sabi ni Ana sa kanila. "P-prin, siya yung sinasabi ko sa''yo. Siya si Kai Jang, ang traydor sa Dark Guards" natatakot na pagbibigay-alam ni Yuna. Chapter 274 - The traitor (2) Matapos makausap ni Mat-mat si Prin. Bumigat ang pakiramdam niya. Hinilot niya ang sentido dahil parang sumakit ang ulo niya sa pag-uusap nila ng asawa ni Cally. "Do you have a problem, Love?" tanong ni Donna na niyakap siya sa likuran. "Tumawag si Prin. May taksil daw sa Dark Guard at ang tinuturo ng witness ay si Kai Jang." Nagtaas ang kilay ni Donna. "That''s impossible." sagot nito. Tumango-tango si Mat-mat. Tulad ni Prin at Donna, hindi rin siya naniniwala na si Kai ang taksil sa grupo. Nagawa nga nitong iwan ang business ng pamilya dahil masyadong loyal ang kaibigan niya bilang pinuno ng Black Guards. Kahit saang angulo niya tingnan malabo na si Kai ang taksil sa grupo. Mabilis siyang nagtrabaho para hanapin ang tao na ito. Kung pagbabasehan ang mga sinabi ni Prin, ang taong hinahanap nila ay kasama nila madalas sa meeting. Alam ang araw ng uwi ni Cally at Prin mula sa UK at ang taong naglabas ng lokasyon kung saan naroon ang Maria Celeste 1. "If I were you, check Ana." sabi ni Donna na nasa tabi niya. Nilingon ni Mat-mat ang nobya niya sa tabi na kanina pa pala siya pinanonood sa trabaho. "Why Ana?" Hindi makapaniwala si Mat-mat dahil close din siya sa babae. "Aside from Lorenz and Leader Kai, siya ang isa pa na malapit sa mag-asawang Cally and Prin. At isa pa, malapit din siya sa iyo. Are you sure na hindi mo niligawan si Ana?" parang nag-aakusa ang paraan ng pagtatanong nito sa kanya. Biglang napangisi si Mat-mat. Hindi niya aaminin kay Donna na alam niyang may gusto sa kanya ang Dark Guard na babae pero hindi niya lang iyon pinapansin dahil wala naman siyang nararamdaman dito at pinilit na balewalain ang kung anumang na pagkagusto nito sa kanya. O mas tamang sabihin na nagpanggap siyang walang alam o nararamdaman. Hindi naman manhid si Mat-mat para hindi iyon mapansin. "Halika nga dito buntis" pinaupo niya saglit si Donna sa binti niya at pinisil ang ilong nito. "Ang cute-cute mo magselos pero gusto kong sabihin sa iyo na wala kang dapat na ipagselos kay Ana dahil wala kaming nakaraan. At gusto kitang purihin sa mga napuna mo, My Love. Totoo nga ang tsismis na mas matalino ang mga buntis lalo na kapag nagseselos" Inirapan naman siya nito. Matapos niyang sabihin iyon, sinimulan niya na imbestigahan si Ana, katulad ng payo ni Donna. Kung tutuusin, swak si Ana sa deskripsyon ni Prin sa tawag nito, hindi niya lang mapaghinalaan ang babae dahil matalik itong kaibigan ni Prin. Sa una, wala siyang makita na kahina-hinala sa babae sa pag-iimbestiga niya hanggang sa makita niya na hindi naman pala ito tumuloy sa UK mula sa Paris kung saan nila ito kasama nang nakaraang buwan. Mabilis siyang nag-run ng mga code para mahanap ang eksaktong lugar kung saan nagpunta ang babae at hindi siya nabigo. Tumuloy si Ana sa Singapore. Napasuntok si Mat-mat sa mesa. Ang kwento ni Prin, sa bansang iyon kinidnap ang anak ni Apolo, parehas ng oras kung kailan ito naroon. At kung iisipin niyang mabuti, pwedeng-pwede na magpakilala si Ana bilang Kai Jang dahil ang pangalan na "Kai" ay gamit ng parehas na babae o lalaki. Mabilis niyang tinawagan si Cally. Hindi naman siya nabigo na makausap ito. "Cally, tumawag sa akin si Prin." "Tumawag din sa akin ang mga tao sa mansyon at umalis daw si Prin ng bahay na may kasamang babae. What is happening?" nag-aalala na sabi ng pinsan niya. "That is Apolo''s daughter. Prin asked for my help but I rejected her. She asked for your location. At dalhin ko daw siya diyan dahil isang ploy ang Maria Celeste 1. There is a bomb in Captain Yeo''s ship at si Gon Peter ang mastermind." Natahimik si Cally sa kabilang linya. "Kung ganoon gagamitin ko ang bomba na iyon para pabagsakin ang Maria Celeste 1 habang hinahanap si Gon Peter!" matatalim ang salita nito. "And¡­ Ana is the traitor" naiinis si Mat-mat sa pagkakabanggit ng pangalan ni Ana. May pinagsamahan din kasi sila ng babae. Kinabahan si Cally sa kabilang linya. "Mat, kasama ngayon ni Ana ang anak ko at ang Mommy ni Prin." halata na nataranta si Cally sa kabilang linya. Saglit na natigilan si Mat-mat. "*sigh* Tatawagan ko si Ana. Wala naman siguro siyang gagawin sa anak mo." Mungkahi ni Mat-mat. "Balitaan mo na lang ako. At gusto ko rin malaman kung nasaan ngayon si Prin. Please locate her phone or her Dark Suit''s GPS" "I will" saad ni Mat-mat saka niya binaba ang cellphone. Mukha ni Donna na nakatakas ang kilay ang sumalubong sa kanya. Mukhang matalas ang utak ng nobya niya at alam nito na gagamit siya ng pogi-power kay Ana para bumigay ang babae. "My love, huwag ka nang malungkot, papangit ang anak natin. Kailangan kong magtrabaho para sa ekonomiya" "Akala ko ba hindi ka binabayaran ni Cally?" "Meron na ngayon, may Hazzard Pay na extra pa, plus Christmas bonus" Chapter 275 - Money and Power Huminto ang motor na minamaneho ni Prin sa tapat ng isang yate sa city''s port tulad ng usapan nila ni Ana. Dumadampi ang hangin mula sa dagat sa pisngi niya at nililipad nito ang mahaba niyang buhok. Matapos ang mahigit isang taon, nakaamoy na naman siya ng tubig-alat. Hindi naman siya nabigo na makita si Ana na nakatalikod paharap sa yate kaya agad niya itong nilapitan kasunod si Yuna. Ilang dipa lang ang layo nila ni Yuna dito nang humarap sa kanila si Ana. "Kanina ko pa kayo hinihintay." malamig na sabi nito sa kanila. Humigpit ang kapit sa kanya ng kasama niyang si Yuna nang makilala ng babae. "P-prin siya si Kai Jang, ang taksil sa Dark Guards" natatakot na sabi nito sa kanya. Natigilan si Prin sa nadinig. Sinuri niya ang mensahe ng kasamang si Yuna at ayaw tanggapin ng utak niya ang sinabi nito. "I-imposible. Baka nagkakamali ka lang." Hindi akalain ni Prin na magpapanggap si Ana bilang Kai Jang. Mas ikinabigla niya nang umismid si Ana. "Tsk tsk! Kahit kailan talaga Prin, tatanga-tanga ka. Gusto ko tuloy magduda kung karapat-dapat kang maging asawa ni Shi Cally." Naging seryoso si Prin matapos niyang marinig ang sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na sasabihan siya ng ganoon ng kaibigan niya sa loob ng mahabang panahon. Ang babaeng sinamahan siya simula pa noon. Ang matalik niyang kaibigan. "Ayos na sana ang lahat e, kaya lang¡­" nanlilisik ang mga mata nito na tumingin kay Yuna. "Hindi ko akalain na makakatakas si Yuna. Dapat talaga pinatay na kita" sabi nito na may halong pananakot. Nagtago sa likuran niya si Yuna. Nabibigla si Prin sa mga pinagsasasabi ng kaibigan niyang si Ana. Parang ibang nilalang ang nasa harapan niya kaya unti-unting nags-sinked in sa utak niya ang lahat. Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan nito. Nakasama niya si Ana simula pa lang fourteen siya, bukod na lang sa mga panahon na nasa poder siya ni Captain Yeo ay wala siyang naiisip na dahilan nito para magtaksil sa kanila. Nag-isip siya ng mabuti habang nakatitig sa kaibigan na hindi niya makilala sa oras na iyon. Kasama ni Kai madalas ang babae simula pa noon kaya hindi na rin nakapagtataka na makuha nito ang gold na dogtag ni MB5. Isa rin si Ana sa grupo na naghahanap sa Maria Celeste 1 at hindi na mahirap sa babae na magbigay ng lugar kung nasaan ang barko. Naisip niya si Cally at ang lahat ng mga kasamahan niya na Dark Guard na babagsak sa kamay ni Ana. Ilang saglit pa, humugot ito ng baril sa bulsa at ganoon din kabilis si Prin na humugot ng armas. Parehas sila ni Ana na may hawak ang parehas nilang kamay na nakatutok sa isa''t-isa. Si Yuna sa tabi ay kinabahan at nasapo ang dibdib sa sobrang takot. Napansin ni Prin ang isang lalaki sa yate na may hawak na armas at pinaputukan niya iyon sa ulo, nahulog ito sa yate. Kasabay ng lalaking nasa likuran, pinaputukan niya rin ito dahil kahina-hinala ang kinikilos nito. Ngumisi si Ana at pumalakpak. "I know kung gaano ka kagaling sa paghawak ng baril pero sasama ka pa rin sa akin. Give me those guns" sabi nito na nagbigay ng utos sa kanya. "I''m not an idiot. Why would I do that?" "Dahil hawak ko ang anak mo at ang Mommy mo. Sapat na dahilan na ba iyon?" Napapikit si Prin. Pikit-mata na inabot niya ang dalawang baril dito. "perfect!" sabi nito saka sinuksok ang mga iyon sa bulsa. Inutusan nito ang isa pang lalaki sa likuran na talian sila ni Yuna. "Ana, we are friends, bakit mo ito ginawa?" malungkot na tanong niya. "Dahil gusto ko ng kapangyarihan. Nangako sakin si Gon Peter na magiging leader ako ng White Guards kung sakali na mapupunta sa kanya ng posisyon ni Cally" sabi nito habang nakangisi. "Pero alam mo na hindi siya mapagkakatiwalaan!" "At kanino ako magtitiwala kay Kai Jang? Na sa loob ng ilang taon walang ginawa kundi utus-utusan ako? Nakakapagod na Prin. I want money, power at lahat ng iyon ay pinangako sa akin ni Gon Peter" "But you are my friend! Kung gusto mo pala na maging lider tulad ni Kai, bakit hindi mo siya talunin sa Battle of Dark guards na ginaganap kada dalawang taon? You know the rule! Alam mo ang dahilan kung bakit nasa posisyon na iyon si Kai sa loob ng ilang taon" Chapter 276 - Dearest friend Lalong sumama ang mukha ni Ana sa sinabi ni Prin. Alam ni Ana ang bagay na iyon. Kada dalawang taon nagaganap ang battle of Dark Guards kung saan magiging pinuno ang mananalo. Kung nais niya na maging leader ng Gray Guards o Black guards o kahit ang Shogun. Kailangan niya na talunin ang tatlong lalaki na kasalukuyan na pinuno ngayon. Sinimulan na itali si Prin at Yuna ng kasamang lalaki ni Ana. Kinuha nito ang bag ni Prin na may mga gamit at armas at sinukbit iyon sa likuran. "Ana, don''t do this. I love you as one of my dearest friends." Nakikiusap na sabi ni Prin sa kaibigan. Hindi siya nito pinansin. Pinasok sila ni Yuna sa yate at parehas na pinasok sa isang kwarto doon. "Saan mo dinala si Khalid at ang Mommy ko?" Tanong muli ni Prin sa kaibigan. Hindi siya nito sinagot. Nagsimulang lumuha si Prin. Hindi niya kakayanin kung sakali na may mangyari sa anak niya at sa Mommy niya. Ang pinakamasakit sa lahat, hindi niya inaasahan na si Ana ang gagawa nito sa kanya. "You will soon meet your husband kaya huwag ka nang umiyak" sabi ng kaibigan niya. Namumula ang mata ni Prin at hindi alam ang gagawin. Gusto niyang lumaban pero nag-aalala siya kung saan nito dinala si Khalid. "Ana¡­ nakikiusap ako sa ''yo. Don''t do this..." sabi niya habang umiiyak. Nagsimula muling sumakit ang ulo ni Prin kaya bahagya siyang napangiwi. Hindi sumagot si Ana at sinara ang pintuan matapos silang papasukin sa loob ng kwarto. May isang maliit na kama ang maliit na kwartong iyon. Umupo si Prin sa kama at niyakap ang sarili. Tila bumalot ang dilim kay Prin matapos siyang iwan ni Ana sa loob. Ayaw niya ng ganoong pakiramdam at wala siyang nagawa kundi ang lumuha. Niyakap siya ni Yuna. "I''m sorry Prin. Hindi kita matulungan at wala akong magawa. Ilang araw na akong mahina" Hinayaan naman ni Prin na yakapin siya nito. Naisip niya na maswerte pa rin siya dahil naroon si Yuna at may balikat siyang naiiyakan. Napahagulgol siya sa nangyayari. Ano ang mangyayari sa kanila ni Cally? Nasaan ang anak niya? Halo-halo ang emosyon niya hanggang sa unti-unting nagdidilim ang paningin niya at nawalan siya ng malay. Samantala, nag-utos na si Ana na paandarin ang yate. Si Gon Peter ang may ari ng yate na iyon at alam niyang nasa paligid lang ang lalaki. Hindi niya rin naman inasahan na kunin nito ang serbisyo niya sa katauhan ni Levan Hung. Mukhang minamanmanan siya nito kahit noon pa kaya nagawa nito na suhulan siya sa terms na nais niya. Kasalukuyan siyang nasa deck at bahagyang namula ang mata niya ng maisip si Prin. She knew that Prin is one of her dearest friends. Kasama niya sa halos kalahati ng buhay niya. May mga bagay siyang nakamit dahil sa pagiging malapit nila ni Prin at talagang nasaktan siya ng sobra ng mahulog ito sa bangin noon. Pero iba na ang kaso ngayon. She wanted more. Nakaupo siya sa isang silya at sinasariwa ang mga ala-ala nila ni Prin at ng mga kasamang Dark Guards habang dumadampi sa kanya ang malamig na hangin sa dagat. Ininda niya ang lamig at hinayaan iyon na manuot sa katauhan niya. Gusto niyang isipin na mali ang ginawa niya pero iyon ang pangarap niya noon pa man. Ilang saglit pa, tumunog ang cellphone niya sa bulsa at nakita na si Mat-mat ang tumatawag. Humugot siya ng malalim na hininga saka sinagot ang tawag nito. Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nila ni Mat-mat. Hindi niya ikakaila na malalim ang pagkakagusto niya sa lalaki at pinangarap niya sa loob ng ilang taon na maging asawa ito. Idagdag pa na mayaman si Mat-mat. Para sa isang katulad niya na nabuhay sa isang mahirap na pamilya, sino ang hindi maghahangad na magkaroon ng mayaman na asawa? Inaasahan niya noon na makukuha niya ang puso ni Mat-mat pero na-inlove ito sa bwisit na si Donna. "Yes?" sagot niya dito sa cellphone. "Ana, where did you bring Prin?" Bungad nito sa kanya. Agad na tumalim ang mata niya sa nadinig. Sigurado siya na nakuha na ng lalaki na siya ang taksil sa grupo. Alam niyang ganoon kagaling si Mat-mat. "Hell." Simpleng sagot niya dito. "Don''t do this. Where did you bring Khalid and Untie Ingrid?" Tanong muli nito Napangiti siya ng simple. Wala siyang gagawin sa dalawa. Natutuwa siya kay Khalid at mabait sa kanya sa loob ng maraming taon ang Mommy ni Prin. Tinuring siyang anak ng babae lalo na ng mga panahon na nawawala ang anak nito. Tinakot niya lang si Prin at ginamit ang dalawa para kusa itong sumama sa kanya at hindi na dumanak pa ang dugo sa pagitan nila ng kaibigan. "Dont worry Mat, I will never do anything bad with Khalid and Untie Ingrid. Sigurado na nakabalik na sila sa mansyon. You can check sa Head Guard if you want." sabi niya sa lalaki. Halata naman na nakahinga ito ng maluwag sa kabilang linya. "Saan mo dadalhin si Prin?" "Sa Maria Celeste 1" ***** (Message from Feibulous) Hello Readers, Alam ko na hindi kaila sa inyo at halata na tinatamad ako na magsulat. As much as I wanted to release a mass, di kaya ng powers ko. Recently, sobrang blangko ng utak ko kaya naman paisa-isa o padala-dalawa ang publish ko. My plan is, tatapusin ko lang ang volume two at magpapahinga muna ako sa loob ng ilang linggo. Plano ko sana sa volume three pa ilabas si Ana since betreyals ang volume 3. Kaya lang, baka magka-umay mode na kayo sa novel ko dahil puro labanan na lang. Gusto ko sana mag-focus na muna sa love story nila sa ikatlong volume at sa dulong-dulo na lang yung huling labanan. Tulad ng plano, baka sa January 2020 ko na po ituloy ang volume three dahil pagod na pagod na po ang utak ko now. Sagad na ang brain cells ni Author Feibulous and I really need a break. Tulad nga ng sabi ng kapwa ko author na si Dear Anjgee, WRITERS BLOCK IS REAL. Di ko ''to malalaman kung hindi dahil sa kanya. Char! Anyway, let''s enjoy ang mga huling chapters ng volume 2. Mga less than 10 na lang siguro lahat. Maiba tayo, it''s my Birthday nga po pala hahaha. DEC 14. Happy Birthday to me at sa mga may birthday rin na katulad ko. ('' '',) Thank you all Readers! (Hugs and Kisses) Chapter 277 - Never be longer friends Kasalukuyang naghahapunan si Captain Yeo at ang asawang si Mayu sa dining hall ng Maria Celeste 1 nang abalahin sila ng mabibigat na yabag. Mainit ang ulo ng kapitan na nilingon ang pintuan. Nakita nila na papalapit si Casper sa kanila. "Anong kailangan mo?" sigaw niya dito. "Narito muli si Kai Jang. May regalo siya sa iyo at sigurado na matutuwa kayo ni Mayu." pagbibigay-alam nito. Matalim ang mga mata ng kapitan at tila sinusuri ang kanyang kanang-kamay kung nagsasabi ba ito ng totoo. "Siguraduhin mo na ikatutuwa ko talaga iyan." Banta ng kapitan. Pinunasan nito ang bibig ng table napkin saka sumunod kay Casper patungo sa deck. Nakataas ang kilay ni Mayu na sumunod sa kanyang asawa. Iniisip niya kung ano na namang klaseng regalo ang matatanggap nila ngayon. Ilang saglit pa, sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang bagong regalo ni Ana o ang nagpakilala sa kanila na Kai Jang. Kasalukuyan na wala pa ring malay si Prin. Nabigla si Captain Yeo nang muling makita ang babae na nakahiga sa bench na gawa sa kahoy at kasalukuyang natutulog katabi ng lumuluhang si Yuna. "Gisingin niyo siya!" utos ni Mayu sa mga kasama. Hindi na nag-atubiling nagsalok si Casper ng isang timbang tubig sa dagat at agad na binuhos iyon sa mukha ni Prin. Lumakas naman ang pag-iyak ni Yuna. Parang nalunod naman si Prin sa tubig-alat at napasinghap. "Hah!" *cough* *cough* Basang-basa ang mukha ni Prin at bahagya niya pang nalasahan ang alat. Hindi pa niya napansin kung saan siya nandoon nang una hanggang sa makita niya ang mga kasamang pirata noon. Nakakuyom ang kamay na dahan-dahan niyang nilingon ang mag-asawang Captain Yeo at Mayu. Bahagya pang nananakit ang katawan niya at ang ulo niya sa mga oras na iyon. Natanong niya ang sarili kung nawalan na naman ba siya ng malay. Napapadalas ang mga oras na nawawalan siya ng malay at hindi niya maiwasan na maisip kung may sakit ba siya. Wala naman siyang makitang emosyon kay Captain Yeo habang nakatitig sa kanya. Matapos ang isang taon, heto na naman siya sa barko na pitong taon niyang sinuka pati na ang pagmumukha ng lalaki. "Ha ha ha! That was the funniest reaction I had seen in my life tsk tsk!" Sabi ni Mayu na may halong pang-iinis sa kanya. Matalim ang tingin na ipinukol ni Prin sa babae. Hindi siya nahirapan na kilalanin si Mayu dahil tulad ng mga naririnig niya, parang nababaliw na ito at swak ang babae sa deskripsyon ng lahat. Nilingon niya sa kabilang side ang kaibigan na si Ana. Mula sa pagmamahal na nararamdaman niya dito ay napalitan na iyon ng galit at pagkasuklam. Totoo nga ang kasabihan na mag-ingat minsan sa matalik na kaibigan dahil sila pa yung madalas na manuklaw sa ''yo na parang ahas. Sa mga oras na iyon ay hindi niya na talaga kilala ang babae. Napansin niya rin na umiiyak si Yuna sa tabi niya dahil sa sobrang takot. "Stop crying¡­" sabi niya dito. Pinilit ni Prin na tumayo kahit may hilo siyang nararamdaman. "Ano ang kailangan niyo sa akin?" Tanong niya para sa lahat. Tahimik si Ana at hindi makatingin sa kanya. Pinilit na iwaksi siya sa isipan nito. "Isang daang milyon" sabi ni Ana sa mag-asawa. Hinihiling ni Ana na bayaran siya ng isang daang milyon kapalit ni Prin. Ngumisi lang si Mayu kay Ana. "I never expect that Prin Matsui could be so worthy" makahulugan na sabi nito at halos pailalim na tiningnan si Prin. "Hmm¡­ kung ganoon, bakit kayo nanghingi ng isang bilyon kapalit niya nang nakaraang taon?" Makahulugan na sagot ni Ana sa babaeng terorista bago sumilay ang ngisi sa labi. Tulad niya, alam niyang pera lang din naman ang hanap ng mag-asawa. Pare-parehas lang sila. "You!" Nangigigil na saad ni Mayu kay Ana. "I''ll pay!" Sabad ni Captain Yeo sa dalawang babae. Sinenyasan nito si Casper. Ilang saglit pa ay may dalang gold bar si Casper at inabot kay Ana. Malapad naman ang pagkakangiti ng huli. Sino bang hindi matutuwa sa isang daang milyon? "Ana¡­" tawag ni Prin sa kaibigan matapos nitong tumalikod. "...sana ay hindi mo ito pagsisihan. Hindi lilipas ang bente kwatro oras at alam kong babawian ka ng mga kasama ko." Banta ni Prin. Sasabihin niya sana ang "mga kasama natin". Pero naisip niya na simula ng dinala siya doon ng kaibigan at maisip na ibalik siya sa kamay ni Captain Yeo ay tuluyan na nitong pinutol ang kung ano man na ugnayan nilang dalawa pati sa mga kasama. Hindi na sumagot pa si Ana. Para makaiwas, mabilis itong naglakad pabalik sa yate na dala at gamit nito para ihatid siya doon. Hinarap siya ni Mayu nang mawala si Ana sa paningin niya. "Dalhin siya sa judgement plank!" Utos nito. Halata na gustong-gusto na siyang tirisin ng babae at halos ayaw nang palipasin pa ang oras na patayin siya. "No! Dalhin siya sa kulungan!" Utos ni Captain Yeo. Tumiim ang bagang ni Mayu at nakipaglabanan ng titig kay Captain Yeo. Matalim ang paningin ng babae habang ang kapitan ay naguguluhan. Ngayon na nakabalik muli si Prin sa poder ng Maria Celeste 1, tila nabagabag niya ang tahimik na naman na mundo ng lalaki. Ngayon na parehas na nasa iisang lugar si Prin at Mayu, hindi na maramdaman ng kapitan ang malalim na pagmamahal nito kay Mayu. "Fine! May bukas pa, mas maganda nga iyon para mas kita ko ang pagkain sa kanya ng mga pating" Si Mayu rin ang nag-give up sa mag-asawa ngunit halata na hindi ito nasisiyahan sa desisyon nito Mabilis naman na hinila ni Casper si Prin papasok sa loob ng barko. Chapter 278 - Princess Ghost Ship (1) Galit si Cally habang papalapit ang barko na may pangalang Princess Ghost Ship sa Maria Celeste 1. Ang sasakyang pandagat na iyon ng Dark Guards ay niregalo ni Aiden Park sa grupo. Halos lahat yata ng galit niya ay maibubuhos niya ngayong gabi. Ginawa niya ang lahat para mailigtas si Prin pero sadyang matigas ang ulo ng asawa niya. He wants to cursed everyone for what is happening. Pati tuloy siya ay nagduda na kung tama ba na iniwan niya ang asawa niya sa Matsui Mansion. Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa apat na monitor na may tig-70 inches ang sukat na pinagtabi-tabi. Titig na titig siya sa dalawang berdeng kumukurap-kurap. Iyon ang tanda ng Maria Celeste 1 at ng barko nila. Ang ibang sasakyan ay naka-marka ng kulay dilaw para hindi sila malito sa kung anong sasakyan ang hahabulin nila. Sa loob ng ilang kilometro, makakamit niya na ang paghihiganti na inaasam niya sa loob ng ilang taon na pagtitimpi niya. Mukhang naipon ng mag-asawang Mayu at Captain Yeo ang galit niya at sobrang nasagad pa ngayong araw dahil hawak ni Ana ang asawa niya -- Ang traydor sa grupo. Nakatakda si Lorenz na maging bantay ni Cally sa misyon na iyon kaya naman naroon lang siya sa tabi ni Cally at walang planong iwan ang master nila. Alam ni Lorenz na iba ang mood ni Cally sa mga oras na iyon. Kinakabahan siya sa mga akto ni Cally na parang bulkan na sasabog anumang oras. Halos bumaba ang temperatura sa loob ng monitoring room kung saan binabantayan nila ang galaw ng kalaban dahil sa init ng ulo ni Cally. Ramdam ng mga tao sa kwarto ang pressure. Matalim at titig na titig ang master nila sa monitor na nasa loob ng monitoring room ng barko. Ilang saglit pa, pinutol ni Tom ang atensyon niya sa monitor ng sumigaw ito. "Shi Cally, nakita ko na si Gon Peter! Nakasakay siya sa isang cruise ship na malapit sa east west, ilang kilometro ang layo sa Maria Celeste 1. Ang nakapagtataka nasa paligid lang din ang yate niya." pagbibigay-alam nito. "Bakit nasa cruise ship siya kung nasa paligid lang ang yate?" tanong ni Lorenz at tinungo nito si Tom na nasa isang table para silipin ang screen ng laptop nito. Tulad ng sabi ni Tom, na-capture si Gon Peter sa CCTV ng cruise ship at naganap lang iyon bente minutos ang nakaraan. Kasama nito si Levan Hung kaya sigurado sila na ang lalaki talaga iyon. Hindi nagsalita o nagkomento si Cally sa nadinig pero sigurado siya na ang rason ay para linlangin sila dahil gusto nito na makita na lulubog sila kasabay ng Maria Celeste 1. Ha! Sigurado na mas malilinlang ang kawawang si Gon Peter sa plano niya. May plano siya na lagyan na ng ekis ang mukha nito sa gabi na iyon. Ilang tao na ang mga naghirap dahil sa lalaki. Kahit ang kaibigan niya na si Bea na walang kamalay-malay ay dumanas sa lupit nito. Ang Shogun, ang pagkawala ni Prin sa loob ng ilang taon at marami pa. And this time is a payback time. "Magsihanda ang lahat!" sigaw ni Lorenz sa mic kung saan nakakonektado ang bagay na iyon sa lahat ng bluetooth headset ng Dark Guards. Tinawag nito ang atensyon ni Kai. "MB5, nasa cruise ship si Gon Peter. Maghanda ka na." pagbibigay-alam ni Lorenz kay Kai na kasalukuyan na nasa deck at hawak ang binoculars para suriin ang cruise ship. "copy" sagot ni Kai. ==== Nakaupo si Ana sa tanning bed ng yate at tinititigan ang mga kislap ng bituin. Madilim ang paligid at tanging alon lang ang nadidinig niya. Ilang minuto pa lang nang iwan niya ang kaibigan na si Prin sa kamay ng mag-asawang Mayu at Captain Yeo. Hindi niya maramdaman ang pagka-guilty o kaya naman ay ang kasiyahan sa isang daang milyon na makuluha niya. Inaliw niya na lang ang sarili sa panonood ng nagkikislapan na bituin. Nabigla na lang siya nang may tumutok sa kanyang liwanag. Mula sa dilim ay kailangan pa niyang mag-adjust sa sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa kung saan. Tinakpan niya ang mukha ng braso dahil nasilaw talaga siya at hinayaan na kilalanin ang nagmamay-ari ng maliwanag na ilaw. Buong yate yata ay tinutukan ng bagay na ito ng liwanag. Habang nakatakip ng kamay ang mukha niya at pinakikiramdaman ang nagmamay-ari ng maliwanag na ilaw, lumagabog na lang ang nasa gilid niya at nanlaki ang mga mata nang makita na nagilitan na ng leeg ang dalawang kasama niyang tauhan ni Gon Peter. Nakarinig din siya ng putok ng baril mula sa manibela ng yate na ''yon. ''Anong nangyari?'' Nang makabawi ang mata niya sa sobrang liwanag, doon niya lang nakita ang napakalaking barko sa tabi na hindi niya alam kung saan nanggaling. Nanlaki ang mata ni Ana. Para itong multo na bigla na lang sumulpot sa tabi ng yate kung saan siya naroon. Mas ikinabigla niya ang pagtalon ni Lorenz mula sa deck ng malaking barko na iyon. Sigurado na naroon ito para bawian siya dahil alam na nito ang ginawa niya mula kay Mat-mat. Alam niyang hindi niya kaya si Lorenz pero hindi naman siya papayag na basta magpatalo rito. Naghanap siya ng pwedeng pagtaguan. Ginilid niya ang tanning bed at nagtago doon mula kay Lorenz, saka hinagisan ang lalaki ng patalim. "Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon Ana?" mayabang na sabi ni Lorenz na sinalo lang ang patalim na hinagis dito ng babae. Chapter 279 - Princess Ghost Ship (2) [Feibulous :Warning! Marahas content] Ang naging stratehiya ni Cally ay patayin ang lahat ng ilaw ng Princess Ghost ship. Tulad ng pangalan nito, para itong multo na hindi nakikita at tanging mga ilaw sa loob lang ng barko ang maliwanag ngunit madilim ang kabuuan nito sa labas. Bukod sa pulang signal nito na umiilaw sa tuktok ng barko ay wala nang iba pang liwanag ang ibinibigay nito sa iba pa. Isang trick para hindi sila makita ni Gon o ni Captain Yeo habang pasulong sila sa sasakyan nito. Bumagal ang pagsulong ng barko nila habang papalapit sa yate ni Gon. Tumayo si Cally mula sa kinauupuan nang makita na ilang kilometro na lang at makakasalubong na nila ang yate na pag-aari ni Gon Peter. Nilapitan siya ni Rob at tinapik nito ang balikat niya. Sa mga oras na iyon lang yata nagbago ang mood niya habang nakatingin sa mata ng ikalawa niyang ama. Ngumiti siya ng simple. "I trust you, Cally." sabi nito. Tumango lang siya pagkatapos ay lumabas ng monitoring room. Nakasunod naman si Lorenz at isa pang Dark Guard kay Cally. Hinayaan nila si Rob na magmando at magtrabaho sa monitoring room. May ideya si Cally na naroon si Ana dahil nasa cruise ship si Gon Peter ngunit hindi siya sigurado kung naroon din sa yate si Prin. Sakto lang ang liwanag sa hallway habang naglalakad siya hanggang sa buksan niya ang pintuan papalabas sa deck at sinalubong sila ng dilim ng gabi kasabay ng lamig ng hangin. Sinalubong sila ni Joen at ng dalawa pang Dark Guard. Pinatungan siya ng itim na coat ng isa sa mga ito at tinungo ang pinakadulong bahagi ng deck kung saan mas kita niya kung paano dudurugin ang yate ni Gon Peter. "Be ready!" utos ni Lorenz. Matalim ang mga mata ni Cally habang nakatingin sa papalapit na yate. Ilang saglit pa, hindi niya napigilan na umismid nang makita si Ana na nakahiga sa tanning bed at tila ninanamnam ang hangin ng dagat. Tinaas ni Lorenz ang kamay biglang signal. Hinanda ng Dark Guard na kasama nila ang riffle nito at tinutok iyon sa kapitan ng yate. Si Joen at ang dalawa pang kasama nito ay nakaposisyon na para tumalon sa yate mula sa deck. Nang tumabi ang barko nila sa yate kung saan naroon si Ana ay nagbigay ng signal si Lorenz. "Go!" Sabay-sabay na kumilos ang lahat kasabay ng pagbukas ng sampung spotlight ng Princess Ghost Ship at lahat ay nakatutok sa yate. Tumalon mula sa barko ang tatlong Dark Guard kung saan kabilang si Joen. Parang hangin na kumilos ang mga kasama niya sa sobrang bilis. Nilabas ang mga patalim at ginilitan agad sa leeg ang dalawang lalaki na kasama ni Ana na nag-iikot-ikot. Parang kandila na naupos na biglang bumagsak ang mga ito sa sahig. Matapos sumirit ng dugo sa leeg ng mga ito, pinasok pa nila ang loob ng yate para hanapin si Prin. Hahayaan nila si Ana sa Shogun para ang lalaki ang magparusa dito tulad ng nakasanayan ng mga Dark Guards. Nakita nila na tinakpan ni Ana ang mukha nito dahil sa sobrang silaw sa sampung maliliwanag na spotlight na nakatutok dito. Sumenyas si Cally na naging hudyat para tumalon si Lorenz mula sa deck. Halatang nagulat ang babae na makita siya doon kaya nagtago ito sa likod puting tanning bed. Napangisi si Lorenz. Bumalot sa katauhan niya ang pagiging Leader at tuturuan niya talaga ng leksyon ang babae. Kung tutuusin, nasaktan din siya na nagtraydor ang madalas nilang kasama at tinuring na kaibigan. Lalo pang lumapad ang pagkakangisi niya nang hagisan siya ni Ana ng patalim ng Dark Guards. Sinalo lang ni Lorenz ang patalim na iyon ng kamay niya kahit pa bahagya siyang nasugatan. Talagang sinusubukan siya ng babaeng ito. "Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon, Ana!" Hindi na niya nagawang tawagin ito sa code nitong GW10 dahil hindi na nito deserved ang code ng Dark Guards. *bang bang* Pinaputukan siya nito ng baril. Gamit ang isang katana na nasa likuran niya, mabilis niyang hinugot ang bagay na iyon para magawa niyang salagin ang mga bala. Naglabas siya ng tatlong shuriken at hinagis dito, nailagan din naman nito ang bagay na iyon. "Hah!!!!!" Hiyaw ni Ana saka tinalon ang Shogun na hawak ang patalim para saksakin siya sa leeg. Mabilis na kumilos naman si Lorenz na tumalon din para harapin ang babae at winasiwas ang espada na hawak dito. Nangigigil na pinutol niya ang kamay ng babae na may hawak na patalim. "Ahhhh!!!" Hiyaw ni Ana. Nang makalapag ang mga paa ni Lorenz sa sahig, walang mabasa sa emosyon niya na pinunasan ang mga bahid ng dugo ng espada kahit nakatalikod pa sa babae. "Ahhhhhh!!!" Nagkikiskis ang mga ngipin ng dalaga dahil sa magkahalong sakit at galit sa pagkakaputol ng kamay nito. Sino bang Dark Guard ang gugustuhin na mawalan ng kamay? Sa propesyon na mayroon sila, masasabi na buhay nila ang mga binti at mga kamay. Mabilis na binalik ni Lorenz ang katana sa case nito na nakasabit sa likuran niya, matapos na mabilis na malinisan ang bagay na iyon. Halos maiyak si Ana habang nakatitig sa nagdudugo niyang pulsuhan. Katulad ng banta ni Prin, wala pang bente kwatro oras ay sigurado na babawian siya ni Cally Chapter 280 - Im wrong [Feibulous : Warning! Marahas content. Not suitable for minor] Pailalim na tiningnan ni Lorenz si Ana. Namimilipit sa sakit ang babae habang hawak nito ang braso na naputulan. Hindi na nga nito mahanap ang kamay na natanggal at naisip na baka tumalsik iyon sa dagat. "I can''t believe of all people na ikaw pa ang lilitaw na taksil sa grupo. Where is Prin?" sabi ng Shogun sa babae. Hindi ito sumagot pero bumalot ang takot sa mukha nito. Mas dumoble ang takot sa mukha ni Ana nang makita si Cally na papalapit sa kanya matapos din nitong tumalon mula sa malaking barko. Wala siyang mabasang emosyon sa tinuring niyang Shi sa loob ng mahabang panahon at alam niya na mas nakakatakot ito kapag ganoon ang anyo nito. Kasabay ni Cally na lumabas din ng deck si Joen msa loob ng yate. "Shogun, wala dito si GW8." pagbibigay-alam nito. Mas tumalim ang mga mata ni Cally sa nadinig. Umupo siya sa tanning bed na ginamit ng babae ilang minuto ang nakaraan saka inutusan ang mga kasama niya. "Baliin isa-isa ang mga daliri niya sa kabilang kamay!" malamig na utos ni Cally. He will slowly torture Ana at hindi niya tatapusin ang paghihirap nito sa araw na iyon. Ito na yata ang pinakamalupit na parusa na mararanasan ng isang Dark Guard sa mga kamay niya. Nanlaki ang mata ng babae sa utos ni Cally at dumoble ang takot niya lalo na nang humakbang papalapit ang apat na Dark Guards sa kanya kabilang ang Shogun. Sinubukan nitong lumayo at tumakas ngunit nahuli na ng Shugon ang balikat ng babae. Bahagyang nakangisi si Lorenz. Si Joen ay pikit-mata sa gagawin. Gusto niyang maawa sa babae dahil may malalim na pinagsamahan sila nito. Tinuring niya rin na kapatid si Ana. Pero nabuhay sila na hindi dapat makaramdam ng awa lalo na kung ang pagbabasehan ay utos mula sa master nila. Alam ni Ana ang sinumpaan nito at hindi dapat makaramdam ng ganid ang isang Dark Guard. Hindi nga ba at ito ang unang karakter na pinaintindi sa kanila noong trainees pa lang sila? Ito ang naging dahilan noon kung bakit pinaalis sa training si Levan Hung. Kaya hindi niya maintindihan ang babae. Sa loob ng mahabang panahon, lahat sila ay namuhay sa paniniwala na lahat ay nakukuha sa abilidad. Hinawakan ni Joen at dalawa pang kasama nila ang magkabilang braso at binti ni Ana para pigilin. Nagsimulang lumuha ang babae lalo na nang hawakan ng Shogun ang isang daliri niya para baliin. "Sayang naman kung isa ng braso mo lang ang hindi gumagana kaya lahatin na natin." nakakalokong sabi dito ng Shogun "Sh-shogun, please spare my life¡­ I did wrong! I know I did something wrong! Please stop! Ahhhh!!!!" napapikit na lang ito dahil sa sakit na ginawa ng Shogun. Idagdag pa na patuloy sa pagtulo ng dugo ang kabila nitong braso. Narinig na lang ang pag-crack ng buto niya sa kamay. Lumapit si Cally sa grupo. "Where is Prin?" tanong ni Cally sa babae sa katamtaman na boses. "sh-sh-shi¡­. P-please stop¡­ I gave her to Captain Yeo¡­ I-I did wrong¡­ Please stop Shogun¡­" umiiyak na pakiusap nito. Sumenyas lang si Cally na ituloy ang pagbali sa ikalawang daliri ni Ana. "Haaaahhhh!!!" narinig na naman ang paghiyaw ng babae. Halos mahilo na ito sa estado nito. Nagsisimula nang mamutla ang babae sa dami ng dugong nawala dito. Pati sa matinding sakit matapos mabali ang mga daliri niya. Hinayaan siyang malugmok ng mga kasama sa sahig na parang lantang gulay. Huminga ng malalim si Cally nag-iisip siya ng susunod na hakbang. Biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakita niya na si Mat-mat ang tumatawag kaya sinagot niya iyon. "Cally, Si Prin kailangan mong magdali. We only have 30 minutes para makaalis siya sa barko ng Maria Celeste 1." sabi nito. Nilingon niya ang lugar ng barko na binanggit nito. Maliit iyon sa paningin niya pero ok na iyon dahil mas malapit na siya sa lugar kaysa wala siyang nasisilayan. "Gon activated the bomb. Hawak na ni Kai si Levan pero tumalon sa dagat si Gon Peter matapos nitong i-activate ang bomba." nakakuyom ang kamao na nilapitan niya ang babae na parang wala ng buhay "Saan naroon ang bomba?" tanong ni Cally kay Ana. "Sa... kitchen..." nanghihinang sagot nito. "Remember my face, Ana. Kapag may nangyari na hindi ko nagustuhan sa asawa ko, kahit sa impyerno ay susundan kita..." "Everyone! To Captain Yeo''s ship!" sigaw ni Cally. Chapter 281 - To capture Gon Peter (1) Matapos matanggap ni Kai ang utos na puntahan ang cruise ship na nasa paligid lang din. Kasama ang lima pang Dark Guards ay tumuloy sila patungo sa mamahalin na barko na iyon. Sumakay sila ng helicopter na nakaparada lang doon sa malawak na deck ng Princess Ghost ship. Habang nasa himpapawid, nanghingi sila ng pahintulot sa kapitan ng cruise na magla-land sila sa ibabaw ng deck nito. Pinayagan naman sila nito nang makilala nito ang may-ari ng helicopter. Sinalubong pa sila ng kapitan sa deck nang makalapag sila sa cruise ship. "I''m Kai Jang" pagpapakilala niya dito. "I know you Second Young Master or Leader Kai. I am Doc Mikko''s friend." "Oh! Good to hear. Hinahanap namin si Gon Peter, kung matutulungan mo kami ay mas maganda." Seryoso lang ang kapitan na yumuko sa kanya. "Patawarin mo ko Leader Kai, I don''t want to offend anyone. I can let you search the whole ship but I can''t say where exactly is Gon Peter." Naiintindihan naman ni Kai ang ibig nitong sabihin. Malaking bagay na ang pagpayag nito na maghanap sila sa cruise nito. Alam naman nila ang eksaktong kwarto ni Gon Peter kaya siguradong hindi na siya mahihirapan kahit hindi pa sabihin sa kanya kung nasaan ang lalaki. "Walang problema." sinenyasan niya ang mga kasama para tumuloy sila sa loob ng malaking cruise. Nasa ika-apat na palapag ang grupo ni Gon kaya doon sila tutungo mula sa deck. "Tom, where is Gon idiot?" tanong niya sa kasama gamit ang radyo na koneksyon nila sa Princess Ghost ship. "Nasa kwarto pa din dahil nakikita ko si Levan na nagbabantay sa labas." sagot nito. Hinarap niya ang limang kasama. Tinuro niya ang tatlo sa mga ito. "Doon kayo sa east-fire exit. Kayong dalawa sumunod kayo sa akin. Sa 4th floor tayo magkita-kita." Tumango lang ang mga ito saka tinungo ang lugar na mga nakatoka dito. Sabay-sabay silang nagsipagtakbuhan patungo sa floor kung saan naroon si Gon Peter. Sigurado si Kai na minamanmanan nito ang barko ng Maria Celeste 1 kaya nananatili ito sa kwarto nito. "Kai, lumabas si Gon ng kwarto!" narinig niyang sabi ni Tom sa radyo. "...Hindi ko alam kung saan siya patungo pero binitbit niya na ang personal niyang gamit." dagdag nito. Nataranta naman si Kai sa sinabi nito kaya napabilis siya ng hakbang sa mga baitang ng hagdanan. "Faster guys!" sigaw niya sa mga kasama sa bluetooth earpiece na koneksyon niya sa mga Dark Guard sa cruise ship na iyon. Hindi niya hahayaan na makaalis ang kumag na si Gon Peter sa paningin niya ngayong gabi. Sakto naman ang paglabas nila sa fire exit sa ika-apat na palapag. Naglalakad si Gon at Levan na may kasamang limang guard din nito sa pinakagitna ng hallway. Halatang nagulat ang mga ito sa biglaan nilang pagsulpot sa hallway. Sumilay ang pagkakangisi ni Kai sa mga labi at agad na tinakbo ang grupo ni Gon. Nagpaputok ng baril ang mga ito sa kanila habang umaatras patungo sa elevator. "Mauna ka na Master!" sigaw ni Levan. Agad naman na tumalikod si Gon Peter patungo sa elevator na ilang metro lang ang layo mula dito na bitbit ang mga personal nitong gamit, kasunod ang dalawa pang Guard nito. Umismid lang si Kai habang sinasalag ang mga bala gamit ang isang katana na bitbit niya. Naisip niya na kung si Cally iyon ay siguradong hindi ito basta tatalikod na lang para iwan ang kahit na sinong Dark Guards para lang iligtas ang sarili nito. Ibang-iba dito kay Gon Peter na parang umuurong ang buntot sa takot nang makita siya. Hinugot ni Kai ang radyo niya para bigyan ng signal si Tom "patayin mo ang elevator ng cruise." Matapos iyon ay nagpatuloy sa pagtakbo si Kai, ganoon din naman ang dalawa pang kasama niya patungo sa mga taong kailangan nila. Hindi niya hahayaan na makaligtas sa paningin niya si Gon Peter, ito ang misyon niya sa gabing iyon. "Hahhhh!!" hinugot ni Levan ang espada nito para harapin si Kai. Ganon din ang dalawa pang kasama nito saka sila sabay-sabay na hinarap. Si Kai laban kay Levan Hung at ganoon din ang dalawa pa nilang kasama Winasiwas nito ang espada para patamaan si Kai at ganoon din naman siya sa lalaki. Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na suntukin ito sa mukha. Napansin niya si Gon na naiinip na sa elevator, humugot ito ng baril at pinaputukan sila nito habang tinutungo ang east-fire exit. Chapter 282 - To capture Gon Peter (2) Nagpalitan si Kai at Levan ng espada. Parang walang gusto na magpatalo sa kanila. Aminado si Kai na malakas talaga si Levan base sa mga sagot nito sa tira niya. "excited na ''kong patayin ka!" sabi nito sa kanya. "Kung ganoon, goodluck!" saka niya inabante pa ang katana patungo sa leeg nito. Nakaiwas si Levan. Tinuhod naman nito si Kai sa binti dahilan para mapaatras siya saka nito hinampas din ang espada na hawak. Nang magkaroon ng tsansa, nangigigil na hinila niya ang buhok ni Levan saka inuntog iyon sa pader. Habang ginagawa iyon, napansin niya sa gilid ng mata niya na naiinip na si Gon Peter sa paghintay sa elevator at pinaputukan sila nito ng hawak nitong beretta (isang uri ng baril). Mukhang nagtagumpay si Tom na hindi magamit ang elevator Sinalag niya ang katawan ni Levan sa mga bala kaya tumama sa balikat nito ang isa. *bang bang* kita ang pagkabukas ng puting kasuotan nito sa balikat. "Tsch!!!" Levan hissed. Lalo na''t kita ang pulang dugo na dumaloy sa puting kasuotan nito. "Don''t wear white next time. It''s ugly!" pang-aasar ni Kai sa lalaki. Natalo rin naman ng dalawang Dark Guard ang mga kalaban nito na tauhan ni Gon Peter at kasalukuyan ng nakabulagta sa sahig na halatang wala ng buhay. Napansin ni Kai na tinungo ni Gon ang east-fire exit kaya pinasa niya si Levan sa dalawa. "Bantayan niyo ang isang ito. Dalhin niyo siya sa deck. Susundan ko si Gon." "Copy Leader MB5!" sagot ng dalawa. Tinitigan lang ni Kai ng pailalim si Levan saka sinundan si Gon Peter na nakalabas na sa kabilang fire exit. Mabilis ang mga hakbang na sinundan niya ang lalaki. Sinalubong ang grupo ni Gon ng tatlong Dark Guards na kasalukuyang nasa east-fire exit. Nagkikiskis ng mga ngipin na nagpaputok muli si Gon ng beretta na nakatutok sa mga kasama niya. *bang bang* "Mga bwisit kayong Dark Guards Kayo!" Hinagisan naman ito ng shuriken ng kasama niya ngunit ginamit ni Gon ang dala nitong gamit para salagin ang star na may matutulis at matalim na bakal. Matapos iyon ay sinipa nito ang isang Dark Guard ng ubod lakas. Ang dalawang kasama nito ay kasalukuyan din na nakikipaglaban sa kapwa niya Dark Guard. Tumilapon sa pader ang Dark Guard na iyon dahilan para makalusot si Gon papa-akyat. "Ako na ang bahala, MB12. Tapusin niyo ang dalawang iyan!" utos niya dito. Mabilis ang pag-akyat nila ni Gon sa deck ng cruise na halatang naghahabulan. Pinaputukan muli siya nito ng bala sa ibaba dahil siya ang humahabol dito. Gumilid naman si Kai para hindi siya matamaan. Hanggang sa makalabas sila sa deck. Parang inaalon-alon din ang ginintuang buhok nito dahil sa hangin ng dagat. Matalim ang pagkakatitig ni Kai kay Gon. "Lumayo ka!" nilabas nito ang isang maliit na bagay na kasing laki ng maliit cellphone at itinaas iyon at akmang pipindutin. "Ito ang remote ng bomba na nasa Maria Celeste 1" Naglakad ito paatras sa pinakadulo ng deck. Sumusulong naman si Kai palapit kay Gon habang nakahanda ang katana niya para saktan ito anumang oras. Napipikon na siya sa lalaki gusto na niyang pugutin ang ulo nito at ipakain sa pating. "I must admit Leader MB5 that you did great." tumawa ito ng malakas. "But what will you do if I did something to your little kitten?" Lalong sumama ang mukha ni Kai. This guy dares to do something with his girls? In your dreams. Ha! Mukhang ayaw na talaga nitong mabuhay. Wala siyang pakialam kahit sumali pa siya sa war ng pamilya Kent at Peters pero wala ni isa ang magtatangka na gumawa ng masama kay Bella o Angel. "Hah!!!" galit na tinalon ni Kai si Gon at parang slo-motion na pinutol niya ang kamay nito na nakataas at nakahawak sa remote. Hinampas niya ang katana pakaliwa, saka at dahan-dahan na nilipad ang kamay nito na hawak ang remote patungo sa sahig. "Shiiit! F.u.c.k you Kai Jang! This is not the last day I will see you! You better help Prin in Captain Yeo''s ship! You have 30 minutes." galit na sabi nito saka tumalon sa dagat. "F*ck!" pinilit pa niyang habulin ang lalaki ngunit nawala na ito sa paningin niya. Nangigigil na nasuntok na lang niya ang bakal na sumusuporta sa deck Nilapitan niya ang kamay nito na hawak ang tila isang remote. Nabigla si Kai nang makita ang mga nakasulat doon. Nagc-countdown na ang mga numero nito. Tulad ng banta ni Gon, mayroon silang 30 minutes para iligtas si Prin na kasalukuyan na nasa barko ni Captain Yeo. Kinuha niya ang radyo "Tom, call Shi! Kailangan natin bawiin si GW8 sa loob ng 30 minutes!" Chapter 283 - New Friend Nasa loob ng isang kulungan ng Maria Celeste 1 si Prin at Yuna. Wala kahit isang gamit ang makikita sa loob ng kwarto kaya parehas silang nakasalampak lang sa sahig. Tahimik na lumuluha si Yuna sa tabi. Kasalukuyan namang nanghihina si Prin. "Can you tell me about yourself, Yuna?" tanong niya dito. Naisip niya kasi na iligaw ang malungkot nitong anyo. Tutal naman ay hindi niya pa lubusang nakikilala ang babae kaya naisip niyang kausapin ito. Halata ni Prin na na-trauma talaga ito sa mga nangyari sa nakalipas na araw. Tumingin ito sa kisame at tila nagbalik-tanaw sa buhay nito. "I never had a good life in the past." simula nito. "... My Dad never loved my Mommy, but my Mom loved him since the first time they met." Natahimik si Prin. Everyone in the family knew that Apolo loves Ginny Lopez, her mother-in-law. Nagawa pa nga ni Apolo na dukutin ang Mommy ni Cally noong kabataan ng mga ito. At alam niya na hindi rin ito kaila kay Yuna. Vocal kasi ang lalaki sa nararamdaman nito at hindi nahihiya na ipakita ang pag-ibig nito kay Ginny Lopez kahit pa sa harapan ng Daddy ni Cally na si Cloud Han. "Walang pinakasalan ang Daddy mo sa dalawang babaeng nabuntis niya?" tanong niya dito. Alam din naman kasi ni Prin na may dalawang babae si Apolo. "None. Ang totoo, nangailangan lang siya ng descendants but unfortunately parehas kaming babae ni Mari." sumama ang mukha nito nang banggitin ang pangalan ng kapatid. "...My sister and her mom are both witches. We lived together in one villa na nasa India. Hati dapat ang lahat sa aming dalawa sa loob ng villa na iyon pero inaangkin nilang mag-nanay ang para sa amin ng Mommy ko. My life is like a modern Cinderella with a step-sister and an evil step-mother" "Paano mo nalaman ang mansyon ng Matsui? Saka paano ka nakatakas kay Ana?" naisip niyang itanong dito. "She kept me in a van for a couple of days na naroon lang sa area¡­ nang magkaroon ng tsansa, tumakas ako sa isa sa mga guard na kasama niya. Sa loob ng ilang araw hindi nila ako pinakain o pinainom ng tubig" nagsimula na naman na lumuha ito. "w-where is your Mom?" naisip niyang ibahin ang usapan, ngunit lalong sumama ang loob nito at mas dumami pa ang daloy ng luha sa mga mata. "My mom died last month nang panahon ng pagsabog. Mayu Killed her" Parang kumirot ang dibdib ni Prin sa sinabi nito. Kahit nanghihina, nilapitan niya ang babae at niyakap ito. Naisip niya ang Mommy niya. Kung ang Mommy niya ang nalagay sa alanganin sigurado si Prin na hindi na lilipasan ng araw si Mayu. Naisip niya na napakasama talaga ng babaeng iyon. "Don''t worry, you still have your Dad" Naipaalam niya na sa grupo ni Apolo na sunduin si Yuna. Hindi niya lang alam kung nasaan na ang grupo nito. Biglang pumasok sa isip niya si Cally, ang anak niyang si Khalid at ang magulang niya. Parang may patalim na tumatarak sa dibdib niya matapos maisip na iiwanan niya na naman muli ang mga ito. "Yuna, kung sakaling mamatay ako dito, pwede mo bang ipangako sa akin na babantayan mo ang baby boy ko?" Halatang nabigla ito sa sinabi niya "Bakit?" Natahimik si Prin. "Nothing¡­ Do you have a boyfriend?" "Yes, he is from Smith Family¡­ unfortunately, his family doesn''t like me dahil anak ako sa labas" Kilala ni Prin ang pamilya ng Smith. Isa ang pamilya nito sa pitong pamilya ng Dark Lords. Nasa UK lang din nakabase ang pamilya nito pero hindi masyadong active sa organisasyon. Casino naman ang forte ng pamilya ng Smith. "How''s your relationship with him?" Bago pa ito sumagot ay nagkakagulo na ang mga tao sa barko ni Captain Yeo. nakarinig sila ng mga papalapit na yabag "Tumayo kayo diyan!" utos sa kanila ni Casper. Nakasunod dito si Mayu na matatalim ang tingin na pinupukol kay Prin. "Buksan ang gate!" utos ng babae dito. Nanginginig sa takot si Yuna habang nakayakap sa kanya. Matapos mabuksan ang gate na bakal, hinila ng mga ito ang dalaga mula sa kanya at pinasa kay Mayu. Hinawakan siya ni Casper para ilabas sa kulungan. Sinimulan siya nitong hilahin habang naglalakad sila sa pasilyo. May mga naririnig siyang mga hiyaw sa deck. Naisip niya na baka nandiyan na ang asawa niya dahil nakatakda naman talaga na harapin nito ang barko na iyon. Pinilit niyang hugutin ang lahat ng natitirang lakas, hinugot ni Prin ang patalim mula sa kamay ni Casper at sinaksak ang lalaki sa leeg. Tinalon naman niya ang isa pang kasama nito at binali ang leeg nito. Nabigla si Mayu sa bilis ng pagkilos ni Prin. Tinutukan nito si Yuna ng patalim sa leeg. "Don''t you dare, Prin Matsui" Naglakad ito paatras at hinihila si Yuna habang nakatutok dito ang patalim. Nanlilisik ang mata ni Prin habang nakatingin sa babae lalo na at nakikita niya na lumuluha si Yuna. Natagpuan niya ang bago niyang kaibigan sa katauhan ng babae kahit pa mas bata ito sa kanya ng ilang taon. Naghahanap siya ng tyansa para bawian ang luka-lukang si Mayu hanggang sa makarating sila sa deck. Tumawa lang si Mayu. "Do you know where is Captain Yeo? I killed him" nakangisi pa ito na parang proud sa ginawa nito. "...And It''s all your fault!" namumula ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. "You are crazy!" sigaw ni Prin sa babae. "Ha! I''m always crazy!" sinaksak nito sa kaliwang dibdib si Yuna, malapit sa collarbone. "No!" Sigaw ni Prin. Chapter 284 - Ai Shiteru Yo (I love you) Sinisimulan ni Mat-mat at Tom na pigilin ang bilang ng bomba kasama ni Rob Matsui. Kung wala sana si Prin sa Maria Celeste 1 ay ayos lang sa kanila. Pero naroon ang anak niya at hindi niya hahayaan na maging abo ito at mapabilang sa impyernong barko na iyon kaya lahat ng paraan ay gagawin nila. Si Tom at Rob ang actual na sumusuri sa pisikal na detonator habang si Mat-mat naman ang nakatoka sa koneksyon nito sa bomba na nasa barko. Sigurado si Mat-mat na nakakonekta ang parang tila cellphone na detonator sa linya ng telepono at iyon ang sinisimulan niyang i-hack. Ganoon din naman ang nasa isip ni Rob Binuksan na nila ang case nito at sinusuri ang mga wires. Halos sampung minuto na nilang iniimbestigahan ang bagay na iyon, wala pa silang nakukuhang resulta. Pinutol na nila ang halos kalahati sa mga wire at may mga tinanggal na rin katulad ng antenna nito pero patuloy pa rin iyon sa pagbilang ng countdown. "Uncle Rob, we only have 10 minutes" sabi ni Mat-mat sa kabilang linya. "kailangan natin magmadali kung ganoon... Mat, I trust you." Mabilis ang kilos ng mga daliri ni Mat-mat sa kabilang ibayo ng mundo para putulin ang koneksyon ng detonator sa bomba ===== Samantala, sa barko ni Captain Yeo¡­ Napuno ng galit ang buong anyo ni Prin nang saksakin sa dibdib ang bago niyang kaibigan na si Yuna. Sobra na ang panghihina niya dahil naibuhos niya na ang lahat ng lakas sa dalawang lalaki, ilang minuto ang nakaraan. Kaya hindi niya alam kung paano babawian si Mayu. Nasa paligid ng deck ang mga ilang kasama niyang Dark Guards at nakikipaglaban sa mga pirata na tauhan ni Captain Yeo. "You know why I killed my husband? Because of you! Since nilason mo ang utak niya, I put poison in his wine and told everyone here that you did it" nakangisi na saad nito. Habang napopoot siya na nakatingin kay Mayu, tatlong bomba ang pinasabog ng Princess Ghost ship sa barko ni Captain Yeo. Gumewang-gewang ang barko nito matapos sumabog ang pinaka-bungad ng deck, ang gitnang bahagi at likuran, at nagkapira-piraso sa maliliit na kahoy. Nagsimula na rin ang pag-apoy sa iba''t ibang panig ng barko. Dahil sa malakas na pag-galaw ng barko, tumilapon si Prin sa nakatambak na mga crates ng kahoy at dumausdos siya sa sahig. Lalong nakaramdam ng hilo si Prin at nagsimula na ring kumirot muli ang ulo niya. Ngunit hindi nakaligtas sa kanya na makita na bumaba mula sa malaking barko si Cally. She looked at him habang sapo ang ulo. Tulad ng dati para itong prinsipe na bumaba mula sa langit at naglakad patungo sa kanya. Bahid ang pag-aalala kay Cally na makita si Prin na hindi maayos ang lagay. Namumutla ang labi ng asawa niya. Nagsisimulang mangitim ang mga mata. Wala na sa ayos at gulo-gulo na ang mahaba nitong buhok. What happened to her? Naisip niya. Tumakbo si Cally patungo kay Prin ngunit naunahan siya ni Mayu. Limang metro na lang ang layo niya, di pa siya nakaabot. Hinila nito si Prin mula sa pagkakasalampak at tinutukan ng patalim sa leeg na may bahid ng dugo dahil sa saksak na ginawa nito kay Yuna. Tumalim ang tingin ni Cally dito at kumuyom ang mga kamay niya. "Bitiwan mo ang asawa ko" madiin na utos ni Cally sa normal na taas ng boses. "Ha ha ha¡­ tsk tsk! Pati ba ako ay inuutusan na rin ni Master Cally?" nakangisi na tanong ng babae. Nakatitig naman si Prin sa asawa niya. Nasa lalaki lang ang buong atensyon niya at wala na sa iba pa. Wala siyang pakialam kay Mayu o sa iba pa. Nginitian ni Prin ang asawa niya. She wanted to give her best for Cally because he deserves it but she guess na hanggang dito na lang ang kaya niya. Deep inside her heart ay alam ni Prin na iyon na talaga ang huli. Kumirot ang dibdib ni Prin ng sobra. Gusto niyang manghingi ng tawad dito dahil isang taon lang sila muling nagkasama. Hindi naman ito nabigo sa pagpaparamdam muli nito sa kanya ng pagmamahal. Mabilis na kumalat ang apoy sa paligid. Mula sa dilim ng gabi kitang-kita ang pagkapula ng apoy pati na ang maliliit na alipato, gawa ng kahoy. Gumitna pa ang apoy sa pagitan nila ni Cally na para bang pati tadhana ay nakikiisa na paghiwalayin sila. Mas kita ni Prin ang sinag ng liwanag ng apoy sa pisngi ng asawa niya. Lumapit si Lorenz at tumabi kay Cally na nakaporma ang hawak nitong espada. "Shi¡­ We only have two minutes" bulong ni Lorenz. Nabasa ni Prin ang galaw ng labi ng Shogun kahit pa hindi niya ito nadinig. Napapikit si Cally sa nadinig. Tinitigan niya si Prin, nagsimulang mamasa ng mga mata niya at manikip ang dibdib niya habang nakatitig sa mga mata nito kahit sa ilang metrong distansya. Bakit pakiramdam niya ay mauulit sa kanila ni Prin ang nangyari noon? Katulad lang ba o mas malala pa noon? The look in her eyes is telling him na huwag na itong iligtas pa. Nagbabadya na ng pamamaalam. Naninikip ang dibdib ni Cally. Tila hinihipnotismo siya ng asawa na huwag na itong iligtas pa. "Ai. Shi.te.ru. yo¡­" galaw ng labi ni Prin. Hindi naman nahirapan si Cally na mabasa iyon kaya hindi niya napigilan ang luha. Palapit na siya kahit pa ang suungin ang malalaking apoy sa pagitan nila nang biglang magsalita si Mayu. "Ha! Ang boring niyong dalawa! Mabuti pa ay tapusin na natin ito!" sinaksak si Prin sa dibdib ni Mayu tulad ng ginawa nito kay Yuna. "Noooo!!!" sigaw ni Cally. Ibinuhos naman ni Prin ang lahat ng lakas niya para gilitan sa leeg ang babae ng hawak niyang patalim. Nagtuluy-tuloy ang daloy ng dugo ni Mayu hanggang sa bumagsak ito. "Prin!!!" sigaw ni Cally. Hindi niya alam kung paano susuungin ang malalaking apoy. "Hah!!!" nakikita niya pa ang mukha ng asawa sa kakaunting siwang ng mainit na apoy na nakangiti sa kanya na lalong tumatarak sa dibdib ni Cally. "Shogun¡­ please get my wife¡­" pakiusap ni Cally sa pagitan ng mga pagluha. Tumango si Lorenz. Plano na nitong tumalon sana sa kabilang panig nang umingit ang barko ng Maria Celeste 1 at gumewang iyon. Ilang saglit pa, isang maliit na pagsabog ang naganap sa barko ni Captain Yeo at nahati sa dalawa ang barko nito. Sa halip na tumalon si Lorenz sa kabilang panig, hinila niya si Cally palayo sa apoy at sa sumabog. Chapter 285 - Strong for his baby Binuksan ni Cally ang pintuan ng kwarto ng asawa niya. He welcomed by a pair of small eyes. Khalid sat in the middle of the soft bed. Doodling on a single white sheet using his favorite crayon. Lumabas ang tagabantay nito nang makita siya. "Hey buddy" Nakasuot siya ng ''mofuku''. Isang black traditional japanese clothing na sinusuot sa lamay. Ikalawang araw ng lamay ni Prin at sinabi niya na ngayong gabi ay dadalhin na niya sa Pilipinas ang asawa niya at doon niya ito ililibing. Sumang-ayon naman ang Uncle Rob niya at Tita Ingrid niya. Sa muling pagkakataon, hindi niya alam kung paano haharapin ang mag-asawa. Umupo siya sa dulong bahagi ng kama ng kwarto ni Prin sa Matsui mansion. Gumapang naman si Khalid patungo sa kanya. Inupo niya ito sa binti niya at tinitigan siya nito sa mata. "Uhmma¡­" ungol nito. Nagsimula na namang magsipaglaglagan ng luha ni Cally. Pati ang anak nila ay nasanay na hanapin ang asawa niya. Ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Khalid. Paano pa sa mga susunod na buwan at taon? Halos ayaw niyang harapin ang bangkay ni Prin na naging yelo na sa lamig at nasunog ang halos kalahati ng katawan. Tanging mga mata lang nito ang natira sa maganda nitong mukha. He will no longer received his beautiful smile every morning. He will no longer touch her face whenever he wanted to. He will no longer kiss her sweet and kissable lips. He will no longer¡­ Hindi napigilan ni Cally ang humagulgol. Humiga siya sa kama para damhin kahit man lang ang naiwan na amoy ng asawa niya sa loob ng kwarto nito. He knew it! na iiwan siya ni Prin sa misyon ngayon. Daig pa ang sampung patalim na sabay sabay na tumarak sa dibdib niya ang sobrang sakit na bumabalot sa katauhan niya. ''Why are you so unfair?'' "Uhmmma¡­" nagsimula na rin na umiyak ang anak niya na para bang naramdaman nito na wala na ang mommy nito. Dumapa si Khalid sa dibdib niya at parang nakiisa sa pagluluksa ni Cally. Pati ang anak niya ay hindi na rin napigilan ang pag-iyak. Sabay sila na nagluluksa sa pagkawala ng asawa niya. "Uhmmma¡­" he cried together with him. "Don''t worry buddy, you still have me¡­ you have me¡­" niyakap ni Cally ng mahigpit ang anak saka hinagod ang likuran nito at pinilit niya na magpakatatag para man lang dito. Kailangan niyang magpalakas at magpatuloy sa agos ng buhay dahil may Khalid pa siyang kasama. He needed to be strong for his baby. Ipinapangako ni Cally na sa mga susunod na araw ay hindi na siya iiyak. Iyon na ang huli. ===== Dalawang buwan pa ang lumipas¡­ Dahan-dahan na nagmulat ang isang babae na nakahiga sa isang hospital bed. Kung anu-anong mga kable ang nakakabit sa katawan nito. Sa una, malabo pa ang lahat ng naaaninag niya sa paligid. Halos wala siyang masilayan. Nanunuyo ang lalamunan niya na pumikit muli para bigyan ang sarili ng oras ang paningin niya. "Tu...big¡­" mahinang usal niya. Si Felix na kasalukuyang may ginagawa sa laptop ay napatayo nang madinig ang babae. Iniwan nito ang laptop sa maliit na mesa na naroon din sa loob ng hospital. "Babe!" Napalingon kahit si Apolo na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo. Napatayo rin ang may-edad na lalaki para lapitan ang anak niya. "Tu...big¡­" tila galing sa hukay ang tono ng boses nito. Pinindot ni Apolo ang buton para humingi ng tulong sa nurse o doktor. Ilang saglit pa ay dumating ang doktor kasunod ang tatlong nurse. Binigyan ang babae ng kakaunting tubig. "I want... more¡­" sabi ng babae matapos inumin ang tubig na nasa maliit na paper cup. "I''m sorry Master Apolo. Kailangan munang mag-adjust ng katawan niya bago siya muling uminom ng tubig. Hintayin natin ang thirty minutes bago siya ulit makakainom" Tumango si Apolo. "How are you Yuna?" Tanong ni Apolo sa anak. "How are you, babe?" Si Felix. "Si-sino kayo?" Tanong ng babae sa mga ito. Tumingin si Apolo sa doktor. Mabilis naman na kumilos ang doktor para suriin muli ang dalaga. May mga tinanong sa kanya na mga kung anu-ano katulad ng mga masakit sa katawan at kung ano pa. Sinagot naman niya ng tapat ang lahat. Wala siyang kilala sa lahat. Ang totoo, kahit ang sarili niya ay hindi niya kilala. "My amnesia ang anak niyo Master Apolo. I think it''s because of what happened to her. Nagkaroon ng phobia ang Miss sa mga nangyari." Paliwanag ng doktor. "Yuna¡­" hinawakan ng binata ang kamay niya. "...I am Felix, your boyfriend for two years. Don''t you remember me?" Tanong nito. Sinimulan niyang suriin ang mukha ng lalaki. He has gray eyes, dark haired na maalon-alon at katamtaman haba, makapal na kilay, matangos ang ilong at katamtamang nipis ng labi. Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan mahigit. Hindi niya makapa sa dibdib niya ang sinasabi nito na nobyo niya ito. Why does her heart feels like it belongs to someone else? Umiling siya. Doon niya lang napansin na parang mabigat ang ulo niya kaya hindi niya napigilan na hawakan ang mukha. May mga nakapa siyang mga benda. Dinama niya iyon. Nagsimula ang pag-aalala sa kanya. Panget ba siya kaya nakabalot ang mukha niya? "Wh-what happened to me?" Tanong niya sa mga tao sa paligid. Nagsimulang kumirot ang ulo niya at tila may naririnig siyang matinis na ingay. Nataranta ang dalaga pati na ang lahat. Nagsimula siyang mag-hysteria kaya walang nagawa ang mga doktor kundi ang turukan siya ng pampakalma. (Volume 2 ends here) Chapter 286 - Love you all (Message from Feibulous) Hello Dear Readers, Volume two ends here. Yey! First of all I would like to say thanks to everyone. Naging kaibigan ko na kayo sa mga novel ko at talagang sinamahan niyo ako na subaybayan ang storya ni Prin at Cally. Tapos na sa wakas ang madugo at mga brutal na eksena. Salamat ng madami po sa inyo dahil sa loob ng apat na buwan (official published nito ay August 19 this year) ay sabay sabay tayong nag-enjoy sa kwento ni Prin at Cally kasama ng mga kaibigan nila. In third Volume, iiwasan ko muna ang maaksyon at focus muna ako sa lovestory nila kasama ni Baby Panda. Dadagdagan ko ang humor, balik sa face slapping and more ROMANCE. Tapos na ang stressful days pero may mga bagong kontrabida na lilitaw na masarap tsinelasin ng alpombra. Tulad ng plano, humihingi na po ko ng pasensya sa mga Readers. Pahinga muna po si Author Feibulous kaya mamimiss niyo ng isang buwan ang LOVE ME, MY PRINCE. THIRD VOLUME will start on January 15, 2020. This Christmas season, hayaan niyo muna ako manood ng MMFF, magbasa ng komiks, mag-cartwheel at mag-sudoku. Tumanggap ng regalo mula kay Santa Claus, Char! Mula sa kaibuturan ng aking puso ay binabati ko po ang lahat ng Merry Christmas and a wonderful New Year! See you all next year! Thank you very much Readers! P.S. pahingi po ako Power Stone, Rates at REVIEW. I hope na nag-enjoy po kayo. Open po ako sa mga expectations niyo, mga nais mangyari o maganap sa third volume. FEIBULOUS ???? (Hugs and Kisses) ***** Other works: SI MAKISIG AT SI MAGANDA (love is beautiful) Genre: ROMANCE, MISTERY, COMEDY m./book/14155692206572705 MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY Genre: ROMANCE, COMEDY, TRAGEDY m./book/13771168606211005 AT THE END OF THE RAINBOW (Divided into 3 books / Volume) Shey and Kyle : DRAMA, SLICE OF LIFE Star and Lloyd : ROMANCE, COMEDY (inuulit ko Comedy) Ingrid and Rob : ROMANCE, ACTION, MISTERY m./book/13956793006654205 Novels soon: MY FIRST LOVE IS A GENIUS GIRL MY EX-BOYFRIEND IS A PROBLEM BOY CHASING DREAMS WORKPLACE ROMANTIC (Pause) Chapter 287 - Her last smile PAGKALIPAS NG TATLONG TAON¡­ "The President is back" pagbibigay-alam ng receptionist ng isang MGM Building Tower 2 habang hawak ng parehas na kamay nito ang telepono sa desk. Kausap nito si Assistant Xander sa telepono. "Okay." Ang tanging sagot ni Xander saka nito ibinaba ang telepono. Pinihit nito ang katawan saka hinarap ang batang apat na taong gulang na nakaupo sa itim, malapad at malambot na sofa. "Khalid, the meeting was over. Your Dad is here." Sabi nito sa batang may apat na taong gulang. Tumingin lang si Khalid kay Assistant Drake saka nito binalik ang tingin sa nilalaro nito na ''Legendary Witch'' game App sa isang eight inches na tablet. His Mom really looks like Twilight Mary, that''s why he likes to play this Game App. Kaarawan niya sa araw na iyon at nakatakda silang magpunta sa paborito niyang lugar, ang ''bahay'' ng Mommy niya. Ilang saglit pa, bumukas ang elevator sa opisina ng Presidente at iniluwa nito ang Daddy niya, si Cally na nakasunod ang tatlong sekretarya. "Master." Bungad dito ni Xander. Dumeretso lang si Cally ng lakad patungo sa batang may apat na taong gulang na nakaupo sa malapad na sofa. Naiwan ang tatlong sekretarya malapit sa pintuan. "Are you ready?" Nanatili na tahimik si Khalid. Kilala naman siya bilang bata na kakaunti lang ang mga salita. Ayaw niya ng maraming daldal na katulad ni Angel.. "Your Angel is here" tudyo ni Cally. Bahagyang namula naman ang pisngi ng batang lalaki sa nadinig. Sa Taiwan nakatira ang pamilya ni Kai pero taon-taon ay nasanay na sila na mag-celebrate ng kaarawan ng dalawang bata ng sabay, kaya madalas na nagpupunta ang mga ito sa Maynila. Hindi lang si Kai at Bella ang nakakasama nila taon-taon, kahit ang mag-asawang Lorenz at Cassandra na wala pa ring anak hanggang sa ngayon at si Mat-mat at Donna na may anak na triplets na dalawang taong gulang, tatlong lalaki na makukulit. Inangat ni Khalid ang paningin sa Daddy niya. "To Mom" simpleng hiling niya para maiba ang usapan. Ang ibig niyang sabihin doon ay ''magpunta na sila sa bahay ng Mommy niya''. Everyone in the family is smart and he is not an exemption. Tumahimik si Cally. Tila may bumara na bagay sa lalamunan niya nang maalala si Prin. Ilang saglit din siyang natahimik. "May I have a glass of water please?" baling niya kay Xander. Agad naman itong tumungo sa water dispenser at saka kumuha ng tubig. Matapos inumin ni Cally ang tubig, hinarap niya muli ang anak. "Let''s go!" Pinilit niyang ngumiti dito. Inabot nito ang tablet na hawak kay Xander saka pumayag na magpaakay kay Cally. Tinungo nila ang elevator saka sila sumakay sa naghihintay na sasakyan na nakaparada sa tapat ng MGM Building. "To Prin" simpleng utos ni Cally sa chauffeur habang nasa likod sila nakaupo ng anak niya. Ilang saglit pa, huminto ang sasakyan sa isang maliit na tahanan. Isang 8 square meter lang iyon. Gawa sa s.e.m.e.nto na hanggang bewang ang haligi nito at mga nakapagitan na bakal kada isang dipa na may mga disenyo mula sa s.e.m.e.nto hanggang kisame. Mga halaman ang mga nakapalupot sa mga nakapagitan na bakal na halos kumontra ang mga pulang rosas na patuloy na namumukadlad. Pinababantayan madalas ni Cally ang mga iyon at patuloy na inaalagaan. Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cally matapos niyang bumaba ng kotse. Sumikip bigla ang dibdib niya at hindi siya muli makahinga. Kung tutuusin, ayaw niya na nagpupunta doon pero kailangan niyang pagbigyan ang anak niya sa araw na iyon bilang kaarawan nito. Hinayaan niya na umupo ang anak niya sa s.e.m.e.nto saka ito hinayaan na maglaro at magsketch ng kung ano sa drawing book gamit lang ang mga colored pen na dala nito. Dahil hindi halos makahinga si Cally, lumabas muna siya saglit sa gate, sakto lang na natatanaw niya pa ang anak sa loob at naglabas ng isang piraso ng sigarilyo. Patuloy kasi na hindi siya makahinga sa loob. Nangako siya noon na hindi na iiyak para sa anak nila ni Prin, pero may magagawa ba siya kung patuloy din na naninikip ang dibdib niya tuwing maaalala ang huling araw na ngumiti ito sa kanya sa pagitan ng nagliliyab na apoy? Matapos ang tatlumpung minuto, pinilit na ni Cally na ayain ang anak niya na umalis na sa lugar na iyon. "Khalid, let''s go!" Tumango lang ito. "Bye bye Mommy!" saad ng anak niya sa isang kwadradong bato habang kumakaway. May marble na kwadrado ang nakadikit sa s.e.m.e.nto at nakaukit ang ''PRIN MATSUI-HAN''. Chapter 288 - Prins Garden Palibhasa ay nanggaling ang mag-ama sa Prin''s garden kung saan nakahimlay ang katawan ni Prin, pakiramdam ni Cally, may bumara na matigas na bagay sa lalamunan niya. His gaze is cold remembering the past that keeps haunting him. Ang parehas na mga larawan kung saan napabayaan niya si Prin na mahulog sa bangin at nang makita ng dalawang mata niya ang pagkakasaksak ni Mayu sa dibdib nito. Nakikiramdam naman si Khalid sa tabi ng Daddy nito na para bang naiintindihan nito ang saloobin ni Cally. Ilang saglit lang, nasa tapat na sila ng White Castle, ang tahanan ng mag-ama na niregalo ni Rob Matsui. Literal na puti ang anyo nito mula sa labas pero magara ang mga kagamitan sa loob ng tahanan. Hindi iyon tipikal na kastilyo na tulad ng pangalan nito. Isang villa lamang iyon na may 700 square meters na kabuuan ng floor area. Nasa 2,000 square meters naman ang kabuuan ng lupain nito. Ang kalahati ng lupain ay nahahati pa sa isang playground na may swimming pool, tree house at garden. Hindi lingid sa mga katabing bahay o sa labas ng White Castle na hindi simple ang tahanan na iyon. May isang daang guards ang nagbabantay sa buong villa para protektahan ang mag-ama at CCTVs sa kahit saang parte ng bahay. Simula ng mamatay si Prin, doon na nanirahan ang mag-amang Cally at Khalid. Bumaba ang dalawa mula sa itim na kotse. "Nandito na sila?" tanong ni Cally sa isang kasambahay na sumalubong sa kanila. Ang tukoy niya ay ang pamilya, si Mat-mat, si Lorenz, Kai at ang mga asawa ng mga ito. "Opo, Shi." sagot naman ng napagtanungan niya. Pagbukas pa lang ng pintuan ay natagpuan na nila ang grupo na sa palagay niya ay may ilang minuto na rin na naghihintay sa kanila ni Khalid. Nakapalibot sa isang tea table ang mga babae. Si Bella, si Cassandra, si Donna na kasama ang magkapatid na Crayola at ang buntis na si Christen. Nasa couch naman ang mga lalaki at may sariling topic ang mga ito habang umiinom ng wine. "Khalid!" matinis at masaya na bati ni Angel nang makita ang pagpasok ng mag-ama. Tumakbo ito patungo kay Khalid. Umikot ang mata ng batang lalaki bilang sagot. "Happy Birthday! I ordered a cake for you. For sure it was delivered." pangungulit ni Angel. Kinuha nito ang kamay ni Khalid at hinila para tumakbo patungo sa kusina. "Faster Khalid!" Napapailing na lang si Khai habang nakatingin sa malikot na anak niya. "You have to guard your baby girl." narinig niyang tudyo ni Mat-mat. Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "pakyu! Apat na taon pa lang ang anak ko at ano naman ang ggwardiyahan ko sa kanya? Wala! Dahil mukhang hindi rin interesado sa kanya si Khalid." napapailing na lang si Kai. "Kung ako sa iyo, galingan mo na lang ang pagbantay sa triplets mo" dagdag pa habang tinuro ang tatlong batang lalaki na kung saan-saan sumuot. Nasa ilalim ng coffee table ang isa at kinakagat ang isang paahan nito. Ang isa ay tumatakbo pasunod kay Angel at Khalid. Ang isa ay nakakunot ang noo na pinapuputok isa-isa ang bubble wrap na kandong ni Donna. "it shows kung gaano ka kalikot nang mga panahon na ginawa niyo ni Donna ang mga batang iyan" napapailing si Khai. Mat-mat "..." Ang pangalan ng mga anak ni Mat-mat ay Popoy, Moymoy at Kukoy na pinili ng lola ni Donna at pare-parehas pa na malilikot. Wala siyang nagawa kahit gusto niyang palitan ang pangalan ng mga ito dahil nagustuhan ng asawa niya ang bininyag na mga pangalan ng matanda. Ayaw niyang aminin na sa kanya nagmana ang kalikutan ng triplets niya. Baka sa lola ni Donna, pwede pa! Sa kabilang banda naman, may inggit na naramdaman si Lorenz habang nakatingin sa mga bata na magugulo sa paligid. Wala pa kasi silang anak ni Cassandra. Tatlong taon na silang mag-asawa nito pero hindi pa sila nabiyayaan na magkaroon kahit isang supling lang. Ang paliwanag naman ni Christen, normal lang ang mga ganoong cases na katulad nila ni Cassandra. Ang iba nga daw ay inaabot pa ng ten years bago tuluyan na makabuo ng baby. Nilapitan niya na lang si Cally na tinungo ang wine bar. Alam nila na nagtungo ang mag-ama sa Prin''s garden kaya tahimik na naman ito at malamig sa paligid. "How are you, Shi?" he asked. Tahimik lang si Cally na nagsalin ng alak sa isang maliit na baso. Saka nito tinungga ang lahat ng laman ng baso nito. Base sa ekspresyon ng master at kaibigan niya, sigurado na nabagabag na naman ito ng memorya ni Prin. Bubuka pa sana ang bibig ni Lorenz nang marinig nila sa kusina si Khalid na umiiyak. "Mommy!!! Mommy!!! Don''t go!!" Nakakunot ang noo nila na tumungo sa kusina. ***** Feibulous : Happy New Year Readers! Sana ay nagustuhan niyo ang simpleng gift ko sa pag-publish ng chapter (ha ha ha) Chapter 289 - The New Yuna May dalawang buwan na yata si Yuna na nananatili sa Pilipinas. Her Dad insisted na manatili siya doon para i-manage ang business nito na nasa Maynila. Si Mari, her step-sister ay pinadala nito sa Malaysia. Ayos lang, dahil ayaw niyang makita kahit kapiranggot na anino lang nito. Sa totoo lang, hindi maganda ang relasyon nila nito. Tuwing magkikita sila ay inis ito sa kanya at natutuwa naman siya na iniinis ito. Matapos na magising siya sa ospital noon, pinaliwanag sa kanya ni Apolo kung sino siya at kung ano ang mga ginagawa niya sa araw-araw. Ayon dito, her Mom died sa parehas na panahon noong maaksidente siya sa barko. A terrorist named Mayu killed her Mom and kidnapped her. Mabuti na nga lang daw at ipinaalam ng isang Prin Matsui na ligtas siya. Base sa mga napag-alaman niya, maihahalintulad siya sa isang pekeng prinsesa noon na hindi pa siya nagkaka-amnesia. Wala siyang ginawa noon kun''di ang mangibang bansa at hindi man lang niya na-practice ang tinapos niya sa kolehiyo na Hotel and Restaunt Management. Tila wala siyang goal sa buhay noon kun''di ang maging nobya lang ni Felix. May nobyo siya na Felix Smith ang pangalan na matapos niyang magising noon sa ospital, umalis din naman agad ang lalaki at nagpunta sa UK para sa meeting daw nito. Hiniwalayan niya rin naman ang lalaki nang nakaraang taon dahil hindi niya makapa sa dibdib na gusto niya talaga ito. Pumayag naman agad si Felix. Dahilan nito? Because she doesn''t have her old face anymore. And according to him, she is no longer the same old Yuna, his sweetest and ignorant girlfriend! Panay ang reklamo nito sa kanya dahil hindi na siya ang submissive nitong girlfriend noon. Palagi nitong inuungot na may maganap sa kanila, na inayawan niya ng sobra. If the old Yuna wanted him, it doesn''t mean that her new self has to agree with it. She even kicked him nang pilitin siya nito, and that''s it! sinabi niya na gusto niya nang makipaghiwalay. Tila natapakan niya ang pride ng lalaki na isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ito na makipaghiwalay. She doesn''t want her old self na mahina, api-apihan at sunud-sunuran kay Felix. Nasunog ang malaking parte ng mukha ni Yuna, tatlong taon ang nakaraan. Kaya naman matapos niyang magising noon sa ospital, nanatili pa siya ng isang taon sa ospital sa Korea para lang dumaan sa plastic surgery. At sa totoo lang, sa loob ng dalawang taon na pakikipagrelasyon niya kay Felix, nagkikita lang sila nito tuwing maisipan lang ng binata. At nang nakaraang buwan nga ay napag-alaman niya na engaged na ito kay Mari, na kapatid niya kay Apolo. Matapos niyang umalis ng ospital, nagsimula na siyang pag-aralan ang business ng pamilya. Ayaw niyang maging ignoranteng Yuna na nananahimik lang sa bahay. Magtsaa tuwing hapon, magdilig ng halaman sa garden, magbasa ng mga libro at kung ano pa na gawain ng isang perfect lady. Perfect housewife for Felix. Isang Yuna na parang palamunin at umaasa lang sa allowance na bigay ni Apolo. Medyo nakaramdam pa siya ng inis at hindi makapaniwala na ganon siya noon, isang palamunin. Kaya naman pinilit niya na magbago sa loob ng dalawang taon matapos niya na makalabas ng ospital sa Korea. Nang nakaraang taon, lihim sa Daddy niya ay binuo niya ang Night Sparrow. Biglaan lang din ang pagkakabuo niya nito. Isang babae na Coffee ang nakita niya na kamuntikan nang ma-r.a.p.e sa Hotel na mina-manage nila sa France. Someone put drugs in her drinks and she happen to see her staff na may nilagay sa inumin ng babae. Pagkatapos n''on, her instinct told her na subaybayan ang inumin hanggang sa matagpuan niya na binitbit ng apat na kalalakihan si Coffee. She fired her staff matapos niyang tulungan si Coffee sa apat na lalaki. At simula noon, naging kaibigan niya ang babae. Kinalaunan, napag-alaman niya na nasa isang sindikato ito noon at nabuwag ang grupo nito nang mamatay ang Boss nito. Tinulungan niya si Coffee na samahan ito sa mga transaksyon kasama ang dalawa pang kasama na si Mikey, isang doktor at David isang international spy hanggang sa ideklara na lang ng mga ito na siya na ang bagong boss. Hindi niya alam but she enjoyed their company kaysa sa manatili sa hotel at ayusin ang mga kakailanganin doon. Chapter 290 - Bring a cake to Ginnys grandchild Tumutunog ang heels ni Yuna sa makinis na tiles habang tinutungo ang VIP lounge. Ayon sa staff, gusto siyang kausapin ni Apolo na Daddy niya. Natagpuan niya ito na nakaupo sa isang couch na umiinom ng tsaa. Tulad pa rin noon ay nakaputi ng suit ang daddy niya. Nasa kabilang couch naman si Mari at si Felix na hindi niya man lang binati. "Hello, sister Yuna" bati ng babae. Hindi niya ito sinagot dahil wala siya sa mood na patulan ang plastik nitong anyo na pinaglihi sa tabo na ginagamit sa banyo. "Dad" sa halip ay bati niya kay Apolo. "Hey Sister Yuna, Felix and I are here to get your acknowledgement for our wedding." sabi nito sa maamong mukha na akala mo ay wala itong gagawing masama. Hindi pa rin sumagot si Yuna. Why does she need to acknowledge their wedding anyway? "Dad¡­" tila maiiyak na usal ni Mari nang walang makuhang sagot mula sa kanya. Para bang sinasabi ng bruhilda na hindi niya pa rin matanggap na naghiwalay sila ni Felix. ''The nerve! '' Nakatitig naman si Felix sa kanya. May 13 months din kasi na hindi sila nagkita nito. Pero hindi niya tinapunan kahit isang sulyap man lang ang dalawa na para bang wala siyang nakikita doon kundi si Apolo lang. "Yuna, your sister insist na personal kaming magpunta dito para lang imbitahan ka sa kasal. Why are you giving us an arrogant face?" halatang dismayado si Felix. Bigla niya itong nilingon. "Oh, I never thought you were here guys." tila ba sinasabi niya na kahit pa nasa harapan ang dalawa ay wala siyang paki-alam. "You¡­" halata nang nabu-bwisit si Felix sa attitude niya. Kung gaano ito kainis kay Yuna, simple naman na natutuwa si Mari sa tabi nito na hindi nito pinahahalata. "Come on Sister Yuna, pagpasensyahan mo na si Felix. Huwag kang magalit sa kanya. ako ang nakiusap na magpunta kami dito. We are sorry kung biglaan ang pagpapakasal namin. It''s because¡­ I''m pregnant" nahihiya na saad nito na akala mo ay malaking pagkakamali na pumatol ito kay Felix at sumapi dito si Maria Clara. "To be honest Dad, kung gugustuhin ni Mari at ng Young Master ng Smith ang magpakasal, I don''t think I need to agree or disagree. It''s a decision between the couple, not mine." gusto niyang ipakita sa mga ito na hindi siya interesado at wala siyang plano na kausapin ang dalawa. "If that would be all, uuna na po ako. Marami pa akong kailangan na asikasuhin dito sa hotel" "How was your day, honey?" tanong ni Apolo. "I''m good." Tumango ito. "good to hear. Anyway, isa sa mga dahilan kung bakit kita pinatawag at pinapunta dito ay para makisuyo sana ako sa iyo na magdala ng cake sa White Castle. Bring a two layer cake as our gift for Ginny''s grandchild" paliwanag ni Apolo. Kumunot ang noo ni Yuna. Hindi kaila sa pamilya kung sino si Ginny. His only love. Too bad because she is married. Kahit nga isang sulyap ay hindi nito maibigay sa Daddy niya. "Daddy, bakit kailangan mo pang magbigay ng Cake sa apo ni Ginny?" tila hindi natutuwa na tanong ni Mari. Pinukulan ito ng matalim na sulyap ni Apolo. "That is not your concern!" Parang napipi naman si Mari sa biglaan na iyon na reaksyon ni Apolo. She knew that Ginny Lopez is his bottomline. Imbes na sumagot pa at magtanong ay mas pinili nitong manahimik para makaiwas sa gulo. Sa isip naman ni Yuna, kung apo ni Ginny Lopez ang pagdadalhan niya ng cake. Ibig sabihin ay anak ito ni Prin Matsui, ang babaeng nagligtas sa kanya. Kaya naman buong puso niyang tatanggapin ang utos ni Apolo. "Kung wala na po kayong kailangan, Aalis na po ako" paalam niya. Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kahit isa sa tatlo at agad na tumalikod. "W-wait!" si Mari. Pinigil ito ni Felix. "I''ll talk to her, excuse me" tumayo na rin ang binata para sundan si Yuna. Nanggagalaiti naman sa pagkainis si Mari na hindi pinahalata sa mga kasama. Gusto niyang saktan ang kapatid habang pinagmamasdan si Felix na sumunod dito. She knows that Felix like those submissive girls, kaya naman pinilit niyang umakto bilang isang mahinhin at masunuring babae dito. Siya mismo ang pumunta-punta sa Casino na mina-manage nito para lang akitin ang binata sa loob ng ilang buwan. She did everything to get him at hindi na siya papayag pa na bumalik pa ang lalaki kay Yuna. kaya nga sinabi niya dito na buntis siya para pakasalan siya nito. Wala rin naman siyang naging problema sa nanay ni Felix dahil noon pa man ay gusto na siya nito na malaking puntos sa pakikipagrelasyon niya sa binata. ''Yuna just wait and see kahit ang buong hotel na ito ay mapupunta rin sa akin.'' Chapter 291 - Youd better marry my sister Pinagmamasdan ni Felix si Yuna simula pa lang nang dumating ito sa VIP lounge. She has a character now. Ibang-iba na talaga sa Yuna noon. Her height and her eyes are still the same. Bukod sa boses nito na bahagyang tuminis, nagbago ang ilong nito, ang nipis ng labi at ang buong personalidad ng ex girlfriend niya dahil dumaan ang dalaga sa plastic surgery. He admit na mas gumanda si Yuna ngayon dahil siguro hindi na rin ito ang mahinhin na Yuna na baliw na baliw sa kanya noon. He admit na isa ng matinik na rosas na ang dalaga, hindi na ang simpleng gumamela lang noon. Masyado nitong natapakan ang pride niya ng nakaraang taon nang makipaghiwalay ito sa kanya. Hindi niya pa tanggap sa sarili noon na nagbago na ang dalaga. Pero sa totoo lang ay mas gusto niya ang Yuna ngayon kumpara noon. Lumala lang ang lahat dahil nabuntis niya ang kapatid nitong si Mari. Akala niya ay makikita niya ang panghihinayang sa mga mata nito kaya pumayag siya sa suhestyon ni Mari na magpunta doon sa Maynila para hingin ang pagpayag nito sa pagpapakasal nila. Sa halip, kabaligtaran sa inaasahan, tila wala itong pakialam. Parang binalewala nito ang ilang taon nila na magkasintahan. ===== "Yuna!" Tawag sa kanya ng binata. Umakto si Yuna na hindi nadinig ang binata. Halos umusok naman ang ulo ni Felix dahil sa galit at init ng ulo. Talagang hindi na nahihiya ang dalaga na ipahiya siya. "Yuna!" Tawag muli nito. Napilitan na si Yuna na harapin ang lalaki kaysa makaistorbo pa sila ng ibang guest ng hotel. Umikot ang mata niya na hinarap ito. "Master Felix, may I remind you that this is a hotel? Nakakaistorbo ka sa mga guest namin." "Yuna, you sure have the guts now." Malamig na saad ng binata. "Well, thank you" Saglit na tinitigan siya nito na kinabwisit niya. "Kung wala ka ng kailangan, I have to go. You heard my Dad. I''ll bring cake sa bahay ni Master Cally" sabi niya dito. "Oh! Looks like you wanted to climb a bigger tree now." Nakaramdam siya ng pagkabwisit sa pangungutya nito pero hindi niya pinahalata. Sa halip, nilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng labi. "Oh Yeah, I think you are right! I heard he''s a widower. It''s not bad if I seduced him right?" Saka ito inirapan at tinalikuran muli. "I will forgive you kung sakaling babalik ka sa akin. Tatapusin ko ang kung ano man na usapan namin ni Mari at hindi itutuloy ang kasal." ''Ano daw?'' Siya ang hihingi ng patawad dito? What an assh0le! Hinarap niya ulit ito. "Master Felix, I think nahalo na rin ng mga baraha sa Casino ang kaisipan mo. Kung gusto mo talaga na magkaroon tayo ng koneksyon sa isa''t-isa, you''d better marry my sister. In that way, we will became brothers. don''t you think?" Inismiran niya ang binata saka siya tuluyan na umalis. Naiwan naman si Felix na nakakuyom ang kamao sa pagka-inis. Sobrang nagbago na talaga ang Yuna na ito, as if someone is living in her body. Tumalikod si Felix na bwisit na bwisit. Habang daan, nakasalubong niya si Mari. "Felix, forgive my sister, sigurado na nasaktan lang siya na nabuntis mo ako." Sabi nito sa malumanay na paraan. Parang pinaaalala pa nito na may tagapagmana siya sa sinapupunan nito. Hahawakan sana siya nito sa braso nang iiwas iyon ni Felix. "Don''t touch me!" Singhal ng binata at nagpatuloy siya sa paglakad para magpunta sa hotel suite. Nabigla naman si Mari sa inakto nito saka nilingon sa kabilang panig ng hallway si Yuna na naglalakad. Bumilog ang kamao ni Mari at napuno ng pait ang mata habang nakatingin sa walang pakialam na si Yuna. ===== Isang malaking villa ang bumungad kay Yuna. Nagpahatid siya sa isang chauffeur ng hotel patungo sa White Castle kung saan nakatira ang grandchild ni Ginny Lopez. Sa gate ay hinarang sila ng guard na nakaitim. Pinakita niya ang espesyal na ID ng Byrnes na pinahiram ni Apolo para makapasok siya doon. "Hello, I''m Apolo''s daughter, from Romantik Grand Hotel. We have a cake for Master Khalid." Sabi niya sa gwardiya. Kinuha nito ang ID na dala niya saka iyon in-scan sa isang aparato. Nang makumpirma na isa siyang Byrne, binalik sa kanya ang ID. "You can bring the cake at the kitchen" sabi ng gwardiya na tinuro pa ang lugar kung saan sila magpa-park. "Okay, salamat!" Matapos iyon, pinapasok nito ang puti nilang sasakyan sa loob. Huminto ang kotse nila sa gilid ng malaking Villa kung saan malapit ang kusina. "Wait for me" utos niya sa chauffeur. "Hindi mo ba kailangan ang tulong ko Miss Yuna?" "No. Ako na ang bahala." Nang makalabas siya, isang itim na limousine ang nakita niya na pumasok sa gate. Saka niya nakita na bumaba mula roon ang master nila na si Cally. Kasunod ang isang batang lalaki. Sa malayo, kapwa may yelong nakapalibot sa dalawang nilalang. Napapailing na lang siya na nilabas ang iniingatan na cake mula sa passenger seat ng puting kotse. Chapter 292 - Cake delivery Bitbit ang isang box ng 2 layer cake ay tinungo ni Yuna ang likod na pintuan kung saan matatagpuan ang daan patungo sa kusina. Isang maid ang nakasalubong niya. "Hello, pwedeng magtanong kung saan ito pwedeng ilapag?" Saglit itong natigilan sa kanya. Tila nagandahan sa kanya ang babae. Nakasuot kasi si Yuna ng isang simpleng sky blue na bestida na abot hanggang tuhod. Kita ang buong braso niya. Nakapatong sa wavy niyang buhok ang headband na kulay asul din at tanging light pink na lipstick lang ang kolorete niya sa mukha, kaya kitang kita ang sobrang kinis niyang balat. Sa isipan ng maid ay isa siyang anghel na hinulog mula sa langit. "Miss?" tawag niya dito dahil para itong robot na naubusan ng baterya kaya napatulala. "Ay sori po, iyan po ba ''yung cake na in-order ni Miss Angel?" tanong nito. "ah, Hindi po, regalo po ito ni Master Apolo para kay Master Khalid" nakangiti niyang sagot. Lalo namang na-starstruck si Ate. "Ay, dito niyo na lang po ilagay Miss" tinuro nito ang mahabang mesa na nasa katabing kwarto. Tumango si Yuna. Napansin niya na busy ang mga tao sa kusina dahil mukhang naghahanda ang mga kasambahay. Sa tingin niya ay may mga bisita sa bahay na iyon dahil napuna na rin niya ang maraming sasakyan sa labas ng bahay. Tinanggal niya ang cake na kulay sky blue din mula sa kahon at napansin na bahagyang nasira ang ibang parte nito. ''Tsk tsk!'' mabuti na lang at may dala siyang extra na icing na nasa loob ng isang supot at sinimulan niya na magpipe. Habang naglalagay ng icing, hindi napapansin ni Yuna na may dalawang mata na nakatitig sa kanya na pumasok sa loob ng hapag. May batang humila-hila ng laylayan ng bestida niya kaya nalipat dito ang paningin niya. "Hello, is that the cake I ordered?" isang batang babae ang nasa tapat niya. Kulot ang mahabang itim na buhok nito, maputi ang balat. Namumula at matataba ang pisngi. Nababagay pa dito ang ilong nito na katamtaman ang tangos. Sakto ang nipis na mga labi. Nakasuot ito ng bulaklakin na bestida na nababagay sa maganda nitong mukha. Parang hinubog ang batang ito na maging anghel sa katawan ng tao. Nginitian ni Yuna ang batang babae nang makabawi siya. Ayaw niya kasi itong ipahiya at sabihin na regalo nila iyon para kay Khalid. "Pwede ako lagay ng icing?" sabi nito sa bulol na paraan dahil nakita nito ang ginagawa niya. "Sure. Halika!" binuhat niya ito at pinatong sa isang silya para mas maangatan nito ang cake na nasa ibabaw ng table. "Come, Khalid!" tawag nito sa batang lalaki. Pero nabigla si Yuna na lumapit ito at mas pinili nito na kumapit sa isang binti niya at inangat ang ulo para makita siya nang mas malapitan. Hinayaan niya na lang ito Tinuruan niya ang batang babae kung paano maglagay ng icing. Seryosong-seryoso naman ito sa naglagay ng icing sa cake. Ngunit hindi niya napigilan na matawa dahil nasira na ng tuluyan ang cake na bitbit dahil sa mga icing na nilagay ng batang babae. "Yehey! That was fun Khalid! Come come! Put an icing." bumaba ito ng silya at panay ang talon. Binuhat niya rin si Khalid na tahimik at tinuruan ito na maglagay ng icing sa cake. Ayos lang naman kay Yuna na nasira ang cake dahil mukhang nag-enjoy naman ang mga bata sa cake na bitbit niya. Nang maubos ang laman sa pipe na dala niya, naisip niya na magpaalam sa dalawa. "O pa''no, Untie must go. Happy Birthday!" sabi niya sa dalawa. Pero nagulat siya na kumapit muli si Khalid sa binti niya. "No, Mommy, don''t go" panay ang iling nito. Kumunot ang noo ni Yuna. Lumuhod siya para pantayan ang mukha ni Khalid. "May work pa kasi si Untie Yuna." paliwanag niya dito. Noon niya lang napagmasdan ang kabuuan ni Master Khalid. Brown ang kulay ng buhok nito. Malusog na bata dahil siksik ang laman nito braso at binti, bukod sa mas matangkad ito sa normal na edad. He looks like Cally, she thought. Masyado nga lang formal ang kasuotan nito na nakaitim na suit na parang hindi nito kaarawan. Nanunuot pa ang amoy ng rosas sa ilong niya na nagmumula dito. Sa tingin niya ay may dinaanan ang mag-ama bago umuwi doon sa White Castle. Nag-iisip siya kung paano magpapaalam nang sumilip sa pintuan ang chauffeur. "Miss Yuna, ready na po ba kayong bumalik sa hotel. May susunduin pa kasi akong guest sa airport" saad ng chauffeur na kasama niya. "ah, Yes. Bye kids. Again, Happy birthday!" tinungo na ni Yuna ang pintuan papalabas. "Ahh!! No no, Mommy!!! Mommy!!! Don''t go!" nagsimula na itong umiyak. Nahabol siya nito sa pintuan at kumapit sa binti niya. Nagkaproblema na si Yuna kung paano aalis nang walang iiyak na bata. Si Angel ay clueless nang una kung bakit kumapit si Khalid sa isang binti ni Yuna. Ang ginawa nito ay nakigaya kay Khalid dahil akala nito ay naglalaro sila. Nakikapit din ito sa kabilang binti niya. "yes, yes, Don''t go, don''t go" hiling ni Angel. Yuna "..." Nadagdagan tuloy ang problema niya kung paano aalis. "Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan. Napatuwid ng tayo si Yuna nang salubungin ang mata ni Cally. Pakiramdam niya ay may ninakaw siya doon kaya ayaw siyang paalisin ng dalawang bata. Chapter 293 - Dont go Hindi lingid sa kaalaman ni Yuna na namatay na ang Mommy ni Khalid na si Prin Matsui at ang balita sa kanya ng Daddy niya ay kasama niya ang babae noon. Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-guilty at awa kay Khalid lalo na nang makita niya ang bilog na mata nito na namasa dahil sa luha. ''Uhmmaaa'' tila umaalingawngaw sa pandinig ni Yuna ang iyak ng isang sanggol habang kapit na kapit sa binti niya ang batang lalaki. Bahagya siyang natigilan. "Miss Yuna?" tawag muli ng chauffeur na mukhang naiinip na. "Ahh¡­" hindi niya alam ang gagawin at napakamot na lang siya sa ulo. Nakadagdag pa sa pressure niya ang pagpigil din sa kabilang binti niya ng batang babae. "Don''t go¡­ don''t go" nakigaya si Angel kay Khalid. ''Lord, please tell me, ano ang nangyayari?'' Kulang na lang ng dalawa pang bata sa magkabila niyang braso at mapagkakamalan na silang Voltes 5 na mabubuo para maging isang robot! "Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan. Malamig ang boses nito na katamtaman lang sa pandinig niya. Hindi naman galit ngunit may dating at halatang may awtoridad ang paraan nito ng pagtatanong. Napatuwid si Yuna ng tayo nang salubungin ang mata ni Cally. Kasama nito si Lorenz. Bahagya rin na napayuko ang chauffeur na kasama niya na nasa pintuan papalabas para galangin si Cally. Ang totoo, nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ang sabi sa kanya ay kasama niya sa barko na nasunog noon si Prin Matsui. Kahit hindi siya ang nasa lagay ng mga ito, sigurado na masakit ang mawalan ng asawa o magulang. Kaya naman bahagya siyang nalungkot habang nakakapit sa binti niya si Khalid. "M-Master Cally, sorry po. Naghatid lang ako ng cake mula sa Romantik Grand Hotel" kinakabahan niyang sabi. Hin Kumunot ang noo nito at tiningnan ang cake na nasa mesa at ang dalawang bata na kapit na kapit sa binti niya. "Wa-wala po akong ninakaw!" biglang sabi ni Yuna. Sa dami kasi ng gwardiya at sa higpit ng seguridad sa White Castle, baka kasi may ginto doon at baka isipin na may binulsa siyang gamit kaya siya pinipigilan ng dalawang bata. Cally "..." "U-uuna na po ako!" nagsimula na siyang maglakad ngunit mabigat ang una niyang hakbang dahil sa dalawang bata na ayaw siyang paalisin. "P-pwede niyo po ba akong tulungan?" nakikiusap ang mata ni Yuna na nakatingin sa dalawang lalaki. Ilang saglit pa, sumilip sa pintuan si Kai. Nakakunot din ang noo nito nang makita siya. Hindi maiwasan na kabahan si Yuna. Bilang isang Byrnes, hindi kaila sa kanya ang identity ng mga taong nasa bungad ng kusina kaya napalunok siya. "Angel, what are you doing? Come here. Come to Daddy" tawag dito ni Kai na masama ang tingin kay Yuna dahil baka iniisip nito na nam-bu-bully siya ng mga bata. "Daddy, we are playing ''Please don''t go''" sagot nito. Yuna "..." Cally "..." Kai "..." Lorenz "..." Chauffeur "..." "Pa-pasensya na po kayo kung naistorbo ko ang party. Nagdala lang po ako ng cake" napangiwi siya nang makita ang anyo ng cake. "I¡­ I have to go" "Mommy¡­ No, please don''t go" "Mommy, don''t go" panggaya ni Angel dito na halatang clueless ito sa nangyayari. ''Dear, hindi tayo naglalaro ng bahay-bahayan'' Napansin ni Yuna ang disgusto sa anyo ni Kai at halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng anak. "Khalid, Angel, Come here" tawag ni Cally sa dalawang bata. Bumitaw naman si Angel dahil takot ito sa daddy ni Khalid at tumungo sa daddy nito pero nanatili si Khalid sa binti niya. Malamig ang mga tingin na pinupukol ni Cally sa kanya kaya lalo siyang kinabahan. ''My dearest baby, your Dad will kill me, please spare my life'' "No¡­ Mommy, please stay" saad ni Khalid na tuluyan nang umiyak. Napansin ni Yuna na tumalim ang mga mata ni Cally at halatang hindi ito natutuwa sa nangyayari. "I¡­" "Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko Khalid. Come here!" malamig na utos. Napangiwi siya dahil mukhang nagalit ang devil. Hindi naman siya pwedeng makialam dahil ito ang tatay at siya ay tagahatid ng cake. Napakamot si Yuna at napangiwi siya na makita ang luhaang pisngi ni Khalid. Bahagya na nga rin na namasa ang laylayan ng bestida niya. Hinawakan niya ang kamay nito saka siya lumuhod para harapin ang batang lalaki. "Ahh look baby, may work kasi si Untie Yuna saka si Uncle chauffeur" turo niya sa lalakign nasa bungad. Kinuha niya ang wallet na nasa sling bag at may kinuha na business card doon. "Ganito na lang. You can call me anytime dito sa number na ito." sa isip ni Yuna, sigurado na hindi na ito mag-aaksaya pa na tawagan siya kaya ayos lang kahit na ibigay niya dito ang telepono niya sa opisina. Basa pa rin ang pisngi nito pero bumitaw na ito sa kanya at inabot ang tarheta. Hindi niya napigilan na kunin ang panyo sa bag at punasan ang basang mata ni Khalid. "Happy Birthday!" saka nya ito hinalikan sa pisngi. Mukhang nakuntento naman ito at lumapit sa Daddy nito. "Ahh Master Cally, patawarin niyo po ako sa biglaan kong pagpunta. Pasensya na rin sa cake na napaglaruan namin kanina. Uuna na po ako." hindi na niya hinintay pa ang sagot nito at dali-dali na siyang lumabas ng kusina. Pakiramdam niya kasi ay kakainin siya ng dragon kapag nanatili pa siya doon. Chapter 294 - Yuna Hirose Matapos makaalis ni Yuna, tumitig si Khalid sa mata ng daddy niya. Para namang nabasag na bloke ng yelo ang tinayo ni Cally sa paligid nito nang makita ang nagsusumamo na mga mata ng anak. Hinaplos niya ang buhok nito na para bang isa itong maliit na tuta. "She is not your mom" saad ni Cally. "I want my phone" sa halip ay sagot nito at parang hindi pinansin ang sinabi niya. Inabot na lang niya dito ang cellphone mula sa bulsa kaysa mag-away pa silang dalawa. Napansin ni Cally ang nakasulat sa calling card na hawak ng anak. ''YUNA HIROSE - General Manager, Romantik Grand Hotel, PH'' Kumunot ang noo ni Cally sa nabasa. Another japanese girl. Napansin niya na hindi nakuntento ang anak niya sa pagtipa sa keyboard para i-save ang number ng babae. Kinuhanan pa nito ng picture ang calling card at itinago ng mabuti sa bulsa ang tarheta na akala mo ay may katumbas na ginto ang simpleng papel na iyon. "Shi, have you seen her eyes? why--" pinutol niya ang kung ano man na komento ni Lorenz. "I know¡­" alam ni Cally dahil ang unang napansin niya kay Yuna ay ang pagkakatulad ng mata nito sa mata ng asawa niya. Kaya naman hindi niya masisisi ang anak kung tawagin nitong ''Mommy'' si Yuna. Ilang saglit pa, may pinasok muli na isa pang cake ang isang kasambahay sa hapag. "Miss Angel, here''s your cake" "Oh, oh! That''s my cake" agad itong bumaba sa pagkakabuhat ni Kai at excited na lumapit sa cake nito. Sumampa muli ito sa silya at ilang saglit pa inikot-ikot nito ang box at parang may hinahanap doon. Ngunit tanging apat na kandila lang ang nakikita nito na naka-scotch tape sa ibabaw ng kahon. "Where is my shuh¡­ shuh¡­?" tanong nito sa babaeng nagpasok ng cake na akala mo ay may kinuha ito sa box bago nito ipasok iyon. Ginalaw nito ang kamay at umakto na parang nagp-pipe ng icing. Nakakunot naman ang noo ng babae. Tumingin ito sa gawi ni Kai. "Daddy, where is my shuh... Shuh..?" malungkot na tanong nito. "Bakit cake khalid weron ganon?" Nagsalubong ang kilay nito "Daddy, call the Untie earlier. Order a cake for me too. I want my shuh¡­ shuh¡­" pangungulit nito. Napakamot si Kai sa ulo. Biglang naging palaisipan tuloy sa kanila ang sinasabi ng anak niya na ''shuh... shuh''. Ginalaw niya pa ang kamay na katulad ng kinilos ni Angel. Para bang isa iyong crossword puzzle na mahirap sagutan. "It''s an icing pipe" si Cally ang hulog ng langit na sumagot sa tanong niya. Kai "..." ===== Nakahinga ng maluwag si Yuna nang makabalik sa kotse. Para siyang aatakihin sa puso sa loob ng bahay ni Cally dahil sa sobrang kaba. Nang masiguro na wala silang naiwan at maaari na silang umalis, inutusan niya ang chauffeur na bumalik na sila sa Hotel. "Tara na kuya" Nagbalik lang sa normal ang tibok ng dibdib niya nang mapansin na malayu-layo na sila sa White Castle. Normal naman na kabahan siya lalo at marami siyang naririnig tungkol kay Cally. They say he is ruthless. Even the two guys she saw earlier are ruthless. Kaya nga hindi siya nagpakilala dito ng maayos. Dahil baka kapag nalaman ng mga ito na siya ay si Yuna Byrnes, baka hindi na siya makaalis ng White Castle. Baka utusan siya ni Cally na ibalik sa lupa ang asawa nito . Ayos nang isipin nito na isa lang siyang General Manager ng hotel. Hindi rin naman alam sa hotel ni Apolo ang totoo niyang pagkatao. Isa sa mga kondisyon na binigay niya dito bago siya nagpunta sa Maynila ay gagamitin niya ang apelyido ng mommy niya at walang makakaalam na anak siya nito. Sa France kasi kung saan nanatili si Yuna ng dalawang taon, wala siya masyadong maituring na kaibigan dahil masyadong aloof sa kanya ang mga tao doon nang malaman na anak siya ni Apolo. Their master. Mabuti na nga lang at nakilala niya si Coffee, Mikey at David. Kaya nang ilipat siya sa Maynila para mamahala naman doon, tanging Yuna lang ang pakilala niya sa mga staff doon. Hindi naman mahirap magpanggap na hindi siya anak ni Apolo, mas lamang kasi sa anyo ng daddy niya ang caucasian look. Samantalang mas lamang sa kanya ang pagiging haponesa. Hindi naman nagtagal at huminto ang puting kotse sa entrada ng hotel. "Ako na lang ang bababa. Pwede mo nang sunduin ang guest sa airport. Salamat ulit Kuya" "Salamat din Miss Yuna, ang bait niyo po talaga. Naku, kung wala lang gerlpren ang anak ko ay inireto ko na sa inyo." Yuna "..." Ngumiti na lang siya ng pilit. "Kayo talaga, lalabas na ako" Pumasok na lang siya sa loob ng hotel. Inayos niya ang mga napapansin niya sa lobby sa lounge sa Pool area at sa iba pang parte ng hotel. Inayos niya ang isang may kataasang base dahil bahagyang lumilis iyon sa mesa. Inutusan ang isang hotel staff na i-vaccuum ang carpet na bahagyang nadungisan. Pinalinis ang tiles at kung ano pa. "Hello my dearest. how are you?" sabi ng isang tinig na kilalang-kilala niya habang busy siya sa trabaho. Chapter 295 - Visitors "Coffee!" nagliwanag ang mukha ni Yuna nang makita ang dalaga na kasama si Mikey at David. May bitbit na tig-iisang luggage ang tatlo. Malapad ang pagkakangiti ni Mikey at Coffee, samantalang malalim ang tingin sa kanya ni David. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang dalaga saka mahigpit na niyakap. "What are you guys doing here?" "Haay naku ang driver niyo ha, ang tagal dumating sa airport" sa halip ay reklamo nito. Sa hula ni Yuna, ang tatlo ang sinundo ng chauffeur na kasama niya kanina. "Ha ha, sorry. Ako ang rason kung bakit na-late si Mang Tonyo kanina. Medyo natagalan kami sa paghatid ng cake" "Infairness sa iyo ateng. Para kang v.i.r.g.i.n sa ayos mo. dalagang-dalaga o''. Mabuti pa, ihatid mo na kami sa suite. Mamaya na tayo mag-kwentuhan" sabi sa kanya ni Coffee at inabot sa kanya ang bagahe na dala nito para siya ang maghila n''on. Confidential ang pag-uusapan nila at hindi pwedeng pag-usapan sa lobby o sa kung saan lang basta na parte ng hotel. Sa presidential suite ang na-book na kwarto ng mga ito kung saan may tatlong rin na kwarto, kusina at sala na nasa pinakamataas na palapag ng hotel na iyon. Nasa ibabang bahagi lang ng suite na iyon ang tinutuluyan niya. Habang nasa elevator, pinagmasdan ni Yuna ang anyo nilang apat sa salamin. Mapapaisip talaga at mapapatanong ang ibang tao kung paano silang nagsama-sama. Isang french na babae si Coffee. Bente syete anyos, maganda at s.e.xy. Blonde at lagpas-balikat ang buhok nito. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada. Kung wala lang itong tattoo sa braso, pwedeng-pwede na isali sa beauty contest. Hapit na hapit ang suot nito sa oras na iyon kaya mas kita ang hubog ng katawan nito. Computer technician ang babae sa umaga, bampira sa gabi dahil mapaghanap ito ng literal ng biktima nitong lalaki. Si Mikey naman ay Mexican - American. Kwarenta anyos. Isang kilalang surgeon. He has blonde hair, six feet and two inches height. Maganda ang pangangatawan. May itim na square frame na salamin sa mata ang lalaki na nababagay sa berdeng mata nito. His everyday attire is business suit, bibihira lang na mag-polo ng simple ang doktor. Workaholic sa umaga, Otaku sa gabi kaya nga hanggang sa mga panahon na iyon ay binata pa ito. Si David naman ay isang Singaporean. Trenta anyos. Matangkad din ang lalaki na hindi nalalayo kay Mikey. Maganda ang pangangatawan dahil na rin sa activities nito sa araw-araw. Itim at bagsak ang buhok nito na sakto lang ang haba para sa mga kalalakihan. Isang tagapagmana ng business tycoon si David pero mas pinili nito na maging international spy. "Okay, ang totoo, namimiss ka lang ni David kaya kami narito." tudyo ni Coffee habang binubuksan ang pintuan ng suite ng mga ito. Nilabas nito ang card at itinapat sa sensor. Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng malaking kwarto. Alam ni Yuna na may pagtingin sa kanya ang kasamang si David na pinilit niya na huwag pansinin. "Ewan ko sa ''yo!" Nang makapasok sa loob, inikot agad ni Coffee ang buong suite. Tumungo si Mikey sa wine bar at nagsalin ng alak sa isang kopita. Tinungo naman ni David ang lugar kung saan naroon ang malinaw na glass window at hinawi ang isang bahagi ng kurtina para pagmasdan ang buong siyudad. Kasalukuyan na alas singko na ng hapon kaya bahagya nang kulay orange ang paligid sa labas. Bahagyang kumalat ang liwanag sa kwarto nila na nagmumula sa liwanag ng papalubog na araw.. Umupo naman si Yuna sa malapad na couch na nasa visitor''s area ng suite. "Saan dito ang master''s bedroom?" tanong sa kanya ni Coffee. Nginuso niya ang isang kwarto. "Akin na ang kwarto na ''to ha" sabi nito sa dalawang lalaki saka hinila ang bagahe nito patungo doon. Napapailing naman siya habang pinagmamasdan ito. "So, My dear Yuna, napag-desisyunan mo na ba na maging purong prinsesa kaya nag-stay ka dito sa Maynila?" usisa ni David na tumabi sa kanya. Inikutan niya ito ng mata. "Kung sasabihin ko ba sa iyo na ang dahilan ay para akitin si Master Cally Han, maniniwala ka?" tanong niya dito. Bigla itong naibuga ang iniinom na wine. "*cough cought* Huwag kang basta-basta nagbibiro" "Mabuti naman at alam mong biro lang iyon! Anyway, ano ba ang dahilan kung bakit kayo narito?" "Bukod sa nami-miss ka namin, may business kami dito. Someone needs my consultation and basically needs surgery. Coffee has a business deal with Makisig''s VGC and that guy¡­" tinuro nito si David na nakasandal sa pader sa tabi ng glass window. "...is spying on you" Yuna "..." "He he. And I know, mas gugustuhin mo na makasama kami kaysa sa kapatid mong chaka doll" sabad ni Coffee na sumilip mula sa pintuan ng master''s bedroom ng naka-bra lang sa pang-itaas. "Hey! Magbihis ka nga!" pinagalitan agad ito ni Mikey. "What?" tila ba wala itong pakialam kahit pa maghubad ito sa harapan nila. "Bakit kaya hindi mo gayahin si Yuna habang nandito ka sa Pilipinas?" "Duh! wala sa bokabularyo ko ang magpaka-hinhin." nagsuot ito ng isang sandong itim habang nasa pintuan. "May gusto na nga akong biktima habang narito ako." "Who?" "Since I am going to meet Makisig, why not him di ba? I''m excited to see his mala-halimaw na ''ano'' niya" tila nagliliwanag ang mata nito habang nagk-kwento. "And how did you know?" "I hacked his office''s videocam before. Eating some ice cream. Too bad, he traced it and deleted it! wahahaha!" Yuna "..." Chapter 296 - Something wrong with her brain in the past Sampung minuto bago mag-alas otso ng gabi, naghihintay na si Yuna sa lobby para kitain ang mga kaibigan niya. Maganda na sana ang gabi niya kung hindi lang sumulpot sa harapan niya si Mari na kasama si Felix. Naka-angkla ang isang braso nito sa braso ni Felix na nakapamulsa. "Hey sister Yuna, nakapag-dinner ka na ba? Sumabay ka na sa amin ni Felix" Kunwari ay walang napansin si Yuna sa paligid at nagpatuloy sa pagbasa ng magazine. "Ganyan ba kayo mag-welcome ng guest niyo dito?" halatang hindi nagustuhan ni Felix ang attitude niya. Medyo napalakas ang boses nito dahilan para magsipaglingunan ang mga tao sa gawi nila. Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkainis si Yuna sa dalawang nilalang na parang bangaw sa paligid niya. Hinarap na lang niya ang dalawa kaysa lumala pa ang sitwasyon. Sa ugali na mayroon si Felix at Mari, hindi malayo na maka-istorbo sila ng iba pang guest. At alam niya na hindi makabubuti sa sitwasyon niya at siya ang lalabas na masama kung sakali na mag-escalate ang sitwasyon kay Apolo. "Oh, nand''yan pala kayo, Is there anything you need Master Felix? Nakapag-dinner na ba kayo?" pang-iinis niya. He is gritting his teeth at nagpipigil. Lihim naman na umismid si Mari. "Haay¡­ Sobra-sobra na nanghihinayang talaga ako na hindi ko kayo makakasabay kumain ngayong gabi. I''m sorry brother-in-law and sister Mari, may kasabay na kasi ako na kakain ng dinner sa labas. so, I guess hindi ko kayo masasabayan." "Anyway, you can put the bill on my tab. My treat." pang-iinis niya. "Sister Yuna, we are just inviting you to dinner. It''s been a long time na nakasama ka namin ni Felix. Please don''t be mad at huwag mo kaming ipahiya" saad ni Mari. Ngumiti si Yuna kahit ayaw niyang patulan ang pakikipagplastikan nito sa kanya. Matalim ang mga tingin na pinupukol ni Felix sa kanya. Agad din naman na umismid ito. "Walang problema, marami pa rin namang panahon para makasabay ka namin sa dinner. Mari and I are decided to stay here for two months" Hindi maiwasan na manlaki ng mata ni Yuna sa nadinig. ''What??? Two months?!'' ibig sabihin ay pagtyatyagaan niya ang mga bangaw na ito sa loob ng dalawang buwan? "Mari is pregnant at pinagbawalan siya ng doktor na magbyahe muna. Magb-bedrest muna siya sa loob ng dalawang buwan dito sa hotel. Posible rin na baka dito na kami ikasal" paliwanag ng lalaki. "Sinabi ko nga kay Felix na ayos lang ako, pero sobrang nag-aalala talaga siya sa akin kaya we decided to stay here in two months" mahinhin na sabi ni Mari pero alam ni Yuna na may laman ang mga sinabi nito. Nasa isip siguro ng kapatid niya na magseselos siya at may plano ito na inisin siya sa loob ng dalawang buwan. Well, inis nga si Yuna dahil ayaw niyang makita ang kaplastikan nito at kayabangan ni Felix. Hindi niya masisisi si Mari kung isipin nito na nasasaktan siya na makita na magkasama ang dalawa. Ayon na rin kasi sa mga nakalap niya, patay na patay siya dati sa lalaki. And they have been together since her college days. Maybe there is something wrong with her brain in the past. O kaya naman ay nabagok ang ulo niya at natauhan lang siya para magbalik ang normal niyang pag-iisip. May sasabihin pa sana siya dito nang putulin ang pag-uusap nila ng Assistant nito. "Master, your table is ready" sabi nito. "Yuna, my offer is still valid" makahulugan na sabi nito. Nginisian niya lang ito. "Don''t forget the receipt" Nakakapalan lang talaga siya sa mukha ng lalaki na landiin siya habang naroon ang bago nitong nobya na kapatid niya. Mayabang lang talaga! "Lalamig ang pagkain na hinanda ng hotel para sa inyo Master Felix. Sayang naman at baka hindi sanay sa bahay na kanin ang young master ng Smith. You''d better be at the restaurant." paalala niya muli. Sa huling pagkakataon ay iniwanan siya ni Felix ng pang-iismid saka nagtungo ang mga ito sa restaurant. Nagbato pa ng lihim at nakamamatay na tingin si Mari sa gawi niya bago umalis ang mga ito. Sakto naman na alas otso na ng gabi. Nakita niya sa di kalayuan ang tatlo na lumabas ng elevator. Tumayo siya para salubungin ang mga ito. Isang ngiti ang make-up niya sa gabi na iyon. Ngiti na nagagawa niya lang kapag nasa paligid ang mga kaibigan. Ewan niya pero natutuwa talaga siya sa company ng tatlo. "You know what dear Yuna, as much as I wanted to be with you tonight. I have a date" sabi ni Coffee nang makalapit. "Me too. So, iiwan ka namin kay David." si Mikey. Nakaramdam naman ng pagkailang si Yuna sasabihin na sana niya na sa ibang araw na lang sila mag-dinner ng may sumigaw mula sa pintuan. "Mommy!!!" Nanlaki ang mata ni Yuna nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa gawi niya. Coffee, David and Mikey "..." Chapter 297 - I want my Mommy "Is there anything you want for your birthday, baby?" Tanong ni Ginny kay Khalid habang nasa hapag sila para maghapunan. Nakayuko lang kasi ang batang lalaki at halatang malungkot ito sa araw ng kaarawan nito. Nakauwi na ang mga bisita nito ng hapon at nagkataon na inabot sila ng gabi dahil may pinuntahan pa silang meeting na mag-asawa. Idagdag pa na biglang umulan sa siyudad. Inangat nito ang paningin kay Ginny at nagsusumamo ang mga mata. "I want my Mommy" malungkot na sabi. Kumunot ang noo niya at tumingin sa gawi ni Cally. Alam niya na ayaw ng anak na nagpupunta sa Prin''s Garden, pero espesyal ang araw na iyon kay Khalid. "Hindi kayo nagpunta sa Prin''s Garden?" "We went there pero hindi si Prin ang tinutukoy niya kung hindi ''yung babaeng nagdala ng cake." Sagot ni Cally na nagpatuloy lang sa pagkain. Nilingon niya tuloy ang paningin sa asul na cake na nasa isang bahagi ng mesa. Bumaba ng silya si Khalid at tumungo sa lugar niya. Hinawakan nito ang suot niyang bestida saka sinalubong ang mga mata niya. "Mommy Ginny, I want to see my Mommy everyday. That''s what I want for my birthday" Hinaplos na lang niya ang buhok nito. Para sa hiling nito, desidido si Khalid na magsalita ng mahaba at kumpleto, masunod lang ito. "But I don''t know where to find her" Nilabas nito sa bulsa ang isang tarheta at inabot sa kanya "Here. She works here" Kumunot ang noo niya nang makita ang mga nakasulat sa maliit na card. "She works at Romantik Grand Hotel?!" "Oh, if that''s the case, it''s easy. We can go to Apolo''s hotel to meet her" "You are not going" kontra ni Cloud. Sumimangot siya at hinarap ang asawa "Why not?" "Dahil sabi ko." Sagot nito. "Why are you so petty? It''s Khalid''s birthday. I also want to see this girl. Malay mo maging mommy niya sa future si Miss..." binasa muli niya ang nakasulat na pangalan sa card "...Yuna Hirose. Yuna?" "Ginny Lopez, subukan mo lang na magpunta sa hotel ni Apolo at ipadadala kita sa Pacific Ocean" Bumuntong-hininga si Cally. Alam niya ang ibig sabihin ng Daddy niya at hindi naman makahalata ang mommy niya sa nais ng asawa nito. "Sige na Mom ako na lang ang magdadala kay Khalid. Umuwi na lang kayo ni Daddy dahil baka abutan pa kayo ng baha" Tumingin siya sa gawi ng anak. "But you have to finish your meal" Dali-dali ito na bumalik ito sa pwesto nito at mabilis na inubos ang pagkain. Napapatanong na lang sila kung gaano nito kagusto na makita si Yuna. ==== Habang kausap ni Yuna ang mga kaibigan, isang sigaw ang nadinig niya mula sa entrada ng hotel. "Mommy!!!" Nilingon niya ang entrance at nanlaki ang mata nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa kanya hanggang sa yumakap ito sa binti niya. "Mommy, I miss you" sabi nito. Kapwa naman nakakunot ang noo ni Coffee at Mikey. "You have a child?!" Sabay na tanong ng dalawa. Nananatili naman na seryoso si David. Napakamot na lang sa ulo si Yuna at hindi alam ang isasagot. Ayaw niya kasing ipahiya si Khalid sa mga kasama. Napalingon ang mga ito sa entrance at nakita na papalapit din si Cally sa gawi nila. "Oh my goodness! U-uuna na kami! Bye bye!" Paalam ni Coffee saka mabilis na hinila si Mikey papalabas. Halos itago nito ang mukha mula sa bagong pasok. "Si-sige, bukas na lang" bulong niya na hindi niya alam kung umabot sa pandinig ng dalaga. Kinakabahan naman si Yuna na hinarap ang mag-ama. Pero nabigla siya na nananatili si David sa tabi. Sinesenyasan niya ito na umalis pero mukhang wala itong balak na sundin ang mga senyas niya. Pilit na ngumiti si Yuna. Napansin niya na malalim ang tingin ni Cally sa mga kaibigan niya na umalis kaya napalunok siya. "W-what are you guys doing here?" Tanong niya kay Cally para magbalik ang pokus nito sa kanya. Hindi naman siya nabigo at nilingon siya nito. "Mommy, I miss you." Sabi ni Khalid na nakayakap sa mga binti niya. Nakatingala ang mala-anghel na mukha nito sa kanya. Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa sinabi nito. "Yuna, are we going? Magdi-dinner pa tayo." Biglang sabi ni David na nasa tabi. Malamig ang tingin na pinupukol nito kay Cally. "Ahhh" nahati bigla ang atensyon niya sa tatlong lalaki. "Mommy, hindi pa ako nagdi-dinner" sabi ni Khalid. Kumunot ang noo ni Cally sa nadinig. Hindi niya akalain na magagawa ng anak na magsinungaling para lang makasama si Yuna. Nalungkot naman si Yuna sa narinig. "Aw! David, I''m sorry... I''ll ask someone to send a meal to your room." Saglit na natahimik ang lalaki at nag-isip. "No need. I''ll go somewhere." Ang sabi nito. Malalim ang tingin nito sa bata saka tinungo ang daan papalabas. Mas lalo naman nailang si Yuna dahil naiwan siya doon. "Ma-master Cally, what do you want to eat?" "Sasamahan ka namin na kumain kung ano ang gusto mo" sagot nito. Tumango na lang siya. Pagdating sa restaurant ay puno ang lahat ng table. Nagkaproblema tuloy si Yuna kung saan sila kakain. Chapter 298 - Stay in your place "Miss Yuna, I''m sorry. May assembly kasi na gaganapin bukas kaya puno ng guest ang hotel. Marami pa tayong guest dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Kaya mas marami din ang mas pinili na dito na lang kumain." Paliwanag ng hotel staff sa kanya. Kinuha niya ang cellphone at nag-check ng sitwasyon sa labas. Wala namang bagyo at sobrang biglaan lang ng pag-ulan. "Mommy, let me stay in your room. I''m afraid sa thunder" narinig niyang sabi ni Khalid na nananatili na nakayakap sa isang binti niya. "Oh! Me too!" Bigla tuloy niya itong niyakap. Mahirap kasi ang sitwasyon nila na takot sa kulog at kidlat lalo na kung mag-isa lang sa kwarto. "Naku Miss Yuna, hindi ko alam na may anak na po pala kayo. Kamukha po niya ang asawa niyo" turo nito kay Cally. Napalunok si Yuna. "Please send food to my suite" utos niya sa babae para matahimik na ito. Hindi naman tumanggi ang lalaki o nagkumpirma. Matapos magbigay ng utos, doon lang niya napagtanto na kasama niya nga pala ang tatay, hindi lang ang baby. Bigla tuloy siyang napangiwi na hinarap si Cally. "Ahh... Ma-master, sorry. A-ayos lang ba na sa suite ko na lang¡­ tayo maghapunan?" Tanong niya sa lalaki na wala pa ring emosyon. Nakatitig lang ito sa kanya kaya lalo siyang na-conscious. Nakagat tuloy niya ang labi ng bahagya. Baka kasi isipin nito na inaaya niya ang mga ito sa kwarto niya. "My Daddy said a ''big YES''" Cally "..." Pinilit niya ang ngumiti kaya nagmukha tuloy siyang plastik sa dalawa. "Kung gan''on let''s go he he" Naglakad muli sila patungo sa elevator. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Khalid. Panay ang lingon niya dito kung ayos lang ito. Mukhang hindi naman nito inaalis ang paningin sa kanya. Naaaliw na lang siya na halatang gusto talaga siya nito. And she likes Khalid too kahit na unang araw pa lang nila na magkita. Pinatuloy niya ang dalawa sa suite niya. "Tuloy kayo." Dahil palagi namang may naglilinis na maid sa kwarto niya, kampante siya na malinis ang buong kwarto. "Upo muna kayo habang hinihintay ang pagkain natin" nakangiti niyang sabi. Nananatili naman si Cally na tahimik kaya nakaramdam ng pagkailang si Yuna. Ganoon pa man, mabilis ang kabog ng dibdib niya. Umupo ito sa mahabang couch na nasa visitor''s area at inikot nito ang paningin sa buong kwarto. Tumabi siya ng upo dito dahil nag-iisa lang ang couch na iyon sa suite niya. Napapagitnaan nila ang bata. May isang kwarto ang suite ni Yuna, isang kitchen at table na pang-apatan. Ang Visitor''s area kung saan sila naroon at malaking restroom. "You stay here?" usisa ni Cally. "Ah, Yes. It''s part of my privilege as the General Manager of this hotel." "I see difference sa pag-manage mo ng hotel" sabi nito. "Is it good?" tanong niya. Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin sa bintana ng kwarto niya na malaki ang pagkakahawi ng kurtina. Kitang-kita ni Yuna ang pagkidlat at pagkulog sa labas. Napapakislot siya habang nakikita ang mga pagliwanag at yanig ng kalangitan. Hindi maiwasan na lapitan niya ang bintanang salamin at isara ng mabuti ang kurtina. "Sorry Master Cally. Takot kasi ako sa kidlat kahit¡­ hindi ko naririnig" "Mommy, I''m afraid. Is it okay if I sleep here?" hiling ni Khalid. Tumingin siya sa gawi ni Cally at hindi niya alam ang isasagot. Unang beses kasi na may bisita siya sa kwarto. Magtatanong na sana siya dito nang tumunog ang doorbell. "I think, that''s our food" agad siyang tumayo at tinungo ang pintuan. Ngumiti lang siya sa staff at hinayaan ito na ipasok ang mga pagkain. Tinulungan niya ito na ilagay sa mesa ang mga iyon. Pinagmamasdan ng lihim ni Cally si Yuna. Ano nga ba ang rason ng pananahimik niya? It''s because of her voice. Kulang na lang ay pumikit siya at pakinggan ng mabuti ang babae. Mapagkakamalan niya na nasa paligid lang si Prin. The air fragrance in her room is likable. The sweet smell of Sakura filled his senses. Even the designs in her room are good. Naputol lang sa pag-iisip si Cally nang ayain siya ni Yuna na kumain. "Boys, let''s eat" Sumunod si Cally "I just want coffee" "Mommy, I want milk" sabi naman ni Khalid. Ngumiti lang si Yuna saka nagsalin ng tubig sa water heater para magpakulo. "All I have is 3-in-one coffee. Okay lang ba sa iyo?" "No problem" Naubusan na si Yuna ng sasabihin kaya parang may dumaan na anghel sa paligid nila at dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang tatlo hanggang sa iabot niya ang kape at gatas na hiniling ng mag-tatay. Nagpatuloy naman sa pagkain si Yuna dahil nagugutom na rin siya. Sobrang ilang na ilang lang talaga siya kay Cally. "By the way, I will try my best na ihanap kayo ng kwarto." malakas kasi ang ulan at nabalitaan niya na nagbaha na rin sa kalsada. Alam niya na walang tyansa na makauwi ang mga ito sa White Castle. Nabalitaan niya pa na puno ang hotel sa araw na iyon dahil sa assembly. Hindi alam ni Yuna kung saan patutuluyin ang dalawa. "No Mommy, I will stay here. My Dad too" malungkot na sabi ni Khalid. Nanlaki ang mata ni Yuna. "I¡­" "I''ll sleep on your couch." nagulat siya na pumayag si Cally. Tumingin pa ito sa mahabang couch na naroon sa main area niya. Napalunok si Yuna. ''O dear, uwi na kayo please!'' Natatakot kasi siya. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan at akitin niya ang Master of all Masters sa gabi na iyon! Chapter 299 - I saw a c.o.c.kroach She ordered a new set of pajamas and casual wear for Cally and his kid at a hotel. Inutusan niya ang sekretarya niya na si Mildred na dalhin sa kwarto niya ang mga kailangan nito para sa gabi na iyon. Nagtataka man ang babae, sumunod pa rin ito sa kanya. May shops naman sa hotel kaya hindi siya nagkaproblema para sa mga susuutin ni Khalid at ni Master Cally. Inabot niya lang ng mga iyon sa pintuan at hindi naman ito nakiusisa kung mayroon siyang bisita. Natutuwa siya habang pinaliliguan si Khalid. Hindi na dapat niya iyon gagawin pero nagpumilit ito na paliguan niya. Just how much does he miss his Mommy? Sa totoo lang masaya si Yuna sa presensya ni Khalid. Masaya rin siya sa kaibigan nito na batang babae. She never like kids but she likes Khalid and that little girl named Angel. "Ah¡­ M-master, you can clean up yourself. I ordered a set of pajamas." sabi ni Yuna sa lalaki matapos niyang paliguan ang anak nito. Natagpuan niya ito na nasa parehas na pwesto na tinayuan ni David at nakatingin din sa labas. Ang pagkakaiba nga lang ay maulan sa siyudad nang oras na iyon. "Yuna, how much is your monthly salary?" nabigla siya nang sa halip ay itanong nito. Hindi masagot ni Yuna ang biglaan na tanong na iyon ni Cally dahil hindi naman siya simpleng empleyado lang sa hotel. She is Apolo''s child and eventually everything in that hotel will become hers. Whatever time she spent there is basically training, but of course her dad is providing something for her. "I''ll double your salary if you accept my job offer. Even triple." Napalunok si Yuna. ''Oh no! don''t tell me my job is to become your mistress?!'' She heard na walang babae na makalapit dito dahil sa sobrang mailap ng lalaki at sigurado si Yuna na kulang sa s.e.x life si Cally. ''Grabe ka girl, ang harsh mo kay Master. Malay mo mayroon, pero di mo lang alam.'' Pinasadahan ni Yuna ang lalaki na lumapit sa lugar nila mula ulo hanggang paa. Lumilipad ang utak niya at nag-iisip na ng kung anu-ano nang muling magsalita ito. "I just want you to be my son''s¡­ Nanny" Yuna "..." Parang may itim na uwak na dumaan sa paligid niya. ''Asang-asa day?'' "Huwag mo munang sagutin. I''ll give you a week para pag-isipan. And¡­ You are drooling" sabi nito bago kinuha ang damit na nasa tabi niya at tumuloy sa pagpasok sa loob ng restroom. Pinahid ni Yuna ang likod ng kamay niya sa namasang labi. Gaano niya kaya katagal na tinitigan ang lalaki? ''Oh my goodness, nakakahiya'' ===== Habang malakas ang ulan sa labas, gising na gising si Yuna na nakahiga sa malapad na kama habang yakap-yakap ng dalawang braso niya si Khalid. May ngiti pa sa labi ang bata habang nakasiksik sa dibdib niya na natutulog. It''s as if he belonged to that place. Nanunuot pa sa ilong niya ang amoy nito na baby powder. She can tell that Khalid likes her so much. Nagawa pa nitong suungin ang malakas na ulan makita lang siya. This little guy is living like a little prince. Handa rin magbayad ang daddy nito ng malaking halaga para lang siya ang magbantay sa anak nito dahil sa gusto siya ni Khalid. Siguro kung tatanggapin niya ang offer ni Cally, siya na ang may pinaka-malaking sweldo na tsimay sa ibabaw ng mundo. She kissed Khalid''s forehead. Nakaramdam ng pagkauhaw si Yuna kaya dahan-dahan siyang bumaba mula sa kama para hindi magising si Khalid. Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig. Tanging dim na bedside lamp lang ang nagbibigay liwanag sa buong suite niya. Nilingon muli niya ang couch kung saan nakahiga si Cally na nakahalukipkip. Hindi niya mapigilan na lapitan ito. Nakatingkayad ang mga paa na naglakad patungo sa nakahigang si Cally. Iniiwasan niya na gumawa ng ingay. Dahan-dahan na lumapit siya hanggang sa makalapit siya sa lalaki. Umupo siya sa harap ng sofa kung saan mapagmamasdan niya ng mabuti ang mukha nito. Para siyang si Toshio Saeki ng ''The grudge japanese movie'' na yakap ang mga binti at pinagmamasdan ang mukha ni Cally. Mas malapitan niyang mapag-aaralan ang mukha nito sa posisyon niya na iyon. Pinasadahan niya ang paningin sa bawat parte ng mukha nito. Nakuntento na siya sa kakaunting liwanag na binibigay ng bedside lamp. *Ba-dump* *ba-dump* Saka siya napalunok nang tumigil ang paningin niya sa labi ng lalaki. ''Oh sige na nga! crush na nga kita, Master!'' Can''t anyone blame her? She thought, no one is more perfect than this guy. "Are you done watching?" Natumba si Yuna sa pagkakabigla nang magsalita ang lalaki. Gumulong siya sa carpet na parang si Spider man. "ehem ehem! I thought I saw a c.o.c.kroach underneath" katwiran niya. Namumula ang mukha na mabilis na gumapang siya pabalik ng kwarto. ''Sheeeet!'' yung ilong ko baka tumabingi!'' Doble-doble ang kahihiyan niya kapag nangyari iyon. Kahit pa nga dalawang taon na nang huli siyang magparetoke, nasabihan pa rin siya na huwag magkikilos basta-basta. Matapos naman ang maraming taon, sumilay muli ang ngiti sa labi ni Cally. This Yuna girl is really something¡­ Chapter 300 - Her role in life Kinabukasan, mas maganda na ang panahon sa siyudad. May kakaunting hamog na lang na iniwan sa paligid ang malakas na pag-ulan nang nagdaang gabi. Nagpasalamat si Yuna dahil hindi napahamak ang ilong niya sa paggulong niya sa carpet. Kung hindi ay talagang nakakahiya dahil baka naka-face mask siya sa mga oras na iyon hanggang sa makabalik sa Korea para ipaayos muli iyon. Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos. Unang beses din kasi na may bisita siya sa kwarto. "Mommy, when will I see you again?" tanong ni Khalid. Kapit na kapit ito sa kamay niya at tila naghihintay ng magandang sagot bago siya nito bitawan. "This¡­" napakamot siya sa pisngi at hindi alam ang isasagot. Hindi naman kasi siya ang masusunod kung nais niyang makita si Khalid dahil mahigpit ang seguridad nito. Sigurado na hindi rin naman hahayaan ni Cally na maiwan sa kanya ang anak nito ng walang kasama at walang maayos na security. Kasalukuyan nilang inaabangan ang chauffeur ng mag-ama sa lobby. "Can I see you everyday?" pangungulit ni Khalid. "Yuna¡­" tawag ni Cally. Nilipat niya ang paningin dito. Namula na naman ang mukha niya dahil nagbalik sa ala-ala niya ang nangyari ng nagdaang gabi. "Since you are still thinking, I have a better proposal¡­ kung ayos lang, we will invite you to dinner tonight and let''s talk about it." Saglit na nag-isip si Yuna. Ang totoo, hindi niya masabi kay Cally na malabo na iwanan niya ang trabaho niya sa hotel kahit magkano pa ang ibayad nito sa kanya para alagaan si Khalid. She is Apolo''s heir. Her job as his daughter is also important. Iyon ang unang dahilan kung bakit siya sinilang sa mundong iyon, to become an heir. Sa loob ng dalawang taon ay pinag-aralan niya ang business ng pamilya para hindi maging kawawa na tulad ng mga narinig niya na naranasan niya dati. Though she can''t find any dark feelings inside her heart against those people na tumapak sa kanya noon, she has to play her role as Yuna Byrnes. Even her Mom died dahil parehas silang mahina kaya kailangan niyang ayusin ang trabaho niya ngayon. "Mommy, I want to see you tonight" nakikiusap ang mga mata ni Khalid at may bahid ng lungkot ang hiling. Hindi napigilan ni Yuna na yakapin ang batang lalaki. Huminga siya ng malalim. Hindi niya kayang tiisin kapag si Khalid na ang humihiling sa kanya. "Sure. I''ll go to your place." Sabi niya habang haplos ang pisngi nito. Then, she placed a sweet kiss on his cheeks. Sakto naman na dumating na ang sasakyan ng mga ito sa harap nila kaya satisfied na sumakay si Khalid sa likurang bahagi ng kotse nito. Sumenyas lang sa kanya si Cally na aalis na ang mga ito bago tuluyang sumakay. Pabalik na sana siya sa suite niya para magpatuloy ng pahinga nang makasalubong si Mari. Maganda na sana ang umaga niya kung hindi lang niya nakita sa umaga na iyon ang demonyita. "Who is that man? Ang bilis mo naman yata mang-landi ng iba?" pagpaparinig nito nang mapadaan siya sa tabi nito. Ayaw patulan ni Yuna ang babae kaya dumeretso lang siya ng lakad patungo sa elevator. Si Mari naman ay nahiwagaan kung sino ang lalaking pinaalis ni Yuna. Hindi nito nakita si Khalid at tanging likuran lang ni Cally ang bahagyang nakita nito. Napangiti naman siya ng nakakaloko. Soon, she will tell Felix na may inuuwing lalaki si Yuna sa hotel. Para tuluyan na mabwisit ang lalaki sa kapatid niya. At sa loob ng dalawang buwan niya doon, sisiguraduhin niya na hindi maayos ang mundo ni Yuna. ===== Nang sumapit ang gabi, nagpunta si Yuna sa White Castle, katulad ng pangako niya kay Khalid. Hindi na siya nagpahatid at siya ang kusang nagmaneho patungo doon. Mukhang na-alertuhan naman ang security ng lugar kaya hindi na ganoon kahigpit sa kanya ang guards kumpara ng nagdaang araw. Kalalabas niya pa lang ng kotse, tumatakbo na si Khalid papalabas mula sa loob ng bahay. "Mommy!!!" Mabilis na tumakbo ito at yumakap sa binti niya. Nakita niya na may palabas din mula sa loob ng villa. Si Lorenz at isang babae na hindi niya kilala kaya sumeryoso siya at tinanguan ang mga ito. Nakaangkla ang kamay ng babae sa lalaki. "We are going Khalid. See you soon" paalam ng babae. Napatigil ito saglit nang mapadaan sa gilid niya at saglit siyang tinitigan. "Did we met before?" tanong ng babae sa kanya. "I-I don''t know. Dalawang buwan pa lang ako dito sa Maynila. Maybe you checked-in sa Romantik Grand Hotel and we met there before. Or maybe you saw me yesterday" "Honey, let''s go. Malapit na ang oras ng boarding time natin, baka ma-late tayo" aya dito ni Lorenz. Tulad nang nagdaang araw, malamig pa rin ang trato nito sa kanya. Parang may bloke rin ng yelo na nakapaligid dito katulad ng iba pang kasama ni Cally. Pero pansin ni Yuna na malambot ito sa babaeng kasama. Khalid waved goodbye nang walang sinasabi. "Okay, see you next month" Saglit pa na tinapunan siya ng babae ng tingin bago nagpatuloy sa pagsakay ng kotse. Chapter 301 - Im sorry Sumunod si Yuna kay Khalid sa pagpasok sa bahay ng mga ito. "I will call my Dad" nakangiti ito na nagpaalam saka nagpunta sa kung saan. Unang beses niya na makapasok sa Living room ng White Castle kaya medyo kinakabahan siya. Maluwag ang kabuuan ng living room. May malapad na hagdan pa patungo sa itaas. Pansin niya na magara ang mga kagamitan sa buong kabahayan hindi lang ang kusina kung saan siya tumungo nang nagdaang araw. Isang larawan ang pumukaw kay Yuna habang iniikot ang mata sa paligid. Nakapatong sa isang magandang cabinet ang larawan ni Khalid at ng Mommy nito na si Prin Matsui. Hindi niya napigilan na lapitan iyon at damputin ang frame nito para mas matitigan ng mabuti ang larawan. Ewan niya kung bakit, pero parang pinipiga ang dibdib ni Yuna habang nakatingin sa larawan ng mag-ina. May mga tinig siyang nadidinig habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Prin Matsui. Nag-eecho sa pandinig niya ang iba''t-ibang tinig habang nakatitig sa larawan nito. ''Yuna, don''t lie to me. you know that I am not an ordinary person'' ''Stop calling me your Joo!'' ''My sister and her Mom are both witches'' ''My life is like a modern Cinderella with an evil step-sister and evil step-mother'' ''Prinnn!!!!'' Isang boses ang pumukaw at nagbalik sa kanya sa reyalidad. "The dinner is ready" Dumausdos ang frame sa mga kamay niya, mabuti na lang at mabilis din siyang nakakilos at hindi iyon tuluyan na nahulog sa sahig. Natatarantang ibinalik niya iyon sa kung saan ito nakapwesto. Nakakunot ang noo ni Cally at lumamig ang paningin nito nang makita na hawak niya ang larawan ng asawa nito. "Mommy, why are you crying?" nag-aalala na tanong ni Khalid. Hindi alam ni Yuna na napaluha siya habang hawak ang larawan ng Mommy nito. Pinunasan niya ang mga mata niya saka humugot ng hangin para pakalmahin ang sarili. "The dinner is ready" malamig na ulit ni Cally. Hindi naman mapalagay si Yuna habang nakatingin sa mag-ama na naghihintay sa kanya sa pintuan patungo sa kusina. "Ma-master Cally¡­ Khalid¡­" tawag niya sa pangalan ng dalawa. Nagpatuloy sa agos ang luha niya dahil sa biglaang sakit ng dibdib niya. She has to face this sooner or later kaya mas makabubuti pa na harapin niya na ngayon ang dalawa kaysa lumalim pa ang samahan nila ni Khalid. Khalid is a nice kid and she can''t help to feel sad for him for losing his Mom at his young age. Kahit gaano karaming haplos ang gawin niya dito, hindi iyon mapapalitan ng haplos ng tunay nitong Mommy. "Master¡­ I think I shouldn''t be here¡­ your wife was with me nang mga huling araw sa barko.. I am Yuna Byrnes and Apolo''s child¡­ n-nanghingi ako ng tulong sa kanya noon¡­ I.. I''m sorry, I am really, really sorry¡­ she she..." "Stop it!" dumagundong halos ang sigaw ni Cally sa buong living room dahilan para matakot si Yuna. Halos lumuwa ang dibdib niya papalabas sa sobrang takot dito. Mahigpit na nakakuyom ang kamao nito. "I''m sorry Khalid¡­ I am not worthy to be called your Mommy" sabi niya saka mabilis na tinungo ang pintuan papalabas. "No¡­ Mommy no!" habol ni Khalid sa kanya. Hinawakan ito sa braso ni Cally para pigilin. "She is not your Mommy" Binuhat ni Cally ang anak kahit gaano pa katindi ang pagpupumiglas nito sa pagkakahawak niya sa buong bewang nito. "No¡­ Mommy! Mommy!!!" nagsimula na rin na umiyak ang anak niya while reaching out his hand sa gawi ni Yuna na papalabas. Pinilit naman ni Yuna na huwag pansinin ang mga pag-iyak ni Khalid sa loob ng living room. Mabilis siyang sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar iyon papalabas ng gate ng White Castle. Uminit na ang ulo ni Cally dahil sa emosyon na hindi niya alam kung saan nanggagaling. He was really hurt. Tila binuksan ni Yuna ang naghilom niyang sugat. Bakit si Yuna, buhay? Bakit si Prin ang kinain ng apoy kasabay ng barko? At marami pa siyang ''bakit'' na katanungan. Marahas na inakyat niya ang anak sa itaas patungo sa kwarto nito. "You will stay here" Basang-basa ang mukha nito dahil sa pag-iyak at hinarap ang pagbabanta ng mata niya. Binabantaan niya ito sa tingin na huwag susunod kay Yuna. Sumalampak ito sa sahig. Ilang hakbang pa lang nalalayo si Cally mula sa kwarto ng anak niya nang makarinig ng mga pagbasag. Tuluyan nang nag-tantrum ang anak niya at hinagis ang lahat ng babasagin na nasa kwarto nito. Picture frame, vase, mga kotse-kotsehan na maayos na nakasalansan sa isang parte ng pader, pati ang 40 inches na TV ay hindi natakot na hinila nito ang mahabang wire ng saksakan, dahilan para mahulog ito sa kung saan ito nakapatong. Hindi pa nakuntento na sinipa nito iyon at tila nanghahamon na sinalubong ang mata ni Cally na nasa tapat ng pintuan. . "Don''t try my patience Khalid!" Nagpipigil ng galit si Cally pero nagulat na lang siya ng sinaraduhan siya nito ng pintuan. Mga kasambahay na simpleng nakiki-tsismis "..." Chapter 302 - Hard to seduce Masama ang loob ni Yuna na bumalik sa hotel. Mabigat ang dibdib niya habang inaalala ang pagtawag sa kanya ni Khalid habang umiiyak. Mabuti na lang at nasa Maynila ang mga kaibigan niya. Kaya naman agad niyang tinawagan si Coffee matapos niyang mag-park ng kotse. "Hello Dear *cough*" "Where are you guys? At bakit parang inuubo ka?" usisa niya dito. Agad din naman niyang naisip na baka nag-aadjust ang katawan nito sa siyudad dahil nagmula pa ang babae sa malamig na bansa. "Tamang-tama ang tawag mo, because your Dad might call you soon *cough*." sabi nito nang may bahid ng pagbabanta. Then, she sneezed. Pero base rin sa tono nito, hindi nito masyadong binibigyan ng pansin ang kung ano man na rason kung bakit siya ipapatawag ni Apolo. "Okay, I''m here sa lobby. See you in a minute" sabi niya saka nagpaalam na dito. Kailangan niyang i-divert ang atensyon mula kay Khalid na patuloy na umaalingawngaw sa tenga niya ang pagtawag nito ng ''Mommy''. Nakasalubong niya muli si Mari at Felix sa elevator. Palabas ang dalawa at siya naman ay papasok. "Hi sister Yuna" bati ng babae. Inikutan niya lang ng mata ang mga ito saka nagpatuloy sa pagsakay sa elevator. Bakit naman kasi kung kailan bad mood siya saka niya makikita ang mukha ng mga ito? Para bang nananadya ang tadhana na lalo siyang bwisitin. Bad mood pa naman siya dahil tinakot siya ng first-ever crush niya. Well, sa loob ng tatlong taon. ''Hmp! Di na kita crush!'' sabi niya habang nasa imahe ng isip niya ang seryosong mukha ni Cally. Lihim naman na napangiti si Mari na tila may alam ito na hindi alam ng iba. Dumeretso si Yuna sa pinaka-mataas na palapag para puntahan ang Presidential suite kung saan naroon ang tatlo niyang kaibigan. She used her master key card saka tuloy-tuloy na pumasok sa suite ng mga ito. Natagpuan niya si David at Coffee na magkatabi sa isang couch at parehas na nanonood ng movie sa TV. Balot na balot ng comforter si Coffee at namumula ang mukha. "Where is Mikey?" "May surgery." simpleng sagot ng babae. Then, she coughs again. Nagsalin siya ng wine sa kopita at dinala sa single couch na nasa gilid ng dalawa "So, wala kang biktima kaya ka narito?" tanong niya kay Coffee Umikot ang mata nito dahil sa inis saka pinatay ang TV. Nagsalubong ang kilay nito saka nagsimulang magreklamo. "Wala! I tried to seduce Makisig, I even wear my s.e.xiest tube dress when I met him earlier, tinodo ko pa ang pag-push up sa cleavage ko to get his attention. You know what he did? He asked me -- ''Naiinitan ka dito sa Maynila?" nagboses lalaki pa ito. "...guess what he did next?" she paused for a moment. At umubo muli tapos ay kumuha ng tissue para pigain ang sipon nito. "Nilagay ang aircon sa 8 degrees! I didn''t even bring a jacket or something to cover my delicate s.e.xy body in a red lace-tube dress¡­ *sneeze* and that is the reason why I have a flu now" Tawa ng tawa si Yuna. Base sa kwento nito, mukhang may ideya si Makisig na inaakit na ito kaya para magtigil si Coffee ay nilagay nito sa malamig ang aircon na parang nasa winter ang panahon. Para palayasin na rin ang kaibigan niya nang hindi ito mapapahiya. "Sana man lang kasi nag-research ka about him bago ka sumabak sa giyera. He and his wife knew each other since they were teens and he never got involved to other girls" "Malay ko ba! Ang alam ko lang noong teenager ako. Nag-aral na ko ng kama sutra. *cough*" "Why don''t you seduce David instead?" saka niya dinala ang wine sa bibig.. Nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Nagtaas lang ang kilay ni David samantalang inubo naman si Coffee. "Nah! Forget it! hindi ''yan takot sa labanan pero ayaw niyan sa babaeng mas palaban sa kama kaysa sa kanya" Napangisi si Yuna "And... how did you know?" nakataas ang kilay na usisa niya dito. Umubo ito ng sobra-sobra. "Because... I have an ex same as David, okay?! Anyway, balik tayo sa concern ko¡­ Sa tingin ko, babalik ka sa France the soonest." Pag-iiba nito sa topic na hinayaan na lang ni Yuna. Kumunot ang noo niya. "Why?" "Dahil nagreklamo ang isang french doon. And she is attacking you personally." Kinuha nito ang laptop na nasa mesita at may mga pinabasa sa kanya. Isang guest na babae na naglalaro sa 35 to 40 ang edad ang nagrereklamo sa Romantik Grand Hotel sa Paris pero patungo sa kanya ang atake. Isang blogger, kaya malaya nito na nasabi ang mga nais at reklamo nito sa personal site nito. Ang dating manager daw ng hotel na iyon (which is si Yuna) ay nahuli nito na babae ng asawa nito at iba-iba pa daw ang lalaki na nagpupunta sa hotel na halos maging brothel house na iyon. She looked at the guy''s photo at hindi maiwasan na mapangiwi siya. The most surprising is that this guy said sorry to his wife na parang pinatotoo nito ng hindi direktahan ang bintang sa kanya. Nakaapekto ang bintang nito kay Yuna sa hotel branch na nasa ibang bansa at sigurado na makakaapekto rin iyon sa Stock market ng kumpanya nila. Ilang saglit pa nga, tumatawag na si Apolo sa cellphone niya. "Dad¡­" "I''m here at your office" sabi nito. "Okay. papunta na ako diyan." Hinarap niya si Coffee. "I know na may pang-atake ka na sa French girl na ito kaya bakit pa ako pupunta sa France? Why don''t we enjoy the days on Phuket island instead?" "I like your idea!" nakangiting sabi nito. Saka bumahing. "Grrr! I hate this Makisig!" Chapter 303 - She took a vacation instead... Hindi tulad ng inaasahan ni Yuna, iba ang rason kung bakit siya pinuntahan ni Apolo sa opisina niya. "I heard you spent a night with someone" Napakamot sa ulo si Yuna. Alam niya na maraming mata at staff sa paligid ng hotel na maaari siyang pagtsismisan. Nagulat lang siya na mas nauna nitong pag-usapan ang tungol sa bisita niya nang nagdaang gabi kumpara sa issue sa Paris. "Dad¡­" hindi niya alam kung ano ang isasagot. Tinatapik-tapik nito ang mga daliri sa mesa. "hindi kita susuwayin kung may nagugustuhan kang lalaki. I just hope na hindi ito makasira sa performance mo¡­ Mari is now pregnant at ayoko naman na sumunod ka agad sa pagbubuntis niya." Alam ni Yuna na nag-aalala lang ito sa kahihinatnan nilang dalawa ni Mari at ng hotel. "Wala kang dapat ipag-alala sa akin. I don''t have a secret lover or a boytoy or a boyfriend or something. No plans of getting pregnant sa kung kani-kanino. Nagkataon lang na malakas ang ulan nang nagdaang gabi and my friends need shelter." Pumasok tuloy sa isip niya muli ang mag-ama. Hindi naman na kailangan pang banggitin kay Apolo na nagpunta siya sa tahanan ng mga ito at ginalit niya ng todo ang Master ng Dark Lords. Ang hindi alam ni Yuna, pina-delete ni Cally ang lahat ng traces na nagpunta ang mag-tatay sa hotel na iyon kaya wala ring makuha na impormasyon si Apolo. Their safety is important. At ayaw nito na mapahamak ang isang inosenteng si Yuna nang dahil lang sa kagustuhan ni Khalid na tumungo sa hotel. Susubukan naman sana ni Apolo na alamin sa bibig mismo ni Yuna kung sino ang bisita nito. Pero mukhang hindi naman na kailangan. Gayunpaman, hindi ibig sabihin na kampante ang kalooban niya sa kung sino man ang kaibigan na sinasabi ni Yuna. "About the issue in Paris..." pag-iiba ni Apolo sa usapan. "Rest assured that I am doing something on that issue" Tumango lang ito saka siya tinitigan sa mata ng ilang saglit. "*cough* By the way, it''s been so long at gusto ko sana mag-unwind o magpahinga muna sa trabaho. I''m going to Phuket for a couple of days" paalam niya dito. Saglit na natahimik si Apolo pero sinabi rin naman na ayos lang saka ito nagpaalam. ===== Nang makarating kay Mari ang balita na magbabakasyon si Yuna, mas lalong sumilay ang ngiti sa labi nito. Sino ba naman kasi ang mas pipiliin na mag-unwind at magbakasyon sa isang isla at magsuot ng swimsuit sa panahon na iyon na may kinakaharap na problema ang hotel nila? Kinaumagahan, umalis din naman ang grupo ni Yuna patungong Thailand. Tapos na ang transaksyon ni Coffee, tapos na rin ang surgery ni Mikey sa isang batang babae na may sakit sa puso kaya pumayag ang mga ito sa nais niya na magbakasyon kahit tatlong araw. Sa loob ng tatlong araw, sinabotahe ni Coffee ang blog site ng French girl na nagrereklamo kay Yuna at pinaulanan iyon ng s.e.x videos na halos maging p.o.r.n sites na iyon. Napalitan iyon ng mga videos ng pakikipagtalik nito kung kani-kanino. Sa sobrang galit ng asawa nito, ginulpi nito ang babae na nagdala dito sa ospital, dahilan naman para hulihin ito ng pulis. Dahil sa issue ng mag-asawa nagkaroon tuloy ng katanungan kung nagsasabi ng totoo ang mga ito. Then, Yuna created her first ever social media account. Simple lang ang sinulat niya. [The truth is rarely pure and never simple] sinamahan niya pa iyon ng isang larawan niya na nakasummer dress at naglalakad sa beach. Marami naman agad ang pumuri kay Yuna sa pagtrato nito sa sitwasyon. And iba pa nga ay nagtatanong kung saang lugar siya nandoon. Alam niya na may nagpapaikot sa sitwasyon niya at malakas ang kutob niya na si Mari ang instigator ng mag-asawa. Ayon kasi kay Coffee, hindi na masyadong kumikita ang blog site ng babae na tungkol sa Travels nito dahil naubusan na ito ng funds. Pasasaan ba at ilalabas niya rin ang tunay nitong anyo sa likod ng itim nitong maskara. She is holding her biggest card against her idiot sister at ilalabas niya ang bagay na iyon kung sakali na inubos nito ng tuluyan ang pasensya niya. She is enjoying the sunset and the beautiful scenery nang nagmamadaling lumapit sa kanya si Coffee. Nakabikini pa ang babae na tumabi sa kanya. "Yuna, may relasyon ba kayo ni Master Cally?" Kumunot ang noo ni Yuna. At binaba ang shades niya na halos tumatakip na sa kalahati ng mukha niya. "You knew very well na wala" "Then, what is the meaning of this?" Isa sa hot comment sa kauna-unahan niyang post sa kanyang account ay nakasulat ang mga salitang [Yuna, please come back - Cally] Hindi nito personal na account ang ginamit pero wala siyang ibang Cally na kilala kung hindi si Cally na ''Master of all Masters'' At hindi rin naman siya nito pababalikin sa Maynila kung walang nangyari sa anak nito. "Oh my gosh, kailangan kong bumalik sa Maynila" nag-aalala niyang sabi. Nakaplano namang tapusin ng grupo ang bakasyon sa araw na iyon at magbalik sa bansa kung saan galing ang mga ito, mauuna nga lang siya ng alis. Hindi maiwasan ni Yuna na mag-alala habang inaayos ang mga gamit niya. What happened to Khalid para kusang loob ang tatay nito na pabalikin siya? Sa kabilang banda, hindi niya rin maiwasan na kiligin sa mensahe nito. Chapter 304 - Like a wife Mabilis na nagtungo si Yuna sa airport para makahanap ng ticket kung saan mabilis siyang makakabalik sa Maynila. Pero mas nabigla siya na may personal siyang sundo sa airport mula kay Cally. Tatlong lalaki na parang miyembro ng men-in-black ang nag-escort sa kanya papuntang papuntang private plane kung saan naghihintay ang ''Master of all Masters''. Natagpuan niya si Cally na nakaupo sa isang kompartableng couch na nasa loob. Nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang may dinadanas na malaking problema. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa katauhan nito ang malakas na appeal na susukuan ng kababaihan. "Ehem!" Pinilit ni Yuna na pakalmahin ang sarili baka kasi manghingi siya ng autograph sa lalaki. Nilapitan niya ito.. "Anong nangyari? " tanong niya. "Khalid is at the hospital now. Hindi siya kumakain simula pa kahapon" "What?! Y-you¡­" dinuro ni Yuna si Cally. "What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo? Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap magluto ang cook niyo!" nagagalit at sunud-sunod ang reklamo niya dito habang pinameywangan pa ang lalaki. Cally "...." Para siyang sinapian ng misis na nagagalit sa asawa nito. Wala namang emosyon na binigay sa kanya ang lalaki at nagpatuloy sa pananahimik. Matapos niya itong pagalitan, parang nakabalik naman sa reality si Yuna. Hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob niya na pagalitan ang ''Master of all Masters''. Natatakot na ba siyang mabuhay? Gusto ba niyang ihagis siya nito sa dagat at ipakain sa pating? Umupo na lang si Yuna sa couch na nasa kabilang isle. Wala naman siyang narinig pa sa lalaki at mas pinili na lang nito na matulog. Hindi naman na ninais pa ni Yuna na istobuhin pa si Cally dahil mukhang ilang araw na itong walang pahinga. Mas pinili na lang niya na magpahinga din dahil mahaba-haba rin ang byahe nila. Halos hindi nga niya namalayan na nakatulog siya ng limang oras at ginising na lang siya nito nang maka-landing ang eroplano. Pagdating ng Maynila, lumipat lang sila ng helicopter para mas mabilis silang makakarating sa ospital na pag-aari ng mga Hans. Pagdating sa ospital, dinala siya ni Cally sa isang kwarto at natagpuan niya si Khalid na nakahiga sa isang kama. Ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang galos ng bata sa binti. Naniningkit ang mga mata na hinarap niya si Cally. "What did you do, Cally?" naiinis na tanong niya sa lalaki. Habang tumatagal ay mas tumatapang na ang apog niya na pagalitan ang lalaki. Hindi niya na ito tinatawag na ''Master''. Nagpapasalamat na nga lang siya dahil hindi naman ito umaalma, kung hindi ay talagang ''Yari'' siya at baka ipadala siya nito sa Iran para pigilin ang giyera laban sa Amerika. Parang napahiya naman si Yuna nang makabawi, lalo at may mga tao pala sa loob ng kwarto. Nasa loob ng kwarto na iyon ang mag-asawang Ginny at Cloud Han kaya biglang umurong ang dila niya. "So-sorry po" pagpapaumanhin niya sa mga tao doon. "Ano ba ang nangyari talaga?" maayos nang tanong niya. "For two days, binasag niya ang mga gamit sa White Castle, kaya hindi naiwasan na masugatan siya." paliwanag ni Cally. Nanlaki naman ang mga mata ni Yuna sa nadinig. "Dahil akala niya ay wala siyang mapapala sa pagbasag lang ng gamit sa bahay, he came up with another plan, ang huwag kumain. It''s more than 24 hours at wala siyang ginugusto kahit tubig. He just wants to see you" Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa nadinig. Ilang saglit pa, nagdilat ito ng mata at unang nakita si Yuna. Agad na lumuha ang mata nito saka umupo at yumakap sa kanya. Hindi ito nagsalita at tahimik na lumuluha. "Baby, don''t cry¡­ I will stay with you, okay" Tumango ito. "Your dad told me, hindi ka kumakain simula kahapon. That is bad for your health. What do you want to eat?" "Anything you cook" "Okay, lulutuan kita ng pagkain everyday. For now, inumin mo muna ''yung gatas mo" Mabilis naman na nakarating sa mga kamay ni Yuna ang baso ng gatas para ipinainom kay Khalid. Matapos iyon pinakain niya muna ng biskwit para hindi mabigla ang tiyan nito. Habang ginagawa niya iyon, pinag-aaralan naman siya ni Ginny saka bumulong sa asawa nito. "Honey, let''s talk outside" Tahimik na lumabas ang mag-asawa. Akala ni Cloud ay sa malapit lang sila pupunta ng asawa niya ngunit nabigla siya nang dinala siya nito sa parking at sumakay ng kotse si Ginny. "You drive" utos ni Ginny. "Saan naman tayo pupunta?" "Sa Romantik Grand Hotel" sagot ni Ginny. Kinakagat-kagat nito ang kuko habang nakaupo sa unahang bahagi ng kotse nilang mag-asawa. Wala siyang ideya pero mukhang seryoso ang kailangan nito kay Apolo. Kilala niya na ang asawa niya at alam niyang na-stress ito bigla. Tinawagan niya muna si Drake para abisuhan si Apolo na patungo sila doon para kitain ito. Sigurado naman siya na nauunahin silang harapin ni Apolo kahit ano pa ang ginagawa nito sa kasalukuyan. Samantala, sa parehas na oras, sumimple si Cally na lumabas sa hallway at tinawagan niya ang pinsan na si Mat-mat. "Please investigate what Yuna Byrnes did in the past three years." Chapter 305 - Like a rapist looking at his prey (three days backtracking) Maririnig ang mga pagbasag ng kung ano sa loob ng White Castle. "Ano ang nangyayari?" tanong ni Xander sa asawa nito na si Xia na siyang nag-aasikaso sa kasalukuyan ng mga kailangan sa White Castle. "Inubos ni Master Khalid ang lahat ng plato at baso sa kusina." nakangiwing paliwanag ng asawa niya. Sinilip niya ang kotse kung saan nakaupo si Cally na nagtatrabaho sa laptop nito. "S-shi¡­?" "Let him, kung gusto niyang ubusin ang lahat ng gamit sa bahay, bahala na siya. Just make sure that he is safe" utos nito kay Xia. "Yes, Shi" Napangiwi na lang si Xander. May ideya siya kung gaano kamahal ang mga kagamitan sa white castle, at hinahayaan lang ng Shi nila na ilabas ang sama ng loob ng anak nito sa pamamagitan ng pag-ubos ng kagamitan ng bahay nito? Sumenyas na lang si Xander sa asawa nito na ito na ang bahala sa nagtatantrum na si Khalid, saka siya sumakay sa itim na kotse at inutusan ang chauffeur na magpatuloy na sa pagmaneho patungong opisina. Kinabukasan hindi akalain ni Cally na mas malaki ang problema niya kay Khalid. Habang nasa dinner meeting, tinawagan siya ni Xia para ipaalam na nasugatan ng bubog ang binti ng anak niya at hindi kumain ng kahit ano sa maghapon at nanghihina na ito sa kwarto. Marahas na kinamot niya ang kilay at tinapos ang meeting niya sa araw na iyon. Inutusan niya si Xia na dalhin ang anak niya sa ospital na pag-aari ni Christen. "Go and find Yuna" utos niya kay Xander saka dumeretso sa ospital. Alam niya na ito lang ang magiging hero niya sa sitwasyon ng anak. Eksakto naman na naroon na sa oapital si Khalid at tsine-tsek ng doktor nang dumating siya Matamlay na ito at wala na sa mood magbasag ng kung anu-ano pero ang una nitong ginawa nang makita siya ay hanapin si Yuna. "I want my mommy" "So, kaya ka ba hindi kumakain dahil gusto mong sumunod sa mommy mo sa hukay?" Sinalubong nito ang mata niya at tila naiinis. Of course he knew that he is looking for Yuna. "What?" panghahamon niya rin dito. Binawi nito ang tingin. Hindi na ito sumagot, sa halip ay nagtago sa puting kumot. "Is that your new method to kill yourself?" Umikot ito sa ibabaw ng kama na halatang naiinis na ito sa kanya. Pinilit nila na pakainin ang anak niya o painumin ng gamot pero ayaw nito na tanggapin ang lahat ng ibigay nila dito na halos mag-init na ang ulo ni Cally. Ilang araw na siyang hindi makatulog dahil lihim niyang binabantayan ang kilos ng anak niya at talagang nakaramdam na siya ng pagod. Nag-report naman agad sa kanya si Xander tungkol kay Yuna at nabalitaan niya na nagpunta ang babae sa Phuket. Pinakita pa sa kanya ni Xander ang larawan nito sa isla. "Shi, tatlong araw kasi ang nakaraan, nagkaproblema si Ms Yuna sa branch sa Paris." Pinagmasdan niya ang larawan ni Yuna. Parang diwata si Yuna na sinilang sa isla na iyon habang nakasuot ng floral na bestida na abot hanggang sakong, nililipad pa ang buhok nito na nakikiisa sa hangin, at wala man lang sa anyo nito na stress o kung ano pa man sa problemang kinasasangkutan nito. Then he commented, ''please come back - Cally'' Xander "..." ''Shi, that''s my account'' Alam ni Cally na may ideya si Yuna na si Khalid ang dahilan kaya siya nagkomento sa account nito. Pero hindi si Xander. Iba ang tumatakbo sa isipan ng assistant niya. "Do something for her sa issue niya sa Paris." utos ni Cally saka tinawagan ang piloto niya para maghanda sa pagsundo nila kay Yuna. ===== "Shi, we have Ms Yuna now" pagbibigay-alam ng tauhan ni Cally sa radyo na nasa gilid ng eroplano. Nakampante naman ang kalooban niya nang marinig na kasama na ng grupo niya ang babae saka niya pinatay ang radyo. Ilang minuto pa nga at nasa harap niya na si Yuna. Tila ito hinatid ng mga anghel sa harapan niya at hindi niya pinahalata na saglit siyang natigilan. ''You idiot! What are you thinking?!'' pinagagalitan niya ang sarili dahil lumilipad na ang isip niya kung saan-saan. Syempre walang ideya si Yuna sa kung ano ang mga iniisip ni Cally. Seryoso at walang makitang emosyon sa kanya kahit pa nang ipaalam niya dito na na-ospital si Khalid. "What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo? Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap magluto ang cook niyo!" nagagalit na sabi nito. Habang nagagalit ito ay tinitigan niyang mabuti si Yuna. Her actions, gestures and even the way she talks was like Prin. para nitong pinipitik ang dibdib niya habang nagagalit. Natahimik si Cally. Ang huling beses na naramdaman niya ang ganoon ay sa asawa niya rin na si Prin. Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay pinagagalitan siya ni Prin. Natahimik naman ito matapos nito magbigay ng litanyang napakahaba. Tapos umupo sa kabilang couch at natulog. Sa loob ng mahabang oras ng byahe, nakatingin lang siya sa gawi ni Yuna. Para siyang rapist na pinanonood ang biktima niya sa mahabang oras na iyon. Chapter 306 - Kiss on her lips He continues to analyze Yuna habang natutulog ito sa kabilang couch. Even her sleeping posture is like Prin Matsui. Hindi niya rin maramdaman ang panganib sa babae. Hindi niya napigilan na lapitan si Yuna at huminto sa tapat nito para titigan ang buong mukha nito na nakapikit. She has a pointy nose, nice chin, clear skin na halos wala ng makitang pores sa balat nito. A lips like cherry. He can tell that Yuna underwent plastic surgery sa malapitan. Hindi niya iyon napansin ng una. "Master..." naputol siya ng attendant dahil pauupuin sana siya nito dahil sa galaw ng hangin o air turbulence. Sinenyasan niya ito na umalis sa harapan niya. Nagbalik naman ang babae sa kabilang kwarto Ilang saglit pa, biglang gumalaw ang eroplano patagilid. Natumba si Cally sa pwesto ni Yuna. Agad naman niyang nahawakan ang arm rest ng couch para sa suporta. Pinilit niya na huwag masagi o maipit si Yuna na nanatiling malalim ang pagkakatulog. Doon niya lang nakita na nagbigay pala ng seatbelt warning ang piloto niya. Gumalaw muli ang eroplano. He never thought na babagsak ang mukha niya sa leeg ni Yuna. Kahit pa hindi nakikita ni Cally ang sarili, alam niya na namula ang mukha niya dahil sa intimate position nilang dalawa. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na amoyin ang leeg nito. She smells like cherry blossoms in an early spring time. "Master, are you okay?" tanong ng piloto sa radyo. "I''m good!" sigaw niya dahil sa pagkainis. Mabuti na nga lang at nananatili na tulog si Yuna. Hindi niya akalain na tulog mantika din ang babae. O kaya naman napagod ito sa pagswimming sa dagat Nanatili si Cally sa posisyon niyang iyon. He is enjoying her scent. Hindi niya alam kung gaano katagal pa niya na pinagmasdan at inaral ang babae. Tapos, sumunod ang kanina pa niya tanong sa mahabang oras na pagkakatitig niya dito. ''Are you Prin Matsui?'' while looking at her. He is not certain about her but he followed his instinct. He can''t help but to place a kiss on her lips. Ang mas lalong kinabigla ni Cally ay nang gumanti ito ng halik sa kanya sa iilang pagkilos lang ng labi nito. Then she stopped and continue her sleeping. It''s like she forgot everything but her body and heart will always remember. Isang luha ang namuo sa mata ni Cally. Bumalik siya sa couch kung saan siya talaga nakaupo at tumingin na lang sa bintana. Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili at ayaw niyang gumawa ng aksyon na ikapapahamak na naman ng pamilya niya. Ayaw niyang umasa but the truth was right before his eyes? Does Cally need to investigate? Hindi na kailangan, because he knew, he knew his heart very well. ''What did you do in the past three years, Prin Matsui?'' ===== Tumungo si Ginny sa Romantik Grand Hotel pero hindi nila nakausap si Apolo. Ayon sa anak nito na kausap nila, nagtungo si Apolo sa Paris ng hapon lang na iyon. "Ginny Lopez, malapit na ''ko magselos" reklamo ni Cloud pero pabulong lang na sakto lang na si Ginny ang makakarinig. "Can we please go home?" iritable pero pabulong lang na dagdag niya. Hindi naman siya pinansin ni Ginny at nagpatuloy sa pag-usisa kay Mari. "May kailangan ba kayo Master Cloud, Miss Ginny?" tanong ng dalaga. "Can I ask you something about your sister?" tanong ni Ginny. Iba naman ang naglalaro sa utak ni Mari. Kilala ng pamilya niya si Master Cloud at lalo na si Ginny Lopez. If there is something good na nais ng dalawa na ibigay kay Yuna, hindi niya syempre ikatutuwa ang bagay na iyon. At pagkakataon na rin niya para ipakilala ng mabuti ang sarili. Noon pa nais ng mommy niya na sana ay mapalapit siya sa mga Hans. Kaya naman she create stupid things para sirain ang imahe ni Yuna sa dalawa. "Haay, Miss Ginny. Walang ginawa ang kapatid kong iyon kun''di ang maglakwatsa. Nagawa pa ng Daddy ko na magpunta sa Paris to cover her mistakes. At alam niyo po ba kung nasaan siya habang inaayos ng daddy ko ang gusot na ginawa niya? She is enjoying life in Phuket island!" "...Samantalang ako itong buntis, pero ako ang naiwan dito sa hotel para i-manage ito ng maayos" Ngumiti lang si Ginny saka nagpaalam. "Take care of your baby. Uuna na kami" "Salamat Miss Ginny, please visit this hotel everyday. We can chat everyday¡­ like sisters" nakangiti pa na sabi ni Mari na parang nakababatang kapatid na humihiling sa ate nito. Ngumiti si Ginny. "Okay, we have to go. Bye!" hindi nito diretsahan na dinecline ang paanyaya ng babae. Bago makalabas ang mag-asawa¡­ "Does this lady know na ayoko na nagpupunta ka dito sa hotel ni Apolo?" Mari "...." Chapter 307 - Dissaster "Yuna Byrnes?" ulit na tanong ni Mat-mat. "Apolo''s child" Saka lang naintindihan ni Mat-mat ang ibig na sabihin ni Cally. "Ano ang eksaktong detalye na gusto mong malaman? Popoy, Moymoy not that wire!" bigla na lang nitong sigaw. Ramdam ni Cally na kasalukuyan na kasama nito ang tatlong anak pero sinagot niya ang tanong nito sa kanya. "Kung paano siya nakaligtas sa barko." "Cally, I thought naka move on ka na sa nangyari na ''yon. Hindi ba at ang grupo mo mismo ang sumisid at kumuha ng bangkay ni Prin sa dagat" "Pero hindi ko alam kung paano nakuha ni Apolo si Yuna" Biglang nakaramdam ng panunuyo ng lalamunan si Cally. "Natatandaan mo ba na ako mismo ang tinawagan ni Prin nang araw na iyon because you never answered her call? She told me that she will call Apolo para ibalik si Yuna. So basically at the same time ng laban, Apolo is on his way to get his princess." "...Tapos, ang pagkakaalam ko, nakita si Yuna ng kapitan ng cruise na nasa malapit ng pinangyarihan na lumulutang sa dagat. Maybe she escaped mula sa nasusunog na Maria Celeste 1" "...The cruise''s captain and are friends. Syempre nakilala niya si Yuna and the first thing he did is to call Apolo para ipaalam dito na nakuha ng cruise niya si Yuna." "...Hindi mo ito concern dati, bakit biglang naging issue ito sa iyo ngayon?" usisa ni Mat-mat matapos magpaliwanag. "Just do your task" saka niya pinutol ang tawag niya dito. Si Mat-mat naman sa kabilang linya ay dissaster ang ayos. Gusto na niyang umiyak dahil ang hirap mag-alaga ng anak na kapwa makukulit. Wala silang makuhang tagapag-alaga dahil sumusuko ang lahat ng Yaya sa mga anak niya. Tatlong araw hanggang isang linggo lang ang tinatagal ng mga iyon at nagpapaalam na sa kanilang mag-asawa na uuwi na lang sa probinsiya. He never understand before pero ngayon na ilang araw nang naiiwan sa kanya ang triplets, kahit siya ay suko na! But what can he do? He loves his Donna and his children. Kasalukuyan pa naman na nagpaalam si Donna para dalawin ang magulang nito kaya naiwan siyang mag-isa sa tatlong bata. Hindi maiwasan na mapatanong siya kung bakit ba naman kasi tatlong Matty baby ang naipunla niya ng sabay-sabay sa bahay-bata ni Donna. Nagsimula siyang magtrabaho kahit na pakalat-kalat ang tatlo niyang anak sa paligid. Matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho at marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon nang lumapit ang isa niyang anak. "Dada, pupuh" He sigh saka niya ito binitbit para dalhin sa palikuran at linisin. Pagbalik niya, nakita niya na nasa harapan ng laptop niya ang isang anak "Muymoy, Noooooo!!!!" Sa bigla nito, may pinindot ito sa laptop niya at mabilis na nag-run ang porsyento sa screen. Hindi man lang inabot ng limang segundo at nag 100% agad ang bar. [FORMAT COMPLETED] Pagkatapos ay itim na screen na lang ang lumitaw sa mata niya.. "No! No! No!" nasabunot niya ang makapal na buhok at hindi alam ang gagawin. Parang clueless naman ang anak na nasa harapan niya at tila walang ginawang mali. Tiningnan niya ang buong kwarto at parang gusto niyang maiyak dahil parang dinaanan ng bagyo ang buong opisina niya sa bahay. ===== Matapos kausapin ni Cally ang pinsan niya, lumabas na muna siya para bumili ng pagkain. Alam niya na hindi kumain si Yuna sa buong byahe nila at ganoon din naman ang anak niya kaya personal siyang bumili ng pagkain. Hindi na niya sinubukan pang abalahin si Xander o ang iba pa. Pagbalik niya ng kwarto, parehas na nakahiga sa iisang kama ang dalawa. Natagpuan niya si Khalid na nakadapa sa dibdib ni Yuna. Hinahaplos naman ng babae ang buhok ng anak niya habang yakap ng isang braso nito ang buong likuran ni Khalid. Saglit muna niyang pinakinggan ang usapan ng mga ito sa pintuan. "Baby, do you like me that much para mag-away kayo ng daddy mo?" mahina lang na tanong nito habang nakapikit. Para bang ninanamnam nito ang pagyakap sa anak niya. "Yes" "Don''t do this again, okay? Your mommy will be hurt." Wala siyang narinig na sagot mula kay Khalid. "Mommy, can you move in with me sa White Castle?" Natahimik saglit si Yuna at nag-isip. Ang desisyon na iyon ay wala sa kanilang dalawa ni Khalid kundi na kay Cally. "Yes, you can move in with us" boses mula sa pintuan. Nanlaki ang mata ni Yuna nang makita si Cally na pumasok sa kwarto. Bigla siyang umupo. "M-master..." Nagpatuloy lang ito. "I need someone to take care of Khalid. As you can see, ikaw lang ang pwede kong pagkatiwalaan. You can do your duty at your hotel during the day and you can spend time with your kid during night time." ''My kid?'' naisip niya na mukhang pati ang Daddy ay nakikisali na rin sa trip ng anak nito. "Mommy, my Dad agreed. Please move in with us" gatong ng baby. Sinalubong ni Yuna ang mata nito na nakikiusap. "Okay" nakangiti niyang sagot saka niya hinalikan sa pisngi si Khalid. Hindi alam ni Yuna kung kailan pa nagsimula na gusto niyang sundin ang lahat ng nais nito. "You forgot something" narinig niyang sabi ng tatay. Nakakunot ang noo ni Yuna na sinalubong niya ang mata ni Cally. . "For accepting you in White Castle, You should kiss the Dad not just the kid." Nanlaki ang mata ni Yuna. ''what???'' tama ba ang narinig niya na pinapayagan siya ng first ever crush niya na humalik dito? Chapter 308 - Move in *cough cough cough* Todo-todo na inubo si Yuna sa sinabi ni Cally. Hindi niya akalain na sobrang prangka nito. Masyado naman yatang nagiging seryoso ang lalaki sa pagganap just to satisfy his kid. *kruuug* tumunog bigla ang tiyan niya na lalong kinapula ng pisngi niya. "I-I''m starving" sabi niya. Ang huling kain niya kasi ay sa ibang bansa pa. "Bumili ako ng pagkain." ang sabi nito saka nilagay ang mga binili nito sa lamesa na nasa loob ng kwarto. "Let''s eat" Binuhat ni Cally ang anak niya at inupo sa isang silya ng kwadradong mesa. Tumabi naman si Yuna dito at umupo naman siya sa tapat ng babae para mas mapag-aralan niya pa ito. Napansin niya na magana na sa pagkain ang anak at naubos nito ang isang buong meal na inorder niya. Nilagyan muli ni Yuna ng pagkain ang plato nito. "Kumain ka pa" Hindi sumagot si Khalid sa halip nagpatuloy sa pagkain. "Come on, tell your Dad now." utos ni Yuna sa bata. Yumuko naman si Khalid at hindi makatingin kay Cally dahil nahihiya. "Daddy, I''m sorry" Bahagyang napangiti si Cally. Hinaplos lang ang buhok ng anak na nagpatuloy sa pagkain matapos nitong manghingi ng sorry. Ilang araw pa lang si Yuna sa buhay nila pero nagtuturo na ito ng maganda sa anak niya. He''s happy having this thought. Habang kumakain, naiilang naman si Yuna dahil nakatitig sa kanya si Cally. Hindi naman maiwasan na mapraning siya. ''Sheeet baka nakahalata na siya na peke yung mukha ko'' Kahit pa sabihin na open na ang mga tao sa plastic surgery, iba pa rin kapag natural. Kaya lang, ano ang magagawa niya? Kung nauna lang sana niyang nakita ang larawan ni Prin Matsui, e'' di pinagaya niya na ang mukha nito. "Iuuwi ko na siya sa bahay ngayon. Come with us" putol ni Cally sa lumilipad niyang kaisipan. "Ngayon na?" ulit ni Yuna. ''Ang bilis naman yata?'' Pero naisip niya si Khalid na nakatingin sa gawi niya at naghihintay ng sagot. Alam ni Yuna na gusto nito na makarinig ng magandang sagot mula sa kanya. ''Ay hayaan mo na nga! Ayaw mo ba n''on makakaboso ka kay Master?'' tanong niya sa sarili. Kaya walang nagawa si Yuna kung hindi ang sumama sa mag-ama. Alas-dos na ng madaling araw nang makarating sila sa White Castle. Palibhasa, nakatulog siya ng mahaba sa eroplano, hindi siya makaramdam ng antok. Isang kwarto ang ipinahanda ni Cally para sa kanya pagdating nila sa villa. Katabi lang ng kwarto ng anak nito. "I hope you don''t mind kung ilapit ko ang kwarto mo kay Khalid" "No problem" choosy pa ba siya? E, siya na nga itong nakikitira? "Ah¡­ Master" tawag niya dito. Nilingon naman siya nito habang buhat nito ang natutulog na si Khalid. "Kung maaari, huwag mo sanang ipaalam sa Daddy ko na tumutuloy ako dito. I can tell him na bumili ako ng apartment or condo somewhere, and decided to be an independent woman" Tumango lang ito saka inakyat ng hagdan ang anak. Iniikot ni Yuna ang mata niya sa paligid. Pansin niya na nagbago ang karamihan sa kagamitan ng malawak nitong living room sa loob lang ng ilang araw na wala siya doon. Napaisip tuloy siya kung gaano karaming gamit ang sinira ni Khalid. "Iaakyat ko na po ang gamit niyo Miss Yuna, nakahanda na ang kwarto na pinaayos ni Shi Cally. Ako po pala si Xia" magalang na sabi ng lumapit sa kanyang babae na naglalaro sa thirties. Sa tingin niya, base sa suot nitong suit, ang babae ang head sa responsibilidad sa bahay na iyon. Hindi niya rin alam kung kailan pa niya natutunan na mag-analyze ng tao at alam ni Yuna na marunong sa pakikipaglaban ang babae dahil sa kamay nito. This girl is acting like a simple and modest girl but she can feel her thorns. And it''s normal sa buhay ng mag-ama. Agad din naman siyang tumanggi. "Ako na lang, nakakahiya e." Pero hindi nito sinunod ang nais niya at binuhat na lang ang maleta niya papaakyat sa ikalawang palapag. Sumunod na lang si Yuna sa babae. Alam naman niya kung gaano kaistrikto sa pagsunod ang mga katulad nito. Pumasok sila sa isang kwarto. "Salamat Xia." nakangiti niyang sabi. Yumukod lang ito saka umalis. Iniikot naman niya ang paningin sa loob ng kwarto. Nagustuhan niya ang interior design nito. Pansin ni Yuna na magara talaga ang mga kagamitan sa bahay ni Cally. Sobrang laki pa ng kwarto kahit ang simpleng guest room na iyon. Isang king size bed pa ang higaan. Kahit magtumbling siya sa pagtulog, siguradong hindi siya mahuhulog. Pinuntahan niya ang shower at mas lalo siyang nabigla dahil halos isang studio apartment na ang laki nito. ''Did Xia send me to the Master''s bedroom?'' Pansin niya kasi, napakalaki naman yata ng kwarto na iyon para sa kanya na makikitira lang. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pintuan. Halos lumipad ang kaluluwa niya sa gulat nang makita si Cally sa labas na papasok din sa kwarto. "I... I''m sorry, I think nagkamali si Xia sa pinagdalhan sa ''kin na kwarto." pagpapasensiya niya dito. "She has never been failed" Napakamot siya sa ulo saka niya tinanong dito ang kanina pa bumabagabag sa kalooban niya. "ito ba ang¡­ Master''s bedroom?" "Yes" Chapter 309 - Goodnight Kiss ''Ma-master''s Bedroom?'' Nakaramdam ng pagkailang si Yuna lalo at ilang dipa lang ang layo sa kanya ng Master sa bedroom na iyon. "Ehem!" Pumasok sa isip niya kung ano ang nais nito. Gusto ba ni Cally na magtabi sila sa king size bed na nandoon? Kasabay niya ba na makiki-tumbling ang lalaki sa malapad na king size bed? Magkakainan ba sila ng strawberries sa ibabaw ng kama? Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya na ikinapula ng magkabila niyang pisngi. Ang mas ikinabigla ni Yuna, mukhang nababasa nito ang nasa isip niya. "Don''t think too much. No one is using this room" narinig niyang sagot ni Cally. Yuna "..." Tinuro nito ang pintuan na nasa tapat ng kwarto ng Master''s. "I am using that room simula ng lumipat kami dito." Nakahinga siya ng maluwag pero hindi maiwasan na maki-usisa siya. "Bakit pala hindi ikaw ang gumagamit nito?" Natahimik ito saglit at tinitigan siya ng mabuti sa mata. "What''s the use of using the biggest room if I don''t have a wife to share it with me?" May kalakip na kalungkutan ang mga salita nito na dumaloy sa dibdib niya. "I''m just checking on you. Feel free to use anything in this villa and you can ask anything in my staff" "Sige salamat. magpahinga ka na rin" nakangiting sabi ni Yuna. Inaabangan niya na umalis ito sa harapan niya dahil hindi naman tama na isara na lang niya ang pintuan habang naroon pa ito. Nanlaki na lang ang mata ni Yuna nang ibaba nito ang mukha at dampian siya ng halik sa pisngi. "Good night" Matapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na ito at pumasok sa kwartong sinasabi nito na ginagamit nito. Sinara niya ang pinto matapos nitong mawala sa paningin niya at napahawak siya sa pisngi na dinampian nito ng halik. "O. M. G.! ahhhhhhhh!!!" yung tipo na sumisigaw ka pero ikaw lang ang nakakarinig ng dahil sa kilig. Ganoon ang ayos ni Yuna sa oras na iyon. Ikaw ba naman ang bigyan ng halik ng crush mo ''di ba? Bigla tuloy siyang nanghinayang na hindi niya kasama sa kwarto ang lalaki. Chance na sana niya na makaboso. Sa kabilang kwarto, napangiti ng simple si Cally. Ayaw niyang biglain si Prin kahit pa Yuna ang katauhan nito ngayon, it will reveal anything sooner. Ilang saglit lang, nagri-ring ang telepono niya. Agad niyang sinagot ang tawag lalo na at Mommy niya ang caller. "Mom?" "Honey, kamusta na si Khalid?" tanong nito sa kabilang linya. "Nakauwi na kami dito sa bahay. Nakiusap ako kay Yuna na kung maaari na samahan niya si Khalid." "She''s with you?" "Yes. Pero nakiusap siya na huwag sabihin kay Apolo" "Honey¡­" "Yes Mom?" Matagal na natahimik si Ginny sa kabilang linya. "Pabalik na kami ng Daddy mo sa Kent Mansion sa susunod na araw." ang tinutukoy nito ay ang mansion ng pamilya sa UK. "Mag-ingat kayo ni Dad kung ganoon." Simula kasi ng mamatay si Madam Lira dalawang taon ang nakaraan, lumipat ang magulang niya sa Kent Mansion para gwardiyahan ang posisyon ng pamilya sa Dark Lords. Tinanggap ng Daddy niya ang hamon na ito ang mamuno sa samahan bilang anak ni Madam Lira. Maraming nabago ang Daddy niya sa organisasyon. Mas mapayapa na at wala ng politikahan, hindi tulad noong panahon ni Madam Lira. But everyone knew that Ginny Lopez is the person behind his Dad''s back. Dumaan sa ritwal at mga pagsubok ang Mommy niya kahit noon pa, kaya mas napanatag ang kalooban ng pitong pamilya. Kaya naman binitawan niya rin si Lorenz para gabayan ang magulang niya at lumipat ito kasama si Cassandra sa UK. "Honey?" "Yes Mom?" matagal na natahimik ito sa kabilang linya. "No-nothing. Ibababa ko na ang tawag" "Okay, I love you Mom! good night!" Saka niya narinig ang pagputol nito sa linya. Ramdam ni Cally na may gustong sabihin sa kanya ang Mommy niya at may pakiramdam din siya na tungkol ito kay Yuna dahil nawala na lang ang mga ito sa ospital matapos dumating ni Yuna. Matapos niyang kausapin ito, tinungo niya ang drawer at kinuha ang dog tag ni Prin Matsui. He can''t wait na ibalik ang bagay na iyon sa kanyang Baby Panda. Pero gagawin niya lang ang bagay na iyon kung sakali na tuluyan na talaga itong magbalik sa kanya. ===== Kinabukasan, maagang nakatanggap ng tawag si Cally mula kay Mat-mat. Kasalukuyan siyang nagkakape habang pinanonood si Yuna at Khalid na masarap na kumakain at panaka-nakang nagpapalitan ng mga salita. Nakatulong pa sa maganda niyang view ang orange na sikat ng umagang araw sa labas ng bintana. Naririnig niya pa na pinauubos ni Yuna ang mga pagkain ng anak niya sa plato nito. Saglit siyang nag-excuse saka lumayo ng kaunti. Sapat lang sa lugar na mananatili ang pagsilay niya sa ''magandang tanawin''. "Yes?" sagot niya sa tawag ni Mat-mat. "Heto na mahal na Prinsipe ang mga pinahahanap mo sa akin" sarkastiko nitong sabi. Nakinig ng mabuti si Cally. "Three years ago, pumasok siya sa kumbento para magmadre kaya lang na-realize niya yata na hindi siya para doon at lumabas matapos manatili ng isang taon. Two years ago, nagsimula siya na hawakan ang business ni Apolo. Walang boyfriend na na-report, sampu ang manliligaw pero walang sinagot kahit isa." Kumunot ang noo ni Cally. "Pumasok sa kumbento para mag-madre?" nilingon niya si Yuna na kasalukuyang umiinom ng kape. "Are you sure about this?" paninigurado niya kay Mat-mat "Of course¡­Hindi!" "...Sinira ng mga anak ko ang super laptop ko, kaya someone have the audacity to sabotage my investigation. Someone is hacking my files. And guess who it is?" Hinantay niya ang sasabihin nito. "Coffee, the french girl!" Chapter 310 - She misses him *cough* the Dad "Hindi ko pa makalimutan ang ginawa ng babaeng ito samin ni Donna. But I wonder kung ano ang relasyon ni Coffee kay Yuna" Sa mga oras na iyon, ang gusto lang malaman ni Cally ay kung ano ang mga ginawa ni Yuna sa tatlong taon. It''s easy for him to get a DNA test but it''s not easy to get Yuna''s history in the past three years. Isa pa, natatakot siyang malaman ang totoo, hindi pa siya handa kung ang babae talaga si Prin. Ang pinanghahawakan niya lang sa ngayon ay ang damdamin niya. He wanted to take it slow. Gusto niyang sabayan ang asawa niya sa hinaharap nito. "Just continue to investigate" ang huling sinabi niya kay Mat-mat bago bumalik sa mesa para harapin ang babae. "Pwede kang sumabay sa amin sa pagpunta mo sa hotel" sabi niya dito. "Kung ganoon, pasensya na sa abala." pagpayag nito. Walang dalang sasakyan si Yuna kaya mabilis siyang napapayag ni Cally. Naiwan kasi ang kotse niya sa hotel. Ang totoo, wala rin siyang plano na magtrabaho sa araw na iyon kun''di matulog lang sa suite niya doon. Hindi kasi siya pinatulog ng simpleng halik nito ng nagdaang gabi. ===== Nang makabalik si Yuna sa hotel, dumeretso siya agad sa suite niya. Papikit na siya nang tawagan siya ni Coffee. Nanatili kasi ang babae sa Phuket at ngayong araw pa lang nito plano na magbalik sa France. "My dear, kamusta?" tanong nito. "I''m good. Masakit lang ang ulo ko dahil hindi pa ako nakatulog kagabi. Buong byahe kasi pauwi ng Maynila kahapon ay tulog ako." "...Salamat nga pala sa kung ano man ang nilagay mo sa file ko" sabi niya dito. "Yep. sinunod ko lang kung ano yung mga sinabi mo sa akin. By the way, where did you get those ideas? Why did you choose na magpunta sa kumbento? walang boyfriend? Madaming manliligaw? Etchetera? Until now hindi ako maka move on sa mga pinalagay mo sa akin" Natawa si Yuna pero hindi niya sinabi dito ang dahilan kahit pa simple lang ang rason niya. Cally is his first ever crush at pinaiimbestigahan siya nito. Hindi naman siya nag-isip ng masama dahil madalas niyang makakasama ang anak nito. Normal na alamin nito ang pagkatao niya. At normal din na hindi niya gugustuhin na makarating dito na may ex-boyfriend siyang sc.u.mbag na tumuhog sa kanilang magkapatid. Ayaw niya rin syempre na ipaalam na patay na patay siya kay Felix noon at nakaraang taon lang sila nito naghiwalay. Lalong-lalo nang ayaw niyang makarating dito na nagparetoke siya ng mukha. Anong iisipin ng lalaki sa bagay na iyon? "It''s because it''s exciting" simple niyang sagot kay Coffee. "Oo nga pala, may sumabutahe sa sasakyan ng Daddy ni David, kaya doon siya umuwi sa Singapore kanina" pagbibigay-alam nito. "No problem, wala naman tayong trabaho recently, kaya ayos lang" Matapos niyang makausap si Coffee nagpaalam na rin siya dito. ===== Tulad ng plano, sa White Castle siya uuwi kinahapunan. She is missing Khalid already. Pumapasok na sa imahe niya ang pogi at seryoso nitong mukha. Ang mga pagkunot ng noo. *cough* hindi pala si Khalid kundi ''yung tatay ang nasa isip niya. Kaya naman matapos niya lang magbigay ng instruction sa sekretarya niya, lumabas na siya para tumungo sa parking. Nakita siya ni Mari na papuntang parking at sumakay ng kotse. Curious ito kung saan siya pupunta. Nagtaas ang kilay nito at mabilis na sumakay din ng kotse at sumunod sa kanya. Napansin naman ni Yuna ang sasakyan ni Mari kaya mabilis niyang pinaandar ang sasakyan. Hindi niya ipapaalam sa babae ang iterenary niya sa araw-araw. At lalong hindi nito malalaman kung saan siya tumutuloy. Bahala itong mabaliw sa kaiisip kung saan siya nagpupunta. Lumiko ang sasakyan niya pakanan, pakaliwa, at niligaw niya ang babae. Nang hindi niya na nasisilayan ang sasakyan nito, doon niya tinungo ang daan papuntang White Castle. Inis na inis naman si Mari dahil hindi niya nasundan si Yuna. Tinawagan niya si Felix para magpasundo at magreklamo dito. Hindi niya alam ang mga pasikut-sikot sa siyudad, kaya nangigigil siya lalo kay Yuna. "Felix, niligaw ako ni Yuna¡­ I''m just trying to know kung saan siya papunta dahil nag-aalala ako sa kanya." agad niyang reklamo sa lalaki. "Mari, can you please stop calling me when I''m in a meeting?" iritableng sabi nito. "... And why do you care kung saan siya nagpupunta? Napunta na rin ba ang utak mo sa ipinagbubuntis mo kaya hindi ka nakapag-isip ng maayos? Nakalimutan mo ba na buntis ka?" "What can I do? Hindi ko alam kung nasaan ako.." naiiyak na sabi niya dito. "Wait for me then!" iritable na sabi nito. Lalong na-stress si Mari. Kasalanan itong lahat ni Yuna! Nagalit tuloy si Felix sa kanya! Kailangan niya tuloy gumawa ng paraan para bawiin ang init ng ulo nito. Chapter 311 - Passed out May isang linggo na si Yuna sa White Castle. Kasalukuyan na inaaral ni Yuna ang financial statement ng Romantic Grand Hotel sa buwan na iyon. Halos parehas lang sa kinita nila ng nakaraang buwan. Nakaupo siya ng komportable sa couch at tanging ipad ang hawak niya para reviewhin ang report na pinasa sa kanya. She is expecting more profit dahil sa mga pag-ulan-ulan nitong mga nakaraang linggo. Idagdag pa ang mga conference na mga naganap sa hotel. She noticed that something is missing sa report na hawak niya kaya nagpadala siya ng email kay Mildred para sa iba pang report na kailangan. Si Khalid naman ay nagd-drawing sa canvass maliit na mesa na nasa tapat niya. He is still doodling, mas enhanced nga lang ang skills kumpara noon. Bumukas ang pintuan at sabay silang nag-angat ng mukha ni Khalid at nakita na papalapit sa kanila si Cally. Umupo lang ito saglit sa katabing isahan na sofa. "Yuna, would you like to go with me to the Vienna Hotel this saturday weekend? I was invited in a business conference. It will also help you dahil marami kang makikilala na opisyal and businessman sa event na iyon. Pwede mo rin i-promote ang Romantik Grand Hotel" aya ni Cally. Ang totoo, gusto ni Yuna. It''s not because of their hotel but because of Cally. For her, it was as if he was asking her to be his date. She can hold his arms, enjoying their wine and so much more, Tatanggihan niya ba ang lalaki sa aya nito? Of course not! Ang hotel na sinasabi ni Cally ay nasa kalapit na city. Mga dalawang oras na byahe mula sa White Castle. Nagpabebe muna siya saglit kahit pa nga she is looking forward na sumama sa lalaki. "Hmmm.. hindi ba makakabastos iyon sa Vienna? I am actually a rival." "Iwan ako?" Putol ni Khalid sa usapan ng dalawa. Halata na agad ang pag-aalala dito. Napakamot sa pisngi si Yuna. Sa sobrang excited niya, nakalimutan niya na may Khalid pa pala siyang kailangan na intindihin. Nasanay na kasi ang bata na kasama siya sa gabi. "How about you can go with me sa hotel. We can be together during daytime. Is that okay?" Tahimik si Khalid at nag-iisip. Tulad ni Cally, walang makita sa emosyon nito kaya hindi niya alam kung natutuwa ba ito sa plano niya. In Khalid''s thought, as much as possible, he wanted all of her time. He wants the day time and the night time. Aside from that, his Mommy will be busy kung nasa hotel sila at hindi rin naman sila nito makakapagbonding sa maghapon. Napangiti naman ng simple sa Cally, hindi man derektahan na pumayag si Yuna. Parang sinabi na rin na plano nito na sumama sa kanya dahil plano nito na suyuin si Khalid sa maghapon sa sabado. "You can sneak on what I am doing in my office, isn''t it great?" Dagdag ni Yuna. "But I want to see my Daddy too" dahilan naman nito. "Pwede kayong sumama sa akin sa opisina sa maghapon." Sabad ni Cally. Si Yuna naman ang napa-isip, bakit ang swerte niya sa araw na iyon? Makakaboso siya sa lalaki hindi lang sa gabi kundi pati sa maghapon. ===== Dumating ang sabado. Nakapaghanda siya ng chiffon gown na susuotin ng mga nakaraang araw. Ayaw naman niyang ipahiya ang lalaki sa mga kakilala nito kung isang simpleng gown lang ang suot niya. Ayos pa ang pakiramdam ni Yuna na pumasok sa MGM building hanggang sa makapasok siya sa mismong opisina ni Cally. Maliwanag ang kabuuan ng buong kwarto dahil na rin sa liwanag na nagmumula sa labas ng clear na salamin na halos pader na ng opisina ni Cally. May coffee-colored couch na malapad at pang isahan na nasa tapat ng isang maliit na mesa. May piano sa tabi ng indoor plants na nasa isang gilid. Sumalampak agad si Khalid sa carpet na pula at nilabas nito ang gamit mula sa bag para ipagpatuloy ang pag-drawing nito. "Here is my office. You can sit there" turo ni Cally sa couch saka ito tumungo sa personal space nito. Naka elevated ang malapad na mesa nito na nasa dulong bahagi ng kwarto. His office is simple. Nanuyo ang lalamunan ni Yuna habang pinagmamasdan ang buong kwarto ng opisina ni Cally, nagkaroon ng pamilyar na pakiramdam si Yuna simula nang pumasok siya doon. Looking at the small table kung saan nagd-drawing si Khalid, isang larawan ang pumasok sa isip niya while looking at him. It was a different table before. She saw the image of Prin Matsui studying on the table. Even the couch was black and not a coffee color. Nilingon niya ang isang pader and believes that there was a painting hanging in there. Not a wall clock. Pinagpawisan ng malamig si Yuna. Hanggang sa nagkahalo-halo na ang mga imahe sa paningin niya kasabay ng isang matinis na ingay ang naririnig niya. Nagulat na lang si Cally nang bumagsak si Yuna at nawalan ng malay. Chapter 312 - Survival Looking at Cally, parang mas masakit pa na makita ang mga pagtulo ng luha nito. Ang malalaking apoy ay pumapagitna sa kanilang dalawa ngunit hindi nakaligtas sa kanya ang tahimik na pagluha ni Cally na mas tumatarak sa dibdib niya. She cried having the thought na hanggang doon na lang siya. They only have two minutes. Tears flowing down on her cheeks. She is just looking at him dahil naubos na ang lahat ng lakas na mayroon siya. Ang kaya niya lang sa mga oras na iyon ay ang pagmasdan ang mukha ni Cally. She is starting na bawiin ang lakas. Kaunti na lang kasi ang natitira sa lakas niya. At walang panghihinayang sa dibdib niya kahit ubusin niya ang lahat ng iyon sa pagtitig kay Cally sa pagitan ng maiinit na apoy. Umingit ang barko simbolo na nasira na ang iba''t ibang parte nito dahil sa sunog at sa bomba. Gumewang ang barko ng Maria Celeste 1 dahil sa mga bomba na pinasabog ng Princess Ghost ship. At nahati iyon sa dalawa. Dahilan para dumusdos si Prin sa pader na gawa sa kahoy na may malalaking sunog. "ahhhh¡­" halos hindi na niya maisigaw dahil wala na siyang natitirang lakas. Pero pinilit niyang paganahin ang utak niya. At nagbibilang ng minuto. Literal na pakiramdam niya ay kinakain siya ng apoy. She saw Yuna sa sahig sa di-kalayuan na dumausdos din ang katawan. Ilang minuto na itong hindi kumikilos kaya alam niya na wala na itong buhay. Mabilis na humapdi ang buong mukha ni Prin. Pinilit niyang gumapang papalabas ng pader na iyon na nasusunog. Ang sumunod na naramdaman ni Prin ay ang lamig ng tubig dagat. ''Prin, you can do it!'' sabi niya sa sarili. Pinilit niyang indahin ang hapdi ng pisngi at sakit ng ulo. May naririnig pa siyang matinis na ingay. ''You are a Dark Guard! Do it for your baby! Do it for Khalid'' sabi niya sa sarili. Binigay niya ang lahat ng natitira pang lakas para makalayo. Lumangoy siya papalayo sa Maria Celeste 1 dahil alam niya na anumang oras ay sasabog na iyon. She can''t see the Princess Ghost ship. She knew na nagtatago sa dilim ang malaking barko ni Cally na halos camouflage na iyon. At wala rin ang barko sa direksyon niya. May fifty meters pa lang yata na nakakalayo si Prin nang tuluyan na sumabog ang Maria Celeste 1. At nagsimula iyon sa ilalim ng tubig. Pero hindi katulad ng inaasahan na sobrang lakas. Mukhang nakagawa ng paraan ang mga kasama niya. Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pressure ang pagsabog sa ilalim ng tubig. Naramdaman na lang niya na hinampas siya nito papalayo hanggang sa hindi na niya maramdaman ang lahat ng parte ng katawan niya. Tuluyan ng naubos ang isip at lakas niya but she could feel the cold water na halos magpayelo sa mga laman niya. Siguro ganito ang pakiramdam ng namatay. Black out lahat. Nagpatianood na lang siya sa dagat at kung saan siya gustong dalhin ng panginoon. "Mommy¡­" "Mommy¡­" Mga pag-iyak ni Khalid ang nagpabalikwas ng bangon kay Yuna. Napaupo siya bigla at inaral ang lugar kung saan siya nandoon. She was in a white hospital bed. Puting-puti ang pintura at tanging paintings lang ang nagpapakulay sa kwarto. She knew this room. Ito ang parehas na kwarto kung saan dinala si Khalid ng nakaraang linggo. Saka niya ito nilingon at nakita na sumasampa sa kama. "Mommy¡­" nagputoy ito sa pag-iyak. "Khalid!" agad niya itong niyakap. She cried hard habang yakap ito ng mahigpit. Kapwa sila umiiyak. Kapwa takot ang dahilan sa magkaiba nga lang na paraan. "Mommy, are you okay now? Do you feel anything bad? Khalid was sorry, I wasn''t able to carry you here in the hospital." It''s because he is small, hindi niya kayang buhatin ang Mommy niya. Pinaiwan pa ni Cally si Khalid sa opisina at pinahatid kay Xander na iuwi ng White Castle para dalhin ang katawan ni Yuna na nawalan ng malay sa ospital. Kinulit lang nito si Xia para dalhin ito doon sa ospital habang wala ang Daddy nito. Lalong lumakas ang pag-iyak ni Yuna kasabay ng pagtawa. Hindi niya alam kung natatawa siya o naiiyak dahil sa sinabi nito. Para siyang nababaliw. "Daddy is bad! He never allows me to be here" reklamo nito sa pagitan ng pagluha. Pinupog niya ito ng halik sa buong mukha. "Don''t worry, we will teach him a lesson." hindi na naman niya napigilan na umiyak habang nakatitig sa mata nito. Bumukas ang pintuan at nakita niya si Xia saka si Xander na pumasok. "Where is your Master?" tanong niya dito. Nakakunot naman ang noo ni Xander. "Miss Yuna nagpunta na po sa conference, may isang oras na po siyang nakaalis. Nang masiguro ng doktor na ayos ang lagay niyo, doon lang siya napanatag saka umalis papuntang Vienna Hotel." Tingnan mo ang lalaking iyon, iniwan na lang siya basta dito. Hindi ba nito alam na masama mag-iwan ng ka-date?! Napansin niya ang invitation sa medicine cabinet na mukhang naiwan nito. His face is an invitation already kaya hindi nito kailangan ang bagay na iyon. Tsk! Hinarap niya si Khalid at pinunasan ang basang pisngi nito. "Baby, stay with Xia in White Castle, okay? susunduin ni Mommy si Daddy para paluin sa puwet." Chapter 313 - Filled with fireworks She handed her black invitation card sa lalaking naka-suit ng itim at nag-aabang sa main entrance ng event hall. Saka niya sinimulang hanapin si Cally. Nagkaroon pa sila ng mahabang seremonyas ni Khalid para lang sumama ito kay Xia. Mahabang biyahe ang papunta doon mula sa White castle at hindi niya gugustuhin na mapagod ang anak niya. Nakapukaw si Prin ng ibang bisita. She looked dreamy in her midnight blue silk chiffon evening gown na tinernuhan niya ng diamond necklace. Over these three days ay pinaghandaan niya ang damit na iyon bilang si Yuna para hindi mapahiya si Cally sa pagdala sa kanya sa event na iyon. Halos puro tungkol sa business ang naririnig niyang usapan sa paligid. Inabutan siya ng wine ng napadaan na waiter. Kinuha ni Prin ang bagay na iyon para magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin si Cally. Madaming tao sa lugar at nahirapan siyang hanapin ang asawa niya. Hinarap niya ang isang waiter. Pasimpleng inabutan niya ito ng pera. "Sir, have you seen Master Cally? He is the president of MGM. I will be glad na dagdagan pa iyan kung sakaling ipapaalam mo sa akin kung nasaan siya." Simple rin naman na tinanggap nito iyon. "Marami po kasi ang nangungulit kay Master na mga business partners para ireto ang mga anak nilang babae. Hindi ko po alam kung nasaan siya ngayon pero magtatanong-tanong po ako." Bulong nito. "Salamat" sa sobrang tense ni Prin, naubos tuloy niya ang lahat ng wine na laman ng kopita saka niya ibinalik dito. Mabuti at maganda ang ibinalita nito sa kanya kundi ay makakatikim ng suntok sa kanya ang asawa niya. "Where do Cally go kapag ganitong nab-bwisit siya?" Bulong ni Prin. "Yuna?" May kumalabit sa kanya. Bigla ang paglingon niya sa nagsalita at nakita niya si David. "David?" Nasorpresa siya na makikita ang lalaki sa event na iyon. Iba ang ayos nito. He is wearing a gray business suit na hindi normal sa suot nito tuwing kasama niya. "What are you doing here?" Sabay nilang tanong sa isa''t-isa. Hinayaan niya naman na ito ang maunang sumagot. "Naaksidente ang Daddy ko last week kaya heto, I have no choice kundi ang magpunta dito sa event. May hinahanap ka?" Napansin na kasi siya nito pagpasok pa lang niya sa main entrance. "Ah yeah." Bigla niyang naalala si Cally. "Ah Yes, catch you later. May kailangan akong puntahan." Mabilis na siyang umiwas dito at nag-excuse sa makapal na grupo ng tao. Tinawag pa siya nito pero hindi na niya pinansin dahil alam na niya kung saan posibleng nagpunta si Cally. Mabibilis ang mga hakbang at nagtanong-tanong siya sa mga waiter kung saan makikita ang garden ng hotel. Tinuro naman sa kanya kung saan. "May fireworks kayo?" Tanong niya sa isang hotel staff. She wants to celebrate that day with fireworks. "Meron po Mam" "Okay! Sabi ng organizer, in 10 minutes paputukin niyo daw lahat" saka niya ito inabutan ng pera at nagmadaling tumungo sa garden. Huminga siya ng malalim at nakaramdam ng tense. Humigpit ang hawak niya sa silver pouch na tanging bitbit. Wala siyang nakitang tao sa garden sa unang tingin. Humakbang pa siya para iikot ang paningin sa kabuuan nito. Napayuko siya at nag-isip muli kung saan pa maaring magpunta si Cally. "What are you thinking?" Nabigla siya nang magsalita ito at lumabas sa malalaking halaman. Nasapo niya ang dibdib dahil sa gulat. "You are so bad! Para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat sa iyo" Nakatingin lang ito sa kanya. Mukhang nagtago pa yata ito ng makarinig ng kaluskos. Nilapitan niya ito saka sinuntok ng mahina sa dibdib. "That is for Khalid! Bakit hinahayaan mong maging pasaway ang anak natin?" Simula ng reklamo niya dito. Sinuntok niya muli ito ng isa pa "And that is for me! Alam mo bang masama ang nang-iiwan ng kadate?" Sabi niya dito. Sinuntok niya ito ng isa pa "And that is for me again!" "And this and this!" Hinayaan lang siya nito na suntuk-suntukin niya ito sa dibdib. Hinuli nito ang kamay niya. Then, he locked her in his embrace na halos wala ng space na pumapagitan sa kanilang dalawa. "I miss you so much" bulong nito. Napaiyak si Prin. "Kailan mo pa alam?" "Airplane" Inisip niya kung saan ang airplane na sinasabi nito. At pumasok sa isip niya ang byahe nila mula sa Phuket hanggang Maynila. Kaya ba nito pinahiram sa kanya ang Master''s bedroom sa kanya? Kaya ba every night ay nabibigla na lang siya tuwing dadampian nito ng halik ang pisngi niya para sa goodnight kiss? Kaya ba he let his down guard whenever she is around. It''s been hard for Cally na hindi siya kulitin at sinarili nitong mag-isa ang sitwasyon sa loob ng ilang araw. "Do you like the new me?" Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mata nito, para siyang pusa na naghihintay ng sagot mula sa Master nito. Hindi na ito sumagot sa halip ay sinakop nito ang labi niya. Isang pulang fireworks ang pumutok sa langit na sinundan ng marami pa na para bang nakikiisa sa damdamin nila. ***** Hotel staff sa kasama nito "gago ka boy! Hindi kasal ang event ngayon lagot ka kay boss!" Chapter 314 - A sudden call [Feibulous : Matured content] Marahas na hinalikan ni Cally si Prin habang hawak ang panga niya matapos siya nitong itulak sa pader. They ended up in a hotel room sa hotel kung saan sila naroon. Hindi pa nga nila nabubuksan ang ilaw at dilim ang bumabalot sa buong kwarto. Basta matapos nilang gamitin ang card key sa pintuan na dapat ay nilalagay sa maliit na box para magkaroon ng ilaw ang buong kwarto ay tinulak na siya nito sa pader. "Honey, made-deform na ''yung mukha ko" reklamo niya sa pagitan ng paghabol ng paghinga. "it''s your punishment!" Just as she was about to move away from him para hanapin ang card key na hindi niya alam kung saan napunta, his arm suddenly embrace her waist and pulled her back. He sealed her lips again. Sobrang tahimik ng kwarto at tanging palitan lang ng mga halik at paghinga nila ang maririnig. Under the complete darkness, he carried her and brought her on the bed. Naramdaman na lang niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama. "Honey, we need to open the aircon at least" pakiusap niya dito. Walang nagawa si Cally kundi ang hanapin ang card key na nahulog sa kung saan. Nakita rin naman niya agad ang bagay na iyon at hinanap ang box para mag-on ang kuryente sa buong kwarto. The room suddenly filled with warm light. At doon lang napagmasdan ni Prin ang buong suite. He tossed his long blazer sa kung saan. Saka sinimulan na tanggalin ang butones ng polo nito. Lumitaw sa paningin niya ang maganda nitong katawan. Napalunok si Prin dahil sa init. Umepekto na rin yata ang wine sa kanya. "H-honey, w-we need to go home. mag-isa lang si Khalid sa White Castle. Sa-saka mainit dito hindi tulad doon." sabi niya dito at tumayo mula sa kama. Tinitigan siya ni Cally, is she trying to escape the situation? In her dreams! He pushed her again on the white king size bed as he started to kiss her neck. His hot breath and touches are causing her entire body to tremble. So passionate. Ilang saglit pa naramdaman na lang niya ang lamig ng kwarto dahil nahubad na nito ang gown na suot niya. "Mainit pa?" he sarcastically asked in a hoarse voice. Hindi nakasagot si Prin dahil parang dinala na sa kalawakan ang lahat ng natitira niyang katinuan. He kissed her passionately. He pressed himself against her body to feel the burning heat through his pants. Naramdaman na lang niya ang pag-ikot nila sa kama. "I will let you off and see your kid once you satisfy me. Come on, start your performance now" Humiga ito sa kama at naghihintay sa gagawin niya. Siguro kung ang sitwasyon ay hindi pa siya nadadarang, baka nakipagmatigasan siya dito. She pushed down his pants and placed small sweet kisses on his bare chest. While on heat, bigla na lang pumailanlang ang ring na nagmumula sa cellphone ni Prin na nasa loob ng silver pouch. "Don''t mind who ever it is" "Sasagutin ko" hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Cally at kinuha ang silver pouch para ilabas mula doon ang cellphone niya. Nasa isip kasi niya na baka tumatawag si Khalid o kung sino man na may importanteng kailangan. She saw the caller is David. Halatang nakita ni Cally iyon at hindi ito natutuwa. Kasabay ng pagsagot niya sa tawag ang pagtulak sa kanya ni Cally pabalik sa kama. "Yes, David?" tanong niya. She felt hot palms on her n.a.k.e.d chest pababa sa tatsulok na panty. He tossed it in a second. "Itatanong ko lang kung nakabalik ka na. Pwede kang sumabay sa akin pabalik ng Romantik Grand Hotel." "No need. May kasama na ako." simpleng sagot niya dito. Saglit na natahimik ito. "Okay, did you enjoy your vacation last week?" "ahhh!" natutop na lang niya ang bibig dahil sa kahihiyan matapos lumabas ang ungol sa bibig niya. Cally suddenly flicking her bean. "*cough* yes" sagot niya kay David. "Are you¡­ okay?" tanong nito nito sa kabilang linya. "Yap¡­ so uhmm¡­ G-goood. Good. Yes, yes, yes, I-I''m good. Good! " he is currently kissing the bean. Hindi niya alam kung para ba iyon sa tanong ni David o para sa mainit na sensasyon na nararanasan ng katawan niya. Halos lumiyad na ang buong katawan niya at hindi alam kung saan niya ilalagay ang mga binti. Napapikit siya at hindi na maintindihan na mayroon siyang kausap sa kabilang linya. "I see. Mukha nga¡­ Did Coffee tell you my current situation?" Pinipigilan niyang magsalita dahil baka kung ano ulit ang lumabas sa bibig niya. "Yuna?" "Ohhh!!! Yeah¡­ yes¡­ Yes! I.. I have to go. Bye!" hinagis niya ang cellphone niya sa kung saan. Then, a slow m.o.a.n escaped her lips. Hinarap siya ni Cally. "I don''t mind giving you punishments kung sakali na may istorbo." Sinakop muli nito ang labi niya. Then, without hesitation, he roughly entered her. Chapter 315 - Lets keep it a secret Nagising si Prin nang masakit ang buong katawan. May naaamoy siyang kape. Kaya parang wala pa sa sarili na minulat niya ang mata niya at hinanap si Cally. Natagpuan naman niya ito na nagkakape sa harap ng coffee table. Naka-roba at nagbabasa ng diyaryo. Nakabukas ang kurtina sa pwesto nito kaya dumadampi sa kalahati ng katawan nito ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. This man told her that he will release her once he was satisfied. But to her surprise, hindi niya alam kung anong oras na itong natapos sa panggigilan ang katawan niya. Gusto pa naman sana niya na makauwi agad ng maaga para makita ang kanyang baby panda. But this man is devil enough para ubusin ang lakas niya. Nakita siya nito na umupo kaya iniwan na muna nito ang dyaryo sa tabi at nilapitan siya. Binuhat ni Cally ang hubad niyang katawan saka siya nito dinala sa bathtub para paliguan. She is enjoying this new gesture from him. Nakatitig lang siya sa seryosong mukha ni Cally habang seryoso rin na nililinis ang lahat ng parte ng katawan niya. Matapos siya nitong banlawan, kinuskos nito ng mabuti ang buhok niya ng tuwalya saka siya sinuotan siya ng roba. Then, he carried her again and placed her on his lap sa kung saan ito nakaupo. Looking straight in her eyes, he asked. "Is there anything you want?" Sinilip niya ang mga pagkain sa mesa. May mga tinapay, butter at kape. "Hmmm.. I want my baby panda" diretsong sagot niya dito. "Kumain ka muna. I asked someone to send us new set of clothes" Tumango lang siya saka kumuha ng isang slice ng tinapay at naglagay ng butter. He placed his head on her shoulder wanting all her nice scent to fill him. Habang yakap nito ang buong bewang niya. Sinimulan niyang usisain ito sa kung paanong nakaligtas sa kaalaman nito na ibang katawan ang nakuha nito and not her. Sa isip ni Prin, hindi ganito magtrabaho ang mga kasama niya lalo na si Cally. She can''t believe na hinayaan na lang nila na tanggapin na siya ang babaeng nakuha ng mga ito. "Honey, what really happened that year? How did Yuna come into your hands?" Tinitigan muli siya nito sa mata at hinaplos nito iyon. "It''s because she is wearing your dress and aside from that, nasunog ang halos buong mukha niya. What remains are her forehead and eyes. So it''s easy to tell myself that it''s Prin Matsui¡­ during that time, I don''t care about Yuna or anybody else" "During that night, behind those fires, I never cared about what you are wearing, or if Yuna was there, or if Captain Yeo is dead. you know? They gave me a body the same as you, there is also a stab on her chest and that''s it." "Bakit hindi ka nagpacheck ng DNA?" Tanong niya dito bago siya sumubo ng pagkain. "Because it will hurt me more. I thought all answer was there" sagot naman nito. Tumango-tango si Prin. She was satisfied with his answer. "Honey, I think it will be better kung tayong dalawa na muna ang nakakaalam na ako si Prin." Sabi niya dito. Hindi ito sumagot pero base sa reaksyon ni Cally, halatang depende sa rason niya kung papayag ito o hindi. "It''s because... I think Apolo knew that I am not the real Yuna Byrnes." Katwiran niya dito saka ito sinubuan ng tinapay na nilagyan niya ng butter. Cally may think that she was dead but not Apolo as Yuna is his daughter. Bilang anak nito, imposible na hindi nito makilala ang tunay na Yuna kahit pa sabihin na nawala ang ala-ala niya. Maybe he thought na siya si Yuna sa simula but not during those two years na nagsimula na siyang magtrabaho sa Romantic Grand hotel. Kumunot ang noo ni Cally "Why?" "He found me as his best descendant" Normal na mag-isip ng ganun si Prin lalo na at mahinang babae si Yuna base na rin sa mga naririnig niya. Nakasama niya rin ito ng minsan kaya masasabi na tama ang mga balitang iyon. Isa pa, may problema si Prin sa Financial Statement nitong mga nakaraang araw sa hotel branch na pinamumunuan niya. Hindi makakaganda sa imahe niya kung sakaling bigla siyang lilitaw bilang si Prin. Some may doubt her and worst pagbintangan siya na ginamit ang anak ni Apolo. "Are you the best descendant?" Pang-iinis nito. Pinalo niya ito sa dibdib. "Hindi ka ba nagandahan sa pamamalakad ko sa Romantik Grand? You told me you see difference" "I see differences in the carpet, dining and other things" pang-iinis muli nito. Parang sinabi na rin na pinalitan lang niya ang mga gamit sa hotel ni Apolo. Inirapan niya ito. "Yes, I''ll follow whatever plans you have but make sure to spend more time with your baby panda" "No problem." Bukal sa loob na gagawin niya ang huling sinabi nito. "Oh Husbie! I miss you so much!" Chapter 316 - Panda Cake "Husbie, What are your activities today?" It was sunday morning and she is expecting that he will be staying with her at White Castle. "What are your plans?" sa halip ay balik-tanong nito. "I am thinking of cooking something for my baby panda. What about a cake?" nilingon niya ito na nagmamaneho. "...I missed two of his birthdays" malungkot na sabi niya. "You know how to bake?" He asked, sounded surprised. Inirapan niya lang ito. "Of course I know! My skills have improved a lot okay, a lot!" binigyang diin niya pa na marami na siyang alam ngayon. Hindi na siya ang dating Prin Matsui. Halatang duda si Cally, sampung taon mahigit man ang lumipas pero naaalala niya pa rin hanggang sa mga oras na iyon na muntik nang sunugin ni Prin ang kusina ng bahay nila dati. "... Cassandra taught me how to cook and I was Maria Celeste''s cook for seven years¡­ I''ve been a hotel manager for two years and of course knew how to manage our kitchen" Tila may tumarak na patalim sa dibdib ni Cally nang marinig ang sinabi niya. He stopped the car and pulled her to give her a passionate kiss. Looking in her eyes, he wanted to say he is sorry. Sa loob ng labing isang taon, mas matagal pa silang nagkalayo kaysa magkasama. Kaya naman nangangako siya na gagawin niya ang lahat para bawiin ang lahat ng iyon. He promised that he will be with her everyday. "May I ask your forgiveness? I promise you that there is no third time." sabi ni Cally. "Bakit ka naman manghihingi ng patawad? hindi mo naman kasalanan." part of it was her fault. Ano ang magagawa niya? she has been raised as a warrior princess, a Dark Guard. "But it''s my duty as your man." Nagagalak ang dibdib niya na marinig mula dito ang mga bagay na sinabi nito. Siya na ang kusang yumakap sa asawa niya saka ito hinalikan. Her heart was filled with sweetness. Gusto niyang bumawi at patunayan pa sa lahat na karapat-dapat siya kay Cally. Isang katok mula sa bintana ng sasakyan ang gumambala sa kanila kaya naputol ang halikan na hindi nila alam kung gaano katagal. Binuksan ni Cally ang bintana at sinalubong ang mata ng traffic enforcer. "Sir, illegal parking kayo dito. You are causing traffic kulang na lang ay may gawin na kayo dito sa kotse" "Sorry officer, it''s because my wife says she''s pregnant. I got excited" pagpapaumanhin ni Cally. "Who- who is pregnant?" alma niya agad. "Honey, nakalimutan mo na ba na buntis ka? Uuna na po kami..." pinisil nito ng sobra ang pisngi niya nang paandarin nito ang sasakyan. "No no... not my face!" reklamo niya. Saka sumilip agad sa salamin, baka kung ano ang nangyari sa mukha niya at matakot ang anak niya na magmukha siyang kuko. ===== Sa umaga, matapos nilang umalis ni Cally ng hotel, namili sila ng mga gagamitin sa baking. Gusto niyang bigyan ng cake si Khalid sa dalawang birthday nito na hindi siya nakasama. She was lucky enough na sakto ang araw na nagkita sila nito sa araw ng kaarawan nito ngayong taon. Pinag-aaralan naman siya ng lihim ni Cally habang kumukuha ng mga kakailanganin sa supermarket. Her skills have improved a lot simula ng 19 years old siya but her actions and gestures are still the same. She can now manage a hotel and investigate things with her own skills. Maybe her visual is different now but she was still the same Prin Matsui, his greatest love. Nang sumapit ang hapon, nagbonding sila ni Khalid sa baking habang nanatili naman si Cally sa opisina nito para magtrabaho. Ang anak niya ang nagsukat ng harina, nagbati ng itlog at kung ano pa na madadaling gawin. She wanted to spend more of her time with her family. Marami-rami siyang babawiin sa pamilya sa ilang taon na nawalay siya sa mga ito. Dalawang chiffon cake ang nilabas nila mula sa oven. Pinalamig lang nila iyon saglit habang gumawa ng icing. "Now baby, we will put icing. Let''s make a Panda cake okay. A mommy panda and a baby panda" mungkahi niya dito. Isang itim at puti na kulay ng icing ang nasa harapan nila. "Wow! That''s cool!" Halos matatapos na sila sa pagbuo ng cake nang bumaba si Cally. Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa cake nila. "Uhm¡­ What are you trying to do?" alam ni Prin na para sa kanya ang tanong nit. "Daddy, we are making a panda cake" masayang sagot ni Khalid. Nakahawak si Cally sa baba at pinagmamasdan ang mga cake na gawa nila. "Mukhang Panda yung cakeni Khalid. However.." Nagbabanta ang mata ni Prin sa susunod na sasabihin ng asawa niya. "Mukhang aswang ''yung cake ng mommy mo" diretsahan na sabi nito na hindi man lang siya binigyan ng kahihiyan. Prin "..." "Honey, I thought your skills have improved a lot. Don''t tell me aswang ang kumuha sa iyo kaya ka inspired" "Shut up" Chapter 317 - Secret fans It was Monday morning. Napagdesisyunan nila na isasama niya si Khalid sa hotel. Of course, her kid is extremely happy about the thought. She can spend more time with her baby. Sinama niya ito sa opisina niya at pinaupo sa couch na para sa mga personal niyang bisita. Nilabas muli nito ang drawing book saka nagsimulang magdrawing. Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito na nagkukulay. Three years ago, it was his favorite thing to do. Hanggang ngayon ay paborito pa rin nito ang colored pens. Nang pumasok si Mildred, nabigla ito na makakita ng bata sa loob ng opisina ni Prin. Sa isip nito, nang nakaraang linggo nautusan ito na magdala ng damit sa suite ni Miss Yuna na sa tingin nito ay para sa batang tahimik na naglalaro sa couch. "Who is this kid?" interesadong tanong ni Mildred bago pinatong ang ilang folder ng hotel records sa table ni Prin. "I''m his son" si Khalid ang sumagot na bahagyang nag-angat ng ulo. Nanlaki ang mata nito. "M-may anak na po kayo, Miss Yuna?" "Anak siya ni Master Cally" simpleng sagot niya na nagtitimpla ng kape. Hindi niya ito sinagot ng direktahan dahil may usapan sila ni Cally na ililihim na muna niya ang tungkol sa totoo niyang pagkatao. "Master Cally? As in MGM?!" Gulat na gulat ito. Inisip naman nito na normal na magkaibigan sila ni Cally dahil magkalapit ang mga pamilya nila. Tumango siya. "Wow! Miss Yuna, his son is actually here. Wala siyang picture sa high society dahil pinagbabawal ng MGM. ehhh!!! his son is actually here" paulit-ulit na bulong nito pero kinikilig at gustong sumigaw. "You like him?" curious siya sa inaakto ng sekretarya niya. Humigop siya ng kape. Lalo naman itong naging excited sa tanong niya. "Oh!!! Miss Yuna, I like him so much! Do you know Miss Yuna that I even joined a secret group na mga nagmamahal kay Master Cally?" *cough cough cough* inubo siya at bahagyang napaso sa kape na tinimpla. "But unfortunately, he will not love you or your group." narinig nilang sabad ni Khalid. Agad na napangiwi si Mildred ''what a savage little guy'' sa isip naman ni Prin. "Of course we are not. We are just fans of your Daddy... And we understand that he belongs to someone else." bigla naman itong nalungkot. Napangiti si Prin. She knew Cally very well kahit na ilang taon pa siya na mawala, hindi siya nito malilimutan. ''Of course, because he belonged to me.'' mayabang na naiisip niya. Nagpatuloy naman si Mildred. "He is dating MGM''s best celebrity, Millie Brown." bulong pa nito sa kanya na akala mo ay nakikitsismis. Si Prin naman ay nabuga ang iniinom niyang kape. Mabuti na lang at naroon siya sa gilid kung saan naroon ang kape at wala siya sa mesa niya kung saan naman naroon ang mga dokumento na kailangan. "Okay lang kayo Miss Yuna?" "Who- who is Millie Brown?" usisa niya habang pinupunasan niya ang sarili ng kape. "His rumoured girlfriend" si Khalid muli ang sumagot na para bang balewala lang dito ang tsismis. ''He has a rumoured girlfriend? Why didn''t I know about this?!'' at alam ito ng anak nila. Sumimangot siya sa nalaman. Well hindi naman niya masisisi ang sarili, dahil wala naman siyang pakialam kay Cally noon. "Can I have a photo with you?" tanong ni Mildred kay Khalid. "Uhmmm" nag-isip muna ito. Nakangiti naman si Mildred at nag-eexpect ng magandang sagot mula kay Khalid. "No! It''s because you hurt my Mommy''s feelings. Bye!" Mildred "..." Nagbalik muli ito sa pag-drawing at parang lamok na lang si Mildred na nasa paligid nito. Sumimangot si Mildred. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at itinapat iyon sa lugar ni Khalid. "Don''t try to capture even a single strand of my hair." narinig nilang banta ng bata kahit seryoso na namimili ng kulay sa mga colored pens na nasa ibabaw ng table. He is just a kid pero alam nito ang mga nagaganap sa paligid. He knew how to protect himself from strangers. Nanlaki ang mata ni Mildred dahil nakaramdam siya ng kilabot sa pananalita ng bata kahit apat na taong gulang pa lang. Syempre hindi siya magtatangka na sundin ang nais niya na makakuha ng larawan. Sigurado na hindi siya makakalabas ng buhay sa hotel na iyon kapag pinilit niya ang gusto. Hindi napigilan ni Prin na matawa. Sa iilang araw na nakasama niya ang anak, masasabi niya talaga na nagmana ito kay Cloud Han, idagdag pa ang ugali ng Daddy niya na si Rob Matsui at ang pinaka-savage sa lahat, ang asawa niya. Bigla tuloy niyang na-miss ang Daddy niya at ang Mommy niya. Walang nagawa si Mildred kung hindi ang magpaalam na nakangiwi. "Sige na Miss Yuna ako na muna ang mag-i-inspect sa labas." "Don''t tell anyone that I am here, okay?" huling banta ng anak niya dito. Chapter 318 - Daddys spy Iniimbestigahan ni Prin ang lahat ng dokumento na binigay sa kanya ni Mildred. Hiningi niya ang system records at nagbabalanse naman sa kung ano ang nasa final statement. Iyon nga lang, hindi palagay ang loob niya dahil hindi siya naniniwala na hanggang doon lang iyon. She is living in the hotel for the last two months at hindi nagsisinungaling ang mga mata niya, she is expecting more sales. Records are easy to tampered by someone, at ito ang pinanghahawakan ni Prin. Maybe this person she is an idiot or walang alam kaya nagawa nito na subukan siya dahil bago lang siya doon. Kinuha niya ang desk calendar at nagbasa ng news online. Pinagbasehan niya rin ang mga petsa kung kailan sa pagkakatanda niya ay marami silang guest sa hotel. Tulad na lang ng kaarawan ni Khalid. Puno ang lahat ng kwarto sa araw na iyon dahil sa assembly na ginanap sa hotel nila. Idagdag pa na nag-ulan kaya puno pati na ang restaurants. Pero base sa records, normal lang ang sales nila tulad ng mga nakaraang buwan. Pwede naman siyang mag-imbestiga ng mas malalim, iyon nga lang kakailanganin niya mismo ang mga resibo para mag-audit at masyadong mauubos ang oras niya doon. She wants an answer as soon as possible. Eksakto naman na nakatanggap siya ng tawag kay Coffee para ibalita lang nito sa kanya na ayos na ang issue niya sa Paris Branch. Nagpapasalamat naman siya dito dahil hindi naman niya ito sinuswelduhan at tanging pagkakaibigan lang ang bayad nila sa isa''t isa. "Coffee Dear, can I ask you a favor?" tanong niya dito sa kabilang linya. "Sure! what is it?" mabilis na sagot nito. "Looks like there is something wrong with my Accounting Branch Manager. She gave me a report which I do not believe. My expected sales are not like this and even the expenses have been doubled." paliwanag niya. "Hmmm.. Maybe you gave a discount in accomodation Apps?" nagbigay ito ng isang rason ng mga posibleng dahilan kung bakit mababa ang sales nila. "Still, I need answers. What I need to know is kung may nadagdag ba sa bank account niya or something" ito lang naman ang posibleng dahilan. "Okay, Got it! Catch you later!" nagpaalam na ito sa kanya at alam niyang anumang oras ay tatawagan muli siya nito. Ayaw niyang mapraning at lalong ayaw niya na ituro sa kanya ang isyu pag dating sa huli. Maganda na ang handa at nakakasiguro siya na malaki ang tulong na mabibigay nito sa kanya. Saka niya kakausapin ang Accounting Manager kung sakaling may makita itong kahina hinala. Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan. "Tuloy" Bumakas iyon at bumungad si David. Inaasahan niya na nakauwi na ito sa Singapore kaya nagulat siya saglit. "Oh, Hi David!" Pumasok ito sa loob para harapin siya. "Aayain sana kitang kumain ng meryenda" sabi nito. Ngunit bago pa siya maka-oo o hindi, inangat ni Khalid ang ulo at diretsahang sinagot ang paanyaya ng lalaki. "She''s not available. Thanks!" saka binalik ang atensyon sa ginagawa. Prin "..." Kumunot ang noo ni David at sinisino si Khalid. Nakilala din naman nito agad si Khalid na ito ang batang tumawag sa kanya ng Mommy nang araw ng birthday ng anak niya. "Oh! Sorry, may bisita ka pala" "I''m not just a visitor, I''m her son." sabi habang patuloy sa pag-guhit na para bang ayaw na nitong tapunan ng tingin si David kahit isang sulyap. David "..." Napakamot sa ulo si David. Sinabihan siya ni Coffee na maglakas ng loob at huwag to-torpe-torpe kaya sinisimulan niya na ang kausapin si Yuna ng mas mahaba, hindi katulad noon na simple lang sila nito mag-usap. Nagkataon naman na kinailangan niyang magpunta sa Maynila para um-attend ng Business assembly. "Okay, some other time then." sabi ni David. "Oh, by the way, we have this secret camera right? Can you install two cameras here in my office?" tanong niya. "Sure. Let''s schedule it tomorrow. " nakangiting sabi nito. Matapos iyon, may kinuha itong kahon sa bulsa at inabot sa kanya. Kumunot ang noo ni Prin saka iyon kinuha at binuksan. Isang sapphire-white gold bracelet . Binalik niya ang paningin kay David. "David, this is too much. I won''t accept this." He felt bad in a second dahil pakiramdam nito ay nabasted agad, pero nakabawi rin naman agad matapos maisip na ganon talaga siya. "Don''t think too much, it''s a gift from the three of us para sa tulong mo sa ''min sa loob ng isang taon." "B-but¡­ I can''t accept gifts" Ngumiti naman ito. "Kung nahihiya ka talaga, maybe palitan mo na lang ng iba sa susunod." sabi nito. "I¡­" hindi niya tuloy alam ang sasabihin. It''s a nice sapphire bracelet. Mga asul na maliliit na bato na nakadisenyo sa white gold bracelet. Nagpaalam ito agad para hindi na niya maibalik pa ang bracelet dito. Ang mas nakakatawa, titig na titig ang anak niya sa kanya na para bang may ginawa siyang kasalanan. Napalunok siya habang sinalubong ang mata nito. "A-are you Daddy''s spy?" "Yes" tapat na sagot ng anak niya. Prin "..." Ngayon ay alam niya na kung bakit kusang-loob na pinasama ni Cally sa kanya si Khalid. "But don''t worry, I love Mommy more. Your secret is safe with me" Prin "..." Chapter 319 - What rights do you have? "Baby, is there any food you''d like to eat?" tanong niya kay Khalid habang naglalakad sa hallway ng hotel. Matapos umalis ni David, naisip niya na kailangan na rin nilang umuwi ni Khalid para hindi sila gabihin. "Anything you cook, Mommy" sabi nito. Naisip niya na mabuti pa ang anak niya at na-aapreciate ang mga gawa niya, hindi tulad ng Daddy nito na tahasang laitin ang gawa niya pero naubos naman nito mag-isa ang Aswang cake niya nang nagdaang araw. Nakasalubong nila si Mildred sa hallway. Nakangiti ito ng pilit habang iniiwasan na tumingin kay Khalid. Nakatikim kasi ito ng bagsik mula sa batang Han at iniiwasan na nitong makatikim muli ng kahit na anong banta sa bata. He looked adorable and cute, pero alam niya sa sarili na hindi isang simpleng bata si Khalid base na lang sa pananalita nito. He is smart. "Uuna na kami. Tawagan mo ako kung sakaling may problema." paalam ni Prin sa babae. "Ingat po, Miss Yuna." "Thank you. Baby, please give untie Mildred a goodbye kiss" utos niya sa anak para makabawi man lang sa ginawa ng anak niya dito. Saka ayaw niya na magkaroon si Mildred ng impresyon na hindi natuturuan ng magandang asal ang anak niya. Nagliwanag ang mata ni Mildred. Kapag nalaman ng mga kagrupo niya na nahalikan siya sa pisngi ng anak ni Master Cally, siguradong maraming maiingit sa kanya. Walang expression si Khalid pero sumunod ito sa kanya. Hangga''t maaari ayaw nito na humahalik sa kung kanino lang, lalo na sa hindi kilala. He thought after that ''I need to brush my teeth ten times tonight'' "Miss Yuna, gusto mo bang sumali sa group namin? It was actually fun saka malapit lang dito. Ang leader namin ay may-ari ng ice cream house na puntahan ng mga fan girls. Pero nakapokus kami kay Master Cally bilang siya ang humuhulma sa lahat ng artist na pangarap ng iba. Kaya naman marami kaming fans niya..." kinikilig na sabi nito. "...Huwag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kung sakali na ayaw mo. Pwede kong sabihin na dinala lang kita doon para kumain ng ice cream" Nag-isip naman si Prin. Ang totoo, nacurious din siya kung ano ang mayroon sa grupo nito na fans ng asawa niya. Isa pa, posible na may masagap siyang tsismis doon kung ano ang mga ginawa ni Cally sa loob ng tatlong taon. "Sure. Let''s go tomorrow." ===== Sunod na nakasalubong nila si Mari sa hallway. Sa totoo lang, hangga''t maaari, ayaw niyang nakikita ang pagmumukha nito at gusto na niyang pabalikin ang babae sa kung saan ito galing. Hindi niya alam kung bakit pakalat-kalat ito doon. Iyon nga lang, wala rin naman siyang karapatan na sitahin ito lalo na at hindi naman siya tunay na anak ni Apolo. Sa kanilang dalawa, ito ang nagmamay-ari sa hotel na iyon at siya ay tanging manager lang doon. Humalukipkip ito saka siya tinanong. "Where are you staying?" Bigla niyang naalala na sinundan siya nito ng nakaraang linggo. "It''s none of your business" simpleng sagot niya habang hawak ng kanang kamay si Khalid at hawak ang bag niya sa kabila. Nagpatuloy sila sa lakad. Tinapunan lang ng tingin ni Khalid si Mari and he could feel that his Mommy doesn''t like this girl. Makulit naman na sumunod ang babae sa kanila. "Sa weekend ang uwi ni Dad, nakapag-usap na sila ng magulang ni Felix about the wedding. Please be sure na makakapunta ka sa kasal namin ni Felix" sabi nito, saka nito napansin si Khalid. "Are you someone''s mistress now?" tanong nito sa kanya. Hindi niya ito pinansin dahil ayaw niyang magkaroon siya ng pangit na impresyon sa anak kapag nakipagtalo siya dito. Umismid naman si Mari. "Yuna, I underestimated you. Akala ko noon ay mahinhin ka at hindi makabasag ng pinggan. Who would have thought that you could bring someone else''s child here? Nagmukha ka tuloy losyang" Huminto si Khalid sa paglakad saka hinarap ang babae. "My Dad is not just somebody" Kumunot ang noo ni Mari. Nagtaas ito ng kilay habang patuloy na nakahalukipkip ang magkabilang braso. "If he isn''t just somebody. Who is he?" She is expecting na makakuha ng sagot dahil apat na taon lang ang bata. Pero nabigla siya sa sinabi nito. "What rights do you have? You can''t even compare to my Mommy''s secretary because you are brainless." matalim na sabi. Nanlaki ang mata ni Mari. "Your nose is too pointy that someone may think you are idolizing Pinocchio..." "Your body shape was like a jigsaw puzzle piece, your right boob is bigger than the other that someone may think you are feeding 11 babies. Even that girl..." tinuro nito ang naglilinis ng bintana. "Is prettier than you" "Pfff--" pinipigilan niya ang matawa dahil sa sinabi ng anak niya. Nanlaki ang mata ni Mari. Halos mamula ang mukha dahil sa pagkakapahiya at galit lalo na at nasa hallway sila kung saan maraming dumadaan na guest. Ang iba nga na nakarinig ay hindi na napigilan ang pagtawa. Isang batang lalaki ang nagpahiya sa kanya at hindi niya matanggap ''yon. Nagpapadyak si Mari sa galit. Inakay na ni Prin ang anak niya palabas. "Baby, next time don''t talk to that girl. Okay?" saka siya bumunghalit ng tawa. "Oh my god.. I can''t..." pinunasan niya na ang mga namuong luha sa sobrang pagtawa. Nasabihan lang siya ng losyang ni Mari pero andami nitong nakuhang panlalait mula sa anak niya. Chapter 320 - Cant keep secrets Nang makauwi ang mag-ina, napansin ni Prin na nakasimangot pa rin ang anak niya na sa palagay niya ay si Mari ang dahilan. She understand na hindi nito gusto ang nangyari kanina na nilait-lait siya ng babae. She finds him cute and adorable habang magkasalubong ang mga kilay nito. "Baby, huwag mo ng isipin ang panget na babaeng iyon." saka siya tumawa. "Kids should be happy. I will cook something delicious. Don''t be angry anymore" "I don''t like brainless people¡­" reklamo nito Lalong humagalpak ng tawa si Prin. "Oh my gosh!" coming from a four year old kid na sabihan na bobo si Mari ay hindi niya mapigilan na matawa. Nakabawi rin naman ito habang naghahanda sila ng dinner. Pinigil siya ni Xia na magluto sa kusina pero nagpumilit siya. "Don''t worry, hindi ko susunugin ang bahay ni Master Cally" natatawa na sabi niya dito. Ang tanging nagawa nito ay makiramdam na lang. Hindi alam ng mga ito na siya si Prin Matsui kaya naman naiintindihan niya ang concern ng mga kasama sa bahay. Ang tanging alam ng mga ito ay malambot sa kanya ang magtatay. Kahit pa alam din ng mga ito na magkasama sila ni Cally sa Master''s bedroom. No one dared to ask about their relationship. Dumating si Cally eksaktong tapos na siya magluto. "What are you doing?" "Cooking menudo, chicken fillet, saka chop suey." Sinuri nito ang mga pagkain. "See? See I told you, I can cook now" "Yep, I can agree that we will be having a nice dinner. Kaya lang¡­" Nagbabanta muli ang mata ni Prin. "Akala ko sinigang na kulay pula ang menudo mo." Inamba niya dito ang sandok na hawak. "I hate you! Go upstairs and change your clothes!" kasalukuyan pa kasi na naka formal suit ang asawa niya. Sumunod naman ito sa kanya, pero ilang saglit lang bumalik ito at may hawak na nakapanlaki sa mga mata niya. "What is this?" hawak nito ang blue sapphire white gold na binigay ni David. Hindi niya akalain na nasa bag niya iyon. Ang pagkakaalam niya ay iniwan niya iyon sa mesa. Pero posible na napagkamalan niyang lagyanan ng ballpen ang box ng bracelet kaya na-ishoot niya rin sa bag habang kausap si Cally para ipaalam dito na pauwi na sila ng anak nito. Napalunok si Prin. Napatanong siya sa sarili. Bakit pakiramdam niya ay nahuli siya ng asawa na nangangaliwa, samantalang wala naman siyang ginawa. "I-it''s a bracelet." "Yes, I can see that this is a bracelet. But why are you having an expensive bracelet with a note ''You are the most beautiful girl I have ever met''?" Kumunot ang noo ni Prin at lumapit sa asawa niya para silipin ang hawak ang bracelet. Hindi niya iyon napansin na may nakaukit doon nang iabot iyon sa kanya ni David. "Daddy, I protected Mommy from bad guys. no one dared to ask her out!" paghuhugas-kamay ng anak niya. "So, who is the person who gave this?" tanong nito sa anak. "uhmm¡­" tumingin ito kay Prin saka sa Daddy nito na nagbabanta. "A girl" "*cough* cough" siguro guilty siya kaya parang sumakit ang lalamunan niya lalo at nagsinungaling ang anak niya para sa kanya. "Yeah right?! I believe you." kumbaga sa bulkan ay umuusok na ang ulo nito. hinarap nito si Prin. "You even know how to teach our kid to lie. " "Of-of course not! I don''t care about the bracelet, alright! I am planning na isauli rin iyan bukas, nabitbit ko lang." katwiran naman niya. "So, who is the guy who gave you a special edition, 3 million worth bracelet?" binigyang diin pa nito na tatlong milyon ang bagay na iyon. Nanlaki ang mata niya. "Ganun iyan kamahal?" "please talk human language" "Hindi ba iyon human language?" Halatang umiinit na ang ulo nito. "Fine! don''t say his name as if I don''t have ways" Yumuko siya "David" Halatang hindi nito ikinatuwa ang pangalan na sinabi niya saka tinawag si Xia. "I am giving this to you but don''t wear it whenever I''m around" Nanlaki ang mata nito. "Master, I won''t accept this!" sabi ni Xia. "See? That is the right expression for not accepting gifts" leksyon nito. Napangiwi si Prin. Lumabas ito at dinala ang bracelet. Hindi niya akalain na para itong sumabog na bulkan, malaman lang na nakatanggap siya ng regalo. Wala siyang kasalanan okay! "Mommy, it''s your fault! You can''t keep secrets" paghuhugas muli nito ng kamay. Prin "..." Chapter 321 - Battle of brains Hinanap ni Prin ang asawa niya at natagpuan niya ito na inutusan si Xander na i-donate sa kung saan ang sapphire white gold bracelet at ipinangalan si David Young bilang donor. ''He knows David''s full name?'' Hinawakan niya ito sa braso saka hinarap. Napangiwi siya na makitang masama pa rin ang loob nito. His gaze was still dark and gloomy. "Husbie, look, huwag mo na itong pansinin. This bracelet issue is not that important. I never had a relationship with David. Plano ko naman talaga na isauli bukas ang bracelet tutal naman ay maglalagay siya ng secret camera sa opisina ko. " paliwanag niya. Nilingon siya nito bigla. "He what?" lalong nagsalubong ang kilay nito. ''Oh no! Me and my big mouth'' "*cough* I need safety sa office and to protect my files and doc.u.ments, I need a secret camera na hindi makikita ng kung sino. We have this small camera that we can put inside a figurine or -- " Napangiwi si Prin na makita na lalong nagdidilim ang awra nito. "Ha!You asked him instead of me?" Napakamot siya sa ulo. Gusto niya ng manghingi ng tulong sa Avengers kung paano paliliwanagan ang asawa niya. Hindi naman niya akalain na magiging isyu ang bagay na ito. Sa mga nakalipas, magkakasama sila na nagtatrabaho ng grupo niya. At ang pakiusap kay David na maglagay ng secret camera sa opisina niya ay normal at simpleng pakiusap lang na nakagawian niya sa loob ng isang taon, at wala naman siyang nakikita na masama doon, noon. Surely enough, she forgot Cally''s feelings. Pero ang inaakto na iyon ng asawa niya ay para bang may kasalanan siya at makikipagtagpo siya sa kabit ng palihim kinabukasan. "Husbie¡­" she doesn''t know what to say naubusan na siya ng sasabihin dito. She hugged his waist instead. "I''m sorry. Let''s discuss this later. Let''s eat please¡­ I cooked a nice dinner for you and for my Baby Panda. For sure you don''t like to waste my effort, right?" Sinalubong ni Cally ang mata ni Prin. Nagdikit lang ang balat nila, niyakap lang siya nito at agad na nawala ang pagkainis na nararamdaman niya. This girl knew how to seduce him. He couldn''t help himself to kiss her right there. Saka inilapit ang labi sa tenga ni Prin. "Try other things to coax me. It will depend on your performance tonight. I will evaluate you and will forget the issue if you are good." Sinuntok niya ito sa dibdib. Mukhang effective naman ang naging paraan niya para paamuhin ang hari ng mga leopard kaya nahila niya ito pabalik sa kusina. Pagkaupo, tumingin ito kay Khalid na nananatiling nakaupo sa katapat na mesa at naghihintay para kumain. "You kid, who told you to lie?" tanong ni Cally sa anak. Kailangan niyang leksyunan ang anak na mali ang ginawa nito. A girl? Does this kid think he is an idiot? Sinalubong naman nito ang mata ng Daddy nito. Bakas ang pagka-guilty sa mata nito pero hindi nito sinagot ang tanong ni Cally. The kid wouldn''t dare na ilagay sa alanganin ang sarili o si Prin. Sa halip... "Mommy, you want to know more about Millie Brown right?" nakaangat ang mukha nito kay Prin na papaupo pa lang. Cally "..." Biglang naalala ni Prin ang pangalan ng babae. Siya naman ngayon ang nakatingin ng masama sa asawa niya. "Yeah, who is that Millie Brown?" "Well, she is a beautiful girl, looks like Barbie." gatong muli ni Khalid. "You find her beautiful?'' tanong ni Prin sa anak. Hindi niya akalain na magagandahan ang anak niya sa ibang babae. He even finds the girl looking like a barbie. Tinimbang nito ang sasabihin. He doesn''t want his Mommy to be upset. "Uhmm. Don''t worry Mommy, starting this day, I don''t find her attractive anymore. Looks like Annabelle, the chaka doll" Prin "..." This little guy knew how to talk. Biglang lumipat ang mapanghusga niyang tingin kay Cally. Sinandukan nito ng pagkain ang anak. "Don''t look at me like that. She is just my artist. I have never even met that Milie Brown before, so don''t question me anymore." "It''s..." simula ni Khalid na pinutol ng Daddy nito. "Let''s eat! The two of you are grounded! Khalid hindi ka na sasama kay Mommy sa office, you are not a good spy" Tumahimik lang si Khalid, pinagpatuloy ang pagkain at tila hindi ginawang seryoso ang banta ng Daddy nito. Kampante naman si Prin sa sagot ng asawa niya. He said na hindi niya pa nakita ang babae na may pangalang Millie Brown and she trusted that words. Pero hindi pa rin maiwasan na mailang siya lalo at nabalita ang babae na iyon na nakikipag-date sa asawa niya. Chapter 322 - He knew, alright! Katatapos lang niyang patulugin si Khalid sa kwarto nito nang tawagan siya ni Coffee. Lumabas muna siya ng kwarto saka ito sinagot. Tulad ng inaasahan, mabilis magtrabaho ang babae. "Hello Dear!" "Yuna, I can''t find any suspicious credits on your Accounting Manager''s bank account¡­ You know what I found?" Naghintay siya ng sasabihin nito. "You suddenly have a Swizz bank account with a current balance of 40 million! Walang labis walang kulang" Nabigla talaga siya sa sinabi nito at nanlaki ang mata niya. "What?!" bulalas niya. Eksakto pa na kabubukas niya lang ng pintuan ng Master''s bedroom. Tumingin naman sa kanya si Cally nang nakakunot ang noo. "Thanks friend! Mukhang may kumikilos talaga para sirain ang pangalan ko" at wala siyang ibang naiisip kundi si Mari! Mapatunayan lang niya na ito ang nasa likod ng mga bagay na iyon, hindi lang powdered milk ang gagawin niya sa b.o.o.b.s nito, baka gawin niyang Ensure Gold at ibenta sa mga matatandang lalaki na sesenta pataas ang edad. Nagkataon kasi ang dating nito sa pagmamanipula ng records sa financial statement ng hotel. Nagpasalamat lang siya diti at nagpaalam. "Honey, kailangan maikabit ngayong gabi ang spy camera sa opisina ko." sabi niya sa asawa. Kailangan niyang maghanda. Kanina lang niya nareview ang mga files at ayaw niya na may mawala sa mga iyon o kaya naman ay mapalitan. "Huwag kang mag-alala. I''ve already asked someone." sagot nito Kumunot ang noo niya. ''Ganoon kabilis?'' Ganoon ba talaga nito kagusto na huwag magtagpo ang landas nila ni David? "What? Don''t tell me you want to meet your little suitor?" nagbabanta na naman ang pagtapon ng suka nito sa paligid. "I''m fine with it! I am just missing those days when we were working together." Bigla na lang siyang sumeryoso. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pag-alala ng nakaraan. Hindi na nga niya matandaan kung ilang beses naitanong sa tadhana. Bakit malupit ito sa kanilang mag-asawa? She looked outside para itago ang nararamdaman niya at ayaw salubungin ang mata ni Cally. "If I add up all those years that I''m not around, the total would be 10 years¡­ Having the thought, it really breaks my heart." hindi niya napigilan na maluha. Bakit ang saklap ng tadhana sa kanila? She was lost for seven years, reunited for a year and has been lost again for another three years. Naaalala niya pa noon ang ''Uhmma'' ni Khalid, kung saan huli niya itong nakasama. Who whould have thought na ngayong nakabalik muli siya ay parang mas matalino pa sa kanya ang anak niya? He knew a lot of things now. He can paint or play the piano. Samantalang noon ay pag doodle lang sa papel ang alam nito. Somehow she is happy for her kid, but at the same time it was sad and painful, because she was not there¡­ Wala siya ng mga panahon na natutunan ng anak niya ang mga bagay na iyon. Tumayo si Cally at niyakap siya ng mahigpit. He felt her sadness kahit pa itago niya dito ang mukha niya. Hinayaan lang siya nito na umiyak. Kailangan niyang ilabas ang bagay na ''yon para maka move on. Namasa ang polo na suot ni Cally mula sa mga luha niya pero hindi siya nito pinigilan. He wants to share her sadness. "Honey, let''s move on. I know you missed three of his years. Your baby panda is still a baby. There are so many things to enjoy. There are more things he can learn from you..." "kaya niyang magpinta ngayon, pero hindi siya marunong sa fencing o sa boxing. Kaya niyang magpatugtog ng piano, pero hindi niya pa kayang gumawa ng aswang cake na hindi mo aakalain na masarap." Bigla siyang natawa sa biro nito. Pinalo niya ito sa dibdib. "ehhh!" "See? There are so many things he could learn from you. So don''t be sad just because you are missing his three years. Pwede mong bawiin ang lahat ng taon na nawala sa iyo." "I promised na hindi na mauulit ang mga nangyari na ito sa atin. This is our time now. No one will stop your special time with your baby panda. You can enjoy him kahit saan mo pa siya gustong dalhin" Gumaan naman ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito. Her husband was right. She can raise Khalid her way and no one will stop her. Ngayon ay alam niya na kung bakit nito pinapasama sa kanya ang anak. "Honey, thank you for raising my kid. I know it was also hard for you as a single parent." sabi niya dito. "It''s because I love his Mommy so much." Hinalikan siya nito sa labi hanggang sa mawala na ng tuluyan ang lumbay niya. "Husbie, sa palagay mo ba panahon nang sabihin natin kay Khalid na ako talaga ang totoo niyang Mommy, si Prin Matsui?" Bigla tuloy itong tumingin sa kanya. "Honey, are you joking? He knew alright! He. Knew." "But how did he know?" Ayaw na siyang intindihin pa ni Cally. He doesn''t know what to do with his wife''s intelligence. Lumipas man ang araw at taon ay si Prin Matsui pa rin ito na kaya niyang i-bully. "Because he is my son and a smart kid. For us, questions and answers are not necessarily needed." Prin "..." Posible na noong una ay hindi alam ng anak nila at gusto lang talaga nito ang katauhan ni Prin na si Yuna. But calling him ''Husbie''? calling her ''Honey''? being together on the same bed in the same room? Kailangan pa bang i-explain sa anak niya na ito si Prin Matsui? Chapter 323 - Callys Fans Kinabukasan, pinagbawalan pa rin si Prin at Khalid ng asawa niya na magpunta sa hotel. Grounded sila ng anak niya. Mukhang plano pa yata ng asawa niya na pauwiin muna sa Singapore si David bago siya nito payagan na makapunta sa hotel. Sinabi na lang niya kay David na busy siya sa araw na iyon. Nakakahiya man ay sinabi pa rin niya dito na hindi na niya kailangan ang secret camera dahil nakagawa na siya ng paraan. Nang nagdaang gabi ay sinamahan siya ni Cally na magpunta sa hotel para ayusin ang opisina niya. And they put an alarm kung sakali man na may maglalakas ng loob na pumasok doon. Sa umaga ay nag-jogging silang dalawa ni Khalid. It was Khalid''s first time to jog and it was also been three years nang huli niya iyong gawin, kaya naman kapwa sila nito na mabilis na napagod. Sa maghapon ay magkasama lang sila ni Khalid sa bahay, nanonood lang ito ng kung anu-ano sa tablet nito habang siya ay nagbabasa ng libro tungkol sa business. Nakausap niya si Apolo sa telepono at nasabi na rin sa kanya na magpunta sa engagement party ni Felix at Mari. Inalam nito kung ano ang nararamdaman niya kay Felix, and she said ''nothing''. Mabuti na nga lang at hindi siya pumayag na makipagtalik dito noon, dahil kung hindi, she was dead for sure! Nalaman nga lang ng asawa niya na nakatanggap siya ng regalo mula kay David ay sobra na ang pagseselos nito. Paano pa kung palaman nito na hinawakan siya kahit sa kamay lang ni Felix? She was really dead! ===== "Mommy, you have a date with your Secretary today." paalala nito sa kanya nang sumapit ang hapon. Pati ang bagay na iyon ay alam nito? Tama ang hinala niya na marunong ito makiramdam at alam nito ang nangyayari sa paligid. Pinag-iisipan niya pa kung isasama si Khalid sa lugar since Ice cream House naman iyon. Iyon nga lang, ayaw niyang mapahamak ang anak sa kamay ng mga fan girls. "Gusto mong sumama sa akin?" Nagliwanag ang mata nito. Napangiti siya. Tulad ng inaasahan, gusto talaga nito na sumama at ayaw na malayo sa kanya. "I told Daddy that I will protect you from bad guys" katwiran nito. Natawa siya sa katwiran nito, idinamay pa talaga ang asawa niya. "Alright, you can come. But don''t tell them that you are Master Cally''s son okay?" paalala niya. Tumango lang ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "I am Mommy''s son." Natawa siya sa sinagot nito. Bigla niyang naisip, kung sakali na maghihiwalay sila ni Cally, siguradong hindi na ito mag-aatubili na sasama sa kanya. Wala naman siyang plano na makipaghiwalay kay Cally, iyon nga lang naaaliw siya sa anak niya. "Baby, kung maghihiwalay kami ng Daddy mo, Kanino ka sasama?" she was curious kaya tinanong niya ito. "Kay DADDY" mabilis na sagot nito. Prin "..." "*cough cough*" nangati ang lalamunan niya dahil ang yabang pa man din niya sa naiisip na siya ang pipiliin nito. "I will follow him so I could easily get revenge for you and will scold him everyday" katwiran nito. "Oh! You are a sweet talker." Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi ng anak. Niyakap niya ito at hinalikan si pisngi. "Is there any girl you like to be your girlfriend? Kapag nanligaw ka, sigurado na sasagutin ka nila agad dahil ang sweet-sweet mo magsalita" Namula ang pisngi nito. "No one. I''m only four and I only want mommy. If Daddy heard you, you will be scalded to death" Niyakap niya na lang ng sobrang ang anak niya sa sobrang pangigigil. ===== Kinatagpo nila si Mildred. Naroon na daw ito sa ice cream house na tinutukoy nito. Binigay lang nito ang address sa kanila ni Khalid. Nasabihan niya na rin ito na ''wag sasabihin ang tungkol sa anak niya. Dahil kapag may nangyari dito, kahit matagal na siyang hindi nakakalaban, ay baka sunugin na lang niya ang ice cream house. Sapat na nga na pinapayagan niya ang mga ito na pagpantasyahan si Cally. Pero hindi akalain ni Prin na may ganoong klase ng ice cream house. Parang naging tambayan na ng mga kababaihan o fans club ang lugar na iyon. The room was filled with photos of celebrities. Pinagsama-samang ibang shades ng pink ang kulay ng buong kwarto na para bang hindi galit sa pink ang Ice cream house na iyon. At ang pinaka-nakakaaliw sa lahat, nasa tatlong malalaking frame ang larawan ng asawa niya na nakasabit sa isang pader, sa kabilang pader naman ang ibang mukha ng mga celebrities. ''Haay, kahit dito ay possessive pa rin ang asawa ko.'' Pinainom niya si Khalid ng Strawberry milkshake. Nakikiramdam lang ito. Sa oras na iyon ay puno ang lugar. Pinag-uusapan ng mga ito ang mga bagong shows at kung ano pa ng mga paboritong artista. "Miss Yuna. pasok lang ako saglit." tinuro nito ang kusina. Iniikot niya lang ang mata sa buong lugar. Lumapit siya sa isang poster ni Cally na malapit sa cashier. Hindi niya kasi alam kung peke iyon o tunay. Paanong nagkaroon ng pictures ang asawa niya at nasa isang poster? "Ahhh, oh my god! Millie Brown shows in her social media. Nakatanggap siya ng flower mula kay Master Cally." bigla ang lingon ni Prin sa fan girl na kinikilig habang nakatingin sa cellphone nito. Naningkit ang mga mata ni Prin sa narinig, kinuha niya ang poster na sinusuri at hinati iyon sa kalahati. *schrrrt* ''You are Dead Cally Han!'' Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat ng babaeng nandoon at halatang galit din sa kanya dahil hinati niya sa dalawa ang poster ng asawa niya. Chapter 324 - You are dead! She ripped the poster into two. Ang nakakatawa, sabay-sabay at nanlalaki ang mata ng mga fans ng asawa niya na napalingon sa kanya dahil nakarinig ang mga ito ng napunit na poster. "Ahhh!!!" lumapit kay Prin ang isang babae ng nagagalit. Hinablot nito mula sa kamay niya ang poster na nahati sa dalawa. "Sinira mo ang mukha ni Master Cally!!!" galit na sabi sa kanya ng isang fan girl at nagpapadyak. Prin "..." "Alam mo ba na special edition ito? Sampu lang kami ang meron nito sa buong mundo!" Prin "..." "Pfft!" hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi nito. ''Kahit 100 pa kayo, nasa akin ang pinaka-special edition at nag-iisang tunay, okay?'' May lumapit na isa pang babae. "Oh my gosh, his charming nose! nawala na!" parang maiiyak na sabi. "I can''t see his dazzling eyes anymore" gatong ng isa pa. "His kissable lips are no longer here, wala na akong mapapangarap na halikan" Prin "..." Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa babaeng fan girls ni Cally. "Kailangan mong maparusahan!" Sabi ng isa. sumenyas ito sa mga kasama. Mabilis na hinawakan siya ng apat na babae sa braso at kamay. Dalawa sa binti. Dahil harmless naman at inaabangan niya ang gagawin ng mga ito, hinayaan niya na lang kung ano ang sunod na gagawin nito o parusa sa kanya. Naglalaro sa bente hanggang twenty five ang mga babae doon. At dahil mukhang bente dos lang si Prin dahil sa retoke niya sa mukha, madali siyang nakahalo sa grupo. Saka sa paniniwala niya, wala doon ang tunay niyang kalaban kung hindi ang Millie Brown na binanggit nito kanina. When she learned about the girl before, wala siyang ginawang effort na alamin pa kung ano ang hitsura ng babae dahil balewala naman ito sa kanya. Why does she make an effort sa taong baleala naman. When he said na hindi niya pa nakikita ang babae, she trusted him wholeheartedly at parang pinadaan lang ang isyu sa tenga niya. But this day is different. Her husband needs to explain! What the hell about those flowers? E, siya nga ay wala pang natanggap kahit isang bulaklak sa loob ng mahabang panahon! Lumapit si Khalid sa puwesto nila sa bungad. He expanded his arms to protect his Mommy from these girls. Humarap ito sa mga babae. "Hey! Don''t touch my Mommy!" singhal nito sa mga babae "Baby, don''t worry, they are harmless." sabi niya sa anak. Ayaw naman niya na mapahamak ang anak niya mula sa mga babae. "He is your Kid?" naniningkit ang mata na tanong muli ng isa. Nakasuot ito ng makulay at magandang bestida. Her skirt is flowy at naka pigtails ang buhok sa magkabilaan na mukhang fan ng Kpop idol. Noon lang napansin ni Prin na mga nakaayos ang mga fan girls na ito. They dressed up like Lolitas. Kahit si Mildred ay iba ang awra. ''Pabebe girls'' ang tamang terms. "Girls!" sumenyas muli ang naka-pigtails sa mga kasama na sa tingin niya ay ang pinuno ng grupo. Hinawakan din ng apat na babae ang anak niya. ''Oh my god! Naloko na!'' Dinala si Khalid sa isang table, katapat ni Prin. Nagpupumiglas ang anak niya na hawak din ng apat na babae. "Don''t touch me! Don;t touch my Mommy!" pero balewala sa mga ito ang pagpupumiglas ni Khalid. "Girls, Attack!" Kiniliti sila ng mga babae. Mabilis na nakiliti naman ang magnanay sa mga maseselan na bahagi ng katawan nila. Sa tiyan, sa leeg, sa tagiliran. "Wahahahaha!" So, ito pala ang parusa. But seeing her kid na tawa ng tawa sa ibabaw ng table gave her a different feeling. He is laughing so hard. Napalabas na rin tuloy si Melody mula sa kusina nang malaman na may ''pinarurusahan'' at inalam ang nangyayari. Lalo na nang makita sila ni Khalid na kinikiliti. "Stop! Stop! I can''t breathe anymore! Ha ha ha" nagluluha na ang mga mata ni Khalid sa sobrang pagkatawa. Bahagya nang nalilis ang damit ni Khalid. Natanggal na rin ang isang butones ng Jumper na suot nito. Naaawa naman si Mildred sa kanilang dalawa dahil sumusuko na ang mga parte ng katawan nila sa pagkiliti ng mga ito. "Girls, stop it!" pigil ni Mildred ngunit hindi ito pinansin ng mga kasama. Nag-aalala ito kay Khalid. "Girls, girls, stop it! He- he is Master Cally''s kid!" sigaw ni Mildred na parang nag-echo sa mga tenga ng mga ito. Natutop naman ni Mildred bigla ang bibig dahil sa kadaldalan. Maingat na binitiwan ng mga babae si Khalid sa ibabaw ng mesa. Saka ito pinagmasdan ng mabuti. "Oh my god! kamukha mo nga si Master Cally! Ahhh!!!" Nagtakip ng tenga ang anak niya dahil sa tili ng mga babae. Prin "..." Biglang lumingon sa kanya ang mga babae. "You! You kidnapped Master Cally''s baby!" bintang sa kanya ng mga babae. Prin "..." Wala siyang nagawa kundi ang kumawala sa kamay ng mga babaeng may hawak sa kanya at binitbit ang anak niya saka tumakbo palabas ng shop. ''Cally Han! You are so Dead!'' Chapter 325 - She lost her kid Kumatok si Xander sa opisina ni Cally. Nitong mga nakaraang araw, maayos ang mood ng Master nila dahil kay Miss Yuna. Everyone in White Castle knows that they have a special relationship. But no one dared to ask them personally. He also knew that this Miss Yuna replaced Miss Prin in his Master''s heart. He even secretly helping Miss Yuna sa pag-imbestiga ng Financial Statement ng hotel ni Apolo. Pumasok siya sa loob matapos siyang payagan ni Cally na tumuloy. Nilapag niya sa mesa ang mga kailangan na trabaho sa opisina. Saka inisa-isa dito ang lahat ng report, para alam ni Cally kung ano ang gagawin sa mga papel na nasa harap nito. "Shi, I''ve also heard na ginamit na naman ni Millie Brown ang pangalan ninyo..." "She posted a bouquet of flowers and said, ''Thanks My Love for your support''. Kahit wala ''yung pangalan niyo, the people and fans assumed it came from your end..." "Narinig ko rin na nakatanggap siya ng trabaho sa isang bagong Drama series because if you. She even said it''s because of your help." Tila balewala naman kay Xander ang sinabi niya dahil noon pa man ay ginagamit na ng grupo ng babae ang pangalan ni Cally para maka-attract ng fans. Her group has been audacious to use his Master''s name since two years ago. Because of her good performance, nabigyan siya ng mga trabaho ng kumpanya. But her image was not totally good during that time. At naglakas loob ang babae na gamitin ang pangalan ng Master nila dahil na rin sa estado nito sa buhay. Isang businessman din ang magulang ni Millie Brown na nakabase sa America. May mga tsismis na kumalat noon na kaya maraming trabaho si Millie Brown because of Cally''s support. Hanggang sa nabalita na nga na nagde-date ang babae at si Cally. Wala namang ginawa ang Master niya as if he doesn''t care about it. But who would have thought that this time is different¡­ Bigla ang angat ng ulo ni Cally sa narinig. "Do something about it. Talk to her Manager, tell them na nakakasuka na ang gamitin ang pangalan ko." "Yes, Master" Ginawa naman agad ni Xander ang utos sa kanya. Alam ni Xander na ang utos na iyon ni Cally ay kailangan niyang tapusin sa mas mabilis na panahon. Tinawagan niya agad ang Manager ni Millie Brown para sabihin na kailangan niya itong kausapin at siya na mismo ang kusang nagpunta sa opisina nito. Habang daan, napansin siya ng ibang staff. Bibihira kasi si Xander na magpunta ng Building C kung saan naroon ang Opisina ng mga Managers at training hall ng mga celebrity na nasa ilalim ng MGM. Nakakunot-noo at hindi maiwasan na mapatanong ang mga staff kung ano ang ginagawa ni Assistant Xander doon lalo na ng kumatok ito sa opisina ng Manager ni Millie Brown. Everyone knew that Xander represents Cally. "Nakalimutan niyo ba? It''s just normal na puntahan ni Assistant Xander ang opisina ng girlfriend ng Master niya. Duh?" Sabi ng isa. "But how come Millie never went to Building A?" "Bakit sila magtityaga dito na magkita e, ang daming lugar sa labas?" Katwiran ng isa. ===== Napadpad ang mag-ina sa isang Mall, matapos manggaling sa isang Ice Cream House ng mga fan girls. Puno ng lumbay ang pakiramdam ni Prin kaya sinama niya sa isang amus.e.m.e.nt center ang anak niya na naroon sa loob ng mall. Grounded silang dalawa pero malakas ang loob nila na maglakwatsa at maglaro pa sa isang amus.e.m.e.nt center! 100 coins ang binili nilang magnanay at gusto niyang ilabas ang galit sa paglaro ng games. Ang bilang ng coins ay may katumbas ng isang laro. Sa isang shooting ball niya unang napili na ilabas ang sama ng loob. "Stay there and see how good your Mommy is playing this game." Masunurin naman ito na tumango saka tumayo sa tabi niya para manood. Panay ang shoot niya ng bola. Sa una ay hindi pa siya nakakapag-adjust hanggang sa sunud-sunod na ang nashoo-shoot niya na bola. Sampung coins ang nilagay niya kaya matagal-tagal din siyang naglaro. Nang matapos siya... "Waaahhh!!!" Nawawala si Khalid sa tabi! "Oh my gosh!" Napasabunot sa ulo si Prin at nagsimulang na rin siyang kabahan. Kung bakit ba naman kasi na nauna pa siyang maglaro sa apat na taong gulang na anak?! Natatarantang hinanap niya sa loob ng amus.e.m.e.nt center na iyon si Khalid. Kapag nawala ang anak niya, siya ang lagot kay Cally! Napansin niya na may nagkakagulo na grupo sa lugar ng mga arcade video games. Naisip niya na baka naroon si Khalid. Tumingkayad siya at inangat ang ulo sa grupo ng mga teenagers. Sumilip siya sa paahan at nakita ang sapatos ni Khalid na nasa pinakabungad. Sumiksik siya para mag-excuse sa mga nanonood at nagkakagulo hanggang sa natagpuan niya ang anak na naglalaro at pinagkakaguluhan. Naglalaro ng Tekken si Khalid at isang teenager na lalaki ang kalaban ng anak niya. Kaya pala maraming tao na nakakumpol sa paligid ay dahil nakipagpustahan ang anak niya sa kalaban nito. Eksaktong paglapit niya dito ay K.O ang kalaban ni Khalid. Galit na natapik nito ang mga keys. Hinarap ni Khalid ang kalaban nito saka inilahad ang kamay. "Where is your bet?" "There is no bet!" "You are madaya! My mommy knew Judo, Kung fu and Jiu Jitsu. Do you really want to fight?" Tinuro siya nito. Prin "..." ''Bakit bigla akong nasali?'' Pinagmasdan naman siya ng teenager. Taas-noo na tinitigan niya rin ito na parang nanghahamon. Dahil dinamay na siya anak niya, wala na siyang choice kundi ang makisali. Napansin naman nito na mukhang hindi nagsisinungaling si Khalid. Kaya galit na nilabas nito ang two thousand mula sa wallet saka binigay sa anak niya at umalis. Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid ng makuha ang pera nito. "You kid! Bakit ka nakikipagpustahan? Where did you learn it?" Nakapameywang na tanong niya dito. Matagal na natahimik ito at nag-iisip ng isasagot. "Are you sure you want to tell Daddy that you brought me here to play Video games and you almost lost your kid because you are shooting balls?" "That''s too bad Mommy." Chapter 326 - You must explain Gusto tuloy ni Prin na magreklamo kay Cally kung bakit hindi siya nabiyayaan ng talino, o kaya naman ay kung bakit matalino ang anak nila. Hindi siya maka-alma dahil nakakagawa ng idadahilan ang anak niya. "What if you lose? wala ka namang pera." sabi niya dito "Don''t you have money?" titig na titig ito sa kanya. Prin "..." Ibig sabihin siya ang maglalabas ng dalawang libo kung sakali na matalo ito sa pustahan? "Furthermore, I won the bet. So your money is safe" She was speechless. "Anyway, this money is for you. I will give you more when I grow up" inabot nito sa kanya ang napanalunan nito ng 2 thousand. Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi nito. "Basta sa susunod, hindi na galing sa pustahan, okay?" Tumango ito. "Let''s go" inaya niya na lang si Khalid na umuwi na sa bahay. Gabi na rin kasi at sigurado na nakauwi na ang asawa niya sa White Castle. ===== Nang dumating sila sa White Castle, tulad ng inaasahan, salubong ang kilay ng asawa niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Khalid. Alas nueve na kasi ng gabi. "Hindi ko ba sinabi kaninang umaga na dito lang kayong dalawa sa bahay? What time is it? 9 in the evening. Where did you go?" halatang nagagalit ito sa sunud-sunod na tanong. Sinalubong niya ang mata nito. "Mabuti nga at umalis kami ng anak mo dahil nabalitaan ko ang tungkol kay Millie Brown. You''d better explain about your relationship with that girl." nakahalukipkip at naghahamon na sabi niya dito. "Bakit kailangan kong mag-explain? I already told you about her. I never even met her." sumasakit na ang ulo ni Cally. "Basta, you need to explain. How come you have a rumored girlfriend?" "Yes Daddy, you must explain!" gatong ni Khalid. Cally "..." "See? Even my Baby Panda agreed with me¡­ Let''s go baby!" inirapan niya si Cally saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod si Khalid sa kanya. Naiwan naman ng sumasakit ang ulo ni Cally. Paano niya matuturuan ng leksyon ang anak niya kung pati ang nanay ay kailangan din na turuan ng leksyon? Tumuloy ang magnanay sa shower area para hilamusan si Khalid dahil madungis din ito na tulad ni Prin. Hindi maiwasan na malungkot siya habang kinukuskos ang katawan nito. Hindi pa rin kasi kampante ang loob niya. Nabigla siya ng dumampi ang basang kamay nito sa pisngi niya. "Mommy, don''t be sad. I will be sad too... Today is wonderful. I enjoyed it with you." Doon sumilay ang ngiti sa labi ni Prin. Maghapon silang magkasama ng anak. At tulad nito ay nag-enjoy din siya sa maghapon nila. Marami silang nagawang masaya sa maghapon. Their bonding time sa araw na iyon ay kakaiba. Sabay pa silang nabigyan ng kakaibang parusa ng fan girls. Bakit nga ba niya isasapuso ang mga negatibo sa araw na iyon? "Tomorrow let''s go shopping. Ibibili kita ng damit." "But we are grounded. Don''t tell me we will climb the wall" malungkot na sagot nito. May katwiran naman din ang anak niya sigurado na hihigpitan na sila ng gwardiya bukas. "Don''t care about your grumpy and ugly Daddy. Hmp! We will go wherever we want. Saka sa mall malapit sa MGM tayo pupunta" Gusto niyang bilhan ng damit si Khalid. Si Xia ang gumagawa nito noon dahil busy ang asawa niya. At gusto niyang gawin ang bagay na iyon sa anak niya ngayon. Parehas silang nakakain ng dinner sa mall kung saan sila galing kaya pinainom niya na lang ng gatas si Khalid saka ito pinatulog. Nakaramdam din naman siya ng antok pero mas pinili pa rin niya na magbalik sa kwarto nila ni Cally para linisin ang katawan. Nakasalubong niya naman ito na lumabas ng kwarto nila. Hindi na salubong ang kilay nito pero tulad ng dati ay wala itong ekspresyon na nakatingin sa kanya. Pinilit niya itong iwasan ngunit hinarangan siya nito. Umiwas muli siya ngunit humarang muli si Cally. Para silang nagpapatintero sa hallway. Hanggang sa nakakuha siya ng tyempo at nakalusot siya para makapasok sa loob ng Master''s bedroom. Nahuli naman nito ang kamay niya sa loob bago siya pumasok sa shower area, saka siya ikinulong sa pader. Hinawakan nito ang baba niya saka siya tinitigan ng malalim. "Why do you have an attitude?" tanong nito. "I don''t want to talk to you." bulong niya habang iniiwas ang paningin. Humugot ito ng malalim na hangin saka sinakop ang labi niya. He kissed her gently. Lumapat lang ang labi niya dito at nakalimutan na niya ang lahat na para bang sinakop na nito ang buo niyang pagkatao. "Honey, I don''t know how to explain because I don''t think I should explain. But I want you to know that Xander does something about it. Huwag ka ng magselos." "I''m not jealous!" alma niya. "Yeah right, I understand that you are not jealous. Nakikita ko lang sa mga mata mo na gusto mo akong hatiin sa dalawa. And you have plans to kick me out of the bed. Yes, you are really not jealous" Chapter 327 - Million followers Fine! she was jealous. What can she do about it? Satisfied naman si Prin sa sagot ng asawa niya. Naniniwala siya na may ginawa ng aksyon si Xander. "Where did you bring your baby?" tanong nito. "Sa fans club ni Master Cally." bulong niya at hindi makatingin dito. Kumunot ang noo nito. "Fans club ko? Kailan pa nangyari na nagkaroon ako ng fans club?" "I think simula pa noong teenager ka" Naalala niya kasi na nakilala na ito ni Bella noon pa man. Kilala na si Cally noon pa man bilang apo ni Master Han. Idagdag pa na apo rin ito ni Master Kent. Kaya posible rin na noon pa man ay may mga umiidolo na dito. His photos were in business magazines since he started to join the MGM group. "How many followers do you have on your social media account?" usisa niya. "I don''t know" why would he care? Si Prin na ang kusang kumuha ng cellphone nito sa ibabaw ng bedside table saka niya hinanap ang App kung nasaan ang social media account nito. Hinarap niya muli dito ang cellphone ng makita ang profile nito. "See? you have 5 million followers. Don''t tell me you don''t know na fans mo ang majority dito?" Tinapunan lang nito ng tingin ang hawak niyang cellphone bago ibinalik ang paningin sa mukha niya. "Why would I care about my social media account? And why would I care about my fans?" Bigla niyang naalala na siya nga pala ang gumawa ng account na iyon ni Cally noon para lang magkaroon sila ng mas malalim na communication. Nag-isip si Prin ng isasagot. Totoo naman ang sinabi nito. Sa dami ng ginagawa ni Cally sa maghapon at sa araw-araw, hindi na nito iintindihin pa ang bagay na iyon. Nakakaaliw lang na isipin na pati ang paghinga yata ni Cally ay malaking bagay na sa mga fan girls. But her husband doesn''t care about it. Naalala niya bigla ang poster na nasira niya sa Ice Cream House. The way the girls acted when she ripped the poster is something funny na para bang napakahalaga ng bagay na iyon sa mga ito. "Alam mo Husbie, kapag pina-subasta natin ang mga gamit mo, we will earn millions. Your ordinary scarf can be sold for 10 thousand and more. " Cally look at his wife na parang nagbibilang na ng kikitain nito sa kanya. He saw dollar signs on her eyes. Pinitik siya ni Cally sa noo. "You are almost looking forward sa kikitain mo sa akin. I never saw a woman who sold her husband to his followers. Even Bella didn''t do that. Ginugutom ba kita?" Bigla niyang naalala si Kai. Hinanap niya ang account nito gamit ang account ni Cally. "Whoa! Kai has 3 million followers, but 1 following?!" at syempre alam niya na si Bella pa din ang nag-iisang tao na iyon. Bella is a celebrity. Natural lang na makilala rin sa publiko ang asawa nito na si Kai. "Leader MB5 is amazing! Mabuti na lang you have at least 20 in your circle." Sasagot at magrereklamo pa sana si Cally nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Nakita niya na si Mildred ang tumatawag. "Sasagutin ko lang" Sabi niya kay Cally. Hinila siya nito para maupo sa ibabaw ng kama saka siya niyakap mula sa likuran habang kausap si Mildred. Pinatong nito ang ulo sa balikat niya habang hinihintay na matapos ang tawag. "Yes Mildred?" tanong ni Prin "Kamusta Miss Yuna, nakabalik na ba kayo ni Master Khalid?" "Yes. Salamat sa pag-aalala. Hindi ko pa alam kung kailan ako papasok" sagot niya dito. Hindi muna nito binaba ang tawag at parang may gusto pang sabihin. "May kailangan ka pa?" tanong niya. "ahmm, Miss Yuna, dahil close naman kayo ni Master Cally, pwede mo ba akong hingan ng autograph sa kanya?" Prin "..." Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Somehow, naaliw siya sa sinabi nito. Nabigla siya nang inagaw ni Cally ang cellphone mula sa kamay niya dahil narinig nito ang sinabi ng babae. "Sorry, I don''t give autographs. Please don''t tell others we talked through this phone. Thanks!" sabi nito saka pinatay ang cellphone at hinagis iyon sa ibabaw ng kama. Prin "..." Ngayon ay alam niya na dito talaga nagmana ang anak nila. He rejected her smoothly at nagawa pang magpasalamat. "Storbo¡­" He then started to kiss her neck. "Hey, T-that''s my secretary! Just give me at least one autograph for her." "Fine, if you make me happy tonight. Kusang loob ko pa na ibibigay sa kanya ang 10 thousand worth of scarf na sinasabi mo" ''Bakit biglang ako ang naging pain?'' Nag-ring muli ang cellphone ni Prin. Ngunit si David na ang tumatawag sa kanya. Parang nilamig si Prin dahil halatang hindi natutuwa si Cally na nasa tabi. Nagbabanta ang mata nito. "Subukan mo lang na sagutin and I''ll bring you to Arctic Ocean." Agad na umiling siya. "I wouldn''t dare¡­" ***** Sa lugar ni Mildred, hinimatay ang babae dahil narinig nito ang boses ni Cally. Chapter 328 - The Girl wants her Onesie Sa umaga, tulad ng nakagawian ni Prin at Khalid, tumakbo sila sa paligid ng White Castle. Makalipas lang ang pagtakbo niya nang nagdaang araw, mabilis kaagad na nag-adjust ang katawan niya. Nang dumating ang hapon, inaya niya si Khalid na magpunta ng mall tulad ng plano nila. Ang mall na malapit sa MGM ang napili nilang puntahan para kung sakali na mapagod ang anak niya ay madali silang makakapagpahinga sa loob ng opisina ni Cally. Isang clothing store para sa mga bata ang napili niyang puntahan, dahil pag-aari iyon ni Penelope o ang Ate Baba nila. Binilhan niya ng damit si Khalid sa kung ano ang nababagay dito. Then she saw a Panda onesie. It looked good on her baby. "Baby come here" tawag niya kay Khalid. Sumunod naman ito sa kanya. Pinatong niya dito ang onesie na iyon para isukat at sa tingin niya ay kasya sa anak niya ang damit na hawak. "Ang cute! Tamang-tama, last stock na po iyan, Mam" narinig niyang sabi ng Sales Lady. "Thank you! Sige, kukunin ko na ito. pakibalot na ang lahat." Sabi niya dito. Inabot niya din dito ang basket kung saan naroon ang lahat ng pinamili niya para bayaran. Gagamitin niya ang sariling credit card mula sa allowance na nakukuha niya sa pagtrabaho sa hotel ni Apolo. Hindi pa nakakaalis ang Sales Lady nang may manghablot sa panda onsie mula sa basket na mga babayaran niya. Kumunot ang noo ni Prin. "Wala na pa lang stock, kaya ako na ang kukuha nito, may pupuntahan akong birthday and this one is her wish, a Panda onesie" mayabang na sabi. Pinagmasdan ni Prin ang babae. Matangkad ito at payat. May awra na kakaiba, a sense of a strong personality. Nakashades pa ito kahit nasa loob ng mall kaya naman may ideya si Prin na celebrity ang babae. Hindi naman imposible na may celebrity sa lugar dahil malapit lang iyon sa MGM. "I''m sorry Miss, pero nauna ako na makuha ang onesie." magalang na sabi niya dito. Nagtanggal ito ng dark shades na suot nito. "Hindi mo ba ako kilala?" "Hindi" mabilis na sagot niya. Babae "..." ''May attitude ang lola mo. Sorry girl, but hindi iyan uubra sa akin.'' Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "I''m a celebrity, A top MGM Celebrity! How come you don''t know me?" proud pa din ito. Nagtaas ang kilay ni Prin. "Anong kinalaman ng pagiging artist mo sa Panda ko? Oh My! don''t tell me, you need a costume?" natutop niya pa ang bibig para maasar ito lalo sa kanya. "Pft!" pinipigilan ng Sales Lady ang matawa sa sinabi ni Prin. "Youu¡­" "I will pay for that onesie and the others. Thanks!" bigla ang pagbago niya ng mood at ngumiti siya sa Sales lady. Halata naman ang pag-aalala ng Sales Lady dahil na rin sa babaeng kaharap ni Prin. "Kung ayaw mong i-fire kita ngayon, sa akin mo ibibigay! Isang tawag ko lang sa itaas, sigurado na hindi na kita makikita bukas dito!" nawala na sa poise ar galit na ang babae sa Sales Lady. Nginitian ni Prin ang Sales Lady at pinilit na magpakalma. "Just do your job. I was the first customer who got this onesie. You will definitely give this to me, right?" Halatang nag-iinit na ang ulo ng babae. Pinilit nitong ngumiti kahit nangigigil na. "Remember that I. am. Master Cally''s girlfriend. You will definitely give this to me! Or else he will fire you!" nagagalit nang sabi ng babae na nakapagpalingon sa kanya dito. "M-miss Millie. Please ginagawa ko lang po ang trabaho ko" tumingin ito kay Prin at halatang nanghihingi ng saklolo. Kumunot ang noo niya at pinag-aralan mabuti ang babae. Palibhasa hindi pa rin niya sinisilip kahit sa social media ang mukha ng babae, hindi niya alam ang mukha ng Millie Brown na nadidinig niya kay Mildred, as if she doesn''t care about her. ''So this one is the Millie Brown'' Tumawa si Prin ng malakas na parang nababaliw. Nakakuha na rin sila ng atensyon sa mga paligid dahil isang celebrity si Millie Brown. "What a coincidence Because I''m his girlfriend too!" Sabay-sabay na napaatras ang leeg ng mga nanonood kahit ang Sales Lady na parang hindi naniniwala sa kanya. "Wehhh?" Millie looked at her at tinimbang ang sinabi niya. Alam nito sa sarili na hindi naman talaga ito nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang. Pero nakakuha na sila ng atesyon at wala na itong nagawa pa kundi ang makipaglabanan sa kanya ng titigan. Dumating ang Manager ni Millie Brown at lihim na pinagalitan ang babae dahil naka-attract na sila ng iba pang napapadaan. Madami na ngang tao sa labas ng store dahil naroon si Millie. Hinarap siya ng Manager. "Miss, you don''t want the sales lady to get fired right?" ito ang naisip na last resort ng Manager. "Bakit siya mawawalan ng trabaho e, hindi ko naman nanakawin ang Panda onesie?" Umupo si Prin sa couch katabi ni Khalid na hindi nakikialam sa oras na iyon. He treats that as a battle of his Mommy versus the Mistress. Nilingon ni Prin ang babae. "Let''s make a bet, Shall we? I can bring Xander here anytime soon." malamig na sabi niya dito. She doesn''t want Cally to see this girl. He said he never even met her. Kaya naman bakit niya bibigyan ng pag-asa ang babae na makita ang kahit kuko lang ng asawa niya? This is war! You want my Cally and even my Panda onesie? In your dreams! "Mommy, bet for five thousand" bulong ng anak niya. Chapter 329 - Dare to use my his name Tinimbang ni Millie ang mga sinabi ni Prin pero marami na ang tao na nakikiusisa. Ang iba nga ay nagvi-video na sa kanila. "Labanan yata ito ng Misis saka ng Mistress" "Oh I heard, they are talking about Master Cally, sabi nung babaeng may kasamang bata, siya talaga ''yung totoong girlfriend" "Mommy can, I also bet with them?" tinuro ni Cally ang mga tao sa paligid. "Baby that is bad, they are outsiders. We will get Money from the girl" "I''ve been with Cally for 2 Years!" naiinis nang sabi ng babae kaya naputol sila sa pagkukulitan ng anak niya. "Really?" umismid lang si Prin. "Then let''s make a bet. If you lose, babawiin mo ang lahat ng sinabi mo na may relasyon kayo ni Master Cally. You will say sorry to the Sales Lady and¡­" "give five thousand to my baby as a ''Stress compensation'', dahil na-stress sa iyo ang anak ko" at the end napasunod siya ni Khalid sa pustahan. Millie "..." "Mommy, I think you should ask for more because she looks rich and we will definitely win" bulong muli ni Khalid. Hinarap muli niya ang babae "*Ehem*, my Baby said he wants fifty thousand as a stress compensation" "Where the hell is the ''stress compensation'' coming from?" takang tanong ng babae. "It doesn''t matter. If you are confident, you''ll agree with it. Just let us know kung wala kang pambayad. Kapag nagback-out ka, everyone will think na nagsisinungaling ka" pananakot niya dito. "And maybe, it''s because you are really not Master Cally''s girlfriend." "Of-of course not! I''m his only girlfriend! I will pay a hundred!" pero bakas na sa mukha ni Millie ang pag-aalala. Na-warning-an na kasi sila ni Xander na hindi magdadalawang-isip na tanggalin siya sa kumpanya kung sakali na magsabi pa siya ng kasinungalingan. Anyway, she will also earn millions for terminating her contract. Iyon nga lang mawawalan din ng tiwala sa kanya ang publiko pati na ang iba pang ahensya. Tahimik naman ang Sales Lady at hindi alam ang gagawin. Nilingon ni Prin ang Manager ni Millie saka nakipaglabanan dito ng titig. "We will call Assistant Xander to come here if we wanted to." hamon ng Manager. Sa isip nito, busy si Xander sa opisina at walang panahon na magpunta sa mall na iyon. So they are safe. Tinawagan nito si Xander na naka-speaker pa at pinapupunta nito ang lalaki sa shop ni Baba. Wala naman silang narinig na kumpirmasyon kay Xander. Little did she know, Khalid already sent a message to Xander that they were in trouble sa store ng Tita Baba niya. "See? that was Xander! You''d better prepare compensation for defaming Millie Brown" sabi nito. "Sure! I am willing to pay five million kung nagsasabi ka ng totoo." Bakit siya matatakot na maglabas ng pera? Dalawang minuto pa lang ang lumilipas, tanaw na nila si Xander na papasok sa apparel na iyon, may kasama itong tatlong body guard ng Grupo ni Cally. Kinabahan ang Manager lalo at malamig ang mga mata nito na tumingin sa kanya.. Ngumiti naman si Millie dahil nasa isip ng babae na wala namang gagawin si Xander doon kundi makiusap sa Sales Lady na dito ibibigay ang onesie. "Xander, you are here." Pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. "Miss Yuna, Master Khalid" Nanlaki ang mata ng Manager pati si Millie Brown lalo na nang marinig ang pangalan ni Khalid. They looked at the kid na naka-short, shirt ng dilaw at sumbrero. Noon lang nila napansin na kamukha ito ni Cally. Kasalukuyang nakatingin muna ni Prin sa cellphone para ma-stalk ang profile ni Millie Brown at kung anu-ano ang mga pinagsasasabi nito sa account nito. Ayaw nang tapunan pa ng tingin ang dalawa. "Xander, can you please fire your Manager for me?" mayabang niyang sabi. Tumango lang ito. "Assistant Xander¡­" Nakikiusap ang mata ng Manager. Saka tumingin kay Prin na walang pakialam sa paligid. Hindi niya akalain na nagsasabi ito ng totoo. "You are fired!" nag-echo ang boses nito sa buong store at walang kagatol-gatol na sinabi ang nais. Tumayo si Prin mula sa couch saka nilapitan si Millie. "Tsk tsk! Too bad, you can use all the people in the world, but you dared to use my husband''s name." bulong niya sa tenga nito. Tinapik niya sa balikat ang babae na tinakasan na ng kulay. "See you in court" Saka niya nilapitan ang kahera at ang Sales Lady at ngumiti ng matamis. "Pakibalot na ang lahat. Here''s my payment" Lumapit naman si Khalid kay Millie. "Now, where is my Hundred thousand?" nilahad nito ang kamay sa babae. Wala itong nagawa kundi maglabas ng cashcard mula sa bag at inabot iyon kay Khalid. "Here. Password is 1234" saka nagbalik ng shades at nagmadaling lumabas ng store. Halos hindi alam kung paano itatago ang mukha. Palihim na nag-apir ang mag-nanay. "Mommy, do you know that I have the same Panda onesie in my closet?" Prin "..." "And I can also ask Tita Baba to give me another one even if the item was out of stock." Prin "..." "Bakit hindi mo sinabi kanina, hinayaan mo pa ko na makipag-agawan sa damit?" "Why would I? I won''t be having a hundred thousand if I did that" Chapter 330 - Back-up plan if ever MGM declared bankruptcy Busy si Cally sa opisina nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang asawa at anak niya. Nag-angat siya nang ulo dahil kung buksan ng dalawa ang pintuan akala mo ay may hahamunin sa loob ng opisina niya. But their mood was rather than good. "Hello Husbie!" "Hello Daddy!" Binitiwan lang nito ang mga paperbag na bitbit sa gilid. Tumigil muna siya sa trabaho saka tiningnan ang dalawa. He knew what happened in Baba''s shop at pinapunta agad si Xander doon para ayusin ang problema ng dalawa. Sa mood ng asawa niya, mukhang winalis nito ang babae kahit hindi na kailangan ng tulong niya. Mukhang hindi na rin ito inis sa kanya ngayon. "How are you?" tanong niya dito. Tumayo siya saka nilapitan ang mag-ina niya. "He he¡­ your baby panda earned a hundred thousand in less than one hour. Is he cool?" "I earned millions in one hour. What is surprising?" Tinapik siya nito sa balikat "But my Baby Panda is just four! Of course his Mommy is happy!" Kumunot ang noo ni Cally hinila niya ang masayang babae para iupo ito sa binti niya sa sofa na naroon. "Come here, baby" kinandong niya rin si Khalid sa binti. They look like a happy family. "Did you settle it?" tanong ni Cally na ang tukoy ay tungkol sa isyu ni Millie Brown. "Not yet!" mariin na tanggi ni Prin. "Baby, how much do you want to earn next time?" "hmmm¡­ A million" simpleng sagot ni Khalid. Cally "..." "Mommy, will definitely give it to you!" mayabang na saad ni Prin. Sumasakit ang ulo ni Cally sa usapan ng mag-ina niya. Hindi niya alam kung paanong nagkaroon ng pera ang dalawa sa loob ng isang oras. Kung paano rin mag-usap ang dalawa ay para bang may kukubrahin na pera sa sugalan. "How did you get a hundred thousand?" Usisa ni Cally. "Of course, I get it from her! Na-stress ang baby ko sa kanya kaya she paid a hundred thousand as compensation" sagot ni Prin. He was speechless. He just thought, anyway, she can do whatever she wants to do. "We are so tired. Are you done?" Usisa ni Prin. "Yes, let''s go home." Napapailing na lang si Cally. ===== Kinabukasan, naglalaro sila ni Khalid ng ''A Millionaires Game''. Inaya nila si Xia para mas exciting. "Mommy, I find this game boring. We should be playing with real money" reklamo ni Khalid. Kung tunay na pera ang hawak nila, hindi ba at mas exciting ang laro. Tiningnan niya ang play money sa harap. Five hundred na lang ang pera niya at kakaunting properties na nasa board game. Her son has a lot as if he owned the game. "If I did that, I might end up selling all my real properties just to pay you or maybe selling your Dad to get more money. A lot of girls want to bed him, for sure we will earn millions in just one night" seryosong sabi niya. "Oh? then, we have a back-up plan if ever MGM declares bankruptcy." Xia "..." "Yep! At least we have a plan, right? Hindi tayo titira sa kalye." Xia "..." Nasa isip ni Xia, anyway, it''s impossible Shi Cally will go bankrupt. Seryoso si Prin na naghagis ng dice nang mag-ring ang cellphone niya, tumawag sa kanya si Apolo. "Yes Dad" nasanay lang siya na iyon ang tawag niya dito. But deep inside her heart, she is missing Rob Matsui so much. And her Mommy too. "Come here in the office" Pinapupunta siya nito sa hotel. ''Hmmm¡­ Mukhang another battle na naman ito'' Sinama niya si Khalid sa hotel. Nilagyan niya ng mask na may disenyong pikachu ang bibig nito para hindi makilala ni Apolo. "Baby, this is for your protection okay. Mommy will have another battle against bad people." Paliwanag ni Prin. Pumasok siya sa loob ng opisina ni Apolo. Natagpuan niya doon ang Accounting Manager niya. Napansin din nito si Khalid. "Who is that kid?" "My friend''s kid. Don''t worry. He will just sit here." Pinaupo niya si Khalid ng komportable sa nag-iisang couch na nasa bungad bago lumapit kay Apolo para harapin ito. Sinalubong niya ang mata ng Accounting Manager. "Tungkol ba ito sa nawawalang 40 million?" Kita ni Prin ang paglunok ng babae. Hindi niya binabawi ang pagtitig sa mata nito. Napangisi siya nang unang magbawi ito ng tingin. Chapter 331 - The Swiss Account Seryosong tumingin sa kanya si Apolo. "Tell me about it." Pinilit ng Manager na ibalik ang tindig nito kahit pa kinakabahan ito sa paraan ng pagkakangiti at tingin ni Prin. There was a hidden meaning of her smile. "... Because it''s true that the hotel''s mother bank account has been missing 40 million." "ow?" makahulugan pa rin niyang sabi. "The Financial Statement was in your hands, I gave it to you along with the other doc.u.ments." sabi ng Manager. "Yeah! I agree." sagot ni Prin. She looked at the manager deeper. She sent a warning through her eyes. She is still giving her a chance na magsabi ng totoo pero mukhang kinain na ng kung ano ang Manager dahil napaghandaan na nito ng mabuti ang lahat ng sasabihin. "Of-of course! And the money was in your hands." sabi nito. "You better explain clearly." sabi ni Prin. "Master, tatlo lang tayo ni Miss Yuna ang approver sa online banking natin. But the money transfer I made needs a final approval from either of you. I noticed that there was a money transfer made to her personal account instead sa mother bank account ng Romantik Grand Hotel." Pinakinggan ni Prin ang sinabi ng babae. Sa nilahad nito, sinasabi nito na imposible na magtransfer ito ng pera ng walang approval nila ni Apolo. Pero pwede si Prin o kaya naman ay si Apolo. "...Our hotel needs more funds at kapag nalaman ito ng Board of Director, sigurado na kayo po ang malalagay sa alanganin." paliwanag nito kay Apolo. "Really? Then, can you show the transfer made from our bank?" hamon ni Prin. "Of course." May pinindot ito sa laptop. Pinakita nito ang listahan ng apat na ''debit'' ng bank account ng branch na mina-manage ni Prin sa loob ng dalawang buwan. "This is the money transfer made." turo nito sa mga numerong nasa screen. Apat na tig-sampung milyon ang nasa listahan. Lumitaw sa harapan ni Apolo ang mga numero. Eksaktong 40 million ang nakikita niya sa screen at ang lahat ng iyon ay mga banking online transfer sa isang swiss account. "Yuna, what is the meaning of this? How come you have a swiss account?" tanong ni Apolo. Nakaramdam siya ng pagkadismaya. "Dad are you sure it was my account? You are only seeing a bank number and how much is the account transferred. Go to personal account details and we will know." nananatili si Prin sa kinatatayuan malayo sa laptop. "Of course we can do that." pinindot ng Manager ang isang transaction at lumitaw ang lahat ng detalye kasama na ang bank account number, bank name at amount kung saan ito ipinadala. Ngunit nabigla ito sa pangalan na nakalagay doon. Hindi nito inaasahan na her name was clearly written on it. Nanlaki ang mata ng manager at hinawakan ng mabuti ang laptop. "This... it''s impossible Master Apolo!" Sinubukan nito ang ibang bank transaction at tulad ng una, pangalan nito ang nakalagay doon. "Ma-master, this is impossible, the account name should be Miss Yuna Byrnes!" "Ma''m, you should be better clear about it. My name was not on it. It was clearly your name" sabi niya dito. "How about we call the Swiss bank to confirm?" mungkahi ni Prin. "Yes. Yes, Master we can do that" agad nilang tinawagan ang Swiss bank. Si Apolo ang kumausap dahil malaki ang personal na account balance nito sa nasabing bangko, idagdag pa ang Romantik Grand Hotel sa bangko na iyon. Binigay ni Apolo ang mga detalye sa bangko nang naka speaker. "I wasn''t just sure about the account name. As your number one depositor, you can tell me the name right?" "Of course Master!" what is that small account for Master Apolo, right? saka nito sinabi ang pangalan ng Manager. Madilim ang mukha ni Apolo na nagpasalamat dito saka hinarap ang Manager. Hindi niya akalain na magagawa pa nitong idamay si Yuna. "Yuna! Call the police!" "This, This is an impossible Master! I-I personally created this account for Miss Yuna!" huli na nang maisip nito ang sinabi. "Ma-master, I¡­" natutop nito ang bibig saka lumuhod sa harapan ni Apolo. Madilim na ang mukha ni Apolo dahil sa mga nangyari. "Tsk Tsk!You clearly created this account para mawalan ng tiwala sakin ang Master Apolo, is that what you mean?" Nakausap niya na si Coffee tungkol sa bank account na iyon nang una pa lang. Dahil sinabi nito na sa kanya nakapangalan ang swiss accout na iyon, she instructed her na palitan ang pangalan nito at isunod sa pangalan ng Accounting Manager. Nahirapan si Coffee na matrace at ma-hack ang banking system dahil kailangan ng skills at maselan na trabaho sa pagpasok sa system para hindi siya mahuli. But still, Coffee did it after a day. "Master, please I was just instructed by Miss Mari. tinakot niya lang po ako kaya ko ito nagawa." Pero hindi na naniniwala si Apolo. "After implicating Yuna, you now want Mari? How nice of you!" Afterall, it''s just normal for Apolo to protect his children. Lumabas na si Apolo at ayaw nang makita o makausap pa ang babae na baha ng luha ang mata. Ilang saglit pa, naroon na ang police para damputin ang babae. Naawa na lang si Prin dito dahil nagpauto ito kay Mari. "Baby, you see how good your Mommy is?" "Yes. Mommy, is the best! But the money is sayang!" Chapter 332 - Miss Yuna, Come back! Bago tuluyang lumabas si Prin at Khalid ng hotel, pinatawag muli siya ni Apolo. Dahil sa palagay niya ay importante o seryoso ang sasabihin nito, iniwan niya muna si Khalid kay Mildred. "Baby, stay with Untie Mildred, okay? I have some work to do." sabi niya dito. Tumungo si Prin sa opisina ni Apolo, nabigla siya na makita doon si David na nakaupo at seryosong kausap ang tatay-tatayan niya. "David?" Tumayo ito nang makita siya. "Oh! Hi Yuna" "What are you doing here?" "Oh! May business concern lang ako kay Master Apolo. Nagpapagaling pa ang Daddy ko, so heto at ako muna ang nakipag-usap sa Daddy mo." "It''s good that you knew each other." puna ni Apolo. "Yeah." Nagpaalam din naman si David dahil naramdaman nito na importante ang pag-uusapan nilang dalawa. "How do you find David?" Kumunot ang noo ni Prin sa tanong na iyon ni Apolo. "He is a nice guy, I have known him for a couple of months." hindi niya na nilawakan pa ang pag-explain dito. "Yeah. I can see that he was different around you. He was known for being tyrant and silent. Anyway, how did you know about the 40 million?" "Oh! It''s because I am working on it for a couple of days. I noticed that the financial statements are unusual. Nag-audit na ko simula pa ng nakaraang linggo." "At ang totoo, alam ko ang tungkol dito. Inaabangan ko lang kung kailan niya sasabihin o ilalabas ito sa iyo. Nilaliman ko pa ang imbestigasyon and found out that she was spending too much sa casino" Natahimik si Apolo at nag-isip. "It''s good that you know how to protect yourself. By the way, did you¡­ met Ginny?" Napalunok si Prin. "Yes." "Panay ang tawag niya sa akin simula nang magkita kayo." Pagkatapos nitong sabihin iyon, natahimik muli si Apolo. "That will be all Yuna" sinabi na lang nito. ===== Sa pwesto naman ni Mildred at Khalid¡­ Nang lumabas si Prin, nagtanong agad si Khalid kung saan pupunta ang Mommy nito. "Where do you think Mommy will go?" "To Master Apolo" ngumiti ng simple si Mildred. Inikot ni Khalid ang paningin sa buong opisina ni Mildred. Nagbalik naman muli sa trabaho ang dalaga. "Untie Mildred, Do you think Mommy doesn''t love me anymore?" tanong nito maya-maya. "Aw, why do you think so?" parang nahabag naman si Mildred sa batang si Khalid dahil iniisip nito na hindi na ito mahal ni Yuna. "Hmm.. it''s because she left me alone with you" seryosong sagot. Mildred "..." ''Is it bad to be with me?'' "Anyway, it''s better to have you than the girl named Mari. She is brainless to the point that Zombies doesn''t like to eat her brain" Mildred "..." Hindi niya alam kung masaya ba siya sa part na iyon dahil kung pagtatabihin ba sila ni Mari, siya ang uunahing kainin ng Zombies dahil mas mukha siyang matalino sa babae? "*cough* do-do you like milk yogurt, or a cake perhaps?" Every kid loves sweets and desserts right? She thought. "Sure. Ampalaya cake without bitterness. Do you have that? Mildred "..." "The cake has a high quantity of sugar and it became a mixture of fat and calories. You may have a bigger chance of having diabetes by eating cakes. On the other hand, Ampalaya has a certain insulin-like protein called polypeptide P that mimics the action of insulin and lowers blood sugar levels in diabetic patients. Can also help you get rid of acne, blemishes and skin infections and gives you a healthy and glowing skin." "So, wouldn''t it be nice to eat an Ampalaya cake, so everything will be balanced?" Mildred "..." Ngumiti siya ng pilit. Sa totoo lang, wala siyang naintindihan! Kinuha niya na lang ang cellphone niya sa drawer at hinanap ang mga game app niya doon. ''Plants versus Zombies'' din ang pinakita niyang laro sa bata. "Try to play this game for the meantime while waiting for your Mommy" binigay ni Mildred ang cellphone niya kay Khalid. "Sure! But... Do you know that there are so many disadvantages of playing games?" Mildred "..." "Like, lack of other hobbies and poor academic performance... Gaming addiction can slow down brain growth¡­ It can also affect eyesight that results in Insomnia¡­ and the worst is, Behavioral and mental changes." "If something bad happened to me, my Dad will never forgive you. It''s better to find my Mommy" ''Miss Yuna! Come back!'' Sa palagay ni Mildred ay mauubusan na siya ng dugo sa batang nakaupo sa tapat na akala mo ay harmless. Natuwa na lang siya nang sa wakas ay dumating si Miss Yuna. Chapter 333 - Mommy with Antman Palabas na si Prin at Khalid ng hotel nang pigilin naman sila ni David. Naghihintay sa entrance ng hotel ang lalaki kaya imposible na hindi sila nito magkita. "Yuna" bungad nito. "Oh, Hi David!" Nakakunot ang noo ni Khalid na nakatingin sa lalaki. "Siguro naman papayagan mo na akong makasabay kayo na magmeryenda." "My Mommy is still not available. Thank you!" sabad ni Khalid. Ngunit hindi na ito pinansin pa ni David. Mukhang handa rin sa labanan na iyon ang lalaki. "I don''t have a family nor close friends here." Sabi nito na naging hudyat naman para sumang-ayon si Prin. "Alright!" Matalim ang tingin na pinukol ni Khalid sa lalaki then the kid looked at her as if questioning her ''who is this guy?'' "It''s just a meal, baby" katwiran niya sa anak. Hindi na nag-react pa si Khalid. Gustuhin man magreklamo kung bakit wala itong kaibigan o kamag-anak sa lugar na iyon, wala itong magawa dahil si Prin pa rin naman ang masusunod. But he secretly texted his Dad nang makarating sila sa Italian restaurant na malapit sa Romantic Grand Hotel [Mommy is meeting her Boytoy looks like Antman!!!] Nakakunot ang noo ni Cally nang mabasa niya iyon habang nasa meeting. [The man is now happily chatting with Mommy. You''d better come and rescue your wife!] [She even bring her baby while secretly dating] Sunud-sunod na text ng anak niya. Cally gestured to pause the meeting saka pinalapit niya si Xander na nakikinig sa dulong bahagi ng kwarto. Nitong mga nakaraan ay pinasusubaybayan niya ang mag-ina niya ng lihim para hindi mapahamak ang mga ito. Walang ensayo ang asawa niya sa loob ng tatlong taon at nananatili lang ito sa loob ng hotel kaya naman mas minabuti niya na pabantayan muna ang asawa niya sa ngayon. Lalo na ngayon na panay ang lakwatsa ng mag-ina. "Where is Yuna?" Tanong niya kay Xander. "According to the guards, Master, nasa isang Italian restaurant sila sa ngayon para samahan si David Young na magmeryenda." Agad na kinuha ni Cally jacket niya at iniwan ang trabaho. "Meeting adjourned" ang sabi saka mabilis na lumabas ng conference room. Naiwan na nagtataka ang mga tao sa kwarto. Just like that and he disappeared. "Wh-what happened?" Tanong kay Xander ng isang Team Manager. "I won''t say anything" sagot lang ni Xander. ===== Umiinom lang ng milkshake si Khalid sa tabi ni Yuna at inaabangan ang pagdating ng Daddy nito. ''Why is he so bagal? Does he want his wife to be snatched by this Antman?'' Kasalukuyan kasing nakamaroon na body fit si David. His hair is flowy. Khalid looks cute in his yellow Pikachu shirt. Tumingin si David sa batang kasama ni Yuna na sa palagay niya ay wala namang maiintindihan sa sasabihin niya sa babae. Sa simula ay pinag-usapan muna nila kung kamusta si David sa pagbabalik nito sa pamilya nito sa Singapore. Kung ano ang mga ginawa nito doon sa siyudad sa loob ng ilang araw hanggang sa magtapat ito sa kanya. "Yuna... I asked your Dad if I can court you" David said. Prin "..." Sabay na nag-angat ng paningin ang magnanay kay David. Nakatitig ito sa kanya as if he was hypnotized by her beauty. Napaubo si Prin ng sunud-sunod. Khalid passed his water. "Yuna, I''m serious. I have never been in love with anyone before." Lumunok muna ito bago nagpatuloy. "I know your relationship with Felix in the past and have been single for a year now. Kaya naglalakas loob ako na magtapat" Napanganga si Prin sa sinabi nito. Si Khalid naman ay hindi maganda ang anyo. Does he also know that she was with Cally recently? Sa isipan naman ni Khalid. His Daddy needs a beating and this Antman needs to be kicked out of the country far away from his Mommy. Just then, his Daddy came. "Looks like David Young is not busy recently" boses ni Cally. Tumalim ang tingin nito kay Cally. "Yuna, is my friend. Of course I have all the time for her even if I''m busy" Lalong sumama ang mukha ni Cally sa narinig. "I heard that David Young is good at battle¡­ let''s do a match, do you agree?" "Of course!" mabilis na pagsang-ayon ng lalaki. Tumayo rin si David mula sa kinauupuan saka hinarap ang naniningkit na mata ni Cally. Wala ni isa man sa dalawang lalaki na gustong magbaba ng paningin. Hindi naman alam ni Prin ang gagawin dahil tila nag-aapoy ang mata ng dalawang lalaki na nakikipagtagisan ng titigan sa isa''t isa. "Mommy --" "No Honey, we don''t have to bet this time. This is serious" nag-aalala niyang sabi habang nakatingin sa dalawang lalaki na ayaw magbaba ng tingin. "Mommy you are overthinking, I will not let you bet with Antman while I''m betting with my Dad. I just want to say, let them do it!" Chapter 334 - As if she was meeting a lover "David¡­ you don''t have to agree with it" Hinawakan niya sa braso ang lalaki pero agad din naman niya iyong binawi dahil mabilis na lumipat ang paningin ng asawa niya sa kamay niya na humawak sa braso nito. Sa paraan ng pagtingin kasi ng asawa niya sa parte na iyon, parang puputulin nito ang kamay niya dahil dumampi iyon sa balat ni David. Hindi maiwasan na mag-alala siya dahil she knew David. He is one of the best spies in the world. Alam niya rin naman na hindi magpapatalo ang asawa niya sa labanan. But this battle is insane, she doesn''t want to hurt any of the two men. Kaya naman ngayon pa lang ay kailangan na niyang himukin ang dalawa na itigil ang plano nito. "Just let me know when and the place" hamon ni David. "Sure! This weekend. My assistant will let you know the place" Napangiwi si Prin. "David, you don''t have to agree. I''m with Cally. Maybe you don''t know but I''m in a relationship with Cally now." paliwanag niya sa lalaki. Pero nananatiling seryoso ang dalawang lalaki. "He has a kid. You knew this guy just recently. Hindi ko hahayaan na maging pampalipas oras ka lang ni Master Cally." sarkastikong sabi Prin "..." ''I knew him alright! And this kid is also mine!'' Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Matapos nitong sabihin iyon, tumalikod na ito kaya lalo siyang nawalan ng pagkakataon na magpaliwanag dito. Matapos nitong makalabas sa restaurant na iyon, binalingan siya ng asawa niya. Napangiwi si Prin dahil nananatili pa ring malamig ang anyo nito. It''s as if she was meeting a lover. "How did you know that we are here?" usisa ni Prin. "Why? Are you planning to hide this from me? Your baby texted me" malamig na sagot nito. "He knew how to write?!" and text? Ilang bagay pa ba ang hindi niya alam na kayang gawin ni Khalid. Akala niya ay naglalaro lang sa tablet nito ang anak niya habang nakikipagkwentuhan siya kay David. "He already knew how to read at the age of two. He knew how to read piano keys at the age of three. It''s not surprising at all that he texted me." Pero hindi iyon ang pinoproblema ni Prin. Ang tanong niya ay kung ano ang mga sinabi ng anak niya kay Cally. "Baby, ano ang mga na-text mo kay Daddy?" kinuha niya ang tablet nito at binasa ang mga mensahe na pinadala nito sa asawa niya. Nag-iisip ng isasagot si Khalid habang napapangiwi si Prin na binabasa ang mga mensahe. "Daddy said, he will give me five thousand per message." Prin "..." "Where did you get all these ideas that I''m secretly dating with my baby?" "and.. ''come and rescue your wife''?" nabibigla si Prin sa mga sinabi ng anak niya sa text. Does her son think this way about her? "I just choose randomly on the internet. I just googled them, copied and pasted them. If I texted Daddy more, I will earn more 5 thousand. You see in just a couple of minute, I earned 15 thousand." Napangiwi si Prin. "But.. But I don''t like money at all!" katwiran nito. Prin "..." ''Yeah, right! You are just selling me just now. '' Napayuko si Khalid. Somehow, he felt guilty. "I just don''t want Mommy to be snatched by Antman that looks like Gremblin" mahinang sabi nito. "Husbie.." hinawakan niya sa braso ang asawa. "Let''s go home" sabi nito saka tumayo na at umuna na sa paglabas. Nagbayad lang siya ng kinain nila saka sumunod kay Cally sa kotse nito. Pagdating nila sa White Castle, pinagpatuloy niya ang pagsunod kay Cally hanggang sa makarating sila sa kwarto. "Husbie¡­" umurong ang kung anuman na nais niyang sabihin dito nang makita na seryoso si Cally na lumingon sa kanya. Hinila siya nito palapit sa bisig at marahas siyang hinalikan sa labi. Gusto niyang magreklamo pero hindi siya makawala sa bisig nito. Halata na gusto siya nitong parusahan. He kissed her hard until she couldn''t breathe. Ilang saglit din naman at naging magaan ang halik ni Cally pati ang pagkakayakap nito sa kanya. "I don''t know what to do with you." bulong nito maya-maya. He kissed her head. "Husbie, please don''t continue the battle." pakiusap niya pa rin dito. Hindi niya alam kung saan aabutin ang dalawa kung sakali. Naramdaman niya na bumigat ang kamay nito sa balikat niya na halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Honey, it''s too late to tell me that. Sa palagay mo, anong iisipin ni Antman kung bigla akong magba-back out? It''s a good match between two men." ''Antman?'' "And you¡­ you will stay here tomorrow with your baby. You are grounded. Saka darating ang tutors ni Khalid" "Tutors?" "Yes. His tutors come here every week. ''Yung isa tinuturuan si Khalid ng piano at ''yung isa naman, tinuturuan siya sa aralin" "He is studying?!" "Yes, once a week." sagot nito. Sa isip ni Prin, masyadong bata pa ang anak niya para mag-aral. Mas gusto niya sana kung naglalaro lang ito sa bahay o sa playground. Ayaw niyang madaliin ang anak niya sa galaw ng buhay. Kids should spend their time playing outside. Because once he reached his 20s, matutulad ito sa asawa niya na maraming responsibilidad. Kaya naman dapat ay nagsasaya lang ito sa edad nito na apat na taon. Ayos lang ang pag-aral nito ng piano because he is enjoying at the same time. "Is he too young for that?" tanong niya kay Cally. "Honey, ayoko rin siyang pag-aralin kaya nga isang beses lang sa isang linggo kung pumunta dito ang tutors niya, but Mommy insisted, dahil si Khalid ang pinakamatalino saming lahat. I can say na mas matalino pa sa iyo ang anak mo." "Get lost!" Chapter 335 - Half a million cost of laptop Sa umaga, nasanay na sila ng anak niya na mag-exercise. Napansin din naman niya na mukhang parehas na nakapag-adjust ang katawan nila ng anak sa activities sa umaga dahil mas malayo na ang natatakbo nila. "Honey, do you like to swim?" Tanong niya. Saglit na nag-isip ito "But I don''t know how to swim." Napangisi si Prin. "How about I teach you?" "But I''m lazy and shy" nakayuko na sabi. Halatang nahihiya ito na magsuot ng trunks. Ngumiti si Prin. Kahit papaano ay nakikilala niya ng paunti-unti si Khalid. "Eh, come here." Pinupog niya ng halik sa pisngi ang anak. "Sa susunod, huwag ka na basta-basta magpapadala ng kung anu-anong mensahe sa Daddy mo ha. Those on the internet are not a good influence. See? Your Dad and Antman almost kill each other. Where did you learn to bet and sell things?" "I don''t know." nahihiya na sabi. "...It all started when I sold Uncle Matty''s laptop two months ago for five hundred thousand. But in the end, he still bought it." Prin "..." "How did you do that?" she was really amazed na nabenta ni Khalid kay Mat-mat ang sarili nitong laptop sa hindi maliit na halaga. Kinuwento ni Khalid na nasira ng triplets ang laptop dahil nahulog sa swimming pool na naroon sa White Castle ang laptop nito. Sa pagkabadtrip ni Mat-mat, binigay na lang kay Khalid para paglaruan. Matapos ipagawa ni Khalid ang laptop ng Uncle Matty nito, he found secrets and obviously Matty''s secrets. He told Donna he found his Uncle''s secrets inside the laptop. Sa takot ni Mat-mat na malaman ng asawa nito ang mga X files na nasa loob ng laptop nito, binili nito sa halagang 50 thousand ang laptop. But Donna raised the price to 100 thousand. Tapos, tinaasan din ni Mat-mat sa dalawang daan, tinaasan din ni Donna sa 300 thousand. Ang nagwagi nga sa huli ay si Mat-mat din sa halagang five hundred thousand. He paid his own laptop for 500 thousand that day. Speechless si Prin matapos i-kwento ng anak niya ang sitwasyon. Kahit siya sa hotel ni Apolo na nagpakapagod ng isang buwan ay hindi sumuweldo ng limang daang libo. "You see Mommy? I didn''t do so much work but in two months I earned a million." ''Lodiiiiiii!'' Kung sa loob ng dalawang buwan ay may milyon na ito. Binibilang ni Prin ang kikitain nito matapos ang isang taon. Paano pa kapag inabot na ng teenager ang anak niya? Baka malagay pa sa ''The Richest Man in the World'' ng Guinness ang anak niya. ===== Dumating ang instructor ni Khalid sa piano matapos niya lang hilamusan ang anak nang umaga na iyon. Isang maganda at seksing babae ang dumating sa White Castle. Maganda rin ang tindig nito. Nakakunot ang noo ni Prin nang makita ang babae. Hindi niya rin kasi akalain na bata pa ang pianist na nagtuturo kay Khalid. Ang binigay na impormasyon sa kanya ni Cally ay gold medalist sa International Competition ang babae. Ilang taon na rin daw itong nagsasanay sa piano at si Khalid ang una nitong tinuturuan. Kaya naman ang babae ang napili nito na magturo kay Khalid. But she wasn''t expected that the girl was young. Sa tingin ni Prin ay naglalaro sa mid twenties ang babae. Hinila ni Khalid ang braso ng babae para lumapit sa kanya. "Come Teacher, I will introduce you to my Mommy." Kumunot ang noo nito nang marinig ang ''Mommy'' word mula kay Khalid. Pinasadahan muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa nang makalapit. Nakaramdam naman agad ng pagkaasiwa si Prin sa ginawa nito. She sensed something about the girl. Ngumiti rin naman agad ang babae at tinago ang emosyon. "Hello, I''m Teacher Bei." pakilala nito sa kanya. Tumango lang si Prin. "So you are his teacher" "Yes." sagot nito. "Okay!" Binalingan niya agad si Khalid. "I''ll see you Baby kapag tapos ka na. Sa office ni Daddy lang si Mommy." sabi ni Prin . May tatapusin pa rin naman siyang trabaho na naiwan mula sa hotel. Pinadala niya na lang ang lahat kay Mildred sa emails. Pinagmasdan pa siya ng babae na papaakyat ng hagdan. Being a Dark Guard for so many years, she sense something about her gaze pero nanatili si Prin na papaakyat at hindi na tinapunan pa ng tingin ang babae. Then she thought, the teacher may be one of Cally''s fans. He has millions of fans and she will just ignore the teacher as one of those fan girl na wala rin namang magagawa dahil nasa kanya ang bertud ng asawa niya. Chapter 336 - Whirlwind Romance? Isang magandang babae si Miss Bei, kung tutuusin may hawig ito kay Gal Gadot. Mukhang aral din ang babae at saka matalino sa isip ni Prin. Normal naman sa mga pianist ang ganoong pagkilos para mas makaenganyo ng fans. Matapos iyon, tinanggal niya na sa isipan pa ang babae. Naging maayos pa rin ang pagturo ng guro kay Khalid. Naririnig sa buong kabahayan ang tunog ng pagtugtog nito ng piano. Prin was proud. Narelax pa nga siya kung tutuusin sa pagtatrabaho habang pinakikinggan ang pagtugtog ni Khalid. It was as if the person who plays the piano is not a four year old kid. Buong oras na nakangiti si Prin sa opisina ni Cally. Sa piano room¡­ Tumikhim si Teacher Bei matapos ang oras ng pag-ensayo nila ni Khalid. "You are good." "Really?" tanong nito. "Yes. Do you want to compete?" Nagliwanag ang mukha ni Khalid at nag-isip saglit. "Hmmm.. I''ll ask my Mommy" Simula nang dumating si Prin sa bahay na iyon, tinatanong ni Khalid ang Mommy niya sa lahat ng bagay. "I will ask Mommy if I''m good and would be able to join the contest." Pinilit na ngumiti ng babae. Parang nawalan ng saysay ang tanong na iyon ni Miss Bei sa bata dahil depende pa rin sa kung ano ang magiging desisyon ng Mommy nito. Kung mag-decide si Miss Yuna na hindi sasali si Khalid, iyon ang masusunod. Saglit na umasim ang mukha ng guro. ''Who is this Miss Yuna?'' "Since when did she come here?" Nagbilang naman sa isip si Khalid. "I think for a week." She came here just a week ago and everything was under her control? Hindi matanggap ng guro na may matatagpuan siyang bigla na babae doon matapos niyang maglaan ng oras kay Khalid. Everyone in the society knew that Master Cally was single for a couple of years. Maraming babae ang gusto na maging Mrs Cally Han and she was not an exemption. She tried to befriend with his kid at baka sakaling mapalapit ang loob niya sa bata. Narinig niya sa iba na kung sakali na mapalapit ang loob niya kay Khalid, there is also a bigger chance na mapalapit siya sa tatay nito. For a couple of months na pagpunta-punta niya doon ay wala siyang nababalitaan na may napupusuan si Master Cally because he was still in love with his wife. Paanong nangyari na pagdating niya doon ay may bubungad sa kanyang babae na dumating lang doon isang linggo lang ang nakalipas? Kailangan niyang ipagtanong-tanong ang pagkatao ng nanay-nanayan ni Khalid at baka makakita siya ng posibleng gamitin laban dito. Pinutol ang mga isipin niya ni Xia. "Miss Bei, naghanda ako ng meryenda para sa inyo." Nilapag nito sa maliit na mesa na naroon sa loob ng kwarto ang tray na bitbit. May laman na sandwich, tea at juice ang tray. Umupo sila ni Khalid sa magkabilang silya sa tapat ng coffee table. Tapos napansin niya na nag-aatubiling kainin ni Khalid ang sandwich nito. "I''ll bring mine to my Mommy." narinig niyang sabi ni Khalid. Hindi na ito nanghingi ng kumpirmasyon o sagot mula sa kanila ni Xia. Nilagay muli ang pagkain nito sa tray at binitbit iyon palabas ng kwarto. Naiwan si Xia at Miss Bei sa piano room. Naghanap siya ng tiyansa para usisain ang babae tungkol kay Miss Yuna nang hindi ito makakahalata. Pinag-usapan nila ng huli ang tungkol sa pagpiano ni Khalid. Pinuri siya nito dahil sa magandang pagturo niya sa Master nito. Tumikhim si Bei matapos ang maraming pag-uusap. "Miss Xia, maitanong ko lang po. Kailan pa dito si Miss¡­" "Si Miss Yuna po ba?" "Yes." "Nakaraang linggo lang." nakangiting sagot nito. It looks like she was also having a nice relationship with Miss Xia. "Her relationship with Khalid looks nice." sabi niya dito. "Yes, even her relationship with Shi Cally is surprisingly nice." "Kailan pa sila magkakilala?" dahil wala namang ma-sense na kung ano si Xia, sinagot nito ang tanong. "On master Khalid''s birthday. Since then, he called Miss Yuna his Mommy. Natatandaan niyo pa po ba na kinansela ni Shi Cally ang klase niyo nang nakaraang linggo? Sinira kasi ni Master Khalid ang lahat ng gamit dito because he wants to see Miss Yuna pero ayaw ni Shi Cally." "Pero matapos ang lahat, nasunod pa rin ang Master Khalid. Since then, she came to this house hanggang sa nagkamabutihan sila ni Shi" "Is it a whirlwind romance?" usisa muli ni Bei Natutop ni Xia ang bibig. "Oh my Miss Bei, Sorry! Hindi dapat ako nagsalita ng madami. I''m sorry but that''s all I can say. Please don''t tell this to outsiders" Bumahid ang pag-aalala sa mukha nito. Palibhasa ay magaan na ang loob ni Xia sa teacher ni Khalid, para lang siyang nakikipagkwentuhan sa isang kaibigan. Pero alam ni Xia na mali pa rin ang ginawa o sinabi sa teacher ni Khalid. Bumigat ang hawak ng guro sa tasa. ''One week and she got everything?'' Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginawa ng Yuna na iyon sa mag-ama pero hindi siya naniniwala na matapos lang ang isang linggo na pagkakakilala ay ayos na ang pagsasama nito. She can now even stay in Cally''s office in White Castle. Pinilit niyang magpakalma at huwag ipakita ang pagkainis kay Yuna. Then, she asked her Dad if he could investigate more about Yuna Byrnes. Chapter 337 - Weird nicknames Dumating ang weekend... Sa araw na iyon ang laban ni David at Cally pero kinailangan ni Prin na pumasok sa hotel, may mga pipirmahan siya na kung anu-anong dokumento dahil ilang araw na siyang lumiliban. As usual, kasama niya ang kanyang baby panda. Sa palagay niya ay hindi na sila mapaghihiwalay pa ng anak niya. Para itong duckling na sunod ng sunod sa nanay nito. Mawala lang siya ng saglit sa paningin nito ay hinahanap na siya nito. Still, he was still her baby. "Hindi ka ba naboboring, baby?" tanong niya habang pumipirma sa mga dokumento na nasa harap. Nakaupo sa katapat na couch si Khalid at nanonood ng kung ano sa ipad nito. "No, I''m fine. I like being with Mommy." Sabi habang nakatutok ang mata sa ipad na hawak. "Don''t worry, patapos na rin si Mommy." Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Mari. Halata sa mukha nito na hindi ito nakatulog at stress sa kung anong dahilan. "Yuna! How dare you?!" nagagalit na bungad nito. Nagtaas ang kilay niya. ''Ano na namang problema nito?'' "You?! Are you the one who told Felix that I''m not pregnant?!" Prin "..." "You are the one, right?!" Sumasakit ang ulo niya sa pagdating nito at ayaw niyang patulan ang babae. Hinilot niya ang sentido. Wala siyang pakialam kung buntis ito o hindi. She doesn''t even care about their relationship or if they are getting married. "You are so shameless, Yuna! Gusto mo siguro na magkabalikan kayo ni Felix kaya mo ko siniraan sa kanya!" "Mari, I don''t care about your Felix! Can you please get out?" "Felix will soon be a Master of Smith Family kaya gusto mo siyang angkinin, aminin mo na, Yuna!" Hindi niya alam kung saan hinugot ng babae ang dahilan nito na iyon. "So, that''s why you are still blainless!" sabad ng anak niya. Lumingon dito si Mari at napaatras nang makita si Khalid, ang batang nagpahiya sa babae ilang araw ang nakalipas. "They say, hormones like estrogen, progesterone, and others most likely drive the changes in the brain structure of the pregnant lady. That''s why they became smarter¡­ but it looks like you are still brainless. Maybe that''s the reason why this ''Felix the cat'' guy, found out that you were just pretending." "Don''t take it against my Mommy, she doesn''t care about your Felix the Cat. She only cared about me. Ask yourself instead for being brainless." Galit na sabi ng anak niya sa babae. "If I am a zombie, I won''t eat your brain because there is nothing in it!" Parang magdudugo ang ilong ni Prin sa mga paliwanag ni Khalid. What hormones? What progesterone? Estrogen? She doesn''t even know about these things. "Ughhh!!!!" Nagpapadyak ang babae dahil sa sobrang galit. Hindi pa nga ito nakakabawi sa pagpapahiya ni Khalid. And now he said she is brainless? Mabilis na lumapit ito kay Khalid at hinawakan sa magkabilang braso ang anak niya. Napatayo si Prin sa kinauupuan at agad na nilapitan si Khalid. "I''m not brainless! It''s Yuna''s fault!" Niyugyog nito ang katawan ng baby panda niya. "Mari! Stop!" Tinanggal niya ang kamay nito sa braso ni Khalid. Kinuha niya ang anak at napansin na bumakat ang kamay at nagalusan mula sa kuko ng babae ang braso ni Khalid. Nag-init ang ulo ni Prin dahil nagalusan ang anak niya mula sa kamay ng babae. "You witch!" Galit na singhal niya. Nabigla rin ito pero huli na dahil sinuntok niya ng diretso at ubod-lakas sa mukha si Mari. Agad na nawalan ito ng malay. K.O.! "Grrrr. This witch!" Usal niya habang nag-aalala kay Khalid. Namula ang kamay niya dahil ilang taon na siyang walang praktis sa labanan. Pinagpag niya ang kamay dahil nasaktan din talaga siya. Gusto niya pang sipain ang babae palabas ng kwarto na iyon para matauhan ito habang nasa sahig ito. Pinatawag niya si Felix kay Mildred saka nagpadala ng first aid kit. Akala naman ni Felix ay kung ano ang kailangan sa kanya ni Yuna kaya mabilis itong nagpunta sa opisina ng babae. Ilang saglit pa, naroon na ang lalaki at may bitbit na rin na gamot ang sekretarya niya. "Get your girlfriend out here! I''m not involved in whatever issues you may have!" Galit na sita niya kay Felix. "Tsk!" Umasim ang mukha nito at halatang hindi nito nagustuhan na makita doon si Mari. "I''m going back to the UK. Ask your Dad to help her because I''m not tolerating this Mari girl!" Sabi nito saka lumabas muli ng opisina niya at hinayaan ang babae. "Are you okay, Baby?" Nag-aalala na tanong niya sa anak. "Mommy, we should ask money from that Felix the Cat. He should pay my medical bills." ''After Antman, Felix the Cat'' Mukhang ayos naman ang anak niya dahil nakakita ito ng dollar sign sa katauhan ni Felix. "What is your nickname for your Daddy?" She curiously asked. "Snow white. He has these seven families representing the dwarfs" Prin "..." Chapter 338 - My Mommy is missing Inalam ni Prin kung saan gaganapin ang laban ni Cally at David. Pero ayaw sabihin sa kanya ni Xander. Mahigpit daw na utos ni Shi Cally na hindi siya pwede sa Arena. Alas kwatro ng hapon ang nakatakdang oras ng laban ng dalawa. Trenta minutos na lang at magsisimula na ang laban ng mga ito. Malamang na parehas na nasa lugar na ang dalawang lalaki at naghihintay na lang din ng oras. Ayaw man niyang patulan ang dalawang lalaki sa kabaliwan ng mga ito, hindi maiwasan na mag-alala pa rin siya. "This is insane!" nag-aalalang usal niya. Panay ang ikot at lakad niya sa opisina. Wala na si Mari doon dahil pinabitit niya na sa gwardiya palabas. "Mommy, I want to wiwi" saad ni Khalid. Kaya naman naputol saglit ang pag-aalala niya sa dalawang lalaki. "Okay, come." Dinala niya sa Restroom ng mga kalalakihan si Khalid. Sinubukan niya na minsan na pagamitin dito ang CR ng mga babae dahil bata pa naman ito at hindi papansinin sa ladies room, pero ayaw ng anak niya. He said he never went to the ladies room because Dad always accompanied him in the past. Hinintay ni Prin sa labas ng restroom ang anak niya, naririnig naman niya ang pagflush at kung ano pa sa loob. Sumandal muna siya sa pader. Habang malalim ang iniisip, napansin niya si Felix na papalapit pero iniisip niya na papunta lang ng restroom ang lalaki kaya hindi niya ito pinansin. Iniwas niya na lang ang paningin dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Pero nabigla na lang siya nang may yumakap sa kanya at takpan ang bibig niya ng panyo. Mabilis na nawalan siya ng malay at parang lantang gulay na nahulog sa bisig ni Felix. "Sorry Yuna, but I''ll bring you with me." ===== Naghintay si Khalid sa labas ng restroom, naisip niya na baka nagwiwi din ang Mommy niya sa loob ng ladies room. Pero 10 minutes na siya doon sa labas at hindi pa lumalabas ang Mommy niya mula sa loob. Wala siyang nagawa kundi ang pumasok sa loob ng CR ng mga babae. But to his surprise, no one was there. Nagpunta siya sa opisina ng Mommy niya na malapit lang din naman sa restrooms. But his Mommy also wasn''t there. Alam niya na hindi siya iiwanan doon na mag-isa ng Mommy niya kaya nagsimula siyang kabahan. Sunod na tinungo niya ang opisina ni Mildred sa katabing kwarto. Natense pa ang babae nang makita siya. "Untie Mildred, where is my Mommy?" Kumunot ang noo nito. "She is with you, di ba?" "I know, I''m not an idiot but can''t you see I am looking for her?" "Okay, okay, sit there for the meantime while waiting for your Mommy." tinuro nito ang silya sa tapat na nakalaan para sa bisita. Nag-aalangan man, sumunod si Khalid. "Please look for my Mommy." Dahil nasanay naman na ang sekretarya ni Prin na ganoon si Khalid, palaging hinahanap ang Mommy nito at para bang ayaw nito na malayo kahit saglit lang, hindi niya masyadong binigyan ng atensyon ang problema ni Khalid. Nasa isip ni Mildred na baka pinatawag ni Apolo o kaya naman ay may tsinek lang sa hotel. Tumingin si Khalid sa relo. 30 minutes na ang nakalipas at wala pa ang Mommy niya. "Untie Mildred, you better find my Mommy or else I will think she has been kidnapped" Napangiwi ang babae. "Okay, okay, I will look for her" Umalis ito saglit, ilang minuto pa ang nagtagal bago ito bumalik muli. "Khalid, did your Mommy leave you? Did she tell you, your Daddy will pick you up here?" hindi rin kasi makita ni Mari si Yuna at nalaman niya mula sa isang utility personnel na nakita nito na nakaupo sa passenger seat ang Manager nila. "That''s nonsense!" hindi siya iiwan doon ng Mommy niya, he is a hundred percent sure. He sent a message to his Daddy. [Daddy, Mommy is missing!] Pero wala siyang makuhang sagot o kahit notification man lang na nabasa nito ang message niya. Bumaba si Khalid ng silya at nilapitan ang landline ni Mildred. Tinawagan niya ang opisina ng Daddy niya. Walang sumasagot. ''Oh noh!'' His Dad is in a battle with Antman. Sunod na tinawagan niya si Xander. Operator muna ang sumagot hanggang isang lalaki ang marinig niya sa kabilang linya, si York, ang sekretarya ni Cally. "York, I want to talk to Xander." Pinagmamasdan lang siya ni Mildred. "He was with your Daddy" sagot nito. "Then call Xander! Tell him my Mommy is missing!" Chapter 339 - Antman vs Snow White Sabay na dumating si David at Cally sa isang arena. Si Xander ang lahat ng nag-asikaso ng bagay na iyon. Isang Mixed Martial Arts ang napagkasunduan ng dalawang lalaki. Isang napakalaking Arena iyon pero sikreto ang laban nilang dalawa sa publiko. May cage ring sa gitna. Tanging si Xander, Medics, mga batikan sa laban na iyon at ang mga pinagkakatiwalaan na tao ang nasa paligid, bukod pa sa organizers para patas ang laban. Sinuri muna ang katawan nilang dalawa. Kahit papaano ay ayaw ni Xander na may mapahamak sa laban na iyon. Lalo nang ayaw niya na mapahamak ang Shi Cally nila. Gustuhin man niyang pigilin ang Master nila ay wala siyang nagawa. Si Miss Yuna nga ay walang magawa, siya pa ba na di-hamak na Assistant lang sa opisina. Nagtataka naman si David kung bakit wala si Yuna sa lugar. Inikot niya ang paningin nang makapanhik sa ring, ngunit hindi niya nakita ang kaibigan. "Where is Yuna?" tanong niya nang magharap sila ni Cally sa gitna ng ring. "I don''t want her to see you wearing a small piece of clothing. Kaya hindi ko pinaalam sa kanya kung saan ang laban" sagot ni Cally. Mixed Martial Arts ang laban nila at tanging boxers lang ang suot. He will never allow Prin to see another man''s body. Even a single sweat on David''s body. Baka hugutin niya pa ang mata ng asawa niya kung masilayan lang nito ang katawan ng katunggali. Tumiim naman ang bagang ni David. Ganito na ba kalapit ang dalawa sa isa''t-isa? Pinilit ni David na magpakalma sa narinig. Saka nagbigay ng kakaibang ngiti. "Talaga ba? Baka naman ayaw mo lang na makita ka ni Yuna na duguan at talunan ka ngayong hapon?" sabi habang iniinat ang katawan. "Ikaw ang bahalang mag-isip." sagot ni Cally. Parehas silang nag-stretch ng katawan. Pumasok na ang referee sa gitna ng ring dahil eksaktong alas kwatro na ng hapon. Sinabi nito ang mga bawal. Agad na humarang ang pader ng dalawang lalaki at mabilis na tumalim ang mata sa isa''t-isa. Hindi iyon basta laban lang, alam nila sa isa''t-isa ang ibig sabihin ng laban na iyon. Kailangan ipakita ni Cally sa David na ito na hindi siya isang simpleng businessman lang. He can protect his wife. At gusto niyang magbalik ang lalaki sa kung saan ito galing at huwag ng guluhin pa ang asawa niya! Nakakasira ng araw at nakakasira sa mata niya ang mukha ni David. Aminado si Cally na insecure siya sa bagay na nakasama ito ni Prin sa loob ng dalawang taon. Sa panahon na wala siya sa tabi nito. Sumenyas ang referee para sa pagsisimula ng laban. Agad na naghanap ng tyansa ang parehas na partido. Ilang saglit pa, nagpakawala ng sipa si David na sinangga ni Cally. Saka nagpakawala ng sipa din para dito na sinangga rin nito. Hanggang sa nag-ipitan na sila ng mga binti sa gitnang bahagi ng ring. Ramdam nila ang lakas ng katunggali at bawat pagsuntok sa katawan, pero hindi iniinda ng dalawa. Kumuha sila ng atensyon lalo na sa mga expert na nanonood. Pakiramdam nila ay mas magaling pa ang dalawa sa mga lumalaban ng MMA. Bilib ang mga nanonood dahil kapwa ayaw magpatalo ng dalawang lalaki sa isa''t-isa at parehas determinado sa laban. "Wow! I never thought Master Cally would be this good at fighting" sabi ng isa. Dahil kilala nito si Cally bilang presidente lang ng MGM. "totoo, kahit si Sir David" "Well, he is a spy afterall." Hanggang sa nasuntok ni David si Cally sa panga. Ganoon din naman si Cally dito. Pumito ang referee pero tila hindi na nadidinig ng dalawang lalaki. Parehas na nasa iisa ang atensyon. Ang talunin ang isa''t-isa! Hindi naman mapaghiwalay ng referee ang dalawa dahil pati ito ay natakot nang lumapit sa dalawang naglalaban. Sampung minuto na ang laban at kapwa, parehas ayaw magpatalo. Kung ano ang nagawa ni Cally, may kasunod na banat agad si David. Samantala, tutok na tutok si Xander sa panonood ng laban. Hindi niya kasi hahayaan na may mangyaring masama sa parehas na lalaki. Ito ang utos ni Cally. Kung sakaling may mangyari sa Master niya, siya rin naman itong malalagay sa alanganin. Lumapit ang isang tauhan ng arena kay Xander. "Assistant Xander, tumatawag si York sa cellphone niyo pero hindi niyo daw po sinasagot." Pagbibigay alam nito. Hindi na niya kasi iintindihin pa na sumagot sa cellphone. Tumango siya saka tumayo. Nilingon niya pa ang dalawa sa cage ring na parang manok na panabong na naglalaban at alerto sa isa''t-isa. Nang makarating sa pasilyo. Sinagot niya ang tawag ni York. "Alam mong hindi ako pwedeng istorbohin ngayon na nasa laban si Master Cally." pinagagalitan niya ito. "Pero Assistant, importante ito" "Siguraduhin mo na importante talaga ang sasabihin mo. Kung hindi ay ipadadala kita kay Master sa Africa para samahan ang mga giraffe sa wild." "Nawawala si Miss Yuna!" biglang sabi ''Shet! Importante nga!'' Chapter 340 - Miss Yuna is missing Natense si Xander sa narinig mula kay York. "Nasigurado mo na ba kung totoo ito?" usisa niya dito na kinakabahan. "Assistant Xander, si Master Khalid mismo ang tumawag sakin. Base sa boses niya hindi siya nagsisinungaling. Mahigit 40 minutes nang hindi bumabalik sa opisina niya si Miss Yuna¡­ Nakausap ko mismo ang sekretarya ni Miss Yuna at may nakakita na empleyado ng hotel na nakasakay daw sa si Miss Yuna sa kotse. Hindi naman siguro walang puso si Miss Yuna para iwanan si Master Khalid sa hotel ni Apolo at basta na lang umalis." Kinabahan si Xander, naisip niya pa nga nang una na baka nagpapanggap lang si Miss Yuna na nawawala para pigilin ang laban ni Shi Cally. Pero hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang bagay na ito kung sakaling may nangyari talaga sa babae. Isa ang pagkakataon na iyon sa mga bagay na hindi alam ni Xander ang gagawin. Tsk! "Magpadala ka ng tao para puntahan si Master Khalid" ang huling mensahe niya kay York Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang ring. Kapwa pawis na pawis ang dalawa sa Ring. Kita na ang pasa, galos at bahid ng dugo sa katawan ng dalawang lalaki. Pumutok na ang labi ni Cally pero ganoon din si David. Mabilis din naman siyang nakalapit sa cage ring. "Master! This is an emergency!" sigaw ni Xander sa butas ng cage ring. Hindi siya pinapansin ng dalawa. "Miss Yuna is missing!" sigaw niya. Parang tumigil ang mundo ng dalawang lalaki na nag-iipitan ng leeg sa gitna ng ring at sabay na lumingon kay Xander. Halos gumapang ang dalawa at na sabay din na lumapit sa kanya sa gilid. "Anong nangyari?" sabay din na tanong nito. Umaangat at bumababa ang dibdib ng dalawa dahil sa paghingal. Tumatagaktak ang pawis pero pinili pa rin na harapin si Xander. Napalunok si Xander. Kapag may nasabi siya na hindi maganda, baka gulpihin siya ng dalawang ito na mas dumoble ang pag-apoy sa mga mata. "Ask the team to look for her." Naging pasya ni Cally. "Where is Khalid?" Hindi rin hinintay pa ni Cally ang sagot. Matalim na nilingon niya si David saka lumabas ng ring para mas maintindihan kung ano ang nangyari. "I will also ask my team to look for her." sabi ni David na sumunod sa paglabas. Kahit ano pa ang mangyari, they have to stop this fight. Saka na nila pag-uusapan kung kailan nila iyon itutuloy. Hindi alam ng mga nanonood kung ano ang nangyayari dahil natutuwa pa sila sa laban ng dalawa nang bigla na lang tumigil ang mga ito. "Assistant Xander, anong nangyari?" hindi makapaniwala na tanong ng isa sa organizer. "May emergency na nangyari sa pamilya ni Shi Cally kaya tigil muna ang laban." saka sumunod sa Master nito. Nanghinayang man ang mga manonood, wala silang magagawa. Tinungo ni Cally ang locker saka kinuha ang mga gamit at mabilis na nagbihis. Nagkasulyapan pa sila ni David bago tuluyan na lumabas ng arena. Sa sasakyan, binasa ni Cally ang mga mensahe ni Khalid. Ilang beses nitong sinabi na ''Mommy is Missing''. Tinawagan niya si Mat-mat. "I need your help. Please look at Romantik Grand Hotel''s CCTV and find the person who abducted Yuna" Kumunot ang noo ni Mat-mat. Sa ngayon, ang pinsan pa lang ang pinagkakatiwalaan ni Cally kung si Yuna o Prin ang usapan. "Sige, sabihan kita agad kung may mapansin akong kahina-hinala" ===== Sa lugar ni Khalid. He is still waiting for his Dad to come. "Untie Mildred, do you think Dory is the one who got my mom? Or is it Felix the Cat?" "Dory? Felix the Cat?" takang tanong ni Mildred. "Oh! It''s my nickname for brainless Mari and the man named Felix." "Why Dory?" "it''s as simple as it is, because she is Brainless like Dory in Finding Nemo" Napangiwi na lang si Mildred. Ayaw niyang alamin kung ano ang tawag nito sa kanya at baka hindi niya magustuhan. "Do you want to see my Dad?" tanong ni Khalid sa dalaga. Panay ang tango naman nito. Nakatanggap na si Khalid ng mensahe na on the way na ang Daddy niya at anumang oras ay kakatok ito. "Pay me five thousand then I''ll let you see him." Mabilis na naglabas ng pera ang babae at inabot kay Khalid. Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan ng opisina ni Mildred. Binuksan niya iyon at natulala siya nang makita si Master Cally. "Yo-your Dad is here." Sabi nito ng namumula ang mukha. Lumapit si Khalid sa Daddy niya at yumakap sa binti. "Daddy, Mommy is missing!" sabi nito na parang pusa. "Get your things, let''s go" utos kay Khalid. Nananatili pa rin si Mildred na natulala dahil nakita niya ng personal ang idol niya. "Salamat sa pag-alaga kay Khalid. Kailangan na naming umalis." saka ngumiti ng bahagya. Hindi na hinintay pa ang sagot ng dalaga at mabilis na humakbang papalayo habang karga si Khalid. Pakiramdam ni Mildred ay sulit ang 5 thousand na binayad niya dahil nakausap, nagpasalamat at ngumiti pa sa kanya si Master Cally. Chapter 341 - No, she was Prin in the first place Pinatulog ni Felix si Yuna kahit nang isakay niya ito sa Private plane na pag-aari ng pamilya. "Master, are you sure about bringing Miss Yuna?" nag-aalalang tanong ng assistant niya. "Yes." "But Master, I was told that David Young is pursuing his love for her. Nagpaalam na rin daw po si Sir David kay Master Apolo na hinihingi nito ang kamay ng Miss Byrnes. And what about Master Apolo?" "I don''t care about that David! Yuna was mine before and mine now! About Master Apolo, I will explain everything to him..." "...Let''s go back to the UK!" Masyado na siyang napraning sa paghintay sa Maynila at naghanap ng tiyempo para ibalik si Yuna sa kung nasaan dapat ito. Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya ay hayaan ang babae na makipaghiwalay sa kanya nang nakaraang taon. Tapos ay nagpabola siya kay Mari. Hiniga niya si Yuna sa single bed na nasa private plane ng Smith. Hinaplos niya ang pisngi ng babae, ang balikat. They were happy before and he will make sure to continue the happiness with her. Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan iyon saka nagbigay ng utos na bumalik na sila sa Casino Main Branch. Hindi man sang-ayon ang assistant ni Felix. Wala siyang magawa kundi ang sumunod. Masyado lang siyang nag-aalala sa background ni David Young at kay Master Apolo. He himself doesn''t dare to offend this David Young. Hindi niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Smith Family ng dahil sa isang Yuna. ===== Nang makabalik sa sasakyan, hindi alam ni Cally kung ano ang susunod na instruction niya sa chauffeur. Hindi niya alam kung saan ang susunod nilang destinasyon. Hanggang sa tumawag sa kanya si Mat-mat¡­ "Bad news" bungad nito. "Why?" tanong naman ni Cally. "I can''t see anything in their CCTV files mukhang may sumabotahe agad. But I used all my knowledge to calculate the time na nawala siya sa hotel base sa sinabi ng anak mo sa CCTV sa kalye. The person we are looking for is Felix Smith" Humigpit ang hawak ni Cally sa cellphone. Alam niya na si Felix ang ex-boyfriend ni Yuna noon at ayon sa mga nakuha nilang impormasyon ni Mat-mat, nakaraang taon lang nakipaghiwalay dito ang asawa niya. Matty doesn''t know, but Cally knew his wife. She ended her relationship with this Felix because she is not Yuna in the first place. There are no special feelings that she felt for this guy. "Yuna was brought by Felix to the airport." "To the airport!" utos niya sa chauffeur. Tumango lang ito sa salamin. Kailangan niyang mahabol si Prin at bawiin sa kamay ni Felix or else makakaya niyang sunugin ang buong casino na pag-aari ng pamilya nito na nasa UK. "Cally, about this¡­ hindi ba masyado ka ng sobra dito kay Yuna? Bakit hindi mo na lang siya hayaan?" alam ni Mat-mat na nobody will replace Prin. At sa tingin niya ay pinagbibigyan lang ng pinsan si Khalid. "...She was Felix''s lover in the first place." dagdag pa ni Mat-mat. "No you are wrong! She was Prin in the first place and I am getting my wife kahit saan pa siya dalhin." malamig na sabi ni Cally. Sa kabilang linya, nabasa ng kape na iniinom ni Mat-mat ang laptop niya. "Pusang gala! Nabasa tuloy ang laptop ko!" saka umubo dahil nabilaukan. "Are you sure about this?" tanong ng makabawi. Hindi makapaniwala si Mat-mat sa nalaman. ''How come she became Prin?'' "Yes. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na nagparetoke ng mukha si Yuna matapos makuha ni Apolo dahil nasunog ang mukha ng asawa ko sa Maria Celeste and so was Yuna." "Remember Sandra lost her memories before. I thought nakaligtas si Prin sa parte na iyon, but no. She lost her memories. And it''s because no families were around her for three years, nabuhay siya bilang Yuna." "Recently lang siya nakabalik dahil na rin madalas niya kaming kasama. Ayoko lang siyang ma-pressure kaya hinayaan ko siya na samahan muna ang anak namin" nilingon niya ang anak na seryosong nakatingin sa kanya at nakikinig. "Hindi pa namin sinasabi sa pamilya ang tungkol dito dahil sa tingin namin ay may alam si Apolo. Pero hindi pa kami sigurado kaya napagkasunduan namin na ilihim muna." Natahimik si Mat-mat sa kabilang linya. It''s not because of anything else but the way Cally explained everything, he felt his cousin''s sadness. Tumingin siya muli sa laptop at napasinghap. "We have a problem! Paalis na sa paliparan si Felix!" sabi ni Mat-mat. Tila sumakit ang ulo ni Cally sa nadinig. Kapag nakaalis na ang eroplano nito wala silang choice kundi ang sundan ito sa UK. "I want to see you at the airport in 30 minutes." utos niya kay Mat-mat saka tinapos ang tawag. Yumakap naman si Khalid sa bewang ng Daddy niya. "Daddy, where is my Mommy" parang ducking na hinahanap ang nanay niya. "I want my Mommy" "We will get her at Felix''s Casino" Bigla itong nag-angat ng mukha at sumeryoso. Para bang hinipan ng hangin ang awra nito na hinahanap ang Mommy nito. "Casino?!" "Yes! But kids are not allowed to go there. You will be staying at Kent Mansion." Sumimangot agad ito. "Eh¡­ That''s unfair! I want to rescue my Mommy!" "oh really? How much did you earn from that lady a while ago?" akala ba ng anak niya ay makakaligtas sa kanya ang hawak nitong pera nang dumating siya sa hotel? "Five thousand." honest na sagot. "I should''ve asked her to give me ten thousand, but I gave her a discount for taking good care of me" Cally "..." Chapter 342 - We will get her, dont worry Pagdating ni Cally sa airport, kaaalis lang ng eroplano ni Felix. "Please ask someone kung saan patungo ang eroplano na iyon" utos ni Cally kay Xander habang nakatingin sa eroplanong kalilipad lang. "Pakiayos na rin ang lahat" dagdag niya. Naintindihan naman ni Xander ang ibig niyang sabihin. They will follow kung saan papunta ang eroplano ni Master Felix. "Yes, Shi!" saka ito umalis. Si Xander na ang nagpahanda ng mga kakailanganin ng mag-ama para makaalis at makasunod kay Felix para bawiin si Miss Yuna. Tinawagan naman ni Cally si Anthony, Crayon at Crayola para ang mga ito muna ang maiiwan sa opisina dahil kailangan niyang magpunta sa ibang lugar. Sinabi niya na isang linggo silang mawawala ni Khalid. Alam ni Cally na nasa ibang bagay nakafocus ang dalawang kapatid niya pero alam din ng mga ito na hindi hihingi ng tulong ang kuya nila kung hindi importante. Matapos iyon, pinaalam niya rin sa Mommy niya na kung sakaling patungo sa UK si Felix, kailangan nilang mabawi si Yuna. "Mommy, you know what I mean right?" hindi na niya kailangan pang magpaliwanag sa Mommy niya, because he knew that she noticed something about his wife''s identity. "Yes, ilang beses na nga rin akong tumatawag kay Apolo but he refused to accept my calls." Habang tumatagal lumalakas ang hinala nila na may alam si Apolo. "Ikaw na muna ang bahala, Ma." ang huling sabi niya. Kung hindi ibabalik ni Felix si Yuna sa pamilya Kent, hindi makakaligtas ang pamilya nito sa parusa na gagawin niya. Madilim ang paningin ni Cally habang nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling window ng airport. Kung nagawa ni Felix na makuha ang asawa niya, ibig sabihin lang ay hindi nakalaban si Prin sa lalaki. They need to practice again. Kailangan nilang magsanay na mag-asawa para hindi maulit ang ganito. Nasa malalim siyang pag-iisip nang yumakap si Khalid sa isang hita niya. "Daddy, I want my Mommy" malungkot na sabi ng anak niya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito. Nakatingala ang mukha nito para salubungin ang mata niya. "We will get her soon, don''t worry." hinaplos niya ang buhok nito. Pansin ni Cally na hindi na tulad ng dati ang anak niya. Madaldal na ngayon ang anak kumpara noon na tahimik lang itong nagmamasid at kakaunti ang mga salita. His mood was also improved. Khalid used to hate talking with people. A simple word is enough for him to exchange conversation. "That Felix the cat! I will beat him! Daddy you must beat him" bulalas ng anak niya akala mo ay kaya talagang gulpihin si Felix. Nakalukot pa ang noo nito at parang hindi natutuwa sa ginawa ni Felix. "In the future, beat everyone who bullies your Mommy" sagot ni Cally. "Yes, I protected Mommy from that Mari girl who looks like a swordfish" Cally "..." Nagagawa na rin nito na manglait ng tao. Kinarga niya ito para umupo saglit. "Daddy, you have bruises on your face. Did you win over Antman?" puna nito. Ilang saglit lang, nakita nila na papalapit sa kanila si David. Nakita niya na may dalang malaking bag ang lalaki. "You are also here." sabi nito sa walang emosyon pero titig na titig sa kanya ang lalaki. "Yes." "See you then!" ang sabi ni David saka nagpatuloy ng lakad. Alam ni Cally na may kakayahan si David at hindi malabo na nalaman na nito kung nasaan ang asawa niya. Mukhang maghaharap na naman sila ng lalaki sa pagbawi kay Prin mula sa kamay ni Felix. ===== Nagising si Prin na masakit ang ulo at nakahiga sa isang malapad na kama. Hinipo niya ang kumikirot na sentido at pilit na inaalala ang huling mga nangyari sa kanya. Saka niya naalala si Khalid! Bumalikwas siya ng bangon. Kahit may nararamdaman pang pagkahilo, inikot niya ang paningin sa silid. Isang eleganteng kwarto ang lugar kung saan siya naroon. Sigurado siya na hindi ito kwarto sa Romantic Grand Hotel na mina-manage niya sa Pilipinas. Bumangon siya at tinungo ang pintuan. Hindi niya mapihit ang doorknob nito. Nasuntok na lang niya ang pinto. Ang natatandaan niya, si Felix ang huling nakita niya na lumapit sa kanya bago tuluyan na nagdilim ang paningin niya. Tinungo niya ang bintana at doon napansin ang lugar. May mga sasakyan sa kalsada, may mga katabing gusali. Ang pumansin sa kanya ay ang uri ng mga dilaw na taxi. Walang ganito sa Pilipinas! Kahit ang mga taong naglalakad ay nakasuot ng makakapal na damit. Sigurado na dinala siya sa ibang bansa. Kumuyom ang palad niya habang nakasandal sa salamin. Olang saglit lang, bumukas ang pinto. "At last you''re awake Yuna!" "Anong kalokohan ito Felix?" "Isn''t it obvious? You are mine now" Ngumisi lang siya sa sinabi nito. "Hindi ako kailan man naging sa ''yo, Felix." Chapter 343 - Dark Guards are here Nanunuot ang lamig ng kwarto sa pagkatao ni Prin. "Hindi ka na makakaalis pa dito Yuna." sabi ni Felix na nakangisi. Malamig ang tingin ni Yuna dito. "Sorry to disappoint you, Felix. In three days, makakalabas ako dito sa kung saan mo man ako dinala. You should send me back to Kent Mansion bago mo pa ibaon ang mukha ng pangalan ng pamilya mo." sa UK nakabase ang pamilya ni Felix at hindi malabo na sa UK din siya nito dinala. Ilang milya lang ang layo sa Kent Mansion. Humakbang ito para lumapit sa kanya. "''Wag kang lumapit Felix. I am warning you!" sigaw niya dito. Pero nagpatuloy ito dahilan para ibinato niya dito ang paperweight na nadampot sa gilid ng cabinet. Mabilis na tumama iyon sa balikat nito. "Tsss! Yuna! You witch!" "And you are a bastard! Send me back to Kent Mansion now!" Nagkikiskis ang mga ngipin nito sa sobrang galit sa kanya. "Sorry but I won''t do it!" ang sabi saka umalis. Paglabas ni Felix, binulungan siya ng isang bantay para sabihin na pinapatawag agad siya ng Daddy niya. "Bantayan mabuti si Yuna" utos niya sa mga bantay. Tumungo siya sa isang kwarto at natagpuan ang magulang niya na seryoso at malalim ang iniisip. "Honey, what did you do? Why did you provoke the Kent Family?" sabi agad ng Mommy niya. "I''m not, binawi ko lang si Yuna mula sa Pilipinas?" iniisip ni Felix baka nagsumbong si Apolo. "But I heard, siya ang nagbabantay kay Master Khalid. The kid likes her and he calls Yuna, ''Mommy''." Biglang naisip ni Felix ang batang kasama ni Yuna. ''So, it turns out it was Master Khalid.'' "Dad, Yuna was my girlfriend. Naliligaw lang siya ngayon. For sure, babalik ang pagmamahal niya sa akin ngayon na narito na siya." Patay na patay sa kanya si Yuna noon at kaya niyang ibalik ang bagay na iyon ngayon, kaya nga naisip niyang dakpin ang dalaga. Isang malalakas na katok ang narinig nila mula sa pintuan kaya sabay-sabay napalingon ang pamilya ni Felix. "Master, we have a problem. Dark Guards are here. We tried to stop them, but Shogun Lorenz and Shi Cally were also here." Halos hindi maipinta ang mukha ng daddy ni Felix na humarap sa kanya. "You! Ayusin mo ang kalokohan na ginawa mo na ito!" Sabi nito na nagagalit. Halos hinihingal na sa galit ang Daddy ni Felix. ===== Sumuot si Khalid sa isang bag ng Dark Guards at hindi siya napansin na naisama siya sa misyon na iyon. Ayaw siyang payagan ng Daddy niya dahil delikado ang gagawin ng grupo nito sa araw na iyon. He wanted to see his Mommy. He wanted to save his Mommy from Felix the cat. Naramdaman niya na binuhat ang bag at dinala sa sasakyan. Ilang saglit lang, naramdaman niya na umandar ang sasakyan. Ganoon kabilis kumilos ang Dark Guards, walang hintayan, dahil they know what to do as if they are coming from the same w.o.m.b. Ilang beses niya pa na pinakiramdaman ang paligid kung wala ng ibang tao bago niya naisip na lumabas ng malaking duffel bag. Doon niya napansin na puro armas ang nasa loob ng bag, kaya pala hindi niya gusto ang amoy. Inikot niya ang paningin sa gusali. He wants to know where his Mommy is. Then he saw Antman and his team. Sinundan niya ng tingin ang grupo ni Felix na pumasok sa kabilang building. Iniikot niya ang buong gusali hanggang sa may madinig siyang nabasag na salamin. Tumakbo siya para tunguhin iyon. Una niyang nakita ang mga basag na salamin sa sahig. Tumakbo siya sa view na sapat para maiangat ang paningin at makita kung ano ang magaganap. Nakita niya ang Mommy niya sa ika-anim na palapag. Nakahawak ito sa gilid at nag-iisip kung paano bababa. Binasag ni Prin ang salamin. "Mommy!" sigaw ni Khalid. Nililipad pa ang palda ni Prin dahil sa lakas at lamig ng hangin. Yumuko si Prin at nakita ang anak niya. "Baby, it''s dangerous! Go inside!" nag-aalala na sabi ni Prin. Ngunit hindi nila nakita ni Khalid ang malaking piraso ng salamin na naiwan mula sa floor-to-ceiling windows na iyon na pabagsak sa anak ni Prin. Nanlaki ang mata ni Prin at hindi alam kung paano ang gagawin. "Khalid!" sigaw niya at napasinghap. Chapter 344 - No one can stop these group Nagmamadali ang kilos ng lahat ng Dark Guard na pinili ni Lorenz para pumunta sa Monte-Carlo, ang casino na pag-aari ng pamilya ni Felix. Hindi naman ganoon karami ang kasama nila. 25 Dark guards lang ang lahat, idagdag pa si Shogun at si Cally. "We asked his family to hand her." ang tanging nasabi ng Mommy niya habang naglalakad siya palabas. Ang tukoy nito ay ang pamilya Smith. Sinubukan ni Cloud at Ginny na pakiusapan ang pamilya ni Felix na ibalik si Yuna pagkalapag pa lang nito ng eroplano sa bansa, ngunit masyadong matigas ang ulo ni Felix kaya nadala pa rin ang babae sa balwarte ng mga ito. Determinado si Cally na makuha ang asawa niya sa araw na iyon. Hindi rin siya naniniwala kay Felix na ibibigay nito agad ang asawa niya kaya nagdesisyon na siya na gumawa ng aksyon. "Thanks Ma, pero hindi mapapalagay ang loob ko na manatili lang dito nang walang ginagawa. Masyado nang mahaba ang oras na nabyahe namin. I can''t wait to see my wife" Hinalikan ni Cally sa pisngi ang Mommy niya nang makarating sila sa malaking pintuan. "Ikaw na muna ang bahala kay Khalid." Hindi na siya naghintay ng sagot at malalaki ang hakbang na tinungo ni Cally ang isang sasakyan na naghihintay. Nagmamaktol man ang anak niyang si Khalid, hindi niya ito maaaring isama sa lakad nila na iyon. Delikado ang gagawin nila na iyon dahil hindi rin naman simpleng tao si Felix. Sa isang burol matatagpuan sa Bristol ang Kent Mansion at nasa Stratford City banda ang Monte-Carlo kaya mahaba-haba ang biyahe nila. Tatlong oras ang aabutin bago makarating sa Monte-Carlo ang grupo ni Cally. "Shi, magpahinga ka na muna" payo ni Lorenz. Tumango lang si Cally. Galing siya sa mahabang biyahe mula pa Maynila at hindi pa rin napapalagay ang loob niya hangga''t hindi nakikita ng mga mata niya si Prin. Nakakuyom ang kamay at hindi palagay ang anyo niya habang nakapikit. ===== Unang bumaba si Lorenz sa sasakyan matapos makapagpark ng sasakyan nila sa harapan ng Monte-Carlo. Hinarang sila ng guard ng gusali. "I am here to see Master Smith" pagbibigay-alam ni Lorenz. Ngumisi lang ito. "Who are you? Master Smith is currently having his tea with his family. No one is allowed to disturbed him" sarkastikong sagot ng guwardiya. "Really, then tell your Master, Shogun Lorenz is here!" Pinasadahan siya ng tingin ng gwardiya mula ulo hanggang paa at ibanalik ang paningin muli sa gwapo niyang mukha. Isang lalaki ang nagmamadaling lumapit sa gawi nila, ang Assistant ni Master Smith. Nasa edad singkwenta na ito at matagal nang naninilbihan sa pamilya, kaya may kaunting kaalaman ito sa mga taong bumisita. "Sho-shogun, what can we do for you?" binalingan nito ang guwardiya at pinagalitan. "You! you don''t know who this person is?" Bahid sa mukha ni Lorenz ang disgusto. Lumabas si Cally mula sa sasakyan saka lumapit sa grupo. Kinabahan ang assistant nang makita siya. "Shi Cally¡­" Hindi sumagot si Cally. Sa halip, dumeretso ng lakad sa pagpasok sa loob ng gusali. Tinapunan lang ni Lorenz ng matalim na tingin ang mga guwardiya at assistant saka sumunod kay Cally sa pagpasok sa loob. Sumunod din ang mga kasamang Dark Guard sa dalawa sa pagpasok sa loob ng gusali. Sinubukan pa silang pigilin ng security pero hindi na nag-isip pa na binali ng isang Dark Guard ang braso ng security na nagtangkang pumigil sa kanila. "Stop!" pigil ng Assistant. Hindi niya alam ang kahihinatnan ng casino kapag naubos ang gwardiya nila dahil sinubukan na pigilan ang mga Dark Guards. "Are you guys crazy! Ha-hayaan niyo silang pumasok!" utos ng Assistant. Si Cally naman ay nakakita ng pwesto kung saan siya uupo sa malaking bulwagan. Kasalukuyan na sarado pa ang Monte-Carlo sa publiko sa oras na iyon na ipinagpasalamat ng Assistant ni Master Smith. Pero anumang oras ay magbubukas din iyon at hinihiling ng Assistant na sana ay tapos na ang problema na iyon kung sakali man na dumating ang oras ng opening hours. The assistant knew what to do. "I.. I will call Master Smith right away" ang sabi saka ito at mabilis na nawala sa paningin nila. Pumikit si Cally para sandaling pahingahin ang isip. Maya-maya pa, nag-ring ang telepono niya at nakita niya ang pangalan ng Mommy niya na tumatawag. Sinagot niya agad ang tawag. "Yes, Ma?" "Honey, Khalid is not here! Kanina ko pa siya pinahanap sa mga tao dito, hindi namin siya makita. Sa tingin ko ay sumuot ang anak mo para makasama sa sasakyan ninyo" Nagsimulang sumakit ang sentido ni Cally. Nagbigay siya ng utos kay Lorenz na ito na muna ang bahala. Gawin nila ang dapat gawin kung sakaling hindi makukuha ng grupo si Yuna. Tumango lang si Lorenz at alam nito ang kahulugan sa sinabi ni Cally. Lumabas si Cally para hanapin ang makulit niyang anak. Nakarinig siya ng nabasag na salamin mula sa itaas ng gusali na iyon at mabilis siyang tumakbo. Malakas ang kutob niya na si Prin ang may gawa ng bagay na iyon. "Mommy!" narinig niyang sigaw ng anak. Parang nakakita pa ito ng anghel na nakatingala. ''Ang lokong batang ito!'' Delikado ang lugar dahil sa mga nabasag na salamin sa sahig. Kapag may nangyari dito, siya ang mananagot sa asawa niya. Napansin niya ang isang basag na salamin na anumang oras ay mahuhulog. ''Shit!'' mabilis niyang tinakbo ang anak. "Khalid!!!" Mabilis na naprotectahan niya ang anak. Tinakpan niya ang ulo at buong katawan nito gamit ang makapal na trench coat na suot at sabay na gumulong sila palayo sa nahulog na salamin. Chapter 345 - Gigil mo si Ako Nakaligtas man sila sa salamin, nasugatan naman ang katawan ni Cally sa mga bubog na nakakalat sa kalsada. Napakagat ng labi si Khalid nang makita ang mga bubog sa katawan ng Daddy niya. Nakahinga naman ng maluwag si Cally na makitang walang galos na nakuha ang anak niya sa mga bubog ng salamin. "Daddy, you have so much blood¡­ hu hu¡­ I''m sorry." hindi nito alam kung paano tatanggalin ang bubog sa katawan niya. "Don''t touch it. Palalayasin ako ng Mommy mo sa bahay kapag may nangyari sa ''yo na masama." "Gusto mo ba iyon?" "No." Umiling ito. "but don''t worry, I''ll send you food everyday" Cally "..." Kinabahan si Prin nang makita ang anak niya na kamuntikan ng mapahamak. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito. Mabuti na lang at sakto ang dating ng asawa niya. Nakikita niya mula sa kinatatayuan, sa ikaanim na palapag, na may bahid ng dugo sa suot nito at mas madami sa asawa niya. Grabe ang kaba ng dibdib ni Prin. Kahit pa mukhang ayos naman ang lagay ni Khalid, hindi pa rin mapalagay ang loob niya. Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng takot si Prin. ''This Felix! I will deal with him sooner'' Narinig niya ang kalansing ng susi sa likod ng pintuan. Mukhang may ideya na ang grupo ni Felix na may ginawa siya sa loob ng kwarto. Mabilis na nagtago siya sa likod ng pintuan para hindi siya makita kung sakaling pumasok ang sinuman na nagbubukas ng pinto. Tulad ng inaasahan, pumasok ang gwardiya ng hotel at nakita nito ang bukas na bukas na pader dahil binasag ni Prin ang buong salamin na umaaktong pader ng kwarto na iyon. Pumapasok ang lamig ng hangin sa buong kwarto. Bahagya pang nililipad ang kurtina na nilagay niya sa gilid. "Master, something happened here. Mukhang nakatakas si Miss Yuna!" sabi nito sa radyo. "You idiot! Kung kailangan mong sundan. Sumunod ka!" Malalaki ang hakbang na tinungo nito ang gilid. Si Prin naman ay dahan-dahan na sumunod dito. Halos hindi siya huminga para hindi siya nito mapansin. Nang makarating sila sa dulo, sinipa niya ito sa bukas na gilid na iyon, "Ahhh!" parang papel ito na nilipad ng nahulog pababa. Nakita na lang niya na bumagsak ito sa mga bubog sa ibaba. Sa tapat na building¡­ "Yuna!" sigaw ni David. Nakita niya ang lalaki sa mas mataas na floor. Kung si Prin ay nasa ika-anim na palapag. Nasa ika-syam na palapag ang lalaki. Bukas din ang buong salamin sa lugar nito. "Wow Boss David, hinagis niya lang ng ganon ''yung lalaki sa baba" tukoy nito sa lalaking nawalan ng malay na hinulog ni Prin. "David, give me a gun!" sigaw niya dito. Nakatitig si David sa mata ni Prin. Ang plano ng lalaki ay tumalon mula doon sa 9th Floor patungo doon sa 6th Floor at alam ni Prin ang plano nito kaya nito nagawang buksan ng maluwag ang salaminsa kabilang building. But she will not let this man na i-torture ang utak ng asawa niya na nasa ibaba. She felt Cally''s gazes na para bang isa siyang voodoo doll na tinutusok ng karayom. Knowing Cally, magagawa nitong hiramin ang pagkatao ni Spiderman, maakyat lang ang pader at huwag lang makalapit sa kanya si David. Walang nagawa si David kundi ihagis sa lugar niya ang baril nito. "Thank you!" sigaw niya. Dinampot niya ang paperweight na binato niya sa lalaki saka siya lumabas ng kwarto. ''This Felix!'' she cursed. Pinainit na talaga nito ang ulo niya. "Daddy, I will help Mommy" nag-aalala na sabi ng anak niya na nakita ang mga naganap. Hinaplos niya lang ang buhok nito. "Just stay here." "But.. but.. What about Mommy?" "She will be fine." ==== Sa lugar ni Prin. Naglalakad siya sa hallway nang makasalubong niya si Felix. Palapit din ito sa kanya. Nang malaman nito mula sa gwardiya na nakatakas siya, naghintay ito sa lugar na maaari siyang makita at tulad ng inaasahan makikita siya nito sa hallway na palabas sa gusali na iyon. "Yuna! I told you, hindi ka makakaalis dito nang hindi ko pinapayagan!" galit na sabi nito. Nag-aapoy ang mata niya na lumapit dito. "I. Am. Not. Yuna!!!" hinampas niya dito ang paperweight na bitbit. Nakatulog ang lalaki sa pagkakahampas niya sa ulo nito. "Gigil mo si ako!" sigaw niya sa walang malay na si Felix. Hingal na hingal siya dahil parang napagod na siya na basagin ang salamin ng kwarto na pinanggalingan niya. Ilang saglit pa, narinig niyang tumunog ang elevator na nasa gilid. Naging alerto siya dahil baka mga guwardiya na naman ng Monte-Carlo ang bumungad sa kanya. Nabitawan ni Prin ang hawak na paperweight nang tuluyan na makita ang taong lumabas dito. At nagsimulang magsipaglaglagan ng luha niya sa mata. "Daddy¡­" Chapter 346 - Double the price Hindi napigilan ni Prin na umiyak nang makita ang buong bulto ni Rob Matsui na lumabas mula sa elevator. Ngunit nabigla siya nang nilampasan siya nito. "Daddy!" hinawakan niya ito sa braso para pigilin. Nakakunot ang noo nito "sino ka?" "ehhh¡­ Daddy naman e" nagmamaktol na saad niya. "Woah, kaboses mo ang anak ko!" "Daddy naman e¡­ Siyempre ako to! Si Prin ako!" nagpapadyak na saad niya. Pinagmasdan siya nito ng mabuti. Nilapit nito ang paningin para mas masilayan siya. "weh?!" "ehhh¡­ nagparetoke lang ako" biglang umatras ang luha na namuo sa mata niya dahil sa kakornihan nito. "Totoo nga ang sabi ni Ginny, nag-iba ang mukha ng anak ko." "...Si Prin ka talaga, hindi ka nagsisinungaling?" tanong nito na may bahid ng pagdududa. "Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang sikreto mo kay Mommy Ginny?" Tinakpan ito ang bibig niya "''wag kang maingay¡­ Sige, naniniwala na ako na anak kita." Yumakap si Prin sa baywang nito. Abot-tenga ang ngiti niya. "I miss you Daddy" Naniniwala naman si Rob. Simula pa lang nang makita niya ang bagong katauhan ng anak na ginulpi si Felix gamit ang paperweight na nabitawan nito. Gusto lang niya na pagtripan ito ng kaunti. Gusto rin niya na pigilin ang galit na nararamdaman kaya mas minabuti na biruin niya ito. Prin looked at her Dad. She missed him so much, tulad ng pagka-miss niya sa mommy niya. Gusto niya na makita ang dalawa simula pa nang nakaraang linggo pero sinabihan siya ni Cally na nandito nga daw sa bansa ang magulang niya. Nabigla na lang siya nang pisilin nito ang ilong niya ng mariin. "Dad! Ilong ko iyan, kapag tumabingi o kapag tumangos ng sobra, hindi na ako magugustuhan ng apo mo" Hindi nito pinansin ang reklamo niya, sa halip ay pinisil nito pati ang pisngi niya. "Hindi lang ako makapaniwala na nag-iba ''yung mukha ng anak ko." Hindi siya natutuwa na biglang nag-iba ang anyo ng anak niya. Sinong magulang ang matutuwa sa ganoon? Pero nasabihan na siya na nasunog ang mukha ni Prin kaya bigla itong nagpalit ng katauhan. Kung may ipinagpapasalamat man siya, iyon ay ang mga mata nito na naiwan bilang simbolo na ito si Prin Matsui. Sa kanya nito nakuha ang mga matang iyon, kaya paanong hindi niya iyon ipagpapasalamat? Nagkaedad na rin naman si Rob. Kung tutuusin, nabibilang na ito sa senior citizens. Pero halata na malakas pa ang Daddy niya. "I was told, you had a baby." "Yes, your sister is one year old now" "How come nakabuo pa kayo ni Mommy?" nakahalukipkip na tanong niya dito. "''Wag mong maliitin ang kakayahan namin ng Mommy mo" "Nagwoworry lang ako, kapag maaga kayong kinuha ni Mommy at nasa college pa ang kapatid ko, wala akong choice kundi ang pag-aralin siya." Rob "..." "Ikaw nga ang anak ko! Ganyan na ganyan mag-isip ang Prin ko." Lumipat ang tingin niya kay Felix. "Bring this Felix the cat!" utos niya sa Daddy niya. ''Felix the cat?'' Kumunot ang noo nito pero hindi nagtanong. Binuhat ni Rob si Felix at hindi man lang nahirapan ni pinatong sa balikat. Sa ground floor, nakita sila ni Master Smith. Napansin nito si Felix na buhat ni Rob. "Rob, what is the meaning of this?" tanong nito. Huminto saglit si Rob para harapin si Master Smith. "Your son made a huge mistake, Master Smith. Nagpadala na ng mensahe ang mag-asawang Ginny at Cloud sa kanya at pinigil na siya simula pa lang airport na i-surrender si Yuna sa Kent Mansion. You know the rules!" malamig na sabi ni Rob. Napakuyom na lang ang kamao ni Master Smith sa narinig. "Your son dared to touch my daughter and you know my temper, if he messes with me, I always make sure that he will pay the price doubled." saka nagpatuloy sa paglakad si Rob papalabas ng gusali. Napapikit naman si Master Smith. "What exactly are you going to do? Para handa ang pamilya ko." "Khalid will deal with him for abducting his Mommy. Kapag natamaan siya ng bala, it''s no one''s fault." Wala ni isang pumigil sa guards ng Monte-Carlo nang makita na bitbit ni Rob si Felix. Pumila ang lahat ng Dark Guard para protektahan ang mag-ama na papalabas. Naghihintay na sa sasakyan nito si Cally na tinanggal ang mga bubog na kumapit sa katawan at si Khalid. Si Felix ay wala pa ring malay na nasa isa sa mga van ng Dark Guards. Sinuri ni Prin kung may galos si Khalid sa katawan at nakahinga lang siya ng maluwag nang masiguro na ayos ito. "You little Kid, bakit ka sumunod kay Daddy dito?" nakapamewang na sabi ni Prin sa anak. "I just want to save you¡­" nakayukong sagot nito. "Let''s go home, Honey." si Cally. Humahapdi na ang mga sugat nito sa katawan. "Gusto mo bang magpadala sa hospital?" nag-aalala na tanong niya dito. "Sa Kent Mansion na lang" "Okay! We have to deal with that Felix! Ready your gun Baby! We have to play with that Felix the Cat." Chapter 347 - How much is your life Pagdating sa Kent Mansion, doon lang napansin ni Prin na malala ang sugat ng asawa niya at sobrang dami ng nasugatan na bubog sa katawan nito. Cally covered his whole body on Khalid''s little body. Kahit ang trench coat na suot nito ay ginamit sa anak nila huwag lang itong masugatan kaya ang katawan nito ang napuruhan. Hindi alam ni Prin kung ano ang gagawin niya kay Felix kung tuluyan na bumagsak ang malaking salamin na iyon kay Khalid. Kung tuluyan din na bumagsak ang salamin at tumama sa kahit anong parte ng katawan ng asawa niya sa pagligtas kay Khalid ay hindi rin maganda ang kahihinatnan. Kita rin niya ang pasa nito sa pisngi at bahagyang pagputok ng labi kapag sinuri ng mabuti ang mukha nito sa malapitan. "Husbie¡­" hindi alam ni Prin kung ano ang sasabihin dahil ginawa lang din naman ni Cally ang dapat para iligtas ang anak nila. "Baby, look what you''ve done. Your Daddy is injured." bakas ang pag-aalala sa mukha niya. "Mommy, it''s not my fault¡­ it was your fault" paghuhugas-kamay nito. Prin "..." ''Ba-bakit ako?'' Kung tutuusin, siya nga ang may malaking responsibilidad sa nangyari dahil sinira niya ang salamin ng kwarto na iyon. Pinameywangan niya ito. "Why did you follow Dad? How are you going to save me?" "I''m going to pay a ransom." Prin "..." "Husbie, it''s your fault!" nagagalit na sabi niya kay Cally. "Bakit?" "Why did I have a super genius son? Na halos matuyuan na ko ng dugo?" "Don''t blame your kid. Sisihin mo ang sarili mo dahil masyado kang makulit at iyon talaga ang namana ng anak natin" sabi ni Cally saka ito napangiwi dahil sa sugat. "Mommy, don''t be sad. I know that having an 85 IQ is really bad. Don''t take it against your husband." Prin "..." Pumasok ang doktor sa kwarto kaya naputol ang pagtuturuan ng pamilya. Isang british na lalaki na naglalaro sa edad kwarenta. Balbas sarado pa ito at nakapolo lang ng light blue at may bitbit na duffel bag. Ginamot nito ang sugat ni Cally sa katawan. May mga naiwan pa na bubog na natanggal nito. Nasasaktan siya na makita ang mga hiwa sa katawan ng asawa niya. Alam niya na malakas si Cally at ilang bala at espada na ang nailagan nito pero sa sobrang dami ng sugat nito, alam niya na mahapdi ang lahat ng iyon. Pinalabas na muna niya ang anak para hindi ito matakot habang ginagamot ang Daddy nito. "Tsss" Napangiwi ang asawa niya habang nililinis ng mabuti ng doktor ang sugat nito malapit sa balikat. Iyon ang pinakamalalim at malaki na sugat ng asawa niya. Nagtagal ang paggamot ng doktor sa parte na iyon. "Shi, it''s better if you rest for the meantime. At least a week" payo nito kay Cally. Tumango lang si Cally bilang pagsang-ayon. "Thank you" Hinatid ni Prin ang doktor sa gate nang marinig niya na humihiyaw si Felix sa likod ng bahay. Hindi naman nagtanong ang doktor dahil alam nito ang mga nagaganap sa bahay na iyon ng Kent Mansion. Tinungo niya ang likod-bahay kung saan madalas na nagpa-praktis ang Dark Guards. Kita niya si Felix na tanging pantalon lang ang suot at walang pang-itaas. Halatang nilalamig na ito dahil sa klima. Nakatali ito sa puno sa hindi kalayuan. Seryoso ang lahat ng Dark Guards na nanonood at hindi ngumingiti. Alam ng mga ito na hindi kasi iyon biro. "Yuna! Help me! Mali ang ginawa ko, sorry na¡­ ibalik mo na ako sa Monte-Carlo!" hiyaw nito nang makita siya. Hindi niya pa nage-gets ng una ang mga sinasabi nito hanggang sa makita niya na katabi ni Rob ang anak niya na pumipili ng armas sa mesa. Seryoso ang anak niya sa pagpili ng armas na gagamitin nito. "Dad, what are you... doing?" Wala itong plano na turuan ang anak niya sa firing, tama? Nasabi niya na lalaruin nila si Felix. Pero hindi niya inaasahan na si Khalid ang gagawa non. Her son is only four! Kahit pa parehas sila nito na nabuhay na may armas sa paligid, apat na taon lang ang anak niya! Natuto naman siya na humawak ng baril ng 16 siya, natuto siya na humawak ng katana ng 14 siya. There is a big difference. "I like this bigger one" sabi ni Khalid na inangat ang mukha para salubungin ang paningin ni Rob. isang armalite ang tinuturo nito. "Daddy¡­" nag-aalala niyang usal. Ayaw naman niya na mangyari na makapatay ang anak niya sa edad na apat. Napapangiwi siya sa naisip. Pumwesto si Khalid sa harap ni Felix. 15 meters ang layo. Pinilit nito na bitbitin ang mabigat na armas na iyon. May lumapit na Dark Guard sa lalaki at naglagay ng apple sa uluhan nito. "Advice ko sa ''yo na huwag kang malikot Master Felix" bulong ng Dark Guard saka lumayo. "Daddy¡­" kinakabahan na usal naman ni Prin. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni Rob. "Yuna¡­ Please help me¡­ Master Khalid, I''m begging you." nakikiusap na sab ni Felix. Wala namang tumatawa sa Dark Guards at kapwa naghihintay ng sunod na mangyayari. "How much do you think is your life? I''ll consider not pulling the trigger if you pay me" sabi ni Khalid. Prin "..." Chapter 348 - Mommy, I am making a business Nasa isip ni Felix na nagbibiro lang si Khalid kaya hindi niya ito masyadong binigyan ng atensyon. Nilagyan ni Prin ng takip sa tenga ang anak niya para hindi maapektuhan ang pandinig ni Khalid sa pagpapaputok ng rifle. "Baby, are you sure about this?" napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa anak na determinado. "Let me deal with him instead" "Mommy, I am making business. Go back inside. Shu.. shu... Do wash the dishes or the laundry or cook something for me." Binubugaw pa siya nito na umalis na akala mo ay maglalaro lang ito ng tumbang preso. Prin "..." "Daddy¡­" tawag niya kay Rob. Gusto niyang makiusap na pigilin ang apolo nito. Kinakabahan siya na baka masugatan ang anak niya ng rifle na hawak nito. Seryoso naman si Rob habang pinanonood si Khalid. Alam ni Prin na hindi niya ito mapipilit na pigilan ang anak niya. Kung gaano kaseryoso si Rob, ganoon din ang mga Dark Guards na nasa paligid. Sa sobrang kaba ni Prin, parang mauuna pa siya kay Felix. Nakaramdam siya lalo ng pagkainis. Kung hindi lang sana nito inubos ang pasensya ng pamilya niya, wala sana sila sa ganitong sitwasyon. Kapag naiisip niya ang ginawa nito, gusto niya itong bugbugin gamit ang paperweight. "I''m not joking." sabni muli ni Khalid kay Felix. "How much do you think your life is?" sabi ni Khalid. "Fi-fifty thousand!" sagot nito. Nasa isip ni Felix na malaking pera na iyon at sapat na iyon para sa apat na taong gulang. *Bang!* Nagpaputok ng isang bala si Khalid. Tumama ito sa ibabang bahagi ng puno. Parang nagtinikling naman si Felix sa pwesto nito. "Ahhhhh!!!" hiyaw nito. Malapit nang magduda si Prin kung lalaki ba talaga itong si Felix. Pero napangiwi siya dahil baka sa susunod, iba na ang tamaan ng anak niya. "I''m not joking, I sold a laptop for five hundred thousand. How come you are paying me fifty for your life?" "...How much?" kalmadong tanong muli nito. "F-five hundred thousand!" sigaw ni Felix. Siguro naman sapat na ang itulad niya ang halaga sa nabentang laptop. *Bang!* "Ahhhh!" hiyaw nito. Pero nanlaki ang mata ni Felix nang may mahulog na ibon mula sa puno. "Next time, I will aim at your birdie" "Pfft!" hindi niya alam kung paano tatawa sa sinabi ng anak niya. Pero bilib siya namay nahulog na ibon. Hindi niya alam kung may sarili itong kakayahan o naka-tsamba lang sa ibon na iyon. "Yuna!!! Please stop Master Khalid! Sorry.. I will send you back in Manila" halos maiyak nang mga saad ni Felix. Pero hindi ito pinansin ni Khalid. "How much?" "Five million!" Nanlaki ang mata ni Prin. Five million? In a couple of minutes? This kid is really something! Pero hindi pa rin natutuwa si Khalid. "Master Felix the Cat, are you telling me your worth is only five million? How about I kill your birdie and pay your medical expense instead?" Kinilabutan si Felix sa nabinig, hindi alam kung paano itatago ang sarili. "How much?" Nag-isip ng mabuti si Felix. This kid, is not an ordinary kid. Having the fact that he was Cloud Han and Rob Matsui''s grandchild, he knew in his heart na hindi simple si Khalid. Even his gaze is not simple. Natatanaw niya mula sa kinatatayuan ang paraan ng paghawak nito ng armas. "I.. I will give you 10% shares of myMonte-Carlo. How''s that?" Nilingon ni Khalid si Rob. "Daddy Rob, how much is my earning monthly for having 10% shares in his casino?" inosenteng tanong ni Khalid. "A hundred million." Sagot ni Rob. Kung tutuusin ang pamilya Smith ang may pinakamalaking kita sa buong Dark Lords. Kaya rin siguro malakas ang loob ni Felix na lumabag na dakpin si Prin. Nagkakalkula naman sa isip niya si Khalid. ''A hundred Million per month?!'' "Mommy, he could earn a hundred million per month. Why did you break-up with him? He is super rich!" Prin "..." Hinarap nito si Felix. "How can I have them?" paninigurado ni Khalid. "There is a contract called ''Transfer of shares'', I''ll sign the agreement. Tatawagan ko ang assistant ko para mailipat sa iyo ang 10% na shares mula sa akin. Are you happy? Please let me go..." kaunti na lang ay hihimatayin na ito sa puno. "Okay!" saka binalik ni Khalid ang rifle na hawak kay Rob Matsui. Lumapit ang anak niya sa pwesto ni Felix at hinawakan ang kamay nito na nakatali sa puno na para bang may na-close na deal. "Congratulations! It''s a deal then!" ''Wow! Lodiiii!'' Chapter 349 - Hard to conceive Gulat na gulat si Prin sa mga kakayahan ng anak niya. Para lang siyang nanood ng ''DEAL OR NO DEAL?'' kanina. Abot-tenga naman ang pagkakangiti ni Khalid na pabalik sa pwesto nila. Kung sa normal na tao siguro, iisipin na may nabili lang ito na gustong-gusto nito na laruan kaya ito masaya. "Daddy Rob, thank you" tumalon ito para yumakap sa Daddy niya na nakaupo. Ngumiti ang Daddy niya at hinaplos ang buhok nito. Kita ni Prin ang pagningning sa mata ng Daddy niya. Nakikita niya lang ang ganoong klase ng mata nito kapag naglalambing siya dito noon. Ibang-iba kapag nagagalit ito. Ibang-iba rin whenever he dotes his kid. Kinalabit niya si Khalid. "Hey! That''s my Daddy! Chupi!Hanapin mo Daddy mo!" sabi niya dito na akala mo ay inaagaw nito ang Daddy niya. Hindi siya nito pinansin at sa halip ay nagpakarga ito sa kanya. "Mommy, did you see me how I hit the bird?" puno ng kasiyahan na tanong nito sa kanya. Nagbalik na naman ang anyo nito sa ''baby-panda mode''. Nakita niya na binalutan na ng makapal na kumot si Felix sa di-kalayuan dahil sobrang nilalamig na ang katawan nito. "Yes, but what you did is wrong. Hindi ka naman ginutom ng Daddy mo habang wala ako kaya ka ganyan, tama?" sabi niya dito. Ayaw naman ni Prin na lumaki ang anak niya na yumaman dahil nangingikil ng salapi sa iba. At para bang ginugutom nila ito ni Cally kaya ito ganon. "Halika, pumasok na tayo sa loob. Malamig dito" Tumayo si Rob mula sa kinauupuan nito at hinawi ang buhok ni Prin . "Go to my place tonight. Your Mommy wants to see you." Saka siya hinalikan sa noo. Tumango si Prin. "I''m going too. I want to see Baby Priya and Mommy Ingrid." saad ni Khalid. "Daddy, I''m really curious. How come you are able to have another baby?" Nasa singkwenta na ang Mommy niya. Kahit pa sabihin na may kakayahan pa ang dalawa na magconceive ng baby, hindi pa rin niya maisip na magbubuntis ang Mommy niya sa edad na singkwenta. Isa pa, nasa lahi ng pamilya nila na iisa lang talaga ang anak. Paanong nagkaroon siya ng kapatid na isang taong gulang? Pinitik siya nito sa noo kung saan siya nito hinalikan. "You think too much! You know that your sister-in-law is a doctor. Technically, we conceived our baby in another woman''s body" "Oh!" no wonder. "See you tonight" sabi nito saka lumakad papaalis. Noon niya lang napansin na may nakatitig sa gawi niya, Si Shogun Lorenz. Huminga siya ng malalim saka binaba muna si Khalid mula sa pagkakakarga niya dito. Ibinuka niya ang dalawang braso para salubungin ito ng yakap. Nabigla naman ang lalaki. "Hey! Hey! My wife is here. Baka isipin niya na nambababae ako, lalo na at iba ang itsura mo." reklamo nito habang yakap-yakap niya. Hindi niya ito pinansin. Ang alam lang niya ay namiss niya ang mga kaibigan niya. Kahit si Kai at Bella, si Matty at Donna at ang asawa nitong si Cassandra. "Yes, yes, where is my Cassandra dear?" Noon niya lang napansin ang papalapit na babae na nakasalubong ang kilay patungo sa kanila, ang kaibigan niyang si Cassandra. Mas kuminis at pumusyaw ang balat nito, nagkalaman ng kaunti ang katawan at mas gumanda. "Oh Sandra, I miss you" ito naman ang sunod na niyakap niya. Saglit itong natigilan dahil nakaramdam pa naman ito ng selos nang makita ang pagyakap niya kay Lorenz. Nagtataka ang mga mata ni Cassandra na nakatingin sa kanya tapos nilipat sa mukha ni Khalid at kay Lorenz. "Wh-who is she?" "Prin Matsui, at your service" nakangiti niyang saad. Nanlaki ang mata nito. "P-prin Matsui?" Tumango-tango siya habang nakangiti. Hindi naman ito makapaniwala at naiintindihan niya ang pagdududa nito. Naiintindihan niya na maisip nito na namatay na siya tatlong taon ang nakaraan. "I heard that you are managing White Devil''s bar here in the UK branch." Tumango ito pero hindi pa rin nakaka-move on sa bago niyang anyo. Napansin ni Prin na nilalamig na ang anak niya sa hamog kaya nagpaalam na muna siya sa mag-asawa. Niyakap ni Lorenz ang asawa niya na nakatingin sa mag-ina na magkahawak ng kamay. "Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya dito. Kita ni Lorenz ang inggit sa mata ng asawa niya habang nakatingin sa batang si Khalid. He knew that she was jealous because until now, wala pa silang anak. "Honey, if you want, we can have the same procedure na tulad na ginawa ni Master Rob at Miss Ingrid." Namuo ang luha sa mata ni Cassandra. Matigas ang ulo niya sa parte na iyon. Ayaw niya na ibang babae ang magdala ng anak nila ni Lorenz. At least si Miss Ingrid ay naranasan na magsilang ng anak. But, what about her? "Let''s try another position. Maybe it can help" bulong ni Lorenz sa tenga niya. Palo lang sa dibdib ang sinagot ni Cassandra sa lalaki. Chapter 350 - Caught [Feibulous :SPG content, alam na pero warning dahil baka kabagin] "But I''m not joking, Honey" bulong muli ni Lorenz sa tenga ni Cassandra. Hinarap niya ang buong mukha ni Cassandra saka buong pagmamahal na hinaplos ang pisngi nito. Kung tutuusin, ayos lang kay Lorenz kahit na hindi siya magkaroon ng anak. Kung hindi sila bibiyayaan ni Cassandra ng baby, he will accept it no matter what. It''s not as if he will love another woman para lang magkaroon ng susunod na Lorenz. Dalawang taon ang nakaraan nang sabihan siya ni Christen nang palihim na may bara sa fallopian tube ang asawa niya. Dahilan para mahirapan ito na magbuntis. May chance pero mahirap unless they will do the IVF procedure. Sinabihan niya si Christen na ilihim na muna ang tungkol dito dahil ayaw niyang mawalan ng pag-asa si Cassandra tungkol sa pagbubuntis. Dahil alam niya ang insecurities nito. Matty and Donna are having three children na mas nahuli na magpakasal kaysa sa kanila ng ilang buwan. Si Christen na kinasal nang nakaraang taon lang ay buntis din sa ngayon. Kahit si Master Rob na sesenta anyos ay nagkaroon pa rin ng anak. So, he understands his wife''s insecurities. Sa parte niya, ang mahalaga ay masaya naman siya sa process ng paggawa ng baby kaya ayos lang. "Let''s go home" Sa ibaba ng burol na iyon nakatira ang mag-asawa. May 30 minutes na biyahe at halos malapit lang din ang apartment nito sa mag-asawang Rob Matsui at Miss Ingrid. May dalang sasakyan si Cassandra kaya si Lorenz ang pasahero sa gabi na iyon. Nasa gitna sila ng byahe nang biglang huminto ang sasakyan. Doon niya lang napansin na naubos na ang gas. "Oh Honey, I''m sorry." nahihiya na saad ni Sandra. Hindi pa siya sanay na magdrive ng sasakyan kaya hindi niya iyon namonitor. Mula Kent Mansion hanggang apartment pa lang ang nabibyahe niya. Si Lorenz ang madalas na nagbbyahe kung sa malayo ang lakad nila o kaya naman ay may inuutusan itong Dark Guard. "No worries, sweetheart. Tatawag ako ng Dark Guard to help us." Tumawag si Lorenz at nagpahatid ng gasolina sa lugar nila. Masukal ang daan at madilim ang kapaligiran sa lugar nila sa kasalukuyan. Tanging headlight lang mula sa sasakyan ang nagbibigay ilaw sa mag-asawa. Nasa burol pa sila na pag-aari ng Kent Family kaya tiwala si Lorenz na walang mangyayari sa kanila doon. Tahimik sila na naghintay sa loob ng sasakyan. Naisip ni Sandra na magcheck muna ng emails sa cellphone niya habang naghihintay. Habang busy siya sa cellphone, her husband is also busy unbuttoning her blouse. "Ho-honey, what are you doing?" takang tanong niya dito. "Ginagawang makabuluhan ang paghihintay natin." kinuha nito ang cellphone ni Sandra at hinagis iyon basta sa likuran ng kotse. Sandra "..." Gusto niyang tumutol ngunit nasakop na nito ang labi niya. Paano kung dumating ang Dark Guard na inutusan nito? "I am serious, baby" then, he placed kisses on her chest. Doon niya lang napansin na tuluyan nang nakabukas ang blusa niya. Hawak ng magkabilang kamay nito ang dibdib niya at parang nangigigil ito doon. Parang gustong lamunin. A loud m.o.a.n escaped her mouth. Tinakpan niya ang bibig. Ngumisi naman ang lalaki matapos niyang humiyaw dahil kinagat nito ang dibdib niya. Titig na titig si Lorenz na sinalubong ang mata ni Cassandra. "Be ready because we will be doing 10 different positions." Sandra "..." Cassandra felt as if she was about to melt from those hot eyes. Soon enough, she gave in. Tinanggal niya sa pagkakasinturon ang pantalon ni Lorenz. It''s not their first time doing it in the car but the thoughts of doing it while waiting for someone makes her more excited. Malaking tao si Lorenz, pero hindi nito napigilan ang sitwasyon. He placed her in the back seat. "You have to count, Honey" Hindi alam ni Cassandra kung saan ipapatong ang mga binti niya para kumasya silang dalawa sa sasakyan na iyon He trusts himself inside her habang sinasakop nila ang buong likuran ng kotse. Nauuntog na ng bahagya ang uluhan niya sa pintuan sa backseat whenever he move forward. All of her focus was on the man on top of her. Tahimik ang buong lugar at tanging ungol mula sa loob ng sasakyan ang maririnig. Kapwa na sila pinagpapawisan. "Honey, I''m¡­ coming" bulong ni Lorenz. Tumutulo na sa leeg niya ang pawis nito but she doesn''t care. "Oh my god¡­" napasinghap siya sa ligaya hanggang sa may ulo na sumilip sa bintana. "Ahhhh!!! Oh my God!!!!" Bigla niyang tinulak si Lorenz ng ubod lakas at naghanap ng ipantatakip sa sarili. Fortunately, may nakaready siyang kumot sa likuran ng sasakyan. Para magamit kung sakaling antukin habang nasa biyahe. "Ahhh¡­ shit!" nauntog pa si Lorenz sa bubungan at hindi niya alam kung ano ang nangyari hanggang sa makita ang dalawang Dark Guards na namumula ang mukha sa labas ng sasakyan at nahuli sila nito. Napapangiwi siya dahil malapit na siyang labasan, napurnada pa. Sumakit ang buong katawan niya. Sumakit ang ulo, niya kasu-kasuan at sumakit ng sobra ang puson niya. He is gritting his teeth. Kahit si Cassandra ay gustong maghukay ng lupa sa masukal na bahagi na iyon at ibaon ang sarili. Baka hindi na siya magpakita sa kahit na kaninong Dark Guard. Chapter 351 - Caught (2) Nangigigil si Lorenz na sinuot ang pantalon at sinecure ang pagkakabalot ni Cassandra sa kumot bago siya lumabas ng kotse. Wala siyang suot na pang-itaas kaya nanuot agad ang lamig sa katawan ni Lorenz na nakadagdag sa sama ng pakiramdam niya. Pulang-pula naman ang mukha ng dalawang Dark Guards at halos hindi makatingin sa kanya. Parehas na nakayuko at ayaw salubungin ang mata ni Lorenz dahil sa hiya. Kapwa nasa bente anyos lang ang dalawang ito na iilang taon pa lang sa organisasyon nila. "MB1003 at MB0010, did you see my wife''s body?" paninigurado niya. Hindi magkakamali na sumagot ang dalawa ng ''oo'' kaya panay ang iling ng dalawa. Kita nila na nagkikiskis na ang ngipin ng Shogun kaya nakaramdam sila ng takot. Ang totoo, nabigla rin sila na makita ang mag-asawa na gagawa ng ganoong akto sa burol pababa ng Kent Mansion. Nasa ibaba lang ng burol na iyon ang tahanan ng mag-asawa kaya paanong nangyari na hindi nakatiis ang mga ito at magtalik sa loob ng sasakyan? Napansin na nila ang pag-alog ng kotse nito pero pinagpatuloy nila ang paglapit dahil naisip nila na baka nagtatalo ang mag-asawa o kaya naman ay kung ano na ang nangyari. They saw the actual scenario of a Rated SPG! Hindi naman talaga nila nakita ang katawan ni Miss Sandra dahil halos sinakop ng malaking katawan ng Shogun ang katawan ng asawa nito. Pero para silang babangungutin dahil hindi maalis sa isip nila ang maumbok na puwet ng Shogun at ang mga nagagalit na kalamnan nito habang kumikilos. Nananatili naman na masakit ang puson ni Lorenz at hindi alam kung ano ang gagawin. Ayaw niyang isipin ng dalawang Dark Guard na ito na ang pagpigil sa rurok ng kaligayahan lang ang tumalo sa pagkatao niya. But his desire for his little wife was still there at nagagalit pa rin ang pagkatao niya sa ibaba. Gritting his teeth, he said... "Both of you, do 150 push ups!" ang tangi niyang nasabi para parusahan ang mga ito. Unang beses na magparusa ni Lorenz ng dahil lang sa pansariling interes. Gustuhin man na magreklamo ng dalawa, wala silang nagawa kundi ang sabihin na "Yes, Shogun!" But deep inside, both of them are thinking ''Bakit kami ang may kasalanan?'' Hindi naman nila akalain na mag-aala ''Rose and Jack'' ang mag-asawa at magtatalik sa loob ng kotse ng mga ito. Sabay na nagbilang habang nagpu-push-up ang dalawang Dark Guard. Doon lang napansin ni Lorenz ang motor na ginamit ng mga ito. Hindi man lang nila narinig ang pagdating nito sa lugar. Si Lorenz na ang nagsalin ng gasolina na dala ng dalawa habang nagpupush ups ang Dark guard niya. "Balik na sa Mansyon!" sabi niya sa dalawa hindi pa man natatapos ang push-ups. Saka siya sumakay ng kotse at nagkusang nagmaneho. Natagpuan niya ang asawa na halos itago na ang sarili sa kumot nito na nananatili sa likod ng kotse. "Ahhh, wala na akong mukha na maihaharap sa mga kasama mo" hiyang-hiya na sabi ni Cassandra. "I''m sorry, Honey" saad ni Lorenz na nahihirapan. Mabuti na lang at hindi nakilala ni Sandra ang dalawang Dark Guard na nakahuli sa kanila at baka lalo itong mahiya. Sumama muli ang pakiramdam ni Lorenz habang iniisip na kakaunti na nga lang na pagbayo ay napurnada pa. Nagagalit na ang alaga niya at talagang nahihirapan na siya at hindi alam kung anong klaseng remedyo ang gagawin. Mabilis na nag-drive si Lorenz pauwi sa apartment nila na nasa Vaughan Metropolitan Centre. Inubos niya ang ilang taon na kinita niya sa pagiging Shogun para mabili ang bahay na iyon at ialay sa asawang si Cassandra. Binuhat niya si Sandra na tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nito saka pumasok sa loob. He placed her on the carpet beside the fireplace. "I''m not done yet, sweetheart." Kailangan niyang ilabas ang napurnadang init kung hindi ay baka masiraan siya ng ulo. "Ikaw ang may kasalanan nito." paninisi ni Cassandra. "Yep. It''s my fault for being naughty. But please¡­ let us continue, okay?" paglalambing niya. He kissed her forehead. "There is no way we will do it again inside the car." Baka sa susunod ay iba na ang makahuli sa kanilang dalawa. Baka police patrol na! Marami pa naman ang umiikot na ganito sa lugar nila. "Yap" ang tanging nasagot ni Lorenz. At least dito sa apartment nila ay walang istorbo. They can use the whole place ng walang problema. It''s a long night for both of them. Hindi na nga mabilang ni Cassandra kung ilang beses na may naganap sa kanila ng asawa niya. Tuwing makakatapos sila ng round ay magkkwentuhan lang sila ng mga naganap sa kanila sa labas ng bahay sa maghapon at kung anu-ano, tapos ipagpapatuloy nila ang laban. He said they''ll do it in 10 different positions, pero hindi rin natupad. She likes the feeling of having Lorenz inside her body. They did it on the carpet beside the fireplace, on the couch, on the kitchen table and somewhere else before he carried her to their room. Then placed her on the bed. She used his arms as a pillow while holding his other hand. She was really exhausted. Marks on her body shows that they had the whole night. Chapter 352 - Mother-in-Law Ilang oras pa lang na natutulog ang mag-asawang Lorenz at Sandra nang may mag-doorbell sa tahanan nila. She caressed her husband''s body to feel some heat. Malamig kasi ang klima sa bansa at masarap matulog lalo na kung katabi ang asawa. Parang hindi niya gugustuhin na may istorbo sa kanila. "Are you expecting someone?" tanong ni Sandra sa asawa niya. Wala naman siya masyadong kilala sa lugar at tanging mga kasamahan lang sa trabaho ang mga malalapit na kaibigan. Pero hindi siya pupuntahan ng mga ito sa bahay ng walang pasabi. Sa kabilang banda, may mga Dark Guards na bigla na lang nagpupunta doon para sunduin ang asawa niya. "Let''s have some rest for the whole day." Humihiling na siya kahit hindi pa nakikita kung sino ang bisita na para bang sigurado siya na may gagawin ito na trabaho sa maghapon sa Kent Mansion. "Yes, I promise to stay with you today¡­ continue your sleep. Ako na ang magche-check kung sino ang bisita." hinalikan niya lang sa noo ang asawa saka bumangon sa higaan. Umungol lang si Sandra at nagpatuloy sa pagtulog. Nagsuot lang ng mahabang roba si Lorenz at inayos muna ang pagkakabalot ng kumot sa katawan ni Sandra. Saka siya bumaba para harapin ang kung sino man na bisita. Nakakunot ang noo niya nang buksan ang pintuan. Isang payat at may-edad na lalaki ang bumungad sa kanya. He has white skin. Namumuti na ang buhok nito at may katapangan din ang awra. Hindi siya sigurado kung isang amerikano ang lalaki o european. "Good Morning! May I ask if Miss Sandra is here?" tanong nito. "Yes." simpleng sagot niya. Sigurado si Lorenz na hindi niya pa nakita ang lalaki sa ilang taon na pagiging mag-asawa nila ni Sandra. "I''m sorry for my sudden visit. I am butler Richard. Inside the car is my Boss, Duchess Camila." sabi nito. Wala namang naiintindihan si Lorenz sa mga sinabi nito. Tinapunan lang niya ng tingin ang makintab at makinis na sasakyan na Rolls-Royce. "She is Miss Sandra''s mother." sabi nito. Nagulat si Lorenz sa nadinig. Doon niya lang naalala ang pangalan na binanggit nito. Camila... Pangalan nga iyon ng nanay ni Cassandra, pero hindi ang pangalan nito ang nakatawag ng pansin sa kanya kung hindi ang titolo nito. ''Duchess Camila?'' Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang babae mula sa back seat. Glamorosa ito at masasabi ni Lorenz na mamahalin ang bestida na suot nito. Hindi siya sigurado sa edad nito dahil mukhang matanda lang ito sa kanya ng iilang taon. Pero malaki ang pagkakahawig nito sa asawa niya. "Are you my daughter''s husband?" walang emosyon na paninigurado nito. "Yes." Napalunok si Lorenz. Alam mo ''yung pakiramdam na hinarap mo ang magulang ng asawa mo sa unang pagkakataon tapos ay nakaroba ka lang? Puyat pa siya at wala man lang hilamos. Pinag-aralan siya nito mula ulo hanggang paa. Bumilis ang tibok ng dibdib ni Lorenz dahil sa kaba. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya dahil wala siyang makita na emosyon sa babae. Lalo pa siyang naasiwa sa ginawa nito na para siyang manok na sinusuri para ipanabong. "P-please come in" ang tangi niyang nasabi. Pinatuloy niya ang babae sa loob. Seryoso na inikot nito ang buong kabahayan nila. ''Shit!'' Bigla niyang naalala na matapos nilang libutin ang buong bahay ni Sandra sa buong magdamag, wala na silang oras na ayusin pa ang tahanan at pagod na natulog na lang sa kwarto. Mabilis na tinungo ni Lorenz ang sofa at inayos mga throw pillow sa ibabaw. Pinagpag ng maayos ang kutson saka lihim na ibinulsa ang mga kalat sa suot na roba Seryoso na sumunod ito sa kanya sa pagpasok sa bahay. Nananatili naman na nakatayo ang butler na kasama nito malapit sa pintuan. "Ehem.. Ma''am, please take a seat. Would you like coffee or hot chocolate?" tanong ni Lorenz . Alas nueve pa lang kasi ng umaga at naisip niya na normal na gustuhin ng tao ang kape sa umaga o kaya naman ay tsokolate. Tumango ang nanay ni Sandra. Nagpakulo ng tubig si Lorenz sa water heater. Sinilip niya ang mga lagyanan nila ng kape saka niya nalaman na wala na pala silang stock ng kape o chocolate. Gusto niyang kutusan ang sarili. Naisip niya na tsaa na lang ang ipainom sa mga bisita. Ilang saglit pa nga at bitbit niya ang isang tea pot at dalawang malinis na tasa mula sa kusina. Napuna niya na sinusuri nito ang mga gamit niya sa bahay. Nagpapasalamat na lang si Lorenz na hindi mumurahin ang mga gamit nila ni Sandra sa apartment na iyon. "I''m sorry kung ito lang po ang maihahanda ko. Na-naubusan na kasi kami ng kape." nahihiya na saad ni Lorenz. Nananatiling malamig ang awra nito at wala siyang mabasa sa mukha ng nanay ni Cassandra. "Tea is fine. I want to see my daughter" narinig niyang sabi ng may-edad na babae. "Yes. ma-maiwan ko lang po kayo saglit." saka siya umakyat ng bahay para gisingin ang asawa niya. Chapter 353 - Your Mom is Here Nakaramdam ng insecurities si Lorenz habang nakatingin kay Sandra na natutulog. Dumadampi pa sa pisngi nito ang liwanag ng araw mula sa bintana. Para itong buhay na painting sa paningin niya. He doesn''t know her identity at all. Hindi niya akalain na anak ng isang may sinasabi sa buhay ang asawa niya. Ang alam niya ay ulila si Cassandra. When he saw her wearing a simple blouse and a long skirt years ago in Spain, he thought she was a commoner. ''Duchess¡­'' nakuyom ni Lorenz and palad. Nang lumayo ito at nagpunta ng America at Europe para hanapin ang pamilya nito tatlong taon ang nakaraan, ang sinabi sa kanya ni Sandra ay nawalan na ito ng pag-asa pa na hanapin ang pamilya dahil ito lang ang survivor kasama ang buong pamilya sa malaking cruise na lumubog. Ang sinabi nito ay nalunod na kasabay ng malaking barko na iyon ang buong pamilya nito. At nagkataon na nakita ito ni Captain Yeo na inaanod sa dagat kaya ito nakaligtas. Kaya hindi na rin nagtangka pa si Lorenz na tulungan ang asawa niya na hanapin ang pamilya nito. They thought they were all dead at ang asawa na lang niya ang natitirang survivor. He promised that he would give her a family. He was her family. Sa loob ng mahabang panahon, nakaramdam muli ng insecurities si Lorenz. Ang huli ay nang kunin siya ni Cally sa kalsada at tanggapin siya bilang apo ni Madam Lira. He was a Master and he was just a commoner. Kung mayroon man siyang ipinagpasalamat, itinuring siyang apo ni Madam Lira. When she died, her properties were equally divided to all of her grandchildren. He gets the same amount whatever Cally gets. Gayunpaman, nagmula pa rin siya sa lansangan. Having these thoughts, there was a big difference between him and Sandra''s life status. Tila naramdaman naman ni Sandra na may nakatitig sa kanya kaya iminulat niya ang mata. She smiled beautifully like a flower when she saw Lorenz. "Come¡­" Sandra said in a morning voice. Inangat niya ang braso para madali niyang mayakap si Lorenz kapag lumapit ito. Agad na napawi ang kung ano man na pangit na iniisip ni Lorenz ng mga ngiting iyon. Lumapit si Lorenz sa asawa niya, sumampa sa kama at agad na pumaibabaw dito. Sandra embraced him. He kissed her lips as a response. "Bad breath pa ko" reklamo ni Sandra. Dinikit niya ang ilong sa leeg ni Lorenz. "Honey, I know you want to do it again but we have visitors" tudyo nito Nakapikit pa si Sandra at ninanamnam ang amoy ng asawa niya. "Hmm.. I want to sleep more." "But your Mom is here..." Biglang dilat ang mga mata ni Cassandra. "Mom?" saka niya sinalubong ang mata ni Lorenz. Halata ang seryoso sa mata nito. "...Are you sure?" Tumango lang si Lorenz. Dahil sa narinig, walang choice si Cassandra kung hindi ang silipin kung sino ang bisita nila sa baba. Nagmamadali na sinuot niya ang pantulog saka pinatungan iyon ng roba. Bumaba si Cassandra. kasunod si Lorenz. Nanlaki ang mata niya nang makilala ang glamorosang babae na eleganteng nakaupo sa mahabang sofa nila sa ibaba. "Ma!" malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Napatayo ito at agad na nagluha. "Sandra, Honey..." Humagulgol ito at ganoon din naman si Sandra. Nananatili na seryoso ang butler na kasama ng ginang at si Lorenz na nanonood lang sa dalawa. Disiotso anyos lang si Sandra nang huli niyang makita ang Mama niya at talaga naman na malaki ang ipinagbago nito. She looks different now, kahit pa mahigit isang dekada silang nawalay ng ginang. "How did you find me? Where is Dad? Where is Gregor?" hanap ni Cassandra sa tatay at kapatid niya nang makabawi. "I can''t find them¡­ it only means that they were dead" sagot nito. "I thought, you too are dead. I went to our home in Mexico three years ago, there was no one there. Isang malaking mall ang nakatayo sa dati nating bahay." "I sold it" sabi nito. "I want to forget my past that''s why I sold it!" bumakas ang hapdi sa mukha nito. Naiintindihan naman ni Sandra, kahit siya man ang malagay sa lugar ng Mama niya, ibebenta niya rin ang bahay nila. Sa bahay na iyon siya nabuo at ang kapatid niya na si Gregor. Kaya naiintindihan niya na mas ginusto nito na kalimutan ang sakit nang mawala ang buong pamilya nito -- tulad ng ginawa niya. Mas ginusto niya na mag-isa at bumuo ng bagong bukas. "I went back to my family." sabi nito na ikinagulat ni Cassandra. May sinasabi ang pamilya ng Mama niya na nainlove sa isang simpleng nurse, ang Papa niya. Hindi iyon tinanggap ng magulang nito hanggang sa sumama nga ito sa Papa niya sa Mexico para magtago. Ngunit hindi akalain ni Sandra na babalik ito sa pamilya nito na nakabase sa Sweden. "How come you are alive? How did you find me?" Chapter 354 - A Princess from far, far away Isang malaking tanong kay Cassandra kung paano ito nakaligtas. Kung tutuusin nakalimutan na nga niya ang mga naganap sa barko, nang gabing lamunin iyon ng dagat. Basta ang alam niya, malalaki at malakas ang hampas ng alon sa sinasakyan nila. Nakita niya sa labas ng bilog na bintana ang kulog at kidlat. Naririnig nilang magkapatid na nagtatalo ang magulang niya sa kabilang kwarto. Habang tahimik sila ni Gregor sa kwarto na nagpapanggap na walang naririnig. Hindi na nga niya matandaan ang rason kung bakit sila nasa cruise. Nagulat na lang siya nang lumabas ang Mama niya at nagagalit ang Papa niya. Nasuntok nito ang pader. Soon, her Dad asked her to follow her Mom. Lumabas siya para sundin ang Papa niya. Ilang saglit pa, nagkakagulo na ang mga tao na sakay nito. May mga natutumba ng mga kagamitan sa loob, hanggang sa makarating siya sa deck. Matapos iyon, malakas na gumewang na lang ang barko at isang bagay ang tumama sa ulo ni Sandra. Nang magising siya, mukha ni Captain Yeo ang bumungad sa kanya. Sinagot naman ng ginang ang tanong niya. "Someone saved me... I was saved by Richard''s son" tumingin ito sa lalaking nasa pintuan. Nilingon ni Sandra ang Butler na nasa pintuan. Hindi niya alam kung natatandaan niya ito. "Ilang taon ko na kayong pinapahanap¡­ for a couple of years, wala akong nakuhang sagot kaya naman naisip ko na baka nilamon na kayo ng dagat." "Until a friend came¡­ Your Dad''s friend who is working in a hospital, where you do your quarterly check-up to have a baby¡­ Pinuntahan niya ako sa Sweden, para ibenta sa akin ang impormasyon na kinaroroonan mo." Sa loob ng ilang taon, may pabuya na binigay ang Mama ni Cassandra para lang mahanap ang pamilya nito. Ngunit ilang taon siyang nasa barko ng Maria Celeste 1 kaya hindi rin siya nito nakita. Naubusan na lang ito ng pag-asa lalo na at ilang taon na ang lumipas. Hanggang isang araw, inilahad ng taong iyon ang lahat ng impormasyon tungkol sa kanya. Kahit ang pag-aasawa niya kay Lorenz Nagbakasakali lang ito na makahingi ng malaking pera sa ginang kapalit ng impormasyon ni Cassandra. "I''m happy now that I see you again." Hinaplos nito ang pisngi ni Cassandra. May luha na muling nahulog sa mata nito. Isang halik sa palad nito ang sinagot ni Sandra. "Oh, by the way" pinalapit niya si Lorenz. "He is my husband, Lorenz" pagpapakilala niya habang nakangiti. Tumango lang ang ginang at halos saglit lang na tiningnan si Lorenz. Ngunit agad na sinabi ang pakay sa pagpunta nito. "Honey, now that I see you again... Come home with me. I really miss you. Ipapakilala kita bilang anak ko sa pamilya. Hindi ka na maghihirap sa mga susunod na araw pa kapag tumira ka kasama ko sa Sweden" Natigilan si Sandra. Ganoon din si Lorenz na halos kumuyom ang kamao nito. Nagbalik muli ang insecurities nito sa katawan lalo at ramdam nito na hindi ito gusto ng ginang. Ngumiti rin naman si Sandra matapos makabawi at makapag-isip ng isasagot. "But I''m married, Ma, and I''m happy with my life now. And¡­ this is my home now." Halatang hindi ito natuwa sa sagot niya. Lumamig muli ang mga mata nito at wala na namang emosyon na makita. "How can you be happy with this small home? O bilang manager ng White Devil?" sabi nito na halos kutyain ang bahay na iyon. Hindi na nga nito binanggit ang trabaho ng asawa niya na para bang hindi ito kasali. Doon hindi natuwa si Sandra. Lalo na at kalahati ng buhay niya ay nasa laot siya at halos mangamoy isda. Isang simpleng Cassandra lamang siya sa kalahati ng buhay niya. Mas malaya pa ang mga taong-grasa kaysa sa kanya. Mas mayaman pa ang mga taong may natitirang isang daan sa wallet kaysa sa kanya. Kaya magrereklamo pa ba siya sa apartment na iyon na binigay ni Lorenz sa kanya? Buong-buhay nito na pagiging Dark Guard ang simbolo ng tahanan na iyon na para bang inaalay nito sa kanya ang buhay nito. At hindi iyon basta maliit na tahanan para sa kanilang dalawa ni Lorenz. Tatlo ang kwarto ng apartment na iyon at hindi rin iyon basta apartment. Kapitbahay nila ni Lorenz ang iilang celebrity sa bansa na iyon. Siguro sa mama niya ay simpleng bahay lang o apartment iyon. Pero kay Sandra, pinaghirapan iyon ng asawa niya. "I''m sorry Ma" Lumapit siya kay Lorenz na tahimik at ayaw makigulo sa usapan ng mag-ina. Hinawakan niya ito sa braso. "Wala akong pakialam sa dugo na mayroon ako." pinisil niya ang kamay ni Lorenz. Matapos iyon ay sinalubong niya ang mata ng asawa. "I don''t care if I''m a Princess of a big castle from far, far away. All I care about is I am now the Queen of this small apartment. I am Lorenz''s Queen" Chapter 355 - Ang Lobo Kahit masama ang loob ng nanay ni Cassandra, wala itong nagawa kung hindi ang imbitahan silang mag-asawa na magdinner sa gabing iyon bago ito bumalik sa Sweden. Nalaman nila na may bago ng asawa ang ginang. Isang duke sa bansa na iyon. Ang lalaki rin na dapat na pakakasalan nito kung hindi nito nakilala ang Papa niya. Wala itong anak at tanging si Sandra na lang ang descendant nito. Nakiusap din ang Mama niya na dalawin nila ito sa kaarawan nito para makasama siya na gaganapin sa susunod na buwan "Hindi ba magagalit sa akin ang Mama mo?" usisa ni Lorenz. Nanatili sila sa pintuan ng apartment para pagmasdan ang pag-alis ng makintab at makinis na kotse. Hindi mapakali si Lorenz dahil halata sa inakto ng ginang na ayaw nito sa kanya. Niyakap ni Sandra sa bewang ang asawa niya. "She won''t. This is my choice." Sinalubong ni Lorenz ang mata ng asawa niya. Parang kiniliti ang dibdib niya sa sinabi nito. Hindi niya maipaliwanag ang saya nang marinig mula sa bibig nito na ito ang reyna sa tahanan na iyon. She will be forever his queen. Gayunpaman, hindi pa rin mapalagay si Lorenz. Ibinaba niya ang mukha dahil hindi niya napigilan na halikan ito doon sa pintuan. He was really addicted to her. Her scent, her presence and all of her. He scooped his wife and brought her to their bedroom. "Let''s continue to sleep" bulong ni Sandra. Hindi pa sila tuluyan na nakakapagpahinga. "You don''t look excited at all after meeting your Mom" puna ni Lorenz matapos siya nito na mailapag sa kama. "I don''t know. I miss her, I miss my family but I don''t like political arrangements in her family. Hindi pa ko nakapunta sa bahay ng mga ninuno ko sa Sweden. They are more private than other royal families." Hinawi ni Lorenz ang buhok ng asawa niya. Simula nang makilala niya si Sandra, nagsimula rin ang pagkabaliw niya sa babae. Ginusto niya ang buong pagkatao nito. Hindi niya kakayanin na malayo si Sandra. "Your Mom looks like she is a pure Swedish. How come you look different?" Namumula ng kaunti ang kulay ni Sandra, samantalang parang hindi man lang nasinagan ng araw ang balat ng nanay nito. Ang tanging naging basehan ni Lorenz para masabi na mag-nanay ang dalawa ay ang pagkakahawig din ni Sandra sa nanay nito. "My dad is a mexican." Tumango si Lorenz. Hindi niya napigilan na mag-iwan ng halik sa pisngi ng asawa niya. "What about your family Lorenz?" Napatigil sa pagkilos si Lorenz. "My sister is now married to a bastard. Parang tinapon lang niya sa kung saan ang pagpapaaral ko sa kanya noon." Noon ay walang-sawa si Lorenz na tulungan ang kapatid niya dahil mayroon siyang magandang buhay. Sa una ay nabalitaan niya na maayos ang takbo ng buhay nito. Gusto nito na makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa hindi na ito pumapasok at winawaldas ang pera na pinadadala niya dito para lang sa personal nitong luho. Wala namang malalim na pagmamahal si Lorenz sa pamilya niya kaya pinagpasawalang bahala niya ang bagay na iyon. Ngayon, ang buhay niya ay sa Sandra. He kissed her gently. Saka ito niyakap para ipagpatuloy ang pagtulog. Papikit na siya nang mag-ring ang telepono niya na nasa ibabaw. Pangalan ni Mat-mat ang nakalagay sa screen. "Yes, King Matthew?" "Hinahanap kita dito sa base pero nag-file ka daw ng dayoff, kaya ako tumawag sa cellphone mo" sabi nito sa kabilang linya. Nasa Kent Mansion din kasi ang lalaki na kasama ni Cally na dumating sa bansa. "I''m still sleeping¡­" "ehhh¡­ Mukhang mahaba ang gabi ninyo ni Sandra. Hehe¡­ " tudyo nito. Hinilot niya ang sentido "Ano ba ang rason ng pagtawag mo?" "Nothing important. I just want to confirm the rumors na nakita kayo ni Sandra ng dalawang Dark Guard ng nagdaang gabi na may ginagawa sa kalye. Ahihi" Mas lalong sumakit ang sentido ni Lorenz. Mukhang nakitaan din siya ng mali ng dalawang Dark Guards kaya na-excite ang mga ito na magkwento sa iba. ''Ang dalawang iyon!'' "Nice Shogun! Mukhang hindi sayang ang mga tinuturo ko sa iyo" "Gago! Anong tinuturo? Lahat iyon ay self-study!" Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Ituturo ko sa iyo kung paano magkaanak, gusto mo?" Tahimik lang na naghintay si Lorenz ng susunod na sasabihin nito. "Simple lang, huwag kang bibili ng Lobo! Sabi nga sa kantang ''Ako ay may Lobo'', sayang ang pera, kaya huwag kang bibili ng lobo" "Gago! Ibalot kita sa lobo kapag nakita kita e. Kung wala kang gagawin, sasabihin ko kay Donna na wala ka namang ginagawa dito para pauwiin ka at mag-alaga ng tatlong itlog mo sa Maynila." "Bye Shogun!" halata na natakot ito sa banta niya kaya nagpaalam na. Chapter 356 - The Visitor Sa Kent Mansion. Tatlong araw pa lang si Prin at Cally nang isang bisita ang hindi nila inaasahan na dadalaw doon, si Apolo. Hinarap ni Ginny at Cloud Han si Apolo sa main hall ng Kent Mansion kung saan ginaganap din ang hatol o ang meeting ng mga elders ng Dark Lords. Isang malaking hall iyon. Sa gitna ay may makapal at mahabang mesa na gawa sa kahoy. "Why did you come here?" malamig na tanong ni Ginny. She doesn''t want to see Apolo at all. Nakaupo sila ni Cloud sa dulong bahagi ng mesa. Si Apolo naman sa kabilang dulo. Pinagbigyan na niya ang lalaki ng maraming beses. Matatanda na sila pero hindi pa rin nagbabago si Apolo. He was still cunning at makasarili. "Nasabi na sa ''kin ni Felix that Yuna is here." sagot ni Apolo na halos hindi makatingin sa mag-asawa. Naniningkit ang mga mata ni Ginny. "Sa ilang beses, sa ilang linggo na mga pagtawag ko sa ''yo ay halos ayaw mo akong harapin. Tapos, bigla ka na lang na susulpot dito?" "I came here to see Yuna." "You already knew that she is not that real Yuna!" galit na natapik ni Ginny ang mesa. Kumuyom ang kamay ni Apolo. Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ginny na sinabi ang nais. She doesn''t like bullshits at sa mga mabubulaklak na salita. Hangga''t maaari gusto niya na sabihin agad ang nais para matapos na ang usapan. "Apolo, why did you hide Prin? She is my family. Why did you hide her?" Huminga ng malalim si Apolo saka nagsimulang magpaliwanag. Sa palagay niya, wala na siyang choice kung hindi ang sabihin ang totoo. "Hindi ko rin ito alam nang una. Sunog ang mukha niya nang mailigtas namin siya mula sa dagat. Hindi ko pa alam nang una na hindi talaga siya ang anak ko. I groomed her. Tinuruan ko siya sa business. Luckily, I saw something in her. Hanggang sa magduda ako nang makita ko sa malapitan ang mga mata niya." malungkot na saad ni Apolo. "I knew it!" bulong ni Ginny. Si Cloud naman ay naguguluhan pero tahimik na nakikinig sa laban ng asawa niya dito kay Apolo. "Yuna has brown eyes na nakuha niya sa Mommy niya, while Prin has black" patuloy nito. "Ginny, you know that there was no one in my family who is capable to handle my family''s business. I don''t have time¡­ I have cancer." Nabigla si Ginny, si Cloud naman ay walang pakialam. "I came here to personally see her. Still, I was able to save her three years ago. Siguro naman ay hindi mo ipagkakait sa akin ang bagay na iyon" pakiusap ni Apolo. "I''m here." pumasok si Prin kasunod si Khalid na seryoso sa malaking hall. Sinarado muli niya ang pintuan na gawa sa kahoy kaya umingit iyon. Natahimik si Apolo. Tumayo lang si Prin malapit sa bintana, malayo sa parehas na panig. Si Khalid ay nagtungo kay Cloud Han dahil parehas silang walang pakialam sa nagaganap. Umupo ito sa kandungan ni Cloud. "Mama Ginny, Ninong Cloud¡­ matagal ko nang napatawad si Apolo. I also wanted to know kung ano ang rason niya para itago ako. Pero alam ko po na wala siyang intensyon na ipahamak ako¡­ I was saved three years ago and helped me." "Nang birthday ni Khalid, he asked me to send a birthday cake for my son. Kung may intensyon siya na itago ako, hindi niya ako hahayaan na manatili sa Maynila kung saan naroon si Cally at Khalid." "Hindi niya ko hahayaan na manatili kung nasaan ang pamilya ko. Marami man ang taon na nawala sa akin na makasama kayong lahat. Ayos lang. I''m still came back." Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang mga Dark Guards na nagsasanay. "Sa tingin ko, mas masasaktan si Cally na makita ako na nahihirapan three years ago. Sa akin mapupunta ang focus niya and my kid would be alone. Kaya naman pinapatawad ko na si Apolo." Nagkaroon ng mahabang katahimikan. "Thank you, Prin Matsui..." si Apolo rin ang unang nagsalita. Kinuha nito ang kwadradong bag na dala at binuksan iyon. May inilabas itong mga papeles mula sa loob. "I came here to give you half of my properties." seryosong saad ni Apolo. Natahimik si Prin. Nanlaki ang mata ni Khalid. "But Apolo, what about your family?" nakabawi si Ginny at siya ang mas nag-aalala. Hindi kaila sa kanya na may isa pa itong anak, si Mari. Maliit lang ang pamilya ni Apolo dahil nag-iisang anak lang ito na mas lalong pang naging kumplikado dahil hindi ito nag-asawa. "Don''t worry about them. This is mine¡­ I have all the rights kung kanino ko ibibigay. Ilang buwan na lang ang itatagal ko kaya desidido na ako na ibigay kay Prin ang kalahati ng yaman ko." Iniwan nito ang lahat ng dokumento sa ibabaw ng mesa. "I will give my Apolo Island to you Ginny." sabi nito saka tuluyan na lumabas. Nagtaas ang kilay ni Cloud sa huling sinabi nito. Doon unang nagkakilala ang asawa niya saka ang lalaki, kaya paano siyang matutuwa? "Mommy, don''t you like these properties?" nagulat na lang si Prin na hawak na ng anak niya ang mga dokumento. "You can give this to me instead." sabi nito na nakangisi. Prin "..." Chapter 357 - Mother and Babys Trouble (1) Sa loob ng ilang araw, nag-training si Prin kasama ang mga Dark Guards sa Kent Mansion. Dahil ang Gray Guards ang nakabase sa lugar, sa shooting siya nagsanay. Kasabay niya si Khalid na nagsanay pati sa martial arts. Hindi nakaligtas sa kanila na nagpunta ang nanay ni Sandra sa bansa na may magulong background. Isang Princess ang nanay nito na nag-asawa ng isang commoner. Kaya pinawalang bisa ang estado nito sa buhay. Nagbalik ito sa pamilya. Ngunit kapalit ng pagbabalik nito ay kinailangan ng mama ni Sandra na pakasalan ang kung sino mang prinsipe na ireto dito ng pamilya. Naguguluhan si Prin at tanging ''Goodluck!'' na lang ang nasabi niya kay Shogun. Mas magulo pa kasi ang buhay ni Sandra sa kwento ng Dark Lords. Ilang araw pa ang lumipas, natapos ang isang linggo na bakasyon nila. "Baby, what is your plan for today?" tanong ni Prin kay Khalid habang pinapakain niya ito ng cereals isang umaga. "This morning, I like to run outside. In the afternoon, I like to go to the ice cream house that we went to with your secretary" sabi nito. Kumunot ang noo ni Prin nang maisip ang ice cream house ng mga fan girls. "Are you sure?" Tumango ito. "I like their french fries and smoothie." mabait na saad nito sa kanya. Naisip ni Prin na makulay kasi ang tindahan na iyon at normal na magustuhan ng mga bata. There were shades of pink everywhere. May isang parte pa na pwedeng maglaro ng sudoku, crossword puzzle at kung ano pa na masayang laruin na hindi ginagamitan ng technology. Kaya lang¡­ Hindi niya makalimutan ang mga trip nito. Kakaiba pa ang paraan ng pagpaparusa nito sa kanila. At mas lalong kakaiba kung paano purihan ng mga ito ang asawa niya. Hindi ba''t parang ang weird na makiisa siya doon? "Okay! after 30 minutes, we will run." nakangiti niyang sabi. Pansin ni Prin na mas matigas ang muscle ng anak niya ngayon kumpara noon dahil na rin kasabay niya ito na nag-eensayo. "Baby, mas maganda na ang katawan mo ngayon" sabi niya habang pinipisil-pisil ang braso ni Khalid. "Really? Then, I have to thank Mommy for taking good care of me" Nakangiti na sabi nito. Tuwang-tuwa si Prin sa anak niya. She is proud of herself for having a son like Khalid. Super sweet at super cute. At super yaman! Hindi niya napigilan na halikan ito ng paulit-ulit sa mukha. Naisip ni Prin na sa park na nasa malapit sila tumakbo ni Khalid. 10 minutes lang na drive mula sa white castle ang park na napili niya. Matapos ang ilang laps ng pagtakbo, inaya niya si Khalid na magpahinga muna sa isang bench bago sila sumakay sa kotse pabalik. Sinilip na muna niya ang cellphone na nakalagay sa belt bag at nakita ang mensahe mula kay Mildred. Pumapayag ito na samahan sila sa ice cream house ng grupo nito. Samantala, habang nakaupo si Khalid, nakita niya ang isang bata na naglalaro sa walong taon na pinalo ang isang asong kalye. Umungol ang aso. Nakita ni Khalid na busy ang Mommy niya sa cellphone kaya bumaba siya saglit sa bench. Nilapitan ni Khalid ang bata at ang kawawang aso. "What are you doing?" nakakunot ang noo ni Khalid. Nakita niya na may namuong luha sa mata ng kawawang aso. He can tell na nasasaktan ito sa ginawa ng batang lalaki. The dog was helpless. "No one owns him. Huwag kang makialam" Pinagpatuloy lang ng bata ang ginagawa. Pinalo nito ng kawayan ang kawawang aso. "I said stop!" kumuyom ang kamao ni Khalid. "What? What?" naghahamon na tanong nito sa kanya. Pailalim kung tingnan nito si Khalid. "Go home with your Mommy. Can''t you see that you are smaller than me." mayabang na sabi. Ngumisi ito kay Khalid saka umakto na ihahampas muli ang kawayan sa aso. Hindi napigilan ni Khalid na sinipa ang kawayan na hawak nito. Mabilis siyang natuto sa pagsasanay kasama ng Mommy niya sa Kent Mansion. Nabali ang kawayan at tumilapon iyon pataas. Nakaramdam ng takot ang bata dahil nabali ang kawayan at agad na umiyak. Malakas kasi ang loob nito na mambully dahil may kawayan na hawak panghampas at nasa paligid din ang magulang nito. Khalid felt annoyed seeing the kid suddenly cry. After threatening him, he cried? Lumapit sa kanila ang tatay nito na nasa paligid lang. Malaki ang katawan nito. Pwedeng ihalintulad sa mga wrestlers na malaki ang katawan, maliit ang tooot¡­ "Hey, You kid, what did you do to my son?" tila naghahamon din na hinarap si Khalid. Si Khalid naman ay kalmado at nagtaas pa ng bahagya ang kilay. Wala naman siyang ginawa sa bata kaya bakit siya ang hinaharap nito? His heart is aching seeing the dog na hindi makatayo. Having his Mommy near him, walang mangyayari sa kanyang masama or else this guy is looking for his death. Humalukipkip si Khalid. "Seriously? A brainless son and a brainless Dad that looks like Undertaker." "Who''s Undertaker?" Inisa-isa ni Khalid ang napupuna niya sa lalaki. "Your hair looks like an overcooked spaghetti, your eyes pupping like a wine cork. And you have b.o.o.b.s. A man with b.o.o.b.s?" Halatang nagalit ito dahil sa mga pintas ni Khalid kaya nagkikiskis ang mga ngipin na lumapit ito sa kanya. "You are looking for a beating!" Chapter 358 - Mommy and Babys trouble (2) Katatapos lang ni Prin na magpadala ng mensahe kay Mildred nang mapansin na wala ang anak niya sa tabi. ''Waahhh! Saan na naman nagpunta ang batang iyon?'' nagpa-panic na siya dahil baka may huthutan na naman ang anak niya. Inikot niya ang paningin at agad naman niyang nakita si Khalid sa hindi kalayuan na may kausap na malaking mama. Nagtaas ang kilay ni Prin lalo na at pansin niya mula sa pwesto na umasim ang mukha ng malaking mama at halatang nagalit sa anak niya. Agad na lumapit siya dahil baka kung ano ang gawin nito kay Khalid. Tulad ng inaasahan, humakbang ito papalapit kay Khalid na halatang galit. Dadamputin na lang sana nito sa magkabilang braso ang anak niya nang maunahan ito ni Prin. Mabilis niyang nakarga si Khalid at itinago sa likuran. "What are you trying to do?!" tanong niya sa lalaki. Nakakunot ang noo ni Prin at malamig ang mga mata. Ano ang plano na gawin ng lalaking ito sa baby panda niya? "Are you his Mom? He did something to my son" sabi nito. Tinuro nito ang anak na umiiyak sa tabi. Tiningnan ni Prin ang anak na tinuro nito. Obvious na mas malaki ang anak nito. Isa pa, hindi siya naniniwala na may ginawa si Khalid sa batang ito nang walang dahilan. Humalukipkip siya "Halata naman na mas malaki ang anak mo sa baby ko. Anong sinasabi mo d''yan na pinaiyak ng anak ko ang anak mo?" "Wala akong pakialam! You see, he is crying! You made my kid cry kaya kailangan magbayad ng anak mo!" "Hey you! The man with Big b.o.o.b.s with a hair like overcooked spaghetti! At mukhang hindi pa naliligo! Dadaan ka muna sa akin bago maglandas ang maitim mong kamay sa Baby ko!" matapang na saad niya dito. Mas lalong nagdilim ang paningin ng lalaki lalo na at parehas na panglalait ang nakuha niya sa nanay at sa batang lalaki. "Hindi ka din talaga natatakot ha! Hindi mo ba ako kilala?!" mas lumaki ang boses nito na halatang nag-iinit na ang ulo nito sa kanya. "Bakit? Ikaw ba si Undertaker?" tanong ni Prin. Lalaki "..." Kumuha na sila ng atensyon sa iba pang mga nagliliw-aliw sa park. "Miss, mag-sorry ka na lang. Siga yan dito." sabi sa kanya ng isang lalaki na nasa paligid. "Oo nga marami nang ginulpi yan dito sa park." sabi pa ng isang ale na may kasamang sanggol. "Anak iyan ni Konsehal at lider ng ''Pengepera gang'' ang taong iyan, si Boy Kot" Umikot lang ang mata ni Prin sa nadinig. ''Pengepera?'' Kung mayroon man na karapat-dapat na maging lider ng pengepera, malamang si Khalid iyon! Ang lalaking ito ay nababagay sa ''Noodle hair gang''. "Don''t blame me kung sa ospital ka mauuwi ngayong araw" umismid ito. Saka lumapit sa kanya. Hahablutin pa lang sana nito si Prin nang isang malakas na uppercut ang binigay niya sa lalaki. Napaatras ito ng ilang hakbang dahil sa suntok ni Prin at mas lalong umasim ang mukha nito dahil sa ginawa niya. Hinawakan nito ang pisngi na sumakit. "Talagang malakas ang loob mo ha!" singhal ng lalaki. Nag-alala ang mga nasa paligid para kay Prin. Tumawag na ng tulong ang isa. Humapdi naman ang kamao ni Prin matapos niya itong suntukin. "Tss!" she hissed. Kung nasuntok siguro niya ito noong malakas pa ang katawan niya, malamang ay K.O na ang lalaki. Kaya lang ilang araw pa lang siya na nagsasanay. Ang importante sa ngayon ay hindi niya hahayaan na dumapo ang kamay nito sa mukha niya dahil baka lumipad na lang ang ilong niya sa kung saan. Baka tumabingi ang pisngi niya at hindi na bumalik pa sa normal. Mas malaking problema iyon kapag nagkataon. Sumugod ang lalaki at hinawakan siya braso. Sasampalin sana siya nito sa pisngi ngunit nakailag si Prin. Inikot niya ang kamay para makawala sa pagkakahawak nito. Mabilis na nakapunta siya sa likuran ng lalaki at ubod-lakas na itinulak niya ito sa sahig. Hindi naman siya nabigo na napadapa ito sa damuhan. Pinaibabawan niya ito. Dahil masakit pa ang kamao niya naisip niya na sabunutan na lang ito. Hinawakan niya ang overcooked na buhok nito at sinabunutan ang lalaki. "Ang galing-galing mo na pagplanuhan ng masama ang anak ko, Mukha kang linta na naiwan sa singit ng buwaya! panget!" "Ahhhh!" hiyaw ng lalaki. Para siyang wrestler na ginugulpi si undertaker. Nasa ganoong akto siya nang may dumating na dalawang pulis. Sakto kasi na may nagrorondag pulis sa paligid. Pinaghiwalay sila nito. "Ikaw na naman Boy Kot!" parang hindi makapaniwala na saad ng pulis. Halatang kilala na nito ang lalaki. "Boss, Boss, look, ginulpi niya ako!" reklamo ni Boy Kot sa pulis. Tinuturo pa nito ang pisngi na may pasa. Tahimik naman si Prin at hindi interesado sa reklamo nito. "Nakita niyo naman ang ginawa niya di ba? Ginulpi niya ako" Unang beses na marinig ng mga pulis na may gumulpi sa lalaki, at isang payat na babae na may kasamang kyut na bata ang gagawa nito. Sumasakit ang ulo ng dalawang pulis kaya wala silang pagpipilian kung hindi ang parehas na dalhin si Prin at si Boy Kot sa istasyon kasama ng dalawang bata. "Bring my Dog! The guy beat him" hiling ni Khalid sa mamang pulis. Wala namang nagawa ang pulis lalo na at mukhang anghel si Khalid na parang maiiyak kapag iniwan ang askal nito. Dinala sa presinto si Prin, si Khalid, and aso at ang magtatay para magbigay ng detalye. "Baby, we have to look pitiful para paalisin nila tayo agad" utos niya sa anak. Ilang minuto pa lang na mabait na nakaupo ang mag-nanay, katabi ang isang askal nang dumating si Cally na madilim ang paningin. Nanlaki ang mata ni Prin at hindi alam kung saan magtatago. "Baby, let''s pray" "Mommy, let''s hide..." Chapter 359 - Si Askal Nabigla si Cally nang sabihin ni Xander na nasa presinto ang asawa at anak niya. Kaya tinapos niya agad ang trabaho atnagmadali siya na makarating ng presinto. Malamig ang mga mata niya na sumalubong kay Prin at Khalid. Hindi alam ng asawa niya kung saang butas magtatago. Siya ang nakipag-usap sa pulis na humuli kay Prin para alamin ang problema. Pumasok siya sa loob ng opisina na ang kalahati ay salamin. Sakto lang na natatanaw niya pa ang asawa at anak na parehas nakatingin sa kanya at kinakabahan. "Master Cally, hindi ko akalain na anak niyo po pala yung bata at asawa niyo ''yung babae. Sabi kasi ng anak niyo, ginugulpi ng anak ni Boy Kot ang aso niya kaya niya ito pinigilan. Hindi ko lang po akalain na isang askal ang alaga niyong aso" Sabi ng kausap niyang pulis. Sa isip ng pulis, kahit bangungutin siya, hindi niya akalain na isang askal ang aalagaan ng isang tagapagmana ng MGM. Nilingon ni Cally ang kawawang aso na nasa tabi ni Khalid. Hinahaplos naman ng anak niya ang balahibo nito. Hindi niya na nagawang itama pa at sabihin na hindi kanila ang aso na iyon. Kailangan lang niyang bilisan ang pag-ayos sa problema dahil sa tingin niya ay nanghihina na ang aso. "Ang problema po ngayon Master, si Boy Kot, nagrereklamo dahil ginulpi daw ng misis niyo." tinuro ng pulis ang lalaki na nakaupo at katatapos lang hingan ng detalye. Katabi naman nito ang anak. "Oo! Kailangan niyo ''kong bayaran!" napatayo ito. "Nilait ako ako ng anak mo, sinuntok ako saka sinabunutan ng misis mo" reklamo nito. Napangiwi siya sa nadinig. Nag-init ang ulo niya dahiI sa isang rason, siguradong namamaga ang kamay ng asawa niya sa ngayon. "Saan dumapo ang kamay ng misis ko sa ''yo?" malamig na tanong niya sa lalaki. Tinuro nito ang pisngi. Bahagya nang namamaga ang pisngi nito "Dito, yung ngipin ko sa loob nagcrack na nga, saka sinabunutan pa ko kaya masakit ang anit ko!" inisa-isa nito ang reklamo. Tumingin si Cally sa pulis. "Tapyasin ang pisngi ng lalaking iyan na sinuntok ng asawa ko, saka kalbuhin ang buhok." Pulis "..." Boy Kot "..." Saglit na lumamig ang paligid. "Kung walang gagawa, ako na ang magkukusa. Ibibigay ko ang medical fees na hinihingi mo pagkatapos" Kinabahan ang lalaki. Napansin nito na hindi simple si Cally. Mabilis na lumuhod ang lalaki sa harap ni Cally. "M-master, nagbibiro lang po ako¡­ Hi-hindi na po ako magrereklamo!" Cally felt annoyed. Matapos siyang hamunin bigla na lang itong luluhod? Nasaktan ang kamay ng misis niya tapos hahamunin pa siya nito? "It''s settled then." Kumatok si Khalid sa pintuan bago lumabas ang Daddy niya, saka pumasok sa loob ng opisina. "Daddy, we need to bring my Dog to a vet." malungkot na sabi nito. ''Kailan pa sila nagkaroon ng aso?'' Sunod na ginawa ni Khalid ay lumapit sa lalaki. Kinalabit ito na nananatiling nakaluhod. "Hey Mister, on behalf of your kid, you have to pay for my Dog''s vet expense." Cally "..." "I assumed he has internal bleeding and bone fractures. You must pay 30 thousand" seryoso na saad ni Khalid. Nanlaki ang mata ng lalaki, pati na ang bata na anak niyo ay agad natakot. Sa isip ni Boy Kot, Paanong nangyari na nabaligtad ang sitwasyon? Siya itong nakaisip na manghihingi ng pera dahil mukhang mayaman ang mag-ina, paanong nangyari na siya na ngayon ang maglalabas ng pera? At para sa askal? "200 lang ang bentahan ng aso mo. Bakit ako magbabayad ng 30 thousand?" nanlalaki ang mata nito. "Daddy¡­ Mr. Police¡­ " he looks so sad and pitiful. Sinabi ng Mommy niya na kailangan mukha silang kawawa kaya kailangan niyang galingan. Naawa ang pulis sa awra ng mukha ni Khalid na parang maiiyak. "Hoy! Boy Kot! Bigay mo na yung 30 thousand!" ang pulis mismo ang nag-utos dito. "Ha!!!! Boss, askal lang yun. Papalitan ko na lang! 200 lang bentahan no''n samin. Minsan nga binibigay lang ng kapitbahay iyon. Bakit ako magbibigay ng 30 thousand? Ano ba iyong aso mo pomeranian?!" "Mr. Police¡­ my dog will soon die..." namula ang mata ni Khalid at may namuong luha. Anumang oras ay iiyak na. "Boy Kot!!!!!" sigaw ng pulis dito. "Heto na! Put--" "Huwag kang magmura dito! May mga bata!" galit na singhal ng pulis. "Asong gala naman talaga!" ang tanging naging mura nito. Nilabas nito ang wallet, saka binigay kay Khalid ang 30, 000 cash! Halos mangiyak ang lalaki na 30 pesos na lang ang natira sa wallet nito. Chapter 360 - Giving name to a Dog Matapos makakuha ng pera ni Khalid lumabas siya saka nilapitan ang aso. "Mommy, hold my money" Inabot nito kay prin ang isang bungkos ng lilibuhin. "Huwaaaw! Paano ka nagkaroon ng pera? Limang minuto ka lang nawala, pagbalik mo may pera ka agad? I love you na Baby! Mas mahal na kita sa Daddy mo" Cally "..." "That''s what you called making business" mayabang na sagot ng anak niya. Nagtaas ang kilay ni Cally sa usapan ng asawa at anak niya, na akala ng mga ito ay wala siya sa paligid. "Kayong dalawa. Hindi pa kayo lusot dito sa ginawa niyo." Napalunok si Prin. Binuhat ni Cally ang aso na sobrang baho saka isinakay sa sasakyan. Dinala muna nila sa vet clinic ang aso para mapasuri. Kinuwento ni Khalid ang mga nakita niya na naganap sa aso sa doktor. Habang namumula ang pisngi ng assistant nito na sinusulat sa papel ang mga instruction ng veterinarian. Pinasok sa loob ang aso para suriin habang naghihintay sila sa labas. Tanging salamin lang ang nakapagitan sa kanila at sa loob kung saan ito sinusuri. Binantayan ni Khalid ang aso sa pagitan ng mga salamin. Gusto niyang silipin kung ano ang ginagawa ng doktor. Para bang ayaw niyang mawalay ang mata sa loob. "Give me your hand" utos naman ni Cally kay Prin habang nakaupo sa sofa na nandoon sa labas. Ngunit sa halip na ibigay kay Cally. Itinago niya sa likod ang kamay. "No. No, Husbie. M-my hands are fine." Humalukipkip si Cally sa harapan niya at saka siya nito tiningnan. Napalunok siya lalo na at nagbabanta ang mata nito. "Hindi mo ba ibibigay?" Napilitan na ilabas ni Prin ang dalawang kamay. Iniwas niya ang paningin dito para hindi niya makita ang pag-asim ng mukha nito. Sinuri naman iyon ni Cally. "Tss" Umasim nga ang mukha nito nang makita ang kaunting galos at pamumula ng kamay ni Prin. "Miss, pahingi naman ng gamot sa sugat, yung pang-aso" hiling ni Cally sa assistant na babae ng doktor. Namumula ang pisngi nito na tumango saka nagtungo sa kabinet. Agad naman na binawi ni Prin ang kamay "Ba-ba-bakit pang-aso? A-ano ang akala mo sa akin Shih Tzu?" "Hindi! Isa kang Rottweiler na sobrang tapang sa pakikipag-away. Look at your hands!" galit na sabi. Napangiwi na lang si Prin at hindi naka-alma. May dalang betadine, ointment at bulak ang assistant at inabot iyon kay Cally. Puna ni Prin na nakadenggoy na naman ang pagmumukha ng asawa niya sa vet clinic na iyon. Nilinis ni Cally ang kamay ni Prin. Mas lalong umaasim ang mukha nito habang tumatagal ang pagpahid nito ng ointment sa kamay niya. Nakaramdam naman ng inggit ang assistant habang inaasikaso siya ni Cally. "Husbie, isang beses lang naman ''yung suntok na ginawa ko. Sa-saka pinagtanggol ko lang ang anak natin¡­ Hindi ko naman hahayaan na saktan niya ang anak natin. At saka, nung masakit na ang kamay ko, sinabunutan ko na lang siya." mahaba niyang katwiran. Lalong napangiwi si Cally saka siya nito tiningnan. Pinitik nito ang namumula niyang kamao. "Aw!" "At talaga namang kailangan mo pang ipagmalaki ang ginawa mo?" "Sasaktan niya kasi ako Husbie kaya bago niya gawin iyon, inunahan ko na siya." "Ang punto ko dito, bakit parang hindi kayo mapirmi sa bahay ni Khalid? Panay ang lakwatsa niyo tapos laging may gulo na nakasunod sa inyo. Isang buwan na kayong grounded at sa bahay lang kayong dalawa simula ngayon. Parang may balat sa puwit ang isa sa inyo." "For sure it''s not me" sabad ni Khalid. "Hey, you kid! Don''t you love me anymore? Why are you conniving with your Daddy?" nakapamewang na tanong niya dito. Lumapit ito saka yumakap agad sa kanya. "Of course not! I love my Mommy the most!" "Sigurado ka na ba na gusto mong iuwi ang askal?" tanong ni Cally sa anak nila. Tumango lang ito. Napangiwi si Cally. Mula sa leopard na alaga nila noon, ang pumalit ngayon ay isang askal? Nalungkot siya nang maisip si Bantay. Inabot din nang ilang taon bago ito nanghina at namatay. Sa ngayon, isang cub ang bagong dating na kalahi ni Bantay ang inaalagaan ng Daddy niya na nasa bas.e.m.e.nt ng Kent Mansion. Ngumiti si Cally. Kung isang aso ang gusto ng anak niya ay wala na siyang magagawa pa. Hindi niya lang akalain na magkakainteres si Khalid sa isang askal. Mula kay Boi-boi na isang Akita dog na nagkakahalaga ng isang daang libo na alaga ng pamilya, ang napusuan ng anak niya ay isang Askal na napulot lang sa kalye. "What name are you giving him?" tanong ni Cally. "Spaghetti" mungkahi ni Prin. dahil si Spaghetti man ang nagbigay sa kanila sa aso na iyon. "Askal" si Cally. "O kaya ''LuckyMe''!" si Prin muli dahil noodles talaga ang tingin nya sa buhok ng lalaki. "''Asomo'' o kaya ''Azoko'' dahil aso natin siya." "Billionaire" huling desisyon ni Khalid. Prin "..." Cally "..." Sigurado siya na ang aso na iyon ang pinakamayaman na askal sa buong Pilipinas! Chapter 361 - Joining a piano competition Iiwan nila sa vet clinic si Billionaire. Kailangan kasing gamutin ang bahagyang nabali na buto nito sa binti. Tulad din ng sinabi ni Khalid, may internal bleeding ang aso at kailangan na bantayan ng doktor. Medyo natatawa pa ang vet nang malaman na ''Billionaire'' ang pangalan ng askal ng pamilya. Thirty thousand ang unang singil sa kanila at agad na inabot ni Khalid ang nakuha nitong pera mula kay Boy Kot sa doktor. Ang susunod na bill sa kanila ay depende sa kung ano pa ang maging resulta ng paggaling ni Billionaire. At sinabi rin nito na tatlong libo ang pagstay ng aso sa vet clinic. "Doctor, I will pay any amount just do your everything to save him." sabi nito na akala mo ay matured ang nagsabi na ikinagulat ng doktor. "Don''t worry, your parents will sure pay." hinaplos pa nito sa buhok si Khalid. "Nope, I was the one who will pay. Send the bill to my home in White Castle. The address was written in the form." Vet "..." Si Prin at Cally ay kalma lang at hindi na nabigla pa sa sinabi ng anak nila. Sa isip ni Prin, nawala na siya ng tatlong taon pero mas malaki pa ang kinita ng anak niya sa tatlong buwan kaysa sa mga sinuweldo niya sa Romantik Grand Hotel. Nakakunot ang noo ng doktor pero tumango na lang dahil ayaw nito na magpahiya ng bata. May naiisip na nga kung tutuusin si Khalid kung paano magkakaroon ng pera. Matapos niyang kumita ng malaking pera sa loob lang ng ilang buwan, ngayon pa ba siya hihingi ng pera sa magulang niya? May ideya na nga siya kung saan magkakaroon ng pera. Magsisimula iyon sa araw na iyon. Sunod ay sasali siya sa piano competition! Ayon kay Teacher Bei, one hundred thousand ang kikitain niya sa competition ng Junior 1, kung saan sumpu pababa ang edad na pwedeng sumali. Unang beses niyang mag-eeffort, nang hindi gagamit ng talent niya sa pakikipag-negosasyon. Ang gagamitin niya ay ang talento niya mismo para kay Billionaire. Sa isang restaurant sila nagpunta para mananghalian na sobrang late na dahil ang daming nangyari sa kanila sa araw na iyon. Sinabi kaagad ni Khalid ang nais niya sa magulang. "Mommy, Daddy, I want to compete in a piano competition." sabi ni Khalid habang hinihintay ang pagkain. "Wow talaga, Baby!" natuwa si Prin. Gusto niyang makita ang anak na makipag-compete sa piano. "Yes. Teacher Bei told me that she will send my video to Gurwitz International and they will decide if I''m accepted or not¡­ The competition will take place after two weeks in¡­ Germany" Titingnan lang ng mga lider at composer ang galaw ng kamay ni Khalid mula sa video.tapos kapag nagustuhan siya isasali siya sa kumpetisyon. Pumalakpak si Prin. Mapapanood na niya ang anak, makakatakas pa siya saglit sa mata ng asawa niya. Mabuti na lang at hindi ito nakahalata. Ilang saglit lang dumating ang pagkain. Tahimik silang kumain. Si Khalid naman ay may hawak na tablet at sa tingin ni Prin ay naglalaro. "Mommy let''s go to the ice cream house for desserts" hiling ni Khalid matapos nilang mag lunch na sobrang late na. Naalala ni Prin na may usapan nga pala sila ni Mildred na kikitain niya ito. "I will tell Mildred" sabi niya. Day off naman ni Mildred sa araw na iyon kaya libre ang babae sa maghapon. "I told you, you two are grounded." Sabad ni Cally. Kung mag-usap kasi ang magnanay ay parang balewala dito ang parusa niya. "Why don''t you join us instead?" Tanong ni Khalid na parang nakikiusap ang mata. "Yeah, Husbie. Maganda doon saka masarap ang smoothie nila." sabi niya sa asawa nang bigla niyang maisip na lugar nga pala iyon ng fan girls. Napangiwi siya. "Baby yeah, w-we are grounded." Sabi niya sa anak. Binaba ni Cally ang table napkin matapos punasan ang bibig. "Okay lang, samahan ko na lang kayo. Mamayang alas sais ako ulit aalis for meeting. May oras pa ko na samahan kayo" Napangiwi si Prin. Bakit ba kasi mabilis niyang nakalimutan ang tungkol doon? Hinihiling niya na sana ay walang fan girls sa lugar. Pero masyadong na-underestimate ni Prin si Khalid. Hindi niya alam na binebenta na pala sila ng anak niya kay Mildred. Habang nanananghalian, kausap nito si Mildred sa tablet nito at sinabi na on the way na ang Daddy niya. Katulad ng presyo niya kay Mildred, every fangirl should pay five thousand meeting his Dad. Additional ten thousand if they want a selfie and signature. But he told her that they have to make sure that no one will harass his Dad or else his Mommy will be angry, at hindi na sila bati kapag nagalit si Mommy. Lumipat nga sila ng ice cream house. Kinakabahan si Prin sa bungad pa lang dahil baka poreber na siyang grounded kapag nalaman ng asawa niya na nagawa niya pa na makipag-mingle sa fans nito. Chapter 362 - Weirdest Place Kinakabahan si Prin na binuksan ang pintuan. Tumunog agad ang chime nito. Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid. Nagliwanag ang mukha ng fangirls nang makita ang idolo nila na si Cally nang pumasok sa loob ng lugar. Inikot ni Cally ang paningin sa paligid. Hindi na siya nagtaka nang makita ang anyo ng Ice cream house na iyon. Puro larawan ng kung sinu-sinong celebrity under MGM ang mga nakita niya na maayos ang pagkakasabit sa pader. Napansin niya na halos lahat ng mesa ay okupado at may nakaupo, bukod sa nag-iisang mesa na available kung saan para inilaan talaga para sa pamilya niya. Malapad ang pagkakangiti nang mga tao at halos lahat ay kababaihan. Bahagya siyang na-conscious dahil kakaiba tumingin sa kanya ang mga ito. Lahat ay sa direksyon niya nakatingin at tila ba magniningning ang mata na nakakita ng artista. Pinilig ni Cally ang ulo para maiwasan niya ang mga naiisip. Umupo sila sa harap ng bakanteng mesa. "Hello Miss Yuna" bati ni Mildred na lumapit sa mesa nila. Kumindat ito kay Khalid. Parang mabubulunan si Prin sa sarili niyang laway. Sobra ang kaba niya. Ang una niyang napansin ay wala ang malalaking larawan ni Cally na nakasabit sa pader. Napakiusapan niya si Mildred bago magtungo doon pwedeng tanggalin agad ang mga bagay na iyon. Sunod ay ang pananahimik ng fangirls. Kung mayroon mang kalmado sa mga nagaganap, si Khalid lang iyon. "Honey, why do I sense something wrong in this place?" tanong ni Cally. "Ahh¡­ baka kasi pakiramdam mo dalawa lang kayo ni Khalid ang lalaki kaya ganyan ang pakiramdam mo. He he." dahilan ni Prin. "Okay." May lumapit na babae na umaabot hanggang sa mata ang mga ngiti. "Hello po Master Cally, a-ano pong order niyo?" "Tatlong Banana split" sabi ni Cally. Ngunit nilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng pink na apron na suot nito. "P-pwede po bang magpapicture?" hindi nito napigilan na tanong kay Cally. Nakakunot ang noo ni Cally. Si Prin naman ay hindi alam ang gagawin. "Idol na idol ko po kasi kayo." sabi nito. Nakaramdam ng inis ang mga babaeng nasa paligid dahil hindi nila akalain na mauuna ang waitress sa pagpapapicture kay Master Cally. Pumayag si Cally na magpapicture kasama ang kahera, tapos pinapirmahan iyon sa kanya sa edit function ng picture. "Last na po itong request, huwag po kayong mag-alala libre po ang kakainin niyo dito" sabi nito. Pumayag naman si Cally na pirmahan iyon. Tanging "Cally" ang sinulat niya. Ngumisi si Khalid. Hindi pa nag-iinit ang puwet niya sa silya, may ten thousand na siya agad. Inabot ng waitress sa kanya ang 10 thousand. Nanlaki ang mata ni Prin. "Wow! Magic! May pera ka agad, baby?" gulat na gulat na tanong niya. Ilang saglit pa, na-iserve ang ice cream sa mesa nila. Halos mabilaukan si Prin sa pagkain dahil sa kaba. Pakiramdam niya ay may mali sa mga fangirls. Pero hindi niya akalain na mauunang mabilaukan si Cally dahil sa tamis ng chocolate na toppings at sa lamig ng ice cream. *cough cough* Nag-alala ang lahat at halos sabay-sabay na lumingon sa gawi nila. Tumayo ang mga nasa malapit. Hindi pa man lumilipas ang limang segundo. May nagserve ng tubig kay Cally. Limang baso ng tubig ang nag-abot sa kanya. "Okay lang po ba kayo Master?" sabay-sabay na tanong ng limang babae. Napakunot na lang ang noo ni Cally. Pero may malaki siyang tanong sa isip. "H-heto po ang tubig. Inumin niyo po" sabi ng isa. "Heto na lang po Master, mas masarap ito galing pa sa La Mesa Dam ang tubig na ito." "Heto po.." "Heto na lang po¡­" Sumasakit ang ulo ni Cally sa limang babae kaya tumayo siya at lumapit sa kahera. "Pahingi ng tubig" hiling niya sa babaeng waitress, nagsalin ito ng tubig sa baso mula sa water dispenser at inabot kay Cally. "Heto po Master" Ngunit bago pa makaupo muli si Cally, may mga nagsipasukan na mga babae. Mga nasa bente siguro ang mga babae na pumasok. "Ahhhh!!!!!" tili ng mga ito. Inikutan ng mga ito si Cally. "Naloko na!" usal ni Prin. Nagsimulang kabahan si Khalid. "Hey! Hey! Bakit kayo nandito? wala kayong pambayad, kaya doon kayo sa labas! Tsupi!" sabi ng lider ng fangirls na nakapamewang sa mga babaeng bagong pasok. Hindi naman ito pinansin ng mga babae at panay ang tili. Kumunot ang noo ni Cally at tumingin sa mag-ina niya. "Pambayad?" ulit ni Cally. Natakot si Khalid kaya tinuro niya ang Mommy niya pero walang lumabas na salita sa bibig. Nanlaki ang mata ni Prin matapos siyang ituro ng anak tapos panay naman ang iling. "The two of you, anong kalokohan ito?" "Ahhhh!!! Master, magpapapicture kami!!" Tumi;li ang mga bagong pasok. Hinawakan nito si Cally. "Kami muna!!!!" sabi ng lider at hinawakan si Cally sa braso. "No Kami!" "Kami!" Nadagdagan ang mga kamay na may hawak kay Cally kaya hindi niya maigalaw ang sariling katawan. Sa tagal niya na pagiging Shi ng Dark Guards, ngayon lang nangyari sa kanya na halos benteng katao ang nagtulong-tulong para lang pigilin siya. May hindi nakapagpigil at niyakap siya. Ginamit ni Cally ang lahat ng lakas para makaiwas. Sumampa siya sa mesa ng cash register "Prin!!!" nagdidilim ang paningin niya na nakitingin sa mag-ina. "Stop!!!" natahimik ang buong lugar "A-anong kalokohan ito?!" Naghawak kamay ang mag-ina. "Baby¡­ lagot tayo!" Chapter 363 - Nosejob Natahimik ang mga fangirls. "Anong kalokohan ito?" tanong ni Cally sa mag-nanay. "Kayo, sino kayo?" tanong ni Cally sa mga babae. "Mga fans mo kami!" sabay-sabay na sagot ng mga babae. Nagdilim ang anyo ni Cally. Nakita niya na nagtago sa ilalim ng mesa ang dalawa. Kumikirot ang sentido niya sa panibagong gulo na kinasangkutan ng mga ito. Hindi pa nga lumilipas ang araw, may panibagong kalokohan agad na hinarap ang asawa at anak niya. Mukhang ayaw na talaga ng dalawa na lumabas ng bahay. "Sorry, pero uuwi na ko!" singhal ni Cally sa mga babae. "Prin at Khalid! Uwi!" malakas na utos niya. Napalingon sa gawi ng mag-ina ang mga babae. "Galit si Master Cally sa dalawang iyon, hawakan sila at iharap kay Master!" sabi ng lider. Prin "..." Khalid "..." Mabilis na hinawakan si Khalid at Prin ng mga babae. Katulad ng porma ng mag-nanay nang huli silang nagpunta sa lugar. Hindi naman alam ni Cally kung paano bababa mula sa ibabaw. Baka bigla siyang yakapin ng mga babaeng ito na parang nababaliw. Nag-iinit ang ulo niya sa asawa at anak. Nanghingi na siya ng tulong kay Xander na sunduin silang mag-anak sa lugar. Gusto niyang sakalin isa-isa, ang mga babaeng ito. Pinagpapawisan na siya dahil sa dami ng tao sa loob ng ice cream house. Halos wala ng space at mapuno na ang tao sa loob. Halos magpalitan na sila ng amoy ng mga babae. Dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya, niluwagan at tinanggal niya ang kurbata na nasa leeg. "Ahhhhh!!!!" tumili ang mga babae. Halos marindi ang tenga nilang tatlo sa tili ng mga babae. Nagtanggal pa lang ng kurbata si Cally, nawindang na ang mundo ng mga ito. "Sinong may pasimuno nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Cally Nanlaki ang mata ni Khalid at tinuro nito si Prin. "I-it''s Mommy!" Prin "..." ''Bakit ako?'' kapag nagkaroon ka naman talaga ng anak na ilalaglag ka sa sitwasyon. Dahil sa anyo ng anak, may palagay na si Cally na binenta siya ng anak sa mga babaeng ito. "Really?" Nakagat na lang ni Khalid ang ibabang labi. "Parusahan ang dalawang iyan!" utos ng lider. Natakot naman si Cally dahil baka kung ano ang gawin sa mag-ina niya. Nagulat na lang siya nang parehas na tumatawa ang dalawa at parang kiti-kiti na hindi mapakali ang mga katawan. Kiniliti ng todo ang mag-nanay ng mga babae. Cally "..." "I won''t give you a discount! Ha ha ha!" sabi ni Khalid habang tumatawa. Hindi ito pinanansin ng mga babae. Patuloy lang sa pagtawa ang dalawa dahil patuloy din ang parusa ng mga babae. Huminga ng malalim si Cally para tanggalin ang inis na kanina pa nasa dibdib niya. "Stop!!!!" sigaw niya. Umalingawngaw ang boses niya sa buong lugar. Natahimik naman ang lahat. "Ladies, we have to go. Ako ang magpaparusa sa dalawang iyan." Bumaba si Cally at akmang manununtok kapag may nangulit pa na babae. "No! They haven''t paid yet!" sigaw ni Khalid. Cally "..." Pero wala ding nangyari dahil saglit lang na kumalma ang mga babae at nagkagulo muli sa loob ng ice cream house. "Ahhh, Master Cally, papicture" "Master Cally, ako muna!" "Master!" Kung kaninong mga kamay ang humablot sa damit ni Cally at halos mawarak na ang suot niya. Sobra nang nag-iinit ang ulo niya sa mga nagaganap. Nasisiko na si Prin. Hanggang sa hindi siya nakailag sa siko ng matabang babae. Nasapo niya ang ilo at napaatras. Nanlaki ang mata niya ng makapa na wala na ang pinakamamahal niyang ilong. Nag flat na ang ilong na ilang milyon niyang ginastusan. "Ahhhhh!!!! Yung ilong ko, hindi na diretcho!!!!" Kumuha siya ng puting table napkin sa ibabaw ng mesa at tinakpan ang kawawa niyang ilong. Sa dami ng tao sa loob at kasi-siksik sa kanya, ilang beses na nasagi ang ilong niya at ang huli nga ay nasiko siya. ''Lord, ano pong kasalanan ko ngayong araw?'' hindi niya maiwasan na itanong. "Hide me baby!" kinuha niya ang anak. Hindi naman nagtagal at dumating si Assistant Xander na may kasamang mga body guard para iligtas sila sa loob. Sa sasakyan, panay ang iyak ni Prin habang sinisilip sa salamin ang kawawa niyang ilong na mas pango pa sa pango. At bahagyang tumabingi pa pakanan. Hindi niya alam kung mag-s-side ways ba siya para dumeretso ang ilong o iaangat ang mukha. "Hu hu hu¡­ Lalayas na ko sa bahay!!!! Babalik na ko sa Korea para ipagawa ang ilong ko!" "In your dreams! Dahil sa White Castle ka lang at walang aalis ng tatlong buwan!" halatang galit si Cally. "You Kid! Luluhod ka sa munggo pag-uwi!" Nakayuko lang ang anak niya at halatang guilty. Hindi alam ni Prin kung paano reremedyuhan ang ilong niya sa loob ng tatlong buwan. Wala siyang nagawa kundi ang ipagpray ang ilong niya na nasira. Chapter 364 - Sweet Revenge Nakasuot lang ng face mask si Prin sa loob ng bahay. Ayaw niyang humarap sa kahit na kanino. "Hu hu hu¡­ you don''t care about me anymore. I want to go to Korea! Can''t you see this is an emergency?" Sabi niya sa asawa niya habang awang-awa sa sarili.. Si Khalid naman ay unang beses din na tinuruan ng leksyon ng Daddy niya. Tinotoo ni Cally ang parusa sa anak na lumuhod sa munggo pag-uwi ng bahay. Nakayuko lang ito habang binabantayan ni Cally. Nakahalukipkip lang ang asawa niya sa single sofa at bahagyang pumikit para tanggalin ang pagkainis. Parang langaw pa si Prin sa patuloy na pangungulit at pag-iyak. "Husbie, I need to go to the hospital. Mukha akong si Barney na walang ilong. Hu hu hu" "In. your. dreams¡­ Hindi ka aalis dito sa bahay kasama ni Khalid dahil iyan ang parusa ko sa iyo. Magtyaga ka sa ilong mo na patungong North-West sa loob ng tatlong buwan." Nagpapadyak si Prin sa nadinig. Naaawa naman si Khalid sa Mommy niya. If he didn''t insist na tumungo sila sa Ice Cream house, hindi iiyak ang Mommy niya at magluluksa sa ilong nito na nasira. Anyway, he earned 300,000 na nasa kamay ni Mildred. Kaya bahagya siyang masaya. "Husbie..." patuloy si Prin sa pakiusap. "Don''t worry Mommy, I will give you a nose tomorrow." sabi ni Khalid habang pinipilit na hindi ipahalata na masakit na ang tuhod nito. "Hu hu hu¡­ Nagagawa mo na din na paluhurin ang anak ko sa munggo. Kawawa naman ang baby Panda ko" Napangiwi si Cally. "Blame yourself kung bakit naparusahan ang anak mo." Kalmado na sagot niya dito. 30 minutes lang ang plano ni Cally na paluhurin ang anak niya sa munggo para magtanda ito. Kapag umulit pa ito, dadagdagan niya ng minuto sa susunod. Matapos ang 30 minutes, tumayo si Cally mula sa kinauupuan. Naghanda siya para sa susunod niyang meeting. Binuhat ni Prin ang anak at pinagpag ang mga dumikit na munggo sa namumula nitong tuhod. "Baby, are you okay?" Tumango lang si Khalid. Si Prin naman ay namumula na ang mata niya sa kaiiyak. Mas matindi pa ang parusa ni Cally na ito kaysa sa mga parusa na ginawa nito sa kanya noon dahil kailangan niyang pagtiyagaan ang mukha niya na parang si Barney na walang ilong sa loob ng tatlong buwan. Pinunasan naman ni Khalid ang luha niya. "Mommy don''t worry, I''ll do my best to make a remedy for your nose." Nakuha nito ang interest niya. "How can you do that?" "Let''s create a papier mache" Prin "..." Lalong naiyak si Prin sa narinig. Mas gugustuhin na niya na mag-mask kaysa papier mache ang ipalit sa ilong niya. Paano niya iyon ididikit sa mukha niyia. I-g-glue? Akala ba ng anak niya ay gawa sa papel ang mukha niya. Lumakas ang pag-iyak ni Prin. "Don''t worry Baby. Igaganti kita kay Daddy" Sabi niya sa anak habang patuloy na minamasahe ang tuhod nito na namumula. ===== Gabi na nang makauwi si Cally. Kailangan niya rin na makipag-socialize kaya inabot siya ng alas onse ng gabi. Ang unang napansin niya ay wala si Prin sa Master bedroom kaya tinungo niya ang kwarto ni Khalid. Tulad ng inaasahan, magkayakap na natutulog ang dalawa. Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita ang anyo ng asawa niya na mahimbing na natutulog kahit pa halata ang pamumula ng mata nito sa sobrang pag-iyak. Tulad ng reklamo nito, tuluyan nang na-flat ang ilong nito at may bahagyang umbok na nakagilid. Para itong manika na napaglaruan ng sobra at tinapyasan ng ilong. Binuhat niya ang asawa mula sa kama ni Khalid, saka ipinasok sa Master bedroom at inihiga sa malapad na kama. Uminom ng tubig sa pitsel na nasa mesa. Naglinis lang siya ng katawan bago sumampa sa kama at tinabihan ang asawa niya sa pagtulog. Kinabukasan... Nang magising si Cally, tulog pa rin si Prin sa tabi. Sinilip niya ang relo sa bedside table. Alas otso na ng umaga. Mukhang nasobrahan siya ng tulog. Halos hindi niya naramdaman ang buong magdamag. Ang ganda pa ng tulog niya na nakabuo siya ng walong oras. Ngunit mas nabigla siya na tulog pa rin ang misis niya sa tabi. Mukhang masyadong nagdamdam ito sa kinahinatnan ng mukha nito. Bumaba si Cally sa kama at nagtungo sa C.R. Bahagya pa siyang inaantok. Unang tinungo niya ang labatory para maghilamos. Ngunit bago sumayad ang tubig sa pisngi niya... "Ahhhhhhh!!!!!!" Nanghilakbot ang mukha niya sa salamin nang makita ang kilay niya na mas makorte pa kay Miss Minchin. Inilapit niya ng todo ang mukha sa salamin. Anong nangyari? Nawala ang makapal niyang kilay at nagmukha siyang bading sa itsura niya. Paanong nangyari na nawala ang makapal niyang kilay sa buong magdamag? Chapter 365 - Sweet Revenge (2) (Nangyari nang nagdaang gabi) Matapos masiguro ni Prin na ininom ng asawa niya ang tubig na may pampatulog, sinimulan niya ang plano. Pinitik-pitik na muna niya ang matangos nitong ilong para makasiguro na nakatulog na ito ng tuluyan at hindi aalma sa gagawin niya. Totoo nga na kahit gaano pa kagaling ang isang tao, babagsak lang din sa kamay ng asawa nito. Nagbukas ang pinto at pumasok si Khalid. Kapwa sila hindi tulog at nagpapanggap lang nang dumating ang asawa niya. "Mommy, what are you planning to do?" tanong ni Khalid. "What do you think?" nakangisi na saad niya. Lumapit si Khalid sa Daddy nito at pinagmasdan nitong mabuti. Kaiba ang awra ng Daddy niya sa normal nito na madalas ay seryoso o salubong ang kilay. "Hmmm¡­ We can cut his shiny hair, but... what if he gets angry with us?" "Don''t worry baby¡­ leave everything to me" Inambaan pa ni Prin ang asawa niya na parang manununtok bago tinungo ang cabinet. Pinagpipilian niya kung tyane o razon na pang kilay ang gagamitin niya dito. Binigay niya ang tiyane kay Khalid. "Go, pluck his eyebrows." sabi niya dito. "Mommy, what if he wakes up?" nag-aalalang tanong ni Khalid. Sigurado na sasapian ni ''The Hulk'' ang Daddy niya kapag may ginawa sila dito na hindi maganda. "Don''t worry baby. He won''t." "Okay!" Kinuha ni Khalid ang inabot ni Prin na tyane, saka binunot isa-isa ang kilay ni Cally. Kada bunot nito, napapangiwi si Cally pero hindi nagigising. Nakakatuwa pa na maganda ang pagkakaayos ng kilay na gawa ni Khalid. Halata ang pamumula ng balat ni Cally na binunutan ng buhok. Dahil sa pag-aalala, pinahiran ni Khalid ang namula na balat nito ng aloe vera cream. "Mommy, I''m tired." sabi ng anak niya matapos na ahitan ang isang kilay. Malamang nag-aalala talaga ito na mapagalitan. "Now it''s my turn" malakas ang loob niya na ituloy ang plano. Gamit ang pang-ahit. Kinurbahan niya ang kilay ni Cally hanggang sa maging katulad ng kilay nito ang kilay ni Miss Minchin. Bumunghalit siya ng tawa matapos na makita ang anyo ni Cally na sarap na sarap sa pagtulog. "Oh no! Mommy! For sure Daddy will be angry!" natatakot na saad ng anak niya. "Don''t worry baby, if he gets angry. It''s easy to hide. Moreover, It''s better than having a disfigured nose." turo niya sa ilong. Sa panahon ngayon, marami ng remedyo sa kilay. Gusto niya lang na gantihan ang asawa niya dahil ayaw siya nitong payagan na umalis. Inahitan niya rin ang kilay na unang inayos ni Khalid hanggang sa magpantay na iyon. Ngumisi siya pagkatapos. ===== Kinabukasan¡­ Nakatingin si Cally sa salamin. "F*ck! What happened to my eyebrow?" Parang maiiyak siya sa anyo ng hitsura niya. Daig niya pa ang kilay ni Bella Flores sa taas. Lumabas siya ng restroom at bumalik sa kwarto at nakita ang asawa niya na natutulog pa rin hanggang sa mga oras na iyon. Wala siyang ibang naiisip na maglalakas ng loob na gumawa ng ganito sa kanya kung hindi ang asawa lang din. Masyado nang lumalakas ang loob ng babaeng ito sa pag-gawa ng kalokohan. "Prin Matsui!!!! wake up!" gising niya dito. Sa lakas ng sigaw niya imposible na hindi ito magising. Umungol lang ito ng bahagya. Nagpipigil si Cally ng galit kahit pa gusto niyang sipain palabas ang asawa niya. "Prin Matsui, what did you do to my eyebrow?!" Doon dumilat si Prin. Unang bumungad sa kanya ang kilay ni Cally. Dahil nakakunot ang noo nito, nag-iba ang korte ng kilay nito. Pinipigil niyang tumawa dahil sigurado na mas magagalit ito sa kanya. "Husbie, what happened to your eyebrow?" pagmamaang-maangan niya. "Yeah right, akala mo ba maniniwala ako sa iyo na hindi ikaw ang may gawa nito?" "Whaaat? I''m sleeping, ginising mo nga ako e" "Prin Matsui!" Napatuwid ng upo si Prin. Parang kutsilyo ang mga mata ni Cally na nakatingin sa kanya at sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Sigurado na hindi talaga ito maniniwala na hindi siya ang may gawa nito. Nakipaglabanan siya ng titig kay Cally. "You are not going to Korea, never! Never as long as I''m alive!" kalmado ngunit malamig na sabi. Napalunok si Prin. ''Naku¡­ nayari na!'' "Gusto mo ba talagang gumanti? Let''s wait and see!" banta muli nito. Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagsimula na siyang kabahan at nag-isip ng pwedeng idahilan dito. "No. no. no! Husbie, I-I just don''t want you to go outside White Castle. W-we are family, W-we have to stick together in this house kaya ko iyan nagawa. Kung grounded ako, grounded ka rin!" Cally "..." Anong klaseng katwiran iyon? Lalong lumamig ang mata ni Cally. "Get up! Time to have breakfast. Tanghali na at gutom na ang anak mo." Maya-maya pa nga ay nasa hapag ang tatlo para kumain ng agahan. Walang maglakas ng loob sa mga kasambahay na tumawa kaya mas pinili ng mga ito na iwan ang tatlo sa dining area. Malalim ang tingin ni Khalid sa magulang niya. Halos ayaw niyang kumain dahil nawalan na siya ng gana. Ang Mommy niya kasi ay parang kamag-anak ni Fiona at nababagay naman ang step-mother ni Snow White sa anyo ng Daddy niya sa sobrang nipis ng kilay nito. Chapter 366 - Childish parents Hindi naman nagtagal at maayos na ang kilay ni Cally. Sa unang araw, nagpatawag si Cally ng stylist na magreremedyo ng kilay nito kaya naman lalong nakaramdam ng pagkainis si Prin. Sa panahon ngayon, madali na lang remedyuhan ang kilay. Pwedeng 3D tattoo o kaya naman ay lalagyan ng pinaghalu-halong oil para bumilis ang pagtubo ng buhok nito. "Master, here''s the ointment. You can put this on your brows generously." may inabot na ointment ang stylist na nagmula pa sa MGM Tumango lang si Cally. Si Prin naman ay pilit na umiwas sa asawa niya sa bahay. Hindi siya nananatili sa isang kwarto kapag nandoon ang asawa niya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. Tuwing nandoon si Cally sa bahay, nagtatago siya na mag-isa sa isa pang kwarto para doon magtrabaho. Siya pa rin naman ang manager ng hotel ni Apolo. Lahat ng kailangan niya ay pinaaayos niya kay Mildred na pinapadala nito sa email. At pinapadala naman niya ang report niya kay Apolo. Mabuti na nga lang at pinayagan siya nito na mag-''work from home'' nang hilingin niya dito na mananatili na muna siya sa bahay para samahan ang anak niya. Talagang tinotoo ni Cally na hindi siya aalis ng bahay na iyon. Halos ayaw niyang tingnan sa salamin ang sarili niya. Matapos niyang lait-laitin si Undertaker, ang bilis ng karma sa kanya. Isang linggo na ang lumipas at talagang hindi siya pinalabas ni Cally ng White Castle. Sinubukan niya na ang lumabas ng bahay, pero hindi talaga siya pinaalis ng mga gwardiya. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagkainis kay Cally. Isang linggo mahigit na siyang nagtityaga sa ilong niya. Samantalang ito, isang araw lang nanatili sa bahay nila at nakabalik na sa opisina nito kinabukasan. Nakauwi na rin si Billionaire sa bahay nila kaya mas busy ang anak niya. Tinuturuan ni Khalid ang aso nito ng mga tamang habits sa bahay na iyon. Hirap sa paglakad ang aso dahil nabali ang buto nito sa isang binti. Pero hindi nakahadlang iyon para magustuhan pa rin ito ni Khalid. Nagpagawa pa nga ng malaking doghouse ang anak niya sa bakuran ng white castle para sa aso. Isang sako ng dog food pa ang binili nito, mga kagamitan ng aso at ang pinaka-nabigla siya sa lahat-- may ginintuang dog tag ang askal. His dog tag was made of 18 karat gold with the word ''Billionaire''. ''Iba din!'' ==== Habang nag-iisa sa terasa, naghanap siya ng pwedeng bilhin sa online store dahil iyon lang ang paraan para makapagshopping o makapag-grocery siya ng mga kailangan niya sa araw-araw. Isang bagay ang pumukaw sa atensyon niya. May nakita siyang isang bagay sa online store na agad niyang nilagay sa ''cart''. A hair coloring shampoo. A sinister smile shown on her face. Umorder siya ng kulay blue green na pangkulay. Hindi niya tatantanan si Cally hangga''t hindi siya nito pinaaalis papuntang ibang bansa para ipaayos ang ilong niya. ===== Isang umaga, tulad ng dati, naghanda si Cally para sa pagpasok sa opisina. Ilang araw na siyang hindi kinakausap ni Prin dahil nagdadamdam pa din ito sa nasira nitong ilong. "I''m full. Billionaire, let''s go outside." tawag ni Khalid sa aso nito. Dalawa lang sila ang kumain ng agahan dahil nagtatago ang asawa niya. "Did you see your Mommy this morning?" tanong niya sa anak. "Daddy, I thought she''s your wife. Why are you asking me? I am starting to have a headache because of the two of you." "Billionaire, my parents are so childish¡­" bulong pa nito habang napapailing. Sinabayan ito ng aso papalabas ng dining area. Huminga ng malalim si Cally saka tinungo ang kwarto na dati niyang ginagamit para puntahan ang asawa niya. Kinatok niya ito. Hindi pa rin ito sumasagot mula sa loob. "Honey, let''s talk." Kinuha niya ang susi sa bulsa para buksan sana ang nakalock na door knob. Pero agad din na nagbago ang isip niya. Sa gabi na lang niya ito kakausapin. Naghanda na lang siya papunta ng opisina. Tinungo niya ang shower room para maligo. Ginamit niya ang shampoo na madalas niyang ginagamit at pinabula iyon sa buhok niya. Nag-sabon siya ng katawan bago siya nagbanlaw. Ngunit nagulat siya sa kulay ng tubig na dumadaloy sa katawan niya. Kulay berde. Sinuri niyang mabuti ang katawan. Wala siyang makita na kakaiba kaya nagtungo siya sa salamin na malapit sa labatory. Nanghilakbot ang mukha niya nang makita ang anyo. Wala na ang dark brown na kulay ng buhok at napalitan iyon ng kulay blue green. "Prinnnnn Matsuuuuuuiiiiiii!!!!" Ginagalit talaga siya ng babaeng ito. Para siyang maiiyak dahil unang beses na nakulayan ng buhok niya. Bumalik siya ng shower at pinilit na binanlawan ang sarili. Para siyang mababaliw habang nakikita ang kulay ng tubig sa sahig. Chapter 367 - I want to hide forever "Prin Matsui, get out of the room now!" Galit na sigaw ni Cally mula sa labas ng kwarto ng dating tinutuluyan. Natatakot naman ang mga kasambahay sa sigaw ng Master nila na nasa ikalawang palapag na umaabot hanggang gate yata ng villa. "Naku, anong gagawin natin. Mukhang galit si Master kay Miss Prin?" "Mukhang ginalit siya ni Madam" "Miss Xia, ano pong gagawin natin?" Nakatingin ang lahat kay Xia na hindi rin alam ang gagawin. Pumasok si Khalid sa loob ng bahay dahil rinig niya hanggang sa labas ang sigaw ng Daddy niya. Nakakunot ang noo ni Khalid. Nakakita naman ng pag-asa ang mga kasama nila sa bahay nang makita itong pumasok. "Master Khalid, go and help your Mom. Your Daddy is very angry" hiling ni Xia. Walang magtatangka sa kanila na umakyat at silipin ang nangyayari doon. Tumingala si Khalid sa itaas ng hagdan. Napaisip siya kung ano na naman ang problema ng magulang niya. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang umakyat at silipin ang sitwasyon. "Billionaire, sit! You''ll stay here." sabi niya sa aso. Sumunod naman ang aso na umupo sa tabi ng hagdanan. Nang makaakyat, ang unang pumukaw sa atensyon ni Khalid ay ang kulay ng buhok ng Daddy niya. Nakakunot ang noo na lumapit sa dito. "I never expected that you liked Joker" saad ni Khalid. Make up na lang ang kulang pwede na itong gumanap bilang si Joker. Madilim ang mata na lumingon si Cally sa anak saka binalik muli ang atensyon sa saradong pinto. Hindi niya rin magamit ang susi dahil may chain lock sa loob. Kaya kahit nabuksan niya ang door knob, hindi niya rin tuluyan na mabuksan ang pintuan dahil sa chains na nakakabit sa magkabilang kahoy. "Prin Matsui, open the door or else you will never see Khalid anymore!" Banta niya. Mukhang natakot naman ang asawa niya sa narinig. Narinig niya ang mga papalapit na yabag. Ilang segundo lang ay narinig niya ang chains na tinanggal ni Prin sa pagkaka-lock. Mabilis na nagbalik si Prin sa ibabaw ng kama at saka nagtago sa ilalim ng makapal na comforter. Hindi pinapasok ni Cally ang anak niya sa loob ng kwarto. Sa halip, sinarado niya ang pintuan at ni-lock iyon. Parang balewala naman kay Khalid kung ano ang ginagawa ng magulang niya sa loob ng kwarto. Bumaba na lang siya ulit mula sa ikalawang palapag at inaya muli si Billionaire na lumabas ng bahay. His parents are really annoying! ...And childish! Sa loob ng kwarto¡­ Matapos gumawa ni Prin ng kalokohan, bigla siyang nakaramdam ng takot. Hinila ni Cally ang comforter. Pilit din na hinawakan ni Prin ang makapal na kumot na iyon para hindi siya makita ng asawa niya. Nakipagtagisan siya ng lakas dito sa hilahan ng comforter. Matapos ang mahabang hilahan. Nakuha rin ni Cally ang buong kumot. Ang problema, sumama si Prin sa tela palabas ng kama, kaya gumulong siya sa sahig. Tumama ang mukha niya sa paahan ng tokador. *blag!* "Aw!!!" Isang malakas na hiyaw ang lumabas sa kanya. Nag-alala agad si Cally. Ngunit mas pinili na tumayo muna. Nakahalukipkip naman si Cally na nakatayo habang nakaupo sa sahig at nakayuko si Prin. Ngunit nabigla siya na bumakat ang paahan ng cabinet sa pisngi ng asawa nang iangat nito ang mukha sa kanya. Sagpit silang natigilan at sabay na natawa nang makita ang anyo ng isa''t-isa. Natawa si Prin sa buhok ni Cally na parang kamag-anak ni Joker. Unang beses niya na makita ang buhok ni Cally na may ibang kulay bukod sa normal na kulay nito na dark brown. Natawa naman si Cally sa hitsura ni Prin. Bukod sa namimilog nitong ilong na parang kamatis, pati ang isang bahagi ng pisngi nito ay nasira na din. Halos mahiga si Prin sa sahig dahil sa sobrang pagtawa. "Sige tumawa ka. Look at yourself in the mirror" Na-curious siya sa narinig kaya agad na tumayo si Prin at tumingin sa salamin. Nanghilakbot siya sa nakitang anyo ng mukha niya. "Oh noh! Wahhhh!" Bumahid ang pag-aalala niya, ngunit nabigla si Cally nang bigla na lang siyang umiyak. Mula sa paghalakhak dahil sa bagong anyo ni Cally. Napalitan iyon ng luha dahil ang pangit-pangit na ng mukha niya at wala siyang magawa. Para siyang nababaliw. Isang mabigat na hangin ang inilabas ni Cally sa bibig. Niyakap niya ito sa bewang at inaya na umupo sa ibabaw ng kama. Patuloy sa pag-iyak si Prin. Parang bata na nawalan ng pag-asa ang anyo nito. Hindi na matanggap ni Prin na nasira ang ilong niya, pero hindi niya akalain na sobra ang magiging epekto sa kanya na pati ang pisngi niya ay nasira na din. Para siyang si Mr. Potato na nasobrahan sa pagkasira ng hugis ang mukha niya. Hinawakan ni Cally ang mukha ng asawa niya. "Don''t look at me. I''m so ugly!" Halos takpan niya ng dalawang kamay ang mukha, huwag lang makita ni Cally ang bago niyang anyo. "Honey, don''t cry anymore." Humigpit ang yakap ni Cally sa bewang ng asawa niya. He finds her funny. In reality, she was really ugly and he understands her feelings right now. But he also finds her cute acting this way, dahil pangit na pangit talaga ito sa sarili. Hindi niya na tuloy mailabas ang galit niya ngayon dahil inunahan na siya nito ng iyak. This girl! Nagtago si Prin sa dibdib ng asawa niya habang umiiyak. "I don''t want to see the world anymore, it''s better to hide forever and die in this room." Reklamo ni Prin habang umiiyak. "I''ll find the best doctors on the planet who can help you. Don''t cry anymore." Siya rin ang unang bumigay sa labanan nila nito. He doesn''t want to see her crying. Sometimes, women are so unfair. Kapag ang babae ang umiyak, nakakaawa. pero kapag ang lalaki ang umiyak, mukhang guilty! Chapter 368 - Teach a lesson Gumawa ng paraan si Cally para ipaayos ang mukha ng asawa niya. Hindi niya rin talaga matitiis na malungkot ang misis niya sa nangyayari dito. Kaya matapos ang dalawa pang araw, nagtungo ang mag-anak sa Korea. Hindi pa nagawa ni Cally na ibalik ang kulay ng buhok nito sa dati nitong kulay na dark brown dahil mas inayos niya ang problema ni Prin. Apat na magagaling na surgeons ang nirekomenda ng kapatid niya na si Christen na kasalukuyang anim na buwang buntis. "Master Cally, your wife will be staying here for at least 2 to 5 months." Sabi ng isa sa apat na doktor matapos na masuri ang lahat kay Prin. Namumula pa rin ang mata ni Prin kahit lumipas na ang ilang araw dahil masama talaga ang loob niya. Bumaling ang doktor kay Prin matapos nitong ipaliwanag kay Cally ang lahat ng gagawin na procedure sa kanya. "You have to rest for three days before the procedure. Be physically and psychologically ready for the procedure." Malungkot pa rin si Prin pero sinagot niya ito ng "I will." Matapos na lumabas ng apat na doktor sa kwarto, lumapit si Khalid kay Prin. "Mommy, how are you?" Halata na nag-aalala ito sa kanya dahil ilang araw na siyang hindi mapalagay at umiiyak. "I''m sad." Sagot niya dito. Sumampa naman ito sa hospital bed at yumakap sa kanya. "Don''t be sad. I will be staying here with you." "Don''t you have a piano competition this weekend?" Tanong niya habang seryoso ang tingin dito. Nakapasa ang video ni Khalid para lumaban sa actual competition para sa Junior level. Tumango ang anak niya. Nalungkot naman si Prin dahil hindi niya ito masasamahan sa una nitong laban. Sa halip, si Miss Bei ang kasama nito. "But I decided to stay here with you" narinig ni Prin mula sa bibig ni Khalid. "...I will join again in the future. I want to stay with Mommy this time." "Oh! Baby, thank you!" Humigpit ang yakap niya sa anak habang pinukulan ng matalim na tingin ang asawa niya na nasa isang panig ng kwarto Kung tutuusin, sumali lang naman si Khalid dahil sa pera na mapapanalunan niya. Pero ngayon na kailangan ng Mommy niya ng suporta, mas pinili niya na manatili kasama ito. He will stay where his Mommy is staying. "Are you still angry?" Tanong ni Cally. Hindi sumagot si Prin pero nananatili na matalim ang tingin niya dito. "Hindi pa rin ba lumilipas ang sama ng loob mo sa akin kahit na halos magmukha na akong clown sa harap mo?" Amused na tanong ni Cally. Doon umiwas ng tingin si Prin. Hanggang sa mga oras kasi na iyon ay blue green ang buhok ng asawa niya. Sobrang magaling ang pang-kulay na nabili niya. Tulad ng sabi sa ads, matapos lang ang dalawang minuto, kakapit na ang kulay sa buhok ng gagamit nito. Mas pormal ang kulay na dark brown na buhok kay Cally, pero ayos din naman ang berde na kulay sa buhok dito dahil nagmukha itong Kpop idol. Iyon nga lang, mas madalas na business partners ang kausap nito at hindi siya sigurado kung ano ang resulta ng transaksyon nito sa kulay blue green na buhok. Nakadagdag pa sa pagka-guilty niya ang kilay ng asawa na bahagya nang kumakapal sa mga oras na iyon. "I''m sorry..." bulong ni Prin. "At least you know your mistakes." Nakangiti nang sabi ni Cally bago lumapit sa mag-ina niya. Nakisampa siya sa hospital bed para yakapin ang mag-ina niya. "Hindi ka ba napapangitan sa akin?" Tanong ni Prin. "Napapangitan" honest na sagot mula kay Cally. Sinuntok niya ito sa dibdib. "Why is it my fault kung napapangitan ako sa ''yo? Kahit ikaw nga ay pangit na pangit sa sarili mo." sabi ni Cally sa asawa. Hindi pa ba obvious na ilang araw na itong umiiyak sa pisngi nito na parang humulma sa paahan ng tokador. "Are you still not done with your bantering? You are making my headache worse." puna ni Khalid habang hinihilot ang sentido. Tumayo si Cally at hinawakan sa dalawang paa ang anak niya at itinaas ito sa ere. Nabigla si Prin na parang nakasabit ang anak niya patiwarik. Ang lahat ng nangyari sa kanilang mag-asawa ay kasalanan ng batang ito, tapos ang lakas pa ng loob na magreklamo na sumasakit ang ulo nito sa kanilang dalawa? Sa palagay ni Cally, hindi pa niya natuturuan ng tamang leksyon si Khalid. "In reality, all of this mess happened because of you." Sabi ni Cally sa anak na nasa ere. Halatang natakot naman ito sa ginawa ni Cally at hindi alam kung saan kakapit. Nakabuka ang kamay nito at naghahanap ng makakapitan. "Oh oh! Daddy! Daddy, I''m wrong! Please put me down!" Chapter 369 - Cassandra and Lorenz (Sweden) Lumipas ang isang buwan, nagtungo sa Sweden ang mag-asawang Lorenz at Cassandra. Nangako ang babae na dadalawin niya ang Mama niya sa kaarawan nito, si Dutchess Camila. Tatlong araw hanggang isang linggo ang hiningi nilang bakasyon sa Kent Mansion at kay Rob Matsui. Unang beses nila na magpunta sa bansa kaya hindi nila alam kung ano ang aasahan sa lugar. Sinundo sila sa airport ng butler na kasama ng ginang noon para ihatid sa tahanan nito gamit ang isang itim at makintab na Rolls Royce Phantom. Kapansin-pansin ang kagandahan ng lugar habang nagbibyahe ang mag-asawa. Maberde ang paligid dahil sa mga puno at damuhan. Pansin din nila na hindi masyadong polluted ang lugar at masarap sa pakiramdam ang hangin kahit pa sobra ang lamig. Mas malamig kasi ang klima sa bansang iyon kaysa sa U.K. Mas kakaunti rin ang mga tahanan kaysa sa Bristol na isang siyudad kung saan naroon ang bahay nilang mag-asawa. Doble ang kaba ni Lorenz. Siguro dahil ilang minuto na lang at nasa harap na niya ang katotohanan na hindi ordinaryo ang asawa niya. Hindi siya mapalagay nang nakaraang araw pa. Naramdaman na lang ni Lorenz ang paglapit ni Sandra sa katawan niya. "What are you thinking?" Yumakap ito kay Lorenz. Para bang wala itong pakialam kahit na nasa loob sila ng sasakyan at kasama nila ang butler ni Madam Camila na kalmado at diretso sa daan ang tingin. Lorenz looked at his wife. Hindi niya aaminin na ang isang Shogun na tulad niya ay may kaba rin na nararamdaman. "Nothing." He simply smiled at her. Iyon nga lang, mukhang malakas ang pakiramdam ni Cassandra sa nararamdaman ni Lorenz. Sa mahabang panahon na magkasama sila, para bang alam na ng isa ang nararamdaman ng kabiyak nito. "Honey, I just want you to know that I will stay with you no matter what." Nakangiti na saad ni Cassandra. He can''t help but kiss his wife. Mukhang naramdaman ng butler ang init sa likuran ng kotse kaya agad nitong isinara ang kwadrado na pumapagitan sa driver at sa pasahero sa likuran. "I am looking forward to having you on my bed" bulong ni Cassandra na may ngiti sa labi. Sanay na si Lorenz sa pagiging tapat ng asawa niya. "Then let''s see kung ayos ang soundproof sa bahay ng Mama mo" "Lady, we are here." sabay silang nagulat nang may magsalita sa speaker. Napaisip tuloy ang mag-asawa kung nadinig ang usapan nila ng butler. Pumasok ang sinasakyan sa isang malapad na gate. Ang unang pumansin sa kanilang mag-asawa ay ang malapad na building na may tatlong palapag. May malaking fountain sa bungad at mga estatwa. Berdeng-berde ang paligid dahil sa damuhan. Mapapansin na isang Royal house talaga ang pinasukan nila. Ilang saglit pa at huminto ang kotse sa gilid ng malapad na building. Tumikhim si Lorenz saka binuksan ang pintuan at inalalayan ang misis niya sa paglabas. "This way please." Pagbibigay-galang ng butler. "But our things..." saad ni Lorenz, nasa likuran pa kasi ng kotse ang gamit nila. "We will send it to your room." Seryosong sagot naman nito. Tumango na lang si Lorenz. Nakangiti naman si Sandra na inakay siya papasok sa loob ng bahay. Unang napansin ng mag-asawa matapos nilang tumuloy sa loob ang pagka-busy ng mga tao sa malawak na hall. Halata na busy ang mga ito sa kaarawan ng Mama ni Sandra. Naglakad sila sa isang tahimik na hallway at tanging mga yabag ng sapatos lang ang madidinig. Kumatok at binuksan ng butler ang isang pintuan. "Lady Sandra is here." Anunsyo ng butler bago sila pinatuloy. Bumungad sa kanilang mag-asawa ang grupo ng tao na nakaupo paikot sa mga mamahaling silya. May bilog na mesa sa tapat ng mga ito. May chinese porcelain tea set na nasa mesa at mga kung anu-anong klase ng biskwit. Nakita naman nila agad ang ginang sa grupo. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ang anak. "Dear, you are here" tumayo ang ginang at niyakap si Sandra. Hinalikan sa pisngi ang anak. "Ma, Happy Birthday!" Unang bati ni Sandra. "Thank you!" Babatiin din sana ni Lorenz ang ginang ngunit agad na itong tumalikod at inakay si Cassandra palapit sa mga kasama nito. Pinakilala nito ang anak sa pitong tao pa na nasa loob ng kwarto. Unang ipinakilala ang asawa nito. "He is Prince Edward, my husband" ngumiti ng simple ang lalaki. Pinakilala rin nito ang iba pang mga naroon sa kwarto. May duke, prinsipe at kung sino pa na hindi inintindi ni Cassandra. Normal naman sa unang araw na hindi matandaan ang mga pangalan nito. Hindi naman niya makikita pa ang mga mukha nito sa mga susunod niyang buwan kaya hindi na kailangan pa na kilalanin ang bawat isa. Gayunpaman, nagbigay galang siya. "Here is Prince Gostav and his son Philip." Ang huling pakilala ng ginang. Pakiramdam naman ni Lorenz ay bigla siyang hindi na kasali sa grupo. Para bang hangin lang siya na sumunod kay Cassandra sa loob ng kwarto na iyon. Wala kahit isa man sa mga tao doon ang nagbigay ng atensyon sa kanya. Nagsimulang pagpawisan ang kamay ni Lorenz. Bumalik ang pagka-ilang na nararamdaman niya tuwing nakikita ang ginang. "Nice to meet all of you. By the way..." lumingon si Cassandra kay Lorenz at nakakunot ang noo na lumapit sa mister nito. "He is my husband, Lorenz" pakilala ni Cassandra. Sinuri naman si Lorenz ng mga tao sa loob ng kwarto. Kasalukuyan na nakasuot siya ng itim na sweater, itim na pantalon at itim na trench coat na para bang kamag-anak niya si Grim Reaper. "Are you a Prince from another country?" Tanong ng isang ginang. "I''m not." Honest na sagot ni Lorenz "Oh! Then, maybe a Master" sabi ng isa pa. "Yeah, a beautiful lady like Sandra deserves to marry a noble man." Komento ni Prince Philip. Tumango-tango ang mga tao sa loob. Kumuyom ang kamay ni Lorenz. Naramdaman naman ni Cassandra ang tensyon sa asawa niya. "I''m sorry to disappoint you everyone. We are tired. We came all the way from the U.K.. Hope you''ll excuse us to have a rest." Sabi ni Cassandra saka inaya si Lorenz na lumabas ng kwarto. Chapter 370 - Cassandra and Lorenz: Playing trick Madilim ang mga mata ni Lorenz habang inaya ni Sandra na lumabas ng kwarto. Nabigla man ang mga tao sa loob ng tea room, hinayaan na lang sila nito na lumabas. Nagpaumanhin naman ang Mama ni Xandra sa mga tao sa loob Nanginginig ang buong katawan ni Lorenz sa galit. Inaasahan ba ng mga taong ito na isang Master o isang Prinsipe ang makakatuluyan ni Sandra? Hindi pa man lumilipas ang araw at natapakan na nito ang pagkatao niya lalo na at may maitim na marka sa pagkatao si Lorenz. Hinatid sila ng isang maid kung saan ang kwarto na gagamitin nilang mag-asawa. "Lady Sandra, Duchess Camila said she will meet you in the afternoon" Tumango lang si Sandra bago sinara ang pinto at binalingan si Lorenz. "Honey, I''m sorry¡­" Ang tanging nasabi ni Cassandra sa asawa niya. Hindi sumagot si Lorenz. Ayaw niya sanang pumunta sa bansang ito kung hindi lang din dahil sa misis niya. Matagal na nawalay si Sandra sa pamilya nito at lumitaw basta ang nanay nito sa buhay nila. Ano pa ba ang inaasahan na dapat niyang gawin? He has to accept his mother-in-law no matter what. Kailangan niya itong tanggapin simula sa unang araw na nagpakita ito sa buhay nila ni Sandra. Hindi akalain ni Lorenz na sa tagal niya sa pakikipaglaban, isang may-edad na babae ang tatalo sa kanya hindi pa man sila nagsisimula. At wala siyang magawa dahil nanay ito ng misis niya. Sa loob ng maraming taon, wala ni isang tao na pumagitan sa kanila ni Cassandra, kaya siguro parang nanibago ang damdamin niya na biglang nagkaroon ng malaking sagabal sa buhay nilang dalawa. They rely on each other''s arms for a couple of years. Kung ano ang hinaharap ng isa, ganoon din ang isa. Pero ngayon, ayaw ni Lorenz na maipit ang misis niya sa sitwasyon. Hindi niya alam kung sino ang pipiliin ni Sandra kung sakali na dumating sila sa punto na tuluyan na ayawan siya ng mama nito. Naramdaman na lang ni Lorenz ang pagyakap ni Cassandra sa kanya. "I''m sorry¡­" Ulit nito. Gumanti si Lorenz ng yakap. Para bang tinunaw ng init ng yakap nito ang lamig na naramdaman niya. Malaki ang pasasalamat ni Lorenz na mabuti na lang at kaya siyang protektahan ni Sandra at alam din nito kung paano siya paaamuhin. "It''s not your fault, Honey." hinaplos niya ang mukha nito na may bahid ng pag-aalala. He can''t help but to kiss her lips. Nagpasalamat naman si Cassandra na mabuti at naiintindihan siya ni Lorenz. Tila dumaloy agad ang init sa kanilang dalawa. They can''t help the heat but Lorenz decided to stop para pagpahingahin ang misis niya. They came all the way from Bristol and he knew that Sandra was tired. Hinaplos ni Lorenz ang puson ng misis niya pagkatapos. He is watching her period. At kung tama ang hinala niya dapat nagkaroon na ito ng period sa ngayon. He is now looking forward na magkaroon sila ng anak. "What are you thinking?" tanong ni Sandra habang sinusuportahan ng kamay at siko ang ulo nito. "Nothing. Perhaps drawing my baby''s figures." nakangiti na si Lorenz. Ang ngiting iyon na nagaganap lang tuwing kasama si Sandra. Hinalikan ni Sandra ang ilong nito. "Shogun¡­ Thank you" Lumapad ang pagkakangiti ni Lorenz. Saka pinaibabawan ang misis niya. Siguro dahil na rin sa trabaho ni Lorenz sa loob ng ilang taon, mabilis na napuna niya kung ano ang kulang sa loob ng kwarto. Doon lang napansin ni Lorenz na may bago siyang problema, hindi niya nakikita ang itim na bagahe niya. Agad siyang lumayo kay Cassandra at inikot ang paningin sa buong kwarto. "Where are my things?" Nakakunot ang noo ni Cassandra na nakihanap ng bagahe ni Lorenz. Dalawang luggage ang dala nila. Dilaw ang kulay ng bagahe ni Sandra at itim ang kay Lorenz. Tanging dilaw na bagahe lang ang nakikita nila sa loob ng kwarto. "Someone is trying to play with me." puna ni Lorenz na nagdilim na naman ang mga mata. "I''ll ask the butler" Nakangiwi si Cassandra na lumabas ng kwarto. Humiga si Lorenz sa malambot at malapad na kama. Sumilay ang ngisi sa labi niya matapos niyang mag-isip. His monster-in-law was trying to see how much patience he has. Hindi mawawala ng basta-basta ang gamit niya sa lugar na iyon ng walang pahintulot mula dito. Mabuti na lang at nasa bulsa niya ang cellphone. Tinawagan niya agad si Mat-mat para manghingi ng tulong. Ang bagahe ng bawat Dark Guards ay may codes at GPS. Lalo na ang bagahe niya bilang siya ang Shogun. Kaya kahit nasa ilalim pa iyon ng kadiliman ay hindi iyon basta-basta mawawala sa paningin niya. Alam na ni Lorenz kung ano ang kalaban niya, walang iba kun''di ang sarili lang din niya. Pumapangalawa na lang si Duchess Camila. He is a Shogun! Kung mayroon man tao na kayang magpatumba sa kanya, walang iba kundi si Cally lang at ang misis niya na si Cassandra. Chapter 371 - Cassandra and Lorenz: Changed of life "Kamusta Shogun?" sagot ni Mat-mat sa kabilang linya. Kasabay ng pakikipag-usap niya dito ang pag-ikot niya sa kwarto. Iniisip niya kasi na baka may ''bug'' sa kwartong iyon o monitor sa kanilang mag-asawa. Kailangan niyang mag-ingat. "Please locate my luggage. Someone is trying to play with me?" sinabi agad ni Lorenz ang rason ng pagtawag niya dito. Alam ni Mat-mat na nasa Sweden ang Shogun para dalawin ang biyenan nito. "Wow! Hindi ko akalain na may maglalaro sa isang Shogun na tulad mo. This person is looking for his death." nakangisi si Mat-mat sa kabilang linya. "It''s my mother-in-law" Masama pa rin ang loob ni Lorenz. He was really disappointed with Cassandra''s mom. He understood that she only wanted to protect her daughter. Pero kailangan din nitong intindihin na hindi na nag-iisa si Cassandra. She has him as her husband. "He he¡­ ngayon alam mo na ang pakiramdam ng pinagti-tripan ng in-laws? Tingin ko, kailangan mo ng payo mula sa expert na katulad ko. Alam mo ba ang mga naranasan ko sa lola ni Donna? Ganyan na ganyan! May time pa na kung anu-ano ang tinatawag sa akin. Mabuti na lang at marunong ako manuhol." "Wala akong plano na makinig sa issue mo sa lola ni Donna, okay." "Ouch! It hurts! Parehas kayo ni Cally na walang mga puso! Ginagalang ako sa industriya ng teknolohiya. Pero pagdating sa inyo, isa lang akong kawawang nilalang. hmp!" Sumasakit lalo ang ulo ni Lorenz habang kausap si Mat-mat. "Just locate my luggage!" sabi niya habang sinsilip ang mga gilid-gilid ng cabinet. "Fine! Fine eto na nga at naninigas na." Nagpipindot ito sa laptop nito pero ilang saglit lang may naririnig na si Lorenz na nursery rhyme sa lugar ni Mat-mat. "The wipers on the bus go swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish, swish¡­ the wipers on the bus go swish, swish, swish, all through the town" "Is that coming from your laptop?" tanong ni Lorenz dito. Kasalukuyan na siyang nasa ilalim ng kama para kapkapin kung may makikita siyang bagay doon. "Yes" tila balewala na sagot nito habang may pinipindot sa laptop nito sa kabilang linya. "Bloody hell! What the..." napamura na lang siya. "What? " tanong nito. "Where are your p.o.r.n''s oohs and aahs? Tuluyan ka nang naging matandang hukluban" nakangisi na tudyo niya. "*sigh* alam mo Shogun, ngayon pa lang ay babalaan na kita habang wala pa kayong anak ni Sandra..." "Una, kapag dumating ang araw na buntis na ang misis mo, mababawasan ang lovey-dovey time niyo. Mababawasan ang s.e.x life mo hanggang sa manigas na lang ang itlog mo at wala kang magawa." "Pangalawa, kung ang laman ng bagahe mo ay cologne, signature clothes, caps, expensive shades o kung ano pa na kinaiinteresan ng mga bintang tulad ko noon... Kapag nagkaroon ka na ng anak, mapapalitan na iyon ng diaper, bote ng gatas hanggang sa wala ng space para sa personal mong gamit." "Pangatlo, hindi mo maiiwasan na mabuwisit kay Elsa! Dahil isang daan beses na pauulit-ulitin sa iyo ng anak mo ang ''Frozen'' dahil kay Olaf. Hanggang sa ma-LSS ka na lang at isa-buhay mo ang kanta na ''Let it go''. Wala ka na kasing time na manood pa kahit ng football o ng basketball games dahil mas iintindihin mo kung ano ang magandang palabas sa mga anak mo para manahimik sila at huwag nang mangulit. Paano pa kaya ang mga hinahanap mong ''oohs and aahs''?" mahabang litanya nito na para bang madaming reklamo sa buhay. "Wow! Kasalanan mo iyan dahil tatlo agad ang naging anak mo." "I know right. Pero ayos lang dahil masaya naman. Hihintayin ko ang isa pang taon at susubukin kung kasing talino ko sila." "Huh? Matalino ka pala?" biro niya habang sinusuri ang bedside table. "Shogun, may issue ka ba sa akin?" "Hehe. biro lang¡­ ano na? Nasaan na ang pinakamamahal kong bagahe?" tanong niya dito. Ang haba na kasi ng usapan nila ngunit wala pa siyang sagot na nakukuha dito. "Palapit na sa iyo. Sa tingin ko, dala na siya ni Sandra." Natahimik si Lorenz dahil may nakuha siyang bilog na bagay. "Matty, please gather information about Cassandra''s mom or rather, her current situation in the family." Seryoso na sabi ni Lorenz habang kinulob ng mabuti ang ''bug'' na nakuha niya sa bedside lamp. Isang maliit na bilog lang iyon ngunit alam ni Lorenz na listening device ang bagay na iyon. "Got it!" saad nito bago binaba ang telepono. Umismid si Lorenz. Hindi siya magpapatalo sa may-edad na babae. Pinitik niya lang ang ''bug'' at tinapakan iyon nang patungo siya sa pintuan. Hanggang sa parang ipis na napisa sa ilalim ng sapatos niya. Binuksan niya ang pinto para salubungin ang misis niya. Sakto na nasa tapat na talaga ito ng pinto. Pumasok si Cassandra sa loob ng kwarto na bitbit ang bagahe ni Lorenz. "I''m sorry Honey. They thought we were not husband and wife. So, they brought your things on the other side of the house." Nagtaas ang kilay ni Lorenz. That was the lamest reason he had ever heard so far. Sa haba ng pasilyo sa royal house na iyon. Talagang naisip na sa kabilang dulo siya ilagay, malayo kay Sandra. "interesting" Chapter 372 - Cassandra and Lorenz: Freeloader "Honey, I''m really sorry." Nahihiya na si Sandra dahil ilang beses na siyang nanghingi ng paumanhin kay Lorenz. Hindi alam ni Sandra kung ano ang gagawin niya para hindi magkaroon ng anumang samaan ng loob sa pagitan ng asawa niya at ng Mama niya. Matapos ang ilang taon, nagkita sila muli ng Mama niya kaya naman ginagawa niya rin ang paraan para makasama niya ito. "I will talk to my Mom." "No need Honey, huwag mong masyadong stress-in ang sarili mo sa Mama mo. Ayokong isipin niya na masyadong big deal sa akin ang mga maliliit na bagay na tulad nito." Lumapit naman si Cassandra para yakapin si Lorenz sa bewang. Hindi niya lang talaga maiwasan na malungkot para sa asawa niya. "Magpahinga na lang muna tayo, okay?" ngumiti si Lorenz para ipakita sa misis niya na ayos lang ang lahat. ===== Sumapit ang hapon, magkasama si Lorenz at Cassandra na pinuntahan ang ginang sa tea room nito. Tulad ng dati, parang hindi nito nakikita si Lorenz at nakapokus lang ang atensyon kay Cassandra. Pasasaan ba at makakahanap din siya ng paraan para manahimik ang lahat sa pamilya nito na mababa ang tingin sa kanya. "Sandra honey, there are two couturiers who will bring gowns here in any minute. You must try some." "My husband has already prepared something for me." nakangiting tanggi ni Sandra. Bahagyang nagtaas ang kilay ng ginang. Ngumiti ito ng simple pero alam ni Lorenz na may bahid ng kaplastikan ang ngiti nito. "Are you sure honey? The gowns cost hundreds of thousands. I just want you to wear the best in the world." saad ng ginang. "Don''t worry, Ma. My husband is an expert in that area. Right Honey?" Si Lorenz na kanina pa tahimik ay napangiti sa asawa niya. He was happy to hear those words coming from his wife. Mabuti naman at hindi balewala sa asawa niya ang mga ginagawa niya para dito. Simple lang ang ngiti ni Lorenz pero sinisigurado niya na nararamdaman ni Sandra ang sinseridad sa mga ngiting iyon. Halata na hindi nagugustuhan ng ginang ang mga aksyon ng mag-asawa. Ramdam ng ginang na pinoprotektahan ng anak ang asawa nito. Umismid ito ng lihim ngunit hindi nakaligtas iyon sa mata ni Lorenz. Matapos ang matagal na pananahimik, nagsalita ito. "I want to talk to Lorenz, alone." hiling ng ginang. Binigyang diin nito na gusto nito na makausap si Lorenz ng sila lamang dalawa. Napangiwi si Sandra. "It''s okay Honey." Kalmadong sagot ni Lorenz. "But¡­" gusto ni Sandra na magprotesta. "Sandra, I will not eat your husband. I just want to talk to him as your parent." Pinisil lang ni Lorenz ang kamay ng asawa niya para sabihin dito na ayos lang ang lahat. Hindi bukal sa loob na lumabas si Sandra ng tea room na sinabihan na maghintay sa labas ng kwarto. Naiwan si Lorenz at ang ginang sa loob. Tinuro ng ginang ang silya na nasa tapat na upuan nito. Gumawa ng inisyal na imbestigasyon ang ginang kay Lorenz at sa totoo lang hindi niya gusto ang mga resultang bumalik sa kanya. Ang mga nakuha niya na impormasyon ay napulot ito ng mga Hans sa kalsada. Inampon ni Madam Lira ng Kent Family sa U.K. at ipinakilala bilang apo sa publiko. Graduate in Political Science in Brock University in U.K. Tapos sa ngayon ay hindi niya alam ang tunay na trabaho nito. Walang makapagsabi ng tunay na trabaho ni Lorenz kahit pa base sa nakalap niyang impormasyon, madalas itong magtungo sa Kent Mansion. But it led to her conclusion that Lorenz has no job at all. In her eyes, Lorenz is doing nothing. So she has to protect her daughter. Pagdating ng araw, mapupunta sa anak niya ang kung ano man na mayroon siya at ayaw naman niya na mangyari na makihati ang isang lalaki na walang ginagawa sa buhay. Sikreto ang organisasyon ng Dark Lords sa publiko pero kilala ito sa mataas ng lipunan. Hindi lingid sa kaalaman ng ginang ang presensya ng organisasyon na ito, ngunit hindi ang Dark Guards kaya naman wala itong ideya sa kung ano ang talagang ginagawa ni Lorenz. Alam niya rin na nakapangalan sa mag-asawa ang bahay ng mga ito. She also knew that their little apartment was worth at least 50 million. But she also knew that he received a lot of money from Madam Lira Kent nang mamatay ito. Kaya naman sa mata ng ginang, naghihintay lang ng bibiktimahin si Lorenz. "How much do you want to divorce my daughter?" matalim na sabi nito. Hindi na nabigla si Lorenz sa tanong ng ginang kaya naman isang nakakalokong pag-ngisi ang sinagot niya dito. Chapter 373 - Cassandra and Lorenz: Pathetic pride May awra ang ginang na halatang nagmula talaga ito sa isang maharlikang pamilya. Kung paano ito umupo. Kung paano ito humawak ng tasa. Kahit sa pagkurap ay para bang pinag-aralan nito iyon ng ilang taon. Kahit pa kung paano siya nito tanungin kung magkano ang gusto niya layuan lang si Cassandra. Para bang hindi iyon nakakabwisit kahit pa nakakainis talaga ang tanong nito. Nagsalin si Lorenz ng tsaa sa isang chinese porcelain na tasa na nasa harapan niya. Naaliw siya sa tanong ng ginang. "I''ll give you a hundred million if you divorce my daughter." ito na ang kusang nagbigay ng halaga bago tumingin sa labas ng bintana. Naaliw siya sa sinabi nito. Akala niya noon, sa palabas lang nagaganap ang mga ganitong klase ng paghaharap ng biyenan laban sa manugang. Never in his wildest dreams na darating sa punto na pati siya ay malalagay sa ganitong sitwasyon. "I will not divorce Sandra, even if you pay me a hundred billion dollars." sagot niya bago ininom ang laman ng tasa. Halata ang disgusto sa mukha ng ginang. "I want someone for my daughter." "But does your daughter want that someone?" tumaas ang sulok ng labi niya. Akala siguro ng ginang ay mapaghihiwalay sila na Sandra dahil lang sinabi at ginusto nito. "She will like him eventually." Gusto nang matawa ni Lorenz. "Looks like Duchess Camila is over confident about this area. Malapit ko nang isipin na hindi mo talaga kilala si Sandra." umismid si Lorenz. Hindi niya na kailangan pang magpakababa sa ginang. So what if she''s a Royal Duchess of this country. In his eyes she doesn''t even compare to Ginny Lopez, a woman who can protect her children, a wife who can support her husband. "Anak ko si Sandra. Kilala ko siya. Sa ngayon, gusto ka lang niya dahil bago pa lang kayo na naging mag-asawa pero pagdating ng araw. maiisip niya na hindi mo siya kayang buhayin." Nagtaas ang kilay ni Lorenz. Pinag-aralan niya ang mukha ng ginang at may nakita siyang lungkot at sakit sa mga mata nito. "Why do I feel like you are referring to your own experience, Duchess Camila?" Sinalubong nito ang mata ni Lorenz. Nababasa niya ang galit sa mga mata nito dahil mukhang nasundot niya ang lamat sa pagkatao ng ginang. "You have met Prince Philip. He was the one I like for Sandra." Malamig na saad nito. Naaliw talaga siya sa usapan nilang dalawa ng ginang. Nakita niya na ang tinutukoy nito sa unang araw pa lang na dumating siya sa bahay na iyon. "Duchess, what right does Prince Philip have to please my wife?" Hindi maiwasan na magtaas ang kilay ng ginang sa tono ni Lorenz. Tila minamaliit niya kasi ang prinsipe na nagmula sa bansang iyon. She curled up her lips. "Bilib din naman ako sa ''yo para magmaliit ng tao. I wonder kung anong klase ng basahan ang ipasusuot mo sa anak ko bukas ng gabi." Sa tingin ni Lorenz, kahit ano pa ang sabihin niya, hindi na mababago pa ang kung ano man na pananaw nito hangga''t hindi nito nakikita na seryoso sila ni Sandra sa relasyon nila bilang mag-asawa. Kaya naman hindi na siya sumagot pa. Nagpasalamat na lang sila na may kumatok sa kwarto dahil kapwa hindi nila gusto ang isa''t-isa. "Come in" saad ng ginang. Sa palagay niya ay nariyan na ang dalawang couturier na pinatawag niya. Hindi nga nagkamali ang ginang dahil sinabi ng maid na dumating ang dalawang designer na nagmula pa sa ibang bansa na bitbit ang mga mamahaling gowns ng mga ito. "Please reconsider my proposal. Not everyone is worthy of my 100 million." sabi nito para tapusin na ang pag-uusap nila. Tumayo ito at tinungo na ang pintuan. Hindi na hinintay pa ang sagot ni Lorenz. Hindi na inintindi pa ni Lorenz ang nais nito at sumunod sa ginang sa paglabas. Nakita niya sa labas ng pintuan si Sandra na halatang hindi mapalagay. "It''s good that you are still here." nakangiti na sabi ng ginang sa anak. "Subukan mo lang na sukatin ang mga damit, malay mo may magustuhan ka." dagdag nito. Hinawakan na nito si Sandra sa braso para akayin sa kwarto kung saan tinanggap ang dalawang designer. "Susubukan kong pumili pero gusto kong hingin ang payo ng asawa ko." sagot ni Cassandra. Pumayag din naman ang ginang dahil gusto nito na ipamukha kay Lorenz kung anong klase ng buhay mayroon ang anak nito. Nasa isip kasi ng ginang na hindi kaya ni Lorenz ang bumili ng gown mula sa kilalang designers. Pumasok sila sa isang kwarto. Kamukha lang din ng wallpaper ng kwarto na iyon ang tea room kung saan sila galing. Parang tinanggal lang ang tea table sa gitna at katulad na ng kwarto na iyon ang tea room ng ginang. May dalawang mahabang sampayan sa gitna na may mga nakasabit na gowns ng dalawang designer na naroon din sa kwarto. Naroon din si Philip na nakapagpataas ng kilay ni Lorenz. "Philip asked these two designers to bring their beautiful gowns here. They are coming from Dubai and France" saad ng ginang. Tila balewala naman kay Lorenz ang sinabi nito. Pinagmamasdan siya ni Philip na may ngisi sa labi. Nagkunwari na lang si Lorenz na hindi niya ito pinapansin. Sinuri niya ang mga gown. Wala siyang alam sa mga iyon pero alam ni Lorenz na hindi ito papasa sa gown na hiniram niya. May kumatok muli sa pinto. Ang butler. "Lady Sandra, Sir Lorenz, the gown that you are waiting for is here." Chapter 374 - Cassandra and Lorenz: Midnight Napangiti si Lorenz. Sakto ang pagdating ng hiniram niyang gown sa oras na iyon. Nakakunot-noo naman ang dalawang designer lalo na nang makita ang pagliwanag ng mata ni Lady Cassandra nang madinig na dumating na ang gown nito. Gusto na magreklamo ng mga ito pero hindi makagawa ng reaksyon o kahit ano mang salita dahil kay Prince Philip at Duchess Camila. Anong klase ng gown ang bigla na lang puputol sa oras nila? Ngumiti naman ng makahulugan ang ginang. She wants to know kung gaano kapanget ang damit na dala ng asawa ng anak niya. Sa dalawang designer na naroon, mas lumakas ang loob ng ginang na isang cheap na damit ang dala ni Lorenz. "Bring it here" saad ng ginang. "I also wanted to know what kind of gown you ordered for my daughter." dagdag pa nito. Agad na sumunod ang butler at inutusan ang isang royal maid na ipasok sa silid ang gown na nasa magandang box. Nakita ng ginang ang box at gusto niyang magtaas ng kilay. Gawa sa makapal na karton ang box na para bang iniingatan nito ang laman nito, pero wala siyang makitang logo doon na ibig sabihin ay walang pangalan ang shop na nagtahi ng damit na iyon. O kaya naman ay baka pinatahi lang ni Lorenz ang gown sa kung saang palengke lang iyon. Hindi maiwasan na mapaismid ang ginang. "Sandra, kapag nalaman ng mga tao na nagsuot ka ng damit ng kung sino lang at hindi kilalang designer, mukha ko ang malalagay sa alanganin." halata ang pagkairita sa mukha ng ginang. Napangiwi si Sandra. Tumingin siya kay Lorenz at gusto niyang manghingi ng tulong dito. Walang ideya si Sandra sa damit na hinanda ng asawa niya. "Duchess, let your daughter show the gown first." si Prince Philip na ang nagsabi. He is also looking forward to seeing the gown prepared by the couple. Kilala ng prinsipe ang lahat ng magagaling na designer sa buong mundo at dala niya sa lugar na iyon ang designer ng reyna ng bansang iyon. "I am also looking forward to see her gown" halatang curious ang dalawang designer "I''m also curious." bulungan ng isa pang designer. Hindi magawa na magkomento ng dalawa sa mga taong nasa loob ng kwarto dahil mataas din ang tiwala ng mga ito sa sarili. Ang tanging nagawa ng mga ito ay maghintay na ilabas ang gown mula sa loob ng box. They are popular designers and they believe that they are the best. Nilapitan ni Sandra ang box at binuksan iyon. Ilang saglit lang, bumungad sa lahat ang isang eleganteng midnight blue na gown na may mga itim na dyamante na disenyo. Kumunot ang noo ng mga tao sa loob ng kwarto. A black diamond on a midnight blue gown! "Wait is that ''Midnight''?" tanong ng isang designer kay Sandra. Mukhang nakilala nito ang gown na inilabas ni Sandra mula sa box. "Oh yes, kanina ko pa nga iniisip kung saan ko nakita ang gown. I think that is the famous ''Midnight'' created by Penelope" sang-ayon ng isa. Hindi makapaniwala si Prince Philip sa usapan ng dalawang designer. "W-who is Penelope?" tanong ni Prince Philip. Hindi rin siya makapaniwala na ang isang commoner na tulad ni Lorenz ay kayang iharap sa kanila ang isang gown na may mga itim na dyamante. And who is this Penelope? How come he doesn''t know a designer called ''Penelope''? "She is the best designer among us, no one knows what she looks like. Every creation she made is worth millions." sabi ng isang designer. "Yes, and as far as I know the Princess from Dubai wants to buy this gown, but she rejected her right away." "Who is Penelope?" usisa ni Duchess Camilla. Nabigla ang ginang sa mga narinig mula sa dalawang designer. Wala siyang kilalang designer na Penelope pero ang dalawang kilalang designer na kasama nila sa kwarto ay sinasabi na si Penelope ang pinakamagaling na designer? "Duchess, Penelope is a goddess. She can do everything. Sinusubaybayan ng lahat ang mga gawa niya. She''s a designer from shoes to bags to jewelries to gowns." "Yes, I think kahit ang engagement ring ni Lady Cassandra ay gawa ni Ms. Penelope" napatingin ito sa kamay ni Cassandra na kahit ilang metro ang layo sa pwesto nito ay kita ang pagkinang ng diyamante ng singsing. "If that is the case, I want to meet this Penelope" mayabang na saad ni Prince Philip. Natatawa ng lihim si Lorenz, hindi niya akalain na ililigtas siya ng Ate Baba nila sa oras na iyon. Magkaiba sila ng propesyon kaya wala siyang alam sa estado nito sa publiko. Basta ang alam lang ni Lorenz, wala siyang binayaran kahit singkong duling sa gown na iyon. Pinahiram lang iyon ni Baba sa kanya at isasauli rin niya pagkatapos. "Prince, no one knows where is Penelope." nakayukong sagot ng isa. Nag-aalala kasi ito na baka magalit si Philip. "Tell me Sir Lorenz, how much did you pay for this gown?" usisa ng isang designer. "Oh! I''m just a commoner. I didn''t pay even a single cent for it" makahulugan na sabi ni Lorenz. Lalo namang tumaas ang respeto ng dalawang designer kay Lorenz. It only means that this guy''s background is not that simple. Kung ang prinsesa ng Dubai ay nagawang tanggihan ni Penelope para kay Lorenz. Ibig sabihin ay may matibay na samahan ang dalawa. Camila is looking at the gown. She can tell na hindi peke ang mga itim na dyamante na iyon. She can also tell that the gown costs millions. Lumalim ang tingin niya kay Lorenz. How come this guy can bring a nice gown for her daughter? Chapter 375 - Cassandra and Lorenz: Princes invitation "I want to meet this Penelope. If you didn''t pay for it, maybe she can sell it to me" mayabang na sagot ng prinsipe. Kung sakali na mabili niya ang gown na iyon, lalabas na siya na ang may-ari ng bagay na iyon. So what kung si Lorenz ang nagdala ng gown, in the end siya pa rin ang nagmamay-ari sa gown. Naiinis talaga siya lalo na habang nakikita ang pagkinang ng mga maliliit at itim na diyamante, parang liwanag iyon ng bituin sa gabi. "Prince, I''m sorry but I don''t think she can sell it to you" halos hindi masabi ng isa sa mga designer. "How dare you tell me that!" mukhang ayaw magpatalo ng prinsipe. Nakaramdam talaga ito ng pagkailang at pagkainis nang makita ang gown na pinakita ng mag-asawa. ''She''s just a designer! I can pay for the gown even if it''s worth millions!'' isip-isip nito pero hindi na sinabi pa dahil ayaw nito na mas mapahiya kay Duchess Camila at kay Sandra. ''Who is this Lorenz? How dare he provide the best gown for Sandra?'' Mas matalino naman si Duchess Camila kay Philip kaya hindi ito nagsalita. Kung tinanggihan ni Penelope ang prinsesa ng Dubai, malamang na tanggihan din nito si Philip. At base sa reaksyon ng dalawang designer, hindi basta-basta ang designer na si Penelope. Ngumiti ang ginang. "It''s good that you have a nice gown." saad ng ginang. Wala siyang magawa sa oras na iyon kung hindi ang mapipi at tanggapin ang gown na dala ng mag-asawa. "But Duchess, don''t you think her gown is too extravagant? It will be your birthday" halatang ayaw talaga magtigil o magpatalo ni Prince Philip. "Prince, I just wanted the best for my wife, at bilang anak ni Duchess Camila, sigurado na pagbibigyan niya ang asawa ko." magalang na saad ni Lorenz. Gusto rin malaman ni Lorenz kung ano ang stand ng ginang sa gown na iyon. At siguradong hindi niya magugustuhan kung magiging issue sa ginang ang pagsuot ng magandang damit ng anak nito. Hindi lang niya inaasahan na kilala sa industriya nito ang ate Baba nila. Wala kasi itong permanenteng trabaho. But he knew that all of her works are amazing. Kahit ang engagement ring na binigay niya kay Sandra ay wala siyang binayaran kahit singkong duling. "Yes, It''s okay." walang nagawa ang ginang kung hindi ang pumayag. Halata ang disgusto sa mukha ng prinsipe. Dalawang kilalang designer ang dala niya sa tahanan na iyon para magpa-impress kay Cassandra at natalo siya ng isang Lorenz na ayon kay Duchess Camila ay isang ordinaryong tao. Hindi pa nakaramdam ng pagkailang ang prinsipe sa buong buhay nito. Aminado ang prinsipe na nagustuhan niya si Sandra sa larawan pa lang, kaya nga pumayag siya sa ginang na ipagkasundo sa kanya si Cassandra. But to his surprise she is a married woman! "Duchess, I wonder if I can invite Sir Lorenz to tomorrow morning''s event" saad ng prinsipe. Lihim na nag-isip ang ginang. Ang tinutukoy ni Prince Philip ay ang laro ng mga ito sa umaga. Wala namang makitang emosyon kay Lorenz at naghihintay lang ng sasabihin ng prinsipe. Sigurado siya na may pinaplano ito at ayaw niyang magreact. "I want to invite you to play horse racing with a touch of hunting. There are wolves in my area. So I hope you can join." nakangiti ito ng makahulugan. "Mukhang kailangan mo ngang linisin ang royal house niyo Prince Philip. Masyado akong nag-aalala sa bahay niyo. Gaano kalaki at karaming lobo kaya iyan? Sa bansa kung saan kami galing ng misis ko, ang mga lobo mismo ang nagpapatayan at nagkakagatan sa leeg sa sarili nilang mundo." "Tsk tsk, of course I''d like to join the party. I am looking forward finding a wolf in your garden" makahulugan na saad ni Lorenz. Mukhang nabasa ng prinsipe ang sinabi niya, ganoon din si Duchess Camila. Nagpaalam din naman silang mag-asawa dahil hindi niya ugali ang makipagplastikan. He is only doing this for his wife. Sapat na ang pagtigil niya sa kwarto na iyon sa loob ng ilang minuto. "Ipagpaumanhin niyo, masyado nang gumagabi, uuna na kami ng misis ko para magpahinga." Inayos lang ni Lorenz ang gown sa box saka iyon nilabas kasama ni Cassandra. Naiwan naman na galit ang prinsipe sa loob kasama ni Duchess Camila na tahimik. Mukhang kailangan niyang ipaulit ang imbestigasyon kay Lorenz. ===== Kung hindi maganda ang mood ng prinsipe at ng ginang. Maayos naman ang mood ni Sandra at ni Lorenz. Kahit pa nag-aalala si Sandra sa event na magaganap kinabukasan. "Honey, sigurado ka ba na pupunta tayo sa event bukas?" Nag-aalala si Sandra na baka sakmalin ng lobo ang asawa niya. Pinunasan lang ni Lorenz ang labi ng asawa niya. "Honey, wala ka bang tiwala sa akin? Nakalimutan mo ba na isa akong Shogun?" "May tiwala naman ako sa kakayahan mo. Pero ayoko na puro kagat ka ng lobo pagbalik mo." Tumawa si Lorenz. Hindi niya alam pero naku-kyutan siya sa misis niya. Chapter 376 - Cassandra and Lorenz: Her Parents story Habang nasa loob ng shower room si Cassandra, nakatanggap ng tawag si Lorenz mula kay Mat-mat. "Shogun, may mga nakuha na ''kong impormasyon tungkol sa biyenan mo" Naghintay lang si Lorenz ng sasabihin nito. Ayaw niyang malaman ng misis niya na pinaiimbestigahan niya si Duchess Camila. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nito. "You have to be brave, hindi ko rin inaasahan ang mga nakalap kong impormasyon. They are shocking." Nagsimula na magkwento si Mat-mat. "Hindi ko inaasahan na nagkaroon ng problema ang tatay ni Sandra nang binata pa ito noon. Ulila na si Mr. San Nicholas at nagtrabaho bilang nurse. Naging maswerte nang matanggap ito para magtrabaho sa Royal family." Tukoy nito sa tatay ni Sandra. "Nagkaroon sila ni Duchess Camila ng lihim na relasyon. Nagsimula ang lahat nang lagnatin si Duchess na prinsesa pa noon. I don''t know how they started their relationship but I think inakit talaga ni Mr. San Nicholas si Duchess nang mga panahon na dalaga''t binata pa ang mga ito." "Nang madiskubre ng hari ang relasyon ni Duchess sa tatay ni Cassandra, pinaalis sila sa bansa at nagtungo sa Mexico." "But you know what I''ve found, may mga medical records si Duchess sa ospital sa Mexico ng panggugulpi. She is literally a battered wife!" pagbibigay-alam ni Mat-mat. Natigilan si Lorenz sa nalaman. Nilingon niya ang pintuan ng palikuran. Alam kaya ni Sandra ang tungkol sa bagay na iyon? Ayon sa asawa niya, mabait ang tatay nito at masaya ang pamilya nito noon. Paanong nangyari na may mga medical records ang duchess ng pambubugbog kung masaya ang pamilya nito? "It''s all in my files. Natigil lang ang medical records nang magsimula na magpadala ng pera ang hari sa tatay ni Sandra. So it only means one thing¡­ Pinakasalan lang ni Mr. San Nicholas ang Duchess dahil iniisip nito na magiging maayos ang buhay nito kung magpapakasal ito sa prinsesa." "Akala siguro nito, gaganda na ang buhay nito kapag nagpakasal kay Duchess. Ngunit hindi nito inasahan na paaalisin sila ng hari at wala itong nagawa kung hindi ang bumalik sa bansa nito." "There is also a record na binenta ng tatay ni Sandra ang mga gamit ng Duchess at ang huli nga ay isang singsing na minana pa ng ginang sa reyna." "Her father is a beast pretending to be a good family man in his children''s eyes." komento ni Mat-mat na halatang naiinis. "Nang araw na nasa cruise sila, patungo sila ng Sweden mula sa Mexico para gamitin naman nito ang mga anak sa hari. But unfortunately, nagkaroon ng malaking bagyo sa dagat." Lumalim ang pag-iisip ni Lorenz, ngayon ay alam na niya ang dahilan ng pagtatalo ng Duchess at ng tatay si Sandra sa cruise. Malamang nalaman ng Duchess ang mga ginawa ng asawa nito. At alam na rin ni Lorenz ang dahilan kung bakit ayaw ng ginang sa kanya. Malamang na iniisip nito na isa rin siyang mapanlinlang laban sa anak nito. Hindi niya alam kung ano ang iisipin ngayon matapos malaman ang lahat. "Nasaan ngayon ang singsing?" usisa niya kay Mat-mat. "Pag-aari ni Lady Marietta. Sabi ng Mommy ko kilala niya daw si Lady Marietta. At sasali rin daw ang ginang sa auction na parehas na pupuntahan ni Ate Baba." "Auction?" "Yes. may auction na magaganap sa France. Sabi ni Mommy, mapupunta daw sa cancer patients ang kikitain ng organisasyon na iyon. Invited ang kung sino-sinong matataas na tao. Isang painting ang idodonate ni Ate baba, at sa palagay ko idodonate din ni Lady Marietta ang singsing." Lumalim ang pag-iisip ni Lorenz. Sa tingin niya, kailangan niyang makuha ang singsing para ipakita ang kaseryosohan niya sa ginang. "Do you have a way, para makasama tayo sa auction na iyan?" "Tss. sisiw! Pwede akong manghingi ng tulong kay Mommy o kay Ate Baba." Ngumisi si Lorenz. "Kapag natulungan mo ako na maka-attend sa auction na iyan, bibigyan kita ng isang buwan na bakasyon palayo sa mga anak mo. deal?" "Talaga?!" napatayo ito at tila na-excite. Halata sa boses nito na sumasakit na ang ulo sa triplets nito. Pero wala itong magawa dahil literal na ''under-de-saya'' ito kay Donna. "Pahihiramin kita ng apat na Dark Guards para magdisiplina at magbantay sa mga anak mo. Pwede kayong magdate ni Donna sa Northpole ng isang buwan. Deal?" nakangisi na saad niya dito "Oh! I love you Shogun!" Parang maiiyak ito sa offer niya. "Gago! I love you... your face! Kadiri ka!" "Maghanda ka na ng gamit mo papuntang France dahil sisiguraduhin ko na may invitation ka!" masayang sabi nito sa kabilang linya bago pinutol ang tawag.. Sakto naman ang pagbukas ng pintuan. "Who is that?" tanong ni Sandra sa kanya. "Manyak Matthew." nakangiti niyang sabi. "Haay, malamang nagrereklamo na naman sa mga anak niya." Ngumiti lang si Lorenz bago niya pinaupo si Sandra sa tapat ng tokador para punasan ang basang buhok ng misis niya. Chapter 377 - Cassandra and Lorenz: Come and get me! Alas siyete ng umaga, kasalukuyan pang madilim sa bansa. Inaasahan kasi na alas siyete y medya ang oras ng bukang liwayway para sa araw na iyon. Nagmulat ng mata si Sandra at bumungad sa kanya ang matapang na awra ni Lorenz. Hindi maiwasan na mag-alala ni Sandra para sa asawa niya. Hindi niya kasi gusto ang ugali ng prinsipe. Bumangon siya at nagsuot ng roba. Tinungo niya ang balkonahe para abangan ang pagsilay ng haring araw. Kung tutuusin, maganda ang lugar na iyon. Berdeng-berde ang lupain dahil sa klima at sa damuhan. Tahimik at masarap pa sa pakiramdam ang sariwa ng hangin. Kaiba kasi ang lugar na iyon sa lugar ng tahanan nila ni Lorenz sa UK. Uminit na lang ang pakiramdam niya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran mula sa taong pamilyar sa kanya. Sa laki ng katawan ng asawa niya kaya siya nitong itago sa hangin. "Bakit ang aga mong nagising?" tanong mula kay Lorenz. "Gusto kong hintayin ang pagliwanag." nakangiti niyang sagot. Pakiramdam ni Lorenz ay inaakit siya ng ngiti ng misis niya. Kasalukuyan nang nangangasul ang ulap at anumang oras ay liliwanag na ng tuluyan sa paligid. He started to kiss her earlobe. Napapikit na lang si Sandra. Muntik pa siyang mapaungol nang bumaba ang halik nito sa leeg niya. Halos mapasinghap si Cassandra dahil sa tila kuryente na dumaloy sa pagkatao niya. "N-nasa labas tayo¡­ don''t..." bulong ni Sandra. Kapag nakita sila ng kung sino lalo na ang mama niya, wala na siyang mukhang maihaharap pa. Ano na lang ang sasabihin sa kanya bilang anak ng Duchess? Pero iba ang sinasabi ng katawan niya. She wanted him. Kahit araw-araw o oras-oras. "I want to make love with you right here while waiting for sunrise." "Honey don''t. Let''s behave. They might see us¡­" saad ni Cassandra. Nasa balkonahe lang sila at alam ni Sandra na may mga guards na nasa paligid. Doon pinigil ni Lorenz ang sarili. "Okay. let me hug you instead." Umikot lang ang dalawang malalaking braso ni Lorenz sa maliit na katawan ni Sandra. Pinatong ang ulo sa balikat niya. Feeling each other''s body while waiting for sunrise. ===== Nagsuot si Lorenz ng itim na polo shirt. Sanay na si Sandra sa kasuotan niya na walang ibang kulay kung hindi itim lang talaga na akala mo ay anak siya ng hari ng dilim. Si Cassandra naman ay nakasuot lang ng bestida na hapit sa katawan nito. Ayon kay Sandra. Ang gaganapin na iyon sa bahay ni Prince Philip ay regalo nito kay Duchess Camila. Dalawa ang sasakyan na gamit nila patungo sa lugar ng prinsipe. Ang mag-asawang Edward at Camila sa isang sasakyan, at sila ni Cassandra sa isa pang sasakyan. Marami silang gagawin sa araw na ito dahil gaganapin naman sa gabi ang party ni Duchess Camila. Inabot ng trenta minutos bago sila nakarating sa property ni Prince Philip. Tinulungan ni Lorenz ang asawa niya sa pagbaba ng sasakyan. Napansin nila na maraming bisita. Marami ang agad na bumati kay Duchess Camila. Pinag-aralan ni Lorenz ang paligid. Katulad ng tahanan ni Prince Philip ang bahay ni Duchess Camila. Tatlong palapag din iyon at malapad. Kung may pagkakaiba man, siguro ang paligid nito. Mas masukal ang paligid ng tahanan ng prinsipe. Maihahalintulad niya ang paligid nito sa tahanan ng mga Kent sa U.K. "Pwede na tayong magsimula sa loob ng trenta minutos." saad ng prinsipe sa kanya. Halata pa rin sa tono ang yabang. Para bang gustong gusto na siya nitong tirisin. Hindi naman pinapansin ni Lorenz ang mga walang kwenta nitong inaakto. Binigay nito ang mapa sa kanya. Tinandaan niyang mabuti iyon at iniisip kung saan ang aktwal sa paligid ang mga nasa mapa. Naisip niya na magtanong-tanong na lang. Pinalapit ang lahat ng kasali sa horse racing na may halong hunting. Hindi alam ni Lorenz kung ano ang trip ng prinsipe pero hindi naman siya natatakot sa dugyot na lobo. Dose silang lahat na mga kalalakihan na maglalaban-laban. Iba-iba rin ang edad. Kaibigan ng prinsipe ang pito dito. Ang iba ay may mga edad na at anak ng kung sino na nagmula pa sa iba''t-ibang bansa. Binigay ang rule. Kailangan na may mahuli silang lobo. Kung sino ang unang makakapagdala ng lobo sa pagbalik ang siyang magwawagi. Pinapili muna sila ng shotgun. Dalawang armas ang natira para sa kanilang dalawa ng lalaki na nasa hulihan ng pila. Hinayaan ni Lorenz na maunang pumili ang lalaki. Sinuri ng lalaki ang parehas na shotgun. Hinawakan iyon at tila itunutok sa kung saan. Napansin ni Lorenz kung paano ito humawak ng armas at masasabi niya na mahusay ito. Hindi tulad ng ibang mga nauna sa kanila na basta na lang kumuha sa hilera. Tinanong lang ang mga assistant na tumutulong sa kanila kung ano ang magandang armas. Kung ano ang malakas ang putok at kung ano pa. Hindi tulad ng lalaking naiwan na para bang pati ang haba mula sa gatilyo hanggang puwitan ng shotgun ay sakto dapat sa braso nito. "Ayos lang ba kung ito na lang ang sa akin?" paalam nito sa kanya. Napansin ni Lorenz na mabait ang lalaki kaya nagawa niya na rin na purihin ito. "No problem. Pansin ko na marunong ka tumingin ng armas." saad niya. Ngumiti ito. "Hunting is my favorite thing. I''m Prince Hanz. Pamangkin ni Duchess Camila. I heard that you are her son-in-law. "Oh! Nice to meet you" sabi niya dito. "Salamat!" "Una na ko para pumili ng kabayo." Tumango lang si Lorenz kahit pa dinampot lang ang armas na nakalaan sa kanya at sumunod sa lalaki. Napansin naman siya nito. Lumingon ito sa paligid saka may ibinulong sa kanya. "Mag-ingat ka kay Prince Philip." Saad nito. "salamat sa payo." Hindi na sila nag-usap pa dahil naroon na sila kwadra at mas marami na ang mga bantay. Kahit hindi pa siya payuhan ni Prince Hanz, nababasa niya ang plano ni Prince Philip. Lihim na lang siyang napaismid. ''Come and get me!'' Chapter 378 - Cassandra and Lorenz: Taming the Black horse Mas matanda ng ilang taon si Prince Hanz kay Lorenz, sa palagay niya nasa kwarenta na ang lalaki. Nakangisi si Prince Philip nang pumasok sa kwadra ng mga kabayo si Lorenz at Prince Hanz. Kaya lalong lumakas ang pakiramdam niya na may pinaplanong iba talaga ang prinsipe. Hindi naman siya tanga at naghanda talaga siya para sa kaligtasan niya bago nagpunta doon. "You can now choose your horse." saad nito sa kanya. Tumango lang si Lorenz. "Perhaps this horse?" turo nito sa isang maliit at puting kabayo na nasa bungad. Halatang kinukutya siya nito. Hindi niya ito pinansin. Walang panahon si Lorenz sa mga galaw na pang-isip bata. Mas gusto niya na pinapakita ang kakayahan ng isang tao sa kilos at gawa na natutunan niya kay Rob Matsui. Ayaw niya ng maraming kuda na parang bakla. Kung gusto nito na talunin siya kaya siya inimbitahan doon, marami siyang oras para harapin ito. Isang itim na kabayo na may puting buhok ang nadaanan niya. Galit ito sa lahat ng lumalapit dito. Nilagpasan lang din Lorenz ang kabayo saka sinuri ang iba pang mga kabayo na naroon. Ngunit wala siyang matipuhan sa lahat ng kabayo doon. Wala kasi siyang makita na kakayanin ang bigat niya bukod sa itim na kabayo na may puting buhok. Sa pananaw ni Lorenz, hindi basta-basta ang pagpili sa kabayo. Kailangan na intindihin ang nararamdaman nito. Para lang din sa paghanap ng nobya, kailangan may koneksyon sa isa''t-isa para madala ka nito sa paglalakbay. Sa malaking tao na tulad niya, baka magwala lang ang iba pang mga kabayo hindi pa man siya sumasakay. Sa Kent Mansion, may mga kabayo rin silang pinalalaki. Si Onyx na isang itim din na kabayo na may limang taon na niyang inaalagaan ang talagang nais niya pero wala ito sa lugar na iyon. Kaya walang magagawa si Lorenz kung hindi ang lapitan muli ang kabayong itim na may puting buhok para ito ang gamitin sa racing at hunting. Tumigil siya sa tapat ng kulungan nito at sinubukan ito na lapitan. "That is Domino. Mainitin talaga ang ulo niyan at walang magustuhan na kahit sino. Are you sure you want this horse?" tanong ni Prince Hanz. Kilala ng lahat bilang masungit na kabayo si Domino. Panay ang halinghing ng kabayo na halatang inis ito lalo na at maraming tao ang pumasok. Para bang nagambala ang pahinga nito. "I don''t have a choice." mabigat ang mga muscle ni Lorenz sa katawan. Idagdag pa na mataas siyang lalaki. "Pakilabas siya." hiling niya sa lalaki na tagapagbantay doon. Alanganin man ito, sinunod pa rin siya nito. Nakangisi naman si Prince Philip nang makita ang napili niyang kabayo bago tuluyan na lumabas sa kwadra na hila ang puting kabayo nito. Gusto nitong maliitin si Lorenz sa pagpili kay Domino. Nang buksan ang kulungan. Tumalon ang kabayo ng mataas. "Woh woh¡­ calm down. I won''t eat you" Sinuri ni Lorenz ang katawan nito at doon napansin na hindi maganda ang pagkakapako at ng bakal na sapatos nito sa likuran. "Pakiayos ang sapatos niya." saad ni Lorenz habang tinuro ang bagay na sinabi niya sa lalaki na tagapagbantay. Halatang nagulat ito. "Ang totoo Sir, Hindi namin mapalitan ang sapatos dahil madalas siyang nagagalit sa amin." nag-aalangan na sabi nito. "Ako ang pipigil sa kanya. Go! ayusin mo ang sapatos ng kabayo." Tumango lang ang lalaki. Saka inayos ang mga kagamitan. Ilang saglit pa, naka-ready na ang lalaki para ayusin ang sapatos ni Domino. Pinakalma ni Lorenz ang kabayo. Tiningnan niyang mabuti ang mata nito habang hinahaplos ang katawan. "You will be fine sooner." "Haplusin mo muna ang binti niya." sabi niya sa lalaki. Si Prince Hanz naman ay nanatili sa kwadra at pinanood ang mga kinilos ni Lorenz. Para bang ayaw na nito na lumabas muna dahil mas interesado ito kay Lorenz. Nang aktong tatanggalin na ng lalaki ang pako sa paahan ni Domino, gusto ng huli na magwala at alam ni Lorenz na hindi kasi ito mapalagay. Ginamit ni Lorenz ang katawan at lakas niya upang pigilin ang pagwawala ni Domino. "Calm down." Kita niya ang namuong luha sa mata nito matapos matanggal ang pako at sapatos. "Calm Down, let me see" saad niya habang patuloy sa paghaplos dito. Sinilip niya ang paa ni Domino. Nag-aalangan naman siya ngayon kung itutuloy niya pa ang pagsakay dito. Hinilot niya muna ang paa ni Domino bago inutusan muli ang lalaki na ayusin ang paglagay sa sapatos. Matapos maiayos ang sapatos nito, naging maamo naman ang kabayo sa kanya. "Sir, I salute you. Salamat sa tulong dahil naayos din namin sa wakas ang sapatos niya." saad ng lalaki. Hindi kasi kayang pigilan ng mga tauhan doon si Domino dahil nauuna na ang pagwawala nito bago pa man mapalitan o ayusin ang sapatos. "Wow! Napabilib mo ako!" puri ni Prince Hanz. Nilingon niya ang prinsipe. Hinid niya akalain na naroon pa ito sa kwadra. "We have horses in U.K." simpleng sagot niya. "Let''s go then. Magsisimula na ang laban, baka isipin nila na nagback-out na tayo" mungkahi ni Prince Hanz. Tumango si Lorenz saka kinausap muli si Domino. "Now it''s time to pay me. Help me win." Tinapik niya ang kabayo bago siya sumakay dito. Chapter 379 - Cassandra and Lorenz: Wolfs den (1) Nakangisi si Prince Philip. Kailangan na makasali sa laban si Lorenz. Tutal naman ay kumagat na ito sa pain para tuluyan na mahulog sa kumunoy, kaya lulubus-lubusin na niya. Kailangan niyang ipamukha dito na naroon ito sa balwarte niya at lahat ng bagay doon ay gamay niya. Ayon kay Duchess Camila, walang kwenta ang pinagmulan ni Lorenz kaya hindi niya hahayaan na matalo siya nito. Hindi niya talaga natanggap ang nangyari nang nagdaang araw kung saan parang pinamukha sa kanya na hindi pa ganoon kalaki ang circle na mayroon siya. How come he knew the best person? Kung ano man ang mangyari kay Lorenz kasalanan nito iyon dahil nagtapat silang dalawa. Nagpasalamat na nga lang siya dahil isang commoner at ulila ang lalaki. Walang maghihinala sa kanya sa poder nito. Kung sa parte naman ni Sandra, madali na lang magbigay ng rason dito dahil sigurado na tutulungan siya ni Duchess Camilla. "F*ck! He is riding Domino!" nabigla siya nang mapamura ang kaibigan niya na nasa tabi. Nilingon niya ang tinutukoy ng kaibigan. "This¡­" hindi rin siya makapaniwala. Ang inaasahan na nagwawala at tila galit na kabayo ay mabait na napasunod ni Lorenz. Hindi lang ang prinsipe ang nagulat maging ang mga manonood na alam ang istorya ng itim na kabayo na may puting buhok. Nagsipaglingunan ang lahat sa gawi ni Lorenz. Hindi lang ang mga kalahok kung hindi pati na rin ang mga nanonood na sinisilungan ng malaking tent. Hindi makapaniwala ang lahat bukod kay Sandra na walang alam. Kita agad ni Cassandra ang asawa niya na sakay ng itim na kabayo. Napangiti siya. Nilingon siya ng ginang na nasa tabi at hindi na ito nabigla na makita na para siyang dalaga na nakita ang unang pag-ibig nito. Sandra is admiring her husband at the moment. Parang nagmula sa dark painting si Lorenz na ililigtas siya mula sa kadiliman. "Wow! Who is that man riding Domino?" "Yes! Oh my god he is so handsome!" "I want to know him too." Mga bulungan ng mga kababaihan sa likuran ni Sandra. Dahil hindi niya naman kilala si Domino kaya hindi niya alam kung sino ang tinutukoy ng mga ito. Lumingon sa gawi niya si Lorenz. Hinanap siya nito sa mga hilera ng manonood. Hindi naman ito nahirapan at mabilis na nagtagpo ang mga mata niya. Para bang nag-usap muna ang mga mata nila before she sent a flying kiss to her husband. Ngumiti ito sa kanya. He can''t help na kiligin. "Oh oh! He''s smiling at me!" narinig niya na kinikilig mula sa likuran niya. Walang panahon si Sandra sa mga dalagang humahanga sa asawa niya. She felt the same way kaya hindi niya masisisi ang mga kababaihan na ito na hayaan na humanga kay Lorenz. ===== Lihim na binuksan ni Lorenz ang GPS ng relo niya. Para kung sakali na maligaw siya sa masukal na daan, madali siyang makakabalik. Pero hindi niya akalain na mas matindi pa dito ang pinaplano ni Prince Philip. Nagsimula ang laban. Si Duchess Camila ang naka-assign sa signal bilang kaarawan ng ginang sa araw na iyon. Ginalaw nito ang gatilyo ng Beretta na nakatutok sa kalangitan para simulan ang laban. Umalingawngaw ang putok sa kalangitan. Agad na nagsipagtakbuhan ang mga kabayo. Hinaplos muna ni Lorenz si Domino. "I trust you that you will help me win¡­" bulong niya sa itim na kabayo. Kahit pa nakakunot ang noo ng lahat at tila hindi maiwasan na magtaka kung bakit naiwan si Lorenz, hindi masyadong pinansin ni Sandra. Malaki ang tiwala niya sa asawa na mananalo ito sa laban nito sa araw na iyon. Saglit na tinapik ni Lorenz ang kabayo at agad na tumakbo iyon pasulong. Tumakbo sa malawak na greenfield ang kabayo hanggang pumasok ito sa loob ng masukal na daan. Nanalangin naman si Sandra na sana ay ligtas ang asawa niya. Bilang babae, normal na matakot siya sa lobo kahit pa alam niya na ilang bala na ang inilagan ng asawa niya at kung gaano kadelikado ang training na pinagdaanan nito. ===== "Did you change the sign?" tanong ni Prince Philip sa isa sa mga kaibigan. Ngumisi lang ito bilang sagot sa tanong niya. Inutusan niya na palitan ang guide para ituro si Lorenz sa mismong lungga ng mga lobo. It doesn''t matter kung wala silang makuhang lobo, ang mahalaga mamamatay si Lorenz sa araw na iyon. Iuuwi nila ito nang tapyas-tapyas ang mga laman nito sa katawan. Sa lugar ni Lorenz, naniningkit ang mata niya sa daan na ibig sabihin ay desidido siya na manalo. Habang daan hindi maiwasan na magtaka siya dahil dumidilim ang lugar na tinutungo niya ni Domino. Sigurado siya na sinunod niya ang mga sign boards. Pinahinto na muna niya si Domino at sinilip ang compass niya sa relo. Ang natatandaan niya base sa mapa na pinakita ni Prince Philip, patungo dapat ng west ang ruta ng racing paikot at pabalik sa royal house nito. Pero naroon siya sa east sa kasalukuyan. Umismid siya, hindi niya akalain na ganitong klaseng trick lang ang ilalabas ng prinsipe. Sobrang babaw at parang bully sa elementary. Pababalikin na sana niya si Domino kung saan sila galing gamit ang GPS ng relo niya nang may dalawang lobo na galit na galit at tila naglalaway sa kanya ang humarang sa daan. Humalinghing si Domino na halatang natakot ito. "Don''t be afraid. I''m here.." hinaplos niya muli ang katawan nito. Tumalim ang mata ni Lorenz at itinutok ang shotgun sa dalawang lobo. Chapter 380 - Cassandra and Lorenz: Wolfs den (2) Tinutok ni Lorenz ang shotgun sa dalawang lobo. Para bang sabik na sabik sa pagkain ang dalawa at naglalaway pa habang umaangil. *bang* Natamaan niya sa leeg ang isa. The wolf growls. Umungol ito at agad na dumaloy ang kakaunting dugo mula sa leeg. Parang nagalit naman ang kasama nito na isa pang lobo. *grrrr* umaangil ang pangil nito at anumang oras ay susugod sa kanya. Ilang saglit nga lang ay tumakbo ito patungo sa kanya. Ginalaw muli ni Lorenz ang gatilyo para patamaan din ito sa leeg ngunit walang lumabas na bala. "Putang--!" hindi maiwasan na mapamura siya. Tinalunan siya ng lobo at wala siyang nagawa kung hindi ang mabilis na ihampas ang katawan ng shotgun niya dito. Mabuti na lang at mabilis ang survival instinct ni Lorenz. Tumilapon ang lobo sa isang puno malapit din sa kasama nito na nasugatan. Sinuri ni Lorenz ang shotgun at alam niya na tig-anim ang bala ng bawat shotgun bago magsimula ang laban. Hindi niya alam kung paanong nangyari na iisa na lang ang bala ng hawak niyang armas. Posible na may sumabotahe sa kanya habang inaayos nila ang sapatos ni Domino. Mabilis na nakabawi ang dalawang lobo at nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa kanya. Umangil ang isa at akmang lalapit muli sa kanya. Tumutulo pa sa pangil nito ang laway na para bang laway na laway sa kanya. Katulad ng lobo, matalim din ang mga mata ni Lorenz at wala man lang maramdaman na takot. Kinuha niya ang balisong niya na nasa isang bulsa. Tumalon ang lobo at pinakagat niya dito ang katawan ng shotgun saka ito pinaibabawan. Ngunit patungo din sa kanya ang isa pa. Akmang sasakmalin siya nito sa leeg nang talunan ni Domino. Paulit ulit na tinalunan ito ng kabayo hanggang sa madurog ang katawan nito. Kasabay nito ang pagsaksak niya sa mata ng lobo na pinipigilan. At parang nababaliw na ginilitan ito sa leeg. Nanggigigil si Lorenz na ginilitan din ang lobo na patuloy na na tinatalunan ni Domino hanggang sa sabay na nawalan ang mga ito ng buhay. "Thanks Buddy!" tinapik-tapik niya ang itim na kabayo. Kinuha niya ang makapal na lubid na nakasabit sa gilid ng kabayo at inayos ang pagkakatali ng dalawang lobo. Napaismid na lang siya kay Prince Philip. You wanted a wolf? I will give you two wolves! ===== Sa lugar naman ni Cassandra. Isa-isang nagsipagdatingan ang mga kalahok. Nauna ang grupo ni Prince Philip. "Sorry, we didn''t see any wolves along the way." mayabang na sabi. "It''s okay Prince. Mas mahalaga ang kaligtasan ng lahat" saad ni Prince Edward na asawa ni Duchess Camila. Nagsunud--sunod ang mga kalahok na wala man lang bitbit kahit isang lobo at tanging si Lorenz na lang ang natitira sa grupo na hindi pa nakabalik. Nilapitan ni Sanda si Prince Philip. "W-where is Lorenz?" nag-aalala na tanong niya. "Oh! I didn''t see him." makahulugan na sagot ni Prince Philip. Ilang saglit lang, narinig nila na may pumutok na bala mula sa masukal na lugar. Natigilan si Sandra at napalingon sa lugar nito Dahil si Lorenz lang ang wala sa lugar, sigurado siya na si Lorenz ang nagpaputok ng bala na iyon. Napangisi si Prince Philip. Natigilan naman si Cassandra. Ilang saglit lang, narinig ang mga pag-angil sa parehas na pwesto. "W-where is it? I want to go there." nagsisimula na siyang mataranta. Lalo na nang wala na siyang marinig na putok at puro pag-angil na lang ng mabangis na hayop ang naririnig nila sa masukal na lugar. Hindi kaila sa lahat ng manonood na tig-anim ang bala ng bawat shotgun. Kaya ang nasa isip ni Sandra ay nilalapa na ng hayop ang katawan ng asawa niya at hindi na ito nakalaban pa. Lumapit si Duchess Camila sa pwesto niya. "Sandra, you are not allowed to go anywhere." matigas na saad ng ginang. "Ma, I need to see Lorenz. Sigurado na siya ang nagpaputok ng shotgun. Where is it?" nagsimula na siyang umiyak. Nagsimula na rin na makaramdam siya ng pagkahilo. "Maybe nakita niya ang wolf na hindi namin nakita." makahulugan na saad ng prinsipe habang nakangiti ng kaunti. Ilang saglit pa, wala na siyang marinig ng kahit na ano na lalong nagpasama sa kalooban ni Sandra. Napapraning siya at kung anu-anong masamang mga imahe ang naiisip niya na nagaganap kay Lorenz. "I-Iwant to go, I want to go¡­" tutunguhin pa lang sana niya ang isa sa mga kabayo nang mawalan siya ng malay. "Ahhh!" napasinghap si Duchess. "Call a doctor! Quick!" utos ng ginang sa mga tao sa paligid. Agad siyang lumuhod para alalayan ang anak. Sumunod naman si Prince Philip. Nagkagulo ang mga tao sa paligid lalo na nang makita na hinimatay si Sandra. Habang nagkakagulo sila, nabigla na lang ang lahat nang makita ang itim na anino na lumabas mula sa masukal na lugar. "Ahhhh!!!" Sabay-sabay na kinikilig ang mga kadalagahan nang makita si Lorenz. Agad na pinagalitan ang mga ito ng mga magulang nito dahil sa pagka-kiri. Mas nabigla pa ang lahat nang makita na may hila-hila si Domino na hindi lang isa kung hindi dalawang lobo. Chapter 381 - Cassandra and Lorenz: He came back with two wolves Nanlaki ang mga kalaban ni Lorenz at sabay-sabay na nagsipaglungunan sa papalapit na itim na kabayo. Kahit si Prince Hanz ay hindi maiwasan na mapahanga ni Lorenz. Wala kasi na kahit isa sa kanila ang nakapag-uwi ng lobo pabalik. Kahit paano ay takot sila na may makita na lobo habang daan. Mas gugustuhin nila na makabalik ng maayos sa racing ng walang balakid kaysa mamatay sa racing na iyon. Naniningkit ang mga mata ni Prince Philip at hindi makapaniwala nang makita si Lorenz na papalapit. May dalang lobo ang lalaki at hindi lang isa kung hindi dalawa! Nagma-mantsa ang dugo ng dalawang lobo sa berdeng-berde na damuhan sa tapat ng royal house niya. Hindi siya makapaniwala na maliligtas ang lalaki gamit lang ang isang bala na laman ng shotgun nito. Paanong nangyari iyon? Nakita ni Lorenz na nagkakagulo ang mga tao sa pwesto malapit sa tent. Dahil hindi niya makita si Cassandra sa dati nitong pwesto, pinabilisan niya ang takbo ni Domino. Nang makalapit, nakita niya ang laylayan ng suot na bestida ni Sandra pati na ang binti ng asawa niya na nakahiga sa damuhan. Idagdag pa na nakaluhod dito si Duchess Camila. Kaya sigurado siya na nawalan ng malay ang misis niya. Agad siya na tumalon mula sa kabayo at tinakbo ang kumpol ng tao. Wala na siyang pakialam pa kung nagwagi siya o kung ano pa man. Kahit ang mga kababaihan na nakangiti ng matamis at nakatingin sa kanya ay hindi niya binigyan ng halaga. Nasa misis niya ang lahat ng atensyon niya sa oras na iyon. Akmang bubuhatin na sana si Cassandra ng isa sa grupo nang pigilan ito ni Lorenz. "Let me hold my wife." matigas na sabi niya. Hindi niya hahayaan na mahawakan ng kung sinong lalaki ang asawa niya. Mabilis na natakot ito at lumayo. "I''ll bring her to a hospital." Nakatingin siya kay Duchess Camila para hingin ang pagpayag nito. Ayaw niyang ipasok ang asawa niya sa lungga ni Prince Philip kahit pa alam niya na may personal na mag-aasikaso sa kanila doon. Mas nanaisin niya na dalhin si Sandra sa pinakamalapit na clinic. "Prepare the car for Sandra!" saad ng ginang saka tumayo. Parang papel na binuhat ni Lorenz ang misis niya. Lahat ng kaseryosohan ay nasa mukha ni Lorenz at walang makitang emosyon kahit pa gusto niyang ipalapa si Prince Philip sa lobo dahil sa ginawa nito. Mabuti na lang at may GPS ang relo niya. Naging handa rin siya na nagdala siya ng patalim. Nagbigay siya ng makahulugan na tingin sa prinsipe bago niya tuluyan na binitbit si Cassandra sa sasakyan ng ginang. "F*ck! How come he came back and with two wolves?" Tanong ng kaibigan ng prinsipe na nagpalit ng sign board sa daan. Tinapunan lang ito ni Prince ng matalim na tingin at naiinis na pumasok sa loob ng bahay nito. Nagkagulo naman ang iba pang kalaban ni Lorenz sa dalawang lobo na kapwa may gilit sa leeg. Ang iba naman lalo na ang kababaihan ay natakot sa mabangis na hayop. ===== Nakakuyom ang mga kamao ni Lorenz habang sinusuportahan ang katawan ni Sandra sa loob ng sasakyan. Halata ang takot sa mukha ng misis kaya lalo siyang nabuwisit kay Prince Philip. Ayaw niyang patulan ang lalaki pero kapag sinagad nito ang pasensya niya, gagawa talaga siya ng paraan para manahimik na ito ng tuluyan. Nagdilat din naman ng mata si Sandra ngunit nanlalabo pa ang mata. "Lorenz?" Paninigurado nito. Mahina at matamlay ang boses. "I''m here, don''t be afraid" sabi niya sa misis niya. He intertwined his hands against hers. Ginamit ang isang kamay para pinunasan ng tissue na nasa bungad ang namuong pawis. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang sinisigurado na hindi siya nagsisinungaling. Ilang saglit pa, mukhang kumalma naman ito matapos masiguro na ayos lang siya mula sa racing. "I''m hungry" saad ni Sandra. "Mamaya na. We''ll bring you to a hospital nearby. What do you want to eat? I''ll bring it to you kapag nasuri ka na ng doktor." "Anything. Sinisikmura ako" reklamo nito. May twenty minutes din na biyahe bago pumasok sa loob ng hospital ang royal car. Alam ni Lorenz na nakasunod ang sasakyan ng mama ni Sandra sa kanila. Alam niya na nag-aalala rin ito sa lagay ng anak nito. Bumaba si Lorenz, ganoon din si Duchess Camila. Agad na hinarap sila ng staff dahil isang royal car ang pumasok sa loob ng hospital. Mabilis na dinala ang stretcher sa kanila. "My wife is pregnant, please check her." Sabi ni Lorenz sa hotel staff matapos na mailapag ang misis niya sa ibabaw ng bed. Napalingon si Duchess Camila kay Lorenz. Ganoon din si Sandra. "What? I''m pregnant?!" Nagulat si Sandra. Bakit hindi niya alam? At mas lalo na nagtataka siya na mas alam pa ni Lorenz ang tungkol sa bagay na iyon kaysa sa kanya? Chapter 382 - Cassandra and Lorenz: My wife is Pregnant Nagulat si Sandra sa sinabi ng asawa niya. Hindi niya alam na buntis siya. ''Hinimatay lang ako, buntis na ko?'' But a joy arises coming from her heart. Kung totoo na buntis siya, siya na yata ang pinakamasayang babae sa araw na iyon. Dinala si Sandra sa loob ng clinic ng isang OB. Sinuri siya ng doktor sa loob. Naghihintay naman si Lorenz at Duchess Camila sa labas ng opisina nito. Seryoso ang mukha ni Lorenz na halatang tense ito. Hindi maipagkakaila na nagulat din talaga ang ginang sa sinabi ni Lorenz na buntis ang anak niya. Madalas kasi na magpatsek ang anak niya sa OB and Gynecologist na nasa UK kaya nga niya nakuha ang record nito. At base sa reaksyon ni Cassandra, wala rin itong alam. Ngayon lang siya nakatagpo na mas naunang malaman ng lalaki na buntis ang asawa nito. "How did you know that your wife is pregnant?" usisa ng ginang kay Lorenz. "I''m watching her period" simpleng sagot ni Lorenz. Mas nagulat ang ginang. "W-what if she''s just delayed?" "Duchess, I am 100 percent sure" seryoso na sagot ni Lorenz. Natahimik ang ginang. Hindi niya alam kung ano ang pinaglalaban ni Lorenz pero sa tingin niya ay may punto ito. Nang mga makaraang araw, naisip niya na madali na lang na paghiwalayin ang dalawa dahil wala namang anak ang mga ito. Pero paano na ngayon? Malabo nang ipagkasundo niya sa iba si Cassandra dahil may anak na ito. "How will you support your family?" diretsahan na tanong ng ginang. Hindi maiwasan na magtaas ng kilay ni Lorenz saka diretso na hinarap ang mata ng ginang "Duchess, do you see me as a lazy person?" Hindi sumagot ang ginang dahil mabilis na nabasa ni Lorenz ang totoong saloobin niya. Nakaramdam siya ng takot dahil may kung ano ang mga mata ni Lorenz para magbaba siya ng tingin. "Sir Lorenz, the doctor wants to talk to you." saad ng nurse na sumilip mula sa loob ng kwarto para tawagin siya nito. Tiningnan muna ni Lorenz ang ginang bago tuluyan na pumasok sa loob ng clinic. "Duchess, rest assured that I can support my family. I am paying our bills. Earning millions every year. And most of all, I am not beating my wife." malamig na saad ni Lorenz bago tuluyan na pumasok. Nanlaki naman ang mata ng ginang. ''He knew! Lorenz knew!'' Hindi maiwasan na mapaupo siya sa silya na parang nalantang gulay. Alam ni Lorenz ang sikreto niya na dumaan siya sa pangit na relasyon ng kabataan niya. What about Cassandra? What would she feel kapag nalaman ng anak niya na she''s pretending as a good wife in the past? Matapos ang lahat ng naganap sa pagitan nila ni Lorenz. Sa palagay niya ay hindi simple ang lalaki. Tulad na lang ng paghuli nito sa dalawang lobo ng araw na iyon. Alam niya na malaki ang katawan ni Lorenz. Pero naisip niya na katulad lang ito ng mga lalaking walang ginawa kung hindi magbabad lang din sa gym ang tingin niya dito. ''Is he a CIA?'' ===== Pumasok si Lorenz na baha ng luha ang pisngi ni Cassandra. He frowned. Agad niyang kinuha ang box ng tissue na nasa mesa at pinunasan ang luha nito. Hindi na niya nagawa pang magpaalam sa doktor kung pwede siyang kumuha doon. Ngumiti naman ang doktor nang makita ang reaksyon ni Lorenz. "Pinaiyak ka ba ng doktor?" paninigurado ni Lorenz saka pinunasan ang pisngi ni Sandra. "I''m just happy" sagot nito saka yumakap sa bewang niya. "Sir Lorenz, congratulations! Your wife is pregnant" nakangiti na saad ng doktor. Ngumiti ng simple si Lorenz at patuloy na pinunasan ang luha ni Sandra. Tulad ng sabi niya kay Duchess Camila, 100 percent sure siya na buntis ang asawa niya. "But it''s better if Lady Sandra stays in your home. We are advising her to have a bed rest for a couple of weeks." Pinaliwanag ng doktor na nasa kadelikaduhan ng first trimester si Sandra lalo na at nasa 30s na ang asawa niya. Kaya hindi rin pinapayagan na magbyahe si Sandra ng eroplano. Nagpasalamat lang si Lorenz sa doktor. Siya namang pasok ni Duchess Camila na malalim ang tingin kay Lorenz. "Iiwan na muna kita sa Mama mo. Ibibili kita ng pagkain." Tumango lang si Sandra. Hindi maiwasan na mailang ng ginang sa mag-asawa. Ibang-iba ang inaakto ni Lorenz saga nakuha niyang impormasyon. Higit sa lahat, kita niya na mahal talaga ni Lorenz ang anak niya at wala siyang mabasa na kahit anong pagkukunwari. Chapter 383 - Cassandra and Lorenz: Her Moms Birthday Alas otso ng gabi sa lokal na oras. Nagsipagdatingan ang mga bisita sa tahanan ni Duchess Camila. Nagkakasiyahan ang lahat sa pagtitipon ng kaarawan ng ginang. Sa isang malaking bulwagan naroon ang lahat ng bisita. Pagandahan sa kasuotan. Kanya-kanyang grupo ang lahat para ibida ang sarili. Maririnig sa paligid ang tugtog ng piano at ng violin para sa isang mabagal na musika. Sa kwarto ni Lorenz at Cassandra¡­ Eksaktong alas otso rin ng oras, natapos ang pag-ayos kay Cassandra mula sa tulong ng tatlong maid sa tahanan na iyon. Nais pa nga ng Mama niya na tumawag ng stylist pero pinilit ni Cassandra na ipaintindi dito na hindi siya pwedeng mag-ayos ng sobra dahil buntis siya at ayaw niya sa make-up. Bahagya pa siyang nag-aalangan kung lalabas siya ng kwarto. Bawal siyang ma-stress at mapagod dahil inabisuhan siya ng doktor na magpahinga. Mananatili pa nga sana siya sa ospital ng isang araw pero kailangan niya rin na dumalo sa pagtitipon na iyon. Kailangan niyang dumalo sa kaarawan ng Mama niya upang ipakilala na rin sa mga kamag-anak ang presensya niya. Binuksan ni Lorenz ang isang kahon at may kinuhang necklace para isuot sa kanya habang nasa harap ng tokador. "For my wife." Kumunot ang noo ni Sandra. Sa totoo lang, hindi siya sanay sa mga ganitong klase ng okasyon na magsusuot ng gown at ibibida ang sarili sa mga tao. Lalo na ang magsuot ng mamahaling alahas. Ibang-iba na siya sa dating Cassandra na simpleng saya at blusa na parang gawa sa katcha ang kasuotan. Hinayaan lang niya na isuot iyon ni Lorenz sa leeg niya. "Uncle Cloud and Tita Ginny will be here tonight." Nagulat si Sandra sa narinig mula kay Lorenz. "They will be here?" "Yes. Ito kasing si Maniac Matthew. Kung anu-ano ang sinabi sa mag-asawa. Hindi tuloy maiwasan na mag-alala sa akin. So they will be here." sagot ni Lorenz. He felt love sa gesture na iyon ng mag-asawa kaya kahit kailan ay hindi niya naramdaman na hindi siya parte ng pamilya. Mula kay Madam Lira hanggang kay Khalid ay may respeto sa kanya at kinikilala siya bilang parte ng pamilya nito. Kaya nga ang tangi niyang maisusukli ay respetuhin din ang Han at Kent Family, at ibigay kay Cally ang katapatan niya. "What about their invitation?" nag-aalala na saad ni Sandra. "Cloud Han is not simple. He can use the President''s name para lang makapasok kahit walang imbitasyon. Aside from that, as a leader of the Dark Lords, Who would stop him from entering this place?" Hinarap ni Lorenz si Cassandra sa kanya para suriin. Parang ayaw niya nang lumabas pa ng kwarto at makisalamuha sa labas. Parang mas gusto niya na itago na lang ang misis niya dito sa loob ng kwarto at magbahay-bahayan. Pinilig niya ang ulo para iwaksi ang lahat ng iniisip. He kissed her lips instead. "How come you are pretty?" Tumawa naman si Sandra. "Let''s go" aya ni Sandra para mas maaga sila na makabalik sa kwarto. Sa bulwagan, kumuha sila ng atensyon sa mga bisita. Pinapunta muna silang dalawa sa isang malaking kwarto kung saan naroon ang grupo ng mga binata at dalaga na hindi nalalayo sa edad nila. Agad na nagliwanag ang mata ng mga kadalagahan nang makita si Lorenz. Parang kinikilig. Ngunit agad din na nagselos nang makita na mahigpit na hawak ng kamay nito si Sandra. Nakita din ng mga ito na suot ni Sandra ang ''Midnight'' na gawa ni Penelope. Kaya mas lalong lumalim ang pagkainggit ng iba kay Sandra. "Oh my! I can''t believe she has the gown." "Yes, she has it. And even my crush has her Huhu." malungkot na bulong ng isang dalaga. "who is that man?" tanong ng isang binata. "I don''t know. Philip said he is a commoner" mga usapan ng isang grupo ng mga dalaga at binata. "Oh!" Nakangisi naman si Prince Philip na narinig ang mga usapan ng mga kasama niya sa kwarto. Idagdag pa na bahagya nang nakainom ang prinsipe. Kahit ano ang gawin ni Lorenz, lamok lang ito sa paningin niya na isang prinsipe sa bansang iyon. Lumapit siya sa mag-asawa. "Everyone!" kinuha ang atensyon ng lahat. Tinapik-tapik ang isang tinidor sa kopita ng alak. "Meet Lorenz... The person who killed two wolves today" makahulugan na sabi. Tinapik nito sa balikat si Lorenz na kalmado. "You see, he has the skills to kill wild wolves and to tame Domino. Maybe, it''s because he came from¡­ ''the wild''?" binigyang-diin pa nito ang ''the wild''. Sa isip ni Prince Philip, wala siyang plano na magpatalo kay Lorenz. Masyado na nitong natapakan ang ego niya. Idagdag pa na biglang sumikat ang lalaki sa mga kababaihan dahil nakapag-uwi ito ng dalawang patay na lobo at napaamo si Domino. Kaya naman nais ng prinsipe na ipakilala si Lorenz sa lahat bilang isang dugyot na nilalang. Tingnan natin kung may magkainterest pa kay Lorenz. Nakaramdam agad si Sandra ng pagkainis. Kung makikita niya araw-araw ang mukha ni Prince Philip, sigurado na makukunan talaga siya dahil sa kayabangan nito. Pinisil naman ni Lorenz ang kamay ng asawa niya para lihim na sabihin dito na ayos lang ang lahat. "Yeah, how can a man like Sir Lorenz, who has no family at all, no job and no status can defeat all of us?" gatong ng kaibigan ni Prince Philip. "Who said he has no family? He is my Uncle" tanong mula sa isang batang lalaki na bagong pasok sa kwarto. Agad itong naglakad patungo sa pwesto ng mag-asawang Lorenz at Cassandra. Ngumisi si Prince Philip nang makita ang pumasok na bata. Nais niyang matawa. ''Who the hell is this kid? Ito ba ang magliligtas kay Lorenz? Wala na bang iba?'' Chapter 384 - Cassandra and Lorenz: Counter-attack Kinailangan na isama ni Ginny at Cloud ang batang si Khalid na pinadala sa UK ng anak nila nang nakaraang dalawang linggo. Kasalukuyan kasi na nagpapagaling si Prin sa Korea na dumaan sa bagong plastic surgery. Tatlong buwan na mananatili si Prin sa ospital. Si Cally naman ay busy sa opisina at madalas din na nagpupunta sa Korea para sa asawa nito. Isa pa sa dahilan kung bakit ito pinadala ni Cally sa UK ay para parusahan ito dahil masyado na itong nangulit sa Pilipinas. Sa UK ay walang masyadong gagawin ang isang batang katulad ni Khalid. Walang silang time na magpunta ng mall o mamasyal. Kaya ang ginagawa nito ay mag-piano, mag-pinta at mag-video call kay Prin. Paminsan-minsan tinuturuan ng Dark Guards sa martial arts. Samantala, nabalitaan ng mag-asawa na hindi maganda ang trato ni Duchess Camila kay Lorenz kaya naman napagdesisyunan nila na pumunta sa bansa na iyon para ibigay ang suporta sa huli. No one will dare to bully their family. Kahit pa nga alam nila na kaya ni Lorenz ang sarili nito. Mas mainam na suportahan nila ang tinuring na nilang anak na si Lorenz. Hindi rin naman nila masisisi ang ginang dahil nag-aalala lang ito para sa lagay ng anak nitong si Sandra. Kahit silang mag-asawa ay naranasan ang parehas na saloobin ng ginang tuwing ihaharap sa kanila ang kung sino mang nobyo ni Crayola o ni Christen. Kaya nga mas mabuti na harapin ito at ilapag sa harap nito na wala itong magiging problema kay Lorenz dahil suportado ito ng Dark Lords. Mabuti na nga lang at matagal na silang iniimbitahan ng Prime Minister ng bansa na magtungo sa lugar. Personal pa silang sinundo ni Count Johan sa airport, ang kasalukuyang ministro ng bansa. Ito na rin ang nag-ayos ng lahat ng kakailanganin nila sa bansa, kahit ang imbitasyon sa kaarawan ni Duchess Camila. Kahit pa nasa loob ng tahanan nito si Lorenz at Cassandra, hindi nila sigurado kung madali na makakapasok sila sa loob ng tahanan nito dahil sa higpit ng seguridad ng royal house. Hinatid sila ni Count Johan sa mismong tahanan nito para doon patuluyin. Nang sumapit ang alas siyete y medya, sabay-sabay silang nagtungo sa tahanan ni Duchess Camila. Sakay silang lahat ng isang mahaba at itim na limousine. Inaasahan din naman ng ginang ang pagpunta ng mag-asawang Cloud at Ginny sa bahay nito dahil naabisuhan na ito ni Count Johan. Nakasilip lang si Khalid sa labas ng bintana habang biyahe. "Are you okay, Dear?" tanong ni Ginny kay Khalid. Alam niya na wala sa mood si Khalid. Mas gusto kasi nito na palaging kasama si Prin. Iyon nga lang, hindi rin ito pwedeng manatili sa ospital. "Is there anything in this place that I can enjoy?" malungkot na tanong ni Khalid sa ministro. Tumukhim muna ito. ""Well, the place that we are heading to is such a nice place. You will meet a lot of princes and princesses." Saglit itong nag-isip. "Are they rich?" "Yes." "Is it true that they are wearing a golden crown?" tanong ni Khalid. Hindi pa siya nakakita ng aktwal na prinsipe at napapanood niya lang ang mga iyon sa TV. "They have a crown and they wear it occasionally." nakangiti na sagot ng ministro. "Daddy Cloud, I want a crown" Bago pa sumagot si Cloud, hinarap muli ni Khalid ang ministro. "Can you give me a crown?" Count Johan "..." Napakamot sa ulo ang ministro. He never thought na malalagay siya sa alanganin gawa ng isang batang lalaki. Nagpasalamat na nga lang siya at pumasok na sa loob ng bakuran ng royal house ni Duchess Camila ang limousine. Sinaway din ito ni Ginny para huwag mangulit. Nagpalit din naman kaagad ang mood ni Khalid nang makita ang magarbong tahanan. Ilang saglit pa, pinatuloy na sila sa loob ng bulwagan. Napansin agad sila ng iba pang bisita dahil kasama nila ang ministro at ang asawa nito. Idagdag pa na si Khalid lang ang tanging bata sa pagtitipon na iyon. Hindi maiwasan na magtaka ang mga ito kung anong klaseng nilalang sila para personal na samahan ni Count Johan. "Master Cloud and Miss Ginny, the Duchess wants to talk to you" saad ng butler na lumapit. "I''ll bring them." ani Count Johan. Tumango si Cloud Han saka humiling sa butler. "Please bring the kid to Lorenz and Sandra." Tumango rin ito. Hinatid si Khalid sa grupo ng mga lalaki at babae kung saan naroon ang mag-asawa. Ilang metro pa ang layo niya naririnig na niya ang maanghang na katanungan mula sa isang lalaki na ginatungan ng isa pa. "Yeah, how can a man like Sir Lorenz, who has no family at all, no job and no status can defeat all of us?" Tumalim agad ang mata ni Khalid at pinukulan ng masamang tingin ang lalaking nagsalita. "Who said he has no Family? He is my unde" saad ni Khalid. Umismid si Prince Philip saka ngumisi. "Oh, I thought he is your butler" Nagkangitian pa ito pati na ang lalaki na kaibigan nito. "Uncle Lorenz and Tita Sandra, why are you socializing with these hostlers?" agad na banat ni Khalid. Tumaas ang gilid ng labi ni Sandra. **** Hostlers - a groom or stableman. Nagtatrabaho para mag-alaga ng kabayo sa isang farm o hacienda. Chapter 385 - Cassandra and Lorenz: Bet with you Tumalim agad ang mga mata ni Prince Philip matapos na sabihan siya ni Khalid na isang hostler o nag-aalaga sa mga kabayo. Ganoon din ang kasama nito. "Who the hell is this kid?!" galit na tanong ng prinsipe. Parang naghahanap ng kamatayan ang batang ito para ipahiya siya ng gan''on. "He is my godson. What''s your problem about that?" hamon ni Cassandra. Gumanti lang si Khalid sa pagpapahiya nito kay Lorenz. Tumikhim ang butler. "Prince Philip, he is together with Count Johan. Please forgive him, he''s just a kid." Nakakuyom ang kamao ng prinsipe. Walang nagawa si Prince Philip nang madinig ang pangalan ng Prime minister. Hindi niya maaaring galawin ang bata kung personal itong kasama ng Prime Minister. Si Khalid naman ay umakto na parang nagulat nang marinig na isang prinsipe si Philip. "What? He''s a prince?" gulat na tanong ni Khalid. Bago pa makasagot ang butler, may dagdag na kmento agad si Khalid. "Oh no wonder, he looks like a frog." "Pft! Ha ha ha!" hindi maiwasan na matawa ng mga nasa paligid. Nakuha kasi agad ng mga ito ang mensahe ni Khalid. Sa isang Disney animated movie, naging palaka ang isang prinsipe dahil naparusahan ito dahil sa sama ng ugali. Parang sinabi na rin ni Khalid na mukhang palaka si Prince Philip dahil sa sama ng ugali nito. "I''m not a frog! Your uncle Lorenz is the one who looks like a frog!" namumula na ang mukha ng prinsipe dahil sa sobrang galit at pagkapahiya. Sumimangot naman si Cassandra. "But for sure my uncle Lorenz is better than you in all aspects. Do you all agree with me?" tanong ni Khalid sa mga kababaihan sa paligid. Dahil naku-kyutan sa kanya ang mga nasa paligid, idagdag pa na may crush talaga kay Lorenz ang karamihan sa mga kababaihan. Sumang-ayon ang mga ito. Pulang-pula ang mukha ni Prince Philip dahil sa sobrang galit. "I dare you to compete with me!" hamon nito kay Lorenz. ''Binggo!'' Lihim na nagdiwang si Khalid dahil kumagat sa pain niya ang palakang prinsipe. Dalawang linggo na siyang naboboring dahil wala man lang siyang mapagtripan sa Kent Mansion. Binalaan na siya ng Daddy niya na huwag na huwag gagawa ng kalokohan sa kahit na kaninong Dark Guards. "Deal!" kalmadong sagot ni Lorenz kahit pa nag-iinit na ang ulo niya kay Prince Philip. Gustong -gusto niya na ring tirisin ang lalaki. Ayaw niya sana itong patulan dahil iisipin ng mga tao sa paligid na masyadong malakas ang loob niya para hamunin ang isang prinsipe. Siya ang malalagay sa alanganin o kaya naman ay si Duchess Camila. Ngayon na ito na mismo ang humamon sa kanya, maluwag sa kalooban na tatanggapin niya ang hamon nito. "My uncle agreed to it. But don''t you think it would be exciting if we bet on something?" seryoso na tanong ni Khalid. Ngumisi ang prinsipe "Sure! If I win, I want Lorenz to cut ties his marriage with Sandra" "I will not. I''d rather not compete with you." Malamig na sagot ni Lorenz. "Why? Are you afraid?" ngumisi ito. Nakakuyom ang kamao ni Lorenz. Kahit sa pusta ay napaka-childish ni Prince Philip. Pero hindi niya ipupusta si Sandra kahit pa kaya niyang ilaban ang misis niya sa patayan. Dibale nang sabihan siya nito ng kung anu-ano. Mabuti na lang at sumabad si Khalid. "He''s not afraid. It''s just that... it was too childish! Why are you looking forward to separating him with my Tita Sandra? Perhaps you have a crush with my uncle Lorenz?" "Pft! Ha ha ha" lihim na humahagikgik ang mga kababaihan. Gusto nang kutusan ni Prince Philip si Khalid sa dila nitong parang lason kung magsalita. Napapikit si Prince Philip sa pagkapikon. Dahil napagbintangan na siya ng batang lalaki na baka may gusto siya kay Lorenz kaya niya pinipilit na paghiwalayin ang mga ito, wala siyang magawa kung hindi ang palitan ang nais niya. Sa pagkangisi ng mga kababaihan sa lugar, hindi malabong isipin ng mga ito na bakla siya. "I want 10 million!" ang naging hiling ni Prince Philip sa huli. Nakahinga naman ng maluwag si Lorenz matapos nitong palitan ang nais. Mabuti na lang at dumating si Khalid. "If that''s the case, I want Domino" saad ni Lorenz. Mula sa pagkakangiti na abot-batok, nanlaki ang mata ni Khalid sa narinig. "Who? who is Domino?" bulong niya kay Sandra. "A black horse" Nataranta si Khalid. ''No no no, I don''t like a black horse in exchange for 10 million. No way!'' Sa halip, ang hinarap niya ay ang kasama ni Prince Philip. Kung hindi pwede sa una, doon siya sa susunod. "What about your sidekick?" turo niya sa katabi ni Prince Philip. "Me? A sidekick?" hindi ito makapaniwala. "Yeah. you are also insulting my uncle. I want to bet with you" Lumamig ang anyo nito. "What do you want?" "I want your crown, plus 10 million" ang hiling ni Khalid. Kasalukuyan na may suot na korona ang lalaki. Nagtaas ang kilay nito. "Sure. pero gusto ko na patutuliin ka na kung sakali na matalo si Lorenz saka 10 million" Binaba ni Khalid ang tingin sa salawal niya. He is just four. "D-deal!" Ngumisi ito "Uncle Lorenz, you have to win! No matter what!" Nakaramdam siya ng takot para sa sisiw niya. Chapter 386 - Cassandra and Lorenz: A simple background Ang lalaking sumasabay sa agos ni Prince Philip ay pinsang buo ni Cassandra. Kaya malakas din ang loob nito na manlait, si Prince Liam. Hindi kaila sa pamilya ang estado ni Lorenz sa buhay kaya mataas din ang tingin nito sa sarili. Malaki ang katawan nito at hambog din kumilos sa pananaw ni Khalid. Nakaramdam talaga siya ng takot na ipupusta niya ang sisiw niya. Kahit pa nga alam niyang malaki ang tiyansa ng Uncle Lorenz niya sa laban. Masama ang tingin na pinukol ni Khalid sa lalaki dahil nakangisi ito at para bang he is already looking forward to see na matuli siya. ''My baby bird, let''s pray uncle Lorenz could win.'' ===== Kaarawan ni Duchess Camila kaya nag-alangan din ang mga bisita sa plano ni Lorenz at Prince Philip na magkaroon ng labanan sa gabi na iyon. "Prince, today is the Duchess'' birthday. I am still hoping you respect the event" hiling ng butler. Walang nagawa si Prince Philip kung hindi ang ipagpaliban ang laban sa araw na iyon. Hindi rin naman makagaganda sa royal house ng pamilya niya kung sakali na maasar sa kanya ang Duchess at ang asawa nito na si Prince Edward. Kahit si Lorenz na son-in-law ng Duchess ay nakalimutan ang tungkol sa bagay na iyon. "Tomorrow morning, let''s have a fight!" Saad ni Prince Philip. "What kind of fight?" tanong ni Lorenz "Fencing!" nakangisi na sagot ng prinsipe. Magaling ang prinsipe sa bagay na iyon kaya malakas ang loob nito na hamunin si Lorenz sa fencing. Matagal na natahimik si Lorenz. Gusto niya kasing tanungin kung nagbibiro ang prinsipe. Hindi naman sa pagmamayabang pero napakadali ng fencing sa tulad niya na isang Shogun ng Dark Guards. Lalo na kung may hawak siyang armas. And he has been a shogun for more than a decade. Ibig sabihin, wala ni isang sa mga Dark Guard na humamon ang nakatalo sa kanya sa loobg ng mahigit sampung taon para maagaw ang posisyon niya bilang Shogun. Samantala, ang nasa isip naman ni Prince Philip ay umaatras na ang puwit ni Lorenz kaya hindi ito makasagot. "Why? are you afraid?" nakangisi na tanong ni Prince Philip. "Pft!" si Khalid ang nais matawa sa sinabi na iyon ng prinsipe. "My uncle agreed to it. But are you sure, that''s what you wanted?" tanong ni Khalid. "Of course" sagot nito. "Then, it''s settled" si Khalid muli ang sumagot. Wala namang makitang reaksyon kay Lorenz na nananatiling seryoso. "Are you his Manager?" tanong ni Prince Liam kay Khalid. Umikot lang ang mata ni Khalid. Kapag gumaling ang Mommy niya. Isusumbong niya talaga ang lalaki. Tingnan na lang natin! Sakto naman na pumasok ang isang royal maid sa loob ng kwarto at may ibinulong sa butler. "Lady Sandra, your mother wants to see you and Sir Lorenz in her tea room" anunsiyo ng butler. Tumango lang si Sandra saka inakay si Lorenz na lumabas ng kwarto. Lihim siyang nagpasalamat dahil ayaw niya nang makita pa ang mukha ni Philip. "Khalid let''s go" ani Sandra. "Get ready your little bird" pahabol pa ni Prince Liam. Tinakpan ni Khalid ang hinaharap dahil sa narinig saka mabilis na sumunod sa mag-asawa. ===== Sa tea room ni Duchess Camila¡­ Pumasok ang mag-asawang Ginny at Cloud Han matapos lumabas ang bisitang tinanggap nito. Nakita nila ang iba''t-ibang kahon ng regalo sa kwarto. Mula sa pinakamaliit hanggang sa malaki. Tumayo ang ginang bilang repeto sa mag-asawa. "Salamat sa pagdalo." Umupo ang mag-asawa sa kaharap na upuan. "Walang anuman Duchess. Maligayang Kaarawan!" Inutusan ng ginang ang serbidora na bigyan ng tsaa ang mag-asawa. "Hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa Duchess Camila. My husband and I are here for Lorenz. We have learned that you don''t like our Lorenz." saad ni Ginny. "It''s a normal attitude from a mother like me." sagot nito na hindi rin nagpatinag sa diretsahan na komento ni Ginny. "May I know your reason?" "I don''t like his background." "Hindi ba''t parang napaka-unfair naman yata ng dahilan niyo para hindi magustuhan si Lorenz nang dahil lang sa background?" Natahimik ang ginang. Hindi nito maamin na may katotohanan ang komento na iyon mula sa Mistress ng Dark Lords. Parang dumaan ang mahabang katahimikan sa kwarto na iyon. "I will tell you my background, would you mind?" tanong ni Ginny. Hindi sumagot ang ginang bilang pagsang-ayon pero hinarap nito ang mata ni Ginny. "My Mom is a simple model. My Dad was a Dark Guard protecting my Mother-in-law since they were children. I''ve been struggling with life since the day my father died. I''m just an ordinary girl who was accepted by the Masters of the Dark Lords. I am not a lady from a rich family nor a princess from somewhere in the kingdom." "Lorenz is no different. Kung ano ang katayuan niya ngayon sa buhay ay pinaghirapan niya iyon ng mabuti. Maybe he came from the streets, but that is his motivation kung ano man ang katayuan niya sa ngayon." "He struggled through life and death in the past and is still struggling until now. So who are you to judge him?" Umasim ang mukha ni Duchess Camila sa sinabi na iyon ni Ginny Lopez. Hindi na ito natakot na pagalitan siya sa mismong tahanan niya. Sa maliit na kwarto na iyon. Hindi ba