《Le Sauveur》 1 - :Anunsyo: Bawat ika-tatlong taon ay pumipili ang konseho ng tatlong estudyante na lalahok sa pandaigdigang kompetisyon, mapipili ka lamang kung ikaw ay likas na malakas, matalino at may paninindigan. Kung sino man ang intersado, maaari kayong personal na mag tungo sa aming tanggapan. -Konseho- Sinong walang utak ang mag kakaroon na interes na sumali sa kumpetisyon na iyan? Sa isang daan na porsyento ay limang porsyento lang ang tsansa mong manalo. Hindi dahil sa malakas ang mga kapwa mo na lalaban sa kumpetisyon, kundi dahil sa mismong lugar na pag gaganapan nito. Ginaganap lang naman ang kompetisyon na iyon sa isang lugar na punong-puno ng mga halimaw at mapanganib na hayop. Kaya sinong walang utak ang mag kakainteres sa kompetisyon na ''yan? "Ikaw!" itinuro ko ang isa sa kaklase ko at sinenyasan na lumapit sa akin. Ini-akbay ko ang braso ko sa balikat niya at hinigit palapit sa nakapaskil na anusyo. "Ikaw, sabihin mo nga sa akin, sinong walang utak ang sasali sa kalokohang kompetisyon na iyan?" inis na tanong ko sa kaklase kong ''to. Hindi ko alam ang pangalan ng isang ''to. Ah, hindi. Lahat pala ng kaklase ko ay hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman kasi importante, bakit ko pa aalamin? Kapag ba alam ko ang pangalan nila ay uunlad ang buhay ko? Hindi naman, hindi ba? "Marunong ka bang magsalita o ano? Tinatanong ba kita o hindi?" naasar na ako sa isang ''to, pwede namang sumagot ng simpleng ''wala'', bakit hindi pa gawin, mainit na nga ang ulo ko pinaiinit pang lalo. "Tinatanong..." mahinang sagot niya. Bahagya siyang lumingon sa akin at makailang ulit na lumunok. "W-Wala...W-Walang mag kakainteres na sumali sa kompetisyong iyan." bakit ba siya nauutal? Tss. Sasagot lang uutal-utal pa. Bumalik na ang uutal-utal na ''yon sa pwesto niya pero nanatili pa rin akong nakatayo rito sa harapan. Paulit-ulit kong binabasa ang walang kwentang anunsyo na ito. Teka...Bakit ko nga ba paulit-ulit na binabasa ''to? Tss. "Trevor Mackarov, maupo ka na sa pwesto mo, mag sisimula na ang klase." nginisian ko lang ang aming guro na si Mrs.Tierney. "Hindi mo na ako kailangang sabihan, alam ko ang dapat kong gawin." balewalang sabi ko at nag lakad papalabas ng silid-aralan. "Trevor Mackarov! Pinapaupo kita sa pwesto mo! Hindi kita pinapalabas!" sigaw niya. Dragon ba siya noong nakaraang buhay niya? Para siyang galit na dragon kung makasigaw. Tumigil ako sa pag lalakad at nilingon siya. "Alam ko na ang ituturo mo ma''am. Tutulugan ko lang ang klase mo kung mananatili pa ako r''yan." tamad na sagot ko. Napailing nalang siya, wala rin naman siyang magagawa. Ako nga pala si Trevor Mackarov, pero mas kilala ako sa tawag na ''Stalwart Trevor'' o kaya naman ay ''Obnoxious Trevor. Stalwart Trevor sa ibang tao dahil malakas at matapang ako, ngunit iyong iba, Obnoxious Trevor ang tawag sa akin dahil masama raw ang ugali ko. Pero sa totoo lang? Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung anong tingin nila sa akin. Hindi naman mababago ng mga iniisip nila tungkol sa akin ang pagkatao ko. Mas pag aaksayan ko ng panahon na bilangin ang buhok ko kaysa sa bigyan ng pansin ang mga sinasabi at iniisip nila tungkol sa akin. Bakit? Dahil nga wala akong pakialam. "Ang weird niya talaga." "Alam mo, usap-usapan sa lugar namin ang babaeng ''yan, galing daw ''yan sa pamilya ng mga itim na mangkukulam." "Kaya siguro siya palaging naka-itim." Nilapitan ko ang dalawang babaeng pinag-uusapan ako. Kahit malayo sila sa akin ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Paano? Isa iyon sa kakayahan ko. Enhanced ang lahat ng senses ko, at kapag sinabi kong lahat, lahat. Pero ang mga guro, kaklase at kapitbahay ko, at maging ang kung sino man na nakakakilala sa akin ay hindi iyon alam. Ang alam lang nila ay enhanced ang eyesight ko at kaya kong mangopya ng kapangyarihan o abilidad. "You two are talking about me, right?" walang emosyon na tanonh ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. "I don''t care if you call me weird, but there''s one thing that I want you to know, I am not a witch. I''m not from a family of black witches, stop talking sh*ts to my family. Hindi niyo sila kilala at wala kayong ideya kung sino sila, tama ba? Pero hindi ibig sabihin n''on na pwede na kayong mag gawa ng walang katotohanang kwento tungkol sa pamilyang pinagmulan ko." seryosong sabi ko sa kanila. "Watch your words ladies, I can cut tongues." dagdag ko at nag lakad na palabas ng academy. I am Hermione Brit. You can call me weird, goth, emo, punk or whatever you like. You can also call me Black, some of my acquaintances usually call me by that ''nickname'', and for me? Hmm. It''s kinda cool. Black hair with red or blue or yellow highlights, thick-black eyeliners, black lipstick, black accessories, black shirts or dress, black pants or shorts, black shoes, sandals or slippers, that is my usual outfit. I love black. Why? Because my life is full of darkness. "Apo, nabalitaan mo na ba iyong tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon?" tanong sa akin ni lola, ang nag-iisa kong kamag-anak na buhay pa. Nanay siya ng aking ama, at gaya nga ng sinabi ko kanina, siya nalang ang buhay kong kamag-anak. Patay na ang aking ama at ina. Wala akong kapatid. Ang magulang ng aking ina ay matagal ng namaalam, ganon din ang tatay ng aking ama. "Opo, lola, kalat na po sa akademya ang balitang iyan." sagot ko. "Naalala ko na naman tuloy ang iyong ama." malungkot na sabi niya. Itinigil ko ang pag babasa ko at kunot noong lumingon sa mahal kong lola. "Bakit po lola? Paanong naalala niyo si papa?" takang tanong ko. Bakit naman sa dinami-daming bagay o pangyayari ay sa kompetisyong iyon pa niya naalala si papa? "Napili kasi siya noon sa kompetisyon ding iyan, hindi ko na nga lang matandaan kung ano bang taon iyon. Sa tantya ko ay mga nasa edad mo siya nung siya ay napili." Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Po? Tama po ba ako ng pag kaka-dinig? Si papa ay napili sa kompetisyong iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo apo, kaso nga lang, tumakas ang papa mo kasama ang mama mo. Lumayo silang dalawa at ng bumalik sila dito ay kasal na sila at buntis na ang mama mo sa''yo." pag kekwento niya. "Nangunguna lagi ang iyong ama sa klase at maging sa buong akademya. Malakas, matalino at may ginintuang puso, mag katulad na mag katulad kayo ng iyong ama." "Hindi po kami mag katulad, h-hindi po ako malakas." pagtanggi ko. "Ako pang lola mo na syang nag palaki sayo ang lolokohin mo, apo? Hindi mo man aminin ay alam kong malakas ka. At alam kong higit na mas malakas ka sa iyong ama, mas malakas ang mahikang meron ka, ang mahikang taglay mo. Maililihim mo iyan sa iba ngunit hindi sa akin. Alam ko at alam mo na may malakas kang mahika, bakit mo ba itinatago iyan, apo? Bakit mo ikinukubli ang sarili mo sa isang batang lampa na palaging sablay sa mahika?" Hindi ko nagawang makasagot kay lola. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpanggap na bumalik sa pagbabasa. ''Bakit ko nga ba itinatago itong mahika ko'', tanong ko rin iyan sa sarili ko. Siguro dahil sa takot? Siguro nga. Namatay ang ama at ina ko dahil sa kapangyarihang meron sila, sa harap mismo ng mga mata ko, pinatay silang dalawa. Iyon ang narinig ko sa mga black witch na pumatay sa mga magulang ko, dahil sa kapangyarihan nila kaya sila pinatay. Pitong taong gulang palang ako n''on kaya wala akong nagawa, at isa pa, sinabihan ako ni papa na huwag na akong makialam at mag tago nalang sa pinagtataguan ko para na rin sa kaligtasan ko. At ngayong malaki na ako, napagtanto kong kaya pinaslang ng mga black witch ang magulang ko ay dahil alam nila na malaking balakid ang kakayahan nilang dalawa sa kanila. At siguro, kaya ko itinatago ang kakayahan ko ay dahil sa kanila. Ayokong mamatay, ayoko pang mamatay ng hindi sila naipaghihiganti. Ako si Kelvin Dreyar, kilala ako sa buong akademya dahil ako lagi ang nangunguna sa klase. Ngunit hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ako kilala, gaya nga ng sabi kanina ni lola, itinatago ko ang sarili ko sa isang batang lampa. Oo, isa akong nerd, at iyon ang pinakaunang dahilan kung bakit ako kilala. Lagi akong binu-bully, inaasar, tinutukso at kung ano pa. Hindi ako lumalaban sa kanila, ayokong malaman ng lahat ang mahikang mayroon ako. Ayokong masayang ang lahat ng oras na ginugol ko sa pag papalakas. Para sa mga black witch lang ang kapangyarihan kong ito. Ipinapatawag ang lahat great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall. Rinding bumangon si Trevor sa pag kakahiga. Oras ng klase pero nasa hardin siya at natutulog. Alam ko na naman ang ituturo, iyan ang palagi niyang dahilan. "Ano na naman kayang kalokohan yon? Tss." bulong niya sa kanyang sarili. Sa isang kisap-mata ay nasa great hall na siya. Oo, nakakapag teleport siya. Isa iyon sa abilidad na meron siya. "Trevor, huwag ka munang umalis, patapusin mo muna si headmaster Craven sa sasabihin niya. Mahalaga ang sasabihin niyang iyon." hindi nalang kumibo si Trevor, sumalampak nalang siya ng upo sa sahig at nilaro ang maliit na ipo-ipong apoy sa kamay niya. "Ano ba ang mahalaga sa sasabihin ni headmaster? Mahalaga? Tss. Pamilya ko lang ang mahalaga sa akin, at ngayong wala na sila, hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang halaga." Nakalabas na ang lahat pero si Kelvin ay nasa loob pa rin ng kanilang silid-aralan, ang dahilan? Ikinandado ng mga kaklase niya ang pinto mula sa labas. Kaliwa''t kanan ang ginawang pag lingon ni Kelvin, nang makasiguro siyang walang tao ay in-unlock niya ang spell sa kandado at pinagalaw ito gamit lamang ang isip. Isa lamang ang telekinesis sa inaral niyang kakayahan, isa na namang oo, inaral niya lamang iyon. "Paanong...?" "Sabi ko sa inyo, hindi niyo ako kilala." mahina ngunit makahulugang sabi ni Kelvin sa nag tatakang mga kaklase niya. Nag tataka ang mga ito kung paanong nagawa niyang buksan ang kandado. Tatlong spell ang inilagay ng mga ito sa kandado at ang tanging makakapag tanggal lang ng spell ay ang malalakas na wizard katulad nalang ng mga guro nila. Pag tataka at pagkabigla ang mababakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Pag tataka sa kung paano siya nakalabas at pagkabigla sa tono ng boses nya. Hinabol nila ng tingin si Kelvin na nakayuko habang nag lalakad. Hindi nga namin siya kilala, iyan ang laman ng isip nila. 2 "Hoy black lady! Sa tingin mo, bakit pinatawag ang lahat?" maangas na tanong ng lalaking kaklase ni Hermione. Walang emosyon na tumingin siya sa lalaki. "Mamamatay ka ba kung mag hihintay ka? Kung hindi, mag hintay ka r''yan. Malalaman mo rin kung bakit." tamad na sagot ni Hermione. Inis na hinawakan siya ng lalaki sa braso at pabalyang hinila. Wala pa ring emosyon na makikita sa mukha ni Hermione kahit na mahigpit ang pagka-kakapit ng lalaki sa kanya. "Ginagago mo ba ako, ha!?" "Bitaw." ngumisi lang ang lalaki at mas lalo pang hinigpitan ang pagka-kapit kay Hermione. Napatingin siya sa braso niyang hawak ng lalaki, namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. "Sinabing bitaw." walang emosyon na sambit niya. "Eh kung ayaw ko? Anong gagawin mo? Kukulamin mo ba ako, ha?" mapang-asar na tanong ng lalaki. At sinundan pa ng mapag-asar na tawa. Nawalan ng pasensya si Hermione, pinagyelo niya ang braso niyang mahigpit na hinahawakan ng lalaki hanggang sa pati ang kamay nito ay nag yelo na. "Hindi ko kayang mangkulam, pero kayang-kaya kong putulin ngayon ang kamay mo." wika niya na nakapag-pakilabot sa lalaki. Walang nag bago sa tono ng pagsasalita ni Hermione, blangko at wala pa ring emosyon ngunit iba ang dating nito sa lalaki, para bang hindi si Hermione ang kaharap niya. Para bang ibang Hermione ang nasa harap niya. Malakas at nakakatakot, iyan ang Hermione na kaharap niya ngayon. "Ipinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon...." na kay headmaster Craven ang lahat ng atensyon pwera nalang ang atensyon ng tatlong estudyante, ito ay sina Hermione, Trevor at Kelvin. Si Hermione ay pinagmamasdan syudad na nasa limang daang kilometro ang layo sa akademya. Si Kelvin naman ay pasimpleng pinalulutang ang mga laglag na dahon sa labas. At si Trevor, pinaglalaruan ang mga apoy sa lamparang nakasabit sa pader. Kapwa hindi sila interesado sa kung ano mang sasabihin ng headmaster, at lalo na nang banggitin nito ang salitang kumpetisyon. "Alam kong bago pa lamang akong headmaster, mag dadalawang taon pa lamang. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na bago ako mapunta sa pwesto ko ngayon, bago akong maging headmaster, aymatagal na akong guro dito. Sa tinigal kong namalagi rito sa akademya ay halos nasubaybayan ko na ang pag laki ng ilan sa inyo, kung sino ang humusay, kung sino ang may mahinang mahika at kung sino ang may malakas na mahika. At dahil nabanggit ko na rin iyan, nais kong sabihin na nakapili na ako ng ilalahok sa kumpetisyon." "Tatlong estudyante. Tatlong estudyanteng naiiba ang kapangyarihan, abilidad, lakas at talino sa lahat..." Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ng tatlo. Bigla na lamang nag-iba ang pintig ng puso nila. Kapwa sila napalingon sa direksyon ng headmaster. Hindi nila mawari kung anong nangyayari sa kanila, pero isa lang ang alam nila: kinakabahan sila sa mga susunod pang sasabihin ng headmaster. "Alam kong magtataka kayo kapag pinangalanan ko na ang tatlong estudyanteng yon, pero uunahan ko na kayo mga, mahal kong guro at mag-aaral ng Arch Academy, sa mga susunod na araw ay masasagot ang lahat ng katanungan ninyo." Lalong lumakas ang pintig ng puso ng tatlo. Nakailang lunok na rin sila at hindi na mapakali. Alam na nila sa sarili nila na sila ang tinutukoy ng headmaster, pero may isang tanong ang nabuo sa mga isip nila. "Hindi pala ako nag-iisa?" "Pinakikiusapan kong pumunta rito sa harapan ang tatlong estudyanteng tatawagin ko...." "Trevor Mackarov, Hermione Brit, Kelvin Dreyar, kayong tatlo ang napili ko para lumahok sa pandaigdigang kumpetisyon." Ang lahat ay nagulat sa anunsyo ng headmaster, hindi makapaniwala at nag tataka. Paano na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang batang lampa ang napili niya, iyan ang mga tanong sa isip ng karamihan. Walang ibang nagawa ang tatlo kundi ang tumayo at lumakad papunta sa harapan. Nang magkaharap na ang tatlo ay nag titigan sila at pinag-aralan ang isa''t-isa. Hindi sila mag kakakilala ngunit iisa lang ang alam nila, bawat isa sa kanila ay may taglay na malakas na mahika. Makailang ulit na tumanggi ang tatlo sa pagiging opisyal na kalahok nila sa pandaigdigang kumpetisyon, ngunit ano man ang tangging gawin nila ay hindi nito nabago ang desisyon ng headmaster. Pangalawang linggo na nilang nag-eensayo ngunit sa tinagal nilang nagkakasama ay hindi manlang nila nagawang kausapin ang isa''t-isa. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang pormal na pag-uusap, ni hindi manlang nila alam ang mahika o abilidad ng isa''t isa. Tila ba may kanya-kanya silang mundo kapag magkakasama silang tatlo. "Ngayon ay sasanayin naman natin ang mga mahika at abilidad na mayroon kayo." wika ng headmaster. Siya mismo ang nag sasanay sa tatlo. Iyon ang hininging kondisyon ng tatlo. Pinakamagaling na guro sa lahat ang headmaster kaya naman siya ang napili nila. Nag dududang tumingin ang headmaster sa kanila. "Umamin nga kayong tatlo, hindi niyo pa nagagawang kausapin ang isa''t-isa, tama ba?" tanong nito. "Tama po kayo." sabay-sabay na pag-amin ng tatlo. "Mga batang ito talaga, huwag ninyong sabihin na nagkakahiyaan pa kayo? Ibig bang sabihin niyan ay hindi niyo pa manlang alam ang mahika at abilidad ng isa''t-isa?" umiling ang tatlo bilang sagot kaya naman napatawa na lamang ang headmaster. "Isang oras. Bibigyan ko kayo ng isang oras na pahinga, mag-usap kayo at alamin ang dapat na alamin tungkol sa isa''t-isa. Ipakilala ninyo ang mga sarili ninyo kung kinakailangan. Maging magkaibigan kayong tatlo at pagtiwalaan ang isa''t-isa. Iyan ang pinaka importanteng susi, ang pagtitiwala." nakangiting wika ng headmaster at bigla na lamang nawala. "Ako si Hermione, Hermione Brit." pangunguna ni Hermione. Nag-boluntaryo na siya na maunang mag salita dahil alam niyang kung hindi pa siya magsasalita ay kahit abutin pa sila ng magdamag ay walang magsasalita sa dalawang lalaki. Bahagya siyang tumikhim at nagpatuloy. "Hindi ako rito sa lugar na ''to ipinanganak, hindi rin taga-rito ang pamilya ko, taga-kanluran kami. May enhanced senses ako, kaya kong tumalon ng mataas, kaya kong maging mabilis, may matalas akong panlasa, kaya kong makarinig, makakita at makaamoy hanggang isang libong kilometrong layo." pagpapakilala niya sa sarili. "May iba pa ba?" interesadong tanong ni Trevor at Kelvin. Hindi man nila ipanapahalata pero natutuwa sila dahil hindi sila nag-iisa, hindi sila nag-iisang may kakaibang kapangyarihan o mahika. Lihim na ngumiti si Hermione. "Isa akong water mage." nag gawa ng bolang tubig sa kanang palad nya si Hermione at patulis na yelo naman sa kabila. Napapantastikuhang tumango-tango si Kelvin. "Elemental at sub-elemental." komento nito. Kumunot naman ang noo ng dalawa, kapwa hindi nila alam ang salitang binanggit ni Kelvin. "Hindi ko man nababasa ang isip niyo ngayon dahil nakasarado ito, kitang-kita naman sa ekspresyon niyo na wala kayong ideya kung ano ang sinabi ko." natatawang wika niya habang kinakamot-kamot ang ulo. Umupo ng siya ng tuwid. "Ang elemental ay ang apoy, lupa, hangin at tubig. Ang sub-elemental naman ay mga mahikang nag mula o may pagkakahawig sa elemental, katulad nalang ng ice magic ni Hermione, ang yelo ay gawa sa tubig kaya sub-elemental iyon." paliwanag ni Kelvin. Habang nag sasalita si Kelvin ay napag isip-isip ng dalawa na sa kanilang tatlo ay mas nakakalamang ang talino ni Kelvin kaysa sa kanila. "Anong abilities ang mayroon ka?" pagkaraan ay tanong ni Trevor kay Hermione. "Telepathy, luring and power mimicry." sagot niya. "Sa tingin ko nga ay mayroon din akong telekinesis, noong isang beses kasi ay nagawa kong palutangin iyong bag ko, pero hindi na naulit kasi hindi ko na magawa. Hindi ko na rin naman pinag-aralan dahil wala naman akong balak na palakasin pa ang sarili ko." pagke-kwento niya. Tahimik na nakikinig lang ang dalawang lalaki, parehas silang namamangha sa tono ng boses ni Hermione at maging sa mukha nito. Namamangha sila dahil wala manlang silang mabakas na emosyon sa boses at mukha ni Hermione, namamangha at nag tatakaka sila kung paano nito nagagawa iyon. "May libro akong makakatulong sa''yo kung gusto mong aralin ang telekinesis, maaari rin kitang tulungan." nakangiting alok ni Kelvin. "Ako naman si Kelvin Dreyar, taal na taga rito ang magulang ko. Dito ako pinanganak pero sa hilaga na ako lumaki, bumalik ako rito noong pitong taong gulang ako. Lola ko nalang ang kasama kong manirahan dito...p-pinatay ng mga black witch ang magulang ko." pagkekwento nya. Napakuyom ang kamao ng dalawa pang kasama ni Kelvin ng marinig nila ang huling pangungusap na sinabi nya. Ang mga black witch...marami talagang ginawang gulo ang mga itim na iyon. "Parehas pala tayo ng istorya." tiim-bagang na komento ni Trevor at Hermione. Nabigla sila sa pag-amin ng isa''t-isa. Hindi nila akalain na silang tatlo na kapwa may taglay na malakas na mahika ay may isa pang pagkakapareha. Binasag ni Hermione ang katahimikan. "May elemental magic ka rin ba?" tanong niya kay Kelvin. "Oo, isa akong earth mage. Hindi ko alam kung sub-elemental mage din ba ako, nakokontrol ko ang magma pero hindi ko kayang direktang mag palabas nito, hindi katulad ni Hermione na kayang mag palabas ng direktang yelo." sagot niya. "Pero siguro kung pag aaralan ko pa, magagawa kong mag palabas ng direktang magma." dagdag niya. Napangisi si Trevor. "Mahilig ka talagang mag-aral ''no?" patanong na komento niya. Muling napakamot sa ulo si Kelvin at para bang nahihiya. "Naging libangan ko na kasi ang pag babasa simula ng mawala ang mga magulang ko. Iyong ibang abilities ko ay inaral ko lang din." nahihiyang sabi niya. "Ano-ano ba ang abilities mo?" "Telekinesis, telepathy, invisible, enhanced hearing, runes at catoptromancy. Sa ngayon ay pina-practice ko pa ang illusion. Bihasa rin ako sa mga spell at mabilis gumaling ang mga sugat ko." namangha ang dalawa sa mga abilidad ni Kelvin, lalo na at yung iba doon ay inaral niya lamang. Maraming naging tanong ang dalawa kay Kelvin. Kung paano niya inaaral ang mga abilities, kung gaano katagal at kung kaya rin ba nilang aralin ang ilang abilities na gusto nila. 3 Huling nag pakilala si Trevor. "Trevor Mackarov, taal na taga dito ang magulang ko at ganon din ako. Katulad niyo, pinaslang din ng mga black witch ang mga magulang ko, pero hindi lang sila, maging ang iba ko pang kamag-anak. Ako lang ang natira sa angkan ng Mackarov dahil itinago ng mga magulang ko ang kapangyarihang taglay ko. Hindi nila ako pinatay sa pag-aakalang wala akong kapangyarihan. Itinago nila ito gamit ang isang spell na matatanggal lamang kapag tumuntong na ako sa edad na labing lima. Katulad niyo, may elemental at sub-elemental magic din ako." tumigil siya saglit, pumikit at nag concentrate. Nag buo siya ng maliit na hugis taong apoy sa kaliwang kamay niya at hugis bituing hangin sa kanan. Nawala ang hangin at apoy sa kanyang kamay, napaltan iyon ng bolang kidlat. "Meron pa, tumingala kayong dalawa." sumunod si Kelvin at Hermione sa sinabi niya. Tumingala silang dalawa, kitang-kita ng dalawang mata nila kung paanong ang makulimlim na kalangitan ay napaltan ng matinding sikat ng araw. Uminit bigla at maya-maya ay biglang kumulog at kumidlat. "Nakokontrol ko ang panahon. Ang katawan ko, kahit na hindi ako maskulado katulad ng ibang estudyante rito, mas malakas pa ako sa kanila, kaya kong bunutin ang puno iyan." ininguso nya ang puno na sinasandalan ni Hermione. "Itong punong ito? Kakaiba nga ang lakas mo kung ganoon." hindi makapaniwalang tanong ni Hermione ngunit wala pa ring mabakas na emosyon sa tono niya at maging sa mukha niya. Hindi tuloy mawari nung dalawa kung ano ba talagang nararamdaman niya, kung hindi ba siya makapaniwala o kung ano. Nanatili lang kasi na blangko at walang emosyon ang tono at mukha niya. "Pwede bang lagyan mo naman ng konting emosyon kapag nag sasalita ka? Kahit sa facial expression nalang, ang hirap hulaan kung anong nararamdaman mo." kakamot-kamot sa ulong komento ni Trevor. "Oo nga. Ang hirap mangapa eh. Di namin malaman kung nagugulat ka na ba dyan, natatakot, natutuwa o kung ano." nakangiwing segunda ni Kelvin. Hindi napigilan ni Hermione ang mapangiti. Isang pigil na ngiti na hindi nakalampas sa paningin ng dalawa. Nanlaki ang mata nila, sabay na napatingin sa isa''t-isa at sabay na itinuro si Hermione. Akala mong nakakita ng multo ang dalawa. "Ngumiti siya!" Napailing si Hermione at tuluyan nang napangiti ng matamis. Hindi mawari ni Hermione kung paanong napangiti siya ng dalawang lalaking kaharap niya. "Tumigil na kayo. Ano-anong abilities mo, Trevor?" pag babago ni Hermione sa usapan. "Biglang ganon eh." naiiling na komento ni Trevor. "May enhanced hearing ability rin ako, kaya kong mag teleport, telekinesis, mind manipulation at projection." sagot niya nalang. Marami pa silang napagkwentuhan. Naging masaya silang tatlo, lalo na si Hermione na marunong ng ngumiti at nag kakaroon na ng emosyon ang tono ng pananalita at paunti-unti na ring nagkakaroon ng ekspresyon ang mukha. "Ma, Pa, natagpuan ko na iyong sinabi niyo sa akin noon na magiging kaibigan at kakampi ko. Heto na sila sa harapan ko. Magkakaiba ang ugali at pagkatao namin pero pare-parehas kaming may malalakas na kapangyarihan. Sila na nga po ang tinutukoy ko niyo." wika ni Hermione sa isip niya. Dahil sa pagiging masaya ni Hermione ay hindi niya namalayang nakabukas ang isip niya kaya naman nalaman ni Trevor at Kelvin ang sinabi nya sa sarila nya. Napangiti silang dalawa. "Tama siya." komento ng dalawa sa mga isip nila. Tatlong buwan ang lumipas, mas naging malapit ang tatlo sa isa''t-isa. Higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila, kapatid na ang turingan nila sa isa''t-isa at hindi na sila mapaghiwalay na tatlo. Naging iba na rin ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila at ng buong akademya. Ang iba nga ay pinapanood pa silankapag nag-eensayo sila. Naging idolo sila ng mga estudyante, hangang-hanga sila sa tatlo dahil kakaiba ang lakas at mahika nila kumpara sa iba. Ngayong araw ay nakatakda na silang pumunta sa pagdadausan ng kumpetisyon. Buong bayan ang kinakabahan para sa kanila. Alam ng lahat na hindi basta-basta ang kompetisyon. Mamamatay o mabubuhay. Kapag namatay ka, talo ka. Kapag buhay ka, panalo ka. Mandatoryo ang pagsali ng bawat bayan sa pandaigdigang kumpetisyon, at kung mayroon mang bayan na hindi sasali ay isa lang ang ibig sabihin n''on, automatikong sasakupin ng mga black witch ang bayang iyon. Oo, ang mga black witch ang siyang nag papatakbo sa pandaigdigang kompetisyon. Ang tanging nakakaalam lang ng katotohanang iyon ay ang mga konseho. Kapag natalo ang bayan mo, sasakupin ito ng mga black witch. Kapag nanalo naman, lalaya ang bayan sa kamay ng mga black witch. Ngunit ang pag layang iyon ay hindi permanente, kada tatlong taon ay may nangyayaring kumpetisyon. At kung ang nanalong bayan sa nakaraang kompetisyon ay matatalo sa kasalukuyang kompetisyon, muling sasakupin ng nga black witch ang bayan na iyon. Paulit-ulit lang ang nangyayari, kung mananalo- lalaya, kung matatalo- sasakupin. Lahat ng iyon ay sinabi ng headmaster at ng buong konseho sa kanilang tatlo. Lalong tumindi ang galit nila sa mga black witch ng malaman nila ang katotohanang iyon. "Gaganapin ang kumpetisyon sa Dead Forest, talunin ninyong tatlo ang mga makakalaban niyo, ilabas ninyo ang mga lakas niyo. Siguradong mapapansin kayo ng mga black witch dahil sa kakaibang lakas niyo, at dahil sa ayaw nila ng may balakid sa kanila, gagawa sila ng paraan para mapatay kayo, papasok din sila sa Dead Forest. Tandaan niyo, gumawa kayo ng paraan upang ang lahat ng black witch ay mapapasok ninyo sa loob ng gubat, kapag nakapasok na silang lahat ay saka kayo hahanap ng daan palabas. Huwag kayong mag alala, ang tanging makakalabas lang sa Dead Forest ay ang mga taong may mabubuting puso. Hinding-hindi makakalabas sa gubat na iyon ang mga black witch. Ito pa ang isa sa dapat niyong tandaan, papatay lamang kayo kung kinakailangan, kahit na black witch pa iyan. Wag kayong magpapadala sa galit dahil kung mag papadala kayo sa galit ninyo ay hindi na rin kayo makakalabas sa gubat." "Kapag nakalabas na kayo sa gubat, sumugod kayong tatlo sa lugar ng mga black witch. Huwag kayong matakot sa kanila, mas malakas ang mahikang taglay ninyo kaysa sa kanila. Doon niyo ilabas ang lahat ng galit niyo, ubusin niyo sila ng sa gayon ay matapos na ang paghihirap natin at ng mga iba pang bayan na nasakop na ng mga black witch. Iligtas niyong tatlo ang buong mundo." Iyan ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Trevor, Hermione at Kelvin. Ilang daang kilometro nalang ang layo nila sa pagdadausan ng kompetisyon. Mahigit dalawang oras nalang ang itatagal ng byahe. "Nakita ko na ang lugar ng mga black witch, nasa hilagang parte sila." pag bibigay alam ni Hermione na kanina pa nakasilip sa bintana. Tumingin din si Trevor at Kelvin sa lugar na tinitignan niya ngunit kahit anong pilit ang gawin ng dalawa ay gatuldok na imahe pa rin ang kanilang nakikita. Napasimangot si Hermione at umiling-iling. "Hindi ko kasi sinabi na tignan niyo rin. Kaya nga sinabi ko na, ''di ba?" "Hindi namam kaya namin tinitigan." kaagad na depensa ni Kelvin. Tinaasan lang siya ng kilay ni Hermione at inirapan. "Gaano pa ba tayo kalayo?" inip na tanong ni Trevor pagtapos ay kumagat sa tinapay na ipinabaon sa kanila. "Mga pitong daang kilometro nalang." sagot ni Hermione. Sa loob ng tatlong buwan na pag sasanay ay mas lalo silang lumakas. Kung dati ay isang libong kilometrong layo lang ang kapasidad ng pandinig, paningin at pang amoy niya, ngayon ay umabot na ito sa dalawang libong kilometro. Si Trevor naman ay mas lumakas ang katawan, halos hindi na siya nakakaramdam ng sakit at natutunan niya na rin kung paano gamutin ang sugat niya gamit ang elemental magic niya. Si Kelvin ay na-master na ang illusion magic at mas napataas niya pa ang lebel ng mga runes. Mas nadagdagan din ang kaalaman nya sa mga spells. Trumiple ang lakas ng kanilang mahika at katawan. Madami ding nadagdag na mga abilidad sa kanila kaya naman sigurado sila sa sarili nila na kayang-kaya nilang mapabagsak ang mga black witch. At nagawa nila ang mga iyon dahil sa pagtutulungan nilang tatlo, at pati na rin ang pagtuturo na ginawa ng kanilang headmaster. Siyang tigil ng tren na sinasakyan nila ay siyang pag mulat din ng mga mata ni Hermione. Nilingon niya si Trevor ay Kelvin na himbing na himbing pa sa pagtulog, nilapitan niya ang mga ito at ginising. "Nandito na tayo." agad naman na nag mulat ng mata ang dalawa at tumayo. Dala-dala ang kanya-kanyang bag ay lumabas sila ng tren. Sumalubong sa kanila ang mga kapwa nila wizard na kalahok din sa kompetisyon. Iginaya sila ng isang lalaking nakasuot ng itim cloak sa isang lamesa. Ipinasulat sa kanila ang pangalan ng kanilang bayan at nilagyan sila ng mala-pulseras na runes sa kanang kamay nila. "Makikita niyo sa runes na iyan ang bilang ng inyong kalaban, kung anong bayan sila, at ang bilang ng nananatiling buhay sa kanya-kanyang grupo." pag bibigay alam ng lalaking nakasuot ng itim na cloak. "Oras na may makalapit kayong myembro ng ibang bayan, isang kilometro pababa, iilaw ng kulay asul ang runes at sa loob lamang ng trenta minutos ay kailangang may mamatay o mawalan ng malay sa inyong dalawa." napataas ang kilay nilang tatlo dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Mga walang puso talaga, sa isip-isip nila. 4 "Paano kung halimbawa ay makalayo siya sa akin? Tuloy pa rin ba ang oras?" tanong ni Trevor sa lalaki. "Hindi. Kapag nagkalayo kayo ng higit sa limampung kilometro ay kusang titigil ang oras." sagot nito. "Paano kung naubos na ang trenta minutos pero parehas pa rin kaming may malay?" sabay-sabay na tanong ng