ito natatakot na baka hindi na ito makalabas ng tahanan niya sa hindi nito pagbigay ng respeto sa kanya? Sa totoo lang, nabago naman ng kaunti ang tingin ng ginang kay Lorenz at hindi na katulad ng mga nakaraan. Pero nananatili na ordinaryo lang ang tingin niya sa asawa ng anak. Nag-bell ang ginang para magtawag ng royal maid. Mabilis naman na nagbukas ang pintuan. "Please bring Lorenz and Sandra here." hiling ng ginang. Chapter 387 - Cassandra and Lorenz: Birthday Gift Ilang saglit pa, dumating si Cassandra at Lorenz sa tea room ng ginang. Mula sa matalim na mga mata ni Ginny, nagliwanag ang mukha nito nang makita ang mag-asawang Sandra at Lorenz. Ganoon din naman si Duchess Camila. "Ma¡­" bungad ni Sandra. "Happy Birthday ulit!" humalik si Sandra sa pisngi ng Mama niya. Ngumiti ang ginang. "Sit here, Honey. Tandaan mo na nasabihan ka ng doktor na magpahinga." paalala nito. Pinauupo niya si Sandra sa katabing silya. Kahit naman hindi maganda ang turingan nila ni Lorenz sa isa''t-isa, kahit papaano ay kapwa sila nag-aalala sa lagay ni Sandra. Tinulungan ni Lorenz ang asawa niya sa pag-upo. "Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala na tanong ni Ginny matapos marinig ang sinabi ng duchess. "Oh! It''s because she is pregnant" nakangiti na balita ni Lorenz. "Wow! That''s good news. Another part of the family is coming. I am happy for the both of you" masayang saad ni Ginny. Alam ng pamilya kung gaano kasabik si Sandra na magkaroon ng anak. Si Khalid naman ay nagtungo kay Duchess Camila. Hindi siya natutuwa sa baby kaya hindi siya excited. "Hello Duchess. Happy birthday!" bati ni Khalid. "Oh!Thank you!" nakangiti na saad ng ginang. Sumaya ang mukha niya nang makita si Khalid. Sino ba ang aayaw sa isang magandang batang lalaki? "I''ll play the piano for you as my gift." Nag-alangan man ang ginang na tiningnan ang mga daliri ni Khalid, sumang-ayon na lang siya. "If that was the case, I am happy to accept. Thank you Darling!" "I''m going outside" paalam ni Khalid kay Ginny. Ramdam nito na seryoso ang mga tao sa loob ng kwarto. "Huwag kang magkukulit ha." banta ni Ginny. Hindi sumagot si khalid. Hindi niya kasi iyon maipapangako. "Bring him outside to play" utos ng ginang sa royal maid. Sumunod naman ito at inilabas nito si Khalid. Natensyon bigla ang kwarto nang maiwan silang lima sa loob. Ramdam ni Sandra na seryoso ang pinag-usapan ng mama niya at ng mag-asawang Ginny at Cloud Han. "We only bring a big box of tea from Japan. I''m sorry Duchess, if we didn''t have any other gifts. We don''t know what you like." saad ni Cloud Han. "No problem, I like tea the most." Tumikhim si Lorenz. "I have a gift na makukuha ko sa susunod na buwan pa." Hindi maiwasan na magtaas ng bahagya ang kilay ng ginang. Ngayong araw ang kaarawan niya pero sa susunod na buwan pa nito ibibigay? "It''s okay, huwag ka nang mag-abala pa." kinuha na lang ng ginang ang tasa sa harapan at saka sinimulan na humigop ng tsaa. "But I insist. To show you my ability, I will bring back your Queen''s ring." Natigilan si Duchess Camila sa sinabi ni Lorenz. Halos maitapon niya ang mainit na laman ng tasa dahil sa narinig. Hindi niya alam ang tamang reaksyon ngunit sa isang bagay siya nakasisiguro --May alam talaga ito sa nakaraan niya. Ang una ay nang sabihin nito na hindi nito sasaktan ng pisikal si Sandra na para bang hindi nito direktang sinabi na sinasaktan siya ng dati niyang asawa. Ngayon naman ay alam nito na wala sa kanya ang singsing ng reyna. Sumeryoso ang mukha ng ginang na inilapag ang tasa kaysa mabasag niya iyon. Hinarap niya ang mata ni Lorenz na seryoso rin na nakatingin sa kanya. Si Sandra naman ay walang alam sa nangyayari. Bakas ang katanungan sa mukha nito. "Q-queen''s ring? Is that the ring my grandmother gave you, Ma? ''Yung may malaking pulang bato? You don''t have it anymore?" nakakunot ang noo na tanong ni Sandra. Napalunok si Duchess Camila. Hindi siya makapagsalita. Para bang bigla na lang nanuyo ang labi at lalamunan niya. "I-it was lost" sagot ng ginang. Ibinaba lang niya ang paningin dahil ayaw niyang harapin ang mata ni Sandra. Ngunit hindi rin tanga si Sandra. Base sa reaksyon ng mama niya, mukhang may hindi siya alam. Tumingin siya kay Lorenz na nananatiling seryoso at walang mabasa sa emosyon nito. "It''s settled then, if Lorenz brings back your Queen''s ring, you must accept his marriage with Sandra." ani Ginny. Kumuyom ang kamao ng ginang. Kahit siya ay hindi mabawi ang singsing na iyon. Kapag naibalik iyon ni Lorenz sa kanya, ibig sabihin ay may kakayahan talaga ito. "Pumapayag ako. Pero hindi ka tutulungan ng Dark Lords para mabawi iyon." sabi ng ginang. Chapter 388 - Cassandra and Lorenz: Agreement Nagkaroon ng kasunduan ang ginang at si Lorenz. "I agree with your condition." sagot ni Lorenz. Malakas ang paniniwala niya na makukuha niya ang Queen''s ring. May paunang imbestigasyon naman na siya kung nasaan ang singsing ng reyna. Sa pananaw naman ni Duchess Camila, isang malaking katanungan sa kanya kung paano makukuha ni Lorenz ang singsing at kung bakit may alam ito sa bagay na iyon. Nakaramdam lang siya ng pagkailang dahil habang pinaiimbestigahan niya si Lorenz, mukhang iniimbestigahan din siya nito. Ang problema, wala man lang siyang makuha na susuporta sa aktwal na pagkatao ni Lorenz. Iban-iba ang mga balita na bumalik sa kanya at sa pagkatao na nakikita niya dito. Samantalang si Lorenz, ikalawang araw pa lang nito sa bahay niya pero mukhang marami na itong nakalap na pangyayari sa buhay niya noon. Kahit ang mismong sikreto niya ay alam nito. "It''s settled then. Please excuse me, I''ll be going out and will look for my grandchild." paalam ni Ginny. Sinabihan niya si Cloud na ito na muna ang bahala. Masama ang kutob niya sa gagawin ni Khalid. Nasabihan na siya ni Cally na madalas mangulit ang anak nito kaya kailangan na bantayang mabuti. Simula ng bumalik si Prin, naging kakaiba daw si Khalid na dating ayaw ng magulo. Dati ay seryoso ito a mga bagay na ginagawa nito, pero nitong mga huling buwan ay madalas na gumawa ng kalokohan si Khalid. === Samantala, sa lugar ni Khalid, iniikot niya ang tahanan ni Duchess Camila. Pinagmasdan ang mga painting na nakasabit, ang iba''t-ibang uri ng base ayon sa porma, sukat at mga disenyo. Kahit ang style ng kwarto. Bawat pasilyo ay may nagbabantay na Guards na diretso ang tindig. May riffle na maayos na nasa gilid nito. May ilang minuto rin siya na nag-ikot-ikot. Mabuti na nga lang at pinayagan siya ni Duchess Camila na maglibot-libot sa tahanan nito kaya walang pumipigil sa kanya. Nakasunod lang ang royal maid bilang gabay. Hinintuan ni Khalid ang isang royal guards at tiningala ito. Binaba nito ang tingin sa kanya at nakipagtitigan. Bukod sa mata nito na gumalaw para salubungin ang mata niya, nananatili ito na hindi kumikilos. "Are you all really like this? Playing dead?" tanong niya sa guwardiya na kasalukuyan na napagtripan. Hindi ito sumagot at nananatiling seryoso. "If I make you laugh, would you make a bet against me? How about 200 euro" Nagtaas ang kilay nito pero hindi nagpatinag. "Khalid!" sigaw ni Ginny mula sa likuran niya. "M-mommy Ginny!" nakaramdam siya bigla ng lamig sa likuran at takot. Hindi alam kung saan magtatago. Bigla siyang nagtago sa likod ng binti ng guard na kinukulit niya. "Ikaw na bata ka! ilang minuto ka lang nawala! Come here!" Hinila siya ni Ginny mula sa likuran ng guard at piningot nito ang tenga niya habang hila siya pabalik ng bulwagan. "Aw! Aw! Mommy Ginny! Mind your poise. You are wearing a beautiful gown and you are bullying a child" nakangiwi siya habang hila-hila ni Ginny ang tenga niya. "Pft!" Nakita niya na hindi napigilan ng guard na kinukulit siya na bahagyang matawa "Aha! You laughed! You have to pay me 200 euros" Sumeryoso muli ang guwardiya at umakto na parang walang nangyari. Pinalo siya ni Ginny sa puwet. "You are so bad! Gusto mo ba na i-lock ka ng guwardiya dito?" "Who would dare to lock me up?" katwiran niya. Malakas ang loob ni Khalid dahil si Count Johan ang personal na naghatid sa kanila sa royal house na iyon. Kasama niya rin ang mag-asawang Cloud at Ginny mula sa Dark Lords. Nandoon din si Sandra at Shogun. Idagdag pa na gusto rin siya ni Duchess Camila. Kumbaga sa suporta, ''Avengers'' ang back-up niya! kaya sino ang maglalakas ng loob na ikulong siya sa bahay na iyon? Pero nakita niya na naniningkit ang mata ng Mommy Ginny niya at mukhang magkakasungay ito kapag patuloy niya itong sinuway. Baka ipadala siya sa Mars ng Daddy niya. "Fine! Fine! I''ll behave. I am going to play the piano. Calm down, Mommy Ginny" "Behave..." banta nito saka siya inakay sa bulwagan. ===== Ipinakilala si Khalid sa mga bisita para tumugtog ng piano. "Here is my gift for Duchess Camila. You should all watch me while it''s free¡­ In the future, you will be paying me thousands of dollars per song. Thank you!" Mula sa pagiging makulit na anyo, mabilis na napalitan ng kaseryosohan ang mukha niya. Pinaayos niya ang silya sa isang musikero. Matapos makuha ang tamang upo, ang layo ng mga daliri sa keys, sinimulan niya ang magpatugtog. Nakangiti naman ang ginang para panoorin si Khalid. Saka niya nakita ang paggalaw ng kamay at daliri ng batang lalaki. Kumilos ang kamay ni Khalid at pumailanlang ang tugtog ng ''Scenes from childhood'' ni Robert Schumann. Proud si Ginny na iba ang talento ni Khalid sa ibang miyembro ng pamilya. Seryoso ito sa pagpapatugtog at tila ba nakiisa ang daliri nito sa keys ng piano. Wala man lang marinig na pagpiyok sa tugtog nito. Nang matapos si Khalid, may mga namuong pawis sa noo nito. Nagpalakpakan ang lahat. Bigla siyang nanghinayang! dapat pala nagpabayad siya para may maiuuwi siyang pera sa U.K at ililibre niya ang mga Dark Guards. Pero naisip rin naman niya ang 10 million niya sa kinabukasan. Hindi naman nakaligtas sa pandinig ni Duchess Camila ang laban sa pagitan ni Lorenz at Prince Philip, kaya napangiwi siya nang mabalitaan iyon mula kay Butler Richard. "Duchess, I just want to let you know that it was Prince Philip and Prince Liam who initiated the fight between them. Sir Lorenz just agreed to it" Wala namang reaksyon o sagot mula sa ginang. The butler knew that the Duchess was still contemplating her stand against Lorenz. Chapter 389 - Cassandra and Lorenz: Fencing (1) Sa kahabaan ng pasilyo, matapos magpiano ni Khalid. Nangulit na naman siya at inikot ang royal house ni Duchess Camila hanggang sa pasukin niya ang isang kwarto at may marinig siyang ungol na nagmumula sa terasa. Ungol ng nagtatalik. Pero ang nasa isip ng batang si Khalid ay baka may multo sa lugar. Di ba ang mga mumu ay umuungol din? Until he saw a shoe sa gilid ng pader kung saan nagmumula ang ungol. Nakakunot ang noo ni Khalid nang makita ang sapatos na bahagyang nakausli. Pero mas pinili niya na umalis lalo na at bahagyang madilim ang kwarto. Sa pagtakbo niya sa pasilyo ay nasagi niya ang isang base sa labas. Nakagat niya ang maliit pa niyang hinlalaki saka lumingon sa kaliwa at kanan habang bahid ng pag-aalala ang mukha Baka pagbayarin siya ni Duchess Camila. Hindi niya alam kung magkano ang base na iyon na mukhang nagmula pa sa victorian era. Baka matapyasan ang kayamanan niya kaya mabilis siyang tumakbo na parang walang nangyari. Paliko na siya nang dalawang tao ang lumabas mula sa kwarto at tumingin sa kanya. Si Khalid lang ang tanging bata sa lugar kaya agad siyang nakilala ng dalawa. "Did he see us?" tanong ng isang lalaki. "I don''t think so. Tingin ko napadaan lang siya dito." tanong ng isa pang lalaki. "If that''s the case. I have to go. Baka sa susunod, iba na ang makakita sa atin" saka ito sumunod sa direksyon ni Khalid na parang walang nangyari. Sa kabilang parte naman, nakasalubong ni Lorenz si Khalid sa pasilyo. Pinahahanap ni Ginny si Khalid na bigla na namang nawala sa paningin nito. "Lagot ka kay Tita Ginny. Ikot ka na naman ng ikot." banta ni Lorenz "Sorry¡­" tapos bumulong. "Tito Lorenz, is there a mumu here?" Hinaplos ni Lorenz ang buhok ni Khalid. "None." Nakakunot ang noo nito. "But I heard some noises. ''Whoooohh'' ''Waahhh''" Tumikhim si Lorenz. "Ehem!" Kung pagbabasehan ang kwento ni Khalid, mukhang may nagtatalik sa pinanggalingan nito. "Ahhm kid... That is the noises of Mommy and Daddy making a baby" sinubukan ni Lorenz na magpaliwanag. "Alam mo na, ahmm¡­ may angel na bumaba para magbigay ng baby sa nanay. T-that is the sound of kissing and hugging. That''s right!" pinagpawisan bigla si Lorenz. He knew that Khalid is not an ordinary kid and definitely not an idiot. Pero sinubukan niya pa rin na gumawa ng kwento. Kahit papaano naman ay apat na taon lang si Khalid. Ngumiwi si Khalid. "Eeew¡­ Can a boy also be able to have a baby?" base sa ekspresyon nito, halatang dalawang lalaki ang nadinig nito. Sumeryoso si Lorenz. Magtatanong pa sana siya dito kaya lang narinig na nila si Ginny. "Khalid!" halatang galit na ito. Lumapit ito sa kanila. "Ikaw na bata ka! Ipapalapa na kita sa leopard sa bahay." Banta ni Ginny. "Babalik na tayo sa bahay ni Count Johan" halata na sumasakit talaga ang ulo ni Ginny. Apat ang anak niya pero wala ni isa ang kasing kulit ni Khalid sa apat na iyon. Kahit ang kambal na si Crayon at Crayola ay parehas behave. Si Christen ay madaldal lang at maraming alam sa buhay pero si Khalid, halatang nagmana kay Rob Matsui! ===== Kinabukasan, naghahanda si Prince Philip sa tanggapan ng Duchess. "Remember our plan. kung sakali na mauna si Lorenz na makapuntos ng lima kaysa sa akin, you know what to do" bulong ni Prince Philip kay Prince Liam. "No problem. Leave it to me. Sa likot ng batang iyon, sigurado na maglilikot talaga iyon" nakangisi si Prince Liam. "Good!" May pumasok sa kwarto. "Prince, start na po" Dahilan para lumabas na siya ng kwarto at nabigla siya sa dami ng tao na manonood. Mas marami ng limang beses kumpara nang araw ng horse racing. Umikot kasi ang balita para sa laban ni Lorenz at Prince Philip sa buong bansa. Kahit ang kasalukuyan na Hari na kapatid ni Duchess Camila at ang Reyna ay nabalitaan ang tungkol doon. Nakatakda ang laban ni Lorenz at Prince Philip sa bakuran ng tahanan ni Duchess Camila. Walang nagawa ang ginang at ang asawa nito kung hindi ang tanggapin ang lahat ng bisita. Khalid is also watching. Ginny and Cloud Han were also at the event. Pinagigitnaan si Khalid na sobrang kulit. Kahit si Count Johan at kung sinu-sinong opisyal ay handang manood sa laban dahil gusto nilang malaman kung kaya nga bang talunin ng asawa ni Cassandra si Prince Philip na ilang taon nang nagwawagi sa laban ng fencing. Lalo na at umikot sa pandinig ng lahat na nakapag-uwi ng dalawang lobo si Lorenz. Maganda ang klima, hindi maaraw at katamtaman lang ang lamig ng panahon. May tatlong klase ng fencing, Foil, ¨¦p¨¦e at Sabre. Depende sa klase ng armas at depende rin sa kung ano ang parte ng katawan ang tatamaan. Napili nila and Sabre kung saan kalahati ng katawan ang pwedeng tamaan ng fencing sword. Isang mahabang stage ang nakahanda sa berdeng damuhan para sa laban. Sa kanan si Lorenz, sa kaliwa si Prince Philip. May foil na nakakabit sa katawan at direkta iyon sa helmet na suot nila. Iilaw ng berde ang helmet na suot ng mananalo at pula ang talo. Kung sino ang unang makakuha ng sampung puntos, siya ang magwawagi. Umakyat ang dalawang lalaki sa stage na nasa gitna. Ang judge na gaganap ay isang maestro na galing pa sa kaharian ng hari. Nagbigay ng signal ang maestro at agad na kumilos ang dalawa. Natamaan agad ni Lorenz sa tagiliran si Prince Philip, matapos lang ang ilang hakbang. Umilaw ng berde ang helmet niya at pula sa prinsipe. Chapter 390 - Cassandra and Lorenz: Fencing (2) Nagpatuloy ang laban sa pagitan ni Lorenz at Prince Philip. Bumalik sila sa pwesto, sa kanan si Lorenz at sa kaliwa ang prinsipe. Nagbigay muli ng signal ang maestro. Puntos muli kay Lorenz matapos lang ang ilang mga hakbang at mga pagtira. Sa loob ng helmet, asar na asar na ang prinsipe. Kalmado naman si Lorenz. Hanggang sa umabot ang puntos ni Lorenz sa apat at isa ang prinsipe. Nagkaroon ng fans bigla ang Shogun matapos makita ang mga pagkilos niya sa laban ng fencing. Karamihan kasi sa manonood ay maharlika at mahilig talaga sa sports na iyon. Iyon kasi ang libangan ng mga tao doon. "I like his style." "Who would have thought that Sir Lorenz knew how to do fencing?" "Yes, he was so calm. And he moved as if the sword is part of his body." Samantala, naging hudyat naman ito kay Khalid para maboring sa laban. Alam na alam kasi niya na mananalo ang Uncle Lorenz niya sa laban na ''yon. "Mommy Ginny, I''m going to wiwi" Tinitigan nito ng masama si Khalid. "Papunta ka pa lang pauwi na ako. ''Wag kang makulit." nasa bungad nanonood ang tatlo bilang importanteng bisita at bilang pamilya na rin ni Lorenz. Sumimangot si Khalid. Samantala, sa stage, matapos makapuntos ni Lorenz ng sunud-sunod, kung anu-ano na pala ang sinasabi ng Prinsipe dito dahilan para mawala sa pokus ang shogun. "I like your wife, what sound does she have on your bed?" bulong nito matapos makipag-kamay sa kanya dahil nakapuntos na naman siya sa ika-limang pagkakataon laban dito. Nagkaroon ng galit sa dibdib ni Lorenz para sa prinsipe. Sandra is his bottomline! If not for the fact na maraming tao sa paligid, malamang na nagulpi niya na ito. Nagkapuntos ito ng tatlong sunud-sunod hanggang sa magtapat ang puntos nila sa lima. Napunta rin ang lahat ng pokus ng mag-asawang Ginny at Cloud sa laban. Nagtaka kasi ang mag-asawa kung ano ang nangyari kay Lorenz. Ramdam nila na may hindi tama sa mood ng shogun. Nakaalis naman si Khalid sa kinauupuan nito habang hindi nakatingin si Ginny. Malaki ang tiwala niya kay Lorenz. Saka hindi siya nagsisinungaling na wiwiwi talaga siya. May sumusunod na pala sa kanya hanggang sa palikuran. Pagbukas niya ng pintuan matapos umihi, ang nakangising si Prince Liam ang bumungad sa kanya sa pinto. At magaan na binitbit siya nito. ===== Pinilit ni Lorenz na magpokus. May ilang puntos pa bago siya tuluyan na magwagi. Bilang shogun, hindi rin siya magpapatalo sa isang huwad na prinsipe. "I never thought you like girls, I thought you have a crush on me" makahulugan na saad ng Shogun matapos makapuntos nito sa walo. Matapos malaman kay Khalid na may narinig itong mga ungol mula sa nagtatalik na dalawang lalaki, nakita niya si Prince Philip na lumabas sa parehas na pasilyo kung saan sumuot si Khalid. Nagtago siya sa isang kwarto para hindi siya nito mapansin. Agad niyang pinaimbestigahan kay Mat-mat ang prinsipe at hindi nga siya nagkamali sa hula niya. Madalas na magkasama si Prince Liam at Prince Philip. Ayos lang naman dahil magkaibigan naman talaga ang mga ito. Hindi siya maghihinala kung hindi niya malalaman na nagpupunta rin sa ibang bansa ang dalawa na magkasama at madalas na iisang kwarto lang ang tinutuluyan nito. Bukod pa dito, nabalitaan din ni Lorenz na marami pang lalaki na nakakasama si Prince Liam sa kung saan-saang bansa. Kaya naman sa tingin niya, Ginagamit ni Prince Philip ang katawan para makahingi ng pabor kay Liam. Sa estado ng dalawa mas mataas kung tutuusin ang level ni Liam dahil kadugo mismo ito ng hari. Gayunpaman, hindi maiwasan na mandiri siya dito. Nagba-backdoor na ito kay Liam, ginugusto pa nito ang asawa niya. Nakaganti si Lorenz ng ilang puntos. Bumalik sa normal ang pokus niya. Ngunit bago pa siya makapuntos ng ika-sampu. May sinabi muli ito. "Your dear nephew is in our hands." Nilingon niya ang kinaroroonan ni Khalid sa pwesto ni Cloud at Ginny. Wala nga ito doon. Ngunit sa halip na mawala sa focus si Lorenz, mas inigihan niya na tapusin ang laban. Ang kailangan lang niyang gawin ay patayin ang natitira nitong pag-asa. Natalo niya si Prince Philip. Naghiyawan ang mga tao. Kahit papaano iba ang reaksyon ng tao kapag natalo ang palaging champion sa laban. "Where did you bring my nephew?" tanong niya kay Prince Philip. Hindi ito sumagot sa halip ay napopoot sa kanya ang lalaki. Ginawa na kasi nito ang dapat pero natalo pa rin ni Lorenz. Isa pa, nasa isip nito na kahit itago nito si Khalid ng habang panahon ay wala siyang magagawa laban dito. Bumaba si Lorenz mula sa mahabang stage at tinanggal ang lahat ng kasuotan. Nilapitan ang mag-asawang Ginny at Cloud na kapwa masaya sa resulta ng laban.. "Where is Khalid?" Biglang napalingon si Ginny "Oh, nangulit na naman ang batang iyon!" tila ordinaryo na lang kay Ginny ang ginawa ni Khalid na nawawala ito sa paningin niya. "The prince locked him up" bulong ni Lorenz. Maingay sa paligid dahil nagkakasayahan ang lahat pero hindi iyon nakaligtas sa pandinig ng mag-asawang Cloud at Ginny Lopez. Ilang saglit pa, humihiyaw si Prince Philip mula sa likuran na may dalang espada na inagaw nito sa guards. Patungo ito kay Lorenz para dumanak ng dugo. Chapter 391 - Cassandra and Lorenz: Deny Galit na galit na inagaw ni Prince Philip ang espada ng Royal Guards sa tahanan ni Duchess Camila. Sa palagay kasi niya, kahit patayin niya si Lorenz sa araw na iyon ay wala masyadong epekto dahil nananatili na simpleng-tao ang tingin niya dito. Ngunit hindi niya inaasahan ang ginawa ni Lorenz. Pinigil nito ang kamay niya na may hawak na espada na nakaangat para bumwelo at tumira. Hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay hanggang sa maramdaman niya na parang nabali ang mga buto niya saka siya sinakal sa leeg hanggang sa mabitawan na lang niya ang matalim na espada. Nabigla naman ang mga tao sa paligid. Kahit sila ay hindi akalain na kikilos ng ganoon ang prinsipe. Mabuti na lang at napigilan ito ni Lorenz. Kahit si Cloud na nasa malapit ay pinrotektahan ang asawa nito. Matalim ang mga mata ni Lorenz na diretsong nakatingin kay Prince Philip. "Where did you bring Khalid?" Halos ubuhin na ito dahil sa pagkakasakal ni Lorenz. Nakaramdam naman ng hilo si Duchess Camila matapos mapanood ang mga naganap. Katabi niya ang magulang ni Philip na nagulat din sa pangyayari. "Camila, stop your son-in-law!" galit na napatapik si Prince Gostav sa mesa. "Lorenz, stop it!" si Cassandra na ang pumigil sa asawa niya. Bisita lang sila sa bansang iyon at hindi niya alam ang gagawin na parusa sa asawa niya kung sakali na mapatay nito si Prince Philip. Iba ang kalakaran sa bansang iyon pati na ang kalakaran sa Dark Lords. Mabilis naman na sumunod si Lorenz sa asawa niya. Hinagis ni Lorenz na parang papel si Prince Philip sa damuhan na nananatiling matalim ang mga mata. Dumausdos ang prinsipe hanggang sa mapadapa ito sa damuhan. Inubo ng todo ang prinsipe. "You (cough) you tried to kill me! (cough) Lock him up!" utos ni Prince Philip sa mga guards habang turo si Lorenz. Agad na lumapit ang mga gwardiya kay Lorenz dahil kahit papaano ay prinsipe sa bansang iyon si Philip. Pinalibutan ng guards si Lorenz. Kahit pa hindi naman siya natatakot. Kaya lang sumasakit na ang tiyan ni Sandra sa stress sa mga naganap. "Stop!" sabay-sabay na napalingon ang lahat sa pumigil ng kaguluhan. Isang babae na may magandang kasuotan ang nakita ng lahat na nasa gitna ng mga manonood at nakabalot ng bandana ang mukha. Unti-unti na tinanggal nito ang bandanang nakabalot sa ulo hanggang sa mamukhaan ng lahat ang reyna. "The Queen" Sabay-sabay na bulong ng mga tao sa paligid. Natahimik ang lahat. Hindi inaasahan na pupunta sa pagtitipon na iyon ang reyna. "You guards, go back to your post!" galit na utos ng reyna. Mabilis na sumunod ang mga royal guards. Naglakad ang reyna hanggang sa huminto sa gitnang pwesto ni Philip at Lorenz. Masama ang tingin nito sa una at halatang dismayado. "I saw everything! Even your attack a while ago! If someone died here, how we will face the world! You are an ungrateful child!" galit na sabi ng reyna kay Prince Philip. Sumama ang mukha ng magulang ni Prince Philip. Halos takasan na sila ng kulay. Damay sila sa ginawang iyon ng Philip dahil parang hindi nila dinisiplina ang anak nila. Hinarap naman ng reyna si Lorenz. "You are also at fault here. Why did you strangle Philip just now?" Diretsong tumingin si Lorenz sa reyna. "He locked the young master of the Dark Lords somewhere, under my eyes and the Master of the Dark Lords." sagot niya na hindi man lang natatakot. Mas lalong sumama ang mukha ng magulang ni Philip. "Is it true?" tanong ng reyna kay Prince Philip. Naguluhan naman si Prince Philip kung sino ang Dark Lords na sinasabi ni Lorenz. Wala siyang alam na Dark Lords. Nagbabanta ang mata ng reyna na hindi niya magugustuhan kung sakali na magsinungaling siya. Mas pinili pa rin niya na magkaila kahit may katotohanan ang sinabi na iyon ni Lorenz. "Of course not! Queen, I don''t know what he''s talking about." "You told me that you have Khalid! Where did you bring my nephew?!" galit na tanong ni Lorenz. "I said I don''t have him!" "You bastard!" gustong-gusto na ni Lorenz na gulpihin ang prinsipeng hilaw. "Enough!" galit na singhal ng reyna. Masama naman ang timpla ng mga mukha ni Ginny at Cloud. Alam nila na hindi magsisinungaling si Lorenz sa sinabi nito. Pero todo-deny ang prinsipe. Hindi nila alam ang sunod na mangyayari kapag hindi nakita si Khalid. Chapter 392 - Cassandra and Lorenz: Obstinate Samantala sa lugar ni Khalid. Bitbit siya ni Prince Liam. Tinatakpan nito ang bibig niya para hindi siya makagawa ng ingay. Nakita niya na papasok sila sa maze garden na nasa likod ng tahanan ni Duchess Camila. Paikot-ikot ang lugar na iyon na nakakaligaw sa loob. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin nito pero kinagat niya ng mariin ang daliri nito dahilan para mabitawan siya. "F*ck!" He cursed. Saka winagayway ang kamay na may marka ng ngipin ni Khalid May nadampot si Khalid na pandilig ng halaman na gawa sa metal at diretsong ibinato sa alaga ni Prince Liam, saka mabilis na pumasok sa loob ng maze. "F*ck!" May nakitang mga itlog sa gilid si Khalid, hindi siya sigurado kung disenyo ang mga iyon o may nangingitlog talaga sa lugar na iyon. Hinagis niya isa-isa kay Prince Liam ang mga itlog. Pinilit naman nito na iwasan ang mga tira niya pero hindi pa rin ito nakaligtas. Kumalat sa katawan nito ang malagkit na likido habang hawak nito ang hinaharap. Galit na galit ang anyo nito. "Don''t let me see you again!" Hindi niya makakalimutan na gusto siya nitong ipa-tuli sa edad niya na apat. Napansin naman ni Khalid ang sapatos na suot nito. Kumunot ang noo ni Khalid. Pero hindi na lang niya binigyan ng atensyon. Bago siya lumiko nagbanta pa siya kay Liam. "I''ll make sure to get your crown! hmp!" Mabilis na sinundan siya nito sa loob. "Hah! Good luck kid!" inis na inis ang anyo nito na nanlalagkit sa itlog. Puro berde na halaman ang nakikita ni Khalid sa loob ng maze. Dahil maliit lang ang katawan niya, parang pader sa paningin niya ang berdeng mga halaman. Lumiko siya sa kaliwa at kumanan. Saka nagkalkula sa isip kung nasaang parte na siya sa loob ng maze. Ginamit niya ang bilang ng mga hakbang, tinandaan niya ang mga lugar na may block, hanggang sa makalabas siya sa loob ng maze. Ang kaso, nadapa siya sa putikan na malapit sa sapa. "Wahahaha!" narinig niya ang pagtawa ni Liam na nakita ang naganap sa kanya. Hindi niya alam kung paano ito nakalabas mula sa loob ng maze. Tiningnan niya ito ng masama. Saka bumalik muli sa loob ng maze kung saan siya pumasok. Nakapunta kasi siya sa dulong bahagi, palayo sa royal home. Hinabol naman siya ni Liam. Humahalo ang putik na mula sa katawan niya sa berdeng halaman. Naging mas madali naman sa kanya ang paghanap ng daan palabas. Palabas na siya nang may nakita siyang dalawang maliit na ahas na kulay berde sa halamanan. He knew that this kind of snake is a non-venomous snake o ''yung walang lason. Dinampot iyon ni Khalid at magkasunod na hinagis ang ahas kay Prince Liam. "Ahhhhh!!!!" nagtatalon ito nang lumipad sa mukha nito ang ahas. Hindi lang isa kundi dalawa. Binelatan niya ito. Tumakbo siya patungo sa pagtitipon, syempre gusto niyang malaman kung nagwagi ang Uncle Lorenz niya para makuha niya ang korona ng hambog na lalaki. Mabilis na tumakbo ito para sundan siya. Galit na galit si Prince Liam. Natanaw niya na nakatayo si Lorenz katabi ng magandang babae, nakaluhod ang isang tuhod ni Prince Philip sa damuhan. Nakita niya na hindi maganda ang mood ng mga tao sa paligid. "Mommy Ginny! Daddy Cloud!" tumatakbo siya habang sumisigaw. Napalingon sa gawi niya ang lahat. Mukha siyang anak ng uling na tumakbo papunta sa mga ito sa sobrang dungis. Ngumiwi si Ginny nang makita siya. "you smell like poop! What happened to you?" Nagsimula naman na umiyak si Khalid. This is unacceptable! Naisip niya na isumbong si Liam sa mag-asawa. "Prince Liam wants to kill me! He brought me to a maze. He wants to beat me until I escape." Liam "..." Sino ang nagbato sa watering can, naghagis ng itlog, ng ahas na halos nawala siya sa poise dahil sa pagkakatili niya? Ngumiwi kahit na si Prince Philip sa nadinig. Hindi naman maipinta ang mukha ng reyna. "What is happening Prince Liam?" Hindi makasagot ng maayos si Prince Liam. "Q-queen¡­" Nakakita ng liwanag si Khalid nang madinig na reyna palaang magandang babae na nasa harapan niya. "Now Prince Philip. Are you still denying this? you are the one who asked him, right?" tanong ni Lorenz. Matalim na tingin ang sinagot ni Prince Philip sa Shogun. Hindi naman makagawa ng kilos si Liam. "My Beautiful Queen, I was scared." Gumaan naman ang loob ng reyna lalo na ng tawagin siya nitong ''beautiful queen''. Nakaramdam pa ito ng awa dahil sobrang putik ni Khalid. Lumapit ang reyna sa batang lalaki. "Is there anything you want? I will ask Liam to give anything to you as a compensation for what he has done." "Really? Anything?" "Yes" Nagdiwang si Khalid. "I want two crowns and five gold bars." Ginny Lopez "..." Cloud Han "..." "I will not!" agad na tanggi ni Liam. "My Beautiful Queen, my head is aching. He cursed at me. My knees are broken because I was running so fast" reklamo ni Khalid. Naawa ang reyna kay Khalid lalo na at parang maiiyak ito. "Liam, you will give it to him or I will be the one who will get them from your home!" banta nito. Nakakuyom ang kamao ni Liam at nangigigil. Sino ba ang nagsabi na kawawa ang batang ito? samantalang siya itong dumaan sa pagsubok nang saglit niya itong itinago! Napressure siya lalo na at masama ang tingin sa kanya ng lahat ng bisita doon. "Alright I will give it to him!" inis na sabi nito. Kung alam lang niya na aabot siya sa puntong wala na siyang mukha na maiharap, hindi niya na sana sinunod pa si Philip sa gusto nito. Chapter 393 - I miss Mommy Masaya si Khalid na may maiuuwi siya sa bahay na maraming pera. He just wanted a crown pero hindi niya alam na may ibig sabihin ang simbolo ng bawat korona. What he is looking forward to is the amount of the crowns. Kung ano ang mga dahilan at estado ng korona ay hindi na niya iniintindi pa. Why would he care about it if he is the young master of the Dark Lords? "I will send them to you kapag natapos na." sabi ni Prince Liam kay Khalid. Hindi magtatangka ang prinsipe na magsalita ng pangit sa harap ng reyna kahit pa gusto siyang tirisin nito. "Why can''t you just give me your crown?" nakakunot ang noo na tanong ni Khalid. "It''s my personal crown. It''s my identity." Kumunot ang noo ni Khalid saka tumingin kay Ginny. Sinubukan naman nito na magpaliwanag. "Crowns are special; they have their own identities." Bumilog ang bibig ni Khalid halatang nagulat. How come he doesn''t know about that? Ang alam lang niya ay hindi biro ang halaga ng bawat crowns. Pero naisip niya na hindi rin kasi siya mahilig magbasa ng mga tungkol sa mga buhay-buhay ng ibang tao. Mas madalas na tungkol sa mga halaman o hayop ang binabasa niya. Mas mahilig siya sa science. "If that''s the case, I will draw a design for you to follow. I want one for me, one for my Mommy and one for Billionaire. And the cost must not be less than a million." Ginny "..." Gustong magtaas ng kilay ni Ginny. Pati si Billionaire na isang aso, may Crown? At iba din ha, kailangan hindi bababa sa isang milyon ang halaga bawat isa. Tatlong milyon agad ang halaga ng tatlong crown at mahigit pa. "Hindi mo bibigyan si Daddy?" tanong niya. Nag-isip si Khalid. "I''m not sure if he''ll like it." Sinabihan niya na lang si Liam na ipapadala niya dito ang tatlong disenyo. Matapos nilang magkasundo, dinala siya ni Ginny sa isang kwarto para linisin. "Mommy Ginny, I miss my mommy" malungkot na sabi. Bigla niyang namiss ang mommy niya dahil parang laging may adventure kapag kasama niya si Prin. "I will bring you to Korea next week don''t worry." "Wow! Really?" nagliwanag ang mukha ni Khalid. Ngumiti si Ginny at pinunasan ang maputik niyang pisngi. "Yes, if you do behave for a week" request ni Ginny. Sumasakit masyado ang ulo niya sa batang ito na iilang linggo pa lang niya na inaalagaan. "Ehh.. fine!" Sumimangot si Khalid. Hindi niya maipapangako na magbe-behave siya sa loob ng isang linggo pero susubukin niya na magpakabait kung makikita naman niya ang Mommy niya ==== Samantala, nagbigay naman ng banta si Lorenz kay Prince Liam bago niya inalalayan na pumasok ang asawa niya sa loob ng tahanan ni Duchess Camila. "Prince Liam, next time you do bad things to my family, hindi ako magdadalawang-isip na ilabas ang baho niyo ni Prince Philip. So you have to think twice." bulong niya dito nang mapadaan siya sa prinsipe. Wala siyang pakialam kung naroon siya sa teritoryo nito. Nang mga unang araw ay hinahayaan niya lang si Prince Philip na kung anu-ano ang gawin dahil napaka-childish ng mga galaw nito pero ngayon na nagawa na nitong galawin si Khalid ay magkakasubukan na talaga sila. Parang tinakasan naman ito ng kulay sa narinig. Naintindihan agad kung ano ang ibig niyang sabihin. "What is it?" usisa ni Sandra. Sinulyapan pa nito si Liam bago tuluyan na pumasok sa loob. "Nothing." Mainit pa rin ang ulo niya sa mga nangyari. ==== Kailangan na iwan ni Lorenz ang asawa niya sa poder ni Duchess Camila at sumabay sa pag-alis ng mag-asawang Han pabalik sa UK. Pinagbawalan si Sandra na umalis ng bansa para ingatan ang pinagbubuntis nito. Lumipas naman ang isang linggo at pinilit ni Khalid na magpakabait para makita niya ang Mommy niya. Tulad ng pangako ni Ginny, Hinatid siya nito sa Korea at dumeretso sila sa recuperating area. Kasalukuyan na may bisita si Prin sa kwarto nito. Sa labas pa lang ay rinig na ni Khalid ang pagtawa ng Mommy niya. Tiningala niya si Ginny na hawak ang kamay niya para sana magtanong. Kumatok sila sa pintuan at saka iyon binuksan. Bumungad sa kanila ang pamilya ni Kai na kasalukuyan na bisita ni Prin. Nakaupo si Prin sa isang kama. Tinitirintas nito ang buhok ni Angel kaya nakaramdam si Khalid ng selos. "Mommy!" saka siya tumakbo patungo dito. "Khalid!" nagliwanag din ang mukha ni Angel nang makita siya. Hindi niya ito pinansin at sumampa lang siya sa kama para yakapin sa leeg si Prin. Bahagyang nanibago si Khalid sa mukha ng Mommy niya sa personal. Ibinalik na kasi ang original nitong mukha. Pinindot-pindot niya ang pisngi ng Mommy niya. Nang huli kasi na magpunta si Khalid doon ay may telang puti pa ang nakabalot sa mukha ni Prin. "I miss you Mommy!" "Aw! I miss you too baby!" saad ni Prin habang patuloy na tinitirintas si Angel. Tiningnan niya ng masama si Angel na nakatalikod bago nagpatuloy. "Mommy, I earned 10 million last week!" pagyayabang ni Khalid. Prin "..." Sakto naman na natapos na si Prin sa pagtirintas. "Wow! You earned millions in just a week? Makasama nga sa ''yo minsan para magkaroon ng balato" si Bella. "Huwag mo nang pangarapin na sumama sa kanya dahil baka hindi mo namamalayan na ikaw pala ang biktima." Bella "..." Chapter 394 - Fake Cally May ilang minuto rin na nanatili si Bella at Angel sa kwarto. Marami silang napagkwentuhan dahil marami silang ibinalita sa isa''t-isa. Halos mapuno ng tawanan ang kwarto ni Prin. Binalita rin ni Ginny na buntis si Sandra at kailangan itong iwan ni Lorenz sa Sweden dahil kailangan nitong bumalik sa UK para gabayan ang Dark Guards. Hinarap ni Prin ang anak niya matapos makipag-kwentuhan. May ilang linggo rin niyang hindi nakita si Khalid. Hinaplos niya ang buhok nito. Habang tumatagal mas lalong nagiging kamukha ni Khalid ang daddy nito, kakaunti lang ang nakuha nito sa kanya. "You will be staying at Tita Bella''s home tonight. Come back tomorrow, Okay?" Paliwanag niya dito. Si Ginny ay mas pinili na magpunta sa eskwelahan kung saan ito nagtuturo dati para makipagkamustahan din sa isang Professor doon. Halatang hindi nagustuhan ng anak niya ang nais niya. Bahagyang nalungkot si Khalid. He came all the way from UK. Normal na hindi niya magustuhan na kailangan na naman niya na mahiwalay kay Prin. "Mommy, when are we going back home?" Hindi rin alam ni Prin ang isasagot. Kung tutuusin gusto na nga rin niyang umuwi sa Pilipinas at magbalik sa trabaho. Madami siyang natambak na trabaho, idagdag pa na pati ang White Devil ay kailangan niya na rin simulan na aralin ang mga pasikot-sikot at kalakaran sa business ng Daddy niya. "Next month." Sabi niya kahit pa nga dalawang buwan pa dapat siya sa recuperating room na iyon. "Kaya kailangan natin na magpakabait para payagan tayo ni Daddy." Tumango na lang si Khalid. "I''ll be back tomorrow. I love you, Mommy." paalam nito. Hinalikan niya lang ito sa pisngi. "I love you, Baby." Sumunod ito kay Bella at Angel na lumabas ng kwarto. Naiwan si Prin na mag-isa na naman sa kwarto. Bumalot na naman ang pagkaboring niya ngayong nag-iisa siya sa loob ng kwarto na iyon. Tumayo muna siya at tumingin sa labas ng clear na bintana. Kasalukuyan na umaambon sa siyudad ng Seoul, Korea. Matagal din niyang inaliw ang sarili. She thought kung nakauwi na ba si Bella, Khalid at Angel sa bahay ni Kai Jang. Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at napapalitan iyon ng liwanag ng city lights. Matapos ang mahabang sandali, pumasok siya sa shower para linisin ang katawan. May ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob saka siya nagpalit ng pajama para makapaghanda sa pagtulog. Nang lumabas siya, hindi niya inaasahan na makita ang isang nilalang na nasa tabi ng bintana kung saan siya nakatayo kanina. "Oh my goodness!" Halatang nabigla siya sa pagsulpot ni Cally. Nasapo niya ang dibdib sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nito. Hindi man lang kasi nagbigay ng abiso si Cally sa kanya. Nakatayo ito sa pinakasulok na kwarto katabi ng bintana. Nakahawi pa ang kurtina at nakatingin ito sa labas. Nagrereflect sa mukha nito ang iba''t-ibang kulay ng city lights mula sa labas. Nilingon siya nito. "I''m sorry, Honey. Nabigla ba kita?" He asked indifferently. Lalapitan niya na sana ito pero matapos ang dalawang hakbang, she stopped. Something was off about him that she wasn''t sure of. Ang nasa harap niya ay siguradong mukha at ka-boses ni Cally, pero iba ang awra ng kasalukuyang Cally. She picked up her phone na nasa ibabaw ng kama na para bang normal lang at pinilit na magpakalma. "Hihingi lang ako ng gamot sa pharmacy. Sumakit kasi ang ulo ko. Dito ka na muna, okay?" Sabi niya dito na pilit ngumiti. Tumango ito. Then, she opened the door. No one was around on her floor outside. Nagsimula na siyang kabahan. She turned her phone to ''Silent Mode''. Saka pinindot ang elevator. Sa gilid ng mata niya ay may mga napansin siya na mas nagpatibay ng kutob niya. The person in her room is definitely not Cally! Who is that man? ''Think Prin, Think!'' Nakakuyom ang mga kamay niya na pumasok ng elevator. Bumaba siya ng ground floor. Ilang lalaki ang nakakalat sa lobby na nakasuot ng damit na pang-nurse, doctor at kung ano pa but she knew that these people were not hospital staff. Sabay-sabay na lumingon sa elevator ang lahat na para bang alerto ang mga ito. "Get her!" Sigaw ng isa. Agad na pinindot ni Prin ang ''close button''. Gumilid siya at hindi nga siya nagkamali na pinaputukan ng ilang beses ang elevator. Ilang ulit niyang pinagpipindot iyon hanggang sa magsara. Halos hindi siya makahinga. Matapos iyon hindi na nakapag-isip na pumindot ng kung anong floor. Tumunog ang bell ng elevator tanda nang nakarating na siya sa destinasyon na palapag. Lumabas siya sa loob nito matapos na bumukas iyon. Agad siyang tumakbo at tinungo ang hagdan para magtungo sa floor ng garden area. Habang tumatakbo, nagsisimula na rin na tawagan niya ang personal na numero ni Cally. Sa oras na ito ang tunay na Cally ang nais niyang makausap dahil sigurado na hindi tunay ang Cally na nasa kwarto niya. Chapter 395 - Gon Peter is here Tumatakbo si Prin pababa ng hagdan habang nakadikit sa tenga niya ang telepono. Matapos ang ilang ring, narinig niya ang boses ni Cally sa kabilang linya. "Miss me?" Masayang bungad nito. "Husbie, where are you?" Bulong na tanong niya para hindi siya marinig. Lumingon siya sa kaliwa at kanan ng pasilyo. Nang mapansin niya na clear ang area, tinakbo niya ang daan patungong garden. Nasa ika-apat na palapag ang garden at madali na lang siyang makakababa at makakatakas kung saka-sakali. She''ll find ways to escape in this building. "I''m here at the airport, we have a news na narito daw si Gon Peter. He swindling people para magkapera at ang recent na biktima niya ay kamag-anak nila Kai." Natigilan at napalunok si Prin. Then, she thought that the person in her room must probably be Gon Peter. Pinilit niya na sabihin dito ang nagaganap kahit pa parang nahirapan siyang huminga. "H-husbie, he-he is here. Hawak niya ang buong... building kung nasaan ako." Hinihingal na pagkakasabi niya dito. Natigilan din sa paglakad si Cally. "What?!" Halos mabunggo si Mat-mat sa likod ni Cally. "Please make... sure Bella and the kids are safe¡­ Khalid was here this afternoon and I asked Bella to take care of him; and... Mommy Ginny. She went to meet¡­ an old¡­ friend. Th-they all came here before he showed up." Tumataas at bumababa ang dibdib niya sa pinaghalong kaba at paghingal. Hanggang sa wala na siyang marinig at naputol ang linya. "Husbie? Husbie?" Sinilip niya ang cellphone at nakita na walang signal ang cellphone niya. "Shit!" Napamura na lang siya sa inis. Mukhang gumamit ng signal blocking ang grupo ni Gon para hindi siya makatawag. Plano pa naman niyang sabihin na mukha ng asawa niya ang kasalukuyan na mukha ng kalaban. Mabuti na lang at kahit papaano ay nakausap niya pa si Cally. Sinuksok niya ang cellphone sa bulsa ng manipis na pajama. Napadaan siya sa nurse station at naghanap ng pwedeng magamit. Wala siyang armas na hawak at hindi niya alam kung ilan ang kalaban. She open the fridge na lagyanan ng mga gamot at may nakita siyang limang syringe ng anesthesia. She put all of them in her pocket. Saka dinampot ang isang surgical scissor. Isang gunting iyon na matulis. Matapos na masiguro na sapat na iyon para maprotektahan ang sarili o maka-agaw ng armas, tinungo niya ang garden. Ngunit nagkaroon ng bagong problema sa Prin nang makita ang hinihinala niya na isang kalaban na nagbabantay sa garden. Pinagtibay nito ang hinala niya na nasa possession na ni Gon Peter ang buong recuperation building na iyon. Where are the other patients and the doctors? Dahan-dahan na lumapit si Prin sa lalaki habang mahigpit na hawak niya ang gunting. Mas bumalot ang lamig sa binti niya dahil basa ang sahig. Idagdag pa ang mga patak ng ambon. Umaambon kasi sa siyudad sa oras na iyon. Pumapatak na rin ang ambon sa ulo niya. Nilingon siya nito ngunit isang surgical scissor ang sumalubong dito. Agad niya itong sinaksak sa leeg bago pa ito makagawa ng signal para sa iba. Bumulagta ang lalaki sa sahig. Hindi niya kaya ang lamig sa oras na iyon. Ang suot niya ay isang manipis na pajama lang na hindi kaya ang malamig na klima sa lugar. "Whooo... whoooo..." halos sumipol siya at mangatog sa lamig. Dinampot niya ang armas ng lalaking tinakasan ng buhay saka tinungo ang gilid ng gusali. Matapos silipin ang gilid, nagtago muli siya. Eksakto na inangat ng isang lalaking bantay mula sa ibaba ang itaas ng gusali kung saan naroon ang garden. Hindi siya nito napansin. Sinubukan niya sa ibang pader, Nadismaya rin naman siya agad dahil bawat paligid ng gusali na iyon ay may nagbabantay. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok muli sa loob saka niya naisip na mas magandang magtago sa loob ng Pharmacy na nasa 3rd floor. Nang mapadaan siya muli sa nurse station, binuksan niya ang cabinet at nagpasalamat siya na may nakita siyang patient''s gown sa loob nito. Kinuha niya iyon. Ngunit bago pa siya makaalis, nakarinig siya ng mga yabag. "She went here!" Narinig niyang sabi ng kung sino mula sa dulong pasilyo. Bahagya muna siyang nagtago sa ilalim at likod ng istasyon. Sigurado na nakita siya mula sa CCTV ng mga ito. At this moment, how she wished she could send a message to someone para tulungan siya. Chapter 396 - Hatred Nakatingin si Gon sa labas ng bintana ng kwarto ni Prin Matsui. Nagpaalam sa kanya ang asawa ni Cally na hihingi ng gamot sa pharmacy. He let her go outside so she could see the current situation of the building. Ilang taon siyang naghintay na makaganti sa pamilya ni Cally at hindi niya inaasahan na muli na naman na darating ang araw na iyon ngayon. It''s been almost two decades. Kulang-kulang dalawampung taon na ang nakaraan nang magsimula siyang paghigantihan ang pamilya ni Cally. Ilang beses siyang nabigo pero hangga''t nabubuhay siya sa mundong ito, hindi niya ito titigilan. Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Sa loob ng tatlong taon nang huli silang magharap, parang binura nito ang apelyido niya. Siya na tanging natitira sa pamilya ng Peter ay parang sinira ang huling bilin ng Lolo niya na sa kanya mapupunta ang Dark Lords balang araw. Paano niya pa pamumunuan ang Dark Lords kung tinapos ni Cally ang pangarap niya nang tuluyan nitong tanggalin ang Peter Family sa pitong pamilya na bumubuo sa Dark Lords. Matapos iyon, Cally gave all of his assets to charities around the world. Daig pa niya ang mahirap na daga na walang masandalan dahil nawala ng parang bula ang yaman ng Peter Family. Kaya habang tumatagal, mas nananaig sa puso niya ang paghihiganti. Tatlong taon ang nakaraan, nakaligtas siya sa karagatan dahil may tracking device na nakakabit sa kanya kaya mabilis siyang natagpuan ng mga kasama. Ilang oras siya sa dagat na palutang-lutang na halos ikamatay niya. Luckily, he escaped again from hell. Laking tuwa niya pa nang mabalitaan na hindi nakaligtas si Prin Matsui sa barko ni Captain Yeo. All of his efforts are worth it. Seeing Cally struggling life without Prin Matsui is the best time of his life. Unfortunately, she came back again. Kaya naman ngayon, his plan is to [email protected] his beautiful wife and kill her including their child. Ilang minuto siyang nagmuni-muni sa tapat ng bintana bago niya naisip na lumabas ng kwarto. Isang lalaki ang sumalubong sa kanya na nakasuot ng nurse uniform. "Master, all of the doctors, nurses and patients are already gathered in one room. Bantay-sarado na rin sila ng limang tauhan natin." paliwanag nito habang naglalakad sila patungong elevator. "Where is she?" tukoy niya kay Prin Matsui. "Sa lobby siya huling nakita pero agad din na umakyat ng 6th floor. Sa ngayon, hinahanap siya ng mga tao sa CCTV kung saan siya nagpunta mula sa 6th floor." "Remember that Prin Matsui is not a simple girl. You should put more people to capture her." paalala ni Gon sa lalaki bago tuluyan na sumakay sa loob ng elevator. ===== Sa lugar ni Khalid... Nakasakay ang tatlo sa isang taxi na napara nila sa tapat ng recuperating area kung saan nagpapahinga ang mga pasyente matapos ang surgery. Si Bella ay nasa tabi ng driver, si Khalid at Angel ay nakaupo sa likuran. Pinaglalaruan ni Khalid ang isang syringe na nasa loob ng bulsa niya habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakuha niya ang bagay na iyon sa cabinet ng kwarto ni Prin. Isang 0.5 ml lang iyon na laki ng syringe na ginagamit for antibiotic and supplement in her skin. Nag-iisip pa siya kung saan niya iyon gagamitin. Hindi pa naman gamit iyon at nakasupot pa nga. "Brother, Khalid. I am going to start schooling next month." pagyayabang ni Angel. "Oh? good for you. I''ll teach you how to read, tonight." Nagningning ang mata ni Angel. "Wow! Really?" Hindi na sumagot si Khalid. Napansin niya na malikot ang mata ng driver kaya pinakiramdaman niya ang paligid. Saka niya napansin na may dalawang sasakyan na sumusunod sa kanila sa likuran. Sa unahan naman ng taxi, napansin ni Bella na parang iba ang daan pauwi sa bahay nila. "Ahjussi, looks like we are in a different way" paalala ni Bella. "Oh!, I''m sorry Lady. it''s dark and I didn''t notice. I''ll turn left after we pass the crossing there." sagot nito. "Tita Bella, do you know how to drive?" Tanong niya kay Bella na katabi ng driver. "A little" sagot ni Bella. "Okay!" Then, he secretly open the syringe mula sa supot. Nang mag-stop ang sasakyan dahil kasalukuyang red light ang stop light, tinapat niya sa leeg ng driver ang syringe na nakuha niya. Nabigla ang driver Kay Khalid. "Sir, I don''t know who you are but this syringe has a poisonous liquid. The poisonous liquid is a super chemical called Sodium Hypochlorite plus a thousand viruses and bacteria that can kill you in a second. Get out in this car if you don''t want to die!" sabi niya dito sa seryosong mukha Dumilim ang mukha ng driver. "You are all going to die today!" Matigas na sabi ng driver. At hinawi ang kamay ni Khalid. Bahagya namang natigilan si Bella. Tumilapon si Khalid sa upuan sa likuran ngunit pinilit niya na huwag masagi si Angel ng syringe. Kahit pa nga wala namang laman iyon, delikado pa rin ang bagay na hawak niya dahil may needle iyon. Sabay naman na nagalit ang mag-nanay sa ginawa ng driver kay Khalid. "You dare to hit my brother Khalid!" pinagpapalo ni Angel ang driver ng hawak nitong barbie doll. Si Bella naman ay pinagpapalo rin ng bag ang driver. Hindi alam ng driver kung paano itatago ang sarili mula sa bata at nanay nito. Nakabawi naman si Khalid at tinusok niya sa leeg ng driver ang walang laman na syringe. "Ahhh!" Nanlaki ang mata nito at humiyaw ang lalaki. Natakot na baka nga may virus na ito sa katawan. "Oh no! your eyes are popping out!" pananakot ni Khalid sa driver. Bago pa nito ma-tsek ang sarili sa salamin, sinipa na ito ni Bella palabas ng sasakyan saka umupo sa driver seat. "Oh my god¡­" Kinabahan si Bella dahil hindi pa siya tuluyan na marunong magpaandar ng kotse. Eksakto naman na nagberde na ang Stop light sa crossing. "Baby, call your Daddy!" Utos nito kay Angel. "Someone is following us. You can do it Tita Be--." bago pa matapos ni Khalid ang sasabihin. Pinaharurot na ni Bella ang sasakyan na halos umabante sila ni Angel sa likuran. Chapter 397 - Im afraid, Brother Khalid Mabulis na pinaharurot ni Bella ang sasakyan na halos lumipad na ang kaluluwa nila ni Angel. "Tita Bella, your gas is too much!" nagagalit na sita ni Khalid. Baka makaligtas nga sila sa mga sumusunod na sasakyan, hindi naman sila nakaligtas kay kamatayan. Nagmenor naman si Bella kahit pa nga kinakabahan siya. Binigay niya ang buong atensyon sa kalsada. Inisip ni Bella ang dalawang bata sa likuran kaya nilakasan nito ang loob sa pagmamaneho. Angel calls his Dad''s personal phone. She put it on speaker matapos sagutin ni Kai. "Daddy, someone is following us." bungad nito. "Where are you guys?" katatanggap lang din nito ng mensahe ni Cally na hawak ng grupo ni Gon ang buong building kung saan nandoon si Prin. "Babe, we are in Seongam-ro road. I.. I am driving!" sigaw ni Bella. "I''m on my way! Don''t be afraid." sagot nito sa kabilang linya. Naririnig nila ang tunog ng motor sa lugar nito kaya may ideya na si Khalid na nakasakay ito sa motor. "Uncle Kai. Who are these guys?" tanong ni Khalid. Napansin niya na sumusunod pa rin ang dalawang sasakyan sa likuran. "It''s better for you to know nothing. Your Daddy came here, he was at the airport." sagot ni Kai. Natahimik si Khalid. Lumalim ang iniisip niya hanggang sa kapwa sila napunta ni Angel sa kaliwa dahil biglang lumiko si Bella. "Gayang-daero na kami!" sigaw ni Bella. "I am now on the same road. Where are you heading?" saad ni Khai. "heading home" si Bella ang sumagot. "heading south" sabad ni Khalid. "Okay. Got it!" Ilang saglit pa, binunggo sila ng sasakyan sa likuran. Nagyakapan sila ni Angel sa upuan sa sobrang takot. Napapapikit sila mula sa pressure kada magdidikit ang dalawang sasakyan. Nasa kanan naman ang isa pang sasakyan at pinahihinto si Bella. "Put more gas, Tita Bella" hiling ni Khalid para mas bumilis pa ang sasakyan. Sinunod naman siya nito. Hinabol din sila ng parehas n sasakyan. Binunggo naman sila kanan. "Oh! Oh!" mas kinakabahan pa si Bella kaysa sa dalawang bata dahil nasa kanya ang pressure ng pagmamaneho at determinado siya na maligtas sila sa oras na iyon. "Babe, faster!" sigaw ni Bella para marinig siya ni Kai sa telepono. "Almost there!" sagot nito Ilang saglit pa may naririnig na putok ng baril ang tatlo mula sa likuran. Nagsimula nang umiyak si Angel dahil sa takot. Sobra ang kapit nito kay Khalid. "I''m afraid, Brother Khalid." namamasa na ang mata nito na nagkaroon na ng luha. Her big eyes sparkled like a warm night. "Don''t be afraid, that''s your Daddy." hagod ni Khalid sa likod ni Angel. Kinuha niya ang isang gadget sa bulsa. Isang recorder na gamit niya sa pagp-piano. Nilagay niya ang dalawang ear piece sa tenga ni Angel saka pinatugtog ang musika. "It''s me who plays the music. Just listen to this, okay?" Tumango lang si Angel. Naririnig ni Khalid ang mga pagbasag ng salamin at mga paghiyaw pero pinakalma niya ang sarili. Matapos ang mahabang labanan sa pagitan ni Kai at ng mga tao mula sa dalawang sasakyan, kumalma naman si Bella. Agad na nagmenor si Bella sa pagmamaneho hanggang sa mag-break ito ng sasakyan. Lumabas ito mula sa driver''s seat at mabilis na yumakap kay Kai. "Oh Babe, I was afraid." halos takasan ng kulay si Bella sa takot. "Good Job!" puri ni Kai sa asawa niya sa pag-drive nito. He tapped her head. "I don''t have a choice." nakanguso na sagot ni Bella. "Okay, let''s go home. Are you kids alright?" silip ni Kai sa dalawang bata mula sa bukas na pintuan. "Yes. We are good." sagot ni Khalid. "Okay, ako na ang magd-drive" "How about your motorcycle?" tanong ni Bella na agad na gumilid patungong passenger''s seat. "Papakuha ko na lang kay Mino" tukoy nito sa assistant nito. Bumalik naman sa isipan ni Khalid kung ano ang mga nagaganap. Bakit biglaan na may humahabol sa kanila at bakit bigla ang pagdating ng Daddy niya sa bansang iyon? Chapter 398 - A help from Love Rival Samantala sa lugar ni Cally¡­ He is sitting in the back seat of a car na patungo sa recuperating area. Halos hindi siya makahinga sa pag-aalala sa asawa at sa anak niya; idagdag pa na hindi rin niya alam kung nasaan ang Mommy niya. Ilang beses niyang tinawagan si Ginny ngunit hindi niya ito makontak. He is just hoping na ayos lang ang Mommy niya sa mga oras na iyon. Nakahinga siya ng bahagya nang mabalitaan mula kay Kai na ayos ang anak niya at ang mag-nanay nito. Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang bigat ng kalooban niya nang maisip na mag-isa ang asawa niya sa ospital. Pinahanap niya kay Mat-mat ngayon na nakaupo sa tabi ang Mommy niya. Limang Dark Guard lang ang kasama niya sa kasalukuyan saka si Mat-mat dahil kailangan niya ang talent nito sa paghanap kay Gon. Idagdag na rin si Kai na plano lang na ihatid ang grupo ni Bella sa tahanan nito. Hindi niya sigurado kung gaano karami ang kalaban nila. How he wished na malapit lang ang kampo ng Dark Guards. Isang tawag sa telepono niya ang agad na gumambala sa kanya. Hindi rehistrado sa telepono niya ang mga nakasulat na mga numero sa screen. Pinindot niya ang answer button dahil baka si Prin muli iyon pero nagulat siya na ang karibal niya sa asawa ang nasa kabilang linya. "Where are you? Bakit antagal mo yatang dumating?" nabosesan niya si David. Matagal bago nakabawi si Cally. "Don''t tell me na nasa party ka na agad?" usisa niya. Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito. "Yeah, we came here nang malaman namin na nandito si Yuna, este your wife Prin. Plano lang namin na dalawin siya but to our surprise, napansin namin na may nagaganap sa loob." Naipaliwanag na sa grupo nito ang sitwasyon ni Prin kaya naintindihan agad ng tatlo. Kahit pa nga dismayado ang tatlo na biglang sangkot si Prin sa grupo ng Dark Lords, walang magawa ang mga ito kung hindi tanggapin ang katotohanan. Kahit papaano ay tunay ang pagkakaibigan na binahagi ni Prin sa grupo bilang si Yuna. Both of them are in a different organization. Ibang organisasyon ang humahawak sa grupo ni David, Mikey at Coffee pero malaki ang tulong na naibigay sa kanila ni Yuna noong ito pa ang katauhan ni Prin. Dadalawin lang sana nila ang kaibigan ngunit naramdaman ni Mikey na may mali sa recuperation area. Bilang doctor, alam nito ang mga nagaganap sa ospital. Kaya nagtungo muna sila sa mismong hospital at nagmanman. Hindi nga sila nagkamali na may nagaganap nang makita nila mula sa CCTV na pinagsasama-sama ang lahat ng pasyente at hospital staff sa iisang kwarto. "What is the current situation?" tanong ni Cally. Magpapasalamat talaga siya kay David at sa grupo nito kapag natulungan siya na mailigtas si Prin. Parang may bato muli na nakadagan sa dibdib niya sa mga oras na iyon. Dalawang beses nang nawala sa kanya ang asawa niya at ayaw niya nang mangyari muli ang mga iyon. He is praying to all gods in the universe to help him save his wife. Nasa katabing building ang grupo ni David. Sa mismong ospital kung saan ginaganap ang surgery. Naroon siya sa tuktok at pinag-aaralan ang sitwasyon sa kabilang building na pinaliligiran ng mga armadong tao kahit pa nga nakasuot ang mga ito ng hospital staff ng recuperation area. Si Coffee ay nasa isang sulok na table ng Coffee shop na nasa tapat din ng ospital para doon magbigay ng instructions at payo. "Well, Coffee hacked the CCTVs at ninakaw namin ang buong visibility ng lahat ng camera. The enemies won''t see your wife anymore. We saw Yuna este Prin going out to the garden but unfortunately there are too many guards outside." "Okay, salamat¡­ David¡­ I will give you help or anything you want in the future, but please help me save my wife." Ngumisi si David sa mga narinig. Never in his wildest dreams na ibaba ng isang Master Cally Han ang sarili nito at makikiusap sa isang tulad niya. Kapag nabalitaan ito ng lahat baka sumuka pa ng dugo ang kahit ang hari ng Britanya. "What if I want your wife?" hamon ni David. Doon tumalim ang mata ni Cally. "anything except my family." "Then, I''ll think it over. Bibihira mag-offer ang isang Master Cally. Kailangan kong pag-isipan ng mabuti at gamitin ng maayos ang hihingin ko." sagot nito na para bang sigurado ito na maliligtas nito sa Prin. "See you soon." paalam lang ni David kay Cally bago pinutol ang tawag. Chapter 399 - Help from friends Nang masiguro ni David na walang tao sa isang parte na iyon ng building, isang arrow ang tinira niya sa pader gamit ang bow. Mabilis na tumusok ang arrow sa itaas na bahagi ng pader. May mahabang lubid na nakakabit dito. Hinila iyon ni David para siguraduhin na kaya siya nitong dalhin sa ere. Umatras siya ng ilang mga hakbang hanggang sa makuha niya ang tamang layo para makabwelo sa pagtakbo. Ilang saglit pa ay mabilis siyang tumakbo hanggang sa tumalon siya sa kabilang gusali. Hawak ng mahigpit ang lubid, nilakad niya ang gilid ng pader na parang ninja. Nagkaroon din ng problema si David dahil kasalukuyang basa ang pader gawa ng pag-ambon. "F*ck!" muntik pa niyang mabitawan ang lubid. Mabuti na lang at mabilis na kumilos ang isang kamay niya. Sa taas ng kinaroroonan niya sa mga oras na iyon, hindi niya alam kung may buhay pa siya kung sakali na mahulog siya sa ibaba. Agad siyang bumwelo paabante patungong garden. Mas binilisan niya ang lakad dahil baka hindi na rin siya kayanin ng arrow hanggang sa makarating siya sa bungad ng garden. Matapos masiguro na wala ring tao sa lugar, mabilis na tumalon si David sa loob ng railings. May pinindot lang siyang isang bagay at agad na hinila ng arrow ang mahabang lubid para umikot dito at hindi mapansin ng kalaban ang pagpasok niya. Sakto naman na may lumiko nga para icheck ang pader na iyon. Natagpuan niya ang isang lalaki na walang malay na nakadapa. May saksak ito sa leeg na alam niyang si Prin ang may gawa. Umaagos ang dugo nito sa sahig na bahagyang basa. ''Not bad.'' he''s impressed. Hindi niya inaasahan na maliligtas ni Prin ang sarili. Binuksan niya ang monitor para makausap si Coffee kasabay ng paglakad patungong pintuan papasok sa loob ng gusali. "What is the situation inside?" usisa niya kay Coffee. "Nasa fourth floor siya ngayon, nagtatago sa likod ng nurse station. Parehas lang ng floor ng garden. Turn left, then ''yung nasa kanto, ''yun ang nurse station. Hinahanap siya ng mga asungot. Kailangan mong bilisan." "Okay, got it!" ==== Kinakabahan si Prin, may armas naman siya ngunit ayaw niyang magpabigla-bigla sa pagkilos. Mahigpit niyang hawak ang baril na nakuha para kung sakali na mahuli siya ng kalaban. Ayaw niya sanang gamitin ang bagay na iyon dahil magbibigay iyon ng signal sa iba pa. Kailangan niyang magtiwala kay Cally na aabutan siya nito doon. Ilang saglit pa nakikita niya sa ilalim ang mga anino ng katauhan ng mga kalaban. "Did you check the rooms? Where is she?" "What do you mean you can''t see anything in the CCTV?!" galit na sabi nito sa kausap sa kabilang linya. "You bast--" Nakarinig siya ng mga pagkaluskos. Ilang saglit pa may narinig siyang pag-crack ng mga buto. Tapos, tila bumagsak na katawan. ''What the hell is happening?'' Kinakabahan si Prin. Hindi pa siya ganoon kagaling sa pakikipaglaban. Idagdag pa na nasa ospital siya ng isang buwan mahigit kaya parang na-stuck ang mga muscle niya. Hindi na siya kasing bilis na tulad ng dati. Halos wala siyang narinig na paghiyaw na indikasyon na may naglaban sa malapit. Kaya hindi maiwasan na mapa-isip siya kung gaano kagaling ang dumating. Sigurado na hindi si Cally iyon dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas nang makausap niya ang asawa niya at nasa airport pa ito. May isang oras bago makarating sa ospital na iyon ang asawa niya kahit magmadali pa ito mula sa airport. Alerto si Prin na pinakikiramdaman ang paligid. May narinig siyang mga yabag ng sapatos. Mahigpit niyang hinawakan ang armas at handang gamitin iyon kung kailangan. Hanggang sa lumitaw sa paningin niya ang salarin. "Hah!" hiyaw niya. Tinutukan niya ito ng baril ngunit nakilala niya si David. Nakataas ang kilay nito nang makita siya na parang bata na nakaupo sa pinakasulok ng divider ng nurse station. "Oh my gosh, David!" nakahinga ng maluwag si Prin matapos makilala ang lalaki. Hawak ang dibdib na halatang kabado siya. Lumabas sila ng station. Hawak ni Prin ang gown na nakuha niya sa kabinet. Binigyan siya nito ng monitor sa tenga at kinabit nito ang pin sa likuran na bahagi ng kwelyo ng damit niya. "Hello friend!" narinig niya si Coffee sa kabilang linya. "Coffee?" "Yes, say ''Hi'' to your camera" saad nito na ang tukoy ay ang bilog na CCTV na nasa uluhan nila. Sumunod si Prin na kumaway. "Dear, can you send a message to my husband? Can you ask him how''s my Khalid? Walang signal dito sa loob ng building." tanong ni Prin kay Coffee. Umasim ang mukha ni Coffee. There was no way na kontakin niya si Cally. Kung mayroon siyang kinatatakutan malamang ang Kent Family na iyon. Ibig sabihin lang ay wala siyang choice kung hindi ang makipagpalitan ng mensahe kay Matthew na isa sa mga kinabubwisitan niya. Chapter 400 - Think Prin, Think! Hindi na nakatiis si Cally at nagpapalit siya ng motor sa isang lalaki na nakasabay nila sa highway. Binusinahan ito ng isang Dark Guard na nasa driver seat ng ilang ulit. Kaya huminto sila sa gilid. "I''ll give you this car, in exchange for your motorcycle." sabi ni Cally sa korean. Tinuro niya ang kotse na gamit nila. "Master!" pagtutol ng isang Dark Guard. Hindi nila hahayaan na si Cally ang mag-isa na sumugod sa kalaban. Isang BMW ang kotse ni Cally. Syempre, pumayag ang lalaki. Agad nitong hinagis ang susi sa kanya. "I need to be faster. Mas mauuna ako ng ilang minuto kung ito ang gagamitin ko." hindi niya kaya na maghihintay lang sa sasakyan at mag-iisip lang kung kailan makakarating sa lugar ng asawa niya. Mabilis na sumakay at pinatakbo ni Cally ang motor. Walang nagawa ang mga Dark Guards. " We will give it to you once we are in a city" Matalim ang mata niya habang nasa kalsada. He can''t wait to kill this Gon Peter para mas mapanatag ang loob niya na ligtas silang pamilya. ==== Samantala sa lugar ni Prin¡­ Hawak ang patient''s gown, sinabi niya na magpapalit siya ng damit sa isang kwarto na nasa malapit dahil nilalamig na siya sa suot na basang pajama na naambunan. Manipis pa rin naman ang damit na ipapalit niya pero kahit papaano ay hindi naman iyon basa. Nilagay niya sa bulsa na suot ang mga nakuha niya sa nurse station na limang anesthesia. Hawak niya ang surgical scissor at baril sa kabilang kamay. Si David naman sa labas ng kwarto ay alerto na nagbabantay. Nagulat siya nang makita si Cally na nandoon na sa lugar. Seryoso ito na papalapit sa kanya. Mabibilis ang mga hakbang nito at halatang nagmamadali. He is wearing a black polo and long slacks. His dark brown hair is waving while he walks toward David. "Hey! Mabuti naman at dumating ka na! Paano ka nakapasok? Did they see you?" usisa ni David kay Cally. Hindi ito sumagot hanggang sa makalapit sa kanya. Sa halip, pinukpok siya nito ng armas sa ulo ng napakalakas. Agad na lumabo ang mata ni David. "F*ck¡­" Sumenyas si Gon sa mga kasama na nagtatago para bitbitin si David ng mga ito. May narinig na kalabog si Prin sa likod ng pintuan matapos niyang masinop ang mga gagamitin. Dinikit na muna niya ang tenga sa likod ng pintuan para marinig kung ano ang nagaganap sa labas bago niya napagdesisyunan na buksan iyon. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan palabas. Nagulat na lang siya nang paglabas niya ay wala si David. Nakakunot ang noo ni Prin. Pagsara niya ng pintuan, nanlaki ang mata niya nang makita si Gon Peter na nasa katauhan ng mukha ng asawa niya na nagtatago sa likuran ng pintuang kahoy. "Miss me?" tanong nito. Agad na inangat ni Prin ang baril na hawak dito pero naunahan na siya ni Gon. Nasa noo na niya ang malamig at dulong bahagi ng baril na hawak nito. "Put your gun down, Miss Matsui or you will be dead!" Nanggagalaiti na hinagis ni Prin ang parehas na hawak niya. Ngumisi ito na hinila siya patungong elevator. "You will be enjoying my show. Don''t worry!" saad nito. Maybe he looks like Cally and uses Cally''s voice but the aura and the feeling she felt for the original Cally is different. Dinala siya ni Gon sa lobby. Madilim ang buong ospital kahit ang lobby. Sa normal na gabi, madilim talaga ang recuperating area na iyon dahil madalas na nagpapahinga na ang mga pasyente at para makatipid na rin sa kuryente, kaya dim light lang ang tanging gamit na ilaw. Ilang kalalakihan ang nasa paligid at nakangisi ang naabutan nila. Tila ba nag-aabang kung ano ang gagawin sa kanya ni Gon. Tinulak siya nito sa sahig. Dumausdos si Prin saka nag-aapoy ang mata na nakatingin kay Gon. Nakita niya si David na walang malay at nakatali sa isang sulok. Sigurado na kaya mabilis na natalo ito dahil naisip nito na si Cally ang lalaking nasa harap niya. Lumapit si Gon sa kanya. Lumuhod ito, pinigilan ang dalawang binti niya at pinisil ng mariin ang baba niya. "Do you know that I am always curious kung ano ang pakiramdam ni Cally tuwing makakasiping ka?" Matalim ang tingin niya dito pero hindi maiwasan na nilamig si Prin sa narinig mula kay Gon. The thoughts of Gon Peter touching her body is beyond her imaginations. Kahit ang bangungutin ay hindi niya maiisip na mangyayari. Ngumisi ito na tila isang demonyo. Saka binitawan ang baba niya ng marahas. "Why are you so silent? Go on Prin Matsui, looking at your husband''s face. I am waiting. Seduce me now or else I will be the one who will force you." Nadagdagan ang lamig sa katawan ni Prin. Naghahalo ang tapang at takot sa kaibuturan ng puso niya para sa lalaking nasa harapan. She knew behind his message. Sa lobby na iyon sa harap ng mga lalaki sa paligid, plano siyang harasin ni Gon Peter. Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito. ''Think Prin, think'' Chapter 401 - How pathetic? Nakita ni Coffee ang lahat ng nagaganap sa loob ng hospital at hindi na siya nagdalawang-isip na magpadala ng mensahe kay Matthew. [Coffee: Hello, Old Hag!] Isang black na kwadrado ang lumitaw sa laptop ni Mat-mat. Nagtaas ang kilay niya nang makita ang mensahe mula sa witch na babae. [Matthew: Hehe, end of the world na ba? Bakit bigla kang lumitaw ?] [Coffee: If not for Prin. Hinding-hindi kita tatawagan, ungas! Anyway, I reach out to you because of Prin. She''s now in the hands of a person who looked like her husband, Master Cally] Nabigla si Mat-mat sa nalaman. "We have to be faster!" utos niya sa Dark Guards na nagmamaneho saka nginitian ang koreanong katabi at hinihintay na ibigay nila ang kotse dito. ===== Tumawa ng malakas si Prin. Halos mag-echo ang tawa niya sa malaking space ng lobby ng building. "You know what Gon Peter, I am always curious kung bakit gigil na gigil ka na maagaw ang posisyon ni Cally. Samantalang, kahit sa kalingkingan ng kuko ng asawa ko hindi ka aabot." Nagdilim ang paningin nito sa kanya. Sinampal siya nito ng ubod lakas na halos magpabingi sa kanya. Ngumiwi si Prin. Hindi pa ganoon ka galing ang bago niyang opera pero kailangan niyang kumuha ng oras dahil kailangan na maabutan siya ni Cally. Tumawa muli si Prin. "Gon Peter, nakakatawa ka na nga lang kung saan ka humuhugot ng kapal ng mukha. Isang kanang-kamay lang lolo mo ni Master Kent but you wanted to get the whole Dark Lords? Hindi ba''t nakakatawa na gabi na pero nangangarap ka pa rin ng gising. How pathetic!" "Shut up!" Naniningkit ang mata nito pero hindi nagpapigil si Prin. Pinisil ni Gon ang magkabila niyang panga habang nagkikiskis ang mga ngipin nito. Ngayon niya naintindihan kung bakit mabilis siyang nakilala ng asawa niya noong si Yuna pa siya. Hindi mahalaga ang anyo kundi ang personalidad ng isang tao. Mabilis siyang nakilala ni Cally noon kahit iba pa ang hitsura niya at ganoon din naman siya kay Gon nang una niya itong makita sa kwarto. "Sa tingin ko, inggit ang namana mo sa lolo mo. Malaki ang inggit ng lolo mo kay Master Kent na ipinamana niya sa iyo dahil malaki rin ang inggit mo kay Cally. He he... Nagawa mo pa ngang hiramin ang mukha ng asawa ko." pang-iinis ni Prin dito. Sinira nito ang suot na pang-itaas ni Prin. napunit ang itaas na bahagi ng hospital gown na suot niya kaya lumitaw ang maputi at makinis na dibdib niya sa paningin nito. She tried to cover her body using her arms. Ginamit ni Prin ang buong lakas niya para makawala sa pagkakapigil ni Gon sa mga binti niya. Nang makawala ang isang binti niya agad niya itong sinipa paangat. Nawala sa balanse si Gon at agad na nakawala si Prin mula sa bigat ng katawan nito. Mabilis na gumapang siya palayo dito. Alam niya na wala siyang laban kay Gon lalo na at hindi pa siya tuluyang nakakapagpraktis sa pakikipaglaban. Sa oras na iyon, mas gugustuhin na niyang mamatay kaysa mahawakan nito. Nagdilim agad ang mga mata nito. Tumatahip ang dibdib nito pataas at pababa dahil sa bilis ng paghinga at sa galit sa kanya. He grabbed her hair. "Ahhh!" hiyaw ni Prin. Pakiramdam niya ay matatanggal ang ilang hibla ng buhok niya sa anit sa sobrang paghila ni Gon sa buhok niya. Bigla niyang naalala na nasa bulsa niya pa ang mga syringe dahil hindi naman nito nagawang kapkapan pa siya. Dahil kita naman na manipis lang ang suot niyang damit. Sakto naman na kasya lang sa bulsa niya ang mga iyon at hindi kalakihan. 1ml lang ang size ng limang anesthesia. Mula sa likuran, hinila siya nito at nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Are you like this on Cally''s bed ha? Tsk tsk! I am starting to pity him." Mabilis na natanggal ni Prin ang takip ng isang syringe na may anesthesia. Umikot siya paharap kay Gon at malalim niyang tinurok sa braso nito ang bagay na iyon. Mabilis niyang pinindot ang syringe para mabilis din maubos ang gamot sa buong katawan nito. "You forgot that I am not an ordinary girl!" "F*ck!" mura nito. Saka niya ito tuluyan na sinipa. Ilang saglit pa, narinig nila ang mga putok ng bala at pagbasag ng salamin. Halos yakapin ni Prin ang sarili. Nagising din si David at agad na sinandal ang ulo na sumakit sa pader. Matapos maubos ang mga tao na nakatayo malapit sa pintuan pati na ang pagbasag ng malalaking salamin, isang motor ang pumasok sa loob ng lobby. Isang nakakangilong tunog ang narinig mula sa impact ng gulong laban sa makinis na marmol. Huminto ang motor at agad na tumalon si Cally mula rito. Mabilis na hinubad nito ang itim na coat at ipinatong sa nakabilog na katawan ni Prin. "Are you okay, Honey?" "Yes, I''m fine!" Nilingon nila ang lugar ni Gon na kasalukuyan na nawala sa pwesto nito. "I have to finish this battle." saad ni Cally. "I''m going with you!" "No Honey. Stay here! Tumabingi na naman ang mukha mo." mabilis na umalis si Cally. "Ha?" nag-panic bigla si Prin. nawala na sa isip niya na sundan si Cally at mas concern niya na ang anyo niya sa oras na iyon. Baka naghugis-mais na ang mukha niya dahil sa sampal na ginawa ni Gon Peter. Siya mismo ang tatapos sa buhay nito kapag pumangit siya. Chapter 402 - Guarding the building Madilim ang pasilyo sa palapag na iyon ng Second floor kung saan nagtungo si Gon. 20 rooms ang kabuuan ng bawat palapag ng gusali na iyon. "Turn left" narinig ni Cally na sabi ni Mat-mat sa monitor niya. Mula sa laptop ni Coffee, tuluyan na kinuha ni Mat-mat ang buong files ng CCTVs sa recuperation building na iyon. Galit na galit ang babae sa kanya nang biglang mag black na lang ang screen ng laptop nito at tanging ''thank you'' ang nakasulat sa screen. Nagpasalamat si Mat-mat na nagawa ni Coffee na magpadala sa kanya ng mensahe at nakuha niya ang IP address na gamit ng babae kahit na peke pa ang address na ginamit nito. Bilib na bilib tuloy si Mat-mat sa sarili niya dahil ilang taon na ang lumipas at hindi pa rin siya nito matatalo sa larangan ng technology. "By the way, I just want you to know that he looks like you" "What do you mean?" bulong ni Cally at bahagyang nagtaas ang kilay sa narinig. "Ginaya ni Gon ang mukha mo. I''m not sure kung ano ang nasa isip ng mokong na ito. Feeling ko idol ka niya talaga e." Hindi pinansin ni Cally ang biro na iyon ng pinsan niya. Mas alerto kasi siya sa paligid, hanggang sa makita niya ang isang anino. Pinaputukan siya nito ng ilang bala. Agad siyang gumilid sa pader. Saka niya ito ginantihan ng putok. Nagpalitan ng putok ang dalawang lalaki hanggang sa maubusan ng bala si Gon. Inis na hinagis nito basta ang baril na hawak. Hindi kasi nito magamit ng maayos ang braso na nangalay. Nangangalay na ang braso nito gawa ng anesthesia na tinurok dito ni Prin. Nakaramdam na rin ito ng kaunting hilo kaya mas nanggigigil ito kay Prin Matsui. Umakyat ito ng hagdan hanggang sa ika-apat na palapag kung nasaan ang garden ngunit napansin nito na nagbabantay na doon si Kai Jang. Nangigigil ito na hindi tinuloy ang paglabas at naghanap ng iba pang maaaring daan. Kahit pa mukha ni Cally ang anyo niya. Sigurado na hindi niya ito malilinlang. Napansin naman ni Cally na nawala muli ang bulto ni Gon sa tinataguan na nasa ikalawang palapag. "Where is Gon?" usisa niya kay Mat-mat sa monitor. "You know what Shi, malapit na akong malito sa inyong dalawa. Iangat mo nga ang kamay mo at mag-Gwiyomi ka para mas makilala ko kung sino ang tunay na Cally. Nasa Korea naman tayo e." medyo naguguluhan na si Mat-mat sa dalawang Cally na parehas naka-itim. Hindi nito maaninag ang pagkakaiba sa kasuotan ng Cally na nakasama nito sa maghapon. Tiningala ni Cally ang bilog na camera sa itaas ng uluhan niya at nagbabanta ang mata niya na nakatingin doon na para bang tumatagos ang matalim na mata niya sa screen ng laptop ni Mat-mat. "Ayun o! I know where you are now. He he¡­ Huwag ka nang magalit, baby¡­ Umakyat ka na sa 4th floor, naroon ang target." narinig niyang sabi nito. Mukhang nadala niya sa matalim na tingin ang pinsan niya. "Nandito na kami sa building" dagdag ni Mat-mat. "Good. guard all the possible exit. You know what to do. MB5, where are you?" "Garden. Kanina pa ko dito." narinig niyang sagot ni Kai. Inakyat lang nito ang pader hanggang sa makasampa ng garden area. Doon sa lugar na iyon naisip ni Kai na salubungin si Gon. Hindi pa siya mamomroblema na bantayan ang mga nagaganap kahit sa ibaba ng gusali na iyon. Halos naubos na nila ang tao ni Gon at tanging ito na lang ang natitira. Narescue na rin nila ang mga doktor at pasyente na tinago ni Gon sa isang kwarto. Sa lugar naman ni Cally sa ika-apat na palapag, may narinig siyang kaluskos mula sa isang kwarto. Dahan-dahan na nilakad niya ang pintuan nito. Nakaalerto siya na binuksan ng dahan-dahan ang pinto at tanging nililipad na kurtina ang natagpuan niya na bahagyang sumasagi sa isang figurine. Pinasok niya ang kwarto at sinuri. Sigurado siya na may iba pa siyang narinig. Pinakiramdaman niya ang paligid. Isang anino ang hahampas sana sa kanya ngunit mabilis na naging alerto si Cally. Agad siyang yumuko. Tumama ang silya na gawa sa kahoy na inihampas nito sa kabinet. Nagsipagtalsikan ang mga bubog ng nabasag na figurine. Papuputukan na sana ito ni Cally ng bala ngunit wala nang lumabas sa armas na hawak niya. Naging daan naman iyon kay Gon para sipain siya nito at mabilis na nakalabas ng kwarto. Napasalampak ng upo si Cally sa sahig. Mabilis siyang nakabawi at hinabol si Gon na lumabas ng kwarto na iyon. Chapter 403 - Who of the two is Cally? Asar na asar si Prin. Matapos siyang lokohin ng asawa niya na naghugis-mais na ang mukha niya, nagtungo siya sa ladies room na naroon sa unang palapag. Nagkaroon ng isang linyang sugat sa pisngi niya na bahagyang nasa ilalim ng mata niya. Bukod doon ay wala na siyang nakikitang iba pa. Mukhang nagawa siya nitong lokohin para huwag sumunod sa paghabol nito kay Gon. Inayos niya ang pagkakasuot sa coat ni Cally bago siya lumabas ng ladies room. Tinanggal niya sa pagkakatali nito si David. "Are you alright?" tanong niya dito. "Yes." "Susundan ko si Cally. Stay here." Tatayo na sana si Prin nang pigilan siya ni David sa braso. "Prin, the enemy looks like Master Cally. Are you sure? Baka mapahamak ka." "Don''t worry. I know who my husband is between the two people." paninigurado niya dito. "Please help my team outside. Gulpihin mo lang ang kung sino ang trip mo." Saka siya tuluyan na tumayo at tinungo ang hagdan para sundan si Cally. ===== Sa pwesto naman ni Cally... Nakita ni Gon na paakyat si Prin sa hagdan kaya napatiimbagang na lang ito dahil hindi rin ito makakababa para makatakas. Nag-aatubili ito at nag-iisip kung saan pa pwedeng lumabas. Hanggang sa maramdaman na lang nito na sinipa ni Cally mula sa likuran. Dumausdos sa sahig si Gon at agad na nakabawi. Pumorma na handa itong lumaban. Kapwa matalim ang tingin ng dalawang lalaki sa isa''t-isa. Napopoot si Gon kay Cally. Puno ng paghihiganti ang mga mata niya dahil hindi niya makakalimutan na namatay ang Mommy niya dahil sa magulang ni Cally. Simula bata pa lang, pinaintindi na sa kanya ng lolo niya na kailangan niyang makaganti. Its true that his grandfather wants the whole Dark Lords na isa sa mga minana niya dito. He also wanted to ask kung ano ang mayroon sa pamilya ni Cally. Kung bakit masaya ang pamilya ni Cally, samantalang siya ay namuhay nang malungkot at mag-isa. Kung nag-aapoy ang mata ni Gon, ganoon din si Cally. Ilan ang mga taong namatay sa kamay ni Gon? Ilan sa mga malalapit niyang kaibigan ang napahamak dahil ginawan nito ng masama? Kahit si Prin ay dalawang beses na nawala sa kanya dahil sa taong ito kaya naman gusto na niyang tapusin ang laban nila sa oras na iyon. "Haaaah!!!" sabay na humiyaw ang dalawa saka nagpalitan ng suntok at sipa. Dahil may anesthesia ang braso ni Gon, nahirapan siya na ikilos ang isang braso na namanhid. Mas madalas na binti ang ginagamit niya para labanan si Cally. Pinipilit niya lang din na gisingin ang sarili at nilalabanan ang gamot. "Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo na ginaya mo ang pagmumukha ko." saad ni Cally bago niya sinuntok sa mukha nito si Gon. "Hah! As if I wanted you face!" Sinipa naman siya nito at tumilapon si Cally. Doon lang niya napansin na nasa garden na sila. "MB5, help me get him!" Tumingin si Kai sa kaliwa at kanan. Kapwa naka-itim ang dalawa. Magkasing-taas din ang mga ito. Gusto niyang mag-mura. Parehas din ang awra ng dalawa na tila naging super saiyan. Nag-aapoy ang awra ng mga ito. "Putang *!" hindi niya alam kung sino sa dalawa ang tunay na Cally. Hanggang sa nagsimula muli ang sagupaan ng dalawa. "Pusang gala! Pervert Matthew! Help! Ano ang suot ni Shi?" nahihirapan na tanong ni Kai habang naglalaban ang dalawa. "Naka-itim" "Pakyu! Parehas silang nakaitim!" "May disenyo ng stripes na gray ang suot ni Shi Cally" sagot muli nito. Parang masisiraan si Kai sa mga description ni Mat-mat sa kabilang linya. Patuloy na sinusuri niya kung paano kumilos ang dalawa. "Kung sino sa palagay mo ''yung mas nakakatakot. Malamang si Cally iyon." "E, kung ikaw ang takutin ko diyan! Isumbong kita kay Donna na may nakaraan kayo ni Coffee!" Mat-mat "..." "Don''t you dare! Kapag ginawa mo iyon, ilalabas ko sa internet ang video niyo ni Bella" Kai "..." "A-anong video pinagsasasabi mo diyan?!" gusto niyang kutusan si Mat-mat hanggang sa bumaon ito sa lupa. "He he... Secret" "Ayoko nang kausapin ka!" singhal niya. "What? May nakaraan si Matthew at si Ms Coffee?" narinig nila na usisa ng isang Dark Guard. "Saka si MB5, may video? S.e.x video ba iyan Sir Matthew?" tanong ng isa pa. Nakalimutan nila na sa monitor sila nag-uusap at naririnig sila ng lahat na kasama sa misyon na iyon. "Tigil! Kapag hindi kayo tumigil, walang makakapag-asawa sa inyo! Habang buhay kayong manunumpa sa Dark Guards!hanggang sa magkaapo na ko kay Angel, mananatili kayo sa Dark Guards!" nagagalit na sita ni Kai. Mukhang epektib naman ang ginawa niya. Nagpasalamat na nga lang siya nang makita ang bulto ni Prin na papalapit sa kanila. Siguro naman ay makikilala nito ang asawa nito. Nakita ni Prin ang sitwasyon na parehas na duguan ang labi ng dalawang lalaki. May mga pasa na rin sa pisngi ng mga ito. Pinaputok niya sa kalangitan ang hawak na baril saka tinutok iyon sa dalawang lalaki. Mabilis naman na naghiwalay ang mga ito. Kapwa matalim ang tingin sa isa''t-isa at parehas din na magaan ang mata pagdating sa kanya. "Shit!" naniningkit ang mga mata ni Prin at tinitimbang niya sa damdamin kung sino sa dalawa si Cally. Sa oras na iyon, mas pinili ni Gon na baguhin ang awra at gamitin ang personalidad ni Cally para linlangin si Kai. Nagtagumpay siya na naguluhan ito. Kaya hindi malabong mangyari na maguluhan din si Prin. Magaan na tiningnan niya si Prin sa mata. "Honey, kill him." utos niya kay Prin. Ang saya siguro kung mamamatay ang taong kinamumuhian niya sa kamay ng asawa nito. Pero nabigla na lang si Gon na pinaputukan siya nito sa dibdib. Napatingin na lang siya sa dibdib niya na tila nabutas. Nginisian siya ni Prin. "Too bad. You said something wrong. My husband never asked me to kill someone. I do it personally." saad ni Prin habang nakatutok ang baril nito sa ulo ni Gon Peter. Chapter 404 - You are not a Peter Mas lumamig pa ang panahon dahil bumalik muli ang pag-ambon. Bahagya nang nanlalabo ang paligid dahil sa ulap na hamog na umiikot sa siyudad. Mas hinigpitan ni Prin ang coat na suot niya dahil bigla siyang nilamig. Hindi na niya binigyan ng panahon si Gon at mas nanaig sa kanya na mainitan ang sarili. Mamamatay na lang si Gon, matalim pa rin ang mga mata nito na nakatingin sa kanilang mag-asawa. "Bago ka bawian ng buhay. I have a surprise for you." sabi ni Cally habang pailalim na tiningnan si Gon na nakasandal sa haligi ng halaman. "You are not a Peter. Wala kang dugo kahit katiting na Peter." Napalingon si Prin kay Cally. Si Kai naman ay kalmado lang at parang alam na nito ang tungkol sa bagay na iyon o kaya naman ay wala itong pakialam sa personal na buhay ni Gon. Nanlaki naman ang mata ni Gon. "Nagsi..sinungaling ka..." tila nahihirapan na ito na magsalita. "Why would I do that? Anong mapapala ko sa pagsisinungaling ko sa iyo? Hindi man lang ba pumasok ang katanungan sa isip mo kung bakit iba ang anyo ng Mommy mo kaysa sa''yo? You have golden hair. Your Mommy, even your grandfather has brown hair. Your eyes are brown while they have green." Bumahid ang kakaibang ekspresyon sa anyo ni Gon Peter. "Isn''t it... because of my.. father?" Umismid si Cally. "Then, I will tell you right now. No one in Peter''s family has golden hair. Your so-called ''Daddy'' doesn''t even exist." "Ninakaw ka ng Mommy mo sa first love niya noon. You thought she loved you, but she treated you like an animal since when you were still a baby." "She hated you to the core dahil anak ka ng lalaking minahal niya ng sobra sa babaeng pinakasalan nito." "And that is the real reason why she was sentenced to death by Dark Lords¡­ she killed your biological parents and do child abuse. My Mama Lira fought for you. These are the things I''ve learned before my Mama Lira died." Matapos iyon, nalungkot si Cally nang malala niya ang maamong mukha ni Madam Lira. Tumawa si Gon ng nakakaloko. Parang nabaliw na ito sa mga nalaman. Buong buhay nito ay nabuhay ito sa kasinungalingan. Biglang pumasok ang mga imahe kay Gon. Mga imahe kung kailan dinadalaw siya ni Madam Lira sa eskwelahan niya noong nasa elementary pa siya. Tuwing bibigyan siya nito ng regalo tuwing pasko. Samantalang ang lolo niya, nagagawa siyang saktan tuwing magkakamali siya noon. He doesn''t even have good memories with his Mommy. Ang tanga niya na naniwala siya sa isang tulad ni Grandfather Peter. "Haaaaa!!!!!!!" huling hiyaw ni Gon dahil sa sobrang sakit sa mga nalaman. Totoo nga ang sinabi ni Prin Matsui, masyadong mataas ang pangarap niya para hamunin si Cally. Samantalang hindi man lang siya papantay sa kakayahan nito. His wife can protect herself. His kid is a genius. Even his Dark Guards are a group of excellent people. Ngumiti ng mapait si Gon hanggang sa bawian na lang ito ng buhay. ===== Sa lugar ni Ginny¡­ Naramdaman niya na hindi mapakali ang batang assistant ni Professor Kim na kausap niya. She sensed something wasn''t right. Bahagya niyang sinilip ang cellphone na dala at nakita na walang signal sa lugar. Hanggang sa handaan siya nito ng tsaa. Dinala niya sa labi ang labi ng tasa ng tsaa ngunit hindi iyon tuluyan na ininom. Saglit niyang inamoy ang tsaa na binigay nito bago binaba ngunit nananatiling hawak ang tasa. "May I know your age?" tanong ni Ginny habang hawak ang maliit na tasa. "M-Mrs. Han?" Tinitigan ito sa mata ni Ginny. "I can see that you are still young. How and when did I offend you? Why did you put something in my tea?" hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa. Halos takasan ito ng kulay pero pinili pa rin na magkaila. "M-Mrs. Han. I don''t know what you are talking about." Matagal na nakatingin lang si Ginny sa babae, nais niya sanang bigyan pa ito ng huling pagkakataon. "Are you sure?" "Yes." nakayuko na saad nito. Kita niya na namamanhid ang labi ng babae. Huminga siya ng malalim. "If that''s the case, drink this for me." Inaabot niya ang tea cup dito ngunit hindi nito iyon kinuha. "I¡­ I''m not thirsty" katwiran naman nito. Mabilis na binuhos ni Ginny ang laman ng tasa sa isang fern plants (Isang uri ito ng indoor plant) na nasa tabi ng couch kung saan siya nakaupo. "Don''t!" awat pa nito ngunit huli na dahil natapon na ni Ginny ang kakaunting tsaa sa halaman. Mabilis na nagkulay brown ang mga dahon na nasayaran ng tsaa. Tumalim ang mata ni Ginny saka niya nilingon ang babae. "M-Mrs. Han, I-I''m sorry..." sabi nito na biglang lumuhod sa harapan niya. Kagat nito ang ibabang labi. "I gave you a chance kanina na hindi mo sineryoso. How are you going to explain that?" tanong ni Ginny. "I''m... sorry, Mrs. Han." "Professor Kim. Is he dead?" Tumango ito. "My¡­ my mother has been abducted by someone. I don''t have a choice but to follow him. That''s why I invited you to this home." nagsimula nang umiyak ang assistant. "Him?" "I don''t know his name." sabi nito. Tumayo na si Ginny na bitbit ang mga gamit. "Just pretend I never came to this place. You are a fool" Saka siya lumabas ng tahanan na iyon. Ang tahanan na iyon ay pag-aari talaga ni Professor Kim na kasama niya sa trabaho noon. Hindi niya alam kung kailan ito namatay pero marami namang paraan para madalaw niya kung nasaan ang Urn ng katawan nito para magbigay ng paggalang at respeto. Chapter 405 - Not wanting to separate Maayos na naligtas ang mga pasyente, hospital staff, doctors at nurses na kinulong ng tauhan ni Gon sa isang kwarto. Matapos ang mahabang imbestigasyon sa kinauukulan, ibinalik ang mga pasyente sa kwarto ng mga ito. Ibinalik din si Prin sa kwarto niya. Pinasuri siya agad ni Cally sa isang doktor kung ayos ang lagay niya. Tinurukan lang ng kung anu-anong gamot ang pisngi niya bago siya sinabihan na huwag mag-alala. Mas advance ang technology sa kasalukuyan kumpara tatlong taon ang nakaraan. Saka lang nakahinga ng maluwag si Prin nang makaalis ang doktor. Ni-lock ni Cally ang pinto. "Wala na bang papasok?" Naisip ni Prin na baka may kumatok na nurse o doktor sa kwarto. Hindi na sumagot si Cally. Walang magtatangka na kumatok sa kwarto na iyon hanggang nandoon siya sa loob. Sa halip, isa-isang tinanggal ni Cally ang butones ng suot niyang black coat. Lumitaw sa paningin nito ang nasirang hospital gown dahil sinira iyon ni Gon. Sumama ang mood ng asawa niya. "Ano ang mga ginawa niya sa iyo?" tanong ni Cally. Binuhat siya nito at dinala sa palikuran para linisin. Napalunok si Prin. Hindi niya nanaisin na sumagot ng hindi maganda o hindi nito nais na madinig. Kahit ang plano ni Gon na pagsamantalahan siya ay wala siyang plano na i-share dito. "Husbie, I''m fine. Don''t worry he never touched me" "He never touched you but you have a wound on your chin." sabi nito na lumipat ang tingin sa ginamot na maliit na sugat sa ilalim ng mata niya. Napakamot siya sa ulo. "I''m still fine" Hindi na ito sumagot pa. "Where is my baby?" Usisa niya para maiba at para ma-divert na rin ang atensyon ni Cally. "He''s with Jang family" Naisip ni Prin na mabuti na lang at wala sa gusali ang anak niya nang oras na umatake si Gon. "Hmm¡­ What about your Mom?" Tanong niya na ang tukoy ay si Ginny. "Sinundo na siya ni Matthew at naihatid na rin sa isang hotel." Mas gumaan naman ang pakiramdam ni Prin. Seryoso na nilinis nito ang katawan niya. "Kinabahan ka ba na baka hindi mo na naman ako makita?" Tuwing magpaparamdam kasi sa kanila si Gon Peter naghihiwalay silang dalawa. Inangat ni Cally ang paningin para salubungin ang mata niya. Locking his fingers between her hair, he pulled her neck to kiss her. "I miss you" narinig niyang bulong ni Cally. She can tell na tila may natanggal na bara sa dibdib ng asawa niya. Looking at Prin Matsui, maraming bagay ang pumasok sa isip ni Cally. This is the face of the real Prin Matsui, his wife. Ngayon niya napagtanto na marami siyang bubunuin na oras to spend time with her. He kissed her lips again. Isang bagay na hindi niya pagsasawaan. "I miss you too." sagot ni Prin. Mas lumalim naman ang halik ni Cally dahil sa nadinig. Ilang saglit pa, tinapos din ni Cally ang paglinis sa katawan niya. Wala na rin maitanong si Prin at kampante na ang kalooban niya. Wala nang Gon ang gugulo sa pamilya nila. "Husbie, I want to go back home. Sa susunod na buwan, magsisimula na ang school year. Gusto ko sanang ipasok si Khalid." Hiling ni Prin habang sinusuotan siya nito ng bagong pajama. "I don''t know kung gugustuhin niya na pumasok sa school." Katwiran ng asawa niya. Naisip na rin ni Prin ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman nag-iisip siya kung ano ang pwedeng ipang-suhol kay Khalid. "Kailangan natin na ipasok siya para magkaroon siya ng friends." Sinuklay ni Cally ang buhok niya. "Okay¡­ I''ll look for a nice school na pwede niyang pasukan." Ngumiti si Prin. "Perhaps, we can ask Bella na ipasok na rin si Angel sa school para may kasama si Khalid." Hindi na sumagot pa si Cally. Maayos na humiga si Prin sa hospital bed. "Come here¡­" umusog siya sa kama at tinapik ang free space. "I need to change. Marumi rin ang katawan ko." "Okay, I''ll wait for you" Kumuha lang ng susuotin si Cally mula sa cabinet at pumasok sa shower room. Maraming pumapasok sa isip ni Cally habang nasa ilalim ng malamig na tubig. Tulad na lang ng, mabuti at nakarating siya sa tamang oras. Kung nahuli siya ng dating, hindi niya alam kung ano na naman ang nangyari sa asawa niya. Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas si Cally sa palikuran at natagpuan si Prin na mahinang naghihilik sa hospital bed nito. Halatang napagod ito sa laban na ginawa nito. Inayos niya ang higa ng asawa sa gitnang bahagi ng hospital bed. Ayaw niyang guluhin ang maayos na pagtulog nito sa teritoryo nito kaya hinayaan na lang muna ni Cally na pagkasyahin ang sarili sa couch na nasa loob din ng kwarto. Pero nabigla siya nang maalimpungatan ng dis-oras pa ng madaling araw, na nakasiksik sa kanya si Prin sa couch. He smiled. He pulled her closer to his embrace. Kahit pa nga gustuhin niya na magpahinga ang asawa niya sa kama nito, her scent has already filled him, not wanting to be separate from her. Chapter 406 - Penelope and Hanz: Penelopes History Isang linggo pa na namalagi si Prin sa recuperation area kung saan siya nagparetoke ng mukha, bumalik din sila sa Pilipinas para doon ipagpatuloy ang pag-galing niya. Si Khalid ang pinakamasaya sa mga nangyari dahil natapos sa wakas ang parusa sa kanya ng Daddy niya. Pero tulad ng inaasahan, hindi ito natutuwa na papasok na ito sa school para mag-aral na magsulat ng pangalan at kumanta ng mga nakakaboring na children songs. ===== Samantala, lumipas ang isang buwan at dumating ang auction kung saan kailangan makuha ni Lorenz ang Queen''s ring. Lorenz accompanied his ate Baba sa France kung saan gaganapin ang auction. Sa edad ni Penelope na late thirties, dala pa rin nito ang malakas na personalidad na mapapalingon ang lahat. Hindi dahil sa magara niyang kasuotan kung hindi dahil sa siya ang pinaka-simple sa lahat. She hooked her arm sa braso ni Lorenz when they met at the hotel lobby. She''s wearing an off-shoulder black chiffon gown. There was no diamond or anything on it. Her only accessories are the diamond earrings and a bracelet she was wearing na parehas na siya ang may disenyo. She was simple and everyone thought that she was just in her late twenties. Hindi rin alam ng lahat na siya si Penelope sa unang tingin. Wala kasing nakakaalam sa personalidad niya. Nagpunta sila sa hall kung saan gaganapin ang auction. Compared to other attendees, mas simple ang suot ni Baba. Kumikinang ang kasuotan ng mga kababaihan na dumalo sa araw na iyon. Mas kapansin-pansin ang prinsesa na dumating sa venue. Five guards are guarding her. "That is Lady Marietta" bulong at senyas ni Baba sa isang ginang na nakasuot ng royal blue na gown. Kasama nito ang asawa nito. Simple naman na lumingon si Lorenz. She handed her invitation sa organizer na nagbabantay sa bungad at nanlaki ang mata nito nang mabasa ang pangalan niya doon. Mabilis na inabutan sila ng numero ng organizer. "M-miss Penelope, can I ask for your signature?" Tanong nito. Tumango lang si Baba. Then, the girl handed her a CD. Napangiti siya ng mapait nang makita ang lumang album kung saan naroon ang mga malulungkot na tugtog ng piano. Ang huling album na ginawa niya noon. Ang mga huling obra na ginawa niya bago namatay ang tatay ng anak niya noon. She trembled slightly while writing her signature. Masayang-masaya ang organizer matapos nitong makuha ang CD nito na may personal na pirma ni Baba. Mabilis naman na inakay siya ni Lorenz sa isang sulok at nag-request ng tubig sa isang staff. Lorenz knew her sudden changes. "Ate Baba, you have to move on. You have a daughter now." Saad ni Lorenz. Nagpatuloy sa pangangatog si Baba. Alam nilang lahat sa pamilya ang history ni Baba. Her fianc¨¨ died because he was killed by his ex-girlfriend. Nasiraan ng bait ang babae ten years ago. She killed him at the night of Baba''s engagement. The ex-girlfriend bought poison from the black market that can paralyze the person''s body. Matapos nito na turukan ng gamot ang lalaki, hindi ito napakali at sinisi si Baba sa mga nangyari. Ang gabi na iyon ang pinaka-masakit na araw sa buhay ng ate Baba nila. Ang pinakamasaklap, si Christen at Mikko ang personal na gumawa ng formula ng gamot nang parehas na dakpin ang dalawa sa Germany matapos lang na sugurin nila ang isla ni Gon noon. Isang linggo na nagtrabaho si Christen sa black organization na ito para gumawa ng gamot kasama si Doc Mikko. Unti-unting susunugin ng gamot ang ugat ng isang tao hanggang sa umabot ito sa puso. Sa kasawiang-palad, nang lasunin ang kasintahan ni Baba noon, late na dumating si Christen at si Doc Mikko. Hindi nila nagawang iligtas ang kasintahan ng ate Baba nila sa araw ng mismong engagement nito. They knew that Baba wanted to blame the two doctors. Pero wala rin namang kasalanan ang dalawa. Sila ang orihinal na biktima sa mga naganap. Because of this thought, Christen has been upset for a couple of years. Nagbalik lang sa normal ang lahat nang puntahan ito ng personal ni Baba at sabihin na hindi sila nito sinisisi sa nangyari. Simula noon, naging seryoso na ang ate Baba nila at mas tinuon ang atensyon sa marami nitong trabaho. Lalo na at nag-iwan ng anak ang namatay nitong nobyo noon. Siyam na taong gulang na ang anak nito na babae na tinatago nito sa buong mundo. Even her personal affairs are secret. Mas sikreto ang mga ginagawa at identity ni Baba sa publiko, mas nakikilala ng mga tao ang gawa niya. Inabutan siya ni Lorenz ng tubig matapos na dumating ang staff. "I''m alright." She said. Ilang saglit pa, pinatawag silang lahat para simulan ang auction. Bago pumasok si Baba sa mismong loob ng hall, mabilis na binago niya ang mood at lumabas ang isang matapang na babae na parang susuong sa laban. "By the way, how much is your budget for that ring?" Usisa niya kay Lorenz. Lumabas naman ang hindi-palagay na anyo ni Lorenz. "H-ow much is... the initial cost of the ring?" Balik na tanong ni Lorenz. Bigla siyang pinagpawisan. "Twenty million" Ayos na sana si Lorenz pero sinundan ito ni Baba ng "Euro" Gustong magmura ni Lorenz at gulpihin si Mat-mat dahil hindi nito sinabi sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon. Chapter 407 - Penelope and Hanz: Auction (1) Para sa tulad ni Lorenz na hindi naman talaga nagmula sa isang mayamang pamilya, twenty million euro is a big amount of money. Pero, ano pa nga ba ang magiging reaksyon niya sa halaga ng Queen''s ring? Alam niya sa una pa lang na gagastos talaga siya ng milyon para sa singsing ng biyenan niya. Iyon nga lang, para siyang hihimatayin sa kaba dahil ang twenty million ay initial na halaga pa lang nito. If someone bid for more, he doesn''t know what to do. It can reach 100 million and more and he doesn''t know if he can afford it. "Don''t worry. I will help you fight for that ring." saad ni Baba. Nakahinga ng maluwag si Lorenz. Ang tanging usapan nila ni Duchess Camilla ay hindi siya tutulungan ng Dark Lords. At hindi naman parte ng Dark Lords si Baba kaya safe siya sa usapan. He has savings at may pera rin naman siya na nakuha mula sa inheritance ni Madam Lira. Kung sakali, nais niya na ibigay iyon sa anak nila ni Sandra. Hindi pa sila nakakaupo ni Baba sa silya nang may lumapit kay Lorenz. "Hi Sir Lorenz. Where is Lady Sandra?" bati ng isang babae. Abot hanggang tenga ang ngiti nito sa kanya. Pero malaki ang tanong nito sa kung sino si Baba sa buhay niya. Akala siguro nito ay mistress niya si Baba. Kumunot ang noo ni Lorenz. Hindi niya kilala ang babae pero may palagay siya na isa ito sa mga dumalo nang kaarawan ni Duchess Camila. Lumapit ang tatlo pang babae. "Hello, Sir Lorenz. D-do you want a cake?" "A wine?" "or perhaps¡­ me?" Sa oras na iyon, si Baba na ang nagtaas ng kilay. "Wow! I never thought that you are popular with girls recently." bulong nito. Napakamot si Lorenz sa ulo at namula ang pisngi. Hindi siya sanay sa ganoong atensyon na binibigay ng mga kababaihan. Sa isang sulok, napansin din siya ng Prinsesa ng Dubai. Tinawag nito ang isang organizer ng auction na iyon. "Who is that man?" tinuro nito si Lorenz na parang bulaklak na nilapitan ng mga bubuyog. "Oh! that is Sir Lorenz, Penelope''s family." nakangiti sa sagot nito. Nilingon nito ang babaeng nakaitim na gown "That is Penelope?" halata na nagulat talaga ito. Hindi kasi nito akalain na simple lang manamit ang kilala ngunit mailap na si Penelope. "Yes." Pinagmasdan nito si Baba, tapos nilipat ang atensyon kay Lorenz. "Is he a prince or someone from a royal family?" tanong ng prinsesa. Kilala kasi nito ang iba sa mga babae na nangungulit kay Lorenz sa kasalukuyan. Puro maharlika ang mga iyon. "Princess, according to gossip, he is not a prince but a son-in-law of Duchess Camilla from Sweden. He was good at fencing and was able to kill two wolves from the forest." "Is that interesting? My bodyguard can kill five wolves" Ngumiti ang lalaki na organizer. "but his shotgun has only one bullet in it?" Nabigla ang prinsesa. "so you mean, he killed the two wolves using skills?" "Yes, princess." Biglang naging interesado ang prinsesa kay Lorenz dahil sa mga narinig. "what does he want in this auction?" "I''m not really sure, princess." "Interesting" ===== Ilang saglit pa, nagsimula ang auction. Naunang inilabas ang isang kotse na limited edition. Bagay ito sa mga bisita na nagcocollect ng sasakyan. Sumunod ay ang tatlong paintings ni Baba. It was sold for ten million. Ang sumunod ay isang brooch na sampaguita ang design. The initial amount is one million. Tinaas ni Lorenz ang numero niya. "one million for that guy! Going once--" "Two million" "two million for the lady over there." Nag-iisip si Lorenz kung lalabanan niya ba ang two million para sa brooch. He knew that he was here for the Queen''s ring but it doesn''t mean that he has to forget Sandra. Kailangan na may maiuwi rin siya para sa asawa niya. "Five million!