tatlo. Isa-isa silang tinignan ng lalaki, hindi rin nakatakas sa kanila ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito. "Parehas kayong mamatay. Ang runes na iyan ay kakalat sa buo niyong katawan hanggang mawalan na kayo ng hininga." seryosong sagot ng lalaki. Nagkatinginan silang tatlo at sinarili nalang ang naramdaman galit. Hindi dapat tinatawag ito na kumpetisyon, patayan ang dapat na tawag dito. "Iyon lamang ang patakaran ng kumpetisyon. Kung wala na kayong tanong, pumunta na kayo roon sa harapan. Ano mang oras ay mag sisimula na ang kumpetisyon." aniya. Nakihalo na sila sa iba pang kapwa nila wizard. Iginala nila ang paningin sa paligid at pinag-aralan ang mga ito makakalaban nila. Kabado ang karamihan ngunit may mangilan-ngilan na blangko lang ang mukha, parang wala silang pakialam kung mamamatay man sila o mabubuhay sila sa loob ng gubat. Wala silang makita na kahit isa manlang na malakas na determinasyon. Lahat ba sila ay nawawalan na ng pag asa? Iyan ang tanong ni Kelvin, Trevor at Hermione sa sarili nila. "Sa loob ng limang minuto ay mag sisimula na ang kompetisyon. Pumila kayo sa harapan ng mga portal, iyan ang magiging daan ninyo patungo sa loob ng Dead Forest." salita ng taga-anunsyo na kumuha sa atensyon ng lahat. "Sa iba''t-ibang panig ng gubat kayo dadalhin ng portal, mag kakahiwa-hiwalay kayong mag kakagrupo. Tandaan, mananalo lamang ang inyong bayan kung kumpleto ang kinatawan. Kailangang buhay kayong tatlo hanggang matapos ang oras ng kumpetisyon." paalala pa nito. Kailangan pala na walang mamatay sa kanilang tatlo, dahil kung manalo man sila pero patay ang isa sa kanila ay wala ring silbi. Pero hindi naman lingid sa kanilang tatlo na hindi ang kumpetisyon na ito ang talagang pakay nila. Ang pakay nila ay pabagsakin ang puno''t-dulo ng lahat ng ito. Ang siyang nagpapatakbo ng walang-awang kumpetisyon na ito. Ang sumasakop sa mga bayan. Ang kumuha ng buhay ng mga taong mahal nila. Ang mga black witch. Dalawang araw ang itatagal ng kompetisyon, at sa dalawang araw na iyon, dapat nilang magawang tatlo ang mga balak nila. "Paniguradong hindi tayo magkakausap gamit lang ang isip, depende nalang kung nasa isang daang kilometro lang ang layo natin sa isa''t-isa. Catoptromancy ang gagamitin natin bilang komunikasyon, huwag niyo lang iwawala ang mga salamin ninyo." wika ni Kelvin. Kinakausap nya si Hermione at Trevor sa pamamagitan ng isip. Sumang-ayon ang dalawa sa plano nya. Dahil nasa unahan ni Hermione at Kelvin si Trevor ay ito ang mauunang pumasok sa portal. Bago siya pumasok ay nilingon niya muna dalawang kaibigan at nginisian ang mga ito. Piping hiniling niya rin na sana ay magtagumpay sila sa plano nila. "Nasaang lugar kayo?" tanong ni Trevor. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin, katulad ng taktika kung paano nila makakausap ang isa''t-isa na ideya ni Kelvin. "Hindi ko alam, puro puno lang ang nakikita ko." sagot ni Kelvin na palinga-linga sa paligid. "Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako. Natatakluban ng amoy ng puno at bulaklak ang amoy niyong dalawa, hindi ko kayo mahanap." sagot naman ni Hermione. Nasa hilagang parte ng gubat si Hermione, si Kelvin naman ay nasa kanluran habang si Trevor ay nasa silangan. Napag-usapan nila na kapag nakakita sila ng pwedeng palatandaan ay agad nilang ipagbibigay alam iyon sa isa''t-isa. Nag lalakad-lakad sila ngayong tatlo sa gitna ng malawak na gubat. Napalingon si Hermione sa kanan niya ng may marinig siyang kaluskos. "Isang daang kilometro." bulong niya sa sarili niya. Kaagad ngunit palihim niyang hinanap kung saan nag mumula ang kaluskos dahil alam niyang siya ang pakay nito. Nahagip ng mata nya ang isang anino, mabilis itong nawala at hindi malaman ni Hermione kung saan ito nag punta at kung tao ba o halimaw ang may-ari ng anino. Nagkunwari siyang hindi niya napansin iyon, dumiretso siya ng lakad ngunit nananatiling alerto. Makailang ulit nyang narinig ang kaluskos, palapit ng palapit, pero nagpapanggap siya na hindi niya ito naririnig. Huminto siya at nag kunwaring inaayos ang sintas ng sapatos. Habang nakayuko ay pasimple siyang lumingon sa pinanggagalingan ng kaluskos, at sa pag kakataong iyon ay nakita na niya ang may ari ng anino. Isang lalaki na malaki ang pangangatawan at may pilat sa gilid ng kanang mata ang nakita niya. Kung simpleng wizard lang siya ay baka natakot na siya sa lalaki dahil sa mala-batong katawan nito, pero hindi siya simpleng wizard lang. Siya si Hermione Brit, isa sa tatlong wizard na may kakaibang taglay na mahika. Mabilis na tinakbo ni Hermione ang pagitan nilang dalawa. Nagulat ang lalaki sa mabilis na paggalaw niya ngunit agad din itong nakabawi. Sinalubong siya ng lalaki at mabilis na inatake ng suntok ng si Hermione, ngunit sa taglay niyang enhanced senses ay walang kahirap-hirap niya lang na iniiwasan ang mga suntok na ibinibigay ng lalaki. Nang mahawakan ni Hermione ang kamay ng lalaki ay walang pagdadalawang-isip ma pinagyelo niya ang buong katawan nito. Ang atakeng iyon ay isa sa mga bago niyang natutunan. Hindi nakakamatay ang atakeng ginawa niya, mawawalan lamang ng malay ang kung sino mang gamitan nya ng atakeng iyon at kusa rin na matutunaw ang yelo pagkalipas ng labing limamg minuto. Kasalukuyang nakikipaglaban si Trevor sa tatlong S-Class monster. Mabilis niyang napatumba ang isa ngunit ang dalawa ay masyadong mabilis at agresibo. Panay ang subok ng mga halimaw na makuha soya, para ba itong mga gutom na lobo na gusto siyang kainin. Tumalon siya pasampa sa sanga ng puno, nag buo ng bolang apoy sa mag kabila niyang palad at hinintay na makalapit sa kanya ang dalawang halimaw. Nang halos limang metro nalang ang layo sa kanya ng dalawang agresibong halimaw ay mabilis niyang ibinato ang bolang apoy sa direksyon ng mga ito. Sinundan niya pa iyon ng ilan pang bolang apoy hanggang sa mawalan na ng buhay ang dalawang halimaw. Napabuga siya ng hangin at saglit na nagpahinga, bahagyang napagod siya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ulit siyang maglakad. At hindi pa man siya nakakalayo ay may narinig na naman siyang mga kaluskos. "Halimaw na naman ba? Bakit ba ang lapitin ko ng mga halimaw na ''yan?" inis na tanong niya sa sarili. Pasalampak na umupo sya sa tabi ng isang puno at tamad na inilibot ang mata sa paligid. Nang wala siyang makita ay bumuntong hininga siya. "Kung sino man ang nariyan, lumapit na kayo rito. Wizard ka man, halimaw o kung ano ka man, lumapit ka nalang sa akin. Tinatamad akong hanapin ka." may kalakasang sabi niya. Hindi man siya nakakaramdam ng sakit ay nakakaramdam parin naman siya ng pagod. Gaya nga ng lagi niyang sinasabi: Wizard ako pero tao parin ako. Iba ang taglay kong mahika pero napapagod din ako. Muli niyang narinig ang kaluskos, sinundan ito ng paglitaw ng nakangising babae at lalaki. "Uy, kambal." sa isip-isip niya. "Sectumsempra!" nag-cast ang kambal ng parehas na spell gamit ang kanilang wand pero nanatili pa ring nakaupo si Trevor at hindi manlang binigyan ng pansin ang ginawa nilang pag-atake. Nangunot ang noo ng dalawa ng makita nilang halos gasgas lang ang sugat na natamo ni Trevor. Inaasahan kasi nilang mamamatay si Trevor sa atake nilang iyon pero hindi iyon nangyari. "Nag tataka kayo ano? Hindi tatalab sa akin ang spell na iyan." tamad na sabi ni Trevor. Kumuha siya ng tubig sa dala-dala niyang bag at uminom. "Tubig, gusto niyo?" pagma-mabuting loob niya sa dalawa. Halos maibuga naman ni Trevor ang iniinom nyang tubig ng bigla nalang may pumaligid na apoy sa kaniya. Napatingin siya sa kambal na nakangisi habang nakatingin sa kanya. Pinaikot niya ang mata at dismayadong umiling-iling. "Inaalok na nga kayo ng tubig, ganito pa igaganti ninyo. Tsk." asar na sabi niya. Nabura ang ngisi sa labi ng kambal at nangunot na naman kanilang noo ng mapansing hindi tumatalab ang apoy sa kaniya. Tumayo si Trevor at pinagpag ang kanyang pantalon. Kinontrol niya ang apoy at walang hirap na pinatay iyon. Walang sabi-sabi na inatake niya ng bolang kidlat ang dalawa. Agad na nawalan ng malay ang babae, ang lalaki naman ay nadaplisan lamang sa balikat pero halos hindi na makagalaw. Tinitigan niya ang lalaki. "Hindi tatalab sa akin ang apoy dahil isa akong fire mage." tamad na sabi niya sa lalaki bago ito sinuntok ng malakas sa mukha na agad na naging dahilan upang mawalan ito ng malay. 5 Hingal na napaupo si Kelvin sa lupa. Katatapos niya lang na kalabanin ang dalawang kapwa niya wizard, apat na S-Class monster at limang kawal ng mga black witch. Oo, pumasok na sa gubat ang mga black witch at sila ang dahilan at siya ring pakay ng mga ito. Papalubog ang araw ng unang may nakalaban na kawal ng mga black witch si Kelvin, at ngayong madilim na ay lalo pang dumarami ang mga black witch na nakakalaban niya. Hindi pa rin sila nag kikita-kitang tatlo. Kanina ng makausap niya si Trevor at Hermione ay wala pa ring maibigay na palatandaan ang mga ito at ganoon dun siya kaya naman hanggang ngayon ay hindi nila malaman kung nasaan ang isa''t isa. Pagod na kumagat sa tinapay si Kelvin pagtapos ay tumingin sa langit. "Alam kong ayos lang si Hermione at Trevor, pero sana naman makita ko na silang dalawa." may bahid ng lungkot na sabi niya. Nang matanggal na ang pagod niya ay nag simula na ulit siyang mag lakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo, dire-diretso lang siyang nag lalakad at wala siyang balak na huminto. Pero ang balak niyang iyon ay napurnada kaagad makalipas lang ang ilang minuto. Napatigil siya sa pag lalakad, may naririnig siyang impit na daing ngunit masyado iyong mahina kaya naman hindi niya matukoy kung saang direksyon ito nanggagaling. Pinakinggan niyang mabuti ang impit na daing na naririnig niya. Sinundan niya ang pinagmumulan nito, ang mahinang daing ay unti-unting naging klaro sa pandinig niya tanda na malapit na siya sa kung saan man ito o kanino man ito nanggagaling. Nakarating siya sa isang malaking patay na punong nakatumba, doon nanggagaling ang impit na daing. Sa likod ng nakatumbang puno ay isang babae na may mga paso sa katawan at may malalim na saksak sa likod ang kanyang nakita. Umilaw ng kulay asul ang runes na nakalagay sa kamay niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawam. Nawala na sa isip niya ang isa sa patakaran ng kumpetisyon, ang kailangan na may mawalan ng malay o buhay kapag may nakalapit na myembro ng ibang bayan. Walang pagdadalawang isip at walang kahirap-hirap na in-unlock niya ang runes ng babae at sinimulan itong gamutin. Isa sa pinag-aralan nilang tatlo ang panggagamot sa iba gamit ang kanilang elemental magic, mabuti nalang pala at inaral din nila ito. Malaki talaga ang tulong ng abilidad na iyon. "Kapwa ba natin wizard ang gumawa nito sa''yo?" tanong ni Kelvin habang ginagamot ang sugatang babae. Nahihirapan man ay marahang umiling ang babae. "H-Hindi...ang..m-mga b-black wi-witch...s-sila..ang..may g-gawa..." sagot nito na nagpa-kuyom ng kamao at nagpangalit sa panga ni Trevor sa galit. Sa kalagitnaan ng panggagamot niya sa babae ay nawalan ito ng malay. Marami nang nawalang dugo sa babae at marahil ay iyon ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Ngunit bago pa man ito mawalan ng malay ay hiniling nitong tulungan din ni Trevor ang isa niya pang kasamahan na inatake rin ng mga black witch, kaya naman ngayon ay papunta siya sa direksyong sinabi ng babae. Alam niyang dapat na hinahanap niya ang mga kasamahan niya, pero hindi naman maaatim ng konsensya na tumuloy sa paghahanap at hayaan nalang ang kasamahan ng babaeng ginamot niya. May tiwala naman siya sa mga kaibigan at alam niyang ligtas ang mga ito, kaya naman uunahin niya muna ang pagtulong kaysa sa pagnais na magkasama-sama na silang tatlo. Ilang metro ang nilakad niya bago matanaw sa di kalayuan ay ang isang duguang babae na nakahandusay sa lupa. Nagmadali siyang lapitan ito, takbo na nga ang ginawa niya. At napailing nalang siya ng mapansin niyang wala ng isang kilometro ang pagitan nila ng babae ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umiilaw ng kulay asul ang mala-pulseras na runes. Isa lang ang ibig sabihin nito, patay na ang babae. Bumuntong hininga siya at napapikit sa galit. Ang black witch na iyon, sobra talaga ang kasamaan nila. Niyuko niya ang bangkay ng babae. "Hindi man kita kilala at wala man akong nagawang mali sa''yo pero humihingi ako ng tawad. Hindi na ako umabot, pasensya na. Ipinapangako kong gagawin namin ang lahat para lang matigil na ang pananakop ng mga black witch sa ating mga bayan. Bibigyan namin hustisya ang pagkamatay mo at ng iba pa pang pinaslang ng mga itim na mangkukulam na iyo. Pangako iyan." nangagako at matigas niyang sabi bangkay ng babae. Tumayo na siya at kinontrol ang lupa. Gumawa siya ng may kalalimang hukay na eksakto lang para sa babae. Matapos niyang ilibing ang bangkay ng babae ay umusal siya ng dasal at muling nangako na palalayain nilang tatlo ni Hermione at Trevor ang mga bayang nasa ilalim ng mga black witch, ganoon din ang pagbibigay ng hustisya sa mga buhay na kinuha nila. "H-Hindi ba nila tayo patutulugin o kahit pag papahingahin manlang? Kahit kalahating oras lang, pwede na. Kahit nga labing limang minuto nalang." hinihingal na reklamo ni Trevor. "Sira ka ba? Ang pakay nga nila ay patayin tayo kaya tayo inaatake, tapos pahinga naman ang ibabanat mo r''yan." sagot ni Hermione sa kanya. Kasalukuyan silang inaatake ng lampas limampu na mga kawal ng mga black witch. Sa totoo lang ay kanina pa sila inaatake ng mga ito, iyon nga ang naging dahilan kung paano sila nagkitang dalawa. Nagka-salubong sila habang nakikipaglaban sa mga kawal ng black witch. Kakaunti man at hindi malalalim ang mga sugat na mayroon sa katawan nila ay halata naman na ang pagod sa kanilang dalawa. Tagaktak na ang mga pawis nila at hinahabol na rin nila ang kanilang hininga. "Hermione! Ilag!" sigaw ni Trevor ng makita niyang may papuntang itim na mala-liwanag sa gawi ni Hermione. Mabilis na nakaiwas si Hermione, inatake niya ang may gawa ng itim na liwanag ng isang tubig na mala-espada sa talim. Bahagyang nilingon ni Hermione si Trevor. "Salamat." aniya. Sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng mga black witch kaya naman wala na silang nagawa kundi atakihin din ang mga ito. Siguro naman ay kahit na pumatay sila rito sa loob ng gubat na ito ay makakalabas parin sila, wala na kasi silang ibang pagpapipilian kundi ang paslangin ang kanilang kalaban. Kung hindi kasi nila iyon gagawin ay paniguradong sila ang mapapaslang. Sa paglaban na ginawa nila ay halos kalahati ng mga black witch ang binawian ng buhay, at ang natitira naman ay mga walang malay at malala ang lagay. "Magpahinga muna tayo kahit?" Sumenyas si Hermione kay Trevor. "Shhh. Tumahimik ka muna, naririnig ko ang boses ni Kelvin." pag putol niya sa sinasabi ng lalaki. Tumahimik naman si Trevor at ginaya si Hermione na seryosong nakikinig, ngunit kahit anong gawin niyang pakikinig ay hindi niya magawang marinig ang boses ni Kelvin. Sumuko na siya at hinintay na lamang na sabihin ni Hermione kung saan niya narinig ang boses ng isa pa nilang kasama. Parehas silang may enhanced hearing pero ''di hamak na mas malayo ang sakop ng naririnig ni Hermione kaysa sa kanya. "Alam ko na kung nasaan siya." may bahid ng tuwa na pahayag ni Hermione at walang sabi-sabing ipinasan si Trevor at nanakbo ng mabilis. Sa gitna ng pagtakbo ay umirap sa hangin ang dalaga. "Hindi mo kayang manakbo ng mabilis kaya huwag ka ng mag reklamo r''yan." wika ni Hermione ng mabasa niya ang iniisip ni Trevor. Mabilis na nakarating silang dalawa sa kinaroroonan ni Kelvin. Napapalibutan ito ng napakaraming kawal ng black witch, at katulad nila ay may mga sugat na rin ito sa katawan, pero kung ikukumpara sa kanilang dalawa ay kitang-kita na mas marami ang sugat nito kaysa sa kanila. Wala ng sinayang na oras si Hermione at Trevor, agad nilang tinulungan si Kelvin na kalabanin ang mga kawal ng black witch. Kinontrol ni Trevor ang panahon, ang tahimik na langit ay napuno ng sunod-sunod na malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Kinontrol niya ang mga kidlat at pinatama ito papunta sa harapan niya, pero bago pa man ito tumama sa lupa ay hinuli niya ang kidlat at ginawa niya itong espada at iyon ang ginamit niyang pang-atake sa mga kalaban. Si Hermione naman ay gumawa ng apat na S-Class na halimaw na gawa sa yelo na siyang agad na umatake sa mga black witch. At habang inaatake ng ginawa niyang halimaw ang mga black witch ay umatake rin siya. Pinag-yelo niya ang ilan at ikinulong naman ang iba sa malaking bolang tubig hanggang sa mawalan na ang mga ito ng malay-tao. Pero tila hindi nauubos ang mga kalaban, ang kaninang mga black witch na naabutan nilang kinakalaban ni Kelvin ay ubos na, pero mayroon na namang panibagong dating at nadadagdagan ito ng nadadagdagan. 6 Lumipas ang halos isang oras na labanan... "Salamat sa pag tulong niyo, akala ko ay dito na ako mamamatay." hingal na sabi ni Kelvin ng sa wakas ay maubos na nila ang mga kalaban. Pagod na sumalampak siya ng upo sa lupa,hindi pa siya nakuntento, humiga siya at ipinikit ang mga mata. "Walang mamamatay sa atin, Kelvin. Lalabas tayo sa gubat na ito at tatalunin pa natin ang mga black witch." seryosong sabi ni Trevor. "Akala ko lang naman." salo kaagad ni Kelvin na nakahiga parin. "Gamutin niyo na ang mga sugat niyo, ang babagal niyo kasing umiwas." singit na pang-aasar ni Hermione sa kanila. Siya kasi ang pinaka-kaunti ang sugat sa kanilang tatlo. "Ikaw na ang mabilis." sarkastikong sabi ng dalawa. "Mabilis talaga ako." nakangising sagot ni Hermione. Nagpahinga sila ng mahigit isang oras. Hindi nila magawang matulog o umidlip manlang kahit na gustong-gusto ng pumikit ng mga mata nila dahil sa mga naririnig nilang kaluskos, lalong-lalo na si Hermione. Alam nilang nasa paligid lang ang mga black witch, nakatago, nagmamasid at naghihintay ng magandang tyempo para atakihin sila. "Sino sa inyong dalawa ang nagpakawala ng ipinagbabawal na hangin?" nandidiring tanong ni Hermione. May naaamoy siyang mabaho kaya naman tinanong niya na agad ang dalawa. "Umutot? Aba! Hindi ako nautot!" mariing pagtanggi ni Trevor at nilingon si Kelvin. "Baka si Kelvin. Kanina pa yan kain ng kain, magbawas ka nga muna doon." "Hoy! Hindi ako umuutot! Makapagbintang kayo ah." depensa naman ni Kelvin. Muling suminghot sa hangin si Hermione, nandoon parin ang mabahong amoy at patindi ng patindi ang amoy nito. "Kung hindi sa inyong dalawa, kanino o saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon?" takang tanong ni Hermione. Nakiamoy na rin ang dalawa. Maging sila ay naaamoy na rin ang sinasabi ni Hermione na mabahong amoy. Nalukot ang noo ni Trevor. "Teka, parang may natatandaan ako tungkol sa mabahong amoy na yan." sambit niya habang hinihimas-himas ang baba. Pinilit niyang alalahanin ang tungkol sa mabahong amoy. Nang maalala niya ay awtomatikong napatayo siya. "Natatandaan ko na! Umalis na tayo dito! Mamamatay tayo!" naguguluhan man ay tumayo na rin si Kelvin at Hermione. Papaalis na sana sila pero hindi nila iyon nagawa dahil sa nakapalibot sa kanilang mga black witch, at hindi lang basta black witch ang mga nakapalibot sa kanila, ang mga nakapalibot sa kanila ay ang mga pinakamalalakas na kawal ng black witch. Gumawa ng dalawang malaking bolang hangin si Trevor at isinuot iyon sa ulo ni Hermione at Kelvin. "Para hindi nyo malanghap ang mabahong amoy. Kapag nalanghap natin ng nalanghap ang amoy na iyon ay mamatay tayo." paliwanag niya. Gumawa rin siya ng para sa kanya at isinuot ito. Kahit na air mage siya ay malalason parin siya ng mabahong amoy na iyon dahil humahalo ito sa hangin at hindi niya ito maaalis. Nag simula ng umatake ang mga kawal ng kalaban. Higit na mas marami ito kaysa sa kanila pero alam nilang kaya nila ang mga ito. Sapat na ang mahigit isang oras nilang pagpapahinga para bawiin ang lakas nila, kahit tatlo lang sila ay mataas ang kumpyansa nila na sila parin ang mananalo. Lampas isang oras ng nakikipaglaban ang tatlo, natatanaw na nila ang papasikat na araw ngunit hindi pa rin nauubos ang mga kalaban dahil imbis na mabawasan ay nadadagdagan pa ang mga ito. Marami silang napapatay pero mas marami ang dumadagdag. Hindi ba sila nauubos? Bakit napakarami nila? Sabagay, buong kaharian ng black witch ang kalaban nila kaya hindi imposible ang napakaraming bilang ng kalaban. "Konting tiis nalang. Kapag naubos na namin ang mga ito ay lalabas na kami sa gubat na ito." sabi nila sa kanilang sarili. Pagod na pagod man ay lumalaban parin silang tatlo. Atake rito, atake roon. Iwas dito, iwas doon. Ilang itim na mahika na rin ang direktang tumatama sa kanila pero tanging sugat lamang ang epekto nito sa kanila, salamat sa spell na inilagay ni Kelvin sa katawan nila. Mataas na ang sikat ng araw ng matapos sila sa pakikipaglaban. Sugatan at nanghihina na silang tatlo pero pinilit nilang bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa isang malaking puno. Tinignan ni Kelvin ang runes na nasa kamay niya, sila na lamang ang natitirang buhay sa lahat ng mga lumahok sa kompetisyon. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman niya. Kung matutuwa ba siya dahil sila ang nananalo o lalong magagalit sa mga black witch dahil sa dami ng bilang ng mga wizard na namatay. "Tayo nalang ang natitirang buhay, tayo ang nanalo sa kompetisyon." pagod na pagpapaalam niya kina Trevor at Hermione. "Nagawa nating manalo, buhay pa rin tayo hanggang ngayon kahit pa na maging ang mga black witch ay kinalaban tayo. Sa dami ng kinalaban nating mga black witch, siguradong kakaunti nalang ang bilang nila sa kanilang lugar." sabi naman ni Trevor. "Nagawa nating matalo ang halos hindi mabilang na mga kawal ng black witch, paniguradong makakaya natin ang mga natitira pang kalaban. Pero sa ngayon, mag pahinga muna tayo. Bawiin muna natin ang mga lakas natin bago tayo sumugod sa lugar nila." hindi man sumagot si Trevor at Kelvin ay sang-ayon naman sila sa sinabi ni Hermione. Napangiti ang dalawang lalaki ng makita nilang may lumulutang na mala-bulang tubig sa harapan nila, galing iyon kay Hermione. Ang mga pag-kain at tubig kasi nila ay nawala sa gitna ng kanilang pakikipaglaban kaya kahit gusto nilang uminom o kumain ay hindi nila magawa. Sa ngayon ay tubig lang ni Hermione ang mailalaman nila sa kumakalam nilang tiyan, kailantan na makahanap sila ng pagkain dahil hindi iyon sapat. Nag linis din sila ng katawan nila gamit ang tubig ni Hermione. Nang medyo wala na ang pagod nila ay naghanap sila ng prutas na makakain. Kahit na nakailang inom sila ng tubig ay kumakalam parin ang sikmura nila sa gutom, kaya naman ng makakita sila ng puno ng saging na may bunga ay tyinaga na nila ito kahit na ito ay hilaw pa. "Pwede na ito, kaysa naman malunod tayo sa kakainom ng tubig ni Hermione. Tyaga-tyaga nalang muna, saka na ang nilaga." komento ni Trevor na nakapagpatawa sa kanilang tatlo. Idinaan nalang nila sa pagtawa ang pagkain ng mapakla na medyo may kapaitang hilaw na saging. Tama si Trevor, tyaga-tyaga lang muna. Matapos nilang kumain at saglit na pagpapahinga ay napagpasyahan na nilang lumabas ng gubat. Nakalabas na sila ng gubat ngunit muli na naman silang lumalaban. May mga nakaabang na black witch sa labas ng gubat at talagang hinihintay ng mga ito ang pag labas ng tatlo. Hindi tumagal ang pakikipaglaban nila dahil kumpara kanina ay mas determinado na sila na tapusin ang pag hahari ng mga black witch. Nanalo sila sa kumpetisyon kahit na hindi patas ang laban dahil sa mga black witch, ngayon pa ba sila hindi magiging determinado? Kailangan naming pabagsakin ang mga black witch. Kailangan naming mapalaya ang mga bayan na sinakop nila. Kailangan naming iligtas ang mundo. Iyan ang tatlong bagay na nakatatak sa utak nila. Walang kahit isang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa mga mukha nila. Lahat ng mga sumasalubong na black witch sa tatlo ay walang hirap nilang napapatumba. At hindi katulad ng kanina sa gubat, ngayon ay pinapaslang na nila ang mga kalaban. Umabot na sila sa pinaka kaharian ng mga black witch. Tuloy parin ang pakikipaglaban. At habang tumatagal ay papalakas na rin ng papalakas ang kanilang mga kinakalaban. Nang maubos nila ang kumpol ng kawal ay nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napatango. Itotodo na nila ang mahika nila. Hindi na nila pipigilin ang galit na kinikimkim nila hanggang ngayon. Dahil kapag narating na nila ang pinakahuling palapag ng palasyong nasa harapan nila ay matatapos na ang lahat, tatapusin na nila ang pinaka-ugat ng lahat ng kaguluhan: Ang hari at reyna ng mga black witch. Ang hari at reyna ng mga black witch ay hindi na alam ang gagawin dahil alam nila nahabang papalapit ng papalapit ang tatlong estudyante ay papalapit na rin ng papalapit sa kanila ang kanilang katapusan. Nagtatalo pa ang mag-asawang magkukulam, nagsisisihan kung sino ang may kasalanan kung bakit may buhay na wizard na mayroong kakaibang mahika. Kung bakit may buhay pa na wizard na nagtataglay ng kapangyarihang pinakamalas sa lahat. Kung bakit may buhay pang wizard na siyang kinatatakutan nila,na siyang tatapos sa kanila. Nang magkaharap-harap silang lima ay sinubukan pang lumaban ng hari at reyna sa tatlong estudyante pero wala rin itong nagawa. Higit na mas malakas ang tatlo sa kanilang dalawa. Lahat ng ginagawa nilang atake ay baliwala lamang kay Hermione, Trevor at Kelvin. Duguan na gumapang ang hari at reyna, nagbabakasakali na sa paggapang nilang iyon ay makakatakas sila. At nagsayang lang sila ng pagod, dahil sa isang iglap lang ay nasa harapan na nila ang tatlo. "Katapusan niyo na." sabay-sabay na sabi ni Hermione, Trevor at Kelvin. Sabay-sabay nilang inatake ng ubod ng lakas na mahika ang hari at reyna na hindi na nila nagawang iwasan. Ang buong palasyo ay halos gumuho na dahil sa lakas ng pag sabog na nangyari. 7 "Tapos na..Tapos na ang lahat, wala ng ang mga black witch..." pabulong na sabi ni Trevor, pero kahit na pabulong lang iyon ay bakas na bakas doon ang tuwang nararamdaman niya. Bakas na bakas din sa mukha niya ang saya, sino ba naman ang hindi sasaya sa paglaya sa pananakop? Ngumiti si Hermione at Kelvin. "Oo, tapos na. Sa wakas, malaya na tayong lahat." masayang wika ng dalawa na katulad ni Trevor ay bakas na bakas din sa mukha ang tuwang nararamdaman. Makalipas ang ilang segundo ay doon nila naramdaman ang pagod, halos sabay-sabay na bumigay ang mga tuhod nila at napaupo. Ang mga mata nila, gustong-gusto na ng mga ito na pumikit ang matuloy. Ang mga kamay, braso, paa at binti nila, halos hindi na nila ito maigalaw. Ramdam na rin nila ang hapdi, kirot at sakit na dulot ng mga sugat na natamo nila. At syempre, naramdaman din nila ang gutom. Tanging ang hilaw na saging at ang tubig na mula kay Hermione ang laman ng tiyan nila. "Hindi ko na kayang igalaw ang katawan ko." ani Hermione na nakahiga sa isang malaking tipak ng bato. Ang nakasandal na si Trevor ay nilingon siya. "Hindi ka nag-iisa, Hermione. Hindi ko nga malamam kung namamanhid na ba ang buo kong katawan o kung ano. ''Yong tiyan ko, siguro kung kakain ako ngayon ay makakaubos ako ng isang malaking kalderong kanin. Gutom na gutom na ako." daing din nito. "Pare-parehas lang tayo. Ako nga, hindi ko matukoy kung sobrang sakit ba ang kanang braso ko o hindi, pakiramdam ko kasi ay masakit pero pakiramdam ko rin ay hindi. Nasanay na ata sa sakit ang katawan ko kaya hindi ko na matukoy kung nasasaktan ba ako o hindi." reklamo naman ni Kelvin na nakahiga rin katulad ni Hermione. Dahan-dahan na bumangon sa pagkakahiga si Hermione at naupo. "Kaya niyo pa bang maglakad?" tanong niya sa dalawang kaibigan. Pagod na umiling ang mga ito bilang sagot. "Ako rin, hindi ko rin kaya. Bawiin muna natin ang lakas natin, ubos na naman ang mga itim na mangkukulam." aniya at bumalik sa pagkakahiga. Makalipas ang isang linggo... Sa loob ng pitong araw na lumipas ay walang ibang ginawa ang tatlo kundi ang kumain, magpahinga at matulog. Sa pinaka-sikat na ospital ng kanilang bayan sila nakatigil at parang hari at reyna sila kung ituring ng mga doktor at nurse. Marami ring nagpapadala ng masasarap na pagkain sa kanila, mga gulay, prutas, mga regalo, alahas at pera. Mayroon pa ngang nagbigay sa kanila ng titulo ng lupa na may nakatayo ng bahay. Sa tutuusin ay hindi naman nila iyon kailangan, ilang beses din nila iton tinanggihan pero wala silang nagawa dahil mapipilit ang mga nagbibigay sa kanila. Wala pa raw ang mga bagay na ibinibigay nila sa nagawa nila. Pasasalamat lang daw iyon, kaya naman tinanggap nalang nila. At ngayon, magkakasabay na naglalakad pababa sa entablado si Trevor, Hermione at Kelvin. Katatapos lamang silang bigyan ng parangal ng mga kinatawan ng iba''t-ibang bayan na dumayo pa sa kanilang lugat upang personal na makapagpasalamat sa kanila. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pasasalamat, minsan nga ay napapangiwi nalang sila o napapakamot sa ulo dahil hindi sila sanay sa ganoong sitwasyon. "Muli nating palakpakan ang tatlong matatapang na estudyante na nagbigay sa atin ng kalayaan! Hermione, Trevon at Kelvin, maraming-maraming salamat sa inyo!" "MABUHAY ANG ATING MGA TAGAPAGLIGTAS!" "Sinong mag aakala na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa ay ang magliligtas pala sa mundo nila?" nakangiting tanong ng isang ginang sa mga batang masayang nakikinig sa kanya. "Nagustuhan niyo ba ang ikwinento niya?" tanong naman ng ginoong katabi ng ginang. "Hindi ko nagustuhan iyong kwento niya, kaunti lang ang eksena ni Trevor." komento naman ng isa pang ginoo na nakahilig naman sa ilalim ng puno. "Totoo po ba ang kwentong yan o gawa-gawa niyo lang po?" tanong ng isang batang babae. Nagkatinginan silang tatlo pagtapos ay sabay-sabay na ngumiti at tumango. Lumipas man ang panahon ay hindi noon nabago ang pagkakaibigan nilang tatlo, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan at samahan. Hanggang ngayon ay kinikilala parin silang bayani. At hanggang ngayon, kahit na ma-edad na sila ay patuloy parin nilang pinoprotektahan ang mga tao at tumutulong sa nangangailangan. Sila si Trevor, Hermione at Kelvin. Isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa na bumago sa buhay ng lahat. At sila? Sila ang tagapagligtas. *WAKAS* 1 Le Sauveur - :Anunsyo: Bawat ika-tatlong taon ay pumipili ang konseho ng tatlong estudyante na lalahok sa pandaigdigang kompetisyon, mapipili ka lamang kung ikaw ay likas na malakas, matalino at may paninindigan. Kung sino man ang intersado, maaari kayong personal na mag tungo sa aming tanggapan. -Konseho- Sinong walang utak ang mag kakaroon na interes na sumali sa kumpetisyon na iyan? Sa isang daan na porsyento ay limang porsyento lang ang tsansa mong manalo. Hindi dahil sa malakas ang mga kapwa mo na lalaban sa kumpetisyon, kundi dahil sa mismong lugar na pag gaganapan nito. Ginaganap lang naman ang kompetisyon na iyon sa isang lugar na punong-puno ng mga halimaw at mapanganib na hayop. Kaya sinong walang utak ang mag kakainteres sa kompetisyon na ''yan? "Ikaw!" itinuro ko ang isa sa kaklase ko at sinenyasan na lumapit sa akin. Ini-akbay ko ang braso ko sa balikat niya at hinigit palapit sa nakapaskil na anusyo. "Ikaw, sabihin mo nga sa akin, sinong walang utak ang sasali sa kalokohang kompetisyon na iyan?" inis na tanong ko sa kaklase kong ''to. Hindi ko alam ang pangalan ng isang ''to. Ah, hindi. Lahat pala ng kaklase ko ay hindi ko alam ang pangalan. Hindi naman kasi importante, bakit ko pa aalamin? Kapag ba alam ko ang pangalan nila ay uunlad ang buhay ko? Hindi naman, hindi ba? "Marunong ka bang magsalita o ano? Tinatanong ba kita o hindi?" naasar na ako sa isang ''to, pwede namang sumagot ng simpleng ''wala'', bakit hindi pa gawin, mainit na nga ang ulo ko pinaiinit pang lalo. "Tinatanong..." mahinang sagot niya. Bahagya siyang lumingon sa akin at makailang ulit na lumunok. "W-Wala...W-Walang mag kakainteres na sumali sa kompetisyong iyan." bakit ba siya nauutal? Tss. Sasagot lang uutal-utal pa. Bumalik na ang uutal-utal na ''yon sa pwesto niya pero nanatili pa rin akong nakatayo rito sa harapan. Paulit-ulit kong binabasa ang walang kwentang anunsyo na ito. Teka...Bakit ko nga ba paulit-ulit na binabasa ''to? Tss. "Trevor Mackarov, maupo ka na sa pwesto mo, mag sisimula na ang klase." nginisian ko lang ang aming guro na si Mrs.Tierney. "Hindi mo na ako kailangang sabihan, alam ko ang dapat kong gawin." balewalang sabi ko at nag lakad papalabas ng silid-aralan. "Trevor Mackarov! Pinapaupo kita sa pwesto mo! Hindi kita pinapalabas!" sigaw niya. Dragon ba siya noong nakaraang buhay niya? Para siyang galit na dragon kung makasigaw. Tumigil ako sa pag lalakad at nilingon siya. "Alam ko na ang ituturo mo ma''am. Tutulugan ko lang ang klase mo kung mananatili pa ako r''yan." tamad na sagot ko. Napailing nalang siya, wala rin naman siyang magagawa. Ako nga pala si Trevor Mackarov, pero mas kilala ako sa tawag na ''Stalwart Trevor'' o kaya naman ay ''Obnoxious Trevor. Stalwart Trevor sa ibang tao dahil malakas at matapang ako, ngunit iyong iba, Obnoxious Trevor ang tawag sa akin dahil masama raw ang ugali ko. Pero sa totoo lang? Wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung anong tingin nila sa akin. Hindi naman mababago ng mga iniisip nila tungkol sa akin ang pagkatao ko. Mas pag aaksayan ko ng panahon na bilangin ang buhok ko kaysa sa bigyan ng pansin ang mga sinasabi at iniisip nila tungkol sa akin. Bakit? Dahil nga wala akong pakialam. "Ang weird niya talaga." "Alam mo, usap-usapan sa lugar namin ang babaeng ''yan, galing daw ''yan sa pamilya ng mga itim na mangkukulam." "Kaya siguro siya palaging naka-itim." Nilapitan ko ang dalawang babaeng pinag-uusapan ako. Kahit malayo sila sa akin ay naririnig ko ang pinag-uusapan nila. Paano? Isa iyon sa kakayahan ko. Enhanced ang lahat ng senses ko, at kapag sinabi kong lahat, lahat. Pero ang mga guro, kaklase at kapitbahay ko, at maging ang kung sino man na nakakakilala sa akin ay hindi iyon alam. Ang alam lang nila ay enhanced ang eyesight ko at kaya kong mangopya ng kapangyarihan o abilidad. "You two are talking about me, right?" walang emosyon na tanonh ko. Tinaasan lang nila ako ng kilay. "I don''t care if you call me weird, but there''s one thing that I want you to know, I am not a witch. I''m not from a family of black witches, stop talking sh*ts to my family. Hindi niyo sila kilala at wala kayong ideya kung sino sila, tama ba? Pero hindi ibig sabihin n''on na pwede na kayong mag gawa ng walang katotohanang kwento tungkol sa pamilyang pinagmulan ko." seryosong sabi ko sa kanila. "Watch your words ladies, I can cut tongues." dagdag ko at nag lakad na palabas ng academy. I am Hermione Brit. You can call me weird, goth, emo, punk or whatever you like. You can also call me Black, some of my acquaintances usually call me by that ''nickname'', and for me? Hmm. It''s kinda cool. Black hair with red or blue or yellow highlights, thick-black eyeliners, black lipstick, black accessories, black shirts or dress, black pants or shorts, black shoes, sandals or slippers, that is my usual outfit. I love black. Why? Because my life is full of darkness. "Apo, nabalitaan mo na ba iyong tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon?" tanong sa akin ni lola, ang nag-iisa kong kamag-anak na buhay pa. Nanay siya ng aking ama, at gaya nga ng sinabi ko kanina, siya nalang ang buhay kong kamag-anak. Patay na ang aking ama at ina. Wala akong kapatid. Ang magulang ng aking ina ay matagal ng namaalam, ganon din ang tatay ng aking ama. "Opo, lola, kalat na po sa akademya ang balitang iyan." sagot ko. "Naalala ko na naman tuloy ang iyong ama." malungkot na sabi niya. Itinigil ko ang pag babasa ko at kunot noong lumingon sa mahal kong lola. "Bakit po lola? Paanong naalala niyo si papa?" takang tanong ko. Bakit naman sa dinami-daming bagay o pangyayari ay sa kompetisyong iyon pa niya naalala si papa? "Napili kasi siya noon sa kompetisyon ding iyan, hindi ko na nga lang matandaan kung ano bang taon iyon. Sa tantya ko ay mga nasa edad mo siya nung siya ay napili." Bahagyang nanlaki ang mata ko. "Po? Tama po ba ako ng pag kaka-dinig? Si papa ay napili sa kompetisyong iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo apo, kaso nga lang, tumakas ang papa mo kasama ang mama mo. Lumayo silang dalawa at ng bumalik sila dito ay kasal na sila at buntis na ang mama mo sa''yo." pag kekwento niya. "Nangunguna lagi ang iyong ama sa klase at maging sa buong akademya. Malakas, matalino at may ginintuang puso, mag katulad na mag katulad kayo ng iyong ama." "Hindi po kami mag katulad, h-hindi po ako malakas." pagtanggi ko. "Ako pang lola mo na syang nag palaki sayo ang lolokohin mo, apo? Hindi mo man aminin ay alam kong malakas ka. At alam kong higit na mas malakas ka sa iyong ama, mas malakas ang mahikang meron ka, ang mahikang taglay mo. Maililihim mo iyan sa iba ngunit hindi sa akin. Alam ko at alam mo na may malakas kang mahika, bakit mo ba itinatago iyan, apo? Bakit mo ikinukubli ang sarili mo sa isang batang lampa na palaging sablay sa mahika?" Hindi ko nagawang makasagot kay lola. Iniwas ko ang tingin sa kanya at nagpanggap na bumalik sa pagbabasa. ''Bakit ko nga ba itinatago itong mahika ko'', tanong ko rin iyan sa sarili ko. Siguro dahil sa takot? Siguro nga. Namatay ang ama at ina ko dahil sa kapangyarihang meron sila, sa harap mismo ng mga mata ko, pinatay silang dalawa. Iyon ang narinig ko sa mga black witch na pumatay sa mga magulang ko, dahil sa kapangyarihan nila kaya sila pinatay. Pitong taong gulang palang ako n''on kaya wala akong nagawa, at isa pa, sinabihan ako ni papa na huwag na akong makialam at mag tago nalang sa pinagtataguan ko para na rin sa kaligtasan ko. At ngayong malaki na ako, napagtanto kong kaya pinaslang ng mga black witch ang magulang ko ay dahil alam nila na malaking balakid ang kakayahan nilang dalawa sa kanila. At siguro, kaya ko itinatago ang kakayahan ko ay dahil sa kanila. Ayokong mamatay, ayoko pang mamatay ng hindi sila naipaghihiganti. Ako si Kelvin Dreyar, kilala ako sa buong akademya dahil ako lagi ang nangunguna sa klase. Ngunit hindi iyon ang pinakadahilan kung bakit ako kilala, gaya nga ng sabi kanina ni lola, itinatago ko ang sarili ko sa isang batang lampa. Oo, isa akong nerd, at iyon ang pinakaunang dahilan kung bakit ako kilala. Lagi akong binu-bully, inaasar, tinutukso at kung ano pa. Hindi ako lumalaban sa kanila, ayokong malaman ng lahat ang mahikang mayroon ako. Ayokong masayang ang lahat ng oras na ginugol ko sa pag papalakas. Para sa mga black witch lang ang kapangyarihan kong ito. Ipinapatawag ang lahat great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall. Ipinapatawag ang lahat sa great hall. Rinding bumangon si Trevor sa pag kakahiga. Oras ng klase pero nasa hardin siya at natutulog. Alam ko na naman ang ituturo, iyan ang palagi niyang dahilan. "Ano na naman kayang kalokohan yon? Tss." bulong niya sa kanyang sarili. Sa isang kisap-mata ay nasa great hall na siya. Oo, nakakapag teleport siya. Isa iyon sa abilidad na meron siya. "Trevor, huwag ka munang umalis, patapusin mo muna si headmaster Craven sa sasabihin niya. Mahalaga ang sasabihin niyang iyon." hindi nalang kumibo si Trevor, sumalampak nalang siya ng upo sa sahig at nilaro ang maliit na ipo-ipong apoy sa kamay niya. "Ano ba ang mahalaga sa sasabihin ni headmaster? Mahalaga? Tss. Pamilya ko lang ang mahalaga sa akin, at ngayong wala na sila, hindi ko na alam ang kahulugan ng salitang halaga." Nakalabas na ang lahat pero si Kelvin ay nasa loob pa rin ng kanilang silid-aralan, ang dahilan? Ikinandado ng mga kaklase niya ang pinto mula sa labas. Kaliwa''t kanan ang ginawang pag lingon ni Kelvin, nang makasiguro siyang walang tao ay in-unlock niya ang spell sa kandado at pinagalaw ito gamit lamang ang isip. Isa lamang ang telekinesis sa inaral niyang kakayahan, isa na namang oo, inaral niya lamang iyon. "Paanong...?" "Sabi ko sa inyo, hindi niyo ako kilala." mahina ngunit makahulugang sabi ni Kelvin sa nag tatakang mga kaklase niya. Nag tataka ang mga ito kung paanong nagawa niyang buksan ang kandado. Tatlong spell ang inilagay ng mga ito sa kandado at ang tanging makakapag tanggal lang ng spell ay ang malalakas na wizard katulad nalang ng mga guro nila. Pag tataka at pagkabigla ang mababakas sa mukha ng kanyang mga kaklase. Pag tataka sa kung paano siya nakalabas at pagkabigla sa tono ng boses nya. Hinabol nila ng tingin si Kelvin na nakayuko habang nag lalakad. Hindi nga namin siya kilala, iyan ang laman ng isip nila. 2 Le Sauveur "Hoy black lady! Sa tingin mo, bakit pinatawag ang lahat?" maangas na tanong ng lalaking kaklase ni Hermione. Walang emosyon na tumingin siya sa lalaki. "Mamamatay ka ba kung mag hihintay ka? Kung hindi, mag hintay ka r''yan. Malalaman mo rin kung bakit." tamad na sagot ni Hermione. Inis na hinawakan siya ng lalaki sa braso at pabalyang hinila. Wala pa ring emosyon na makikita sa mukha ni Hermione kahit na mahigpit ang pagka-kakapit ng lalaki sa kanya. "Ginagago mo ba ako, ha!?" "Bitaw." ngumisi lang ang lalaki at mas lalo pang hinigpitan ang pagka-kapit kay Hermione. Napatingin siya sa braso niyang hawak ng lalaki, namumula na ito dahil sa higpit ng pagkakahawak sa kanya. "Sinabing bitaw." walang emosyon na sambit niya. "Eh kung ayaw ko? Anong gagawin mo? Kukulamin mo ba ako, ha?" mapang-asar na tanong ng lalaki. At sinundan pa ng mapag-asar na tawa. Nawalan ng pasensya si Hermione, pinagyelo niya ang braso niyang mahigpit na hinahawakan ng lalaki hanggang sa pati ang kamay nito ay nag yelo na. "Hindi ko kayang mangkulam, pero kayang-kaya kong putulin ngayon ang kamay mo." wika niya na nakapag-pakilabot sa lalaki. Walang nag bago sa tono ng pagsasalita ni Hermione, blangko at wala pa ring emosyon ngunit iba ang dating nito sa lalaki, para bang hindi si Hermione ang kaharap niya. Para bang ibang Hermione ang nasa harap niya. Malakas at nakakatakot, iyan ang Hermione na kaharap niya ngayon. "Ipinatawag ko kayong lahat dahil may mahalaga akong sasabihin tungkol sa pandaigdigang kumpetisyon...." na kay headmaster Craven ang lahat ng atensyon pwera nalang ang atensyon ng tatlong estudyante, ito ay sina Hermione, Trevor at Kelvin. Si Hermione ay pinagmamasdan syudad na nasa limang daang kilometro ang layo sa akademya. Si Kelvin naman ay pasimpleng pinalulutang ang mga laglag na dahon sa labas. At si Trevor, pinaglalaruan ang mga apoy sa lamparang nakasabit sa pader. Kapwa hindi sila interesado sa kung ano mang sasabihin ng headmaster, at lalo na nang banggitin nito ang salitang kumpetisyon. "Alam kong bago pa lamang akong headmaster, mag dadalawang taon pa lamang. Pero hindi naman lingid sa kaalaman ninyo na bago ako mapunta sa pwesto ko ngayon, bago akong maging headmaster, aymatagal na akong guro dito. Sa tinigal kong namalagi rito sa akademya ay halos nasubaybayan ko na ang pag laki ng ilan sa inyo, kung sino ang humusay, kung sino ang may mahinang mahika at kung sino ang may malakas na mahika. At dahil nabanggit ko na rin iyan, nais kong sabihin na nakapili na ako ng ilalahok sa kumpetisyon." "Tatlong estudyante. Tatlong estudyanteng naiiba ang kapangyarihan, abilidad, lakas at talino sa lahat..." Nakuha ng mga salitang iyon ang atensyon ng tatlo. Bigla na lamang nag-iba ang pintig ng puso nila. Kapwa sila napalingon sa direksyon ng headmaster. Hindi nila mawari kung anong nangyayari sa kanila, pero isa lang ang alam nila: kinakabahan sila sa mga susunod pang sasabihin ng headmaster. "Alam kong magtataka kayo kapag pinangalanan ko na ang tatlong estudyanteng yon, pero uunahan ko na kayo mga, mahal kong guro at mag-aaral ng Arch Academy, sa mga susunod na araw ay masasagot ang lahat ng katanungan ninyo." Lalong lumakas ang pintig ng puso ng tatlo. Nakailang lunok na rin sila at hindi na mapakali. Alam na nila sa sarili nila na sila ang tinutukoy ng headmaster, pero may isang tanong ang nabuo sa mga isip nila. "Hindi pala ako nag-iisa?" "Pinakikiusapan kong pumunta rito sa harapan ang tatlong estudyanteng tatawagin ko...." "Trevor Mackarov, Hermione Brit, Kelvin Dreyar, kayong tatlo ang napili ko para lumahok sa pandaigdigang kumpetisyon." Ang lahat ay nagulat sa anunsyo ng headmaster, hindi makapaniwala at nag tataka. Paano na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang batang lampa ang napili niya, iyan ang mga tanong sa isip ng karamihan. Walang ibang nagawa ang tatlo kundi ang tumayo at lumakad papunta sa harapan. Nang magkaharap na ang tatlo ay nag titigan sila at pinag-aralan ang isa''t-isa. Hindi sila mag kakakilala ngunit iisa lang ang alam nila, bawat isa sa kanila ay may taglay na malakas na mahika. Makailang ulit na tumanggi ang tatlo sa pagiging opisyal na kalahok nila sa pandaigdigang kumpetisyon, ngunit ano man ang tangging gawin nila ay hindi nito nabago ang desisyon ng headmaster. Pangalawang linggo na nilang nag-eensayo ngunit sa tinagal nilang nagkakasama ay hindi manlang nila nagawang kausapin ang isa''t-isa. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang pormal na pag-uusap, ni hindi manlang nila alam ang mahika o abilidad ng isa''t isa. Tila ba may kanya-kanya silang mundo kapag magkakasama silang tatlo. "Ngayon ay sasanayin naman natin ang mga mahika at abilidad na mayroon kayo." wika ng headmaster. Siya mismo ang nag sasanay sa tatlo. Iyon ang hininging kondisyon ng tatlo. Pinakamagaling na guro sa lahat ang headmaster kaya naman siya ang napili nila. Nag dududang tumingin ang headmaster sa kanila. "Umamin nga kayong tatlo, hindi niyo pa nagagawang kausapin ang isa''t-isa, tama ba?" tanong nito. "Tama po kayo." sabay-sabay na pag-amin ng tatlo. "Mga batang ito talaga, huwag ninyong sabihin na nagkakahiyaan pa kayo? Ibig bang sabihin niyan ay hindi niyo pa manlang alam ang mahika at abilidad ng isa''t-isa?" umiling ang tatlo bilang sagot kaya naman napatawa na lamang ang headmaster. "Isang oras. Bibigyan ko kayo ng isang oras na pahinga, mag-usap kayo at alamin ang dapat na alamin tungkol sa isa''t-isa. Ipakilala ninyo ang mga sarili ninyo kung kinakailangan. Maging magkaibigan kayong tatlo at pagtiwalaan ang isa''t-isa. Iyan ang pinaka importanteng susi, ang pagtitiwala." nakangiting wika ng headmaster at bigla na lamang nawala. "Ako si Hermione, Hermione Brit." pangunguna ni Hermione. Nag-boluntaryo na siya na maunang mag salita dahil alam niyang kung hindi pa siya magsasalita ay kahit abutin pa sila ng magdamag ay walang magsasalita sa dalawang lalaki. Bahagya siyang tumikhim at nagpatuloy. "Hindi ako rito sa lugar na ''to ipinanganak, hindi rin taga-rito ang pamilya ko, taga-kanluran kami. May enhanced senses ako, kaya kong tumalon ng mataas, kaya kong maging mabilis, may matalas akong panlasa, kaya kong makarinig, makakita at makaamoy hanggang isang libong kilometrong layo." pagpapakilala niya sa sarili. "May iba pa ba?" interesadong tanong ni Trevor at Kelvin. Hindi man nila ipanapahalata pero natutuwa sila dahil hindi sila nag-iisa, hindi sila nag-iisang may kakaibang kapangyarihan o mahika. Lihim na ngumiti si Hermione. "Isa akong water mage." nag gawa ng bolang tubig sa kanang palad nya si Hermione at patulis na yelo naman sa kabila. Napapantastikuhang tumango-tango si Kelvin. "Elemental at sub-elemental." komento nito. Kumunot naman ang noo ng dalawa, kapwa hindi nila alam ang salitang binanggit ni Kelvin. "Hindi ko man nababasa ang isip niyo ngayon dahil nakasarado ito, kitang-kita naman sa ekspresyon niyo na wala kayong ideya kung ano ang sinabi ko." natatawang wika niya habang kinakamot-kamot ang ulo. Umupo ng siya ng tuwid. "Ang elemental ay ang apoy, lupa, hangin at tubig. Ang sub-elemental naman ay mga mahikang nag mula o may pagkakahawig sa elemental, katulad nalang ng ice magic ni Hermione, ang yelo ay gawa sa tubig kaya sub-elemental iyon." paliwanag ni Kelvin. Habang nag sasalita si Kelvin ay napag isip-isip ng dalawa na sa kanilang tatlo ay mas nakakalamang ang talino ni Kelvin kaysa sa kanila. "Anong abilities ang mayroon ka?" pagkaraan ay tanong ni Trevor kay Hermione. "Telepathy, luring and power mimicry." sagot niya. "Sa tingin ko nga ay mayroon din akong telekinesis, noong isang beses kasi ay nagawa kong palutangin iyong bag ko, pero hindi na naulit kasi hindi ko na magawa. Hindi ko na rin naman pinag-aralan dahil wala naman akong balak na palakasin pa ang sarili ko." pagke-kwento niya. Tahimik na nakikinig lang ang dalawang lalaki, parehas silang namamangha sa tono ng boses ni Hermione at maging sa mukha nito. Namamangha sila dahil wala manlang silang mabakas na emosyon sa boses at mukha ni Hermione, namamangha at nag tatakaka sila kung paano nito nagagawa iyon. "May libro akong makakatulong sa''yo kung gusto mong aralin ang telekinesis, maaari rin kitang tulungan." nakangiting alok ni Kelvin. "Ako naman si Kelvin Dreyar, taal na taga rito ang magulang ko. Dito ako pinanganak pero sa hilaga na ako lumaki, bumalik ako rito noong pitong taong gulang ako. Lola ko nalang ang kasama kong manirahan dito...p-pinatay ng mga black witch ang magulang ko." pagkekwento nya. Napakuyom ang kamao ng dalawa pang kasama ni Kelvin ng marinig nila ang huling pangungusap na sinabi nya. Ang mga black witch...marami talagang ginawang gulo ang mga itim na iyon. "Parehas pala tayo ng istorya." tiim-bagang na komento ni Trevor at Hermione. Nabigla sila sa pag-amin ng isa''t-isa. Hindi nila akalain na silang tatlo na kapwa may taglay na malakas na mahika ay may isa pang pagkakapareha. Binasag ni Hermione ang katahimikan. "May elemental magic ka rin ba?" tanong niya kay Kelvin. "Oo, isa akong earth mage. Hindi ko alam kung sub-elemental mage din ba ako, nakokontrol ko ang magma pero hindi ko kayang direktang mag palabas nito, hindi katulad ni Hermione na kayang mag palabas ng direktang yelo." sagot niya. "Pero siguro kung pag aaralan ko pa, magagawa kong mag palabas ng direktang magma." dagdag niya. Napangisi si Trevor. "Mahilig ka talagang mag-aral ''no?" patanong na komento niya. Muling napakamot sa ulo si Kelvin at para bang nahihiya. "Naging libangan ko na kasi ang pag babasa simula ng mawala ang mga magulang ko. Iyong ibang abilities ko ay inaral ko lang din." nahihiyang sabi niya. "Ano-ano ba ang abilities mo?" "Telekinesis, telepathy, invisible, enhanced hearing, runes at catoptromancy. Sa ngayon ay pina-practice ko pa ang illusion. Bihasa rin ako sa mga spell at mabilis gumaling ang mga sugat ko." namangha ang dalawa sa mga abilidad ni Kelvin, lalo na at yung iba doon ay inaral niya lamang. Maraming naging tanong ang dalawa kay Kelvin. Kung paano niya inaaral ang mga abilities, kung gaano katagal at kung kaya rin ba nilang aralin ang ilang abilities na gusto nila. 3 Le Sauveur Huling nag pakilala si Trevor. "Trevor Mackarov, taal na taga dito ang magulang ko at ganon din ako. Katulad niyo, pinaslang din ng mga black witch ang mga magulang ko, pero hindi lang sila, maging ang iba ko pang kamag-anak. Ako lang ang natira sa angkan ng Mackarov dahil itinago ng mga magulang ko ang kapangyarihang taglay ko. Hindi nila ako pinatay sa pag-aakalang wala akong kapangyarihan. Itinago nila ito gamit ang isang spell na matatanggal lamang kapag tumuntong na ako sa edad na labing lima. Katulad niyo, may elemental at sub-elemental magic din ako." tumigil siya saglit, pumikit at nag concentrate. Nag buo siya ng maliit na hugis taong apoy sa kaliwang kamay niya at hugis bituing hangin sa kanan. Nawala ang hangin at apoy sa kanyang kamay, napaltan iyon ng bolang kidlat. "Meron pa, tumingala kayong dalawa." sumunod si Kelvin at Hermione sa sinabi niya. Tumingala silang dalawa, kitang-kita ng dalawang mata nila kung paanong ang makulimlim na kalangitan ay napaltan ng matinding sikat ng araw. Uminit bigla at maya-maya ay biglang kumulog at kumidlat. "Nakokontrol ko ang panahon. Ang katawan ko, kahit na hindi ako maskulado katulad ng ibang estudyante rito, mas malakas pa ako sa kanila, kaya kong bunutin ang puno iyan." ininguso nya ang puno na sinasandalan ni Hermione. "Itong punong ito? Kakaiba nga ang lakas mo kung ganoon." hindi makapaniwalang tanong ni Hermione ngunit wala pa ring mabakas na emosyon sa tono niya at maging sa mukha niya. Hindi tuloy mawari nung dalawa kung ano ba talagang nararamdaman niya, kung hindi ba siya makapaniwala o kung ano. Nanatili lang kasi na blangko at walang emosyon ang tono at mukha niya. "Pwede bang lagyan mo naman ng konting emosyon kapag nag sasalita ka? Kahit sa facial expression nalang, ang hirap hulaan kung anong nararamdaman mo." kakamot-kamot sa ulong komento ni Trevor. "Oo nga. Ang hirap mangapa eh. Di namin malaman kung nagugulat ka na ba dyan, natatakot, natutuwa o kung ano." nakangiwing segunda ni Kelvin. Hindi napigilan ni Hermione ang mapangiti. Isang pigil na ngiti na hindi nakalampas sa paningin ng dalawa. Nanlaki ang mata nila, sabay na napatingin sa isa''t-isa at sabay na itinuro si Hermione. Akala mong nakakita ng multo ang dalawa. "Ngumiti siya!" Napailing si Hermione at tuluyan nang napangiti ng matamis. Hindi mawari ni Hermione kung paanong napangiti siya ng dalawang lalaking kaharap niya. "Tumigil na kayo. Ano-anong abilities mo, Trevor?" pag babago ni Hermione sa usapan. "Biglang ganon eh." naiiling na komento ni Trevor. "May enhanced hearing ability rin ako, kaya kong mag teleport, telekinesis, mind manipulation at projection." sagot niya nalang. Marami pa silang napagkwentuhan. Naging masaya silang tatlo, lalo na si Hermione na marunong ng ngumiti at nag kakaroon na ng emosyon ang tono ng pananalita at paunti-unti na ring nagkakaroon ng ekspresyon ang mukha. "Ma, Pa, natagpuan ko na iyong sinabi niyo sa akin noon na magiging kaibigan at kakampi ko. Heto na sila sa harapan ko. Magkakaiba ang ugali at pagkatao namin pero pare-parehas kaming may malalakas na kapangyarihan. Sila na nga po ang tinutukoy ko niyo." wika ni Hermione sa isip niya. Dahil sa pagiging masaya ni Hermione ay hindi niya namalayang nakabukas ang isip niya kaya naman nalaman ni Trevor at Kelvin ang sinabi nya sa sarila nya. Napangiti silang dalawa. "Tama siya." komento ng dalawa sa mga isip nila. Tatlong buwan ang lumipas, mas naging malapit ang tatlo sa isa''t-isa. Higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sila, kapatid na ang turingan nila sa isa''t-isa at hindi na sila mapaghiwalay na tatlo. Naging iba na rin ang tingin sa kanila ng mga kaklase nila at ng buong akademya. Ang iba nga ay pinapanood pa silankapag nag-eensayo sila. Naging idolo sila ng mga estudyante, hangang-hanga sila sa tatlo dahil kakaiba ang lakas at mahika nila kumpara sa iba. Ngayong araw ay nakatakda na silang pumunta sa pagdadausan ng kumpetisyon. Buong bayan ang kinakabahan para sa kanila. Alam ng lahat na hindi basta-basta ang kompetisyon. Mamamatay o mabubuhay. Kapag namatay ka, talo ka. Kapag buhay ka, panalo ka. Mandatoryo ang pagsali ng bawat bayan sa pandaigdigang kumpetisyon, at kung mayroon mang bayan na hindi sasali ay isa lang ang ibig sabihin n''on, automatikong sasakupin ng mga black witch ang bayang iyon. Oo, ang mga black witch ang siyang nag papatakbo sa pandaigdigang kompetisyon. Ang tanging nakakaalam lang ng katotohanang iyon ay ang mga konseho. Kapag natalo ang bayan mo, sasakupin ito ng mga black witch. Kapag nanalo naman, lalaya ang bayan sa kamay ng mga black witch. Ngunit ang pag layang iyon ay hindi permanente, kada tatlong taon ay may nangyayaring kumpetisyon. At kung ang nanalong bayan sa nakaraang kompetisyon ay matatalo sa kasalukuyang kompetisyon, muling sasakupin ng nga black witch ang bayan na iyon. Paulit-ulit lang ang nangyayari, kung mananalo- lalaya, kung matatalo- sasakupin. Lahat ng iyon ay sinabi ng headmaster at ng buong konseho sa kanilang tatlo. Lalong tumindi ang galit nila sa mga black witch ng malaman nila ang katotohanang iyon. "Gaganapin ang kumpetisyon sa Dead Forest, talunin ninyong tatlo ang mga makakalaban niyo, ilabas ninyo ang mga lakas niyo. Siguradong mapapansin kayo ng mga black witch dahil sa kakaibang lakas niyo, at dahil sa ayaw nila ng may balakid sa kanila, gagawa sila ng paraan para mapatay kayo, papasok din sila sa Dead Forest. Tandaan niyo, gumawa kayo ng paraan upang ang lahat ng black witch ay mapapasok ninyo sa loob ng gubat, kapag nakapasok na silang lahat ay saka kayo hahanap ng daan palabas. Huwag kayong mag alala, ang tanging makakalabas lang sa Dead Forest ay ang mga taong may mabubuting puso. Hinding-hindi makakalabas sa gubat na iyon ang mga black witch. Ito pa ang isa sa dapat niyong tandaan, papatay lamang kayo kung kinakailangan, kahit na black witch pa iyan. Wag kayong magpapadala sa galit dahil kung mag papadala kayo sa galit ninyo ay hindi na rin kayo makakalabas sa gubat." "Kapag nakalabas na kayo sa gubat, sumugod kayong tatlo sa lugar ng mga black witch. Huwag kayong matakot sa kanila, mas malakas ang mahikang taglay ninyo kaysa sa kanila. Doon niyo ilabas ang lahat ng galit niyo, ubusin niyo sila ng sa gayon ay matapos na ang paghihirap natin at ng mga iba pang bayan na nasakop na ng mga black witch. Iligtas niyong tatlo ang buong mundo." Iyan ang mga salitang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Trevor, Hermione at Kelvin. Ilang daang kilometro nalang ang layo nila sa pagdadausan ng kompetisyon. Mahigit dalawang oras nalang ang itatagal ng byahe. "Nakita ko na ang lugar ng mga black witch, nasa hilagang parte sila." pag bibigay alam ni Hermione na kanina pa nakasilip sa bintana. Tumingin din si Trevor at Kelvin sa lugar na tinitignan niya ngunit kahit anong pilit ang gawin ng dalawa ay gatuldok na imahe pa rin ang kanilang nakikita. Napasimangot si Hermione at umiling-iling. "Hindi ko kasi sinabi na tignan niyo rin. Kaya nga sinabi ko na, ''di ba?" "Hindi namam kaya namin tinitigan." kaagad na depensa ni Kelvin. Tinaasan lang siya ng kilay ni Hermione at inirapan. "Gaano pa ba tayo kalayo?" inip na tanong ni Trevor pagtapos ay kumagat sa tinapay na ipinabaon sa kanila. "Mga pitong daang kilometro nalang." sagot ni Hermione. Sa loob ng tatlong buwan na pag sasanay ay mas lalo silang lumakas. Kung dati ay isang libong kilometrong layo lang ang kapasidad ng pandinig, paningin at pang amoy niya, ngayon ay umabot na ito sa dalawang libong kilometro. Si Trevor naman ay mas lumakas ang katawan, halos hindi na siya nakakaramdam ng sakit at natutunan niya na rin kung paano gamutin ang sugat niya gamit ang elemental magic niya. Si Kelvin ay na-master na ang illusion magic at mas napataas niya pa ang lebel ng mga runes. Mas nadagdagan din ang kaalaman nya sa mga spells. Trumiple ang lakas ng kanilang mahika at katawan. Madami ding nadagdag na mga abilidad sa kanila kaya naman sigurado sila sa sarili nila na kayang-kaya nilang mapabagsak ang mga black witch. At nagawa nila ang mga iyon dahil sa pagtutulungan nilang tatlo, at pati na rin ang pagtuturo na ginawa ng kanilang headmaster. Siyang tigil ng tren na sinasakyan nila ay siyang pag mulat din ng mga mata ni Hermione. Nilingon niya si Trevor ay Kelvin na himbing na himbing pa sa pagtulog, nilapitan niya ang mga ito at ginising. "Nandito na tayo." agad naman na nag mulat ng mata ang dalawa at tumayo. Dala-dala ang kanya-kanyang bag ay lumabas sila ng tren. Sumalubong sa kanila ang mga kapwa nila wizard na kalahok din sa kompetisyon. Iginaya sila ng isang lalaking nakasuot ng itim cloak sa isang lamesa. Ipinasulat sa kanila ang pangalan ng kanilang bayan at nilagyan sila ng mala-pulseras na runes sa kanang kamay nila. "Makikita niyo sa runes na iyan ang bilang ng inyong kalaban, kung anong bayan sila, at ang bilang ng nananatiling buhay sa kanya-kanyang grupo." pag bibigay alam ng lalaking nakasuot ng itim na cloak. "Oras na may makalapit kayong myembro ng ibang bayan, isang kilometro pababa, iilaw ng kulay asul ang runes at sa loob lamang ng trenta minutos ay kailangang may mamatay o mawalan ng malay sa inyong dalawa." napataas ang kilay nilang tatlo dahil sa sinabing iyon ng lalaki. Mga walang puso talaga, sa isip-isip nila. 4 Le Sauveur "Paano kung halimbawa ay makalayo siya sa akin? Tuloy pa rin ba ang oras?" tanong ni Trevor sa lalaki. "Hindi. Kapag nagkalayo kayo ng higit sa limampung kilometro ay kusang titigil ang oras." sagot nito. "Paano kung naubos na ang trenta minutos pero parehas pa rin kaming may