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai. Napalingon ang lahat dito. Siguro iniisip kung nababaliw na ba ang prinsesa na bumili ng brooch para sa halagang limang milyon. Walang nagawa si Lorenz kung hindi ang mag-goodbye sa brooch. Kapag nalaman ni Sandra na bumili siya ng brooch na nagkakahalaga ng mahigit sa limang milyon, baka hindi na siya nito pauwiin sa bahay nila. "Don''t feel bad, brother" tinapik siya ni Baba sa likuran. "It''s okay, maghahanap na lang ako sa duty free ng chocolate na pwede ko ipangsalubong sa asawa ko." biro ni Lorenz. Tumawa ito ng mahina. "That''s the spirit!" Chapter 408 - Penelope and Hanz: Auction (2) Matapos ang ilan pang mga bagay na nilabas for bidding, dumating din sa wakas ang inaabangan ni Lorenz na Queen''s ring. "It''s the Queen''s ring which features a five carat blue, square-cut, sapphire center stone, and 10 smaller diamonds set in platinum. It was said that this has been created during the 15th century and passed through generations to the youngest daughter of the Queen." "bidding starts at twenty million." Pagbibigay-alam ng master of the auction. May nagtaas agad ng numero para bilhin ang singsing, pero mabilis na may nagtaas muli para sa twenty five million. Ito ang mga babaeng nagsipaglapitan kay Lorenz bago magsimula ang bidding. "Thirty million!" Sigaw ng isa pa habang tinaas nito ang numero na hawak. "Thirty five million!" Parang sumakit ang ulo ni Lorenz. Normal na magustuhan ng mga babaeng ito qng singsing. Hanggang sa umabot siya ng forty million. "Forty million!" sigaw ni Lorenz. "Oh! Sir Lorenz wants the ring." "Maybe he will give it to Lady Sandra" "Oh! How lucky!" "We have to give it to him, no matter what" mga usapan ng Tres Marias na parang bumuo ng fans club ni Lorenz. Tila tinulungan naman siya ng mga ito dahil hindi na nakipagtalo pa ang mga babae nang marinig na binibili niya ang singsing sa halagang forty million. Pero nagulat sila nang may sumigaw na iba para bilhin din ang singsing. "Forty five!" sigaw ng Prinsesa ng Dubai. Sabay-sabay na napalingon ang mga babae sa prinsesa. "Forty five million and one hundred thousand!" sigaw ni Lorenz. Baba "..." "Fifty Million!" sigaw muli ng prinsesa. Matalim ang mga tingin na ipinukol dito ng mga babae. Gusto nilang lasunin bigla ito. Pero isang pag-ngisi lang ang sinagot ng prinsesa sa mga babae. There was no way na may gawin sila dito lalo at napakarami ng bodyguards nito sa tabi. "Why did she become so shameless?!" Galit na sabi ng isa. "Yeah, I know right!" But all they could do is glance at the princess coldly. Inis talaga sila dito kahit noon pa dahil sa mataas nitong personalidad. Lorenz is also gritting his teeth. "Fifty Million and one hundred thousand." Naaaliw sa kanya ang prinsesa kaya bahagyang napangiti ito habang nakatingin sa kanya. Nakuha rin nito sa wakas ang tanong kung ano ang gusto ni Lorenz. Akala kasi ng prinsesa ay naroon si Lorenz para sa brooch kaya nito binili ang bagay na iyon sa halagang limang milyon. "Fifty five million!" "Fifty six million!" Baba "..." "Sixty million!" sigaw ng prinsesa. Hindi alam ni Lorenz ang gagawin. Gusto niyang sunugin ang singsing sa oras na iyon! Para siyang mauubusan ng hangin. Dignidad na niya bilang lalaki ang nakasalalay kaya para siyang mauubusan ng lakas. Nag-vibrate ang cellphone ni Baba. Binasa nito ang mensahe at tumingin sa gawi ng prinsesa. Hinawakan siya ni Baba sa braso. "You have to stop. Trust me!" "But¡­" parang tatakasan ng kulay si Lorenz. "Just trust me" nakatingin sa kanya si Baba na seryoso ang mga mata. Tumango si Lorenz. Kahit pa nga hindi bukal sa kalooban niya na hayaan ang singsing na mapunta sa kamay ng iba. "Going once, going twice? Sold for sixty million to the princess!" He felt bad. Malapit na rin na sumakit ang ulo niya. Nagpaalam siya kay Baba na magpupunta muna siya ng wine bar kaya tumayo siya, tinungo ang lugar at nanghingi ng maiinom. Nawalan na siya ng gana na ipagpatuloy pa ang auction dahil ang singsing lang naman talaga ang pinunta niya doon. Masama talaga ang loob niya sa nangyari dahil parang pinabayaan niya na lang basta ang singsing na mapunta sa kamay ng iba. This is not him. But he trusted Baba. Ilang saglit pa, natapos din ang auction. "Let''s go!" Aya ni Baba sa kanya. Nakakunot ang noo ni Lorenz na sumunod dito. Tinungo nila ang elevator. Gusto sana na magtanong ni Lorenz kung saan sila pupunta pero pinigilan niya ang sarili at hinayaan na lang na dalhin siya ng mga paa. Bumaba sila sa 6th floor ni Baba. Isang mahabang pasilyo na maraming pintuan ang bumungad sa kanila. He asked kung gaano karami ang kwarto sa hotel na iyon. Matapos iyon naglakad muli sila nito at huminto sa dulong pintuan kung saan may dalawang lalaki na nagbabantay. "I''m Penelope" Pagbibigay-alam ni Baba sa dalawang lalaki. Mabilis na binuksan nito ang pintuan at pinatuloy sila sa loob. Isang magarang kwarto ang bumungad sa kanilang dalawa. The room was filled with a nice scent. Katamtaman lang din ang lamig. Hindi ganoon kaliwanag ang mga ilaw sa kwarto dahil nakakalat ang mga dim na ilaw sa buong paligid. Hindi nakakasilaw at hindi rin naman madilim. Pero mas nabigla si Lorenz na makita ang prinsesa na nakipagtalo sa kanya sa bidding sa loob ng kwarto na iyon. Maayos na nakasandal sa isang malambot na couch. It was covered with fur. He could tell that this room was designed for her personally. Maybe she owns this room. Ngayon ay may ideya na siya kung bakit siya pinigilan ni Baba na tapusin na ang halaga ng bid sa sixty million. "Good afternoon, princess" bati nila sa babae. Sinabi nito agad ang pakay kung bakit sila pinapunta doon. "I need your help, I''ll give you the Queen''s ring once you succeed in the mission." sabi nito kay Lorenz. Chapter 409 - Penelope and Hanz: A male p.r.o.s.t.i.t.u.t.e "I want you to be my baby''s donor" hiling ng prinsesa. Baba "..." Lorenz "..." Bahagya itong yumuko na tila nahihiya. Ang kanina ay matapang at aroganteng anyo nito ay napalitan ng isang babaeng namumula ang pisngi sa harap nila ni Baba. "Once I got pregnant¡­ I- I will give you the Queen''s ring" dagdag nito. They knew what she meant. She will keep him hanggang sa mabuntis ito. Pero paano kung hindi ito mabuntis? Saka hindi nanaisin ni Lorenz ang hiling nito kahit pa mabuntis ito sa unang pagkakataon. Hindi alam ni Lorenz kung ano ang sasabihin sa prinsesa. He was really speechless. He knew that he was popular with ladies recently. But to the point of donating his s.p.e.r.m? Ngunit hindi basta lang pagdodonate ang nais ng prinsesa. She wants to have body contact with him. Does he look like a stag or a male p.r.o.s.t.i.t.u.t.e in her eyes? Aminado siya na maganda ang prinsesa. Kayumanggi ang kulay ng balat na binagayan ng itim na itim na buhok nito na maayos na nakapusod kaya hindi niya alam kung gaano iyon kahaba. Her long lashes were like butterfly wings. She also has a perfect figure. Humugot ng malalim na hangin si Lorenz. "Princess, you are still young. There were a lot of princes around the world and I''m not one of them... I''m sorry, but I don''t want my wife to get hurt from having the thought that I''ll be having another kid with another woman''s w.o.m.b. And most of all, I respect my wife so much." "But... she would not know about it." katwiran nito. Pinagmasdan muli ni Lorenz ang prinsesa. Sa tingin ni Lorenz ay naglalaro sa bente tres hanggang bente singko ang edad nito. Malakas ang dating nito pero malungkot ang mga mata. "Princess, I''m sorry. I''m not the right person you were looking for¡­I trust and respect my wife the way she does to me." "But what about the Queen''s ring? Don''t you want it anymore?" tanong nito na parang gusto nang magmaktol. Tila isang bata na hindi maibigay ang kagustuhan nito. Aminado si Lorenz na mahalaga ang Queen''s ring sa kanya, pero mas mahalaga sa kanya ang damdamin ni Sandra. It''s true na wala siyang mukha na maihaharap kay Duchess Camila dahil pinabayaan niya ang singsing nito sa kamay ng iba. Pero mas wala siyang mukha na maihaharap sa asawa niya kung sakali na pagtaksilan niya ito. "I''m sorry¡­" ang huling nasabi ni Lorenz. Natahimik ang prinsesa. Hindi nito matanggap na tinanggihan ito ni Lorenz. Halata sa anyo na masama ang loob nito. Tinapos naman ni Baba ang mahaba niyang katahimikan. Nakikinig lang siya sa pagitan ng usapan ni Lorenz at ng Prinsesa at sobrang amused siya sa gustong mangyari ng huli. "Princess, if one day your prince charming came, how can you explain about your child? Having the child is a beautiful experience but giving him a family... is a different story" bahagyang pumiyok si Baba dahil naka-relate siya sa bagay na iyon. Pinilig niya ang ulo para makabawi. Mabilis niyang kinalimutan ang personal na dalahin. Naroon siya para tulungan si Lorenz. "How about I''ll create a new ring for you in addition to ''Midnight'' in exchange for the Queen''s ring? Afterall, the Queen''s ring has been owned by various princesses in the past." Mabilis naman na nabago ang mood ng prinsesa. "Really? You are giving me the ''midnight'' plus a ring?" Hindi nito akalain na ang Midnight na ilang beses nitong hiniling kay Baba ay mapupunta sa kamay nito. Hindi rin naman mura ang midnight dahil napalilibutan ito ng mga itim na diyamante. Pero ayaw ni Baba na magkaroon ng problema si Lorenz laban sa prinsesa kaya nagawa niyang alukin ito ng isa pang singsing. Tumango si Baba "Yes." "Well, if that''s the case, I am happy to give you the ring" masayang saad nito. "Thank you!" Nakahinga naman si Lorenz matapos na pumayag ng prinsesa. Ngayon niya nakita ang kakayahan at estado ni Baba sa mata ng mga taong ito. They treated her works like a precious daughter. Bago lumabas si Lorenz at Baba ng hotel, bitbit na nila ang Queen''s ring. "How much do I owe you?" "Nah! Your three Dark Guard protecting my daughter is enough" "I''m not the one who pays them." "Haha.. If that''s the case ireto mo na lang ako sa isang matipunong prinsipe. Ayos ba iyon?" Naisip niya si Prince Philip na matipuno nga pero bakla naman sa totoong buhay. Huwag na lang! Bago sila tuluyang makalabas, nakasalubong nila si Prince Hanz na pinsan ni Sandra. May dalawang bodyguard na nakasunod dito. Nakakunot ang noo nito nang makita siya. "Lorenz?" Sabay silang napatingin dito. Umasim ang mukha ni Baba nang makilala ang prinsipe. Bahagyang kumunot din ang noo nito nang mamukhaan si Baba. "Lorenz, hindi ko akalain na kilala mo ang stalker ko noon." nakahalukipkip na saad ni Baba "Stalker?" Saka nito nilingon si Prince Hanz. "...Maybe you are wrong. He is Prince Hanz. He is Sandra''s cousin." Bahagya namang lumingon muli si Baba at tiningnan muli ang prinsipe. Baka nga nagkamali lang siya! Chapter 410 - Penelope and Hanz: You have a daughter? "Prince Hanz, she''s my Ate Baba. She''s a family." pakilala ni Lorenz "Oh! Akala ko nambababae ka na e." Nagtaas ang kilay ni Baba. Bago magbalak si Baba na magpakasal sa matalik niyang kaibigan noon, may isang lalaki na bumuntot-buntot sa kanya at nagpapadala ng bulaklak sa concert niya bilang isang piyanista, mahigit sampung taon ang nakalipas. During that time, she asked protection from Dark Guards dahil maraming nagpapadala sa kanya ng kung anu-ano. Looking at Prince Hanz''s eyes, gusto niyang isipin na ibang tao nga ang nasa harap niya ngayon. Pero ang berdeng mata nito ay katulad ng sa lalaking iyon. The man before is not a prince but an ordinary businessman. The Prince looked at her deeply tila may inaalala sa nakaraan. Tumikhim si Baba dahil bahagya siyang hindi napalagay sa titig nito. Binawi naman nito ang tingin dahil mukhang nabasa nito ang galaw niya. "I just want you to know that Sandra was doing good." baling ng prinsipe kay Lorenz. Bahagyang gumaan ang mood ni Lorenz matapos madinig na ayos lang ang lagay ng asawa niya. "Thank you. Ano nga pala ang ginagawa mo dito?" tanong ni Lorenz. Bago pa sumagot si Prince Hanz, isang lalaking nakasalamin ang tumawag dito. "Chairman!" Sabay-sabay silang napalingon sa lalaki. Namumukhaan ni Baba ang lalaki bilang ito ang madalas niyang kausap sa auction na iyon, saka siya lumingon kay Prince Hanz. "You are the chairman of this auction? You are Chairman Hansson?" usisa ni Baba. Nagulat din si Lorenz. Hindi niya akalain na pwede niya rin palang maging daan si Prince Hanz sa pagdalo sa auction na iyon. Narinig niya kay Mat-mat na Hansson ang pangalan ng chairman. Pero hindi niya akalain na si Prince Hanz at ang chairman ay iisa. Pero palaisipan din kay Lorenz kung bakit hindi na lang nito binili ang singsing ni Duchess Camila kay Lady Marietta? Bakit kailangan na idaan pa sa auction? Mukhang nabasa naman nito ang nasa isip niya. "Don''t look at me like I did something evil, alright? Huli ko na rin nalaman na ang Queen''s ring ang share ni Lady Marietta para sa charity auction na ito. Afterall, sa ilang beses na gustong bilhin ni Duchess Camila muli ang singsing, hindi siya pumayag. I never thought she has a mood na pakawalan bigla ang singsing. Nang ma-finalize na ang lahat ng items, saka ko lang nalaman." "Nailabas na rin sa announcement ang mga items kaya wala na akong chance na makipag-negosasyon pa kay Lady Marietta." mahabang paliwanag ng prinsipe. "However, I never thought na hahayaan mo kay Princess Latifa ang singsing." Pumalatak lang si Lorenz at hindi na nilawakan pa ang eksplanasyon. Gusto niyang biglain si Duchess Camila sa pagbalik niya sa tahanan nito. Kaya hahayaan niya na lang si Prince Hanz sa gusto nitong isipin. Masakit na ang paa ni Baba sa heels na suot kaya nag-isip na siya ng dahilan para makabalik sa apartment. "My daughter is waiting for me, let''s go." bulong niya kay Lorenz. Ayaw niya nang intindihin pa ang prinsipe. Ngunit hindi nakaligtas ang mga sinabi niya sa pandinig nito. "Oh! You have a daughter?" usisa nito na nakakunot ang noo. Hindi sumagot si Baba. Hindi naman kasi sila close ng prinsipe. Hindi rin naman ugali ni Lorenz na makialam. Her daughter is a secret kaya wala siyang karapatan na makisawsaw sa personal nitong buhay. "Please excuse us Prince Hanz, we have to go." paalam ni Lorenz kay Prince Hanz. Halata na ayaw sila nitong pakawalan. "Hmm¡­ Alright. Bago ka bumalik sa Sweden, let me invite the two of you sa isang dinner. You can bring your husband and your daughter." Hindi na sumagot pa si Baba. isang simpleng ngiti naman ang sinagot ni Lorenz bago tuluyan na lumabas ng hotel. Nag-iisip ng malalim ang prinsipe habang nakatingin sa likuran ng dalawa. "Arthur, please investigate Penelope. Why have I never heard from someone that she has a daughter?" Iba''t-ibang imahe ang mga lumitaw sa isip ni Prince Hanz habang nakatingin sa seryoso at magandang mukha ni Penelope na naghihintay ng sasakyan. He will never forget what happened that night. Hanggang sa sumakay na lang ito sa sasakyan at mawala na lang ito sa paningin niya. Chapter 411 - Penelope and Hanz: Suddenly disappeared Tinungo ni Prince Hanz ang suite na nakalaan sa kanya sa hotel na iyon. Bumigat ang pakiramdam niya matapos makita muli si Penelope. Pumikit siya matapos umupo sa isang couch at hinayaan na ireport sa kanya ang total donation na nakalap mula sa mga mahahalagang bagay ng iba''t-ibang personalidad na dumalo para sa auction na iyon. Bilang prinsipe, trabaho ni Prince Hanz na protektahan ang bansa niya at ang mamamayan. Nitong mga huling taon, tumaas ang rate ng cancer at heart patients sa itaas ng bahagi ng Europe at hindi sila nakaligtas. Kaya nagtipon-tipon ang iba''t-ibang bansa at siya nga ang inilagay para mamuno. "Penelope''s three most precious paintings sold for 10 million euro." pagbibigay-alam alam ni Arthur na assistant niya. "The Queen''s ring has been sold for 60 million" At sinabi ang iba pa. "Prince, the total donation we sold this afternoon reached 1 billion euro" "Very good!" Tumayo siya mula sa couch "I want to be alone. Send me a nice wine." Tumango ang lalaki bago lumabas ng silid kasama ang bodyguards niya. Tinungo niya ang shower room at binabad ang sarili sa ilalim ng tubig. Para bang bumabalik sa pandinig niya ang sinabi ni Penelope na may anak na itong babae. She has a daughter, samantalang siya ay napag-iwanan ng panahon. Nagsalin siya ng alak at binitbit ang kopita malapit sa bintana. Tumingin sa labas ng floor-to-ceiling window para pagmasdan ang labas. Nagliliwanag sa gitna ng madilim na gabi ang Eiffel tower na nasa harapan ni Prince Hanz. Saka niya naalala ang kwento ni Penelope. The first time he met her was when she was still in her twenty. Nakasuot lang ito ng uniform, nakapusod ng maayos ang buhok. A typical student look. Kasama nito ang Daddy nito na si Kyle na nagsagawa ng konsyerto sa Berlin. He was 24 and preparing his role as a Prince at that time. In order to protect him and Penelope, he introduced himself as a businessman. Isang taon ang lumipas, they met again in a different country. Then, they''ve met again and again na para bang pinagtatagpo sila ng tadhana. Then, he watched all of her works. Kahit anong klase pa. Kahit mga paintings, or a concert or a jewelry design. He then started to sent her flowers kahit nasaan pa si Penelope. Nagpapadala din siya ng email dito para makipagpalitan ng mensahe na para bang nag-uusap sila sa personal. Until he reach almost 30, pero hindi niya maipakilala ng maayos ang sarili dito ng personal dahil sa kalaban. He offended someone. A terrorist. Hindi pa rin siya nagsawa na padalhan ito ng mga bulaklak sa mga konsyerto na ginaganapan nito. At mag-email continuously. Then one day, nang mapagdesisyunan na niya na ipakilala ang sarili ng maayos, hindi siya nakadalo dahil umatake ang mga terorista sa isang probinsya sa Sweden. Walang paraan para unahin niya ang sariling kagustuhan kaysa sa problema sa bansa kaya umuwi siya nang biglaan sa Sweden. Because of this, she accused him of being a pervert. A stalker! Dahil hindi siya nagpakilala ng maayos kahit isang beses sa loob ng maraming taon. He was always silently looking at her figure on stage. O kahit pa kung ano ang ginagawa nito sa buhay. Until he started to received threats mula sa kalabang terorista na sasaktan ng mga ito si Penelope. Para protektahan si Baba, he agreed to date women while he could continue to watch her. Para malipat ang atensyon ng terorista na ito sa ibang babaeng nakakasama niya ng literal. But one day, their eyes met in a hotel lobby. She looked at the person who was beside him. "I can see that you are doing great. Not just a stalker, but a womanizer!" may laman na bintang ni Penelope bago siya inirapan. Hindi alam ni Prince Hanz kung kailan pa nito nalaman na siya ang lalaki na nagpapadala ng bulaklak dito. Maybe because their eyes are always met. Nang araw din na iyon, nakatanggap muli siya ng mensahe. They drugged Penelope. Inutusan niya ang buong hotel na walang lalabas o papasok sa loob para masiguro ang kaligtasan nito. Her manager is the accomplice. Sa takot nito sa kanya, sinabi rin nito kung saang kwarto naroon si Baba. Mabuti na lang at nakaabot siya na nailigtas ito. She was almost r.a.p.ed by two men. Pero nang gabi na iyon siya mismo ang sumira sa pagkatao nito. Then, in the middle of the night. He was summoned again by his parents. An attack came again in another province. Nabalitaan niya na lang isang araw na ikakasal na si Penelope. Matapos iyon, parang bula na biglang naglaho ang babae. Chapter 412 - Penelope and Hanz: A stranger Isang malamig na gabi¡­ Katulad ng lamig ng dibdib ni Baba. Hawak na lang ni Baba ang 3 inches heels na ginamit niya simula ng hapon sa auction, habang naglalakad paakyat sa apartment. Mas pinili niya na lang na maglakad ng nakapaa dahil hindi na niya kaya pa ang maglakad ng naka heels. Ang apartment na iyon ang binili niya dito sa Paris, dahil madalas siyang magpunta dito sa lugar para sa mga event. Her daughter Kaitlin, who was almost ten, is together with her. Nagkataon kasi na bakasyon nito sa school. Nag-aaral ang anak niya sa isang international school sa Wales para walang maka-tunog sa pagkatao nito. She was living in a girls dormitory in her normal school days. Minsan kapag namimiss niya ang anak, sinusundo niya ito sa school para magbonding. Kilala ang school sa confidentiality ng mga estudyante kaya ito ang napili niya para kay Kaitlin. Ayaw niyang mangyari na madamay ang anak niya sa mga pangit na nangyari sa kanya noon. In order to protect her child, kinailangan niya na itago ito sa publiko. If someone knows about her existence, hindi niya alam kung ano ang mangyayari. Kapag nalaman ng pamilya ni Kevin, ang fianc¨¦ niya na namatay, ang tungkol sa presensya ng anak niya, sigurado na malaking problema dahil mauungkat ang mga nangyari noon. In order to protect her, her best friend, who was her fianc¨¦, died. Ayos lang sana kung ang pangalan lang niya ang masisira, pero hindi niya kakayanin kung madadamay si Kaitlin. Binuksan niya ang pintuan ng apartment niya at natagpuan ang anak kasama ng tatlong Dark Guards na nagbabantay dito na nasa iisang mesa. She saw a cake in the middle. Plus teapot and cups. One look and she could tell na napilitan ang mga ito na makipaglaro kay Kaitlin. "Miss Penelope!" nagliwanag ang mukha ng anak niya. Ito ang tawag sa kanya ni Kaitlin. Parang nakahinga naman ng maluwag ang tatlong Dark Guards nang makita siya. From their looks, she can tell na dumanas ng sakit ng ulo ang mga ito. Alam din niya na hindi naman talaga forte ng mga ito na magbantay ng bata. Nagawa lang nito na sundin si Shogun. "You can all go now. Ako na ang bahala kay Kaitlin. Thanks for all your hard work" sabi niya sa mga ito. "Thank you, Miss Penelope" Gusto sana na magreklamo ng mga ito pero hindi nila magawa dahil mahigpit ang bilin ni Shogun na bantayan ng mabuti ang bata. Isang ngiti ang sinagot ni Baba sa mga ito. Mabilis naman na nagsipagtayuan ang tatlo at mabilis na umalis. "Bakit mukhang hindi sila masaya? What did you do?" usisa ni Baba kay Kaitlin. Tinungo niya ang fridge at naghanap ng pwedeng ihandang pagkain. "I just told them I want to go out. Ayaw nila akong payagan. so, I read books all afternoon." tila balewala na saad nito. Gusto niyang matawa sa reklamo nito. Nilabas niya ang broccoli saka mushroom mula sa ref para lutuin. Masakit na ang paa niya pero kailangan niya pa itong pakainin ng hapunan. "Tomorrow, I''ll bring you outside. Then, if you want to see Grannies, dadalhin kita sa Pilipinas." Tumingin sa kanya si Kaitlin. "How about you let me see my Dad?" Napatigil siya sa pagkilos. Mabilis din naman siyang nakabawi saka ngumiti dito. "Ayaw mo na agad sa akin?" "Miss Penelope, you know that you are my most favorite person around the globe. Kung ayaw mo na magkita kami, ayos lang! It''s not as if it''s the end of the world" saad ni Kaitlin. Nakampante naman ang kalooban niya dahil mukhang balewala na dito ang isyu. Biglang humapdi ang paa ni Baba. "Ouch! Hss..." Umupo na muna siya sa silya. Hindi niya talaga kaya na tumayo pa. Hindi kasi siya sanay magheels dahil bibihira siya na dumalo sa okasyon. "Miss Penelope, are you okay?" nag-alala na tanong ni Kaitlin. Lumapit ito sa kanya para suriin ang paa niya na namumula na. "I''ll cook, you take a rest." sabi nito na kinuha ang broccoli at isang pack ng mushroom mula sa kamay niya. Bago niya ito hayaan. Niyakap niya muna si Kaitlin at hinalikan sa ulo. "Thank you Dear, Mommy loves you" "I love you too, Miss Penelope! Haay... mabuti na lang at hinayaan mo akong maging independent." nakangiti na saad nito na tinungo ang lababo para hugasan ang ingridients na gagamitin. Baba looked at her child''s back. Mahigit sampung taon, she gave herself freely sa isang estranghero. Kaya''t paano niya ipaliliwanag kay Kaitlin na kahit siya mismo ay hindi alam kung sino ang tatay nito? Isang email ang pumukaw sa nililipad niyang kaisipan. Chapter 413 - Penelope and Hanz: Is he the person you liked? Para bang bigla na lang naramdaman ni Baba ang pagod. Naglagay siya ng mainit na tubig sa hot compress bag saka niya ipinatong ang talampakan niya dito. Bahagya siyang nakaramdam ng kaginhawaan. Nilingon niya ang anak niya na parang nag-eenjoy sa pagluluto. She was admiring her daughter who was busy in the kitchen. Her daughter loves to cook. Mahilig din mag-bake sa edad nitong siyam. Hindi naman siya nagwoworry sa apoy dahil induction ang kalan na gamit nila sa bahay Sa pisikal na anyo naman ay masasabi na nagmana ito sa kanya. Nakuha nito ang mahabang binti niya na namana rin niya sa Mama niya na si Shey. Her facial features like her lips, her black colored hair and facial shape were all hers. Kaitlin''s nose and her eyes are different from her or even from her family. Nag-beep ang email tone ng cellphone niya na nasa lapag ng mesa. Balewala na kinuha niya ang cellphone at binasa kung sino ang nagpadala ng mensahe. Halos manlaki ang mata niya na mabasa ang pangalan mula sa pamilyar at lumang email address. She opened his email [I''m Prince Hanz] Tatlong kataga lang iyon pero halos magpasabog sa lahat ng brain cells niya. Sobrang ''direct to the point'' ng lalaki ngayon. Hindi na siya nagtaka na alam nito ang bagong email niya dahil madalas niyang kausap si Arthur na assistant nito sa auction. Siguro dahil ilang taon na rin ang nakaraan nang huli niya itong nakakausap kaya hindi na ito tulad noon. Isa pa, hindi na rin sila bata ngayon. Hindi niya pinansin ang mensahe nito dahil nasa utak ni Baba na hindi sila close ng lalaki. Posible na magaan ang loob niya dito noon. Pero matapos nitong bilugin ang ulo niya, ayaw niya nang magpaapekto pa dito. She''s not the same Penelope na mahiyain at madaling utuin. Nilapag niya muli ang cellphone sa mesita. "Dear baby, magshower lang ako." tumayo na siya at hindi na hinintay pa ang sagot ng anak niya. Suot niya pa kasi ang gown na ginamit niya sa auction. Natapos naman si Kaitlin sa pagluto ng broccoli na nilagyan niya ng kaunting karne at mushroom. Matapos iyon, nanood siya ng educational videos sa ipad kung saan umupo ang Mommy niya. Nag-ring bigla ang cellphone ni Baba na nasa table. She paused the video to look at her Mommy''s phone. Isang unfamiliar number. Hindi niya pinansin ang tumatawag at pinagpatuloy ang panonood. Kaya lang, tumawag muli ang parehas na numero. Medyo inis na siya kaya sinagot niya ang tawag nito. Pinanatili ang gaan ng boses sa kausap dahil ayaw naman niya na ilagay sa alanganin ang Mama niya. "Hello!" sagot ni Kaitlin. Nabigla si Prince Hanz nang sagutin ang tawag niya pero alam niya na hindi si Penelope ang nasa kabilang linya. "Nandyan ba si Penelope?" "Yes, but she''s busy." Saglit na natahimik si Prince Hanz, pinakikiramdaman ang linya. "Are¡­ are you her daughter?" "No" mabilis na sagot. "I''m her mother." Prince Hanz "..." Natapos naman si Baba sa paglinis ng katawan kaya ilang saglit lang palabas na siya mula sa loob ng kwarto. Isang manipis na house dress ang sinuot niya. Napansin ni Baba na hawak ni Kaitlin ang cellphone niya at nakadikit iyon sa tenga nito. "Who''s that?" "Miss Penelope, I don''t know." Narinig din ni Prince na tinawag nitong ''Miss Penelope'' si Baba kaya nagtaka ito kung sino ang kausap. She sounds like a little girl but the way she talks is more mature. Kinuha ni Baba ang cellphone mula sa anak. "Hello?" "Penelope, it''s me" nabosesan niya si Prince Hanz. "Chairman Hansson, what can I do for you?" "I-I want to ask if you are free tomorrow" "I''m not" "What about the next day?" Huminga ng malalim si Baba. "Chairman Hansson or Prince Hanz..." tawag niya sa pangalan nito dahil hindi na siya nakatiis. "I''m not the same nineteen-year-old girl na madaling utuin. Isang batang babae na madaling mabola sa mga pabulaklak at makatang mga tula¡­" "...I will tell you right now para makatulog ka na ng maayos¡­ that I was almost hooked by your faked charm and sincerity. Nanghinayang nga ako sa mga bulaklak na pinadala mo sa akin at sa effort mo na gumawa ng istorya. Ilan bang babae ang nabilog mo ng ulo? Five? six?" "Kaya huwag mo na akong tanungin kung may oras ako, because I don''t. Have. Time." Napakuyom na lang ng kamao si Prince Hanz sa mga narinig. Nakatingin naman sa kanya si Kaitlin. Unang beses nito na makita siya na magalit sa isang lalaki kaya iba ang nasa isip nito. "Penelope, just this once." narinig niyang pakiusap pa rin nito sa kabilang linya. "Oh! Hello? Prince? Are you still there? Hello? Hello? Choppy¡­ enk.. enk.." Saka niya ito pinatayan ng cellphone at binagsak iyon sa mesa. Mukha ng anak niya ang sumalubong sa kanya. "Is he the man you liked before?" usisa nito. "Ayoko na siyang pag-usapan. Let''s eat!" Chapter 414 - Penelope and Hanz: Good Morning It was a nice morning. Tumunog ang alarm clock ni Baba na nasa gilid. Pupungas-pungas pa siya na kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng bedside cabinet. Ang madalas na unang ginagawa ni Baba tuwing umaga ay basahin ang mensahe niya sa emails dahil sa business na mayroon siya. Pinapadala sa kanya ng sekretarya niya ang schedule niya sa maghapon tuwing umaga. Sa hapon sa araw na iyon, may kausap siyang isang Spanish celebrity. Magpapagawa ng design ng damit nito sa red carpet. May nakita muli siya na email mula kay Prince Hanz na nagpataas ng kilay sa kanya. Pinindot niya ang email nito. [As you open your eyes and begin your day, remember that you will never have this day again. Spend the day with me, Good Morning!] Nagtaas ang kilay ni Baba at tinabi ang cellphone niya. May pagka-mahangin ang dating ng mensahe ni Prince Hanz. na para bang sinabi nito na malaking panghihinayang kung hindi niya ito makikita sa araw na iyon. "Good morning Miss Penelope!" medyo namamaos pa na bati ni Kaitlin at humarap sa kanya. "Morning Dear! rise and shine. Sa labas na lang tayo kumain ng agahan." saad ni Baba na hinaplos ang buhok ni Kaitlin. Naghikab siya at tinungo ang bintana para hawiin ang kurtina. Sabay silang tumayo at lumabas ng kwarto. Nagsalin siya ng tubig sa water heater bago naisip na maghilamos. Isang katok ang gumambala sa kanila ni Kaitlin. Naisip ni Baba na baka ang tatlong Dark Guards muli ang kumakatok sa apartment niya dahil wala namang iba pang nakakaalam ng tirahan niya na iyon kung hindi ang pamilya lang niya at malalapit na kaibigan tulad ng pamilya ni Cally. "Open the door, Dear Baby." utos niya kay Kaitlin. Tulad niya, nasa isip din nito na ang tatlong Dark Guards ang nasa labas. "I don''t want to see them. You promised me that we will be going out today." halatang hindi nagugustuhan ni Kaitlin na makakasama na naman nito ang tagapagbantay. "Don''t worry, my dear baby. Lalabas pa rin tayo. May meeting nga lang si Mama ng hapon." "Okay¡­" tumalikod na ito at tinungo ang pintuan. Si Baba naman ay hindi na naisip pa na magpunta ng kwarto para maghilamos. Doon na siya nagmumog sa lababo na nasa kusina. Sakto lang kung saan nasisilayan niya pa ang anak. Kumunot naman ang noon ni Kaitlin nang tuljuyan na mabuksan ang pintuan. There were three men outside pero hindi ang mga nagbantay sa kanya nang nagdaang gabi. Sa bungad ay isang food cart na may laman na tatlong tray ng pagkain, isang bouquet ng pulang rosas at isang pitsel ng orange juice. "Good Morning! We are here for Miss Penelope." Kumunot ang noo ni Kaitlin. "Miss Penelope, someone is looking for you!" Kumuha lang ng paper towel si Baba at pinunasan ang basang mukha bago tinungo ang pintuan. Nagtataka siya kung sino ang bisita niya sa bahay. Umasim na lang ang mukha niya nang makita si Prince Hanz na pinoprotektahan ng dalawang lalaki na tulak-tulak ang isang food cart. Nakasuot ng puting polo ang prinsipe. Naka-snickers lang din ito na malayo sa normal na kasuotan nito araw-araw. May mask din na natakip sa ilong at bibig nito pero hindi nakaligtas iyon kay Baba para makilala ang lalaki. Humalukipkip siya. "Mukhang hindi ka busy Prince Hanz at nagawa mo pang alamin ang bahay ko." "I''m sorry kung kinailangan ko na alamin ang bahay mo. I really want to talk to you and spend this day with you." prangka na sabi. Kumunot ang noo ni Kaitlin sa nadinig. "Ha! Kahit gustuhin mo na makasama ako, you have to ask me first kung gusto ko ba." Parang nahihirapan na si Prince Hanz na tibagin ang pader na binuo ni Baba. "Penelope, I have reasons in the past." "I don''t care about your reasons. Dalhin mo na lang ang mga pagkain na ito sa asawa mo, I don''t have time today. No, I mean not just today. But everyday." "I don''t have a wife" sagot nito sa bintang niya. "Miss Penelope, I''m hungry" putol ni Kaitlin. Binuksan na nito ang takip ng isang tray at isang masarap ng almusal ang bumungad sa kanila. Nalanghap din nila ang mabangong amoy ng pagkain. Hindi na napigilan ni Kaitlin na dumukot ng isang piraso ng sausage at ipasok iyon sa bibig nito. "Before you enter, let me ask you three questions." saad ng anak niya. Naghintay naman si Prince Hanz at hindi sumagot. "Firstly, Are you her fan?" "Yes" mabilis na sagot ng prinsipe. "OK. Second, do you have a girlfriend? Don''t get me wrong. You only said that you are not married." Baba "..." "I don''t have a woman in the past ten years." Baba "..." Matagal na natahimik si Kaitlin. "Are you gay?" Prince Hanz "..." "Nah! ''wag mo nang sagutin. That is not my third question. Miss Penelope, I''m hungry. Let them in." "What is your third question?" curious si Baba. Ayaw niyang papasukin si Prince Hanz sa tahanan niya but she was hooked by Kaitlin''s questions. Matagal na nag-alangan si Kaitlin. "My third question is simple and is actually for you." Kumunot ang noo niya. Titig na titig sa kanya ang anak at pansin niya rin na hindi ito palagay. "Is he my Dad?" Chapter 415 - Penelope and Hanz: Princes guilt "Is he my Dad?" Kaitlin asked. Halos ubuhin si Baba sa tanong na iyon ni Kaitlin. Hindi naman niya masisi ang anak kung isipin nito na si Prince Hanz ang tatay nito. Sa loob kasi ng mahabang panahon, walang lalaki ang nagtangka na mag-approach sa kanya. Madalas aloof si Baba at halos maging loner siya sa mahabang panahon. Looking at the bouquet of flowers, three trays of breakfast and the deeper meaning of their conversations, malamang na mapagkamalan nga ni Kaitlin na may nakaraan sila ni Prince Hanz. Ngayon lang din niya napansin na parehas ng kulay ang mata ng dalawa. Green. Hindi niya iyon pinuna nang una dahil marami siyang nakakasalamuha na green ang mata. Isa pa, magkaiba naman ang shape ng mata ng mga ito kahit pa parehas iyon ng kulay. Hindi niya iyon binigyan ng halaga. Kahit ang dalawang lalaki na iyon ay green ang mata. Parang gusto niyang sumuka nang balikan ang dalawang lalaki sa nakaraan. Pinilig niya na lang ang ulo. Ngunit nagtaas ang kilay niya sa sinagot ni Prince Hanz. "I am." *cough cough* Lalo siyang inubo sa sinagot nito. He dared to admit that he was the father! "You.. You.. You.. Huwag mong paasahin ang anak ko!" singhal niya. Napaatras din naman siya dahil sa talim ng tingin na ipinukol sa kanya ng dalawang bodyguard nito. She forgot that he was a prince afterall. Sa paningin siguro ng dalawang lalaki na may malalaking muscles ay sobrang lakas ng loob niya para singhalan ang prinsipe ng mga ito. Pero para siyang hangin na hindi pinansin ng anak niya at ni Prince Hanz. Sa halip, nilakihan ni Kaitlin ang pintuan para patuluyin ang lalaki. She was satisfied by his answer. "Come in!" Mabilis naman na kumilos ang dalawang bodyguard ng prinsipe at agad na itinulak ang food cart papasok sa loob ng tahanan ni Baba. ''Hey, I''m still here!'' Hinawakan niya si Prince Hanz sa braso nang nasa tapat niya na ito para pigilin bago pumasok. "Chairman Hanneson! Let me talk to you in private! Follow me in that room!" turo niya sa isang kwarto. Ngumiti naman ng malalim si Prince Hanz. Nakaangat ang isang gilid ng labi nito. "I know sweetheart that we missed each other so much. But you see, I don''t want to give Kaitlin a bad impression about me. Hayaan mo muna na makakain man lang tayo ng agahan." "Wh-what nonsense are you talking about?! Sinong nakamiss sa pagmumukha mo? Gusto kong sabihin sa iyo na hindi nga tayo close kahit noon! Hindi nga tayo nagkasama sa iisang lugar." pinameywanagan niya ito. "Tsk tsk! Ngayon naman ay nagrereklamo ka na dahil hindi tayo close. Huwag kang mag-alala, I have all the time to get closer to you para hindi na natin mamiss ang isa''t-isa. I will gradually introduce myself to you, so you won''t miss even a single detail about me." Baba "..." Bago pa siya makapag-react, tumuloy na sa pagpasok si Prince Hanz para sundan ang masayang si Kaitlin. Habang busy ang dalawa sa asaran ng mga ito, busy rin ang tatlong nilalang na naunang tumuloy sa kusina. Si Kaitlin mismo ang kumuha ng plato mula sa kitchen cabinet. Maayos naman na nilagay ng dalawang lalaki ang mga pagkain sa mesa. Inayos ng mga ito ang table napkins. Pati ang pagkakaayos ng mga kubertos ay pantay. Para bang may invisible ruler ang dalawang lalaki na kahit katiting na agwat ay walang makikita. Nasorpresa si Baba na kahit sa table settings ay alam ng dalawang kasama ng prinsipe ang gagawin. Gaano kataas ang standard na kailangan para maging royal staff? "Miss Penelope, I''ll arrange your flowers if you don''t mind." sabi ni Kaitlin kahit pa kasalukuyan na nito na inaayos ang kumpol ng bulaklak sa isang vase at hindi na hinintay pa ang sagot mula kay Baba. Hindi maipaliwanag ni Prince Hanz ang tunay na nararamdaman niya sa dibdib. Looking at Kaitlin, he was really guilty. Akala niya noon ay nagpakasal si Penelope, then he stopped seeing her kahit sa malayo lang na tulad ng nakagawian niya noon. Now, he wanted to ask Penelope kung ano ang dahilan kung bakit ito tumigil sa propesyon nito bilang piyanista pero ayaw niyang sirain ang mood ng magnanay. May kinalaman ba iyon sa nangyari dito mahigit sampung taon ang nakaraan? May kinalaman ba iyon sa pagkamatay ng mapapangasawa dapat nito? He silently clenched his fist. Maybe he was the real culprit. **** COMPLETED NOVELS: First Love Series My First Love is a Problem Boy (MFLPB) #My-First-Love-is-a-Problem-Boy-%5BTAGALOG%5D At the End of the Rainbow (ATER) #At-the-end-of-the-Rainbow-Series-%5BTAGALOG%5D Si Makisig at si Maganda (SMSM) #Si-Makisig-at-Si-Maganda-(Love-is-Beautiful)-%5BCOMPLETED%5D Chapter 416 - Penelope and Hanz: First meeting [Back-tracking] Berlin. It was the second week of the month of November, the afternoon under balmy skies will seem like dreams from another dimension. An unbroken weight of gray clouds was all over the city. People prepared long coats, thick-soled boots and wooly hats. However, Penelope chose to wear her simple school uniform embracing the bone-chilling cold that Berlin offers each winter. She chose to hide her coat inside her backpack. She wanted to surprise her Dad. Her dark shiny hair was perfectly curled in a nice rubber band. She was like a winter fairy enjoying her afternoon. After winning a lot of piano competitions she had in years, she was taken as a scholar of a music school, town nearby. She came here to Berlin because of her Dad, Kyle. When she learned that Kyle was here, she decided to take a train and to visit her father in his last concert. Binagsak niya ang backpack na naglalaman ng winter jacket na umaabot hanggang binti sa kumpol ng snow. Her long soft legs are showing, walang pakialam sa lamig ng klima. Mabilis na nakita niya si Kyle mula sa pwesto niya na kausap ang isang lalaki na nakatalikod sa ikalawang palapag. "Pa!" sigaw niya. Looking up at her Dad, she waved her hands outside the building. Kasalukuyan na nasa ikalawang palapag ng isang gusali si Kyle for his concert briefing habang nasa labas si Penelope or Baba. Nanlaki ang mata ni Kyle nang makita ang anak niya na nasa labas ng concert building, waving at him. Nagpaalam siya sa mga kausap. Ngumiti naman ang mga ito at sinabi na uuna na. Binuksan ni Kyle ang glass sliding window para makasiguro kung anak niya ang nasa labas at niyayakap ng maginaw na klima. Halos takasan ng kulay si Kyle nang masiguro na si Baba nga ang nasa labas na suot ang isang simpleng school uniform. "Honey, come inside! Masyadong malamig. Kapag nagkasakit ka, I don''t know how to face your Mom." Uso kasi ang winter colds. May pulmonya rin na pwedeng makuha ng may mahinang katawan. Bahagya na nga rin na namumula ang ilong ni Baba na nagbabanta ng pagsipon. Bumahid ang guilt sa mukha niya. Tumakbo siya para damputin ang bag niya na basta hinagis sa kung saan. Dahil tila nagsisimula nang pumasok sa mga pores niya ang lamig. Pagkatapos niyon, tumakbo siya patungo sa entrada ng gusali to meet her Dad but she didn''t notice the person standing at the entrance looking at her deeply. Sa pintuan, isang bulto ang binangga ni Baba dahilan para maitulak ang sarili at mapasalampak sa malamig na simento. Parang electric current na mabilis na dumaloy sa katawan niya ang lamig. Halos mapasipol siya sa ginaw. Kumunot ang noo ng lalaki na nasa harap niya. He was wearing a nice americana. Halos walang lukot na mapupuna sa suot nito. His black shoe was shining like a deep night. His eyes were warm like water. Maayos na nakasuklay ang buhok nito. He has a serious face. "Help her." utos nito sa kasama. Mabilis na tinulungan si Baba ng babae na katabi ng lalaking bumangga sa kanya. Bahagya siyang nabuwisit dahil ang babaeng nasa tabi nito ang inutusan pa nito para tulungan siya samantalang ito ang nakasagi sa kanya. Binigyan siya nito ng panget na impresyon kaya inirapan niya ito at tumuloy sa pagpasok sa loob. Lumingon ang lalaki sa babaeng bagong pasok. Somehow naaliw siya dahil sa kabila ng malamig na klima, isang simpleng kasuotan ang suot nito. She has a cheerful look in her uniform. "Prince?" nakakunot ang noo ng Assistant dahil napatigil sa pagkilos si Prince Hanz. Binigyan pa nito ng huling sulyap ang dalaga na bagong pasok. Mabilis na nagbago ang anyo ng prinsipe at sumunod sa kasamang assistant. Sa lugar ni Baba¡­ Matapos niyang umakyat sa ikalawang palapag, parang boss na binuksan niya ang pintuan. "Pa!" Nagliwanag ang mukha niya nang makita si Kyle sa loob ng kwarto. Ngumiti naman ito at mabilis na niyakap siya. "How are you my darling?" he kissed her forehead. Bigla ay nawala ang kanyang maturity at napalitan ng pabebe mode. "Pa, I miss you. Nasa''n si Mama?" nakanguso na tanong niya dito. "May sakit ang bunso mong kapatid na si Yuan, she has no choice kung hindi maiwan sa bahay." Sa ngayon kasi ay tatlo silang magkakapatid. Si Yuan ang pinakabunso na nasa edad na tatlo, si Harvey ay kasalukuyan na nasa anim na taon. Pumasok ang isang organizer. "Mr. Kyle, magsisimula na" sabi nito sa German. Sumunod sila dito. Parang bata na nagbigay siya ng mga tips sa Papa niya sa piano. Masaya naman si Kyle at hindi nagkomento. Makikinig naman ang organizer at natuwa ito na parang napakarami niyang alam. Saka lang nito napagtanto na siya si Penelope. "Wait, is this Ms. Penelope?" Ngumiti lang si Baba. "Wow! Mr. Kyle. Your daughter is Penelope?! No wonder, she''s good!" "Thank you Ma''am" nakangiti siya sa papuri nito. "This will be your father''s last day. Don''t you like to be with him on stage?" Siyempre mabilis na pumayag si Baba. Pinasuot siya ng isang simpleng pink na long dress. Pinakilala siya bilang anak ni Kyle, nag-eenjoy siya na kasama ito sa entablado sa huli nitong gabi bago mag-retire na para bang pinapasa nito sa kanya ang talento nito. Sa huli, nag-alay siya ng isang musika para sa magulang niya. Personal niyang binuo ang musika na iyon habang nasa malayo siya at nasa Pilipinas ang mga ito, Habang naroon siya at dinadama ang musika pati na ang pagtipa ng mga daliri sa piano, isang pares ng mata ang hindi man lang magawang kumurap habang nakatingin sa kanya. Chapter 417 - Penelope and Hanz: Her personal Music One year had passed. Australia. May concert na gagawin si Baba o kilala bilang Penelope sa Sydney orchestra Town Hall sa hapon na iyon. That morning, she decided na magpunta sa Town Hall para magkaroon ng familiarity sa lugar. Kasama niya ang matalik na kaibigan na si Dylan, isa ring musician. She''s a pianist while Dylan is a violinist. Sinalubong sila ng organizer dahil nasabi na nila dito ang nais nila. This is her 3rd time concert sa loob ng isang taon simula nang magdebut siya sa propesyon bilang piyanista. Hindi dapat siya papayag sa concert na ito kung hindi lang sinabi sa kanya na 40 percent ng kikitain ay mapupunta sa charity. Tinungo nila ang concert hall. Two thousand seats ang bilang ng mga silya. Madilim ang paligid at tanging ang entablado lamang ang may malamlam na ilaw. Nasa gitna ang isang itim at makintab na piano. Hindi napigilan ni Baba na tinungo ang bagay na iyon at umupo sa maliit at malambot na silyang nasa harap. "Babe, don''t tell me na magpa-practice ka pa?" Tanong ni Dylan Bahagya siyang ngumiti. "I need to check the keys" saad niya saka pumikit at nagsimulang magpatugtog. ===== Naroon si Prince Hanz sa Sydney bilang representative ng bansa niya. Nagkaroon ng sakuna sa isang bayan ng Australia at ilang pamilya ang nasunugan, may tatlong linggo ang nakaraan. He came here to offer help from his country. Ang grupo niya mula sa Sweden ang nakatoka sa charity na iyon. At the age of 20, he was already a founder of Grace''s Wings. Isang charity group na binuo niya at ng isang kaibigan na mula sa Amerika. Sinamahan siya ng limang staff sa bansa, dalawa dito ay bodyguard. Naglalakad sa hallway si Prince Hanz mula sa opisina ng Direktor ng gusali na iyon nang marinig ang musika na nagmumula sa loob ng concert hall. Napatigil siya nang magsimula ang malumanay at masarap pakinggan sa tenga na mga nota mula sa isang piano. He looked at the big door 2 meters away from him. Naaalala niya ang nota at sa iisang tao niya lang ito narinig. Ang kalahati ng pinto ay bukas at ang kalahati ay maayos na nakalapat sa pintuan. Hindi pa kasi iyon ang oras ng charity concert. Sumenyas siya para tumigil sa pagsasalita ang kasama. "Prince?" Naglakad siya sa pintuan at sumilip sa loob. Bahagyang umawang ang labi niya nang makita muli ang babae na lihim niyang hinanap nang nakaraang taon. Hindi nga siya nagkamali na parehas na tao ang mabubungaran niya na nagpapatugtog dahil sarili nitong musika ang ginamit nito. It was her personal music. In the past, he learned that she was a scholar from a prestigious Music School in Germany but he doesn''t know her real name. Tumikhim si Prince Hanz. "She is?" "She''s Penelope, My Prince." sagot agad ng kasama niyang assistant na si Max. Nasa isip nito na baka hindi niya nagustuhan na ginamit ni Penelope ang Piano nang wala pa sa takdang oras. Lumapit ang grupo ng prinsipe sa grupo ni Baba. Pipigilin na sana ni Assistant Max si Baba nang senyasan ito ni Prince Hanz na manahimik. Tila naiwan sa lalamunan nito ang mga kataga na dapat ay sasabihin. May isang minuto pa bago natapos ni Baba ang musika. Nang matapos siya sa pagtugtog ay nagulat siya na may mga tao sa paligid. May mga pumasok sa hall nang hindi niya namamalayan. Bigla siyang napatayo dahil sa hiya. "So-sorry" paghingi ni Baba ng paumanhin. Madilim ang lugar na kinatatayuan ng prinsipe dahil nasa ibaba ito kaya hindi masyadong naaaninag ni Baba ang grupo ng tao na bagong pasok sa bulwagan. "Assistant Max" bati ng organizer na kasama ni Baba nang makilala ang isa sa mga bagong pasok. Sinenyasan ni Prince Hanz ang assistant niya gamit lang ang paningin na ito ang magsalita at hindi dapat gumawa ng hindi nito magugustuhan. Mabilis na kumilos ito at lumapit sa gawi nila. "I-it''s okay, Ms Penelope." bago nagpunas ng namuong pawis. "I decided to try for familiarity." saad ni Baba saka ngumiti ng matamis. Nakakagaan sa buhay ang pagngiti niya na iyon na talagang sinadya niya para hindi siya sitahin. "Salamat din sa pagpayag mo na sumama sa charity concert na ito" Ngumiti lang siya at sumunod na sa mga kasama na papalabas ng bulwagan. Prince Hanz was just looking at the girl''s back. Kaiba sa suot ni Baba nang nakaraang taon na nakauniform lang ito, nakasuot lang ng light blue na bestida ang dalaga ngayon. Mas nakakagaan sa pakiramdam ang buong pagkatao ng dalaga na para bang kahit titigan niya ito sa maghapon ay malulutas na agad ang mga problema niya sa buhay. Lumabas sila ng hall ngunit nakasalubong muli ng grupo niya si Baba na nag-iisa na lang at tila may hinihintay. Kasalukuyan na nagpaalam si Dylan kay Baba na sasaglit sa palikuran kaya matiyaga siyang naghintay sa pasilyo. Hindi niya nga lang inaasahan na makakasalubong muli ang grupo ng Charity group na nakatoka sa konsyerto na iyon. Sa isang tao napatigil ang mga mata niya dahil kakaiba ang awra na binibigay nito. Agad na namula ang pisngi niya dahil sa kakaibang titig ng lalaki na nasa gitna ng grupo. Yumuko siya para maitago ang namumulang pisngi. Mabilis lang na dumaan at nilagpasan siya ng grupo ni Prince Hanz. "Max, send her a bouquet of flowers after the concert." utos ni Prince Hanz sa kasama. Chapter 418 - Penelope and Hanz: Smiley Two more years had passed. Sa loob ng dalawang taon, nakakatanggap si Baba ng bulaklak sa masasabi niya na ''secret admirer'' niya. His name is ''Smiley''. Hindi naman siya nakaramdam ng takot kahit nang unang beses na nakatanggap siya ng bulaklak mula rito. The first time she received the flowers was when she held a concert in Australia. Matapos iyon, nagtuloy-tuloy ang pagbigay nito ng bulaklak. She received flowers hindi lang sa piano concert na pinupuntahan niya. kahit nang imbitahan siya ng curator na dumalo sa isang museum. Kahit nang araw na may dinalaw siya na isang birthday event sa China. Kahit nang magkaroon ng welcome party sa kanya bilang bagong partner ng isang jewelry store sa Paris. Nakakatanggap siya ng bulaklak sa lahat ng mahahalagang okasyon. The man behind the flowers always appear na para bang sinasamahan siya nito sa buhay. Just like that man na nakikita niya rin na para bang maliit lang ang mundo nila dahil sa kung saan-saang bansa sila nito nagkikita. Pwedeng i-apply sa kanila ang ''what a small world!'' na isang phrase. Gusto niyang tanungin kung ito ba si Smiley. Ang sabi sa kanya ay businessman ang lalaki but she doesn''t have the courage na tanungin ang mga kasama nito. Saka, paano kung nagkamali siya at baka sabihin na nagmamaganda siya na ituro ang lalaki na mayroong berdeng mga mata bilang secret admirer niya? That night, she was invited by her Teacher sa ika-60th birthday nito kaya naroon siya muli sa Germany. Sa isang magarbong bulwagan sa isang 5 star hotel gaganapin ang pagtitipon. Her best friend Dylan was also in the event bilang estudyante rin ito ng guro niya. "How''s your girlfriend?" Bulong na tanong niya dito. "She was fine. Medyo nakakasakal lang." Reklamo nito. Tumawa si Baba. Hindi niya masyadong binigyan ng pansin ang reklamo nito dahil normal naman na attitude iyon ng mga babae. She treated Dylan as her brother but the guy secretly falls in love with her. Nagagawa nito na magpanggap huwag lamang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila. Para malipat tuloy ang atensyon, nagawa ni Dylan na humanap ng ibang nobya. Napatigil si Baba sa pagkilos nang makita muli ang lalaki na may berdeng mga mata. Kausap nito ang anak ng guro niya. Gusto niya talagang malaman kung sino ang lalaki. Ano ang mayroon sa pagkatao nito? "Hey, do you know who that man is?" Narinig ni Baba na tanong ng isang dalaga sa kasama nito. Turo nito ang lalaking may berdeng mga mata. "The mysterious guy? I don''t know. They said he is a businessman from Ireland" ''So, isa pala siyang businessman'' She really wanted to know kung ang lalaki ang nagpapadala sa kanya ng bulaklak pero base sa anyo at awra nito, hindi ito magbibigay ng oras sa isang katulad niya na simpleng dalaga. She can tell that the man is not that simple. Palaging may kasamang dalawang body guard. Naputol lang siya sa nililipad niyang kaisipan nang ayain siya ni Dylan na magsayaw. Nang matapos ang event, nabigla na lang siya nang may mag-abot muli sa kanya ng kumpol ng pulang rosas sa entrada ng bulwagan. Kinuha niya ang card na nakalakip dito at binasa. [If you were a movie, I''d watch you over and over again. --Smiley] She smiled just like his pseudonym saka ibinalik muli ang mensahe sa gilid ng handle nito. "Hindi ka ba natatakot sa bulaklak?" Tanong ni Dylan. "No" she honestly said. Ramdam ng kalooban niya na hindi masamang tao ang nagpapadala ng bulaklak na iyon sa kanya. She could feel the sincerity behind those flowers. "I can say that he''s a stalker. Bakit alam ng taong ito na si ''Smiley'' kung saan ka hahanapin?" Bahid ang disgusto sa anyo ni Dylan. "Huwag ka na nga lang epal dyan!" Saka niya ito inirapan at tumuloy na sa kanyang hotel suite. Nang gabi na iyon mas nabigla si Baba dahil isang email mula kay Smiley ang natanggap niya. [I like the night. Without the dark, we never see moon and stars -Smiley] Umawang ang labi niya dahil sa pagkabigla. Bigla tuloy ang lingon ni Baba sa labas ng bintana. Bilog na bilog ang full moon sa kalangitan. At parang mga diyamante ang mga bituin. Napalitan ng ngiti ang kanina ay pagkabigla niya sa biglaan nitong pagpaparamdam. [Bakit hindi ka nagpapakilala ng personal?] Tanong niya dito. [I''m shy -Smiley] Baba "..." [Hindi mo man lang ba naisip na baka isang stalker ang tingin ko sa iyo? -Penelope] Halos mabilaukan si Prince Hanz sa nabasa na inuokupa ang katabing kwarto. [I''m a good person don''t worry -Smiley] [Sabagay, wala ka namang makukuha sa akin. Hindi ako mayaman. Are you a girl or a boy? -Penelope] [A boy -Smiley] Napangiti si Baba. She is imagining Smiley sa lalaki na may berdeng mata. How she wished na sana ay totoo ang hinala niya... Chapter 419 - Penelope and Hanz: Want to Meet? Two more years passed. Sa loob ng ilang taon patuloy si Smiley sa pagpapadala ng bulaklak kay Baba. Patuloy rin ang lalaki sa pag-email sa kanya. Medyo dismayado lang siya dahil inabot na ng ilang taon at hindi pa rin ito nagpakita sa kanya ng personal. She was now twenty five and still single. Hindi naman maikakaila na marami ang manliligaw niya dahil sa dami rin ng achievements na nagawa niya sa loob ng ilang taon. Iyon nga lang, isang parte sa kaibuturan ng damdamin niya ay umaasa kay Smiley. Smiley was with her for a couple of years kahit sa mga bulaklak lang na pinadadala nito, sa mga tula na aktwal na sinulat nito sa malinis na papel at pinadadala nito sa kanya. Sa pakikipagpalitan ng email. Hindi niya pa nakausap ang lalaki kahit sa cellphone o tawag dahil ang sabi nito ay darating ang araw na magkikita rin sila. So, she''s still waiting. Madami nga lang ang nanghihinayang sa kanya kabilang na ang matalik niyang kaibigan na si Dylan. She was a ''good catch'' sa terms ng mga lalaki. She''s earning millions of dollars kahit pa hinahati niya sa charities ang kinikita niya. She''s pretty. Smart. Can do a lot of things. Down to earth. Dahil dito, kumatawan na rin si Baba bilang Female Ambassador ng World organization. She represents a perfect example of a perfect woman. Mas nalagpasan niya pa ang bar ng kung sino mang prinsesa na napusuan din ng mga judges. Pero isa rin ito sa dahilan kung bakit tumataas ang expectations ng magulang niya sa lalaki na mapapangasawa niya. Tumaas din ang expectations ng lahat ng malalapit na kaibigan niya. Base sa mga nagawa niya sa loob ng 25 years na nabuhay siya, hindi kayang sikmurain ni Kyle at Shey, pati na ang mga kaibigan niya kung mapunta lang siya sa lalaking bungi. Kaya nag-aalala rin ang mga ito sa kinabukasan niya. But in her heart, there was actually someone who cares about her and that is ''Smiley''. She knew that the man with green eyes is Smiley. Alam niya ang bagay na ito kahit pa nga kaswal lang kung magkita sila sa iisang event. Umaakto ang lalaki na para bang hindi siya nito kilala sa iilang beses na nagkikita sila sa napakaraming lugar. Wherever she goes, he goes. Para bang may lihim silang usapan o tagpuan. Kaya naman kahit hindi pa nito sabihin o kahit hindi niya itanong, alam niya na ito si Smiley. ===== Sweden. Pinulong ang lahat ng namumuno sa tatlong magkakatabing bansa. Ang Sweden, Norway at Denmark. Matagal nang may alitan ang mga magkakatabing bansa na ito na nagsimula pa noong 1600. It was basically because of the land territories. Pero nitong mga huling taon ay mas naging threat ang mga armas na nasa possession ng pamilya ni Prince Hanz. Isang threat ang gumambala mula sa Country Z. It was called Country Z dahil tuluyan na humiwalay sa Northern Europe ang bansang ito. At tinuturing na terorista ang lahat ng taong nakatira dito. They don''t have a passport kaya naman hirap ang mga tao na makaalis ng bansa. Isang bansang magulo ang Country Z na tinitirhan ng mercenaries hanggang sa lumitaw si Captain H. For a couple of years, ang Kapitan ang namuno sa bansang Country Z, simula noon mas umayos ang lugar. Pero mas humigpit din ang bansa nito. Totally blocked sa labas ng land area nito. Noon ay halos mawala sa mapa ng mundo ang land area ng Country Z, ngunit ngayon ay nakabangon na ang bansang ito. Unti-unti ay nagkaroon ng maayos na trabaho ang mga mamamayan. Si Prince Hanz bilang isa sa namumuno sa national security ng bansa niya ay naroon din sa pulong. Their spy went to Country Z to investigate. Ayon sa mga nakuhang report ni Prince Hanz, may isang bansa ang sumusuporta sa Country Z at iyon ang inaalam niya nitong mga nakaraang buwan. Napag-alaman niya na may security chip na hawak si Captain H. Isang computer ch.i.p.s kung saan naka-save ang plano kung paano pabagsakin ang tatlong kalapit na bansa kasama ang Sweden. Matapos ang meeting niya, tumuloy siya agad sa personal space niya sa royal house ng hari. He asked his assistant kung nakabili ba ito ng bulaklak sa Hong Kong para ipadala kay Baba. Nasa maliit na bansang iyon ang dalaga sa kasalukuyan. "Did you send her the flowers?" Nakangiti ang Assistant na tumango saka naglakas-loob na magtanong. "Prince, why won''t you show up to Miss Penelope?" Kumunot ang noo ni Prince Hanz. "Kayo rin, baka maunahan kayo ng iba. Marami ang manliligaw niya nitong mga huling taon lalo na nang maging Female ambassador siya ng World Organization." Napaisip si Prince Hanz. Totoo ang sinabi nito, kaya naman ang unang mensahe na pinadala niya kay Penelope ay¡­ [Want to meet me in person? - Smiley] Chapter 420 - Penelope and Hanz: He told her to wait Kababalik lang ni Baba sa kwarto na nakalaan sa kanya sa isang hotel sa Hong Kong nang magbeep ang email notification sa cellphone niya. Ipinatong niya ang kumpol ng pulang rosas sa ibabaw ng mesa. Bago niya binuksan ang email. Isang mensahe ang bumungad sa kanya mula kay Smiley. Napangiti siya agad. He didn''t see the man with green eyes today but she received flowers. [Want to meet me in person? -Smiley] Nagliwanag ang mukha ni Baba nang mabasa ang tanong nito. Sasagutin niya sana ito ng ''Of course'' kaya lang baka isipin na masyado naman siyang excited. [Yes. By the way, where are you hiding?-Penelope] [I''m abroad. May inasikasong problema -Smiley] "So, kaya pala hindi ko siya nakita." nakanguso na usal niya. Bago pa lumipad ang isipan niya nagbeep muli ang cellphone. [Wait for me in Hong Kong. I''ll knock on your door tomorrow morning - Smiley] Napangiti si Baba sa nabasa niya. she replied [Okay. I''ll wait for you -Penelope] na para bang isa siyang misis na maghihintay sa asawa niya. Kinilig siya sa naisip. Kung tutuusin wala naman silang relasyon ni Smiley. She doesn''t know his background at all. Pero kung ang lalaki na may berdeng mga mata talaga si Smiley. She will be glad dahil kahit papaano ay marami-rami na rin siyang nakalap na impormasyon dito. He do charities sa kung saan saang panig ng mundo na mga napuntahan niya. Sinubukan niya na rin na magtanong sa mga taong nakikita niya na madalas na nakapaligid dito, ngunit wala siyang makuha na matinong sagot. Huli na para suwayin ang sarili na huwag umasa na ito si Smiley dahil nakuha na ng lalaki ang buong kalooban niya. ==== Prince Hanz is almost 30 this year. Ilang beses na rin na may nireto sa kanya ang magulang para maging asawa niya pero sinabi niya sa mga ito na may napupusuan na siyang babae na nililigawan niya sa loob halos anim na taon. His mother almost cried kung ano ang mayroon sa babaeng ito at bakit ayaw sa kanya. "Bakit hindi ka niya sinasagot? doesn''t she know that you are Prince Hanz?" it was hilarious nga naman na ang isang prinsipe na tulad niya ay inabot na ng ilang taon sa panliligaw. Sinabi niya na lang na hindi alam ni Penelope ang katauhan niya at naniniwala siya na kung mas matagal ang proseso, mas masarap ang pagsasama sa mga susunod na araw. Tanging si Arthur lang ang nakakaalam na si Penelope ang babae na napupusuan niya. Walang nang iba pa! Alam niya na hindi siya nito ilalaglag dahil ilang beses na rin ito na-corner ng magulang niya para usisain pero walang pangalan na lumabas sa bibig nito. Tanging "I''m sorry Duchess, you should talk to your son" ang sagot nito. His parents wants a grandkid dahil hindi na rin siya bata. But they have to wait. Alam naman niya na hindi magsisisi ang mga ito kapag pinakilala niya si Penelope bilang personal choice niya. Inaaprubahan din kasi ng hari ang kung sino man na mapapangasawa nilang lahat sa pamilya. ==== It would take 11 hours to fly from Stockholm Sweden to Hong Kong. Mabilis na pinaayos ni Prince Hanz kay Assistant Arthur ang eroplano na pagmamay-ari ng pamilya niya. Hindi na siya nag-ayos ng mga gagamitin o dadalhin dahil halos lahat ng kakailanganin ay mayroon din sa eroplano. Sumakay siya ng itim at makintab na Rolls-Royce sa tapat ng Royal House at nagpahatid sa Airport. Nakangiti pa siya habang sakay ng sasakyan. Pumapasok na sa utak niya ang reaksyon ni Penelope kapag nagkita sila. May ilang minuto bago huminto ang sinasakyan sa airport ay naglakad sa pribadong daan papuntang eroplano. "Prince." yumukod ang mga staff sa entrada "Thank you." hinubad niya ang suot na winter Jacket. "To Hong Kong." utos niya sa mga ito saka tumuloy sa loob ng lounge. Umupo siya sa malapad at komportableng couch. Ipinikit ang mata. He is dreaming of Penelope''s figure while on stage. Sinasayaw ang mga daliri sa ibabaw ng piano keys na parang nagtatawag ng anghel. Nagambala ang pagpikit niya nang tawagin ni Arthur ang pangalan niya. "P-Prince Hanz." Dinilat niya ang mata at naghihintay sa sasabihin nito. Sa halip, isang wireless handset ng telepono ang inabot nito sa kanya. Kunot ang noo niya sa kung sino ang nasa kabilang linya. Kinuha niya pa rin ang handset kay Assistant Arthur saka dinikit sa tenga. "Hello?" "Hanz, Countey Z attacked Herdalia Province! We have to go to that province as soon as possible." Boses ng tatay niya ang nasa kabilang linya. Natigilan siya. Isang atake mula kay Captain H? "Sinunog nila ang kabahayan sa probinsiya. We have to go to that province. You have to cancel your schedule." utos nito. "Gaano kalala ang sitwasyon?" "Code Red" simpleng sagot nito na ibig sabihin ay seryoso ang nangyayari. Napapikit na lang siya at kinuha ang wintercoat na hawak ng isang attendant. Paano si Penelope? He told her to wait for him. Chapter 421 - Penelope and Hanz: Messed up Lumipas na ang bente kwatro oras at nanatiling naghihintay si Baba kay Smiley. Hindi niya nga magawang umalis ng suite at lahat ng kailangan niya ay tinatawag niya sa hotel para ihatid doon sa kwarto. Nagsipag-uwian na nga ang grupo niya sa kung saan saang bansa pero mas pinili niya na manatili doon. She has to wait. Nag-aalala siya na baka biglang dumating ang lalaki at hindi siya nito matagpuan doon kung sakali na lumabas siya. She was anxious. Naisip niya na baka may nangyari sa lalaki habang papunta doon sa Hong Kong. Wala naman siyang natatanggap na mensahe kay Smiley kung male-late ba ito o kung ano. 48 hours more had passed. Inayos niya na ang lahat ng gamit para umuwi na sa Pilipinas. Nakakatawa. Para siyang tanga. Pinaglalaruan ba siya nito? Nakakatawa na sa loob ng halos anim na taon pinadalhan siya nito ng kung anu-ano. Pero mas nakakatawa na may namuong mga luha sa mga mata niya dahil sa isang tao na hindi naman niya personal na kilala. Gusto niyang isipin na maghintay pa pero tatlong araw na siya nito na pinaghintay. Ang pangako nito ay kakatok ito sa suite niya. Knowing his ability, sigurado na alam nito ang suite number niya at hindi ito naligaw. Kinuha ni Baba ang cellphone at nagpadala ng mensahe dito. [Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope] Matapos niyang ipadala rito ang mensahe, isang news ang pumukaw sa kanya sa internet. Isang probinsiya sa Sweden ang inatake ng mga terorista. Sunog ang kabuuan ng bansa na halos walang itinira. Itinaas ang alerto sa bansang iyon at iilang bansa na rin ang nagbigay ng tulong. Ito ang hot topic ngayon sa internet at sa world news. Binalik niya na lang ang cellphone sa loob ng sling bag at hinila ang bagahe niya papalabas ng hotel suite na iyon. ==== Tatlong linggo bago natapos ni Prince Hanz ang mga kailangan niyang gawin sa bansa niya. Ilang miyembro ng terorista ang hinanap nila sa mga kalapit na probinsya ng Herdalia. At inabot ng tatlong linggo bago naubos ang mga sugo ni Captain H para gumawa ng krimen. May tinatago pang mga impormasyon ang grupo nito kaya hindi sila makagawa ng aksyon. Malaki ang banta ng lalaki sa kanila at hindi sila pwedeng magpadalos-dalos sa pagsugod dito. Hind nila alam kung ano pang mga bansa ang tumutulong sa Country Z. Tatlong linggo rin na halos wala siyang tulog at walang maayos na kain dahil mas kailangan nilang siguruhin ang lagay ng mga tao. Walang internet o telepono sa lugar dahil tuluyan na pinutol ang linya para sa seguridad din ng probinsiya. Ang unang ginawa niya matapos niyang makabalik sa royal house ng pamilya sa Westrogothia ay ang i-check ang email ni Smiley. Napakuyom na lang ang kamao niya nang mabasa ang mensahe ni Penelope. [Kung nais mong paglaruan ang damdamin ko, nanalo ka na. Do not disturb me in the future -Penelope] Binasa niya ang petsa kung kailan nito iyon ipinadala. Tatlong araw matapos nila mag-usap. ''Did she wait for me for three days?'' Kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa isipin na hinintay siya nito ng tatlong araw. Pero heto siya at tatlong linggo bago niya nabasa ang mensahe nito. Hindi pa nga tapos ang problema kung tutuusin hanggat nabubuhay si Captain H. Hindi niya masisisi ang dalaga kung isipin nito na pinaglaruan niya ang damdamin nito. Nagsimula siya na magtipa sa laptop. [I''m sorry. Something happened in the last three weeks -Smiley] Nakita niya na binasa nito ang mensahe niya ngunit hindi ito sumagot. [I''m sorry. It''s not my real intention - Smiley] Hindi muli ito sumagot. Hindi niya maaaring sabihin dito ang mga ginawa niya para na rin sa seguridad ni Penelope. Nalungkot si Prince Hanz. He was almost there pero sinira ni Captain H ang plano niya. Sinira niya ang pangako niya sa dalaga. Binaba niya ang cellphone at pinatawag si Arthur para alamin kung nasaan sa ngayon si Penelope. Saglit lang at naroon na ito sa kwarto niya. He is facing the window. Ayaw niyang makita ng kahit na sino ang tunay niyang nararamdaman at baka pagtawanan siya nito. "P-prince, according to the source, she''s in the Philippines¡­ Hindi siya tumatanggap ng trabaho sa loob ng tatlong linggo." sagot ni Arthur. Seryoso lang si Prince Hanz na nakatingin sa labas ng bintana. Napalunok si Arthur. He knew that Prince Hanz messed up this time with the girl he likes. At guilty siya sa bagay na ito dahil siya ang nagmungkahi sa prinsipe na kitain si Penelope. Chapter 422 - Penelope and Hanz: weakness Nang tumunog ang cellphone ni Baba dahil sa email notification, mabilis na sinilip niya agad ang mensahe. Para bang naging normal na reaksyon niya na iyon sa loob ng mahabang panahon. Pinagalitan niya agad ang sarili. Halata na iba talaga ang epekto ni Smiley sa pagkatao niya. Nanghihingi ng tawad sa kanya ang lalaki. Binasa niya lang iyon at hindi sinagot. Gusto niyang isipin na kalilimutan niya na ito. Marami naman siyang iba pa na manliligaw. Hindi niya alam kung bakit sa iisang tao siya umasa. She was really hurt lalo na at sa loob ng tatlong linggo ay hindi ito nagparamdam sa kanya. Halos nawalan na nga siya ng gana na magtrabaho. Hindi niya na hahayaan pa na magkaroon ng ugnayan dito. Hinihintay niyang sabihin nito ang rason kung bakit hindi ito sumipot ngunit tanging ''Sorry'' lang ang nabasa niya sa mensahe nito. Malungkot na nagsulat siya sa kanyang music sheet ng mga nota. Expressing the sadness she felt at that moment. ===== Mahigit isang taon muli ang lumipas. Isang malaking balita ang umikot sa pamilya ni Baba. Namatay ang asawa ni Cally dahil nahulog ang babae sa bangin sa laban nito sa descendant ng Peter na si Gon. Para makiramay, sumabay siya kay Christen na nag-aaral sa Paris bilang pharmaceutical doctor patungong Kent Mansion para dalawin ang kinakapatid niya na si Cally. Iilang oras lang naman ang biyahe mula sa Paris kung saan din siya nakatira sa kasalukuyan patungong UK. Sa loob ng mahigit isang taon, patuloy sa pagpapadala ng bulaklak sa kanya si Smiley tuwing may pupuntahan siyang okasyon. Patuloy rin sa pag-email sa kanya ang lalaki ngunit hindi niya na ito sinasagot hanggang sa humingi siya ng tulong sa pinsan na si Mat-mat. Nanghingi na siya ng tulong dito na gawan ng paraan na hindi na makatanggap ng mensahe mula sa email address ni Smiley dahil sinaktan talaga nito ang damdamin niya. Hindi ba nito alam na hindi pa siya nagkaroon ng boyfriend sa nakalipas? hmp! Hangga''t maaari ay ayaw niya nang magkaroon pa ng ugnayan sa lalaki at gusto niya na mag-look forward sa personal niyang buhay. "Ate Baba, nauna pa na mag-asawa sa iyo si Cally. Wala ka bang plano na mag-asawa?" tanong ni Christen habang kumakain sila ng agahan nito sa Kent Mansion. "Wala pa akong napupusuan." simpleng sagot niya. "Hindi mo ba trip si Kuya Dylan?" Halos masamid siya sa sinabi nito. "Nah. he''s a friend. isa pa, may girlfriend siya" sagot niya bago sinubo ang isang slice ng tinapay. "Mukhang sa ''yo may gusto ang bestfriend mo. Sa tingin ko, na-friendzone siya sa iyo" tudyo ni Christen. Tiningnan niya ito ng masama. Kahit papaano ay siya pa rin ang pinakamatanda sa lahat sa henerasyon nila. "He''s a brother to me." sagot niya sa panunudyo nito. Kung tutuusin, hindi niya talaga makita ang sarili kay Dylan Tumango na lang si Christen. Wala itong magagawa kung hindi talaga trip ni Baba ang matalik na kaibigan na si Dylan. "Marami akong kilala na doctor. Gusto mo ba na ireto kita sa blind date?" tanging nasabi ni Christen. Baba "..." Malamang na napag-utusan din ito ng magulang niya. Halos pitong taon na nga siya na umasa sa kanyang imaginary boyfriend na si Smiley. Papayag pa ba siya muli sa suhestyon nito sa panibagong blind-date? "Huwag kang mag-alala, darating din si Mr. right" nakangiti na sagot niya dito. Matalino si Christen kaya hindi na siya nito kinulit pa. == Tatlong araw lang siya na nagstay sa Kent Mansion para makipag-bonding kay Madam Lira at aliwin si Cally. Bumalik rin siya sa Paris kasabay ni Christen matapos ang tatlong araw. Fashion week sa kasalukuyan kaya busy siya sa mga susunod na araw. Bukod sa pagiging piyanista, nag-eenjoy din siya sa iba pa niyang ginagawa tulad ng designing. Recently nag-eenjoy siya bilang stylist ng kung sinong celebrities at sa mga modelo para sa fashion magazines. Nag-eenjoy din siya bilang designer ng jewelries. Talagang nagpaka-busy siya sa buhay sa loob ng isang taon. Samantala, sa lugar ni Prince Hanz. nakatanggap siya ng email mula kay Captain H. Alam niya na siya ang puntirya nito dahil siya ang utak sa mga kilos ng depensa ng tatlong bansa na gusto rin nitong paghimagsikan. Ang Sweden, Norway at Denmark. [Don''t let me know your weakness Prince Hanz -Captain H] Kinilabutan siya sa banta nito. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Iisa lang naman ang weakness na mayroon siya sa kasalukuyan at iyon ay si Penelope. He just hope na sana ay hindi nito malaman ang tungkol sa dalaga. Chapter 423 - Penelope and Hanz: Love Drug Ilang buwan pa at isang balita ang natanggap ni Baba. Nawawala si Christen at si Doc Mikko na kasama nito sa pag-aaral ng paggawa ng gamot sa Paris. She was also in Paris para sa isang event kaya naman nag-alala siya sa dalaga. Nagkaroon lang ng kaginhawaan ang lahat nang mailigtas ang dalawa ng Dark Guards sa sindikato matapos ang isang linggo mula nang mawala ang mga ito. The person behind her missing doesn''t know Christen and Doc Mikko''s real identity. Palibhasa ay kapwa down-to-earth ang dalawa at nabubuhay ng simple. Walang nakakaalam kahit sa eskwelahan nito na prinsesa ng Dark Lords si Christen Park at anak ng isang bilyonaryo si Mikko Jang sa Asya. Someone dared to mess with their life. Hindi naman nabigo ang grupo ni Cally na malaman kung sino ang salarin. Inggit ang dahilan kung bakit nawala ang dalawa. Then, Cloud Han made an action for his dear daughter. Hayun at nasa secret bas.e.m.e.nt sa Kent Mansion ang salarin sa ngayon kasama ni Bantay. Dinalaw niya ang kinakapatid sa tahanan ni Mikko Jang na nasa kalapit na probinsiya ng Paris. Kahit papaano ay nasubaybayan din niya ang paglaki ng lahat ng anak ng Tita Ginny niya. Dinalaw niya rin ito para na rin tulungan ang sarili. Hindi na nagparamdam sa kanya si Smiley. Hindi na siya nakakatanggap ng bulaklak mula dito. It''s as if kinalimutan na rin siya nito. She felt stupid para hintayin ang isang tao na walang intensyon sa kanya. Pakiramdam niya ay nauto siya nito ng sobra. Elegante at malawak ang villa ni Doc Mikko. She could tell na mayaman talaga ito. Malaki ang kinikita nito sa kumpanya at malaki rin ang kita nito bilang doktor kaya hindi na siya nagtaka na may Villa ito sa bansang iyon. Ilan ang bodyguards na nadatnan niyang nagbabantay sa dalawa sa Villa ni Doc Mikko. Nagdagdag pa ang mga Han para mabantayan ang prinsesa ni Cloud Han. Niyakap niya si Christen nang makita niya ito. Hindi halata sa anyo nito na dumanas ito ng hirap sa loob ng isang linggo. Naglalaro ito ng online game sa cellphone habang naka-indian sit sa sofa nang datnan niya. "How are you?" Tanong niya agad. "I''m good, Ate Baba. May boyfriend ka na?" Baba "..." Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy ang pag-usisa niya sa lagay nito. "What really happened?" Pinutol muna ni Christen ang paglalaro at nagsimulang magkwento kay Baba. Pinasok ng isang hindi kilalang organisasyon ang school kung saan naroon si Christen at si Doc Mikko. Dinala ang dalawa sa kalapit na probinsya sa loob ng bansang France para gumawa ng gamot. "What kind of drug?" usisa niya kay Christen habang nakakunot ang noo. Hinarap siya ni Christen saka nito sinagot ang tanong niya. "A Love Drug." Lalong kumunot ang noo ni Baba. "They kidnapped us to create a Love Drug, Ate Baba." Base sa expression ni Christen sa seryosong awra nito, sa tingin ni Baba ay hindi maganda ang gamot na Love Drug. Nilawakan nito ang pagbigay ng detalye. Ayon kay Christen, isang aphrodisiac ang Love Drug. Kapag nakainom ng gamot na ito ang kung sino man, there was no way to escape having s.e.x to his partner. "Mikko and I completed the task in three days. Nagawa namin ang gamot and we see the actual result sa mga sumunod na araw." "Makakaramdam ng sakit sa kasarian ang kung sino man na iinom nito hangga''t walang contact na mangyayari. The victim will feel hot inside his body. Mararamdaman ang pagkahilo. He will not think anything but to have s.e.x with his partner. Kapag lumagpas ng anim na oras nang walang contact¡­ he will die." seryoso na paliwanag ni Christen. "We see the Guinea Pig died after six hours. But... he is a human." may namuong luha sa mata nito. "You mean, there was no way but having s.e.x once you took it?" Tumango si Christen. She has a guilty look on her face. "Unfortunately, we created hundreds of thousand drugs, Ate Baba and it was already in the Black Market bago pa kami maligtas." nakayuko na saad nito. "Kung hindi lang sana namin ginalingan. But one of us will die kapag hindi namin sila sinunod." Niyakap niya si Christen. Kita niya ang tapang sa mukha ng dalaga pero ramdam niya ang kalungkutan at pinaghirapan nito. She created a bad drug na hindi nito gusto. In order to survive, kinailangan nitong gumawa ng gamot para sa kasamaan. Nakipaglaro na lang siya ng online games sa dalaga para ma-divert ang atensyon nito. Chapter 424 - Penelope and Hanz: He felt her sadness Simula nang makatanggap si Prince Hanz nang banta kay Captain H, iniwasan niya na ang magpadala ng kahit bulaklak kay Penelope. It''s as if he forgot about her. But she doesn''t know na patuloy siya na nagpupunta sa mga concert nito. Hiding in the dark. Watching her from the crowd of audiences. He noticed that she plays sad songs that she composed in her concerts . The host said that she composed those songs just recently. He felt her broken heart while she played those keys. Hindi niya alam kung para saan. He is missing her replies kahit sa email lang. Pero wala siyang magawa kung hindi ang umaktong normal sa paningin ng lahat. Tuwing manonood siya ng concert nito, iba''t-ibang babae ang kasama niya. He started dating women para maguluhan si Captain H sa pagmanman sa kanya kung sino ang talagang gusto niya. His parents are happy dahil nag-iimbita siya ng kung sinu-sino sa royal house ng pamilya without knowing the real reason kung bakit niya ito ginagawa. But they are not happy with the girls he brought with him. Most of them are celebrities na ninanais na maging asawa ni Prince Hanz. Most of the girls are gold diggers, kaya naman hindi siya masyadong guilty sa mga ito. Iyon naman talaga ang rason kung bakit ang mga ito ang napili niya. Ayaw niya na may magustuhan ang magulang niya sa kahit na sino sa mga babae na dine-date niya. One day, one of the girls has fallen in Captain H''s trap. A group of people barged in her house at ninakawan ang dalaga dahil lang sa tatlong beses siya nitong sinamahan sa mga lakad niya. Nabaril din ito sa balikat. All he could do is to compensate her. Hindi niya sinabi dito ang dahilan na pinagbantaan siya ni Captain H. ==== Nasa New York si Prince Hanz para panoorin ang concert ni Penelope, may kasama siyang sampung bodyguard. Kaya naman agaw-pansin din siya sa ibang mga parokyano. Nang matapos ang concert, tumuloy sila sa hotel para ihatid ang ka-date niya. Pero nagtagpo ang mata nila ni Penelope sa lobby. Nagulat siya na naroon din ang dalaga. Hindi niya alam na magtatagpo ang landas nila sa iisang hotel. He tried to act normal pero huminto ang dalaga sa harap niya na halos pagpawisan siya. Pinigilan ito ng ilan sa mga body guard na kasama niya pero agad din naman na umiwas nang pagalitan ni Arthur. Nilipat ni Penelope ang mga paningin mula sa babaeng kasama niya patungo sa kanya. He doesn''t know what''s in her mind. It''s as if she hides it inside her core. Then, she smirked. "I can see that you are doing great, You''re not just a stalker but a womanizer!" Matapos na sabihin ni Baba ang mga iyon ay tumalikod na ito para layuan si Prince Hanz. Napatigil ang prinsipe sa pagkilos. Kumuyom ang mga kamao niya. Kung ganoon may ideya si Penelope na siya ang nasa likod ng katauhan ni Smiley. Hinatid na lang niya ang kasamang babae sa kwarto nito para makapag-isip ng maayos. ==== Hindi akalain ni Baba na ang pagharap niya na iyon kay Prince Hanz ang magdadala sa kanya sa kapahamakan. The spy reported the scene to Captain H. Nakangisi ang terorista na mabilis na gumawa ng aksyon. Naisip pa lang ng grupo na posibleng may ugnayan si Prince Hanz at si Penelope dahil madalas na manood ang Prinsipe sa mga concert nito. Samantala, sa lugar ni Baba, she was really hurt. Hindi niya akalain na magkikita sila muli ng lalaki. Based on his expression it was confirmed that he is Smiley. Nagtungo siya sa kwarto na inupahan sa hotel na iyon at pinagmasdan ang mga bituin sa langit mula sa floor-to-ceiling window. Kasalukuyang alas nuwebe na ng gabi. Tahimik ang buong kwarto na para bang nakikiisa sa malungkot niyang lagay. Tila pinagsawa ang mga mata sa madilim na gabi. Napakislot siy dahil sa pagkabigla nang pumailanlang ang tunog ng cellphone niya sa buong kwarto. Nakita niya ang numero ng manager niya. She answered her call. "Penelope, come here in my room. May trabaho ako na i-di-discuss sa iyo." Gusto niyang aliwin ang sarili kaya naman pumayag siya na pumunta sa kwarto nito. Chapter 425 - Penelope and Hanz: No way to escape Lumabas si Baba ng suite para magpunta sa kwarto ng Manager niya na si Mrs. Moreau na umuupa sa kwarto na nasa ibabang palapag mula sa floor niya. Nakasabay niya pa sa elevator si Assistant Arthur. Nabigla ito nang pumasok siya. Sa tingin niya ay nasa itaas na palapag ang Boss nito kung saan ito galing. Panay ang lingon nito sa kanya na para bang interesado ito sa kung saan siya pupunta. Kilala ni Baba ang lalaki dahil madalas itong kasama ng lalaking may berdeng mga mata. His identity is secret. ''Palibhasa, nakakauto siya sa ganon''. Sobrang asim ng mukha niya hanggang sa tumunog ang "ding!" ng elevator at lumabas siya. Nilingon niya si Assistant Arthur matapos humakbang sa linya palabas. Nakita niya na nagrolyo ang lalamunan nito na halatang kinakabahan ito sa kanya dahil huminto siya para harapin ito. ''Hmp palibhasa, may kasamang babae ang amo niya'' isip-isip ni Baba. Lalong hindi maipinta ang mukha niya. "Tell your Master, I don''t want to see his face ever again." sabi niya dito bago tuluyan na iniwan ito nang nakaawang ang labi. Arthur "..." Gusto niyang isumpa ang lalaki na may berdeng mga mata. Tinungo niya ang room number ng manager niya at huminto sa tapat ng kwarto nito. Mahinang kinatok niya ang pintuan. Hindi naman siya nagtagal sa paghihintay at bumukas ang pintuan nito. "Come in¡­" pinatuloy siya nito sa loob. Pumasok si Baba sa kwarto. Isang French ang babae at mid-forties ang edad. Hiwalay sa asawa at may dalawang anak na babae na parehas teen-ager. "Do you want tea? Or water?" Tanong nito matapos umupo ni Baba sa malambot na couch "Just water" Sagot niya. Nagpunta ito sa fridge. Nagsimula naman na magkwento ang manager niya. May fan daw siya na nasa Texas, 12 years old na batang babae pero may sakit na cancer. She asked if Penelope wanted to visit the kid. May trabaho din daw para sa kanya sa America sa susunod na ikalawang buwan. Nag-isip si Baba. Hangga''t maaari, gusto niya rin na magpaka-busy. Mrs. Morneau handed her the glass of water. "Your album will be released next month." sabi nito. Ngumiti lang siya ng simple saka uminom ng tubig na bigay nito. Kung tutuusin, may mga recording studio na gustong bilhin ang mga compositions niya para lapatan ng awit but she declined all of them. Marami ang nagtaas ng kilay but she doesn''t care. Nagawa niya ang lahat ng mga scores na iyon sa loob ng isang taon. They wouldn''t understand what she felt when she created those music scores. It was her personality. Ang mga tugtog na iyon at siya ay iisa. kapag nalagyan na ng awit ang mga scores ay mawawala na ang pagkatao niya sa mga ito at ayaw niya na mangyari iyon. At para manahimik ang lahat, she officially submitted her scores for a record album. Nakakatawa lang na isipin na ang mga chords na nabuo niya dahil sa kalungkutan ay kukuha ng attention mula sa publiko. Marami pa silang napagkwentuhan tungkol sa trabaho. Napuna niya na wala sa sarili ang manager niya. Ilang saglit pa ay nakaramdam ng pagkahilo si Baba. Then, she looked at her manager. "Wh-what did you put inside my water?" Diretsong tanong niya. Imposible na bigla na lamang siyang makaramdam ng pagkahilo. "What do you mean, Penelope?" Tanong nito pero lihim na pinagpapawisan. There was no way na umamin ang manager niya na may nilagay ito sa tubig. "You-you.." pinilit ni Baba na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Sobra ang pagkahilo niya at halos hindi siya makatayo ng diretso. Then, she heard footsteps from the balcony. Pinilit ni Baba na ituon ang atensyon sa nagaganap. She met four green eyes. "Mrs. Morneau! What are you planning to do?!" Sigaw niya kahit hindi halos hindi niya na makita ang babae. "We will play, Baby" kahit hilong-hilo ang pakiramdam ni Baba ay kinilabutan siya sa narinig. "I''m going out, please release my daughter! Penelope, I''m sorry..." nagsimulang umiiyak ang babae. Sinampal ito ng isang lalaki. Kahit masama ang pakiramdam ni Baba sa mga oras na iyon, kinuha niya ang base at hinagis sa kung sino mang bulto ang naroon sa kwarto. May nadampot siyang figurine at hinagis rin dito. "She''s pretty, we are lucky." "You are right brother!" "There was no way to escape, Baby. You took a love drug. The most powerful aphrodisiac on the planet. Ha ha ha!" Parang gago ang lalaki na tumawa na nagpakilabot sa balat niya. Saglit na natigilan si Baba sa nadinig. Kahit naman hilong-hilo siya ay hindi pa tuluyan na nawawala ang katinuan niya. Pinilit niya na mag-isip ng gagawin. Kabisado niya ang room number na iyon dahil madalas na doon umuupa ng kwarto ang manager niya sa hotel na iyon. Binuhos niya ang lahat ng lakas para ihagis ang mga nadampot niya habang tinutungo ang pinakamalapit na kwarto. "F*ck!" Halatang natamaan niya ang lalaki kaya nagmura ito. Abot-kamay na sana siya nito ngunit nakapasok na siya sa pinakamalapit na silid at ni-lock ang sarili mula sa living room kung nasaan ang dalawang lalaki. Mga mabibigat at malalakas na katok ang naririnig niya mula sa pintuan. She doesn''t know what to do. When she heard ''Love Drug'', she knew it was her end. Chapter 426 - Penelope and Hanz: Youll know the consequences Samantala, sa kwarto ni Prince Hanz. Isang tawag ang gumambala sa kanya. "You are smart Prince Hanz. Unfortunately, your dear little fairy still ends up in my hands. Ha ha ha!" Natigilan si Prince Hanz. "She was playing with my two boys. Tsk tsk. She can''t escape death kung hindi siya makikipaglaro." Pinilit niyang pakalmahin ang sarili. "What do you mean by that? Three of my bodyguards are guarding my girlfriend." "Tsk tsk! You''ll know what I mean." Matapos iyon ay nawala na sa linya si Captain H. Nakuyom na lang ng prinsipe ang mga kamao niya. Hindi kaya nakatunog ang lalaki nang magkita sila ng dalaga sa lobby ng hotel na iyon? Kapag may nangyari sa dalaga, sisiguraduhin niya na mawawala sa mundo ang bansa nito. He will not care about the consequences anymore. Mabilis na kumilos si Prince Hanz. Sakto naman na nakabalik si Arthur sa suite niya. "Lock the whole hotel and find Penelope!" utos niya. "Prince, I-I saw her. She... She told me, she doesn''t want to see you ever again." nakayuko na sabi ni Arthur. Halos ayaw niyang ipaalam dito ang tungkol sa bagay na iyon. Natigilan si Prince Hanz. Maybe Penelope was really hurt. A sudden pain hit him. Gaano kagalit sa kanya ang babae dahil sa mga ginawa niya? "Find her room as soon as possible! Walang lalabas o papasok sa hotel building na ito!" Mabilis na kumilos si Arthur. Lumipas lang ang five minutes at nakuha na nila sa hotel ang numero ng kwarto ni Penelope. Walang nagtangka na suwayin ang utos ni Prince Hanz sa mga hotel staff. Matapos makuha ng prinsipe ang numero ng kwarto ni Penelope, siya na mismo ang nagpunta sa suite number nito. "Pero prince, nakita ko na sa ibang palapag siya tumungo. Not on this floor." nagtataka si Arthur. "Then, go to that floor!" singhal niya na halos mapaatras ang assistant niya. Sumunod na lang ito na bumaba sa palapag kung saan din nito nakita na bumaba si Penelope. Wala na sa tamang katinuan ang prinsipe at hindi alam ang gagawin. Mabilis ang mga hakbang na tinungo ni Prince Hanz ang suite number kung saan naka-book si Penelope. Tatlong bodyguard ang sumusunod kay Prince Hanz para protektahan siya. Kinatok niya ang pintuan. Sa loob ng kwarto ay naroon si Mrs. Morneau. Kinuha niya ang key card ni Baba para makipagpalit ng kwarto kaya siya ang nadatnan ni Prince Hanz doon. Kinakabahan siya nang masilip sa peephole ang prinsipe at mga lalaki kasama nito sa labas. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Naging daan naman iyon, para sipain ni Prince Hanz ang pintuan at mabibilis ang mga hakbang na sinuri ang buong kwarto para hanapin si Penelope. "Who-who are you?" tanong ni Mrs. Morneau. "Where is Penelope?" matalim ang tingin na ipinukol ng Prinsipe sa Manager ni Baba. "She.. she''s not here." halos hindi ito makatingin "Where is she?" "I.. don''t know" kinakabahan na sagot nito. Alam ni Prince Hanz na nagsisinungaling ang manager. Nilapitan niya ito. He grabbed her neck. Natakot si Mrs. Morneau. "Please, please let me go. You can''t kill me." "You will know the consequences for not telling me the truth. If something happened to Penelope, hindi makakaligtas sa akin ang lahat ng pamilya mo." nanlilisik ang mga mata ng prinsipe at anumang oras ay mauubusan na ng hangin ang ginang. Halos mahilo na ang babae dahil sa higpit ng pagkakasakal dito. "Prince, we will handle this. Calm down." suhesyon sa kanya ng isa sa mga bodyguard. Kapag namatay ang babae sa kamay ng prinsipe, mas maliit ang tyansa na mahabol nila si Penelope. Natigilan naman ang manager dahil sa narinig. Binitawan ni Prince Hanz ang babae at galit na tumalikod para pakalmahin ang sarili. "Madam, I advise you to let us know where Penelope is. He is Prince Hanz of Westrogothia and the whole building has been locked down. Hindi ka makakatakas kapag napatunayan na may kinalaman ka dito." Natakot si Mrs. Morneau. Nagsimulang mahulog ang luha nito. "She''s in my room." sinabi nito ang numero. Takot na takot si Mrs. Morneau at hindi nito akalain na sa likod ni Penelope ay may prinsipe na handa itong iligtas. "Don''t let her escape." tukoy ng prinsipe sa manager. Wala nagawa si Mrs. Morneau kung hindi ang umiyak. Alam niya na wala siyang lusot sa nagawa. Chapter 427 - Penelope and Hanz: Longing Heart Mabilis na lumabas ng kwarto si Prince Hanz para puntahan ang suite number na sinabi ni Mrs. Morneau. Nagbigay na rin ng mensahe ang mga bodyguard na kasama niya sa grupo ni Arthur na nauna sa palapag kung saan naroon ang orihinal na kwarto ng ginang. Sinilip ni Prince Hanz ang mga numero sa itaas na bahagi ng elevator at nainip na siya na hintayin pa ang pagbukas nito kaya tinungo niya ang fire exit at halos tumakbo siya na bumaba patungo sa palapag kung saan naroon si Penelope. Hiningi naman ni Arthur ang spare key ng suite sa front desk. Kinakabahan din siya sa nagaganap. Alam niya na wala sa tamang katinuan si Prince Hanz. He was together with Prince for a couple of years. Nasubaybayan niya ang prinsipe sa mahabang panahon at alam niya na iba ang ugnayan na mayroon ang dalawa kahit hindi pa nag-usap ang mga ito sa personal. He just hope na sana ay maayos ang lagay ni Penelope sa ngayon. ===== Samantala sa loob ng hotel suite, tulad ng sinabi ni Christen, pawis na pawis si Baba dahil sa sobrang init na nagmumula sa loob ng katawan niya. Masakit din ang pagkababae niya sa oras na iyon. Para bang nag-aapoy ang loob nito. Para siyang may dysmenorrhea sa sobrang sakit. Pinilit niya na mag-isip ng gagawin kahit sa kabila na parang kinakain ng sakit ng katawan ang lahat ng pag-iisip niya. She cried na halos hindi niya kayanin ang sakit. She went inside the bathroom. Saka niya ni-lock muli ang pintuan. Alam niya na anumang oras ay mapupunta rin siya sa kamay ng dalawang lalaki. But at least she did everything para iligtas ang sarili. Binasa niya ng tubig ang nag-iinit din na mukha niya nang makapa ang labatory sa loob ng bathroom na iyon. Halos masagi niya ang mga kagamitan sa loob dahil sa sobrang pagkahilo. Then, she tried to think deeper. Kinapa niya ang mga kagamitan sa loob hanggang sa mapihit niya ang gripo sa bathtub. Halos mamilipit si Baba sa sakit. Ramdam niya na may likido na tila gustong lumabas mula sa loob ng pagkababae niya. Matapos mabuksan ang malamig na tubig ng gripo ng bathtub, halos igulong na lang niya ang sarili para makapasok sa loob. Tapos, hinayaan niya ang sarili sa ilalim ng tubig na patuloy na bumubuhos. Sinandal niya lang ang ulo sa pinakagilid hanggang sa mawalan na lang siya ng malay. ==== Sinipa nang ubod-lakas ng dalawang lalaki ang pintuan ng kwarto kung saan naroon si Baba. Hindi nila natagpuan ang dalaga kaya nilingon nila ang bathroom sa gilid. Kapwa nakangisi ang dalawang lalaki na tinungo ang palikuran. Kinatok ng mga ito ang pinto. Naririnig nila ang lagaslas ng tubig mula sa loob. "Ha ha ha. Com''on babe. Come out and play with us" nilawayan pa nito ng dila ang paligid ng labi na para bang natatakam sa dalaga. Sinenyasan nito ang kasama para sirain muli ang pinto. Isang sipa lang ang ginawa nito at tumambad sa dalawang lalaki ang katawan ng dalaga na nakalublob sa umaapaw na tubig ng tub. Tanging mula colarbone hanggang ulo na nakasandal sa gilid ang kita sa dalaga. Tumawa ang dalawa. There was no way na makaligtas si Penelope sa kamay nilang dalawa. Hinawakan ng isa ang walang-malay na si Baba para buhatin at ilabas sana sa bathroom nang makarinig sila ng mga yabag. ==== Matapos huminto ni Prince Hanz sa tapat ng suite number na binigay sa kanya, hindi niya na hinintay si Arthur na paakyat pa lang sa elevator dahil kinuha nito ang spare key. Sinenyasan niya ang bodyguards na sirain na ang pintuan. Sinunod naman siya ng dalawa at hindi nagtagal ay nasira ng mga ito ang pinto. Mabilis na hinanap ng prinsipe ang dalaga ngunit wala ito sa living room ng suite na iyon. Tinungo nila ang kwarto at natagpuan niya ang dalawang lalaki na nasa palikuran kasama ni Penelope. Nabigla rin ang dalawang lalaki. Nagdilim ang paningin ni Prince Hanz nang makita si Penelope na nakalublob sa tubig at walang malay. Hindi na nagdalawang-isip ang prinsipe na ginulpi ang dalawang lalaki. Halos masira nila ang gamit sa loob ng kwarto, hanggang sa mawalan na lang ang mga ito ng malay dahil sa pagkakagulpi ng prinsipe. Halos magdugo ang mga kamao ni Prince Hanz. Nabigla rin pati ang mga kasama niyang bodyguards. "Ahhh!" hiyaw ng dalaga mula sa loob ng palikuran. Parang nagbalik naman sa reyalidad ang prinsipe at pumasok sa loob ng palikuran. Kita niya sa mukha ni Penelope na nahihirapan ito sa lagay nito kahit nakapikit. Kapit na kapit ang kamay sa gilid ng bathtub. Nilapitan niya ang dalaga. Mabilis na lumiit ang espasyo sa pagitan nila. He held her, closer. Parang guminhawa naman ang pakiramdam ni Baba dahil bahagyang nawala ang hirap sa mukha nito. Hinawi ni Prince Hanz ang lahat ng hibla ng buhok ng dalaga while holding her. He can''t help but to kiss her to treat his longing heart, to taste all the sweetness in her mouth. Natapon na sa katawan ni Prince Hanz ang tubig mula sa gilid ng tub pero wala na siyang pakialam pa. Chapter 428 - Penelope and Hanz: Give me more time Tinapos lang ni Prince Hanz ang halik na iyon nang sa palagay niya ay kontento na siya. Kinupkop niya ang dalaga mula sa tubig para ilabas sa bathroom na iyon. Hindi na niya pinansin pa ang ibang tao na nasa paligid. Nawala ang bakas ng galit sa mukha niya habang bitbit si Penelope. All of his focus was on her face. Pinagmamasdan ang bawat galaw ng mukha ng dalaga. Napalunok na lang si Arthur nang makita na bitbit niya ang dalaga na papalabas sa suite na iyon. Masyado kasing magulo ang kwarto gawa nang mga basag na gamit. Wala na sa tamang ayos ang lahat. Duguan din ang dalawang lalaki dahil sa pangugulpi ng prinsipe. Hindi na siya nagbigay ng utos sa mga ito kung ano ang gagawin. Alam ng mga kasama na kung kinakailangan na iuwi sa Sweden ang dalawang lalaki ay gagawin nila makakuha lang ng impormasyon tungkol kay Captain H. Wala rin makapag-komento o magbigay ng tanong sa lahat na kasama ng prinsipe. They don''t know what''s in prince''s mind. Bitbit si Penelope ay lumabas sila ng suite na iyon. Ang iba ay naiwan para bantayan ang dalawang lalaki na nagulpi. Tumutulo mula sa basang katawan nila ang tubig sa carpet ng hallway. Tahimik naman na sumusunod si Arthur at ang iba pang bodyguard ni Prince Hanz. Umakyat sa pinakamataas na palapag ang prinsipe at tinungo ang silid niya sa hotel na iyon. Panaka-naka ay nakikita niya na nahihirapan si Penelope. Humihigpit din ang kapit nito sa polo na suot niya. Sinisisi niya ang sarili sa nangyari dito. Kung mas naging maingat lang sana siya. Kung mas naprotektahan lang sana niya ang dalaga. He asked Arthur to open his royal suite. "Prepare a new dress for her. No one is allowed to enter." utos niya bago tuluyan na pumasok sa loob. Napalunok na lang ang lahat dahil hindi nila alam kung ano ang nasa isip ni Prince Hanz. Naiwan sila sa hallway na nagkatinginan. "Arthur, who is she?" tanong ng isang bodyguard. Hindi sumagot si Arthur sa halip, nagpunta sa security ng hotel para itago ang lahat ng ebidensiya. Hindi dapat malaman ni Captain H kung ano ang nangyari sa hotel na iyon ngayong gabi. Samantala sa loob ng kwarto, prince heard sobs from Penelope. "It hurts..." "I''m here, Penelope." para bang pati ang hirap na dinadanas ng dalaga ay nararanasan niya rin. Naguguluhan siya kung bakit mainit ito tapos ay panaka-naka na bumabakas sa mukha nito ang sakit sa kung saan mang parte ng katawan nito. He knew Penelope has been drugged. Nilapag niya ang dalaga sa carpet para suriin. She curled herself on the carpet. He touched her soft cheeks like a precious diamond. Bahagyang nagdilat ang mata ng dalaga. Nabigla na lang siya nang i-angkla nito ang mga braso sa leeg niya. She reached out to kiss him. Bahagya siyang na-off balance. Mas nabigla si Prince Hanz nang kusa siyang halikan ni Penelope. All he could do is to return her sweet kisses. The tip of his tongue swirled around her lips and then he took her in his mouth. He slowly teased her while squeezing her body expressing his desire for her. "I¡­ I¡­ need you.." she said in her delicate voice. Tila naging daan naman iyon para lumabas ang natutulog na animal sa katauhan ng prinsipe. He kissed her white neck, leaving traces. "ohhh¡­" a small grasp came out from her small mouth. Naging mapangahas ang halik ni Baba na ikinabigla ng prinsipe. Mahigpit ang kapit ng dalaga sa prinsipe. Hindi niya napigilan na sirain ang long dress na suot ng dalaga. Hindi na siya nakapag-isip pa. Part of his senses wanted to stop, but how? Ayaw niya na samantalahin ang pagkakataon na wala sa katinuan si Penelope pero wala na siyang magagawa pa kundi sundin ang nais ng kalooban niya. He wanted her so much. Binuhat niya muli ang dalaga at ipinatong sa ibabaw ng kama bago niya ito pinakubabawan. === Penelope bit his neck dahil sa sobrang sakit ng pagkababae niya. There was no word coming out of her mouth. She wanted to tell him that she needed his help, whoever this man is. She needs his help in order to survive. Her eyes are blurry. All she can say is that the man on top of her ripped her clothes, touching and kissing all part of her body. His kisses were sweet and nice that made her want him more. Soon two bodies became one. === Prince couldn''t stop his desire. He used her body over and over again until both of them were satisfied. Hanggang sa maging normal ang temperatura ni Penelope. Tumabi siya sa dalaga na walang malay dahil sa sobrang kapaguran. He pulled her closer in his embrace. "Give me more time Penelope and I will give you the whole world" he kissed her forehead saka siya natulog. Hindi alam ni Prince Hanz kung anong oras siya nagising dahil sa malalakas na katok. Para hindi magising ang dalaga. Kinuha niya ang roba na nasa cabinet at hinarap ang kung sino man na kumakatok sa labas. Si Arthur ang nabungaran niya. Hindi na nito kailangan pang isipin kung ano ang ginawa niya sa loob kasama si Penelope. Natatakot ang lalaki sa sasabihin niya but he continued. "Prince, an attack came in Medelpad province. Your parents and the King... are looking for you. W-we have to go back as soon as possible." nakayuko na sabi nito. Nilingon lang ni Prince Hanz ang kwarto na nasa gilid niya kung saan tahimik na natutulog ang dalaga, as if he was looking at her. Chapter 429 - Penelope and Hanz: Locked herself from public Two months had passed, Sa loob ng dalawang buwan, nag-stay si Baba sa loob ng Kent Mansion. She needed security at sa Kent Mansion niya lang iyon makukuha. Tanging si Cally lang ang nakakaalam kung ano ang nangyari sa kanya nang nakaraang dalawang buwan. Nanghingi siya ng proteksyon dito dahil naging biktima siya mismo ng Love Drug. Love Drug na si Christen mismo ang may gawa kaya guilty ito sa nangyari sa kanya. Ayon kay Cally, nakakulong ang manager niya sa ngayon doon sa Paris. Hindi na siya nag-abala pa na tanungin si Mrs. Morneau kung bakit nito iyon nagawa. Ang dalawang lalaki naman ay nalaman nila na parehas na terorista kaya nasa kamay ngayon ng kaharian sa Sweden. She told Cally to keep everything a secret at ginalang naman nito ang desisyon niya. Para na rin hindi magkaroon ng hindi-pagkakaunawaan sa pagitan ng mga pamilya nila. Madami-dami rin ang nakasamaan niya ng loob sa mga nakalipas. Kasali na dito ang mga manliligaw niya noon, mga natalo niya sa kompetisyon at iilang mga kilalang tao na diretsahan niyang tinanggihan sa trabaho. Kaya naman, nanghingi siya ng tulong dito. Matapos niyang magising mula sa isang hindi kilalang kwarto noon, si Cally agad ang unang naisip niya. There were marks on her body. If not for the fact that she will be dead, baka hindi siya nakipagsiping sa lalaking nakasama niya. Mabuti na nga lang at nandoon si Cally sa kalapit na bayan sa Paris. Tila naging sandalan nila ang isa''t-isa dahil nagluluksa rin ito sa pagkamatay ni Prin nitong huling laban. Both of them locked themselves in Kent Mansion. She use Kent Mansion''s satellite phone para kamustahin paminsan-minsan ang papa at mama niya. Hindi siya nag-iiwan ng bakas at literal na para siyang bula na naglaho sa mata ng publiko. Outside, no one knew where Penelope was. At sa panahon na ito nagsimula ang pagiging mailap at masikreto niya sa publiko. Sa sobrang sikreto ng lugar ng Kent Mansion, walang nakaalam na naroon si Baba, kabilang si Prince Hanz. The prince was looking for her for two months but she disappeared like magic without leaving traces. Kaunti na lang at matatapos na ang problema niya kay Captain H at sa Country Z. Nag-aalala siya sa kalagayan ni Penelope. Ilan na ang imbestigador na pinaalis niya para hanapin ang dalaga ngunit nabigo ang lahat ng tao niya na matunton kung nasaan ang kinaroroonan nito. ==== London. Spring Season. Flowers bloom during the season. The whole city is at its most colourful this time of the year. Baba called her best friend Dylan para dalawin siya nito dahil ang lalaki ang pinag-ayos niya sa mga huling trabaho niya na naiwan. Nakasama niya na ang lalaki sa halos kalahati ng buhay niya. They were friends since she started her music schooling in Germany. Kinita niya ang lalaki sa isang hotel sa London kasama si Cally. She just wore a simple dress which compliment the season. Nasa isang sulok sila sa coffee shop malapit sa glass window. Tatlo lang sila na nakaupo sa isang table. Habang dalawang Dark Guard ang lihim na nagbabantay sa kanila. "How are you? Bakit kailangan na pati ako ay layuan mo?" halata ang pagtatampo sa mukha ni Dylan. "Dylan, I''m pregnant" sa halip ay sagot ni Baba. Walang bahid ng pagkahiya sa mukha niya at diretso na sinalubong niya ang mata nito. Baba decided to continue her pregnancy. All she has is this baby. Natigilan ang lalaki. Kahit si Cally ay napalingon sa ate Baba niya. Parehas na sumama ang awra ng dalawang lalaki. "Wh-who is the father? How come I never knew you have a boyfriend?" bahid ang pagdadamdam sa mukha nito. "I don''t have a boyfriend, I just want a baby". Sabi niya dito. Sapat nang si Cally lang ang nakakaalam sa nangyari sa kanya. Saglit itong natahimik. Tila may dumaan na anghel sa pagitan nila bago muli ito nagpatuloy. "Babe, I am willing to be the father. Handa ako na... magpakasal sa iyo." Si Baba naman ngayon ang nabigla at hindi alam ang gagawin dahil sa sinabi nito. Tumikhim si Cally. Bigla ay para siyang naging third-wheel sa dalawang ito. He knew Dylan''s family and he knew na lihim itong nagmamahal sa ate Baba niya. Alam ni Cally na safe si Baba sa lalaki. "Maiwan ko muna kayo" saad ni Cally. Tumayo siya at tutunguhin na sana ang palabas nang limang tao ang papasok sa loob ng kapehan. Sinenyasan niya ang dalawang Dark Guard na maging alerto. Hindi nga siya nagkamali dahil patungo ito sa direksyon nila. "Stop right there!" utos ni Cally. Huminto naman si Arthur at apat pang kasama tatlong metro ang layo sa mesa nila. Naiwan sa sasakyan ang prinsipe nila na nasa tapat ng store na iyon at lihim na nakatingin kay Baba na nasa tabi ng bintana. Kitang-kita niya ang kabuuan ng dalaga mula sa sinasakyan. "My master wants to talk to Penelope." hiling ni Arthur. Humarang si Cally at ang dalawang Dark Guard para hindi makita ng mga ito si Baba. Tumayo si Baba at sinalubong ang mata ni Arthur. "Nasabi ko na, I don''t want to see your Master anymore" sabi niya dito. Lalo na ngayon na namomroblema siya. Ayaw niya nang makita pa ang lalaki na may berdeng mata. Sinaktan nito ang damdamin niya at sa loob ng ilang buwan na pananatili niya sa Kent Mansion, she decided to stop her fantasy. "Miss Penelope, we are looking for you for months." "It does not concern me. Tell your Master. I don''t want to see him. I¡­I''m getting married." matigas na saad ni Baba. Halatang nabigla si Arthur. "Tell your Master to stop pestering me. That is my last wish!" Chapter 430 - Penelope and Hanz: Her Engagement Night Matapos tanggapin ni Baba ang matalik niyang kaibigan, tinakda ang petsa ng kasal nila. After three weeks, her engagement party came. Sa tahanan ng pamilya ni Dylan gaganapin ang nakatakdang pagtitipon. Hindi pa halata na nagdadalang-tao siya dahil maliit pa ang sinapupunan niya sa ngayon, idagdag pa na maluwag ang suot niya. It was a garden themed engagement. She was looking outside the window. Pinagmamasdan ang mga bisita na nagkakasayahan sa ibabang bahagi lang ng kwarto. No one knew that she was pregnant aside from Cally and Dylan. Sa totoo lang ay hindi siya kampante na magpakasal kay Dylan. Nananatili kasi na kapatid na lalaki ang tingin niya dito. "A penny for your thoughts?" Nilingon niya ito na bagong pasok sa isang guest room kung saan siya naroon. "Babe, what are you thinking?" nakangiti na tanong nito habang papalapit. "Dylan, don''t you think this is wrong?" tanong niya. Halata na pinipilit nito na magpakalma. Sa loob ng tatlong linggo, alam ni Dylan na napilitan lang si Baba sa nais nito. Pinipilit lang ng lalaki na maging normal tuwing tatanungin ito ng ganito ni Baba. "This is not wrong. Marrying you is not wrong." Lumapit ito sa kanya para yapusin siya ngunit mabilis na nakaiwas si Baba. Hindi pa siya sanay sa mga ganoong akto ni Dylan na para bang magkasintahan sila sa tunay na lagay nila. Ganoon yata talaga kapag nag-iba na ang estado ninyong magkaibigan at tanging kapatid lamang ang nararamdaman mo para sa kanya, nagkakaroon ng pader sa paligid mo dahil iba na ang trato niya sa iyo. "I''m going outside para harapin ang bisita." sabi niya dito. Naikuyom ni Dylan ang kamao nito dahil sa malamig na pakikitungo dito ng dalaga. Baba went outside the room. Hindi na niya napansin na matapos niyang lumabas, pumasok ang isang bulto sa kwarto kung saan siya galing. Tinungo ng dalaga ang wine bar at nanghingi ng maiinom. Mabilis na binigyan siya ng bartender ng champagne. Halik na niya ang labi ng kopita nang maalala niya na nagdadalang-tao nga pala siya. Ibinaba niya muli iyon. Nabigla siya nang tabihan siya ni Cally at agawin nito ang kopita na nasa tapat niya. "Water for the bride please" hiling ni Cally sa lalaki na nasa bar. Tumango ito at mabilis na binigyan ng maligamgam na tubig si Baba. "Thank you!" "You have to take care of yourself. Are you sure about this, Ate Baba?" Bulong na tanong nito. She looked up at Cally, meeting his lonely eyes. Sa palagay ni Baba ay parehas sila ng lagay ng Shi ng Dark Lords. "To be honest, I don''t know. But one thing is for sure, I want to keep the child because it was my own flesh and blood" Nakayuko na sagot ni Baba. "I''m 28 and ready to be a mother." "...But you are not ready to be a wife, is that it?" Hindi sumagot ang dalaga bilang pagsang-ayon kay Cally. "Kuya Dylan loves you but you love him as a brother?" puna lang ni Cally Nabigla na lang sila nang may maghiyawan mula sa ikalawang palapag. Inangat nila ang mga paningin at nakita si Dylan na sakal-sakal ang ex girlfriend nito. Nakalabas na ang ulo ng babae sa bintana kaya napasinghap ang mga bisita kabilang si Baba. Nagkatinginan sila ni Cally at mabilis na pumasok sa loob ng malaking bahay ng pamilya ni Dylan. Sumunod si Lorenz sa kanilang dalawa. Natagpuan nila ang mommy ni Dylan na kumakatok sa pintuan ng guest room. Umiiyak na ito. "Dylan, open the door!" Sumenyas si Cally. Pina atras nila ang ginang. Mabilis na kumilos si Shogun at sinipa ng malakas ang makapal na kahoy ng pintuan ng kwarto. Bumungad sa kanila si Dylan na nanghihina sa isang sulok tapos panay naman ang ubo ng ex nito at hagap ng hangin sa bintana. Nilapitan niya ang lalaki "Are you okay, Dylan?" "Babe, help me. It''s blurry¡­ and hot inside my body." nahihirapan na sabi. "She..she drugged me¡­" Natigilan si Baba at nilingon niya ang babae. Tumawa lang ng tumawa ang ex-girlfriend nito. "Tsk tsk tsk! Dylan, we did it for so many times, walang mawawala sa iyo kung may magaganap sa atin ulit, but you refused me for a couple of months. For what? For that bitch!" Nanlilisik ang mga mata ng babae habang nakatingin sa kanya. "Come on Dylan, I love you so much." Sa palagay nila ay nababaliw na ang babae. "It''s a Love Drug because I love you so much, you can''t escape from my love. We will be together soon¡­" sabi nito na nakatingin sa kawalan. "Call Christen!" utos ni Cally kay Lorenz. "Pero Shi, nasa abroad pa sila." "Just¡­ try!" Umiiyak naman ang Mommy ni Dylan. "Pen, what is happening to my son?" hawak nito ang mga kamay at para bang nagdadasal. Hinarap ng ginang ang babae. "You ingrate! How dare you do this to Dylan?!" sinampal nito ang ex-girlfriend habang umiiyak. "It''s you! Ikaw ang may kasalanan kung bakit hindi niya ako mahal! Mas gusto mo si Penelope kaysa sa akin!" tapos ay tumawa muli. "Let''s bring Dylan to a different room." suhestyon ni Cally dahil nakakasira sa mood niya para mag-isip ang nababaliw na ex ni Dylan. Inakay nito ang lalaki para mailipat sa ibang kwarto. "Babe, it hurts so much¡­ Help me" hawak ni Dylan ang braso niya. Nagkikiskis ang mga ngipin nito dahil sa sakit. Walang nagawa sa Baba kung hindi ang maiyak dahil naranasan niya ang parehas na nararanasan ng kaibigan niya ngayon. Para bang unti-unting bumabalik sa kanya ang mga naganap sa kanya halos tatlong buwan na ang nakaraan. Her friend is asking her help. At isa lang ang tanging gamot sa Love Drug. Alam na alam niya ang pinagdadaanan nito kaya panay agos ng luha niya. Chapter 431 - Penelope and Hanz: Her Bestfriend Hindi matigil ang pag-agos ng luha ni Baba habang nakatingin sa kaibigan na nahihirapan. Cally holds her hand. Inutusan nito na tanggalin ang pang-itaas na damit ni Dylan at ilublob ito sa bathtub na nasa loob ng kwarto nito. "Kuya Dylan, just calm down for the meantime. We will do our best." Sabi ni Cally dito. Lumapit si Shogun kay Cally at bumulong. "Shi, hindi pa namin ma-contact si Christen. Sa tingin ko, nasa ere pa silang dalawa ni Doc Mikko." Napapikit na lang si Cally at nilingon ang pintuan ng palikuran kung saan naroon si Dylan. Ang totoo niyan, hindi niya alam kung may gamot sa Love Drug but he believes in Christen''s ability. "Cally, what am I going to do?" naiiyak na tanong ni Baba. "Let''s wait for more time." isa ang panahon na ito na hindi alam ni Cally ang gagawin. Pinaalam na sa mga bisita na kanselado ang event sa gabi na iyon. Nasaksihan naman ng lahat ang nangyari kaya wala nang tanong ang mga malalapit na kaibigan nang pauwiin ang mga ito. Nakita rin ng mga ito na sinundo na lang ang ex-girlfriend ni Dylan ng isang patrol car dahil sa ginawa nito. Sa unang dalawang oras ay nanghihingi pa ang kaibigan niya ng tulong kay Baba pero sa mga sumunod ay naging tahimik na ito. She cried hard holding Cally saying how sorry she was. Paulit-ulit lang na sinabihan siya ni Cally na they will wait for more time. Matapos muli ang isang oras, hiniling niya na iwan sila ni Dylan sa kwarto. Nag-aatubili man, sumunod pa rin si Cally para magkaroon ng pribadong oras ang magkaibigan. Cally also knew na wala naman gagawin si Baba sa loob ng kwarto. Pero hindi maiwasan na mapatanong siya kung papayag si Baba sa gusto ng kaibigan nito. Nilapitan niya si Dylan na nakalublob sa tubig ng tub at hinawakan ang kamay nito. "Dylan¡­ You know that I can''t help you in terms of, you know¡­ I''m pregnant right now. Let¡­ Let me find someone instead." Ngumiti ito ng mapait. "I don''t want someone" Bakas pa rin ang hirap kay Dylan pero mas pinipili na nito ang kalmahin ang sarili kahit pa nga hindi na rin ito makapag-isip ng maayos. Iniinda na lang nito ang init at sakit na nagmumula sa loob ng katawan nito. "Penelope¡­" hindi na nabigla si Baba nang tawagin siya nito sa pangalan niya at hindi sa nakasanayan nito na ''Babe''. Nakatingin ito sa kanya na namumungay ang mata. "Do you know that I love you for more than a decade? But unexpectedly, you fell in love with another man; and unfortunately, you only treated me as your brother..." "I am always watching your performance on stage. Wherever you go, I go¡­ but you are always looking in a different direction as if you are finding that person in a thousand audiences. Looking for your ''Smiley'' who is sending you flowers¡­ Deep inside your heart, you can feel his presence kahit pa nga hindi siya magpakita sa iyo." He sobbed. "Penelope, gusto ko itanong sa iyo noon pa¡­ Why are you so cruel? Nasa malapit lang ako pero mas pinipili mo na tumingin sa malayo" he continued crying. "Tuwing makakatanggap ka ng bulaklak, sa isang sender ka lang interesado, wala ka nang pakialam pa sa iba pa... I want you to know na hindi lang si Smiley ang nagpapadala sa yo ng bulaklak¡­ Ako rin, Penelope¡­ ako rin¡­ But I always saw my flowers in a trash bin." kinagat nito ang kamay para pigilan ang umiyak. Lalong naiyak si Baba. Hindi niya alam ang tungkol sa bagay na ito. "Gusto kitang alagaan but you kept on refusing. Tell me honestly, hanggang sa ngayon umaasa ka pa rin, tama? siya pa rin ang gusto mo." Humigpit ang hawak ni Penelope sa kamay ni Dylan. Wala kasi siyang masabi dito. "Gusto kong batukan ang sarili ko noon. Kung nauna lang sana ako na magsabi at magtapat baka hindi siya nag-e-exist sa puso mo... Baka kung nauna ako, baka iba ang istorya natin ngayon." "Gusto kong sabihin sa ''yo noon pa man na¡­ sana ako na lang Penelope, sana ako na lang." he sobbed. Matapos ang ilang saglit. "Your Baby. I wanted to know bago man lang ako bawian ng buhay. Sino.. Sino ang tatay ng anak mo?" Hindi niya sinagot ang tanong nito, sa halip she persuaded him to believe na may darating na tulong. "Dylan, hindi ka mawawala. We¡­ We will help you" "Are you going to help me? Will you love me?" seryoso na tanong nito. Hindi makasagot si Baba. "I knew it¡­" ngumiti ito ng mapait. Pinalabas na siya nito para kumalma siya dahil sa sobrang pag-iyak. Cally holds her at nakita nito ang anyo niya na halos hindi makahinga at basa ng luha ang pisngi niya. Nag-alala si Cally kaya niyakap lang siya at inakay sa katabing kwarto, ngunit nabigla na lang ito nang mawalan siya ng malay habang nasa hallway. Mabilis na tumawag ng tulong si Cally. Nang magising si Baba, naroon na siya sa isang kwarto ng ospital. Mga mata ng magulang niya ang bumungad sa kanya. Nabalitaan niya na lang na... kinuha na ng panginoon si Dylan. She continued crying. Saying how sorry she was. Chapter 432 - Penelope and Hanz: Visitors (KASALUKUYAN) Lumipas man ang ilang taon ay natatandaan pa rin Baba ang lahat ng nangyari noon at huling usapan nila ng kaibigan niya. He died nang wala siyang nagawa. Huminga siya ng malalim at ipinilig ang ulo. While Prince Hanz, looking at Kaitlin''s facial features, knew that she was his daughter. Dahil ang mga mata at ilong ni Kaitlin ay nakuha nito sa Mama niya. He was really guilty dahil hindi niya ito nagabayan sa loob ng mahigit siyam na taon. Penelope was alone protecting their kid for almost ten years. It''s because he focused most of his time on his job as a prince at kinalimutan ang mga nangyari. Matapos niya malaman na ayaw na siyang makita pa ng babae, gumawa na lang siya ng paraan para matapos ang problema kay Captain H. Nagtagumpay naman siya makalipas lang ang ilang taon. "Bakit nga pala ''Ms. Penelope'' ang tawag sa''yo ni Kaitlin?" Tanong ni Prince Hanz habang kumakain sa hapag kasama ang mag-ina. "To protect me." si Kaitlin ang sumagot bago kumagat ng tinapay na dala ng grupo ni Prince Hanz. "I don''t want someone to use her against me." si Baba naman ang sumagot. Ilang beses na tumango si Prince Hanz. "How about your studies? If you need anything just let me know." tanong ng prinsipe kay Kaitlin. Nagtaas ang kilay ni Baba sa narinig. "Chairman Hansson¡­ medyo makapal na yata?" parinig niya dito. She was really annoyed. Hindi naman pinansin ni Kaitlin ang reklamo niya. "Sure! I''ll let you know as my Dad. As of now, I don''t need anything and I''m doing great at school. I''m on a two weeks vacation. So, we still have time to get to know each other." Baba "..." Amused talaga si Baba sa takbo ng usapan ng anak niya at ni Prince Hanz. Pinili na lang niya na ipagpatuloy ang pagkain. "Oh by the way, we are going outside today." saad ni Kaitlin. "Hindi siya kasama." tanggi agad ni Baba bago sumubo ng pagkain. "thanks for the invitation." sagot ni Prince Hanz kay Kaitlin. Baba "..." Lumalaki ang butas ng ilong niya at matalim ang tingin na pinupukol niya kay Prince Hanz dahil nagpipigil siya ng inis. Napapangiti naman ng lihim ang prinsipe at humigop ng soup ngunit agad nitong ibinagsak ang maliit na bowl nito sa mesa. "May shitake mushroom itong soup." Puna ni Prince Hanz sa soup na dala ng grupo nito. "Sinong nagluto at