malay?" sabay-sabay na tanong ng tatlo. Isa-isa silang tinignan ng lalaki, hindi rin nakatakas sa kanila ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi nito. "Parehas kayong mamatay. Ang runes na iyan ay kakalat sa buo niyong katawan hanggang mawalan na kayo ng hininga." seryosong sagot ng lalaki. Nagkatinginan silang tatlo at sinarili nalang ang naramdaman galit. Hindi dapat tinatawag ito na kumpetisyon, patayan ang dapat na tawag dito. "Iyon lamang ang patakaran ng kumpetisyon. Kung wala na kayong tanong, pumunta na kayo roon sa harapan. Ano mang oras ay mag sisimula na ang kumpetisyon." aniya. Nakihalo na sila sa iba pang kapwa nila wizard. Iginala nila ang paningin sa paligid at pinag-aralan ang mga ito makakalaban nila. Kabado ang karamihan ngunit may mangilan-ngilan na blangko lang ang mukha, parang wala silang pakialam kung mamamatay man sila o mabubuhay sila sa loob ng gubat. Wala silang makita na kahit isa manlang na malakas na determinasyon. Lahat ba sila ay nawawalan na ng pag asa? Iyan ang tanong ni Kelvin, Trevor at Hermione sa sarili nila. "Sa loob ng limang minuto ay mag sisimula na ang kompetisyon. Pumila kayo sa harapan ng mga portal, iyan ang magiging daan ninyo patungo sa loob ng Dead Forest." salita ng taga-anunsyo na kumuha sa atensyon ng lahat. "Sa iba''t-ibang panig ng gubat kayo dadalhin ng portal, mag kakahiwa-hiwalay kayong mag kakagrupo. Tandaan, mananalo lamang ang inyong bayan kung kumpleto ang kinatawan. Kailangang buhay kayong tatlo hanggang matapos ang oras ng kumpetisyon." paalala pa nito. Kailangan pala na walang mamatay sa kanilang tatlo, dahil kung manalo man sila pero patay ang isa sa kanila ay wala ring silbi. Pero hindi naman lingid sa kanilang tatlo na hindi ang kumpetisyon na ito ang talagang pakay nila. Ang pakay nila ay pabagsakin ang puno''t-dulo ng lahat ng ito. Ang siyang nagpapatakbo ng walang-awang kumpetisyon na ito. Ang sumasakop sa mga bayan. Ang kumuha ng buhay ng mga taong mahal nila. Ang mga black witch. Dalawang araw ang itatagal ng kompetisyon, at sa dalawang araw na iyon, dapat nilang magawang tatlo ang mga balak nila. "Paniguradong hindi tayo magkakausap gamit lang ang isip, depende nalang kung nasa isang daang kilometro lang ang layo natin sa isa''t-isa. Catoptromancy ang gagamitin natin bilang komunikasyon, huwag niyo lang iwawala ang mga salamin ninyo." wika ni Kelvin. Kinakausap nya si Hermione at Trevor sa pamamagitan ng isip. Sumang-ayon ang dalawa sa plano nya. Dahil nasa unahan ni Hermione at Kelvin si Trevor ay ito ang mauunang pumasok sa portal. Bago siya pumasok ay nilingon niya muna dalawang kaibigan at nginisian ang mga ito. Piping hiniling niya rin na sana ay magtagumpay sila sa plano nila. "Nasaang lugar kayo?" tanong ni Trevor. Nakaharap siya ngayon sa maliit na salamin, katulad ng taktika kung paano nila makakausap ang isa''t-isa na ideya ni Kelvin. "Hindi ko alam, puro puno lang ang nakikita ko." sagot ni Kelvin na palinga-linga sa paligid. "Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako. Natatakluban ng amoy ng puno at bulaklak ang amoy niyong dalawa, hindi ko kayo mahanap." sagot naman ni Hermione. Nasa hilagang parte ng gubat si Hermione, si Kelvin naman ay nasa kanluran habang si Trevor ay nasa silangan. Napag-usapan nila na kapag nakakita sila ng pwedeng palatandaan ay agad nilang ipagbibigay alam iyon sa isa''t-isa. Nag lalakad-lakad sila ngayong tatlo sa gitna ng malawak na gubat. Napalingon si Hermione sa kanan niya ng may marinig siyang kaluskos. "Isang daang kilometro." bulong niya sa sarili niya. Kaagad ngunit palihim niyang hinanap kung saan nag mumula ang kaluskos dahil alam niyang siya ang pakay nito. Nahagip ng mata nya ang isang anino, mabilis itong nawala at hindi malaman ni Hermione kung saan ito nag punta at kung tao ba o halimaw ang may-ari ng anino. Nagkunwari siyang hindi niya napansin iyon, dumiretso siya ng lakad ngunit nananatiling alerto. Makailang ulit nyang narinig ang kaluskos, palapit ng palapit, pero nagpapanggap siya na hindi niya ito naririnig. Huminto siya at nag kunwaring inaayos ang sintas ng sapatos. Habang nakayuko ay pasimple siyang lumingon sa pinanggagalingan ng kaluskos, at sa pag kakataong iyon ay nakita na niya ang may ari ng anino. Isang lalaki na malaki ang pangangatawan at may pilat sa gilid ng kanang mata ang nakita niya. Kung simpleng wizard lang siya ay baka natakot na siya sa lalaki dahil sa mala-batong katawan nito, pero hindi siya simpleng wizard lang. Siya si Hermione Brit, isa sa tatlong wizard na may kakaibang taglay na mahika. Mabilis na tinakbo ni Hermione ang pagitan nilang dalawa. Nagulat ang lalaki sa mabilis na paggalaw niya ngunit agad din itong nakabawi. Sinalubong siya ng lalaki at mabilis na inatake ng suntok ng si Hermione, ngunit sa taglay niyang enhanced senses ay walang kahirap-hirap niya lang na iniiwasan ang mga suntok na ibinibigay ng lalaki. Nang mahawakan ni Hermione ang kamay ng lalaki ay walang pagdadalawang-isip ma pinagyelo niya ang buong katawan nito. Ang atakeng iyon ay isa sa mga bago niyang natutunan. Hindi nakakamatay ang atakeng ginawa niya, mawawalan lamang ng malay ang kung sino mang gamitan nya ng atakeng iyon at kusa rin na matutunaw ang yelo pagkalipas ng labing limamg minuto. Kasalukuyang nakikipaglaban si Trevor sa tatlong S-Class monster. Mabilis niyang napatumba ang isa ngunit ang dalawa ay masyadong mabilis at agresibo. Panay ang subok ng mga halimaw na makuha soya, para ba itong mga gutom na lobo na gusto siyang kainin. Tumalon siya pasampa sa sanga ng puno, nag buo ng bolang apoy sa mag kabila niyang palad at hinintay na makalapit sa kanya ang dalawang halimaw. Nang halos limang metro nalang ang layo sa kanya ng dalawang agresibong halimaw ay mabilis niyang ibinato ang bolang apoy sa direksyon ng mga ito. Sinundan niya pa iyon ng ilan pang bolang apoy hanggang sa mawalan na ng buhay ang dalawang halimaw. Napabuga siya ng hangin at saglit na nagpahinga, bahagyang napagod siya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na ulit siyang maglakad. At hindi pa man siya nakakalayo ay may narinig na naman siyang mga kaluskos. "Halimaw na naman ba? Bakit ba ang lapitin ko ng mga halimaw na ''yan?" inis na tanong niya sa sarili. Pasalampak na umupo sya sa tabi ng isang puno at tamad na inilibot ang mata sa paligid. Nang wala siyang makita ay bumuntong hininga siya. "Kung sino man ang nariyan, lumapit na kayo rito. Wizard ka man, halimaw o kung ano ka man, lumapit ka nalang sa akin. Tinatamad akong hanapin ka." may kalakasang sabi niya. Hindi man siya nakakaramdam ng sakit ay nakakaramdam parin naman siya ng pagod. Gaya nga ng lagi niyang sinasabi: Wizard ako pero tao parin ako. Iba ang taglay kong mahika pero napapagod din ako. Muli niyang narinig ang kaluskos, sinundan ito ng paglitaw ng nakangising babae at lalaki. "Uy, kambal." sa isip-isip niya. "Sectumsempra!" nag-cast ang kambal ng parehas na spell gamit ang kanilang wand pero nanatili pa ring nakaupo si Trevor at hindi manlang binigyan ng pansin ang ginawa nilang pag-atake. Nangunot ang noo ng dalawa ng makita nilang halos gasgas lang ang sugat na natamo ni Trevor. Inaasahan kasi nilang mamamatay si Trevor sa atake nilang iyon pero hindi iyon nangyari. "Nag tataka kayo ano? Hindi tatalab sa akin ang spell na iyan." tamad na sabi ni Trevor. Kumuha siya ng tubig sa dala-dala niyang bag at uminom. "Tubig, gusto niyo?" pagma-mabuting loob niya sa dalawa. Halos maibuga naman ni Trevor ang iniinom nyang tubig ng bigla nalang may pumaligid na apoy sa kaniya. Napatingin siya sa kambal na nakangisi habang nakatingin sa kanya. Pinaikot niya ang mata at dismayadong umiling-iling. "Inaalok na nga kayo ng tubig, ganito pa igaganti ninyo. Tsk." asar na sabi niya. Nabura ang ngisi sa labi ng kambal at nangunot na naman kanilang noo ng mapansing hindi tumatalab ang apoy sa kaniya. Tumayo si Trevor at pinagpag ang kanyang pantalon. Kinontrol niya ang apoy at walang hirap na pinatay iyon. Walang sabi-sabi na inatake niya ng bolang kidlat ang dalawa. Agad na nawalan ng malay ang babae, ang lalaki naman ay nadaplisan lamang sa balikat pero halos hindi na makagalaw. Tinitigan niya ang lalaki. "Hindi tatalab sa akin ang apoy dahil isa akong fire mage." tamad na sabi niya sa lalaki bago ito sinuntok ng malakas sa mukha na agad na naging dahilan upang mawalan ito ng malay. 5 Le Sauveur Hingal na napaupo si Kelvin sa lupa. Katatapos niya lang na kalabanin ang dalawang kapwa niya wizard, apat na S-Class monster at limang kawal ng mga black witch. Oo, pumasok na sa gubat ang mga black witch at sila ang dahilan at siya ring pakay ng mga ito. Papalubog ang araw ng unang may nakalaban na kawal ng mga black witch si Kelvin, at ngayong madilim na ay lalo pang dumarami ang mga black witch na nakakalaban niya. Hindi pa rin sila nag kikita-kitang tatlo. Kanina ng makausap niya si Trevor at Hermione ay wala pa ring maibigay na palatandaan ang mga ito at ganoon dun siya kaya naman hanggang ngayon ay hindi nila malaman kung nasaan ang isa''t isa. Pagod na kumagat sa tinapay si Kelvin pagtapos ay tumingin sa langit. "Alam kong ayos lang si Hermione at Trevor, pero sana naman makita ko na silang dalawa." may bahid ng lungkot na sabi niya. Nang matanggal na ang pagod niya ay nag simula na ulit siyang mag lakad. Hindi niya alam kung saan siya patungo, dire-diretso lang siyang nag lalakad at wala siyang balak na huminto. Pero ang balak niyang iyon ay napurnada kaagad makalipas lang ang ilang minuto. Napatigil siya sa pag lalakad, may naririnig siyang impit na daing ngunit masyado iyong mahina kaya naman hindi niya matukoy kung saang direksyon ito nanggagaling. Pinakinggan niyang mabuti ang impit na daing na naririnig niya. Sinundan niya ang pinagmumulan nito, ang mahinang daing ay unti-unting naging klaro sa pandinig niya tanda na malapit na siya sa kung saan man ito o kanino man ito nanggagaling. Nakarating siya sa isang malaking patay na punong nakatumba, doon nanggagaling ang impit na daing. Sa likod ng nakatumbang puno ay isang babae na may mga paso sa katawan at may malalim na saksak sa likod ang kanyang nakita. Umilaw ng kulay asul ang runes na nakalagay sa kamay niya dahil sa pagkakalapit nilang dalawam. Nawala na sa isip niya ang isa sa patakaran ng kumpetisyon, ang kailangan na may mawalan ng malay o buhay kapag may nakalapit na myembro ng ibang bayan. Walang pagdadalawang isip at walang kahirap-hirap na in-unlock niya ang runes ng babae at sinimulan itong gamutin. Isa sa pinag-aralan nilang tatlo ang panggagamot sa iba gamit ang kanilang elemental magic, mabuti nalang pala at inaral din nila ito. Malaki talaga ang tulong ng abilidad na iyon. "Kapwa ba natin wizard ang gumawa nito sa''yo?" tanong ni Kelvin habang ginagamot ang sugatang babae. Nahihirapan man ay marahang umiling ang babae. "H-Hindi...ang..m-mga b-black wi-witch...s-sila..ang..may g-gawa..." sagot nito na nagpa-kuyom ng kamao at nagpangalit sa panga ni Trevor sa galit. Sa kalagitnaan ng panggagamot niya sa babae ay nawalan ito ng malay. Marami nang nawalang dugo sa babae at marahil ay iyon ang dahilan kung bakit ito nawalan ng malay. Ngunit bago pa man ito mawalan ng malay ay hiniling nitong tulungan din ni Trevor ang isa niya pang kasamahan na inatake rin ng mga black witch, kaya naman ngayon ay papunta siya sa direksyong sinabi ng babae. Alam niyang dapat na hinahanap niya ang mga kasamahan niya, pero hindi naman maaatim ng konsensya na tumuloy sa paghahanap at hayaan nalang ang kasamahan ng babaeng ginamot niya. May tiwala naman siya sa mga kaibigan at alam niyang ligtas ang mga ito, kaya naman uunahin niya muna ang pagtulong kaysa sa pagnais na magkasama-sama na silang tatlo. Ilang metro ang nilakad niya bago matanaw sa di kalayuan ay ang isang duguang babae na nakahandusay sa lupa. Nagmadali siyang lapitan ito, takbo na nga ang ginawa niya. At napailing nalang siya ng mapansin niyang wala ng isang kilometro ang pagitan nila ng babae ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin umiilaw ng kulay asul ang mala-pulseras na runes. Isa lang ang ibig sabihin nito, patay na ang babae. Bumuntong hininga siya at napapikit sa galit. Ang black witch na iyon, sobra talaga ang kasamaan nila. Niyuko niya ang bangkay ng babae. "Hindi man kita kilala at wala man akong nagawang mali sa''yo pero humihingi ako ng tawad. Hindi na ako umabot, pasensya na. Ipinapangako kong gagawin namin ang lahat para lang matigil na ang pananakop ng mga black witch sa ating mga bayan. Bibigyan namin hustisya ang pagkamatay mo at ng iba pa pang pinaslang ng mga itim na mangkukulam na iyo. Pangako iyan." nangagako at matigas niyang sabi bangkay ng babae. Tumayo na siya at kinontrol ang lupa. Gumawa siya ng may kalalimang hukay na eksakto lang para sa babae. Matapos niyang ilibing ang bangkay ng babae ay umusal siya ng dasal at muling nangako na palalayain nilang tatlo ni Hermione at Trevor ang mga bayang nasa ilalim ng mga black witch, ganoon din ang pagbibigay ng hustisya sa mga buhay na kinuha nila. "H-Hindi ba nila tayo patutulugin o kahit pag papahingahin manlang? Kahit kalahating oras lang, pwede na. Kahit nga labing limang minuto nalang." hinihingal na reklamo ni Trevor. "Sira ka ba? Ang pakay nga nila ay patayin tayo kaya tayo inaatake, tapos pahinga naman ang ibabanat mo r''yan." sagot ni Hermione sa kanya. Kasalukuyan silang inaatake ng lampas limampu na mga kawal ng mga black witch. Sa totoo lang ay kanina pa sila inaatake ng mga ito, iyon nga ang naging dahilan kung paano sila nagkitang dalawa. Nagka-salubong sila habang nakikipaglaban sa mga kawal ng black witch. Kakaunti man at hindi malalalim ang mga sugat na mayroon sa katawan nila ay halata naman na ang pagod sa kanilang dalawa. Tagaktak na ang mga pawis nila at hinahabol na rin nila ang kanilang hininga. "Hermione! Ilag!" sigaw ni Trevor ng makita niyang may papuntang itim na mala-liwanag sa gawi ni Hermione. Mabilis na nakaiwas si Hermione, inatake niya ang may gawa ng itim na liwanag ng isang tubig na mala-espada sa talim. Bahagyang nilingon ni Hermione si Trevor. "Salamat." aniya. Sunod-sunod ang ginawang pag-atake ng mga black witch kaya naman wala na silang nagawa kundi atakihin din ang mga ito. Siguro naman ay kahit na pumatay sila rito sa loob ng gubat na ito ay makakalabas parin sila, wala na kasi silang ibang pagpapipilian kundi ang paslangin ang kanilang kalaban. Kung hindi kasi nila iyon gagawin ay paniguradong sila ang mapapaslang. Sa paglaban na ginawa nila ay halos kalahati ng mga black witch ang binawian ng buhay, at ang natitira naman ay mga walang malay at malala ang lagay. "Magpahinga muna tayo kahit?" Sumenyas si Hermione kay Trevor. "Shhh. Tumahimik ka muna, naririnig ko ang boses ni Kelvin." pag putol niya sa sinasabi ng lalaki. Tumahimik naman si Trevor at ginaya si Hermione na seryosong nakikinig, ngunit kahit anong gawin niyang pakikinig ay hindi niya magawang marinig ang boses ni Kelvin. Sumuko na siya at hinintay na lamang na sabihin ni Hermione kung saan niya narinig ang boses ng isa pa nilang kasama. Parehas silang may enhanced hearing pero ''di hamak na mas malayo ang sakop ng naririnig ni Hermione kaysa sa kanya. "Alam ko na kung nasaan siya." may bahid ng tuwa na pahayag ni Hermione at walang sabi-sabing ipinasan si Trevor at nanakbo ng mabilis. Sa gitna ng pagtakbo ay umirap sa hangin ang dalaga. "Hindi mo kayang manakbo ng mabilis kaya huwag ka ng mag reklamo r''yan." wika ni Hermione ng mabasa niya ang iniisip ni Trevor. Mabilis na nakarating silang dalawa sa kinaroroonan ni Kelvin. Napapalibutan ito ng napakaraming kawal ng black witch, at katulad nila ay may mga sugat na rin ito sa katawan, pero kung ikukumpara sa kanilang dalawa ay kitang-kita na mas marami ang sugat nito kaysa sa kanila. Wala ng sinayang na oras si Hermione at Trevor, agad nilang tinulungan si Kelvin na kalabanin ang mga kawal ng black witch. Kinontrol ni Trevor ang panahon, ang tahimik na langit ay napuno ng sunod-sunod na malalakas na kulog at matatalim na kidlat. Kinontrol niya ang mga kidlat at pinatama ito papunta sa harapan niya, pero bago pa man ito tumama sa lupa ay hinuli niya ang kidlat at ginawa niya itong espada at iyon ang ginamit niyang pang-atake sa mga kalaban. Si Hermione naman ay gumawa ng apat na S-Class na halimaw na gawa sa yelo na siyang agad na umatake sa mga black witch. At habang inaatake ng ginawa niyang halimaw ang mga black witch ay umatake rin siya. Pinag-yelo niya ang ilan at ikinulong naman ang iba sa malaking bolang tubig hanggang sa mawalan na ang mga ito ng malay-tao. Pero tila hindi nauubos ang mga kalaban, ang kaninang mga black witch na naabutan nilang kinakalaban ni Kelvin ay ubos na, pero mayroon na namang panibagong dating at nadadagdagan ito ng nadadagdagan. 