nagpadala nito? Did you know na allergic si Penelope sa shiitake mushroom?" Tanong ng prinsipe sa dalawang kasama. "Oh! Aalisin na lang namin, Prince. Sorry, we will advise the chef." nagmadali ang dalawang bodyguard na kinuha ang bowl ng soup sa mesa at tinapon iyon sa basurahan. "Alam mo na allergic ako sa shiitake mushroom?" takang tanong ni Baba sa lalaki. "Yeah. I read your blog before." Inisip ni Baba kung anong blog ang sinasabi ng prinsipe at naalala niya ang blog. Facts about her. "Pero hindi ko sinabi na allergic ako sa shiitake mushroom. Ang sabi ko is¡­ I don''t like it." "Pero dinala ka sa hospital when you are 10 dahil nakakain ka ng shiitake mushroom." Umawang ang labi ni Baba. Hindi niya sasabihin sa publiko na allergic siya sa pagkain na iyon to protect herself. Sa dami ng mga kliyente at pinupuntahan niyang event, hindi niya sigurado kung biglang may sumabotahe sa pagkain niya. Para pasimplehin, sinabi niya na ayaw niya ng shiitake mushrooms. "You know a lot about my Mama." puna ni Kaitlin. "Kung meron man akong hindi alam, siguro ''yung tungkol sa iyo. Your Mama never told me about you, she was so cruel." umiling-iling si Prince Hanz. Baba "..." "Chairman Hansson, bakit ko sasabihin na may anak ako. Hindi tayo close, okay?" Inusog ni Prince Hanz ang silya ng patalon-talon hanggang sa magdikit ang mga balat nila. "Hayan, close na tayo. Hindi ka na siguro magrereklamo." sabi nito bago humigop ng kape. Si Baba naman ang umusog pero sinundan siya nito sa pag-usog hanggang sa halos lumapit na siya sa silya ni Kaitlin. Ilang saglit pa, may nag-doorbell sa pintuan kaya nakahinga ng maluwag si Baba. Kahit sandali ay maiiwasan niya si Prince Hanz. Nabigla siya na si Lorenz ang nasa labas ng pintuan. Hindi niya alam kung paano ipaliliwanag na naroon sa loob si Prince Hanz. "H-Hi, Shogun" niliitan niya ang pintuan para wala itong makita mula sa loob. Kumunot ang noo ni Lorenz. "Dumalaw ako dito para sana makikain. Ayoko na ng pagkain sa hotel." Napalunok si Baba. "uhmm¡­ I know a restaurant na masarap kainan. Why not try local food?" Saglit na nag-isip ito. "Hmmm sige, I''ll treat you and Kaitlin" "Hindi na ko sasama, d-diet na ako." Nabigla na lang siya nang ilapit nito ang daliri sa gilid ng pisngi niya at inamoy ang bagay na nakuha doon. "Ate Baba, you are eating breakfast pero ayaw mo akong isabay sa pagkain? May tinatago ka ba?" Baba "..." Nabigla na lang si Lorenz nang sumilip mula sa loob ng apartment si Prince Hanz. "Hello, brother" Nanlaki ang mata nito nang makita ang bisita niya sa loob at ibinaba ang tingin sa kanya na nakangiwi at nakapikit ng mariin. Chapter 433 - Penelope ang Hanz: Asshole Walang nagawa si Baba kung hindi ang patuluyin si Lorenz sa loob at pakainin ito ng agahan. Kasalanan ito ng kumag na si Prince Hanz, ang nasa isip niya. Kung hindi lang sana ito nagpakita kay Lorenz nang kumatok ito sa apartment niya, malamang na umalis na lang ito at kumain mag-isa sa labas. Nasa bilog na mesa silang apat. Si Kaitlin ay patuloy lang sa pagkain ng agahan, si Prince Hanz ay ganoon din. Humihigop ito ng kape at nagbabasa ng diyaryo na bitbit din nito. Samantalang si Lorenz ay nakahalukipkip at hindi gumagalaw ng kahit na anong pagkain na hinanda niya dito. Siya naman ay nag-iisip habang paunti-unti ang pagsubo ng pagkain. Nakayuko lang siya at halos ayaw niyang salubungin ang mata ng shogun. Seryoso kasi ito at naguguluhan kung bakit naroon si Prince Hanz. Tila may nakapagitan sa kanilang anghel. Nagsalin si Baba ng orange juice sa isang baso saka in-inom iyon. Na-stress talaga siya sa biglaang pagdating ng Shogun. "Prince Hanz, can you tell me what you are doing here?" hindi na nakatiis na tanong ng Shogun sa prinsipe. "I''m here to visit my wife and my kid." Sagot naman ng prinsipe na parang normal lang ang sinabi nito. Patuloy lang sa pagbasa ng dyaryo. *cough cough* sobrang nasamid talaga si Baba mula sa iniinom niyang juice. Umawang ang labi ni Shogun. Saka nito nilipat ang tingin kay Prince Hanz at kay Kaitlin. Nanlaki ang mata ni Shogun. "You... you mean?" Turo nito ng palipat-lipat ang dalawang nilalang. Inapakan ni Baba ang paa ni Prince Hanz ng madiin sa ilalim ng lamesa. "Aw!!!" Bigla itong napatayo. "Anong wife and kid pinagsasasabi mo dyan?!" Galit na angil niya kay Prince Hanz. "Yeah, uncle Lorenz, finally I met my Dad." agad na pagsang-ayon ni Kaitlin. "Baby, don''t trust this man! Manloloko siya at paasa! Ilang taon na ba nang magsimula niya akong utuin? Aahh¡­ tama! almost 20 years na pala. Ilang beses akong pinaasa ng kumag na ito. So, don''t trust him!" Nabigla rin siya sa sinabi niya. Nakatingin sa kanya ang lahat kahit ang dalawang bodyguard. Kinuha muli niya ang baso ng juice na nasa bungad ng mesa saka ininom iyon. "I-I''m full!" Sa sobrang pagkapahiya, nagpaalam na siya sa mesa at mabilis na nagtago sa kwarto. Nakangiwi si Baba matapos niyang isara ang pintuan. Sa bigla niya, kung anu-ano na ang nasabi niya na parang inamin na rin niya na may nakaraan sila ng prinsipe. Bigla siyang humiga sa kama. Sakop nito ang mula puwitan niya hanggang ulo at pinanatili ang mga paa na nakatapak sa sahig. ''Naloko na. Naloko na talaga!'' Samantala, sa dining... natigilan hindi lang ang prinsipe kung hindi pati si Lorenz at Kaitlin. "What did you do in the past?" Tanong ni Kaitlin sa prinsipe matapos madinig ang hinaing ng Mama niya. "It''s my fault. I hope you forgive me." The prince extended his arms to brush Kaitlin''s head. "So, it''s true?" Sabad ni Shogun. Halatang nabigla talaga ito sa nalaman na may nakaraan si Prince Hanz at ang ate Baba nila. Nilingon ni Prince Hanz ang pintuan ng kwarto na pinasukan ni Baba. Sumeryoso ang Shogun. "Can we talk outside?" Tanong ni Lorenz. Tinuro nito ang terasa. Tumango lang ang prinsipe saka tinungo ang pintuan palabas ng terasa. "I don''t know what happened between the two of you, but why did you leave her?" Sinabi agad ni Lorenz ang rason kung bakit gusto niyang makausap ang prinsipe. Pinatong ni Prince Hanz ang mga kamay niya sa railings para kumuha ng suporta saka inilala ang mga naganap sa nakalipas. "Captain H." Simula ni Prince Hanz. Tiningnan niya ang paligid ng siyudad. Nasa ikatlong floor ang apartment ni Baba sa building na iyon sa siyudad ng Paris. Maaliwalas ang panahon na parang nakakagaan sa pakiramdam ng prinsipe. Her apartment''s view was so nice as if he was looking at a painting. "...If you remember what happened in the Northern Europe war ten years ago, that is my reason¡­ It''s a long story between me and Penelope. Hindi ko alam na nagkaroon siya ng anak, kami ng anak na babae." Saka niya nilingon si Lorenz. Nagulat na lang siya nang isang suntok ang sumalubong sa mukha niya mula kay Lorenz. Napakapit na lang siya sa railings dahil kung hindi ay baka nahulog na siya mula sa 3rd floor. Isang vase ang hindi maiwasan na masagi ng paa ng prinsipe at diretso iyon na bumagsak sa sahig sa ibaba. Dahil sa komosyon, mabilis na lumabas ang dalawang bodyguard ng prinsipe sa terasa. "It''s okay..." sabi ng prinsipe na pinigilan ang tangka na paghawak ng dalawa sa braso ng shogun. Wala namang plano si Lorenz na suntukin muli ang prinsipe pero pinakalma nito ang sarili. Alam niya noon pa na hindi anak ni Dylan si Kaitlin dahil sa caucasian look ng huli, idagdag pa ang berdeng mata nito, pero hindi niya akalain na si Prince Hanz ang tatay ng anak ng Ate Baba nila. Paanong nangyari? "You''re an asshole! Wala akong pakialam kahit na pinsan ka pa ng asawa ko. Prince Hanz, your status is not simple! I thought you are a great man. Paanong nangyari na hindi mo alam?" Huminga ng malalim si Prince Hanz. "I know, I''m an asshole¡­" "Haaa!!!! Ang halaman ko!" Nanlaki ang mata ni Baba na hindi na makita ang vase na naroon sa terasa ng apartment niya. Narinig niya na may nabasag na paso at kaluskos sa terasa habang nasa kwarto at dali-dali siyang lumabas. Sinilip niya ang railings at nakita na nalaglag nga ang halaman niya sa ibaba. Hinarap niya ang dalawang lalaki. "Can you guys stop?! Mas mabuti pa na umuwi na kayong dalawa. Dito niyo pa talaga napili na mag-away sa apartment ko." Reklamo niya. Sumunod naman ang Shogun. Lumabas na ito nang walang makitang emosyon dito. "Penelope..." tawag ni Prince Hanz sa pangalan niya. "Tsupi! Uwi na!" Bagsak ang mga balikat na sumunod na lang din si Prince Hanz. Chapter 434 - Penelope and Hanz: I dont want you to be alone Nag-aatubili man ay sumunod si Prince Hanz kay Baba. Lumabas siya ng apartment nang nakasunod ang dalawang bodyguard. Natagpuan niya si Lorenz sa labas na nakasandal sa pader at naghihintay. "I want to hear your story." saad nito. Tumango lang siya at inaya ito sa isang kapehan na nasa malapit. ===== Samantala, lumabas naman si Baba at si Kaitlin para ipasyal ang anak niya. May suot siyang mask para hindi makilala ng kung sinong paparazzi lalo at nasa Paris sila. Nanood sila ng sine, kumain sa labas at nag-ikot-ikot sa mall. Wala namang pinabili si Kaitlin, dahil ayon dito, kumpleto pa ang gamit nito na dadalhin sa dormitoryo ng eskwelahan. Halos madilim na rin nang makabalik sila sa lugar kung nasaan ang apartment niya. Pero pinili nila na magstay muna sa swing na nasa park ilang metro ang layo. Tig-isa sila sa magkatabi na swing. Umiingit pa ang bakal kada galaw nila. "Tell me Ms. Penelope, don''t you like him anymore?" tukoy ni Kaitlin kay Prince Hanz. Saglit na nag-isip si Baba. Alam niya na hindi na bata ang anak niya at marami nang naiintindihan kumpara sa ordinaryong bata. Napaisip siya sa tanong nito. May edad na rin kasi siya at nakafocus na ang utak at puso niya na ipagpatuloy ang pag-alaga at sa pagpapalaki kay Kaitlin. Sa loob ng mahabang panahon, sa trabaho niya binuhos ang oras bukod dito. Aminado naman siya na wala rin talaga siyang nagustuhan na ibang lalaki bukod kay Prince Hanz. Pero kung tatanungin ang sarili kung mahal pa ba niya ang lalaki. She was sure na hindi na. Pero... hindi na nga ba? Halos sampung taon din naman siyang umasa sa lalaki. Simula noon ay wala naman siyang iba pang nagustuhan bukod dito. Or maybe because, she asked him to stop pestering her way back then. "Are you hungry?" tanong ni Baba. Hindi niya ito sinagot sa tanong nito kung gusto niya pa rin ba si Prince Hanz. "Not yet, we just took a snack before going back¡­" Nilingon siya ni Kaitlin bago nagpatuloy. Ramdam nito na iniwasan niya ang tanong. "Miss Penelope¡­ I don''t want you to be alone in the future. Especially when I''m at school. I want you to be happy and I can really feel that the man still loves you. You waited for him in the past. Maybe you are still waiting, it was just too painful... I will be happy if you chose to continue your life with him. Why not give him a chance?" Natigilan si Baba. Tinanggal niya ang mask na tumatakip sa bibig niya, bumaba siya sa swing saka niyakap ang anak niya. She kissed her forehead. "I love you so much Dear." Someone secretly captured a picture of that moment. He grinned afterwards. ===== Magkatabi si Baba at Kaitlin sa kwarto. She looked at her daughter deeply. She was really touched by what she said. Her daughter wants her to be happy. Hanggang ngayon ay sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng matalik na kaibigan na si Dylan. The past keeps haunting her. Nagsimula ang lahat sa manager niya hanggang kay Dylan. Pinilit na lang ni Baba ang matulog habang kayakap ang anak. Kinabukasan, isang tawag mula sa sekretarya niya ang gumising sa kanya. "hmm¡­ Hello?" namamaos pa na sagot niya dito. Hindi siya nakatulog ng maayos nang nagdaang gabi kaya inaantok pa ang diwa niya. Tinungo niya ang bintana at hinawi ang kurtina. Agad na kumalat ang liwanag sa parte ng kwarto na iyon. "Miss Penelope, do you have a kid?" narinig niyang tanong ng sekretarya niya mula sa cellphone. Nanlaki ang mata niya nang makita na may mga nag-flash na camera mula sa ibaba. Madaming tao sa ibaba. Agad niyang sinarado muli ang kurtina. Tila nagising na nang tuluyan ang diwa niya. "Wh-what is happening?" tanong niya sa sekretarya niya. "Miss Penelope, kumakalat ngayon sa internet ang picture mo na kasama ang isang bata sa isang swing¡­" "..Most of the people are questioning who that child is. And most of them assumed that she was your kid. So, they wanted to know who the father of your kid is. They are accusing you of being a liar." Paliwanag ng sekretarya niya. "P-picture?" nilingon niya ang anak niya na nasa kama. "Yes." "I will call you again." Hindi na niya hinintay pa ang sagot mula rito at agad niyang pinindot ang ''end call'' button. Tiningnan niya ang local news at nanlaki ang mata niya nang makita ang larawan nila ni Kaitlin. Kuha ang larawan sa nangyari nang nagdaang gabi. Halik pa niya ang noo ni Kaitlin. Nabigla talaga siya na lumabas na sa publiko ang tungkol kay Kaitlin. Mabuti na nga lang at hindi masyadong halata ang mukha ng anak niya sa larawan. Nabigla si Baba. Hindi niya akalain na ang proteksyon na ginawa niya kay Kaitlin ay aabot sa ganito. Chapter 435 - Penelope and Hanz: I am the Man Panay ang ikot ni Baba sa kwarto. She doesn''t know what to do. Kapag may nag-imbestiga pa nang mas malalim tungkol sa anak niya, nag-aalala siya sa proteksyon ni Kaitlin. Nabigla siya nang mag-ring ang cellphone niya at nakita ang numero ni Prince Hanz. Hindi niya ito pinansin dahil wala siyang panahon para kausapin ang lalaki sa mga oras na ito. Pero nagulat siya nang may mag-doorbell. Umangat din ang mga balikat niya dahil sa pagkabigla. Kinakabahan siya na tinungo ang main door. Sumasabay ang doorbell at ang ring ng cellphone niya kaya pinili niya na patayin ang tawag ng lalaki sa cellphone dahil nakadagdag iyon sa sakit ng ulo niya. Sinilip niya ang peephole ng pintuan. Nakayukong nilalang ang nasisilip niya sa kabila ng pintuan. ''Sh*t! who''s this?!'' Kinakabahan siya na baka nakapasok ang mga paparazzi sa loob mismo ng gusali kung saan naroon ang apartment niya. "Penelope, open the door. It''s me." Narinig niya ang boses ni Prince Hanz. Hindi na sana niya ito pagbubuksan pero kapag nalaman ng mga tao na naghintay ito sa tapat ng pintuan niya, mas malaking problema. Agad niyang binuksan ang pintuan at sumilip sa kaliwa at kanan ng hallway bago niya hinila ang lalaki papasok sa loob. Papasok din sana ang dalawa pang bodyguard na kasama ng prinsipe pero pinigilan niya ang mga ito. "You stay here." Sumama ang mukha ng dalawang bodyguard. "It''s okay, my wife will not kill me." "Augh!" Siniko niya ito sa tagiliran dahil sa narinig kaya lalong nagduda ang dalawang bodyguard ni Prince Hanz. "I-it''s okay, lovers do quarrel." Saad nito habang sapo ang tagiliran na namimilipit. "Give her my flowers." Noon niya lang napansin ang food cart na bitbit muli ng grupo nito. Mabilis na sumunod ang isang bodyguard, kinuha nito ang bulaklak at inabot sa kanya. Para matapos na ang usapan ay kinuha na lang niya ''yon at sinarado ang pinto. Tumuloy naman ang prinsipe sa loob at sinandal ang sarili sa malambot at malapad niyang sofa habang sapo ang tagiliran. Pinatong ni Baba ang bulaklak na dala nito sa mesita na nasa tapat ng sofa kung saan nakaupo ang lalaki. Pinameywangan niya ito. "What are you doing here?" Sita niya agad dito. Kapag nakita ng mga paparazzi si Prince Hanz, siguradong mas malaking problema. "I''m here to get you and Kaitlin. You are not safe here anymore." Sabi nito. "It''s me to decide kung saan kami lilipat." Matigas na saad niya. Kung mag-feeling close itong lalaki, masyadong ginagalingan. "Then, tell me the place." Nakaramdam na ng inis si Baba. Pinilit niyang mag-isip. Sa ngayon, wala pa kasi siyang naiisip na lugar kung saan sila mananatili na mag-ina. Ang apartment niya ang pinakasafe sa kanilang mag-nanay pero ngayon na alam na sa publiko ang tahanan niya, wala na siyang iba pang naiisip. "Penelope, sa poder ko lang kayo safe ni Kaitlin." Humalukipkip siya. "Prince Hanz, we''re not even close. How can you say that?" "Kids, ang aga pa, why are you quarrelling again?" Reklamo ni Kaitlin na nasa pintuan ng kwarto. Pumasok din naman ito muli sa loob at sinara ang pintuan para hindi sila nito madinig. Nakakita ng liwanag si Prince Hanz. "Then, let our kid decide if she wants to stay with me." Baba "..." Gustong-gusto na niyang sipain ang lalaki sa pag-angkin sa anak niya. "Prince Hanz, as far as I know you''re not even related. Sinabi ko bang ikaw ang tatay ng anak ko? Hiningan ba kita ng sustento in past? Did I say, ''Smiley, we have a kid''?" Huminga ng malalim si Prince Hanz. Noon niya lang na-realize na hindi pa nga pala siya nagtatapat sa babae. Pero nasabi na niya ang lahat kay Lorenz. Kahit pa nga galit na galit sa kanya ang asawa ni Sandra dahil pinabayaan niya ang mag-nanay, sinabihan pa rin siya nito kung paano susuyuin ang babae. "Penelope, I am honest when I said yesterday I am Kaitlin''s father." "Ha?" Umawang ang labi ni Baba. Nilabas ni Prince Hanz ang cellphone mula sa bulsa at inabot sa kanya ang bagay na iyon para ipakita ang larawan ng nanay nito. The picture was high definition. Portrait iyon ng nanay ni Prince Hanz. Baba could see the whole part of the woman''s face. Kaitlin''s nose and eyes were the same as the woman. She has a well-formed nose. She has clear, compassionate green eyes. Overall, Kaitlin''s looks were like Prince Hanz''s mother. Umawang ang labi ni Baba. Tumayo si Prince Hanz para lapitan siya. "I am the man who rescued you from your manager and those two guys¡­ I am the man who''s with you that night" Chapter 436 - Penelope and Hanz: Acceptance Hindi alam ni Baba kung ano ang isasagot sa sinabi ni Prince Hanz. Nabigla siya sa pagtatapat nito. It was him, it was really him! So, that is the reason why the man that night was so sweet. The man she remembered is gentle and sweet. Kahit pa nga hindi niya nakikita ang lalaki noon dahil sa sobrang pagkahilo at para siyang lasing na walang maaninag na maayos. Wala na siyang bitterness na nararamdaman sa nakaraan niya pero hindi niya alam kung paano tatanggapin ng utak niya ang sinabi nito. "So, you mean you are Kaitlin''s father?" "Yes." Naniningkit ang mga mata ni Baba sa lalaki. Kinuha niya ang bouquet ng rosas sa mesita at pinagbabato ang lalaki ng mga piraso ng bulaklak . "Then, why didn''t you tell me? Ikaw na yata ang pinaka-magaling na lalaki sa lahat. Matapos mo akong paasahin ng ilang taon sa pagpapadala ng bulaklak, pinaasa mo rin ako na magkikita tayo, tapos bigla ka na lang pumasok sa kwarto ko na walang pasabi para buntisin ako? Matapos mo akong buntisin, wala ka nang paramdam? Isa kang manyak! Stalker! Babaero ka pa!" Nang maubos ang bulaklak niya, pinagpapalo niya ito ng natirang bouquet. Naka-cross ang kamay ni Prince Hanz para hindi tumama sa mukha nito ang bulaklak dahil matinik pa rin ang tangkay niyon kahit papaano. Sa garden mismo galing ang mga iyon na pagmamay-ari ng may-ari ng hotel. "It''s.. It''s a long story, I was on my way to Hong Kong that night but the terrorists attacked my country. And it took me weeks bago natapos ang problema sa probinsiya. My country needs me." Biglang pinigil ni Baba ang pagpalo niya dito ng bouquet. If she remember correctly, nang panahon na pupuntahan dapat siya nito sa Hong Kong ay nabalitaan nga niya ang tungkol sa laban ng Country H sa mga bansa sa Northern Europe. "I''ll explain everything to you in the future." muling umupo si Prince Hanz sa sofa. Sasagutin pa sana niya ito kaya lang ay biglang nag-ring ang cellphone niya na ipinatong niya sa ibabaw ng cabinet bago niya ito pagbuksan ang lalaki ng pintuan. Tinungo na muna niya ang cabinet para sagutin ang tawag. Nakita muli niya ang pangalan ng sekretarya niya. Humihiling siya na sana ay hindi masamang balita ang sasabihin nito. "Hello." "Miss Penelope, the news spreading now is about you and Chairman Hansson. They said you are seducing him para sa anak mo." "Ha?" "May naglabas ng picture niyo sa huling auction na pinuntahan mo. Then, someone captured him na pumasok sa loob ng apartment mo. They are assuming that you are already hooking up with him just after two nights." ''Naloko na! Naloko na talaga!'' Kilala siya bilang isang mahinhin na babae. Aral ang kilos at walang nabalitaan na negatibo sa kanya. Pinukulan niya ng masama ang lalaki na nag-eenjoy na nakaupo sa sofa. Siya itong na-stress samantalang itong kumag na ito ang may kasalanan! "Mag-iisip ako ng paraan." sabi niya sa sekretarya niya. "Mag-ingat ka Miss Pen" Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig at pakalmahin ang sarili. May ilang saglit din siyang nanatili doon para mag-isip bago niya nilingon ang pwesto ni Prince Hanz. Pero nagulat siya nang hindi na makita ang lalaki sa sofa. "Shit! Where is he?" Nanlaki lalo ang mata ni Baba nang makita ang lalaki na naroon na sa terasa at nagpapahangin na akala mo ay bisita lang ito doon sa apartment niya. "You!" tinungo niya ito pero agad na nagflash ang mga camera mula sa ibaba. Muli siyang pumasok sa loob, sa pwesto na hindi siya makikita ng mga paparazzi. Wala na! Nalintikan na talaga! At ang mokong na lalaki ay nagawa pang kumaway sa ibaba, sa grupo ng mga ito. "Come back here!" bulong niya pero halatang nangigigil. Kinawayan niya ito para pumasok sa loob. Nagpapadyak pa siya dahil sa pagkainis. Ngumiti lang si Prince Hanz. Halatang iniinis siya nito lalo. "I like the view here. I like your place. Unfortunately, you are not safe here anymore." Sabi nito. "Come back here!" nilapitan niya ito para hilahin papasok. Nahihirapan na nga siya kung paano ipaliliwanag ang tungkol kay Kaitlin, dumagdag pa ang lalaking ito. Sa halip, siya ang hinila nito at kinulong siya nito sa bisig. Mabilis na nagflash ang mga camera. "The only way to solve this issue ay harapin mo ang kung ano ang katotohanan." Nilingon niya ang ibaba na patuloy sa pag-capture sa kanila ng camera. "That I, Prince Hanz, is the father of your daughter. Iyon ang katotohanan at hindi tayo nagpapanggap lang. Gets?" hinigpitan nito ang yakap sa bewang niya. Nanunuot ang amoy ng lalaki sa ilong niya. Kahit ang hininga nito sa sobrang lapit nila sa isa''t isa. Binulungan niya ito. "Subukan mong tyansingan ako, I''ll definitely crash your balls." kinurot niya ang tagiliran nito. Sabay ngiti niya sa camera sa ibaba at naki-kaway na rin. Pinilit nito na huwag ngumiwi. "Let me try then, I am looking forward to how you are able to do it." Chapter 437 - Penelope and Hanz: The Room Hindi maintindihan ni Baba kung bakit siya sumama kay Prince Hanz sa royal suite nito sa hotel kung saan ito tumutuloy sa Paris. Iyon din ang hotel na tinuluyan nila sa Paris mahigit sampung taon na ang nakaraan. Nag-iba nga lang ang lahat ng kagamitan sa sala nito kaya hindi niya nakilala. Kasama niya si Kaitlin na tumuloy sa katabing suite. Para matapos ang problema, sabay nilang hinarap ang mga reporters na nasa bungad ng apartment niya. Tumawag ng sampung bodyguard ang prinsipe para dumagdag sa proteksyon nila. Paglabas pa lang nila ng main gate sa bungad, pinagkaguluhan na sila ng grupo ng mga paparazzi. Niyakap niya agad si Kaitlin na nilagyan niya ng mask para maproteksyunan ang anak niya. "The photos online are true. We have a daughter." Simple lang ang sinabi ni Prince Hanz pero naintindihan agad ng mga paparazzi ang ibig sabihin ng prinsipe. Ibig sabihin lang ay anak niya ang nasa larawan at ang tatay nito ay si Prince Hanz. "We only want protection for our daughter. If you felt betrayed by the thoughts of keeping our kid from the public, it''s your opinion. But as a parent, we only want safety for our kid." "But Chairman Hansson, paano namin paniniwalaan na anak mo ang anak ni Miss Penelope? And your daughter looks almost at her teens. How long did you know each other?" "More than eighteen years." Napasinghap ang lahat at hindi kinalimutan ang sinabi na iyon ng prinsipe. Patuloy lang sa pagkuha sa kanila ng larawan. Her news of having a kid was already big news. Lalo na nang sabihin nito na matagal na silang magkakilala. "I hope wala na kayong tanong. We will see you all in our wedding. Thank you!" Iyon ang mga huling naganap sa ibaba ng apartment niya nang sunduin sila nito na magnanay. Kaya heto siya at napilitan na mag-stay sa royal suite ni Prince Hanz. Panay ang ring ng cellphone niya simula nang sabihin nito sa publiko na may relasyon silang dalawa. Kaya pati ang mga kamag-anak niya ay panay ang tawag sa kanya. "I''m going outside!" Sabi niya sa lalaki. "It''s not safe outside." saad ng lalaki. "I have a meeting today." "Kung ganoon sasamahan kita." Hinarap niya ito at humalukipkip siya. Hindi ba nito naiintindihan na kaya nga niya gustong lumabas ay para layuan ang lalaki kahit saglit. "Bantayan mo ang anak ko, it''s your time to make bonding with your kid." Nasa katabing hotel suite si Kaitlin para magreview habang bakasyon daw nito at pinayuhan silang dalawa na mag-usap. "Pero gusto ko rin makipag-bonding sa ''yo." Tila umurong ang dila niya sa sinabi nito. "I-I don''t want to see you. I need air, I need space from the universe!" "But you are my air and my universe." Baba "..." Hindi niya talaga alam kung saan humuhugot ng kapal ng mukha ang prinsipe. "Look, inamin lang natin kanina na may relasyon tayo at may anak tayo. Kung makikita ka ng publiko na mag-isa, what do you think they will believe?" Natahimik siya sa sinabi nito. Nag-isip siya. Kung tutuusin ay may punto ang lalaki. Ngunit sa panahon ngayon, ayaw na muna niya na makita ang prinsipe sa publiko na kasama siya. Sobrang overwhelming pa ng mga kaganapan sa isipan niya. She''d rather choose to stay in that room without any paparazzi. "Let me stay in this room kung ganoon. At ikaw, bond with your kid instead!" "No! I''ll stay here. Where you go, I''ll go." Nanggagalaiti na siya sa galit. Gusto na niyang magpapadyak sa kakulitan nito. Samantala, nangingiti naman si Prince Hanz sa nakikitang reaksyon ni Baba. Halatang naiinis na ito sa kanya. Natutuwa talaga siya na tudyuin ang babae. Ilang saglit pa ay tumayo rin naman si Prince Hanz para puntahan si Kaitlin. He gave up dahil baka lalo itong magalit sa kanya. As much as he wanted to be with Baba, he knows that what happened between them in the past shocked her. Alam niya na mababawi niya rin naman ito sa mga susunod na panahon dahil nabalitaan niya na wala namang naging nobyo ang babae. Mag-isa itong kumayod para gabayan si Kaitlin. "Okay, i-interview-hin ko na lang muna si Kaitlin. Take time to rest. Let''s have lunch after one hour." Nakahinga rin sa wakas si Baba nang lumabas ang lalaki sa suite pero may naiwan na bodyguards. "Follow your boss!" utos niya. Pero hindi natinag ang dalawang bodyguard. Nanatili na nakatayo sa bungad. Nangigigil na binuksan na lang ni Baba ang bedroom ng suite na iyon. Ngunit doon siya nagulat. The room inside was like her own place. Natatandaan niya ang kama na naroon sa kwarto. Doon siya nagising matapos niyang makaligtas sa Love Drug. She saw one thousand CD albums sa isang bukas na kabinet na parang naging disenyo na sa loob ng kwarto. Nakasalansan iyon ng maayos. Pantay-pantay at walang naliligaw. Sure enough, it was her album na para bang pinakyaw nito ang lahat ng CDs niya na first released matapos ang trahedya na naganap sa kanya noon. ''Did he buy all of it?'' Ang mga nakasabit na painting sa pader ay gawa rin niya. Kumuha siya ng isang CD album at nilagay niya iyon sa DVD player na nasa hilera. Pinatugtog niya ang CD niya na unang beses niya na mapakikinggan matapos ang mahigit sampung taon. Pumailanlang sa loob ng kwarto ang malungkot na musika ng piano. While she, remembering the past. **** Hello mga Beshy, pa like ng Page na FEIBULOUS sa facebook for more updates. Baka sa May or June 2020 mag gift ako ng book. Mag-iisip ako ng mechanics. Hindi muna sa ngayon dahil alam niyo na ang buhay natin, bawal lumabas ng bahay. Thanks much everyone! Chapter 438 - Penelope and Hanz: His Daughter Pumasok si Prince Hanz sa hotel suite ni Kaitlin dahil pinaalis siya ni Baba sa royal suite. Natagpuan niya ang anak na nagbabasa ng libro nito sa cream na single couch. Nagrereflect sa kalahati ng mukha nito ang liwanag na nagmumula sa labas. "Ah, your Mom is terrible." Reklamo niya sa anak. Binaba nito ang libro. "Did you have a fight with her again?" Naisipan ni Prince Hanz na umupo naman sa long couch na nasa gilid kung saan ito nakaupo. "I don''t want to fight with her but she was the one who always initiated it." Saglit itong nag-isip. "To be honest, it was also your fault. Mabuti na lang my Mom can do so many things, what will happen if we became a beggar? I will give you a week para mapasagot si Miss Penelope." Hamon ni Kaitlin sa prinsipe. "Sa palagay mo, kaya ko iyon?" Napangiwi si Prince Hanz. Duda siya kung mapatawad siya ni Penelope sa loob ng isang linggo. "Of course you can do it! You are my Dad. duh?" Napangiti ng simple si Prince Hanz. Kung naniniwala ito na kaya niya, kailangan niyang kayanin. "On your next break, I''ll bring you to my home. Basically, you are a princess because you are my daughter. What can you say about it?" "Hmm... Nothing." Sinara nito ang binabasa na libro. "It''s because I live like a real princess ever since I was a child. I have three bodyguards." Inangat nito ang tatlong daliri. "And they are not just bodyguards. They are well-trained guards by my Uncle Lorenz. I could get and buy what I want. If I asked my Mom to give me a Disneyland, I guess, she will find ways to give it to me. I lived in a school for girls which is also a dormitory. It was an international school where my Mama spent thousands of dollars every year just to keep me safe. So, even without the title, I am a princess." Prince Hanz "..." Akala niya ay kaya niyang suhulan sa ganoon ang anak. Hindi ba''t ang mga batang nasa edad ni Kaitlin ay madalas ma-excite kapag narinig na isa silang prinsesa? Ngunit iba sa inaasahan niyang tugon mula dito. Parang biglang umurong ang dila niya sa sinabi nito. "But don''t worry, with or without a title, I am acknowledging you as my Dad." Saka ito ngumiti sa kanya at ibinalik ang tuon sa binabasang libro. Napapailing na lang siya, the way Kaitlin talks is royal. With or without a title, hindi maikakaila na kalahi niya talaga ito. Diretso magsalita ang anak niya, alam nito ang sasabihin nito without rebutting, imposible na hindi pakinggan ang nais nitong sabihin at nasa punto. Ngayon pa lang ay nakikita na niya ang future ni Kaitlin sa bansa niya. "Pwede ba kitang yakapin?" Tanong ni Prince Hanz "Pwede. Kapag napasagot mo na ang Mama ko." Saad nito nang hindi man lang siya tinapunan ng tingin. Prince Hanz "..." ===== Binabalot si Baba ng kalungkutan ng sarili niyang musika na umiikot sa buong kwarto. Umupo siya sa couch at tumingin sa labas ng bintana. Unang beses niya kasi na marinig ang CD niya. Nang panahon kasi na nasa proseso ang album niya ay naganap sa kanya ang Love Drug. Matapos naman niyang magising sa parehas na kwarto ay parang ayaw niya nang marinig pa ang mga likha niya noon. Masyado siyang nalungkot kaya siya sumama kay Cally sa Kent Mansion noon para magmove on. Nilayuan na rin niya ang piano kaya naman mahigit sampung taon na siyang hindi aktibo sa concert. Napatingin si Baba sa makinis, malambot at maputi niyang mga kamay. Hinaplos ng bawat isa ang kamay. It will take her time bago makabalik nang tuluyan sa first love niya na pagp-piano, lalo at may isang dekada na siyang hindi nakakapindot ng piano keys. Bumalot ang lungkot sa puso ni Baba habang nakatuon ang lahat ng atensyon niya sa musika at sa magandang view ng maaliwalas na panahon ng Paris City mula sa royal suite ni Prince Hanz. Ang bawat nota ng likha niya ay nabuo niya para kay Prince Hanz noon. She was lonely in the past years. Kaitlin was right, she was lonely na naitago niya sa loob ng mahabang panahon ngunit hindi sa mata ng anak niya. And now, her daughter wanted her to be happy. Hindi niya akalain na matapos ang matagal na panahon ay magsisimula na maghilom ang lahat ng lumbay niya noon. Mabilis niyang natanggap ang lahat pero huwag aasa si Prince Hanz na madali niya itong mapapatawad. Hindi nga ba? Pumikit siya at ninamnam ang musika na bumabalot sa buong kwarto. It was her song. She wanted to listen to every piano note that she created in the past hanggang sa makatulog siya sa malambot na sofa. Chapter 439 - Penelope and Hanz: Dont Leave Dahil hindi nakatulog ng maayos si Baba nang nagdaang gabi, hinila siya ng antok lalo na at isang mabagal at malungkot na musika ang pumapailanlang sa kabuuan ng kwarto. Idagdag pa, ang magandang view sa labas. Nang pumasok si Prince Hanz sa kwarto ay natagpuan niyang natutulog si Penelope sa isang couch malapit sa bintana. Umiikot ang malungkot na tugtog ng piano sa kwarto na iyon. Hangga''t maaari ay ayaw niyang patugtugin ang musika nito dahil madalas na makaramdam siya ng lungkot. Nakasandal ang ulo nito sa gilid ng single couch. She was like a fairy, ito ang talagang tingin niya sa babae. Simula noon hanggang ngayon ay iyon ang tingin niya dito. Pinagmasdan niya ang nakapikit na anyo ni Baba. Her asian look was mesmerizing. Mapusyaw ang balat nito na katamtaman. Hindi kayumanggi at hindi rin mestiza. Her straight, short black hair ay nababagay sa hugis ng mukha nito. Her lashes are long, her thin nose and her thin red lips. He suddenly has an urge to kiss her lips, pero kailangan niyang kalmahin ang sarili. Baka matalo siya sa anak niya na nagbigay ng isang linggo kapag nagalit sa kanya si Penelope dahil ninakawan niya ito ng halik. Nagagawa pa rin nitong patibukin ang puso niya kahit nakalipas na ang maraming taon. She was always in his heart. He first saw her in her early twenties but she was now in her late thirties. Kinuha niya ang kamay nito at dinama ang palad nito. He wanted to be with her always. Ang huling araw na nagkasama sila ng babae ay nang iwan niya ito sa kwarto kung saan sila naroon sa ngayon. He rubbed his big thumb on her hand. If he could go back to a time. Pipiliin niya ang panahon na nakita niya ito na nakasuot ng uniporme sa gitna ng winter. Their first meeting. He wished na sana ay magawa nga niya na ibalik sila sa nakaraan. Para hindi siya nagsisisi kung bakit hindi niya nagawa na magpakilala sa babae ng maayos. Kung nagawa lang sana niya na ibigay ang mga bulaklak niya tuwing concert dito ng personal, baka iba ang naging takbo ng buhay nilang dalawa ngayon. Maaaring iba ang kinahinatnan ng buhay nila ngayon. Iyon nga lang, wala nang ''what ifs'' dahil halos dalawang dekada ang mga taon na sinayang niya. He picked up Penelope from the couch. Nagpasalamat ang prinsipe na hindi pa rin ito nagigising. Hiniga niya ito sa kama nang maayos para mas makatulog ito. Saka siya tumabi ng hawak ang kamay nito. In the past 10 years hindi siya nakakatulog ng maayos. Madalas niya kasing isipin ang dalaga. Kahit pa nga hangga''t maaari ay ayaw niyang magkaroon ng balita tungkol dito. Whenever he is alone, he is wondering where she is. Iniisip niya ang babae tuwing nag-iisa siya. Before he go to sleep. Kung ano ang lagay nito. Madalas din na dalawin siya nito sa panaginip. Hindi rin naman kasi maikling panahon ang oras na inilaan niya kay Penelope noon. Personal na pinupuntahan niya ang concert nito noon. Sa Australia, sa Germany, sa iba''t-ibang states sa America, Canada, Russia at kung saan pang mga bansa na may concert ito noon. Madami siyang effort na ginawa para sa babae noon. Sinundan niya talaga ito kahit saan at nangarap na balang araw ay makakasama niya rin ito. Parang hinila rin ng antok si Prince Hanz at sinamahan si Baba sa pagtulog. Sa loob ng mahabang panahon, tila ba parang ngayon lang niya nagawa na makatulog nang walang problema na iniisip. Nakatulog siya ng payapa dahil katabi niya ang babae na pinangarap niya sa mahabang panahon. ==== Nagising si Baba matapos makatulog ng mahabang oras. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulog pero puro city lights na ang bumungad sa kanya sa labas ng floor-to-ceiling window ng royal suite na iyon. Kumikinang ang mga ilaw sa labas ngunit madilim sa loob ng kwarto. Agad na lang na nanlaki ang mga mata niya nang may mainit na hininga na dumadampi sa balikat niya. Dahan-dahan niyang nilingon ang katabi. Ayaw niya maghisterical. Kahit madilim ay alam niyang si Prince Hanz ang nasa tabi. Napalunok siya nang bumalot sa pang-amoy niya ang masculine scent nito. Tila ba parang nanggagaling sa ilalim ng malamig na ilog ang amoy ng lalaki. Hindi masangsang at hindi rin naman matapang ang amoy nito. Para bang may nag-uutos sa kanya na hayaan ang lalaki sa ganoon. Nang kumilos ito ay pumikit siya. Baka kasi mahuli siya nito na gising. Pumikit siya ng mariin nang higpitan nito ang yakap sa bewang niya. "Penelope¡­" bulong nito na para bang nananaginip. "Don''t leave me¡­ hmmm¡­" tapos ay nagpatuloy sa mahinang paghilik. Ang alam lang ni Baba kumakabog ng todo-todo ang dibdib niya dahil sa mga narinig. Chapter 440 - Penelope and Hanz: Embracing the truth Sobrang ganda ng siyudad sa gabi. Mas kita ang pag-ilaw ng Eiffel tower sa hindi kalayuan ng hotel. Tila ba parang isang larawan ng isang propesyunal na pintor ang tanawin sa labas. Ginuguhit din ni Baba sa isipan niya ang view na iyon. Gusto niyang ipinta ang nakikita ng mga mata niya mula sa kinahihigaan. Maybe because of the person beside her. The room was filled with romance. Magkatabi sila ni Prince Hanz sa king size bed nito. Nakayakap sa kanya ang lalaki na para bang ayaw na siya nitong bitawan pa. Gusto niya ang pakiramdam na iyon. Marahil siguro dahil naroon sila sa Paris. They say, Paris is the city of Love. Her heart beats fast at parang ayaw nang bumalik pa sa normal lalo na nang marinig ang pangalan niya sa lalaki habang natutulog ito. Hindi niya mapagmasdan ang mukha ng lalaki dahil madilim sa gawi nila. Hindi niya rin alam kung ilang oras na silang magkatabi sa kwarto na iyon. Ilang taon na siya at alam niyang wala na siyang time sa lovelife dahil napag-iwanan na siya ng panahon. She''s 38 now but she acted like a girl na natabihan ni crush sa high school. This was her dream in the past, ang ma-feel na kayakap ang lalaki na may berdeng mga mata. At matapos ang mahabang panahon, ngayon lang niya iyon natupad. Kahit pa naganap na rin naman sa kanila ang ganito noon, wala naman siyang malay at mahimbing siyang nalango dahil sa Love Drug noon. She chose to stay in his arms. Halos ayaw niyang kumilos kahit kaunti dahil baka magising ang lalaki. Hindi niya alam kung gaano sila katagal sa ganoong pwesto. Nagising rin naman si Prince Hanz matapos ang mahabang pagpapanggap ni Baba na nananatiling nakahiga. Bigla itong kumilos kaya pumikit siya. Binuksan nito ang bedside lamp na nasa gilid ng pwesto nito. Unang napansin ni Prince Hanz ay parang tuod si Baba na nakahiga, straight na straight. Inangat niya ang gilid ng labi nang makita na gumagalaw ang eyeballs nito kahit nakapikit na halatang nagpapanggap na natutulog. Tinungkod niya ang pisngi sa braso at tumagilid paharap dito. He knew that she''s awake. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ito nagpapanggap na natutulog. Hinaplos niya ng likod ng kamay ang pisngi nito at naramdaman niya na parang na-tense ito sa ginawa niya. Nais niyang matawa sa inakto nito. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit imbes na magalit ito sa kanya na tulad ng palagi nitong ginagawa ay mas pinili nito na magpanggap na natutulog. Niyakap niya ito sa bewang nang mahigpit at ramdam niya na mas kinabahan ito sa inakto niya. He took advantage na idikit ang ilong niya sa leeg nito. He loves her scent. He loves to lock her in his embrace. Hindi niya alam ang pakiramdam na iyon noon. Kaya naman pagsasawain niya ang sarili. Binawi niya rin naman agad ang huling naisip, hindi niya pala pagsasawain ang sarili na yakapin ito kung hindi gagawin niyang normal at pamilyar na bagay iyon sa pagitan nila. Inikot niya ang katawan ni Baba at pumaibabaw ito sa kanya. Nagawa niya iyon nang hindi tinatanggal ang pagkakayakap niya sa bewang nito. Hindi pa rin natinag ang babae sa pagpapanggap nito. Pero naririnig at nararamdaman niya ang bilis ng tibok ng dibdib nito. Kaya nauna nang sumuko si Prince Hanz. "Penelope, I know you are awake." he said. Biglang nagdilat ng mata si Baba saka humikab na kunwari ay kagigising lang nito. "Hmmm¡­ h-hey, what are you doing?" pinalo pa nito si Prince Hanz sa dibdib. Humigpit pa lalo ang yakap ng prinsipe sa bewang ni Baba. Parang gusto niyang matawa sa galing nito umarte. "Tama na ang pagpapanggap. Kanina pa kita nahuli." Kahit ayaw ni Baba ay namula ang pisngi at tenga niya sa nadinig. Huling-huli kasi siya nito. "*cough* my Kaitlin. For sure she''s starving now." "Our daughter is independent and smart. Siguradong nakakain na iyon." "L-let me go. I need to pee." Tinaas lang ni Prince Hanz ang isang braso nito sa likod ni Baba. "I won''t let you go. Hindi ko na gagawin ang ginawa ko dati." Sumuko na si Baba at hinayaan na lang ang sarili niya sa bisig nito. Matapos ang mahabang katahimikan, inusisa niya ang prinsipe. "How did you get all of my CD albums?" Alam niya na first issue ang libo na iyon dahil sa serial numbers na nakasulat sa cover nito. "Tinawagan ko yung recording studio. Sabi ko ibenta sa akin ang lahat." "Why did you do that?" "Pwede ko na bang idahilan ang rason na para sa akin ang mga musika na laman niyan." Nabigla na lang si Prince Hanz nang marinig na humihikbi si Baba habang nakasandal ang ulo nito sa dibdib niya. Hinayaan niya lang ito na umiyak hanggang gusto nito. Sa palagay niya ay naipon sa dibdib nito ang lahat ng kalungkutan sa loob ng maraming taon. Chapter 441 - Penelope and Hanz: Call me Hubby Hinaplos ni Prince Hanz ang buhok ni Baba. Patuloy lang siya sa pag-iyak. Para siyang batang nawala sa lansangan sa loob ng mahabang panahon. O taong naligaw sa dilim at matagal na hinahanap ang sarili. Sa loob ng mahabang panahon ay ngayong lamang din nailabas ng totoo ni Baba ang tunay niyang nararamdaman. Kahit nang namatay ang matalik niyang kaibigan na si Dylan ay hindi niya nagawa ang umiyak. She was lonely in the past years. Hindi niya nagawang sabihin kahit sa magulang ang problema. Mas pinili niya na manahimik. Walang alam ang mga ito kung sino ang tunay na ama ni Kaitlin. Her Mom and her Dad never asked her past. Naging masikreto siya sa loob ng mahabang panahon. Namumuhay siya nang mag-isa at itinago sa lahat ng tao ang tunay niyang saloobin. "Bakit ang tagal mong dumating? Bakit ngayon ka lang? Why? Why?" parang bata na tanong ni Baba sa lalaki. Nalungkot si Prince Hanz sa tanong niya. "Dahil ito ang nakasulat sa tadhana nating dalawa. Ginawa ko naman na hanapin ka matapos kong maayos ang problema sa bansa ko noon. Matapos ang naganap sa ating dalawa, hindi kita nakita sa loob ng mahigit dalawang buwan¡­" "...When I found you, you told me to go away and never bother you again. Then, I heard you got married. The only thing I could do is to move on." "When I saw you the other day in the auction, I was really bothered¡­ nabigla talaga ako." Dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang dalawa. Saglit nilang dinama ang isa''t-isa. "Bakit ka nagkaroon ng maraming ka-date noon? Did you know that I was hurt?" Tanong ni Baba na may halong pagtatampo. "It''s a ploy. I received threats from terrorists. Tinakot ako ng terorista na huwag na huwag niyang malalaman ang kahinaan ko." Does he mean she was his weakness? Unti-unti nang nagkakaroon ng liwanag ang lahat sa nakalipas para kay Baba. Kaya pala bigla na lang din nawala ang komunikasyon sa kanya si Smiley noon. Hinawakan ni Prince Hanz ang baba ni Penelope para iangat iyon at salubungin nito ang mata niya. "Nangangako ako na gagawin ko ang lahat ng mga hindi natin nagawa noon. Maybe it''s too late for us but we can still do it. Maglalakad tayo ng naka-holding hands. Manonood ng sine. Kakain sa labas. Like what lovers do." "Sinong nagsabi na gusto kong makipagdate sa iyo?" namumula ang pisngi na saad ni Baba sa mahinang boses. Inilayo niya ang mga paningin sa lalaki. "Because I''m charming." Baba "..." "No. You''re not." "Really?" pumikit-pikit ito para magpa-cute. "I''m not charming enough? I''m not Prince charming?" Natatawa si Baba at nawala na ng tuluyan ang kalungkutan niya. "Tatayo na ko. Nagugutom na ko." Umakto na siya na tatayo para makalayo sa lalaki ngunit mahigpit ang pagkakayakap nito sa bewang niya. "I told you, I won''t let you go. Call me ''Hubby'' baka magbago isip ko." pangungulit ni Prince Hanz. Baba "..." Ang lalaki na yata ang may pinakamakapal na mukha sa balat ng lupa. "Come on, I need to check my daughter." Bumitaw din naman si Prince Hanz nang marinig na dinahilan ni Baba ang anak niya. "Haay¡­ just a simple word ''Hubby'', naipagkait pa sa akin" reklamo nito. Tumayo na si Baba at tinungo ang pintuan at saka sinabing¡­ "I agree, Hubby." Matapos niyang sabihin ''yon ay parang tanga na nangingiti na binuksan ang pintuan. May edad na siya pero hindi niya napigilan na kiligin na parang bente anyos lang. Agad na kumalat ang ilaw mula sa living room ng royal suite. Bahagya pang nasilaw si Baba dahil dim light ang ilaw sa kwarto na pinanggalingan niya. Mabilis na bumangon si Prince Hanz at sumunod kay Baba. Naabutan siya ng prinsipe sa labas ng kwarto at mabilis siyang hinarap at niyakap nito sa bewang. "Say it again." pangungulit muli ng prinsipe. "I shall not." "Say it again. Hindi ko iyon narinig ng maayos." Namumula ang pisngi ni Baba. "I agree, H-hubby." "Yes!" Bigla nitong hinawakan ang isang panga niya at sinakop ang labi niya. Hindi na magawa pa ni Baba na tumanggi sa halik na iginawad ng prinsipe sa kanya. His kiss was sweet, passionate and flirtatious afterwards. He sucked her mouth sweetly at tila nag-iiwan ng kiliti sa bawat pagkilos nito. They wouldn''t care about the world anymore. ''Ah, so this is the feeling of being kissed by him.'' "Ehem!" Kapwa sila napalundag at mabilis na naghiwalay nang makarinig ng pagtikhim. Halos hindi makatingin si Lorenz sa PDA act nila na naroon pala sa loob ng kwarto. Nasa kabilang panig nito si Kaitlin na amused sa ginawa ng magulang nito. Nasa tea table ang dalawa at nagmemeryenda. May dalawang bodyguard din sa loob ng kwarto. Itinakip ni Baba ang dalawang palad sa mukha dahil sa kahihiyan. Palibhasa ay nasanay na kasi siya nang mag isa lang palagi kaya hindi niya napansin na may mga tao pala sa loob ng kwarto. Hiyang-hiya siya sa kalandian na ginawa nila ni Prince Hanz. Chapter 442 - Penelope and Hanz: Unexpected Nabigla talaga si Lorenz nang makita ang ginawa ni Prince Hanz at ni Baba. Kitang-kita ng mga mata niya kung paano maglandian ang dalawa na hindi niya talaga inaasahan. He''s here dahil napag-utusan siya ng pamilya mula sa Pilipinas. Naisip ni Shogun na halatang may malalim na ugnayan ang ate niya at prinsipe. Naisip niya na mukhang mabilis na napatawad ng ate Baba nila ang lalaki. Well, wala naman siyang magagawa doon dahil personal na kagustuhan na iyon ng ate Baba nila. Hindi lang talaga siya natutuwa na pinabayaan ng prinsipe ang ate Baba nila at si Kaitlin. Nang malaman niya ang istorya ng dalawa mula kay Prince Hanz, hindi niya alam ang sasabihin. Masyado rin naging malihim ang babae sa nakaraan nito. "Looks like you win." Makahulugan na sinabi ni Kaitlin kay Prince Hanz. Isang linggo kasi ang usapan ni Prince Hanz at Kaitlin ngunit hindi pa lumilipas ang isang araw ay mukhang nagwagi na ang una. Tumayo si Lorenz mula sa kinauupuan nito at hinarap si Baba. "I came here to check on you. Inutusan ako ni Uncle Kyle dahil hindi mo raw sinasagot ang mga tawag nila. Shi Cally asked me to come here." "Don''t worry Mom, I called them a while ago." saad ni Kaitlin tapos ay hinarap nito si Prince Hanz. "They wanted to see you." Mukhang handa naman ang prinsipe. Nagkakilala naman na ito at si Kyle nang mga nakaraang taon. "O, siya! Bukas ng umaga ay uuwi na ako sa asawa ko. Mukhang busy ka kaya hindi na kita tatanungin kung gusto mong sumabay sa akin." Saad ni Lorenz kay Prince Hanz. Halata pa rin ang disgusto sa Shogun at hindi naman ito masisisi ni Baba at Prince Hanz. "Please call Shi Cally." Huling habilin ng shogun kay Baba. Tinungo na nito ang pintuan at umalis na. "I''m happy for the two of you. At last, hindi ko na kayo nakikitang nag-aaway." "Well I''m charming. Hindi ako matitiis ng Mama mo." Nag-isip ito saka sumang-ayon. "I agree." Kinuha ni Baba ang cellphone niya at binuksan iyon. Pinatay niya kasi iyon nang makarating sa hotel para makahinga saglit. Sunod-sunod ang mga mensahe na pumasok sa cellphone niya nang makasagap ng signal. Kung sino-sino ang mga nagpadala ng mensahe at karamihan ay katanungan. "Excuse lang muna ako." Bumalik muna si Baba sa loob ng kwarto. Una niyang tinawagan si Cally tulad ng habilin ng shogun. Tutal naman ay natawagan na ni Kaitlin ang pamilya niya. Matagal-tagal din bago nito sinagot ang tawag niya. "Hmm?" "Gusto kitang pagalitan. I know may alam ka." Bungad niya kay Cally. Imposible na walang alam si Cally sa nakalipas. Siguradong alam nito na si Prince Hanz ang lalaki nang gabing iyon. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit inilihim nito ang bagay na ayon sa kanya. She knew Cally. He doesn''t like bullshits. Kapag inintriga ito ay sasabihin nito agad ang kung ano ang alam nito. "Yeah, I know. Matthew and I know." Pagtatapat nito. "Pati si Matthew?" Gulat na tanong niya. Hindi niya akalain na pati ang kumag na si Matthew ay itinago sa kanya ang bagay na iyon. "Why did you keep it?" Napaupo si Baba sa malambot at malaking king size bed na kama. "Because I don''t want you to suffer. Nang panahon na nalaman namin ni Matthew na kay Prince Hanz nakapangalan ang hotel suite, alam ko na simula pa lang doon na siya na ang lalaki ng gabing iyon. But unfortunately, there is war in his country. He kept you para itago ka sa kalaban at sinunod ko lang ang nais niya." "When you said you were pregnant, hindi pa tapos ang laban sa kanila. Malalagay sa alanganin ang buhay mo at ang pinagbubuntis mo pa lang na si Kaitlin. We don''t want that. Lalo na at hindi ako ganoon kalakas ng mga panahon na iyon. I lost my wife for the first time. I can''t promise that I would be able to protect you." "Nang mga panahon naman na natapos na ang giyera sa kanila. It looks like you moved on." "Ate Baba, I''m sorry." Ramdam niya ang sinseridad mula kay Cally. "Honestly, matagal na akong naka move on but I felt lonely." Saad ni Baba. "I understand how you felt. Ganyan talaga kapag totoong nagmahal." Makahulugan na saad nito. Napapa-iling si Baba. Hindi niya akalain na may kadramahan din sa buhay ang master ng Dark Lords. "Ikamusta mo ako kay Prin. Nakauwi na ba kayo sa Pilipinas?" "Yes. I''ll be busy dahil isang buwan din akong nagstay sa Korea dahil sa sobrang pagka-clingy ng asawa ko. Tapos kung saan-saan pa nagpupunta ang anak namin. Hindi ko alam kung ganito ako kakulit noon." "Hey! Why are you talking bad behind our back?!" Narinig ni Baba na reklamo mula kay Prin sa kabilang linya. Natatawa na lang siya sa pamilya ni Cally minsan. Kung gaano ito kaseryoso sa trabaho at sa iba pang bagay, sweet ito sa pamilya. He doted on Prin like a precious flower. "See you soon." Paalam niya na dito. **** Hello mga Beshy, pa like ng Page na FEIBULOUS sa facebook for more updates. Baka sa May or June 2020 mag gift ako ng book. Mag-iisip ako ng mechanics. Hindi muna sa ngayon dahil alam niyo na ang buhay natin, bawal lumabas ng bahay. Thanks much everyone! Chapter 443 - Surprise Visit Lumipas ang isa pang buwan. Sa White Castle. Sa loob ng ilang araw, bibihira na magkita si Cally at Prin sa bahay nila. Busy kasi si Cally sa trabaho niya sa opisina dahil sa ilang buwan na pagsama niya kay Prin sa Korea. Halos hindi na nagkikita ang mag-asawa dahil abala rin si Prin sa hotel. Apolo started to transfer his shares to Prin. Maaga siyang nakakatulog dahil sa pagod at wala pa si Cally sa bahay tuwing uuwi siya. Si Apolo na kasi mismo ang nagt-train sa kanya at hindi tulad noon na sarili niya lang istratehiya sa pagpapatakbo ng business nito. ''Pag bumabangon naman siya ay nakaalis na rin ng bahay si Cally. Nakakatanggap na lang siya ng mensahe mula dito. O kaya naman ay nagtatawagan silang dalawa pero saglit lang dahil madalas na nasa meeting ito. May dalawang linggo na rin ito na ganon kaya naman namimiss na rin talaga niya ang asawa niya. Naaalimpungatan din naman siya sa gabi at nararamdaman na nakayakap ito sa bewang niya. Iyon nga lang ay halos nawalan sila ng kumunikasyon dahil sa sobrang pagkaabala nila sa kanya-kanya nilang trabaho. Umaga. Panay halo lang siya sa kape na nasa harap. Tulala siya habang ginagawa iyon. Inangat ni Khalid ang mukha nito at hinarap si Prin dahil naririndi na ito sa tunog ng kutsara na tumatama sa tasa. Mukhang nakahalata rin ito na wala siya sa mood. "Mommy, are you okay?" Tumigil sa paghalo ng kape si Prin. "Baby, do you want to go to the MGM office?" tanong niya kay Khalid. Saglit itong nag-isip. "ayaw." "Why?" "I will not earn anything in Daddy''s office." suplado na sagot nito. Madalas kasi na pagalitan ito ng Daddy nito kapag nawawala sa paningin nila. Prin "..." "Gusto mo pang kumita? Hindi ka pa ba mayaman sa dami ng mga kinita mo nitong mga nakaraan?" "Mommy, that''s what you call ''being ready about your future''." Katwiran nito. Nagkibit-balikat siya saka hinigop ang kape. Ang mahalaga ay nag-eenjoy ito sa ginagawa nito araw-araw. Isa pa, wala namang natatapakan na ibang tao ang anak niya. Bukod kay Felix nang dukutin siya nito. "Okay. You stay here. Magpractice ka na lang ng Piano para makahabol ka sa susunod na competition o kaya naman alagaan mo si Billionaire." Pansin ni Prin na bahagyang nabawasan ang pagka-clingy ng anak niya simula nang dumating ang askal sa bahay. Matapos mag-almusal, tinungo rin naman agad ni Prin ang closet at naghanda ng kasuotan. Nagpadala na lang siya ng mensahe kay Mildred na magpapahinga siya sa araw na iyon at tawagan siya kung sakali na may kailangan ito sa kanya. Isang dress na abot tuhod ang napili niya. Natatawa na lang siya kapag naaalala niya na noong kabataan niya ay halos ayaw niya ng dress. Kahit ang Yukata na pinasusuot sa kanya ni Ginang Matsui, ang Lola niya, ay ayaw niyang suutin. But now she always wanted to look pretty for her husband Cally. Binabad niya ang sarili sa rose bubble bath para kumapit ang amoy nito sa katawan niya at matanggal ang mga dead skin niya sa katawan. Kung tutuusin ay hindi na rin kasi siya bata. Kailangan niyang maglagay sa katawan ng napakaraming moisturizers. Matapos ang isang oras, nagbanlaw siya ng katawan saka hinanda ang sarili. Plano niyang sorpresahin si Cally at ayain na mananghalian kaya hindi siya nag-abiso na tutungo siya ng MGM kahit kay Xander. She put a simple make up on her face. Dalawang wisik ng perfume at inayos ang buhok niya sa half bun bago lumabas ng kwarto para pumunta sa opisina ng MGM. Nagpaalam siya kay Khalid na kasalukuyan ay nagpapakain ng aso nito. Maya-maya pa ay nasa opisina ng MGM na si Prin. Bahagya pa siyang natraffic sa kalsada kaya medyo na-late na siya ng dating sa opisina nito. May ilang buwan na rin nang huli siyang dumalaw doon kaya bahagya siyang nanibago. Tinungo niya ang elevator at diretso siya sa floor kung saan naroon ang opisina ni Cally. Wala ang mga sekretarya ng asawa niya sa labas ng opisina nito kaya naisip niya na baka nasa meeting pa rin si Cally. May naririnig kasi siyang nagsasalita sa isang kwarto. Isang salamin ang haligi niyon na may blurred shade ang gitnang parte kaya hindi rin siya nakikita mula sa loob. Sinilip niya ang oras sa relo at nakita na mag-a-alas dose na ng tanghali. Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang meeting ni Cally. Tinungo na muna niya ang opisina ng asawa niya gamit ang badge ng ID niya at agad na bumukas iyon. Mahigpit kasi ang security sa opisina at piling tao lang ang nakakapasok sa mismong opisina ng asawa niya. Nagpasalamat na nga lang siya at hindi siya restricted doon. May nakita siyang isang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa nito. Nakakunot ang noo na kinuha niya iyon bubuksan na sana niya ang bagay na iyon ngunit narinig niya na lumabas na ang mga tao sa conference na nasa kabilang kwarto. Ibinaba muli niya ang kahon sa mesa at hinintay si Cally na pumasok sa kwarto para sorpresahin ito. Chapter 444 - Be my mistress Inabangan ni Prin ang asawa niyang si Cally na pumasok sa loob ng opisina nito. Nakahanda na ang napakatamis niyang ngiti ngunit lumipas na ang ilang minuto ay hindi pa rin pumapasok ang asawa niya sa loob. Pinakiramdaman niya ang mga kilos sa pagitan ng pintuan. Wala na siyang naririnig na kahit na anong kaluskos. Sa kainipan, binuksan niya na ang pintuan at saka lumabas. Tulad ng inaasahan, wala na ang maingay na mga tao na nanggaling sa loob ng conference. Kunot ang noo na sinilip niya ang conference room sa katabing kwarto at natagpuan si Xander na nag-iisa. May inaayos ito na kung ano. Nananatili ito na nagtitipa sa laptop. Nagulat ito na makita na naroon siya sa opisina. "M-Miss Prin?" mabilis na sinara nito ang laptop nito. "Nasaan si Cally?" "Naku Miss Prin. B-bakit kayo nandito?" Hindi nito nasagot ang tanong niya at mabilis na inayos ang mga gamit sa table. Sinara nito ang laptop. Tinanggal ang mga kable nito at mahigpit na hinawakan iyon. "Bakit? Nasaan ba ako dapat?" Tanong niya. Mukhang nahimasmasan si Xander. Pinakalma nito ang sarili. "Sorry, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Bakit hindi niyo po sinabi na pupunta po kayo dito?" "Gusto kong sopresahin si Cally. Kanina pa nga ako sa opisina niya. Where is my husband?" "Ah.. e.." kumamot ito sa ulo. Humalukipkip siya at nilapitan si Xander. Nakita niya na napalunok ito. Naniningkit ang mata na sinuri niya ang assistant ni Cally. "Are you hiding something?" tanong niya dito nang makalapit. "No no, Miss Prin. Nasa meeting po kasi siya. Ta-tatawagan ko na po si Shi Cally." Dinampot nito ang cellphone na nakalapag sa mahabang mesa at biglang nag-excuse na lalabas. Halata ang pagdududa sa mukha ni Prin. Pero sigurado na naroon lang ang asawa niya sa gusali dahil naroon pa si Xander sa lugar. Bumalik na muna siya sa opisina nito. Hinawi niya ang blinds dahil madilim sa opisina ni Cally at para magkaroon ito ng liwanag mula sa labas. Agad na kumalat ang liwanag sa pwesto ng kwarto kung saan niya hinawi ang blinds. Nakagagaan sa pakiramdam ang katanghaliang tapat sa labas ng gusali. Habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Nag-beep ang message alarm tone ng cellphone niya. Galing kay Cally ang mensahe. [I''m still in a meeting. Wait for me for 20 minutes.] Umupo muna si Prin ng pahalang sa malapad at malambot na couch sa kwarto saka nagbasa-basa sa social media. Kinamusta niya si Bella. She asked kung saan mag-aaral si Angel. [I think she''ll stay here. Mapapalayo kami kay Kai kapag umuwi kami sa Pilipinas.] [Okay.] Akala niya ay mapipilit niya ang matalik na kaibigan na ipasok si Angel sa school ni Khalid sa susunod na buwan. But she understands if they wanted to stay in Korea. Wala kasi siyang maisip na paraan para mapilit si Khalid na pumasok sa school. Masyadong advance ang utak ni Khalid at ayaw niya ng mga batang pasaway. Ilang saglit pa ay hinila siya ng antok. ===== Matapos ang bente minutos sa huling meeting ni Cally, nagtungo siya agad sa opisina para kamustahin si Prin. Nabigla talaga siya nang malaman na nasa opisina ito. Sigurado na hindi ito napakali dahil dalawang linggo rin sila na hindi nagkakwentuhan ng personal. Matapos buksan ang pintuan, bumungad agad sa mga mata niya ang nakakasilaw na liwanag mula sa labas. Katanghalian kasi ang oras at tirik ang araw. Bahagya niyang sinara muli ang blinds, sakto lang na hindi madilim at hindi rin masyadong maliwanag. Napansin niya ang maliit na box sa ibabaw ng table. Napamura siya sa isip. He forgot about it. He has been clumsy. He asked himself if Prin saw it. Kinuha niya iyon saka itinago sa loob ng drawer. Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang payapang mukha ni Prin. Tila ito isang anghel na ibinaba mula sa langit. He could tell that she spent some time for herself before coming to that office. Gumaan ang pakiramdam niya na makita muli ang misis niya. God knows how much he missed her. Kung hindi lang naipon ang trabaho niya, malamang na araw-araw sila na nakakapamasyal. Nilapitan niya ito. Hinubad niya ang itim at makintab niyang sapatos saka ito tinabihan ng higa. Siniksik niya ang sarili sa makipot na couch. Kasya naman silang dalawa, iyon nga lang kailangan na dikit na dikit sila sa isa''t-isa. Sobrang sarap sa ilong ng amoy ni Prin ngayon. She smells like a creamy milk with a scent of pink roses. Ibinaba niya ang pang-amoy sa leeg ni Prin. He can''t help but to lick her neck. Matapos iyon, nag-iwan siya ng mumunting mga halik sa leeg nito. Nang mag-angat siya ng tingin, bahagya siyang nabigla na nagising ito dahil sa ginawa niya. "I miss you, Husbie." kusang humalik si Prin sa labi ni Cally. She sucked his lips allowing her tongue to enter. He couldn''t help but to lift her dress and squeezed her butt. "I can tell." mayabang na sagot ni Cally. Umikot si Prin at pumaibabaw sa kanya. "Won''t you miss me?" tanong ni Prin habang nag-iiwan ng mumunting halik sa gilid ng labi niya. "Do I have a choice?" "Yes, yes, you don''t have a choice." tapos ay naramdaman ni Prin na bahagya nang kumulo ang tiyan niya. "I''m hungry." "Then, I am allowing you to eat me." She was hesitant but she honestly wants it. "we are here in the office." katwiran niya. "It doesn''t matter, you can eat me anywhere. Be my mistress now, go on." inunan ni Cally ang mga braso niya allowing Prin to do anything to him. Chapter 445 - Hunger Kasabay ng init sa katanghalian ang init sa isang opisina ng MGM. Kagat ni Prin ang labi at hindi alam ang gagawin. She''s starving and yet she wanted to stay in the room. Inaaya siya ni Cally na para bang pagsisisihan niya kung sakali na palilipasin niya ang chance na iyon. It''s been weeks the last time they''ve been doing this and she misses him so badly. She bent down to continue the kissing session, enjoying his sweet taste. Ginawaran niya ng isang matamis na halik si Cally. Hindi marahas kundi nanunukso. Ilang saglit pa at lumalim din ang halik nila sa isa''t-isa. She sucked all of his mouth, both of his lips and tongue. Her kisses started to move down to his neck while unbuttoning his light blue polo. "Smell so good." She left red marks on his shoulder. The atmosphere in the room seemed to become more steamy. Cally couldn''t help but to place his hand on her face. His hand gently tracing her cheek, nose, eyes and every part of it. Remembering all of it. Naghiwalay sila para sumagap ng hangin. She looked straight in his eyes. He looked back at her darkly and deeply. "I love you Ms. Prin Matsui." Saad ni Cally habang haplos ang pisngi niya. "I love you the most..." Naging dahilan iyon para ipagpatuloy niya ang ginagawa. Forget about eating. She thought. The air surrounding them had seemingly heated up by a few more degrees. Naramdaman na lang niya ang bestida niya na itinaas ni Cally at mabilis na hinubad iyon. Placing sweet little kisses on her chest. This for some reason made Prin excited too. Umikot silang dalawa sa sofa. Her delicate body in her lacy underwear is right before his eyes. Gumapang ang kamay ni Prin sa dibdib ni Cally patungo sa likuran na tila nag-iiwan ng apoy sa balat nito while kissing his shoulder. He m.o.a.ned. Humigpit ang yakap ni Cally sa bewang ni Prin. Iikot pa sana muli sila para bigyan si Prin ng chance na gawin muli ang nais nito nang pumasok si Xander. Sumisipol pa ito hanggang sa mapasigaw nang masilayan ang ginagawa nila. "Ahhh!" Sabay silang napalingon dito at halos maglayo dahil sa gulat. "Ahhhh!!!" Mabilis na niyakap muli ni Prin si Cally para takpan ang sarili dahil napansin niya na naka underwear lang siya. "F*ck!" Mura ni Cally. Tinakpan ni Xander ng laptop ang mukha nito. "S-shi, I.. I didn''t see anything. P-promise. Hope to die!" Gusto nitong maglaho ora mismo dahil isang pagsasala ang nakita ng mga mata nito. Kinuha ni Cally ang isang throw pillow at hinagis iyon kay Xander. "Get out, remove your access in this room from now on!" Mabilis na tumakbo palabas si Xander ng opisina. He wouldn''t dare na ikalat sa iba pa na nahuli niya ang dalawa. Maybe Cally wouldn''t mind but he will be dead kapag nalaman iyon ni Prin. Nasa isip nito na hindi nito inaasahan na gagawa ng kalokohan ang mag-asawa sa opisina. Hindi iyon ugali ng Shi nila. Kahit si Prin ay hindi niya lubos maisip na magiging mapusok. He is wondering if she came to this office to seduce his master. Parang binuhusan naman ng malamig na tubig ang dalawang naiwan sa kwarto. Tumayo si Cally para kumuha ng wet wipes sa ibabaw ng mesa niya sa loob ng kwarto. Sabay kasi silang pinagpawisan. Hiyang-hiya si Prin. Pulang-pula ang mukha niya at hindi niya alam kung paano itatago. Dumapa siya para itago ang namumulang mukha sa kutson ng couch kung saan naganap ang kanyang pagsasala. "Oh my gosh!" Bumalik si Cally sa pwesto ni Prin saka umupo. Pinunasan niya ang mga namuong pawis sa binti nito. "Don''t worry Honey, he didn''t see anything. He wouldn''t dare to see anything." He is gritting his teeth while looking at her butt. Hindi niya napigilan na tampalin ang puwitan ng misis niya. "Aw!" Reklamo ni Prin. "Let''s continue. C''mon." Hinila niya ito para umupo. "Nah. I''m no longer in the mood." Parang lantang-gulay na humiga muli si Prin. "Honey¡­" kumamot siya sa ulo. Ang mga mata ay nagsusumamo. Parang matatawa si Prin sa anyo ni Cally. Mukha kasi itong bata na ayaw bigyan ng kendi. "I will serve you tonight. But right now I really wanted to eat." Natatawa niyang sabi habang haplos ang buhok ni Cally. Nag-isip si Cally. "Okay, please wear Yukata tonight." Kumunot ang noo ni Prin. "Why?" "It''s easy to take off?" Sagot ni Cally habang sinusuot muli nito sa kanya ang bestida niya. Napapailing na lang siya sa katwiran nito. "Sigurado ka ba na makakauwi ka nang maaga? Bakit nga pala parang ang busy mo ngayon?" Parang dumoble kasi ang pagka-busy ng asawa niya. "My most important honey will be waiting for me, I don''t have the guts na hindi umuwi nang maaga." Sinuot naman ni Cally ang flat shoes niya sa paa. "On to your next question, it''s because next weekend, we are going to Sweden. It''s Ate Baba''s royal wedding." Bumilog na lang ang labi ni Prin. Kaya pala busy masyado ang asawa niya, marami itong kailangan na asikasuhin. Chapter 446 - I saw your husband "Wow Mommy you look so pretty!" Puri ni Khalid kay Prin. Sumampa ito sa kama. Saka kumandong sa kanya para mas masilayan pa ang mukha niya. She''s wearing a simple pink yukata. Nakakabata sa hitsura niya ang kulay nito. Inayos niya ang buhok sa isang messy bun na nilagyan ng isang malaking bulaklak na hair accessories. Mas ramdam niya ang pagiging haponesa sa suot. Bakya na lang ang kulang. "Really?" She kissed Khalid on his cheek. Panay ang tango nito bilang sagot. It was 7 at night. usapan nila ni Cally na uuwi ito ng maaga kaya naman hinintay niya talaga ito wearing her Yukata. Katatapos niya lang mag-ayos. Ayon dito ay susunduin siya nito at pupunta sila sa kung saan. "Do you have a date with Dad?" Usisa ni Khalid. Isang simpleng ngiti ang isinagot niya dito. "Yes. How did you know?" "Because you look pretty and I like your scent. Hmmm.. Can I go with you?" Inamoy-amoy pa siya nito. Prin "..." Sabi na nga ba niya. Kaya lang siya nito pinupuri ay dahil may plano ito na sumama sa kanila ni Cally. "No. It''s Mommy and Daddy''s date today." Kailangan niya itong pigilan dahil kakaiba ang date nila ni Cally sa gabi na iyon. Her husband is planning something that kids are not allowed to see. "Eh¡­ but I like to be with you. Earlier, you stayed with him at the office. It''s my turn now." Pagmamaktol ni Khalid. Binuhat niya ang anak at dinala sa kwarto nito. Sanay na siya sa ganitong ugali ni Khalid. He is sweeter, smarter and clingy. Plano niya na patulugin na muna si Khalid para hindi na ito mangulit pa kaya naman dinala niya ito sa kwarto nito. Sumandal siya sa kama ni Khalid habang nakadapa naman ito sa dibdib niya. "Next month, you will start your schooling. Gusto ko na magpakabait ka. At school, you will learn new things and you will get more friends. Bawal maging bully okay?" Sabi niya habang hinahagod ang likuran at buhok nito. "What will you pay me if I do good at school?" Tanong nito sa mahinang boses. Sa palagay ni Prin ay inaantok na rin talaga ang anak niya. Pero nais niyang matawa dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip pa rin nito kung paano kikita ng salapi. "A date with you and a thousand kisses. How''s that?" "Hmm¡­ sounds like a nice plan.." halos hindi na niya madinig na sabi nito. Napangiti siya. Mukhang nakatulog na kasi ang anak niya. Naghintay muna siya ng ilan pang saglit para masiguro na nakatulog na talaga ito at hindi na mangungulit pa. Alas siyete y medya na ng gabi at wala pa ang asawa niya. Naisipan niya na bumalik na muna sa loob ng kwarto. Nagpadala siya ng mensahe kay Xander para tanungin ito kung nasaan na si Cally. Hindi sumasagot ang lalaki. Ilang saglit pa at nag-ring ang cellphone niya. Naisip niya na baka si Cally ang tumatawag kaya mabilis niyang dinampot ang bagay na iyon na nasa ibabaw ng tokador. Pero kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Mildred sa caller ID. "Hello." "M-miss Prin?" "Yes. May kailangan ka?" Tanong niya dito. "E¡­ ano e." ramdam niya na nag-aatubili ito na sabihin sa kanya ang kailangan. "May nangyari ba sa hotel?" Usisa niya. Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Si.. si Master Cally. Nakita ko na may kasamang babae na kumuha ng kwarto dito sa Romantik Grand Hotel. Maganda, s.e.xy; hubog na hubog ang katawan, Miss Prin." Kumunot ang noo ni Prin then she smiled "Hehe... I don''t think it''s Cally." Tanggi niya habang umiiling. "Miss Prin, ''di ba idol ko si Master Cally kaya hindi ako pwedeng magkamali. Siya talaga iyon! Naku Ms. Prin, may babae na ''yung asawa niyo! Naku naku naku!" sabi nito na tunog tsismosang kapitbahay. "Alam niyo po ba na ''yung kwarto na pinuntahan nila, sampung libo na pulang rosas ''yung inorder ng babae sa hotel kanina. Biglaan po. Mabilis na inayos ng florist natin ''yung kwarto. Paano na Miss Prin kung magpropose ''yung babae kay Master Cally? Hala! Tapos hiwalayan ka niya! Naku..." Nagsisimula nang uminit ang ulo ni Prin. Pero pinilit niya na magpakalma kahit pa nadurog na niya ang notepad na nasa ibabaw ng tokador niya sa kwarto at nabali na niya sa dalawa ang ballpen. "Mildred, it''s not Cally." Malumanay na saad niya. She breathed in and breathed out. "Miss Prin, mabuti pa na magpunta ka dito sa hotel, ngayon na! para malaman mo na nagsasabi ako ng totoo! May babae si Master Cally." Binabaan niya na ito ng telepono sa pagkainis saka tinawagan si Xander para itanong kung nasaan sa kasalukuyan ang asawa niya. Alam niya kasi na hindi magsisinungaling si Mildred at sigurado rin siya na nakita talaga nito si Cally lalo at 100% na fan ito ng asawa niya. Unang beses din na hindi sinasagot ni Xander ang telepono kaya naman nagsisimula na siyang magduda. Ilang beses niyang tinawagan si Xander at hindi talaga ito sumasagot. Hindi niya makausap si Xander sa telepono kaya naman nagdesisyon na siya na magpunta sa hotel para makita kung ano ang nangyayari. Chapter 447 - The big surprise Hindi mapakali si Prin kaya naman naisip niya na magpunta sa Romantik Grand hotel. Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya lalo na''t ilang linggo nang hindi niya makausap o makakwentuhan man lang si Cally. She is wondering kung magagawa nga ng asawa niya na mambabae sa loob ng dalawang linggo kaya madalas na wala ito sa bahay. Kahit naman kasi noon na marami itong trabaho ay nakakauwi pa rin ito ng maaga. Kahit pa sunud-sunod ang meeting nito ay nakakasama niya pa rin ang lalaki sa hapunan. Malakas ang pakiramdam niya na hindi siya kayang lokohin ni Cally. Gusto niya lang masiguro kung tama ang sinasabi ni Mildred. Bigla niyang naisip ang reaksyon ni Xander nang makita siya nito nang tanghali ng araw na iyon. Parang nakakita ito ng multo nang makita siya at agad na sinara nito ang laptop. What is wrong with him? What is in his laptop? Mabilis niyang pinaharurot ang sports car na ginagamit niya para maabutan si Mildred sa hotel. Matatampal niya talaga ang babae kapag mali ito ng binigay na impormasyon sa kanya. ===== "Master, what can I do? Si Ms. Prin kanina pa tumatawag." Nag-aalala na tanong ni Xander na kababalik lang sa hotel dahil ito na ang nag-asikaso ng iba pang kailangan ni Cally sa opisina. "Tell her that I''m still in a meeting." Sagot ni Cally. Sinilip niya ang oras sa kanyang silver wristwatch. Maaga pa naman ang oras. Hindi pa naman siguro naiinip ang asawa niya sa bahay. Gusto niyang makita kung ayos ang kwarto na pinaayusan niya sa stylist ng ate Baba niya. Bata pa ang babae na naglalaro sa edad na bente. He wanted Prin to remember this night wearing her traditional japanese dress kaya naman sinabihan niya ito na magsuot ng yukata. Nais niyang ayain na magpakasal muli ang asawa niya. He wanted this night to be perfect. In his thought, he never asked Prin to marry him in the past. They got married because their parents wanted them to. Ang totoo ay biglaan din ang naging desisyon niya na ito. Nais pa sana niya na sa susunod na weekend pa ang plano niya na proposal kay Prin ngunit hindi niya akalain na biglaan din na magpapakasal ang Ate Baba niya na nakatakda sa susunod na weekend kaya naman mas inagahan niya ang preparation. Ito ang dahilan kung bakit ginagabi siya ng uwi. He is designing everything for his wife with the help of Baba''s assistant and Xander. He is planning hard for everything; her gown, the venue, kahit ang singsing at mga bisita ay personal niyang inasikaso. Natawagan niya na ang lahat ng kaibigan nila at naroon na ang mga ito sa garden sa loob ng Romantik Grand Hotel. Nagkataon sin na dumating ang pamilya ni Kai nang umaga kaya naman dali-dali siyang nagdesisyon na ilipat ang nakatakdang araw, sa araw na iyon. Mabuti na nga lang at walang nasabi si Bella sa asawa niya. Lahat ng kaibigan nila ay naroon bukod kay Baba na naghahanda rin sa kasal nito sa Sweden. He told everyone na ilihim kay Prin ang bagay na ito at nagpasalamat siya na hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang alam ang asawa niya. Kahit ang maghinala ay hindi nito nagawa. Kahit pa nga muntik na nitong mabisto ang lahat nang biglaan itong dumating sa opisina niya ng tanghali. Mabuti na lang at agad na tumakas si Xander. Nais niyang masuri muna ang lahat bago ayain ang asawa niya na magpunta sa hotel. Kasama ang stylist ni Baba, una niyang pinuntahan ang garden. It was perfect. Nababalot ang paligid ng mga cherry blossoms. Sunod na ginawa nila ay nagtungo sa hotel suite na nasa pinakamataas na palapag. He is smiling while checking on everything. Bahagyang dim ang ilaw dahil tanging electronic scented candles ang nasa paligid at napupuno ng mga pulang rosas ang kwarto. It was a perfect night. "Master Cally, these were everything na request niyo po sa akin." paliwanag ng stylist na nakangiti habang umiikot sila sa loob ng suite. Kasalukuyan silang nasa living room na puno ng pulang rosas. Nagulat na lang sila nang may pumasok na lalaki sa loob ng suite. Dali-dali itong lumapit sa kanila. Naka business suit ito, halos kasing tangkad niya ang lalaki. Hindi nalalayo ang edad nito sa assistant ng ate baba niya. "Babe, who is this man?" tanong nito sa assistant ni Baba habang turo siya nito. Nakakunot ang noo na nilingon niya ang babae para simpleng tanungin kung sinong herodes ito. "Babe, what are you doing here? Ms. Penelope asked me to assist Master Cally!" nakangiwi na sagot nito sa lalaki. "He''s my client now! What the hell are you doing here?" parang maiiyak ang babae. Huminga nang malalim si Cally. Jealous perverts are everywhere. "Doon muna ako sa kwarto." paalam niya sa dalawa saka tinungo ang loob ng bedroom para suriin din ang kwarto kung saan naroon ang big surprise niya sa asawa. Chapter 447 - Where is my husband? The sky was clear. The crescent moon is dreamy. The stars were like the sea of the night sky. It was actually a sweet night pero hindi maiwasan ni Prin ang kabahan. What would she do if Cally is having an affair with another woman? Ngayon pa lang ay maiiyak na siya kapag nangyari iyon. Mabilis na naparada ni Prin ang dilaw na sports car sa parking lot kung saan siya madalas nagpa-park kapag dala niya ang parehas na kotse. Masisipa niya si Mildred kapag mali ito ng impormasyon na binigay sa kanya. Sinuri na muna niya ang sarili sa rearview mirror ng kotse. Naglagay siya ng pulang lipstick. Yung nagbabaga sa pagkapula na para bang naghahanda siya ng laban. Inayos niya ang buhok na bahagyang nagulo nang niyakap niya si Khalid sa kwarto nito. Bahagya niyang hinawi ang bangs niya at inayos ang mga hairpins sa buhok. Maayos din niyang nilagay sa tamang pwesto ang malaking hair accessory na bumagay sa pink niyang kasuotan. Matapos masiguro na ayos ang itsura niya, nagmamadali siya na pumasok sa loob ng hotel. She was pretty wearing her Yukata. The pink cherry blossoms on her dress were beautiful. Bumabagay sa maganda niyang mukha. Tumutunog ang bakya niya sa bawat paghakbang patungo sa opisina ni Mildred. Napansin niya na may kasiyahan sa garden na natatanaw niya mula sa entrance bago siya tuluyan na pumasok sa loob. Halos bukas ang lahat ng ilaw sa gawi nito at nasisilayan niya nang bahagya ang kulay pink na cherry blossoms. Hindi niya akalain na may event sa hotel sa araw na iyon. Bahagya siyang nakaramdam ng inggit. Nang ikasal kasi sila ni Cally ay nagpirmahan lang sila ng kontrata and boom, they are married! Mabilis na tinungo niya ang opisina ni Mildred habang patuloy na tinatawagan si Xander. Hindi pa rin sumasagot ng lalaki. Nakaramdam na siya nang pagkainis. Unang pagkakataon kasi na hindi ito sumagot sa mga tawag at mensahe niya. Binuksan niya ang pintuan ng opisina ni Mildred at natagpuan ang babae na nakikipagchat sa kung kanino sa online. "Anong room number?" bungad niya dito matapos buksan ang pintuan. "Miss Prin? Wow! You''re pretty!" nabigla ito sa pagdating niya. Agad itong tumayo para suriin siya sa malapitan. "Wow!" bulalas muli nito. "Wala ako sa mood makipagbolahan. Kapag mali ka ng impormasyon na binigay sa ''kin, masisipa talaga kita palabas ng hotel." banta niya dito habang nakapameywang. "No, Miss Prin! Heto ang master key!" kinuha nito sa bulsa ang isang card at inabot nito iyon sa kanya; ang master card sa hotel na iyon. "Susuportahan kita para sabunutan ang mistress ni Master Cally. Hindi ba niya alam na bawal nakawin si Master?! Pa''no ko pa makikita muli si Master Cally araw-araw kapag naghiwalay kayo? kaya, No! Kailangan nating putulin ang kalokohan niya ngayon pa lang!" halata na determinado ang sekretarya niya at siguradong-sigurado ito. "Hey! Walang naging kabit ang asawa ko sa tagal ng relasyon namin, Okay? I will check on it para masipa kita agad! And to prove you wrong. Hmp!" inirapan niya ito. Hinawakan siya nito sa mga balikat. "Sasamahan kita, Miss Prin! Sasamahan kita na sabunutan ang babae!" sabi nito. Para maabutan kung ano man ang dapat na abutan, hawak ang master card key, tinungo nila ang pinakamataas na palapag ng hotel na iyon. Si Mildred naman ay kinuha ang walis-tambo sa nadaanan nilang facility area na para bang handa rin ito sa laban. Bahagya siyang kinakabahan habang sakay ng elevator. Nag-inhale exhale siya para kalmahin ang sarili. Natagpuan nila si Xander na nag-aabang sa hallway malapit sa pintuan ng unit na tinuro ni Mildred. Naroon daw si Cally. Dumoble ang kaba ni Prin. Nakatingin si Xander sa cellphone nito at parang hindi mapakali. Hinila na muna niya si Mildred sa gilid ng pader na may malalaking halaman para hindi sila mapansin ng assistant ni Cally. Bahagya niya itong sinilip at sinenyasan si Mildred na huwag gagawa ng ingay. Tinapat nito sa bibig ang hintuturo saka tumango. Tinawagan niya ang cellphone ni Xander habang sinisilip ang reaksyon nito. Nagulat ang lalaki nang tumunog muli iyon. Halos mabitawan nito ang cellphone ngunit mabilis na nakabawi at saka sinagot ang tawag niya. "Where is Cally?" bungad niya dito. "M-Miss Prin!" "Nasaan ang asawa ko?" "Na-nasa business meeting pa kami Miss Prin." Nagkaroon ng hindi magandang impresyon si Prin sa sagot nito kaya naman mainit ang ulo na lumabas siya sa pinagtataguan at malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang lalaki. "Where is my husband?" ulit niya sa harapan nito. "Ahhh!!!" mabilis na tinakasan ng kulay si Xander nang makita siya. "Miss Prin bakit kayo nandito?" "Mildred!" sinenyasan niya ang sekretarya niya at nilabas nito ang walis-tambo mula sa likuran at itinapat iyon kay Xander. Binuksan niya ang katabing kwarto gamit ang master card key at tinulak papasok doon si Xander. "Bantayan mo ang taksil!" utos niya kay Mildred "Isa kang taksil!" saad ni Mildred kay Xander at tinapat dito ang walis-tambo. "Miss Prin, this is wrong! Napag-utusan lang ako ni Shi!" reklamo ni Xander na parang maiiyak. Hindi niya na ito pinansin at sinara ang kwarto kung saan ito nandoon. Bahala si Mildred dito. Mainit ang ulo na tinungo niya ang katabing kwarto. Parang sumapi na sa kanya si Medusa dahil sa sobrang init ng ulo niya. Chapter 448 - I hate Mistresses Humugot ng malalim na hangin si Prin para pakalmahin ang sarili. Hindi pa man ay bahagya nang tumutulo ang luha niya. Bahagya siyang nagduda dahil nagsinungaling sa kanya si Xander. Iniisip niya rin kung sa loob ng ilang linggo ay madalas na kasama ni Cally ang kung sino man na kasama nito. Binuksan ni Prin ang hotel suite kung saan daw naroon si Cally gamit ang Master card key. Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan saka pumasok. Isang metrong pasilyo kasi ang bungad ng suite. Amoy citronella ang kabuuan ng kwarto na agad na nanuot sa ilong niya. Bagyang dim ang ilaw na tila at gumagalaw pa ang tila apoy ng mga electronic scented candle. Tulad ng description ni Mildred, puno ang kabuuan ng kwarto ng mga pulang bulaklak. It was super romantic. Parang tinarak ang dibdib niya nang makita ang bulto ng isang babae na maganda, s.e.xy at halatang mas bata sa kanya ng ilang taon. Mukhang naglalaro lang ito sa bente anyos. Kahit pa nga dim ang ilaw, hindi iyon nakaligtas sa kanya. Nakayakap nang mahigpit sa bewang nito ang bulto ng lalaki na sa tingin niya ay si Cally na nakagilid patalikod sa kanya. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ng babae at tila sila nagsasayaw. Hindi na nakapag-isip ng maayos si Prin. Mabilis niya itong nilapitan sa pagitan ng mga luha at sinipa ang bayag nito mula sa likuran. "Aw!" Tila tinakasan ng kulay ang lalaki at namilipit sa sakit. Kumapit ito lalo sa katawan ng babae. "Walang hiya ka! Matapos ang lahat ng ginawa ko sa iyo, kaya mo pa akong lokohin." Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha. Naninikip ang dibdib niya dahil sa sakit. In her thought, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila ng asawa niya ay nakaya pa rin nito na lokohin siya. "Hu hu hu.." Hinablot niya ang lalaki sa kwelyuhan nito at sinuntok ito nang ubod-lakas. Tumilapon ito sa pader na puno ng mga rosas. Mabilis na nagkalat ang mga rosas sa sahig. Nilapitan muli niya ang lalaki at binigyan ng upper cut. Saka tinuhod muli ang maselan na parte ng katawan nito. "Dapat dinudurog na ang bayag mo para hindi ka na makapanloko pa! Hu hu hu.." Nakapagtataka na hindi man lang siya nito mapigilan. Siguro guilty ito sa ginawa nito. "Ahhh!!!" Napasigaw ang babae habang ginigulpi ni Prin ang lalaki. Panay ang iyak ni Prin na hinablot ang TV sa gilid at binasag iyon sa ulo ng lalaki. Hindi na siya makapag-isip ng maayos. "Aughhh.." Ang tangi na lang na nasabi ng lalaki na napadapa at halos hindi na makatayo. Napadapa ito at namilipit sa sobrang sakit ng buong katawan nito. Nagdudugo na rin ang mukha nito dahil sa gulpi ni Prin. "Hu hu hu hu¡­" basa ng mga luha ang mukha niya at hindi na naka-move on pa. "Who the hell are you?" Galit na tanong ng babae kay Prin. Lumapit ang babae sa lalaki na namimilipit sa sakit ang katawan. "Honey, are you okay?" Nag-aalala nitong tanong "Aughhh¡­ Honey¡­" tila tunog-alien na ang boses ng lalaki dahil sa gulpi na inabot nito kay Prin. Gusto niyang matawa ''Honey?'' Akalain mong Honey rin ang tawag ng kumag na ito sa babae. Bakit? Para ba hindi na ito nalilito? "How dare you?! Sabihin mo sa akin kung kailan mo pa ako niloloko? Porke ba retokada na ko, hindi na tunay ang lahat sa akin, nagagawa mo na ang manloko?" "Huhu¡­ I tried my best naman na ibalik ang dati kong mukha ah¡­ I paid millions para lang ibalik ang mukha ko. Para lang hindi na ako mukhang lola ni Spongebob..." Nang bigla niyang maisip na si Cally nga pala ang nagbayad ng doktor niya. Lalo siyang naiyak. "Hu hu hu... hindi nga pala ako ang nagbayad." Bigla niyang naiusal na parang bata. Kung saan-saan lumilipad ang isip niya habang panay ang ngawa niya sa loob ng may kadiliman na kwarto. Pakiramdam niya bigla ay walang Prin Matsui kung wala ang asawa niya. "You told me you love me wholeheartedly. Why are you doing this to me? Pa''no na si Khalid? Paano na ang anak natin? Paano na ang pamilya natin?" Mga katanungan niya dito. Naghahalo na ang sipon niya at mga luha sa pisngi. Dinampot niya ang box ng tisyu sa ibabaw ng mesa saka suminghot ng napakadami. "What the hell are you talking about?!" Galit na ang babae. Hinarap niya ito. "Ikaw! Ginagamit mo ang mukha mo sa lalaking may-asawa! I hate mistresses like you!" Nag-init ang ulo ni Prin kaya malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Plano niyang gulpihin ang babae para hindi na ito makapang goyo pa ng lalaking may asawa. Sasampalin niya na sana ito nang bigla siyang hilahin ng kung sino at yakapin. "Honey, stop! what are you doing?" Tila siya nahimasmasan nang madinig ang tinig ng asawa niya. Lalong lumakas ang pag-iyak niya. Biglang bumukas ang pinto. "Miss Prin!!!" nagmamadali na pumasok si Mildred. Nakangiwi ito nang makita ang ayos ng kwarto. "I''m¡­ wrong¡­" kagat nito ang labi matapos ikutin ang paningin sa buong kwarto. Kasunod nito si Khalid na hinatid ni Xia, at si Xander. Nagkalat ang liwanag sa kabuuan ng kwarto matapos buksan ni Xander ang ilaw. Napangiwi na lang ito matapos makita ang buong kwarto. Naghahalo na ang duguan na lalaki sa mga pulang rosas sa sahig. Nabigla din si Prin kahit pa panay ang singhot niya nang makita nang mas malinaw ang lalaki na ginulpi niya. "Wh-who are you?" Nanlalaki ang mata na tanong niya dito saka niya nilipat ang paningin kay Cally na nakayakap sa kanya. "Mildred, what did you do?" Nang-aakusa ang tingin ni Khalid sa babae. "Tsk tsk! You must hide somewhere in the desert." Napapailing na dagdag nito at halatang nananakot. Nayari na! Lagot na! Gustong magtago bigla ng sekretarya ni Prin at pagkasyahin ang sarili sa loob ng ref. Chapter 449 - Re-Marry Lalong naiyak si Prin matapos makita ang kabuuan ng kwarto. The red flowers are everywhere. Nagkalat ang mga pulang rosas sa sahig matapos niyang ihagis sa pader ang lalaki kung saan maayos na nakakabit ang mga iyon. Nasira na rin niya nang tuluyan ang 70 inches television ng kwarto. May mga nasagi rin na figurine na nagkalat sa sahig. Halos hindi na rin makatayo ang lalaki na ginulpi niya na parang tinakasan ng buhay sa sahig. "Bring him to the hospital." Utos ni Cally kay Mildred at Xander habang yakap si Prin. In his thought, kasalanan rin naman nito kung bakit ito nagulpi ng asawa niya dahil bigla itong pumasok sa kwarto na iyon nang walang pahintulot. "Why are you here? Saka sino sila?" Tanong ni Prin kay Cally sa pagitan ng mga pag-iyak. "She''s Ate Baba''s Assistant. I asked her help to plan this all. I told you na susunduin kita sa bahay. Bakit sinira mo ang surprise ko sa iyo?" Halata ang disgusto sa mukha nito. Lalo siyang naiyak. "I thought you were having a mistress. Tapos si Xander, nagsinungaling pa siya." Cally "..." Xander "..." ''napag-utusan lang ako! Bakit parang ako pa ang may kasalanan?'' "M-Master Cally, I''m sorry¡­ Hindi ko po kasi alam na sa inyo po pala nakareserba ang kwarto na ito. It was reserved after a girl''s name." Kagat ang labi na katwiran ni Mildred. Nakaramdam ng inis si Cally sa babae. Pinalabas niya na ang lahat ng tao sa kwarto bukod sa kanila na Prin na maiiwan. Nang-aakusa naman ang tingin ni Khalid sa babae. "You ruined the mood." Bintang nito sa babae habang papalabas. "Master Khalid, what am I going to do?" Parang maiiyak na tanong nito. "As much as I wanted to ask for money to help you, it was my parents'' big day, I won''t help you, hmp!" Inirapan nito ang babae saka sumunod kay Xia. "Master Khalid, I''ll pay! H-how about twenty thousand?" "No go! You hurt my Mommy''s feelings." Napapailing na lang si Khalid. Inaya na ito ni Xia na tumungo sa katabing kwarto para bihisan. Kahit naman mukha itong pera, ayaw nito na nasasaktan ang Mommy nito. Kakamot-kamot naman ang ulo ng babae na sumunod na lang kay Xander at sa dalawang magkasintahan. Hawak pa rin nito ang walis-tambo na parang wala sa sarili. Samantala, sa kwarto kung saan naiwan ang mag asawang si Prin at Cally. Panay ang iyak ni Prin habang yakap ang asawa niya. "Stop crying." Utos ni Cally kay Prin. Gustuhin mang mainis ni Cally sa kanya, hindi nito magawa. Sa kabilang banda, natatawa ito sa ginawa niya. "Naiiyak lang ako dahil may surprise ka pala sa akin at sinira ko na. Hu hu hu. What is it exactly?" "Haaay. Sa totoo lang, ako nga itong dapat na maiyak. I want you to be pretty tonight pero mukha kang si Dora the explorer na naligaw dito." Lalong lumakas ang iyak ni Prin. Sinuri naman ni Cally ang kamay niya. Naningkit ang mata nito nang makita ang galos sa kamay niya dahil ginupi niya ng todo ang lalaki. "Honey, stop crying¡­ narinig ko ang mga hinaing mo kanina. At sa totoo lang natatawa ako na hindi ko alam. I will not have a mistress in any lifetime. Especially now, I don''t have the guts na mambabae." Sabi ni Cally. Matapos niya makita ang kinahinatnan ng lalaki, magtatangka pa ba siya na mangaliwa? He wouldn''t dare. "Really?" "Hm.. really" Ginawaran niya ito ng halik sa labi. Hinawi ni Cally ang bangs ni Prin. He ran his fingers on her neck and collarbone. "I like your looks on your Yukata kahit nasira na." Nakangiti na puri ni Cally. Bahagya nang nalilis ang suot ni Prin kaya naman sinimulan muli ni Cally na ayusin ang kasuotan niya. Hinayaan siya nito na tumayo sa gitna ng kwarto. Tinanggal nito isa-isa ang parte sa suot niyang yukata; ang obi, na sumusuporta sa tiyan, ang obijime, ang kimono. Hinayaan lang nito na itira ang haneri, o yung pang loob. Saka siya sinimulan na suotan muli ni Cally. Seryoso ito na ibinalik isa-isa ang mga bagay na tinanggal nito. Inaayos nito ang kasuotan niya na para bang isa siyang japanese doll na binibihisan ng owner nito. Nawala na ang mga pag-iyak ni Prin at seryoso na pinanonood si Cally sa ginagawa nito. How come there is a man like Cally who is perfect in everything? "I''m not good at expressing words, so I hope you listen." Saad ni Cally. Matapos masiguro na ayos na ang suot niya, sunod na inayos nito ang buhok niya. Gamit ang mga daliri, sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin. "Nothing or no one will ever change the way I feel for you... not in this lifetime." "You are my Prin Matsui, the only one I have ever loved..." "Destiny, fate and opportunity may have separated us, but today we are still together. I had never lost hope that we would be together in the past." "I''ve enjoyed my everyday because of you Honey. Thank you for making my life worthy." Hinaplos ni Cally ang pisngi ni Prin. Sinalubong nila ang mata ng bawat isa. She saw love, respect and peace in his eyes. "You are my most precious Prin Matsui¡­ my most precious gem, Prin Matsui." Nagsimula muling lumuha ang mga mata ni Prin. This time, it''s because she was happy. They are tears of joy. Nilapat ni Cally ang labi sa mga mata niya. Matapos iyon ay sinakop nito ang labi niya. Pinasadahan ni Cally ang palad pababa sa katawan ni Prin hanggang sa lumuhod ito sa harapan niya. Ilang saglit pa ay nilabas nito ang namumukhaan niyang maliit na box. Nakita niya iyon sa opisina nito. She saw a three karat diamond ring. Dinala ni Cally sa labi ang kamay niya na may galos para halikan. "My most precious wife Prin Matsui, will you re-marry me?" She cried hard saka tumango. Sinong mag-aakala na maiisip ni Cally na magpakasal muli sa kanya? Isinuot nito ang singsing sa daliri niya. Biglang naisip ni Cally na hindi naman pala ganoon kaimportante ang lugar kung saan siya magp-propose sa asawa niya. Ang mahalaga ay ang mensahe na nais niyang iparating. "Ang pangit ko tuloy habang nagp-propose ka. Hu hu hu." Reklamo ni Prin. "Oh my gosh Honey, yung ilong mo tumabingi ulit!" Tutop ni Cally ang bibig at nanlalaki ang mga mata. Lalong lumakas ang iyak ni Prin. "I''m just kidding." Prin "..." Chapter 450 - Love, Joy and Laughter Pumasok si Prin at Cally sa loob ng bedroom sa parehas na suite. Namangha siya nang makita ang hilera ng mga kasuotan sa loob ng kwarto. May isang A-line, off-shoulder na puting gown. Simple lang din na tulad ng pagkatao niya. Isang white tulle lacey gown iyon na dinidisenyuhan ng mga mga hugis talulot ng sakura na kulay puti din. Katabi nito ang isang puting tuxedo. Ang sumunod ay isang white Japanese wedding kimono o uchikake. Katabi rin ang isang kimono na para sa groom. A traditional Japanese wedding dress. Ang ikatlo ay nais matawa ni Prin. Their Dark Guard suit na pinatungan lang ng itim na trenchcoat ang damit ni Cally at nilagyan ng leather na saya ang damit niya para maging palda ang ilalim. Nakasuot din sa leeg ang mga dog tag nilang dalawa sa parehas na body stand. Natutop niya ang bibig matapos masuri ang lahat. Inangat niya ang paningin kay Cally. "Y-you.." "Yes, Honey. Our renewal of marriage will happen today." Hindi niya napigilan na lumuha. "Why?" Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. She was happy, overwhelmed and thankful. "Dahil bayad na ang venue." Pamimilosopo ni Cally. Pinalo niya ito ng marahan sa dibdib. Hindi niya akalain na kahit araw-araw na siyang nasa loob ng hotel ay nakaligtas pa rin sa kanya ang tungkol sa sarili niyang kasal. Posible na si Apolo ang nag-asikaso ng lahat kaya nakaligtas sa kanya ang tungkol dito. Bigla niyang naalala ang pagkakaayos sa Garden. Hindi niya rin akalain na ang kinaiinggitan niyang pagkakaayos sa hotel na iyon ay para pala sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilan ang pagdaloy ng mga luha niya sa mata. "Honey, gusto mo bang panget ka sa kasal natin? Stop crying." "Nasorpresa lang ako sobra. Masyado mong napaghandaan ang lahat. I don''t even have any idea na kasal ko pala ngayon." Pinunasan ni Cally ang luha niya mula sa box ng tissue na hindi na niya binitawan. Hinalikan nito ang mga mata niya. Sunod ay ang labi. He kissed her while removing her clothes. Tinanggal muli nito isa-isa ang bawat parte ng suot niyang yukata. "Ayoko na ngang magpakasal." Komento ni Cally. Panay kasi ang iyak niya. "Ee.." pinalo niya ulit ito sa dibdib. Natatawa na lang ito sa kanya. "What would you like to wear?" Pinapili siya nito sa tatlong kasuotan na naroon sa kwarto matapos mahubad ang Yukata niya. "The white gown." Hinayaan siya nito na nakatayo sa gitna. Hinubad ni Cally ang request niya mula sa body stand. Matapos nito mahubad ang gown, pinasuot nito sa kanya ang bagay na iyon. "Bakit ikaw ang nagsusuot sa akin? Ayaw mo bang masorpresa na makita ako na nakagown sa labas." "Nah! I don''t like someone seeing you n.a.k.e.d. Kahit babae pa. Saka, noon pa man, gusto ko nang makita kung ano ang ayos mo kapag nakasuot ka ng wedding gown." Katwiran ni Cally habang inaangat ang zipper ng gown sa katawan niya. "I want to be the first person to see you in your wedding gown. Not someone else." Saka nito inikot ang katawan niya paharap dito. "Gorgeous." Komento nito matapos makita ang kabuuan niya. "What about Khalid? Kahit siya ang makasama ko ayaw mo?" "Hm. Kahit si Khalid." Sagot nito. Pinaupo siya nito sa couch. Sunod na inayos ni Cally ang buhok niya. Tinanggal lang nito ang malaking bulaklak na nakakabit sa buhok niya at pinalitan iyon ng mga kung anong hair accessories. Nasa ganoong ayos sila nang makarinig sila ng mga katok sa pintuan. "Come in." Dahan-dahan na bumukas iyon at lumitaw ang ulo ni Khalid. Mabilis ito na tumakbo papalapit sa kanila nang makita ang ayos niya. "Whoah! Mommy! You are beautiful!" Puri nito nang makalapit. Halata ang admiration sa mga mata nito. "Really?" Panay ang tango nito bilang sagot. "Hey, labas ka muna. Bawal ka dito." Suway ni Cally sa anak nila. Hindi naman ito pinansin ni Khalid at patuloy na sinusuri siya nito. Napalitan ng pagtawa ang kanina ay pag-iyak ni Prin. Kung paano kasi siya tingnan ng asawa niya ay ganoon din si Khalid. Kinandong niya si Khalid kahit nakasuot siya ng puting gown. "I love you, Mommy." "I love you too, Baby." Binuhat din sila ng asawa niya mula sa sofa at kinandong sila parehas. Kapwa sila niyakap nito. "I love you, Honey." Saka siya hinalikan sa pisngi. "I love you too, Husbie." "I love you the most, Mommy." "Hm. What about me?" Tanong ni Cally sa anak nila. "For four years, I have always loved Snow White." Nakakunot ang noo ni Cally. Humalakhak naman si Prin dahil hindi nakuha ng asawa niya ang sinagot ng anak nila. Hindi niya napigilan na halikan ito sa pisngi. "Daddy as your kid, I just wanted you to know that I don''t like another baby pandas in our home." Komento ni Khalid. Lalong natawa si Prin. Sa ngayon, ay hindi din niya gusto na magkaroon ng panibagong baby panda dahil nais niyang bawiin ang mga nawala niyang oras kay Khalid. She wants to spend more time with Khalid. Maybe after four years, she''s ready. The room was filled with love, laughter, joy and peace. Nang oras na iyon ay parang ayaw nang lumabas pa ni Prin sa kwarto dahil sa kakaibang bonding ng pamilya niya. Hugging by her husband and her son is something she couldn''t ignore. Sa wakas, masasabi niya na buo na ang Panda Family. Chapter 451 - New Girl Last day of Summer. Nagre-ready na ang lahat para sa pagsisimula ng klase. Malaki ang pagkakabukas ng bakal na gate ng LIU or kilala bilang Lloyd International University. Matatagpuan ang eskwelahan sa kalapit na probinsya ng Maynila. Isa-isang nagsisidatingan ang mga estudyante mula sa iba''t-ibang lugar. Lively ang paligid dahil nagkakamustahan ang lahat. Isang babae na nasa edad disi-nuebe ang bumaba sa hindi magarbong sasakyan. Si Angel Jang. Simula airport ay dumiretso na siya sa university na iyon. Ayaw niya na kasing mag-aksaya pa ng oras. Tutuloy sana siya sa white castle pero mas pinili niya na dumeretso na sa school para makakilala ng mga kaibigan. Nahihirapan siya sa pag-arkila ng taxi o grab car dahil dumating siya sa Pilipinas ng rush hour. Alas dose ng gabi ang flight niya kaya naman umaga siya nakarating sa airport. Mabuti na lamang at may napakiusapan siya na traveler na patungo lang din sa parehas na probinsiya. Nakasabay niya ang isang solo traveler na babae na nagmula pa sa Korea. Sa eroplano pa lang ay naka-kwentuhan niya na ito. Nagkataon naman na sinundo ito ng nobyo nito kaya inaya na siyang makisabay. Narito siya sa bansa dahil magpapaturo siya ng aralin kay Khalid. Nasa 2nd Year College siya at ito naman ay sa 3rd year. Mas advance sa kanya ang lalaki dahil di hamak na mas matalino ito sa kanya kahit pa nga parehas sila ng birthday. Sa telepono pa lang ay nakakausap niya na ito. He invited her to be at this university at magpunta nga dito sa Pilipinas para magpatuloy ng college. He said it was fun to be here. Having the thought na nandito ang lalaki, sige na nga at pagbibigyan niya ito. Pinakuha sa kanya ang business course dahil wala namang ibang magmamana ng Chen at Jang businesses kun''di silang dalawa ni Ruru, ang pinsan niya na mas bata sa kanya ng apat na taon. Bahagya na siyang pinagpapawisan dahil alas dyes na ng umaga. Hila ang lavander na bagahe, pumasok siya sa loob at sinimulan na hanapin si Khalid. Nalowbat na kasi ang cellphone niya at hindi niya alam kung saan hahanapin ang lalaki. Kapansin-pansin si Angel ng ibang estudyante dahil kakaiba ang awra niya. Tita kasing puti ng bigas ang balat niya na para bang hindi naaarawan. Sobrang smooth pa na parang sa model ng mga lotion. She is wearing a red bucket hat with a small ribbon on the side. Her dress flows like an ocean. Umaabot iyon hanggang binti. Her face was small and everything in it was perfect. Kung mayroon mang maipipintas sa kanya, iyon ay ang height niyang 5''1. Madalas na mapagkamalan siya fifteen dahil sa lit niya. Malayu-layo na rin ang nalalakad niya nang may humarang sa kanyang tatlong lalaki. "Hello." Kumunot ang noo niya. Hindi naman niya kilala ang mga ito kaya hinila niya ang bagahe patungo sa gilid ng mga ito at pinilit na iniwasan ang tatlo. Ngunit humarang muli ang tatlong lalaki nang makarating siya sa gilid. Hindi na siya nakatiis kaya pinameywangan niya ang tatlong dugyot sa paningin niya. "Hindi ako nakikipag-usap sa mga amoy-putok na katulad niyo. Layas!" Singhal niya. Sabay-sabay na lihim na inamoy ng tatlo ang kili-kili ng mga ito. "We are good." Sabi ng isa. "Gan''to na lang, ituro niyo sa akin kung saan ko makikita si Khalid Matsui Han. Tapos bibigyan ko kayo ng pambili ng deodorant. Ayos na ba iyon? May pera na kayo makakasama niyo pa ang magandang tulad ko." Namula ang tatlong teenager sa pagpapahiya niya. Pero nagsink-in sa utak ng mga ito na hinahanap niya sa Khalid. "Kilala mo si Master Khalid?" Tanong ng isa. "Yes." Saka siya tumango. "Kilala niyo siya?" "Kilala namin!" "G*go. Walang hindi nakakakilala kay Master Khalid dito. Unggoy!" Binatukan oa nito ang naunang nagsalita. "Oo nga!" Umiikot ang mata niya. "Bring me to Khalid. Nauubusan na ko ng pasensya sa inyo ha. Hindi ko na matiis ang amoy niyo. Please lang..." inipit niya ang ilong na para bang hindi na niya masikmura ang amoy ng tatlong lalaki. "Aba''t!" Aambahan siya ng suntok ng isa ngunit pinigilan ng dalawang kasama nito. Napapaisip siya. Kung tutuusin ay ayaw niyang gumawa ng drama sa iskul na iyon lalo at bagong salta lang siya. Hindi pa nga siya nagkakaroon ng kaibigan, mapapatrobol na agad siya Nabigla na lang si Angel nang may humila sa kanya at pinrotektahan siya laban sa tatlong lalaki. Likod nito ang humarap sa kanya at natakpan nito ang tatlong unggoy sa mga mata niya. Nagpasalamat siya dahil sa wakas ay ligtas na ang pang-amoy niya laban sa tatlo. "Hey kayong tatlo! Nakakita na naman kayo ng biktima niyo! Isusumbong ko kayo sa Dean!" Singhal ng lalaki. Umismid ang tatlo saka nakanguso na umalis. Pinagmasdan ni Angel ang likod ng lalaking nagligtas sa kanya. Matangkad ito kumpara sa height niya na five-one lang. Sa tingin niya ay naglalaro sa anim na talampakan at isa ang lalaki. Mas napabilib si Angel sa glass skin ng lalaki na halos walang makitang pores sa mukha nito. Akala niya ay sa Korea lang may ganoon, kahit pala dito ay may lalaki rin na tila Korean idol dahil sa kapogian. "Hi! New student?" Bati nito. "Yes. By the way, I''m Angel." "Gavin" "Oh! Hi Gavin! Bago lang kasi ako. Pwede mo bang ituro kung saan ko mahahanap si Khalid Matsui Han?" Tanong ko. Feeling ko ay magkaka-stiff-neck ako sa kakatingala sa kanya. Hindi nakaligtas sa akin ang pagsingkit ng mata niya. Chapter 452 - Other works Hello Readers, Here are the list of my other COMPLETED works na pwede niyong magustuhan. [These are SPOILERS so you may opt to skip the details if you don''t like Spoilers] HIS GAZE AT ME [Story of Ginny Lopez and Cloud Han] [ROMANCE, TRAGEDY, ACTION AND MYSTERY] Divided into three parts. 1. PENETRATE - Disisais anyos si Ginny Lopez nang unang magtagpo ang landas nila ni Cloud Han. Nang dahil sa trahedya, kinailangan ni Cloud na magtungo sa ibang bansa para ipagpatuloy ang pag-aaral sa Underworld business ng pamilya sa ina. 2. DEEP - Makalipas ang walong taon, bumalik si Cloud Han bilang Boss ni Ginny Lopez sa opisina at sa unang araw ng pagbabalik nito ay may naganap sa pagitan nila. Inaya siya ng lalaki ng kasal ngunit tumakas si Ginny dahil nasakal siya sa ikatlong araw pa lang ng pagiging possessive ni Cloud sa kanya. Makalipas lang ang tatlong buwan, dinukot si Ginny ni Apolo kahit pa nagdadalang-tao siya kay Cloud. Pinatulog siya ni Apolo ng ilang buwan hanggang sa makapanganak siya at pinadala nito ang sanggol kay Cloud Han habang nasa ilalim ng ''deep sleep'' si Ginny. 3. LONELINESS - Nang dahil sa mahiwanag droga, malaki ang naging problema ni Cloud Han para isalba ang buhay ng babaeng mahal niya, Si Ginny Lopez. Tinurukan ng kakaibang gamot si Ginny ng kalaban ni Cloud sa underworld business nito. Pinahihina ng gamot ang puso ni Ginny dahilan para umikot ang mundo nila sa pagpapagamot. Isang araw, huminto ang puso ni Ginny dahilan para ibigay ni Cloud Han ang katawan niya sa kuya nito na si Brent. Makalipas ang apat na taon, isang Irisa Park ang bumalik sa Pilipinas na kamukhang-kamukha ni Ginny Lopez. Mayroon din itong tatlong taong gulang na anak na babae na kamukhang-kamukha niya. Ngunit ang problema ay pilit itong tumatanggi na ito si Ginny Lopez. ====== AT THE END OF THE RAINBOW [SUBSERIES of MY FIRST LOVE IS A PROBLEM BOY] Divided into three story. Three men with different problems in life. How do they face the romance and love of their life? This novel consists of three different stories with different genres. [Shey and Kyle : Spice of Life] Tumakas si Shey sa relasyon nila ni Kyle nang makatanggap siya ng imbitasyon ng engagement nito sa babaeng itinakda na ipakasal sa nobyo. Makalipas ang mahigit apat na taon, kinailangan niyang bumalik sa Maynila dahil sa nangyari sa mama niya. Lumipas lang ang ilang araw, tila pinagtagpo silang muli ng tadhana. [Star and Lloyd : Comedy] highschool lang si Star nang una silang magtagpo ni Lloyd sa bookstore dahil tinanggal nito ang bubble gum na dumikit sa school uniform niya sa puwitan nang sumakay siya ng jeep. Nasabihan niya ito ng manyak. Nabuhay si Lloyd sa mundo ng dominate-submissive relationship dahil sa una nitong pag-ibig na tinuruan ito ng kung anu-anong klase ng pakikipagtalik. Nalaman na lang nito na p.o.r.n actress pala ang babae. Naging collector si Lloyd ng s.e.x toys na ginagamit sa mga nobya niya. Makalipas ng ilang taon ay muling nagkita si Star at Lloyd dahil kaibigan ang lalaki ng kuya niya sa kolehiyo kung saan siya mag-aaral. Hindi maganda ang mga engkwentro nila ng lalaki lalo na at maraming naging nobya si Lloyd. Para itong nagpapalit ng damit kung magpalit ng nobya. [Ingrid and Rob : Action] Isang secret agent si Rob Matsui na japanese na kilala sa siyudad bilang nakakatakot na tao. Kinuha ang serbisyo nito ng tatay ni Ingrid dahil sa dinakip siya ng kalaban ng ama sa business. Nailigtas siya nito at tulad ng ibang mga babae na niligtas ng kanilang Knight in shining armour ay nailove siya dito sa unang pagkikita. Nang dahil sa mahiwagang relo na ipinasuot ni Ingrid sa yaya niya, napagkamalan siya ng lalaki bilang ibang tao kaya naman nagpanggap siya bilang Lina ang pangalan ng Yaya niya. Bilang spoiled brat ay nag-apply siya sa bar ng lalaki bilang waitress kahit pa nga lumaki siya na anak-mayaman. Nagawa pa nito na ioffer ang bahay nito na tirhan niya kapalit ang paglilinis sa bahay nito. Sa kalaunan ay nagkaroon sila ng relasyon ng lalaki na agad na tinutulan ng ama. ====== WORKPLACE ROMANTIC [ROMANCE, COMEDY] Divided into two story. [Karissa Abay and Bruce Wang] Niloko si Karissa ng kanyang nobyo kaya naman wala sa sarili na nakipag-one night stand siya sa estrangherong si Bruce Wang sa probinsiya. Nagkataon pa na ibinibenta siya ng kanyang ama sa may-edad na lalaki para magkaroon sila ng pera kaya naman tumakas siya sa baryo at nanghingi ng tulong sa matalik na kaibigan. Nabigla na lang siya nang makita muli si Bruce Wang bilang boss niya sa opisina kung saan siya ipinasok ng kaibigan. Sa unang araw pa lang niya sa trabaho bilang receptionist ay disaster na ang nangyari sa kanya kaya pinatawag siya nito sa mismong opisina nito. [Danna Umali and Liam Madrid] Masaya si Danna na natanggap siya sa trabaho bilang isang assistant ng editor-in-chief ng isang Magazine Publishing. Pero nabigla siya nang makita ang tatlong ex-boyfriend niya sa bagong kumpanya na pinapasukan. Si Vincent, isang director. Naghiwalay sila nito dahil sa 3rd party. Nahuli niya kasi itong may babae noon. Apat na buwan niya itong naging nobyo. Si Paul, ang Production Manager. Masyado siyang nasasakal sa lalaki noon dahil over-protective ito sa kanya na kahit ang samahan ang mga barkada niya noon ay ayaw nito. Apat na buwan din niya itong naging nobyo. Si Liam, ang Editor-in-chief ng opisina o ang may-ari mismo. Ang kanyang Boss at ang kanyang first love. Naghiwalay sila nito dahil kinailangan ng lalaki na magpunta sa Amerika hanggang sa nawalan sila nito ng komunikasyon. Apat na taon niya itong naging nobyo. Ngunit nagkaroon ng problema si Danna nang sabay-sabay niya na payagan ang tatlong lalaki na makipag-date muli sa kanya. ====== SI MAKISIG AT SI MAGANDA [Story of Bea and Maki] [ROMANCE, TRAGEDY, ACTION AND MYSTERY] Isang trahedya at misteryo ang nangyari isang linggo bago ang kasal ni Maki at Bea na siyang nagpabago sa kapalaran nilang dalawa. Nagkaroon ng kasiyahan para sa nalalapit nilang kasal. Ngunit nagising si Bea na kasama ang asawa ng ate niya sa kwarto kung saan lumilitaw sa imahe niya na isang lalaki ang gumamit sa kanya nang nagdaang gabi nang paulit-ulit. Natagpuan naman niya si Makisig na halos walang kasuotan kasama ang ate niya sa kwarto nito. Bitbit ang hinanakit ay nilayuan niya ang lalaki sa loob ng apat na taon para mangibang bansa kung saan siya mas nakaranas ng pagdurusa. Pagkalipas ng apat na taon ay lumitaw ng paisa-isa ang mga naganap sa gabi na ayaw nang balikan pa ni Bea. So far, Sila po yung completed na pwede niyong ma-enjoy sa ngayon. ? -FEIBULOUS