6 Le Sauveur Lumipas ang halos isang oras na labanan... "Salamat sa pag tulong niyo, akala ko ay dito na ako mamamatay." hingal na sabi ni Kelvin ng sa wakas ay maubos na nila ang mga kalaban. Pagod na sumalampak siya ng upo sa lupa,hindi pa siya nakuntento, humiga siya at ipinikit ang mga mata. "Walang mamamatay sa atin, Kelvin. Lalabas tayo sa gubat na ito at tatalunin pa natin ang mga black witch." seryosong sabi ni Trevor. "Akala ko lang naman." salo kaagad ni Kelvin na nakahiga parin. "Gamutin niyo na ang mga sugat niyo, ang babagal niyo kasing umiwas." singit na pang-aasar ni Hermione sa kanila. Siya kasi ang pinaka-kaunti ang sugat sa kanilang tatlo. "Ikaw na ang mabilis." sarkastikong sabi ng dalawa. "Mabilis talaga ako." nakangising sagot ni Hermione. Nagpahinga sila ng mahigit isang oras. Hindi nila magawang matulog o umidlip manlang kahit na gustong-gusto ng pumikit ng mga mata nila dahil sa mga naririnig nilang kaluskos, lalong-lalo na si Hermione. Alam nilang nasa paligid lang ang mga black witch, nakatago, nagmamasid at naghihintay ng magandang tyempo para atakihin sila. "Sino sa inyong dalawa ang nagpakawala ng ipinagbabawal na hangin?" nandidiring tanong ni Hermione. May naaamoy siyang mabaho kaya naman tinanong niya na agad ang dalawa. "Umutot? Aba! Hindi ako nautot!" mariing pagtanggi ni Trevor at nilingon si Kelvin. "Baka si Kelvin. Kanina pa yan kain ng kain, magbawas ka nga muna doon." "Hoy! Hindi ako umuutot! Makapagbintang kayo ah." depensa naman ni Kelvin. Muling suminghot sa hangin si Hermione, nandoon parin ang mabahong amoy at patindi ng patindi ang amoy nito. "Kung hindi sa inyong dalawa, kanino o saan nanggagaling ang mabahong amoy na iyon?" takang tanong ni Hermione. Nakiamoy na rin ang dalawa. Maging sila ay naaamoy na rin ang sinasabi ni Hermione na mabahong amoy. Nalukot ang noo ni Trevor. "Teka, parang may natatandaan ako tungkol sa mabahong amoy na yan." sambit niya habang hinihimas-himas ang baba. Pinilit niyang alalahanin ang tungkol sa mabahong amoy. Nang maalala niya ay awtomatikong napatayo siya. "Natatandaan ko na! Umalis na tayo dito! Mamamatay tayo!" naguguluhan man ay tumayo na rin si Kelvin at Hermione. Papaalis na sana sila pero hindi nila iyon nagawa dahil sa nakapalibot sa kanilang mga black witch, at hindi lang basta black witch ang mga nakapalibot sa kanila, ang mga nakapalibot sa kanila ay ang mga pinakamalalakas na kawal ng black witch. Gumawa ng dalawang malaking bolang hangin si Trevor at isinuot iyon sa ulo ni Hermione at Kelvin. "Para hindi nyo malanghap ang mabahong amoy. Kapag nalanghap natin ng nalanghap ang amoy na iyon ay mamatay tayo." paliwanag niya. Gumawa rin siya ng para sa kanya at isinuot ito. Kahit na air mage siya ay malalason parin siya ng mabahong amoy na iyon dahil humahalo ito sa hangin at hindi niya ito maaalis. Nag simula ng umatake ang mga kawal ng kalaban. Higit na mas marami ito kaysa sa kanila pero alam nilang kaya nila ang mga ito. Sapat na ang mahigit isang oras nilang pagpapahinga para bawiin ang lakas nila, kahit tatlo lang sila ay mataas ang kumpyansa nila na sila parin ang mananalo. Lampas isang oras ng nakikipaglaban ang tatlo, natatanaw na nila ang papasikat na araw ngunit hindi pa rin nauubos ang mga kalaban dahil imbis na mabawasan ay nadadagdagan pa ang mga ito. Marami silang napapatay pero mas marami ang dumadagdag. Hindi ba sila nauubos? Bakit napakarami nila? Sabagay, buong kaharian ng black witch ang kalaban nila kaya hindi imposible ang napakaraming bilang ng kalaban. "Konting tiis nalang. Kapag naubos na namin ang mga ito ay lalabas na kami sa gubat na ito." sabi nila sa kanilang sarili. Pagod na pagod man ay lumalaban parin silang tatlo. Atake rito, atake roon. Iwas dito, iwas doon. Ilang itim na mahika na rin ang direktang tumatama sa kanila pero tanging sugat lamang ang epekto nito sa kanila, salamat sa spell na inilagay ni Kelvin sa katawan nila. Mataas na ang sikat ng araw ng matapos sila sa pakikipaglaban. Sugatan at nanghihina na silang tatlo pero pinilit nilang bumangon sa pagkakahiga at sumandal sa isang malaking puno. Tinignan ni Kelvin ang runes na nasa kamay niya, sila na lamang ang natitirang buhay sa lahat ng mga lumahok sa kompetisyon. Hindi niya malaman kung ano ba ang dapat na maramdaman niya. Kung matutuwa ba siya dahil sila ang nananalo o lalong magagalit sa mga black witch dahil sa dami ng bilang ng mga wizard na namatay. "Tayo nalang ang natitirang buhay, tayo ang nanalo sa kompetisyon." pagod na pagpapaalam niya kina Trevor at Hermione. "Nagawa nating manalo, buhay pa rin tayo hanggang ngayon kahit pa na maging ang mga black witch ay kinalaban tayo. Sa dami ng kinalaban nating mga black witch, siguradong kakaunti nalang ang bilang nila sa kanilang lugar." sabi naman ni Trevor. "Nagawa nating matalo ang halos hindi mabilang na mga kawal ng black witch, paniguradong makakaya natin ang mga natitira pang kalaban. Pero sa ngayon, mag pahinga muna tayo. Bawiin muna natin ang mga lakas natin bago tayo sumugod sa lugar nila." hindi man sumagot si Trevor at Kelvin ay sang-ayon naman sila sa sinabi ni Hermione. Napangiti ang dalawang lalaki ng makita nilang may lumulutang na mala-bulang tubig sa harapan nila, galing iyon kay Hermione. Ang mga pag-kain at tubig kasi nila ay nawala sa gitna ng kanilang pakikipaglaban kaya kahit gusto nilang uminom o kumain ay hindi nila magawa. Sa ngayon ay tubig lang ni Hermione ang mailalaman nila sa kumakalam nilang tiyan, kailantan na makahanap sila ng pagkain dahil hindi iyon sapat. Nag linis din sila ng katawan nila gamit ang tubig ni Hermione. Nang medyo wala na ang pagod nila ay naghanap sila ng prutas na makakain. Kahit na nakailang inom sila ng tubig ay kumakalam parin ang sikmura nila sa gutom, kaya naman ng makakita sila ng puno ng saging na may bunga ay tyinaga na nila ito kahit na ito ay hilaw pa. "Pwede na ito, kaysa naman malunod tayo sa kakainom ng tubig ni Hermione. Tyaga-tyaga nalang muna, saka na ang nilaga." komento ni Trevor na nakapagpatawa sa kanilang tatlo. Idinaan nalang nila sa pagtawa ang pagkain ng mapakla na medyo may kapaitang hilaw na saging. Tama si Trevor, tyaga-tyaga lang muna. Matapos nilang kumain at saglit na pagpapahinga ay napagpasyahan na nilang lumabas ng gubat. Nakalabas na sila ng gubat ngunit muli na naman silang lumalaban. May mga nakaabang na black witch sa labas ng gubat at talagang hinihintay ng mga ito ang pag labas ng tatlo. Hindi tumagal ang pakikipaglaban nila dahil kumpara kanina ay mas determinado na sila na tapusin ang pag hahari ng mga black witch. Nanalo sila sa kumpetisyon kahit na hindi patas ang laban dahil sa mga black witch, ngayon pa ba sila hindi magiging determinado? Kailangan naming pabagsakin ang mga black witch. Kailangan naming mapalaya ang mga bayan na sinakop nila. Kailangan naming iligtas ang mundo. Iyan ang tatlong bagay na nakatatak sa utak nila. Walang kahit isang bakas ng takot o pag-aalinlangan sa mga mukha nila. Lahat ng mga sumasalubong na black witch sa tatlo ay walang hirap nilang napapatumba. At hindi katulad ng kanina sa gubat, ngayon ay pinapaslang na nila ang mga kalaban. Umabot na sila sa pinaka kaharian ng mga black witch. Tuloy parin ang pakikipaglaban. At habang tumatagal ay papalakas na rin ng papalakas ang kanilang mga kinakalaban. Nang maubos nila ang kumpol ng kawal ay nagkatinginan silang tatlo at sabay-sabay na napatango. Itotodo na nila ang mahika nila. Hindi na nila pipigilin ang galit na kinikimkim nila hanggang ngayon. Dahil kapag narating na nila ang pinakahuling palapag ng palasyong nasa harapan nila ay matatapos na ang lahat, tatapusin na nila ang pinaka-ugat ng lahat ng kaguluhan: Ang hari at reyna ng mga black witch. Ang hari at reyna ng mga black witch ay hindi na alam ang gagawin dahil alam nila nahabang papalapit ng papalapit ang tatlong estudyante ay papalapit na rin ng papalapit sa kanila ang kanilang katapusan. Nagtatalo pa ang mag-asawang magkukulam, nagsisisihan kung sino ang may kasalanan kung bakit may buhay na wizard na mayroong kakaibang mahika. Kung bakit may buhay pa na wizard na nagtataglay ng kapangyarihang pinakamalas sa lahat. Kung bakit may buhay pang wizard na siyang kinatatakutan nila,na siyang tatapos sa kanila. Nang magkaharap-harap silang lima ay sinubukan pang lumaban ng hari at reyna sa tatlong estudyante pero wala rin itong nagawa. Higit na mas malakas ang tatlo sa kanilang dalawa. Lahat ng ginagawa nilang atake ay baliwala lamang kay Hermione, Trevor at Kelvin. Duguan na gumapang ang hari at reyna, nagbabakasakali na sa paggapang nilang iyon ay makakatakas sila. At nagsayang lang sila ng pagod, dahil sa isang iglap lang ay nasa harapan na nila ang tatlo. "Katapusan niyo na." sabay-sabay na sabi ni Hermione, Trevor at Kelvin. Sabay-sabay nilang inatake ng ubod ng lakas na mahika ang hari at reyna na hindi na nila nagawang iwasan. Ang buong palasyo ay halos gumuho na dahil sa lakas ng pag sabog na nangyari. 7 Le Sauveur "Tapos na..Tapos na ang lahat, wala ng ang mga black witch..." pabulong na sabi ni Trevor, pero kahit na pabulong lang iyon ay bakas na bakas doon ang tuwang nararamdaman niya. Bakas na bakas din sa mukha niya ang saya, sino ba naman ang hindi sasaya sa paglaya sa pananakop? Ngumiti si Hermione at Kelvin. "Oo, tapos na. Sa wakas, malaya na tayong lahat." masayang wika ng dalawa na katulad ni Trevor ay bakas na bakas din sa mukha ang tuwang nararamdaman. Makalipas ang ilang segundo ay doon nila naramdaman ang pagod, halos sabay-sabay na bumigay ang mga tuhod nila at napaupo. Ang mga mata nila, gustong-gusto na ng mga ito na pumikit ang matuloy. Ang mga kamay, braso, paa at binti nila, halos hindi na nila ito maigalaw. Ramdam na rin nila ang hapdi, kirot at sakit na dulot ng mga sugat na natamo nila. At syempre, naramdaman din nila ang gutom. Tanging ang hilaw na saging at ang tubig na mula kay Hermione ang laman ng tiyan nila. "Hindi ko na kayang igalaw ang katawan ko." ani Hermione na nakahiga sa isang malaking tipak ng bato. Ang nakasandal na si Trevor ay nilingon siya. "Hindi ka nag-iisa, Hermione. Hindi ko nga malamam kung namamanhid na ba ang buo kong katawan o kung ano. ''Yong tiyan ko, siguro kung kakain ako ngayon ay makakaubos ako ng isang malaking kalderong kanin. Gutom na gutom na ako." daing din nito. "Pare-parehas lang tayo. Ako nga, hindi ko matukoy kung sobrang sakit ba ang kanang braso ko o hindi, pakiramdam ko kasi ay masakit pero pakiramdam ko rin ay hindi. Nasanay na ata sa sakit ang katawan ko kaya hindi ko na matukoy kung nasasaktan ba ako o hindi." reklamo naman ni Kelvin na nakahiga rin katulad ni Hermione. Dahan-dahan na bumangon sa pagkakahiga si Hermione at naupo. "Kaya niyo pa bang maglakad?" tanong niya sa dalawang kaibigan. Pagod na umiling ang mga ito bilang sagot. "Ako rin, hindi ko rin kaya. Bawiin muna natin ang lakas natin, ubos na naman ang mga itim na mangkukulam." aniya at bumalik sa pagkakahiga. Makalipas ang isang linggo... Sa loob ng pitong araw na lumipas ay walang ibang ginawa ang tatlo kundi ang kumain, magpahinga at matulog. Sa pinaka-sikat na ospital ng kanilang bayan sila nakatigil at parang hari at reyna sila kung ituring ng mga doktor at nurse. Marami ring nagpapadala ng masasarap na pagkain sa kanila, mga gulay, prutas, mga regalo, alahas at pera. Mayroon pa ngang nagbigay sa kanila ng titulo ng lupa na may nakatayo ng bahay. Sa tutuusin ay hindi naman nila iyon kailangan, ilang beses din nila iton tinanggihan pero wala silang nagawa dahil mapipilit ang mga nagbibigay sa kanila. Wala pa raw ang mga bagay na ibinibigay nila sa nagawa nila. Pasasalamat lang daw iyon, kaya naman tinanggap nalang nila. At ngayon, magkakasabay na naglalakad pababa sa entablado si Trevor, Hermione at Kelvin. Katatapos lamang silang bigyan ng parangal ng mga kinatawan ng iba''t-ibang bayan na dumayo pa sa kanilang lugat upang personal na makapagpasalamat sa kanila. Hindi magkamayaw ang mga ito sa pasasalamat, minsan nga ay napapangiwi nalang sila o napapakamot sa ulo dahil hindi sila sanay sa ganoong sitwasyon. "Muli nating palakpakan ang tatlong matatapang na estudyante na nagbigay sa atin ng kalayaan! Hermione, Trevon at Kelvin, maraming-maraming salamat sa inyo!" "MABUHAY ANG ATING MGA TAGAPAGLIGTAS!" "Sinong mag aakala na ang isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa ay ang magliligtas pala sa mundo nila?" nakangiting tanong ng isang ginang sa mga batang masayang nakikinig sa kanya. "Nagustuhan niyo ba ang ikwinento niya?" tanong naman ng ginoong katabi ng ginang. "Hindi ko nagustuhan iyong kwento niya, kaunti lang ang eksena ni Trevor." komento naman ng isa pang ginoo na nakahilig naman sa ilalim ng puno. "Totoo po ba ang kwentong yan o gawa-gawa niyo lang po?" tanong ng isang batang babae. Nagkatinginan silang tatlo pagtapos ay sabay-sabay na ngumiti at tumango. Lumipas man ang panahon ay hindi noon nabago ang pagkakaibigan nilang tatlo, nananatiling matatag ang kanilang pagkakaibigan at samahan. Hanggang ngayon ay kinikilala parin silang bayani. At hanggang ngayon, kahit na ma-edad na sila ay patuloy parin nilang pinoprotektahan ang mga tao at tumutulong sa nangangailangan. Sila si Trevor, Hermione at Kelvin. Isang sakit sa ulo, isang weird at isang lampa na bumago sa buhay ng lahat. At sila? Sila ang tagapagligtas. *WAKAS*